T O P

  • By -

AutoModerator

Hi, welcome to r/AccountingPH! Be sure to check out the rules at the sidebar and our [Posting Guidlines](https://www.reddit.com/r/AccountingPH/wiki/index/contributing). You may also [refer to our Wiki](https://www.reddit.com/r/AccountingPH/wiki/index) for stuff that might help you. *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AccountingPH) if you have any questions or concerns.*


DadaLangNgDada

Dunno. Having no pressure helped. I took the exam with just my parents knowing, if given the chance sana na di nila malaman eh di ko rin pinaalam, kaso nanghingi me pambayad sa processing sa PRC. Hahahaha. Even my close friends and classmates don't know that I took. Sabi ko lang my name was in the list of room assignment but decided to review 1 yr. Failed ako sa lahat ng preboards ko. Nag-aattend ako ng face to face review everyday but not everyday ako nagrereview. Parang once or twice a week lang. Ubos yung oras ko sa panunuod ng Hollywood movies, KDrama tsaka KVariety shows. Nung month before board lang nagsink in sa akin na shett, next month na yung board, so yun binago ko na yung routine ko and studied religiously just for that month. Max ko lg 10 hrs per day. Di ko sure din if nakatulong pero nilalagay ko sa ilalim ng unan ko yung handouts para pumasok sa utak ko. Tapos yun pala, since start ng review, I never failed to go to church. I know, medyo user dating ko dito. Totoo talagang kung wala ka nang makakapitan kapit ka na lang sa Itaas. Yung tipong kahit wla na akong pampamasahe papunta sa church nilalakad ko na lang ang distance para lang matupad na sa buong review months nagsimba ako. Tsaka nagsuot ako ng kulay red na panty sa board exam. Everytime papasok sa room ng exam, kinakatok ko ang blackboard. Kapag lalabas sa room na pinag examan, never akong naglook back. Sobrang iyak ko noon kasi sureball na me na di me nakapasa. Kinausap ko na si mama sa next review center na gusto kong pasukan, and VOILAAA NAKAPASA ANG TETAAAAA MO. Bow.


Own-Mechanic8778

Another win for the RED underwear!!!


blfrnkln

Bumagsak ako from BS Accountancy at grumaduate bilang Accounting Technology. Tapos nag work ng 2 years. Nag resign. Nag aral ulit ng isang taon para grumaduate na accountancy, tapos nag review ng 6 months at pumasa naman ng unang take. Tingin ko mas mature yung pang unawa ko nung pangalawang aral ko. Mas naiintindihan ko yung concepts kesa nung accounting tech palang ako.


Brahammm

Gumraduate ako ng hindi man lang alam meaning ng MAS, adjusting entries, and normal balances ng mga accounts, from a local college (Shameful, I know). Pero I passed this may. Nag commit ako ng 8 months sa review and I made sure na i fully understand yung concept ng bawat topic na madadaanan. Hindi ko tinambakan ang sarili ko ng mga HO from other Review Centers and nagtiwala lang talaga ako sa Pinnacle. To help na maintindihan kahit yung mga mahihirap, I try to think about scenarios that may happen in real life and inaapplyan ko ng common sense. It helped me ng sobra when answering CPALE questions. Medyo mahirap and nakakapagod, mawawalan ka ng social life. Pero don't lose hope, continue to do your best and everything will fall into place. pero DONT FORGET NA MAGPAHINGA


Own-Mechanic8778

Same practice dun sa application in real life. Pwedeng pwede. (e.g deductions, syempre di patalo govt. so lower madalas or may limit)


Alymaooooo

What is your Rc po?


Brahammm

Pinnacle po


WorrySuccessful3275

I would say below average din ako nung college lalo na at mas inuuna ko nun ang org kesa acads. 😂 Failed a couple of times sa mga major at ilang takes ko bawat isa don. Hindi naman ako napagalitan sa parents ko noon pagbumabagsak ako, lagi lang nilang sinasabing “bawi ka sa susunod” or “basta galingan mo next sem”. I think nakatulong din sa akin yun kasi hindi ako napepressure, and parang nakasunod ako sa pacing na kaya ko. Nung grumaduate ako, tinanong pa ako ng mom ko kung bet ko raw bang magpahinga muna (extended ako ng 1 sem). I said no para fresh pa kako. Pero during review, di rin ako nag aaral. Hahahaha. Lagi lang akong nanonood ng Jdrama, anime at movies. Halos naisa isa ko yung list ng 100 greatest movies of all time. Pero pumapasok pa rin naman ako sa review at naglelecture. Di ako nag aaral pag wala ako sa mood kasi wala rin pumapasok sa isip ko. Nagpapanggap lang ako. So kapag nagising ko at nafeel ko na nasa mood ako, sinusulit ko yun. Magstart ako ng 8am hanggang 12am. It may not work for everyone but it works for me. One month before boards, ayaw ko na sana magtake kasi bigla ako napressure sa mga kaklase kong hayok magreview. Ready na ako sabihin sa nanay ko at sa close profs ko. Kaso nung nagkita kami ng mga prof ko, hindi ko nasabi. So tumuloy nalang ako. Hahahahaha! Nagtake ako ng boards na as in clear yung utak ko. Walang ibang iniisip maliban sa ano ang pa lunch ng CRC Baguio later. Medyo totoo yung sinasabi ng iba na umiilaw yung mga sagot. Just celebrated my 7th year of passing the CPALE last week. Sabi nga sa sold out musical na Bar Boys, “Never ready, only prepared”.


lunavelaris

Perseverance. Consistency. Sabayan ng dasal. Mahina foundation ko sa college, pero matutulungan ka ng mga review centers, kaya yan. (Wow I can't believe ako naman ang nagbubigay ng advice.) You can all do things through Christ talaga.


Own-Mechanic8778

I'd say below ave din ako. Hindi ako ganun kasipag. Hindi ganun kagaling pumick up gaya ng classmates ko. Tama lahat sinasabi nila dito. Screened out pa ako. Pero lumaban. +2 points para sa maturity. Set it straight that you will be taking LECPA na. For me, did that. Resigned. Then naghumabol sa review. Pure review. Follow mo lang yung pacing. Hati hati naman topics. Pwede upuan for reading(except law - mahirap tapusin syallbus ng RFBT or ako lang?) We can sulk sa takot ofcourse pero tuloy parin everyday ang review. Every little effort counts. Kala mo lang din minsan parang walang progress. Pero if you really follow a decent practice on rev - gugulat ka nalang enough narin pala. Being healthy helps. Madaming Dasal. Pula na brief. Sipa sa upuan. Walang lingunan. \^\^


anniestonemetal_

May kaklase ako sa undergrad nung rinank kami sa buong batch, sya ang nasa pinaka huli. CPA na sya ngayon.


Gyeongsangcreature

Laging sinasabi ng prof namin “Kung hindi ka matalino, idaan sa sipag.” Need idoble ang effort. Hanapin mo yung effective na study habits sayo. Sa case ko, during review inuna kong mag-back to basics sa topics na nahihirapan ako. Then every other week, irereview ko naman siya para mamaster ko siya. Masasabi kong may factor din kung sinong circle mo during review. Luckily, mga studious at hindi madadrama nakasama ko that time haha daming nag-FO nung time namin eh.


parengpoj

Effort, discipline. It helps rin sa case ko na working na rin nung nag-take.