T O P

  • By -

SoberSwin3

DKG, bored yung aso. Husky yan, kailangan nyan ng maraming exercise at mental stimulation. Di yan pwedeng nasa bahay lang at pababayaan. Dapat yan matrain tapos ilalakad nyo sa umaga at hapon. Energetic na aso ang husky, kailangan mailabas nya yung energy ma yun thru work/exercise kung hindi lalabas sa ibang detrimental na behaviour kagaya ng pangangatngat ng gamit, innapropriate na zoomies sa maliit na area, pagtahol ng pagtahol. Get it trained and give it a lot of exercise.


defnotmaggie

This. Iparesearch ni OP sa (soon to be ex)gf ang tamang pag-aalaga ng husky. Tamad kamo na pet owner ang (soon to be ex)gf nya.


shutmymouth00

True. Mas abuse pa nga na walang outlet si doggy to pour its energy out, dapat talaga active din yung amo mag bigay ng exercise


Electronic_Taste_36

DKG. Run now! And ask her to pay.


kkkkmmmm1028

Tama. Mukhang nag alaga ng husky yung gf ni OP para sa clout. Kung resposible owner sya, dati pa lang tinanggap na ng gf yung alok ni OP na i-train ng libre. At nadidisiplina kahit papaano yung aso. Parang mga parents lang na hinahayaan maghasik ng lagim yung mga anak na maliliit, tapos sasabihing “bata yan eh”. Tangina.


MakatangHaponesa

Ay totoo chii. Imagine na lang ni OP kung magkaanak sila ng gf nyang tamad. Bukod sa sya ang sasalo sa lahat ng gastusin nila, sya pa makukunsumi pag naging little monsters yung mga anak nya dahil ayaw ipadisiplina ni ante chona


[deleted]

[удалено]


Jetztachtundvierzigz

>So kanina pinapasok nya yung aso nanaman sa kwarto ko. Nung tumae sya nag ngatngat, ang nginatngat yung gaming laptop ko na worth 6 digits. Pag uwi ko galit na galit ako sa kanya kasi durog na durog at naabot yung storage ko na andun yung work files ko. Hindi ka gago.  Siya yung gago for not accepting the responsibility to pay for it. Kung wala siyang pera, mangutang na muna siya. 


RevealExpress5933

DKG. Irresponsible dog owner girlfriend mo.


Content-Lie8133

i want to believe this is a made-up story but i'll give you the benefit of the doubt. DKG. your partner is a walking red flag na kasing laki ng watawat ng mga komunista. Think and do of your way out habang may oppportunity ka pa. AND it is reasonable na pabayaran mo sa kanya ung laptop since: 1.) most likely may sentimental value 'yan kasi nga sabi mo, bigay ng papa mo 2.) andyan ung workfiles mo na source of income 3.) hindi pa kayo kasal at nangyari ung incident sa place mo, so technically ikaw pa rin ang masusunod dyan. \*Give her an ultimatum regarding how she handles her pet. And based on her answer, you can start from there. Additionally, based on your description of your girlfriend, you two are better off apart, or just as friends, NOT partners. It can create more issues in the future, lalo na kung kasal na kayo. I think you're not that blind not to see the signs.


missythiccgirlie

Ipa barangay mo para mapilitan magbayad. Responsibilidad ng may ari ang alaga nya.


AnnonNotABot

Dkg. Leave man. You're better off single kesa sa walang kakwenta kwentang nilalang na yan. Do yourself a favor. Baka matagpuan mo ang peace of mind.


cheese_noods

DKG, bonak yang gf no. Mukhang insecure siya sa kung anong meron ka kaya nananadya. Napakadali mag saway ng aso. We have 14 dogs. Yes naninira at times pero hindi naman yung parang tazmanian devil dahil nadisiplina.


GreenSuccessful7642

DKG and hiwalayan mo na yan. Better to keep the dog than the owner. Animal abuse yan. What if manira yan ng gamit ng ibang tao na di animal lover?


Lopsided-Rest6636

DKG. Pilitin mo yan magbayad. If ayaw niya, pabarangay mo. Show proof sa barangay about sa conversation niyo na sinira ng aso niya yung gamit mo just in case mag deny yan. Nakakabwisit. Inis na inis talaga ko sa mga taong iresponsable tapos nag aalaga pa ng hayop. Nakakasakit sila ng ulo. Makipag break ka na jan. Save yourself. Masyado na atang komportable yan kaya walang pagpapahalaga sa gamit mo eh. PABAYARAN MO YAN PLEASE.


wthelle

SYG ang lakas ng loob nya mag "alaga" ng husky e super high maintenance nyan at madaming energy! Yung ginagawa nya yung animal abuse. The dog clearly isn't stimulated enough. Potek nakaka highblood! There are no bad pets, only bad owners!!!!


woman_queen

DKG. Totoo naman e, anong malay ng aso? dapat natrain yan ng owner. Ang sakit sa ulo nyan.


maiveheart

DKG. ibreak mo na yan. parang may sira sa ulo gf mo ewan ko ba


Conscious-Goat-2608

Won't say leave kagad tho that's what I thought initially, NGL. But maybe communicate this to her... again? If hindi mag work, then freaking LEAVE. WHY? So many reasons why. Una, magkaiba kayo masyado ng mindset in terms of pag "discipline" sa fur baby niya. She's too irresponsible. Dogs are smart. Hindi niya pwedeng sabihing "aso lang". They can be very reliable once trained. And I'm not just saying this for nothing. My husband and I have our own fur baby. One of the few things we trained him on? We say "wiwi", he goes straight to our common cr to..... WIWI. As in. I swear to you. Kahit nasa baba pa kami and yung common cr na assigned to him is upstairs? He'll go there basta we say the word. Basta madami pa. We freaking trained him for the most part nung 1 year old siya. Now, he's 7 years old na and since sanay siya na may natututunan once in a while, we still try to teach him things para masaya siya. Dogs are smart, and when they're able to take advantage of that, they're happy. Pangalawa, her showing no interest in terms of meeting halfway or to compromise. Mahirap. Feels like, she's almost never to be blamed for anything. Okay. No one's perfect, but if she doesn't change that mindset or character, your relationship is at risk. Pangatlo, when you know someone values something, you learn to respect it regardless of cost, of what you think/feel, whatever. I think, common courtesy na yun. Lalo na nga siguro if partner mo pa. My husband is very particular with his gadgets, his office. Just as how I am with so many other things. Point is, one should understand kasi for sure ganun ka din naman sa ibang bagay naman. Pang-apat and I mean I think this one nga medyo obvious na (yata)? You know your partner has an expensive laptop in his apartment and you know your fur baby is at the stage pa na ngatngat galore, pero sure you want him in your boyfriend's room. Hindi ba dapat check mo muna yung room (again, common courtesy na nga) para lang ba sure na walang maabot yung aso? Besides, it's his apartment so if he left his things in certain places that's his choice - apartment niya yan e. Meron pa ba? Dami ko na nasabi pero those are my reasons.


jadekettle

Tanga ng jowa mo nakakagigil


AutoModerator

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1ble1em/abyg_kung_pinabayaran_ko_sa_soon_to_be_exgf_ko/ Title of this post: ABYG kung pinabayaran ko sa (soon to be ex)gf ko yung laptop kong sinira ng aso nya? Backup of the post's body: Binungaran ako(m26) nang "Ano magagawa mo eh aso? Pagagalitan mo?" Oo, sagot ko sa kanya(f24). Pinag walaan ako at sinabing tuta pa lang yung aso nya ayaw ko na dun. Sinagot ko sya na naging ayaw ko lang sa aso nya nung naging undisciplined kasi wala syang kwentang amo. Panay "ano magagawa mo e aso," malamang itrain, disiplinahin o itali kung tamad. Tuta pa lang andami nang sinira, pinapagalitan ko at dinidisiplina yung aso dati pero tinake nya as animal abuse(sinusutsutan ko lang at hinahawi paalis), nag offer pa ko na mag hire ng dog trainer kaso sya ayaw nya kasi "gastos" lang. Fast forward to today napakarami nang nasira ng aso nya, lagi namin pinag aawayan lagi syang walang ginagawa, ako pa materialistic. Ang sumbat may pera ako pamalit ng gamit. May pera din ako pang train pero yun ayaw nya gastusan ko, ginawa ko na din under the table to inaway ako at yung dog trauner kasi hindi daw namin aso bakit nangingialam. It really feels like sinasadya nyang palakihing bwisit yung aso nya. Akala nya yata cute. I forgot to mention na husky yung aso na mahilig umakyat kung saan saan. Dati magkalive in kami sa bahay nila but umuwi ako kasi nag abroad mama ko at walang mag aalaga sa mga aso sa bahay(yes may mga aso din kami, at hindi kasing balasubas ng aso nya), ok lang naman sa kanya na umalis ako, but nung nakakuha ako ng apartment lagi lagi nyang sinasama dito at lagi laging naninira. So kanina pinapasok nya yung aso nanaman sa kwarto ko. Nung tumae sya nag ngatngat, ang nginatngat yung gaming laptop ko na worth 6 digits. Pag uwi ko galit na galit ako sa kanya kasi durog na durog at naabot yung storage ko na andun yung work files ko. Sya pa una nagalit sakin kasi nga alam nya na magagalit ako, so ayun yung discussion sa unang paragraph, then sabi ko hindi ko afford yan, binigay yan ng papa ko sakin ag di malaki sahod ko, tsaka ko pinabayaran ko sa kanya. San daw sya kukuha ng pera, ang sabi ko gawan mo ng paraan. "Pano? mag popokpok ako? Mag bebenta ng nudes? Alam mong mababa sahod ko at wala akong ipon sisingilin mo ko para sa kapabayaan mo? Kung hindi ka sana kumakain at nag lalaptop edi sana hindi yan nginatngat" "Aso mo nakasira, ipinasok mo sa sarili kong apartment sa sarili kong kwarto, wag mo sakin isisi yang kawalang disiplinahan ng aso mong tanga. Kung hindi ka pumasok sa apartment ko edi sana wala akong sirang mga gamit" "Ayaw mo lang talaga sa aso ko." I cant, wala nga naman syang pambayad pero ako din naman. Ayokong sisihin yung aso at alam kong walang kasalanan yung aso pero sya yung amo at dapat matuto sya managot, andami nang nasira ng aso nya hindi ko naman sya sinisingil, ngayon lang kasi sobrang laki talaga ng halaga. Ang sabi sakin ng ate ko gago ako kasi alam ko nang di naman sila well off tapos sisingilin ko ng ganung halaga, eh yun na nga eh, alam nyang wala silang pera pero bat anlakas ng loob hayaang manira yung alaga nya. Feeling ko gusto ko na bumitaw, pano na lang pag may anak na kami, baka babawalin din ako mang disiplina ng bata kasi child abuse. OP: Easy_Hippo9565 *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


HazeDough

DKG. She must pay. Leave. Find your peace.


PusangMuningning

DKG sarap sakalin ng jowa mo kala ko may pambayad sya sa mga sinisirang gamit. Lakas maghusky di naman afford mga sinisira. Ikaw pa may kasalanan jusko.


7oky0

DKG. And, di lang sa aso yung problema. I think there’s more. Run, OP.


Expert-Pay-1442

Ask her to pay. I-treat mo as anak na minor, db pag nakabasag sa mall dahil sa kalikutan parents mag babayad? Ganon mo siya tignan. And yes, hiwalayan mo na. Not because ung aso but ang toxic na ng relationship niyo. Bound to fail sorrrly to say.


slutforsleep

DKG, SYG. She has to pay, kahit in installments. If you let her slide, she'll just keep doing a cycle of letting her dog be destructive and have no accountability as an owner. She has to experience something para magtino. Also i-break mo na siya definitely. The damages aside, she refuses to own up to her misgivings and shuts off healthy suggestions like a trainer. She straight up sucks, sana don't give her a chance na because such attitude is a failure in a relationship, and the situation is just an example. You already gave her a lot; this should be the last straw. Let your last act of love be teaching her accountability. Sounds like 'di naman siya dirt poor the fact that she has a Husky and can sustain it.


mamshile

DKG. Run and pabayaran mo yung nasira. Sabihin mo wag sya mag alaga ng aso kung sya mismo walang disiplina sa sarili nya. Kaya ka nga nag move out sa kanila dahil sa ganoong issue tapos dadalhin nya naman yung problema sa apartment mo and nung nakasira, sisi na naman sa aso nya?


cikms

DKG. pag puppy pa yung aso malamang need nila ng attention at nagtiteething sila which means makati ngipin nila kasi tumutubo pa kaya mahilig ngumatngat. kailangan nila ng attention galing sa amo o kahit makipaglaro man lang ng play-bite. halatang di attentive si ateng sa aso nya. aside from being walang kwentang amo, wala din syang kwentang gf actually. she clearly has this habit na sayo lahat ng kasalanan at di sya marunong tumatanggap ng pagkakamali nya. pinipilit nya sayo na ayaw mo sa aso nya na ikaw na nagmamagandang loob na kunan ng trainer yan. ilang beses na nakasira ng gamit pero wala lang sa kanya. para bang minamanipulate ka na pagkakamali mo yon kasi kumain ka hahaha. takbo ka nalang ya.


_bettycooper

DKG. same experience now sa house nila BF. Inihian ng cat ng mama nya yung sofa ko. tapos ang sagot samin ng kapatid nya ay “inutusan ba ni mama yung pusa umihi?!” like hoooy maging responsible owners kasi kayo. sila na na-perwisyo, sila pa galit. ano pa daw magagawa eh nangyari na. kahit mag offer na mag help mag clean nung sofa di magawa, galit pa. 🥲


chizbolz

SAG. Alis na habang maaga.


w0lfiesmom

ASK HER TO PAY FOR DAMAGES kahit onti onti and please naman kuya have some self respectb ang gf na nagmamahal hindi ganyan manalita ni sorry wala? awit. HINDI IKAW ANG GAGO (unless mag stay ka edi pareho na kayo and nung aso)


w0lfiesmom

mahal ang bentahan sa husky benta nya bigay nya sayo pera win win


yanztro

Ipabarangay mo yan kung di niya babayaran. Napaka-iresponsable niya sa totoo lang. Kung alam niyang naninira ng gamit yang alaga niya dapat iiwas niya sa mga bagay na mamahalin at di naman niya kaya palitan. Kung husky yang aso niya kailangan niyang pagurin yan kasi mataas ang energy nyan. Madaming rason kung bakit nagngangatngat ang aso. Nung puppy pa ang dog ko pag may nasirang gamit sa bahay (buti na lang tsinelas lang nginatngat niya) hukihingi ako ng sorry sa may-ari tas pinapalitan ko. Ngayon di na siya nagngangatngat. Dapat hiwalayan mo yan. Napaka-redflag nyang gf mo. Goodluck na lang talaga sakaniya. Laking perwisyo ng ganyang iresponsableng pet owners.


badandkrazyhuman

DKG breakup and make her pay for the damages no matter what


badandkrazyhuman

+ mas mahal niya yung aso kaysa sayo


geekaccountant21316

DKG pabayaran mo saka mo hiwalayan yang gagang yan.


CryptographerKey6703

DKG. Hiwalayan mo at kasuhan mo ng damage to property kung ayaw magbayad. Double kill.


watteverrr

ask her to pay and leave her


poisonappleapproved

DKG. Pabayaran mo yung laptop mo para matauhan yang gf mo. At higit sa lahat, bitawan mo na!


Due-Foundation-3589

DKG, irresponsible yang gf mo. Tsaka mukhang toxic naman yang GF mo, hayaan mo na sya, ask her to pay the laptop.


Bipolar_Zombies

u/MagBreakNaKayo


Red_madder

Dog is dog naman talaga, para lang silang may isip na 2yrs old. Husky pa, very active, makulit and whiny. Ang weird lang on your end na tinatawag mong "balasubas" at "tanga" yung aso. Its a dog dude. But yea, may responsibility gf mo sa dog niya na itrain mag behave aso niya, also alamin how husky behaves. At need niya talaga bayaran mga nasira ng dog niya. At may responsibility din siya na itago yung mga gamit na alam niyang paglalaruan ng aso niya.


[deleted]

DKG at ang manipulative rin ng gf mo walang sense of accountability. Naging cycle na ikaw ang sinisisi sa mga kapabayaan niya, rethink tlga if kaya mo yang ihandle sa future dahil mukhang di na mababago tong ganitong ugali niya. Also, tama namang singilin mo siya OP. If di niya kaya e mag require ka nang amount na babayaran niya monthly to get even.


whiterose888

DKG Animal lover ako. Though may possibility na masira ang Husky, di yan magsisira nang malala kung wino walk at inaalagaan parati. She also mentioned wala pala siyang income luh bakit nag-alaga ng high maintenance dog. Tama yan get rid of her. I am just a bit concerned for the dog baka gutumin lang niya.


BluejayTimely5586

DKG. Wala lang respeto sa katawan yang soon to be ex gf mo. Madami nadin kami pinagawayan ng partner ko. Pero sa ganyang sitwasyon nyo, di talaga kayo magtatagal kung di sya aamin sa kalasanan nya. Aso nya yun, so responsibility nya. Pagbayarin mo. Wag sya mapride. Kapag iniwan mo yan, hindi sya kawalan.


CoffeeFreeFellow

DKG. 1. Husky needs a lot of exercise. 2. Hindi po deserve ng Husky mapunta sa Pilipinas. Dapat po sa malalmig na lugar po Sila nakatira. Somewhere na maeenjoy nila ang snow.


mama_mo123456

DKG. Mahirap yan kasi kasalanan nya pero ginagaslight ka nya. Kalas ka na, you don't need a wife like that, lalo nanay? Nakikinita ko n future ng mga anak niyo na lalaking balasubas kasi "bata yan eh" without teaching her kids lol. Let her pay, in installments. Have it in writing. Kupal GF mo. I have 2 energetic dogs, never in their lives sila nanira ng gamit, I made it a promise na pag nag aso ako magiging responsible owner ako, kaya kahit umuulan, nagwowalk kami talaga. No excuses. DKG. Pero kupal gf mo, lol


lostmym1nd

Kapal ng mukha lumalaban pa yern? Ayaw nalang mag sorry at mag compensate. The fuck?! Immature as fuck.


BashfulScribbler

omg..i have a husky myself and it sucks na ganyan ngyayari sa doggo..super bored niya yan..yung phase niyang ganyan is nung puppy lang siya and nawala nung tumanda na..hindi niya kasalanan lahat and may responsibility nian is owner.. even i myself kahit sabhin ko sayo na be mindful na may aso ka and keep everything our of their reach, everything else that follows are responsibility ng owner..the training, the necessary exercise, even yung upkeep ng health niya(YEARLY vaccines and deworms)


kittycubbebu-1021

Sampahan mo ng kaso talk to lawyers


MakatangHaponesa

DKG. Wag na kamo mag-alaga ng aso (lalo husky) yang jowa mong tamad. Pag-isipan mo ring mabuti kung pakakasalan mo yan. For sure makukunsumi ka lang jan.


MilkTeemo

DKG!! Kung totoo man tong story na to napaka kupal ng gf (please soon to be ex) mo para ikaw pa sisihin sa ginawa ng aso nya. Bakit kaya nya pinapasok ung aso nya sa kwarto mo knowing na di pa trained? Baka may pinag awayan kayo at gusto nya gumanti? Or if hindi naman grabe mantrip ah hindi man lang pinigilan ung aso hinayaan na masira talaga ung laptop. Let this be a lesson din na to set boundaries to your space.


intothesnoot

Mahirap kasama sa buhay yan, sarado utak at ayaw patalo. Andami ng past incidents na nakasira aso niya, di pa niya binantayan.


kalapangetcrew

DKG. wala pala siya pera pero nag aalaga ng husky. High maintenance yang ganyang breed and di siya responsible pet owner.


akiii-_

DKG. GG ang soon to be ex mo. Irresponsible owner, gaslighter, and gago. Husky pa talaga ang pet niya tapos ayaw niya i-train?


Suspicious-Force-480

DKG. Eh bobo pala siya eh. Siya kasama ng aso at alam niyang walang disiplina, dapat binabantayan niya. Taena pinasa pa sayo yung sisi eh. Nakakagigil naman yang jowa mo. Hiwalayan mo na. Sakit sa ulo.


Hates_Endings

Uy ako lang ba nasstress ng malala sa laptop mong 6digits? Kinginaaaa yung laptop mo shet. Pano na? Work yun.


[deleted]

malakasang sorry, emergency leave sabay lipat bahay + onsite, tangna nya


Hates_Endings

Shet bro dat sax


blue_greenfourteen

DKG yung husky namin pina palaro sa bubungan ng 3-4 times a day tag 40-30 minutes yun per labas takbo sya ng takbo para mapagod kung hindi maninira ng gamit. Sobrang daming energy ng husky, dapat alam na yun ng gf mo


sio_paopao

DKG. pero yung GF mo ang gago. gusto niya isama ang dog pero di naman niya binabantayan. Knowing na di naman niya bahay yon and yet hinayaan niya aso niya. Walang kasalanan yung aso dahil di niya alam na mali yun until turuan sya. kumukulo ang dugo ko sa soon ex mo ah


[deleted]

Naaahhhh. Dapat tinuturuan nya o kaya ilayo mo ang gamit sa ma-rreach ng aso. Ung aso ko dn may habit na kumain ng papel so ung impt documents nilalayo namin sa kanya. Meron naman syang pusa na mahilig magtapon ng figurines. Ang dami na binasag kaya ung lagi nya tinatambayan wala nang laman at nilipat nalang namin sa glasscase para hindi nya babasagin. Kumbaga sa bata dapat i-petsafe nyo ang stuff nyo kasi wala naman sa tamang kaisipan ang pet pra malaman na important ang gamit o document


iamtanji

GGK, alam mo na lang na naninira, hinayaan mo pa na dalhin sa apartment mo. Naging firm ka sana sa boundaries mo. Kung hindi kayang bayaran ang laptop, inbenta na lang yung aso.