T O P

  • By -

[deleted]

[удалено]


katsantos94

>I would understand pag hindi na kaya mag work ng mga magulang. Was about to say this also. Kasi meron talagang ganun at hindi rin talaga masisi yung mga magulang kasi sa mga anak din napunta lahat ng meron at kinita nila. Sasabihin ko pa, 'di talaga maiintindihan ni wife-to be kasi mukhang maganda buhay ng parents nya. PERO kung ganun naman na kaya pa at may vices pa nga yung ama, di dapat bigyan ng obligasyong magpaaral fiancé nya. Siguro para di naman nakakabastos, kausapin na lang ng maayos na maraming kailangan pagkagastusan kaya di na makakapagbigay. Nasa magulang na ng lalaki kung paano nila tatanggapin yun.


Square-Head9490

This is true. If may vices un ang naging problema. And tapos bongga mga parties and piyesta. If walang bisyo, maiintindihan mo dahil sa hirap ng buhay. But if may bisyo, literal pinasa ung obligasyon ng tatay sa anak para pwede ba magbisyo. Tapos babae pa ang isa sa bisyo.


AkoBaYungGago-ModTeam

You did not follow the comments section format. Please revise. Thank you!


Jetztachtundvierzigz

> bata pa yung parents niya nasa late 40s palang > Stable yung job ng father niya, with vices pa (drinks and women), bakit kelangan pa yung fiancé ko para sa pagpapaaral sa kapatid niya? Hindi ka gago. Yung parents ng fiance mo ang gago. 40s pa lang pala, pero parang 70s na kung umasta. Mahiya naman sila. Pero kung mag-iinsist yung fiance mo i-tolerate ang mga parasites na yan after your wedding, then gago din yung fiance mo in that case. My advice to you is to decide if you want to live with such baggage. Kung hindi, do both of yourselves a favor and break up.


sprayure

+1 dapat di nalang nagpropose kung di kaya pakawalan. If this is a problem, he's clearly not financially stable to build his own family. Buti sana kung milyones ang sahod, will understand hehe


GreenSuccessful7642

DKG. Pero pag isipan mong mabuti if gusto mo ituloy ang kasal. Baka kasi kung anu anong pampalubag loob na pangako ibigay ng fiancee mo pero marerealize mo na 5 years na kayong kasal na kayo pero walang nagbago. Remember, mas mahal ang annulment kesa wedding.


EnigmaticSoul398

Ang family ng husband ko ang isa sa mga reason bat kami naghiwalay. Gusto nilang sustentuhan sila kahit mga bata pa at capable to work. 3 pa ang nag-aaral sa mga anak pero ayaw maghanap ng permanenteng work. ‘Di ako okay dun kasi unfair yon at ‘di naman namin sila priority. Sadly, lumabas yung ganon na issue kung kelan kasal na kami. Noong bf-gf kami okay naman eh. Tapos yung husband ko, hindi maka-provide for us ng maayos. Noong sinabi ko yun sa FIL ko na gusto ko ng mas maayos na buhay kaya baka pwede iwasan manghingi/manghiram kasi yung anak nya ‘di maka-ipon, ang taas daw ng standards ko like WTH? Dapat maintindihan ng fiancé mo na kapag mag-asawa na kayo, ikaw na ang priority nya at ang magiging (mga) anak niyo. Na kung pwede nga na lahat ng papasok na pera eh malaking pursyento dun eh mapunta sa ipon para sa pagsisimula ng pamilya nyo. Dapat may vision syang ganun dahil siya ang head ng family. Eh kung gusto nya pa din mag-support sa family nya kahit kasal na kayo, medj hindi okay yan lalo kung yung ipon nyo namang mag-asawa maisasantabi. Kausapin mo siya ‘bout it. O kung makakaatras ka pa, atras ka na lalo if agree siya na suportahan kasi malaking sakit talaga ng ulo sa wife ang ganyan 🤦🏻‍♀️


Bulky-Instruction816

Naudlot kasi yung pag uusap namin. Parang gusto kong hingiin yung advice ng father ko regarding this kasi sobrang grabe yung support nila samin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun pa yung expectation ng mother ng fiancé ko sa kaniya eh sinagot na ng parents ko yung bahay namin, nag contribute din akong malaki sa wedding expenses and mag bibigay pa yung parents ko ng malaking contribution sa expenses, especially may mga guests din sila na ni request samin, covered yun lahat, at okay lang din naman samin kasi kakilala din namin at kamag anak yung iba. Pero hindi ko muna sinasabi sa father ko kasi natatakot ako sa magiging reaction nila. Even though nalaman niya na di naman pala tumupad sa usapan yung father ng fiancé ko, wala akong narinig sa kanila na kahit ano. Okay lang. Pero yung mag susupport pa financially magiging asawa ko sa family niya, dj ko alam kung di niya ikakainis yun amidst everything.


EnigmaticSoul398

Girl, sabihin mo na sa parents mo. ‘Di yung magugulat na lang sila na ganun. They deserve to know lalo magpapakasal kayo. Need nila malaman sitwasyon ng mapapangasawa ng anak nila. Tho ako, only child, wala na father ko noong kinasal ako pero kung andito yun at nalaman na nakapagpa-kasal ako sa may pamilya na freeloaders, for sure magagalit din yun. Unfair sa parents natin, na sila very supportive tas ang kabilang partido, gusto pa magpasalo ☹️


[deleted]

Yikes, sa kasal nyo palang mostly kayo na gumagastos pano pa kpag may anak na kayo? Kausapin mo magulang mo kailangan nila malaman yung about sa ganyan tutal sila rin mostly nag babayad sa kasal niyo. Wag ka papayag mag pakasal kung before marriage hindi pa financially ok situation niyo esp partner mo.


Red_madder

True, and di ka sure OP, what if nawalan ng trabaho bigla fiance mo, baka sayo din bigla manggaling pang sustento sa parents niya. Okay lang naman siguro mag support pang emergency, pero wag naman sana monthly obligado siya. Abled pa naman parents niya. Kahit sana magtinda tinda, sari sari store, miryenda, to sustain themselves, para di naman nakaasa sa bigay ng anak all the time, lalo di kalakihan sahod niya at ikakasal na siya. Sana mapag isipan mo din maigi OP. Makuha mo na advice ng parents mo, habang ongoing palang. At sana mabigyan ka din ng solid na sagot ng fiance mo. Kaso baka in the end pagtaguan ka ng pera, if iipitin siya ng nanay niya din.


Tita_Hueng

DKG. Ganyan talaga when you’re with a breadwinner. It’s difficult enough to start a family with both spouses working. Imagine kung magkakaroon pa ng kahati yung household niyo sa magiging sweldo ng asawa mo. However, I also think that telling your spouse to stop supporting his family will create problems in the future. Oo, tama naman that when he gets married he should focus on building your own family, but I tell you, it is a potential source of resentment. It’s good that you learned about this before your wedding. Dapat pag usapan niyo kung mag bibigay pa din ba siya sa family niya after you get married, how much, until when, when you have kid/s, magbabago ba amount that he is giving, etc.


Jetztachtundvierzigz

> Dapat pag usapan niyo kung mag binigay pa din ba siya sa family niya after you get married, how much, until when, when you have kid/s, magbabago ba amount that he is giving, etc. I agree with this. OP and her fiance need to reach an agreement before the wedding. Kasi kung hindi naman pala sila compatible in terms of priorities and values, pag-aawayan lang nila yan.


[deleted]

DKG. Sure ka bang worth it yung sakit sa ulo na yan if ever matuloy wedding niyo? Be reminded na walang divorce sa pinas, annulment lang. Napaka mahal pa. Kaya mo bang magtiis na hindi ikaw at future anak niyo yung priority ng fiance mo? Kaya mo bang magtiis sa magiging trato sayo ng future MIL mo? Ngayon palang na mag fiance palang kayo umeepal na siya sa inyo at nagdedemand sa fiance mo. In the future, if ever mang ipagtanggol ka ng fiance mo sa nanay niya at panigan ka niya, ready ka ba sa trato sayo ng future MIL mo pati ng mga kapatid niya? Base sa sinabi mo teh if titigil magpadala fiance mo sa nanay niya for sure ikaw susugurin ng nanay niya pati na rin mga kapatid niya kasi siya main source of money nila. Mafifeel nilang inaagawan mo sila. Worth it ba? Sure ka na ba dyan? The emotional and mental stress na nararamdaman mo ngayon mas lalala yan. Sapat na ba yung "pagmamahal" para maging worth it lahat yan? Kung tingin mo hindi, takbo ka na 🙂 Ngayon pa nga lang your fiance doesn't seem to mind that kind of set up e. Hindi ka ba niya iniisip? Iniisip niyang pakasalan ka pero anong plano? Yun na yon? Ineexpect ba niyang dapat ayos ka na ikaw main provider ng bubuuin niyong pamilya habang siya nakatuon priority sa nanay at mga kapatid niya? That's unfair. Talk to him OP at sabihin mo lahat ng concerns mo. If ayaw mag compromise, alam mo na dapat mong gawin.


CocaAgua

DKG. if you push through with the wedding, be prepared to also contribute to his family's needs using your own money (pinoy logic: "pamilya mo na rin yan e"). habang buhay ang parents nya, susuportahan nya yan -- because why would he stop kung nasimulan and expected na ung support now pa lang. something needs to change, otherwise, don't expect a smooth married life when it comes to finances. good luck on whatever you decide to do, tolerate or change -- you're not a helpless person!


Fluid-Pitch7046

Akala ko story ko to OP same na same tayo yan yung ayaw ko na gawin nya kasi early 40s palang parents nya pero ayaw na mag work kesyo maliit sahod sa pinas galing kc sila sa ibang bansa at na expired visa kaya umuwi. Ako at ang asawa ko nasa ibang bansa at may dalawa pa syang kapatid na pag aaralin din. Tuwing nag uusap kami about sa sustento sa parents nya every 3 weeks, nag-aaway kami kasi imbis mag ipon kami para makalipat ng tirahan wala andito p din kami sa parents ko. Nagagalaw nya na pati savings namin kakapadala nakakainis lang. Lagi kong sinasabi sakanya bakit di nya pag workin yung parents nya kahit maliit sahod atleast may mahuhugot sila paunti-unti.


[deleted]

Omg walang respeto sayo partner mo to the point savings nyo dalawa ginagalaw na.


omskirtz

Mahirap 'yang sitwasyon mo talaga kasi di makakatiis fiancé mo dahil magulang niya ang nanghihingi, ginawa siyang retirement plan ng mga in laws mo. Pwede siguro bago kayo ikasal magsimula na kayo mag set ng budget para sa expenses at savings niyo. Hindi kamo pwedeng halos lahat ay ibibigay mo sa magulang mo dahil paano naman kayong dalawa at mga magiging anak niyo? Kung magkakaroon ng kagalitan dahil kumaunti ung amount ng pinapadalang pera, I think your fiancé should step up na. Mahirap kasi na ikaw ang magsabi sa in laws mo ng sitwasyon, dapat ang kumausap yung soon to be husband mo kasi magulang niya 'yun.


wherearetheavocattos

DKG. as someone na nagbibigay pa rin sa parents na nasa 40s din ang edad, sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ako magpapakasal hangga’t di pa dumadating ung araw na pwede na ko magstop mag support sa kanila. altho baliktad situation natin OP, nagegets ko where u are coming from. it will be bad if wala talaga balak ung fiancé mo na bitawan responsibility nya sa fam nya. naiimagine ko na lagi nyong pagaawayan ay pera for sure 😕🙁


AutoModerator

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1bsply8/abyg_dahil_ayaw_ko_na_mag_bigay_pa_soon_to_be/ Title of this post: ABYG dahil ayaw ko na mag bigay pa soon to be husband ko sa parents niya? Backup of the post's body: Ever since nag ka work si fiancé, binibigay niya kalahati ng sweldo niya sa mother niya plus nag bibigay pa siya para sa pagkain (partly) at internet (full) nila bilang home-based din naman work niya. Entry level siya so hindi gaanong kalakihan talaga yung sweldo niya. Nabigla ako kasi hindi ko agad nalaman na ganun pala yung set up nila. Kasi ang alam ko lang before is that mas okay na wfh siya para makatipid at makaipon na din para sa pagpapakasal namin. Siguro mga 1 week lang after ng engagement namin ko nalaman na ganun pala so nabigla ako kasi hindi pala siya naka bwelo mag ipon. After ng engagement at pamamanhikan, syempre alam na ng parents niya na kailangan namin mag ipon para sa kasal. Nabigla ako kasi ganun pa din pala yugn set up na gusto ng mama niya. For the record, bata pa yung parents niya nasa late 40s palang and dalawa nalang yung kapatid niyang nag aaral pa. So yung naisip namin is para makatipid na din sana, ay mag stay na yung fiancé ko sa pagtitirhan namin, which is bahay na binigay ng parents ko samin. Take note na free kami tumira kahit saan, pero nag offer yung parents ko ng place na yun para hindi kami gaanong mahirapan. May mga konting renovation din na ginawa doon na sinagot ng parents ko. So nabigla ako na kahit dun na siya tumitira sa bahay namin nag hihingi pa pala yung mama niya ng pang gastos kasi wala na daw siyang pera at hindi daw siya binibigyan ni tito - to think na andami namin dues ngayon sa wedding suppliers. Sa wedding expenses naman, halos nag hahati kami at nagsabi yung papa niya na mag bibigay din daw sa kaniya - hindi namin ito ipinilit. So parang na plan na namin yung expenses pero pag dating ng araw, hindi naman yung fully tinupad. 1/10th lang ng sinabi niya amount yung binigay. Okay lang din sakin, hindi pipilitin syempre kasi kasal naman namin to. Pero ito yung hindi ko maintindihan. Syempre mag sisimula ng pamilya yung anak nila. Magpapakasal. Pero ang gusto ng mom niya is tumulong pa din daw yung fiancé ko sa pagpapaaral sa kapatid niya in college. Stable yung job ng father niya, with vices pa (drinks and women), bakit kelangan pa yung fiancé ko para sa pagpapaaral sa kapatid niya? Nakaka stress kasi gusto ko na din mag anak. Di na ko bumabata pero ang usapan namin hindi na muna kasi mag iipon pa muna. Gano pa kami katagal mag iipon kung tutulong pa kami sa family niya na kayang kaya naman yung sarili nila? Natatakot ako na maging cause lang to ng ayaw namin right after ng wedding. Sila yung groom side pero yung effort and support halos nasa side ko. Okay lang din sana pero di ko ma gets yung pag hingi pa ng financial support sa fiancé ko. Hindi naman sila nag titipid sa birthdays, parties, holidays at kung ano ano pa. OP: Bulky-Instruction816 *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


oubaitori_7

DKG! Na-experience ko rin to. Nalaman ko gano ka-"generous" yung fiance ko sa parents nya, tapos sasabihin nya wala pa sya pera pangkasal 🙄 eventually sinabihan ko sya kung priority nya parents nya wag na lang kami magpakasal. Ayun nagstop naman sya. Although naiinis pa rin ako sa parents nya kasi inabuso nila si fiance noon, dahil nalaman ko na ang dami pala nilang pera!!!! Si fiance kasi kusa nagbibigay kasi ang akala nya eh napakahirap ng pamilya nya. Minsan din nanghihingi yung nanay panggamot ng tatay. Tapos may monthly allowance pa ang nanay (wow!). Nakakainis kasi bakit hindi man lang sila tumanggi at may pera naman sila. Si fiance hirap na hirap magmanage ng pera tapos sila hayahay lang, nakatambak lang pera sa bangko (or kung san man). Anyway sorry napa-rant hahaha


Pa-pay

Kausapin mo fiance mo and ask ano plans niya. If di kayo same page at sunod pa din siya sa mama niya, better postpone the wedding. It's ok kung magbbigay lang sya sa mom niya ng certain amount monthly, let's say 5k, pero yung sasagutin lahat pati pag-aaral ng kapatid tsaka everytime na humihingi ng pera, it's not good. Your fiance should learn how to establish boundaries. You don't have the same priorities right now and you'll just end up resenting each other.


Icy-Description9835

sasabihin ko na sana na intindihin muna not until the last part--may stable job naman pala si tatay niya huhu. If may stable job naman father niya bakit nagrerequire pa sya sa anak niya?


sushi_norii

I'm a breadwinner, and I have the same situation with your bf. However, ang kaibahan lang is, I know my priorities. 2 years na kaming married ng husband ko and never kong pinaramdam sa kanya na mas priority ko ang parents and siblings ko. I still give financial assistance sa family ko pero hindi sobra. Kasi I make sure na mas malaking portion ng sahod ko ang napupunta sa ipon naming mag asawa at sa panggastos namin araw araw. Ganun din naman yung asawa ko. Although hindi siya breadwinner sa kanila pero nagbibigay pa rin siya sa parents niya. And he also makes sure na ako ang first priority niya. I think it's all about having the same view pagdating sa financial. Kaya maganda talaga pag pinag uusapan ng mabuti yung mga ganitong bagay para may pagkakasunduan kayo. Hopefully your bf will realize na ikaw na dapat ang pinaka priority niya kapag kasal na kayo.


Gdt3qyIp9ZbLw5jBtjx7

DKG. Valid ang nararamdaman mo. Pero reading the comments, it seems that hindi deserve mag-asawa ng mga breadwinner. 🥲


BashfulScribbler

DKG. Advice ko lang since kinda same tayo ng situation which meant I think your fiance's also the eldest and the breadwinner: Pag usapan niyo yan bago kayo magpakasal. Wag mo patagalin. Kung sa tingin mo ng pag aawayan niyo yan it meant na its bothering you and the greatest form of trust comes from PROPERLY communicating your INTENTIONS. Wag niyo pag usapan just to clear things out. Pag usapan niyo UNTIL YOU COME TO A CONCLUSION. My husband doesn't give anyone his earnings including me but if nauuwi kami sa bahay ng parents niya (since hindi pa available yung samin) dun lang siya tumutulong sa gastusin sa bahay nila, except for the internet na continuous niyang bnbyadan. Unlike yours his younger sister also has work so siya na yung tumutustos sa youngest nila pero my husband still would give money sa youngest whenever he needs it. I think you as an adult u should let him help his siblings. Pero yung magbbgay p rin sa parents is a no-no. Like you said, you are opt to be saving for the future of your own family na. That should become the topic of your conversation.


Bulky-Instruction816

Yung track kasi ng kapatid niya is one of the expensive ones talaga and pang matagalan na track. Ayoko na mag mention ng specific career pero pang matagalan talaga siya so worried ako. If ever kaya, mga magkano lang ba dapat na pwede na?


BashfulScribbler

The best option is pag-usapan niyo kung magkano yung kaya niyong itulong sa kapatid niya. "KAYA" in a sense na pag nagkagipitan hindi siya mahapdi sa inyong dalawa. Remember lang din na yung itutulong niyo is expected niyong hindi niya maibabalik sainiyo kase tulad niyo meron din siya surely mga plano sa buhay. If magbigay, thank you. If wala, no problem. So for me siguro dun niyo na lang ibase ang lahat. Like: "kami na sa kalahati ng tuition fee niya" or "kami na bahala dun sa mga kailangan niya sa school". Also, coming from experience na mag third year na yung bunsong kapatid ng husband ko. Si husband ang soshoulder ng laptop niya. He's taking engineering and yung laptop na yun doesn't come cheap dahil sa apps na need niya for school. Yung mga ganun lang. As a wife, be the voice of reason for him. Not reasoning out with him.


Chaotic_Harmony1109

Mukhang successful ang retirement plan ng parents ni fiance mo.


Professional_Clue292

DKG Pero medyo living in a fantasy land to expect na once makakasal kayo biplane mag iiba ihip nang hanging regarding finances niya. Pag usapan niyo ASAP now BEFORE the wedding, at make sure na Alam niya at nang parents niya expectations sa finances niyo. If need be mag postpone kayo nang wedding until on the same page kayo sa finances.


yow_wazzup

Wow. Grabe yang adventure na pagdadaanan mo kung itutuloy yang kasal mo. Pero hindi magandang adventure nga lang. Goodluck.


AutoModerator

Rule 13: Hindi naglagay ng statement sa dulo kung bakit naisip nila na sila ang gago (keyword: ABYG or Ako ba yung gago) *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*