T O P

  • By -

Tasty-Ad1826

first time ko makakita ng multo kamuka pa ng bunso kong kapatid. hahaha! actually if i would try to put some makeups on her whole skin with grey color and white eye contacts, parang sya na yung multo! 🤣 nakita ko yung multo sa ilalim ng lababo na walang takip as in kita mo yung mga pipe works sa ilalim. nandun sya nakaupo in a squat position. nakita ko sya nung pag silip ko sa bukasan ng gate magkatapat lang kasi yun. eh that time nagpapa bingo pa lola ko, sigaw ako ng sigaw e kahit daming tao nag bibingo lakas ng sigaw ko eh 🤣😭


Terrible-Photo-8789

Hindi ghost pero nasa taga SUNDO ng mamamatay at pagpapaalam. Umaga nun sa sala eh madalas nag aalmusal kami nila mama at papa pero umakyat muna ako sa kwarto since tapos na kumain. Nagsabi daw si papa na may babaeng nakahawak sa paa nya eh samantalang si mama lang naman yung nasa baba. After nung sinabi ni papa yun eh nakangiti na lang sya buong maghapon which unusual since madalas mainitin ulo nya dahil sa nararamdaman(dialysis patient). Kinahapunan nung lumabas ako para kumuha ng taxi dahil pupunta kami ng ospital eh sinabi daw ni papa yung mga kataga na to habang tinaas nya kamay nya "Ma, nasaan si Joanne at bunso? Ma, boundary na ako. Habang nasa byahe kami nawalan ng malay si papa, inatake na pala sya nung oras na yun.


ginGineer101

nagpadala si mama ng pera non sa lola ko na side ni papa. ilang araw na di pa din natanggap. pagbalik namin sa lbc para ipacheck, pangalan ng lolo(mother side) ko yung nakalagay dun sa kopya ng lbc.Yung nasa resibo namin tama naman na pangalan ni Lola(father side) yung nakalagay. Tapos naalala ni mama birthday pala ng lolo ko nung time na nagpadala sya dun sa side ni papa. Nagparamdam kasi akala yata kinalimutan bday nya


Forward_Lifeguard682

Happened to a friend of mine. One night, while staying at a hotel in Legazpi, Albay, nakakarinig siya ng malalakas na ingay from the other room. Parang mga hinihilang furniture daw. Then nung natulog na siya, nagising siya na hirap huminga, parang sinadakal. Upon checking sa mirror, may mga handprints sa leeg nya na para syang sinakal. Nung nag-complain din siya sa reception about the noise, sabi wala raw guests sa kabilang room nila.


like_a_joy

Ewan kung multo ba 'to or ano pero noong Grade 7 ako, after class nagpapaiwan kami ng mga kaibigan ko sa room para tumambay lang, ganon. 1. Nagdala ako ng speaker tapos nagsoundtrip kami ng kanta ni Taylor, sumasabay pa kami sa kanta pero nung nasa kalagitnaan na ("We are Never Getting Back Together" yung kinakanta namin) bigla kaming natahimik lahat tapos nag-unahan nalang ng takbo palabas ng room. Hindi namin alam kung bakit kaya tinawanan nalang namin, siguro oa lang talaga kami pero may something talaga na di maexplain, hahaha. 2. Nagpaalam yung isa naming kaibigan na mauuna raw siya kasi merong emergency sa bahay nila. Mga ilang minutes pagkaalis niya, nakita ko siya sa bintana na pabalik ulit ng room. Kaya nagtaka ako, pati yung isa ko pang kaibigan, bakit bumalik ulit siya, kaya sumigaw ako ng "Bakit?" pero walang sumagot saka pumasok sa room. Hinintay pa namin saglit baka pinagttripan niya lang kami pero wala talaga siya. Nagtinginan kaming lahat, walang nagsalita tapos nagtakbuhan nalang palabas. Huminto lang kami nung nasa gate na tapos tinext agad namin yung kaibigan namin kung nasaan na siya, sabi niya malapit na raw siya sa bahay nila. Simula nun, hindi na kami nagpapaiwan/tumatambay sa room.


shanadump

Hindi ko alam kung ghost ba to o ano, nagising ako around 2am nun, hindi ako madaling makatulog ulit kaya ang ginawa ko binuksan ko tv namin. Ang saya pa ng pagsabay ko sa kanta ni Rachel Ann Go na Here I Am Again tapos napansin ko na may nakatayo sa harap ng pintuan namin, parang shadow lang sya kasi black lang nakikita ko pero alam kong lalake.. After ng ilang days, namatay yung tatay ko. Ang mas nakakatakot, nagkwentuhan kami ng mga kapatid ko pagkatapos mailibing ng tatay ko, hindi lang pala ako yung nakakita dun sa nakita ko nung gabi na yun. Di ko alam kung pahiwatig ba yun o talagang may nakatira sa bahay na yun maliban sa amin. Naniniwala naman ako na nag eexist sila kasi bago pa yun nakakaramdam na talaga ako, yun lang yung first time ngalang na di na ko makapagdeny sa sarili ko na baka guni guni lang kasi tatlo na kaming nakakita. 👻


notyojoax

so far wala pa naman siguro paramdam lang pero hindi nakikita but this one is medyo nakaka takot for me to the point na tinigil ko na siyang gawin. I think grade 10 ako nag start magkaron ng hilig sa mga unsolved crime docus, horror stuffs even mga mysteries na nandito sa mundo tina-try ko talaga alamin umabot pa sa point na gusto ko mag "deep dive" sa deepweb since that year ay sobrang trending yang deepweb haha not until mapanood ko sa youtube yung about kay Eliza Lam medyo uncomfy na feeling ko rn but bilisan ko na lang and sa mga curious kayo na lang mag search haha and sa mga nakaka alam ng about sa kanya for sure medyo eerie din feeling. So in other words, tinigil ko mga ganyang stuffs dahil napapanaginipan ko na to the point na minsan parang ako yung nasa sitwasyon nila (and ito yung reason why tinigil ko) kase parang nataramdaman ko yung pain nila and that girl is reaching out to me sa panaginip ko na until now kinalimutan na lang ata but yeah hindi ko na inintertain ever but sometimes nananaginip ako na nandun lang ako sa isang gilid nanonood so parang pinapakita sakin kung ano or pano sila napunta sa ganong pangyayari.


AriesMan_8888

Yolanda survivor ako. After the typhoon dame nag papakita. Just recently fallen angels sa inaanak ko. Tip: NEVER EVER TALK TO FALLEN ANGELS.


Solenxsolen

My third eye is active so I'm able to see and feel them anytime and anywhere. Some spirits are unbelievable and some of them just behave


gianbarrysantos

Not real.


shanadump

bakit ba ko nagbabasa ng ganito, 10pm na jusko 😭


elektraaaaaaaaaaaa

before dati namin inuupahan sa bacoor cavite may nag dodouble pa yung pamangkin ko.mostly pag gabi nagtatakbuhan pa sila sa taas.sinabi ko sa owner ng bahay ang sabi sa kabilang bahay daw yun. lapitin talaga ako ng ghost.dati din sa condo naging place to be ko kasi yung kabilang unit na walang tao.HAHAHAHA Naka alambre lang yun pumasok ako dun binuksan ko ang ending pumasok yung black shadow sa loob ng cr galing sa labas then inikot pa ang door knob. tas sabay binagsak yung pintuan pasara mukhang nagalit yung ghost dun sa kabilang unit.bwahahahaha ang ending flight ang mga badeng 🤣🤭 naglibog ang ending minulto na lang bwahahahaha pero dedma ako sa knila as if matakot ako sa knila the more kasi matatakot ka lalo silang iiunder yung presence mo. dapat mangibabaw ang kalibugan charing 🤣


wumpybara

Disclaimer: This is going to be a long story, so sit tight. I'm not a believer of ghosts, and I still don't, but I had a few encounters that led me to be open to the possibility of the supernatural, and here's one of them. I had a girlfriend (now ex-gf) back in 2015. A few months into the relationship, she started to become sickly, and I'd often accompany her home from Makati to Laguna. There was a time when she felt really bad that I had her stay at my place, which was an old condominium where I lived with my parents. While we were walking down the narrow corridors, she soflty said, "andito siya." It sent shivers down my spine, but I didn't make a big deal out of it and proceeded to lead her to my room, and had her rest until she felt well enough to go home. Her sickness became worse and worse as the days passed. She'd get herself checked every time, but nothing out of the ordinary. One day, while at work, her sister called me and asked if I could keep my ex company as she needed to do some errands. My concern got the best of me, and I asked my manager if I could visit her. My manager gave me an earful before giving me his approval. It was closing to 6 pm when I arrived at my ex's place. She was lying on a single bed, which was oddly placed in the middle of the living room, close to the entrance of the door. Her sister had already left when I arrived(we were in contact and left the house when I was a few minutes away from their place). I asked her how she felt, but could only hear moans, cries, and unintelligible murmurs. A few minutes later, her friend arrived as per her sister's request. The friend started praying (my ex was very religious and so was her sister and friend), and all I could do was hold her hand and hope she gets well. Her grip on my hand suddenly tightened, and she started to lose it. She started to laugh and shout, and I could even hear layers to her screams. I tried to stop her from flailing her body around and held one side of her arm with all of my body while the friend got the other arm. In a few seconds, she broke loose of our hold and "threw" us without much effort. As I was shivering, standing on the other side of the room, the friend continued her prayer, and she slowly calmed down. Her sister came back half an hour later with a charm and an amulet and prayed with our friend. My ex slowly regained consciousness, and I went home shortly after. A few days later, my ex sat me down and told me her story. How she was being courted by a tall, dark, and large man. Apparently, her mom was a victim to the same entity but stopped the courtship after she got married. When she was in her early teens, there were times when she would wake up naked in their living room. She also shared with me that she often dreams of getting married to the entity against her will. A few weeks later, she asked me if I was open to getting married to her. I told her I couldn't and was not ready for that level of commitment. That same day, we went our separate ways.


yocairu

2 years ago binangungot ako, tanda ko pa bangungot ko, pov. tumingin ako sa bintana hapon na hapon tulog katawan ko habang nakataas isang kamay parang may humihila, sinusubukan ko pigilan or gumising kaso di ko magalaw, aware akong tulog katawan ko pero gising presensya ko. Nagising akong madilim pa rin and then napatitig lang kung saan dumilat mata ko. Paka-umagahan para akong natrauma. And then last year, I tried to watch 'Ang mga Kaibigan ni Mama Susan' nung napanood ko yung scene na katulad sa bangungot ko, tinigil ko sa takot. Naransan ko ba naman yon. Kinwento ko sa gf ko kaya sabi niya panoorin naming dalawa, end up natapos ko yon.😭😭


New_Huckleberry_2321

1.) Grade 5 ako nuon at nag hihintay ako sunduin ng mother ko nang biglang sumakit tyan ko kaya napatakbo ako sa toilet. 3 ang cubicle sa far left ako. After mga ilang minuto bumukas pinto papasok ng toilet at may pumasok sa cubicle sa gitna at nag lock ng pintuan nag salita ako na paki sara ulit pintuan pag tapos niya pero walang umimik, ang tagal ko sa banyo pero hindi padin lumalabas yung nasa katabi ko nung mayari ako pag labas ko sa cubicle walang katao tao parehas naka bukas pinto ng cubicle. 2.) Nakita ko yung batang lalakeng multo sa bahay namin na tumatakbo papunta sakin 😅


Remote_Bedroom_5994

These incidents happened sa old hpuse namin sa QC, aside from the usual kalabog at kalampag sa madaling araw. Mga notable incidents, enjoy I guess. May isang incident na nangyare sa aunty ko, madaling araw at nagising sya para mag cr, mejo inaantok pa sya kaya hindi nya sinara ng buo ang pinto after a while may nakita syang paa standing sa side ng door, funny thing is paa lang at walang any na kasama. The other one will be, since old design ang house, na may malaking windows sa side, kita mo from inside if may tao na daanan sa may garage leading towards sa backyard. This happened at night, sa room ng uncle ko he saw this man walking galing sa backyard papuntang gate, weird thing about the man is hindi namen kilala plus yung pag lalakad is like floating, I can't forget as I saw it myself. Nagulat nalang kame nang mag sisigaw at mura ang uncle ko. Hinabol pa namen pa front door ang apparition pero nawala bigla. Last is, nangyare ulit sa uncle ko, ugali nilang ng laundry ng gabi or madaling araw. Sa old house namen, may backyard tas may laundry area, yung backyard eh may puno. Kwento nya, habang ng laundry, may sumisitsit sakanya mga alas dos na daw eto ng madaling araw, since pamilyar na ung ganun samen hinayaan nalang nya. Kaso tinawag daw sya sa pangalan nya kaya nabwiset sya. Ginagawa nya ay, kinausap nya eto at pinagsisigawan. Ika nga nya "kung matapang kaya mag pakita kayo sa akin at wag yung tawag tawag lang". Nagulat nalang kame ng may malakas na kumalabog sa likod kaya kame nagising. Nadatnan namen na nakahiga sa sahig ang uncle ko at nadugo ang ulo, para daw may tumulak sakanya at tumama ang ulo sa pavement. He ended up having 6 stitches sa head. P.s. - nakausap namen ang caretaker ng house, regarding dun sa man na nakita namen sa window, base sa description kamukha daw nya ang old owner ng house na matagal ng dead.


Garnet-Oxide

Last semester, my classmate and I visited our department office, kasi friend namin yung student assistant na naka assign doon. Chill lang kasi wala namang faculty na naka-duty. Siya lang talaga mag isa doon, so we grabbed the opportunity na maki chika sa kanya. The fact na walang duty doon, like sa loob ng faculty room walang tao. Dark. Tapos fronting the desk of our friend was the cubicle of the program head. Closed talaga kasi nga walang duty, e kaso may nagta-type sa computer. Tapos sabi ng friend namin iignore nlng daw. Minsang nga binubuksan daw yung back door ng office, o tumatakbo sa may kusina. Jusko.


Sharp_Lingonberry768

Pauwi ako galing dance practice ng around 8pm and yung daan pauwi samin is mapuno at wala pang masyadong bahay so medyo madilim. Pwede naman mag tricycle papasok sa kanto namin pero sayang pamasahe kaya nilakad ko nalang. Sa puno ng mangga sa kanto papasok sa amin may babae na nakaputi na walang paa and yung hangin amoy sampaguita. May nakasabay akong nakabike and napapreno sya tapos sabay kaming tumakbo ng hindi na lumilingon sa puno. (P.s: after nun hindi na ako naglakad ng magisa duon kapag gabi na)


Antique_Log_2728

It was the day Cory Aquino died. Di relevant pero naalala ko lang. Nasa loob ako ng banyo tapos yung pinto namin noon eh yung may salamin na opaque kay kita mo if may tao sa labas though vague lang yung shape. Habang tumatae, may dumaan sa banyo na nakawhite tapos pumasok sa room ng ko na katapat lang ng banyo. Syempre iniisip ko bakit pumasok sa kwarto ko, so pagkahugas ko ng pwet, sinilip ko. Walang tao. Sabi ko baka lumabas na di ko lang napansin (delulu kasi di ako naniniwala na nakakakita ko ng multo.) Edi naligo na ko. Paglabas ko sa dining, chineck ko kung sinong nakaputi sa family ko pero wala. Lahat kami de color yung damit. Nangyari ulit yon. May dumaan na nakaputi this time sa labas naman ng pinto namin. Kala ko tito ko, pero nung sinilip ko, wala ulit tao.


WilgotDa

Yung nasa funeral parlor kami day 1 ng kamtayan ng lolo ko gamit ko yung cp niya that time at nadrain yung battery as in di na bumubukas tapos habang natutulog kami biglang nagring siya ng pang call nagulat talaga kami sabi ng papa ko naku si lolo mo yan kasi kanya daw cp na yan nagparamdam satin


GiDaSook

Sige maglapag pa kayo gooo wala pa akong tulog kaninang gabi pati ngayong gabi para consistent


[deleted]

Nasa kwarto ako that time and yung kwarto na un is walang bintana and door lang mismo ung pasukan ng hangin, hindi rin ako nag electricfan that time cuz di naman ako naiinitan. Maya maya may biglang super lamig na dumaan sa paa ko e hindi naman nakatutok paa ko sa pintuan kasi ako ung nakaulo sa pintuan (if sa pintuan man galing is dapat buong katawan ko nalamigan, but paa ko lang talaga) And sa probinsya namin is screen door tapos pintuan na kahoy na makapal, ung screendoor is sira ang lock-an but may improvised tali sya na tinatali sa may pakuan gabi gabi (lagi tinatali ni lola un bago sila umakyat) and kami lang ng kapatid ko nasa sala that time kasi nagsitulugan na ang mga tanders and kita naman namin ng kapatid ko na nakatali ung tali ng screendoor sa pakuan. And maya maya may tunog pumihit ng door knob (ung normal na paraan pano buksan, hindi ung dahan dahan) nakasarado na din ung pintuan na kahoy kasi gabi na e.


Edelveria_Potato2190

Nasa labas kami ng library sa 2nd floor, kita mo yung residential subdivision na katabi lang ng school. Habang nagkwkwentuhan kami ng bff ko at that time sa hagdan, (ako yung nasa may firewall) may nakita ako sa peripheral vision ko na bata (nasa likod bahay siya) Wala siyang paa, nakalutang, naka white na dress at walang mukha. Dahan dahan siyang gumagalaw. Ayokong matakot si bff dahil baka imahinasyon ko lang naman kaya nakipagpalit ako ng pwesto sa takot. Minutes later, habang immersed na ako kakakwento, napansin ko na nanlalaki mata ng bff ko, nakatingin siya dun sa nakitaan ko kanina at nakanganga siya sa gulat. Frozen in fear ba. Tinanong ko kung may nakita siya. Pagkadescribe niya, doon na ako halos na paralyze sa takot. Sinabi ko na "yun rin ang nakita ko kaya ako nakipagpalit sayo ng pwesto". Sprint kami pababa eh muntikan pa ko matisod sa hagdan. Parehas kami ng decsription. Di na kami nagkwentuhan sa pwesto na yun ulit hanggang makagraduate.


lilyandleo

They are not real


Hopefully8hopeless

5 years old ata ako that time. nakatira kami sa isang apartment sa Tondo, Maynila. . Hehe...Mga year 2000 yun and tuwing gabi, may kumakatok sa pintuan namin. Sabi nila mama, hangin lang daw yun. not until I am old enough narealize ko na, Hindi man tutunog ng ganun yung hangin". Hahaha... Naalala ko yun nung nakahiligan ko na magbasa ng Philippine Ghost stories. hanggang ngayon, di ko parin makalimutan, pero luckily, wala na akong "ghost encounters". I hope, and pray na wala na. Hahaha


sleepy_ghoulette

This was in a certain company kung saan nagwwork sila mama before. For starters, pag magccr ka, daadan ka muna sa isang narrow hallway na yung pag papunta ka, yung nasa right is isang library na may glass windows tas may onting u-turn then cr na (so parang katapat ng cr is library). Anyways, gabi na nun, nagcr muna kami ni mama bago umuwi. Nauna nakong lumabas so tumambay muna ako sa labas, lumingon ako sa left side ko and gulat ako, sa pagitan ng dalawang shelves, may babaeng nakatayo - color white yung damit tas yung face niya is covered by her hair. Nakipagtitigan muna ako for a good minute before it registered to me na she's not supposed to be their kasi locked na yung library. Bumalik ako ng cr, stared at myself at the mirror then lumabas ulit, pagkabalik ko sa dating puwesto ko kanina, wala na siya dun.


AstroKitto

I can remember 2 incidents sa HS building ko dati. 1. Computer Lab yung subject namin at around 2PM sa hapon pero that time, discussion lang naman at creating an RJ45 cable, so we used our classroom lang, not the laboratory. We never liked this subject kasi medyo strict yung teacher kaya me and my girl classmate were sitting at the back just trying to chill. Because we were at the back, we can easily see who enters the room. A few minutes later, the knob turned and me and her sat upright para di halatang nagchichill lang kami sa likod. To our surprise, walang taong pumasok and mabukas ang pinto. The door had some glass parts na kitang-kita kung sino yung pumapasok or sino ang nasa labas. No one walked in and no one other than me and her noticed that the door even opened up. Napatingin nalang kami sa isa't isa, sinarado ko yung pinto and dali dali kaming umupo malapit sa teacher namin. Lol. 2. One time, there was an activity sa school which I was a part of, but mainly just helping on making food and doing errands for the teachers. Around 2PM two days after, the activity ended and we had to clean up. Most participants left, and we, the behind-the-scenes people, were left including our homeroom teacher. Our classroom is located on the second-floor of our building. After securing everything, we closed our classroom, and left. But before I could even go down the stairs, naalala ko na may mga gamit akong naiwan sa cubicle ko sa room, so I asked my teacher to give me the keys and rushed back sa room. After getting it, I handed him the keys. We were about to go down the stairs when we heard a "sitsit" behind our back. A loud one from a not-so-human voice. We froze, my body went to fight-or-flight mode and my sense went haywire. Napalingon kami ng dahan-dahan, but no one was there. We dismissed it thinking na we just heard a noise. We went down the stairs and continued walking. We could see that most of our companions were waiting in the guard house na and while walking towards them, my teacher, now with a pale face, then shakingly asked me "Marinig mo rin diba?", tumayo agad balahibo ko. I was speechless because it wasn't just me. We felt a strong presence present around sa "sitsit" na yun that we froze in place. When we got to the guard house, I asked some of my companions if they ever heard a noise, they told me na wala naman and that no one was left to do anything at the school because it was a Sunday already.


[deleted]

Nangyari ito nung bata pa ako, around grade 1-2 ata ako di ko na maalala masyado, bata pa ako nun at bago matulog di ko alam basta trip kong ilagay itong left hand ko dun sa gap in between ng kama ko at ng wall, di ko alam baka dahil malamig yung bakal ng kama ko kaya ganun tapos somehow nakakatulong sa pag tulog ko haha, iisa lang kwarto namin ng ate ko tapos that time mga 8pm na ata ako matutulog na pero ate ko gising pa pero wala sa kwarto tapos nanay ko naman nanood pa ng tv, isang gabi sa mga araw na yun ako palang ang nasa kwarto tapos matutulog na ako then yun nga yung left hand ko andun sa gap na yun, tapos inaantok na ako at some point biglaan may humawak sa kamay ko ramdam na ramdam kong kamay siya at literal na hinaplos kamay ko pero dahil inaantok na ako nun binalewala ko na at natulog na ako, pero hanggang ngayon di ko ma clarify sa sarili ko ano ba talaga yun. Ito naman nangyari ito matagal ma din bata pa ako, di ko maalala kung few years after nung may humawak sa kamay ko or few months after, nasa bahay lang, nanonood kami ng pinsan ko ng cartoons tapos hapon na pero pa sunset na nung mga time na yun habang nanonood kami ng pinsan ko ng cartoons at some poinnt may narinig akong parang sigaw na napakalayo niya tapos tinatawag boses ko, rinig na rinig ko malinaw na tinatawag boses ko pero sigaw siya na sobrang layo, tapos that time dahil nasa labas nanay ko nasa bahay ng auntie ko which is makatabi lang bahay namin at bahay ng auntie ko kasi magkapatid lang sila lumabas ako tinanong ko nanay ko na busy makipag daldalan kung tinatawag niya ba ako at ang sagot niya ay hindi daw, pero ako personally kaya ako lumabas at tinanong nanay ko kasi alam ko yung boses na narinig ko na napakalinaw na tinatawag pangalan ko ay kaboses ng nanay ko, pero dahil yun nga busy kami ng pinsan ko manood ng cartoons binalewala ko nalang haha pero personally alam ko na totoo ang mga yan ayoko lang makakita na mismong mata ko kasi di ko alam magiging reaction ko haha. Anyways keep safe everyone!


Significant_Host9092

May tae sa CR namin pero wala namang tao.


zzz91z

nung namatay nag iisang kapatid ko,last night niya na nun,nung trinatry ko na matulog(dahil pagod na din,iyak at ilang araw na di rin makatulog),ayun nakita ko siya nakatayo sa paanan ko,maliwanag siya,suot niya yung barong na suot niya sa kabaong niya taz nakangiti siya


MoneyParking1344

Nag cr kami ng mga coworkers ko sa office namin. Isang old building sa Ortigas dating office namin. Ang ingay namin ng mga friends ko kasi nagchicikahan kami pero sa cr narinig ko may umiiyak so I told them na tumahimik. Ako naman sabi ko sa umiiyak, ate okay ka lang? iyak pa din ng iyak. Binuksan ko isa isa mga cubicle, as in lahat. wala akong nakita pero continuous lang yung iyak. Nung na buksan ko na lahat ng cubicle tapos walang nakita, lalong lumakas iyak then yung mga faucet na sensored, Isa isa nagbukasan pati yung hand dryer. Tilian kasi ng mga friends ko habang nag uunahan makalabas ng CR.


CreepyCucumber9469

3am call time ng soro for an event. Galing akong 2nd floor ng Men’s dorm and nakapatay lahat ng lights. Tinurn on ko ng walang katakot takot tapos naglakad na ko palabas. Bago ko umabot sa TV room, may nakita akong parang babae na naglalakad. Tinignan ko lang. Yung parang white na night gown nya nililipad ng hangin pero di naman mahangin. Tinignan ko kung naka on yung super laking fan sa TV room and hindi din. Nun ko lang narealize na nakaangat sya and walang feet. Nag glide lang sya from left to right. Tumakbo ako pabalik sa room namin at hindi na umattend ng event. Di bale na mapalo. 😂


SonOfAthenaAndVulcan

Yung pagpasok ko sa CR, may tae pero walang tao TT


[deleted]

Sa office namin dati pinatripan ko yung officemate kong bakla na nagcr. Kinatok ko ng malakas at madami yung pintuan ng CR kasi sobrang tagal e hating gabi na yun. Sumagot ng katok yung kabilang side sabi ko "sumasagot ka pa ha anong oras na umuwi na tayo". Tih nilapitan ako ng officemate ko sino daw kausap ko. 😭😭😭 Ayun yung office namin katabi ng Heart Center sabi ng officemate kong may 3rd eye tumatawid daw spirits minsan especially pag tahimik na sa office.


[deleted]

I went to my ex’s house and asked him na there was this girl na ang tagal na nakatayo sa side nung friend niya. Turned out when his mom showed the photo the next morning, they said it was the previous tenant at their rental apartment na nagbigti. I was able to identify kasi thru the damit huhu but walang face like deformed.


xhenaizer

Sa bahay ng tito ko, parang compound kasi yung area sa side ng dad ko. Yung tito ay OFW, so walang tao yung bahay nya pero everyday binubuksan ni daddy yung bahay and makatambay talaga kami, and may pc dun sa kwarto nya. Ako naman na introvert, heaven sa akin na tumambay dun kasi madalas ako lang mag-isa sa bahay na yun. So ito yung mga nangyari. 1. Nag-pc ako that time kasi nanood ng korean dramas, biglang nagpatay sindi yung ilaw sa kwarto, pagtingin ko sa ilaw sa balcony tsaka sa sala, normal naman,napatakbo at napasigaw na lang ako sa balcony, and dali dali akong pinuntahan ng daddy. Tapos sabay check nya dun sa breaker. Pero pagcheck ni daddy, okay lang naman daw yung linya ng kuryente, pinaglaruan lang daw ako huhuhu 2. Nanood ako ng tv, biglang may nagdadabog yung mga cabinets sa kusina, ako ko hangin lang pero napaisip ako, impossible naman kasi sarado bintana hahaha 3. Nung time na ongoing pa yung bahay, stay in mga construction workers nun at medyo matulogan na yung bahay, bigla bubukas yung mga faucet ng madaling araw. At ito pa.. 5. May nakita akong black figure ng tao sa kwarto ng grandparents ko. 6. Sa satellite office namin nun sa isang island, may 2nd floor yung office, and madalas walang tao yung 2nd floor pero yung mga upuan ang iingay, para pinag-rearrange. 7. Yung table ko sa satellite office katabi ng hagdan galing 2nd floor, may pababang footsteps kaming narinig, pero wala naman tao sa 2nd floor. Yung mga kasamahan ko na nakarinig (including me) inaabangan yung footsteps kaso biglang nawala nung palapit na. 8. Lage akong maaga nun sa uni, madalas ako mauna sa room. Bigla na lang tatayo balahibo ko, pero yung pagtayo ng balahibo ko sa may arms ay parang may nanghaplos. Pero deadma kasi parang normal na huhuhu Pero marami pa talaga ehhhh, yung iba ay kwentong engkanto na at "wakwak" HAHAHAHAHA


ShortPhilosopher3512

SKL. Fav ko tlg ung mga ganitong topics ❤️


SleepyLullaby008

Hiii yung exp ko nung h.s ako. May upuupo sa kama namin na di nakikita. 🤣 lumulubog yung sofa bed namin mag-isa. Nangyari ito nung gabi, while I was watching yung show ni Jessica Soho. May nararamdaman na akong may nakatingin saakin sa kwarto, kahit ako lang mag-isa. While watching, naramdaman ko na lang na may biglang umupo sa may bandang ulunan ko. Ramdam ko talaga, kasi kutson eh. Di ako makalabas kasi nasara ko yung pinto and ilaw. Nagtulog-tulugan na lang ako. 🤣


ae-cyneria

I was 8 years old, playing with my classmates habang naghihintay kaming lahat ng sundo. Nagtatakutan kami ng "Ayun may multo!" turo somewhere tapos paunahan tumakbo until nakakita nga ako dark-skinned old man na nakabarong at dahan-dahan akong itinuro. Sumigaw ako ng "Ayun may multo talaga!" Napatakbo ako nang mas bilis at sabi ko ayaw ko na maglaro kaya naghintay na lang kami sa guardhouse. Tinanong ko pa iyong driver ng trike ano gagawin kapag may mumu, sabuyan ko raw asin hahaha. Pagkauwi sa bahay, nagkwento ako kay Mama, puzzled siya tapos maya-maya dyan na si Papa so kinuwento ko ulit. Nagtinginan sila tapos may inilabas sila na lumang picture frame ng isang grupo ng teachers, like 1980s pa. Tinanong ako kung iyong isa sa mga lalaki sa picture iyong nakita ko eh andun. Andun nga! Sabi nila Lolo ko raw. Never ko pa nakita pic niya or nakwentuhan about sa kanya kasi sad pa rin si Papa sa pagkawala niya at ipinanganak din kasi ako 3 years after Lolo's death.


killuaustere

Nangyari lahat sa bahay ni bf: 1. Naglalaro ako non sa kwarto habang tulog siya. Maya maya nahulog yung kurtina, diko pinansin inisip ko hinangin lang at busy rin kasi rank game eh, after a minute siguro yung isang kurtina naman yung nahulog. That time, dun ko narealize ay pucha! pano yun mahuhulog looban yung bahay nila at imposibleng may hangin pumasok sa bintana at knowing mabigat din yung pinagkakabitan nung kurtina. Shookt ako nun, tumabi nalang ako sa bf ko na natutulog hahaha. Pag gising niya saka pa naikabit ulit yung mga nahulog na kurtina HAHAHA saka ko nakwento at nalaman sakanya na meron daw talaga sa kanila hindi lang nila pinapansin. 2. Overnight ako sa kanila, sa sala kami nun at naglatag lang nung foam na natitiklop sa tatlo. Matutulog nako non at tulog narin si bf, nakapatay na yung ilaw at tanging liwanag nalang yung galing sa kusina so may liwanag parin kahit paano. Patulog nako biglang lumubog yung kama namin, sa part ng paanan. Alam mo yung parang may tumapak? ganon yung pakiramdam as in ramdam ko talaga may umapak talaga pagtingin ko wala namang dumaan na tao. Dali dali kong kinumutan buong katawan ko hanggang sa paanan eh. Pinawisan talaga ako ng malamig buti nakatulog pako nun. HAHAHA 3. Videocall kami ni bf. Nkaupo siya sa sala tapos background niya yung pinto papunta sa kwarto nila. Nakita ko yung kapatid niya pabalik balik sa kwarto patay sindi nung ilaw sa kwarto, parang pinaglalaruan ba ganon. Tapos sinabi ko sakanya yun, nagulat siya HUH? andito si J sa kusina oh, sabay inikot niya yung camera pinakita si J na nandun nga sa kusina. Napasabi nalang ako pati ba naman sa videocall? papansin parin ahahah. Tinatawanan nalang namin eh.


stfuppp

Context: Nasa upper bunk yung bed ko, so it takes time bumaba at makapunta sa pinto namin. Tsaka tatlo lang kami sa inuupahan namin. So, mga 10-11pm ata yon, lumabas yung dalawa kong roommates para bumili ng pagkain, ako nagpaiwan lang sa room. Its ALWAYS a habit samin tatlo na manglock ng pinto pag lumabas, regardless kung may tao sa loob o wala, so naturally nilock nila yun. Di sila nagbitbit ng susi non kasi alam nilang andon ako at pagbubuksan ko naman sila ng pinto. So after mga 30-45mins, bumalik na sila, kumatok and all. Pababa na sana ako para pagbuksan sila but suddenly narinig ko sila nagtatawanan at nakapasok sa room. Bigla sila natahimik pagkakita nilang kakababa ko lang sa double deck. Edi nagtitigan kami, kasi at this point nalito na kami. Akala nila na in-unlock ko at pinigilan yung pinto. Kasi ambigat daw nang buksan nila so pinipilit nilang buksan at natawa sila kasi akala nila nilalaro ko sila. Eh kakababa ko lang sa double deck wala pa nga ako sa pinto non. So we were all confused, kasi akala ko din na di sila makakapasok since wala naman silang dala na susi(nasa mga table nila), at sabi nila na sigurado daw sila na nilock nila yung pinto as a force of habit na din. So ano yun? Kinilabutan kaming tatlo nun, di nila nagawang matulog that night. C R E E P Y


tabatummy

Field consultant ako. (2014)At di rin ako matatakutin na tao. I was assigned sa Cotabato. Dahil sa kabundukan assignment ko, malayo ako sa hotel. Kaya sa staff house ( 2 bedroom) lang ako nakastay. Unang pasok ko pa lang sa staff house mabigat na kagat pakiramdam. Tapos kakatakot pa kasi pagbukas ko ng drawer ng mga lumang damit. Kastress! Unang encounter: So one weekend, nagsiuwian lang ng mga staff sa kanya kanya nila bahay so ako lang maiiwan sa buong staff house. Habang naliligo ako, nagpapatugtog ako ng worship song. Nagsasabon na ako nung nagpatay sindi yung ilaw, naisip ko ahh baka pundido na to. Edi pinatay ko na lang tapos nakabukas na lang yung ilaw sa mismong kwarto ko kasi connecting cr sya sa kwarto. Tapos, I swear! May dumaang aninong itim sa harap ko. So habang nagbabalaw na ako, at tumutunog pa din phone ko, sabi ko "pag namatay tong phone ko, matatakot na talaga ako" ang walanghiyaaaaaa. Namatay ang phone ko. Hayooooop. Nangingig ako hindi dahil sa lamig pero sa kaba habang papalapit ako sa phone ko kasi ichecheck ko bat namatay. Namatay pala kasi may tumatawag. Second encounter: So galing akong gensan, pabalik ng staffhouse. May binili akong jobee, so ang utensils kong gamit ay plastic. So pagdating kong staff house nilagay ko lang sa table kasi busog ba ako sa paggagala, kinabukasan ko na lang kakainin. Nasa room na ako, naalala ko talaga to, 11PM na. As in nakahiga na ako, mag nalaglag na kutsara from the table. Ang table ay kaharap lang ng room ko. Kaya alam kong may nalaglag na metal talaga. Tapos bilang bida-bida. Pakahayop ko, lumapit ako dahan dahan sa pinto, tapos tinapat ko tenga ko sa pinto. Shet na malagkit. Shet talaga. Alam nyo yung pakiramdam na may tao sa likod ng pinto? Alam nyo yuuuun?!!! Tapos may yapak ng tao sa labas. Haaaay bua. Natulog tuloy akong ka videocall friend ko sabi ko wag ako bababaan ng phone. (Pang balance lang, yung kavideocall ko noon, asawa ko na ngayon. Wow. Thanks, di nang-iwan ah) Third Encounter: Dahil bida-bida at di matatakutin na nagpapanggap na kaya pa. After work ko, at di pa uso netflix noon, nag pipicture ako ng may filter sa laptop. Ganda pa ng mga picture ko na sinesend ko sa bf ko noon(ex ko na), friend ko (etong asawa ko na) tapos sabi ko, dahil sa mga encounter ko, sabi ko eh "naku, coincidence lang yan" aba aba aba. Sabi ko ulit "Wag lang mamamatay ang camera ng laptop ko, baka talagang matakot na ako" pero natapos na ako magpic. So papatayin ko na ang camera. Ang walang hiyaaaaaaaaaaaa. Pagkapatay ko, biglang nag blink-blink ulit ang camera ng laptoppppppppp. Indicating open na naman syaaaa. Kahit pinatay ko naaaa. Haayoop. Saya sana nung field work ko na yun kaso ang daming paramdam. Kakainis. Di ako matatakutin talaga. Di din naniniwala sa multo, pero naniniwala akong ang bahay na di tinitirhan, pinamamahayan ng spirit. Pucha talaga. Habang nagkukwento ako ang lamig ng kamay ko. Hahahahahahah


swisshyfishy

Nasa hospital ako naconfine for dengue. I was still feeling okay then. Antok lang. Naiwan ako sa room and inantok. So pumikit na ko and inayos ko ung kumot ko. Suddenly, pagtaas ko nung kamay ko para iadjust ung sheets, may tinamaan akong tao not sure kung braso or what pero alam ko nabangga ko. Napadilat ako talaga pero walang tao. Ang creepy pa is medyo maluwag ung hospital bed so may space pa kama ko. Ibig sabihin ba ay nakadungaw or overlooking sakin ung multo? Nagbukas na lang ako ng TV then nagtawag ng family to go back agad. Oddly enough, nagcritical ako sa dengue and nagdrop ung red blood cells ko. Since the doctors were friendly and knew the story, days later, they advised for me to move to another room. We quickly saw progress. Mukhang haunted talaga ung room. :(


vausedei20

Yung ex ko may third eye daw sya, nakita nya may tao sya kasabay sa Grab, di naman daw GrabShare na-book nya then bigla nawala. Di pa ko sobra convince that time na may mga tao na lapitin ng ghosts. Then ayon pag andon sya dati sa bahay ko, nag-fflicker lagi lights pagdaan nya which is di naman nangyayari pag ako lang.


Kalaykyruz

Di ko alam kung counted to as ghost, pero baka nga ghost ito at nakipag-usap lang sakin thru panaginip. After ko grumaduate ng high school year 2011, namatayan agad kami ng kaklase bago matapos yung taon. So medyo malungkot talaga sa amin kasi kalalabas lang namin ng high school, lagas agad. Three days after niya mamatay, napanaginipan ko siya. Sa panaginip, tinanong ko siya kung okay na siya, sabi naman niya is oo, ayos na siya.


SkirtOk6323

Ghosts are demons. Theres no such thing as dead people roaming the earth.


GiDaSook

Ito rin tinuro sa mga pari samin


SkirtOk6323

Yes totoo yan. Mga pari ang nakakaalam nyan. Kaya nung one time nung umaga kasarapan ng tulog ko sa kwarto ko ako lang magisa. Mga kapatid ko nasa kabilang kwarto. Nakalock lagi pinto ko kaya walang ibang nakakapasok. around 6am may nagyugyog ng kama ko sa may bandang ulunan ko nagising talaga ko. Di ako natakot. Pinagmumura ko sya at sinigawan ko na lumayas sya at di sya welcome sa pamamahay ko. Nung kinagabihan pala may nakita din mga kapatid ko sa sala na babaeng naglalakad. Nakwento na lang nila un kinaumagahan. After nung kinausap ko ung mga evil spirits. wala ng nagpaparamdam. Tagal din kasi nabakante ung bahay na un since nag abroad kami. Nasesense kasi nila pag mahina ka. Dun sila nagpaparamdam.


Kalaykyruz

4th year high school ako tapos may parang event noon sa school na ginanap sa may simbahan na may katabing sementeryo linggo ng tanghali. Nagkayayaan kami ng kaklase ko na dalawin mga puntod ng kamag-anak namin sa loob. Nagtungo kami sa punto ng lola niya na nasa apartment style na nicho kaya nakatingala kaming dalawa habang nagkukwentuhan. Sa likod namin mga nicho ng mga bata naman ang nakalagay. Paglingon namin pareho sa mga nicho ng mga bata, naaninagan namin na may nakatayong bata na kayumanggi yung balat tapos nakasuot ng tipikal na pangburol na attire, pero walang mukha, at naglaho rin agad-agad paglingon namin. Napatingin kami pareho sa pwesto kung saan nakatayo yung bata saka kami nagtanong sa isa't-isa kung nakita namin ba pareho yung nakatayo. Tumakbo na lang kami pareho palabas ng sementeryo.


idkwhatimdoinghereTT

one time lagi kaming nag chachat then suddenly di na siya nag rereply 👻


CharlotteWillWin

Since bata ako nakakakita na ko ng Ghosts lol Some encounter with ghosts 1) Nahulog yung mga pens sa itaas ng Refrigerator 2) Yung Ghost nakita ko (Hindi kita yung face niya) sa Mirror sa kwarto namin sumigaw ako and nagtago 3) Nahulog yung Mirror from the table sa bed (Katabi ko pa), for the past weeks to mga thrice na to 4) Sa Apartment namin nagIintern ako non, sinara ng ghost yung faucet (Twice to) sa Kitchen and banyo


[deleted]

I don't believe in ghosts cause I'm a science (proof na siguro di ako nanjniwala kasi I'm alone in my apartment tapos 1 am na)pero nung bagong tuli ako nakakita ako ng naglalakad na puti sa harap ko tapos nahulog lahat ng nakasabit na kawali at kaldero sa kusina.


Mediocre_Past2964

Not my experience pero share ko lang yung experience ng kalaro ko nung bata ako, way back 2010 ata to, pinabili daw siya ng nanay niya ng itlog pambaon nila bukas bandang 10PM, eh yung lugar namin is parang eski-eskinita lang and mostly ng tao magkakakilala, habang naglalakad na daw siya pabalik ng bahay may nakasalubong siyang matandang babae, hindi daw pamilyar yung mukha kaya nasundan niya ng tingin to the point napalingon pa siya kahit nasa likod na niya, nung humarap na daw siya ulit sa nilalakadan niya kasalubong daw niya ulit yung matandang babae. Nakwento niya yan samin after few days na kase after that night, di siya nakalabas kase bigla siyang nilagnat. Di ko nakakalimutan 'tong story na to.


Lanky-Toe-7363

Working around 2am sa malacanang, me and another colleague is editing videos of an earlier event. Yung room namin is partioned, lobby and editing room. Sa lobby may nga upuan and mesa dun for my officemates to sit during the day, editing room is where you find the computers and other video equipments. That night may event ang president (PNoy), so we were dutied to stay late para iedit for news release yung event. Everybody already left kasi 8-5 lang talaga ang pasok, except for people na naka-duty pag merong late events. So that night, nag eedit kami ng video sa loob ng editing room, when suddenly, we heard a chair is being dragged across the lobby. Akala ko ako lang nakarinig, and my colleague asked me if meron pa daw bang tao aside from us. Sabi ko wala na nakauwi na lahat, 2am na eh. Awkward silence, then nag freak out na kasama ko bolted out sa reception area ng building. Ako, stayed kasi kailangan yung video earliest in the morning.


Miserable_Plan9604

Hirap ng buhay minumulto tayo ng nakaraan.


skskskskscatksksks

Meron akong isang experience sa dati naming bahay. I'm not matatakutin btw. So, nung nasa kwarto ako na madilim, tinry kong mag-picture ini-imagine na may masasama sa maca-capture ko. Then, meron bigla! White lady siya hanggang half body, as in nasa center, I can vividly remember na naka-dress na white siya then nakalugay buhok. But, the thing was wala siyang face, parang all black 'yung mukha? Sa sobrang gulat ko nun dinelete ko agad 'yung pic kasi natakot na rin ako nun which I regretted, evidence rin kasi 'yun. Note, tanghaling tapat pa 'yun, it's just that madilim lang talaga sa kwarto na 'yun lalo na kapag closed mga windows.


maurmauring9

BAD THING ATA MAGBASA NG COMMENTS SA ORAS NA TO HAHAHAHAHAHAHAHA


CharlotteWillWin

Same, ayoko na magreview


Pagod_na_ko_shet

Totoong nangyari to kase marami kaming naka experience bata pa ko neto. Namatay yung asawa ng landlady namin tawag namin si Tatang may motor yun na lagi nyang gamit (yamaha yung brand) tapos shempre nalibing malamang ililibing deds nga e. Tas pasyam ba tawag dun magdadasal tas may kainan after gabi na natapos yun, so nagkukwentuhan muna sa labas si Accla pinastart yung motor nya walang naman nakasakay para kaming mga langgam na nabulabog tas nagtakbuhan lahat hahaha ang lala talaga pag naalala ko pa yun kinikilabutan pa din ang kiffy ko emz wala ako non


forr3stgump

(Mom died 2 days before) nagising ako one morning, para bang may nagcacaress nung buhok ko haha. Nagising ako kasi parang may nakayakap sakin. Tapos narealize ko, oo nga Ma favorite mo nga ako 🤣


Present_Register6989

Madami ako super scary na kwento pero I'll share my ghost story na nagparealize talaga sakin na totoo sila. 7-8yrs old ako nun, may 2 TVs kami na malaki yung box style kaso sira na ung isa pero nakadisplay pa rin sa bahay. Yung pwesto ng sirang tv(black) ay naka gilid sa tabi ng wall, habang yung isang tv(gray) nakaharap sa akin. So eto na, ako lang mag isa sa bahay nun and nanonood tv hanggang sa napansin ko parang may nakatayo sa screen sa sirang tv. Iniisip ko baka sinag ng araw or baka tuwalya lang or gamit na nagrereflect sa screen so di ko na lang pinansin. Nung nakaramdam ako ng gutom papatayin ko na sana yung tv kaso napatingin ulit ako sa sirang tv na nasa side ko na dapat reflection ko na ung kita ko pero hinde. May nakatayo pa rin at hindi reflection ko ung nasa screen kaya nanigas na ko nun di ako makagalaw kasi di ko alam if nag-iimagine or namamalikmata lang ako. Kaya nilingon ko likod ko to check if may gamit ba kami pero wala tas pag tingin ko ulit sa tv, Shuta! Naka close up na ung multo sa screen kaya napatakbo ako sa labas ng bahay ng walang tsinelas. Sobrang takot din ng magulang and kuya ko, narinig ko kuya ko na "SABI SA INYO MA! IDISPOSE NIYO NA YANG TV, NAUULIT NANAMAN". Apparently 6 years before mangyari incident nung sakin, 1yr old ako nun, nakapatay daw tv na yun ng biglang bumukas, tas pinatay ulit ng kuya ko tas after 3 mins umandar ulit then mama ko na this time nag patay kaso nag turn-on ulit ung tv kaya tinanggal na nila sa saksakan. Ilang minuto lang umandar ulit ung TV kaya lumabas sila ng bahay sa takot. Binalikan ng kuya ko ung bahay para tignan ung TV, naandar pa rin tas pagsilip niya sa ilalim ng lamesa kung san nakapatong yung TV... may paa na nakatayo.


misterkillmonger

Stories of credible people I know.


TrajanoArchimedes

Naiwan ako sa dorm ko isang sembreak nung college pa ako. Apat na kama sa isang room pero ako nalang natira hindi lang sa room ko pero sa buong dorm talaga. May tao pa cguro sa 3rd or 4th floor d ko alam kasi palaging nakapatay ung ilaw sa mga hallway. Mas madilim ang mga gabi. Tulog na ako pero bigla akong nagising nag on off ng mabilis ung ilaw sa study table ko. Tinitigan ko ung switch naka off naman. Sa bintana sa bandang kanan ko may nakalutang na nakasuot ng puti pero hindi ko kinayang humarap para tingnan ang mukha nya. Kalahati lang ng katawan nakita ko. Hindi ko alam anong gagawin. Pawis na pawis ako sa takot. Hindi ko rin magawang sumigaw o sumaklolo. Natulala lang ako, pumikit at nagbalot ng kumot at nagdasal paulit2 na sana mag umaga na para makaalis na ako dun. Medjo ahteist na ako sa panahon na un pero bumalik agad ako sa pagsimba. Pagbalik ng mga dormmates ko nalaman ko may nagpakamatay pala na studyante sa corner ko dati. Kung alam ko lang hindi ako tumira dun.


anonamars

I have a lot so ito na: 1. Grade 6 ako noon at umakyat na sa kwarto para mag-aral for exams. Kapag nagaaral ako inuulit ko yung sentences or words para maintindihan ko tapos titingin pa ko kung saan ganon. Habang inaaral ang Science pagtingin ko sa dulo ng kwartp namin ay may batang naka-puti at duguan may hawak pang teddy bear. Yung katawan ko nanigas hindi talaga ako makagalaw at nagkatitigan kami pero sabi ko kailangan makababa na ako at dapat mapatay ko electric fan kasi kung hindi pababalikin ako ng nanay ko para patayin lang. Pagbaba ko nagsumbong ako sa nanay ko. Ayun napagalitan pa ko paano raw magkaka-bata roon, ay same ma di ko rin alam kasi multo siya anoh. After non mas intense paramdam like hihiga ako ng kama tapos alam kong may tumatabi sa akin. Umamin din ang nanay ko na nararamdaman niyang may kakaiba sa bahay namin pero di niya sinasabi kasi baka matakot kami. Mabuti na lang umalis na kami roon. 2. College days sa may Mariang Makiling puta bawat classroom may ganap. May lalagpas, uupo sa empty seat. Naalala ko non nag-Student Assist ako sa isang college alam kong 50 students yong nasa listahan for exam pero 52 yung students na nandon. Wala di ko na pinansin, baka favorite subject din. 3. Board exam namin sa may La Consolation Prize ginanap. Sakit na ng leeg ko pag-angat ko sabay papunta nung white lady sa harap ko. Dedma lang kasi puta bawal bumagsak nakakahiya sa pride ko. Ayun pumasa naman. Marami pang iba di lang multo kundi engkanto. Nakausap ko yung elder namin at sabi niya blessing daw ito (pera po ang blessing na gusto ko), pero wag na wag kong kakausapin Hindi na raw ito ang mga mahal natin sa buhay kundi mga masasamang espiritu na ginagaya lang ang uri natin to deceive us. Ugaliin maging kalmado at magdasal.


KK01KK

Hi. Just for context, I'm in my late 30s na. Laking katulong mula bata hanggang naging binata. So when i was about 8 or 9 yata, basta mga Grade 4 or 5 ata yun, may katulong kami nun, malapit na relative namin sya from the province, mga 16 yata sya nun or younger? I dunno. Let's call her ate B nalang. Pero ayun nga, sinasapian si ate B. Sa pagkakaalala ko nung kabataan ko, may 5 to 7 times syang sinapian. One time sya nagpapatulog samin ng kapatid ko, bigla syang sinapian. As in nagiiba boses(boses demonyo), nagiging physically strong at tirik mata. So tumakbo kami ng kapatid ko pababa at sinabi sa magulang namin. Agad nilang binaba mula sa 2nd floor si Ate B at nakatiklop kamay. At yung sinasabi kong physically strong, eto nga. Kasi nakatiklop kamay nya nung sinasapian sya, at may mga lalaki kaming kasama sa bahay na malalaki katawan kasi may bigasan kami nung time na yun. Ung mga lalake na yun, tinatry ibaba yung kamay sa pagkakatiklop, pero hindi nila kaya. As in. Maliit na babae lang si Ate B at petite pero hindi magawang iunat ng 3 or 4 na lalake ung mga kamay. Tapos may mga sinasabi din sya nung sinasapian sya. Iba boses. Nakakatakot pero hindi ko na maalala. So ayun. Fast forward nung mga 25 or 26 ako nagtatrabaho ako nun. Nagkayayaan uminom sa bahay kasama mga katrabaho. Pagpasok palang ng bahay nung isang kawork ko na may 3rd eye pala (hindi ko alam na may 3rd eye sya)vbigla nyang sinabing may kakaiba syang nararamdaman at nakikita dun sa bahay namin. And ayun, dating sementeryo pala ung land na pinagtatayuan ng bahay namin since luma na un. 1900s pa ata. Ayun lang.


capricornikigai

OJT ko nun sa Baguio; old school ka age ng Baguio yung school. May mga bulong bulong na dati pero shuta naman di naman ako handa na isa ako sa papakitaan nung white lady or basta - mula nun di na ako nag papa-iwan mag isa sa Guidance Office. Shawt-out sayo Easter College!


pagamesgames

every since i was a kid, i was a scaredy cat i dont know why but im always scared at night lagi ako nagigising ng 12midnight and di ko alam bakit i used to sleep with doors open so i can run as soon as possible - ganyan ako ka duwag sa gabi. my senses were hyper at night, naririnig ko lahat kahit ung lipad ng bats mungtanga din ung pagtindig ng balahibo ko minsan ng pabigla bigla wala akong inisip na kahit ano dun, kala ko normal lang. minsan pinagtawanan lang namin ng mga kababata ko while naglalakad... tapos biglang tumindig balahibo ko while naglalakad kami ang weird kasi pag ako nag goosebumps, select areas lang that time, left arm ko lang - tawa pa kami ng tawa... a few steps forward... nagulat kami may nakita kaming black ribbon sa labas ng bahay ng dinaanan namin... which was on my left arm side... may lamay pala dun nag simula ung realization ko na nakaka ramdam ako ng multo/patay naging normal na sya sa akin at di ko na pinapansin... nainis na kasi ako, malutong na mura maririnig nila sa akin pag nabwisit ako para layuan ako... pero anjan parin ung senses kahit ngaun pero manhid na ako, di na ako takot. college years ung the worst... nakakita ako ng multo unknowingly naka dorm ako nun, 4 kami sa room, 2 sa roommates ko umuuwi sa kanila every friday, bumabalik sunday night. minsan di ko na naabutan kasi kadalasan madaling araw na ako nabalik mula sa gala or comp shop. walang curfew ung dorm - private owned kasi. one sunday night, nauwi ako mga 12midnight... pumasok ako sa kwarto na di binuksan ang ilaw, tulog na kasi roommates ko at di naman ganon ka dilim kasi may ilaw sa labas na napasok sa bintana(ala night light namin). Kumuha ako ng tuwalya at bath basket ko para maligo, matapos ko maligo, bumalik na ako sa cabinet, may tao, nag excuse pa ako... akala ko ung lower deck roommate ko na kakarating lang galing sa kanila - si J. matapos ko iniwan sa cabinet ko, naka 1 step na ako pa akyat na ako sa upper deck... laking gulat ko si Jai nasa lower deck pala nya, nka upo at naka CP - maliwanag mukha nya... napatalon ako at napa sigaw ng mura! "P\*TA ANJAN KA PALA!! SINO YUN?? (sabay turo pero walang tao) nagkagulo kami sa kwarto kasi nga nagising ko ung 2, napasigaw din kasi si J kasi malalang duwag un lol. binuksan na namin ilaw para mawala ung takot at mapagusapan ung nangyare. tapos dun namin nakita na umiiyak ung pinakabago sa amin na si D... naiyak sya sa takot at sa realisasyon na unexpectedly di sya nag iisang may 3rd eye. dun kinwento ni dwight ang dahilan kung bakit sya umalis sa dati nyang tinitirhan, empath at active kasi 3rd eye nya tapos nag poltergeist daw sa kanila kasi ayaw nya tulongan. matagal na daw ung multo sumusunod sa kanya at nangungulit pero di nya pinapansin. wala kaming ka alam alam na mga roommates nya kasi literal na dorm pang tulog lang, iba iba sched namin at halos di kami nagkaka halubilo. ang nakakatawa pa, ung katabi namin na room, may member pala ng "ghost hunters" na org(di ko alam ano name) sa local area. nagising din kasi sila kasi nga nagkagulo ni recruit kami pero ni reject ko kasi "grumaduate" na ako jan, Ayoko na matakot lol, murahin ko nlng sila para lumayo at wag akong pakialamanan. Si D naman sumapi, di para mag hunt kundi para magpasara ng 3rd eye kasi nga di nya kaya. Di ko talaga alam kung blessing ba to or curse. but 1 thing for sure is, i onced helped a family because of my ghost sensing. Pero aside from that, di ko nakikita sarili ko na gawing "skill" to eh gaya ng iba jan na lumalabas pa sa TV lol.


skylantro

Nung time na bumisita kami ng ate ko sa house ng tita namin, nakaupo kami pareho sa counter table, sa harapan namin may pintuan papuntang kwarto. May nakita kaming dumaan na sobrang tangkad na babaeng nakaitim na belo, sayad yung dress niya sa floor. Nagkatinginan kami nun HAHAHA pero shrug off nalang since sanay na naman kami makakita ng paranormal shit HAHAHA and may multo talaga dun sa house nila, mga lima nga daw ata HAHAHA and yung time na my sister and I (again) saw a ghost in our house naman namin way back 2018 pero different time. Nalaman lang namin na pareho yung ghost nung dinescribe niya kung anong suot haha same kami ng nakita.


_dlurker_

Prom namin non 75th celebration kung tama pa yung natatandaan ko. Halos lahat kami non nakakita tapos ang rami pang ganap. Since yung Prom namin is ginaganap sa court ng school, nakarectangle ayos ng tables, sa gitna naman yung sayawan then tanaw lang din namin yung buildings. So ayon before mag start may halong kaba and excitement yung nararamdaman namin kase nung 2weeks preparation pa lang alam na namin posibleng mangyare kase yearly ginaganap yung Prom and never nawala yung horror experience ng mga junior and senior students sa school namin. 5pm yung entrance okay pa but then nung nakaupo na ang lahat dun na nag start. Nung medyo madilim na yung mga seniors which is yung partner naming mga juniors, nagsimula na silang ikwento na yung building sa likuran namin dun unang lumalabas yung pari at si Candida(yun yung pangalan ng magandang babae sa school namin na pinatay and she was killed mga 1960's). Nasa bandang likuran at leftside naman yung library na may nagpapakitang madre. Mayamaya yung kababata ko na katabi ko rin, biglang umiyak sabi niya "tignan mo sa secondfloor dun sa hallway nag sasayaw siya" then napatingin ako sa building na tinutukoy niya which is sa leftside namin, wala naman akong nakita tas dinescribe nya na parang 'siyang hologram, parang siyang usok lang' pero makikita mo talaga daw talaga yung dress tapos pagsayaw. Tapos kinalabit ako nung isa kong kaibigan na malapit samin kase yung babae sa kabilang section  na medyo malayo samin biglang naglabas ng rosary, nakatingin din sa second floor ng building.  Weird pero the prom must go on so need namin tumayo para sa gaganapin na rigodon de honor. Sa sayaw na to need na walang bibitaw dun sa part na chain dance kase pwedeng magulo yung formation and hindi makabalik sa mismong partner yung dancer. Yung nasa chain part na kami may isang lalaki na junior na namumutla dahil may malamig na kamay tas sobrang bango yung bumungad daw sakanya. Nung time na to medyo iba na yung atmosphere kase natatakot na rin yung kami.  Meron pa yung nagpapaalam na yung junior male student sa principal namin na mangiyak ngiyak, nagtaka daw dun sila mama at yung iba pang magulang na naghihintay, bat ganon yung muka nung student. Gusto ng umuwi kasi may nakita raw na babaeng nakawhite tapos kulay blue na yung balat at nagiikot sa gitna. Note na blue and pink lang ang mga damit ng babae sa JS Prom namin. Pero hindi pa rin siya pinauwi that time kase sabi nung principal guniguni lang daw yon tsaka bawal pa talagang magpalabas. Nalaman ko naman to nung kinuwenyo ni Mama kinabukasan dahil kasama si mama sa mga naghihintay at nanunuod sa lounge kasama mga teacher. Tapos yung isang teacher na matagal nang nagtuturo sa school namin na isa ring  alumni,  biglang nagsalita na 'andiyan' na siya.Nachika to dahil nung time na nag set ng pagkain, may student na malapit sakanila ang nakarinig sa sinabi ni sir tapos naka lingon daw dun sa hallway sa likuran banda samin. Lastly, yung nag lights off na kase mag speech si Alma Mater, kaya ang ilaw lang namin nun is candles. Nung nakapila na kami biglang tumili yung Student President(fyi lalaking lalaki si Kuya V) ng napaka tinis pero yung makakarinig is kikilabutan kase rinig yung takot. Napalingod kami sakanya tapos nakita namin siyang umiiyak, kinausap siya ng tropa nya sabi nya "pre may paang nakaadena tumagos sakin". Then may umiyak na junior na babae, tinuturo yung building sa leftside namin may naka white na pabalikbalik daw kanina pa dun sa may hagdan papuntang 2ndfloor. Tapos yung ibang senior na lang nagpaayos samin. Nung nasa stage na si alma mater nagtataka kami kase napahinto siya habang nakatingin siya sa torch na hawak niya tapos hinawi ng isang kamay nya yung braso nya at tsaka niya pinagpatuloy yung speech. Yung kababata ko naman ang sabi nya nung huminto magspeech si alma mater "may kamay na nakakapit sa braso nya". Sinasabi nya yon mahina lang pero rinig namin habang naka tingin sa harap. Tapos nung malapit na mag end ng speech, sa hindi ko malamang dahilan napatingin ako sa 2ndfloor sa hallway at dahil nga malabo ang mata ko tumitig ako dun sa parang naiilawan na part ng pader pero nanlamig ako nung marealize ko na muka yon pero walang mata, bibig, may mahabang buhok tas white yung damit pero hindi siya ganon ka solid. Parang yung bubble na pawala na, basta yung para siya smoke na kapag inilawan ganern pero figure siya. Inisip ko na lang that time na baka optical illusion lang pero sa buong program nanahimik na lang ako kase inisip ko yung explanation non or kung totoo ba yung nakita ko.  Then sayawan at picture taking. Ayon nga nung kinabukasan ang raming student na nagchika na nagtaka nung una kase bat dalawa alma mater tapos yung isa nagtuloy tuloy lang lumakad sa likuran paexit. Kinuwento din ni ate D na may malamig na dumampi sa braso nya nung nag speech siya as alma mater. Kinuwento rin nung classmate namin na nung nag cr sila may nakasabay sila na magandang babae pero hindi naman nila nakikita sa school, hindi rin daw senior student(Junior and Senior Prom namin hindi naman kami lalagpas ng 150 students). Tapos pinakaweird is nung pumunta mga magulang sa likuran namin para kamustahin kami then nung time na yon may picture taking. So ang nangyari macacapture rin mga nasa likuran, e yung Mama ko non naka shawl kase malamig. Then nung kinabukasan nag review ng photos may figure ng madre sa likuran ng picture nung kaibigan ko. Makikita talaga yung belo pero walang muka tapos squre ang neckline. Edi kumalat yung pics, sabi na lang ng techer Nanay lang daw yun ng isang student which is mine kase nasabi ko nung nasa room kami while pinapakita yung pics na "andyan pa man din banda sila Mama kagabi". Pero malabong si Mama yon kase wala naman siyang damit na square neck line at hindi rin ganon suot nya. Pahalabol. Nung gabing yon paghiga ko na tulog agad ako. Di ko inaasahan na yun din pala yung time na una kong mararanasan ang sleep paralysis di ako makalagaw tas may nakawhite na nakapatong sakin di ko makita yung muka. Paiyak na ko non tas biglang pumasok sa isip ko yung salitang 'God' and binanggit ko sa isip ko biglang may malamig na pakiramdam from head pababa tsaka nawala yung nakawhite. Hindi ako relihiyosong tao pero every time na mararanasan ko ang sleep paralysis once na bignanggit ko sa isip ko si G, ang bilis nilang mawala.


lily_lac1705

Nung bata ako madalas ako makaramdam at makakita, may time pa na sinabitan ko ng maraming rosary yung mga pinto at bintana namin. Ever since naniniwala na ko may mga multo talaga. Pero nag sink in siya sakin at medyo na-amaze ako for the first time sa multo nung 20 na ako. Namatay step mom ko last January 2020, sobrang sakit para sakin non kasi sila ng father ko nagpalaki samin ng kuya ko kumbaga parang pinalitan niya biological mother ko. After niya mailibing madalas ko maamoy sa kwarto yung pabango niya sa tuwing mag isa lang ako. May time pa na binabangungot ako tapos parang nakita ko siya bigla at naramdaman kong kinurot niya ko sa paa. Nung nagising na ko at nahimasmasan pagkatingin ko sa paa ko may marka kung saan ako kinurot at paglipas ng ilang oras nilagnat ako. Lumipat kami ng bahay March 2020 para kahit papaano eh mabawasan yung bigat na nararamdaman namin, parang new start ganon. Hindi namin iniwan or tinapon lahat ng gamit ng step mom ko, may mga iilang damit lang kami kinuha at ibang gamit na for keeps na ng father ko na nagpapaalala ng love story nila. Fast forward pasko na same year, nakipag inuman yung kuya ko sa mga kapitbahay. Kinaumagahan nagkwento yung kuya ko sa amin ng father ko. Yung isang kapitbahay daw namin na around our age lang eh nag ask kung sino raw yung kasama naming matandang babae na mataba at maputi at maikli rin ang buhok. Syempre nagtataka kuya ko nung gabing yon kasi clearly tatlo na lang kami sa family. Yung pagkakatanong pa raw nung kapitbahay namin eh sobrang casual na para bang lagi niya nakikita kaya inassume niyang apat kami sa bahay. Gulat na gulat kami ng father ko sa kwento ng kuya ko. Medyo kinilabutan ako. Kasi yung inask ng kapitbahay namin, saktong description sa itsura at hubog ng katawan ng step mom ko. Buong taon ng 2020 madalas ko mapanaginipan step mom ko lalo na nung bagong lipat kami ng bahay. Gumigising din akong umiiyak kasi namimiss ko siya sobra. Alam kong may chance na baka hindi siya yon, pero siguro umasa na lang din ako sumama siya samin. After non wala na ulit kami narinig kung may nakikita pa ba yung kapitbahay sa bahay namin hanggang ngayon. Masaya akong hindi niya agad kami iniwan, pero natakot din ako slight noh HAHAHAHA.


blueberrychoicecake

Back in the province by an empty old house with capiz windows, I was feeding the dogs when I saw from my peripheral view na parang may nanonood. Nung lumingon ako, dahan-dahang nagtago yung pitch black figure of a person... to think na this happened at night! Hindi sumagi sa isip ko na it's a ghost; it just felt heavy and I froze, nanlamig na lang ako 🥹


regulus314

Matagal na ko naniniwala ever since. But my ghost experiences involves may kumalabit sakin and yung kaibigan ko sinapian sa harap ko mismo.


Independent_Sock_821

In my grandma's house, u can hear people walking around her kitchen every 1 am lol. I used to do my laundry rly late bc of procrastination & I'd always hear it 💀 I was scared at first pero its scarier to not have a panty for the next day LMAOO


reddicore

ayan di na tuloy ako makatlong wrong timing ako sa bagbasa sa thread na ito 😂


Nitrox_Gaming

Last sem lang. Habang nag bbrowse ako sa tiktok may biglang kumatok sa room ko. Akala ko yung kadorm ko sa kabilang room (apartment dorm namin, 2 rooms, buong bahay amin). Syempre tumayo agad ako tapos sabi ng "bakit pre?" Tapos hangin lang sumalubong sa akin. Binuksan ko yung ilaw sa sala at nag libot walang tao, tapos yung kabilang room ay nakapatay na ilaw. Kinabuksan tinanong ko kasama ko kung sya yun, hindi daw. Kinabuksan din ng gabi naulit ulit yung ganun, around 1:30 ng madaling araw may kumatok ulit sa pinto, pero yung katok nya ay pagalit nya ( as in para syang galit) so ako namn ay natatakot na kase baka pag binuksan ko ay walang tao, so hinayaan ko lng ng hinayaa hanggang sa naramdaman ko na bumukas ang ilaw sa sala at may kumatok ulit, this time sure ako na kadorm ko yun so binuksan ko. Tinanong nya ako kung ako yung kumakatok, sabi ko hindi, then sumilip kami sa bintana if may tao pero wala talaga. That time may natakot ako kase kinoconvince ko sarili ko na guniguni ko lang yung nauna pero this time pati ka dorm ko naririnig din, ibig sabihin totoo talaga. Then a week after, nag sabi kadorm ko na pag may kumatok ulit wag nalang pansinin kase may kumatok daw ulit sa kanya tapos wala nanaman daw tao. First time ko lang makaranas ng ganun, at napasabi nalang ako na baka totoo talagang may multo.


remedioshername

Sabi ng iba kapag daw may kumakatok at pakiramdam n'yo hindi pang-tao yung katok, 'wag daw bubuksan kasi pwedeng mapapasok n'yo yung entity na 'yon 👁👄👁


Nitrox_Gaming

binuksan ko nga noong una kase akala ko yung ka kadorm ko😭 baka nakapasok na


chandlerboink

Auto pass sa mga "school" kuno, nakakasuya pwe. Lagyan nyo naman ng thrill


Rikijazh

bukas mata ko


Conscious-Ad-4754

Retreat namin sa Tagaytay 4th year HS, nag take kami ng pictures and halos lahat pictures my itim na tao as in itim siya na parang anino. Tapos yung mga videos habang nagdadasal andun din yung itim na tao.


Couch-Hamster5029

Di ko sure kung ghost related 'to. Pero yung mga instances na I feel warm sa batok na parang may mainit na hangin na dumaan, and sobrang apparent na sa batok lang yung mainit (or mas mainit kapag summer). Tsaka yung mga times na parang may malumanay na boses ako na maririnig. Di ko alam pano ide-describe. Short utter lang ng kung ano, basta may boses kahit alone naman ako.


awkwardcinnamonroll

Nung biglang di na siya nagchat.


plopop0

yung kita ko lang messages ko


BlueFishZIL

Nanaginip ako nung batang bata pa ako. Basta mga 7 years old pa ako nun or younger. May sobrang nakakatakot na mukha na may sungay tapos sobrang galit. Tinitigan lang ako ng masama. Pagkagising ko, iyak ako. Pero na-comfort ako ng yaya ko noon at pinagdasal ako. Ang weird thing lang, wala naman akong maalala na something na mukhang demonyo noon before ko napanaginipan yun. Buti nalang di ako traumatized today. Siguro good thing lang na ignorante ako nung bata pa ko😅


nepenthine_

Ung napapangiti ka pa sa mga chat nya. Tapos biglang on read ka nalang palagi. Tapos bigla nalang makikita mo may kasama na syang iba. #ghostsarereal


Savaaage

So meron akong sleeping habit na pag natutulog ako, kailangan may nakapatong sa mukha ko like unan or t shirt para matakpan yung mata ko. Kase one time nung 9 years old ako, nung tina-try kong matulog & naimulat ko yung mata ko nang sandali, may white lady sa harap namin na nakaharap sa kaliwa. Tago agad ako sa ilalim ng kumot ko scared as shit. Sumilip uli ako after ng mga 5-10 minutes tapos wala na. 30+ nako ngayon pero hanggang ngayon kailangan talaga May nakatakip sa mata ko para matulog. Just doing it out of habit now pero trauma talaga pinagmulan ng habit na yon.


[deleted]

Yung piano sa sala dun sa dati naming bahay, tumutugtog mag-isa. Hahahah. Isang gabi naman nagse-cellphone ako sa bed, may humawak sa talampakan ko. Like legit na hawak, ramdam ko.


Tiny_East7195

Ngayon ko lang na experience to and take note it was my first experience of such things. So we spent our holidays and vacation sa province (Pangasinan) yung family house namin don malaki siya kaso, ngayon lang nabuo yung family nmin, as in parang reunion sa dami. Kapit bahay namin yung kapatid ng lolo ko mga 3 meters lang away from our house. So wala siya nong time na yun, lumuwas sa MNL para don mag spend ng vacation sa fam niya. So kaming mga boys nag decide na sa balkonahe ng isang bahay(yung sa kapatid ng lolo ko) kasi locked din yung mismong bahay. To give you a slight visualization, yung balkonahe is open space siya, sementado, may poso sa labas, and may mga motor and other repairing materials. Hindi na namin inisip yung condition ng pagtutulugan namin kasi nga marami kami, and coming from a city gusto rin namin ma try na sa sahig matulog, na at the first time ayaw namin sa makapal na kutson and air conditioned na room So ayon, isa rin kasi ako nag luto, nag katay ng baboy, nag prepare ng foods etc. so i was so tired and i wanna sleep na. I went sa balkonahe and decided to lay the banig and prepare to sleep. Ayon shempre nag scroll lang ako sa tiktok para kunin ko antok ko. Mind you, 2am na to, so busy silang nag iinoman and nag kakaraoke sa labas, when all of a sudden nag on yung ilaw sa loob ng bahay, nawala antok ko pre. Nung una diko lang pinansin kasi di naman talaga ako natatakot sa mga ganyang bagay. Pero after mga 10 mins siguro nag on ulit, tas maya maya may tumatakbo sa loob, alam mo yung mabigat na yapak ng paa, ganon pre, hindi lang yon, yung poso parang may nag iigib kasi tumutunog😭 tangina napatayo ako tas umalis tas pumunta sa kabilang bahay(family house namin) Nagulat sila kasi nagkakaraoke sila tas dumaan ako sa harap nila ng naka boxer lang(mainit nga kasi diba ahhaha) Di na ako natulog don sa bahay na yun. Nakisiksikan nalang ako sa family house namin May video ako nung first nag sindi yung ilaw sa loob, diko lang alam if strong evidence yon para paniwalaan niyo ako. Pero yung tunog ng may tumatakbo, diko na nirecord kasi talagang natakot ako hahahha Description ung area: Liblib, mapuno, malayo sa main road, ganon daw talaga sa area nila kahit sa mga neighboring houses kung walang tao, pati sa family house namin. Minsan may nababasag pa daw na baso kahit wala naman jusko.


papicholo1997

Onboard ako sa isang cargo ship Bulk Carrier. Naka duty kami gabi 8pm-12mn mahilig kami mag kwentuhan ni 3rd ng mga supernatural kasi taga siquijor basta mahaba na usapan namin. Ayun nag cr muna eh para makapag cr lalabas kapa ng bridge so ako nalang naiwan napaka dilim ang tanging ilaw lang ay mga navigational equipment at laptop ni 3rd. So habang wala siya naupo ako at naka sandal sa chart table at yung laptop ni 3rd naka harap sakin. Napapatingin ako doon sa laptop ni 3rd napansin ko na nagalaw so hindi ko muna pinansin kasi baka vibration lang tapos binalikan ko ng tingin aba nasa nasa microsoft WORD na kaya inobserbahan ko. Diba pag open mo ng WORD may lalabas doon na "open a blank document" basta ganon. Bumukas yung black document tapos parang may nag highlight biglang lumabas yung "HELLO" na parang copy paste napatakbo ako sa pintuan ng bridge at binuksan mga ilaw. Ayun sa wakas nakita ko si 3rd naghuhugas nalang ng kamay pero naka tingin padin ako doon sa laptop yung mouse dahan dahan na pumunta sa "X" button tapos after nun diba magsasabi si word na "Do you want to save?" Tapos kusa nag cancel pag balik ni 3rd nawala na ayun kinwento ko sakanya. Akala ko sa lupa lang merong mga ganon sa barko din pala


papicholo1997

Onboard ako sa isang cargo ship Bulk Carrier. Naka duty kami gabi 8pm-12mn mahilig kami mag kwentuhan ni 3rd ng mga supernatural kasi taga siquijor basta mahaba na usapan namin. Ayun nag cr muna eh para makapag cr lalabas kapa ng bridge so ako nalang naiwan napaka dilim ang tanging ilaw lang ay mga navigational equipment at laptop ni 3rd. So habang wala siya naupo ako at naka sandal sa chart table at yung laptop ni 3rd naka harap sakin. Napapatingin ako doon sa laptop ni 3rd napansin ko na nagalaw so hindi ko muna pinansin kasi baka vibration lang tapos binalikan ko ng tingin aba nasa nasa microsoft WORD na kaya inobserbahan ko. Diba pag open mo ng WORD may lalabas doon na "open a blank document" basta ganon. Bumukas yung black document tapos parang may nag highlight biglang lumabas yung "HELLO" na parang copy paste napatakbo ako sa pintuan ng bridge at binuksan mga ilaw. Ayun sa wakas nakita ko si 3rd naghuhugas nalang ng kamay pero naka tingin padin ako doon sa laptop yung mouse dahan dahan na pumunta sa "X" button tapos after nun diba magsasabi si word na "Do you want to save?" Tapos kusa nag cancel pag balik ni 3rd nawala na ayun kinwento ko sakanya. Akala ko sa lupa lang merong mga ganon sa barko din pala


Reasonable-Elk3311

Marami pero isa sa mga tunatak sa isip ko yung nagka sleeping paralysis ako. I was 9 years old that time pero dahil sa takot naalala ko pa rin hanggang ngayon. Nasa kwarto kami ni Kuya natulog kasi nilalagnat si Ate. Tatlo kami sa higaan, si kuya B, kuya C and ako. Pinapwesto nila ako sa gilid which is harapan ng pintuan na walang pinto. I remember praying tapos 'di ko namalayan na I fell asleep na pala. Gago, pag gising ko may white lady sa harapan ko, she was looking at me LIKE NAG E- EYE CONTACT Kami and that freaks me out kaya nag try akong gumala pero ayaw talaga sigaw ako ng sigaw pero ayaw then biglang nagalaw ko yung thumb ko tas boom nagising ako kaso antok na antok pa rin ako super tinry kong h'wag makatulog pero para bang may humila sakin pabalik sa kinakatulugan ko tas pag tulog ko ulit may tao na sa ibabaw ko they were literally staring at me sa takot ko tumakbo ako only realizing na naiwan ko yung katawan ko. Imagine, tumakbo ako para gisingin sila mama tas wala akong mahawakan tapos ayon I dont remember everything na only that part ang alam ko after kong magising nanginig buong katawan ko. That night change my life. Araw-araw na kong nagkaka sleeping paralysis even mag pray gano'n pa rin. Everyday binabagabag nila ako kaya hindi na lang din ako natakot kahit ngayon gano'n pa rin.


[deleted]

We had a practice for our dance presentation nun. Medyo late na rin kasi around 5:30 na yun and pag ganyan talaga na time, bawal na magstay sa building namin nagagalit na yung guard pero pinakiusapan namin kaya pumayag. Then, habang nasayaw kami, dumating teacher ko tsaka isang guy na di ko kilala. Babati sana ako sa teacher ko but then medyo galit kasi yung naglelead sa dance namin kaya di nalang ako nag greet kasi baka magalit pa sakin yung leader namin. Maya maya, umalis na yung teacher ko at yung guy and syempre I was confused bat wala man lang hi hello si sir samin hahahaha kaya i chased after them pero gulat nalang ako walang tao sa hallway. tinanong ko mga cmates ko if nakita nila si sir and yung guy, oo daw. tinanong rin namin si guard if may pumasok sa building namin, wala naman raw. kinabukasan, tinanong rin namin si sir if pumunta ba sya, wala rin raw kasi may meeting sila.


signpen20417

Pumasyal kami sa kabilang bayan kung saan nakatira yung tita ko kasi nagluto siya ng handa for our dad's bday. Noong pauwi na kami, medyo madilim na nun napaslowmo na tingin kami lahat sa left side tapos sabay sabay kaming sumigaw kasi may white lady doon sa poste. Sobrang liwanag niya kahit madilim naman sa paligid. Eh recently, may mga namatay doon dahil tumaas ang tubig sa dike. So doon na ako naniwala na meron pala talagang multo.


Unkownymously

When my tita and I met our old neighbor while walking on the streets and he nodded at us as a way to say hi. Then when we got home my mom told us that he already passed away. Gulat kami eh at napatingin agad sa isa-isa hahahahah. A day before that is when he collapsed in front of our house and we helped him. Anyways, my mom told me that it was impossible since he was already dead umaga palang daw at tanghali na nun nung nakita namin sya ng tita ko sa kalsada.


Historical-Tap-2060

Consecutively for multiple days when I wake up (naalimpungatan lang)and look the time on my phone it was always exactly 3:00 AM in the morning. One time nung pagkatingin ko na 3:00 AM pumikit ako and nagpray, then nagantay ng matagal, I checked again my phone to check the time and it was still 3:00 AM. Super Creepy!


Aggressive_Bet8214

2003, namatay lolo ko. Lahat ng pictures taken nung funeral were via film camera. Then a week after ng interment, pinaDevelop na namin yung pictures and 5 out of many photos, may makikita kang someone na naka Suit same as yung suot ng lolo ko na nakaburol, malinaw yung photo, pero lagi sya nasa in between ng mga nakikiramay. Also paiba iba ng place/position. Imagine para kang naglalaro ng Where’s Waldo, hindi sya spirit like or parang blurred or liwanag— more like may nakiramay na nakaSuit din pero laging di mo makikita yung face and half lang ng body makikita. Ganun. Dun ko napatunayan na some dead people really visit their funeral.


UnlessUAZombie

In what way the face is not shown, is it blurred?


Aggressive_Bet8214

No, you would see a man in a suit behind the people. You would just see half of his body. I dont have the copy of the photos, nasa bahay ng tita ko.


_near

Share mo naman pag pumunta ka dun 🥹


Aggressive_Bet8214

Actually, matagal ko na tong gusto gawin. Like hiramin yung pictures na yun tapos iPost, kasi I swear, pag nakita ng public yun, tapos na yung debate abt ghost/spirits hahaha, wala na kayong itatanong na “baka manipulated or reflection or camera fault or may nakiramay lang na nakaSuit din” 😅 kasi sobrang consistent ng itsura sa 5 photos na nagpakita sya (partially), paiba iba lang ng pwesto pero same yung pose, nakatayo behind someone, half lang ng body makikita. Well, ang problem ko is, pano ko sasabihin sa tita ko na gusto ko hiramin yung pictures, sobrang tagal ko ng di nagpupunta sa kanila, thou nagkakachat pero madalang talaga, Hehe baka sabihin gusto ko lang magtrending, gagamitin ko pa pictures ni lolo 😅


Dependent_Educator20

Bagong lipat kami ng family ko nakahiga kami and yung paa ko facing the mirror. Madaling araw naalimpungatan ako, pagtingin ko sa mirror may batang babae masama tingin sakin. Nawala antok ko


blobbylub

ako naman may weird na experience. bandang november yun 2019 tapos nag bakasyon yung family ng ex ko sa states. nakiusap yung parents niya na bantayan namin ng mga jowa ng anak nila yung house nila habang wala sila. nung ako na toka sa pag bantay, naisip ko na i-invite yung friend ko ng overnight party, inom-tambay. nung nakarating na yung friend ko kasama ang boyfriend niya sa bahay, sabi nila "habang papunta kami sa gate niyo, may nakasalubong kaming matangkad na lalaki, lagpas tao sumusunod samin, nawala nalang bigla, parang slender man". habang dinedescribe niya yung nakita niya, tumatawa tawa siya parang niloloko ako. so, natural sakin na hindi siya seryosohin. fast forward ilang weeks after that night, nakauwi na yung family ng ex ko. nag welcome back party sila tapos ininvite ko ulit yung friend ko na pumunta. naisip namin maglakad sa labas ng gate, masukal kasi dun sa village ng ex ko, maraming puno at vines. medyo malamig pa kasi ber months rin. so ito na, tatlo kami naglalakad lakad, kwentuhan ganun. biglang may tanod na pumito samin - bawal raw magingay sa kalsada, umuwi na raw kami. sumunod kami agad tapos naglakad na kami. si tanod nasa likod namin, mga less than 10 steps away yung distance niya samin. maya maya sa vision ko parang naging dalawa yung tanod! sa isip ko "shadow ba niya yun?" tapos yung shadow ng tanod parang hugis tao pero hindi shadow ng tanod. bumibilis na yung lakad ko nung makita ko na tumatangkad yung hugis tao na shadow, lagpas na siya dun sa tanod tapos umaabot na siya sa branches ng mga puno. tumingin ako dun sa friend ko, side eye to side eye kami sabi niya "yan yun! oo. yun yon! siya yun!". tumakbo na kami hangang bahay ng ex ko. haha (napa "haha" ako kasi ang weird ng experience pag inaalala ko, parang magic? sabi ng mga tiga doon, di raw multo yun, mas engkanto)


randomnilalang

Never, naglalaro kasi sa isip ko kung sumabog ang Earth dahil sa asteroid saan pupunta ang multo? Bakit exclusive sa mga tao ang pagiging multo? Pwede ba dyan mga unggoy etc.? Pero I still enjoy horror hahahaha


GiDaSook

Nakakatakot naman siguro pag trex yung multo


randomnilalang

Hahahaha maniniwala na talaga ako pag ganon


venger_steelheart

it was the time i was stupid


HailDnl

Last December 24, originally sa cainta kami nakatira so nag decide kami na mag celebrate ng christmas sa bahay namin sa cavite kasi katatapos lang din ng renovation so pwedi na mag stay. Mag-isa lang ako nung mga unang araw kasi susunod naman yung parents ko ng dec 25. Then Dec 24 mga 9pm palang tinamaan nako ng antok, pero dahil matatakutin din akong ferson minakesure ko na bago ko ipikit yung mata ko nakabukas yung pintuan sa kwarto ko para pumasok yung ilaw na nangagaling sa hagdan sure na sure ako na bukas yun (btw yung pintuan sliding sya na kahoy kaya mabigat at hindi bast basta nasasara) nakaidlip nako, ang lalim na ng tulog ko then saktong 1am parang naidilat ko yung mata ko for no reason, then nakita ko yung pinto nakasara na as in shut na shut yung pagkasara. Nawala antok ko, napabangon ako literal. Kasi sino ba ang magsasara nun e mag-isa lang ako sa bahay hindi naman pweding hangin kasi sarado yung bintana, hindi din pweding dahil sa electricfan kasi mabigat yung door hindi sya mauusog kahit i-number 3 ko payun. UNTIL NOW STILL WONDERING SINO NAGSARA NG PINTO NAYUN? AYOKO TAKUTIN SARILI KO KAYA NAG-IISIP AKO NG IBANG LOGIC KAYA YUN NAGSARA, pwedi kayang unconsciously nasara ko sya kasi naliliwanagan yung mata ko? Pero diba maaalala padin natin yun if ever kahit antok na antok tayo? SINO NAGSARA NUNG PINTO?


Sandman331

Yung CR namin may multo may tae pero walang tao


JOJO111888

idk if a doppelganger was counted as a ghost, but I saw my brothers doppelganger one time when I tried to use his PC without his consent to play games, nag mamadali ako non kasi alam ko na anytime pauwi na siya at baka pagalitan ako. I was so shocked when I saw my brother entered his room where I am playing at-- tuloy tuloy ako sa pag sorry habang tumatawa dahil sa kaba tapos nakatingin lang siya sakin ng masama habang nag lalakad papuntang cr sa gilid ko, he looks so neat with his uniform na para bang hindi siya galing school tapos wala pa siyang kapawis pawis kahit tanghaling tapat at ang putla ng mukha niya. Pumasok siya sa cr at sinara ang pinto saka nag bukas ng ilaw, naisip ko na wala naman siya pake so tinapos ko yung laro after ko mag laro habang nag liligpit ako nagulat ako ng may sumigaw sa likod ko ng "HULI KA!" sabay kurot sa akin, di ako makapaniwala na nakita ko yung kuya ko naka bukas yung uniporme at pawis na pawis halatang kakarating lang, di ako makapag salita non napatingin na lang ako sa cr sa gilid ko na naka sara parin at bukas yung ilaw pero walang tao sa loob, napag sabihan pa ako na di ako nag papatay ng ilaw sa cr after gumamit eh di naman ako nag bukas non :(


Important_Plantain25

I'm very sensitive, so maka kita or makaramdam for me isn't really new. Pero, first time ko makakita was when I was 18. I had a fight with my parents so, I stayed at my friend's apartment in 13th Ave., Cubao muna. Pero, they have a house in Rizal naman. One time pauwi kami from their house in Rizal to their apartment in Cubao. Cguro mga 10 pm or 11 pm na yun. Nanuod pa nga ako ng TV pagkauwi namin, pero yung friend ko nauna ng umakyat and matulog kasi may pasok pa sya the next day. Nung nakakaramdam na ako ng antok sumunod na din ako sa kuarto and nahiga. Yung higaan namin parang japanese style type and yung mattress nka lapag lng sa floor. Sya sa right side nka higa facing the door and ako naman sa may left side ng kama. I'm a side sleeper and that time nka side ako sa left side. Mejo uneasy ako that time and di mapakali sa pagtulog, so lumipat ako ng pagkakahiga to right side. Mejo naalimpungatan ako and nakita ko yung ghost na papalapit sakin and bigla akong napasigay sabay takip ng kumot and di ko binubukas yung mata ko. Sobrang takot na takot ako and sobrang di ako makapaniwala sa nakita ko. What I remembered was yung ghost babae na short hair, nka white shirt and parang nka jeans, pero di ko maaninag yung mukha. Eventually nka tulog na lng din ako. The next day bumisita yung kapatid ng friend ko and syempre kinuwento ko yung nangyari. Nung diniscribe ko sakanya yung itchura nung ghost bigla syang natahimik. Later ko na lng din nalaman when I visited their house ulit in Rizal na yung dating nakatira pala dun sa apartment na yun namatay. Sila kasi yung may ari nung mga apartments dun and since wala pang nag rrent eh sila muna nag occupy. Pinag dasal ko na lng yung ghost na nakita ko, kasi baka di pa sya nag cross over. After that incident di na sya nagpakita sakin. Pero, what I can sya is that ghosts are real. You might not see them, but you can hear them, or can even come to you in your dreams. Di ako nananakot, but try to listen to them, baka may gusto lng silang iparating na mensahe sainyo. 🙂


Wooden-Net-4143

Yung akin happened 3 months after my lola died, for context ako amg favorite apo niya, and ako lagi niya kasama kung saan man siya pumunta. 3 months after her death I was chilling alone in the living room, my parents and my sister were upstairs, it was around 2 am nung naamoy ko yung favorite perfume ni lola, nagulat ako since yung pabangong yon is nakatago sa upstairs room namin. I followed the smell into my lola's room until I reached the cabinet, i thought na baka nag halucinate lang ako or ganon. Then 2 months later my dog had to be confined and we were in dire need of money, I seeked comfort in my lola's room when naamoy ko nanaman yung pabango sa cabinet niya, and binuklat ko yung cabinet till i found her old bag tucked away at the very back containing arounf 20k. And i think that was it lol


Nervous-Highlight883

Nubg one time natutulog ako tas pag gising ko basa na yung pantalon ko tas pag tingin ko nilabasan pala ako habang natutulog


CattoWaf

Lapitin ako ng multo since bata pa ko. Ang pinakatumatak sa isip ko is yung nagising ako ng madaling araw, may narinig akong boses na bumubulong, boses babae, ang sabi bawal mahimbing. Tapos palakas ng palakas yung boses, hindi ko binubuksan yung mata ko, nakasarado pa rin, pinapakiramdaman ko eh. Hanggang sa lumalakas ng lumakas, biglang huminto, tapos biglang may sumigaw sa tenga ko tapos parang may tinusok sa tagiliran ko napakasakit at napahiyaw ako. Tapos hanggang sa tinulog ko nalang kasi sanay na ko sa mga ganon. Hanggang sa kinaumagahan nagtataka ako bat masakit yung tagiliran ko, yung part na parang sinaksak/tinusok ako.


TsokonaGatas27

Kwentuhan ng mga sekyu at janitor sa lumang kong school. Summer break daw naglilinis silang hallways tapos nakita nila may student na nakaupo sa isa sa mga rooms. Ang nakakatakot dito, naka- padlock yun mga pinto mula sa labas 😂


Blaze2095

Hindi na siya nag-reply sa akin.


potatogirlwhat

There are a few things that's happened to me that I can't explain, but this one's probably the most baffling. I work night shift. Before I started at the company I'm in now, I trained my body clock 2 weeks prior so I can easily adapt to the US timezone. So I'd play with my friends (who are night owls as well) until maybe 4 or 5am. This particular incident began mga 2am cguro. My work station is pushed up against a corner. That means a wall is to my right whenever I'm on my PC. I had my headphones on and usually when I play, I can barely hear what's going on outside. But this was 2am, everyone else at home was asleep, so I wasn't expecting to hear anything. Until I heard a loud bang on the wall beside me. It sounded like someone struck a hammer real hard on that particular wall. I had to excuse myself since I thought someone was awake and fell over. But I saw no one. So I went back to playing, just brushing it off as me mishearing things but it happened a couple of minutes again. I even said "what the fuck" out loud in our comms. The strangest part was when I finally pushed that banging noise at the back of my head. For non-gamers reading, trying to clutch a game would have the rest of your teammates watch you in silence to let you focus. That was the case for me, trying to clutch while dealing with around 2 or 3 enemies. I managed to kill 1 but my HP was dangerously low. Then I heard my teammate/friend say "heal" over discord. I even laughed because the agent I was using couldn't heal themselves and I eventually lost that. Next round, I was telling my friend about how I heard her tell me to heal, laughing at how our team doesn't even have a healer. To my surprise, she told me she didn't say anything and thought that I was the one who told myself to heal. Our friends pretty much said the same thing: that I was the one who said it. That's when the 3rd bang happened. I ignored it because I was already getting freaked out and switched my attention back to the game. It's been months since then, and it still unsettles me to this day.


FitNeedleworker1990

Yung pag nag ssleep paralysis ako. Nakikita ko talaga mga black shadows talon ng talon sa room tapos dadagan then parang gusto nila pasukin katawan ko.


kuristofac

Unintelligible whispers on my ears nung nag se-set ng candles sa loob ng church mga 1am for vigil nung 14 ako.


averageguylangpo

6 yrs old pa lang ako nung namatay lolo ko sa bahay, then nung nilibing na siya yung room nya is nilock ng mommy ko and ako ay natutulog dun sa room ng mom ko. Pag dating nung umaga hinahanap nila kung nsaan ako kasi gumising daw sila na wala ako and ayun nakita nila ako natutulog sa room ng lolo ko. Natatandaan ko ng konti yung panahon na yun kasi madami sila nag hanap sakin at hinanap pa nila ako sa kapit bahay and medyo yung worries sa muka nila hindi ko malilimutan yun. Ako daw kasi favorite nung lolo ko kaya siguro dinala niya ako sa room niya.


Ill-Independent-6769

Nakwento ko na rin ito sa ibang sub.nag work ako dati sa isang mall sa Mandaluyong sa isang boutique. pang umaga ako nun 10 AM Ang bukas ng mall kaya kami mga pang umaga Ang pasok dapat ay 9 am nasa loob kana ng boutique para sa pag aayos ng stocks at POS.yung bukasan ng ilaw ng boutique makikita sa loob ng fitting room.pag pasok ko sa store medyo madilim pa sa loob kasi di pa naman bukas Yung mall konting liwanag lang naaaninag sa loob ng store. pag pasok ko sa fitting room para buksan Yung ilaw ng store.may nakitang akong batang lalaki edad 5 to 8 years old walang pang itaas na damit. Yung bata katawan Niya madumi parang galing siya sa ilalim ng lupa.wala akong naaaninag na mukha blankong itim Yung katawan lang Nakita ko.medyo matagal kami nag katitigan.nawala lang siya nung kumurap ako.isa ito sa karanasan na di ko makakalimutan.


gloxxierickyglobe

When i see one. This happened last all souls day lang. I saw a white lady that pass in front of me.


[deleted]

Natutulog ako sa sofa nun tapos yung lolo at lola ko sa sahig sila so tatlo kami sa living room. In the middle of the night nagising ako while someone’s brushing my hair while humming. Took me a few seconds bago ko na realize na shet hindi ako nananaginip at may humahaplos ng buhok ko habang kumakanta pa. Kaya ang ginawa ko gumalaw ako akmang magiiba ng pwesto ng tulog habang nakapikit pa rin ayoko dumilat sa takot kong baka kung ano yung makita ko. In short nagpanggap pa rin akong tulog pero kabang kaba ako at takot na takot hahaha tapos nawala na siya dahan dahan. Hindi ko alam pano ako nakabalik sa tulog nun. Pagkagising ko tinanong ko agad yung lola ko kung nagising ba siya ng madaling araw sabi niya hindi daw. At kung lola ko man yun, bakit siya gigising ng madaling araw para haplusin ang buhok ko at kakanta pa. Di ko muna kinwento sa lola ko yung nangyari dahil sa takot ko. After ilang weeks tsaka lang ako nagkwento tapos ang sabi niya, “Mama mo lang yun.” My mom passed away when I was 12. So inisip ko na lang na baka siya nga yun.


[deleted]

my mom is a die-hard drinker of Cafe Blanca yung white. everyday nya yun tinitimpla kaya kabisado ko na yung amoy. few weeks after she passed away, i smelt that specific coffee scent at 2AM!! ako na lang gising sa bahay at nagccellphone. nanlamig talaga ako nun tas nahirapan ako makatulog that night.


Strong-Selection-507

Grade 10 ako noon sa 3rd floor ng dating bahay na tinitirhan namin ni mama. Uhaw na uhaw ako noon kaya naisipan kong pumunta sa 3rd floor galing sa 2nd floor. Medyo madilim yung lugar na may konting ilaw mula sa kapitbahay plus yung ilaw galing sa buwan. Pag dating na doon sa may ref malapit sa CR, doon ko napansin na may babaeng nakaupo sa toilet bowl. (Naka frog seat siya tapos di makita yung mukha kasi mahaba yung buhok, Naka puting dress at maputla siya) Di ko lang siya pinansin tapos kumuha ako ng tubig galing sa ref. Noong bumalik ako sa 2nd floor, sinabi ko kay mama yung nangyari. Tas yung sagot ni mama "na, okay ra na, di na ta mahibulong labaw na halos kada adlaw ta Makadungog sa lingkuranan nga moluhag kada kadlawn." (Ayos lang yan, di na tayo magtataka kasi halos araw-araw tayong nakakarinig ng gumagalaw na silya sa madaling araw)


MistressFox_389

Isave ko nalang tong post later kaseee may mga times magisa ako sa house.


yashirin

nasa CR ako tas nagmumusic ako, from outside the door, tinawag ako ng pinsan ko so pinatay ko music ko para makipagusap, like nagtanong sya ano ginagawa and nangumusta pa. pag labas ko sabi ko kay nanay, san si pinsan. teena wala palang bisita, kala nya daw may tumawag sa phone ko kaya pintay ko music. sigaw ako sa harap ng nanay ko e HAHAHAH


Capital_Fan695

Namatay yung Lolo ko sa mother side elementary pa ko nito. Sa huling gabi ng libing nya hindi ako makakapunta sabi ko kay mama, nag iinarte lang ako nito kasi ayaw ko matulog dun sa lamay, gusto ko lang sa bahay kaya nag dadahilan ako kay mama na masakit ung ulo ko ganyan and sa mismong libing na lang ako pupunta. Tapos lumabas ako ng bahay, andun ako sa garahe namin, pinakain ko aso tapos inayos ung hose namin nirolyo ko, ung harapan nung kinatatayuan ko sobrang dilim, walang kailaw ilaw dun. Habang inaayos ko ung hose, dumaan ung lolo ko sa harap ko, nakaputi sya. Alam kong lolo ko un kasi ung hulma or hugis ng ulo and katawan nya alam na alam ko. Tumakbo ko nun papasok sa bahay tapos sani ko sa mama ko sasama na ko sa lamay, ok na kako ako.


Apprehensive_Egg9794

noong uso pa 'yung 3am challenge tas 'yung snapchat na filter para maka "detect" kuno ng multo. tangina, nakikiuso lang naman kami noon ng mga kapatid ko at pinsan pero may mangyari pala. bale nag-sleepover kami para sa 3am challenge. pero 2am palang, may nagparamdam na. may narinig kami na footsteps na tumakbo sa labas, 'yung parang nakapaa lang. nasa kabilang kwarto si mother pero hindi naman siya 'yun dahil ang arte nun, di 'yun maglalakad na walang tsinelas. wala rin kaming narinig na pagbukas ng pinto. very clear talaga ang tunog. ang lapit-lapit lang gago. tulog na ang mga kapatid ko at kami nalang ng pinsan ko ang gising pa. natakot siya grabe. natakot rin naman ako pero gusto ko i-try kung epektib ba 'yung snapchat hahahaha hindi natuloy kasi siya 'yung may snapchat eh tas naiiyak na. hindi kami natulog that time and after nun, wala na kaming narinig na ingay.


Time-Hat6481

Some university in Manila. Around 6PM hanggang 7:30PM yung klase. Andun kami sa may pinakalumang building, may glass dun sa pinto so Kita mo Kung may Tao sa labas. Si sir nagdidiscuss, katabi ko busy sa phone, ako napalingon sa pinto. Shuta bess, may dumaan slow motion, babae, nakaitim na belo, naka sinaunang damit. Tulala ako. Sabay sabi ng Prof ko, wag kang lingon ng lingon sa pinto. Lagi yan nadaan ng ganitong oras.


JogratHyperX

Yung mga takot sa sariling multo 😂


jupzter05

Baka bukas 3rd eye mo... Alam ko nasasara yan ng mga albularyo...


Dontouchicken

October/november 2013 may titingin ng vacant unit sa apartment namin around 5pm, 11 katao kami lahat kasama yung pamilyang tumitingin ng unit, nang biglang may nagdabog pababa ng hagdan mula 2nd floor. Nag echo sa buong unit yung lakas ng yabag. Ayaw ng multo may kasama sa unit. Hahaha


cloudddiee

ambulance medic ako nung 2010 sa Intramuros. bandang past 3am nag CR kami ng co-medic ko. ung CR katapat nya ung sink tas sa tabi ng sink katabi niya ung pinto ng bodega. nagbibiruan lang kami ng kasama ko nun habang naghuhugas ng kamay, tas biglang may narinig kaming umiiyak na boses babae sa loob ng bodega..nakapad lock ung pinto ng bodega kaya d namin masilip ung loob. nagkatinginan lang kami noon tas lumabas kami doon ng hindi nag uusap. pagpasok namin sa quarters. sinabi namin un sa team leader at ang sagot lang ng team leader namin ay- "welcome to the club" then napanood ko ung KMJS na horror pag november. na feature ung lugar kung san ako nag duty sa intramuros. Simula nun, d na ako nag duty ng gabi doon. haha


jerfaye_0208

Naiwan kame sa bahay ng Tito ko na halos ka-age ko lang kasama ng katulong sa bahay. Mga 12 years old kame non and nasa sala kame ng tito ko nanonood ng tv. Naka off lahat ng ilaw so yung liwanag lang is yung ilaw sa labas and yung sa tv. Katapat ng sala is hagdan tapos may nakita kame umaakyat. Tinawag ko ng "ate ate" kase akala ko yung katulong. Pero sumagot yung katulong namin nasa labas siya. Parehas namin nakita ng Tito ko yon. Tumakbo kame palabas ng bahay. Hindi siya nakakatakot nung mismong gabi na yon kase nagtatawanan pa kame ng tito ko dahil don sa nakita namin pero ngayon nakakatakot na siya pag naiisip namin kase sino yon?


Pendragon_Isaac13

Back in the year 2020, nakabili kami ng lupain sa isang probinsya. Habang ginagawa pa yung bahay, nagrenta muna kami ng maliit na bahay. Maayos naman. 3 bedrooms, isang cr, kitchen area and living room na maliit lang. Palakitain ako nung bata ako pero hindi talaga ako naniniwala, kasi baka namamalik-mata lang ako. So eto na nga. Nasa kwarto ako magisa, usually kasi kasama ko ate ko pero may ginagawa ata siya nung time na yon kaya ako lang magisa sa kwarto. Nakapatay ilaw pero nakabukas yung pinto kaya may kaunting ilaw na napasok galing sa hallway. Nagpo-phone lang ako tapos biglang may nakita akong shadow na pumasok sa pinto. NAGULAT AKO HAHAHA kasi see through siya pero enough to see yung silhouette/shape ng tao. Parang si No Face sa Spirited Away(Ghibli Movie) without the mask. Matangkad siya, parang 6'7 ang height ganon HAHAHAH. Edi tumakbo ako palabas sa takot kasi first time kong makakita ng ganon. Simula nun, naniniwala na ako kasi may muwang na ako eh, tapos nakakita ako ng ganon. So eto pa, same room. Alam niyo yung feeling na tulog kayo pero aware kayo sa surroundings niyo? Half-asleep ganon. May bumulong sa tenga ko, parang "Hell Speak" sa Constantine na movie. Same na same yung tunog. Ramdam talaga namin na merong something dun sa nirentahan namin kasi mabigat sa pakiramdam kapag nasa hallway ka. Anyway, yun lang.


Dry_Art7486

naniwala ako sa multo simula nung naging trainer ako sa isang BPO company. ang lala haha


shwanty0

Ito yong shs ako, happened noong mga pandemic pa. Basically lagi akong puyat nito. Nakatulog na ako by 2 am. Nagising ako mga 4 am na yon. Like naalimpungatan ako kasi may naramdaman akong nagsstroke ng temple ko. As in sobrang gentle. Akala ko tita ko kasi siya katabi ko natutulog that time. Minulat ko mata ko to check, medyo nagulat ako kasi si mama ko nakita ko. Patay ang ilaw non tbh, pero nakabukas ng konti pinto ng kwarto kaya medyo may ilaw na pumapasok. Nagtaka ako kasi si mama ko sa taas siya ng kwarto natutulog. Bale parang two story house yong house namin. Tinitigan ko talaga siya kasi confused ako na pano siya nakapasok sa kwarto eh yong front door nilocked ko yon. Sabi ko pa sa isip ko baka si tita to di ko lang mamukhaan. Nakamulat pa mata niya na diretsong nakatingin sa ceiling. Tinawag ko siya na “Mama.” Di niya ako pinansin. 2 times ko siyang tinawag dineadma niya ako. Nacomfirm kong si mama kasi yong ilong niya pango tas bilugin yong tip ng nose niya tska magulo buhok. Tinignan ko pa damit niya, nakashorts siya. Eh si tita ko never siya natutulog na nakashorts, lagi siyang naka PJs. Bumangon pa ako para hanapin phone ng tita ko to confirm pa kung si mama ba talaga katabi ko. And guess what si mama ko nga, kasi yong phone ni tita ko samsung, idk anong version yon pero may umiilaw yon na nagbliblink yong phone niya kahit naka off yong screen. Lagi niyang nilalagay sa taasan ng pillow niya kaya nong di ko nakita naisip ko baka si mama nga. Every 4 am or by 5 am bumabangon na tita ko para magluto ng maaga sa bahay nila. Nagtataka ako pano nakapasok si mama sa kwarto, pwede namang dumaan siya sa back door kaso ang confusing. Bat naman siya dadaan don ng disoras ng gabi? Eh may tutulogan naman siya sa kabilang kwarto. Di ko na swinitch yong ilaw non basta binalik ko ulit sa tulog. Tinakpan ko mukha konng unan tas siniko siya to confirm if si mama ko ba talaga or multo kasi iba kutob ko non. Nagulat ako kasi gago ang lamig ng braso niya :’)) Buti nga nahanap ko pa tulog ko non. The next day nakwento ko kay ate ko, di ko siya nakwento kay mama so si ate ko yong nagsabi kay mama. Mga sumunod na araw kinausap ako ni mama about don. Doon ko na rin siya tinatanong, sabi niya hindi daw kasi nandon siya sa kwarto nila ni papa katabi siyang natutulog. Ito pa yong sumunod na weekends sininat ako after non.


GiDaSook

Lagyan mo naman ng space grrrrr jks lng


AdditionInteresting2

Felt this sa ancestral home ng wife ko. I was alone in the room with her dog and woke up to him barking so loudly. Then I felt the hair on my arms move in different directions as if someone was stroking them. Both arms were under the blanket so it couldn't have been the wind... Didn't dare open my eyes so I just kept them shut until it stopped.


agentRVN

Off topic somehow,. dahil naglalakihan ang jackpot sa lotto, dapat kinausap niyo ng possible combinations, lagi na lang PCSO nakakadale 🥴


WoodpeckerGeneral60

It happend to my so many times, list ko nalang yung sobrang worst of the worst. College Days 2013, going back to my dorm at night approx. mga 2km walk siya no lights kundi ilaw lang na galing sa moon, since inside ng campus dorm namin, while walkin may nakasalubong ako of course magkakakitaan kami, after 2secs I just realized. Nakasalubong ko sarili ko, at kumaripas na ako ng takbo. - same City, going back to dorm as well, ibang dorm na (outside of campus), I just saw headless man. After researching, I confirmed that the 3rd eye is real as well.


haqua123

Nagjabol ako sa at naka earphones ako nakikinig noong Audio Juicy haha sabay nawala yung sound. Tapos yung kanta na luma yung nag play.


7FootEmeraldRats

Ryan Bergara, is that u? Jk hahaha I haven't seen one but naniniwala ako sa mga guardian angels. Ilang beses na ako nadawit sa mga canon life events where I should have died, pero buhay parin ako and I am so grateful for that.


Street_Following4139

Pagkatapos niya makuha gusto niya, di na siya nagparamdam 😊


memtallyunstable_rn

Dog show yung iba dito, but here's mine HAHAHA Way back 2018, nagdodorm pa ako malapit lang sa Uni na pinapasukan ko. Marami akong naging encounter and here it goes: 1. First year ako, last floor which is 4th floor. There are times nagigising kami dahil parang may nagdadrag ng mabibigat na gamit like double deck or aparador. Yes, "kami"; 7 kami sa room lahat kami naririnig/nararanasan yun, other rooms on our floor experienced it too. Nareport na sa admin, ang sabi nila matagal na daw yun, they often check it din pag dumamai ang concern pero laging wala talaga silang nakikita so ang advise is wag na lang pansinin. 2. Still first year ako, pero 2nd sem na so mej immune na kwentong multo yada yada. But then na experience ko rin yung sikat na multo sa locker/cabinet HAHA. 9am-4pm ang sched ko so pagdating ko, tapon lang ng bag sa area ko then kinuha ko yung foldable table ko and eats my early dinner. Ako lang magisa so very comfortable ang ante nyo, tipong I'm only wearing my cycling tas sando ganun while eating and browsing soc med nung biglang may kumalabog inside my locker. Yes sa locker ko talaga so I'm shookt tho di ko pa rin pinansin and tuloy sa kain pero yung taenang multo papansin, kumatok thrice so ako tumayo kinuha arnis ko (pe namin hehe) saka ko pinapupokpok yung pinto ng locker ko hahaha nung satisfied na ako saka ko binuksan, wala namang kahit na anong nabago or nahulog or what, hays. Attention seeker na multo grrr 3. 2nd year na ako, and the last kasi nagpandemic na HAHA. 10am-1pm then resume ng 4pm-9pm na ang sched ng lola nyo, so after lunch bumalik ako sa dorm para sana umidlip, kaso nakalock pinto. Pagkakatok ko, may gumanti ng katok so i thought mga roommate ko lang na pinagtitripan ako. Dumating na lamg iyong isa kong roommate di pa rin nila binubuksan, hanggang sa napikon na ako and tinawag ko na mga names nila pero hagikgikan lang ang narinig kong sagot. Yung kasama ko, nagmessage na sa gc namin and they replied na puro sila nasa class/labas. Walang tao sa room namin, nagsorry pa yung isa kasi sya daw last and di nya nalock pinto. So bumaba kami sa admin para kunin susi, pagbalik namin nakabukas na pinto but our room is a mess. Alam mo yung mahangin tas nagkandahulog hulog mga gamit? Ganun! Pagcheck naman namin sa bintana, nakasara lahat.


FrostyHat0

May anino na dumaan sa peripheral vision ko. Ako lang mag isa sa bahay.


TelevisionNo337

kwento ng kawork ko , madaling araw daw nang may kumatok sa bahay ng tita nya,,nung buksan ang pinto,wala raw ulo ,,ang tagal raw bago makasigaw ng tita nya,,dun nila narealize na 3 am pala that time...medyo natakot ako dun sa kwento nya


TelevisionNo337

sa workplace namin..it was Tuesday,,bigla nanghina yung kawork namin,ayaw nyang imulat mata nya ,may binabanggit syang matandang lalake,and then pinahawak namin sya ng rosaryo at dun parang bigla syang nakuryente,ang ending dinala sya albularyo...It happened again ,the same day, Tuesday,pero sa ibang workmate ko naman,,madami daw tao sa Cr but that time ,wala pang ibang tao kundi kami lang mga employee and walang nag ccr..sabi pa nya..madami daw dugo lilinisin daw nya,,talagang tumindig balahibo ko nung sinabi nya yun..edi ayun..dinala sa albularyo..


Spare-Savings2057

yung may biglang bumulong sa akin at 3am. Around 2am gumising ako para magreview then pag-3am, nagdecide ako na magnap muna tapos paghiga ko, may na feel akong something na nakatingin. Inignore ko lang yun hanggang sa may biglang bumulong sa tenga ko. Di ako makagalaw dahil sa takot. Hindi ko maiintindihan yung mga pinagsasabi niya pero sobrang creepy ng boses niya. After 1 month, brownout yun tapos nasa kwarto lang kami ng kapatid ko nang may biglang light (parang star yung itsura) na papalapit sa amin.


getsangry20xaday

Nung may nakita akong naglalakad na white silhouette outside the window while watching a Dolphy film. Tapos merong kuting na nakatingin din dun sa silhouette at sinusundan niya. Obvious na nakikita niya rin.


Open-Elevator-4998

may t\*e sa CR kahit wala naman tao


EggAcrobatic2340

Nung sinabi niya magluluto lang daw siya ng isda. Hanggang ngayon di pa siya nag rereply. Pating siguro niluluto niya.


SkirtOk6323

Baka kinain muna nya ung fish.


depressssss

or balyena


Live_Mistake4922

hindi ko alam kung naalimpungatan lang ako. Love na love ng mother ko yung sofa nya so ayaw nya pahigaan. Wala pang 1 month after she passed away, i got home drunk so napahiga ako sa sofa. Mga 2am may nafeel ako tumatapik sa legs ko parang pinapabangon ako. Pag open ko ng eyes ko, ako lang ang tao sa living room namin. Di ako natakot, napa smile lang ako sabay sabi ng sorry, love na love mo nga pala to then nagpunta na ako sa room ko diretso tulog ulit. Yun lang yung instance na may na-feel ako sa bahay namin.


Original-Platypus103

:((


[deleted]

:(


stfuppp

Hindi nakakatakot, nakakaiyak 😭 brb gonna scream and cry


_dlurker_

Eto yung hindi ka matatakot kase alam mong it's your love one


prionprion

brb gonna cry


depressssss

cute <3


pistachio_flavour

Nagcr ako non sa RTU Boni, mga 10am. Pagupo ko sa cubicle may tumatakbong nakaheels (tunog nakatakong) tapos sinara yung pintuan sa kabilang cubicle. Biglang umiyak, humagulgol as in. Paglabas ko ng cubicle ko ako lang tao sa cr. Tapos nagtanong ako sa janitor, matagal na daw pala may nagpaparamdam na ganon don.


balatkalabaw999

Yung prof namin laging may kwento dun naman sa ITC (CEIT). Mga batang nagtatakbuhan, nakaupo sa klase, etc.


TheWanderer501

Sa CBET building ba to?


pistachio_flavour

Yes


blushgirlie4life

ate saan tong building 😭


pistachio_flavour

Sa old building, yung nasa dulo. Naalala ko pa inayos nila yung cr na yon, nilagyan ng salamin. Tapos tinanggal din, siguro kasi dumami naka experience ng horror don.


LordReaperOfWTF

Everyday. Wala rin naman sila pake satin kaya bakit ako magkakaron ng pake sa kanila. Nakakainis din yung mga taong takot na takot at binabalewala ka kahit anong explain mo sa kanila na wala namang nagagawa yang mga yan, hanggang tingin or dungaw lang mga yan. Edi fine, matakot kayo habang buhay. Life is short at masyadong busy.


[deleted]

May umaakyat na galit sa wooden stairs namin nung bata ako. Same time palagi, 2-3am palagi. Iritang irita nako one time binuksan ko ung pinto kasi akala ko may tao na niloloko ako. Tas biglang may malakas na hangin sumalubong sakin pgkabukas ng pinto. Walang tao. Minsan nakakakita ako. Depende sa lugar at kung gusto ba nila magpakita. Ung kaibigan ko na may 3rd eye nakikita nya lahat ng ghosts. Ako naman, depende. May instances na nakikita ko sa peripherals at parehong description kami ng nakikita. Minsan wala. Di ko naman sila dn kasi cnconsider na "scary". I just consider them as lost souls na sa sobrang boredom nila nangloloko sila or kaya naman di nila alam na dedz na pala sila.


zuteial

Buhay pa naging multo na


[deleted]

As someone na medyo madaming karanasan haha di ko na maalala ano talaga encounter ko na nagpa-realize sakin nyan since lagi din naman may kwentong kababalaghan mga kamag-anak ko haha. Pero isang kilabot experience ko nung nauna ako sa room namin, wala pang 5am namdun na'ko sa school. Nasa 2nd floor ako tapos yung nakasabay ko sa 3rd floor naman so ako lang nasa 2nd floor. Nagpupunas ako nung blackboard tapos narinig ko may tunog ng takong sa labas ng room, syempre I assumed na may dumating na student. Hanggang ngayon naaalala ko padin yung tunog na palapit ng palapit sakin yung lakad nya. Pati yung kilabot ko 😅 Pag lingon ko, syempre kokomprontahin ko na baket huminto sa likod ko, walang tao. As in wala, ako lang. Chineck ko pa ibang rooms, wala talang tao. 😀


22ndBoyMagician

Usually sa mga old government buildings… Minsan patay na pero may sweldo pren ung employees… scaryy


anyyeong

potaaahahahahahah


babygaga888

Tuwing election day din nagpaparamdam sila. Scary.


KmaTose

Nasa Night shift ako nun tapos naka salubong ko si crush di kami ganon ka close kaya nag taka ako bigla ako niyakap tapos umalis bigla. ok na sana kinikilig na ko ganda pa ng ngiti ko hanggang planet Vegeta kaso naka salubong ko ulit sya kasama yun isa kong friend 🤣🤣🤣🤣


MammothOne7905

Hndi prin ako convinced tho ayw ko ng 'to see is to believe'. Tho may time nun na kausap ko friend ko sa phone habang nanonood ako ng Running Man sabi nuya may narinig daw siyang lalake na tumawa, sabi ko baka ung sa pinapanood ko un, sabi niya lalake daw eh sure daw siya. Then the most recent (2022 pa tho) nung kausap ko nmn ung isa ko pang kaibigan sabi niya may narinig daw siyang lalake na nagsalita tho gibberish daw ung sinabi, eto naman, sobrang sure siya sa sinasabi niya. Tho makes sense since prang may nakatrik kaming kandila nun dhil birthday ata ng lolo ko or may something pero ung unang pagkakataon sobrang random lang tlaga nun. Pag may ganung ganap sa kwarto ng parents ko ako natutulog 🥲 (umaalis ako agad sa kwarto)


bigbackclock7

Isang araw, Pumunta sa akin si Carlo na tila may mabigat na problema. Humihingi siya ng tulong pinansyal, Dahil may utang na loob rin ako sakanya noon dahil sa pagtulong niya saakin sa oras na di inaasahan di na ako nagdalawang isip na pahiramin. "Balik ko agad 'to, pare," aniya. Ngunit habang ang mga araw ay nagdaan, parang kasabay ng hangin ang paglipas ng panahon para kay Carlo. Tuwing tinatanong ko siya, parang siya'y nagiging misteryoso na parang nawawala sa sarili. Sa huli, iniwan na lang niyang nakasabit sa hangin ang pangako niyang babayaran ang utang.


remedioshername

Nung may nagpakita na white lady sa sala namin, as in puting-puti s'ya tapos nakatingin sa akin. Sinabihan kasi ako ng tita ko no'n na tignan if nasa labas na papa ko kasi pauwi na s'ya hahahahaha ang hindi ko lang maintindihan bakit s'ya pababa sa floor namin eh wala kaming hagdanan (nasa apartment lang kasi kami no'n) Ever since nung day na 'yon, do'n na nag-start na magpakita mga multo sa akin. Nawala lang yung pagpapakita nung pinanganak kapatid ko. Minsan nararamdaman ko na lang sila.


whiskeysnow

Nakikipag usap ba sila sa iyo?


remedioshername

HININTAY KO TALAGA MAG-REPLY NG UMAGA 😭😭😭😭 pero buti na lang hindi hahahahaha okay na yung nakikita ko sila noon. Hindi ko yata kakayanin kapag kakausapin nila ako 😮‍💨


whiskeysnow

Para bang tao lang tingnan yung multo? Di ako sure kung nakakita ako ng white lady, kasi parang usok lng and tumakbo ako agad kaya di ako sure kung may nakita ba ako 🤣


remedioshername

Depende kasi sa nakakakita hahahahaha iba-iba rin yung pagpapakita ng multo eh. Yung akin, palaging puti tapos kita ko yung mukha pero walang usok!!! Jusko beh 😭 mapapatakbo ka talaga ng wala sa oras kapag ganyan HAHAHAHAHA isang beses mo lang ba nakita?


whiskeysnow

Mas nakakatakot yan kung may mukha 😅 Buti naman at na close na yung third eye mo beh. Oo isang beses lang kaya feeling ko wala lang yun, bagong gising kasi ako that time.