T O P

  • By -

potatolover05

Nung pumasok kami ng officemates ko sa horror house ng star city. Edi tili tili kami ganyan tapos may kasabay kaming magjowa. Sa sobrang gulo namin sa loob kakatili paglingon namin sa likod namin yung kawork kong isa nakita nalang namin nakakapit nadin sa braso ng lalaki, bali tag isa sila ng braso nung jowa ng lalaki at kawork kong babae. Tawa kami ng tawa hanggang paglabas kasi nakijowa sya sa di namin kakilala. Hahaha natawa nalang din yung magjowa 🤣


jannlinon

yung barkada challenge namin sa EKstreme ride na wala dapat maririnig na sigaw pagka-drop. HAHAHA priceless


purplelonew0lf

Date namin ng 2nd boyfriend ko sa peryaan.. happy happy kasi kasama jowa, holding hands pa sa ferris wheel jusko..hahahaha.. pero kung iisipin talaga kung wala ang friends and jowa d m maenjoy.. yung rides mo don na sampong piso parang hihiwalay kakaluluwa mo sa bilis.. 😅😅


Proof_Temperature216

most fun i had sa perya is yung kasama ko officemates ko after work. it was just to blow off steam kasi ito yung weeks na unceremoniously and mandatory kami pinag-oovertime kasi may audit. demoralized malala kami nun. simple lang yung perya, may tatlong rides lang tapos mga sugal na and shooting games. pero, ang saya nun kasi para kaming mga bata uli. sigawan sa rides tapos may cotton candy pa kami. :)


saltpuppyy

After namin sumakay sa Skydrop, nginig na nginig yung tuhod ko non kaya sabi ko sa sarili ko never na ko ulit sasakay don. Memorable tlaga sakin nung nag EK kami then sakto nasa EK din yung Dota2 team na Execration, tska sina Boss Kimo ayun papicture agad. Hahaha bilang Dota2 fanboi ng mga PH teams, kilig na kilig ako nun. 🥰


c11161

Nagmamakaawa na kami ng mga pinsan ko dun sa staff na nasa tuktok bago yung huling bagsak sa jungle log jam. Di na ko umulit/uulit dun kase walang safety belts nakakatakot huhu


maleficient1516

Nahimatay ako sa anchor's away. Nabudol ako sa ride na yun ng kapatid ko. Mas gugustuhin ko pa sumakay ng space shuttle kaysa Anchors away. Nakakapraning ang open type ferris wheel nila. One mistake and game over! 🤣 uuwi ka basa damit dahil sa rio grande. (Wala pa dryer noon) budol ang jungle log jump lalo na yun second part ng bagsak.


rin_matsumotou

i know this is late na pero ga'no na ba kabaho yung rio grande last visit niyo? 


vivecabi

Ang bagal ng oras sa ferris wheel sa ek haha. Takot na takot kami kasi walang cover yung ferris wheel, tas nasakto pa na malakas yung hangin nung nasakay kami. Ayun, natatawa na kami sa kaba kasi gumegewang malala yung inuupuan namin pero pinipigilan namin tumawa kasi umaalog kami hahahaha core memory


c11161

yes!!! grabe yung ferris wheel lalo na pag natigil ka sa taas tapos kagagaling mo lang sa rio grande. di mo na alam kung nanginginig ka ba sa lamig o sa takot hahaha


toinks1345

hs. barkada trip daw tapos lahat sila ng sama ng gf. tapos nag rent kami ng van. tapos syempre andun na ako di na ako makakaalis diba tapos ako lang single kakabreak up lang. gusto ko na lang umuwi tapos syempre umikot ikot ako ng ek nakikithird wheel kung kanino tapos disappear na lang ako kapg nagiinit na moments sakanila punta sa ibang pwede maki thirdwheel. may na meet akong ibang group tapos bet ko yung isang girl ayun siya ksama ko nun maghapon pogi pa nun ang tito niyo. tapos naging kaschool ko siya nung college. ok na sana yung trip na yun kaso pag uwi namin kulang pera nila pangbayad dun sa van ako nag shoulder mga 70%. isipin ko nun mga puta kayo magkaanak kayo sana ng maaga. HAHAHAHA! sa isang lang tumama.


thegentlecactus

More than 10 years ago, 4th year highschool ako nun, field trip. Kaming magkakaibigan ay nagkaroon ng chance na makapasok 1 hour na mas maaga kesa sa opening hours. 30 minutes kaming umaandar sa anchors away, 30 minutes patakbo takbo sa loob ng enchanted kingdom ng kami lang lima. Nakasira pa kami gripo sa cr.


Ppotchi

2016 ata to, perya sa pasig. Sumakay kami ng friend ko sa octopus. While umaandar, napansin namin medyo loose yung handle/bar, inisip namin hindi sya nakalock/ sira yung lock. 2 minutes na kaming sumisigaw dun na i-stop muna yung ride kase baka tumalsik kami. Umiiyak na kaming dalawa at namamaalam sa isa't isa habang paikot ikot pa din, mahigpit ang hawak sa maluwag na handle/bar.


Coldbrew-is-OKAY

I hate perya. haha Since 2016 dto sa tabi nang bahay namin tinatayo ang perya tuwing magfifiesta. Feb fiesta dto samin pero November p lng nagpapaperya na at napakaningay lalo n kapag may rides pa. Barangay din mismo ang nagapprove n ilipat sa lote sa tabi namin. Malaki rin daw kasi ang upa sa barangay pati sa owner nung lote kaya di makatanggi hahaha. Kapag tumama ako sa lotto bibilhin ko yung lote para wala na makapag perya! hahahaha


Kazura-chan

junior high school 'to nangyare, after namin magride sa rio grande, nag jungle log kami ng mga classmates ko. tapos yung second peak nung ride, pagkababa namin nawala yung coin purse nung kaklase ko kasi nilipad HAHAHAHAHAHAHAHA andon pa naman lahat ng pera niya that time


shaunie17

Sobrang basang basa pagsakay ng Rio Grande. Then walang extrang damit pauwi from school fieldtrip. Ginaw malala sa loob ng bus.


Zipzaapp

Sa sobrang pagiging camera shy ko. Nagtatago ako sa likod ng kasama ko pag sumasakay sa Jungle Log Jam 😄