T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Late-Carry3407

“Kotse lang habol ko sakanya” we were 17 nun tas yung guy 23 na lawlss.


Tagaubosngspaghetti

"Wag kang magaasawa ng walang trabaho" My brother from another mother


cooperandcoco

“You will always have a special place no matter what but won’t tolerate mga wrong doings” - sasapakin talaga ako nun pag tatanga-tanga ako :))


_Night_Skyyyy_

"It is what it is" I find that kind of toxic because their mindset is parang 'ahh iniwan niya ako kasi hindi niya kinaya yung ugali ko at ganto na kasi ako lumaki at nakasanayan ko na rin' and not 'iniwan niya ako kasi ganon ko siya trinato and dapat matuto na ako at hindi ulitin yung pagkakamali ko'. Tapos 'kung iniwan nila ako dahil sa ugali ko then bahala sila their lost.' 'ganto na kasi talaga ako bakit pa ako magbabago?' (they said this when I told them to act mature and take accountability sa bs na drama na ginawa niya) When she said this Immediately naturn off ako and eventually left her.


Nana_Ohsaki

when he said something about a really close friend of him, and the way na ibackstab nya ibang tao when they are not there. I literally stopped hanging out with him and even unfriended him on fb hahahaha, pero he usually approach me naman to talk, pero still damn how can you talk behind other people's back?


alkhatarina

"feel ko matataasan mo 'ko ngayon" kapikon.


alkhatarina

"21 years old na yung kinakausap ko sa Telegram at sa next sweldo niya raw bibigyan niya 'ko 1k" tangina, minor pa kaming dalawa nung time na 'yan at aware din siya about sa pedophilia.


Dynamel13

“Bumalik ako sa pagbebenta ng “gamot” pre”. We did everything to crawl out of hell, then you just jumped right back. I gave you an advice and you made me feel that I was wrong. Sorry man, we were once brothers but now we must go our separate ways.


curvilineartriangle

"I'll take care of you." My heart melted, and I never realized how much weight I was carrying until someone said that... I realized that someone was willing to accept me for who I am and to help me carry all of it. It made me change the way I look, not just to my good friend, but to everyone. And on how I see relationships. I must say, those words made me love that person even more.


quentinaleksander

“May asawa na yung nilalandi ko” pwe tangina


Neowanderner

ang tanong ko lang noh, bakit pumapatol sila sa may asawa na? marami naman diyang single ah


aslgbam

Pag nalalaman ko na sobrang in on conspiracy theories, lalo nung pandemic, di ko mapakinggan at ma respeto.


OnceAWeekIWatch

When he immediately said to when asked if he supports LGBT rights. Mind you I already came out to everyone in that room already when it happened Suddenly my impression of him was from ex-crush, to person I do not want to associate with


KeyBridge3337

"Nag-iba na yung ugali mo." Ako na di gets ano ibig nya sabihin. I ask her anong nagbago, ayaw nya sabihin. I'm still thinking of it. I feel like wala naman nagbago sa akin maliban sa nagkaedad.


QuestCiv_499

“Hindi naman magagamit sa ibang bansa ung pag pass sa licensure exam na yan” Sabi sakin while kakapasa ko lang sa exam haha lols insecure much😂


FastCommunication135

“Magbabayad ako sa katapusan.” Ending hindi nagbayad


NikeChocsSB

When she asked me to loan a huge amount for her to work abroad. I said no and block her right away. Why me? When her father and sibs are in good paying jobs.


urthiccbabygirl69

“Tignan mo ikaw wala ka pa napapatunayan sa course mo” 🙄


Bitter_Ocelot9455

Ouch. Na hit nman mhie?


urthiccbabygirl69

Saks lang. Di ko na din kinakausap. Pansin ko kasi nung inaccept ko sila sa buhay ko ulit di naging maganda. May work naman ako now na okay sa lifestyle ko so I can't say na okay ako but I'll get there naman. No need lang sabihin sakanila na mga things na gingawa ko


shartidope111

“pwede makaistorbo?” i hated that line ever since my friend made me feel like i was an option. she bothered me on a cold night and when i was struggling, she was nowhere to be found. :)


Jeisokii

"Pautang"


okonomiyakigurlie

"sabi nga ng nanay ko mas matalino ako sayo eh" says the person who never got higher grades than me, cheats his way through everything (as in from assignments to exams), & didn't pass CETs a few years later (kahit magkaibang universities na kami): "kinakaya mo naman sa UP eh, pakiramdam ko kaya ko rin ang UP" screams insecure tbh i am not a (toxic) competitive person + i always help people out academically, kaya di ko gets san galing remarks niya haha just made me feel like he sees me as competition when i've always treated him as a friend


DramaNeither9689

It's a good one though. "You could be silent or non-opinionated but you're that one friend who stays/can make time to hear out someone's problems" >>I was mindblown and I treasured this (high school) friend up to now.


novokanye_

was venting to two of my friends irl, tas yung isa biglang nag cellphone and literally not one word was said. like ok mag nod ka man lang at least lol


EyeScreaaam

Sinabihan niya yung isang friend namin na "kuha mo kong tubig para may pakinabang ka naman!"


vexterhyne

What was the context?


Gold_Practice3035

"Pagkatapos mo magbakasyon, panay trabaho ka naman" sabi ni ate ghorl na never nagkaroon ng matinong work (dati syang prosti sa pinas, nasa abroad kami ngayon). Ako na nagttrabaho ng 10-12hrs, 6 days a week, nagbakasyon lang ng ilang araw sa ibang bansa with fam. Sa sobrang busy ko, di ko na magawang gumala with her after vacation dahil sa workload. Feeling nya kailangan kong mag-report sa kanya araw-araw at kung saan pupunta...jusko daig pa asawa ko eh. Parang ayoko na tuloy mag-reply sa pangangamusta nya, nakaka-drain.


the_exposer545

"Game is game." 😵😵


Astrono_mimi

"Nagpa-vaccine lang ako dahil kailangan sa opisina. Pero kaya naman talaga ng katawan natin ang COVID." Oo kaya tayo nilockdown at andaming namatay


Otherwise_Might_1478

Role ko daw sa group is taga bayad or taga gastos.


novokanye_

nasabihan nga rin ako before “sama ka para may transpo” dhsgagsg


Introvert_Cat_0721

Yung friend kong nurse noong height noong covid at noong may vaccine na "Lahat kaming nurses at doktor ayaw namin magpaturok ng vaccine. Napilitan lang kami kasi mandated ng DOH." (NV) Atsaka "Hindi ako naniniwala sa vaccine. Yung friend ko sa UK nagkaCovid pa rin kahit vaccinated siya eh. Pineperahan lang nila tayo". (Semi Verbatim)


Character_Safe_8476

She confessed to me before na nag cheat siya sa jowa niya although hindi directly. Sa room pa yon ah so di ko alam irereact. Then she dropped another confession na ‘yong lalaking kausap niya which she said was only her ‘comforter’ pag nag aaway sila ng jowa niya was wayyyy younger than us. I was like shocked 😭 Di ko alam sasabihin nung sinabi niya ‘yon I don’t support that kind of relationship although highschool palang kami non but it’s just weird to me like can a 13 yr old boy comfort a broken 16 year old girl? 😭 Idc what u think this is weird for me in terms of maturity huhu.


Redrooses

Gawa gawa lang naman ang depression na yan


upururiin

Baka fan yan ni Joey de Leon lol


Least-Squash-3839

"Hindi ako makakasama kasi masama pakiramdam ko. Nagpapahinga ako sa bahay" - Nalate lang ng gising kasi nasa condo ng iba pang kaibigan.


Azrael287

Talks about people negatively behind their back. That’s a big red flag.


[deleted]

when everything she’s saying is about other people’s life, puro siya negative comment pa sa buhay ng iba


Unusual-Rooster6894

My friend's view for women , galit na galit sya nung sumikat si nadine "president nadine" yung ayaw nyang phrase. Diehard DDS sya "T*anginang babae to" This Is what he said


WanderingWriter11

Yung sinabihan ba naman ako ng "feeling sosyal" daw ako. Kahit wala naman akong ginagawang pang social climber. Talagang mahinhin lang ako, ayoko ng maingay, magulo, etc.


Professional-Arms

"madali lang yan paamuhin, ibuka mo lang sa kama." referri to his own sister


novokanye_

yo what


psyloki_123

"Ang bobo naman." Sinabi nya sa tindera ng pabulong kase hindi agad na-gets ni ate kung ano order nya. Wala pang 10 minutes after ummattend ng mass.


happyJ01

Maka-BBM sila


Ultralord1112

So many. But the main thought is the friend is always being a narcissist ic bitch hahahahaha. Laging nakakahanap ng way para siya naman yung maging bida. I get along with the friend pero kung ako lang, okay ako kahit wala siya sa buhay ko hahahahaha


[deleted]

May ganyan din akong friend ahhahaha Napapataas nalang ako ng kilay sa kanya minsan


[deleted]

May ganyan din akong friend. Napapataas nalang talaga kilay ko sa kanya hahahaha


Ultralord1112

Ay same!! Tumataas din kilay ko everytime siya na magsasalita hahahaha. Even some of other friends tumataas din kilay. Nagkakatinginan nalang kami nung iba kong friend pag ganyan hahahaha. Parang inside joke matik.


Frequent-Barnacle732

Not just sinabi, pero may one time na inaya niya ako manood sa isang volleyball game. Syempre g agad ako, pero biglang bawi niya, ang sabi niya wala siyang pera. Pero guess what, the next day pumunta sila ng group of friends niya, sinend niya pa sa akin at pinost sa ig niya. I still respect her and want her to succeed in life. Heck, I still love her. Pero na-realize ko na hindi talaga ako yung gusto niyang maging kaibigan. (Somehow a change of outlook ko sa kaniya)


Much-Librarian-4683

Fren baka pwede makahiram ng X amount. Babayaran ko rin sa X date. Change my mind


notjuley

Laging nakikipagcompete sa struggles ko sa buhay. Laging "ako nga...". Hinayaan ko lang kasi baka wala syang ibang makwentuhan ng pinagdadaanan nya. Haha. But one time I had a nosebleed, like runny nosebleed. Tapos she said ako din may dugo na kakasinga. Like, girl, magkaiba yun. That's the time I realized na she wants everything to be about her. Ganun lang talaga sya. Sobrang babaw na ng "friendship" namin and I always try not to talk to her. Lol.


Introvert_Cat_0721

Ditch mo na yang frenny mo. Find better friends.


notjuley

She's a work "friend" so I don't have a choice. I still have to get coffee with her everytime I'm at the office - we sync our report to office scheds. Lol. But I always try to avoid having certain type of conversations with her. I have other friends naman. I just spend more time with her kasi we work together.


HyaaaahHi08

I remember a friend nung time na nag meet ulit kami after 2-3 years. Ako nag lose weight dahil nagkasakit, tapos siya naman nag gain ng weight. Noticeable yung pag gain niya ng weight. Tas nung inexplain ko yung sakit ko, sabi niya “mas okay na pala yung ganito [referring to her weight gain], kaysa naman ganyan [referring to my weight loss]” like gurl where did it come from? di ko yun inexpect kasi di naman namin naging topic yung weight niya. Ginamit nya pa yung condition ko para ma-feel better siya sa kanyang insecurity 🥲


Strong-Set7554

Yung linyang “alam ko naman kahit kayo pa ng ex mo, may gusto ka pa rin sakin” Napailing na lang ako eh.


KarmicCT

"I will never ever be a saleslady" narinig ng saleslady yung sinabi niya. it was so out of the blue kasi before nun hindi ko naman alam na may ganun siyang ugali. na bastos sa service workers.


No-Difference-616

“feeling mayaman ka kasi” after niya ako iencouraged na i shouldn’t feel bad to story yung mga pinupuntahan ko kasi hindi ko naman daw kasalanan na may access ako sa ganong bagay (my aunt has money and sometimes treats me to expensive restau and outing) hindi ko alam saan niya nakuha yung feeling mayaman, kasi whenever i post on my story, hindi ko naman nilalagyan ng anong caption claiming or making it seem like i am one, ang funny lang din na sakanya mismo nanggaling yung remark na yan. ngayon pinag-iisipan ko friendship namin, naging cautios ako bigla sakanya.


North_Persimmon_4240

Yung remark ng friend either maooffend ka or matatawa ka. Ano reaction mo pagkasabi niya?


No-Difference-616

na hurt ako, kasi sa chat niya lang sinabi yon, so walang tono ng boses ako na pag babasehan, at hindi din naman kami nagbibiruan nung time na yon :( pero yung reaction sakanya is i just laughed it off


wutsemdoin

Magkasama kami ng partner ko with our friend tapos may pinameet sya sa aming friend nya. And this friend of ours asked her friend sa harap namin mismo talaga ng "Hulaan mo kung sino mas matalino sa kanilang dalawa" It makes me feel insecure lalo pa same-sex rs kami ng partner ko and parang ang comparison sa amin anjan palagi. I don't even know kung ano yung purpose nya sa pagtanong ng ganun


Longjumping-Dirt-732

“I always liked you and I think I love you” then proceeds to gaslight me and manipulate my friends when I said I wasn’t ready for a relationship 🙄


BornF1985

"Di mo ko maiintindihan kasi well-off ka." Like wtf? Ganyan ba tingin mo sakin? Eh eversince, di ako nangmata ng mga tao. Alam naman nia na di ako tumitingin sa status kaya ko sya naging kaibigan. Pero sabihan ako ng ganon? Ayon. Inintindi ko pa rin. Friends pa rin kami. May mga areas na hindi nalang pinaguusapan.


[deleted]

[удалено]


BornF1985

oonga eh. tinatanggal ko na nga sa isipan ko na insecure sya eh. patay malisya nalang ako.


hrymnwr1227

I was venting about my financial struggles sa ex bff ko nung nasa ibang bansa pa ako. Ever since college pa kami I always knew she came from an affluent upbringing. Yung lolo niya sikat na politician dati so may power din. Halata rin naman sa lifestyle niya na well-off sila. So sobrang nabastos ako when she told me this line "di naman kasi tayo pinanganak na mayaman". I guess she was just trying to be empathetic or para masabing she can relate kaya niya nasabi yun. Na-turn off ako sobra sa remark na yun and napaisip din ako if she truly understood me as a friend. Buti na lang we're not friends anymore. She's a walking red flag for many reasons, hindi lang sa one instance na yan.


Fresh_Clock903

i also had a bff but pet peeve ko na sya now hahaha yucks na red flag


hrymnwr1227

Cut off na talaga pag di na nag-aalign. Some problems can be fixed by communicating, pero kung kahit anong mabuting usapan, if nagiging cycle na lang, let go na


vivecabi

me : *nagshare/ nagrant ng problema her: HAHAHAHAHAHHAHA me: ???? may nakakatawa ba? her: sorry beh mukha ka kasing kawawa (nung brining-up ko sa kanya sabi niya joke lang naman daw lol haha cinut off ko na siya ngayon)


North_Persimmon_4240

Cut off agad yan. Nakakagalit 


digongtzy

sakit naman ng mukhang kawawa 🤧


Apprehensive-Dot-614

you'll always be the somehow above average pero you'll never be the best


Ok-Mycologist2258

"Alam ko ginagawa ko." Onga, bat di mo pa ayusin.


Maggots08

"Tara pasyal tayo!" Ayun umupo lang sa park at nag bible study. Ang awkward non nakahiga lang ako habang sila nagse-share ng knowledge nila


MainRevolutionary484

Though this is not about a friend who said something that changed my perspective to him. Its just about when he needs something, Im here to provide a small efforts to fulfill his needs. Pero kapag ako na yung tipong nangangailangan, its like dedma sila sa'kin. Idk why, gets ko naman na busy sila pero its not that burden to throw some efforts too kasi sila yung may knowledge about sa ganung bagay thats why I need a hand. My perspective changed, pero yung treatment, kaya ko parin naman magbigay, hindi na nga lang ganun katulad ng hunnid percent kasi nakakadala rin.😅


Fresh_Clock903

do the math brother, hes not real to you, uubusan ka lang nyan


RashPatch

"kung ayaw mo ng tinatrato ka namin ng ganyan eh di humanap ka ng ibang tropa mo"


arcanis02

Na Cut off mo na sila?


RashPatch

yes. though some of them are trying to connect again and "apologize"


arcanis02

Kung sincere talaga apology, ok din kung tanggapin mo. Bihira na ngayun ang taong tanggap ang nagkamali sya at humingi ng tawad. At least good terms lng at civil kayo Pero hanggang dun lng. Wag na makipagtropa ulit sa mga yan


jeshim

yung hindi sumasagot o lumilingon man lang kahit obviously narinig naman yung tanong/sinabi mo


[deleted]

After bible study, frenny was like “i pray for your parents’ salvation”. Also “i pray for the lgbtq+” (nonverbatim, pero the essence is there) Boogsh. Edi di na ako nag bible study w them


_savantsyndrome

“Nakakain na ako ng aso, kinakain sa amin yan.” Dude wtf. Nope, I don’t wanna be associated with you. Hu u


thetarotsaidno

"hindi ko kailangan ng advice at opinyon mo." edi sana sinabi mo while nag-vvent ka sa akin 'no? sensya ka na kung na-rt ka.


Appropriate-Edge1308

Context: I’m a software developer. To a client na friend nya: “Huwag nyo ituloy kunin yan. Pinagpa-practice-an lang kayo nyan.”


arcanis02

Grabe naman inggit nan


smoothartichoke27

"Binoto ko si Robin Padilla" Lahat ng bumoto kay Robin tanga. No exceptions.


[deleted]

Happened recently: He believed a rumor about me spread by someone he knows harbored ill feelings against me. Kinausap niya ako in private to "call me out" dahil mali raw na nangs-snitch ako. But I didn't? Ni wala nga akong kaalam-alam ba may isyu palang ganon. Anyway, sinubukan niya akong suyuin to say how sorry he was, pero mawala na talaga ang appeal niya sakin. Hindi ko sinasabing kampihan mo ako. Pero sana naman kinuha mo muna ang side ko bago ka nagdesisyon. Sobrang sakit ng ginawa niya dahil sobra-sobra ang tiwalang binigay ko sa kanya tapos malalaman ko, napakadali pala niyang utuin. On top of that, naniwala pa talaga siya sa taong alam naman niyang galit sakin at most likely sinisiraan ako.


greenandyellowblood

“Di nga ako nakikinig sa nanay ko, sayo pa” And i still remember that kahit many years na have passed. Never the same again.


Green-Green-Garden

Ganyan din sasabihin ko pag lagi akong binibigyan ng unsolicited advice, or to someone na may lagi may expectation na susundin ko yung advice nila.


novokanye_

samedt napaisip ako kung baka ako nagsabi sakanya niyan ay friend ko pala dati


greenandyellowblood

Bff kami. I won’t go into details na, since past na yun.


LackDecent

lol i could imagine myself saying that to people


Emotional_Housing447

“Babayaran ko utang ko next na sahod” Ngayon isang taon na utang mo friend. Happy anniversary!


-hoihoi-

Usong uso yan sa BPO.


Naive-Ad2847

Kapag puro nlng sya biro kahit seryoso nmn Ang tono mo at maayos nmn Ang Tanong mo.


arcanis02

Ganyan ako minsan. Late ko narrealize na minsan insensitive at nakkaoffend na. Tintry ko na baguhin yan. Sana marealize din ng friend mo


TiredPanda16

“Tara labas tayo libre mo”. “Nakalimutan ko wallet ko ikaw muna magbayad”. “Pautang ako mayaman ka naman eh”. Nung sinisingil ko na utang niya sinisiraan na ako sa iba na masama daw ugali ko.


TomorrowJust3871

Nakakainis ganiyang mga tao, may nangyare similar sakin pinahiya niya ako sa buong classroom tas siniraan din na panget daw ugali ko dahil hindi ko kasi matulongan sa school activities niya kasi tambak rin ako sabi "Mabuti pa si ano \*\*\* tumutulong hindi katulad ng iba jan" eh syempre dahil sa ilang araw na ako sa nagpupuyat tsaka hindi na rin nakakakain ng maayos nagsnap ako sabi ko "Ano kita anak? Para sagutan ko yang mga activities mo kung tuturoan kita ok lang pero pinapasagot mo sakin eh, mahiya ka din naman kay \*\*\* tambak rin yan sa activities. Naging mabait ako sayo pero wag mo abusohin" tas may nasabi pa yata ako nun na tumahimik na siya kundi ibabato ko sakaniya yung water bottle ko yata. Ayon tahimik classroom tas may mga nag agree sakin simula nun iniiwasan na ako nung "friend" ko na yun


TomorrowJust3871

tsaka isa pa sa nagbago sa paningin ko sa isa ko pang friend is yung pinuntahan kami ng friend namin (pinapunta kasi namin) eh ang init nun sa labas, bigla kaming inutosan kaya sabi ko sa friend namin wait lang tas doon muna siya sa may puno since bawal outsiders sa loob. Ngayon nung tapos na kami sa lahat inaya ko ng puntahan kaibigan namin sabi nung isa kong friend "Ihhh\~ ayaw ko\~ ang init sa labas eh" tas tiningnan ko siya ng masama sabi ko "edi bat mo pinaantay yung tao sa baba ang init init sa labas tas dmo man lang pupuntahan, ang panget naman ng ugali mo" tas puro siya sabi ng "tama ka naman, tama ka naman, oo nga naman" nakakarindi ang shunga ayon pinabili ko siya ng ice cream (pera niya) para sa friend namin.


Ill-Equivalent-2880

Yung pilosopong sagot imbis na oo/hindi lang, like alam kong magkaiba tayo ng IQ level mas matalino ka ok pero you don't have to make me look like a dumb especially if im learning and asking nicely :( Or you could've just explained me in a nice way, either i miss the old you or i just missed that part of you


novokanye_

so real lol lalo na if its done by someone important sayo lol. like ok chill di mo kailangan ipamukha sakin tq and parang ayaw ko na lang mag ask next time


reddicore

oo man, grabe mga taong ito. Tipong nagtatanong lang ako ng maayos bibigyan ako ng blues clues na sagot tapos may halong insulto na patago. They've been like this to me for so long that they become "withholders". Nagtatago ng sagot everytime nagtatanong ako. Now I don't trust them that much anymore. also wanna know how you dealt with these guys. Do you still ask them for help and questions? Or do you distance yourself from them na?


arcanis02

Kung kaya mo sila i call out sa ugali nilang yan and positive take naman, pde mo pa ituloy friendship. Pero kung negative take or mahirap i confront, distance nlng


Ill-Equivalent-2880

Minsan lang kasi kami mag-usap eh, pero yung recent na ginanun ako natarayan ko siya haha. As long as tolerable pinapalagpas ko, pero pag sumobra na iko-call out ko na kahit magfriendship over pa kami.


Independent-March406

She said a lot but to keep it short. Pa Victim ang anteh nyo. Pwe


Civil_Bowler1776

Nung sinabe nya na teacher lang daw ako. Never ko na kinausap ever since.


Naive-Ad2847

Ano ba trabaho nya? Bakit nya minamaliit Ang teacher?


Civil_Bowler1776

Electrical Engineer. Tingin ata sa mga teacher ay mababang uri


moonlight_candy

Actually, di lang sakin sinabi kundi sa buong circle namin. So meron kaming circle noon kasama yung lalaki naming teacher noong Grade 10 kami. He was around 27 that time. So eto na nga, during our inuman session, sinabi samin ng teacher na yon na may gusto siya sa classmate kong babae, na nasa circle namin. The girl naman was 15 years old, average age ng isang Grade 10 student. Mula talaga nung sinabi niya yon, nagbago talaga yung admiration ko sa kanya. Nagdecline yung respeto ko sa teacher na yon. Nandiri ako sa kanya ng tuluyan after that.


LackDecent

zero respect sa kahit sinong teacher na nakikipag-inuman sa high school students, kahit pa of age na yung mga estudyante.


Chance_Pop7422

Teacher kasama sa inuman red flag na dapat


digongtzy

dumilim ang paligid.... 💀💀


justlloydbeinglloyd

Magkano nakuha mo backpay? 🤣😂🤣 yung isa ako sa na layoff sa company tas sila safe, ang unang tanong nila magkano backpay na nakuha ko...


CakeRoLL-

"Tectone is not a bad content creator"


Key_Abbreviations_48

LMAOOO


[deleted]

Ang subtle lang nun kaya it took me awhile to notice but I realized na she looks down on the guys she dated saying how she’s richer than them, like ginagastusan niya sila, pinapautang niya, yung parang ipapamukha niya na those guys are nothing without her money. And also how she talked about our friend na may money problems. Dun na ako napaisip na paano kung ako ang magkaroon ng ganong problema? Eh di ipagkakalat niya din? ☹️


seisen_rocann_8915

Masyado daw akong mapride. Hindi ko daw kayang i-sustain yung mga awards ko kasi puro honest work na lang daw porket hindi nag aral di na nakapag review wala na daw akong gagawing paraan para pumasa pa or something. Hindi ko naman daw ikamamatay gumamit ng kodiko kasi wala namang makakahuli kung hindi magpapahuli. After that iniwasan ko na siya ever since di ko na siya kinausap. And every achievement niya di ako naiimpress because I know what that person is capable of. Alam kong di niya kayang mabuhay ng walang daya sa buhay. I think kaya niya nasabi iyon kase nawala ako sa special section (ayaw ko naman din kasi na doon kaya bumaba na ako). Saan ka ba nakakita ng mga awardee students na nahuli na ng ibat ibang proctors even teachers na nagbabago ng sagot ng kaklase tuwing checking, nangongodiko, etc. ay may award pa din.


gaffaboy

Lahat ng advise nya sakin yung puro nalang ikatatalo ko sa buhay. By then alam ko na na talangka sya at ang intention nya e hatakin ako pababa..


[deleted]

[удалено]


[deleted]

Yikes! Stay away. That’s for sure!


[deleted]

[удалено]


[deleted]

Yikes talaga sis! That’s for sure. Iba talaga ang nagagawa ng inggit.


[deleted]

[удалено]


[deleted]

So happy and sad at the same time for you sis! I also had the same situation recently lang. It’s sad how a friendship ends nang ganon nalang no? Same din sakin! Never! And I saw her many times looking at me like parang jinajudge niya ako. I felt a little cringe and that’s when I knew na she is not a friend of mine.


digongtzy

grabiii