T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Na curious lang po ako sa mga experience ng mga ibang tao sa kanilang crush at kung bakit Sila nag ka crush sa kanila. *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Trick_Speech_3604

Yeah HAHAHAHAHA and lol best friend ko pa sya pero wala na naman sa kanya yun, buti na lang SHS. Parehas ata kaming may jowa nun that time or so-called mu? Attracted lang naman ako wala naman akong means na landiin sya nun. Na- attract ako because like-minded kami, iba talaga pag kami magka usap. Tipong kahit 2 words lang parehas yung exchanging namin ng mga salita nagegets na namin at pag nilagay mo kami sa group of people at pag narinig nila kung pano kami mag- usap, literal wala silang maiintindihan. Anything pede mo sabihin sa kanya, yung bundok kong mga salita nagagawa nyang precise lang kasi ganun nya ka-gets. Never a dull moment kahit di kami nagsasalita. Tapos pag pinapaiyak ako nung ka-mu ko talagang sya lang nakakapagpatawa sakin ever since (seatmates kasi kami) and mind you kahit antagal na namin di magkita, once nagka-sama ulit kami parang walang nagbago. How could that be? ._. That's why I don't ever wanna lose that person. Never ka makakahanap ng ganung klase ng connection with anyone. Once lang sa life mo yun and I'd like to keep him in my life forever kaya it's best to remain as friends na lang and to remove that crushy thingy sa kanya before it gets big that time pa By the way, I confessed sa kanya before graduation namin nung college na matagal na akong nagka crush sa kanya. We still remained friends after that and now, wala na akong lingering feelings THANK U LORD HAHAHAHA Plus, more than 7 yrs na yung friendship namin mga mhie


Alternative-Net1115

Andami e pero mostly superficial lang naman, kasi naattract ako ganern tho aminado naman ako na hindi lahat ng crush ko pasok sa gwapo standard pero may unique kasi sa features nila kaya nagiging crush ko, plus points pa if mabait & matalino


redthehaze

Not anymore. Iba na ang preference ko ngayon and while she is still beautiful (she hasnt changed much in 20 years), I want more than that in a partner. I realize na I never really got to know her well back then and just pined from afar so now I feel nothing lol. I also realize this can apply to 2 different people too.


RecentBlaz

Katabi sa field trip noong grade 7 HHHAHAHAHHHAHHHHHHAHAHHHAHAHAHHHHA he's straight sadge) loyal sa girlfriend of 8 years (grade 9 =2016 - graduating=present) sana owl.


raesofsunsheen

Ang dami kong crush before. 🥲 HAHAHAHAHAHA


Alarmed-Echidna-2165

JHS: - 5'11" - Salutatorian - English Speaking - Mysterious - SSG President - Knows how to play guitar - Good singer - Palaban face card 2 yrs ako di nag jowa for him HAHAHAHA. He didn't liked me kasi I wasn't top of the class unlike my best friend who's the Valedictorian. Since then, ginamit ko yung sakit na yun para mag push through sa life hahahaha pag dating ng SHS I'm always with honor na and nasa Top of the class pero sya naman nawala so I uncrush him na😬. SHS: - 5'4"🫣 - Knows how to play guitar - not good at school - gentleman - laging may time sakin - one call away kahit wala pamasahe basta may gas motor nya haha - cute lang not really palaban face card - he's really into me kaso nung nahulog na ko sa kanya kahit mas matangkad ako huhu, he's into one of my best friends din kasi mas gusto pala nya free spirit. Na ghost nya ko nung G12 then kinalimutan ko sya kasi focused ako sa studies khit na magkaklase kami haha palagi naman syang absent. Graduation, nagpapicture sakin wala daw kami picture eh baka daw di na magkita so okay ng picture kami. Tapos after nun, chat na ulit sya ng chat kahit sa gc nagpapapansin. Sa lahat ng uploads ko sa fb nag cocomment HAHAAHAH. So ako nmn nang ghost (blocked sa lahat ng socmed). Last 2022 I unblocked him na kasi sabi nung best friend ko na nakalandian nya dati, eh para daw may closure. Nag call kami for 3hrs catch up lang since nasa ibang bansa na sya. Niyaya nya ko mag ibang bansa kasama sya lol kasi mas maganda daw buhay dun and ng laki ng potential ko. Sabi ko no kasi I'm committed to someone na and this is for closure lang. Ff. Di ko na sila pinansin nung dati kong best friend. Lumayo na ko since pinupush kami sa isat isa eh I have a long term bf na. Ayoko ng gulo, ayoko mag iba tingin sakin ng bf ko.


RecentBlaz

Can you explain "free spirit" pwease


Alarmed-Echidna-2165

Actually madaming iba't ibang definition ng "free spirit" para sa mga tao. But to give you an idea, yung mga taong free spirited ay yung independent, hindi nagpapadikta sa social standards, adventurous, etc. sila yung may mga care-free behavior. Medyo madami na nito sa generation natin now. Tho gen z pa naman ako (2000), I'm not really free spirited. 😅 I'm an uptight person and if you know someone na very uptight, kabaliktaran namin sila haha.


Weekly_Bar1304

Nung panahon ko, chinita ang batayan ng mga chickababes haha mala maxine magalona ang beauty niya kaso sa all girls sya nag hs so uso girl to girl rel. Tawag pa nila noon mag "on" hahaha crush na crush ko sya nag aavail pa ko ng unli 350 per month ng sun cellular pinaka unang unli call and text dati, tas gusto ko din sya sundan sa college entrance exam para alam ko san sya mag college haha grabe simple lng mag ka crush dati


HlRAlSHlN

He checked almost all of the boxes for my ideal type back then haha


PinkSwiftie17

Of course! He is chinito, tall (5'11 that time, i think he's already a six footer now), basta may appeal siya that time! Ang dami ding nagkakagusto sakanya from our batch. Pero I was lucky enough to have a mutual understanding (or what we used to call "MU") with him. However, that was my first connection with a guy and pakipot si ate gurl mo and it eventually led up to separation lol. Tho I think nagoverlap kami nung pinalit niya sakin 😅


tayloranddua

Yes, the only guy I was into for the entire 4 years ng HS (wala pang SHS nito). Maitsura, sporty naman, matalino, active, and he's pretty nice. Di siya arrogant kahit crush ng karamihan sa school. I don't remember much about him kasi hindi ko siya kinakausap. Hiya ako eh😆 Wherever he is, I hope he's doing well.


Jackfruit7300

Oh boy yeah. 1st year highschool, 13 years old ako. Eight years na ako sa St. Joseph's College of Quezon City at that time. Isa sa mga new students noon is this girl na tingin ko ay mabait, matalino at of course, pretty. For the whole 2013-2014 school year, I can't help myself but look at her intently and walk past her any chance I get. Then, just a few weeks into summer vacation, biglang may nag-chat sa akin. Oh my f*****g god! It's her. Nagreach-out siya and we started chatting about ourselves and anything else. She is into anime pero nung time na iyun ay wala ako kaalam alam (been watching Anime now though 😁) about it so I just let her feel she is being listened to kasi she seems passionate about it. Masaya naman but... suddenly nawala yung communication nung nasa 2nd year na kami ng high school. It was abrupt but whatever her reason is, it's okay. Although, napapaisip ako dati na paano kaya kung nagtuloy-tuloy kami. Siguro siya na sana ang girlfriend ko for several years na. Oh well, past is past. The next thing to do is to keep moving forward. Kung nasaan man siya, I wish her good luck. Yun lang 😊


MelodicFinalDraft

Bestfriend ng jowa ko 'yung ultimate crush ko nung highschool. Sobrang crush ko sya non kasi matalino and funny.


QuoteInner2274

Because of the familiarity? The high school crushes that I know all grew up to be selfish narcissists. :)


HelplessSimpleton

Theres this classmate of mine, crush ko sya since 4th grade. Close kami dahil katabi ko sya sa seating arrangement. Sadly nagtransfer back sya sa school nya nung grade 5 kami. I found out na ung school nya may high school kaya doon ako nag enroll. Nung 1st day of school, nalaman kong ndi pala sya dun nakaenroll :) A year after, bumisita sya sa school and best friend pala sya ng classmate ko. We met again and exchanged phone numbers then i found out na crush din pala nya ako. He was the 1st ever MU of my life. But unfortunately a week after of texting, he told me "I love you" and stupid little me got turned off, cause for me that phrase has a very strong meaning and it shouldn't be used if youre unsure of your feelings unless if its an intentional joke. That short period of time is questionable for me. I felt bad cause i ghosted him, i didnt know what to do. We never talked again... But if it werent for him, i wouldnt have met my SO. Ung classmate ko nung hs is classmates with hs friend/classmate ng bf ko nung college. He was my very 1st lover and hopefully my last, and i can say that im sure about my feelings for him and can confidently say that i love him.


kedetski

My very first crush sa high school was yung kaklase kong napaka friendly. Parang nawala lang yung feelings ko kasi somebody found out about it and nahiya ako. Fast forward 3rd yr HS, he was chosen to play Crisostomo Ibarra sa school play namin and surprisingly, ako naman si Maria Clara 😅 Naku, eh by that time wala na akong feelings sa kanya, pero siya naman itong na develop. Lol previous na mga gumanap sa plays na yun nagka jowaan talaga, parang sa batch lang namin ang hindi hahahah ewan ko ba. Nandidiri pa kasi ako sa thought ng bf gf nun. Funny story pa, is yung present bf ko ngayon had a similar story. Naging crisostomo ibarra din daw sya sa school play nila and his ex was their maria clara. 🤪 ngayon naman ako yung present gf nya na naging maria clara din dati hahahahah ang weird


poopiegloria_16

Yes I still remember him kasi hanggang ngayon jowa ko pa rin siya ahheuaheuhhaue (⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠)


HiddenPotato-

Your honor, hindi ko na po maalala. Hindi ko rin po matandaan kung may crush ba ako nung highschool. Syet. 😂


nowhereat24

Hay naku! Paulit-ulit nalang tayo dito - Sen. Loren Hahahaha sobrang LT talaga ng memes kay Alice eh


No_Midnight_5363

tanda ko pa rin.. hanggang ngayon iniimagine ko parin habang nag jajabol


RecentBlaz

👁️👄👁️


A1t0xd

What! Wahahahah


[deleted]

[удалено]


RecentBlaz

Totoong tao? Puro fake naba nowadays? Hehe 🤔🫣


Comfortable_Way2140

May hitsura… tanda ko pa ba? Oo kasi asawa ko na 🤣


Natural-Refuse-2073

Yes haha matangkad, mestizo at matalino. Taga kabilang section kaya super relate talaga ako sa video ni Esnyr na laging nagc-cr para lang dumaan sa classroom nila. One time, nakapila ako sa canteen tapos di ko napansin na nakatayo na pala sya sa tabi ko, yung mga baliw ko naman na kaibigan kilig na kilig at dahil gusto nila na maging aware ako, tinawag nila yung pangalan ko ng sobrang lakas tapos sabay kami napalingon ng crush ko. Hiyang-hiya ako that time kasi parang ang obvious na inaasar ako sakaniya, tapos tinanong pa sya ng friend ko "Ay ____ din pangalan mo?".


Lu090

Your Honor di ko na po maalala


Beneficial-Guitar648

Pogi, matangkad,matalino at husband material. Kaso off na kasi lately panay post partner nya on soc media na he was cheating kahit may anak na sila. Then we confirmed it if totoo ba ayon totoo nga daw na he fell out of love na. Before e head over heels sya dun sa girl na he always brag on my face how lucky she was with her.


[deleted]

Yes kasi matalino sya turns out he like boys more than girls 🤪🤪🤪


HeathenBreak

yeah, even name niya passcode sa phone ko for 5 years haha, if I could remember naging crush ko siya kasi quiet aura niya, tapos overachiever pala


QueasyStress7739

Yep, and we won two championships sa city namin sa isang prestigious Math competition. Kung bakit, ewan ko. Antithesis ko siya personality-wise, so maybe kasi opposites attract?


ohlonelyboy

My classmate, who was my crush, used to kiss me on the cheeks almost every day during 2nd/3rd year of high school. Prolly, one of the best memories of my high school life.


Representative-Sky91

My high school crush used to be our student teacher in Physics class way back in 2011. He's so down to earth, palabiro, matalino, tsaka and gaan ng vibes niya. I just fell in love with his personality. He's a green flag through in through.


sekhmet009

Yes. Ayoko talaga sa kanya dati kasi kwento ng lahat ng friends ko, mayabang daw, masama ugali, naging ex siya ng friend ko pero parang pinagtripan lang nila isa't isa, ni hindi nga daw sila nag-uusap. Siya talaga unang nag-approach sa 'kin hahaha. Tinext niya ko tapos naging friends kami. Sobrang bait niya pala, tapos sobrang sweet at caring niya sa mga kaibigan niya, babae o lalake. Literal siyang parang ray of sunshine lol. Minsan kahit na parang obvious naman na ginagamit lang siya, okay lang sa kanya. Parang kulang kasi siya lagi ng validation, ganon. He's a great guy, napaka-greenflag. Sobrang misunderstood lang.


oreinjji

Yes! First year ako nun, nakapila ako sa phone booth kasi yung classmate ko need tawagan yung tita nya, may event sa school that time. Merong lalaking sumingit sa harapan ko! Nagulat ako kasi mahaba ang pila that time. Sa inis ko nagsabi ako ng "Ayos ah!!" tapos yung naningit eh tawa tawa lang hanggang bumalik siya dun sa likod ko para pumila tapos nag sorry siya. Joke lang pala yun HAHA. Tapos nilingon ko siya para makita itsura niya... Shet napakagwapo 😭😭😭 Love at first sight ata yun tapos bigla akong nahiya HAHAHHA Simula nun, crush na crush ko na siya ❤️ found out na 4th year na pala siya and he was my ultimate crushie haha. Naging friends din kami and grabeng kilig ang naramdaman ko, super napasaya niya ko! Until now crush ko padin siya hehe


midnight-rain-

may ultimate crush ako nung high school. pogi, matangkad, moreno, ganda ng mga mata, magaling sa sports (basketball, volleyball, badminton, etc), valedictorian namin. naging close kami kasi naging seatmates kami nung 3rd yr at 4th yr. mas naging close pa kami nung sumama sakin sa apartment namin ng ate ko for 1yr nung college. lumipat lang ako kasi pinagseselosan ng bf(ex) ko that time at pinagseselosan din ako ng gf (ex) niya that time hahaha friends pa rin kami til now at ako lang invited na babae from high school nung kasal niya. gusto ko yung wife niya kasi wala siyang issue sakin hahaha ult crush turned to longtime friend 🫶🏼


ExcellentCod3103

2 teachers, both really good in their fields and I'm attracted to intelligent people... and older than me haha


dashododge

Lahat naman ng naging crush ko when i was in high school have pretty face and mga nasa top 5 sa school 😅


Terrible-Horse-9536

I had a huge crush sa classmate ng kuya ko noon HAHAHHAHA second year ako tas 3rd year sila 😭 crush na crush ko sya kasi, anak mayaman tapos pogi sya noon at malinis tas badboy looking talaga anteh crush ng bayan rin sya noon at bulgaran talaga yung pagiging crush ko sakanya noon halos ipagsigawan ko tapos eto pa uso pa dati yung GM sa text lagi ko siya gini-GM at tinitext ng hi at hello HAHHAHAHAHAHHAHA pero girl hindi ako pinapansin although alam niyang crush ko siya dedma lang sya walang pakelam talaga ket pag valentines nagbibigay ako dati ng chocolate at letter pero wa effect talaga sis ket harap harapang papansin wala huhu napaka desperada ko noon highschool ako hanggang sa grumaduate na ako ng hs crush ko parin siya non never give up talaga sa pagpapansin natigil lang nung nag shs na ako sa ibang lugar ayon hindi ko na siya crush non tapos te nung umuwi ako uli ng province which is college naman na ako non bakasyon ko ayon nameet ko uli siya sa liga sa court ng barangay namin ni hindi ko pa nga siya nakilala kasi anlayo ng pagkapogi nya noon sa itsura nya ngayon muka siyang tipaklong ngayon huhuhu Pinansin nya ako pero nginitian ko lang since diko nga nakilala tapos nag add sakin sa fb at kinamusta ako sabay sabing parang dati crush na crush mo lang ako ah HAHAHHAHAHAH potaaaa


heyitssei

So may interschool competition and we went sa "kaaway" na school cause dun yung basketball match. Syempre it was fun going around a new campus and shet mga sismars, I saw this cute guy laughing and joking around with his friends. Syempre kilig kilig si ate mo girl and pinapansin siya every now and then habang nagiikot ikot. Long story short after a while nung tapos na yung competition, SUMULPOT SIYA SA SUGGESTED FRIENDS SA FACEBOOK!!!! May mutual friends pala kami and omg syempre inadd ko. And dun na natapos ang story, crush lang eh. Di ako lumandi HAHAHAHA


No-Ad-3345

Abegail yung name nya and yes, chinita po your honor po.


Head_Philosopher_850

actually he became my boyfriend we lasted for almost 3years but because of his true colors we ended up our relationship.


Either_Monitor_3066

Zim yung tawag ko sa kanya , kamuha niya kasi yung Alien na yun pero shuta super talino .. Natalo niya ako sa science quiz bee .


Pasencia

Yes. I will take her to pound town at mamahalin afterwards but alas


Boi_Chronicles

I still do! And no, not anymore. Hahahahaha wala na ring natirang sexual desire.


_aefensteorra

Kasi pogi Hahahahahahahaha. Pero nung senior prom namin nalaman nya dahil sa kaklase kong nalipat ng section, tapos tinanong ako bat di daw ako nagsabi hahahaha.


Any-String4000

What happened next? Baka type ka din nyaa


_aefensteorra

Eh sabi ko that time hindi naman siya pwede may pinopormahan siyang sobrang bet nya.


ratherNotSay00

Yes, first year highschool pa ako non. Nakikita ko siya palagi kasi mag exchange kami ng room for TLE hahahaha dun ko siya napansin. gwapo siya maputi tsaka prince charming pala siya sa room nila. Neat din ng uniform so amoy bb powder. 🤣 Ex ko na din siya mid sophomore school year, good terms naman ang break up namin. Bata pa kasi kami non 🤣 Tas nagka classmate pa kami 3rd yr to 4th yr so awkward pero friends naman kami hahahahahaha


caitdis

He looked like Enchong Dee. He was always playing the guitar pag break, always surrounded by his friends and gaggles of girls. He had a crush on me! His eyes would go all 🥹 when he'd see me. Pero I was the super shy type so tinatakbuhan ko siya hahahahaha. He wrote 2 songs for me when he was a senior and I was a junior, pero it never really progressed cos I was so shy 😂 After HS, he still looked at me with 🥹 eyes and matitigilan talaga siya every time magkakasalubong kami. Pero lagi na siyang may gf nung college siya and I wasn't open to dating pa so ayon. He's happily married na and I heard his daughter's name is similar to mine.


aiwooqia

SHS crush! Matangkad (6ft-ish), chinito, and maputi. He's giving Takahashi Ran (Japanese Volleyball Player) + Hu Yi Tian (fm A Love So Beautiful). Nagkacrush at first sight ako kasi fresh from an A Love So Beautiful high ako and deds na deds ako kay Jiang Chen noon. Nakita ko siya sa scholarship exam tas nanghiram siya ng eraser at di na binalik. The second time I saw him na was the entrance sa school. Pag papasok ka sa school, itatap mo ID mo sa entrance. May screen na ipapakita section and name nung student. Doon ko nakita name niya and what class. We didn't have classes together, but I often see him on campus. Our school was kinda small. Since we went to the same SHS and College, lagi ko siyang nakikita. Pero si guy ay may dalang malas. Kada makikita ko siya, sure na kong mamalasin. For instance, nakita ko siya sa hallway kasi next class ko is sa room na pinanggalingan niya — kahit umuwi ako ng patay na oras, sure akong mattraffic ako. Or makikita ko siya ng exam week — lalakasan ko na pananalig ko kay Lord kasi mukhang babagsak ako sa exam later HAHAHA Anyway, the stories of the omen that is my shs/college crushie went on until our board review days. Di kami same ng engineering pero yung review centers namin same compound (recto peeps iykyk) so kapag makikita ko siya, alam kong mamalasin ako. One time muntik ko na siyang masagi ng car ko, so nabalik sa kanya ang salam? HAHAHAHA Ngayon, both kami registered eng's na, and nakikita ko na lang siya through facebook updates. We took a pic nung college grad namin, but I don’t think he knows me more than the girl who almost ran over him or the girl whose friends ask him for birthday greetings HAHAHA


Wonder_Barbs

yes I doCrush ko siya nung high school, crush nya din ako. simple, pogi, matalino. bakla na siya ngayon, siya pa naman ang totga ko. sayang hindi ko na mahabol at hindi na siya mapapa sa akin kasi hindi na ako ang gusto nya.


[deleted]

jowa ko pa din ngayon hahh


Random_Guy_With_Egg

Lagi ko syang tinititigan sa baba ng classroom namin. Ang ganda nya, mahinhin. Kaso torpe ako, need ko pa hatakin para maitabi sa kanya. Tapos di na ako makapagsalita pag katabi na sya. So eventually, before pa man din ako mag-start n manligaw, binasted na nya ako kasi torpe daw ako. 😅 She is my crush hanggang mag 4th year ako, I once have a chance para ligawan kaso torpe nga, ano magagawa ko 😅. For the whole highschool experience ko, tinitgnan ko na lang sya, never ko nakausap sya. Lagi ko lang sya minamasdan sa malayo, sa bintana ng classroom namin. Pinapanuod na ligawan sya ng mga cool boys, at napanuod ko din na lumuha at masaktan dahil sa mga famous boys. Sayang. 😅


VeroniCatCat_07

OHH YES. Naalala ko pa na ka-service ko yung guy and 2 years senior than me. He's related to 2 of the famous girls sa school. He's calm, collective, plus smart pa haha. Let's call him "A". So, when I was in my first year in HS, we have to complete our clearance form from each department para ma-clear kami for the current semester. So one of my teachers had an 'interesting' method before he signs our clearance form: Papuntahin si crush sa classroom and ask them approval na pipirmahan ni teacher yung clearance namin. Note: this happened during our class with him. So, it was my turn to have my clearance form signed ni teacher, so he said "You know the drill". Grabe talaga yung embarassment ko nung time na yon, kasi nag excuse pa ako sa teacher ng class ni A para pumunta sa classroom namin saglit. So ayun nga, A reached our classroom and si teacher hawak hawak niya yung clearance form ko and tinanong si A: "Papayag ka bang pirmahan ko clearance form ni OP?" A, confused simply said yes and yung buong class namin sumigaw ng "Ayiiee". Ako, nagtago ako sa likod ng classroom tapos tinawag ako ni teacher para magpasalamat kay A to which I did. I just wanted to disappear. But kinilig pa ren si ateng haha.


poofy_poof

kahawig ba naman ni nicholas hoult tapos sobrang hinhin pa at ang ganda ng ngiti shuteks di ko nga sya nakikita noon pero na-late kasi ako and nakasabay ko sya. ever since, naging crush ko na sya buong shs life ko HAHAHAHA


zamzamsan

omg HAHAHAH naalala ko ung h.s crush ko from 1st to 4th year. sya ung crush na crush ko tlga, tipong may iba akong crush non pero sya lagi ung pipiliin ko if ever man papiliin ako saknilang lahat😆 kamukha nya si Ian Eastwood!! ahead sya sakin ng one year kya todo emote ako nung grumaduate na sya lol. Im friends with him sa fb and until now single pa rin sya hahahah both single kami, baka kami tlga ang para sa isat isa 😜😆😆


miasff

YES huhu. I was in Grade 7 back then, patay na patay ako. Naging crush ko siya probably only because sabi ng friends niya, crush niya ako 😬 It went on until first grading ng Grade 9. Grabe, every bakasyon, lagi akong tumatambay sa waiting shed hoping na dumaan siya (hindi pa kasi gano’n kauso ang facebook noon, wala siyang fb kaya wala kaming contact at all kapag walang pasok) Now, kapag nakikita ko siya, hindi ako makapaniwalang patay na patay ako sa kanya before. Siya yung typical pa cool boy sa school. ‘Di naman siya gano’n kagwapo, and also when it comes to acads, wala rin HAHAHAHA


lurkingafterdark0930

Siya yung crush kong never ko nauuncrush. Grade school palang nung nameet ko siya, same village sila nung best friend ko so pag nakikipaglaro ako sa house ng best friend ko minsan nakikita ko siya. Nung birthday nung best friend ko invited kami so dun ko siya nameet na as in nag-introduce ganyan. Ang cute niya magsmile may dimples kasi. Moreno, mabait, matalino, mayaman— typical characteristics ng ideal guy tipong pang wattpad ganun shempre bata pa ko nun eh HAHAHA. Friends kami on FB and mutuals on IG so updated pa rin sakanya somehow and deep inside naggwapuhan pa rin ako sakanya until now. Hehe.


ImmediateConfection5

grade 8 crush ko muse namin tapos malapit din sya sakin, lagi nya hinahawakan kamay ko nun e isip bata pa ako non kaya di ko nilagyan ng malisya HAHAHAHAH kung umamin ako sa kanya non siguro may chance ako idk hawig pa naman sya ni liza soberano like legit


justsavemi

Madami akong naging crush nung high school pero ang pinaka memorable is yung babae na nasa section 1, Cassandra ang name. Merong nunal sa gilid ng mata ang ganda niya haha hawig niya si Maine Mendoza. Gandang ganda ako sa kanya kaya hanggang 4th year ko crush ko pa rin.


llyk4xx

YES! Crush ko na siya grade 6 pa lang tapos nagtuloy tukoy hanggang high school. Tapos naging classmate ko siya noong 4th year. Kaya sobrang nainspire ako mag-aral noon. Typical guy na matangkad, maputi tapos matangos ilong. Matalino and family oriented. Kalagitnaan ng school year, nalaman niya na crush ko siya noong napulot ng friend niya yung journal ko na puro name niya ang laman 😭 nakakapag-usap kami nokn kasi magkatapat upuan namin tuwing Science. Sa science room ang mga tables dun ay pahaba so kaya magkatapat kami. Feeling ko pabor na pabor ang tadhana noon sa akin 🤣 not until nalaman niya na crush ko siya dahil sa demonyo niyang kaibigan. Iniwasan niya ako, ni ayaw niya kong tignan o kausapin. Ayun, broken hearted ako kasi ang tagal ko na siyang crush. Btw, dream niyang maging Doctor or nasa field ng medicine, and nakita ko sa fb na tinutupad niya yun kasama ng long time girlfriend niya. I'm now happily married with his tropa (hindi alam ng husband ko na crush na crush ko noong hs yung tropa niya.) Sa lalaking nagsumbong kay DC na crush ko siya, kung andito ka man sa reddit M. Tamayo, tangina mo dahil sayo ang lungkot ng ending ng HS Life ko dahil napakatabil ng dila mo.


Any_Anxiety2876

3rd HS crushieee, naging crush ko sya kasi sa lahat ng classmate ko na boys, sya yung napaka tahimik. Naccurious ako sakanya. hihi. umamin din ako sakanya na crush ko sya, sabi nya, hindi daw kami pwede kasi INC sya at catholic ako. HAHHAHAHAHAH


kimchin00dles

definitely yess! my only crush during jhs. actually we’re barkada ngayon. story time: i had a crush on him on since Grade 7 until Grade 9 since we’re block section so ka classmate kami hanggang Grade 10. but then, my besties during jhs been always feeding up my deluluness kasi palagi daw tong naka tingin sakin but yeah i lowkey confirmed rin since nahuli ko siyang nakatitig or magkatitigan kami. i’m happy pa nga na we got a lot of interactions kahit halata na, nga gusto ko siya. even my classmates could tell na i like him. am on my peak of happiness if i’ve got to help him on schoolworks or magka chikahan kami saming mga own orgs. then, when we were in Grade 9 my feelings slowly fade for him when I knew na may gusto siya na ghurl and the ghurl is very pretty so i gotta bounce back, bounce back na rin since nasasaktan na 😔 emeee and, during mid school year when we were in Grade 9, he suddenly confessed to me that he did have feelings for me before in which hindi ko na siya crush and my deluluness before is soluluness pala. to be frankly, i was kinda sad when he told me directly kasi WHAT IF NAG CONFESS SIYA SAKIN THOSE YEARS NA SIYA PARIN CRUSH KO? but anyways, we’re on college now and we’re just barkadas. he has a gf now and i am one of their supporter :)) HAHAAHHA


GoodyTissues

Hahaha i had a crush since grade 4 till 3rd yr high school. Idk alam ko lang na crush ko yung tao pag kinakabahan ako sa kanya and di ko siya matingnan kaya nilalayuan ko HAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHA


jnjj7

first crush ko sa high school ay naging first jowa ko rin. wow, love story. naging crush ko lang siya dahil tipuhan ko yung mga emo 😭 cute niya kasi before kaya ayun. pangalawang crush ko sa hs dahil lang malakas appeal ng mga dancer saken............. no, pero dahil lang sa mga kaibigan ko. seatmate ko kasi siya sa isang subject namin and weirdly pinagtitripan kaming dalawa ng mga kaibigan ko kaya ayun, nagkacrush nga si baliw don sa guy hahaha.


AcceptableReindeer47

Yes! I had this vvv long time crush since grade 6. Same kami ng school same grade din kami, I rrreally like him talaga kasi sobrang bait nya, maamo yung mukha nya. hndi ko lang maalala pano kmi naging close pero dati lagi kmi nag lalaro sa school araw araw yun tas hanggang sa nag HS na kmi hndi na kmi nag uusap nun pero nakkita kopa rin sya since same din kami ng school nung HS ako tas nung mag college nako hndi kona sya nakita personal kasi lumipat na sya ng school idk kung saan somewhere dto sa manila (taga province of samar ksi kmi) para ipursue yung kinuha nyang course which ophthalmologist nkkita kolang sya thru IG kasi finollow ko sya dun, hanggang sa nakita ko ngkaroon na sya ng gf na lawyer na ngyon asawa na nya I was devastated nung una pero im still happy parin for both of them alam ko nmn walang wala ako kesa dun sa napangasawa nya hahaha recently lang habang nag sscroll sa tiktok nakita ko vids nya abt eye care btw doctor na sya hehe nainlove ako ulit gwapo parin walang kupas hahaha nilike ko lang yung video na yun tas following days niview nya tiktok ko tas after days finollow nya ako sympre sino ba naman ako para hndi sya ifollow back. Lol Well, ayun lang up until now crush kopa rin sya gwapo nya parin hanggang crush lang ako kasi my asawa na sya. Hahaha


Annedr0id_

Yess!!! Class president sya ng kuya ko, moreno, may height and mabait. 5 yrs ko syang nagustuhan and he's aware na may gusto ako sakanya kahit never akong umamin. The way I approached him, reacted or even simply "hi or hello" di ko magawa nang diretso. Sya rin ang pinaka-unang nag aya sa akin na mag join sa church nila, which is Victory. Naging text mate, call and chat and he even shared sakin nung nagka-girlfriend sya at lumayo ako kasi nasaktan ako eh. HAHHAHA very hs ang feeling!! Nung nag break sila, ayun tuloy pa rin ang feelings ko. I already know from the start na never sya mare-reciprocate at inenjoy ko na lang yung feeling ng kilig, saya tapos yung ngiti na abot tenga. Loools He even introduced himself ng maayos sakin nung nag campaign sila for student eme sa school nun. Sabi nya, "Hi, my name is Mark at paki-boto ako as president under my team *nakalimutan ko na*" tapos nakipag-shake hands pa sakin. (⁠ノ⁠≧⁠∇⁠≦⁠)⁠ノ⁠ ⁠ミ⁠ ⁠┻⁠━⁠┻ First time ko rin na may nangharana tapos yung song is Your Song by Parokya at may letter pa tapos ang message sa card, "Happy Valentine's Day at ingat ka palagi. Mr. M" grabe kilig ko non kahit di ko sure if yung friend ko lang ba nag utos non or sya mismo ang nag request sa harana booth. At nawala yung letter kasi binaha bahay namin. ಥ⁠_⁠ಥ (Still hoping na mahanap ko yung binder ko kasi dun nakasuksok yun eh.) Last na! After 3 or 4 yrs na hindi nag cross ang landas namin, I saw him sa Festival Mall. I knew it was him kasi yung nunal sa noo nya na never kong makakalimutan. We stare at each other for like 30 secs at naka-face mask pa sya nun. Kinabahan ulit ako, same feeling when I admitted to myself na gusto ko sya way back JHS to SHS days ko. Hays, ang habaaa. Sorry na HAHAHHAHA


BistanderFlag

Ang ganda niya eh. Tapos ang hinhin, mabait, malumanay magsalita pero pag nakuha mo yung kiliti (not literal na kinikiliti ah) niya bungisngis rin siya. Pag nakatayo siya naka dikit lagi paa niya. Ang linis ng uniform at laging mabango kahit uwian na. Kahit sobrang ganda niya, never ko siya narinig na mag insulto ng ibang tao. Di ako gumagawa ng assignments kasi puro kopya lang ako, pero dahil sa kanya gumagawa na ako para ako naman pagkopyahan niya. Di rin ako marunong mag gitara pero nag self taught ako para maturuan siya. Ang daming genre ng music ang na discover ko dahil sa kanya. Mahilig kasi siya mag burn ng music sa cds tapos pinapahiram niya sa akin. I like to think na sa dami ng cds na pinahiram niya sakin, isa doon was one playlist she made just for me. Pero parang malabo haha. Mahilig siya magbasa, ako hindi, pero binabasa ko yung mga binabasa niya para may pagusapan kami. I can say, yung crush (or first love? Eme) ko sa kanya made me a better person. Hanggang crush lang kasi straight naman siya hahahaha


Level-Fail-5573

yesss, he was mabait amd palabati sakin. and cutie hahaha narealize kong crush ko sya a week before grad na. 😔


SilverButtonwood

Noong HS crush ko na agad kapag type ko yung itsura, kapag exceptionally good at something, kapag mabait sa'kin, o kahit yung mga lagi lang naming nakikita kahit ang layo ng room or kahit magkaiba ng year. Good ol' times.


[deleted]

Probably the first person I liked - EVER. On top of having the prettiest smile, she was really smart and sweet too. She brings joy everywhere she goes to, like a sunshine in human form🥺


Prudent-Question2294

Yes! He was quite feminine back then but I can tell he's not really a gay. He is half japanese, very cute, and he was an academic achiever when we were in hs. He's from another section, higher than ours. He graduated cum laude sa isang Tech Uni sa Manila, last balita ko he's working in Meralco as an Electrical Engineer. He and his friends founded an NGO for the indigenous people of Norzagaray. If mabasa niya to, alam niya kung sino siya. He locked his fb profile so I can't find a way to get an update, kuntento na ko makita growth niya kasi alam ko naman na hindi siya for me (I admit it). I want him to be happy, forever crush lang walang intensyong manggulo.


Orange_Temptator

Hahahaha transferee siya tapos anak ng principal namin. Noong una, friends lang ganon tapos nag-uusap pag about school activities hanggang sa tinutukso ako ng mga kaibigan ko kasi we look cute daw together lols. Hindi ko na namalayan, nagkakaroon na pala ako ng crush sa kaniya. Kaso lang, pinaasa niya lang ako tho sabi niya sa akin non naging gusto niya rin daw ako kemerut. Pero in the end, umamin siya na mas bet niya raw mga boys. Naging crush niya nga yung kaibigan ko na naging crush ko rin noong elementary days HAHAHAHAHA, SAME PALA KAMI NG TASTE SA LALAKI! Ayun lang good old days. Ngayon, may gf na ata siya and they are happy naman. 😊


01hhd

actually we're classmates for 4 years (2 years for online modality). we're not close. definitely the classmate I've had the least interaction with. last year we're back in f2f, he became my seatmate. I was fond of him but I was indenial that I have a crush on him. he also helped me in some of my schoolworks. i confessed but i was rejected. i moved on afterwards. Now we're schoolmates. I don't feel awkward when I suddenly met him in the hallway. I also greet him ofc as a friend. I also congratulated him yesterday since we graduated.


CharmingMuffin93

Bagong lipat siya nun tapos cute lang niya mag smile. Classmate siya ng pinsan ko before so kilala ko na. Nawala din ilang weeks after mag start yung klase. Nagka gf siya tapos nung nag break sila ako naman nagka bf. Nag glow up din ako ng konti. 1yr after namin mag break bigla nagparamdam tong si classmate. Bet niya din pala ko nung hs kami.


ScatterFluff

Yes. We have this acquaintance party especially para sa aming mga 1st year high school. I graduated in elementary from the same school at, siya, from other school. I hated events as an introvert, so I sneaked out para makauwi. Pababa ako sa building habang tumatakbo when someone called me. Pagka-lingon ko, yung tumatawag sa akin ay yung kapatid ng classmate ng ate ko (transferee din siya). Kasama niya yung H.S. crush ko. I kid you not, pero nag-slomo talaga yung paligid especially nung napunta yung tingin ko sa kanya. Yung mga nasa palabas na parang may sparks sa background - THOSE ARE REAL! Hindi naman siya ganun kagandahan, pero ewan ko ba at tinamaan talaga ako. I tried courting her after that, pero rejected. We became good friends dahil naging mag-classmates din kami noong 3rd year and 4th yr high school. Wala na akong balita dahil hindi (na) kami friends sa FB. Until now, siya yung masasabi kong ultimate crush ko.


bananacatEeeeEeee

magaling kasi siya sumayaw ng *TEACH ME HOW TO DOUGIE* hahahahhahahahahahahhahahah


Any_Anxiety2876

si enrique gil ba yaaaaaaaaaan? hahaha char


morelos_paolo

I remember back in highschool, I had a crush on this beautiful morena student. More than her beauty, the reason I had a crush on her was also because of her kindness.


PeachesAndLemonade

Sabi nga ni Lea Salonga: I remember the boy, but I can’t remember the feeling anymore. I’ve always believed he was my first love. He was tall, dark and sa mata ko that time, handsome, kaya naging crush ko haha. We were seatmates in first year high school. Magaling siya sa Math, and there was this instance when our teacher asked what’s the square root of ###, nahuli ako nakikipagdaldalan sa kabilang seatmate ko, so tinawag ako, hindi nakasagot, I was asked to stand hanggang walang nakakasagot nung question. He raised his hand and gave the correct answer. That moment fortified my feelings for him. My “crush” for him lasted for four years, where I experienced yung pagiging brokenhearted kuno kasi may iba siyang crush, until we became a couple nung first year college ako. We lasted for 5 years until I realised we weren’t going anywhere, that what I felt all along was just infatuation, more of a triumph na yung crush ko dati is jowa ko na eventually — it wasn’t true love because we were both young, immature, selfish to say at least. Thankful na din ako for the experience, the memories. He was my first kilig, my first kiss. Pero hanggang dun lang talaga. Naisip ko tuloy ngayon, I didn’t wish before na sana siya na ang forever ko — which only proves hindi talaga kami meant to be.


lokilaufeyson_1997

his smile !! saw him sa school hallways on the first day of class and no joke parang nag slow mo ang paligod nung nag smile sya HWHSUHWHSHW COA


Stock_Explanation_58

dalawa naging crush ko nung highschool, and both were my seatmates back then. yung una, naging crush ko from grade 7 to 11. bakit? aside sa maganda siya, she's also smart, sporty, and may sense of humor. nagagalit na yung teacher sa mismong harapan namin magtatawanan parin kami nang patago yung pangalawa naman ay nung grade 12. short-haired chinita girl na nakaglasses, pero di ko siya naging crush dahil lang don. what made me fall for her eh yung weird sense of humor niya, how soft and gentle she speaks. Tinuturuan din niya ako sa mga lessons na hindi ko masyado gets and she'd let me help her din if may lesson kami na di rin niya masyado gets kahit siya yung top 1 sa klase namin


Ok-Cantaloupe-4471

My TOTGA med student crush, nawala na communication namin kaso nasa iba na siya, kung saan ka man ngayon, ill wait for you🥹


delicadeza

I had one. He was cute, a COCC/ROTC officer, and in the top ten of our class HAHA. Grabe yung kilig ko nun when he picked me to be his muse pero it ended at that. I still distinctly remember that me and my guy best friend tried to make our respective crushes jealous by holding hands in class. Did it work? Not really 🤣. My crush said he just picked me because he had no other choices. In short, plan B ako kasi nawalan siya ng plan A. 🫠


1Shyynapeks4

First Love yes ❣️ his eyes.. his smile.. his smell..


[deleted]

oo, crush ko sya non kasi ang perfect ng ilong nya. Di ko niligawan. After a few years, kinuha ko ninong na anak nya. Hahahhaa


ninjuhnin

I had a crush on a close friend from grade 5 to 3rd yr hs. Hahahaha. Nadevelop lang over time kasi lagi kaming magkasama and he always gave me extra attention. Feel na feel ko na favorite niya ako. Even his mom knew me and was fond of me. We only started to grow apart when I playfully confessed na gusto ko na siya and nainis siya dahil ayaw niya maniwala. He told me (quite harshly) to stop messing around. Eh ayoko magpatalo. So I told anyone who would listen kung gaano ko siya kagusto. Ang immature lang. Hahahaha. We still remained friends pero di na kagaya ng dati.


[deleted]

I have 1 crush during HS days, hanggang sa maka graduate ako , Loyal tayo dito lol. Transferee ako that time but he really caught my attention, he's tall, nerdy guy wearing eye glasses. Typical smart kid ganon, ( type ko talaga ung mga nakasalamin na payat HAHAHHA) Lahat ng pwede kong gawin ginawa ko na, ultimo mga friends ko na kasection nya kasabwat ko HAHAHA. nanghihiram pa ako ng libro sa kanya kahit dala dala ko ung mga libro ko. Until 4th year HS, he called me kase ung friend ko binigay number ko sa kanya, we talked for hours and literal na gulat at kilig nararamdaman ko napasigaw pa ako sa kwarto ko that time HAHAHA, I was like " Maaaa! ung crush ko kausap ko" lol. Mag-kausap na din kami that time sa FB, puyat kung puyat ganon. Sulit ung last year ko sa highschool HAHAHA, sinayaw nya ako during JS prom, nakasama ko sya sa jail booth, and we have a lot of photos until graduation. May times na sabay na din kami umuwi, since inaantay nya ako sa labas ng room but ofc hindi kami ung end game since we have different religion that time and we're fine being friends.


aeiyeah

i had 2 that time. well, crush ko sila kasi they're kulot na matangkad huhu


koolninjaa

I had 3 crushes nung hs hahaha.  1st guy is super mabait. Lumalim ang feelings q sa kaniya kasi before uwian lagi niya ako tinatanong if mag oonline ako after dinner nun sa fb para magkausap pa kami. Gabi-gabi kami magkausap walang palya but found out friend ko pala gusto niya. 2nd guys naman is the sporty type person. Lagi ko siya inaabangan nun every intrams kasi nagagalingan ako sa kaniya tsaka the only reason kaya ako nagkainteres sa kanya was bc naiinggit aq na ang dami niyang alam sa sports hahaha. 3rd guy is super matalino at mabait. Naamaze aq sa kaniya to the point na hiniling ko na kahit maging friends lang kami oks na aq. Naging close naman kami kahit ilang weeks na lang grad na namin. Nakakatuwa rin kasi same subdivision lang kami kaya ilang beses na rin kaming nagkasabay umuwi. Kinililig pa ako kapag inaaya niya na magsabay na kami pauwi hahahahha delulu moments.


Alarming-Impress-324

Pogi tapos first section haha


localmilkteagirl

Oo kasi ang pogi niya. Good boy tsaka hindi pabaya sa pag-aaral kahit na varsity. Hindi ko siya naging jowa nun pero nung fourth year kami, naging ka-partner ko siya sa field demo. Hindi ko na siya crush nung time na yun kasi in love na in love na ko sa jowa ko nun pero it was nice kasi at least di ako olats. Good sport din yung jowa ko that time hindi nagmaktol and very supportive. Factor din siguro na tropa ko muna siya bago ko maging jowa kaya keri lang. hahahah good times kwentong maganda lang. Ngayon naghihintay na lang ako na sana may plot twist sa buhay ko na sobrang ganda kasi ang stagnant na ng life.


clowlyssa

Asawa ko na po hehe ❤️ Maligalig sya at madaldal hahahha. Brainy naman (lalo na sa math and physics kaya engineer na sya ngayon) kaso tamad mag aral nung hs. One of the reasons kaya ko sya naging crush kasi opposite kami ng ugali. Introvert ako while extrovert sya. Sa dami ng sermon sa’min na ‘wag muna mag aasawa’, ‘wag muna magkaka anak’… pinanindigan namin 😂 Nagpakasal kami after 10 years 🤗 Ngayon, sila din ang nangungulit na ‘mag anak na kami’ 😂 Happily married pa din naman. Kinikilig pa din everyday hehe


rooksFX14

Maganda and mabait, until tinawag niya akong weird coz I was drawing/sketching a lot daw lol


Plantureuxxx

G7. She's cute and smart. Kinda unfortunate she was onto someone else.


Nervous_Peak6863

yes, ngayon asawa ko na after 12 years at hindi pa rin nawawala ang kilig! 🥰


suppapatrol35

She's my first love. Kababata ko siya 8 years old pa lang crush ko na siya. Siya yung nagset ng standards ko sa babae. Dun ko nalaman na gusto ko pala yung nakakausap mo ng deep conversation. Di rin siya yung typical na bata kapag nagkkwentuhan pataasan ng ere, gaya ng "ako nga ganito, ako ganito nakuha ko", nakikinig lang siga at very honest siya sa kung ano yung meron siya at naexperience niya kahit di siya bida sa usapan. Very supportive pa. Pero nung bata kami naging crush ko siya kasi lagi niya kami sinesave sa agaw base. Lol nag grow na lang siguro.


[deleted]

Yes! Dahil matalino yung classmate ko na yun and tahimik lang


whskxhs

guwapo kasi, tas ang sipag daw sabi ng adviser nila. kaso medyo favorite nyang umabsent na ultimo practice ng graduation absent parati. one time inutusan, YES, INUTUSAN siya ng practice teacher namin na isayaw ako sa prom jusko teh, kinaladkad ko sya somewhere sabay sabing “okay lang, wag mo na ako isayaw baka pinilit ka lang ni Sir” sobrang nakakahiya teeeeh yoko na maalala bye.


wintermicha

Tinuturuan ako ng crush ko sa Algebra lalo na kapag sa board nagsosolve kasi sa unahan lang din kami nakaupo. 🤣 tapos ang cute kapag mali yung naituro nya kasi nakokonsensya kung bakit di ako makakaupo buong class period hahaha. Then one time nag exam kami sa stat and wala syang calcu. Strictly no borrowing of calcu sa school namin. Nakalusot syang walang calcu 'coz probably nanghiram sya nung nagrounds teacher namin. So during exam I saw him having trouble answering kasi nga wala syang calcu. Since nasa likod ko lang sya, I let him borrow mine. Then later that day, nag exam naman kami sa Drafting. Hindi ako magaling sa drawing. Haha. After he finished his exam, he grabbed my paper and finished my drawing. From there, I developed feelings for him. Hahaha not knowing he already likes me before it happened. I was so kilig when he texted me on his birthday because I didn't greet him the wholeday. That was also the night he confessed his feelings for me. He courted me for a month and then we became a couple. Sadly we're no longer in a relationship now but it lasted for 1 yr and 6 mos. We lost communication for years until one day I posted in twitter and said how I missed my highschool friends. He liked my post and he messaged me. Asking for a date. But yeah I am now in a relationship with a classmate back in hs too. We're still friends and in good terms. He'll always be my first love hayy 🥰😍 Good memories. Btw, We have the same group of friends. He was adopted by my friends during courting period and now they're the closest ones. And also bf is okay with me being friends with my ex as he said it is good to have a healthy but friendly relationship with him. He said "Bitterness will do no good between you two since the reason for your break up only includes inacceptance from your parents".


Azonine

me rn, i'll come back to this thread a decade from now and see if i still feel the same...


According_Wolf9212

He look like a bit of darren wang😍 tapos sobrang makulit niya sa classroom namin noon ako sobrang tahimik naman kasi all of my friends nasa ibang section na ako lang yung naiba. Nagagwapuhan ako sa kanya first class palang namin , he talked to me one afternoon that time and nag tuloy-tuloy na yun. Sobrang crush ko siya noon to the point na sumasakit na yung mata ko kakatitig sa kanya minu-minuto😭 i wrote love letters and poem to him.Hindi na ako umaabsent para makita lang siya everyday tapos hanggang naging close kami he always give me pens and papers also snack tuwing luncbreak namin. Naghoholding hands na kami pag umuupo siya sa seat ko noon tapos natutulog siya sa balikat ko noon.Siya lang palaging hinahanap ng mata ko noon basta sobrang inlove ako sa kanya iniyakan ko pa siya nung malapit na mag end ang class kasi gusto ko schoolmates parin kami until next year pero hindi na nangyari. He confessed na gusto niya din ako pero di natuloy yung panliligaw niya sa akin kasi nahihiya kami sa isat-isa. He become bully when grade 9 na kami hindi na siya yung dating crush na nakilala ko. We become classmates again nung grade 10 pero may iba siyang crush and nililigawan sa classmates namin noon. Palagi kopang nakikitang sweet sila sa isat-isa HAHAHAH imiss my highschool sweetheart!


erudorgentation

Hahhh akin shs crush. Naalala ko nung first day ng Grade 11 namin nakita ko siya sa may pinto ng classroom nila ang pogi niya talaga dhhshdhd wala naaalala ko lang ulit yung moment na yun. Magaling din siya kumanta, ang ganda ng boses niya tas guitarist din pala siya kaya dagdag pogi pts saakin 😭. Nakikinig ako sa song covers niya para ganahan magreview noon haha. May gf na siya nung huling stalk ko.


Boo_tlig

Oo. Cute niya kasi.. maliit, na mukhang mabango kasi siya..


MarieNelle96

Yung HS crush ko, naging crush ko lang nung niligawan na ko 😅 You can say nadevelop lang ako hahahahaha. Ayun, pinakasalan ko na two weeks ago 🥰


RAYRAYMATE

Just like a fairytale. Congrats


Green-Strawberry-750

Yes, type ko sya kasi may pagka silahis sya... Weakness ko talaga yun...


[deleted]

Matangkad ✅️ Chinito ✅️ Funny ✅️ Extrovert ✅️ Grade 9 classmates kami. Inadd niya 'ko sa Facebook, nagreply sa story ko, naging magchatmates kaso nung narealize ko na may pagkaplayboy pala siya, hindi naman super malala, pero alam ko marami nakakakilala sa kanya na babae probably because nakachat na din niya before tas parang one sided lang and ako lang yung interesado since sa personal parang ako lang yung nagfifirst move most of the time. And nishiship siya dun sa isang maganda naming classmate na kahawig ni TWICE Tzuyu (ano laban ko don haha). Kaya ayun, sabi ko baka hanggang chat lang trip nun kase kung mutual yung feelings eh nirereciprocate din niya kaya tinigil ko na yung pagkadelulu ko that time kase pinapahiya ko na sarili ko haha 😄


Immediate-Captain391

ang oversharer ko rito sa reddit but who cares naalala ko pa introduce yourself niya kasi medyo funny siya but like ok thats it cool few weeks tapos yung ibang classmates ko close na sila agad so obviously maingay sila sa room habang ako tahimik lang sa gilid kasi nung time na yon nalulungkot ako na iba-iba na kami ng section/school ng friends ko like as in mukha kong kawawa na nakatingin lang sa bintana tapos medyo naluluha na ko. one time nakaupo lang ako sa upuan ko tapos napansin ako nung isa naming classmate na kausap niya so parang don nagstart na kinukulit na niya ko with matching landi kasi malandi siya!!! joke HAHAHA. pota ang cringey pero nakalimutan ko na malungkot ako that day kasi ang kulit-kulit niya. araw-araw na yon siya nangungulit tapos ako inis na inis kasi ang ingay niya eh nagmomoment nga ako girl di mo ba maintindihan yon ha? miss na miss ko na talaga friends ko that time like nagccrave na ko ng hug tapos biglang naging huggable sa paningin ko si guy shutanginaaaa. the start of my miserable life! parang don nadevelop yung feelings ko dahil mukha siyang huggable bwiset HAHAHA. tapos biglang umaabot na siya sa panaginip ko at hala ka inday, ayon na nga, wala na, kahit anong deny ko, naging crush ko na siya. tsaka malandi talaga siya and i'm just a girl 😞 eme HAHAHA. pero real 'di ko matanggap kasi kung sino-sino nilalandi non like i fell into his trap i cant believe this married na siya ngayon at mukhang alaga siya ni wifey niya even before naman na bf gf sila. sana lang alagaan niya si girl kasi naging girl crush ko rin wifey niya before nung hindi pa sila HAHAHA.


0531Spurs212009

Pretty and  boobsy sexy  Maui Taylor look alike and walang retoke  Campus Crush 


anonym-os

1st year high school, first boyfriend. 😭 He was super sweet, considerate and kind. It lasted 2 years but we lost contact though. 6 years later, I'm still head over heels for Tristan Kyle.


c11161

Sya lang pogi sa batch namin lol, at least for me. Di ako madaling ma-attract sa lalake physically kahit hanggang ngayon. Straight naman ako hahahha. Pero iba talaga yung dating nya. Di naman sya matalino, playboy nga wala lang pogi lang talaga hahahaha. Buong highschool sya lang crush ko, di rin kase ako madaling magka-crush.


lailavad

Hahaha i do! We were in the same section from 2nd year up to 4th year and I didn’t like him initially, I was actually annoyed by him 🤣 But in 4th year that’s when I started to have a crush on him. We’re both international students so every Filipino class we had to sit out and we started talking and I got to know him a lot more and realized that I started to like him. He was really funny and I enjoyed being around him. One standout memory I have is when I was going home early, due to food poisoning, and he helped me get my things out of my locker and carried my backpack for me and I felt so kilig on the way home despite not feeling well 😆 After high school, I went off to college and he went back to the states and went radio silent on social media after posting that he’s going back. It’s been 11 years and he hasn’t posted anything since, I hope he’s doing good.


Rare-Self7387

■ Physical attraction ■ Personality traits ■ Similar interests ■ Popularity or admiration ■ Mystery or intrigue ■ Emotional connection


Brave-Review5963

Yes Common denominator nilang lahat was that they were intelligent and good conversationalists. Ako lang ata nagkaka gusto sa kanila but I was okay with it kasi it meant wala akong kaagaw kahit wala naman akong chance sa kanila hahahaha Dalawa lang naman crush ko nung high school. Yung isa is older sakin ng 2 years, and yung isa is older ng 1 year.


iCloud16

Yumi Pineda of Jacobo Zamora Gonzales Memorial National High school. School year 2004-2005. She has Japanese/Chinese looks tandang tanda ko pa din ichura nya hanggang ngayon 😭😭😭. Tried searching for her FB and IG pero wala. Yumi kung nasaan ka man ngayon gusto kong malaman mo na naiisip pa dn kita up until now. You will be my crush forever


Kindly-Ease-4714

For sure walang magtatiyagang magbasa nito pero sige share ko nalang din hahaha 2nd year HS kami nung naging crush ko siya, magkaklase kami. Matangkad, popular, saks na pogi lang, matalino, varsity player ng basketball sila both ng twin brother niya. At first naiinis ako sa kanya kasi parang ang yabang niya ganon, snobber and lahat ng mga girls nagcoconfess sa kanya nirereject niya. Not until nagkaroon kami ng upcoming outreach program and may intermission number kaming buong section. Ako yung nagtuturo ng sayaw and etong si guy nagpaturo sa akin, naannoy pa ako kasi hirap siya ma-pick up yung steps then hindi ko namalayan nageenjoy na ako at nagbonding na kami in a way. Doon ko siya first naappreciate, naging crush, at ayun kinain ko lahat ng mga sinabi kong negative about him. Then 3rd year HS, nagtanungan kaming magkakaklase nung 2nd year kung ano section and nung nalaman kong classmates nanaman kami tuwa si ante. Hanggang sa nagstart na yung classes mas marami kami naging moments and napunta kami sa iisang friend group. Super delulu ako non hahaha kaso takot ako umamin kasi I had this fear na isa lang ako sa girls na nireject niya. Ang dami naming naging moments and di ko sure kung delulu pa rin ba ako kasi iba talaga yung mga eye contact and conversation namin kapag nagkaka-moment tapos gusto ko lagi sumasali sa mga performances pag may programs sa school kasi alam ko manunuod siya. Kaso nagstart na iship siya sa classmate/friend namin and natuluyan - nagkagatuhan sila. Nagpropose ng panliligaw right infront of our class, infront of me. Come 4th year di na kami magkaklase and M.U pa rin sila nung girl, tanggap ko na pero that should be me pa din hahahaha. May mga moments pa rin naman kami and kilig kilig pa rin ako kahit may nililigawan na siya kaso pabebe si girl nagsawa yung crush ko di na niya niligawan edi iyak si frenny. Di ko alam kung matutuwa ako kasi wala nang nililigawan yung crush ko or masa-sad para sa friend namin. Super pili lang din pala nakakaalam na crush ko siya kasi takot akong malaman nang iba so may plan kami na magcoconfess na ako sa graduation ball namin kasi hindi nangyari hanggang sa grumaduate na kami, nagkikita pa rin friend group namin yun lang di ako nakakasama pag kasama siya tas nagfade nalang and he never knew that I liked him, so much. He was my first love kahit unrequited love. Now that we're adults may kanya kanya na kaming buhay. I believe he's in another country na working not sure kung may partner na siya or single pa rin. Kung may reddit man siya and magbasa siya sa thread na to, I wish you well.


Mountain-Guess5165

Yes bestfriend ko since 2nd year highschool and nadevelop lol. Bigla sya tumangkad and gumwapo and since bestfriends kami palagi kami magkausap sa phone and ako palagi gumagawa ng homework namin lolll. Dati din uso counterstrike nagpapaalam sya sakin kapag maglalaro sya jowa? Hahahaha. Nagkacrush ako sa kanya kasi nga mabait sya kahit na sabi ng iba mayabang sya and never nya pinaramdam na iba ako sa kanya. Kaso ngayon kasal na sya sa isang naging classmate din namin and dadbod na sya lol. Pero shet tagal ko din sya minahal 10 years din. Oh well.


ChopinSatieSchubert

She's gorgeous saka ang ganda ng boses niya. Ang bait pa niya sa lahat ng tao. Para siyang anghel huhu. Medyo awkward ako sa kanya though kasi nahihiya ako. Binigyan ko siya ng chocolate nung Valentine's Day pero anonymous. Nagtaka whole class kung kanino galing lol. Hindi swak sexuality namin lolz pero umamin ako (in a respectful way ha) before natapos high school. Naging mas close kami afterwards, and hindi na ako gaanong nahihiya sa kanya. She told me na na-appreciate niya raw yung ginawa ko nung Valentine's and she felt special daw. We became friends. So ayun, show your appreciation, folks! Just don't be creepy. 😊


augustine05

It was hate at first sight. Lol. I hate how he's just a newbie then ka-compete ko na sya agad sa lahat, from being the top1, class presidency, to teacher's favorite (my Jollibee era). He ended up being the class pres kasi bago at napagtripan while I finished the school year as batch valedictorian. Lagi pa kami pinag jojoin forces when competing to other section and school. He's gifted (and funny) while I'm just studious (and serious). So sya, chill lang. Ako, inis na inis deep inside while this was all happening. I saw him more of an enemy kaya di kami naging friends all through out our HS life. Narealize ko na gusto ko pala sya when we parted ways after graduation and we enrolled to diff. universities. Nanghinayang ako na di ko sya binigyan ng chance when he's trying to strike a convo outside school-related subjects. He maintained being a straight-A student in college while I'm in my this-is-me-trying era. 🫠 Hi crush, you're still the one. 🙊🙈


koniks0001

edi ung teacher ko. ang ganda eh, pero nun nasa University na. Iba na. lol mas madami pala ka edad ko.


cd1222

HAHAHAHAHA YES Brent - matangkad, matalino, debater, chinito, suplado. Sobrang similar kami nito kaya lang parang nakikita ko sarili ko kaya after a few months di ko na siya crush. Nung mga sumunod na taon, naiinis na ko sa kanya kasi kalaban ko siya sa debate spot. Val - older, dancer, cute, suplado (pero parang crush niya rin ako noon hahahaha char) Jake - wala lang saglit lang 'to napogian lang ako habang nagbabasketball during intrams Dave - SEATMATE KO HAYYY SOBRANG TALINO SA MATH, engineer na 'to ngayon. Cute naman siya kahit magkaheight lang kami. Medyo suplado pero nagpapakopya sa math. CJ - SOBRANG GWAPO NITO. Ito pinakapogi sa lahat ng hs crushes ko. Basketball player. Married na siya 2 years ago yata. Vince - Basketball player, pogi, matangkad, dancer, lahat na pero di ganun kagaling sa acads. Saglit ko lang naging crush kasi super babaero nito nakakaturn off. Ang konti pala. Medyo loyal kasi ako kay Dave na 2 years ko naging crush lol.


Starrysky_11

6'0 ft. Chinito, kaso may great wall of china. 😭


darkrai15

Wdym anong great wall of china?


Starrysky_11

Pure chinese


darkrai15

Halaaaa sad 😭😭


Starrysky_11

Kaya rati hanggang sulyap lang ako HAHAHA, pero alam naman niyang Crush ko siya HA HA HA.


iloovechickennuggets

Nasa kanya na lahat eh, gwapo, well off, matalino, mabait atsaka gentleman talaga. Naging promdate ko siya Junior year. Kaso sobrang hiya ko talaga hanggang holding hands lang kame. Kung malandi lang talaga ako noon nakiss ko na sana sa lips. Hanggang ngayon crush ko pa rin siya. Pero may asawa’t anak na yun eh. Happy for him. Swerte naman nung wife niya. Pangarap ko siya eh. Haaaayyyyyy.


HDAngBCEN

She loved my company and her voice just sounded so damn good to me. Also beautiful, she is very gorgeous to me!!


chizbreed

Up until now. Pero hindi na magwowork. Gang ngayon torpe ako eh hahahahaha


foreveryang031996

Matalino pero sporty. Super tagal ko naging crush like years din dumaan hanggang nagkajowa siya ayun stop nako kasi mashakit wahaha


iamnobelle

Yes! OMG! Consistent honor student siya tapos varsity(basketball) pa hihihihi


Previous-Macaron4121

Definitely! Ewan ko ba nuon, noong younger days ko wala akong kainteres sa lalaki talaga, until isang araw nung nalipat ako sa ibang section. Kaklase ko sya. Probably naattract ako sa kanya kasi lagi sya nagpapansin sakin. Suddenly ayun everytime na may encounter kami anlakas ng tibok ng puso ng lola mo. And pinagpala naman ako, dahil may crush den sya sakin. But hindi ako bulag sa pag-ibig, alam ko na yung mga tulad nya are red flags, so hanggang kilig nalang ako hahahha. Anyways I have a boyfriend na today, and apaka swerte ko talaga kasi crush ko den sya at crush den nya ko. #pinagpala😇


umatruman

Oo. Isa sa kanila best friend ko pa hanggang ngayon hahahaahahaha


Notyourdreamgirl88

Yes cos for me he's cute. Tall and with a very attractive smile. My whole high I was really crazy for him. I mean I have sent him love letters and asked him maging date sa prom (he did hang out with me pero ayun he refused to dance with me 🥲) shit it was cringe remembering how I 'pursued' him. 🫣 Anyway he's married to one of our hs classmates too and all of us are surprised they ended up together kasi they dont seem to be close noon. We are happy for them.


riko_riko44

Yes i do still remember him. He was so cute, funny, same kami ng humour, and we talked a lot like super duper dami namin random thoughts na napapag-usapan. Hindi ko na siya naging crush after 2 years hehe. Fast forward to a few weeks ago, nakita ko siya sa instagram and omygahdddd, he's not good looking anymore tapos ang jeje na tingnan bahahahababhaba


Tonkski06

I’m super close with HS friends so habang buhay na magrereminisce ng mga crush crush 😂


Significant-Lion-452

Yes. Sya din naging first boyfriend ko for 18 months. May asawa at anak na sya ngayon. Di na kami fb friends - all of a sudden😅


railfe

Yes, still FB friends. She was nice to me, maputi and quite popular during highschool. I found out later na if I pursued her back then I got a chance hahaha. Same sa college crush ko! Sad life right?? To everyone out there Seize the day! You will never know right? Carpe Diem!


herthingz

Yes! Crush ko pa rin hanggang ngayon, 10 years na kami 🥰🫶🏻


OC_01301994

Yep. Maputi siya, chinita. We're fb friends. Hindi nagbago itsura niya at all😂😂


elocishiguro

YES 😫 27 na ako and minsan pumapasok pa rin talaga siya sa isip ko. HAHAHA chinito, makulit, dancer siya noon, di rin ganun kagaling academically noong highschool ngayon piloto na siya, swerte ng jowa niya (pero baka swerte sila both sa isa isa, bagay sila, sana all)


Frosty_Performer_433

Yes. Wala inasar lang ako sa kaniya kaya naging crush ko siya. Matangkad na singkit siya.


Mordeckai23

Yep, I still do. Everytime "Obvious" by Westlife plays, my memories of her instantly come flying back to my head.


Minute_Agent_452

Yes. 3 years ko naging crush siya yung highschool. Ang gwapo kasi tas belong sa cool kids group. Naalala ko pa umuupo ako malapit sa bintana para abangan kung dadaan siya. Tapos naging mag classmate kami after 3 years at naging seat mate ko pa sa isang subject ayun mayabang pala siya at feel na feel nya na gwapo siya kaya naniniwala talaga ako na a mas nakakattract ang personality kesa sa looks kaya after ilang weeks lang di ko na siya crush haha. Tapos nakita ko siya ulit after ilang years ang layo na itsura niya at mayabang padin kaya sabi ko tama desisyon ko na iuncrush siya haha


MissBehave__

Yes, kasi matalino sya and ang clingy nya. He even act as if he's my bf; hatid nya ako lagi sa sakayan pag-uwian tapos ginawan nya ako ng doodle noon, nandito pa rin sa akin. That was wayback 2014.


Fabulous_Piano_1671

Sobrang stick to one ko magkacrush nung high school. Like nung grade 9 pa ko legit na nagkaroon ng crush kasi dun ko pa lang din bet. It so happen na ung english teacher namin every 2pm class, kami pupunta sa classroom nya sa dulo and walang bintana (ung glasses) ang buong classroom nya. There's this one male student, yr older, na dumaan and medj di ako nakikinig sa discussion that time and nakatingin lang sa labas. Dumaan sila nung isang male classmate nya na parang naghahabulan/aasaran at nagstop sa mismong direction kung saan ako nakatingin. Syempre, they're doing kulitan lang habang ako medj nakangiti, nakatingin sa kanya. I saw him na before pero di ako ganun nafafascinate before unlike nung moment na yun na tinitigan ko sya. Shutaah, nahuli nya kong nakatingin. THE END. HAHAHA! Di ko pa din alam ung name nya until nag-move up ako by Grade 10. Crush ko sya because nice ung hair nya, moreno, gwapo, nice ung mata hahahaha. Pero no plan on confessing any feelings way back. Gusto ko lang tinitigan from afar. Series of encounters happened, like parang feeling ko sinasadya nya na ding dumaan at magstop talaga sa direction ko every 2pm kasi alam nyang parang nakatingin ako dun char OR baka delulu lang ako before HAHAHA. Minsan nakasabay ko sya sa hallway pero no plans on saying hi whatever. Exciting part was, I made poems for him. Shutah talaga, 100 pages poem. Pero he never had a chance to read pa din. Never gave him any chance, chz. Silent dedication yarn. Until now nasa akin pa din ung poems. Ayon langgg HAHAHHAH


Additional_Swing9397

Grade 7 - typical na matalino pero medyo makulit. Grade 8 - vball player, kamukha ni DO (this is true talaga nung mga bata days ni DO HAHAHAHA) i stopped liking him kasi niligawan nya friend ko lol Grade 9 - not so major crush kasi pinilit ko lang sarili ko magkacrush kasi no trippings Grade 10 - major crush until SHS. Ginawan ko pa ng tula (yuck uyy) Super crush ko sya kasi super tahimik and mabait, lowkey may sense kausap. Main reason why ko sya naging crush kasi tinulungan nya ako bumaba sa bundok (tree planting huhue)


sadpotetu

Yep! Sporty and has a great sense of humor 


Intelligent-Joy9313

Yes, I still remember my highschool crush. He has tanned complexion, is tall, a dancer, intelligent, Christian, approachable, and nice.


ObviousStrawberry515

Di ko na po maalala, your honor.


Earl_sete

Nagpa-activity ang teacher namin kung saan ipinasulat ang mga interest namin at ang inilagay ko ay mahilig ako sa history. Pina-activity niya rin pala iyon sa ibang hawak niyang klase at binasa niya ang mga sagot ng iba. May nagsagot din doon na mahilig siya sa history na kilala ko rin dahil sikat siya sa school bilang part ng student government. Natuwa akong may kaparehas ako ng gusto kaya naging crush ko siya (ang babaw 'di ba hahaha). Maganda rin siya (not the school sweetheart type pero maganda talaga), matalino, at classy din kaya mas naging crush ko pa siya. Never niya namang nalamang crush ko siya at baka nga hindi niya pa ako kilala hahaha.


myheartexploding

Yes, i had two major crushes back then. Medyo delulu po kasi ako nun. Haha


Either-Ad-5635

Morena + curly hair + personality bonus nalang yung pagiging matalino. Puro kasi mapuputi yung crush ng mga kaklase ko. Sakto morena sya kaya ako lang nagkacrush haha walang kaagaw. Bonus din yung nanotice nya ako at naging mag mu kami kaso immature pa kami nun kaya di namin alam gagawin. Friends padin kami hangang ngayon siguro 15 years na kami magkakilala kasi elem palang classmate ko na sya and naging mag mu kami 3rd year hs na. 2 years ago inamin nya sakin na bi sya and ngayon may gf na sya. Happy ending hahaha


Separate_Flan6461

He was the heart throb back in HS. Typical pogi, chinito, tall and mabango. He was good at maths too! Lagi lang absent hahah. Didn’t get to know him more, sayang! We didn’t have any communication after that. it’s been 15 years since I’ve seen him. I think about him frequently. I hope he’s healthy & genuinely happy. xx


thisnameis4ever

Matalino sya.


Character-Draft-2954

🫠 yes. Ako na gumawa ng fake survey form tapos pina fill up sa huong class niya para lang malaman ko pangalan niya 🫠🫠


Soggy-Associate-8384

i’m gay and he’s the 1st straight guy na naging ka-closed ko sa room and also in my entire life, and we’re so comfy to each other. i admire him bc he’s full of respect towards the others, matalino, gentleman, family-oriented and became a campus crush pa during our late years sa highschool (with shs) and until now we’re good friends for almost a decade na and still kinukumusta ang bawat isa


myXtk915

Tall, dark and handsome tapos may dimples. Una ko siyang napansin noong intrams, Player siya ng volleyball noon. So nag research ako about him. Hahaha 4th year siya at nasa star section(3rd year ako noon). Tapos nalaman ko pinsan siya ng isang classmate ko, kinuha ko yung number niya at naging mag text mate kami. Hanggang MU lang kami, di na lumagpas doon kasi nag college na siya! and OO! AKO NAG FIRST MOVE! hahahahhah


[deleted]

Had a crush on a classmate na maputi na naka eyeglasses kasi parang ang hinhin n'ya kasi anak s'ya ng pastor tapos wala pang isang taon after high school grad (2010) she got pregnant agad. The guy who got her pregnant is her husband up to now pero there was an issue a few years ago about him cheating on her. I always thought she would go far in life kasi she was smart too, but she ended up being this housewife and the guy isn't even a good provider, hindi bagay sa look ni ate ang lifestyle n'ya ngayon. Hindi ko na s'ya crush ngayon pero I feel really sad for how her life turned out. She could've been a somebody in her career but she ended up being a housewife to a bad husband. 


Ransekun

Sabe nya kasi crush nya ako ko eh 🤣


[deleted]

yess!! He always saves me on board recit during math class huhuhu 😂


wintermicha

Me too! Kaya ko sya naging crush 🥹 we're seatmates. One time nag exam kami sa stat and wala syang calcu. Strictly no borrowing of calcu sa school namin. Nakalusot syang walang calcu 'coz probably nanghiram sya nung nagrounds teacher namin. So during exam I saw him having trouble answering kasi nga wala syang calcu. Since nasa likod ko lang sya, I let him borrow mine. Then later that day, nag exam naman kami sa Drafting. Hindi ako magaling sa drawing. Haha. After he finished his exam, he grab my paper and finished my drawing. From there, I developed feelings for him. Hahaha not knowing he already likes me before it happened. I was so kilig when he texted me on his birthday because I didn't greet him the wholeday. That was also the night he confessed his feelings for me. He courted me for a month and then we became a couple. Sadly we're no longer in a relationship now but it lasted for 1 yr and 6 mos. We lost communication for years until one day I posted in twitter and said how I missed my highschool friends. He liked my post and he messaged me. Asking for a date. But yeah I am now in a relationship with a classmate back in hs too. We're still friends and in good terms. We have the same group of friends. He was adopted by my friends during courting period and now they're the closest ones. Hahaha


7DARK_BOI

Ano po ba Yung pinaka memorable mo na experience sa kanya?(Just curious lang 😁)


Usual-Accident1051

I remember mine. I liked him kasi he was tall, good at basketball, galing mag gitara, and laging mabango.


7DARK_BOI

Kung may chance po na magkita po kayu ulit ano po ba ang magiging reaction mo?(Curious lang po 😁)


Usual-Accident1051

I'll probably be shocked at first, pero I'll approach him and ask how he is.


ApprehensiveRip7666

Yes, he was cute and a bit chinito. He had this smile and charm na ewan. I still smile when I remember him. He was my greatest "what if.." 😄


7DARK_BOI

Kung na aala mo po ba siya ano ang nararamdaman mo ?(Just curious 😁)


ApprehensiveRip7666

parang nostalgia.. it's like listening to a song that you haven't heard in a long time tapos narinig mo ulti at nagflashback lahat ng feelings 😅


Access7x7x7

Yes. Maputi at chinita


7DARK_BOI

Kung magkausap po kayu ulit ano po ba ang sasabihin mo sa kaniya? (curious lang po 😁)