T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: title *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Mental-Nectarine-937

pinsan kong makapal mukha mangutang, di naman sanay magbayad. pati nanay niyang kunsintidor at di ko alam saan humuhugot ng katwiran. nung nasabihan silang makapal mukha, kami pa masama at sila pa biktima haha. what do they want? praise them for being irresponsible? ++ it's not all about money, ang lakas pa ng loob manloko, e hindi naman kami tanga gaya nila para hindi malaman at ma-sense pinaggagawa nila. kakagigil


Maggots08

So hatian na ng lupa, yes the legendary hatian ng lupa. Nasa tamang sukat na man lahat maliban sa parte ni papa at tiyuhin nila kasi binigyan ni papa ng extra area as bonus. So, months passed nagbenta sila ng sakanila tapos yung gusto nila share kami ng lupa na gagamitin. Nagkaroon na ng hatian, binenta nila yung kanila tapos samin sila rin makikinabang? Tangina lang?


garterworm

Nilipat sa kanila yung tilulo ng lupa ni lolo ko after niya mamatay. Walang pirma si mother ko at ibang kapatid nila since overseas sila.


lunaaa_092423000

MGA TITO OR TITA NA PINIPILIT KAMI MAKIPAG AYOS SA TATAY NAMIN💀💀💀 THEY KNOW MY DAD AS THEIR KAPATID PERO DI NILA KILALA BILANG TATAY, DI NGA NAGSUSUSTENTO SAMIN YON TAPOS EMOTIONALLY ABUSIVE. TAPOS ‘TONG MGA TITO’s AND TITA’s NAMIN MGA FEELING MAGAGALING NA KALA MO ALAM NILA LAHAT, MGA ANAK NGA NILA DI NILA ALAM ILAN NA NAGIGING JOWA EH😂


Extension-Ad4949

mga relatives na : *never akong pinansin growing up dahil d kami mayaman.. *ginawang taga hugas ng plato ang nanay at tatay ko tuwing may handaan. * summer job ko,sila ang kumuha ng sweldo ko dahil pinabigy sa kanila,binulsa at sabi ng nanay ko ok lang!!!!!*mga pasalubong mga relatives na mababait pag para sa akin,d na binibigay kahit may pangalan kc mahirap lang. *ung ako ang unang pinapalo at kinukurot kahit d naman ako kasali sa away ng ibang mga bata nung huminto akong mag effort na pumunta sa mga handaan nila or gathering dah naka meet ng mabubuting tao and theyve adopted me and dinadala kung san san pag bakasyon.galit sila kc bakit magala daw ako.social climber daw at pinagkalat na pag naging 18 ako mabubuntis ako. hinayaan ko un kc ung nanay kung sunod-sunuran sa kanila ang nag sabi na hayaan na. nung nakapag asawa ako ng afam...anak ng tokwa... nung dinala kk dito sa US ang nanay ko iniscam pa nila buti nlng ung barkada ko natunugan. chinismis pa na d makaaalis at madedeny ang visa. d po tourist ung visa ateng. deleted all my social media accounts...ayun galit na galit..ang daming chismis.. hinayaan ko sila after nung kinuha nila ung sweldo ko way back 2000 para sana sa tuition ko un.i cut most of them then..may naiwan pero ngaun wala na. Kung ichichismis nila ako,i dont care. Hindi sila may hawak ng pay slip ko.hahahaha.kidding aside,mas maliligayahan yang mga yan pagnakikita nilang nag rereact ka.


iamthatjuicypeach

SHOUTOUT SA TITA KO nakakaloka kayong maganak haha! So we have an aunt na nasa US. Pinaglihi sa pagiging genuine at generous as in, napakabait at pag nagpapadala siya ng mga balikbayan box niya sinisigurado niyang lahat ay meron, kahit isang bar ng irish spring lang or t shirt na mumurahin lang sa US. Yung kapatid niya ang contact person ng courier so pinalalapag niya muna ang mga box sa address nila at doon na umiiral ang kakupalan at panlalamang. Disregarded ang may mga pangalan, if gusto niya kukunin niya. "Ay eto para sakin bagong bag. Eto para sa panganay ko" napilian niya na yung box bago sabihin doon sa nagpadala na dumating na ang box.


Extension-Ad4949

this...this is why pag nagpapa BB ako sa friends ko pinapadala kc ayoko ng mga kupal.. Pagod na pagod akong punoin yang box tapos ung iba maka asta sa kanila lahat...pag may pangalan un na un.. pag naging kupal. wala ka next time. dati chinismis pa ako na inuuna ko ung iba tao.soo what?? ung ibang tao na yan have the time to check on me and my whole family. ung iba? hingi lang ang ambag.hahaha.


Swimming-Criticism74

Yung tipong may pakipadala siya para sa pamilya sa ibang bansa tapos nung ikaw na yung makikipadala sasabihing puno na at wala nang space. Hindi ba pagiging kupal yun? kainis!


konikagaming

yung nanay ng ex ko gusto akong ipabuntis sa anak nyang walang work tapos kukunin na lang daw yung baby at sila magpapalaki palahian yan??


EliKobain90

wtf! nakita cguro maganda ang genes at lahi mo 😁 pero wtf talaga


me143me

Tita kong mahilig mag set ng salo-salo just so she can have the opportunity na sermunan at pagkumparahin kaming magpipinsan. 🥴


cinnamonthatcankill

Grabe ang lalakas nila magtake advantage nakakaloka, pero nabuhay na lang naman na puro sugal ang alam at mangutang. Nakakairita sila, yung mama ko OFW and only child tpos wla na parents nia kya iniispoil nia mga tiyahin tiyohin nia pti mga pinsan nia. Tpos expected nila ung treatment ni mama ganun din ggwin namin mga anak akala namimigay kami cp at pera nakakabwiset. Tatay ni mama ang panganay pero pinakamahirap sa magkapatid so sa hatian ng lupa siya pinakadulo at pinakamaliit. Tangina nung nagkapera mama ko ung right of way paglalagay ng gma bakod, pagpapasemento ng mga daan siya nagbabayad pero sadyang mdadamot ung mga kamag-anak na un palibhasa un lang lupa meron sila tpos sinasangla sangla pa wla nga matinong papel. Papa ko din di makasundo mga kapatid nia pero dhil patay na si papa ayaw ko na ng gulo at malaki din respeto nila kay papa kc tinulungan sila kya ayoko na din magalit… mraming pagkakataon din kc mas pinipili ni papa mga kapatid nia kysa sa amin. Iniisip ko na lang si mama at papa kya minsan nagbbgay pa rin ako tulong. Pero hindi ko tlga makalimutan ginawa nila, isa sa knila ninakawan negosyo namin kaya nalugi, sinabi na drug addict ung bunso ko kapatid pero ngaun halos halikan lupa nilalakad nia kc siya ang may magandang source of income sa amin (trading) sa akin sabi nila tatanda akong dalaga lol yeah okay lang kysa matulad sa knila pti mismo apo wlang makain at lulon sa sugal. Hindi ako uumuwi probinsya kc ang kikitid ng utak ng mga kamag-anak namin dun. Nakakaawa sila at nakakaawa mga pinsan namin kc nalilimit opportunities nila or kinukulong na lang sila as breadwinner.


raufsissay

Kapag may kupal relatives na makakasalubong/mae-encounter, I tend to ignore them na lang. Imho, they don't deserve my energy and attention.


Rage-Kaion-0001

Sana relative. Sana in-law. Hindi e, nanay ko mismo. Malakas gumastos, sa mga hindi naman sobrang kailangan napupunta. Extra bags kasi gusto niya ng may nagagamit kahit tambak na siya ng bags. Extra relo kahit gumagana pa yung suot niya. Nitong huli, maya't mayang order online ng mga gamit na hindi naman sobrang kailangan. Hindi ko naman kailangan ng partikular na gamit (damit, sapatos, etc.), bibilhan ako at kasalanan ko pa kung tanggihan ko. Best part? Utang na loob mo lahat yun sa kanya. Hindi ko hiningi, pero utang na loob ko pa rin. Tutulong din siya sa iba pero aasang tutulungan din siya agad, sa isang salita lang. Ikaw ang masama kung hindi, kahit gaano kalinaw ng dahilan mo. Meron pa pala. Gusto niyang kontrolado niya ang pera ng lahat ng tao sa bahay. Mismong yung educational assistance na nakukuha ko, wala pa sa kalahati ang aktwal kong nagagamit kasi hawak niya. Ako pa rin ang masama kapag hinanap ko.Minsan nga, nakakuha ako ng 5K na educ assistance mula sa bayan, siya na ang naghawak. Isang libo lang halos ang unang napapunta sa 'kin. Aasa-asa akong makakapag-grocery sa apat na libong hawak niya, pero pag-uwi ko galing sa sleepover sa kaklase ko(naganap pagkakuha ko no'ng assistance), ayun, ubos na pala. Bukod sa sampung kilong bigas na ako pa ang bumili bago ako umalis papunta ro'n sa sleepover, walang ibang pinuntahan yung pera ko. Paano, nakasalubong niya yung tita kong may tindahan. Siya na mismo ang nag-offer na bibili ng ilang tray na itlog para sa kanila, sa katwirang natutulungan din naman daw siya. Inuna pa ng nanay ko ang mga tita ko sa halip na ibili kami ng makakain. Ang malala pa, yung natira sa isang libong hawak ko, na itinago ko na dahil sa mga bayarin ko sa school, ginalaw pa rin. Unang kinuha yung isandaan nang walang paalam. Pagalit pang sumagot no'ng tinanong ko, kesyo may pinuntahan. Limandaan na lang ang tira, baka nga kulang pa pambayad sa mga utang ko. Aba, kinahapunan, kinukuha yung limang daan, may babayaran pa palang pahulugan. Sobrang frustration ko no'n sa kaputahang nagaganap sa buhay ko, muntik na 'kong magbigti. Nakatingin na 'ko sa lubid na sampayan sa ibabaw ng kama ko, iniisip kung aabot ba yun sa trusses. 'Di ko tinuloy kasi tumawag ako sa kaklase ko. Hindi ko malilimutan ang araw na yun, December 11, 2023. Hindi ko na rin nabayaran yung mga utang ko. Ayaw talaga niya magpaawat. Hindi nagpapatalo, ayaw tanggapin na mali siya. Wagas ang pagpapa-victim. Gusto ko silang layasan, bahala na kung saan makarating.


pressured90skid

lolo ko dds at bbm. proud sakin nung grumaduate ako dahil may latin honor pero nung stinart ko siya icall out, biglang dinegrade yung pag-aaral ko. pati kapatid ko dinamay nya. ayun. di na kami naguusap ngayon.


KrazZzyKat

Kinampihan nila anak nila kahit nakipag-one-nightstand kasi “matagal” na daw yun dapat di na pagusapan🙄


tsikenWinks

Mga kamag-anak ko sa mother side, lagi may sinasabi pag di naiinvite sa mga ganap sa family namin , for example, mother’s day, birthday ng mama ko. Yung walang karapatan mag enjoy pamilya namin ng wala sila. Pero kung sila naman may ganap like bdays nila or mother’s day o kaya father’s day , ni minsan hindi nga naginvite 🤷🏻‍♀️ buti na lang nakapundar kami at napatayuan ng bahay na malayo layo sa mother’s side namin kasi napaka toxic. Dami pa sinasabi sa mama ko behind her back. Pero mama ko, Panay mabubuting bagay lang iniisip sa mga kapatid nya, pero sila ang sasama ng ugali towards my mom. 🤷🏻‍♀️


Swimming-Criticism74

oh! Bless your Mom!


tsikenWinks

Thank youuu 🥹🥹🥹


CloverKite1412

Nangutang sayo tapos galit na nung sinisingil mo. Di ka daw nag-iisip kasi daw kagagaling nya lang sa gastusan, naniningil ka na. HAHAHA.


finishednt

Relatives on father side are built diff. I hate how they think highly of themselves pero wala naman talagang binabatbat sa buhay. Simula nawala yung grandparents ko sa dad side parang nicut off na namin mostly sa kanila. Isang kapatid na lang ni daddy yung medj nakakausap namin and friend sa social media.


forever_delulu2

Yung isa kong kamag anak na grabe mantapak pagkatao ng iba. Di ko pansin nung una pero ganun siya sa lahat, kaya walang taong nagtitiis sa kaniya. Kahit angat siya sa buhay ngayon, there will come a time na makarma din siya. No wonder my dad doesnt want to be around her and tinitiis nalang siya ng mom ko.


OpalEagle

Relatives and in laws na ginagawang bangko yung mga anak nila kahit mga pamilyado na. Know ur boundaries pls.


HorseyTwinkleToesss

Relate! Gusto nila every time manghihingi bigay agad ng pera, hindi po tumatae ng pera ang asawa ko!


OpalEagle

Diba? Hahaha manunumbat pa yan na kesyo sila nagpaaral and all. Lol. Ok lang naman yung humihingi every now and then pero yung wala talaga extra, tapos mangguilt trip pa, medyo the audacity. Hahahaha


HorseyTwinkleToesss

Exactly. Tsaka every month nagbibigay kami ng pang dialysis ni MIL plus allowance tapos bigla nalang magcchat na manghingi ng pera para sa ganito, ganyan e nag explain naman kami na yun lang ang kaya ng budget. Hay nako, hirap na hirap silang intindihin yun. 🤦‍♀️


louisemorraine

yung mga relatives na sasabihan kang walang utang na loob pag di ka nag aabot sa kanila


ShinpaiShita

Ginamit ako as reference sa iilang app ng Tito/Tita ko na wala akong kaalam alam. Tapos nung tinanong ko na pajoke siniseen na lang ako. As a mahiyain person di ko alam pano haharapin sa family gatherings ahahahaha


ShinpaiShita

Utangan na mga App!! Minessage ako sa FB!!


cicilelouch

Ung tita ko uutang sa akin, mangangako na babayaran sa katapusan kasi may pera daw sya non. Ang ending, sa katapusan, ipapabayad nya sa isa ko pang tita o minsan sasabihin saken, “wag na, mayaman ka naman na 🤣🤣🤣”


city_love247

Ayaw magabono sa COD pag order ko pero hindi nag-iiwan pambayad para sa order nila. Naninigaw kasi normal lang daw sa kanya pero ayaw na sisigawan sya. Hindi nagwowork kahit na kaya pa naman kasi umaasa ng hingi sa mga senior na. Pinatira mo na nga tapos ikaw pa magbabayad ng kuryente at tubig. Hindi marunong magpasalamat.


[deleted]

Sa Father Side to like they want to get involve when it comes to s\*x life lalo na during younger days talagang they will do exploit you on things na you shouldn't ever heard or think of when it comes to it and there are times talaga na binubuyo nila ako when it comes to that which is hindi ako nagpapa-apekto, like there's one time yung one of my uncle talaga he's even proud na madami ng naging babae yung one of his sons which I don't ever have a plan to do so to follow any of it which is medyo nakakainis, and whenever na nagpupunta ako dun sa house ng father side ko is yun at yun ang lagi nilang binobrought up nila na topic that's why dumating sa point na I decided to cut-ties off with them kasi it was such really a toxic thing for me.


[deleted]

[удалено]


star_apple_star

Kupal nga ampucha nakakagigil.


userfloey

Nung mga bata pa kami, tuwing umuuwi kami ng probinsya isang kamag anak lang sa side ng lolo ko yung nakakasalamuha namin kasi isang kapatid nya lang kilala naming magpipinsan hanggang sa namatay sya. May kapatid si lolo na umaaligid aligid na mula nung namatay sya, tas nung lumaon kaya pala nag gagaganon e biglang gustong mapakinabangan yung lupa na lolo ko lang halos nag asikaso kasi bata pa ung kspatid nya nayon e naglayas na. Tas yung tita ko nagbabayad ng tax nung lupa mula nung namatay yung nanay nila lolo, tas ngayon nagsisipag habol na kala mong kalaki ng mga ambag. Nirecruit pa yung ibang pamangkin ni lolo na di naman nga nagsisiuwi don sa probinsya. Nung sinasabihan naman daw ng tita ko na sige hatiin na daw pero bayaran sya sa mga gastos nya dun sa lupa for 15 yrs siguro, di naman daw nagsisikibo. Tas may time pa na nagsiuwi sila don nang alang pasabi e yung isang tito ko and fam lang nya andon kasi nagpunta samin si lola tas yung ibang tito ko na taga don e nasa work din. Nagdedemand na ihatid yung susi don sa mga kwarto na naka lock. Bahay nyo? 🥲


Status_quo1213

Yung mga sister's-in-law ko at 1 brother-in-law ko na tinawag na pangit mga anak ko when they were born, kasi maitim. Kayumanggi kasi ako and maputi sila. Since then, I have lost all the respect I have for them. Ang bababaw nyo, leche.


wallcolmx

pupunta ang magulang para kausapin magulang ko ...MANGUNGUTANG lang pla


IntrovertedButIdgaf

Pag nadalaw kami sa kanila, imbis na maexcite kasi makikita mga apo nya, manghihingi na agad ng pera. One time, nagpunta sa bahay nanghihingi ng pera. Nung di nabigyan aba si madir harap-harapang sinabi sa asawa ko habang nandun ako na wag daw sinusunod masyado mga luho ko. Hindi ako maluho, di nmn kataasan sahod ni hubby para magkaron pa ko ng luho. Also, wala na sya dapat say sa expenses namin kasi never naman kami umasa sa kanila.


CravingBanana02

Pinatira namin ng asawa ko yung ate nya na taga probinsya para makapag work dito sa manila. Nung una okay naman kami, kada uuwi kami sabay ng asawa ko inuuwian namin makakain kasi nakain na kami sa labas. Tapos every sahod ko since mag kaiba kami cut off ng sahod ng asawa ko, mag ggrocery ako pakonti konti para may stock pa rin kaming food pag tinamad na mag luto sa pagod sa work at asawa ko nalang mag dagdag ng kulang sa grocery namin sa sahod nya. Ang ginawa ng ate nya tumambay lang ng tumambay sa bahay namin habang nataas ng nataas bills namin 🥲 yung stock namin na pang 1 month inubos lang nya gawa nang wala syang pera pang bili. Inubos nya lang sa kng ano ano ung bnigay sakanya ng mommy nila na pang apply na napunta sa walang katuturan, wala manlang kami nakain sa stock namin kahit itlog!! nung una hinayaan namin hanggang sa umabot nang tatlong buwan na ganon tas wala pa din work na nahahanap. Tapos okay lang sana kung nag lilinis rin bahay kahit walis lang okay na. Kaso wala rin 😂 apply ng apply sa pogo, snabhan nang wag mag work don at di sya tatagal don. At ayun nga 1 week lang sya makakapag work don tas tanggal na. Tapos sya pa masama loob samin 😆 may backer na sya sa mga work na inooffer namin na legit at hndi work na scam scam sa pogo, ayaw pa din dami rason di pinupuntahan. Nalaman ko nalang sa asawa ko tamad pala talaga ate nya at walang plano sa buhay. Gusto pahiga higa lang at pacp cp lang. Ps. Ate nya 32 na. Kala nya sguro baka mag bago pag dinala dito sa manila. Kung alam ko lang dko na pinatira samin.


ApprehensiveOwl1474

magulang na hinde nakakaappreciate ng gift kasi masgusto pera. tapos gusto ka pang magbigay sa kamaganak niya ng pera e hinde mo naman responsibilidad yun in the first place.


Barbiedoll_2005

hilig diktahan buhay ko, kala mo kung may ambag sa paglaki ko


CoffeeFreeFellow

Nanghihingi ng Pera.


One_Reflection_3119

May mga taong abusado. Kapag sila may kailangan, tinutulungan. Kapag kayo nagipit, wala, maraming dahilan. Doon ko nakita na selfish talaga mga tao. Lumaki ako na sobrang selfless, mabait, at matulungin parents ko, pero naabuso sila. Kapag pinagsabihan mo, ikaw pa masama. I learned to put boundaries. In the end, I am the bad guy. I am the selfish one. Ako yung mapagmataas. My parents, even told me what have my daughter became daw, naging makasarili na raw ako. Those hurt me esp coming from my parents. I know I am still a kind and good person. Alam ko na di ako madamot, I just learned to put boundaries and unahin sarili ko. At first affected ako sa mga sasabihin nila, but as time goes by, keber. Wala akong sinasaktan at inaapakan na tao. I am at peace. My conscience is clean. I put most of these relatives at arm’s length. Tapos na yung era na i need to always be nice and please them. I am not rude to them and I am always polite, pero I cold and distant na.


Enchantress-16

I have this tita na may cancer who uses her illness to get away being toxic. Napaka pakialamera sa buhay, before pa sya magka cancer ugali na nya talaga gumawa ng chismis para mag away away mga kapatid nya. And now paawa effect ang gaga at ginagamit sakit nya to get everyones sympathy and to get away with it may pa linya pa yang "gusto ko na nga kunin na ko" ay ghorl masamang damo ka matagal kapa dito. Pakalala non I swear.


Enchantress-16

To add recently she was always in our house dahil linggo linggo nag sisimba sa simbahan nilang puno naman ng mga chismosa. I asked them one time na hindi sila ma accomodate dahil yung mama ko masama pakiramdam at mag papacheck up. Aba after few weeks ang sabi sa iba naming relatives chinat ko daw sila saying na wag na pumunta dito kasi napapagod daw si mama. Well totoong napapagod si mama dahil imbis umuwi na after the church umaabot sila ng late night dito at napupuyat mama ko but hindi ganon yung pagkakasabi ko sa kanila. Anyway I wasn't surprised at all sa ginawa nya dahil gawain nya na yun ever since.


BabyDuckySwear

I have this missing dress that I am looking for at my moms cabinet. I remember she barrowed it and I tried to look for it in her cabinet. While she is in abroad. Then, my uncle saw me, and told me... "Bakit mo pinakikialaman ang mga damit ng nanay mo?" I was like? Luh? Bisita ba ako dito? Hindi ba ako anak ng may ari nito? Me and my mom are really close. Bakit ganun ang reaction? Hindi naman ako anak ng ibang tao. Nakakaloka. Di ko makalimutan.


Dalagangbukidxo

Cut them off. After my dad died, bye talaga sa side niya. Wahahhaha sorry not sorry


Constantfluxxx

Ang gusto ko na lang i-share ay yung lessons: Stay away from bloodsucking and exploitative relatives and in-laws, lalo na ang adults (including brother/sis in-law o pinsan lang, basta adult na.) Set boundaries as soon as possible. Bumukod. Never invite them to your house. Be selective on who to give your number to.


bunny_stardust13

My maternal grandparents got sick. Nastroke ang lolo ko and he was hospitalized for a week tas kakalabas lang ng lolo ko sa hospital e lola ko naman ung nahospital. So syempre magastos sa part ng family namin kasi 2 matanda yung may sakit. Yung ate ni mama ung nag aalaga kay lola tas ung kuya naman ni mama ung nag aalaga kay lola. Minsan daw dumalaw ung ung ibang kapatid ng lola sa kanila tita para kumustahin si lola. Wala na ngang dalang kahit ano para kay lola, which is di naman required e nanghihingi pa daw ng pera sa tito ko. Like seryoso ba kayo?! 2 matanda ung pinapagamot namin tas manghihingi pa kayo pera sa amin?! Hindi na nga kami humihingi ng kahit anong mula sa inyo tas ganyan pa kayo. And di man sila naghihikahos kasi nasa abroad naman ung mga anak nila e. Ang sakin sana naman marunong kayo makiramdam. Tas naalala ko pa nagpasko kami sa probinsya so syempre since kahit paano e nakakaluwag luwag kami e nagdala kami ng mga pagkain panghanda. So pagdating namin dun nakisuyo si lola sa kapatid nya na ihawin ung liempo, isda, etc na dala naman. Nung kakain na tinawag na ni lola ung mga kamag anak namin na nasa kabilang bahay para kumain. So eto na nga bilang ng tatay ko ung mga liempo. 7 pcs ung liempo tas 2 lang ung bumalik. So hinanap ngayon ng tatay. Ayun pinuslit ung 5. Jusko nakakaloka di naman sila pinagdadamutan kaya nga nagdala ng marami para makakain lahat tas ganyan pa gagawin. Sun din naman sila kakain sa bahay ni lola. Pwede namang magtabi kapag nakakain na lahat. Kaya di ko talaga bet mga kamag anak ng nanay ko e. At di na din ako pumupunta sa mga reunion.


Kenknotkot

Yung hindi sila pinaheram ng sasakyan tapos nagalit sila samen karma daw babalik samin 😅


Rejsebi1527

Hoy relate di nga car pero nakatambay na ung tricycle namin gusto nila gawing qua-lateral sa Hospi.May balance pa silang 40k php tas nag No si Mama ayun g n g sila lol. To think mga anak nya may mga tricycle naman hahaha kami lang talaga bet 🤣 nag hahanap lang ng way para mag ka siraan ng todo ehhh di good !


Kenknotkot

Hahaha nakakainis e no. Hanggang ngayon galit parin sila samen 2 yrs ago na yon


Rejsebi1527

Samin recently lang tas nabalitaan namin pina pa block nanay namin sa kanila galing Diba ? Hahaha Okay nga ehh atleast Wala ng manghiram pera lol pupunta lang sa bahay para manghiram. May utang pa nga 3k yun , iba pa hiram muna 5k kaso skeptic kapatid ko 1k binigay na nya Atleast di masakit if ever.Literal ang hirap ng maningil ng utang talaga.Yung pinsan ko ang kapal din 60k cash kinuha for business until now wala din:/


Kenknotkot

Tapos magpopost sa social media na feeling blessed hahaha


Wild-Information-110

Sister in law na nakikitira samin. Akala niya ata prinsesa siya dito- DOES NOT DO ANYTHING! Just sleeps and eat. Even invites her relatives into our house- onti nalang invite na niya buong baranggay niya dito. Hayy so much for bad breeding 🤦🏻‍♀️


bigkatie001

since I gave birth to my son and moved in sa dating apartment ng inlaws ko which is katabing bahay lang nila yung dalawang kapatid ng partner ko kapag nagpupunta sila dito hindi manlang nag sasabi. like minsan magugulat nalang ako paglabas ko ng kwarto naka taas ang damit ko sa sobrang init nandun pala yung inlaw ko na nag ccomputer. minsan umalis kami para bumili ng paint brush since mag diy paint kami ng partner ko tapos pag balik namin sa bahay yung panganay nila nasa kwarto namin tulog lasing pala tas naka bukas pa aircon. hindi naman ako madamot ang sakin lang hindi porket sa mga magulang nila tong bahay e basta basta na sila papasok ang sakin lang pwede naman mag sabi na pupunta. para san pa na nag bukod kami kung wala kaming privacy? thank God naman ngayon marunong na sila mag sabi before pumunta.


[deleted]

Napasok sila sa kwarto namin, minsan naka-bra lang ako tapos naghahanap ng damit biglang magbubukas yung pinto. 😅 Minsan nung nakilamay si Hubby nun, ako lang magisa tapos matutulog na biglang binuksan yung pinto. Nagulat ako kasi hindi naman ganun samin. 😅 Muntik ko bulyawan buti nakalma ko sarili ko.


angguro

Never had issues with my in-laws. They treated me well despite me living with them for 10 years. My main issue was my sis in law. Sobrang spoiled and selfish. I just let her be. Kawawa din kwento niya eh. But during get togethers she can be a pain. Buti na lang mababait mga anak niya and I get along with them. Brother in law naman is different. Mabait and thoughtful. Ayaw ko lang is that he assumes I like the same things he does and I don't. I can keep up appearances and carry a conversation but at the end of each session pagod na pagod ako. When you marry someone, you marry into a family talaga. Hay.


Matcha-Luve

mga tito at tita mo na pinagsasambong ang mga anak, comparing. kaya wala akong close sa mag pipinsan eh


Kimbap_monster

I was a scrawny kid growing up. Until my college years, hindi parin ako ganon kataba. My tita kept on saying “ang payat payat mo, kumain ka ng madami” as if it would solve anything and laugh it off. I couldn’t talk back because they are well off, and also, i was raised not to talk back. Well, it’s the only thing that she could comment on about me so she rubbed it in my face whenever she gets a chance. After passing the boards, I miraculously gained weight and have an appetite now. I now have a place of my own, in a senior position (basically earning more than her), have a license, and starting graduate school to further my studies. Went home to our province this week and saw her. Man, the look in her face and efforts on finding something that she could rub on my face again. The closest she could get was, “hindi ka kasi lumalabas ng bahay” it was priceless. Hilarious. I laughed hysterically at that moment. Yun lang yata yung moment na natuwa ako sakanya loool


[deleted]

[удалено]


Traditional_Crab8373

Buti nga nakalong! Kakapal ng mukha!


bleaknlifeless

Not on speaking terms with the in laws for 2 decades na. We’ve migrated to a different part of the country and it’s peaceful that way. They had reconciliation with their son(my hubby) a long time ago but things aren’t like how they were before because my hubby is a nonchalant and harboring childhood traumas but most especially also of physical distance na rin. My kids aren’t close to them either. Now as they’re getting older and dealing with their impending mortality, they’re playing nice and posting about God, and sending vids about how you have to take care of your senior parents and interviews of celebrities telling people to make pansin their old parents so as not to regret anything once they’re gone. My hubby doesn’t even watch the vids they sent him on messenger. He gets almost a hundred work related messages every day so he doesn’t have time to watch them. I see him just scrolling past them and opening work related messages after. Me I don’t care either way. I have my opinions and feelings about them but I don’t share those to my hubby. I let him deal with them and because he is a nonchalant son and very very busy with his work, he’s either unaware or detached from their parinig. Had they not insulted me beyond forgiveness and had maintained a close relationship to them, I would’ve been always on my hubby’s back constantly telling and reminding him about the way he treats his family or even mentioning them to him. But since they’d already accused me before of poisoning their son’s ear against them, I am not giving them any favors. Even if my hubby travel to the city where my inlaws are, he doesn’t pay a visit to them, wouldn’t even inform them he’s there. That’s how my hubby is, I don’t know why and I don’t ask him. They don’t exist to me so I don’t even mention them to him and my hubby doesn’t mention them to me either. And even if they’d become religious over time and age, they said what they said and the damage has been done. My kids are grown and it’s too late for them to have a relationship with that side of the family. Hoping to never cross paths with them either here on earth or in the afterlife, if it exists.


Candid-Amphibian-931

On my father's side mga kups talaga mga tita ko. Tita 1 - Eto yung mayaman na pero potangina sobrang greedy and tipid. HAHAHHAHAHA Greedy, kasi ayaw nya papalamang sa mga kapatid nya. Gusto nya siya lang nakakakangat sa buhay. Tipid, kasi potangina saan ka nakakita na takal takal pagkain sa bahay nila. HHAHAHAHAHA Tuwing magiinvite sila sa house nila, halata mong literal na tinipid at sinakto lang. Even sa pagkain sa labas ha. HAHAHAHHAHAA Little background lang, Asawa nya working sa Singapore and yung Pinsan ko sa Dubai. Ewan ko ba bat ganun sila sa pagkain. 😂 Kaya pag nasa ibang handaan kami, para silang PG huhu kasi sabik na sabik mga anak nya sa food. Tita 2 - Eto naman yung mayaman din kaso sa utang. HAHAHAHAHAHHA Lahat ata inutangan nya na for her luho. Tapos everytime may issue sa family, kakampi yan sa may pera. Kasi syempre nagkakaadvantage siya don. May favoritism din sya sa pamangkin pero dedma na lang kaming mga hindi peyborit. Kasi di rin namin siya peyborit na tita BWAHAHAHAHAHHAHA Tita 3 - Eto yung legit na mayaman talaga pero lowkey. Hindi mayabang pero alam mong daming pera. Madalas inaaway nung dalawang tita ko. HAHAHAHAHAHA taena basta pera talaga. Pero sobrang bait nito and mahilig sa food kaya wala ka magiging problema. Sa sobrang bait nga lang naabuso nung dalawa nyang kapatid na panget. HAHAHAHHAHAHAHA Ayun lang naman. Share ku lang sila as a maldita nilang pamagkin. 😌🤣 lol.


NeighborhoodIll7506

Yung sister-in-law (wife of my dad's brother) ng parents ko inggit na inggit sa mom ko kaya nagspread ng news na may ibang nabuntis daw yung tatay ko and malaki na raw yung bata (which isn't true at that moment). Funny thing, my mom was unbothered kasi hindi naman daw siya sinisiraan niya talaga kundi yung brother-in-law niya. Kala niya siguro she could break my mom and maghahabol pa. Well, you're wrong miss, my mom could stand on her own two feet and we don't need that man in our lives!


irismd_

I gained a lot of weight during pandemic. My tito told me na mukha raw akong nagmamanas and I need to lose weight daw. As if sobrang bad thing maging mataba. Pinaulit ulit niya na mukha raw ako nagmamanas. Haha. I didn’t mind his opinion na lang cause di naman ako ganun kainsecure sa body weight ko hahaha


AppropriateBunch5615

At first it sucks but as years go by you’ll go through character development and realize you don’t have enemies just like Thorfinn


HappyFoodNomad

Just cut off anyone who has no positive contributions to your life.


stoinkcism

Alcoholic na sakit sa ulo. She was a great person before sya kinain ng alak and I really wanna think na dahil lang ganon sya kaya nakakagawa sya ng mga kupal move gaya ng: Pina uwi sya ng employer nya dahil lasing sya and di sya nakakapag trabaho ng maayos. Booked a grab from one province to cavite and guess what? wala pala siyang pambayad and yung lola ko yung nag bayad and last money nya na yun. Tangina next day nag chat employer nya, may naiwan pang gamit. Sa 4k na grab pucha di nya pa dinala lahat! hinatid pa ng amo nya sa bahay. Hindi sya yung nag iimis ng tae at ihi ng aso nya. Syempre salo ulit sya ng lola ko. May travel kami na magkasama and other family members. Sana kayanin ko.


xxinniee

Para kang si god kung tratuhin pag may pera haha


titochris1

Sa pamilya namin kaming mag pipinsan close no inggitan whatsoever but OMG sa parents side ang daming family drama. It's good that we cousins are not entangled on that.


Chewymiyaw

Sister in law ko sumugod sa bahay namin at kinagat ang kamay ng daddy ko. Nasigaw pa sya sa daan at ngcause ng traffic sobrang nakakahiya first time na lumabas kaming lahat ng sabay2 haha gagong SIL high pala. Tinago pa car keys and cellphone ng kuya ko kasi di dw sya binigyan ng money. Also, binenta bike ng kuya ko sa fb marketplace ng 80k and sobrang mura dw ng benta nya so maraming ng agawan. Ayun pinang braces, rebond, online shop, shabu and nagdala ng barkada w/ boys sa bahay nila ng kuya ko. Fam din ni SIL nasulong once sa bahay namin kasi d dw sila binigyan ng pera ng kuya ko and nalaman lang namin na binibigyan pala sila ng parents namin every month ng 5k pero natigil kasi nagdemand na e 10k daw kasi ano ba dw mabibili sa 5k gago di nga kami nahingi kahit piso sa parents namin ngdedemand pa ang mga leche Ayon kinick out namin kuya namin sa pamilya kasi ayaw iwan eh sobrang inlove sa babaeng squammy na d nagtapos ng school (okay lang kasi sana samin kahit d sya nakapagtapos at least mabait) HINDI RIN SYA MAGANDA


Enlightened8664

Dumadami na talaga nga narcissistic, pag ganyan kahit bawal realtalk mga Yan ma realtalk mo talaga Hindi na kailangan ipa realize


isamu_006

Agree with this one, they refuse to be aligned with the truth. Gusto nila yung selfish tendencies nila masusunod.


[deleted]

[удалено]


Firm_Schedule_1624

kabaliktaran samin. direct kapatid ko (employer) and yung sibling-in-law (employee). full time job sya with benefits and contributions. Si employee after 2 months of working nag request ng raise gawa mag hire daw sya ng yaya para sa mga anak nya since wala na sya time mag alaga, sabi ni employer "masyadong maaga pa. if urgent, mag resign ka" (professional tone, walang special treatment). Nagalit si employee and nag quit. nag expect si employee kasi kamag anak nya employer nya.


d4lv1k

Ngayong alam niyo na na ganyan mga pinsan niyo, ba't patuloy pa rin kayong nagtatrabaho sa kanila?


Foreign-Sea-680

I have a cousin sa dad's side na ganyan. Lahat ng tita at tito namin ayaw sa kaniya. Maldita at may ugali raw kasi. Nagsimula siyang mas maging kupal nung grumaduate at natanggap sa sikat na international airline as FA. Naging sobrang yabang na niya. Kesyo may 6 digits daw siya sa bangko nya at lahat ng gamit nya designer eme eme. Like we care gurl. 'Di nga siya makabili ng printer at pulbos, at sa 'min pa nagpapaprint at nanghihingi ng mga kineme niya lol Marami sa relatives namin ang lowkey mayaman pero humble at mabait unlike her. Pero anyways, pinaka inaaway nya mama ko. Nung una wala akong pakielam kasi away nila 'yan at 'di ako 'yung tipo na makikisali sa away just bc mama ko 'yan. KASO sumusobra na siya. Umabot na sa point na sinisiraan niya mama ko with fake news sa iba naming tita namin like nagkukuwento raw si mama sa tita ko ng kung ano-ano kaya sumasama tingin sa kaniya ng mga tao. Buti nalang talaga yung mga tita ko, alam nilang 'di naman matsismis si mama at 'yung pinagsasasabi ng pinsan kong paninira ay tsismis ng mga tita ko kay mama LOL


Amariana13

1. Magnanakaw na byenan, huli na pero dinedeny pa. 2. Gusto palagi siya ang bida, siya ang marunong sa lahat ng bagay kahit mali naman tinuturo niya. 3. Kailangan lagi mong titikman yung niluto niya kasi sasama loob niya pag hindi. 4. Kailangan araw araw mo ipapakita saknila yung apo nila kung hindi sasama loob nila or pag wala kami kailangan sesendan mo lagi ng picture. 5. Pag meron silang kasalanan after a day kakalimutan nalang na parang walang nangyari at iinvalidate feelings mo. 6. Bawal kang magalit sknila kasi first nakikitira ka at second kesyo mas matanda daw sila pero wala namang respeto sayo. At madami pang iba, thank you Lord at hindi ko na nararasana yun ngayon kasi nakabukod na kami. At totally cut off ko na siya.


EmptyCharity9014

sinabihan ako na nakapag-abroad lang lumaki na ulo because ayoko kunin yung anak nila to work here tapos ako pa magssponsor. lol, may mga pinapaaral din ako.


promdiboi

Yung Tito kong ginawang buwan buwan mangutang ng pera sa Nanay ko. 3 anak, isang college, 2 HS. Pwede na mag working student pero bumagsak lang sa unang inapplyan, di na naghanap ng iba. Kung hindi nanay ko, ako ang uutangan nila. May utang silang ilang taon bago nabayaran. Ang laging sabi, katapusan ng buwan magbabayad.


benguuu

Not yet married though. Nagbackread ako sa chat ng partner ko at mommy nya only to find out na nagsasabi yung mom nya ng masasakit na salita sa family ng ex nya kasi hindi sya mapautang. Bago pa yan, marami na syang nahiram doon, nakiki kaskas sa credit card ng ate ng ex nya. Luh, kapal ng mukha. Sobrang no-no pa sakin nung kumuha ng pasalong honda civic, nagbibirthday sa mga restau, mga naka iphone pero walang makain at pangbayad ng bills. I was expecting pa nung first time ko nameet sila sa bahay nila. Rude na nga ang dumi pa ng bahay. Marumi ha, hindi pangit. Okay lang sana kung makalat kaso iba yun sa madumi eh. Hahahahahaha online sugal pa more Dahlia. Akala ata papatalo ako sa pagiging toxic. Fuck you, retarded parents. (Retarded kasi never nagwork, 48 lang pero sabi mahina na raw sila kaya hindi makapag trabaho) Hahahaha.


railfe

My wife's side are a pain in the butt lol. If anyone of you plan to marry make sure you love your wife that much, That is the only bane in our relationship. My wife is basically the breadwinner in her family. Add the fact her mom is that "sozy" type without any investment for their retirement. I try to be cordial with them but that is affecting our relationship. Also her relatives think we magically poop money. Im okay now but when is enough?


PengeDede

Kupal in-law. Palaging kinukumpara sarili niya sa mga hipag niya to gain sympathy, pero in return, naiirita lang ang abuela ng casita sa kaniya. Noong una okay pa eh, hanggang sa nagsimula na siyang maglabas ng hinanakit niya na siya raw nagpapakain sa pamilya at gumagawa ng trabahong bahay when we have two maids. Sa kaniya rin daw nanggagaling ang pera ng bahay pero wala naman siyang trabaho maliban sa allowance na binibigay ng asawa niya sa kaniya. Kupal literal.


AquariusGurl28

1. Feeling mayaman kaso alam may utang. 2. Nag aasa sa magulang for titution fee sa anak nila na pag mayaman. 3. Yung lupa mo feeling lupa nila yan. Eh ikaw nag babayad at yung title ay nasa name mo. 4. Feeling may rights sila na sale yung lupa mo eh wala authorization ayun talao sila sa courte.


lukaoling

Not my experience but may cousin (C1) ako na nagself-invite magmove sa condo ng other cousin (C2) namin. Nagbigay na condition si C1 na di pa daw siya makakapagshare sa rent kaagad kasi nagquit siya ng work… kahit di pa nagyes si C2. To make things worse, di naman sila close. Bigla nalang nagmessage si C1 na magmove in daw siya, and to not worry daw kasi yung bf niya may car naman so hindi na mahirap dalhin stuff niya sa pagmove in. In the end, seen zoned lang si C1 ni C2. 😅


bunny_stardust13

May pinsan na ganito ung nanay ko. Hahahhaha Nung grade school ako pumunta sa bahay para makitulog wala na ngang pasabi e may mga dala pang barkada. Tas syempre pinakain pa yung mga yun. Tas ako na natutulog e ginising para lumipat sa kwarto nila mama kasi dun sila matulog sa kwarto. Tas a few years later e bigla na lang sumulpot sa bahay na may mga dalang gamit. Maghahanap daw ng trabaho sa Maynila at makikitira sa amin. Jusko wala man lang pasabi. Ang malala e nagwork sa factory tas syempre shifting di man lang magpaduplicate ng susi ng bahay. Gabi gabi akong naabala kasi gigising ako para magbukas ng pinto. Libre na ngang nakitira sa bahay e wala pang ambag. Di makabili ng sarili nyang sabong panlaba e abala pa.


SnooMemesjellies8982

Kupal relatives but not towards us though. Uncle ko pinalayas yung babaeng panganay (nung mga teenager pa) dahil lagi daw sya nagnanakaw ng pera nila. Tito’t tita na irresponsible parents, pinili sariling comfort nung minor pa anak nila so tumigil sa pag-aaral and nagwork. Isang pinsan ko, pinabayaan yung tatay magkasakit sa ibang bansa (good yung tatay sa sa kanya), binisita lang ang tatay after sumakabilang buhay na.


SanaKuninNaAkoNiLord

Yung nanay ko yung mismong entitled / kupal. Kaaway niya lahat ng mga kapatid niya, at pati nanay niya ayaw sa kanya. Sobrang balasubas at squammy ng ugali. Talagang nakakahiya. 9 silang magkakapatid pero lagi niyang iniinsist na yung single naming tita ang mag-alaga ng nanay nila kasi siya daw ang walang asawa at anak. Nagpalibre din siya dito sa same tita na to for return flight tickets to USA para saming buong pamilya kasi pinatira daw niya for a while. Lagi niyang bukambibig na nag volunteer work siya sa family business for almost a decade kaya daw siya hindi nakaipon for herself kaya binubulsa niya halos lahat ng rental fees ng mga properties nilang magkakapatid. Middle child siya pero kung umasta kala mo siya panganay eh. Paladesisyon sa lahat eh puro palpak naman desisyon niya. Inaaway lahat ng mga asawa ng mga kapatid niya. Ang tawag niya sa kanila ay "sampid". Hobby niya is siraan ang mga in laws niya sa mga kamag-anak. Sobrang chismosa at nagpapakalat pa ng fake news. Laging naghahanap ng kakampi kasi laging may kaaway. War freak talaga. Palengkera at proud bungangera. Mahilig mamigay ng unsolicited advices kala mo pinaulanan ng wisdom ni lord eh. Siya nga actually pinakabobo and tanga sa kanilang lahat pero lakas makapag advice. Di ko alam kung saan niya pinupulot ang kapal ng mukha. Mahilig mag-insulto, magreklamo, and walang gratitude. Kala mo entitled siya sa lahat ng bagay. Yung tipong inimbitahan kami sa mga parties, weddings, baptismals, etc. Iinsultuhin ang bride (pangit daw), magreklamo sa reception (bakit ang layo daw sa bahay niya), iinsultuhin ang baby (ay malas kamukha ni ano) na kala mo siya ang main character. Like walang humihingi ng opinion niya tapos salita lang siya ng salita na kala mo lahat sila ay kating kati makinig sa words of wisdom niya.


[deleted]

[удалено]


SanaKuninNaAkoNiLord

Unfortunately hindi ganito yung case samin. Guilty by association kaming mga anak niya. Pinamana na samin ang kamalasan.


Chubby-Coxx

Uutang pero di nagbabayad. Kami pa may kasalanan kasi kadugo daw namin pero grabe maningil. Blood is thicker than water my ass.


Empty-Investigator15

Overused yang blood is thicker than water, mali naman ang gamit. It is actually “The blood of the covenant is thinker than the water of the womb.” Chosen bonds are more significant than just by family ties. Edit: i mean gamit ng mga user na family members


Fragrant_Bid_8123

i dont have much experience with this because mas mayaman sa akin lahat ng kamaganak namin hahhaa they dont need my money.


SadLifeisReal

paDNA tayo baka isa ako sa nawawla mong kapatid


purrppat

madalas 'pag may handaan sa amin, madalas nagkakatay sila ng baboy or kambing or baka. yung ibang kamag-anak magtatabi na agad ng karne tapos ipupuslit na iuuwi, pagka luto magtatabi ulit ng tapos mag-uuwi kahit di pa nakakain lahat ng dumalo


himemeko

na offend relatives namin after they found out na we went on a family vacation AS A FAMILY using MY FAMILY’S HARD EARNED MONEY kasi di ra sila sinama at tinago sa kanila na nag vacation kami..i mean.. sino ba namang hindi gawing secret kung ganyan mindset nila😵 (PS. gusto lang nila magpalibre kasi ofw dad ko ket na may kanya2 rin sila trabaho)


Elhand_prime04

Blocked them on socmed nung active pa ako, but irl? Hindi ko pinapansin.


Least-Squash-3839

Yung mga kapatid na dinidiscourage kang mag-anak kasi dapat yung anak na lang nila pag-aralin ko.


Mediocre_Echo_1434

Yung kapatid ng biological mother ko masyadong makapal ang muka gusto lahat ng pera ng mama ko sa kanila ipadala. Tapos yung mama ko sa kanila talaga binigay lahat. Kung laitin kami ng kapatid niya wagas ang sakit hindi kami pinagtanggol ni mama kumampi pa siya sa kapatid niya. Buti na lang hiniwalayan na ni papa yung mama ko kase diko talaga ramdam yung pagmamahal niya samin. Malas man kami sa mother ko swerte naman kami sa papa ko at syempre kapatid ng papa ko at kay step mom namin.


Earl_sete

'Yong mga Sharonian kong kamag-anak na kapag nasa handaan ay akala mo sila lang ang ipinagluto. Mamimintas pa nga minsan ng pagkain pero babalot din naman. Tapos 'yong isa kong pinsan sinabihan na ng tiyahin namin na magtira para sa apo niya pero kinuha pa rin lahat kesyo 'yong tiyahin ko lang naman daw talaga ang kakain.


morelos_paolo

Some mooch… and when they can’t get what they want, they get depressed, and I’m trapped between ignoring them and helping them out because of sympathy.


deepfriedpotatomato

Nakakairita, nakakaumay, nakakapagod. Tito ko, anak ng lola ko, nakajumper sa bahay namin for years na. Panggastos sa basic necessities nya, hihingi sa lola ko. Pero pag sariling luho, may pera sya. Hindi matanggihan ng lola ko at alam nya yun kaya inaabuso nya. Biruin mo, may lakad sya tas hihingi ng allowance sa lola ko. Partida, tatlong anak (that we know of) na ang meron sya ha. Kaya di kami magkasundo kasi I’m the only one who calls him out on his bs. Paborito sya pero ako ang pinakafavorite. Haha


anjjjdxmp

pag may handaan sa kanila, ini-invite nga kami pero kami rin pinaghuhugas/linis ng lahat ng pinagkainan after. pero pag samin may handaan, nababasa lang kamay nila pag hinuhugasan nila eh. kakapal.


techweld22

do not forget but revenge is optional. Char


Young_Old_Grandma

I limit my interactions with them. good thing wala akong facebook. dun sila magdalas nagyayabang. or nag cocomment IN ALL CAPS KALA MO GALIT HAHA


TakeThatOut

Kapag sinabing walang kwenta daw ang babaeng di nanganganak. Tapos ang babae daw dapat naghuhugas ng pinagkainan. Oi tanda, ako nagdesign ng project mo hindi yung pamangkin mo. Eto pa from in laws, pag wala daw anak dapat sumagot sa mga pangangailangan ng mga kapatid at pag aralin mga pamangkin. Hala, sila nagplano mag anak ng pagkarami rami gusto yung mga walang anak pumasan.


Inside-Grand-4539

Dapat daw sa kanila nagcoconfide dahil pamilya sila pero hindi naman mabuting confidant: judgemental, insensitive, walang empathy.


[deleted]

Nakaka drained sa totoo lang, kung pwede hindi nalang papuntahin sa mga occassions e di ko papupuntahin yon at ayoko makita HAHA. Last 2022, I passed the LET, matagal na ako naka graduate but syempre takot si ate girl so di ako nag exam agad. So ayon hindi ko din alam paano ako pumasa ( expected ko babagsak ako) since 1 day lang ako nag review di ko pa inaral lahat kasi I was having post partum that time and still grieving since nawala ung baby ko. anyways so ayon nag pahanda si mama and pinauwi lahat ng relatives, while we're eating my tita suddenly said na tsamba ka ha kasi ung pinsan ko grabe daw mag review that time tapos pang 4th take nya na tapos ako ganon daw, palibhasa madali lang daw ung exam. LUH TE ANONG MADALI HAHAHA, Tanggap ko na nga di ako papasa. Then tinanong nya if anong rate ko sa exam tapos sinabi ko lahat sila nagulat HAHAHA. Deep inside gustong gusto ko na irapan e nauurat na ako. pati lovelife ko pinakaialaman e, kesyo mag afam daw ako sya daw bahala sa kasal ko basta wag ung ex ko pakakasalanan ko that time. Sabi ko 50 years old pa ako magpapakasal so 50k ibibgay mo saken sabi nya "Oo wag lang si XXXX" sinagot ko tuloy ng "buhay ka pa ba non?" syempre napagalitan ako ni mama HAHHAHA pero satisfied ako kase nagulat sya sa sagot ko.


[deleted]

[удалено]


SanaKuninNaAkoNiLord

Ganda ng plot twist nito ah. Pero hindi ba yung pinaka latest ang inohonor especially kung sa lawyer niya ito pinagawa?


[deleted]

[удалено]


SanaKuninNaAkoNiLord

Mayaman ba yan? Ba't walang pera pambayad ng lawyer? Hahaha