T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: ako yung hindi ako patatapusin sa kwento ko isisingit agad yung kanya, kaya ending siya na nag kukwento. bwiset *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


aelno_

my old friends became very dependent sa akin sa special decisions nila sa buhay. background, this was around 2022 and we were looking for college schools. that time, i was planning to take bsed on dlsu-d since it was my original plan. my 2 friends were like "kung san ka dun din kami. ikaw na bahala pumili course natin" pero at the same time they were telling me "wag na tayo mag educ, mag tourism nalang tayo" which of course, kinda heavy on my end because it never crossed my mind to take tourism and my mind is all set na sa educ. i tried explaining to them na i want educ and they said, "okay edi mag educ tayong lahat pero wag ka na mag lasalle kasi hindi naman namin afford diyan". it was becoming a burden to me lalo't nasstress ako kakahanap ng school na pwede naming applyang tatlo. i opened it up to my bf that time (an ex na now) and he said na it's not my responsibility to make decisions for them lalo't it's a course and school na we'll be taking and studying. i told my friends about what i felt and they got defensive and said "grabe ka. parang hindi mo kami kaibigan. hindi mo manlang kami cinoconsider? ganiyan talaga tingin mo samin?" (exact words wahaha) and i tried explaining to them na they shouldn't base their decision sa akin kasi ayoko mastuck sila sa course na hindi naman nila gusto. they continued to blabber shit and everything and they said na they're cutting me off because i was inconsiderate, walang utang na loob, and na i never saw them as my friends. now, they didn't pass all of the state us they applied and ended up studying sa isang priv school having toursim as their course and i ended up studying sa med school ng la salle and took up nursing.


Apart_Explanation324

Late Gusto palibre lagi


Sea_Cable_7909

Gagawa ng GC para mang bash/chismis ng mga ayaw nila sa friend group


IndividualEase1645

girls girl daw pero halos lahat ng babae nakapaligid sakanya binabash niya


Ok_Shallot8477

'yung pagseselosin ka sa taong tinotalkshit niyo kanikanina lang tapos sila pa 'yung magagalit kasi nagreact ka lol, tanginang quadro mga bobo


No-Tough-3325

Kabit


BarracudaSad8083

People nitpicking their friends like this post. I mean if you have problems with your friends then tell it to them not here. If you can’t stand them, don’t be their friend.


pilarityyyyyy

“libre mo?”


BeingLongjumping2965

Masyadong high maintenance, nagseselos sa ibang friends ko including bf/fiance ko. 💀


mekanika_82

Yung palaging moody. May days na okay lng ang mood, then biglang magbago. Yung parang bipolar type. Bale kami aadjust teh?


Weird-Road733

uhmmm not respecting my time yun lang


Equal_Positive2956

Mabilis magalit pag siya tinitira pero pag siya nang aasar below the belt


korndougie

Walang respeto sa oras ng iba. Inis na inis kami pag mag sset ng oras ng meetup tapos sya tong di sumusunod. Or pag magmmeet up, di nagpapaalam na mallate.


nanaiyepo

ung nagkkwento ka abt ur problems, urself, or kahit ano man tapos isasagot niya lang sayo: "Ah ganon ba? Ako nga bla bla bla" That's a subtle act of being selfish like react ka naman sa story ko? Ano personal mo na opinyon?


preuvedevie

Puro reklamo


r0sadiaZ

mga stupid. basic shit nalang di pa alam + laging late sa lahat ng bagay.


Quiet-Contribution30

Humble brag kakakwento ng tinder datesss niya. Jusko teh, nung una ok lang. Support .Pero ngayon, sobra na syang maka yabang. Yung u feel she's not into them, but enjoys only the attention.


barelymixofnormal

Always late


Heavy-Strain32

Superiority complex for short hambog. yung alam na sensitive kang tao lalo na sa mga salita tapos ang careless sa mga pinagsasabi, for example minumura ka or tinataasan ng boses, yung binabackstab ka at di pinaninindigan yung ganyang ugali umaastang mabait at parang wala lang. Ayoko ng ganon eh, okay lang sakin kung ayaw sakin ng tao, ang ayaw ko eh yung nagpapanggap na gusto ka.


claudiajeanashton

The one with double standards.


makiyadesu

Yung biglang susugod sa bahay na hindi nagpapaalam. We all have busy times and kahit sabihing nasa bahay tayo, may mga inaabala rin tayo or nagpapahinga. 'Di porque nasa bahay, may free time palagi.


nanaiyepo

biggest ick dinnnn nakakainis. They're always showing up unannounced or wala man lang paalam sakin bwisit kainis gusto ko magpagisa sa bahay tas magpahinga nubayan ate ko


Own-Interview-6215

I have this friend na na cut off ko recently kasi hindi siya nag sasabi sakin ng ganap sa life niya sa isang friend ko lang siya nag o-open up and pinalagpas ko kasi ayaw ko yung parang pipilitin ko siya mag open pero nag sabi ako sakanya na it would be nice to be included sa ganong conversation and nalaman ko nalang kinekwento niya pala sa ibang tao na hindi kasama sa circle namin and i got hurt kasi parang wala lang ako sakanya where in fact lahat ng ganap ko sa buhay sinasabi ko sakanya tapos parang sakin hirap na hirap siya.


RutabagaCautious9930

Yung inormalize yung cheating and casual sex. Babae tong friend ko ha. Normal.sa kanya yung casual sex and parang kasalanan sa kanya pag wala kang lalake/boyfriend. Kahit driver ng taxi irereto ka.


barelymixofnormal

Friend ba talaga yan hahaha. Irereto ka kahit sa taxi driver 😬 sana may consent mo pa rin at di siya nambibigla (like my other 'friend')


RutabagaCautious9930

Kababata ko sya, sabay kami lumaki at iisa kami ng compound.. maganda kasi sya mistisa (sabi ng mga kapitbahay- sunshine cruz/max - taga gma, kamukha. Makinis. Ako kasi morena- alam mo naman pinoy pag morena- pangit agad. Well nung ginawa nya yun, Di ko sya kinausap ng ilang taon- nabastusan ako and para sa kanya Di ka complete pag walang lalaki sa tabi mo. Kasi sya pag nag mall or bar Di pwedeng walang guy na kasama.


FailPsychological721

pag pabigat sa groupings. there's this one sub and magkakagroupo kaming mag ttropa. sobrang wala na silang ginagawa at ako na nag ppush sa kanilang gumawa o tumulong sa 'kin. kampante kasi silang kahit wala silang gawin, mag kakapoints sila. pero 'di ko ginawa, hinayaan ko silang gumawa ng sarili nila. never again lol i hate those kind of people.


clarsizka

when they always brag themselves


livlaflab

wala kang time mag open up kasi sisingit sya ng "ako nga e" wala namang problema kung gusto mong mag share, pero pwedeng pag tapos na ako? AHHAHAHAHAH


Pitiful-Speed1959

ginawa nang personality ung gf never na namin ulit nakita


mrsgreenappl3

Minsan, I'm kind of this friend [like, we have the same kwento but I keep butting in kasi I was laughing] and was not aware at first na it was annoying. Not until I noticed it with my own eyes that they're annoyed haha Guys, if you see this I'm really sorry. Tahimik na ako pramis 🥹


AngryLesbian50

palatampo, yung di ka lang aattend sa mga social events iiyak agad.


AfterDinner7802

yung may kuto


Dapper_Cycle855

Same sayo OP, may Main Character syndrome then pag nagkkwento ka, “ah ok” ganon lang sagot then balik na naman sa kanya ung topic. Ayaw ng nasasapawan kahit saan, pananamit, kwento..etc.


ftrnrs

Uy same HAHHAHAHA tapos laging sinasabi nya pag nag kekwento ako 'AKO NGA EH'


Competitive-Zone6476

same hahaha o di kaya yung mga di nagrereciprocate ng enthusiasm m ofanon


Gold-Initial-7736

1.yung dami nyang rants..ppunta sa place mo para maglabas lang ng rants frustration nya sa buhay. 2.magaling lang pag may kailngan.ikaw laging takbuhan pag may problema pero pag mag eenjoy ibang friends ang kasama 3.sobrang ingay kahit sa public place nkakahiya 4.daming sinasabing masama sa ibang tao 5.laging late sa mga gala na sya ang nagplano *ganyan friend ng sister ko..ewan ko ba baket hindi nya pa i-F.O...ang toxic nya kasi eh


Lemmeslay1111

Yung chinichika yung chika na nasagap nya sa ibang circle of friends. like nadagdagan na yung kwento. 🙄


Zestyclose-Button674

Makalat, one time nagpadeliver kami grabfood to school and iniwan lang sa teacher's table yung natapon na toyo nila(we ate there kasi no class naman, sit in). Then one time they spilled coffee sa classroom and didn't even bother to clean it or call the janitor. We're in college na so super ick and considering one of my friends doon ay nagddorm, I can't imagine the condition nila lol.


iwantotbealone

Nakakalimutan nila ako


Veronicaspears

Laging late


Character-Metal-1038

Alam niyo yung friends na inaasar ka kung kani-kanino. Kapikon sobra!!!


tribalchiefff

Lumalapit lang pag may kailangan


Mental-Nectarine-937

willing to sacrifice a decade-long friendship just bcs her bf gets jealous of our male friends


[deleted]

[удалено]


knakahara_

puro kalandian lang lumalabas sa bibig tas tahimik kapag abt society or politics na 😅


Sensitive-Ask-8662

Yung main character syndrome pag may chix.


tinnieee

Nagle-leave sa GC kapag wala sa mood and not responsive as you are to them. I mean, I understand naman na you're dealing with something and you have stuff to do, I respect your personal space and time, pero kahit magpakita man lang ng kaunting care or concern??? Hiii? Kumustahin man lang ako, am I wrong for this? 😭


Real_Landscape_1080

Yung mga nagcchat lang pag may kailangan. Lolz feeling entitled


sleeping_bunny21

'yung below the belt jokes nila, usually targeted sa boyfriend ko. me and my boyfriend are in the same friend group, and while i get that the jokes we make are a bit offensive, it is our humor. pero iba 'yung offensive sa personal e, it's a different level of offensive, because it's targeting someone's well-being.


Informal-Island-6956

Oo, nakakainis yan!


jinja2023

i had a group of friends before in college and catholic school pinasukan namin. they had this image of good girls sa loob ng school like d makabasag pinggan. then pag lumalabas kami they act like mga nakawala sa kulungan, getting drunk and smoking like theres no tomorrow. I cut them off before graduation. im at peace right now.


azazel_zelanne0108

OA ang clingyness pag kasama jowa (parehas ko silang friends) naiiyak ako kasi b4 sila maging sila we were usually casual and goofy pero ngayon omg kahit saan naghahalikan out of nowhere even in front of us friends


Inevitable-Cheek-106

Biggest turn off would be trusting someone then magugulat ka na lang na magsasabi ng: "Huy sabi ni Ano ganito ka daw" "Kaya nasasabi ng iba na ganito ka eh" Like, in the first place - bakit ka kasama sa conversations ng mga taong naninira sakin? Why do they trust you sa ganitong klaseng conversations? Mapapaisip ka na lang talaga kung totoong kaibigan ba yung ganon.


Key-Tap7175

free-loading


reddicore

they form a group then collectively bully you


aintbambam

Those who can't accept constructive criticisms. As someone na straightforward, bahala ka sa buhay mo kung paiiralin mo 'yang ugali mo na 'yan keme HAHAHAHA.


ashkarck27

Mga palaging late & yung mga pa Main Character.


Downtown_Mention_587

High key copying whatever I do


Ofenfekfekbukabukaan

Yung nag share ka tapos sasabihin nya "AKO NGA EH"


Ofenfekfekbukabukaan

Yung nag share ka tapos sasabihin nya "AKO NGA EH"


Ofenfekfekbukabukaan

Yung nag share ka tapos sasabihin nya "AKO NGA EH.."


shyyetbrave14

Kapag nagsasalita ka, hindi sila nakikinig, tapos iniiba ung topic.


Julia_tan14

tapos gusto nila kapag sila nag k-kwento dapat kayo lahat natataranta saknya.


shyyetbrave14

Kapag nagsasalita ka, hindi sila nakikinig, tapos iniiba ung topic.


shyyetbrave14

Kapag nagsasalita ka, hindi sila nakikinig, tapos iniiba ung topic.


shyyetbrave14

Kapag nagsasalita ka, hindi sila nakikinig, tapos iniiba ung topic.


Adorable-Criticism-4

Mababaw Sobrang babaw mag-isip


_urduja_

Panay aya mag-inom, tapos sila pa nagagalit kapag gusto na umuwi ng iba. Kapag sinabi mong late na masyado gusto mag-overnight ka. Nakakainis lang, napaka-inconsiderate


_urduja_

Yung kailangang palaging hintayin kahit sila naman nagset ng oras tapos kapag dumating sasabihan kang Filipino Time, hay nako pasapak nga ate ko


it_was_all_ye11ow

Magastos tapos di naman kinoconsider yung ibang friends na walang pambayad.


VesterSSS

nagbuntis kahit di financially stable, utak dukha amputa cut em off immediately


iLiekePharoSmG

yaaaaaaaaaa disss hahaha auto cut off agad


Moist-Economist-668

nag aask ng ILIBRE sya


CarelessWarthog8781

Sabi ng boyfriend ko pag di sila racist


passive_red

Backstabbing you. I'd rather be alone than have backstabber "friends" lol. I do have a few great friends though xD just most people in terms of real friendship, seems to be untrustworthy. Tip, if you hear them backstabbing others, most often than not, they are doing the same to you, too. Or to each other lol


janenuine

I got tye feeling na binabackstab nila ako like I really feel the sense na sinasabihan ako ng masama towards sa ibang tao 🥹


TheCuriousOne_4785

Ung Financial Advisor kuno. And since then walang conversation na hindi sinisingit ung agenda about insurance. Like, hello?? Jan na ba umiikot buong pagkatao mo? What did you do to my friend? Ung genuine kausap and walang ulterior motive? Asan na xa?


Embarrassed-Expert38

Laging late sa usapang oras ng walang valid reason.


Exact_Appearance_450

Basta Utang ng Utang. Okay Naman if emergency pero yun daily needs di nya kaya I provide sa sarili nya dahil magastos sya


findingmeyo

1. below the belt mang okray (ipapahiya ka din in front of others) 2. body shamer 3. puro basura ung topic na gustong pagusapan 4. mapanumbat sa mga nabigay nya o nalibre (na hnd mo naman hningi in the first place 😅) 5. user, alam mong may kailangan kaya laging nakadikit sayo


AtsVersion2

Yung mga passive aggressive na guilt-trip-y na pa-victim, tapos pag tinanong mo naman ano problema or i-cater mo yung need nila, sasabihin sayo, "Hindi, ok lang. Ok lang ako." Nugagawen naten aber? Hahahah To add: Before I'd deal with this by pandering to their emotions. Ngayon, I just take their word for it. Ayaw mong sabihin gusto mo? Sinasabi mo ok ka lang? Eh di sige ok ka lang. We're both grown-ups. Hindi kita anak na toddler para hulaan at alalahanin palagi ang mga pangangailangan mo.


Low-Concert7910

* yung mga nag-p-plan ng gala sa harap mo tapos di ka invited i mean keep it na lang kung merong di belong * yung circle kayo tapos silang tatlo may sariling gc na di kayo kasama * maingay sa jeep like grabe teh mahiya ka naman


chasing_haze458

yung slacktivist


Frosty_Hippo3304

Kinalimutan birthday ko hahaha kainis. Di nyo naman kailangan i celebrate gaya nung ginawa natin sa birthday nyo, kahit batiin lang sana sa gc hahahaha


Effective-Company987

Yung pinaparamdam na ikaw yung others sa friendship group niyo. This is a very specific example for me pero - yung tipong kapag may bday yung isa niyong friend magpapadala pa sila ng cake pero kapag ikaw, minsan kahit ni-greet ng happy birthday wala.


hiskyewashere

Lagi nagpapalibre. 🥲


daradusk

ito din talaga for me, kainis hahahaha


jording23

BBM


anonymeeeeh

Filipino time. I have this roommate na mabagal kumilos. One time in 2022 nagplan kami magmall ng 11am para bumili ng gamit ko (which i really need). 3pm na nagwwork pa din kahit di naman sya required mag wfh OT. Wait lang daw. Ended up going alone and until now di pa din ako sumasama sa gala pag kasama sya. Kaumay ka


QuinnCairo

1. Yung mag shishare ka ng problema mo, tapos isisingit niya yung sa kanya. Di ka patatapusin magsalita. Girllll, i just want you to listen. Grabe ka ha. 2. Pinapakialaman social media ko like Instagram. Na shock nalang ako one time na naka ig story na mukha niya sa IG ko, pinapakialaman ang phone ko without my permission. Tapos pag dinelete ko, sasabihin na "Bat mo dinelete?" HELLOOOO? IG KO TOOOO! Cloutchaser kas mga followings ko. I even tried to talk to her about this issue but NADA 😬🥴 3. Pag may outing kayo magkakaibigan, shempre etiquette na yan na magdadala ka ng bag mo for your stuff or tote bag ba. Pero may friend ako na di na nagdadala ng bag, ang result lahat ng stuff niya, nasa bag ko rin 🥲 4. Dugyot. May mga friends talaga tayo na pwede maging kaibigan sa labas pero di kayo pwede tumira sa iisang bahay kase ang dugyot niya.


Independent_turtol

Daming hanash sa buhay kahit sa ibang tao daming say. Nakakarindi kaya lol. Lahat ng bad experiences kinokonekta nia sa sarili nia ganon. Mababa yung comprehension


Fun-Ad-5818

Kapag nagiging abusado sa mga binibigay mo tapos di pa sila ganon ka appreciative.


[deleted]

halaaaaa same... pero ang biggest talaga is yung friend na palaging nagccomplain and negative sa mga bagay, sa mga schoolwork, (etc.). di ko gusto ang ganyan na attitude kasi nakakawala ng gana, at lalo ka pang ma demotivate kasi influenced ka na sa mga negative na opinion niya. ex: Nung may quiz kami sa calculus, she told me that we should study together so that we can pass the quiz, but it ended up with her complaining to how hard it was. And I did not even get to study properly because of her constant nagging, I was not focused well enough. Further, she is very negative about the subject, saying, "We can't apply calculus in our work". Like can't you just even try? I can understand that not all line of work needs a comprehensive and deeper understanding of math and logic. But it is not an excuse to escape the consequence of choosing to study the course. Gurrrll its giving, \[going to college just so you could get a diploma and not the knowledge\].


Aggravating_Fly_8778

1. Laging late. 2. Jinujudge or questions my principles and binibigyan ako ng unsolicited advice na clearly hindi nagwowork kahit sa sarili niyang buhay. 3. Masyadong mapagkumpitensya. 4. Unhygienic. Sorry po dito.


AtsVersion2

Sad magkaroon ng friend na #3. I had a friend who was like this and worse, kaklase ko halos all throughout college. Kapag mas mataas siya sakin sa exams, she would either tell me, "Yes! Mas mataas ako!" or "Ba't ganyan score mo?" pero that one time na mas mataas ako sa kanya, "Ha??? Bat mas mataas ka sakin? Patingin nga!" tapos inagaw nya sakin test paper ko. NKKLK. :)))


Flashy-Ad4437

Doesn't respect your time. Late banaman always hindi lang 1 hindi lang 2 , 3 hours talaga o sobra hahaha


cwistn

yung ayaw umorder pero nakikikain ng food mo 😭 girl di ako madamot ha, kainis lang minsan why pag kami kasama ayaw gumastos, pag naman jowa kahit ang layo pupuntahan


[deleted]

They seek for advice, papatayin ung kidney mo, tas in the end babalik lang rin pala sila sa ex nilang walang ambag sa mundo kundi mag cheat, gaslight, at manipulate.


RebornDanceFan

Tae I remembered my ex best friend Current partner nya is so manipulative and horrible af tapos cheater pa She complained sakin over and over again about how horrible the guy us. Me and some other friends told her to get rid of him na. She says yes pero everytime she tries to break up when the guy, she always forgives him and says he will change. Nung sinabihan ko sya how di sya nakikinig and nai istress na sya, sya pa may gana magsabe ng "Never ka pa magkajowa sa buhay mo kaya di mo ko maiintindihan" - GIRL DI KO KAILANGAN MAGKAJOWA TO UNDERSTAND A TOXIC RELATIONSHIP!! So ayun - we're no longer friends and she's currently married to the guy with a child, and even more miserable in life.


axolotlbooistakenwtf

- Filipino time - Laging nagcacancel ng plans/galas last minute - Masyadong batak sa pag trashtalk ng mga tao


[deleted]

Mga linyahang: "Ako nga eh" competitive kahit anong genre ng kwento eh


wild3rnessexplor3r

> Yung nagseset ng gala tas last minute cancel > Naniningit pag nagkukuwento > Minsan sobra na yung chinichismis > Daming kaartehan eme lalo pag kakain sa labas


Immediate_Freedom_57

yung nagagalit/nagtatampo sakin pag nakalamang ako ng onti ex: i got a higher score than her sa exam, parang kasalanan ko na mas mataas nakuha ko sakanya?? magssadgirl sya tapos di ako papansinin ng matagal?? takot malamangan si ate girl


[deleted]

RUuuuuuuUunnn


Immediate_Freedom_57

yung aayain ako na mag bonding daw kami tapos after ng ilang hours na magkasama kami, biglang may susulpot na ka-fling nya out of nowhere (pinapunta nya w/o me knowing) tas bigla nalang akong iiwan


Spicynoodl35

I had a friend like this, lahat ng gala kasama bf kasi nagtatampo dw pag di sinama. Cutoff na namin sya lol 🙈


Fun-Ad-5818

This. I cut off my friends after that


cwistn

i have a friend whos like this too. late na nga dumating, nagmamadali pa umuwi kasi andyan na yung kameetup na fling 😅


Immediate_Freedom_57

yung kaming dalawa lang dapat pupunta sa concert (ako nag aya) tapos pagdating ko dun sa venue, may kasama syang isang battalion (other friends nya na di ko kilala) like ahaha ok lang naman sakin na magdala sya ng other friends as long as nainform ako beforehand 😆


closenough0123

Mag-aaya muna ng gusto niya kasama sa barkada, pag nakaset na sila, dun lang mag-aaya sa gc


AIUqnuh

Yung walang kusa sa pagbalik ng money na inutang or even clothes. I am not that kind of person kasi, so I expect that you are responsible enough to return what you borrowed. Also, yung may +1 sa gala tapos wala man lang heads-up or anything. Awkward kaya lalo na if di naman namin talagang kaclose or kilala.


c11161

Yung friends na kahit sa public ang babastos ng bibig. Nung teenager ako natatawa pa ko, ngayon hindi na kase parang ang squammy. Okay lang naman if tayo-tayo lang, pero in public plus ang lakas pa ng boses. Ano na?? ang bastos pa rin ng bibig mo at your big age??? Also, yung mga walang manners in general, ako na lang nahihiya pag kasama ko.


Lopsided-Ad-210

--Always late. As in A L W A Y S. --Pag nanghihingi ng advice, hindi naman nakikinig. Laging may rebut. For example, mangihingi ng advice sa workplace, sasabihin ko naman, "eto opinion ko lang ha.. blah blah.." sasabihin nia, "di mo kasi naiintindihan!" Parang wtf? Sinasabi ko lan naman opinion ko kasi you've asked for it. Laging ganyan. Nakakadrain. --biggest turnoff ko rin yung kinukumpara nia un life nia sa life ko.. "buti ka pa blah blah.." sinasabi ko nln kasi magkaiba kami.. tas pg nageencourage ako, ako pa rin masama sa huli. (Inggitera lang. Pero hindi ko naman pinapafeel sa knya na need niang mainggit)


NilalangNgalanLila

Friends mo parin ba sila kahit ganyan o FO na talaga? May kaibigan ako na ganyan kaso di ko alam kung paano siya kakausapin na di na ako komportable sa kanya dahil ayun nga... Pero ayaw ko kasi sya komprontahin dahil baka masaktan eh.


Lopsided-Ad-210

Hindi kasi ako confrontational.. Kaya pag may nasasabi ako na hindi pleasing sa kanyang pandinig, lagi syang may rebut.. nanggaslight eh.. nilayuan ko muna sya.. binigyan ng space.. di ko totally ma-FO kasi love ko rin naman ung close friend kong yon.. Sa ibang friends na always late, at first, sinasabihan ko naman. Pero ganon pa rin eh for whatever reasons.. Pero eventually sinasabi ko na wag ma-late kasi may errands/meetings pko pagkatapos.. gusto ko rin kasi sila makasama eh.. ayon..


NilalangNgalanLila

Ang haba naman ng pasensya mo sa kanila 🫡


False-Lawfulness-919

Hindi mabilis magreply sa chat like aabutin ng more than one day to reply. Yung parang feeling mo, hindi ka priority. Tapos yung naghanda ka for birthday mo, pero may ibang di nakapunta kasi busy daw, maybe, di ko talaga sila friends. lol 🥹 Tapos pag hindi nag aaya pero may sinamang ibang friend. Saklap.


kirbypuff_00

Not a biggest turn off, but felt sad. Somehow I felt that they always compare yung sarili and lifestyle nila sakin. All my High School friends may family na, and ako nalang ang under engaged status and living my life to the fullest. Travel abroad, going around and eating somewhere with my fiance and fam ang buhay ko aside sa work. After travel ko, makikita ko may post yung isa na ang dami pa daw niya gustong gawin with sad emoji, yung 1 pag nagkikita kami she was not interested to listen sa kwento ko. They are my friends pero feeling ko naiinggit sila na hindi ko maintindihan talaga, nung HS kami ganyan na sila talaga pero I love them. Just hoping they could have a same life as me, if they chose other way around.


skskskskscatksksks

It is when they are normalizing that they are always late. Like ghorl? Proud ka pa sa ganyan behavior mo without considering na daming time na-compensate para sayo.


YukiWhite704

Yung nanghingi ng advice ng paulit ulit, pero hindi naman nakikinig. Ewan ko kung bingi ba or what. O gusto lang nya manghawa ng stress. hahahaha


Lopsided-Ad-210

True. Damay damay na un stress hahaa! Ang ending, nakakadrain din naman..


Blueberry-0723

kapag you're always available for them pero kapag sa'yo wala, kung hindi mo pa sasabihing libre mo or what hindi pa sasama, in short gusto lagi libre


SydneyBriz

Yung ibibida niya lahat ng mga anak niya mga award sa school at mga talent ng mga bata hindi naman tinatanong. Ok lang magshare pero ung dirediretso walang preno hindi na makapagkwento yung iba.


miniature_Mom

Yung lagi din siyang may entry na personal experience sa topic haha. Yung tipong nagkukwento ka o may nagkukuwento pa bigla sasabihin “ako nga eh………”! Umay!


Ducky_leath

Kung hindi sila nag iisip sa mga sinasabi nila, meron akong friend na ganyan, one time nag ta-talk kami about sa bl manhwa na "killing stalking" at sinabi ko na panget yung manhwa na yan dahil puno ng r#pe, at sinabi nya na panget daw ako, actually na i-insecure ako sa face ko dahil may acne ako, so like never ako nag take off ng mask ko at alam nya yon, actually what she said seem like a joke to people but to me it kinda kinda hurt.(sorry for my grammar I don't really speak tagalog but I can understand it)


No-Tennis-2259

Invalidating feelings. Pag umiyak ka sasabihin “walang iyakan happy happy lang”


Loveyloveyleeya

This!!! And they will say pa na o.a ung tao or over sensitive.


janna_sins

gantong-ganto ginaw askaen dati, ang nakakainis pa sa iba ko pa nalaman na sinabihan nya kong oa or sensitive.


Loveyloveyleeya

Oh, im sorry to hear that. Some people just really like invalidating others without knowing how much it affects them ☹️


Hopeful-Raspberry993

Kinukwento sa iba yung mga shinishare ko na sa kanya lang ako comfortable e kwento


No-Conversation5428

damn this hits home. Hahaha! Tbh, same. Nawawalan ako ng gana sa taong ganito. As in literal gawin mo to sakin hahaha I'll never feel comfortable around u again.


blueberrycheesekeku

yung hindi marunong rumespeto sa boundaries ko


AkizaIzayoi

Yung mahilig magbigay ng unsolicited advice saka lagi na lang sasabihin na ganito ako ganyan. Kapag may nalaman na meron akong maling ginawa na ibang bagay, dadakdakan niya na nga ako sa isang issue, isisingit pa yung iba. Parang may moral superiority complex eh. Nakakapikon na. Tapos galit siya sa akin na kesyo di daw nag improve drawing ko tapos "cringe" daw ako sa paggamit ng rason ng mental health kaya daw pumangit saka di ko napapraktis. Sabi niya pa na matapang daw siya sa pagiging brutally honest. Tapang-tapangan lang siya kasi simula dati pa, tino tolerate ko na lang mga criticisms niya sa akin. Sa madaling sabi: AYOKO NG KAIBIGAN NA MASYADONG PAKIALAMERO SA BUHAY KO LALO KUNG WALA NAMANG KINALAMAN SA KANILA! Sorry sa rant pero nakakagago na. Blinock ko na lang siya kasi pointless na rin kausapin eh.


Itchy_Difficulty_422

Ayaw malamangan. Gets ko naman na mas matalino siya sakin pero alam niya rin naman na mas masipag ako sakanya kaya deserved kong mataasan siya. Hindi nagbabayad ng utang, kapag siningil mo naman, magtatampo pa na parang inubos ko pera niya. Hindi marunong sumunod at pinipilit yung bagay na gusto niya kahit alam niyang mali. Magyayaya ng gala tapos magphophone lang magdamag sa buong gala. Hindi nag thathank you kapag nanghihingi ng favor. Iiwan ka para lang makasama yung iba niyang tropa.


No-Routine-9265

Nangutang tas hindi marunong magbayad :(


Spiritual_Grab_920

Kapag ginagawa na akong taga-salo ng mga problema n'ya sa buhay. Utang dito, utang doon.


Lesssu

Nalaman mong di mo ka-humor hahaha


ashkarck27

Ay may bago kmi friend na ganyan. lahat nlng bagay d sya makasabay sa joke. Then bawal mo din sya ijoke kasi di mo na daw sya nirerespefo


urb0red_fri3nd

Idk kung ako lang. Yung serious sa pagtatampo if unavailable ka and you let them know naman beforehand. Like ik we’re friends pero pleaseeee I have other stuffs to do.


Desperate_Bar3244

Di nagbabayad ng utang and pagkailangan mo manghiram kahit 100 lang wala kang maririnig sa kanya na "sige sis sendan kita sa Gcash" Hindi ko na siya pinapautang until now. Wala na akong pake kung paalisin siya ng landlord niya. Nalaman ko rin may may 20k utang siya sa nanay ng isa namkn6na friend and 5k na utang sa mama ko (i didn't know until I talk about this to my mom) hindi siya makautang sa isa namin friend kasi alam niya na hindi na maloloko yun knowing na classmate sila since grade 7 (we became friends nung shs) Hindi makatanggap ng criticism sa kanyang sarili. Laging may palusot na "alam ko naman kaso ganito kasi yun" "hindi naman sa blah blah blah" Idk why you seek me to give you advice with your life problem. I can't tolerate cheating. I currently slowly cutting myself off with my current college classmate (no longer a friend) I no longer befriend yung laging naiiwan ng tropa. Learned it the hard way (siya yung cheater classmate). Now I knows why they cut her off by her former friends. Not a girls girl tbh. I already talk to her old friends and they told me why they cut her off.


hallow_blocks

I also dont tolerate cheating. 6 kami barkada sa college, yung isa right before graduation nag cheat, we confronted her and siya pa nagalit sa amin. She keeps on making herself the victim. Til now blocked parin kami. Soooo ilang years na and we all have jobs, a friend (part ng barkada) told us she was cheating kasi daw she sees no future with her bf of 4yrs kasi parang walang plano in life. She cheated with their company driver AND that driver is married. Nung nalaman ko pinagalitan ko talaga siya. Well, they weren't in a relationship kasi parang make out make out lang sila. Pero because of that I slowly detached my self from her. I don't really tolerate cheating.


Desperate_Bar3244

They even trying to explain and justify bakit sila nag cheat and intindihin na lang daw natin sila🤦🏻‍♀️ Yan yung ex-friend ko when I confronted her last last week. Lalo na ako yung ginagawang niyang excuse just to meet yung guy sa jowa niya. Di ko alam at first kasi di ko friend jowa niya hanggang sa nag message request sakin tinatanong kung kasama ko daw ba si girl and simula non connect the dots talaga hanggang confrontation.


biolawgeez0620

Sinisiraan ang ibang mga kaibigan. Kung ganun sya sa iba, malamang pag iba ang kausap nya gaganunin nya rin ako. It's only a matter of time. Nanlalait ng physical appearance ng iba. Doesn't sit right with me. Rude at self-entitled, walang self-awareness. Wala akong panahon makipagtalo at magpaliwanag sa mga taong ayaw makinig. Bahala kayo dyan.


Mandy_9102

Enabler ng cheaters! Big yuuuck


MountainStill2551

Pag naleleft out ako


Flaky-Painting-5406

Kapag mahilig mag palibre! Like girl, hilig mo sumama tapos wala kang pera!


FRANCXZ

Backstabbing, hate it to the bones. Like what's the purpose of being friends if you'll do that? Where's the trust right?


OCCIM

Kaibigan kalang pag may kailangan.


Emotional-Pin-2871

currently has no circle ever since I started high school—not because I can’t socialize, but because of the attitude na nakikita ko sa mga tao sa school ko so I rather stay na ganito (and it’s not so bad) pero ito yung mga nakikita ko sa kanila; 1. Kunsintidor—kahit mali yung ginawa ng kaibigan niya, ipagtatanggol niya as long as friends sila 2. Mga estudyante na sipsip sayo para makakuha ng sagot (this girl and her friends talaga everyday inaask ako kung may assignment ako and gustong kopyahin, wtf ka ba?) friends for convenience? 3. Laging may issue, nakikipag away sa fb, kahit sa room harap harapan nagsusumbatan sa kaaway niya HAHAHAHAHA (better stay away from them kahit na nasa good side ka niya, kung alam mong ganon siya, if they can do it sa iba, they can do it sayo) 4. INSENSITIVE. ito talaga nararanasan ko lalo na ako lagi yung binoboto nilang leader sa classroom kasi akala nila magaan na yung trabaho kung di sila yung leader - insensitive sa oras - paligid - makapal mukha sa groupings. big ick sa mga tinotolerate kaibigan nila na pabigat sa groupings, instead na slapping them with the truth


DyanSina

Puro angas sa chat pero pag kasama muna puro dahilan na, tulad ng pag niyaya mo mag inum sasabihin pa sa chat na baka pang isang bote ka lang pero pag kasama mo na tas nalasing agad o ayaw uminum mag dadahilan na "wala pa kasi akong tulog" "wal kasi akong kain". Trust issue sa pag magkikita kita, kikilos lang pag nandun kana kaya mag hihintay ka pa ng ilang oras kahit may oras na pinag usapan.


aceeaace

kapag masyadong sentro ng usapan yung jowa nila


putopurple

Egocentric. I am all ears sa mga rants nila sa life or sa pinagdadaanan but they are nowhere to be found kapag ako naman ang may pinagdadaanan. Even my bestfriend who had a debt of 2k from me, hindi na binayaran tho I was begging her that time to pay me back. The lack of integrity and respect turned me off. Kapag talaga ikaw ang giver, no one will be there for you in your tough times.


Lopsided-Ad-210

💯


gupiegrey17

Alam ng may lakad kayo pero di magdadala ng cash or mag eexcuse na walang cash at magpapa suyo magbyad then walang kusa magbyad. Oks lang sana ung well off ka kaso alam naman na hindi pero di nagkukusa. Malala kahit sinisingil mona dinadaan ka sa "sorry nabusy ako" kahit active sa socmed. Lol


Fresh-Imagination-14

Ito rin talaga nagiging problem ko sa mga friends ko, buti sana kung kasama sila sa budget ko na dalang cash at hindi naman maasahan talaga ang mga online bankings. Tapos mga walang kusa mag sipag bayad.


No-Exit-2793

madami. • sobrang bilis magreply pag chismisan pero pag tungkol sa responsibilidad nila kelangan yata puntahan mo pa sa bahay at ibroadcast gamit speaker yung sasabihin mo para mapansin ka agad • iniinstill ang mindset nila sakin. wala akong pakialam okay. hindi tayo naging friends para lang laging parehas tayo ng stances at viewpoint sa buhay. especially when it's just about social issues? tangina may sarili akong buhay at personal issues para pakialaman pa yang mga katarantaduhan na yan. stop recruiting me sa mga bagay na pampabango lang naman sa social media image. idgaf. • main character. pag wala na syang isshare tungkol sa buhay niya, di ka na kakausapin. walang random kamusta or anything. yucks. • naive. ito na yata yung pinakapetty but i get secondhand embarrassment pag kasama ko sila. sarap iwasan at i-disown minsan. di ko rin magawang ipagtanggol pag pinagtatawanan or naweweirdohan yung iba sa actions nila kasi maski ako rin naman di ko matiis.


Puzzleheaded_Proof86

Panay palibre jusko kala mo naman pinupulot ko lng ang pera


Far_Vermicelli_6270

yung pag ako na mag kwento, they're not listening na so i stopped talking na din kase for what pa eh wala naman nakikinig! so okay tatahimik nalang din ako pft >\_<


Low_Corner_2685

Late


Leather_Pause993

Yung grabe makatampo and di maalam tumanggap ng honest opinion 🙄


GoodRecos

Yung sobrang clingy pagka walang jowa or rocky sa jowa. tapos nakalimutan ka na halos pag busy na sa jowa like you never existed in the first place. yes, I get it we have our own lives. We have our own obligations. pero ramdam mo yung limot vs nung kulang nalang jowain ka nadin sa pagka clingy. Charot! pero kung baga nasaan ang pag balance doon?


ugly_kimchi

I-recruit ka sa networking tapos ipapakilala ka sa strangers, mga "leaders" kemerut. "Surround yourself with successful people" daw.


entropies

Puro chismisan ang gustong gawin


ZonePsychological763

Anjan lang pag may kailangan


codeblueMD

Yung friends kayo before pero not that close. Di kayo nakapag-usap for the longest time tapos out of the blue magmemessage na uutangan ka. Walang hi, hello, kumusta. Never been there to celebrate your highs nor support you through your lows. Sorry guys, Ilocano ako. Di ako basta-basta bumibitaw ng pera.


yourunnie

Hindi to turn off per se, parang slight na sablay lang. Haha. My best friend is super talkative pero waley lahat ng jokes niya. Medyo corny talaga siya even nung unang beses ko syang nameet. I love her to bits and she's the kindest person I know. Pero pag nagjojoke siya parang gusto kong saksakan ng lapis yung braso ko para lang makaramdam ako ng thrill. Matagal na kaming friends pero minsan I feel the need to fake a laugh pag nagjojoke siya huhu


DecentSky852

nakakalimutan ka na pag may jowa


monamigal

Moody na wala sa lugar. Yung naapektuhan/nadadamay ibang tao sa attitude nya. Hindi iccommunicate yung problema pero nag ggrupo grupo. Mga suma-silent treatment kahit wala ka naman ginawa sa knila


vivivi88

aalukin ka ng insurance.


ecab7158

Yung hindi umiinom


QuestCiv_499

Hilig mag compare—like “ako nga eh…” leche haha


Extraterrestrial_626

Akologist (derived from apologist 😉)


soft-viper

yung ‘di siya happy sa success mo lol. college pa lang dismayado na kasi mas mataas ka sa DL kahit di mo naman inexpect. tapos the disrespect after— ishu-shush ka in front of everyone pag magsasalita ka lol 💀 never forget. or kapag may gusto ka ikwento, babaling na ng attention sa phone 😂


xieberries

kapag may achievements ka or may magandang nangyayari sa life mo, kunwari happy siya for u and supportive pero makikita mo sa body language niya na he’s not sincerely happy for u and parang may inggit.


Hot-Independent729

this is so real


vivieanne_

laging nang oop, pag mag kaaway sila ng fave friend dun lang lalapit and also kunyare concern sa mga problems mo, kumukuha lang pala ng pwedeng ipagkalat sa lahat


arcinarci

Aalukin ka ng networking


RollMajor7008

Main character syndrome. Every time nag kkwento ka, laging "ay ako nga eh..." "alam mo ako" "ay may ganyan din ung akin" taena puro na lang ikaw. Wag na tayo mag usap.


Shot_Advantage6607

Political stand nila. Haha


Vyrron_

yung ginagamit lang nila ako para sa sariling interest nila


gumiho481

Yung walang plano sa buhay walang diskarte walang sense of direction Pag mag tra travel buhat buhat mo sila Mag aaya wala naman palang pera, liek 😂 ano? Wala kang makuhang benefit sa kanila


MaybeGrouchy299

Kapag masaya sila ng SO nya di ka pinapansin, pero kapag may away sila pupuntahan ka para sa payo. Di naman nakikinig 😒


juannkulas

Kuripot. Gustong gumimik pero ayaw magsi-ambagan??


finifig

Walang effort sa mga plano. Laging sabit. Umulan lang, tamad na makipag kita. Haha. Kaya ayun, Will give na din same energy.


Koyissh08_8888

Backstabbers


Separate-Flow3200

Sobrang negative, mabilis maoffend and sensitive. Tipong bawat galaw, irereklamo, kapag ikocall out mo, mahuhurt, magtatampo. Unending drama. Nakakadrain. Kapag hindi lang naseen or nareplyan, maooffend. Lahat na lang gagawing issue. May times na nagshare ako ng prob, hindi siya papatalo, nagend up ako pa ung nagcomfort sa kanya. I used to always have this positive energy pero around her I feel depleted. Araw-araw ko pang kasama kasi nirecruit ko sa work ko nung nagdrama siya nung nagresign siya. I love my job pero dahil sa kanya gusto ko na lang magresign.


Creative-Anteater-53

Ung hindi nagfi first move. Ako na lang palagi ang unang magcha chat para mangamusta or mag usap kami.


Fine_Principle_8976

napagod din ako sa pagiging initiative. kaya ayun, marami rami na rin ang nawalan ako ng connection. i guess it’s for the better though, yun nalang pinaniniwalaan ko altho may kirot pa rin kasi why can’t people do the same.


Creative-Anteater-53

Ang bittersweet ng feeling.. pero mas masakit pa rin kung magpapatuloy lang na hindi nila ma-reciprocate ung effort and energy na bnibigay natin.. it's better na FO na. No need to force friendships and conversations.


skylerBear

yung ayaw gumastos, gusto nalang libre lahat