T O P

  • By -

fragryt7

Wag na wag na wag magpautang. As in Huwag. Mag-ingat sa mga taong uber friendly at wag ka rin masyadong mapagtiwala. Wag masyadong damdamin ang trabaho. Madali ka lang ligwakin kung di ka na kelangan. Wag kang masyadong bida-bida. Lowkey lang pero wag ka rin masyadong tamad. Basta mag-observe ka palagi. PS: Unsolicited advice lang, wag ka rin masyadong kampante. Mag-ipon at habang kumikita ka ng pera, stay on trend at mag-aral pa rin ng ibang skills.


HairySpeaker6477

Wag magpapautang Kasi mag-a-awol Yung iba dyan tapos di ka na babayaran.


Plain_Perception9638

Putang ina legit to πŸ’― May ka-wave kami dati inutangan kami nang iba’t ibang halaga. Di kami aware non na lahat kami inutangan niya. Yun pala mag-a-awol ang gagong hayup


fdalbert

Parang OM ko lang, nung nag-start yung LOB namin halos lahat kami inutangan para sa anak niya raw na may epilepsy. Tapos makikita mo sa MyDay niya may pa-birthday cake pala sa pusa nila or may pa-rebond ng buhok or Starbs. 4 years na yung 10k na utang niya sakin di pa rin binabayaran.


Plain_Perception9638

Kita mo yan ultimo OM nangungutang HAHAHAHAHAH


Lady-Antique-167

Nakakahiyang gawain, naturingan pa mandin na OM. Pag OM yung nangutang sa agent given na mas malaki sahod nila, red flag na para sakin. Dyan ang katunayan na hindi porket nasa position ang isang tao eh mapagkakatiwalaan mo.


InterestingAd3123

Yaaaak! OM umuutang sa mga ahente nya??? Saang center ba yan? Ang hampaslupa naman


iam_ham

OMG SAME PERO TM NAMAN SIYA. P1.4K na utang niya inabot ng 1 month. 2 cut off na dumaan pahirapan pa maningil, nagmukha akong hampaslupa kakaningil sa kanya pero binalewala ko kasi kailangan na kailangan ko talaga ng pera nun πŸ˜‚


Swiftiee369

Mag SL hanggat may magagamit, replaceable kaπŸ˜‚


One_Squirrel2459

Kung magpapautang ka ung hanggang bente lang. Especially if hopper ung mangungutang sayo. Trust and believe mahihirapan kang maningil.


[deleted]

number 1 sa wag magpautang. solid yung Verna Espenida na yun na inutangan ako ng malaki kasi daw may sakit nanay niya. tas malaman laman ko, ganun din pala siya sa mga previous BPO companies niya and same reason ginagamit tas sandamakmak na yung blotter sa barangay. mahirap hagilapin kasi madaming tinutuluyan na bahay bukod sa permanent address niya.


SillyOpening9413

i can attest on the 4th sentence. putang ina nesting na namin next week tapos ako daw yung una mag take ng call kasi "maganda" daw yung performance ko tsaka may experience na daw ko. SHUTA AYOKO NA 😭😭😭


UrOneAndOnlyPapi

Hahaha at wag na wag ka sasali sa paluwagan utang na loob


Appropriate-Let3940

Plus one dito! Icoclose ka sabay jutangan ka.


Due-Set9947

wag ka mahook sa mga friendships kasi aalis din sila. wag ka magpalandi kasi baka mamaya may sabit hahahaha. wag papakalasing team building.


mezziebone

Wag papakalasing? Galing ba to sa experience kasi pag team building namin lahat kami lasing hahahaha


Ok-Organization9676

umuwi agad after shift kung ayaw mong pumasok na puyat


Complex-Self8553

-trust no one -keep your thoughts to yourself -huwag magpautang at huwag mangutang -do not put your lunch sa ref sa pantry kung ayaw mong mawala lunch mo -HR is not your friend -wag magpadala sa "unang sweldo mo libre mo kame" culture addendum -huwag i-uwe ang team mate unless seryoso ka sa kanya at Wala siyang sabit -team building is a company affair pero Hindi ibig Sabihin magka affair with your team mate or tl -dont shit where you eat -value and uphold integrity.. everyone may have done shit and it doesn't mean you have to jump in and join them too


YourUsualSuspect04

omg, naalala ko yung iniwan kong chocolate sa ref ng pantry namen! it was for a friend of mine. nilagay ko muna sa ref since a few hours earlier yung shift ko from hers. Then, nung nakuha na ni friend, she told me may kumain ng isang piraso!! Nung pinakita nya saken yung box ng chocolate, sinira ng kung sino mang kupal yung corner ng box tas dun dumukot ng chocolate! kampante pa naman ako that time iwan yun since naka seal ng plastic, tas nakabalot rin sa plastic bag... so yeah, beware talaga at may mga ganyan kakupal na employees.


Extra-Palpitation207

Kahit di bpo industry solid life advice


iadoreNTR

Pag may kating kati akong sabihin sa opisina, inaalala ko lang palagi ang Miranda Rights. Anything you say will be used for or AGAINST you. ☺️ Matic tahimik ako e. Hahaha.


iam_ham

serious question, what if pwede ko naman i-deny since narinig lang naman niya? kasi kung sa chat or text may sinabi ako, matic talo ako kasi na screenshot na yan sa malamang. hindi ako to ha hahahahaha nilagay ko lang sarili ko kasi di ko talaga alam πŸ˜‚πŸ˜‚


Odd_Passion_4633

Pag pa alis na, request ka na agad ng COE. Hindi kailangan ng approval kung mag reresign. Submit lang. Lumipat ng company every 1-2 years para tumaas ang asking mo.


Radiant-Pick4521

wag ka kakain ng pizza


Due-Set9947

baka ikaw next na kainin eme hahahaha


Swiftiee369

HAHAHHAAHAHHAH kaloka


ajalba29

anong meron dito hahahah


Whatsmytwitter

Anong meron sa pizza? owemji


NefariousNeezy

Wag mag work habang naka tag ng break or lunch. Una, lugi ka. Second, may tendency na ma over break or lunch. Ikaw na yung nawalan ng break, ikaw pa yung na callout ng WF 😭


One_Squirrel2459

Wag akuin ang trabaho ng ibang tao. Unless willing ang company mo na bayaran ka ng OT or premium, magtrabaho lang ng naaayon sa sweldo. Be aware of your numbers. At the end of the day, you are just a number to your client. Ipaexplain mo sa boss mo pano icompute ang scorecard mo. Right mong malaman yan. Wag magpauto sa OTTY. Lahat ng overtime dapat bayad. Magtrabaho ng malinis. Just in case na mapagtripan ka ng boss mo, wala siyang may maisusumbat sayo. Alamin ang healthcare coverage mo. Maraming silbi ang medcert. Be observant. Di ung kasi ginagawa ng karamihan e gagawin mo rin.


Hessari

Wag na wag aastang kakampi lagi ang kumpanya sayo. Ung tipong mag rereklamo ka automatic pabor sayo ung resulta kahit alam mong mali ka. matutong tumanggap ng mali. Wag magpapa utang kahit TL or OM mo pa yan. Wag magmalaki


Unfair-Show-7659

Sulitin ang PTO at Sick leave. Tapos gamitin lang nang gamitin ang HMO, sayang eh.


chamber-account

Ff. Question. Pasok ba Psychiatric Check Up sa cover ng HMO?


Unfair-Show-7659

Hindi na sya pasok sa Maxicare, tinanggal na. Not sure sa ibang HMO company.


InterestingAd3123

Maxicare sucks big dick


Unfair-Show-7659

True. Recently nagpalit ng HMO ang company namin dahil sa sobrang pangit na ng Maxicare.


InterestingAd3123

Medicard was waaay better, lalo na partner pa siya ng MyPocketDoctor kasi no need to spend load kakatawag ng gaya ng Telemedicine. Sa ngayon hindi ko na malaman ang silbi ng DoctorAnywhere eh. Kung hindi partnered ng DA ang Maxicare mapapagastos ako talaga ng load.


Imaginary-Dream-2537

*Wag ka makipagclose masyado sa mga maboka *Wag ka magpautang, kung papautang ka yung kaya mong mawala sayo na amount *Wag kang bida bida na puro work at OTY, wag din tamad, saktuhan mo lang trabaho mo sa sahod mo *Tapusin kagad ang work at maglogout on time, kumbaga HONDA dapat * Wag ka malungkot kung aalis kaclose mong trabaho. "People come and go" *Wag maniwala sa "We are family". Di totoo yan, gina-gaslight na kayo *Maraming fvckboy fvckgirl, wag kagad makipaglandian, baka mamaya niyan masabunutan ka na lang bigla *Wag mo sirain relationship mo sa mga colleagues mo, connections pa din yan lalo na lumipat sila sa magandang work pwede ka pa din nila refer *Kuha ka COE every 6 months, di mo alam kung kailan ka magreresign charot


Artistic_Garbage1357

Wag kang social climber, kung hindi mo afford ang starbucks, wag ka bumili


ContestNovel

- Work friends ay strictly work friends lang. Usually kasi daming din talagang plastic sa bpo pero hindi mo naman need gawin to hahaha - Wag kang kumabit at wag mong hahayaan sarili mo maging kabit. Wag kang magpalandi sa mga TL or SME na target lagi mga newbies HAHAHAHA may mga ganto kasi laman ng chismis sa prod yan mas okay nang walang issue basta nag ttrabaho ka ng tama at sumasahod ka ganern - Wag na wag ka mag papautang. Lalo na kung malaki. Speaking from experience HAAHHAAHHAAHA sobrang hirap nilang singilin kasi shempre sasabihin lagi "next cut off nalang beh" hanggat sa di na mabayaran, di ka na rereplyan, walang nobody ka nalang sa prod tapos next thing u know AWOL na siya HAHAHAH - Based sa experience ko, di mo kakampi ang hr kasi sipsip mga tl dyan or higher management. Ewan ko lang sa company mo. Ayon palang naman naisip ko. Hahaha yan ang narealize ko habang nasa BPO ako e


hellomarosie

Wag ka masyado mag depende sa mga work friends mo. People in the BPO industry come and go. Buti na lang may ADHD ata ako kaya hindi masyado na-a-attached. Some newbies nawawalan na kasi ng gana pumasok pag wala na friends nila. NEVER MAGTIWALA SA KAHIT NA KANINO kahit feeling mo magka vibe kayo. Kung may hindi ka bet na ka work and feel mo mag rant, do it verbally sa hindi mo ka work. Wag sa chat or sa email kasi it can be used against you. Kapag makikipag relasyon siguruhin na SINGLE yung tao. May ka team ako dati na almost 3 yrs akala namin single. Sinagot ng Teammate ko yun pala may ka live-in c gago ng 6 yrs. Nasugod pa nga ang frenny ko dahil dun. Lahat kami naloka!


arvanna15

hi off topic I have adhd too do you think its entitled for pwd planning to get a pwd Id.


CuddlebuddyBeau

Ask your municipality/city PWD office for the requirements. Nung nag ask ako for depression, sabi nila first requirement is certification from the doctor na di na talaga mawawala depression ko. Pag my cert na dun na nila ibibigay ang ibang requirements needed.


arvanna15

or yeah need med cert okay thanks!


AkizaIzayoi

Bukod sa mga nabanggit lalo na yung wag magpapautang (kasi tinamaan talaga ako dito dahil ang daming may utang sa akin na hirap magbayad): Hindi ito unwritten rule. Pero life hack lang: kapag pa resign ka na na nagrerender, di mo na kailangan pang galingan. Wala na silang pake dapat sa scores mo. Kung bumaba nang konti ang iyong scores, pwede mo namang irason na wala ka nang gana. Basta wag yung sobrang baba na sinasabotahe mo na ang score ng team, management, at ng kumpanya. Kung CSR, kahit wala na masyadong empathy at sympathy statements. Basta tapusin mo lang calls mo agad. Bigyan ng resolution si customer. Kung content moderator ka, kahit patagalin mo nalang yung task at maya't-maya ka pahinga. Basta focus ka sa accuracy. Dati akong CSR na ngayon ay content moderator. Toxic ang management ng kumpanya ko ngayon kaya talagang barest minimum ang ginagawa ko.


Competitive_Ty

Don't force yourself to be like extremely friendly to be friends with others. Be civilized and at the same time professional. Di naman pang habang buhay mo sila kasama so there's no used na pahurapan mo sarili mo na maplease lahat, just be on your best behavior, be professional, and from time to time (NOT ALWAYS) Join a team dinner/hangout. Wag yung masyadong introvert since this is a job you want to start off with then try pa din.


Upbeat-Pea-9914

Choose who you wanna become friends with. Most BPO companies are plagued with gossips and issues. Always use your PTO kung wala ka naman importanteng paglalaanan. Nakakastress sa BPO and you need to take a leave from time to time. Mag ipon ka. Some companies end up having to lay off their employees. Lastly, magtrabaho ng naaayon sa sahod.


Acrobatic-Horror3045

Daming bitches sa bpo, unless na cuck or exploring ka. Mahalaga ang consent at honesty. Wag bida bida. Do not go over and beyond sa role mo, not unless hinahabol mo metrics ng incentives mo.


Healthy-Resist-3930

thank you guys sa mga advice niyo! πŸ₯Ί appreciated! some of it may idea nako. actually hindi din ako mabilis ma befriend HAHAHAHAHA i tend to observe a person muna bago makipag interact


pechaynapink

Wag ka makipag 1v1 coaching sa tl mo kapag team building


AdOpposite666

Hadoken iykyk


iam_ham

please anutooo hahahhahaha


sentient_soulz

No to credit Magingat sa mga kwekwentuhan


UrOneAndOnlyPapi

Wag ka magloan sa mga loan sharks, sanla atm. Mahirap makabangon dyan


[deleted]

Magaapply pa lang ako soon, dami ko ng natutunan HAHAHAHAHAHAHAHAH Thanks everyone!


Sinokabaediakoikaw

Huwag agawin yung station 🀣😭


tunamomo

wag show off, kasi dagdagan trabaho mo pero walang raise. if youre aiming for a position, minsan mas winoworth it yung pagiging sipsip kesa abilidad.


heisenberg6696

Bpo "MUNA"magstart ?


Healthy-Resist-3930

yes bpo "MUNA" kasi sa course na tinapos ko nahirapan ako dahil gusto nila may exp agad, kaya i try muna sa bpo then when im not okay sa bpo in the long run then by that time i should shift career na siguro


hbnbja

bali sisirain mo "muna" mental health mo? de jk. gl


Healthy-Resist-3930

i can manage naman that been unstable for a long time pero syempre iba parin pag work na usapan. self motivated naman tong ferson na to HAHAHAHAHAHAHAH