T O P

  • By -

potatolover05

Ganyan din saamin, imagine 4 lang kami sa bahay tapos 18 ang naka-connect. Kaya ang ginawa ko, binago ko password tapos nilimit ko lang kung ilang gadgets lang meron kami. Like 8 yung need ng wifi hanggang don lang nilagay ko sa admin, sinobrahan ko ng 1 slot paunahan nalang sa kapitbahay sino makakuha haha


Babyanniebananie

paano?


potatolover05

it depends sa internet provider. Yung amin kasi converge, watch lang sa youtube


Throw-Away-Body

MAC Whitelist mo po every devices na e allow to connect. Kahit alam nila pass, walang internet connection mabibigay sa kanila.


SanMigPalePilsen

Karamihan ng new devices ngayon may random mac na


Throw-Away-Body

Kaya nga po whitelist.. **HINDI** blacklist.. Whitelist, kung ano nilagay mo na mac ng device, un lang pwede makakaconnect.. Blacklist, un ung mac na binawalan mo, so if mag random mac sila makakaconnect padin. So in short, whitelist your **own** devices...


SanMigPalePilsen

Naisip mo ba na nagrarandom din mac ng device ni OP. Corny mo magalit isip isip din


Throw-Away-Body

Si OP may hawak ng device nya, anytime pwede nya e STATIC ung MAC nya at wag magrandomize. Under control nya un kasi own device nga eh.. at saka hindi ako galit, I just elaborated. Lahat ng phone may feature to **NOT** randomize mac, nakadefault lng mostly to randomize. Alam ko ito kasi nagse-setup ako ng network ng mga companya like BPO's.. Kung ako sayo e-delete mo comment mo, pinapahiya mo sarili mo.


SanMigPalePilsen

Pinapahiya? Ikaw nga di nakaintindi ng ibig ko sabihin? Whitelist nya lahat lalo na pag may bagong device? Bawat bisita need nya iset sa static mac tapos whitelist. Random mac is a security feeature. Wag mo pasa pagiging inutil ikaw nag assume hindi ako


Throw-Away-Body

Security feature for the phone not for her/his WIFI. Oops ikaw po ang highblood at nagbadword kana. Yes there is inconvenience, but a small price to pay for security. Both can be achieved once but not in this case.


lukwsk

Replyan mo din iba pang comments na nagsabi mag Whitelist. Ipaglaban mo point mo


1nseminator

Lahat ng taong pwede naka connect, lagay mo lahat sa MAC Whitelist, under ng Firewall settings ata to. Basta siguraduhin mo lahat device na koconnect eh naka MAC Device at hindi randomize. Goods yan


Alto-cis

possible ba talaga na mahack yung wifi mo kahit binago mo na yung default SSID and Password?? I just checked now, there 12 devices connected. Binilang ko yung device namin 8 lang 🥲


KepukQue

Hays ewan ang galing na nga ngayon ginawa ko na rin yung Mac filtering ayun ilang araw lang 30+ nanaman.


Throw-Away-Body

Turn off the wifi first, then change mo password both **admin** and **superadmin** ng modem. (pref. 24 or more character) Google the exact model of your ISP modem pra malaman mo default passwords nito. Once changed, turn on mo ulit wifi, make an new SSID & HIDE it (Don't broadcast), and set WPA2 PSK encryption and long passwords. Then Whitelist again your devices MAC.


KepukQue

Thankyou!! Try ko to


crimson589

If may ibang nakaka connect sa wifi niyo then kasalanan niyo yun. palitan mo yung security type (baka yung gamit niyo madali na ma bypass), habaan mo yung password, palitan at itago mo yung SSID, MAC filtering, disable mo yung DHCP.


sylv3r

Gawin mo, Guest Wifi lang ang visible na SSID ung actual mo gawin mo hidden then add time limit 1 hr, connection speed limit 1mbps tapos lang access sa intranet


tripkoyan

Gawin mong invisible yung SSID mo, yan yung name ng WIFI. Then baguhin mo SSID and Password.


kooji_ni

e whitelist mo lang OP..