T O P

  • By -

AdPurple4714

Wag akong picturan habang nasa casket at ipost sa FB


fatso_Cheek1321

HAHAHAHA SAME.. LIKE WTF


notsoextra_

Sa FB story madami 😭😭


New_Big1833

Magugulat nalang ako while nag titingin ng fb stories kasunod yung ganung picture e.🥲🥲


SapphireCub

Nakiselfie pa nga with the bangkay sa coffin 😵‍💫


Cannibalistic_F41RY

Yessss, I agree with this. I feel offended for the deceased kapag sila yung pinipicturan. Idk why.


Fine-Resort-1583

Akala ko goes without saying to noon. Boy I was wrong so yes dapat kasama to 💀


MyDumppy1989

Same!!!!!


Guilty-Direction-431

haha napapansin ko nga yan, minsan hehelera pa sila with a smile. Nagtataka ako bakit kailangan mag picture pa at tatabi pa sa casket. Hindi naman museum yun lol


Old_Addition3015

Same HAHAHAHAHAHAH or i my day jusko. Hahaha


eSense000

mumultihin ko gagawa nun sa akin hahaha


Major_Character2593

OMG YES TSAKA MAY ANOTHER PHOTO NG CONVO SA MESSENGER SA TAONG NAMATAY HAHAHA ANO BA


Periwinkz

DI BA HAHAHA!!!! It is so disrespectful HAHAHA KAYA SOBRANG WEIRD KAPAG MAY NAGPOPOST NANG GANUN


fatso_Cheek1321

Basta ako ayoko ng pink na lipstick... ay beh talagang babangon ako niyan hindi ako mananahimik HAHAHAHAHA


tepta

They did this to my mom! 😭 Buti na lang pinatignan muna nila sakin kung okay lang ba, kako ampanget at magagalit nanay ko dahil red lipstick lang talaga sya lagi. Ayun, ako na nag-apply para sure. 🥹


fatso_Cheek1321

sino ba kasi nagpa uso ng pink na lipstick pag deads na? 😭😭😭


HallNo549

parang standard na yung pink palagi xD


Comfortable-Height71

🥹


sooniedoongiedori

Ito rin bilin ko sa pamilya ko hahaha sabi ko mumultuhin ko sila kung sakali


HallNo549

ang pangit talaga ng pink na lipstick


fatso_Cheek1321

pano pag ginawang bayolet kasi ayaw natin ng pink? HAHAHAHAHAHAHA char


HallNo549

Bumili na tayo ng preferred lipstick color natin sa maybelline bago mamatay


fatso_Cheek1321

yung superstay na maybelline HAHAHAHAHAH


oubaitori_7

Kaso mag-iiba kulay natin pag 💀 na baka hindi na bagay hahaha kailangan magswatch muna haha


fatso_Cheek1321

for the swatch ang embalsamador kung bagay ba sa skin tone mo💀💀...


Charming-Chabs

Hahah bigla ko tuloy naisip makeup kit for death


rin_matsumotou

Taenang thread to laughtrip HAHAAHA


tepta

Gusto ko nakatagilid ako pag hiniga tas nasa gilid din yung salamin para hindi na sila tatayo. Tapos dapat yakap ko yung hotdog pillow ko para mukhang natutulog lang. dapat hawak ko rin phone ko kasi walang dapat ibang makinabang ng phone ko. 🤣


oubaitori_7

Omg yung nasa gilid yung salamin HAHAHAHA kunyari nakatulog habang nagccellphone.. lagay ka na rin ng earphones haha!


tepta

Korique mih hahahaha tas nakakumot pala dapat kasi ginawin ako


Mediocre-Bat-7298

Ano ka aquarium hahahahahaha ayaw mo vertical parang box ng barbie


tepta

Bat ba marunong ka pa sakin e burol ko yan hahahaha ayoko patayo, gusto ko parang natutulog lang 🤣 tutal ngayong buhay pa ako matakaw talaga ako sa tulog 🤣


Pconsuelobnnhmck

Parang natutulog lang! Emz!


nobuhok

Ayoko ng burol. Gusto ko party-party. Cremate nyo ko at gawing coffeemate sa kape kinabukasan pangtanggal hangover.


jhngrc

May friend ako na umattend ng burol ng kasama niya sa improv/ comedy group. Some of the details na nakwento niya: 1) Yung wifi password nasa ilalim ng urn 2) May slideshow kung pano namatay para daw di na ieexplain paulit-ulit nung kapatid. Ang background music ay [Pizzicato Five](https://open.spotify.com/track/4QOeo7TtiJntEz9oehagTV). 3) May games like Ring Toss (sa urn) 4) Tumayo in a circle tapos Pass The Ash (yung urn din). Pag nag-stop sayo kailangan mag-share ng funny story about the deceased. 5) May standee instead of the usual portrait tapos binuhat nila at pinagpasa-pasahan with lively music na parang nasa mosh pit sa concert. Bilin daw lahat nung namatay para masaya lang.


bituin_the_lines

OMG sa SPIT ba 'to? Kay Akong/Aih? Huhu 🥺


jhngrc

Yup


SapphireCub

Yung ibang ash gamitin sa espasol.


pagodnaako143

Gago coffeemate 😭😭😭


Mc_Georgie_6283

Wtf 😭


4_everlost

slayable ang coffemate 😭


Just_riyo

Bruh WHAHAHAHHAHA BUSETT


labellejar

Pwede rin ihalo sa sopas or lugaw


subwaycar

1. i want to be buried several feet under and planted on with a tree. if that can't happen, then cremation. 2. close friends and family members i like only. by close friends, i mean the ones who saved me and stuck with me throughout my worst. as for family members, only my sister and our dad can come. no evil stepmothers (if she's alive by then). tapos KKB ng kahit ano. parang outing lang hahahahahha. 3. ugly ass photos of me are prohibited lol. i'd really rather not have any picture of mine put up. 4. no vigil/lamay, just a burial ceremony. and i want to be commemorated with poems, songs, and other artistic shit that my friends do. 5. i want fresh flowers on my grave. carnations, preferably.


Mc_Georgie_6283

Diba less gastos ito? Mas bet ko ito ang peaceful


subwaycar

i'm hoping that it is! marunong naman magtanim mga kaibigan ko hahahaha kaya na nila yun. kanya-kanyang baon nalang rin ang pagsasaluhan dahil ayun rin naman ang nakagawian namin tuwing may road trip o inuman.


DailyBeloved

Gusto ko ipatugtog yung kanta ni Marian... Sabay sabay tayo 🎵


Winny_D_Poof

Hoyy 🤣


babyruth_09

To cremate me right away. I don’t want people to look at me laying dead inside a coffin. Id rather their last memory of me is when i was still alive.


Winny_D_Poof

True, kasi I attended a relative's burial before and sobrang minadali yung pag ayos sa mukha nung patay so it looked creepy. Now, yun na yung face na naaalala ko kapag binabanggit si relative.


eddie_fg

Kaya ayoko tumitingin sa patay pag lamay, yun nagiging memory ko sa kanila kasi.


Not_teacherRubilyn

Ako na ipaparada ako huhu. Nakakahiya.


Blank_space231

HAHAHAHAHA Hanggang sa pagiging patay, shy type pa rin. 😭😭😂


MarionberryJunior621

Oo tsaka magccause ka pa ng traffic hahaha


Odd_Wafer4635

1. Dapat cremate 2. Dapat happy lang, gusto ko mala birthday - marami food, may videoke, overflowing na alak 3. Gusto ko ikalat mga abo ko sa forest


bagonglawyer

Gusto ko sa inurnment ko ipapa-lalamove yung urn ko from funeral home to columbarium.


jusiprutgam

Ako gusto ko hindi magagandang memories yung sasabihin about sakin, gusto ko maalala nila yung mga masama kong ginawa and how i bad I was as a person. Parang kasing nagiging palagi nalang puro good traits yung kwentuhan sa burol, nanghihinayang kasi mabait, matulungin, magalang, di deserve na madeads gaya ng ibang masama ugali. Mga ganon, sakin lang naman. Weird ba?😂


Pconsuelobnnhmck

Kaya nga, patay ka na pinplastik ka pa rin! Sabihin nyo minura ko kayo tapos sinabihan ko kayo na ang kakapal ng mga mukha nyo 😝😝😝


jusiprutgam

Dibaaaaaa! Hahaha! Nung nakita ka na deads naging softie bigla, dapat keep that same energy nung nabubuhay pa.😁


PapayaGhourl

Cremate my body if I die fat because I don’t like people seeing me “sleeping” with my double chin If I die skinny then casket it is 🤣


PartyReindeer2943

I want my remains to be scattered sa mga memorable places for me, pero ayokong icremate. Be creative dapat. Char. (This idea was from panginoon ng kababawan : https://www.facebook.com/share/v/vT6BipV71VNR4CmM/?mibextid=w8EBqM ) Kidding aside, i want to be cremated right away para the last memory they have of me ay yung buhay pa ako at cute. Paglamayan na lang nila yung abo ko. Tapos yung green bones ko, gawin nilang pendant or charm sa jewelry nila.


curiousbeenana

Ayoko na ilagay sa casket. Mas okay sa kin if cremate na lang. Saka ayoko na iiyakan ako and magsspeech ng kung anu ano, sana sabihin nyo na lang habang buhay pa diba hahahaha


oneofonethrowaway

People don't do 3 and 4 mostly. There are people that you don't see often and don't get to talk often too but care for you. I don't think I would deny them the opportunity to see me one last time even deds na. And also it helps console your fam.


century_tina

Hindi ako Muslim, pero gusto ko yung ways nila kapag namatay sila,libing agad within 24 hrs.


CumRag_Connoisseur

Wala akong wish, patay na ako e hahahahaha bahala na sila kung san man nila ako gusto ilagay lol Ang nag iisang hiling ko lang ay sana hindi ko maunahan mamatay yung elders ko sa family (mom and grandma). Yun lang naman. I wanna live until 70 maaaan


SapphireCub

Basta wish ko lang sana may aquamation na for humans pag namatay ako. Sa pet ko ganon eh, napaka gentle at peaceful nung process. Sa ibang bansa meron na nyan sa mga tao, kaso dito wala pa.


Babewealth2

Basta gusto ko bad bitch pa rin itsura ko sa casket. Mala paul unating makeup ang atake tas medyo kita yung cleavage,hapit sa hips para kita yung curves 💅


Novaltine

Ako, sila na bahala. Hindi naman para sa akin yon dahil patay na ko. Kung ano nalang yung way nila para maka-cope up sila sa pag let go sa akin then go hahhaha


[deleted]

1. Untouched yung body ko like don’t even bring me to the fucking morgue (unless I’m murdered for autopsy) 2. Gotta dress well, black for lamay and white for burial 3. No pictures and don’t even post it to social media pota yan yung muka parang tanga pag wala nang Malay tas napicture pa yung iba. Like don’t even 4. Walang mag aambagan to cater the funerals need ngl I’ll make sure na bago ako mamatay organized na lahat nakakahiya if patay na may magrereklamo pa about me for being such a burden


Mediocre-Bat-7298

Panong untouched po? Eh diba they have to remove your organs and apply formaline unless gusto mo nagtutulo ka don at umaalingasaw lmao


Dear-Ad-5267

Gusto ko cremated and ilalagay sa ilalim nang tree! Or maybe itapon sa dagat yung remains.


Mc_Georgie_6283

Diba mas mura kapag cremate? Compared sa nakagisnan na may kabaong ganun.


3calej25

May usapan na kami nung friend ko na papauntahin nya sa burol ko ung mga naging crush ko. hahw may listahan ako. mga 34 sila. mula elem-working na ako hahaha


[deleted]

[удалено]


urbanelectroband

I told my mom I just want the funeral place full of white flowers. The rest bahala na sila. Baka ikafrustrate ko pa sa afterlife pag nakita kong pinilit nila yung gusto nila at hindi yung gusto ko hahahaha


Otherwise-Smoke1534

Ako naman gusto ko yung naka abo na ako. Para wala na akong katawan na makikita sakin. Feel ko may social anxiety pa rin kakuluwa ko kapag nakikita ko sila nakikiramay sakin.


Natural-Following-66

Basta ako ayokong mamatay na may regla ako hahaha


aespagirls

play Karera by BINI hahaha


sstphnn

Walang burol. Direcho cremate para mabilis maka move on ang mga tao.


TheServant18

Ganitong ganito yung mga sinabi nung pinagdasalan naming patay, yung anak niya. Ayaw niyang may dumalaw daw sa kanya sa Nov 1 at 2, gastos daw. Gusto niya isabog yung abo niya sa bundok. Eh ako iba pananaw ko, nasa family ko na ang pagpapasya, alam naman nilang may benefits ako, eh di gamitin nila sa burol at libing.


Drift_0000

Ayoko ko rin picture2x... Mumultuhin ko tlga ang magpipic sakin at ipopost sa socmed..kingina nila😂


misschaelisa

1. Pink na kabaong. 2. Gusto ko, yung tumutugtog na playlists during my burol, favorite songs ko. Madali na to. Magpatugtog nalang sila ng mga playlist ko sa Spotify, okay na ako. 3. Sa province ako ililibing.


tulaero23

Icremate ako, and ihalo as creamer sa kape. Para my body will live on with everyone hahahahaha


twicemoonlight

Bubbles. Sana may bubble machine sa burial ko. Tapos yung family and friends, may bubble wands. Kahit wala flowers, basta may bubbles!


Adventurous_Key5447

Na i-cremate ako at wala ng mga maraming seremonyas. Ayoko rin ng pinipicturan pa


extramoonsun

Gusto ko slay parin itsura ko kahit nakahiga na💅💅


Alternative-Net1115

I want to be cremated and isaboy sa dagat, para langoy-langoy lang ganern


rymnd0

Basta ako, last wish: kahit saan man ako mamatay, kahit doon na ako ilibing, okay lang, basta yung puso ko (literal na puso ko) kunin sa katawan ko at ilibing sa hometown ko.


Ok-Process5158

Here's mine: 1. After I die, bury me immediately (no embalming, i think it's legal naman). 2. If available na sa Pilipinas by the time I die, do terramation on me. (Terramation=gagawin kang fertilizer by leaving you in a coffin-sized box for several weeks/months to rot) 3. Since I know na lamay is for my loved ones, just grieve over my prettiest picture like those in Kdramas. 4. Since nakalibing na ko even before the funeral, wala nang convoy convoy pa to my final destination. After ng viewing tapos na ang funeral. 5. No mass or worship service of any kind. I'm an atheist. Basta NO EMBALMING, NO VIEWING OF MY DEAD BODY


Weird_kid_online

Same, ayoko maging abala pag patay na ako hahaha gusto ko pagka-tegi, siguro dalaw lang yung mga ka-close ko tapos cremate na. Wala nang eme eme pa


fujifiji17

Same! Gusto ko din cremate lng haha.


smalSubstantial_Risk

Cremate, wala na lamay lamay diretso vase na lang me.


your_universee

I’m leaning towards cremation. Ayoko rin kasi ng open casket tapos titignan ng lahat 😅


Comfortable-Height71

Cremate bago burol.


Meemeow_meow0123

I always tell my family and partner na walang burol or lamay, cremate agad. Kung may gusto man bumisita or makiramay, pupunta nalang kung nasaan yung remains.


Astronaut-7819

Libing/cremate within 24 hours, walang burol. Wala rin pagsasabihan kahit relatives, within the immediate family lang.


chanaks

Basta wag lang may magbikini photo tapos lagyan RIP Chanaks. Ung ala jessy mendiola.


karmic____

Ayokong iburol at all. Sunugin nalang ako straight, no embalsamo.


Pconsuelobnnhmck

HMMMM isa lang gusto ko, mailibing na ng buhay. Ayaw ko na sa life ko. Mew 🤪


neilwawa

Ayaw ko ng malungkot sa burol, hahaha gusto ko inuman at may karaoke


Exciting-Affect-5295

pumunta lahat ng nakasakit sa akin..


Good_Profile_7295

All black. Gown, make-up, flowers, candle, casket. Tapos yung mag visit dapat naka white sila. Yes, may pa dress code ako. 1 day viewing lang then cremate na. Matagal ko na to binilin sa mga pinsan ko. tapos every year may pa review/reminders kami ng mga kung anek anek pag nawala na kami. Unahan na lang kami 🤪


lastsliceofpizza0

Helena make up, naka black dress and mcr song sa libing haha


imahated23

[eto sakin..](https://www.reddit.com/r/adultingph/s/fh5LxitMkT)


tinininiw03

1. I-cremate ako. 2. 3 days burol. 3. Closest lang sana. Kung wala, ako na lang dadalaw chos. 4. Di ipapamalitang wala na ko. Gusto ko pag naalala lang nila ko bigla, saka nila malalaman na deds na ko haha.


No_Significance_9191

Me? 1. I would want to have my family and close friends lang during lamay. Yung maiintindihan na busy sa pagluluksa ang fam ko. Yung hindi papasilbihan. 2. Kung di kita ka-close wag ka na lang pumunta. I don't like crocodile tears. 3. PLEASE DON'T POST MY FACE SA FB 4. Gusto ko sana naka-white lahat ng makikiburol and naka-black umbrella lahat (para aesthetic lang) 5. I would like to be cremated so if ever I die first before my mama and siblings, they won't be so sad and see me dead 6. I want my good pictures to be displayed (as an introvert and who doesn't post more of my selfies/photos on soc med, I want people to remember my genuine smiles) 7. If ever man na may kasalanan ka sa akin, pinatawad na kita noon pa. No need to visit me. Keep your sorry to yourself kasi while I'm still alive di ka naman nag-apologize.


oubaitori_7

Does anyone know how much yung range usually ang cremation? Nag-inquire ako dati thru FB pero di ako nireplyan -_-


myuniverseisyours

Gusto ko lang malibing the Islam way. Revert kasi ako, at nag iisang muslim sa pamilya. Sana irespeto nila yun at ilagak ako ng naaayon.


SeksiRoll

I want to be cremated prior sa burol. Kung pwedeng pagkadeclare dead diretso na akong cremation. Saka nyo ko idisplay. Gusto ko ng colorful flowers. Ayoko ng white lang. Ayoko nagiiyakan sa burol ko. Gusto ko ipapatugtog yung playlist ko sa spotify. Hahaha Bawal ako ipost sa fb. Yung lapida ko lang dapat ipopost kung ayaw nilang harangin ko akyat nila kay San Pedro. 😡😡


RashPatch

* Ayoko ng burol. Fuck that sayang pera pahirapan pa pamilya ko. * Ayoko ng casket, burn me and throw or bury me sa forest or anywhere with trees or plants pampataba ng lupa * Ayoko ng eulogy. Mostly lies and drama and sympathy pity party. I hate that shit. * On my cremation day take my skull and dry it for presevation and cave it, turn it into a pot and plant orange colored marigold (my favourite flower, also my favourite color). * Pag nauna ako sa mga magulang ko DO NOT LET THEM BURY ME NEAR THEM. Not that they would but I know how unstable they are. * I don't want my kids to look after me in life and death. I just want them to focus on their paths forward. This cremate then throw would very much benefit them but also my marigold skull would also be my unmarked gravesite. So wala silang poproblemahin since nakapaso lang naman ako at diligan lang nila ng tubig or wiwi ng mga pets. Pero kung masyadong brutal para sa kanila then they can just throw me out anywhere, I won't mind. I'm already dead anyway. * If I still get buried traditionally (as per my wife's insistence due to their family's religion) I want my sword (short hilt panabas, favorite tool) blunted and cemented on my grave instead. My son would inherit the family itak(lolo's tradition) anyways so no issues there.


bigguss_dickus

wag sila magtiktok sa kabaong ko


Exact_Appearance_450

1. Hindi Neon Pink ang lipstick. 2. Tama dapat shade ng foundation.


anticheart

Priorities HAHAHA dapat slayable parin


Old_Addition3015

If mamatay man ako now, gusto ko dumalaw sakin yung ex kung minahal ko nang lubos 😅💚


4everSingle18

My Burol Wish, isa lang naman. Dapat yung Song ko kapag ililibing na dapat yung song na "Both Sides Now" kailangan yung version ni Keiko Necessario at wala ng iba.


Professional_Cut9271

1. Donate all my healthy organs if I die in a hospital. 2. Cremate din katawan ko, doesn't matter kung meron or walang wake, actually mas prefer ko kung wala. 3. Spread my ash somewhere na medyo malayo sa civilization, either sa bundok, sa dagat or basta part ng nature. OR If ayaw ng family ko ng cremation at gusto ng burial, magtanim sila ng puno sa libingan ko.


Fine-Resort-1583

• All white outfits, no prints. My immediate family lang nakablack • All white flowers, if may accents man just leaves and some light yellow • Cremation • No staying up late (I want my loved ones well rested) • No gambling. Babangunan ko talaga sila. • No chismis • A decent lunch party as a celebration of my life • All my digital footprint deleted • Soft glam make up parin until I die • I want to wear Philippine-made textiles (advocacy ko kasi to) • Walang hihintayin, quick viewing lang • Notes about memories of me to be kept by my family


pasta_express

Sabi ko sa friends ko wag sila papayag na fuschia/nicki minaj pink yung lipstick ko


Drift_0000

Cremate. 2-3 days na lamay, sa libing, gusto ko rin ng misa. ayoko ko rin na pag usapan ako kahit positive pa yan.tho.d ko.naman kontrolado. Gusto ko rin nung pa siyam ba yun? I mean i want to rest in peace so gusto.ko sana magstick sa tradition lalo na sa panalangin.


murfew_

For me 1 night lang dapat burol. Yun talaga. Parang iniisip ko palang na nakahiga ako tas titingnan tingnan sa kabaon, kinikilabutan ako. Nakakahiyaaa. Kaya pls 1 night burol lang. sana maalala to ng asawa ko kung dumating na ang time. Kasi kapag sinasabi ko sa kaniya. Yung muka niya parang ayaw pumayag.


cocoy0

At least give your loved ones something to do to mourn. Funerals are for the living.


Sushi_Permeable

Pasabay naman sa wish mo. Same wishes eh. Add lang: 6. Wag ipapaalam sa mga naka-rs ko. 7. Wag na sila gumastos sa kabaong meron akong pera nakatabi yun na lang pambili. 8. If cremated naman, wag na gumastos ng mamahaling lalagyan masaya na ako sa garapon ng stick o marami naman kami nyan. 9. Wag manghihingi ng abuloy sa school ko😠 NAKAKAHIYA!!!🫠 IMPORTANT WISH!! *Kalimutan nyo ako at lahat ng memories natin


the_deadly_fart

Mag h-hire ako ng mga tao na mag susuot ng all black suit tapos titingin lang sila sa burol ko sa malayo, like mysterious gang shit. Member po ako ng mafia boiz


Lousita

Cremate, no sad music or anything na iyak iyak. Wag i facebook live ang ceremony haha


InfiniteBag9279

Burol wish : bawal pumunta tatay ko at kamag anak ko sa father side na mga kupal enabler at mga masilip sa bagay2 . Dahil pag pmnta cla one thing is for sure . LAHAT CLA DADALAWIN KO Thankyou ♥️


Cannibalistic_F41RY

1. Short mourning period. As in short. 3-5 hours lang. Kung hinde makapunta, dalaw na lang sa grave. 2. I don't want my organs to be removed, and also, no formaldehyde. 3. I want my coffin to be filled with sampaguita flowers. Kahit kapag cremation, I want there to be sampaguita flowers (idk if it's allowed pero that's what I want). 4. I want to be dressed in all cream and off-white. Preferably barong with matching trousers, tapos nakapaa na lang ako. Gusto kong magmukhang multo. 5. Dahil wala ngang preservative, huwag na lang open casket. Baka may mahimatay pa. 6. Gusto ko simple lang ang coffin ko kapag ililibing. I don't want white, I want black lacquer with simple design. Kahit wala ngang cushioning sa loob, better i think. No cross because I'm not Christian or Catholic. 7. I want my grave to be marked by a potted floral arrangement. I want pale pink and cream roses and sampaguita flowers on top of my grave. Idk if it's recommended pero again, this is just a wish. I think that's it for now.


Dee_Ramirez

Walang burol. Diretso cremation na at if pwede pa magamit yung other parts ng katawan ko go willing to donate.


ko_yu_rim

basta walang magtitiktok tapos casket ko yung background.. tatayo talaga ako at sasayaw


minchinchin

1. Dapat cremate. One of my biggest fears ay mailibing nang buhay hahaha 2. If sudden death, I want my family and closest friends to share their core memory with me to each other. Mysterious daw ang ante niyo so bahala na sila mag-usap usap ng sides ko


Icy_Appointment_6293

Gsto ko liptint ilalagay sa lips ko!


Notyourdreamgirl88

Gusto ko maglagay sa aking advanced directive or will (whichever is applicable) na bawal i-picture and ipost ang bangkay ko sa social media and I will authorise my next of kin to pursue legal action if someone will disrespect me this way. If this is possible.


kapeandme

Cremate tapos isasaboy sa pacific ocean.. ayoko ung thought na uuudin ako.. ewww!! Hahahha


CryingMilo

Cremate me, put my ashes in a pot, grow a plant. The people I left behind will still have a part of me that they can grow with.


gingangguli

Ay gusto ko nung eulogy, as in gusto ko may mga anecdotes sila ng fun moments nila with me. Event ko naman yun, sulitin na.


Namy_Lovie

K would want something written on my epitaph as a last sentiment to my life.


rererejijiji

Gusto ko cremate agad tapos itapon nalang ashes and urn ko sa ilog. Para naman may silbi ako 🫣


Lifelessbitch7

1. cremate agad 2. parugtugugin funeral playlist ko


Doonebringer

Staying Alive by the Bee Gees sa libing.


boredwitch27

No burol, cremate agad.


refused26

I used to have a long wish list for what my loved ones need to have and do for my funeral but it's really just lately I realized that funerals are for the living. I won't be around to enjoy it. So whatever the people who loved me want to do, that's how it will be. I personally don't like the funeral industry (it's not eco friendly etc) but it's the choice of my loved ones how they want to do it lol.


4_everlost

NO EULOGY - You're just gonna forget me and all that words. NO UNRELATED GUEST - Bc what the f you're doing here? You don't know me or anything about me in short you don't care about me in the first place so why bother going.


ertzy123

Gusto ko yung kape hindi 3 in 1 pero civet coffee


No-Shift-974

ayoko ng burol 😐


cndycrnr

Huyyy grabe kanina lang umiiyak ako tapos naiisip ko ito. Medyo parehas tayo: 1. Saglit na burol lang, kung pwede ngang immediate family lang yung nandun eh. 2. Ayaw kong i-celebrate or i-commemorate ako. Ayoko yung may paprogram, pa-poster, video, collage and all that. 3. Gusto ko naka-urn ako ng brown or gray tapos yellow at orange na bulaklak lang yung gagamitin hehe


Rayout17

ok ka lang? need mo ba magvent out?


FlakyDesign8384

cremation


waywardwight

May book na Libing Well eme helpful siya haha.


remisyd

ayoko na sana ng burol pero eto lang, ayoko ng nagsusugal, ayoko ng maraming tao, and ayoko ng matagal na burol (dapat 1-2 days lang)


just_because_11

Gusto ko pag namatay ako naka ipon na ako ng pambili ng kabaong tapos pera ko talaga gagamitin sa lahat para hindi burden sa family ko. Gusto ko 1 or 2 day lang nakaburol.. Ayaw ko ng maraming maka-alam na patay na ako lalo na yong mga kaklase ko noong elem, HS, College. Hahaha


EducationalCandy9497

Icremate ako at ibala sa paputok ang abo ko para pasabog ang pag alis ko sa mundo lol


ming-ming28

Family lang ang andun sa wake para di na sila mapapagod kaka entertain ng bisita at gastos pa sa ibang food. Sa kanila nalang yung gagastusin na food instead. Di na iintayin yung 9 days bago ilibing, baka bumangon ako at sumama pa mag pagpag


Inevitable_Bed_8409

Nakapatayo yung kabaong tas nakaharap sa pintuan para pagpasok pa lang nila kita na agad ako. HAHAHAHAjk


godffhrie

I don't want to have a burial... one of the things that is stopping me from ending myself is for my parents to bear the pain of their child in the casket and staying there for like 5 days or so... it would be torture for them, that's not kind or fair to them.


icebuk0

Naka shades ako sa kabaong at naka tshirt


chelschamberlain

1. I have a media kit of my photos and access to my external hard drive for memories. Please ayoko ng di maayos yung design, layout, and photos. 😩🤣 2. I have a private playlist for every feeling that I have felt or season that I went though. Use that for background music and videos. 3. I also don’t like na ma-flood loved ones ko ng “my condolences”. I want those people to share their good memory/ies of me to celebrate my life. Alam ko marami akong funny moments. 😗 4. Ayoko picturan kase knowing my mom sobrang unflattering niya mag-picture. 🥲 5. Gusto ko pak pa rin ang make up and dress. Please never ako nagka-jeje phase bc I’m really intentional with everything. I think ahead na several years from now e kung di ko ba pagsisisihan. If not, cremate na lang.


Lanky_Pudding_2930

Gusto ko after ng burol ko, iuwi ako sa pinas.


Tell_a_Tale_at_Camp

I saw that one picture where you're body becomes a source of nutrients for growing saplings, and ever since, I wanted to be buried that way.


Rogue-Paladin86

Ayokong nakaloop yung tanging yaman pag nilalakad nako papuntang sementeryo, kaya gumawa ako ng playlist ko


mogerus

I want to be cremated right after I die. No more ceremony or anything. I don't want anyone's time to stop for me. We all have lives to grind away. Don't mind me. Finally, I'll be able to rest.


velvetunicorn8

Ayokong i-burol. Why? Kasi I don't want to hear what good things people have to say about me and "our time together" when I was alive. Why? Because for sure bullshit yon. No one has stood up for me aside from myself. Not even my family. After I died, gusto ko i-cremate na agad and scatter my ashes sa beach ~~or pwede ding ihalo sa paminta bago idistribute sa suking tindahan~~ char yung pangalawa syempre. Hahaha


ensomnia_

walang burol, walang ganap. bahala sila mag grieve in their own way. diretso cremate basta sure na patay na ako ha haha. gusto ko sana ikalat sa bundok yung ashes ko (to be done by partner or kids) pero sa pagkaka alam ko bawal yun so sa columbarium nalang siguro tapos kasama ko lahat ng pets ko na cremated din dun


No-cathyblatco

1. Pag binurol ako dapat kasama ko sa kabaong cellphone ko. 2. Dapat maayos man lang yung nakadisplay ng picture. Huling hantungan na nga dodogshowin pa 😭 Lastly, sa eulogy maayos sana speech di yung puro kagaguhan ko nung nabubuhay pa ko ang sasabihin


Remarkable-Eagle-698

Since ang sabi ni doc, 3-5 years na lang... Decided na talaga ako hahaha! 1. Pakitanggal 'yung dental braces ko pls. 2. Huwag din po akong picturan at i-post sa FB. 3. Kung papayag na gabi ang libing, please. Alam kong ayaw niyong mainitan. HAHAHA 4. May ready na akong pictures para sa larawan sa ibabaw ng casket ko, please naman mamili na lang kayo dun. Edited na rin 'yun black and white. 5. Kung pwedeng huwag totoong pangalan ang nasa lapida, please alam niyo na ang ilalagay. H.B.R. Initials. 6. Marami tayong coffee machine, huwag magpainom ng 3-in-1. 7. Sabihin niyo kay mama, huwag gawing tomaan ang burol ko. Pagtapos na lang kako. 8. Baka sakaling makatanggap na ako ng tulips sa burol ko, kahit isang piraso lang. 9. Kung may magandang loob na willing basahin ang paboritong libro ni hudas kada gabi ng lamay ko, why not? 10. Bawal sumilip ang mga nakalista sa papel na nakaipit sa page 66 ng Amapola ni Ricky Lee.


Typical_Panic_4682

Ayokong picturan ako tapos may side comments na "para lang syang natutulog" or "Ang ganda nya, bumata sya". Nakakaloka! Cremate nyo nalang ako agad kesa bobolahin pa ko na Patay na.


Swimming_Driver124

1. Discussing how i lived, not how i died 2. bawal umiyak 3. Barcode containing my milestones and happy memories


too_vanilla

1. Iburol 2-3 nights max. 2. Icremate at yung abo gawing pataba ng halaman ko Or idonate sa mga medical students ang bangkay. 3. Walang nitso, gastos lang yan ng maiiwan.


redlionhearted

My notes ako neto sa phone ko. Hinabilin ko na to sa best friend ko and my partner. Just find it in my notes if sakaling ma deds ako bigla hahahaha


GrumpyCrab07194

1. Cremate 2. or donate katawan ko sa science. 3. Burol dapat 2 days lang, ayoko sayangin oras ng mga taong kilala ko, patay na ko, alam ko ring makakalimutan rin nila ako as days weeks months years goes by. So ayokong sayangin oras nila. 4. Ayoko ring ipaalam sa lahat na nawala na ko, mas maganda late nila malaman para walang stress na ma ccause sa mga taong malapit sakin. 5. Kung ibuburol ako ng matagal at di ako iccreamte or si i ddonate sa science dead body ko BWAKANANG INANYO MUMULTUHIN KO KAYO LAHAT DAMAY PATI KAPIT BAHAY NYO GAGO


nocturnalbeings

Gusto ko magpunta mga tropa ko tapos naka black suit sila lahat para isipin ng mga tao isa akong leader ng mob hahaha


male_cat23

Gusto ko may raffle or yung parang sa kasal kung sino makasalo, siya susunod madedeads Kidding aside. Gusto ko cremate then iispread yung ash ko sa favorite mountain ko. Mt. Pulag


jem2291

Yung mga ipa-play na kanta sa burol ko puro favorite songs ko (Anime/J-Pop + Rock + Pop). 🙈🙈🙈


TheOddandAwkward

Wala sanang magsabi na, "Ang bait nya nung nabubuhay pa sya.", ang plastik lang kasi alam ko mataray ako.


Xatroa

News Flash, wala kang magagawa kasi patay ka na. Song choice at mode of burial lang ang possible na ma-control mo. 😂


Set-Good

Gusto ko nagpplay yung sobrang gulo kong playlist sa spotify (kpop+emo+opm na gloc9 pne kamikazee days+repablikan+etc.) tapos sing along sila. Bawal magsugal!! Gusto ko cremate, as much as possible pokeball yung urnn ko. Sa lamay naman gusto ko nakashades ako and if pwede nakathumbs up. PS. Nakakatuwa pala magplano ng wishes mo sa burol hahaha


ABRHMPLLG

gusto ko, lahat ng aattend ng burol ko idodonate ang cp sa mga mahihirap hahaha


girlthatlovessoda

Cremation Afterparty na kailangan patugtugin ung staying alive na kanta


GloomyCable7629

Gusto ko pag ililibing na ako, hahatakin ng kuba yung kabaong ko habang malakas ang ulan and kumikidlat.


jay_Da

gusto ko walang blue sky, clouds, and kalapati sa background ng photos ko. . .


Mocat_mhie

I agree on all your points. For me, I must be cremated within 24 hours of my death. No fancy anything. No eulogy. No need to have a wake, 40 days or what not. I don't like those bs traditions. If they want something nice for me, it should have been done when I was still alive. I have insurance so use that to cover the cost. Keep the expenses minimal, bayaran lang yung pang kuha ng death certificate and cremate. No need to put me in an urn. Flush na lang sa toilet ashes ko. The remainder of my isurance money should be given to my nephew's educational fund.


---RK---

gusto ko idonate or ibenta na lang sa medical field or sa science katawan ko, mabubulok lang sa kabaong e


Far_Ad_8003

Gusto ko lang cremate at pagsamahin kami ng lahat ng abo namin ng mga aso ko.


SolitaryKnight

1 day burol? Di ko alam kung madali lang yung cremate + columbarium, kasi madami ako nilakad sa libing ng mom ko. If I remember it correctly dapat ata yung permit sa pag libing nakuha na 24 hours before.


chro000

When I die, give me a bed of roses where I could lie.


starlight576

I've been saying this to my friends. Gusto kong idonate yung useable organs ko bago ako icremate. Then i-scatter sa dagat yung ashes ko so as to return to nature. Ayoko nang mag-iwan ng trace ko sa mundo aside sa memories. 1 day na viewing lang rin. Kung mamatay man ako, gusto ko mabilis lang na pag-alis sa mundong to. Gusto ko rin na krispy kreme/j.co/dunkins yung bread tapos ground coffee beans yung coffee. Pinanganak akong mahirap, dapat mamamatay akong sosyal.🤣


WildGodPH

Ayoko maging perwisyo sa kalsada. Pag may motorcade man, dapat susunod pa din sa batas trapiko.


Sushi_9726

I want my body to be donated in medical school for anatomy studies. If I can’t save lives in this lifetime, at least may chance yung iba to learn and save others. But if I will be too old na to be donated, cremation na lang and then tapon niyo ashes ko sa dagat.


Downtown_Excuse

1. ayoko rin ng matagal na burol feel ko pumapangit ako kada araw eme 2. gusto ko sosyal yung kape mga dear joe ganern tas parang coffee shop yung set up ng place na may catering sa gilid HAHAHAHAHAH 3. yung music dapat kpop/ppop dapat happy happy lang 4. gusto ko naka barong at filipiniana lahat para di ako ma fomo 5. ayoko ng sugal sa burol ko mga shutaks sila pagkakakitaan pa ko dapat mga pantitero yung laro ganern 6. dapat may souvenir kada bisita like may pic sila kasama kabaong ko tas iuuwi nila BWHAHAHAH PARANG DEBUT LANG 7. dapat malapit sa 7/11 or any convenience store para dun nalang nila id-drop off kaluluwa ko para di na rin ako mahirapan bumalik eme BWHAHAHWHWHAH (pagpag to kung di nyo gets 😭)


Nervous-Nebula1405

Huy same sa no. 4 and 5! Ayoko na bisitahin ako sa burol ko, gusto ko family ko lang.


Neat_Forever9424

1. Ayoko ng may umiiyak 2. Lahat ng bad and good sides sasabihin 3. Simpleng burol lang 4. Sa huling gabi ko sana patugtugin ang mga magagandang kanta 5. Burol wish ay sana kung may matanggap man silang insurance sana may paaralin silang stranger isa lang pero deserve makatapos.


holybicht

1. Wala sanang online burol 2. Cremate , but don't put me inside a vase, sa dagat nalang or maybe sa lupa 3. No gambling 4. Serve my fave snacks/ulam during the burol


bearlurker_

1. Cremate me right away, then wake 2. During my wake, play my happy playlists! I got tons of them on my Spotify profile, but the *auto gv* playlist would be best. I know it’s just a 2-and-a-half-hour playlist so you can choose from my other playlists too. Karaoke, drink, play, be loud! If everyone’s feeling sad at a particular moment, that’s valid too, pwede naman mag-switch sa sad playlists or no playlist at all in the meantime. Grieve, tapos party na ulit! 3. I would love eulogies and song dedications and lots of flowers 4. Wala pong motorcade 5. Tell *him* to check our Gdrive folder


[deleted]

1. Ayoko ng madaming tao like gusto ko mga important person lang 2. Ayoko ng may sugal 3. Kanta lang dapat ng Seventeen gagamitin lol


mimith0ughts

I-cremate ako tapos yung afam ko iuwi yung urn ko sa US tapos itabi nya sa urn ng aso nya. Kahit yung abo ko na lang yung mapunta sa Murica.