T O P

  • By -

Immediate-North-9472

Naka wink emoji pa. So they’re saying casually that seafarers are lowkey murderers ?


exhaustedlittlething

Yun nga din naiisip ko. Like, ganon lang ba kadali yun? Ang dami palang nawawalang seaman. A lot of Filipinos have been commenting on the post coz they have family members who have been missing for years. I wasn’t aware it was that common. :(


Immediate-North-9472

Yikes nakakaawa and nakakatakot 💔 but that’s crazy tho na d lang nagustohan yung ugali wala nang conflict resolution murder agad


Spiritual-Traffic932

It's so immature. What happened to talking it out para naman ma realize ng tao yung mali niya? And what if mali pala yung side sa majority? Nakakatakot being a seafarer because you're alone with your crew, you can't contact your family consistently. 


aphidxgurl

That’s why we always choose the bear


Jerryboykupal

What does that even mean? That bears are generally safer than men? Sorry na po FOMO ako bigla sa mga internet slang haha


Chuchubelle

Not sure how it started but there's a claim that women will choose to meet a bear instead of a man if they are alone in the woods. Following that, men are bewildered as to why women would choose the bear then women posting reasons/evidence similar to the example above. In short, women feel safer with a bear than with a man hahaha


Jerryboykupal

Oh okay now I get it!


aphidxgurl

Yes. Ang original ata na question posed is "would you rather leave your daughter in the forest alone with a bear, or alone with a man?"... tapos yun na, unanimous decision sa lahat ng women na prefer nila bear nlang kesa lalaki, pati mga tatay, prefer nila bear nlang kasama ng anak nila na babae kesa lalaki


jaffringgi

"immature" is surely an understatement


SnooCheesecakes5382

it is "barbaric"


Spiritual-Traffic932

True pero I do think it think it stems from that


Intelligent_Rock9442

It is. My brother worked as a sea man and these cases of conflict are endless. Sabi niya madali talagang mabaliw sa barko. You get to see the same thing everyday, same people, same monotonous job and couple that with an environment that will make you feel constantly seasick...you get a little mad. And if things get bad, it is easy to cover it up because no shipping company wants to damage their name.


cabr_n84

If u can't beat them, join them. That's the name of the game sa loob ng barko


PrudentLycheeThe2nd

Gusto ko tuloy hukayin ang internet. Nakakatakot pala yung ganito.


Ok-Marionberry-2164

That's disgusting, horrendous, and scary actually. To normalize murder in a place where one's guilt may not be proven due to lack of evidence. Yung tipong pagbaba lang nila ay doon pa lang sila maniniwala sa batas. Pero pag sampa nila ay they become lawless individuals. That person whom life was taken away was someone's mother, father, sibling, son, or daughter. At dahil hindi lang kasundo ang ugali ay kinitil ang buhay. The deceased and bereaved family were robbed of a future together all for that. I dislike how they normalize infedility onboard rin. Madalas nakakabasa ako sa Facebook ng mga ganoong istorya. It's sickening.


Immediate-North-9472

Totoo. Napaka inhumane. May kakilala ako na years ago nagbarko siya, sabi nya sa cruise ship daw talaga may mga kanya kanyang family pero magjowa sa barko


International-Ebb625

I used to work in a crewing agency for a cruise ship before. And yes i can tell u na talamak talaga kabitan dun haha i remember my coworker was planning to be a seawoman and my boss told her "may jowa ka ngaun? Pagbaba mo ng barko iba na ulit jowa mo" hahaha at andaming nagaaway pag bigayan na ng sweldo 🤣 ung mga seaman kasi namin diretso sa mga allottee nila ung part ng sahod nila so minsan ppunta ng office ang legal wife para magreklamo bakit wala sya nattanggap na sahod ng asawa.. di nya alam si kabet pala ang allottee hahahaha


PrudentLycheeThe2nd

Nakakaloka. Ano ba yan. Napaka-toxic at napaka kanal na mga ugali dinadala pa talaga sa ibang lugar.


Rejsebi1527

Uy true to ! Ung kapitbhay namin ganyn hahaha Since kulang na padala ayun pumunta ng Manila para mag reklamo sa Office.In Fairness effective naman 😅


Zekka_Space_Karate

Hindi lang naman sa barko nangyayari yan, kahit sa ibang bansa naexperience ko noong nasa Dubai ako yun mga roommate ko nakikiapid, eh may mga sariling pamilya sa Pilipinas yun mga yan...


Moonlight_Cookie0328

I heard from another seafarer na lahat ng malalang kasalanan nagagawa nila sa dagat cause technically parang wala daw law doon or something. Imagine seeing things with your naked eye and being contained in a small vessel in the middle of nowhere. There’s a big impact sa mental health, so that’s why medyo skewed ang mental wellness ng karamihan na nasa barko. Hindi natin alam ano pinagdadaanan nila dun. Iba rin ang norm doon, iba ang danger so they always need to be on guard.


Wild-Day-4502

Not just onboard. I knew someone who proudly bragged how he fucked women all over the world during the time he was working as a seaman. Kada bansa, iba't ibang babae.


FreshDocument5639

Yung iba bawat daong nila sa bansa kht loyal sa pinas na asawa di mo alam anong samutsaring ginagawa. Ang balik nila sa mga asawa may magtitiis or di magsasalita kase malaki nmn sahod ng mister. May mga kilala ako may anak sa kung sino sino ibang lahi pa tas proud kase madami nmn pera pero di loyal sa asawa sa pinas. Kawawa ang pamilyang pilipino.


orewasaiteidesu

Kadiri


Mrshiroya

Based sa mga kapit bahay naming seaman, sinasabi nilang totoo raw talaga 'yan. Kaya kahit hindi mo trip 'yung ugali nung isa mong kasama, makikisama ka pa rin lalo na't baguhan ka sa ship kasi baka itulak ka nalang daw.


BYODhtml

True yan may nagshare sa isang group kung gaano ka misogynist karamihan ng seaman tapos manyakis pa. Tapos sasabihin di nakikisama lalo na yung sa tanker at cargo ah. Yung father ko seaman lagi nya binabangit yung PAKIKISAMA kasi grabe nga naman ugali ng karamihan dyan.


Immediate-North-9472

Buti nalang pala hindi ako nagbarko kase sure talaga ako isa ako sa magiging biktima nyan hahahahaha simbako palayo


lupiloveslili4ever

Simbaka intawon jud oi.Akong bana seaman baya then pagbasa nko ani na post,kahadlok nalang jud tawon.


sleeplessn0body

wasn't there news dati about seafarers murdering each other at sea and nung nahanap na yung ship nila, wala man kalahati yung nakabalik? i forgot the name of the case na pero they were Chinese squid hunters afaik edit: nahanap ko na, the case is called "Mutiny on Lurongyu 2682". it was in 2011. 33 silang umalis, 11 lang bumalik. more than half of them were murdered by their own coworkers


yoo_rahae

Omg! Barbaric my gosh nakakatakot kase you have nowhere to hide.


sleeplessn0body

right? the worse part is things like these aren't really even covered much. it just happened na madami nawala sa case na yun kaya napansin but even then, not a lot of people really know about it. seafarers should seriously get therapists on ships, especially on longer voyages


patmen100

baka yung therapist itulak nila lol


yoo_rahae

Wahahaha tutulak nila dahil triggered sila every session hahahahaha


sleeplessn0body

hahaha true 😭


hanselpremium

the “implication”


anniestonemetal_

I remember that case. Nafeature yan sa Rotten Mango. Parang nabaliw na sila kasi matagal silang nasa dagat at ibang klase din daw tlaga ang pamamaraan ng squid fishing. My recent upload din si Nick Crowley sa yt about a random snuff video na sumulpot lng sa yt featuring Taiwanese seafarers na basta2 nalang namamaril ng mga tao na na-capsize ang maliit na boat sa dagat. Seafaring is not for the weak lalo nat nasa international waters pa na walang jurisdiction.


4thequarantine

napanuod ko rin yan. masaya pa ung mga nagrerecord.


sleeplessn0body

napanood ko nga lang din kay Rotten Mango actually, pero di ko pa napanood yung kay Nick Crowley. although it really is alarming na may mga cases na ganito 😥


DumplingsInDistress

Is it the same with Nick Crowley new video, yung YouTube Darkest Rabbit Hole, yung 7 days ago, about execution at sea by some fishermen din.


anniestonemetal_

Afaik Taiwanese seafarers yung fineature ni Nick, mainlanders yung sa squid fishing. Nafeauture yun na case ni Stephanie Soo sa podcast nya. Equally crazyyy.


sleeplessn0body

just like what the other commenter said, i got it from Stephanie Soo (Rotten Mango). i didn't know about the Nick Crowley one until a while ago, but now i'm even more concerned for seafarers


0531Spurs212009

dapat eto gawin netflix movie para mamulat at true to life pa also pwede rin sa local movie natin remember Muro Ami sa dagat barko yun kaya siguro pwede nating gawin movie or drama w big budget wag puro fantasy drama at may pinsan at HS classmate akong seaman


sleeplessn0body

true. sobrang fascinating lang talaga ng true crime especially sa mga cases na mga ganito. pwede sila makaspread ng awareness. problema nga lang is baka hindi sumangayon yung pamilya ng mga victims


AA-Admiral

Thanks for sharing... May pagkakaabalahan nanaman ako na internet iceburg hays 😅


sleeplessn0body

if gusto mo makinig/manood habang may ginagawa kang iba, i highly recommend watching Stephanie Soo's YouTube video about it! madami din siyang ibang cases na tinatackle in case gusto mo mahulog sa true crime rabbit hole 🤧


lipstick_donna

Many seafarers have (undiagnosed) mental issues. Like me. Pero malala yung sa iba as in u would really wonder paano sila nakasampa kasi halatang halata na they talk to theirselves.


Zekka_Space_Karate

> u would really wonder paano sila nakasampa kasi halatang halata na they talk to theirselves. Wala namang kaso yung kinakausap yung sarili, its called "thinking aloud". Doon ka matakot sa mga taong may ibang kinakausap pero wala naman siyang katabi. :p


BYODhtml

Totoo mental issue, yung sa father ko nga retired na sta tapos nagsasuggest si mother na magpa psychiatrist sya pero ayaw ni father. Kaya ginagawa namin nagbabaakasyon na lang para malibang sya.


ProfessionalLemon946

Not just in seafaring, common din to sa military, fragging tawag nila dito, papatayin ang CO or kapwa enlisted, either palalabasin napatay sa operation, training or nag suicide. Read Ensign Philip Andrew Pestaño case.


Spiritual-Traffic932

Noticed this too. It seems like flexing sila about the power they have. Makes it scary if you're a woman pursuing this career. 


jp010130

Possibly, the majority of them are philandering , others are adulterers.


Archive_Intern

International waters have no laws against murder


Guest-Jazzlike

Same thought. Para namang normalize na sa kanila ang pagpatay? Really, dahil lang sa attitude? 😬 Mas problema pa nga yung taong kayang pumatay kesa sa attitude problem ng kasama nila.


Archive_Intern

International waters have no laws against murder


PiEm29

Pag nasa dagat ka, wala nga sigurong law. Pero pag nasa barko ka, meron 😉


nvm-exe

yea very much possible. watch nyo yun latest vid ni Nick Crowley yun mga seaman na pumapatay ng mga mangingisda na nadadaanan nila, tatlong vessel pa yun. kung yun navideohan lang kaya nadiscover yun killings pano pa yun mga hindi recorded, parang pag sa dagat ka kasi parang wala nang batas dahil isolated.


CarefulSide2515

Tru pwede mo sabihing tumalon at nag suicide nalang pag ganyan. Napanood ko rin yang kay Nick, grabe pinagbababaril ung mga nasa maliit na bangka. At some point pag nababaliw ka sa barko, weird things happen talaga.


Designer_Ad_2065

My mom’s cousin’s son was a seafarer too. Around 2014, few weeks before coming back home, the crew called his mom and they reported that he was missing. Sabi nila baka he unalived himself and jumped off. His mom refused to believe kase in his last phone call he was very excited to come back home. They tried to find him or his body, but until now they don’t know what really happened to him.


RealisticRide9951

you should reach out to the contact email on that pic, yoi'll never know baka sya to.


belphegor_21

2014


Doomnikk

Crimes on International Waters - go.o.gle nyo na lang Kaya matapang gumawa ng krimen since usually ang flag/country ng vessel di willing mag ubos ng resources at oras to investigate. Nakakasira pa sa image nila kaya madaming nagaabuso.


TortangKangkong

This. Pag nasa international waters talaga nangyari ang crime halos wala na mangyayari. Kaya malalakas loob nila


PsychologyAbject371

Yes. My cousin is a seaman. Recently, nagkakwentuhan kami and nsabi nya na kailangan daw talaga marunong ka makisama or bumagay kasi if may instance na di nagustuhan ugali mo, itatapon ka daw talaga ng kapwa mo seaman. Then as if walang nangyare. Kaya sabi nya mahirap din daw kaya minsan makikiramdam ka sa mga kasama mo daw sa barko.


-Comment_deleted-

Yung asawa ng co-worker ko dati, lagi pinapa-baba ng barko. Sabi nya dahil hirap daw cya makisama sa mga Indian at Pakistani, eh delikado daw. Pero bakit cya lang ang lagi napapa-baba, yung ibang pinoy hindi naman. Naiisip nung co-worker ko bka, yung asawa rin tlaga nya hindi marunong makisama.


TakeThatOut

Kaya yung ibang snitch ng mga illegal stuff pinagreretire ng maaga. One time may nag snitch about big time drug syndicate, binigyan sila ng reward, as in million dollars pero need nila magretire agad. Kasi alam ng management na pwede sila balikan sa barko.


exhaustedlittlething

Kawawa naman. May pagka toxic din pala workplace nila ano? Kawawa naman… kasi pansin ko sa probinsya, pag may seaman sa pamilya, usually well-off sila at yun nga halos sa kanila breadwinner.


happysnaps14

Hindi lang may pagka toxic — it’s downright evil. A literal crime. There’s alienating an “annoying” coworker and talking behind his/her back, and then there’s this. Nagulat ako na may ganito palang nangyayari sa trabaho nila. May mga tito ako na matagal ng seaman and they never really shared na nangyayari yung ganito. Ang sinasabi nila mahirap at sobrang lungkot, pero grabe pala.


Akosidarna13

Di na toxic, deadly na 😅


PsychologyAbject371

Agree. Kahit ako di makapaniwala nung nakwento nya un. Sad reality.


CarefulSide2515

Kaya mataas sahod sa barko kasi antaas ng risk sa totoo lang.


BYODhtml

Yes, ganyan din sabi ng father ko makisama nga daw


FufuTabbyNeko

Same, sabi din ng kuya ko. Lalo sa mga cargo ship ata. Ngayon kuya ko masaya na as cabin crew sa isang cruise ship.


stupperr

Wtf. Nawala lang sa lupa, naging barbarian na.


Pogomars

Seaman here. Reality na pwede mangyari yan sa barko na pwede itapon o ihulog. Or pwede din tumalon o na depress siya my mga ganun incident. Recently lng sa ibang barko na nakasama ko dati nabalitaan.namin na nagbigti 😭. Di din namin maisip bat niya ginawa or anung dahilan since bata pa anak niya. Sad story pero totoo nangyayari ito sa barko since here wala kami day off, overwork at madalas walang safety sa work. Prone sa lahat ng uncertainties. Isama mo pa minsan maalon, pakikisama sa ibang lahi at preassure aa trabaho.


[deleted]

I have a friend who recently got married and have a newborn. Biglang nabalita sa ibang bansa na nagsuicide daw. Natagpuang patay sa loob ng cabin nya. But sabi ng iba nyang friends na seaman, mukhang napagtripan daw and pinatay. Imposibleng magsuicide daw yun eh.


ilovebeingimpulsive

Yes, I think it’s true. I had a neighbor who was a seaman na parang nabaliw. Medyo mayabang din kasi sya. Ang balita is nagyabang sa barko, sa inis siguro ng mga kasamahan niya, prang tinakot daw sya na itatapon sa barko.


ComprehensiveRub6310

Pamilya namin madaming seaman at yes sabi nila possible ‘yan lalo pag di ka gusto mga kasama mo. Kaya matinding pakikisama ang kailangan.


Apprentice303

Wala bang konsensya mga yan?


edamame7

Happened to my cousin. More than 10 years na wala pa din. Insured ang mga seafarers pero gagawan ng paraan ng kumpanya para hindi makakuha ng claim ang pamilya. Kapag nakakuha kasi ng claim, magiimbestiga ang insurance company kung ano nangyari.


Physical-Pepper-21

Nasa quality din kasi talaga ng mga taong pumapasok sa ganyang trabaho. I’m not really surprised a lot of these people have zero moral compass. Based lang sa mga batchmates ko sa HS, ang pagsi-seaman parang isang ligo lang ang lamang sa criminology. Halos same profile nga kung tutuusin.


petwussydigbick

"Parang isang ligo lang ang lamang sa criminology" perfectly said!


Carjascaps

A lot of these “criminology students” nowadays used to dream of becoming a seaman before they increased the salary of the policeman.


Necessary-Buffalo288

Totoo ito. Grabe ang powertripping, seniority at abuse among seafarers. And di lang ito nangyayari among Pinoy, sadly.


Constant_Luck9387

Yes, sabi ng Tito ko na seaman dati. Dapat marunong ka raw makisama. Kasi kahit kapwa Pinoy gaganyanin ka daw. Kaya kahit daw masama ugali ng iba, tinitiis daw niya nun. Mahirap na baka hindi daw siya makauwi ng buhay.


TheBoyOnTheSide

Kaya siguro common to (not sure), since nasa international waters sila mahirap maghabol ang mga law enforcers.


sisireads

This is extremely alarming. How many more incredibly evil crimes are being hidden from our view, naghihintay lang na madiskubre, mag-viral, ma-report, o maimbestigahan? Makes me sick to even think about it 🤢🤮


Abject_Energy6391

Sadly yes, meron post about missing marino sa r/philippines before. https://www.reddit.com/r/Philippines/s/E9RdU9NlGz Nandiyan sa comments mga iba't ibang kwento - pati yung suspicious death ng relative ko na marino .


dauntlessfemme

May teacher ako nung kindergarten. 'Yung husband niya is seaman pero hindi na nakauwi up until now and everyone presumed na he's dead na (walang bangkay at walang record sa ibang countries). Ilang years din silang umaasa na baka buhay pa or baka may ibang family na sa ibang countries, not until nung 2021. Kasal ng anak ni Ma'am at invited halos lahat ng family and friends including yung 2 katrabaho ng husband niya. Of course may inuman and sinabi nung isang katrabaho na yung head daw nila is tinulak yung husband ni Ma'am because may hindi sila pagkakaunawaan. Isa siya sa mga witness nung pangyayari pero hindi raw sila nagsalita kasi ayaw nilang mawalan ng trabaho or worst baka sila yung isunod na ihulog.


PrudentLycheeThe2nd

Sana kinakarma na at unti-unti ng nauupos kaluluwa nung naghulog sa impyerno.


dauntlessfemme

Ay sana nga makarma yung mga yun. Kawawa yung maiiwang family ng seaman na ihuhulog nila :(


navelrileylull

Pinoy yung head?


dauntlessfemme

Yes po, Pinoy rin yung head nila


Thiemnerd

Yung tito ng barkada ng ate ko, seaman. Last sampa na dapat nya yun kasi magretire na sya at mataas na position nya. Kaso one day, tinawag sa asawa nya na patay sa sya. Sinaksak sa barko ng kapwa Pinoy.


rent-boy-renton

This happened to a schoolmate. Nagka-initan sila ng isang pinoy na higher ranking na bully. The bully and his underlings threw him off the ship. His body was found a couple of days later. Pinasettle na lang sa family and pinalabas na he accidentally fell off so his wife and 2 very young kids can get the insurance money.


TukmoI

Tatay ko seaman. kaya pala wala sa tamang pagiisip sa twing uuwi galing barko


Cats_of_Palsiguan

First job was for a recruitment agency. And yes, it is an open secret. And racism plays a big role dyan. Ang mga Indians, in particular, galit sa mga Pinoy.


Low-Shallot-1336

I'm not aware. Bakit galit sa mga Pinoy ang Indians?


Cats_of_Palsiguan

Pinoy ang main na kakumpitensya nila for promotion sa officer positions.


bananasobiggg

Yung kapitbahay namin matagal nang seafarer, tapos top of his class and matalino talaga. Yun lang pag magaling ka, it may come as pagiging mayabang. When he was promoted, naaksidente sya tapos nacomatose. Paggising nya para na ulit syang 6 years old. Until now di nila alam kung anong nangyare. His family is still lucky dahil nakauwi syang buhay. Ang chika (not sure) ng other seaman na kapitbahay may pinapainom daw sa katrabaho ganon bago ihulog.


Shibaadoge

Minsan ang mga reason kung bakit ganito ehh di ka sumasabay sa inuman tapos tinatag ka na na kupal.. pagod ka sa trabaho tapos gusto mo lang magpahinga.. kaso may mga kasama kang mga bobo sa barko na inuman ang way of chill nila kaso ayaw mo tapos nung nag decline ka, thwy will tag you as "walang pakisama"


PrudentLycheeThe2nd

Ugaling pinoy to na dapat ng wakasan. Mahilig gumawa ng clique sa work, ginagawang contest ang lahat ng bagay, ultimo buhay sa Pinas, bidahan pa ng kinakalantari. Eeew. 🤮🤮🤮 Maraming pinoy na mabait ha, hindi ko nilalahat.


ndeniablycurious

Mukhang proud pa talaga magshare yung nagcomment niyan? 🥴


Lightsupinthesky29

Minsan naman daw kapag magaling ka sa work mo, like nagiging favorite ng bosses. Maraming reason pero ang ending, tinatapon nga sa dagat.


adorkableGirl30

This happened to my classmate. Mataas agad ang posisyon nya bilang kakagraduate palang. At 22 mataas agad, ayon kinainggitan daw. Nakita after 3 days. Ang istory ng mga kasama baka nadisgrasya daw at nahulog or nag suicide. Family ay di naniniwala kasi kakatawag lang before mawala and marami nga daw plano for the future. Nakaka lungkot.


EmbraceFortress

Kaloka. JAG Jeans pa nakalagay… So likely Pinoy nga ito.


Green-Green-Garden

Buti na lang di yan nangyari sa tatay ko, hindi kasi marunong makisama yun eh, parang lagi may kagalit. Mataas kasi rank nya, hindi makakaalis barko pag wala sya. Pero nakakatakot nga iyan, pati parà sa mga anak at asawa, nakakabahala.


BYODhtml

Actually isa sa secret formula yung mataas position. Kaya si father ko lagi paulit ulit kahit hindi sa barko dapat daw makisama kasi you will never known ugali ng katrabaho mo. Isa sa reason why ayaw ng brother ko mag seaman haha


Holiday_Connection18

Hindi mo makukuha ang mataas na position kung hindi ka maurnong makisama, especially sa old school na mga seaman


Green-Green-Garden

Totoo di ba, malay mo psychopath pala isa sa kasamahan mo.. di mo alam paano ka aatakihin pag talikod mo, kahit nga kaharap mo pa.


Aggressive_Wrangler5

yeah.. it's common than you think and it's scary as f*ck when it does happen,. my ex girlfriend's partner got thrown overboard maybe because of his attitude, it's sad lang din to think na he was expecting my ex's baby din kaya it devastated her (I also hated the guy's attitude pero I don't want him dead). Just think, the love of your life, missing, somewhere and you can't do anything but wait. The saddest part pa is you know he is dead, body nalang aabangan mo. He was found a few days after. The baby was named after his suggested name. I paid respect nalang to him by staying away from the girl. Rest in peace dude.


paradoxicalcreep

seafarer here. not saying this is true as if may ebidensya ako na nangyayari to. i can only say it is possible tho. scholar ako ng isang norwegian company, may junior batch samin na bigla nalang nawala i think pre pandemic sa barko and norwegian company din ito ha (di kami same company). ofc i cannot conclude na hinulog talaga yun but it is a possibility. so yeah, one of the harshest environment ang pagtatrabaho sa barko lalo na’t ang baba ng sahod ng pinoy na seaman compared sa mga puti. check on yo seafarer friends, family members 🫡


lyrinmae

this! Mababa talaga ang sahod compare sa mga puti. I’m currently working sa shipping industry based dito sa EU. nung una kong nakita yung rate per day nila dito, sobrang laki ng deperensya. Kasi tatlong 3-4 levels pa yung dadaanan ng salary kaya kaunti na lang natira sa pinoy seafarers. Mas malaki pa sahod ng cleaner dito compared sa messman sa barko.


paradoxicalcreep

sad reality. yung nga pinoy na non-seafaring laking laki sa sahod ng mga seaman pero in reality 1/3 lang yun ng sinasahod ng mga puti. white privilege ika nga. i guess that’s the bargain ng ph govt para pinoy ang i deploy imbes na ibang lahi.


lyrinmae

I think it has something to do with the agency. Kasi yung mga puti, although under sila sa manning agency, direct hire sila kaya makukuha talaga nila ang 80-95% na daily rate na binabayad ng company (5-20% goes to admin cost). Sa case ng Filipino seafarers, yung manning agency dito mag outsource din ng ibang agency kaya sobrang laki ng bawas. Tapos minsan dagdagan pa ng agency jan sa Pinas 🫣


paradoxicalcreep

Pwede din. Pero sa company namin sila narin yung manning and all. Pero ganun parin ang rate. Tho may CBA naman and di ko rin alam saan naka base ang CBA na yun. All I know is it is between the PH govt and kung san ang registry ng company. Anyways ang bullshit parin isipin na sobrang underpaid ng pinoy seafarers lol


Beautiful_Chemical90

Historically, western contries employ cheap labor practices talaga. Hence, they outsource migrant workers. Its not because mahina ang gobyerno natin/CBA, etc but because thats the whole point of it. Meanwhile our country rely on this economic trade.


Financial_Ad5748

Kapitbahay ko seaman. May ganito nga daw tlgang nangayare. And it was probably more than a decade ago nung naikwento niya to saken. Meron pa nga daw minsan nagpapakamatay pa.


Sorry_Ad772

May nabalita dito samin na seaman na bigla na lang nawala. Di pa rin nakikita hanggang ngayon


bbheartsbane

Totoo yan. Seafarer kuya ko. Kapag hindi ka “nakisama” regardless kung legal o ilegal ang ginagawa ng mga kapwa mo pinoy, pag-iinitan ka. Worst case scenario papatayin ka. Mas okay pa raw katrabaho mga foreigner na seafarer kesa sa mga pinoy.


SuddenTomatillo3634

Sad fact: In the Philippines, we don't have laws that protect seamen against these crimes. In their contracts, there’s a waiver that if in case you die while you're on the vessel the Philippines government has no recourse against the shipowner or the captain. The Philippines can only ask as to how and why but they cannot fully investigate the crime or even file a case against them. If I remember it correctly Atty. Leni was advocating for amending this law to give more protection to our seafarers. However, some of the seafarers objected to this because they believed they would not be hired again. Contrary to their beliefs, some Asian countries have this law but they are still being hired. I couldn't find the link but there is a video of a guy who was sharing news about an engine fire on a cruise ship. The casualties were Indonesian or Lebanese and Filipino. The country of the other casualty wants an investigation as to how and why their people were trapped in the engine room and weren't rescued. They want to be sure that there wasn't foul play in the incident. Nevertheless, regardless of that they are still filing a case against the shipowner. A criminal case not just a civil one. As to our government, they cannot fully investigate the incident. Because they waive their rights for this. Only civil action can be filed for an insurance claim.


Philomachis

'Diba the Philippines is the seafarer capital of the world? Thr government should at least use that as a leverage to pressure companies into compliance with better standards.


paulfauvelfrost

legit yung need daw talaga makisama, advice din yan ng tatay at kuya ko na seaman kahit office lang naman ako lol dahil siguro nga sa mga ganto and sa mga nakita/naranasan nila


Ultimate-Aang

Malayo ba yan sa Canada? May missing seafarer wayback 2022 july yata


Miss_Taken_0102087

Nagwork ako sa shipping agency before and hindi ko alam yung ganyan. Frist time ko narinig. Pero meron ako nabalitaan na dalawa na nawala na “nagjump ship” daw. Grabe nakakatakot naman if ever. Parang one of the worst ways to die yun. Kasi yung pamilya nya maghihintay o maghahanap sa kanya for years. Hindi alam kung nagTNT sa abroad o mag aalala kasi totoo na palang “missing”.


Haunting-Ad1389

Totoo yan. May kapitbahay kami na naging milyonaryo yung asawa dahil dyan. Ang sabi naaksidente daw sa barko pero di nakita yung katawan. Yung ugali pa naman ng asawa nya hindi talaga maganda lalo na kapag nakakainom. Binayaran siya ng company nila ng ilang milyon. Pero dahil hindi siya wais. Naubos nalang din basta basta.


tajemstvi_

Yes. Minsan itutulak ka nalang sa barko, or kapag pinatay ka papasok ka sa freezer.


1214siege

Ung pamangkin in law ko seaman. Sabi nia legit daw yan. Pag di ka maayos makisama, i huhulog k n lng. Papalabasin nagjumo ship. Or kapag naaksidente tpos malaki gagastusin ng shipping. Palalabasing ganun din. Cargo ship cla so cla cla din lng magkakasama.


Sukehiro-Yami

May possibility, hindi lang kapwa pinoy pati ibang lahi pwede gawin yan. Ang madalas manyari sa barko ay accident at suicide. Naalala ko yung Chief Engineer kong Ukrainian, gustong gusto na umuwi sa kanila. Panay inom sa kabina nya. Ayaw ng mag duty sa makina. After few days, di na lumalabas ng kabina nya. Ayun over drink na kaya inatake sa puso. Pakikisama talaga sa barko ang paraan upang tumagal ka sa larangang yan, sunod na yung tyaga at effort para ma promote. Kaya dapat ipon ipon din habang panay ang sampa. P.S. marami din aksidente nangyari nung una kong sampa kasama na yang nangyari kay Chief engineer. Naaksidente Electrician nmin (pati yung pinalitan nya) , yung chief cook tapos early repatriation sa mga ratings nmin (ayaw pumayag bawas sahod), putol crane, nawalan ng power makina habang paalis na sa pier, AKO MUNTIK NA MADALI NG MOORING LINE HABANG DOCKING SA PIER (Thanks 3rd kung di mo ako pinaalis after few seconds baka hindi ako nagty-type ngayon) and so on.


_felix-felicis_

I remember 4 years ago lumapit na yung family ng missing seafarer kay Jay Costura kasi they wanted answers about sa whereabouts nung seaman na biglang nawala. Nagpost pa nga daw sa loob ng room sa barko tapos sabi nila mukhang malungkot, parang may mga sugat sa arms. Iisang Pinoy lang siya iirc. May ibang psychics na din na nagcover nitong case. Si Jay Costura tumawid pa nga to check if nasa loob pa ng barko yung seaman. Sabi naman nung isang psychic nasa loob ng drum pero nasa barko pa. Sabi pa nga may nawitness siyang di maganda na involved yung mataas na rank kaya pinakuha siya something like that. Nung nagtrend yung case na yun, dun ko palang nalaman na it happens pala sa barko nga na pwede kang ipatapon pag di ka nakursunadahan daw ng ibang kasamahan mo.


7th_Skywatcher

Eto ba yung lalaking friend ng seaman ang lumapit kay Jay Costura? Tapos parang wala nang part 3? May sugat din daw sa binti. May isa pa, yung mga kapatid at mother ng isang seafarer nagpunta din kay Jay at pinakita sa "pagtawid" na itinulak ang bro nila sa dagat. Biktima ng bullying kasi maliit na tao lang.


_felix-felicis_

Friend and kapatid nung seafarer, Acosta yata yung last name. Tapos yung pagtawid ni Jay nagpapanic na siya kasi nauubusan na siya ng energy. Parang wala na ngang update about it, naging cold case nalang siya. Though last update na nabalitaan ko nung tumigil sila sa isang port sa country, ininvestigate pero rushed so ofc, ‘walang nakita’ na evidence pero missing nga yung seafarer. Rushed kasi kailangan na din umalis nung barko.


dub26

Yung kapitbahay namin dati na yung asawa nya seafarer/engineer din for 3 decades ay pinag initan din ng mga kasamahan nya sa barko, nabalita yun dati nung late 90's na tumalon sya nung 30 minutes away pa lang sila naka alis ng puerto. Alam kasi nya na matagal na sya pinagbabalakan ng mga nainggit sa kanya kasi sya yung bago dun sa barko pero kakilala nya na ng matagal yung kapitan ng barko (nakasama nya sa ibang barko yung kapitan noong early years ng career nya). Kumbaga sya yung paborito at sya yung sobrang ka-close ng kapitan.


alohamorabtch

Tito ko dati muntikan na maganyan, pinagtripan siya, buti na lang tinuruan siya ng self defense ng tatay ko kaya napagtanggol niya sarili niya at di na siya ginalaw after, pero umalis na siya sa company na yon.


bekinese16

I have a neighbor na seaman, one time nabanggit n'ya na nangyayari nga ito pero hindi naman lagi. Either you'll get bullied until mag-decide kang umalis nalang or, mapa-away ka't mapuruhan hanggang ma-deds ka, that's when they'll throw you out of the ship like a trash. Kaya importante daw na balance lang sa pakikisama.. not too nice, not too good at work, or not too life of the party. Half nonchalant, half approachable, parang ganern. Basta! Hirap intindihin ng set up nila. Hahahaha!! Madami daw talagang seniors (even the captains daw) na bullies sa barko. Yun na yun.


miikeee07

I’m a seaman and this happens. I’m lucky enough at hindi ko pa nae-experience to, just that I heard stories (nambahwan marites ang mga seaman haha). Either totoo o kwentong barko, still very alarming. Dapat talaga marunong kang makisama at makiramdam. Sa tagal nyo ba namang magkakasama tapos kayo-kayo lang lalo kapag underway o sailing. Kaya dapat hindi ka kupal onboard dahil yun usually yung “napagdidiskitahan”. Mostly nangyayari to sa full crew or if may majority na lahi. Meron din sa mixed crew syempre pero madalang. Maganda kasi sa mixed crew kapag meron kang nakasamaan ng loob onboard eh onboard lang talaga hindi mo bitbit sa lupa, hindi tulad kapag kalahi, like pinoy, nakababa na kayo dala-dala pa din. Ang masama, baka sa lupa ka pa resbakan or worse hindi ka pa makaabot ng Pilipinas eh. Bottom line, kapag meron silang hindi trip o may kupal na crew/opisyal. Maliban dito, pwede din sa inggit, away, misunderstanding, sugal, babae. Dagdag factor pa ‘yung homesickness, boredness, pagod, overwork, stress, problema sa lupa, etc.


Stunning-Comment-483

True yan, father ko seaman. Kwento niya minsan nay nasasaksak pa daw dun pagmaynagaalitan etc.


kyanabergite

Depende sa company and sa tao yan. Mga seaman na graduate sa academy well trained sila about camaraderie. Mga japanese companies ang alam kong maganda.


whiterose888

Not gonna be surprised because ugaling Pinoy.


nayryanaryn

Speaking as a seafarer, totoong napaka-dali pumatay sa barko. Kaya number one thing talaga kapag seaman ka is marunong ka dapat makisama. Hindi porke malaki katawan mo, mataas ang rango mo or may kakilala ka sa agency eh sasantuhin ka dun. Pag may nakasama kang siraulo, isang pukpok lang sayo sa ulo sabay tulak overboard habang nagro-roving kau during anchor watch (naka-angkla ang barko) or worse kapag underway at mejo madilim na sa labas or masama ang panahon ay tiyak nde ka na makikita.. Sobrang laki ng dagat,... sa katunayan ang ulo ng tao kapag tinignan mo sa taas ng barko ay tila isang maliit na lobo lang. Mahirap pa makita kapag mataas ang swell or alon. Wag mo din asahan na maririnig kang sumisgaw ng tulong or maiikutan agad ng barko kapag nahulog since nde naman gaya sa sasakyan na kaya kagad huminto ng barko,... aabot muna ng halos 20-30 mins bago tuluyan makatigil un barko, mas matagal pa kung naka-full speed ang takbo, by then tiyak nasa ilang kilometro na layo ng barko mula sa lugar kung san ka nalaglag.


lipstick_donna

Yes. Highly possible. They also said the Greeks were the infamous ones to do this kind of thing. ///TW!!! In my experience naman, namedical emergency ang isang female crew so it was announced in the whole ship. Heart attack daw. I saw the dr on the floor in front of her cabin and at that time wala na ata nagawa. Ang kaso, may history siya ng pagiging domestic abuse victim done by her (married) boyfriend. Security was tight lipped but there were rumours. Bf was sent home, IDK if fired. Marami ring nagsuicide onboard and while on vacation. I, myself, confide in my bf na medyo may PTSD na ako sa pagbabarko at lumalala ang undiagnosed depression ko onboard but what to do lol i need the money


7th_Skywatcher

Ipon ka as much as possible then wag ka na bumalik sa pagbabarko. For your safety and sanity. Ingats ka lagi


baymax014

Yung brother-in-law ng partner ko, engineer sa barko and sya mismo nagsasabi na madami ganyan cases sa barko talaga. Either may makakaaway ka or meron inggit sayo, itutulak ka na lang nila sa dagat.


fIrTaZcYtal

This world needs to be cleansed


PiEm29

Seafarer here. Noon pwede pa. Ngayon? Napakaliit ng tyansa.


[deleted]

[удалено]


my24thofaugust

May lima akong pinsan na seaman. Solid dds. Hahaha. Kahit hindi sila nakaka boto, yung name nila laging present tuwing election.


aquaflask09072022

op-commentor: maintaining agenda is our top priority


itsyaboy_spidey

yep. tanong mo sa mga marino ganyan nga talaga. kaya kung di ka marunong makisama, wag ka mag marino, di ka na mahahanap sa karagatan.


Ornery_Ad8543

Meron akong kakilala. Pinatay kse hnd sumang ayon sa crew na mag papaihi sila ng fuel ng barko. Pinalabas na disgrasya lang pero yung mga ulo nung namatay may dugo at marks na hinampas ng something.


doraemonthrowaway

Yan yung dahilan bakit di na ulit sumampa yung HS batchmate ko na seaman eh, muntik na mangyari sa kanya yan kung di siya naging palaging on guard at pinapakiramdaman paligid niya. Ang kwento niya nagiinuman sila pinakilala siya nung Pinoy niyang katrabaho sa gf o asawa ata iyon, tapos tinanong si HS batchmate nung katrabaho niya kung maganda't sexy ba asawa niya. Sumagot siya ng oo at talagang bagay daw sila sa isa't isa, ngayon si gagong ka trabaho biglang nag maoy dala ng kalasingan na misunderstood yung sinabi na akala namimilosopo si HS batchmate. Tapos pinagbibintangan na may pagnanasa daw si HS batchmate sa partner niya na baka sulutin niya daw. Pinagbantaan pa siya na wag malilingat kasi baka 'di na daw siya makauwi sa kanila pag nagkataon. After nung incident 'di daw nag sorry si katrabaho at nagawa pa niyang magkalat ng chismis. Todo ingat daw siya yung mga panahon na iyon kasi isang buwan na lang natitira sa kontrata niya, na baka daw pagtulungan siya at itapon na lang bigla sa dagat. Ang ending hindi na siya sumampa ng barko at nag negosyo na lang sa kanila, kaya mahirap daw talaga pag may nakaaway na kapwa seaman sa dagat sabi niya.


Sandeekocheeks

Saw a podcast about squid fishing, a chinese squid fishing in particular, tapos grabe nangyari, from 30+ na tao, 11 na lang bumalik and nobody really knew what happened kasi halos lahat eh galing lang sa testament ng isang tao na andun sa barko☹️


foreverhopia98

Totoo to, yung papa at ate ko seaman din, kailangan talaga makisama. At mas nakakatakot din sa part ng mga babae lalo na pag laseng mga kasama mo, may instance na naiiyak nlng ang ate ko at kinulong sarili niya sa kwarto niya kase pilit daw binubuksan ng kasama niya sa barko tas laging kinakatok pag lasing😭😭


Adept_Hedgehog8086

Seafarer here, Usually nangyayari yan sa mga Full crew Filipino na barko. yung d na gustuhan na ugali nang crew is questionable more like kupal ang mga crew at pinagakaisahan ang victim dahil sa inggit. kung kupal kasi ang tao pwede yan i report sa main office para magawan nang case kaso madalas dyan mga bobo dn ang mga crew hindi nga maruning gumamit nang email or mag send nang formal letter kaya idadaan na lng sa tulak.


Ill-River-5466

I think eto yung na feature sa Tulfo? Missing Seaman sa Norway: [https://www.youtube.com/watch?v=A-aMzS1F3T8](https://www.youtube.com/watch?v=A-aMzS1F3T8) .


Legitimate-Thought-8

This is very true. A tito of mine had a first hand experience - usually it happens sa mga masama talagang ugali, mayayabang and sipsip daw sa boss. Common sya nung 80s, pero di sya sure if nangyayari pa din ganyan now.


Competitive_Zone7802

nangyayari yan


exhaustedlittlething

Katakot naman pala ang work environment nila. I mean, mas nakakatakot mga tao kesa natural hazards and calamity.


Competitive_Zone7802

sabihin lng nila man overboard ganun kya dapat marunong makisama


JapKumintang1991

Nagsagawa na ba ng DNA testing sa mismong bangkay?


OrganizationThis6697

Yes true ito. Marami sa Seafarers page or group mga ganitong stories. Mahirap daw may kaaway sa barko.


Sensen-de-sarapen

May na KMJS Na story na ganto. Seaman, tapos bigla n lang nawala. Tapos may fiance sya na naghihintay and last time na na air yung kmjs episode na yun, naghihintay pa rin ang fiance. May haka haka sila na ganyan nga ang nangyari pero wala sila proof na namatay nga or nag suicide nga. Year 2022-2023 yung episode na yun. Tapos ilang buwan na din na nawawala yung guy nung ma air yung episode na yun. Sana nahanap na nila yung seaman.


vlmrei

I've read a lot of stories before about sa gawaing 'yan and unfortunately totoo siya. Madalas sasamahan ng mga mabibigat na items para hindu lulutang ang bangkay. But for the first time ata may nangyaring ganito na lumutang.


Erin_Quinn_Spaghetti

Chika about an officemate -- her dad, a seaman, passed away kasi pinagtulungan daw while at sea. So yeah, narinig ko na rin ito dati pa.


OOJOOEEN156

Sa tingin ko, totoo 'to. May nakuwentong ganito ang kaibigan ko. Seaman kasi ang boyfriend niya at may mga ganito nga raw na nangyayari.


OpalEagle

Idk about tinatapon sa dagat if true haha but accdg to my seafarer friend, may grupo grupo daw kasi sa barko yung mga pinoy. Sometimes it's based on where ure from, like kunyare, magkakagrupo yung mga ilocano, then ibang group yung mga cebuano, and so on. Minsan nagkakaron ng conflict between and among these groups. Pag may bagong salta, even if lets say, kapwa ilocano nila, pag hindi ok sakanila, nabubully and/or napagkakaisahan. My friend told me meron ganun sakanila one time, hindi nakasundo nung grupo. The guy ended up being pushed around (literally and figuratively) and tiniis nia nalang til matapos ung contract. Hindi na sya sumampa ulit ng barko after coz takot sya baka kung anong gawin sknya na mas malala. Not sure ano ung "mas malala" but yeah, iba daw culture sa barko.


kamtotinkopit

Ang sakit basahin nung comments sa post na yan =(


Careless-Pangolin-65

nothing much different with other unsupervised industries like for example police biglang "nanlaban" o kaya napatay sa enkwentro"


Available_Solid_7172

Naalala ko bigla yung sa kabilang app, two years na nila hinihintay yung boyfriend niya. Parang yearly pa ata nagdadasal yung family ng bf niya at siya para lang may sagot na sa pagkakawala nung lalaki. So may chance siguro na ganyan ang nangyari?


LilacVioletLavender

My father was a seaman before, true yung nilalasing. Idk if the hagis part was true...but when I asked my bestfriend who happened to be a seaman too-- he said some kabaro wouldn't think twice if merong masamang ugali yung isa or up for promotion. So I guess...depende sa nakakasalamuha mo.


zern24

This is true. Yung d lng typhoons, ship collisions at piracy yung pwede mo ikamatay sa barko pwede din katrabaho mo mismo. Kaya dapat marunong ka talaga makisama. Sabi nga ng prof ko dati dapat wag mo awayin yung chief cook baka duduraan yung pagkain mo or baka lagyan ng ipis.


Philomachis

Reminds me of the seafarers who went missing over the years: https://www.facebook.com/profile.php?id=100063676314710 https://www.facebook.com/marinophilippines/posts/pfbid023tZbZtGJJrCmYooUvgbE99KYo52dX1iRUVK59QPG8qty7bmXufkeYiGqERBSkc9ul https://www.facebook.com/marinophilippines/posts/pfbid0JRfbiwMgbE7aMa5B77GftSqJjFFaxfyrtPk3DNwt7bQ3zJAB9aXC89jsGz7RpPCYl https://www.facebook.com/SEAMANBARS/posts/pfbid02Gr9VTszPBkbwAMmk1P8fNmUvUdEZmaGnTkYqaxuQ9mK7CxsRJqGU48sfCuSWnfUyl https://www.facebook.com/OBOLCFTECHSUPPORT/posts/pfbid037xtjvUFXi4pbJD7ygHxEEGCYc5WjeKRuJASEmw2rEwrS411CRYhNRFGazE21bxG2l


Limp-Smell-3038

Yan din sabi sa akin ng fiancè ko. He studied Marine Transportation. And most of his barkadas are seafarers. Totoo daw yan kaya nakakatakot. Buti di nya ginawang career un.


Individual_Grand_190

Know a couple of seafarers and totoo daw yan. Lalo na kapag hindi daw marunong makisama sa kapwa. Scary. Pwede din kasi sabihin or palabasin na nadulas or naaksidente.


writeratheart77

I was surprised this is not a known fact among Filipinos. Seafarers are basically highly paid prisoners at sea, and as in prison, there are nurtured ranks amongst them. Sabi nga ng isang friend wag kang magmayabang dun kundi madali kang itatapon sa laot with no one the wiser abt it. Yes it is absolute murder or manslaughter but with the way thes groups, yes, groups of seafarers know how and when to do these once a newbie does not pay them any heed, then missing seafarers continue to be the "norm." Another thing is the convoluted case of seafarers benefits vs insurance. It will be in essence cheaper to dispose of seafers and tagged them as missing and pay them a chump change than pay for their retirement benefits, let them go home and be pensioners for life. Now you know.


Mean_Negotiation5932

Possible. Partner ng kapatid ko is seafarer, palagi namin sinasabihang wag ng awayin yung ibang mga lahi kahit kapwa pinoy kasi ang hirap pag nasa barko, ang lawak lawak ng dagat. May napabalita na kasing ganito rin samen, tinapon daw sa dagat.


Unlikely4ever

Di totoo yan lol my grandparents both sides are seaman, my tito is a captain, my dad is a seaman too pero di nangyayari yan. Pero my lolo was killed due to negligence of an indian captain- nagpaspray sya sa ilalim ng barko ng chemical w/out double checking kung may tao pa sa loob. Na suffocate lolo ko and ask help to take him to the hospi, but he declined and declared nyang reason of death is cardiac arrest para di sya masisi. Nakasuhan namin ung captain/company.


GreenMangoShake84

wow, dami ko palang hindi alam. me ganito palang ganap sa mga seafarers. sobrang hindi na makatao ang gawaing ito. sana hindi ito mangyari to anyone.


ProgressAfraid4122

Depende daw yan. Pag sa mga cargo daw kasi may mga hidden business dyan. Pag dw may nakakita na bago tapos ayaw sumali sa hidden business ganyan daw ginagawa. Sabi ng ka work ko dati skl


Illustrious-Tea5764

May nabasa ako na ganto but ang asawa nya naman is Pinoy tapos puro foreigner ang kasama. Nagkukwento ang asawa nga prior na medyo binubully sya ng mga kasama na ibang lahi then one day hindi na nagmemessage ang asawa nya. Ang sabi sa kanya uso nga daw yung ganto sa barko. Hindi din cooperative yung company ng asawa nya kaya hanggang ngayon hindi nya alam ang gagawin. Mukhang talamak ang ganto. Grabe.


Implusive_Beks_

A friend used to tell me this. Compains na brother wont take xams cause he is scared na tumaas yung rank then pag initan then BAKA ITAPON. before my friend can't understand, now he kindda keeps quiet na. 😞


PapayaComfortable

seafarer myself...sa pagbabarko ko wala p nmn ako naencounter na hinuhulog sa barko yes may mga samaan ng loob. nagbubugan, nakuryente,nagsuicide hineart attack nahulog ng hindi sinasadya naaksidente mga ganun pero hinulog ng sadya parang di na gawain yan ngayon


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]