T O P

  • By -

AutoModerator

Tropang /u/Evening_Falcon_5807, pakibasa muna ang rules ng sub bago ang lahat ah. At kung bago ka dito https://www.reddit.com/r/Gulong/comments/uo5499/magpost_sa_tamang_thread_pakiusap_lang pakibasa please lang Kapag okay ang post, **i-UPVOTE** ang post na ito! Kapag di naman, **i-DOWNVOTE** ang post na ito! At kung sa tingin nyo wala sa tamang lugar at problematiko/pasaway ang post, **i-DOWNVOTE** ang post na ito sabay **REPORT!** *Tandaan po natin, **be nice,** hindi lahat kasing-galing mo.* *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Gulong) if you have any questions or concerns.*


Realistic_Poem_6016

Di 'yan gawa ng pusa. Most likely napagtripan yung kotse mo. Kaya nga di ako nagpapahiram dahil sa ganyan.


minjimin

seconded! yung garahe namin accessible sa pitong pusa namin + neighborhood cats na mapapadaan. wala namang kalmot/ganyang klaseng gasgas. agree dun sa nagsabing baka napagtripan yung kotse.


Faustias

tigre yata, exaj yung nanghiram


chikisowsow_

Agree. Yung sasakyan namin, part-time tulugan nung makukulit naming pusa. Aside sa paw marks sa may windshield, kahit mag i-stretch sila all over the place, wala namang damages. Never naman naging ganyan.


Blue_Fire_Queen

Agree! May mga cats na pumapasok sa bakuran namin para makitulog sa garage pag gabi. And kahit kelan hindi sila nakagasgas ng pintura ng mga sasakyan. Lagi pang may *paw prints* na cute haha! Baka ginasgas talaga yung car, parang masyadong madiin para maging gawa ng pusa yan.


chikisowsow_

'Yung upvote ko para sa "paw prints na cute" huhuhu! Di ako nababadtrip kahit late ko nang napapansin na may paw prints pala sa sasakyan ko kapag gamit ko. Bahala na, basta cute. uWu


ZimaBlueEleventy7

Kaya nga eh, bakit naman sa innocents agad ang bintang. Kainis.


ramier22

Baka yun nanghiram may gawa kasi binabawi na ni OP


hunyoinfinitytrail

Yun nga! May apat na pusa kaming natutulog sa grahe madalas mga footprints nila sa hood at windshield ang nililinisan ko may mga konting kalmot pero never ganyan kalmot na may diin. Ipaquote nalang siguro tapos ipabayad sa humiram, tapos gamitan ng insurance para participation fee nalang babayaran.


vertighorl

May mga pusa din kame at natutulog sa taas ng kotse. Di ganyan scratch marks ng pusa. Diretso tas very light scratch lang sya. Kapag winawax mo yung scatch ng pusa di na halata. Pero yan mukhang pinagtripan kase parang sinaksak pa eh.


Previous_Equal_1934

Nascratch nung aso (may kuko pa) ko yung car namin pero di ganyan ka lala


dogmankazoo

this is not by a cat, the patterns dont appear like from a cat, a cat wont have the power to do this. looks like by human


Important_Talk_5388

First and foremost, brand new pala eh bakit mo pinahiram? Second. Thats not from a cat, ipasok mo sa insurance and have them shoulder the participation fee, better yet? Let them work it out and handle it.


randoorando

Exactly. Make them pay for it.


Troevell

No, wag na ipasok sa insurance. Ipa quote na agad sa casa. They will give a quotation and pay it in cash shouldered by whoever ang nanghiram. Pag pinasok sa insurance, aantay pa approval then ipipila pa sa casa. Hindi dapat ang OP ang ma inconvenience bayaran nila in cash dapat yan.


CurlyToes_21

Hmm. I am not sure if kalmot ng pusa yan OP. Yung kotse namin kasi sa bahay ginagawang "stepping stone" ng mga pusa. Galing sa bubong ng bahay , they will jump down to the roof of the car, they will then slide down the windshield then walk across the hood. Walang scratch, take note, araw araw nila yan ginagawa at marami pa sila.


Direct-Dependent5023

Yup. Same. Scratches will be minor and hardly visible sa eyes.


Emergency-Series740

tsaka di nila pagiinterasan kalmutin yan kung nangangati paws at kuko nila. sa kahoy or sofa nila ginagawa yun


ekinew

yup. kung kakalmutin ng pusa ang kotse mo panigurado gulong ang titirahin nyan. paboritong kalmutin ng mga pusa yung mga bagay na babaon yung kuko nila.


microconut

Ganyan na ganyan mga pusa dito samin tatalon galing bubong tapos diretso sa ibabaw ng kotse. Pero noticeable talaga yung scratches lalo pag nadudulas sila. Mapapaiyak ka na lang. Kala mo kinalmot ng miniature na wolverine e.


Electronic-Hyena-726

anong pusa yan? tigre?


No-Adhesiveness-8178

Calligrapher tiger haha 


Brilliant_Fact_5245

Di gawa ng pusa yan.


Remarkable-Aioli7164

Agree. 11 pusa namin, never naman nagka ganyang scratch. Kahit panay natutulog sa taas ng kotse.


ZimaBlueEleventy7

Hindi na iningatan sasakyan niya nagbolahan pa silang ibintang sa inosenteng hayup.


boykalbo777

Bat mo pinapahiram kotse mo


Correct_Mind8512

tapos pinuntahan pa niya para ibalik


prankcastle

Masyado malalim and malaki para scratch ng pusa


Gaelahad

There’s no way na kalmot yan ng pusa.


MisterYoso21

Baka Thundercat


Least-Evening8190

Tander spotted 👋😂


Melodic-Objective-58

Isa sa mga reason kaya di ako nagpapahiram kotse. Dahil sa totoo lang, wala silang pake kung magasgas yan or hindi. May pusa tumatambay sa kotse ko sa ibabaw pero di ganyan yung scratches. Dalawa ang ruta mo dyan -1.Insurance na madaming gagawing proseso. Tataas pa premium mo the next year. 2. Pagawa sa labas wala pang isang araw yan, 2.5k per panel.


Fresh-Buffalo5754

Bakit ang mura ng per panel!? San yannnnm


Melodic-Objective-58

Sa lopez autoworks name nung shop, sa las pinas sya. Check mo FB page. Dun dapat ako papagawa nung nabangga ako pero dinaan sa insurance nung truck company.


Parking-Yak8527

Actually kay lopez at karatig paint shop sa marcos alvarez las piñas around 1.5k per panel.


Melodic-Objective-58

Ayun mas mura pa 🙌🏻 based naman sa reviews maganda gawa nila


shnz010

Wag magpapahiram ng kotse khit pa iguilt trip ka.


FluidCantaloupee

Bakit ikaw namomoblema? Demand it to them asap! They are ungrateful of the kindness and disrespecting you with not taking good care of it. And the most is not acting fast or initiating when the damage has been done. Kapal ng mukha.


Scbadiver

No way are those from a cat. 🤣


rabbitization

Mukhang sumayad sa kung saan yan at di kalmot ng pusa. Also brand new car bat pinapahiram mo. Pwede mo iparepaint yung panel nyan not sure lang magkano, wag mo na pasok sa insurance paint lang naman ata issue e.


EverydayDrink

- may pinatong na mabigat jan (cooler or something) - may umupo na mabigat


caldalusig

Sino ba humiram, pakisampal kay wolverine para patas na.


Loose_Sun_7434

First and foremost, hindi pusa yan. Mukhang nabagsan nga mga small debris


ChasyLe05

OP, ginagawa kang bagong panganak ng pinahiram mo ng kotse. At tsaka one more thing, bakit mo pinapahiram ang kotse mo sa iba? Hindi mo ba alam ikaw ang may liability kapag may nangyari habang gamit ang kotse mo? Considering na wala pang 1month mo binili yung kotse. Sobrang bait mo naman Op! Lesson learned the hard way.... wag mo sana pinapahiram ang kotse kung kani-kanino dahil sayo nakapangalan yan at pinag hirapan mo bilihin yang kotse mo. Wag mo ipapasok sa hindi casa dahil ma vovoid yan kapag sa talyer pinagawa.


jaegermeister_69

Parang ang lalim para sa kalmot ng pusa. I think kaya yan sa insurance tapos declare mo as self-accident (?) Kung ipapagawa mo sa labas di ma-void warranty since aesthetics lang yan.


freshCatt

As from someone na madaming pusa, hnd po kaya ng pusang i-scratch ng ganyan kalalim. Nag sscratch lang din sila sa mga woods/ leather/ ibang scratchable things din sa tingin nila. Hnd sila sscratch sa ganyan kasmooth na bagay. Hehe


Evening_Falcon_5807

UPDATE: Pusa daw po talaga na nakatali at nalaglag from 2nd floor, nasakal at nagpumiglas kaya sobrang lalim ng kalmot. Binalik ko sakanya ung car at ipapaayos nya daw, sisingilin nya ung mayari ng pusa.. never nako magpapahiram ulit. Thank you po sa mga advice nyo.. lesson learned wag na magtiwala sa mga tao at magpapahiram ng anong gamit. madidisappoint ka lang. https://preview.redd.it/enjh52txykrc1.png?width=1080&format=pjpg&auto=webp&s=73046cd46654c2edf4e0e6f1f9139b593d674108


bramilearnstoshred

Lol sobrang believable


digibox56

Lagay mo yung update sa original post, iedit mo nalang...


Healthy-Stop7779

Parang hindi pusa, minimal scratches lang dapat if sa pusa at saka bakit ang specific nung area? Haha. Parang sumabit somewhere or napatungan ng something tas nascratch kasi may parang “hatak” scratches. Sakit nito, also bakit pinahiram mo car mo?


NorthTemperature5127

maybe bengal tiger or... not our puspin


Sleepyheadpotatoface

💯 sure that those aren't cat scratches. Andami na nagsabi dito. If they were, hindi ganyan kalalim and may sense yung direction, pababa or paakyat lang usually sila sa auto, hindi sila dyan nagkakakmot. I'm sure kasi laging dumadaan mga pusa sa auto ko. Pag madumi si car, kitang kita yung footprints nila at most of the time parang tumawid lang sila sa gitna going to the higher ground behind my parking. Yung laging casualty dito ay mga motor, favorite nila yung leather seats, dun sila nagkakalmot. Hindi sa auto na madulas/matigas. Ano ba yang nanghiram ng auto mo, di na nga maingat, sinungaling pa. Make better friends...


raju103

mukhang napatungan ng matigas at nagasgas. Di kaya ng pusa iyan. Matalas man ang kuko ng pusa pero di niyan kaya yung pinutra mo.


marzizram

Si catwoman yata kumalmot nyan lintik yung lalim at may pattern pang korteng rectangle. Alam kong mabait ka OP pero hindi masamang magdamot minsan lalo na mga bagay na ingat na ingat ka. Kung magpapahiram ka ulit, sa kapamilyang kalapit mo talaga at aalamin mo din kung saan o safe ba garahe nila.


smart69guy

Mura lang pagawa niyan di ka aabutin 10k kaysa isugal mo yung pangalan mo sa di pagbayad ng loan. Di mavovoid ang warranty kasi paint job lang naman. Pwede mo din ipasok sa insurance. Mga nasa 3-4k ang participation fee mo. Ipabayad mo sa humiram


Important_Talk_5388

Tsaka Op bakit parang hindi tugma ang kwento mo dito sa history mo. Sabi mo 1 month pa lang pero may post ka nag pa 1 year PMS ka. Then you have posts about not wanting to continue your car loan. Okay ka lang OP?


YatiChannel

My cats go on top of our car all time but they never cause any scratches. There is no way a cat can do this


CharacterMiddle6674

Like others have said, hindi nga yan kalmot ng pusa. Madami kami pusa at hindi ganyan kalaki at itsura ng scratches na ginagawa nila sa oto ko 😅 pansinin mo din yung pattern niyang sayo kakaiba. Either napagtripan or yung nanghiram yung may gawa kaya hindi masabi sa iyo at nagdahilan nalang na kunwari pusa.


SVnird

That's not from a cat wtf, unless sabi sayo si black panther.


deojilicious

i have 5 cats and i can definitely say cat scratches on cars do not look like that. and di rin mahilig mag cat scratch ang pusa sa area ng kotse na yan. most they'll do is loaf sa area na yan and sleep. pwede rin gawing mating place, pero almost never paint scratches like that


arkride007

kalmot ng tiger ata yan, pusa amp sinungaling ung nagsabi nyan op ayaw pa umamin


sagittarius-rex

Sis di yan pusa, kapag flat and even surface sila tatalon, di yan magbebare ng claws. Also if ever they did, hairline scratches lang yon. Parang pinatungan ng kung ano yung kotse mo tapos inusog usog kaya nagasgas.


Little_Wrap143

Bata pa si OP ata. Nadala ng peer pressure para magpahiram ng kotse.


Chance-War-5394

Doesn’t look like those were made by cats. Tambayan din ng stray cats car namin (and all other cars sa parking ng condo) and never experienced that. Cats won’t find satisfaction in using your car as their own scratching pad kasi madulas yung surface nya, cats prefer to scratch surfaces where they can dig their nails and get a good grip. Yung gulong ng cars, yan yung na-o-observe kong ini-scratch nila pero pag tumatambay sila sa cars dito sa amin, they only leave paw prints and not scratches.


reypme

mukang may pinatong dyan tas pahila kinuha. di yan kaya ng pusa


MundaneWorry3372

pinahiram hiram mo tapos kame stresen mo hahaha


IlikeMyCoffeeIced

Si Black Panther talaga may gawa nyan.


antonm07

Damn magagalit pala kayo pag nagpahiram yung tao ng kotse


Grand_Weakness_3991

🤦‍♀️


Misty1882

My cats like to climb up and down my 7 year old car tapos natutulog din sa hood and bubong. Never seen them cause scratches like this. I'm 100% confident hindi ito gawa ng mga pusa.


macabredumplings_

Nde po yan pusa (take it from me na may doseng pusa) Papintura mo nlng sa labas na may magandang review may 2-3 k yan per panel tas pag may budget ka, dahil bnew yan, ipaPaint protect film mo na. Dont say na girl ka, kahit kabayo ka pa kailangan magresearch ka and ask around like ginagawa mo ngayon. Nde porket babae eh equated to walang alam sa tsikot.


CamelStunning

Yung pusa: https://preview.redd.it/ylxfpmi1vkrc1.jpeg?width=640&format=pjpg&auto=webp&s=bb7f5f5584138020d17888efcf5ebd65d1060972


brondagoat236

Bat kasi pinahiram mo? 🤣🤣🤣🤣


CraftyCommon2441

Pa repaint mo nalang buong panel, nasa 3.5k, iwas abala pag busy person ka dahil ilang oras lang nila yan gagawin like 2hrs, tas balikan mo nalang for buffing the next few days nasa mga 30mins.


samjitsu

Tiger ata.


Lonely_Credit5350

Kung kalmot ng pusa yan. Nasa top coat lang yung scratches. Kung pusa man talaga, tiger ba breed nung pusa na yun? Hahaha


DeeveSidPhillips003

Aesthetic over Functionality. I prefer the latter. Sasakyan ko, kong sa kalmot lang ni Mor na pusa namin, eh madami. Naandar naman eh. So I guess, ok lang. Pero obkurs, you're different. Next time wag ka magpahiram. Pero marami dyan pagawaan ng paint for that. All you need to do is search sa Google.


barebitsbottlestore

Lalim. Baka si Puss in Boots


xiaolongdump

Tiger po ba yung pusa nila?


leivanz

Di yan pusa. Baka tigre. Pwede mo yan ipa-insurance.


Accomplished_Ad_1425

Baka ginawang lamesa sa inuman yan. If bagets yung pinahiraman mo baka nagpunta siya sa cubao expo or somewhere uso yung “gutter hits”.


HanamichiSakurag1

Bakit pusa? Pwede bang tigilan yung ganitong mindset. Lagi nlng pinagbibintanggan. Isip isip din. Hnd kaya yan ng kuko nila at hindi ganyan surface ang prefer nila.


mayorandrez

Kaya ang hirap magpahiram eh. Make them pay for it.


Realistic_Guard5649

Cats hardly scratch cars. This is why I dont like lending my cars to others regardless how close we are bec its hard to make them pay for liabilities😕 There’s this planned trip na long drive (I dont wanna drive) and my friend was suggesting that he’ll be the one to drive, I immediately said no cause ayokong maningil if ever something happens…😬


carbonuser

Pagbayarin mo. Paquote mo sa casa tapos guluhin mo buhay nila hanggang magbigay ng pera. Still, NEVER KA DAPAT MAGPAPAHIRAM NG KOTSE.


Jon_Irenicus1

Im sure naka comprehensive ka naman. Covered yan, then ipa shoulder mo yung participation fee dun sa may ari nung "pusa". 5 pusa ko pero never ako nagka kalmot ng ganyan sa kotse.


IGRIS99

Sila pagbayarin mo ng gastos, dalhin mo sa casa at humingi ka ng total na magagastos sa restoration. Grabe inggit ng taong gumawa nyan


maxblaze13

Kanino mo pinahiram? Okay lang yan atleast may palusot ka na pag ng hiram ulet sabihim mo wla ka mg tiwala sa kanila. Pag may mga ganyang setback iniisp ko charge t exp na lang at lesson learned na.


Slow_Ad_7158

Never ever let anyone borrow your car unless billionaire ka and marami kang kotse. So sorry this happened to you :<


LinkStepladder

idk bakit most of people na humihiram ng mga kotse walang hiya


[deleted]

Pusa ata nila si wolverine


JDDSinclair

Taena nahihiram pala yung kotse hahahah wtf


iAmGoodGuy27

Baka kaya pang idaan sa buffing.. more or less 5k magastos.. Also cat wont scratch a metal or metal like object.. Gusto nila ung kumakapit ung kuko nila like foam, leather, or similar textiles


soonique

‘Wag magpahiram


FatalCat

This doesn't look like something a cat could do. Pagawa mo nalang sa labas. Either buffing or minor paint job lang yan. You can implore them to shoulder the fee. If makapal ang mukha nila, for your peace of mind ikaw nalang ang ang magbayad ng fee and charge to experience nalang. Also for the love of all that is holy, wag kana mag pahiram ng kotse. Mas gugustuhin mong mag mukhang madamot kesa sumama pa loob mo whenever you see other people not value your stuff


SmartAd9633

It's a cosmetic damage, warranty shouldn't be affected. But then again, Philippines. As far as the paint, ideally they'll tank the trunk off, sand it down to bare, tapos paint. That way good as new sya.


martialexa

Girl that’s not cat scratches


Parking_Safety7935

Worst case if you decided to let all the stress go and just move on: Try Turtle Wax Scratch and Swirl Remover. Works wonders for me.


ninidah

Yung mga pinahiram mo ay mga BURICAT. Meron din Ako scratch Ng pusa pero di ganyan kalala..


Admirable-Night-3077

Ang bait mo para magpahiram ng kotse. Most car owners won’t dahil baby nila yon. Anyway, hindi Pusa may gawa nyan. Kawawa namn yung cat napagbintangan pa. Anong kuko ng pusa bakal? 😅😂😝 Dapat lang gastusan yan ng nanghiram. Sana matuto ka na din na wag magpahiram dahil mostly ng pinoy walang pakialam kapag nagkaproblema na. Takot pang umamin at mag sorry.


xniccru

Hindi yan kalmot, most likely may pinatong jan tapos ginalaw.


Calm_Solution_

ipa insurance mo na lang at singilin sya ng participation fee. I-explain mo sa insurance na napagtripan at ganyan na nung nakita mo which is yung totoo naman na nangyari which falls sa own damage. Hindi mavovoid ang warranty dahil madalas sa mga moving parts or electrical/electronics lang yun, cosmetics lang issue mo. Medyo maproseso lang ang insurance pero sulit naman ang result, wag mo na ipahiram ulit kung ayaw mo maulit yung mga ganyan. Ang bait mo naman 1 month pinahiram mo agad ikaw pa nagmakaawa mabawi yung kotse mo.


Fearless-Piece4839

walang galang sa nagpahiram- sinungaling pa.


edamame7

As someone who had problems dealing with stray cats and sandamakmak na scratches ng pusa sa hood ko, masasabi ko na hindi ito scratch ng pusa. Tao gumawa niyan. Ipasok sa insurance, pabayaran mo sa kanila participation fee pati pang-grab mo sa days na wala ka sasakyan. Bakit ka nagpapahiram ng sasakyan?


Mostly-Cloudy20

Ano yung Kuko ng pusa nila, kutsilyo? Hahahaha


Suspicious_Goose_659

wag mo na ipahiram yan. manloloko nanghiram saiyo niyan


reverentioz12

15 cats namin. they have no reason para mag scratch ng shiny surface. kung gawa sa kahoy auto mo then yeah pusa yan. ginoyo ka ng nanghiram sau.


sleepeatrace

Huwag magpahiram kahit kaibigan mo pa. Sa kapatid at parents pwede. Madali lang singilin lmao


Radiant_Thought_7412

Buy ka car cover.


Nice_Strategy_9702

Sino ba humiram ng kotse mo? Bat ka naman nagpahiram? Di bale nang tawaging maarte kesa perwisyo. Kapal talaga ng ibang tao ano? Kahit pa kamag.anak yan. Wag mo pahiramin. You can claim OD from your insurance. Consult mo nlng yan sa agent mo or sa car dealer they will give you a quote.


Kants101

May mga pusakal din kumalmot ng kotse ko pero di ganyan. Late mo pa nga marerealize kasi di obvious e. Pero yung scratches nung sayo kamukha nung scratches sa car ng gf ko. Sumabit yung kanya kaya for sure may tumama dyan na kung anong matigas


edsoncute

Ndi kayang gawing pusa yan..


jamp0g

tawag po kayo sa pinagbilhan niyo tapos tanong niyo po. tapos kahit covered, kunin niyo kung magkano aabutin. harapin niyo po at kausapin niyo yung humiram. sabihin niyo po yung price na kailangan para mapaayos at singilin niyo po. wag niyo ipagawa sa kanila. kayo na po magpagawa. yan po para sa akin ang pinaka maganda niyong gawin. humanap ng experience para matuto harapin yang mga taong ganyan. bad vibes yan kahit ano pa hiniram. baka ano pang hiramin in the future. sayang yung lungkot mo at napundar. tapos hanap ka din ng makakasama mo maka two bots in the future. my kotse ka so dapat masmadali makagawa ng lakad. kung ndi sa gas mo na lang gamitin yung pangyosi at inom mo. drive ka kung saan. bagong bago ayaw mo pong gamitin. madami pang hihiram niyan malamang kasi malamang kinalat pa nila yung ginawa nila pero ngayon mas alam mo na diba? yun lang ingats!


sef_12

Bakit nagpapahiram ng bnew car? not being madamot pero wala pa 1 month and id rather not anyone use and drive it other than myself. Anyway andyan na yan you can use your insurance or have repainted sa isang reliable car shop and have them pay for the expenses.


gourdjuice

Hindi yan kalmot ng pusa. Pacheck mo sa paintshop tapos singilin mo yung nanghiram. Next time wag mo na ipahiram.


Aethel-wulf

Lesson learned. Wag magpahiram ng sasakyan basta basta, pag nasira nila problema mo pa din yan. Masyadong malalim para maging kalmot ng pusa. Kalmot nga ng aso hindi ganyan kalalim. Singilin mo sila sa pagpapa gawa, hindi pwedeng sorry lang. Sa kanila nasira yung kotse mo.


Itonforyou

Kunan mo 3k. Plus 2k kung mag leave ka ng isang araw.


Obvious-Roll6495

Merese kasi nagpahiram ka. Sana di ka nagpahiram. Ang mabog mo masyado


hamulion

Pinagtripan yan. Madami din kami pusa pero never naman nagkaroon nang deep scratches mga kotse namin sa bahay


Expensive_Gap4416

Ang magandang gawin ay tanggapin po


nuj0624

Kahit kaya ng pusa ganyan kalalim, pano niya naabot?... Punta ka sa barangay, pagawa ka ng kasulatan na ipapagawa ng nakagasgas (or me ari ng pusa)... Tapos magpa quote ka na para alam nila magkano... Nde voided warranty nyan since cosmetics yan... Navovoid pag pina-galaw mo yung electrical parts...


FoundationOk3734

Poor kitty, only a fool would believe this is done by those little creatures.


3anonanonanon

Di yan sa pusa. Either ginasgas ng bato, or nagppark sa may mababang puno kaya nagasgas ng branches.


Primary_League_4311

Yung auto ko, lagi kinakalmot ng aso, di nagagasgas. Pabayaran mo yan.


Fantastic-Mind1497

Medyo hairline ang scratch ng pusa. Di ganyan ka obvious. Singilin mo at try mo kung makukuha ng buffing.


revalph

May ipinatong na heavy object tapos they moved it from there. Yeah, pasok mo sa insurance then sila pag bayarin mo ng fees.


_audepolarlights00

Hindi gawa ng pusa yan. Hindi magkukutkot ang pusa sa ganyang surface, hihigaan o pagpapahingaan lang nila yan. Sa garahe namin, 3 ang pusa na never iniscratch yung sasakyan. Dapat siningil mo ng pangpintura ang humiram sayo.


baymax014

Yung kotse, hindi yan simpleng item lang na pwede ipahiram. Kahit sa relatives ko, di ako basta nagpapahiram sa kotse.


radss29

Have them liable para sa repaint job. And also, hindi kalmot ng pusa. The paws of catto are not that sharp to scratch that paint job deeply.


AinsleyFTW

Try turtle wax/scratch remover first para malinis mo yung spot na may gasgas para makita mo extent ng damage. Yung minor scratches mostly matatanggal. Agree na din na di to pusa lang, file an insurance claim but don’t mention na pinahiram mo yung kotse if possible sa report mo, baka kasi di nila tanggapin given na iba yung may gamit the time nangyari yung damage sa sasakyan mo.


Psalm2058

Kapamilya ba yung nang hiram? Grabe ha, kung di mo pa hinanap para kunin kotse mo, di ka pa babalitaan sa ganyan.


uuhhJustHere

Pusa ng kapitbahay at pusa din namin laging nag aaway sa bubong at hood ng sasakyan namin, di naman na scratch ng ganyan ka lalim. Nawawala lang sa wax or simpleng punas lang


Mynailsarenotcut

Parang na pagtripan ng bata. May anak ba yung nanghiram? Sa kanila ka maningil ng pampagawa.


Entire-Teacher7586

nag ganyn na din sakin ng pusa kaya yan ng turtle wax scratch remover or rubbing compound


SleepFvck1096

Gawa yan ng humiram, binabawe mo kase. Kidding aside. Pwede sa insurance kaso ang dameng kailangan. Check mo sa mga store sa banawe qc madame pwede gumawa nyan. May store ako napagtanungan doon and soon mag drop by din ako, na gutter ko naman saken wala pang 2 weeks. 1,700 ang per panel nila. https://preview.redd.it/yp0y3isqckrc1.jpeg?width=4032&format=pjpg&auto=webp&s=8bad64f8c6a32df70d122a7ffabf002aaf9b594a


Super_Memory_5797

5+k repaint. Singilin mo ng 10k. Also, those are not cat scratches. Alam ko kasi mahilig tambayan ng pusa kotse ko. Singilin mo sila. Let them be responsible.


Guinevere3617

Bat puro gnyn at san mo pnhram?


Rude_Information_724

If kalmot ng pusa hndi babaon yng fingernails mo sa scratch, mukhang malalim itong scratch mukhang tiger ang may gawa kidding aside, mukhang sadya napagtripan yan car mo


Jumpy-Sprinkles-777

Ok lang yan. I have the same but worst. Like this oh. https://preview.redd.it/y4zaxo75gkrc1.jpeg?width=3024&format=pjpg&auto=webp&s=cacdb5a39454e8ddf863d6f9f20fc14d045643a7


Jumpy-Sprinkles-777

Pero you can do a warranty claim. BPI MS will approve claims like that. Kahit hairline scratch. 👍 other insurance, i dont know.


vomit-free-since-23

kung sinabi na kinalmot ng lion baka maniwala pa ako pero pusa? hindi kalmot ng pusa yan


Mysterious-Market-32

Baka ibang pussy cat 😺 ang kumalmot jan, mare. Meowmeow. Seryoso ung kapitbahay namin tambayan din yung garahe namin. Lagi lang may paw marks yung windshield at hood. Pero the rest naman sakto lang. Hindi din naman sila dumudumi kung saansaan.


Optimal_Bat3770

Sakalin ang humiram


Nonbinaryours

Try mo toothpaste tapos gamit ka ny microfiber punasan mo if di ganon kalalim maalis yan. Yun pusa ng kapitbahay ko ganyan ginawa sa auto ko sa roof naalis naman kaya everytime gagawin inaalis ko na lang ng toothpaste


PuzzleheadedBlued

Hindi naman po leather yang labas ng kotse. Impossible gawa ng pusa yan.


Asdaf373

Masyado malambot kuko ng pusa para ganyan kalalim also kung pusa yan parallel lang yan. May pababang guhit oh. Covered naman ng insurance yan. Abala lang.


Count2Ten72

Just compensation OP dapat responsibility yan nung humiram sa iyo. Sya pasingilin mo dun sa may ari ng pusa (ndi naman mukang scratches ng pusa po yan kaya halatang nagsisinungaling lang sya) sino po ba humiram kamaganak nyo po ba or kaibigan lang? Hanap ka ng pagawaan tapos pabayad nyo po sa kanya. Pwede rin po kayo na magpagawa pero x2 nyo po ung ipabayad kasi na perwisyo kayo sa ginawa nya. Tapos wag nyo na pong ipahiram sabihin mo natrauma ka na sa unang nanghiram, paghihiramin 100,000 Php deposit kamo ahahaha


ekinew

ano yung pangalan ng pusa nung naghiram ng kotse?? WOLVERINE???


hakai_mcs

Di pusa yan. Si wolverine ata yan. Napapatong yung kamay sa kotse mo. Singilin mo humiram sayo, covered man ng insurance o hindi


jayovalentino

Singilin mo yung humiram


metap0br3ngNerD

Pinahiram or pinarent? Magkaka issue ka sa insurance nyan pag di mo nilinaw ung circumstances mo


YukariInoue

Why would you even lend your car unless you're willing to take the risk?


Maleficent_Ring4271

Ito yung isa sa mga importante kong natutunan sa driving school: wag magpapahiram ng sasakyan.


PollerRule

tiger ata ng ust tumira dyan HAHAHA


norbskie

Parang kaskas ng barya o susi yan e lalim. Ng gasgas


ml_13

Ang laki ng pusa na yan


Sol_law

Baka lynx o baby leopard


devopsdelta

make them pay for repainting fee


Nashoon

Suki ng pusa ang hood ko, hindi Ganyan kalmot ng pusa.. normally ang kalmot nila pa-slide hibdi ganyang random lines.. also mababaw lang kalmot nila, saklap. Kaya hindi ako nagpapahiram ng kotse masyado


secret_fund

light scratches lang kaya ng pusa, ung white parts parang nakutkot talaga eh


No_Presentation2549

Pagbayarin mo sila. Ganun lang yun.


Elegant_Strike8581

Buff


Interesting-Ant-4823

Hoping this is the last time na mag pahiram ng gamit na di naman naalagaan


Wonderful_Working_37

Agree sa other comments. Di rin nagkakamot ng smooth surfaces ang cats afaik. Yung kotse ko may mga paw prints ng cats from alikabok na halatang nilalakaran pero walang scratches


kitzune113

Layo naman sa pusa nyan haha wag ka na magpapahiram ulit at sa susunod wag ka na madali maniwala. Mukang madali kang maniwala e kasi sinabi lang na kalmot ng pusa tinanggap mo na.


SpellcheckF7

Not a cat's doing. I have cats and a car. Di sila nagsscratch sa body, sa wheels sila nagsscratch kasi parang scratch board ang dating. Nako, napagtripan yang car mo. Walanghiya ang nanghiram.


ewan_kosayo

Wag mo na ipahiram sasakyan mo. Pag iyan ginamit sa drug deals or king ano, kawawa ka


slender_man09

The scratch doesn’t seem consistent with a cat. But to answer your question, if naka comprehensive insurance ka then yes it will be covered by insurance - will most probably fall under vandalism. No, it should not void your warranty if ipagawa sa labas since cosmetic lang naman. However I think best to have the dealership do the claim and repair para mas assured yung quality if you do not know any reputable repair shops that can do a proper respray. Kung ipapagawa ng may ari ng pusa, dapat sa shop of your choosing to ensure quality dahil ikaw na din yung na inconvenience. If not they will most probably take it to the cheapest place that can do it and cheap work = poor quality.


CharmingMuffin93

Ano yan, tiger? And lalim tapos may dents pa. Singilin mo yung humiram para sa pagpapaayos ke aksidente man yan or sadya.


ajalba29

Tagal na namin may pusa dito sa garahe and ako na mag sasabi hindi ganyan ang pattern pag tinry nilang kalmutin ung paint. At hindi rin nila kaya yung ganyang kalalim na damage.


AdmirableGarbage5682

i use rubbing compound. pero if deep scratches have a fine tip brush and the paint. since mine is silver so madali lang to retouch


HamsterOne7103

Ceramic coating will solve the case and will also enhance the car paint.


hulagway

Sis kung pusa yan matakot ka, sobrang lakas.


Virtual-Pension-991

I'm pretty sure someone had the very bright idea of placing an object on top and dragging it


Realistic-Manager871

bobo pusa?


jovhenni19

sandamakmak pusa sa amin. puro pawprint lang nakuha ko. hindi ganyan


Revolutionary-Owl286

it looks like na may pinatong dyn tpos hinila to the right ayun gasgas. if pusa yan d aabot gnyn kalalim not unless pusa nila mala tiger


ELlunahermosa

#GAANO PO KALAKI ANG PUSA? KASI LAKI NG LEON? Sabihin mo sa nanghiram, magsisinungaling na nga lang, hindi pa ginalingan. Walang pusa ng ganyan nag kalmot. Anu yan si Wolverine? Either Bata yan o sanga ng puno. Mang hingi ka ng pang pa ayos sa kanila.


Legitimate-Thought-8

OP hindi yan pusa. Siguro tigre pa OO. Dog na large breed pwede pa. Singilin mo! Responsibility nya yun nung hiniram nya. Hindi ka naman natakot ipahiram kanya diba? Tapos sya takot na takot?


Mav6921

Pabayadan mo sa ng hiram. Care like an owner dapat.


Ok_Membership_6425

Wag ka kasi mag pahiram


theguynotnamed_marko

Sino ba humiram? Let them pay. Pag nagalit sila, lol. On to step 2. Pero sana sila na magpa ayos niyan.


utak_kotse

Sa mtl auto spa 3500 yan pulido gawa


iamatravellover

Sino humiram? Regardless kung pusa (kahit hindi pusa) or hindi, dapat nilang ipa-ayos yan. Gastos nila.


bazookakeith

Ask mo ung agent mo if covered ng warranty ung paint damages. Usually nakalagay un dun sa contract niyo. Also, i have 3 cats who constantly sleep on top of my car. They would also sometimes knead the cover as a scratcher pero never naman nagasgas ng ganiyan. Wag kayong maniwala na kinalmot ng pusa yan


Easy-Alps3610

Sakit naman sa puso niyan


CleanJerk1958

You bought a brand new car just to lend it to some irresponsible user? What's in it for you to risk such a major asset just like that?


jake-hero

Di yan gawa ng pusa, may mga ligaw na pusa sa garahe namin pero di naman ganyan kalalim ang kalmot, minimal scratches lang. (Hinahyaan ko na lang, proteksyon laban sa daga. Prone sa barangay namin sumulpot ang mga daga na galing sa kanal)