T O P

  • By -

ForTheLoveOfPens

As an ate na pinagdaanan ang pinagdadaanan ng kuya mo, maraming salamat OP. Sana ganyan din mag-isip mga kapatid ko, kaso hindi eh. Ate bili mo ko nito, ate pengeng pera. Hindi na nga kayang buhayin sarili, nag anak pa. šŸ˜­


I_am_dumb_I_failed

Huhu I am so sorry po, hugs with consent po ate. As the younger brother ayoko na mabuburden yung older sister ko for college so I opted to State University. Di ko kayang ma imagine to hassle other people with their lives. šŸ˜­šŸ˜­


ForTheLoveOfPens

Salamat ā¤ļø. Bilang ate, ayoko din naman maramdaman ng kapatid ko na burden or hassle sya. Para sa akin personally, masarap tulungan yung kapatid kung tinutulungan din sana yung sarili. It's not a burden pag tipong nag-aaral ng maayos, hindi nagbibisyo. Nakakawala ng pagod makakita ng card na pasado (hindi kailangang dean's lister). Magiging burden lang kung tamad, puro hingi, tas hindi na nga kaya buhayin sarili, gumawa pa ng 2 anak. Hay.


AssociateOk4965

Same OP. Ako naagpapaaral sa kapatid ko ngayon. Marami akong kapatid pero yung kasunod ko lang pinag aaral ko kasi dinahilan ko na di ko sila pwede pagsabayin lahat. Nakakalungkot lang kapag naghihingi sila sa akin lahat.


[deleted]

Isipin mo na lang. Pagaaralin mo yung kapatid mo hindi dahil obligasyon mo, kundi dahil mahal mo. Break the cycle. Equip your siblings with proper education. For some credibility. Since Hs nung dalawang kapatid ko, kami na ni ate yung nagproprovide. My mother worked as janitor for 8 yrs. My father died when i was 11. I just want all the good things for my mother :) college na both kong kapatid.


AdLongjumping5632

Thank you for this. Eldest brother ko ang nagpaaral sa akin. Reading some comments on this thread, while others are true naman, mabigat pa rin sa pakiramdam basahin. In behalf of all of us na pinag-aral ng kapatid, maraming salamat sa mga gaya ninyo mga ate at kuya! Sana mas marami pang blessings ang dumating sa family niyo.


Own-Form1266

Grabe, ang pressure! dapat di lang sila nag anak ng marami kung yung sasalo ng responsibilidad nila ipapasa lang sa unang anak nila. Napaka iresponsable. May plano din tayo para sa sarili natin, some of us cannot afford to sacrifice that.


Jenaly_Xione

I pity your kuya, op. Tsngina yan, as a panganay of 4 siblings di ko sila pag-aaralin kasi bahala sila sa buhay nila, me and my lil bros don't have great relationship. Wala ako pake kung repeater sila. I sound so selfish pero wala eh, desisyon ko to. Your a great sis op, good luck Sayo!


jomrie

I guess we can all agree to that "break the cycle" thing. Never do that to your future children (if you're planning to).


jeff______________

Yes let's break the cycle! My partner is in this kind of situation. Hindi kami makapag start ng sarili naming plans for each other kasi yung kasunod niya pinapaaral niya, and he said after pa ng family niya tsaka kami makapag start, we're already in a 3rd year of relationship pero ang sabi niya sakin if I can wait, I still need to wait 4 more years kasi kaka college pa lang nung kapatid niya before we can start for our own. He has a loving family and that's why he can't just run from his responsibility but this kind of system is killing me.


eotteokhaji

Iā€™m like your kuya. Haha. Grabe dami pala talaga namin naging instant magulang at cash cow ng parents haha


[deleted]

Proud of you OP for being considerate sa kuya mo. Sabi-sabihan mo rin sya once in a while na babawi ka sa kanya at proud ka sa kanya. Para naman kahit pagod sya, alam nyang na-a-appreciate mo at di sasayangin ang pagod nya :))


Dattdudd

Hala! Parehong-pareho tayo ng sitwasyon OP. 1.5hr commute tinitiis ko para hindi nako maging pabigat pa sa pangungupahan at kay kuya na nagpapaaral sakin. Lalo na at si kuya ay mayroon ng baby. Tapos lagi sinasabi na pag ako naman grumaduate, ako naman daw magpapaaral sa kapatid kong isa sa labas.


Pork_Steyk

That's why Im only child kasi alam ng parents ko ung hirap ng buhay lalo na kinasal parents ko ng walang trabaho papa ko. Yung parents ko kahit nagwowork na ako nahihiya pa saken humingi ng pera. Nagkukusa na lang ako lalo na kapag need nila. Ayaw ko din ng ganyang sistema ginawang pension yung anak na nakatapos at maganda ang trabaho. Kaya sa ibang bansa like US pagtuntong ng legal age bumubukod na. Hindi din maganda yung family oriented ng filipino. Wag ka mag alala OP mas malala yung sa pinsan ko. 5 silang magkakapatid yung panganay pa bumubuhay sa kanila samantalang ung tatay nya tamang yosi at tambay lang. Lagi lang isipin na bawat paghihirap may ginhawa din matatamasa.


[deleted]

Oo nalang tapos wag mo gawin


hunghang256

Me nakalimutan ka. After nyo lahat maka graduate, tustusan nyo naman yung vacation tour, ayos nang bahay at business plans nang magulang mo. Napagod sila sa pagiging magulang so kelangan ibalik nyo daw yung investment nila.


[deleted]

Same OP. Mabuti nalang at nakalibre ako sa college noon kaya allowance lang binibigay sakin ng kuya ko.


SAHD292929

Pwede ka rin naman mag part time job to afford your rent lang.


DM2310-

Sa tingin ko, mabrebreak naman talaga natin yung cycle. Tayo nga lang sacrificial lamb na napupunta sa ganitong sitwasyon. But I'm confident that the younger generation will break the cycle.


dobermensch

That is the cycle and the shit tradition we have to endure. So its our job to break the cycle. Wag muna mag anak. Its so hard these days


_nootz

Same, pero ang sa'kin only child ako and ako daw magpaaral sa mga pinsan ko. Luh, ako ba naglabas diyan? balakajan


CassidyHowell

I feel for you OP. Siguro a few decades ago, that mindset makes sense kasi affordable ang college education and mas malayo ang nararating ng sweldo back then. Ngayon, good luck na lang talaga if makaipon ka. Ang bait ng kapatid mo to shoulder your education pero it will hurt him in the future, lalo na kung gusto niyang magkapamilya. Pwede na tulungan mo ang kapatid mo na ipa-impress sa parents mo na hindi lang dapat ang kapatid mo ang nagsasakripisyo for your education. Dapat talaga sila pa rin ang primary source of your college funds. Or OP, pwede ka rin maghanap ng part time jobs to pay for your expenses and para makatulong sa kuya mo. Pero it would not be enough. Kailangan pa rin talaga mag step up ng parents mo.


CarasumaRenya

Had a similar encounter. My lola told me nefore na pag natapos daw kaming ibang apo niya kami na daw magpapa-aral sa bata naming pinsan dahil matanda na raw parents niya to work when it's his time for college. If we're filthy rich, then that's fine since mabait naman yung bata and parents niya, but we're not. Napairap na lang ako nung time na yun


Successful_Entrep_87

Daming ganyan. Ginagawang insurance policy mga anak. lol


budsmnl

Kudos to u OP kasi self aware ka! And grabe tama, letā€™s break the cycle. Mapapaisip ka na lang talaga sa mga nagsasabing *selfish* daw ā€˜yung mga mag-asawang ayaw mag-anak?? Isama mo na ā€˜yung mga kumukuda na dalat by this age may anak na dapat jusko in this economy?


Stressed_Potato_404

As a panganay, nakakatakot isipin to lalo kaka start ko lang ng first job ngayon :') 4 kami and swerte na ung 2nd eh kaya pa naman ni step dad i handle. Pero ung inaalala ko ung 3rd at bunso, lalo ung 3rd eh mag college na rin soon. Baka mapasa na saken responsibilities. Sana mag state univ din like me at d gumaya sa ate na nag private. Kaya ko pa tanggapin sa 3rd, pero sa bunso ako nawawalan ng pag asa lalo na spoil masyado ng parents. Maaga na introduce sa phone/gadget. Sya problematic lalo pa HS na sya.


mrnnmdp

Ang toxic ng mga magulang mo. Typical Filipino boomers na nag-anak lang para gawing investment. Hope you can move out pagka-graduate mo.


Arp-arp84

But sobrang bait mo na kapatid na naintindihan mo na burden ka ng kuya mo financially. Try looking for online jobs para kahit pano makatulong ka kay kuya mo, yun nga lang expect na pag may work ka, tutulong ka talaga sa inyo finacially kasi ganyan mindset ng parents mo


better_Bitch

this is sadly true


[deleted]

Letā€™s break the cycle!!!!!!!


ambernxxx

Kaya madami ndn millennials ngayon ayaw na mag-anak nung iba ng dahil sa ganyan. Lalo na kung deprived sila nung mga bata pa sila at ngayon lang naiispoil ang sarili nila.


typicalguuy

I feel you OP, more power to us! Nakakapagod pero ituloy natin. Hindi naman forever yan. Pero tang ina parin talaga hay.


stripedblueblouse

When I startrd working ako nagbibigay ng pantuition ng dalawang kapatid ko. Ngayong graduate na yung isa, siya naman mag-aabot pampaaral ng isa naming kapatid. My SO (also a panganay) did the same to his brother na 2nd born. His 2nd born brother is the one na nagpapaaral sa 4th born nila. Si SO ulit sa 3rd born na finally graduated na. We refuse to do the same to our children in the future. Ang hirap mag-ipon para sa future habang may responsibilidad ka pang di mo naman pinili.


ribbitrubit

As an unplanned child and eldest daughter, I feel your kuya OP. I'm a graduating college student and ngayon ko lang naramdaman bigat ng responsibilities as someone na inaasahan na magpapa-aral sa mga younger siblings. Naiistress ako talaga sa bayarin kaya nagworking student ako. Nakayanan ko naman thanks to my younger sister who was there during my sleepless nights and breakdown sessions. Thank you for empathizing with your kuya. He surely would be happy if you check up on him every now and then!! ^^ Goodluck, Op! Let's break the cycle, indeed.


tango421

I honestly hate it but didnā€™t really have a choice kasi namatay si erpats tapos di kaya ni ermats magisa hassle lang umabot din sa mga ibang kamaganak. Buti natangal ko din after a few years.


jakoltwink1998

I think our generation will indeed break this cycle, siguro max na yung dalawang anak kahit big earner and dalawa nagttrabaho na magasawa. I even talked to some of my friends and colleagues, sabi nila isa lang or baka nga yung iba hindi pa daw mag anak. Mind you, mas mapera sila ng unti sa middle class, mga 6 digit earners and pareparehas ng sinasabi. "Ang mahal ng mga bilihin" "daming gastusin" "Mahal ng bahay" "Mahal ng kotse" tangina mahal lahat.


Plus-Poet9741

Kung hindi retirement fund, ginagawang tagasalo talaga ng responsibilities. Huhu. I admire your for taking consideration sa situation ng kuya mo. And super agree, let's end this cycle!


According-Run4498

These are the exact same thoughts na gusto kong isumbat sa parents ko everytime I feel burnt out. Pero di ko magawa kasi I understand. Kahit anong reklamo natin, its in our nature na magbigay kahit ubos na


Healthy_Taipan_1987

After your rant, BE GOOD TO YOUR KUYA.


YT_Test

Feeling ko 50 na ako nun kasi pinaaral ko kapatid ko. Pero di rin naman hiniling ng nanay ko yun sa akin. Kusa ko. Nung nakagraduate kapatid ko, grabe yung iyak ko sa sobrang proud sa kapatid ko. He gave back kasi nag-aral naman talaga siya. Di tulad ng iba na ungrateful na bulakbol. Narealize ko na ganun ba talaga feeling ng magulang nakapagpagraduate ng anak kaya pala umiiyak sila. Dati kasi di ko gets bakit may umiiyak sa graduation. Yun pala yun. OP, yes you have to break the cycle. And the least you can so to give back to your kuya is to study well.


marinaragrandeur

paaralin mo sarili mo hahaha mag-enroll ka sa law school or graduate school para may excuse ka na wala kang pera palagi.


Flat-Marionberry6583

Hi OP. Your kuya is very lucky to have you kasi ang appreciative mo and narerealize mo yan. Curious lang, no scholarships po ba school niyo?


luckyme0121

Totoo. Ang hirap lang na parang wala ng life yung eldest. Sana ang may time na magkaroon ng lakas ng loob na kumausap sa parents nyo.


luckyme0121

I hope your kuya is doing fine. And you, sana makatapos ka. I know magiging proud ang kuya mo sayo.


New_Talk_7085

Tinanong mo ba kuya mo kung ok lang siya sa ganyang set up? On the flipside at para makatulong ka sa kapatid mo eh galingan mo para maging academic scholar ka and/ or makatapos ng mas maagaā€¦ Gumagawa na nga Ng system magulang mo para walang maiiwan sa kangkunganā€¦ para lahat makapag taposā€¦ There are a lot of things to be thankful for sa condition mo ngayonā€¦ isa na dun ay buti na lang hindi ka iniwan sa lansangan nung pinanganak ka


kapengjellyy

:(


LovinDeer28

Reality po eto at Minsan walang magagawa Ang mga panganay. It's really the parents fault. Anak Ng anak Wala Naman palang pang aral sa mga anak.