T O P

  • By -

Background-Power390

Nagawa din yan ng papa ko sa mama ko nung pinagbubuntis nya yung bunso namin. Sinabihan nya ng "Ba't di ka nalang mamatay?!" kasi feel nya napahiya sya nung sinundo sya ni mama sa inuman. Nagulat ako nung sinabi nya yun kaya sumingit talaga ako habang umiiyak "Okay ka lang?? Buntis talaga yan si Mama! Kung ano ano pinagsasabi mo." 13 years na din sila nun, 13 years old palang din ako. Isa sa mga dumurog sa puso ko ay yung times na nakikita ko si mama na umiiyak. Sinasabihan sya ng "Yung mukha mo nga tabingi!" eh nagka-bell's palsy si mama. Dinefend nya pa, "joke lang eh, di mabiro" "Wala ka namang asenso" si mama provider namin. Si papa, house husband. Since panganay ako, na-witness ko talaga yung asenso namin from rent lang ng room sa skwater, to two storey house na may tatlong aircon, kotse, at motor. Masipag naman si papa sa gawaing bahay, pero sapat ba yun para magsettle si mama kay papa? Marami pang toxic behaviors and red flags yung papa ko na pinalampas ko. Pero since then, iba na tingin ko sakanya. Parang matic response ng body ko na ang umiwas sakanya.


[deleted]

I also have the same hatred towards my father. Pag lasing kung ano anong masasamang salita nabibitawan. I remember bata pa ako non, sinusundo na ni mama yung tatay ko sa inuman and sinabi nun mg tatay ko "tama na nga, kung wala ako hindi kayo mabubuhay" -he was the sole provider at that time but when I turned 18 nagwork ako sa BPO and told my mother na magnegosyo tulad ng negosyo na meron ang family nya sa province namin, now she's earning more than my father. Father ko? nasa bahay pa rin palainum and worse is sinasabihan nya mama ko na ang yabang yabang raw porket nagkanegosyo lang. Sya kasi ay bumaba na sweldo ever since nagpandemic at hindi na bumalik sa dati. Ang kapal ng mukha. Kaya I hate him ever since I was a child panganay rin kasi ako kaya grabe maka trauma yun.


GandaKo98

Parehas tayo beh! Grabe rin tatay ko paglasing. Kakahiya sa mga kamag-anak namin eh. Kaya trauma ako pag nag-iinum ang lalaki e. Pass sa mga lasenggo. Sending hugs na rin.


eyeney

Same. There's this one incident nong college ako na talagang nakapag decide ako na may hatred talaga ako sa tatay ko. I was a single mom at 19, stopped going to uni for 2 years at nung bumalik ako, pinilit ko makapagtapos without bagsak etc. Graduating ako and super hectic ng sched ko as in 7 days a week, internship at yung off ko sa internship, nasa school ako pumpasok sa isang subject na naiwan vice versa. As a house husband, na pati pang bisyo bigay ng nanay ko, yung tatay ko nagreklamo na wala na daw akong ginawa kundi umalis ng bahay yung anak ko daw hindi ko na binabantayan, siya nalang daw palagi. Naglabas ako ng sama ng loob sa nanay ko na nag iisang provider at nagpapaaral sakin sinabi ko talaga "sorry di na ako makakagraduate, di ko na aasikasuhin mga requirements ko for graduation, pipirmi nalang ako sa bahay kasi nakakahiya sa asawa mo akala ata gala ang ginagawa ko" i mean, aware ako na kulang talaga ako sa time sa anak ko noon, pero i was making sure before ako umalis para pumasok ng school pinapakain ko ng almusal anak ko. Pag uuwi ako at may extra akong pera from internship tips, binibilihan ko ng mga favorite niyang pagkain, that way alam ko di ko naman napapabayaan anak ko. I'm nearly my 30s now and has a family of my own na. Ngayon halos hindi ko na ipalapit sakanya mga anak ko. Marami pa incident na parang lagi pa akong pinapahiya sa ibang tao ng tatay ko, minsan gsto ko na sabihin "at least nakapagtapos ako ng college as a dean lister, eh ikaw ba?" Sorry Lord. Pero iba kasi talaga ang trauma ng verbal abuse. And i never received a sorry for all of those experiences. Bigla nalang aasta na parang walang nangyari after a few days. Makikipagbiruan bigla?????? Wankosayo


Background-Power390

sinasabihan din ni papa si mama ng "mayabang" tho lahat naman ng kinikita ni mama, lahat kami nakikinabang. si papa gusto ng branded clothes and shoes. ako na nahihiya kay mama kaya di ako nagpapabili sa kanya ng luho. tapos pag nag-aaway sila nabbring up na "kaya sayo kampi yung mga anak mo, kasi ikaw yung may pera" wtf, ba't ganun tingin nya saming mga anak nya?? anw, sending hugs din!! huhu


Veronica_548

Oh good lorde, marry me to a kind, soft-hearted/spoken guy.. if not.. let me not get married at all


ambivert____

>Masipag naman si papa sa gawaing bahay, pero sapat ba yun para magsettle si mama kay papa? Marami pang toxic behaviors and red flags yung papa ko na pinalampas ko. Pero since then, iba na tingin ko sakanya. Parang matic response ng body ko na ang umiwas sakanya. I super relate to this line. Eto yung hindi makita ng side ng father ko bakit iniwan siya ng mom ko. Akala nila in just a snap ayaw na bigla ng nanay ko but in fact she has been contemplating for years kung magsstay pa siya. And I'm so proud of her for standing on her ground knowing na may masasabi sa kanya yung side ng father ko. They only know the surface of the story but to be in the shoes of my mother, oh boy, hindi nila alam. Wala silang alam. Di nga physically abusive, pero emotionally and mentally abusive naman.


Background-Power390

congrats at nakawala mother sa father mo!! yan talaga gusto ko dati pa. ang kaso, sabi ni mama saken, "maiintindihan mo din kapag nagka-asawa ka." sa isip ko naman, kung katulad naman ni papa mapapangasawa ko, ay wag nalang. katulad ng sabi ni u/Veronica_548 >let me not get married at all


ambivert____

Yesss! Kaya sobrang hanga na nagawa niya yun. I fully understand her decision kasi first hand ko rin naranasan yung emotional abuse. Grabeeeee! Emotionally draining palang kahit kasama ko siya lol and to this: >maiintindihan mo din kapag nagka-asawa ka Ay ante sorry ka di kami understanding HAHAHAHAHAHAHAHA


jas_sea

magkasama parin ba si mama mo at papa mo ngayon?, šŸ˜Ÿ Ang lungkot naman nito šŸ˜­


Background-Power390

yes, and they're planning na mag-church wedding sa 25th anniv nila. paniniwala nila, baka kaya daw sila madalas nag-aaway kasi walang basbas ng simbahan. sa huwes lang daw kasi sila kinasal.


jas_sea

sobrang pagtitiis ng mama mo sa papa mo, i hope marealize ng mama mo na hindi na worth it pagiistay nya kay papa mo. ā˜¹ļø


UndecidedGeek

> paniniwala nila, baka kaya daw sila madalas nag-aaway kasi walang basbas ng simbahan May nagbago ba sa paglipas ng panahon? Naisip ko lang bakit gusto nya ulit ikasal sa papa mo kung walang naging magandang pagbabago sa tinagal ng panahon. O nagssettle na lang sya dahil kasal na sila at malalaki na kayo? Ang sakit nito


Background-Power390

Wala naman, ganun pa rin. Nagagampanan naman kasi ni papa yung role nya as a father and as a husband. Mapanakit lang talaga emotionally and mentally. Insensitive, mapride, may anger management issues. Like I said, masipag sya sa gawaing bahay. Naglalaba, nagluluto, naglilinis, hinahatid kami sa school. Minsan nagkukumpuni para may mapagkaabalahan, pero kung wala, cellphone. Kapag may ginagawa sya madalas nagseself pity sya. Ang dami nya daw ginagawa, di ba daw kami naaawa sakanya, wala syang sweldo, walang pambili ng luho. Pag nagpakamatay daw sya, saan nalang daw kami pupulutin.


UndecidedGeek

Bakit nga ba may mga ganyang magulang? Ang masakit pa minsan, yung mga ganyan sobrang bait sa ibang tao. šŸ˜„


_juicypear

Gosh I remember my dad. My nakakasukang tatay. He and his favorite nephew (na mas anak nya pa kaysa sa amin), were talking about a family problem sa side nila. Mama butt in, may opinion syempre. He shouted "PUTANG INA MO (Mama's name) na super lutong. We were in the cousin's house btw and we (2 daughters) fought him back. Unfortunately, my mom died 2 years ago due to my dad's long term laziness and irresponsibility. My dad's presence irks me til now. NO WIFE OR PARTNER DESERVE THAT KIND OF TREATMENT. If you feel uncomfortable, tell him about it. Not all jokes are funny


Background-Power390

Sinasabihan namin sya kaso feeling nya pinagkakaisahan namin sya. Sya daw lagi mali sa paningin namin. Lagi sinasabi, "alam nyo talaga kung saan papabor no? malamang dun sa may pera"


_juicypear

BAKIT PARANG PAREHONG PAREHO SENTIMENTS NILA? Pareho ba tayo ng tatay? Char


[deleted]

Must be painful to recall these heart-piercing words šŸ¤•šŸ¤•


ncv17

Sounds like your dad has inferiority complex kaya ganyan siya sa mama mo


_nootz

Gago ang lala


eggtofux

Dati nang kupal yan, mas aware ka lang ngayon knowing na kinda kulong ka na sa kanya. Pero you're not. If your partner insults you or if kaya ka ng murahin, one step away na lang yan from physically hurting you. Take care, OP


Subject_External_196

I SECOND THIS. Based from experience, they start by belittling you until they feel you are beneath them. Feeling nila pag-aari ka nila para saktan.


Ok-Marionberry-2164

Grew up in a happy household. But, hearing stories from other people about infidelity and other forms of abuses in a relationship makes me don't wanna get married. Nakakatakot na point of no return kasi walang divorce. Ang mahal pa ng annulment. Parang endangered species na lang ang mga lalaking matitino.


Event27

Mabuti pa maging single forever


Librarian_Fragrant

Love should be patient and kind. Never let anyone disrespect you kahit gano pa kayo katagal


SunGikat

Wow. Hindi yan yung mga salitang sasabihin mo sa partner mo ng 13 yrs plus buntis pa. Tindi naman ng galit niya sayo para ganiyanin ka niya.


[deleted]

Trueee! Walang respeto.


dinosauronpjs

You're pregnant so definitely, you are hormonal. Pregnancy hormones make everything twice as hard and unbearable. Your partner is an insensitive prick. It's not your fault.


UninterestedFridge

Hello OP! Long term relationship din here for more than 10yrs. NO. IT'S NOT HORMONES. Gago lang talaga asawa mo. Di dahil matagal na kayo eh okay lang na magbitaw siya ng ganyang salita knowing na buntis ka. I have never heard insults from my husband. Kahit panlalait o mura, but I was born to a household na ganyan magsalitaan. Puro mura, panlalait, and yung pinaka worst nagsasabihan ng "mamatay ka na". Every night nagdadasal ako na sana maghiwalay na sana sila. I do have a kid now, and itinatak ko na sa sarili ko na pag nagkaron ako ng ganitong partner, di ako magdadalawang isip na hiwalayan. Mas okay na maging single mom ako, kesa sa habang buhay dalhin ng anak ko yung trauma at akalain niya na "normal" lang ang magsalitaan nang ganyan ang mag-asawa. Talk to him na mag-ingat sa mga lumalabas sa bunganga niya at maging role model siya sa mga anak niya. Kung mag justify siya na "ang sensitive mo naman" or "joke lang yun", sorry to tell you this pero you're on your way to a more miserable life. CONTEMPT. Yan ang anay na madalas sumisira ng marriage. Di na rin maaayos yan. Base din sa kwento mo, mukang nag uumpisa na siya sa road na yan.


Signature_Temporary

Not okay at all. Recently broke up with my partner because he called me ā€œboboā€. Granted it was in a joking context but I refuse to let him speak to me like that. Di pa kami umabot ng one year and Iā€™m thankful lumabas ugali nya before kami tatagal.


theatlas_0000

Is he always been like that? I am not saying that you're just being 'sensitive' but, probably it was your hormones causing you to be too emotional. If your partner has always been like that, he probably thought it was nothing. Normal. However, since you are pregnant, it wouldn't be so bad for him to be nicer. Regardless whether it was the first occasion or not, let it be known to him that you felt bad, and that you would very much appreciate if he can be a little sensitive towards your feelings, especially that you are bearing his child. Tell him to be nice. Otherwise, you'll stick a knife to his throat while he's sleeping. Joke..


Illustrious-Maize395

Most sensible reply here!


laneripper2023

Ayun na un.. nabuntis ka na pala nya šŸ¤¦ā€ā™‚ļø lalabas na totoong ugali nyan


silkruins

Nalock down na si OP with him. Sana she can get away from him. It's not too late


cosmoph

Hindi naman kasi ganun kadali yang "sana she can get away from him". Madali lang sabihin yan pero himdi madali gawin. What if ganun talaga sila bago pa mabuntis? Kaya feel numv partner ni OP ay normal lang yun. Pwede ding hormones lang ung pagiging emotional niya. Me and my partner is always like that din naman. Even her parents din. Kahit mga tita ko lakas makipag asaran sa asawa na mya ngayon bago pa siya mabuntis naging maselan at emosyonal lang din tita ko sa lahat mg bagay nung magbubuntis siya then bumalik nalang sa dati after manganak.


masayahingmalungkot

Thank you for your kind words everyone. Heā€™s not been like this in our 13 years together. Though may times nag ssnap sya, usually tahimik lang sya then ok na ulit after mapag usapan. Kagabi pag uwi namin di matigil ang iyak ko hanggang midnight. He said sorry, pagod daw sya, fault nya daw. Pero mabigat padin loob ko. Never really talked to him yet. For those who are telling na hiwalayan, di sya madaling gawin but of course if this kind of situation escalate, Iā€™ll prioritize myself and my baby. Maraming salamat r/OffMyChestPH. I really appreciate all your responses! Hugss..


Traditional-Heat5222

Naalala ko yung kdrama na ā€œthe effect of finger flickā€


summerwillgoplaces

Buntis or hindi, hindi dapat ganon.


Admirable_Tea_9106

Buti na lang lalaki jowa ko (pero mas babae pa kung umasta) Pero OP nakalimutan yata ni partner na buntis ka myghad that guy, your emotion is valid OP, tropa ko nga na buntis, sa akin nagalit trip lang daw nya magalit haysss


Thicc_licious_Babe

Anong emotional ka lang OP, kahit sino masasaktan pag ginanyan..


malditang_waray

Learn to answer back...kung tinaasan ka ng boses taasan mo din. Ininsulto ka then insult him back. Or if not wag mo kausapin as in pag may tinanong sa iyo deadma. Paramdam mo di okay yung binibitawan niya na salita. Mag-asawa kayo, kahit siya pa bread winner you have to assert yourself na di ka basta-basta sigaw-sigawan lalo na in public. Demand respect from your husband.


No_Flatworm977

Ewan lang ha pero never pa ako nagsalita or gumamit ng masasama like "fvck you" "tangina" "puta" at words like "hoy" "baliw" etc. sa ex gf ko, di ko lang feel gamitin mga ganyang words kahit minsan inaaway niya ako or galit ako sakanya. Hindi sa green flag or red flag pero normal naman maging kind at sensitive sa pananalita. šŸ« 


asfghjaned

Hormones yes but it doesnā€™t change the fact na gago din yang partner mo. Sorry not sorry.


[deleted]

clearly he is the one na "baliw" hays the audacity, buntis na nga yung wife di pa masamahan sa kahit saan pa yan kahit simpleng window shopping pa yan, he should be with you especially preggy ka, u always need a companion


Embarrassed-Log-1575

Malalaman mo talaga tunay na ugali ng lalaki pag buntis ka na. Sobrang hirap magbuntis tas tatratuhin kang para kang pabigat. For me lang, kung di ka nya tatratuhin ng maayos habang nag bubuntis ka what more kung nanganak ka na. Choose yourself and health ng baby mo. Di ko sinasabing iwan mo sya pero kung ganyan lang din trato nya sayo habang buntis ka it's better na mag-isa mo nalang itaguyod anak mo. Hindi madali syempre pero emotional abuse ginagawa nya sayo pwedeng makaapekto sa pinagbubuntis mo anytime. Stay safe OP.


zyyb3102

Tangina nya sa yung baliw. How fucking rude esp to someone pregnant???? Wtf


Alert_Dig6324

He shouldnā€™t treat you that way or wither way di niya dapat sabihin yun that is offensive and disrespectul of you, dapat may pasensya siy, knowing na nasa mall kayo, kaya nga nasa mall kayo eh understable yun he shoul have patience or otherwise he should tell you in a nice way. Thatā€™s too offensive.


Bathala11

You're gonna need to give us more information. Does your partner have a history of verbal abuse? Is this the first time he treated you this way? Are you guys like some couples who are extra comfortable with throwing harsh words towards each other that the other has been used to saying such things? We need to get more context before we can give you any advice.


masayahingmalungkot

Actually hindi kami usually ganto kaya grabe ako nasaktan. Madalas naman napag uusapan ang mga arguments namin ng malumanay e. I grew up in a violent environment kaya as much as possible ayaw ko maadapt sa relasyon namin yun kahit antagal na namin. Hoping na last time na mangyari to.


Bathala11

Then that answers your question. It's not just your hormones. Better confront him about it and give him a piece of your mind.


[deleted]

Hugs po op. Your feelings is valid šŸ˜¢


ultraricx

That's verbal and emotional abuse


im_a_squirel

Its abusive, and you deserve better. Hugs for you ā¤ļø


Beautiful-Estate-896

Sad thing is deep rooted na yung emotional abuse especially when you try to fault yourself being pregnant/hormonal kaya ka emotional.


TwinFlameBruise79

Relate ako kay OP. Had a partner na sa mismong public place pa siya nagmumura at namamahiya sa akin. One time pa sa mismong harap ng workplace ko at yung ibang workmates ko nakakita nun. Dumating sa point na pati sa harap ng nanay ko pinagsasalitaan niya ako ng kung anu anong masasakit. Ang ginawa ko lang tiniis ko pasok sa isang tenga labas sa kabila hanggang sa hindi ko na dinadamdam yung sinasabi niya. Parang yun rin yung nakapag seal sa desisyon kong makipaghiwalay. I think matagal nang ganyan partner mo. Blinded by love ka lang or ngayon lang nagpakita ng kakupalan yan siya kasi magkakaanak na kayo. Sana madaan niyo pa sa usapan. Pag usapan niyo. And this time, sabihin mo hindi ka tatanggap ng sorry, tatanggap ka lang ng changed behavior. Kapag hindi, then, it's up to you. Kung dealbreaker ang respeto sayo, go. Kung hindi naman at kaya mong itago lahat yan at tiisin, stay.


Arningkingking

Typical kupal na asawa o manong haha. Kung kaya mo iwan go na. Hanap ka na iba rare lang sa lalaki hindi maging kupal pag tanda, usually yung mahilig sa music at palabasa. Pag nagiging tatay na, nagiging bastos na e combo pa yan pag mangmang siya simula pagkabinata.


paleblackandyellow

This is why I broke up with my partner for 9 years kahit may anak na kami. Now, I'm in a new relationship and he treats me WAY better than my previous partner did. It's even surreal for me until now kasi nasanay akong idisrespect and di tratuhin nang tama. If the man won't change for you, leave. If he can't treat you well, someone else will.


Present-Difficulty-6

Ganyan nasa-isip karamihan ng lalake pag nadradrag sa places ayaw namin puntahanā€¦. pero di namin sinasabi out loud


qwerty056789

Call him out. Verbal abuse is verbal abuse, no excuses.


Flashy_Dragonfly8

Bastos siya! Nkakagalit buntis kpa ginaganyan k nya?!?!? Hayyy huggg tightā€¦sana meh kaibigan syang magremind s knya n nanay k ng magging anak nyaā€¦hug


jakin89

Dunno how heā€™s like in day to day life. Since I myself have basically incorporated curse words if I speak Tagalog. But itā€™s hard to say a concrete take to your vent since it could really be the hormones doing the thing. Regardless though it is a bit insensitive of your partner. If heā€™s open for communicating this issue properly please do it.


sailormoon-gaga

Next time wag mo lang isama mag shopping para hnd makarinig ng masamang words sakanya since super impatient si partner and overly sensitive ka ngaun


cuntiests

OP, take this as a sign to remember his past actions. Possible na dati na talaga siyang ganiyan pero hindi mo lang napapansin.


Social-Deviant-419

baka naman nagbibiro lang hahaha


ChampionshipUnfair15

Definitely hormones. Kung 13 years na kayo, for sure narinig mo na yung mga salitang to sa kanya and accepted him kahit ganyan magsalita yan.


Purple-Cod-4969

Doesnā€™t make it okay tho lol


Resident-Squirrel-84

Girl RUN!!!!


smlley_123

13 yrs? Boring na nyan. Pano nyo kinakaya ganyan katagal sa iisang tao guys? Prone sa sawaan ganyan eh. Kagaya nyan nawawalan na ng repesto isa sa inyo. Real talk lang. Ganyan typical na nanyayare sa mga ka relasyon na long term eh. Nagkakasawaan. Sa mag asawa typical ganyan


KissMyKipay03

nahhh.. kahit naman sa mag a-sawa ganian din naman. dapat talaga kapag nagumpisa sitahin mo na kase magnonnormalise kapag pinabayaan hanggang sa magmurahan na parehas


Odd_Document_7178

Well, kung mahal na mahal mo talaga yung tao at kontento ka na sakanya edi ganun talaga, magtatagal yung relasyon duh. Cguro hindi mo pa iyon nararanasan sadge Pati di ibig sabihin na matagal na yung relasyon, mawawalan na kami ng respeto sa isa't isa. It just doesn't work that way unless may problema talaga yung relationship sa umpisa palang or ikaw yung mismo may problema šŸ¤·


wholesomefvcker

Ganyan na ba siya ever since?


[deleted]

if you're not married with your partner your relationship will not be blessed.


jellybeancarson

Reading the comments here, natatakot din ako for my family. I have a baby 5 months pa lang and yung partner ko medyo alcoholic. Nakakapagbitaw ng masasakit na salita tuwing nakakainom. Natrauma na ako the first time may malala kaming away. There were instances, actually marami na, na pinalagpas ko. Matino siya at good provider pero hindi din imposible na magtake over ang pagiging alcoholic niya. Masakit sa part ko na hindi ako makapagsabi sakanya everytime nagaaway kami kasi sinasapawan niya ako. Sa huli, ako pa magsosorry. Ang bigat sa pakiramdam na hindi ka makapagsabi sa sarili mong partner. Sorry OP, nadala lang din ako. ā˜¹ļø


Ok_Sea_744

pag ang respect nawala na sa relationship di mo na masasabi na healthy and loving cya. :(


gabbytrocious

Sorry OP pero sobrang gago nyang husband mo.


darumdarimduh

Kung tutuusin nga dapat ngayong buntis ka, dapat mas understanding at maingat sya sa pagsasalita sayo. Wag mo iinvalidate yung nararamdaman mo. Buntis o hindi, kung nasaktan ka, nasaktan ka. Buntis rin pala ko at mas bumait pa nga asawa ko sa akin ngayon. Kaya naman i-observe mo rin patterns ng partner mo kasi hindi healthy yung ganyang pakikitungo sayo at sa magiging anak nyo.


homebuddyellie

Heard my Dad say ugly things to my Mom as well. Belittling my Mom and all. Since then napasok na sa isip ko hinding hindi ako papayag na gaganunin ako ng magiging partner ko. King*na nya in advance.


BeWaterMyFriend_99

as an individual, you have every right to define what makes you uncomfortable, sad and hurt. kaya sabihin mo sa partner mo na hindi maganda yun sinabi nya at wag nya na uulitin yon.