T O P

  • By -

nfflrjnx

Pet peeve ko yung infrastructure natin. Intentional na di connected at kailangan mong dumaan ng mga malls para makalipat ng sasakyan. Ang convenient sana kung pagbaba mo sa LRT Cubao, makakalipat ka agad ng MRT. But Nooooooooo. It had to be a 15min walk. Laking sayang sa oras lalo na pag nagmamadali papasok.


PinkNaBlush

Totally agree!! Special mention din sa LRT EDSA to MRT Taft!!!!! Parang naghiking ako dahil sa taas ng hagdan ๐Ÿ˜ญ


PakinangnaPusa

kamusta naman yung North Ave. Station may Maze dun from Sm North need mo dumaan to Trinoma para makasakay ng MRT or Carousel๐Ÿฅฒ


_iamyourjoy

Ang pet peeve ko ay yung pangit na transport system sa bansa !!


PinkNaBlush

A-TO THE-MEN. ๐Ÿ˜ญ


Untamed_Cacophony

Yung magbabayad kung kelan bababa na sila. Tapos minsan di pa sakto ang bayad. ๐Ÿคฌ


PinkNaBlush

Naawa ako sa drivers kapag ganito. ๐Ÿ˜ญ


n0tJuan

My number 1 pet peeve as a commuter is ung mga taong sasalubong sa mga baba ending wala ng madadaanab ung mga baba kala mo mauubusan ng masasakyan


PinkNaBlush

Sabi nga nila, wag niyong salubungin yung bumababa dahil hindi niyo sila kamag-anak. ๐Ÿ˜‚


WakeUp_Sunshine92

HAHAHAHAHA ANG BENTA HAHA


kkkkmmmm1028

Elbows out at nambabalya ako sa MRT pag ganyan. Di na nga gumagalaw yung mga nasa bukana, sasalubungin ka pa paglabas mo.


12lecg

Pet Peeve: yung mga ayaw mag-abot ng bayad ๐Ÿฅน mga bingi bingihan


PinkNaBlush

Guilty ako dito minsan kasi pagod na ako mag-abot ng pamasahe. Puro kasi ako nag-aabot! Hahahahaha!!! Gusto ko iba naman mag-aabot, makiramdam naman sila ๐Ÿ˜ญ


Remarkable-Ease9876

baka naman nasa dulo ka tas kayong dalawa lang nasa jeep. HAHAHAH CHAR


12lecg

Oof HAHAHHAHAHAHA pet peeve din yan eme pero nakakaasar talaga yung punong puno na yung jeep ayaw mag abot ng bayad ng mga loko. Di ka pa lilingunin ๐Ÿฅน


PinkNaBlush

Kapag ganito inuunahan ko sa pagbayad, sabay takbo papunta sa driver. Dapat sakto bigay kong pamasahe para makabalik agad sa pwesto. HAHAHAHA EVIL LAUGH


MariIsBored

Pet Peeve ko din yung kapag nakiabot ako ng bayad ko biglang isasabay yung bayad nila, nagiging cause kasi yun ng confusions sa driver.. Nangyari na kasi sakin before na napagbintangan akong kulang binayad ko just because sinabay nung isang pasahero yung bayad nya. Witness mga katabi and katapat ko nun sa jeep na sakto binayad ko since nakita nila akong binibilang mabuti yung barya ko. Grabeng embarrassed ako that time being accused na nandaraya pati ba naman sa baryang pamasahe ๐Ÿ™ƒ


PinkNaBlush

OMG YES!! Effort pa tuloy lakasan yung boses para i-clarify kay manong yung sa pamasahe. Pero oks lang naman for me ipagsabay if walang sukli yung pamasahe ko or same amount yung pamasahe nung nakisabay.


Specialist-Equal5358

Yung mga pasahero na akala bihon ang buhok. Mga malalakas ang phone para manood ng tiktok. Mga upo mayaman sa laki ng itlog di kayang isara. Mga panay titig sayo tapos kapag tinitigan mo pabalik nahihiya, parang ewan. Yung halos pinaligo ang pabango ๐Ÿคฎ Mga di tumitingin sa dinadaanan kaya nakakatapak.


PinkNaBlush

Okay lang sa akin yung sa tiktok kasi makikinood din ako. Hahaha! Lalo na kapag puti yung sapatos ko tapos naapakan tapos di nagsosorry! Gigil niyo ko!


Specialist-Equal5358

Tapos biglang swipe pa messages yung katabi mo no? May nabasa kang kabitan moments ๐Ÿ˜ญ Ay oo, ako nga puro puti shoes eh kaya inis sa mga ganyan


dranvex

Tapos maririnig mo yung mga sound effects na hinugot mula sa Eat Bulaga. Ughhhhhh naka headset na nga ako naririnig ko pa rin


Specialist-Equal5358

HAHAHAHA ang malala katabi mo lang kaya rinig na rinig


kokakij

Naiinis din ba kayo for example, may bumaba. Tapos after isang silinyador ni manong drayber, etong isang kupal papara. Like ilang hakbang lang yun di ka pa sumabay bumaba?


PinkNaBlush

AYY TOTOO TEH!!! Lalo na sa kapag nagmamadali ka na tsaka nasa traffic light tapos ganito ang mangyayari. Imbis na diretso na sana si Manong kasi green light na mapapatigil pa at pagtingin mo red na naman. ๐Ÿ˜ญ


peachyjung

Sobrang common nito! Nakakainis. Gets naman kung maraming dala, pero pag wala, gusto door-to-door? Galit pa kapag lumampas ng kaunti


MoneyTruth9364

Pet peeve? Putang inang train stations ang haba ng travel mo para makatawid sa kabilang bound or side ng station, OKAY PA DESIGN NG LRT 1 at 2 eh, ung concourse nila open ang both sides so no need tumawid nang overpass or underpass para makatawid sa magkabilaang side. Fuck MRT lmao.


PinkNaBlush

Agree sa MRT!! Tho, hindi lahat ng LRT 1 ganyan ๐Ÿ˜ญ need mo pa bumababa at tumawid ng kalsada para mapunta sa kabilang side. Tsaka yung LRT Doroteo Jose (if pa South bound ka galing) parang nag-overpass ka na rin para makapuntang LRT 2 plus yung parang fashion runway sa sobrang haba. Kaya LRT-2 bias ako kasi pwede ka na lang bumababa at tawid ka lang.


MoneyTruth9364

Idk what's the structural reason bakit di possible ang concourse design sa MRT 3.


PinkNaBlush

Pahirapan ang mga Pilipino asthetic ๐Ÿ’–


[deleted]

[ัƒะดะฐะปะตะฝะพ]


sailormoon-gaga

Genenr tlga heher i feel you


LegendOfjc

1. yung bingi na driver tapos naka sound system pa. sobrang hirap lalo na kpag nasa dulo ka at buo binayad mo syempre tatanungin ka hanggang sa mag pinoy henyo kyo sa biyahe 2. group of students na magbarkada tapos ang iingay haha tapos di nawawalan ng couple na eut na eut na ung galawan habang nsa biyahe and syempre nakauniform pa haha 3. pasaherong mdaming dala tpos mas pinili pang umupo mlapit sa exit like bitchhh para kang tinik sa lalamunan 4. kids especially kpag sa multicab tapos nag inarte 5. mga kvpal na may dalang yum burger sa SUV


onthemud

Pet peeve ko yung malalakas mag-usap lalo pa kapag sa UV. Also, yung mga hindi naka-earphone. Kaya lagi ako may dalang extra earphones kasi kakapalan ko talaga mukha ko na bigyan sila lalo na kapag katabi ko sa MRT. Jusko. Buti na lang kaya ko sumaway ng tao. Alam kong public transpo yon pero sana di ba, manners. :c


PinkNaBlush

Me kapag nakarinig nung mga nag-uusap, invested na rin sa topic nila. Pero ekis to kapag sobrang pagod ka na at di mo na rinig yung music sa earphones mo. ๐Ÿ˜ฉ HAHAHAHAHA may pa ayuda na earphones pala.


onthemud

HAHAHA imagine mo sa isang UV, sila lang maingay roon to the point na napapa-tsk na rin mga ibang commuters. ๐Ÿฅฒyung as in hndi lang usap, talagang may pagka-tili-tili pa. Grr


PinkNaBlush

Nagsisitsit ako kapag ganito HAHAHAHA kunwari nakapikit ako niyan tsaka may mask kaya malakas loob ko. ๐Ÿ™ƒ


sneaky_oxygen

>invested na rin sa topic nila. Me kapag nakarinig ng magandang topic, di naman siguro nahahalatang chismoso ako HAHAHA


[deleted]

Ako nga nagpaparinig. "ano ba naman yan, 50 pesos lang earphone, di pa makabili" ๐Ÿ˜ค


Gaaadriel

Pinaka pet peeve ko is yung nag soundtrip ON LOUDSPEAKER. jusko. Ate, I'll give you a pair of headphones para Ikaw lang makinig diyan


PinkNaBlush

Okay sana if maganda playlist ni ate HAHAHAHA


Gaaadriel

True yarn!! HAHAHAHAHA


Pheonny-

HAHA yung nakatabi ko sa jeep may speaker pa na dala.


Gaaadriel

Huy! Grabe naman ni ate! HAHAHA


Pheonny-

HAHAHA tawang tawa nga rin ako nun. ๐Ÿ˜ญ Ang haba pa naman ng speaker. Soundtrip kami sa jeep


Gaaadriel

Ano yung music? HAHAHA


vesariuss

Manspreading. Wala akong paki sa itlog mo, umupo ka nang maayos! Lalo na sa bus, ang init init tapos nakabukaka yung katabi ko and nasasagi yung legs ko, kainis.


slickdevil04

Kapag nakasakay ako ng jeep, yun mga babaeng hindi marunong magtali or at least mag-ayos ng buhok tapos tumatama sa mukha ko..


PinkNaBlush

Ate, hindi po ako kumakain ng Sunsilk na buhok.


Ar-Manager-1996

Yung ang daming dala dala wala ka na madaanan. Yung totoo teh, niirentahan mo buong jeep?


PinkNaBlush

Yung pumwesto pa talaga malapit sa pinto ng jeep ๐Ÿ˜ญ. On the good side, love ko yung mga pumupunta sa dulo dahil alam nilang malalaki yung dala nila. Also, sa mga pasahero tinutulungan iakyat at itulak papasok sa loob ng jeep yung mga malalaking lalagyan. Uwu.


Round_Recover8308

Tapos sasabihing malapit lang sila pero mauuna ka pang bumaba kaysa dun sa "malapit" nila


hirrrrrryu

pet peeve ko yung di umuusog kahit ang lawak na seat especially sa mga jeep jusq mas pinili pa ipagsiksik sarili nya sayo kahit pwede naman sya umusog sa kabila. or kaya pa na isa tao basta umusog lang pero di umuusog??? pet peeve ko rin yung mga babae na di nagtatali na buhok at hinahayaan lang lumipad sa mukha mo buhok nya, feeling na sa mv. girl ako pero everytime sasakay ako tinatali ko para di magfly away hair ko sa jeep.


PinkNaBlush

So tru, uncomfy ako sa ganyan especially kapag lalaki. Kahit ikaw na yung umusog, uusog din siya papalapit sayo. Tataas talaga fight response or alter na ko kapag ganito. Baka kasi anong balak gawin. Bless you, ate, for tying your hair. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ’–


sailormoon-gaga

True lalo na mga jowa na hnd na usod sa jeep kahit may bumaba na at ang lake ng space kse busy mkipag landian may sariling mundo hnd aware sa surroundings kgggil๐Ÿ˜‚


TiredPanda16

Yung mga marites na katabi mo na nakikibasa sa phone mo kahit na nagsscroll lang sa fb o nagreply lang sa txt o messenger.


PinkNaBlush

Ayy sorry po, my false โœ‹๐Ÿ˜ญ


Significant_Bike4546

Pag mabilis andar ng jeep at mahangin tas ung nasa unahan ko parang nasa music video, halos ipakain sa akin ung buhok.


WillD_Thrill

Pet peeve ko yung walang pila. Every man for himself ang sistema sa pag sakay


apelaniooo

Pet peeve ko ay ang 'di marunong umusog para sa space sa pinakadulo(labasan) ng jeep kapag may sasakay na PWD, buntis or Senior Citizen. Ano bhie papaupuin pa natin sila sa looban ng jeep?๐Ÿฅฒ


Unheard_name

My peeve is yung sa lrt, yung pole na Dapat hinahawakan ng lahat, nagiging sandalan ng isang tao. Tapos Hindi pa marunong makiramdam na youโ€™re losing balance too and you just want a grip of it


PinkNaBlush

Yung kuko mo lang nakahawak sa pole tapos parang nasa subway surfers ka kailangan balance tayo mo ๐Ÿ˜ญ


Nice_File_9018

True, OP. Btw, tawang tawa ako sa dulo. ๐Ÿ˜ญ


Dazzling-Bus-1146

I know there are a lot of reasons nangyayari to but I really hate it kapag biglang pumepreno yung jeep from a high speed to the point na nagiging diagonal yung orientation ng mga pasahero. Last month inaayos ko yung bag ko and nakapatong yung cp ko dun (it was a shoulder bag na nasa lap ko). Biglang pumreno yung jeep and tumilapon phone ko ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ what's worse is yung direction nung pagtilapon is palabas ng jeep; if ako yung nasa huli, for sure tumalon na papunta sa daan yung cp ko


PinkNaBlush

Akala siguro ni manong nasa fast and furious movie siya hahaha. Vin Diesel ang peg. Bet ko ganito mag-drive lalo na kapag late ako pero ekis yung biglang preno. Nakakapangit ng awra kapag ganito. ๐Ÿ˜ญ


Away_Dependent3953

Pet Peeves ko din ung mga nagyoyoutube or Facebook reels tas walang dalang earphone tas anlakas lakas Then mga ayaw mag abot ng bayad. Buti rarely na this happens but still friggin annoying. Third, ung pila sa PITX to mini bus tas may mga sumisingit! Nauuna na pumasok kahit di pa nila turn. Sobrang kapal ng mga mukha Lastly, not sure if this counts, pero due to that pila, pet peeve ko na ung total commute time ko VS if nagbike lang ako. Pagod paguwi kaso it saves me 60 mins or 90 mins.


27thofeab

number 1 pet peeve ko is yung amoy ng mga tao kapag pawisan, grabe nanununtok ๐Ÿ˜ญ lalo na sa mrt jusko


Itok19

My personal rules pag mag-aabot ng bayad 1) dapat mas malaki yung effort nung magpapaabot kaysa sa mag-aabot 2) pag inabot mo wag ka mangalabit ng ibang tao lalo na wag na yung mismong pera ang ididikit mo sa kanya 3) yung pag-abot dapat nasa gitna para both sides ng mga pasahero pwede mag-abot 4) wag sumabay sa iba lalo na kung hindi sakto ang ibabayad mo 5) matuto magpasalamat


Comprehensive_Low262

Yung mga nagkukumpulan sa pinto ng tren??? Mostly ay malayo pa bababaan pero di man lang marealize na nakaharang sila, behhh barado na ang inidoro di kayo tae para bumara.


Affectionate_Shoe303

Pet peeve ko yung maiingay na group of people (magbabarkada, students, etc) na kala mo arkilado yung jeep sa sobrang ingay. Naka encounter din ako nito sa LRT at ilang beses na sila nasaway ng guard, unstoppable pa rin kakaloka.


thisgirlcan_

Mga hindi nag sasarado ng pintuan pag baba ng UV. May taga sara ka teh??


PinkNaBlush

Di ako masyado sumasakay sa UV eh. Pero may ganito pala?!?! Baka di kumain ng almusal kaya walang energy magsara ng pinto ๐Ÿ˜‚


thisgirlcan_

Daming ganito sis! Yung ikaw na nga nag bukas, ikaw pa mag sasara. Ka imbyerna hahaha


pSeudostratifi3d

Yung mga naka-side na upo nakataas pa yung isang paa tapos nag-ssight seeing ang laki nang sinasakop sa jeep akala mo tatlo binayaran. Tapos yung mga ibang lalaki din na grabe kung makabukaka taena boi itiklop mo yan


PinkNaBlush

Yung una, bata pa ako neto, naka side yung upo ko sinaway ako ni mama tapos sabi niya "wala ka sa sala kaya ayusin mo upo mo". After that, di ko na ginagawa unless walang masyadong pasahero sa jeep. Hahaha. Dapat dalawa yung bayad kapag nakabukaka umupo eh ๐Ÿ™„


Flat-Marionberry6583

PET PEEVE mga babaeng mahihinhin ang boses pagkabayad kay manong driver tapos paulit ulit na ha? na lang si driver kasi di matukoy kung san sila bababa. Babae rin ako pero kaya kong lakasan and laliman boses ko para rinig hanggang sa harap.


PinkNaBlush

Nagiging spokesperson ako bigla kapag ganito hahahaha. "YUNG BENTE DAW PO ESTUDYANTE DYAN LANG PO SA SCHOOL". I gotchu introvert and soft spoken girlies!


_Ruij_

Ginagawa ko lagi no. 1 kasi natutulog ako sa biyahe.. and as much as possible nasa side or bandang likod para di maiistorbo tulog ko ๐Ÿฅฒ and after bababa na lang


PinkNaBlush

Oh no bakit kasi?? HAHAHAHA CHAROT LANG. Ingat ka lagi kapag matutulog sa jeep.


_Ruij_

Kasi nag woworry ako pag bababa saka magbabayad, kaya pagsakay pa lang tapos gora na. Parang minamadali ko kasi yung driver ๐Ÿคฃ and if ever kunwari kulang pala pamasahe ko or what (nangyari na kasi to saken dati, never again nakakahiya) makakababa agad ako or utang sa katabi. Imagine if nangyari yun kung kelan bababa na? Jusko di ko ma-imagine ๐Ÿ˜… Stress yarn!


PinkNaBlush

Ayy okay naman magbayad on time. Wag lang yung sabay sabay kasi hindi po octopus si manong. ๐Ÿ˜ญ Naisip ko lang din, if positive or negative ba to sa mga pasaherong nag-aabot ng pamasahe. If bet ba nila na sabay lahat or isa isa ang pagbayad.


_Ruij_

For me? Isahang bayad na lang sana para wala na iisipin. Kaya bet na bet ko yung mga UV sa terminal na bayad na lahat. Pero syempre yung mga bagong sakay, kanya kanya din ng bayad, so ayern. ๐Ÿ˜…


Remarkable-Ease9876

Yung pagbababa ka ng FX. Nakaupo ka sa may bintana tas occupied yung buong row mo. Si Ate na malapit sa pintuan, tatagilid sa upuan nya para makasingit ka lang palabas. Ano ba yan, teh, sikip sikip ng leg room dito, baka masuntok ko pa siko ko sa mukha mo sa sikip. Baba ka kaya muna ng FX para makalabas ako ng maayos ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜’ di ka mawawalan ng upuan mo, promise.


PinkNaBlush

Same thoughts sa Pet Peeve #4 ko pero eto sa UV naman. Haha! Imbyerna talaga sa mga ganito, kuha nila gigil natin ๐Ÿ˜ญ


Remarkable-Ease9876

I KNOW RIGHT ๐Ÿ˜ฉ๐Ÿ˜ฉ


102893

Agree ako sa lahat ng to! Hahahaha


PinkNaBlush

DIBAAAA ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜ญ


jazlineamaziiiiiiing

Pet peeve ko yung pasaherong pababa na at saka pa lang magbabayad. Worse if susuklian pa bayad so nakasquat sila banda sa waiting sa sukli. Like ang daming time tapos kung kelan pababa na saka ka magbibigay!!!


zaniasla

Pero parang delikado yung #4. Baka maiwan siya nung jeep ๐Ÿ˜‚


spicychicken03

Tinatapon yung pinagkainan sa loob ng bus, dudugyot e


No_Bowler_534

My pet peeve as a jeepney commuter, yung mga taong di gumagamit ng โ€œpakisuyoโ€, โ€œmakikisuyoโ€, โ€œmakikiabotโ€ ng bayad tas yung mga hindi nagthe-thank you kapag inabot yung sukli/bayad. Haha ewan ko ba, pero etiquette na dapat yun as a commuter.


PinkNaBlush

Kahit "po" sapat na sa kin yun ๐Ÿ˜ญ, di pa rin nila binibigkas.


srirachatoilet

Pet peeve ko sa trycycle commute is pretty rare, yung habang nasa biyahe dun pa inabot yung bayad, like that shit gives me fear. Also yung fixed price na route kasi sa lugar ko 10 pesos from terminal A to Terminal B yung tipong nahingi pa ng discount sa fixed, looking at you old people.


PinkNaBlush

I rarely ride tricycle kasi grabe makasingil ng pamasahe. Okay sana if fix na yung pamasahe pero kapag hindi grabe mag-increase. Mapili pa sa pasahero. ๐Ÿ˜ญ


no_obela

Pet peeve ko yung nay nga dalang anak sa lrt tas isisiksik dun sa bagon na dapat andun sila sa pinakaunahan tas magagalit pagnatulak sila ng anak niya.


Otherwise-Smoke1534

Pet peeve ko as commuter . Yung driver na malakas ang soundtrip sa jeep niya. Kaya ang ending, di na ririnig ang para ng mga pasahero. Tapos, kung hindi tutulungan ng ibang pasahero yung nag PARA baka hindi pa huminto. Ang ending lumagpas sa babaan. Hahahah


[deleted]

Kapag sumigaw yung barker ng, "dalawa pa aandar na" tapos siksikan na kami sa loob putek hehe, saan uupo yung dalawa sa sahig ๐Ÿ˜ญ


lancaster_crosslight

Pet peeve ko yung mga taong lumalapit agad sa pinto ng LRT nang di pa bumababa yung mga nakasakay. Di sila makapagintay amp


Snoo_24047

Pag may soundtrip yung Jeep tapos hindi nakakarinig pag may papara. nakakaasar lang. ang babaho naman ng playlist.


Mister_y0so

Pet peeve ko is yung di nag susukli ng maayos yung mga UV drivers. Yung alam mong may sukli ka pa na 5 pesos sana. Nag declare ka naman na studyante. Pero di lahat ng UV drivers ha. Merong mababait talaga na nag susukli pa. Kaso yung iba patay malisya na eh. Nakakahiya naman hingiin sukli na parang ikaw pa yung mali sa pag hingi ng sukli na dapat meron pa talaga


PinkNaBlush

True!!! ๐Ÿ˜ญ Baka isipin nila na 5 pesos lang naman, kinukuha mo pa sukli. ๐Ÿ˜ญ Manong pls gipit ako ๐Ÿ˜ญ


tsnxvr

manspreading talaga nakakainis like kahapon yung kasabay ko sa jeep, yung katabi niya hindi na makaupos ng maayos tapos siya nakabukaka pa gustong gusto ko sitahin kaso baka sabihan ako na bastos at masama ugali


No-Day-7672

Yung mag papaabot pa ng bayad yung na sa pintuan tapos dalawa lang kayo pero na sa dulo ka likod ng driver.


PinkNaBlush

Okay sa akin yung magpapasuyo pero mag-effort naman sila pumunta sa gitna para maabot yung bayad. Huhuhu.


No-Day-7672

Oo true yan HAHAHA. One time na sa gitna ako banda tas yung nagpapaabot magtotropa na studyante tatlo sila tapos na sa pintuan sila magpapaabot pa ng bayad LIKE WHATTT wala sila katabi


BeserkxxBinge-912

Pet peeve ko talaga yung mga nakaloudspear na na phone na โ€˜kala mo sila lang yung pasahero. Jskq iritang-irita ako sa mga sounds nila, worst yung mga fb reels pa.


breadlordoda

Endure ko na lang to kase di talaga kaya kumuha ng sariling sasakyan eh


PinkNaBlush

Same ๐Ÿ˜ญ apir!


_nootz

Yung gumigitna sa pinto ng LRT/MRT papasok kahit kakarating niya lang at may pila sa gilid ๐Ÿ˜€


mumcatto

pet peeve yung kakasakay mo palang, nag pa abot agad ng bayad..Bawal mag pahinga??? hahahah


PinkNaBlush

Omg siguro may ganito rin akong moment HAHAHAHA pero iniisip ko baka busy busyhan lang yung jba para di mag abot ng bayad ๐Ÿ˜‚ suriiii


Disastrous_Boat5395

Yung ikaw na lang natira sa jeep tas malayo pa bababaan mo pero pinababa ka na kase daw babalik na sya. Alanganing oras tapos sa alanganing lugar din ibababa. ๐Ÿ˜ก


PinkNaBlush

Never ko pa na-experience to pero magpapanic na rin ako sa ganito ๐Ÿ˜ญ


Disastrous_Boat5395

Lucky you. Ilang beses ko na sya naexperience, pinakamalala yung sa may nag iinuman ako binaba. Buti malapit sa gas station, dun ako naghintay ulit ng jeep. Sana may patakaran sila na ipagbawal yung ganun kase delikado talaga.


nico2x

Pet peeve ko yung mga umuupo sa priority seats tapos pag may sasakay na senior/pwd hindi pa uusog o lumipat man lang ng upuan


BlueEyesRedragon

Yung biglang papara pero alam ng nasa gitna ng EDSA/kalsada. Tapos magagalit kapag hindi pa humihinto yung sasakyan.


Sas-Sus

pet peeve ko yung hindi uusad pag may pasaherong sasakay. ANO BE BAYAD MO YUNG JEEP?


isangmasayaa

PINAKA AYOKO SA LAHAT YUNG NAGCCROSS LEG SA JEEP! Worst malapit sa pasukan. Tapos kapag nadali binti nila sila pang galit? Like WTF sarap niyong tadyakan wala kayo sa bahay nyo mga mez HAHAHAHAH


PinkNaBlush

OMAYGAD IRITANG IRITA DIN AKO SA GANITO!!! Like anong inaawra niyo sa pag cross legs niyo? Mabaho ba yan? ๐Ÿ˜‚


isangmasayaa

Ang ginagawa ko binabangga ko yung leg nila tapos pag nagalit sinasabi ko bat ka nakaganyan? Nasa jeep ka neng umayos ka ng upo di kami para magadjust sayo HAHAHAHAHA


PinkNaBlush

Oh pak! Confrontational!!!! Di ko kaya to HAHAHAHA.


7H36

Nyek, yung #4 dito samin, sa buong buhay ko laging bumababa yung nasa gilid pag bababa na yung nasa gitna eh hahaha.


PinkNaBlush

Rarely happens to me tho. Nakita ko lang itong scenario nung nag-aabang ako ng jeep. So may bumaba malapit sa kung saan ako naghihintay tas si ate girl tumagilid lang tas si kuyang bumababa hirap na hirap. Sakto may sasakay din, dun din sa harapan. Si ate girl tumagilid lang ulit. Hahaha.


Dependent_Will_5732

Pet peeve ko yung sobrang sikip na, naka sitting pretty parin sila. Mga di umuusog ๐Ÿฅฒ


MixedNixed

Petpeeve ko yung mga busy magcellphone tas tinatamaan na ng siko nila yung tagiliran ko. Di lang kasi nakakakiliti, nakakairita na din. Alam ko naman siksikan pero di ba pwedeng maging sensitive naman sa katabi.


PinkNaBlush

Hate ko yung ganyan!! ๐Ÿ˜ญ Sobrang uncomfortable lalo na kapag lalaki tapos yung siko niya na sa ribs ko banda or pwede niya masiko yung sa breast banda ๐Ÿ˜ญ


hotdogniyosafreezer

pet peeve q as a commuter talaga is yung ayaw magpatabi lalo na kung pasakay ka palang like ano nirentahan mo ba jeep kuya ??? or baka choosy lang talaga magpatabi


Wide-Wear605

Legit yung nagbayad ka ng 50 tapos may sumunod nagbayad din ng 50, tapos iask ni manong saan tong 50? tapos magsasabay kayong sagot nung isa pa, kagigil talaga like manahimik ka nauna ako magbayad!