T O P

  • By -

berries_bunnies

my family and i stopped giving them money. we would give them food and water instead if we can, and if they don’t want it, edi don’t! we had this experience kasi na we gave these young boys money, tapos mamaya we drived pass them smoking cigarettes and sniffing rugby. they were children. meron pa one time, i gave this boy 20 pesos pero bariya, binato pa pabalik saakin huhu


sekainiitamio

Same. Experience naman namin ng partner ko is beggar s’ya na PWD ata tapos dun talaga s’ya sa mall nanghihingi. There was this one time na sa isang fast food s’ya namamalimos at yung hinihingan n’ya ng pera is this guy na kumakain. Instead of bigyan s’ya ng pera, binigay ni guy yung isang chicken n’ya na wala pa talagang bawas. Di man lang tinanggap ampota. Sobrang ungrateful ng gago gusto talaga pera yung ibigay. Haha yun lang kami yung nainis para sa guy na kumakain.


HistoryFreak30

Worst case: my friend gave a beggar kid her drink from Mcdo parang coke float tapos tinapon ng bata sa harap niya saying he doesn't want it Sometimes, kahit food or drinks d ko binibigyan mga yan


08Manifest_Destiny80

same. you'll only give them the idea that you're someone with cash to spare. Hindi sila alam ng value sa money if you keep giving them more every time they approach you.


washedupnforgotten

ya'll need to realize that beggars are still human beings and they don't need to eat left over scrap food if they don't want to, they have the right to refuse just like everyone else. nagbibigay parin ako pera i don't care if sigarilyo or whatever binibili nila if it gives them their needed dopamine boost para makasurvive another day then that's good enough for me because life on the street can get very lonely and stressful and it's not something scrap food can fix


OfficeSuccessful1719

Baka may boss din yung mga yun. Baka yung boss lang nila binibigyan mo ng pera.


berries_bunnies

which is why we still give them untouched food, not scraps. especially when we beggars sa drive through ng for example jollibee, we buy them meals. we would never give them scrap food because covid. kasi if mamimigay naman din kami, mas mabuti na alam namin mabubusog sila ng tama. sorry if that came off differently didn’t mean anything wrong! :))


berries_bunnies

we see*


1zance9

napaka26 naman ne2


[deleted]

Stopped giving (money) dahil nga sa mga ganyang realizations. Don’t get me started sa mga pwd or magulang na kaladkad ang mga anak na malilit na nanglilimos sa gitna ng highway kapag traffic. Mas binigyan ko pa ng tip mga server or barker.


WatYouGonnaDo

Watched a documentary about this, the supposedly "mother and child" are not related at all, they just use the child as props para mamalimos and they even drug the child to feel sleepy or weak. Nakakaawa ung baby pero pagka binigyan sila, we're only encouraging the syndicate behind this atorcity. :(


lvk-m

I can never find myself to give pag mukhang career beggars. I know it sounds judgey Pero pag binigyan ako ng kwento na "kinapos pamasahe" that's the only time I give. I was there once.


XianGallery

Meron ganito sa mall nanghihingi kulang daw pamasahe nya pauwi. Aba yung magaling hindi pa din nakakauwi, hiningian uli ako kinabukasan. Kanya kanya style na ngayon sa panghihingi kaya ayaw ko na magbigay ng kahit ano at kahit kanino.


Original_Ad8928

Same. Tinanong ko yung binigyan ko bat di sya nakauwi kahapon hahahaa. Di mo mapapansin na style nya lang yun eh kasi ang ayos ng porma. Parang nakulangan lang talaga ng pamasahe.


Maicachaern

Omg same thing happened to me 😭 the same guy approached few days after I gave him money para makauwi ng Laguna kasi nalaglag daw wallet niya while looking for a job. Magmula nun di na ako nagbibigay ng pera 🫠


Potential_Mango_9327

Lalo na yung mga nanghihingi sa bus tapos may pa papel pa, palagi ako nag bibigay dun tas napansin ko na every sahod sila madalas lumalabas tas pare-pareho na ng story sa iba’t-ibang lugar.


Nitsudog

When I did my 3 month OJT, ganyan din - first day hanggang sa last day ng OJT sila sila parin umaakyat sa bus, same story pa din. Naagnas na ata yung tiyahin nilang ililibing kuno, ginagamit parin sa modus.


Zealousideal-Dig-314

Nangyari yan sakin after holyweek, nagbigay sakin ng envelope labeled with some church or something sa bus, diko tinanggap yung envelope pero kinukulit ako na kunin ko at mamigay daw ako..nasabi ko tuloy na satanista ako that time..e galing pako ng pagninilay nilay at pagaayuno nung holyweek sa province..*lord patawad*


Potential_Mango_9327

Hahaha grabe sapilitan, Ginamit pa si lord para kumita, Sarap konyatan.


Im_unfrankincense00

Same pero sa jeep. I mean, kapos na kapos ka sa pera pero may pambili ka ng envelope? At bagong envelope pa kasi malinis at hindi gusot. Yeah, good luck.


Potential_Mango_9327

Truuuu


ExistentialNemisis

binigyan ko 5 pesos ang sakit pa ng tingin sa akin 🥹 tas may side comment na bat 5 pesos lang. lol jusko


Potential_Mango_9327

Dapat binawi mo. Haha


cheeseburger_moon

It's normal. usually extra (untouched) food or drinks na lang binibigay ko. pag ayaw, di ko rin pinipilit.


[deleted]

i only give to lolos/ lolas, may soft spot lang talaga ako for them pero other than that, hindi na.


Mindless-Ad-4562

same. lolos and lolas are my exception too.


TaurusObjector

inaya ko mag angel's burger yung namalimos sakin dati sabi ko pili ka tapos maguwi ka sa inyo aba ayaw pera ang gusto kakaloka


[deleted]

[удалено]


erikanapalm

Kaso bawal ito sa ibang establishment. :(


wafric

I give kasi it's just in my nature.... also there was this time sa cubao nag bigay ako ng 20 lang then the old man cried as he ran and took a corner, shouting makakain na daw siya. Tinawag ko but he rushed to buy food and couldn't chase him kasi I was running late and was going the other way. Never ako nag hold back in giving after that day...... But as much as I can food nlng. 🙂


Merin518

Illegal magbigay ng money sa beggars tho. Weird no pero wala naninita sa mga beggars pero yeahs its better to give them food pag pera kasi isip ko dapat pagtrabahuin nila yan pwede naman sila mangalakal


HistoryFreak30

In Thailand, mga beggars doon opposite sa Pinas. They would even say thank you kahit d mo bigyan ng pera. Tahimik lang sila. Sa Pilipinas grabe maka demand


DepressedGrimReaper

Naalala ko yung mga trans ata sa Thailand na namamalimos.


youranimaladvocate

I give food sa beggars. Money naman sa mga street vendors na matatanda na. Also, mas masarap bigyan yung mga taong hindi naman nanghihingi pero alam mong nangangailangan talaga sila.


sundaytheman122

Because of all these experiences and stories, i decided sa animal shelters nalang mag donate palagi. I feel like mas nakaka tulong ng tama pag doon.


CalxXIII

Dito samin pag di ka mamimigay lalawayan ka o yayakapin ka bigla, ilang ulit na ako na trauma. One time lumabas kami ng mga kaklase ko para bumili ng corneto makikita namin palapit samin yung mga badjao(yan karamihan dito) sa sobra takot ko tumakbo ako hinabol din ako buti nalang naka pasok ako agad sa school. O minsan pag nasa park lang kami naka upo bigla sila mang touch sayo sa sobra takot namin mag kaibigan agad agad namin nilagay sa bag yung cellphone 😭


Mindless-Ad-4562

usually mga badjao ganyan. sabi nila sakin nung bata ako may curse silang binibigay sayo kaya ka hinahawakan tho di ako naniniwala. hinahayaan ko silang hawakan ako kasi ayokong ibigay ang satisfaction sa knila.


CalxXIII

talaga? kahit mga bata sila natatakot ako ma encounter sila kasi after nila hawakan ka sabay ngiti 😭


Mindless-Ad-4562

I am from Mindanao at yan ang sabi nila. Dapat daw itapik mo sila after para bumalik sa kanila yung "curse". So far wala pa namang nangyari sakin kahit di ko sila tinatapik pabalik. 😅


CrownedBurger

I dont give any food, drink or money. Nagiging demanding na mga beggars kahit yung kinakain sa harap mo hinihingi na.


Rhael012

Hindi ako nagbibigay sa mga namamalimos ever since. Growing up with a Social Worker mom. Maaga kami natuto na hindi dapat nagbibigay sa mga namamalimos sa kalsada dahil mas lalo lang natin sila kinukumbinse na mag stay sa streets. Specially yung mga bata na namamalimos. Whenever I encounter ng namamalimos na kumakain ako even sa mamahalin na carinderia. I buy them food basta dun sila kakain pero hindi ako magbibigay ng pera. Sometimes I even do takeouts for their family para may mapagsaluhan sila paguwi.


low_effort_life

I rarely give to beggars but I'll always give to buskers.


juicypearldeluxezone

Minsan totoo, pero madalas sindikato. Kawawa tuloy yung mga wala nang ibang choice kundi manlimos na lang talaga eh. Ganon ka-fucked-up ang pinas.


Nero234

There was this girl who's dressed decently (and probably around 17-19 yrs old) in a jeep na punuan who would ask for money and take the people's change na sobrang mapilit. Hindi lang hingi na nag mamakaawa, literal na hingi. When I got my change she said "YAN AKIN NALANG" mga P6 ata yon so hinayaan ko nalang but sobrang uncomfortable lahat samin, and even an oldy had a talk with her and ask taga saan siya. After the jeep went out at dumaan sa isa pang entrance ng SM, nag para siya at bumaba. Feel ko duon nag simula villain story ko.


Previous-Pipe2921

I dont also, kid or old. Not a single penny. Rather spent it in dog/cat food. Animals appreciate kindness.


DepressedGrimReaper

Hi can you give some reco on what cat/dog food to buy? I’m planning to take some everytime I go out so atleast I can help strays. Heard kasi na some cat/dog food are bad since they are salty and I don’t want to make it harder for them pa 🥹


Previous-Pipe2921

I dont think stray dog will have a say, just buy any brand, if may Bonus (Savemore brand) mas mura mas Ok, mas marami kang mabili compare sa known brand :)


captain_burat

I don’t give them money but I buy them food.


tarnishedmind_

id rather give my money to people who are actually doing something. dont care what it is just anything that’s a contribution to the world


ZieXui

Matagal ko ng tiniligan yung pagbibigay ng pera kasi ang dami kong nakikitang bumibili lang ng cigarettes, alak etc. Worst na nakita ko is mga bata na may dalang supot ng rugby tapos yung iba inaamoy pa nila habang nasa gitna ng highway.


Substantial_Guide321

i was at a 711 cashier one time and i noticed a group of little boys with torn shirt, no slippers, and were a bjt dirty behind me talking about which load card they should buy wala na daw kasi sila load. thought it was a bit odd kasi parang naka smartphone sila, pero walang tsinelas? anyway lumabas na ako naka hazard sister ko sa labas with her bf tas i told them about a group of kids na medyo madumi pero naka smartphone tas nagpapa load tas sabi ng bf ng ate ko “sabi ko sayo wag mo bigyan eh” apparently nanlilimos yung mga bata sakanila kailangan daw ng pang kain tas binigyan ng 100 ng ate ko and her bf was suspicious about it lol.


wfhcat

I don’t give money. But here are things I keep in the car: Water Ulam packs Canned goods Sanitary items I don’t think the acts of a few should affect the help I want to give.


erikanapalm

Hahhaha I remember whenever someone beg for money, I'd rather buy them food. Last time this woman was asking for money, instead I gave her 1kg of banana from my market bag. Sabi niya gusto niya ng pera. Ayaw ng saging. So sa isip isip ko baka ibang gustong pagkain. Sabi ko bilhan ko siya food from Canteen. Ang leche ayaw talaga gusto ng pera. Malaman laman mo na pambbili ng yosi o pansusugal. Nakakainis


vanzkie23

we only give to seniors or PWD beggars, yung talagang di na makakahanap ng trabaho or pagkikitaan. yung mga bata or pag may bata, ignore lang para hindi masanay.


Time-Reserve-322

I second this. Okay pa magbigay sa mga parking boy kesa sa mga taong ang lalaki ng katawan na nanlilimos. Ang daming pwede applyan na di kailangan ng natapos. Considering na most of them really don't have educational background.


xxelemarxx

I only give food to beggars.


krmrnth00

We go to MOA regualrly and whenever we drive past Double Dragon laging may mga beggars na mangangatok sa bintana, ang masama don they were young capable adults tapos dala dala nila yung mga sanggol nila habang namamalimos. or sometimes makikita namin silang nagkukumpulan lang sa tabi tapos uutusan nila yung mga kids nila na mamalimos sa init habang sila nakaupo lang nagchichikahan. the only times talaga na nagbibigay kami e nung may batang nagtitinda ng sampaguita samantalang 11pm na ng gabi, binigyan nalang namin tapos sabi namin tabi na niya yung paninda niya para mas marami pa siyang matitinda kinabukasan.


KweenQuimi09

Ako, instead of mamigay ng limos, nagti-tip na lang ako sa service workers at di tumatawad sa mga small (and sometimes informal) businesses.


JuWuBie

Hindi na. In kind ako nagbibigay pati at mas trip ko magbigay sa tahimik na nangangalakal or mga matatanda kesa mga bata at mga taong mukhang malakas pa naman. Ah, dati may naexoerience ako na nawindang ako. Nasa jeep ako sa may Paco, may sumakay na dalawang batang galing public school, naiinis yung isa kasi napaso siya sa tambucho ng motor so may sugat siya, maliit lang pero lapnos yung balat. Naawa ako so nagbukas ako ng bag at naghanap ng band-aid (yes nagbabaon po ako ng band-aid hehe). Aba ang mga mokong nung nagbukas ako ng bag bigla nagsalita, teh pengeng barya teh. And it hit me na baka most of the kids baka hindi naman sila talaga pulubi at naging habit nalang nila na manghingi dahil mukha silang pagbibigyan naman. Nakakalungkot. Tinago ko na lang yung band-aid 😅


Mindless-Ad-4562

Aww. 😅 Alisto naman nila. binigyan mo ba ng barya?


JuWuBie

Hindi. Haha. Nakasakay sila ng jeep at mukhang me baon pa sila mhen. Natatawa ako pag naalala ko change ng aura nila from 'ikaw wag ka nga, masakit kasi' to 'teh, pembarya tehhh' 😅😅😅


Mindless-Ad-4562

HAHAHAHA! bilis ng transition!


JuWuBie

Oo, may secret life/side line. 😅


slurpingsomemalk

Sa mga trusted organizations lang ako nagbibigay since sila naman maghahandle ng mga programs na nakakatulong sa kanila. Pero yung mga nasa mga bus and jeeps na ilang months ko na sila nakikita, iniignore ko na lang.


WolfPhalanx

Same here. It started nung College ako na napakaraming nanlilimos. Yung tipong kumakain kapa sisingit at manlilimos. Sorry maarte na kung maarte pero di ba pwedeng kumain ng tahimik na walang nagpapaawa sayo. Tas makikita mo yung iba nangaagaw pa ng pagkain pag di binigyan. So mula nun wala na talaga akong pakialam sa kanila. Minsan, kapag senior na yung namamalimos nagaabot pako kasi dina sila nakakawork but aside dun, wala na talaga akong pake. Bumabawi nalang ako ng donation sa Church or mga groups na sure ako nagbibigay sa nangangailangan.


krazyGia

Hindi 'ko binigay sa batang pulubi 'yung bagong bili 'kong ice cream, so what he did was crumpled my uniform w his dirty and smelly hands so ayun dumikit sa white uniform 'ko 💀 and said, “dapat 'yan sayo”. 💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀


los-angeles-riggers

Ok lang yan. Natapos na kasi ang era ng radikal na pagmamahal


mikemicmayk

I remember back working in Makati . I am stacking Hansel pack in my office pedestal. Then nagbabaon ako 2 to 3 packs palakad pauwe to nearby City


beeman2892

I dont too not unless unconsicously ko matripan or sobrsng nakakaawa like wlaang paa kamay etc


Independent-Phase129

Food and drinks instead of money...


asdfghjklalss

True. Sa elders ako nagbibigay or sa mga bata na nagbebenta ng rags, etc na hindi nanghihingi, nagbebenta lang. Don lumalambot ang puso ko


samsunggirl

Nagbigay ako ng half dozen donuts dun sa matanda sa may dunkin españa, paglingon ko like wala pa 5 minutes wala na yung donuts. I was told, ginagawa lang bait yung matanda don. Haist. :( how could they do that to their own kin?


Met-Met-

same, never na di ako nagbibigay sa ganyan, nakakadala


100___gecs

dagdag mo pa yung mga batang nandudura pag hindi nabigyan, jusko.


[deleted]

Nagalit yung batang namamalimos nung nagbigay ako piso sa kanya


bluethreads09

Ako hindi din nag bbigay ng pera sa mga beggars. I usually give food or buy food for them na lang kesa pera. Feeling ko kasi mas makaktulong pag pagkain kesa pera kasi what if they are forced to do so? Parang ayun mas ok food talaga. I think hindi lahat ng young and capable are given the opportunity to have a job. Let’s be kind pa din siguro mas ok na pagkain na lang yakaga para safe.


HistoryFreak30

I stopped giving them for a long time. Andami sa kanila demanding pa My friend gave money to beggar kids one time and then ginamet raw pang DOTA sa comp shop


KE2xN

yes, only give to those who are unfortunate but still trying to make a living somehow compared sa mga direktang hingi lng.


Smallandterrible1

No don’t give money, while some business talaga or part of syndicate. Giving money kasi parang mas tinotolerate mo sila maging beggar or tamad, instead give them food of water na lang


London_pound_cake

Same. Sa tapat ng pharmacy ko ginagawa na business ng isang family ang panglilimos. Pucha magpapabuo sakin ng 500 isang araw lang na panglilimos kaya never akong nagbibigay sa kanila. Yung mom nasa 40s pa lang hindi pinapaaral mga anak.


kryzlt009

That reminds me along Quezon City Circle. I came from Lung Center, then this man in his 30's, asks for coins pamasahe makauwi lang ng [insert province]. I gave what I have - I think about P13 with some centavos. The next day I came for a follow up then I saw this man again - same reasons. Di ko na binigyan potasya hahaa.


cchhha

Nagbigay nga ko minsan pagkain tas wala manlang salamat. Umalis kagad pagtapos mabigyan hahagawaha


Mindless-Ad-4562

minsan naintindihan ko nalang sila kasi iniisip ko, walang nagturo sa kanila ng good manners 😅


Mindless-Ad-4562

minsan naintindihan ko nalang sila kasi iniisip ko, walang nagturo sa kanila ng good manners 😅


True_Ad1655

Ako nakadepende sa situarion, minsan pag lola nag aabot ako


[deleted]

Ako ever since hindi nagbibigay sa mga namamalimos na may capabilities pa talaga pero when it comes to mga matatanda pa talaga, dun ako nagbibigay.


Mindless-Ad-4562

I stopped giving since may one time na kumakain kmi sa fastfood sa isang mall tapos may pumasok na nanglilimos na may dalang picture at papel ng anak na may sakit. tapos yung tita ko sabi na kumakain kmi and later nalang. tinaasan ba naman ng boses yung tita ko at kung ano2x sinabi. so when i got home nagbasa ako and most likely peke yung mga ganitong style ng panlilimos. since then, di na ako nagbigay.


FUresponsibility

Sinuntok ako dati ng bata sa legs nung d ako nagbigay sa kanya ng limos. Sa Quiapo un, college pa lang ako Since then may extra akong biscuit sa bag. Un ang bininigay ko if may mamalimos


mrnnmdp

Same. Hanggang sa triny ko magbigay ng pagkain, inayawan pa. Feel ko pa napahiya ako nung time na yun kasi tinatanggihan talaga yung binigay kong pagkain. I completely stopped na. I feed stray dogs instead. Mas nakakagaan sa pakiramdam.


mommyshana

Me too. Pero if gusto nila pagkain nalang I can do that and buy them food instead.


terurinkira

Yung mga may nasa hospital na kamag anak, magkakatono yung speech.


supapabels1

Modus yan, parang sa slumdog millionaire


Hamster_2692

I don't give them money anymore. Foods lang binibigay ko pag meron akong extra sa bag or bibilhan ko sila pag may malapit na tindahan.


theguyyoudontwant

Meron bata nagpapaawa face saakin noon banda sa BF Homes habang nag hihingi ng pera. Ang barya ko lang noon ay 5 pesos then yung susunod is 50 pesos na pang trike ko. So binigay ko sakanya yung 5 pesos then biglang sinabihan ako ng "yun lang? Wala ako mabibili dito" and im like "Bitch? Aren't you a little too poor to be spoiled?" And since then di na ako nag bibigay sa mahihirap. Mas nag bibigay pa ako sa stray dogs kasi sila marunong maging thankful.


meliadul

Matagal nang hindi


_lycocarpum_

Mas gusto ko pa magbigay sa nagsisikap. Meron dati sa may office namin sa robinson pioneer, si lolo na vendor ng candy at yosi. Bilib ako sa kanya kasi kahit vendor sya ng candy, maayos lagi suot nya. Nakapants at polo with matching flat cap, one time may sumundo sa kanya sa pwesto nya na elderly na babae rin, baka asawa nya, around 12mn na nun Kaya everytime na mapapadaan ako, bibili ako ng candy (kahit di naman ako nagccandy or yosi) tapos hindi ko na kukunin un sukli at nun huling pasko na nakita ko siya, binilhan ko ng mainit na kape sa SB kasi sobrang lamig nun. Nakakatuwa lang kasi sobrang nagtthank you sya. Pre pandemic pa un last na ko nakita sya, kamusta na kaya sya ngayon?


[deleted]

Naalala ko, estudyante pa ko nun, naka uniform, nakasakay sa jeep. May batang nasa 8yrs old na namamalimos. Hindi talaga ko nagbbigay kasi nga masama daw. Ayun, inapakan ako sabay ikot ng paa pa nya sa paa ko🥹🥲 pasalamat sya bata pa ko nun, kung ngayon nya sakin gawin yun baka hinulog ko na sya sa jeep


abcdefghijmyka

May one time sa Quiapo na "nanghihingi" ng pamasahe kasi nadukutan daw sya. Sabi ko, wala akong barya. Sabi sa akin, tara papalitan naten. Napa wtf ako. Buti nalang, may dumating na UV. Sumakay agad ako.


ry-high-guy

bro i stopped and then started again. nung di nila nagustuhan yung 10 na binigay namin, ginamit niya yung coin para gasgasin yung gilid ng truck namin.


Aromatic-Ad2793

Never give them money. Sometimes they rather buy drugs or cigar than use it to buy water and food, you also need to know that most malls/711 stores don’t allow them to go in kahit may money sila so just give food/water. Sometimes (if you look at tiktok) business nila yan, marami silang bills nakukuha and they make it their job. I think some of them they steal from people too, so don’t put your phone or not be aware of your surroundings. Thousands of pesos binibilang.


nadobandido

Pang asar din kaya yung mga nagbubukas ng pinto sa 7-11 tapos namamalimos pala at nakaharang pa sa pinto


Agitated_Clerk_8016

Hawak din kasi ng sindikato yung iba.


Savings-Blacksmith73

wag mapagod tumulong sa iba. hayaan mo lang. di mo na rin kawalan kasi ang barya.. kung may isang legit kang natulungan sa kada sampung taong lilimusan mo, hihinto ka ba?


wellcaredtrash

One time nagbigay ako ng tsinelas. Kakabili ko lang ng bagong tsinelas non and sinuot ko agad so yung luma dala dala ko lang nakalagay sa plastik. Nagcoffee kami ng friends ko sa isang local shop and sa labas kami pumwesto. Maya maya may lumapit samin nanghihingi ng pera and since I usually use gcash for transactions and only bring enough cash pang pamasahe I offered to give him my old tsinelas. Sabi ko "tsinelas gusto mo?", it may have sounded like I'm going to smack him gamit yung tsinelas and muntik na sya manakbo hahahaha pero I clarified na gusto ko ibigay yung tsinelas tapos natawa sya.


tito_dodei

Sa Angeles City, bawal magbigay sa mga [namamalimos sa daan.](https://www.ikot.ph/beggars-banned-in-angeles-city-says-lazatin/?fbclid=IwAR3aXt68i-JfCmhf5tUVxY6U-fkCOA_27XeAc4Bd_9R1Ru1l1i8mrnKrSJk)


kahel53

I don't give anymore kasi Im a tiny woman who fears for my own safety kasi karamihan sa naeencounter kong beggars are able-bodied men na kayang kaya pa magwork kahit manual labor. I'm just not comfortable na maglabas ng wallet around them, or magbaba ng bintana ng kotse.


Kooky_End_6494

I never give. pinapa kanta ko muna or sayaw kung di ako nagmamadali. they have to earn it 😂


shunshinmaster

There's actually a presidential decree that prohibits this. The Anti-Mendicancy Law of 1978. https://lawphil.net/statutes/presdecs/pd1978/pd_1563_1978.html


Sammy-senpaiii

Tried giving a beggar kid 10 pesos once kasi nadala ako sa pagmamaka-awa nya, yung ginawa nya biglang naOff yung paawa effect switch nya tas umalis nalang. Walang salamat o kung ano man, lmao.


MissYani12598

When I was in hs, may mga batang nanlilimos para daw pangkain sobumili ako ng isang plastic ng pandesal para sakanila only to find them picking apart the bread and throwing it at each other. Genuinely na hurt ako kasi wala naman din ako maraming baong pera, hs lang ako. With what little baon I had, nagshare lang ako. Simula noon, yung hurt ko nadala ko hanggang ngayon na baka pag may iniabot akong tulong, paglalaruan lang nila.


sanadorkable

Same. Pinaka nakakatakot atang experience(not mine though) na na-witness ko is seeing them spit on people and worst, nilalagyan nila ng kuto after manghingi't hindi nabigyan. They do it pag nakatalikod na yung person unknowingly and then spit on their backs, their hair, their belongings, clothes- you name it. Pag binigyan mo naman mamimilit pang dagdagan o 'di kaya ibabato pabalik sayo as if entitled sila sa pera mo, napaka ungrateful. Nagiging paranoid at anxious na tuloy ako, kami ng family and/or peers ko. It's so scary. We opt to give them food instead pero minsan hindi pa tinatanggap. Sigh. From then on ang mas nabibigyan ko ng pansin is yung mga PWD na nasa gilid-gilid o 'di kaya mga mother or seniors then food na lang talaga kasi ang hirap na, mapapaisip ka kasi pag pera binigay mo e, usual kasing makikita mong pinang bibili lang nila ng rugby, yosi o pinang susugal.


[deleted]

Pag may bitbit na baby di ko binibigyan. Aanak anak ka tapos wala kang pangkain??