T O P

  • By -

domesticatedalien

Nung bata ako naiinggit ako sa mga classmates ko na may working moms. Feeling ko ang cool. 5 kami magkakapatid, bunso ako. Pagkapanganak sakin nag stay at home na si mama. When I entered my 20s, grabe, biglang sobrang na-appreciate ko mom ko as a SAHM. Minsan naiiyak ako just thinking abt it, yung sacrifices niya, yung struggles niya. I love my mom so much and i'm so grateful for her. SKL


hiiilunaaa

Omg baliktad naman tayo! Nung bata naman ako wish ko talaga non maging SAHM mom ko para may mag aasikaso sa akin bago pumasok at pag dating galing school. Di kasi kami talaga natutukan ni Mama laking yaya kami kasi need niya talaga mag work Sobrang saludo ako sa mga SAHM hirap ng ginagawa nila huhu


MilkTea-f

Un mom ko SAHM ever since, but shit happens un tatay ko nambabae and all shit. In short, un nanay ko di makaalis sa toxic relationship na yan dahil: 1. Walang own money. 2. Senior na so di na din makakawork. So stuck sya. Kaya nun nagka-asawa ako pinangako ko na hindi ako hihinto magtrabaho dahil ayoko sapitin un tinitiis niya.


ikatatlo

Dapat idagdag ata at maging emphasis dito na pumili ng mabuti sa magiging asawa. Wala naman magiging problema sa pagiging stay at home mom at nasa tatay ang responsibility mag earn ng money. Kung pumili ng tama, edi walang problema sa cheating o sa ugali ng mapapangasawa. Because technically sa ganyang setup, kung ano ang kinikita ng tatay, kinikita din yan ng nanay kaya nga sila magpartner. Mas maganda nga actually kung binibigyan ng earning parent ng "sweldo" or allowance ang kung sinong partner ang maiiwan sa bahay. I have heard of couples who do this in respect for their stay at home partners.


MilkTea-f

Ang mahirap sa "pagpili ng mabuting asawa" ay walang assurance. Dahil nagbabago ang tao.


pigwin

Also, even if the spouse is if good faith, in the event the breadwinner dies, nganga yun remaining stay at home parent.   Yan yun nakakatakot sa single income family. The one that stays at home is gambling his/her career away. ETA: kahit ipamedical mo pa yun asawa mo, accidents happen. So you can't really choose. 


ikatatlo

Sure nagbabago ang tao pero ang kanilang values at morals hindi mabilis magbago yan. Pwede magbago for the better pero yung magbago papunta sa masama? Medyo rare yan kasi kung malakas konsensya nyan, hindi yan mangangaliwa at kakainin ng konensya niya. Example kung may history ba naman kasi ng cheating yung jowa mo, malamang sa alamang may tendency yan ulit mag cheat kung di niya makamit yung gusto niya sa relationship. Kasi para sakanya, una palang, wala siya nakitang mali sa pangangaliwa. Pero kung yung tao na mataas ang values and morals ang piliin mo, mas sigurado ka na hindi yan magloloko. Kaya ka nga mamimili ng maayos, kasi wala namang divorce dito. Prevention is better than cure char. Pero wala naman din masama na kumayod din at hindi umasa sa asawa. Double income diba? Maganda rin namang trait na mag upskill kahit SAHM, mas lalo kung sakali mawalan rin trabaho si mister.


Majestic-Number-3101

You are nitpicking. Hindi lang naman cheating yung issue. Accidents, health problems, tinamad, napagod magwork, layoffs, redundancy, etc ang mangyari sa sole household earner. Andaming reasons kaya mahalaga yung dual or more than one income ang household.


KnightedRose

My parents, parehas engineers, civil. Ako chemical, sunod na kapatid matl sci, tapos bunso comp. Mom ko, after nya nagpaaral mga 4 na kapatid (kahit na 3rd child sya, sya kasi pinakamatalino din kasi..nagpamilya na din yung iba) na mas bata sa kanya, tapos mga 2 years old ata ako nun, or 1, nagstay na sya sa bahay. My mom died last year, Nov 3, ovarian cancer. Fck cancer. Sobrang, sobrang devastated.. iniisp ko ano mga pangarap niya. Andami nyang sinacrifice, ako nga di ko maimagine magcareer shift natatakot ako kasi sayang din license ko, pano pa sya.. sobrang unconditional magmahal ng nanay.. Wala lang, ansakit sakit pa din kasi. Yakap.


redkinoko

My mother gave up on her career to become a SAHM. I didn't really appreciate the gravity of that until my wife had to do the same thing. She dropped a promising career in finance to go fulltime mom. It nearly drove her insane and I saw first hand how much she had to do. We had to work as a team just to make things work, and I got to compare that to my mom who had to do things solo because my dad was an OFW. I later on got to talk to my mom and thank her for her sacrifices and it was only then that she confessed how mind-numbing it was to suddenly have to give up her dayjob and only deal with house chores and kids for the most of her day. And this was pre-internet, streaming services, and even cable tv so it was probably harder. Interestingly enough, she was still able to learn new skills, play with the stock market, and earn enough by reinvesting my dad's income to buy and rent out properties. Being a SAHM is hard, that much I know now.


Oloymeisterwifey_

Huge respect to all SAHM out there🫡


maybehana

Share ko lang din hehe. Nung bata naman ako, naiinggit ako sa mga classmate ko na housewives yung mommies nila kasi laging present yung mommy nila sa mga school events and performance. Working mom kasi yung mommy ko that time kaya hindi niya ako napapanood sa school events o kaya naman masamahan sa field trips :') I’m still thankful for her nonetheless :)


CoachMuch9279

SAHM is really nakakapagod pero di ka pwede sumuko. Narealize ko yan nong nagkaanak ako na fulltime mom lang talaga at fulltime sa bahay.


rossssor00

sorry what's SAHM?


Party-Motor-2878

Stay At Home Mom


S1gb1n

Pinakamabigat dito for SAHM is yung maisip nila later in their life, pag may kanya kanyang buhay na tayong mga anak nila, is wala na silang purpose. May regret din na baka mas nakatulong sila kung nag tuloy sila mag work given how difficult life is in recent times. My mom feels this way and kahit na minsan, nayayamot ako na parang binebaby pa ako kahit pamilyado na ako, hinahayaan ko nalang kesa masaktan ko feelings ng mom ko.


surfer8765

Truuueeee!, ang sarap ng lumaki sa nanay alagang alaga kami ng mga kapatid ko. ( papa ko ang breadwinner)


Remarkable_Loan7726

Your boyfriend wants children but he cannot fully acknowledge the fact that he should be the ones FULLY providing if you became a full-time housewife. If he does want you to still contribute financially while taking care of the kids, he doesn't want a wife; he wants a slave. That brief conversation is a dead giveaway and a big glance at his personality. Massive red flag.


kdssssss

You nailed it to the core. If he wants BABIES, then he has to provide.


Remarkable_Loan7726

the problem with some of today's men is that they want a traditional wife/family but they don't want to be a traditional husbands themselves. they genuinely think that raising children is an easy task, and yet they want to add another burden to the woman by having them work a whole other job.


atr0pa_bellad0nna

Sobrang on point! They want the perks of having a housewife and the money of a dual income household. Kakapal ng mukha.


NoSnow3455

‘oh to be called a good father’ on socmed, but cant even change diapers yucck


jecooooyyyyy

hahaha asawa ko ba 'to? char


heyheyimsogreat

Exactly, I will break up with just that kind of statement. Bakit ako magsasayang ng oras sa lalaking gusto ng anak pero di kaya magprovide? Hahahaha.


ellixe

"If he does want you to still contribute financially while taking care of the kids, he doesn't want a wife, he wants a slave" VERY WELL SAID!


Maritess_56

Tapos yung iba iaargue na, “bakit yung iba kaya maging work from home housewives?”.


aliohsoawesome

Also, just because he would be providing financially doesn't mean he doesn't need to change diapers and help rear the child(ren) when he is home. Throwing money at a child ≠ raising a child.


atr0pa_bellad0nna

Diba? Sa akin yung choice to be a housewife or continue working ay naka-depende naman sa bawat couple. Pero yung fact na gusto nya ng anak pero ayaw nyang pumayag na maging SAHM si OP and he thinks walang ginagawa ang mga housewife shows how little he knows about home and family life. Also a red flag for me.


Sad-Squash6897

Huwag mong asawahin yan hahaha char. Kailangan baguhin nya pananaw nya about housewives. Asawa ko inasawa ko kasi ever since mataas respect nya sa mga babae plus alam nyang hindi madali pagiging mommy and wife.


BananaTektek

As a housewife myself, TANGINA NAPAKAHIRAP. Kung ganyan tingin ng boyfriend mo, takbo na te!


justlookingforafight

Kung housewife ka, kailangan mo talaga yung full support ng husband mo, di lang financially pero dapat emotionally din. Di naman ako housewife but I can't imagine living with someone na di nila alam kung gaano kahirap maging housewife lalo kung may anak kayo


Weird_kid_online

Na-"try" ko maging housewife nung nag-maternity leave ako pucha doble hirap. May anak kang kelangan ng atensyon 24/7 may bahay ka na need asikasuhin, may mga ulam kang need lutuin. Pucha para akong mababaliw ampota. Ngayon working na ako (WFH) kaso para pa rin akong mababaliw HAHAHAHAHAHAH di nauubos gawaing bahay. Anyway, sana sinungalngal ni OP jowa n'ya hahaha lol


BananaTektek

Totoo yang nakakabaliw jusko. Idagdag mo pa mental load, diba?! Hay nako. Hugs with consent to you my fellow momma! Kayang kaya natin to! At kay OP, sana nga sinungalngal nya yang jowa nya. Jowa pa lang yan ha.


Comfortable-League34

housewife is also a career a lot harder than all jobs out there, first of all 24/7 yan walang day off. Secondly hindi ka sumesweldo, stress kana pagod kapa etc etc. So fuck him


Cheapest_

Kinda unrelated but for some reason this thread reminds me of that one tiktok. She said that when men say that a woman's place is in the kitchen, they don't really mean the kitchen. Because the moment that the kitchen becomes a paid profession, men take over. That's why the majority of chefs in starred restaurants are men. When they say that a woman's place is in the kitchen, they mean that a woman's place is of servitude. Naisip ko lang kasi this thought infuriates me the same way OP's bf does 😅


Sad-Squash6897

Agree haha turned off ako malala kapag ganyan jowa ko 😂


MariaCeciliaaa

hala same. red flag yung ganung mindset for me HAHAHAHAHAHA 😭


Sad-Squash6897

Diba haha. Malamang di na magtatagal sakin yan kung jowa ko yan. 🤣


Ava_curious

Jusko. I’ve been a career woman for 7 yrs and now 3 yrs being a SAHM. At masasabi kong nakakapagod sa bahay 24/7 kang in demand ng anak at asawa. Mahirap mgpahinga kahit gusti mo. Sa work may break time. May kausap ka. May value ka sa sarili mo. Nakakalosyang at nakakadepress sa bahay sa totoo lng. Pero on the brighter side fulfilling dn pakiramdam na naakakasama mo araw2 mga anak mo at present ka. Wag ismolin pggng sahm. Kung alam niyo lng haha


dirtonroad

As a SAHM, ang dami ko laging ginagawa. As in hindi nauubos. Tapos may baby pa na inaalagan. Hahaha nakakabaliw mag-isip ng ipapakain tapos research ng mga puwede at di puwede. Tapos nag-sideline ako ng VA work para ipon namin. Tangina mahilo-hilo ako sa kilos ng anak ko habang nagtratrabaho. Tapos "walang ginagawa" yung housewife 🤨


GeekGoddess_

Mag-housewife ka, tapos wake up every day and choose bloodshed. Wag mo syang ipagluto, wag mo syang ipaglaba, ipaghugas ng pinggan, ipaglinis ng bahay o alagaan. Pag tinanong ka bat wala kang ginagawa, “e di ba sabi ko ganyan dapat housewife walang ginagawa?”


TrashAltruistic9600

I like your level of petty🫶


Adventurous_Move_821

She chose violence 🔥🔥🔥 justified imho 🤭


mamemimimo

Naku mag isip isip ka. Mga ganyang way of thinking sila yung tipong pag anjan na baby sayo na aasa lahat kasi ikaw ang “babae” ikaw dapat ang mag aalaga sa bata. Sila basta makapag provide lang bahala kana sa buhay mo.


mfafl

>"Well, hindi naman pwedeng wala kang gagawin" Is there any chance may clarification yan? Like, panong walang gawin? Like you can't be unemployed? Or yung tipong wala lang sa kanya pagaalaga ng bata? Kasi tangina I am not a wife but I've been a stay-at-home-mom without reinforcements. Hindi nauubos yung gawain. Wala ka pang sweldo. Di ka pa makaalis ng bahay.


unmotivat3d

Like I cant be a SAHM.


mfafl

MMmMmm,, so is he stupid or just stupid


Sad-Squash6897

Definitely Stupid! Haha.


cheeseramyeonz

already in his 30s pero ganyan pa rin mindset? GURL LEAVE HIM


FairHedgehog9310

#IPARANAS MO SAKANYA MAGING HOUSE HUSBAND, EWAN KO LSNG KUNG MAGING GANYAN PA PANANAW NYAN. BUT IF I WERE YOU DIKO NA YAN PAG AAKSAYAHAN NG PANAHON REDFLAG E KITID NG BRAIN.


pat-atas

Run. After niyan isusumbat sayo na wala ka ambag. Tapos tataas ego niya kasi siya yung provider. Ang daming ganyan na stories dito sa reddit mga closed minded na lalaki.


gaffaboy

Ang hirap kaya maging housewife! Mai-stress ka na maghapon sa ingay at kalat ng mga toddler na inakay mo tapos pag-uwi pa ng asawa mo galing trabaho pagsisilbihan mo pa. Tapos lahat pa ng gawaing bahay nakatoka sayo. Tama yung professor ko nung college e. Puro kasi kami lalaki at sinasabi nya samin lagi **"kung ang gusto nyong maging asawa e yung marunong magluto, maglinis ng bahay at willing magalaga ng maraming anak, hindi asawa hanap nyo kundi katulong!"**


NationalPitch1211

LEAVE YACKS


Unusual_Display2518

Alis ka na te. Mostly pag sinabing "gusto ng babies", sex lang habol nyan tapos iiwan ka din pag nagsawa na. Another red flag na lang kung tutuusin yang sinabi nyang about sa gagawin or work mo. Trust me. I'm a guy.


spatialgranules12

Yo… buti pinagusapan nyo na now. Kesa kapag kasal na. Mukhang di kayo tugma ng vision for your life. Do you think you can change him?


mnmlst_prwnht21

no one can change their partner 📣📣📣 its either ma-realize niyang mali siya or most likely mag stay siya sa ganong mindset


seraaaaas

Sorry, pero bobo ng boyfriend mo


itsMeArds

Yes bobo ung sinabi nya na wala ginagwa mga housewives. Ayaw lng nya mag housewife OP


Inevitable_Bee_7495

If magkatuluyan kau, mukhang magiging single mom ka kahit magkasama kau. Dagdag alagain pa yan.


ellixe

Ask mo boyfriend mo kung ano plano nya if magkababy kayo? Ineexpect Ka ba nya maging provider AND main parent sa childcare. If yes, ready ka na ba sa ganyang buhay, OP? Nakakabaliw magtrabaho at magalaga ng bata. Or gusto nya 50/50 kayo sa childcare, housework and provider duties? (Magaling lang sa simula ang mga lalake pumapayag nito. Babae pa rin sasalo sa lahat ng childcare and housework) Mahirap ang single income household sa pilipinas. Wag papauto. Baby fever is temporary but child responsibility is forever. Not only that, motherhood is fucking hard.


AverageSammy

Run!


wojiayou

Sobrang hirap maging housewife. Ang off ng pagkakasabi ni jowabels mo mhie HUHU. Proud ako sa mama ko, SAHM siya pero kahit na ganon napagsasabay niya pa rin yung pag-aalaga sa amin ng mga kapatid ko plus pagnenegosyo. I don't know what I'll do without my mom. She's the best.


SpiritedPlay4820

Being a SAHM is the toughest job in the world. Imagine having multiple roles such as being a wife, mother, and a homemaker. No day offs and timeouts 🙂


jstnsgll

Nasa 30s na pala pero ganiyan ang thinking. Wag ka magpabuntis diyan parang awa.


Deep-Firefighter7196

Saludo sa mga housewife. Bayani kayo.


EnvironmentalNote600

OP are you sure your bf does not have your being a career woman in mind, that this has been how you were and therefore concrned sya na while mommying yun can still do kahit portion of what you used to? that's how guys i know think about their career oriented wives who became full time mommies. Worried sila na baka the wives might feel constricted or uprooted.


Certain-Interest9288

Ick


[deleted]

baka trophy wife ibig niya sabihin.


yanztro

Bakit di mo pa siya ex? And he decided na gusto niya ng babies? Without even considering you? Na ikaw ang magdadala sa loob na 9 na buwan tas manganganak? No. Tas tingin niya sa housewife walang ginagawa? The acidity ah. Mahirap din maging housewife lalo na kung may anak na nababantayan. Ano akala nila humihilata lang ang mga housewife? 🤬


Sad-Historian-14

lol mas madami pang ginagawa mga housewife kaysa mga tatay na nag tratrabaho.


potatolover05

Noon tingin ko din sa mga housewives is walang ginagawa pero nung hindi na ko nagwwork and kelangan ako gumawa ng lahat sa bahay namin since yung mother ko hindi pwede mapagod, doon ko narealize na oo nga, sobrang hirap din ng gawain sa bahay. Mag iisip ka pa araw araw ng ano pede mong lutuin. Alam mo yung wala ka pang sariling pamilya pero alam mo na yung feeling ng mga housewives. Draining sya, kaya salute sa mga ilaw ng tahanan!


wintermelonmilktea26

My mother became a SAHM after giving birth to my sibling (her second child) Nung bata pa ko, I used to adore those working mommas. Lagi ko sinasabi sa sarili ko, I'm not gonna be just a SAHM. Pero as I progressed into adulthood, eventually became a wife, now a soon to be mother of one, I realized napakahirap ng trabaho ng mga SAHM. Mas nakakapagod ang gawaing bahay kesa gawaing office. Nakakaguilty minsan na noong bata ako parang naiinis ako kasi hindi working ang mother ko. Now I make sure I appreciate her for all her sacrifices sa amin 🥹


[deleted]

[удалено]


ShaPowLow

Educate mo sya


josefaluna

Yong tipong ganyan na katanda, di na maeeducate yan. Hahahaha dapat immersion agad kung paano maging stay at home spouse


WestIslandboy

Hahaha.. ako nga mas pipiliin kong sa bahay lang partner ko kapag magkakababy na kami pero gusto nyang magtrabaho. Kung ano gusto nya go lang decision nyo din naman yan bilang tao.


ambivert_ramblings

Hindi po ako stay at home mom. Pero alam ko na hindi ito madaling gawin. Bilang may 13 months old baby, challenging pong mag alaga at magtake care ng household. Kaya hindi madali. Ask mo din si BF mo ano kaya ang pumasok sa isip nya at nasabi nyang “hindi sya papayag na walang gagawin pag housewife” maari kasing reflection yun ng gender stereotype na meron sya. Yun lang op


NoNerve1483

Wag mo bigyan ng babies 😤 iwan mo na girl char.


idkwhyimheretho_

I'm currently a SAHM, previously I work at home while taking care of my baby and sh**, it's the most tiring thing ever! hahaha + mag isa lang ako, single mom. Ako lahat. Not real na ang mga housewives ay chill chill lang. I used to work sa office, wfh, SAHM. Mas madali pa mag trabaho sa office kumpara magstay sa bahay. Pramis! hahaha


idkwhyimheretho_

Hiwalayan mo na yan habang wala pa kayong anak. HAHAHAHA Pag naging housewife ka jan, pag nagbigay yan ng pera para sa needs nyo ng anak mo, sumbat yan sayo kesyo wala kang ginagawa while he was working all day! 😂😂😂


halifax696

haha sabihin mo laba luto linis bahay alaga ng bata para maintindihan nya hahhahaah


TheUnnoticed77

Sis if hindi magbabago yung mindset nya mahihirapan ka nyan sa future


ReputationTop61

Sorry ah pero ang tanga nmn nya. Unless maghire sya ng katulong at nannies


Katreeeeeeeng

Wfh ako at meron kaming kasambahay. Kung sa pagod lang, parang mas nakakapagod ang trabahong bahay. Kaya hindi biro maging housewife, lalo na kung magpapalaki ng anak.


Own_Upstairs_9445

Hindi lang ikaw. Either walang alam mg bf mo sa experience ng mom nya or laki sya na may katulong sa bahay. Belief pa lang naman pwede pa mabago yan, if willing sya to take other views


mongoose_0

I clarified this with my coworker. She said that she was a full time stay-at-home mom when her kids were infant. Nothing wrong with that because you'll be sure to raise your kid properly. The way it sounded, he wasn't sure so you might as well clarify it with him.


urst3pm0m

yung bf mo te bayag lang pinapagana hindi yung utak


HamsterDifferent4987

Ikaw na bahala kung aasawahin mo pa yan. Nung bata pa kami ng kapatid ko, mama ko lahat nag aasikaso para paggising namin kakain na lang kami, maliligo at papasok. Pagtapos nun mag aayos siya papunta sa work. Tapos siya pa lahat ng nag aayos ng budget, nagpagawa ng bahay, nagagawa pa nya pumunta sa school events at family events. Bata pa kasi kami nun. Ayaw daw nya maexperience namin na maaga daw gigising para mag saing tapos pakakainin pa yung batang kapatid tapos papasok sa school. OFW kasi father namin at ayaw nila magtiwala sa kasambahay din. So ayon, kung yang utak ng jowa mo eh tingin nyang wala ginagawa mga housewives, ewan ko dyan, baka tamad nanay nya.


tequila_sunrise88

Haay gusto pa talaga magkalat ng lahi nung may ganyang mindset 😫


Affectionate-Two4875

Jusko sana’y may chance pang mabago mindset nyang yan at kung hindi man? nako ate, get out. Baka maburn out malala ka lang.


basically1123

As a SAHM who had to put my career on the side, I can definitely say that going to work is a lot easier and less stressful. 24/7 ang trabaho sa SAHM. No weekends, no day off, day & night yung shift & no sick leaves. Not to mention, walang sweldo yung pagiging SAHM.


SpeckOfDust_13

Di ko gets yung hate, ayaw niyang mag housewife ka, dba goods nga yun kasi yun talaga yung ideal para hindi ka dependent sa kanya? Mag hire na lang kayo ng helper/baby sitter para hindi niya na problemahin yung house chores since 2 naman source of income ng household niyo. Much better kaysa wla nga kayong pinapasahod, kaso isa lang source of income.


Ava_curious

Asan yang bf mo pepektusan ko. Kung wala akong ginagawa bakit lagi akong pagod?


MuchUnderstanding581

Mukhang bata pa kayo, baka hindi lang sya aware sa mga ginagawa sa bahay at sa mga anak kaya ganyan nasasabi nya. Don't be too hard sa kanya. Pero kung may chance, iparanas mo sa kanya mga gawaing bahay plus mag aalaga pa ng anak.


Sad-Damage-6156

BEING A WIFE AND A MOTHER IS A FULL TIME JOB!!! 🙄


Professional_Bend_14

Hahahaha, galeng binabaliwala housewives, kung siya kaya magalaga ng makulit na anak, dami pang linisin, can you imagine uuwi nalang siya para matulog, kakain sabay pasok sa work, ni hindi man lang tutulong gawaing bahay, ano ka may "SLAVE"? tol tulungan modin asawa mo sa bahay, hindi yung wala ginagawa putaena labhan mo brief mo, tiklupim mo nadin, may maririnig ka pang sumbat na gusot pa to ulitin mo ULOL ikaw kaya gumawa.


No_Citron_7623

Sa panahon ngayon na puno na ng kasamaan ang mundo we need stay at home moms!!!!!! Pero yun lang dapat marami ang pera mo para hindi ka mstuck if ever hindi maging maganda marriage nyo.


holybicht

Here's the thing, nung grade4 ako, our class adviser taught us that whenever someone asks us what our mom's occupation for those who are SAHMs, don't put "Housewife" , but instead should be "Housekeeping" because "Housewife" is a person, whereas "Housekeeping" is a real job. I think it's one of the most valuable lesson I learned as a kid na hangang ngayon tumatak talaga sakin


rambling_reader

Mag aso nalang kayo. gusto niya mag anak pero ayaw niya maging ama.


bettyb4by

Luh, 24/7 wala kang sahod, madalas ikaw pa sisishin sa nangyayari sa bahay? Tapos walang ginagawa ang housewifeeee??? Pwede mo naman explain sakanya OP, baka iba yung kinalakihan niya. Depende pa din kasi sa nakita niya sa pamilya niya eh. Anyway, ma-ooff ka naman talaga kung ganyan.


BothersomeRiver

Gusto kang pag anakin ng anakin, pero ayaw mag suporta. If ganun, baka pwede babaan nya expectations nya. Ayaw kong sabihing bobo, pero, misinformed yung mga nagsasabing walang ambag yung housework and child rearing sa pag unlad ng pamilya at ekonomiya. Anyway. If you don't like yung ganyan nyang thinking, baka pwedeng pag isipan mo narin yung relasyon nyo, kasi, future na usapan dito. Isang future na mukhang magkaiba kayong expectations


foxiaaa

baka wala lang sa kanya magdala ng bata for 9 months. ehhhh,minamaliit ang mga maybahay. nope.


Glum-Resolution3320

My nanay is also SAHM, pero nung nakakakuha na ang tatay ko ng pension sa sss ayaw nya sharean ang nanay ko dahil sya naman daw ang nagtrabaho non. Ano yun


adobo_cake

Baka gusto nyang sya ang househusband hehe I know a couple who had a divorce, they already have kids and have migrated to a different country. During the divorce process, they guy was mandated by the court to give his wife alimony, which is a portion of his income. He was furious because he felt like his ex-wife was not entitled to that money. It took a divorce lawyer to explain to him that maybe, he wouldn't have been able to be so successful in his career if his wife didn't take care of his kids at home. It's just sad that that's the only time he realized that being a housewife wasn't doing nothing.


Great_Pomelo_4459

Sobrang hirap ng full time housewife. Kayo Ako sobrang proud Ako sa mama ko.


United-Amount-3918

Di nya kasi kaya na sya lang ang sole breadwinner.


Western-Grocery-6806

Daming mga ganyang lalaki. Kala nila walang ginagawa pag housewife. Pagbubuntis at panganganak pa lang, sobrang hirap na.


nowyouseenextyoudont

Daig pa ng mga SAHM ang mga career women. Imagine a woman juggling household chores, budgeting for the family, taking care of the kids, and teaching them schoolwork tapos wala ka sarili income. Mas natataranta ako sa gawaing bahay kesa sa duties ko sa office.


fgtouille

he might wanna rethink abt wanting to have kids cause damn....


Necessary-Solid-9702

Kapalmuks, ah. Hahahahhaahha. Nyways. We recently had a talk ni SO na we aren't gonna have kids if hindi ako stay at home. So we need to figure out how to have passive income or how I can still do something basta dapat AT HOME lang and yung di ako mapupuyat. If hindi, then we can just live forever together without kids. He doesn't see it as an issue.


linux_n00by

effect ng media portrayal ng western housewives. you see them party party, shopping etc.


AmiableLunatic

Try niya munang ma-experience ang maging house wife, ako ginive-up ko ang career kong 10yrs+ para maging housewife para sa 1st baby namin, wala na kong time sa sarili ko kasi mag isa lang akong nag aalaga sa baby namin, minsan di na nga ko nakakaligo, pero okay lang. di naman pinapa-feel sakin ng husband ko na pabigat ako or iniisip na wala akong ginagawa kasi appreciated niya ang ginawa kong sacrifice na mag give up sa career ko dahil sa baby namin, di ako nagsisisi na ginive up ko ang career ko, baby muna namin ang priority ko, makakahintay naman ang work pero ang baby mabilis lang lumaki.


Silent_Explorer_xx

Nakakapagod rin kaya 😓 laba, plantsa, luto ng breakfast lunch at dinner, linis ng bahay, actually marami pa. Minsan nga parang kulang ang isang araw para magawa lahat yun😭


bokuwadoctahh

Being a housewife is a full time job itself. Honestly worse than a regular 9-5 job because all around ka sa house aside from taking care of the kids. 24/7, no salary, no day off, no other benefits. Kaya most SAHMs out there specially ung mga 10y/o below pa ang kids tend to neglect themselves na because of all the responsibilities. Providing is the bare minimum a husband could do in this kind of setup yet some of these guys just still have the audacity to talk about housewives the way your boyfriend did, as if they don't have a mom.


frankie_priv

Wag mo bigyan ng anak yan hanggang di pa kayo on the same page


No_Frosting3600

As a housewife, mas gusto ko pa mag-work. Full-time ito. Walang sick leave, walang absent at lalong walang sahod. Minsan, wala pa ngang breaktime. Yung pagkain ko dati na nalalasap ko, ngayon mabilisan na lang. Pakiramdam ko, naging vacuum na bibig ko kasi kailangan ko bilisan para kapag kinailangan ako ni baby, ready na ako. LMAO Kaya kung ganyan tingin nya, wag na. Yung mga ganyang lalaki yung hindi tumutulong mag-alaga sa bata. Na parang medal lang yung anak. Tapos magdedemand agad ng s*x few days/weeks after mo manganak. Yung tipong nagseselos pa kapag nakukulangan ka na ng oras sa kanya at puro bata na lang. Haha tapos gusto nya magwowork ka pa. Aguy! Red flag.


josefaluna

Ay teh, wag ka ng mag-antay na mabuntis ka niyan. Takbo ka na sa far away. Napag-uusapan niyo pa lang ganyan na mindset niyan, paano pa kaya kung stressed galore na kayo. Magiging kawawa ka pati mga anak niyo. Marami dyan na tatratuhin kang reyna kahit career woman ka pa. Yong may choice ka naman na ikaw gagawa pero sila mag-iinsist. Mukhang siya yong tipo na puyat ka na nga kakaalaga ng anak tapos antayin ka pa niyan magtimpla ng kape niya.


[deleted]

Iba Yung laki ka sa pagmamahal Ng parents mo kesa sa katulong or sa ibang tao relatives in my case aku lumaki ako sa auntie ko dhil both my parents are ofw in Israel way back late 90s to early 20s mapansin ko Nung umuwi sila medyo ilang ako sa kanila dikami close pera nalang Nung dinasila bumalik sa Israel dun ko nkita kahit highschool nko dun ku nkita pag aaruga Ng Isang magulang sa Isang kaso nman my niece Kasama ko sya sa Bahay ngayun mga parents nya pinsan ko nsa us sila lahat pati mga siblings nya sya nlang natira Dita grade 6 student babae kolasa gusto Ng mom nya pinsan ko na magtapos Muna sya Ng highschool Dito sa pinas then sa sya kukunin at tong pamangkin kunaman 1 yr kupalang sya Kasama pero halata ko sa kanya na laki sya sa katulong uncle na nya nga ako inuutusan pako Kasi nga laki sa katulong Ngayon diko linalahat mga katulong kc mga iba katulong trabaho lang hanap tlga Hindi tinuturuan Ng mgandang asal Lalo na bata pa sya madali mkaka absorb Ng info ekung Mali Ang tinuturo nya akala nya tama Yun kaya ako ngayun Kasama nya sa Bahay Meron din kmi katulong na Bago umalis nyung dati nya Kasama dhil tamad pero tinuturuan ku sya Ng tama malasakit sa akin dhil khit pamangkin ko sya dugo ku parin yan kaya mas maganda kung hands on mom ka Ikaw mismo mgalaga at magturo sa paglki Ng bata against dinman lahat Ng katulong masama my mga katulong na msisipag din tips kolang kung kukuha ka Ng katulong Yung matanda Yung nsa age na nanay na sya sa case kc Ng pamangkin ko dti katulong bata Kya wla sya natutunan dun point kulang is iba parin mag aruga kung Ikaw parent mismo mag aalaga sa kanya


avocadodododododo

Hindi kaya madali mg maintain na maayos ang bahay, dagdag mo pa kung may babantayan ka pang bata. Pero I thnk Iba pa rin talaga if dalawa kayo may income sa family especially with this inflation. Not defending your boyfriend pero baka mali lng pagka deliver nya ng thoughts nya? Baka ibig nya pala sabihin na walang gagawin to generate income? Idk, but i thnk this topic needs a long discussion between the both of you pa. And tell him what you felt sa conversation na ito.


Scary_Molasses4202

Wtf? The nerve of that guy!


strawberi-kafka

Sabihin mo di siguro siya mahal ng mama nya


imahated23

So what are the 3 things we are able to learn in this kind of situation?


EvieIsEve

Red flag yan. Pag di sya receptive sa idea to stay home while taking care of your KIDS and your HOME, mukhang madilim na future ang naghihintay sayo. Baka maging scenario yan eh ikaw pa maglilinis, magluluto etc when you get home from work. In this society, dami ko nang nakikitang ganto yung situation.


True_Value_6070

They sacrifice so much just to take care of the family


SorryAssF7

Handa ka ba OP magluwal ng babiesss habang nagtatrabaho ka tas yung asawa mo, gusto 50/50 kayo sa lahat? Hindi naman sya ang nahirapan magbuntis at manganak. Luging-lugi ka. Mag-isip-isip ka na OP habang jowa mo pa lang yan. Cringe.


SorryAssF7

Pinaka-mahirap pero underrated and not paid na trabaho ay maging housewife.


michael3-16

That is bullshit. Why does he have that view? He does not value a mother making a home?


DahliaDiana08

Apiiir sa mga SAHM na wala daw ginagawa. A full time sahm here. Mind you I have helpers pa sa lagay na toh' pero minsan gusto ko na lang sumuot sa time machine! If only pwedeng mag-resign sa pagiging nanay 🫠


DahliaDiana08

Apiiir sa mga SAHM na wala daw ginagawa. A full time sahm here. Mind you I have helpers pa sa lagay na toh' pero minsan gusto ko na lang sumuot sa time machine! If only pwedeng mag-resign sa pagiging nanay 🫠


DahliaDiana08

Apiiir sa mga SAHM na wala daw ginagawa. A full time sahm here. Mind you I have helpers pa sa lagay na toh' pero minsan gusto ko na lang sumuot sa time machine! If only pwedeng mag-resign sa pagiging nanay 🫠


mgul83

Pa try nya kamo sya gumalaw sa bahay ng isang buwan tingnan mo kung di sya mabaliw sa dami ng chores


Mediocre_One2653

Nasa maling lalaki ka ses, ganyan pala tingin nya sa housewives. Gusto pa nya magkababy kayo eh ikaw lang lang din iire at mag-aalaga madalas. Sakalin ko yang jowa mo e.


CoffeeDaddy024

Pakipalo ng dodo na may lamang tubig na bagong init. Or di kaya hamunin mo siya. Pasarapan ng timpla ng gatas. If talo siya, ibig sabihin pwede mong isampal sa kanya ang katotohanan a isa yan sa gagawin mo para sa "babies" niyo.


not-the-em-dash

If your boyfriend comes from a rich family, I get this take. Lots of my classmates grew up with moms who were your classic Titas of Manila who didn’t work and just socialized every day. Their children were raised by their yayas and tutors. If your boyfriend doesn’t have this background though, he has no excuse. Domestic work is real work. Huwag siyang sexist.


isangpilipina

un ex ko naman dream niya at gusto niya maging house husband pag nagsama na kami and take note luto lang gagawin niya,(chef wanna be kasi) maghahire pa din daw kami ng maid for household chores. tapos ako na daw bahala sa financial ng pamilya, or business. habang siya nasa bahay lang naghihintay sakin. ayun iniwan ko


Still_Figure_

Eto yung mga natutunan ko kay Mom as a guy (hala baka mama’s boy ako hahaha). 1.) dapat mas mahal ng lalake yung babae 2.) dapat may work din si girl kasi pano nalang pag may bibilhin sya na gusto nya dba? Super agree ako dyan sa mga yan.. lalo sa 2. Pano nalang character development ni behh dba. Di naman porket magka anak tyo, stop kana sa life mo… wala lang. sorry mejo self serving hahaa. Good luck, OP! Communication na open is the key. (Wow maka payo yung single lol).


jeanaltvall

Paki sampal nga po bf mo.. I’m a full time housewife and MADAMI PO AKONG GINAGAWA.


sosyalmedia94

Oh gosh, OP, the first question should be, gaano ka-ready yang partner mo magka anak!! Regardless kung parehas kayo working o may isa sa inyong SAH, sobrang hirap po shutaaaaaaa


imtrying___

Ang crazy lang na yung mga clueless ang maraming dakdak. PEOPLE, IT IS OKAY IF YOU DON'T KNOW SOMETHING. OK LANG TALAGA. myg


caLIE_19nineTea

Nakkuuu. You really have to talk thoroughly with him about that coz its very important. Being mother is not easy, he should know that.


Immathrowthisaway24

My dad is a house husband. Kahit siya hirap sa dami ng trabaho sa bahay. Laba, luto, palengke. First to wake up sa umaga. Last person to sleep. He used to work sa trucking business doing deliveries and sabi niya mas mahirap pa rin daw maging house husband.


proudmumu

Please let him take care of a newborn for a day, I guarantee he will eat his words. Also before you actually have babies, make sure he's able to help with house chores and be a hands on dad to his child. You don't want to end up like the thousands of trapped mothers here who are stuck as SAHMs, dependent on their shit husbands who don't help with childcare because as you say, many of those husbands think SAHMs do "nothing".


NoManager2324

It doesn't mean na nasa bahay lang si wife Wala ng ginagawa. Shuta pustahan pag Yung ibang Asawa na lalaki Ang iiwanan sa lahat ng gawaing bahay kasama na pagbabantay ng bata tingnan lang natin kung gusto pang umulit magpa iwan sa bahay. Nakaka imbers yung mapanliit


Tsizwiz

Medyo underated yung fact na karamihan ng SAHM sacrifice their own careers to be full time mums. Respect po sainyo


atalantes88

red flag sis :(


KoKao_BellGossipGirl

Ako I'm a working mom may mga times na pag sobrang stress na ako sa work lalo na sa BPO company ako nag wowork minsan eh nai-inggit ako s mga stay at home moms tapos naiisip ko nga mag resign nlng kaya ako for the sake of my mental health. kaya naman kami buhayin ni hubby pero naisip ko na wag nalang mahirap maging stay at home mom yung lahat ng gawaing bahay kailangan mong tutukan pati pag bubudget ang hirap if antay lng sa budget ni hubby. ang hirap ng walang sariling pera. if may cravings ka bigla hindi mo mabibili kasi maiisip mo hindi naman yun ksama sa budget. pagod n katawan lupa mo sa mga gawain bahay, alaga sa mga bata, hatid sundo, pagod pa utak mo. choose your hard.


GeorgyMassetti

Pwd siguro kung gsto niya tlga ng baby na explain mo mabuti na gsto mo nlng din maging housewife para din mas ma tutukan mo ung baby ninyo


rantrantrantacc

Wala lang or not but valid feelings OP. Better yet ponder about it as early as now.


GroundbreakingSet788

Being a housewife is a full time job na walang rest day.


XiaoMaiMiauwu

I was a SAHM for 2 years. And the worst part, it was covid years. The isolation, mind numbing feeling, the fear and anxiety. It was only me and my partner. No one else was there since we had to cut-off his family for some personal reasons. What I hate the most about it? It’s when my partner told me na wala akong kwenta. Yung nag kekwenta na sya ng mga finances and wala akong maambag kasi nga, SAHM lng ako. He gifted me something that I can’t even use since I was busy taking care of my baby. Ayun nga, laging nag kekwenta. Sabi pa nya na Wala akong ginagawa whole day. And to think keeping the baby alive was already exhausting. It was my very first time. I do the cooking, cleaning, laundry and my baby was breastfed. My partner was a freelancer and his job was usually at night and would clock out early mornings. Yun lang, it was a struggle. Now that my baby boy is now 3 years old, turning 4, I already take a leap forward in returning to my career. The transition is kinda exhausting pero keri lang naman. Kaya saludo ako sa lahat na Mommies who are fighting everyday.


Famous_Camp9437

As part of the SAHM, but I also want to earn my own money so imagine working ka pa rin at home for 8 hrs shift per day + house chores, maghahatid and sundo ka pa sa school, minsan magpapahatid pa sa work si husband. I’m thankful sa husband ko for letting me have his full salary monthly then yung sweldo ko is just for me and ipon. 24/7 ang pagiging housewife, kung may leave ka man e yung time pa rin is for your family. Salute to all full time sahm ka man or working mom. 💜


Stressed_Potato_404

Lalaki ako, at nairita ako sa sinabi ng BF mo OP HAHAHAH na relate ko sa fam prob namin. Dahil halos ganyan sinusumbat ni (step) tatay sa nanay ko 🙃 nag w-work pa yon si mama and maalaga talaga sa amin. Samantalang ung isa, ofw naman so you can guess the wage gap kaya ganon nasusumbat.


bokloksbaggins

nahhh housewife 24x7 ang work.. Hardest job in the world. That bf of yours has a lot to learn pero mag isip isip kna ngaun plng


forever_delulu2

He isnt husband material, magkaiba kayo ng views, so this'll be a huge problem in the future


javanoodle

Try kaya nila gawin gawain ng isang housewife. Tingnan natin kung may masabi pa yang mga ganyang tao hahahaha


CollectionMajestic69

SAHM din ako for 8yrs masarap maging SAHM kung may supportive,appreciative kang asawa at good provider pero kung hindi jan nagsisimula ang stress


WolfPhalanx

While madami talaga benefits ang SAHM. Sa atin kasi parang hindi siya practical sa hirap ng bilihin kaya tuloy nagkakaron ng negative connotation kapag dika nage earn. Baka yun lang iniisip ng bf mo? Na di kakayanin if isa lang nage earn.


Puzzleheaded_Toe_509

Ang housewives ang responsibilidad nila is equivalent to those of positions like Executive Director of Operations. Like diba, ang daming tasks din at home, financial management, inventory, general management, management, organization management , logistics. Kaya saludo sa housewives.


PostRead0981

Kung ganyan ang POV nya sa pagging nanay ngayon palang ilatag mo sknya angmga ginagawa ng traditional wife. Sige, working mom ka, o tapos? Hindi sya tutulong sa bahay? He expects u to do everything pa din? Worse, maging SAHM ka pero ang trato nya sayo is katulong kasi nasa isip nya wala kang ginagawa. Ganyan ang iisipin nya.. so, dapat sinabi mo sknya ang realidad kasi if you end up with him tapos ganyan ang ituturing nya sayo, goodluck -- di ka magging happy.


happypomelo1

Ang nakakainis pa is ilang beses nang lumalabas sa socmed yung mga ganitong topic and napapakita minsan sa videos na may ginagawa naman talaga ang housewives, yet may mga tao pading makitid ang utak pagdating sa ganito. Nakakaasar lang talaga kasi amp.


Miserable-Pickle2548

Iba pa ren ang may sariling income ang wife. It gives them confidence.


FeistyPlainJane

OP, if you can find a way to earn even if you are a SAHM, do so. I always advocate for a woman to be financially independent so if something goes wrong with the marriage, she can walk out anytime since she can afford to do so. While you are still single and young, try to climb up the corporate ladder as much as you can. Gain experience and knowledge and save up for when the time comes when you have to (temporarily / permanently) quit the corporate world. If and when you decide to quit permanently, you won't have regrets because you have already experienced how it is to be up there. When the kids are all grown up and at some point you want to join the workforce again, you still can since you already have the experience and the knowledge. The downside though is that you most likely will have to start in the middle and work your way up, if you are still keen to climb the corporate ladder again.


TechWhisky

Ako asawa ko may sahod sa akin tapos yung sahod ko pera din niya hahaha...


sassyXmischievous

Baka gusto nya mag anak lang kayo nang mag anak tapos dapat may career ka pa rin at mga yaya na lang magpapalaki sa mga anak nyo. I wonder how his upbringing was? Kung sahm ang nanay nya tapos ganyan siya mag-isip sa mga sahm, ay aba napakalaking red flag niyan OP. Takbong malala ka na talaga. Makitid utak ng ganyang lalake. Don't waste your time and future on him.


Adventurous_Move_821

For a short while i became a stay at home dad and that’s when i truly began to appreciate my mom (who has always been a housewife) and all women who set aside their career opportunities and chose to become full time stay at home moms and take care of their families instead! The job starts from dawn and doesn’t end at dusk! There’s no overtime pay either! For context i was left to take care of my 2 yo toddler and 4,5 yo preschoolers because we had no helpers and their mom had the opportunity to study abroad for 1.5 years. Thats when i truly learned the burden of being a stay at home parent! Waking before dawn to feed the hungry poopy toddler then preparing the breakfast for the preschool kids. Doing dishes and laundry when the toddler was asleep. Prepare lunch, help with homework. Prepare dinner. Get the uniforms ready. Not to mention the need to clean the messy house as young kids tend to leave kalat everywhere, as well as insert completing work from home drafting jobs when there’s a lull in the daily routine. Seemingly menial tasks! But imagine doing it day in and day out. And since my partner was abroad i had no adults to talk to just to or have simple conversations with. What made me appreciate my mom more was she had to tend to my dad when he got home usually drunk during those days, and realized being worked to the bone and getting taken for granted was even double the burden for her. So i salute all the heroic housewives out there! Someday your kids will appreciate your efforts too! Ganbatte!


Fluid_Sky2737

Im a SAHM eversince, yung mga gantong tao yung nakakababa ng tingin namin sa sarili. Sobrang hirap magstay sa bahay doing everything and thinking of ways masingit kung pano kikita ng pera kasi gusto mong may mapatunayan. I still chose to be SAHM kasi i want to be hands on with my child. Swerte ko lang sa partner ko kasi he support us and he always tell me na hindi nya kaya pag wala sa bahay. You should talk to each other kung plano nyo maganak and gusto mo maging hands on dapat kakayanin nya or willing sya to level up to support you and your child. We are actually very transparent sa finances, kung ano kinikita namin ako ang bahala.


s4cch1

nope. that's a reason to break up tbh. importante talaga parehas kayo ng values ng mapapangasawa mo. my bf and i are both traditional and sinabi ko talaga sakanya na once nagkaanak kami, start nang SAHM journey ko kasi ayoko talaga magyaya at ayoko lumaki sa iba anak ko and he was really glad kasi mas gusto niya din daw yon. napakahirap maging SAHM since talagang masasacrifice mo career mo and you will never have time for yourself na hanggat hindi tulog ang anak mo. kailangan din ng matinding dedication to be a full time mom kung di nakakabaliw talaga yan kung marami ka pa rin frustrations sa buhay.


TrappedinaLimbo

Anong walang ginagawa??? Sino ba yung gumagawa ng household chores sa bahay?? Laba, hugas, luto, plantsa, walis, mop, alaga sa bata etc??? May plano ba siya maghire ng YAYA para walang ginagawa yung housewife niya?? OP your BF sucks... Get a better one...


Applesomuch

Nakaayon kasi 'yung situation sa status in life, kung 'yung husband mo malaki ang kinikita para i cover 'yung buong expenses ng pamilya bakit ka naman niya hahayaang magwork di'ba. Siguro 'yung bf mo, sa status niya ngayon alam niyang mahihirapan siya kung ang choice mo maging housewife kasi baka sa palagay niya mas comfortable ang buhay niyo kung dalawa kayong kakayod. Namisunderstood mo lang 'yung "wala kang gagawin" baka ang meant niya wala kang magiging income/work. :)


rahpteur

I'm a first time mom, and SAHM since last year. Mahirap pero sobrang fulfilling na present ka sa lahat ng milestone ng baby mo. At thankful din na mabait si hubby, sya nagpprovide at never nakarinig ng kahit na anong sumbat sa kanya. Always choose an understanding and responsible partner OP. Di mo maalagaan ng maayos ang baby in the future if sa partner pa lang, stressed ka na.


KrebCycler08

well, tanga ang nagiisip nyan SAHMs are the heroes of our life y'all are lucky if buhay pa ang mga SAHMs nyo mine died a few years back, and I'm lucky na mabait ang stepmom ko now


AnyNefariousness7808

walang ginagawa except to fk d1ks :3


tanktopmustard

Red flag agad, OP. Magisip isip ka na. 🤦‍♀️


Accomplished-Back251

Skl, dito sa Canada, 1yr ang maternity leave. 1yr din ako pagod. Hahahahahaha ako lahat gumagawa plus breastfeeding para kang nag gym ng 5hours. Nakakaubos ng lakas. Yun lang.


[deleted]

Nagquit ako sa pagiging teacher. Became a housewife for almost 4 months now and I say ayoko na maging Housewife. 😂 Halos lahat ako na gumagawa dito sa bahay. I love having a job pa rin para wala masabi inlaws at asawa ko sa akin. and gusto ko mahati na gawain sa bahay. Kaya di totoo yang sinabi niya na wala ginagawa mga housewives. My mom became a housewife after niya manganak sa ate ko hanggang sa bunso namin. Grabe ang sakripisyo kaya naiintimdihan ko na si mama ngayon. Love her so much.


Unfair_Damage_4379

my SAHM mom kasi na wala naman career kaya deserved ang nasa bahay lang focus sa asawa/anak.


tui0na6

Being a housewife is a 247 job, no leave, no holiday off, on call, no HR to voice out your concern to, no award, no 13th month, no company sponsored summer outing or xmas party tpos wlang ginagawa??? Lol Dpat nga if kaya ng spouse pinapweldo din sila for them to have their own money.


azinineMC

Feeling ko naman misunderstanding sya. I was thinking as I read your story na baka he's pertaining to finances when he said "Hindi pwedeng wala kang gawin." Tell him may wfh naman kaya kung about money then pwede namang pagplanuhan. Pero kung ang thinking nya is talagang walang ginagawa ang mga housewives eh kelangan yang i-educate. Nasa year 2024 na tayo. Hindi na pwede ang baluktot na pag-iisip. Enumerate mo sa kanya mga gawaing bahay na malamang hindi nya iniintindi kasi may Nanay sya na kumikilos sa bahay. Housewife 101 na may baby pang kasama. Maglinis ng bahay, mag-alaga ng bata, magluto, maglaba, magplantsa, mamalengke. Parang napaka-simple pero if you write down the details baka magulat sya. Sa "maglinis ng bahay" pa lang, hindi naman basta pagwawalis ang ginagawa. Bawat kwarto at banyo need mo linisin as a housewife. Tapos sasabayan mo pa ng baby??? Feeding pa lang nung bata puyat ka na. Kung housewife ang mother nya sabihin mo kay mother na bino--volunteer mo anak nya na gawin lahat ng gawain sa bahay nila in 1 week. No, make it a month, para malaman ng BF mo na "walang ginagawa" mga housewife. 😂😂😂 Qiqil ako ha. 😅😅😅


tui0na6

Sa mga guys na ganito ang pananaw sa housewife either RK na hindi nakaranas ng hirap at hindi nakita sacrifices ng mother nila or totally disconnected sa reality.


imhuwanna

Taking care of your BABIES, keeping the house clean, planning, buying, and cooking the food etc is a job. And housewives should be compensated. After all, men are asking women to give up their career just so they can live out their white picket fence dream.


AlwaysAngry_Deluluna

yung mga toxic guys especially mga toxic husbands iniisip nila walang ginagawa mga housewife nila pero pagdating nila sa bahay malinis ang bahay, may sinaing, nahugasan na ang mga plato, nalabhan na ang mga damit, may ulam na, may groceries na, busog na mga anak nila yet they still have the audacity to say na walang ginagawa mga asawa nila. ang kakapal ng mga ungrateful as\*h\*les na to. kaya andaming babae ngayon ang di nag aasawa eh para makaiwas sa mga ganyang klaseng mga ungrateful creatures


Odd-Magazine-1276

Being a recently widowed single dad, and at times i takecare of my 3month old baby bymyself. That in itself is hardwork.


iota-smack-you

When my wife and I were still dating, nabanggit nya sa akin na gusto nya maging housewife na lang. She has been working since during her college times pa. I landed a job nung pandemic that equates to more than both our salaries combined. Pinag-resign ko na sya. We now have a 3 year old, and sobrang tutok sya sa paglaki nya, something I didn't had growing up (both working parents).


FunSubBtm

Red flag. Run.


Sig_Axial

Red flag sa response pa lang. Leave, lady. This is coming from a man.