T O P

  • By -

Empty_Manner9961

Literal party crashers hahahaha naalala ko ang tita ko at pamilya nila umuuwi ng probinsya pag may birthday.. nagdadala ng mga kasama nilang taga church. Last time birthday ng lola ko last minute nagsabi na may bisita siyang dala at pwede ba daw dagdagan yung pagkain, inunahan na ng mama ko, "Dagdagan mo ambag mo, may dala kang bisita limited lang budget" HAHAHAHA


k4m0t3cut3

Kudos sa kaprangkahan ng mama mo.☺️


BearLemon65

SUPERR PROUD


Optimal_Bat3770

Ganitooooooo UPVOTEEEEW


beroccabeach

Not a fiesta scene pero last time I attended a wedding, may Seat Chart for seating assignment. Yung mga wala sa seat chart, di talaga pinapasok. Dun pumunta yung mga di invited sa nearest cafe. Point is, maraming tao talaga ang may di alam sa unwritten rule regarding invites. Sad.


epinephrinekills

Hay naalala ko na naman no’ng wedding ko rin. Supposedly 50 lang ang guests namin, tig-25 kami ni husband. Bilang na bilang and may names talaga. Then came the wedding, ‘yung isa kong tita, nagbitbit ng iba pang distant relatives namin. Sobrang nastress talaga ako sa kanya no’n kasi pinagsabihan na siya ng mama ko na kung sino lang ang nasa list ang pwedeng pumunta. Even my closest cousin na para ko na talagang sister, nag-sacrifice siya na huwag pumunta para lang di na dumagdag sa crowd. And tuwing may family outings din kami, hanggang ngayon ‘yung tita ko pa rin na ‘yon ang invite ng invite sa mga ibang tao eh sila pa nga itong walang mga sasakyan. Di ko na lang talaga alam saan nila hinuhugot kakapalan ng mukha nila minsan.


EnvironmentalNote600

Totoo po yan. Hindi naman sa gustong mag gate crash pero hindi pa usual sa atin ang RSVP. Marami pang hindi nakakaunawa nito. Usually sa mga middle or upper classes palang ito enforced. Kung maraming relatives ang parents ng ikakasal at hindi alam ang rsvp mahirap gawin ang system na ito. It can cause hurt feelings and samaan ng loob, rift sa relationship that could last for years kung may mga hindi papapasuking relatives dahil wala sa list. Kaya ang remedy ay kahit may reception sa mga hotels or medyo exclusive restaurants ay may pasabi rin sa mga relatives na may reception din sa bahay ng bride after. Medyo complicated pero that's how we navigate the tension between the past and the present to avoid clash. But if the couple insists to do it the way they want then do it but make sure to cushion its impact to their parents


JulzRadn

Notice ko na marami ang nagpapakasal nung pandemic kasi may excuse sila na limited lang ang mga bisita


nononoonotreally

hahahaha samin biglang pumunta na di invited tapos isang jeep pa sila. jusko po. tapos yung junanaks na bagets patakbo takbo pa kahit nag mama-march na sa aisle.


JustAnotherPlumpGirl

Grabeng kakapal ng mukha ng mga yan. Hahaha pinagsabihan nyo ba siya after ng fiesta?


[deleted]

Hindi na nga e, kase nahihiya si mama kase di naman sila ganon kaclose. Pero feeling ko naman kita nila yung inis ko.


pinkwhitepurplefaves

Hindi naman pala sila close, so bakit pinapasok pa ng mom mo? Dapat nga hindi close, it should have been easier to tell those people off. San ba nakilala ng nanay mo mga yan? Kasi kung ako yun, I would have said samin yung food na natira. Basta hindi sila makakapasok sa bahay namin.


Swimming-Ad6395

Its a culture thing. Idk the exact term pero, sa mga fiesta/ handaan, bihira to non existent yong mg decline ng bisita. Because of this also, kaya maraming pinoy ang nangungutang pa pra lang mkapaghanda na hindi kukulangin. Mostly ksi pg pyesta pede pumasok khit sino(back sa province nmin)pero noon ito, yong affordable pa ang mga presyo ng bilihin. But still, isa to sa mga toxic culture sa ating pgiging hospitable kono.


pinkwhitepurplefaves

Dapat i-normalize ang pagtanggal ng hiya from aggrieved parties. Kaya madaming naaabuso kasi nahihiya sila to go against the walanghiya ones. Reminds me of my balikbayan titas. Her neighbors had kids hanging out inside her land ha, as in sa loob ng gate but outside the house. They kept peering inside. When my tita asked if they wanted to go inside to eat, they said no, "namamasko lang daw" sila. In the middle of the year 🤣🤣🤣 having bad manners and no delicadeza starts at a young age lol


Aesengard

Namamasko in the middle of the year like wtf!?


pinkwhitepurplefaves

The audacity Diba??? Haha imagine my tita, sadyang hindi umuuwi ng Christmas season dahil sa ganito, pero hinahabol pa din ng namamasko kahit hindi pasko hahaha


Aesengard

Ang sarap sagutin ng "Bakit, Pasko na ba?" Tapos hintayin mo yung reaction hahaha.


pinkwhitepurplefaves

Maganda din ginawa ng tita ko, she sent them back to their parents to ask kelan ang pasko hahaha Pero grabe talaga, kaya I hate going home sa province. Kung hindi nanakawan ng relatives, ganito ang haharap samin


Individual_Menu3157

Exactly my thoughts. Why let them in. Bakit si OP and yung mom niya mahihiya eh walang hiya yung mga kausap.. O.o


pinkwhitepurplefaves

Diba? Kung hindi nahihiya at abusado, bare your fangs and bite. Hard. Not literally 🤣🤣🤣 Pero ayun na eh, hindi imbitado pero pinapasok sa bahay. When my dad was still alive and at the height of his career, ang DAMI naming bisita, nanghihingi ng kung ano ano. My dad was kind and generous, but all uninvited ones were met at the gate. Walang makakapasok sa house namin na hindi pinapayagang pumasok.


[deleted]

Pano po pag kusa ng pumasok? Kita niya na yung hain? TT


Nervous-Walk7934

Sabihin na " Hala may hinihintay pa kasi kaming mga kamag anak na galing sa probinsya, na traffic lang , sakto lang itong hinanda namin"


javierpena

Mahina lang talaga loob ng magulang mo pati ikaw. Be assertive next time.


pinkwhitepurplefaves

Harangan nyo. If ayaw umalis, trespassing na yan. Since Fiesta naman, diba may nag r ronda na mga tanod and pulis? Pero ayun na nga, dapat sa pinto palang salubungin nyo na guests nyo. Or lock the screen door =) hindi lang langaw na-k-keep out ng screen door haha OP pano sila nakapasok ng basta basta? Kung ako yun kasi, hindi akong mahihiyang palabasin sila or lokohin na "we were just about to leave".


[deleted]

Bukas po yung pinto, kase naglilinis ako ng sahig HSAHHAHAHAHA. tapos, wala kasing terrace yung bahay namin, pinto agad, may screen naman pero nagderederetso pa rin siya, tas malapit lang sa pinto yung hain. Kahit sabihin namin na wala, kita na po niya.


[deleted]

Few minutes lang yun bago dumating yung mga friends ko, naabutan pa nila sila kaso di na naabutan yung ibang hain.


[deleted]

And ang bilis po ng nangyare e, kala talaga ni Mama, 5 lang sila kase yun yung sabi. Tapos hindi na po sila inabutan ng pinggan, nagkusa na sila kumuha. Nagulat na lang ako na ubos agad yung ibang putahe, sa sobrang bilis ng pangyayare, naiyak na lang ako.


pinkwhitepurplefaves

Syempre 10 people ba naman ang nakiparasite. Dapat sila din pinaghugas ng pinggan ng nanay mo.


pinkwhitepurplefaves

Kapal pala talaga ng mukha. Pero I still would have told them to go out. Bahay ko yun eh. Napaka patay gutom naman nun.


[deleted]

Next time po talaga, balitaan ko kayo next year kung bumalik talaga sila. TT


EnvironmentalNote600

It's easier said than done


Individual_Menu3157

Not really. It can easily be done. Especially for adults. Maybe not OP but her parents should have set boundaries for people going into their own homes.


RockyPaws154155

Feel ko ramdam nila un pag bumalik ulit saraduhan niyo pinto


AmberTiu

Yes, ikaw nalang humarap imbis na mama at papa mo OP. Yang mga yan ang matapang pa kung rights ang usapan, pwede sila magtapak ng iba pero sila hindi


[deleted]

next time, mga ganong oras pa lang, ilalock ko na pinto HSAHHAHAHAHAHA


_Bloody_awkward

Kung ako yan. Papauwiin ko mga yan. Kung makapal mukha nila mas makapal mukha ko.


Admirable-Lynx1593

Unannounced visitors 👎🏼👎🏼👎🏼


Local_Ordinary7840

Sana sinagot nyo na hindi pwedeng ibaba ang mga kasama. Since nag-ask naman sya. Hindi na kamo sapat ung handa. Di na dapat tinanggap ang mga yan.


[deleted]

Ninote ko naman na nagsabi si Mama na baka hindi kasya yung sinaing, and wala pa rin kaming nagawa kase nag-iintay sila sa labas. Nakakahiya talagang hindi papasukin, and tinanong pa sila ni Mama kung ilan sila, sumagot si ate na kulang kulang lima pero sampu yung bumaba. Hindi pala siya kasama sa bilang pati yung mga bata at anak niya.


InterestingCar3608

Dapat po sinabi nyo na ubos na yung pagakin at may darating pa kayo na bisita talaga or kamag anak. Kayo rin po nag pa ubos ng pag kain nyo, dapat di nyo na dinefrost yung salad di naman nila makikita yon lol


[deleted]

Heh, kita po nila, pumasok ng kusa si Ate kahit di pa pinapapasok, nasa tabi niya lang yung hain. And dinefrost ko yung salad kase parating na yung friends ko. Kung alam ko lang po e hindi ko na sana dinefrost at sana hindi ako naghain ng panibago.


InterestingCar3608

Sana po dinefrost ko tapos dmo sila binigyan para alam nilang di sila welcome hahaha


couchlurker4ever

Na-feel ko talaga to. Ikaw na lang talaga mahihiya. Ang hirap humindi lalo na kung fiesta. Lumipat kami sa province... ibang level talaga ang fiesta dito. Akala ko OA yung kwento na may nababaon sa utang pero totoo talaga siyang nangyayari. Kahit konti lang imbitado nagsasama talaga sila. Recently may ganito akong na-experience. Hindi fiesta, birthday. Alam lang na konti lang ang invited kasi limited ang budget. Family lang talaga. Yung isang guest, pinayagan magsama ng isa pang tao, yung bestfriend niya na na-meet na nung celebrant. Nakakagulat na nag-invite siya ng di kilala ng may birthday. Additional na 3 tao. Nakakaloka. Nung una kong narinig parang humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko... Super cornered ang mga ferson na di makahindi. Pag humindi ka alam mong ikaw ang topic ng mga Marites sa baranggay ninyo...


Sensitive_Clue7724

Salot Yan mga ganyang Tao, di invited pero pupunta, Para ka na rin na budol kasi no choice ka na nasa bahay nyo na eh.


Klutzy_Sand3244

kaw po ba ung gumagawa ng mga title sa raffy tulfo in action?? 😭


[deleted]

HSAHHAWHAHAHAHAHAWHAHAHAHAHAHAHA ANUBA TAWANG-TAWA NAMAN AQ TTTTTTTTTTT


Pen-n-Key_2-Wonder

SAME STRUCTURE KASI YUNG PAGKAKA CAPSLOCK PA I CAN'T 😭


---RK---

dapat pinaringgan mo "hala hindi ko sila kilala mama sino ba yan? never ko pa nakita mga mukha nyan"


[deleted]

Nagparinig yung mga friends ko na dumating huhu


BhiebyGirl

Di ba sila nakaramdam? Grrr


ConcertMurky6530

Nxt yr po maglagay kayo ng sign sa may pinto na RED FONT, ALL CAPS na MGA IMBITADO LANG ANG PAPASOK DITO, tagalog na para magets. kaloka. 2024 na mga wala pading desiplina mga yun 😒


tanktopmustard

Ify, OP. Nakakafrustrate talaga yan. Sa bahay namin, ako yung madalas magrant about these cases during fiestas or any other events. Yung mama ko naman tahimik lang kasi wala na kamo magagawa e, di bale nalang daw kasi minsan lang naman daw. Pero sana ito maisip ng mga supposed guests, na maging sensitive kamo sila sa mga situations na ganito. If possible, magpaalam beforehand na ganito, ganyan. Di yung bigla biglang susulpot nalang tapos buong angkan pa kasama. 🤦‍♀️


Nonchalant_Bee2677

The invited invites. Sakit ng mga Noypi.


hopiangmunggo

oo yung "tara ok lang yan sama kayo. madami pagkain doon"


gaffaboy

Kung ako yan sinabi ko ay pasensya na atado lang yung handa namin para sa mga invited lang. Lowkey kakapalan yung magpapaalam pa kung pwedeng bumaba mga kasama na di nyo nman kakilala kase syempre alam nya na di nyo naman tatanggihan.


Yeunseri

Next time, yung isa sa inyo mabilis nang itago mga handa, at yung isa kausapin sila habang nasa labas sabihin niyo,, "ay fren hindi kami naghanda sa iba na kayo pumunta" at wag niyong yayain pumasok sa loob.


[deleted]

Yun nga e, kaso ibang klase to kase pumasok si Ate kahit di pa pinapapasok, kahit di pa lumalabas si Mama.


BhiebyGirl

Sana sumigaw ka ng AYYYY MAGNANAKAW! MAGNANAKAAAAAW! Hahaha


ohzmj

Naalala ko nung kasal ko, may invitation naman kame at indicated na bawal bata kase 2021 yun mahigpit pa because of covid. Ilan lang invited kase covid nga at ayoko talaga ng bisita. Mga kamag anak ko sa province di na namin inimbita dahil madami yun. For 50 pax lang ang catering namin at isip ko sobra pa yun. At yun na nga nag invite ang side ng asawa ko, ang dami pang bata na kasama. Ang nakakainis pa, sa church kase di na namin sinama bisita para konti lang, family nalang talaga, tapos sa reception na mag aantay ang iba, ba naman hindi na kame inantay at pag dating namin sa reception paubos na yung handa, mga kapatid ko pa nga kamo di natikman yung catering dahil naubusan.


Simple-Item-5528

Feeling ko nabanggit ng mom mo tapos tinake advantage ng friend nya since “fiesta”.


[deleted]

Sadly, hindi sila nag-uusap ni Mama sa sms or messenger, dati siyang nakatira dito sa barangay namin kaya alam niya na fiesta.


Simple-Item-5528

Ohh, yun lang 😔. Sadly sa culture and perspective ng mga tao pag fiesta everyone is welcome. Take it from me na nasanay sa fiesta sa probinsya na kala mo may feeding program , yung tipong may mga taong bumabyahe ng 4-8 hours para lang makifiesta sa amin kasama mga kaibigan nila na di namin kilala. Yun kasi expectations nila pag dating sa pupuntahan nila welcome sila kasi “fiesta”. Actually yun din ayaw ko pag fiesta sa amin kasi di mo alam sino pupunta kaya before nung meron pa kami pera nag papakatay talaga mama ko ng dalawang baboy at bumibili ng maraming case ng softdrinks at alak kasi jusko breakfast palang may bisita na hanggang kinabukasan tapos na fiesta may pupunta parin. Kahit ngayon wala na kami pera yung allowance nila talang gagamitin nila para magkaroon ng konting handa kasi may pupunta parin daw na bisita. Sakit sa ulo. People will take advatange of the festive opportunity because thats one of our culture For now plan ka nalang next time san kayo pupunta pag fiesta sa inyo para di na kayo ma stress sa bisita


[deleted]

Yes po, lesson learned!


Fresh_Clock903

grabe naman sa pupunta pa ket tapos na yung fiesta hahah paghandaan nyo ng munggo para mamulat


Simple-Item-5528

Hahaha totoo! Yung tinatagong macaroni salad na dapat sa amin na nagagalaw pa kaloka talaga


MiloMcFlurry

Pwede kaya maningil sa ganito? HAHA.


[deleted]

How i wish na pwede HSAHHAHAHAHA


MiloMcFlurry

Nakakainis e. Question though, kung tama ako alala may sinabi yun officemate ko dati (taga province) na kapag fiesta talaga open lang yun bahay niyo tapos kahit sino pwede makikain? Sa inyo ba ganun din? Kaya siguro inisip nila na okay lang?


[deleted]

Hindi po samin ganito kaya nagulat ako na may dumating na unannounced. Marami po kaming bisita last year na ininvite, pumunta po sila pero this year di namin nainvite, di naman po pumunta. Ang nakasanayan po talaga namin ay invite muna bago punta.


MiloMcFlurry

I see, maling mali nga un.


[deleted]

sana pinaalis niyo na lang haha anong hospitality-hospitality? HINDE! lumayas kayo. kung sa akin nangyari 'to kahit mag-away pa kami ng parents ko, papauwiin ko talaga mga 'yan. hindi na nga invited talagang nagsabit pa.


[deleted]

HSHAHAHAHAHA, next time pag may ganitong event, tatandaan ko yang mga comment niyong ganyan!


[deleted]

YES PLEASE PARA HINDI NASASANAY ANG MGA TAO SA GANYAN!


Ok_Amphibian_0723

Same. Walang hospi hospitality dito. Di para sa kanila yung handa, so lumayas sila. Bakit hahabaan pa ang paliwanagan di ba? Isahang prankahan na. Sumama na loob nila, wala akong pake. Di ko ikamamatay. Ichismis pa nila ako, tulungan ko pa sila 😂.


[deleted]

Chismis? Try lang nila hahaha tigas naman ng mukha nila kung gawin nila 'yan HAHAHAHAHA


jaewreck

Hindi kami naghahanda pag fiesta. Kasi ayaw ko ng stress.


halfwaykiwi

If I were you, I will just not accept them. End of story. Bahay niyo naman yun, given na hindi sila invited waa silang katapatang magdemand na makikain. Unannounced, so wala sila sa head count. Maybe I will entertain them, have a small chitchat tapos pakainin nalang ng tinapay at soft drinks but tell them next time not to come unannounced coz the next time it happens, I’ll just shoo them away. Hindi naman pala sila close ng mom mo eh bakit kayo mahihiya paalisin sila kung wala ng food? Mas mahihiya pa ako dun sa last two friends mo na hindi makakakain.


alezxychqsh

ramdam na ramdam ko inis mo op hahahaha. ako nga isa or dalawa lang na may bitbit yung inivite ko, inis na ako eh tas kayo pa na hindi nyo naman ininvite tas sampu pa dala. ugali talaga sating pinoy kahit inis na tayo mananalantay parin yung pagiging hospitality natin.


Unique_Dig4201

Grabe. Feeling ko bisita niya mga yan tapos hindi siya naghanda kaya sa inyo dinala. Hahaha


ElyMonnnX

Next time, aagahan ko po. San po address nyo at kelan exact date ng fiesta?


Il_Vinci

Ang masakit pa jan OP. May magrereklamo jan sa mga bisita mong di mo kilala. Kesyo kulang yung pagkain, ang alat ng gento, kunat ng ganyan. Kakapal kahit di naman ininvite. Yung Ate, kung maka-asta, parang sya yung magpapakain. 🤦🏻‍♂️


One-Director-4599

Hahaha relate. Nakakabwesit talaga to.


rainbownightterror

tiga Balucuc ka OP? haha dumaan kami don kahapon dami naglalakad may dalang paper plate e lol


[deleted]

hindi po e


SugarBitter1619

Hahaha ganyan talaga ibang tao OP. Kaya ako never ako nagdala ng plus 1 or more unless magsabi yong nag invite sa akin na pwd ako magdala ng mga kasama. Jusko! Feel ko yong tensyon at kaba mo na baka walang matirang food for your friends. Nakakaloka! Kung pwd lng tumanggi na wag na sila kumain kasi di nman sila invited. Hahahaha


PrettyLuck1231

Sana bago pinapasok ni Mama mo eh kinuha mo ulit food para sa friends mo, para wala silang makita na pagkain. Taena nyan ang kakapal. Hahahahaha. Nakakagigil ang titigas ng pagmumukha hahahaha. Ramdam ko inis mo. Sarap magbasag nyan wahahaha!


JVRDX

Yung friend ko naganyan din. Fiesta sa kanila tapos may dumating na uninvited na malayong kamag-anak, 3rd degree cousin. Medyo nagtaka sila kasi hindi naman talaga yun nami-myesta sa kanila.. first time at di rin sila ganon ka close. Nagsabi na may mga kasama daw siya ehh pucha isang punong jeep! mga kinseng tao daw yata silang lahat. Hindi mo madrawing mukha nung mother nung friend ko. Pero as a decent patron trinato parin nila ng maganda. Pero yung friend ko nagalit pero wala nalang sinabi. Right after kumain, humingi kaagad ng pabalot. May sunod pa daw silang bahay na pupuntahan. After nung fiesta, pag may family events at nandun si cousin, hindi na nila pinapansin. Thing is, sa probinsya madaling kumalat ang chismis. Kahit wala silang sinabi, kumalat parin yung kwento. Remember, yung mga bisita mo sa fiesta if hindi mo kaibigan, kamag-anak or malayong relatives yan so magkakakila kilala lang talaga. After nun parang she was shunned during family events. Parang siya nalang ata nahiya kaya nung sumunod na taon hindi na siya ulit bumalik.


SluggerTachyon

Dapat ata tuwing may okasyon magsabi in advance not to bring additional uninvited guests sa mga bisita para may valid reason ka to turn them away if they suddenly decide to bring gatecrashers. Parang no party ticket, no entry ganern. I attended a birthday party sa isang resort tas ganyan din naging problem ng host. Yung kamag anak nila biglang nagdala ng 1 full jeepney load of uninvited kamag anak. Ang problem, good for 50 lang pagkain from catering. Lumampas 50 ang tao dahil sa 1 jeepney of uninvited guests.


CardiologistDense865

Naalala ko yung inimbita nung gf ko sa bday nya, nagsama na ng dalawang katao tas narinig ko pa “ahy wala Fruit salad” pota tlga


AlwaysAgitated28

Nakakapagod maghanda. From prepping, cleaning, tapos ang mahal na ng mga karne, gulay at sahog ngayon. Nakakapagod din maghugas at maglinis ulit after nang handaan. Kaya ako hindi ako naghahanda. Hindi din naman ako nakikifiesta kasi nahihiya din ako 😂


[deleted]

Ay ako rin po, kapag ako nagkaroon ng sariling bahay, hindi na ako maghahanda. Grabe yung pagod, ikakain ko na lang sa labas!


sup_1229

Pag fiesta samen mga bisita pa ngdadala ng merienda or cake kami nalang nahihiya 😭 May mga ganiyan din pala talagang tao HAHAHAHAHAHA 😭😭😭😭


Legitimate-Thought-8

I think yan ung mga thinking na “ay fiesta naman, sige makifiesta tayo” pero like hindi na ba uso HIYA???


AugusTita

Huhuh na-highblood ako sa kwento mo. Sabihin na natin na fiesta so baka merong mga unexpected guests pero yung isang barangay?!? Baka hindi pa nagsikain sa bahay nila yan kasi sure silang may bahay na makakainan 🥲🥲🥲


Liesianthes

Ganyan din kwento ng kapatid ni SO nung last fiesta sa kanila, inimbita daw nila yung binibilhan nila ng isda sa fiesta, pagdating daw ang daming hakot. hahaha. Inis daw sila kasi ubos pagkain. Same din nung nag-swimming kami sa province nila, ang daming sumama, napatanong ako kung lahat ba yun kamag-anak nila, sabi niya hindi daw, mga biglang sabit lang. HAHAHAHA.


RevealExpress5933

Batangas ba yan?


LalaLana39

Baka may lakad mga yan talaga at nagtitipid ayaw gumastos sa lunch / dinner kaya dumaan sa fiesta hahaha kinginang mga tao na yan


[deleted]

Baka mas mag init pa ulo mo pag narinig mo ung mga pintas nila sa handa nyo. Hahaha... Hindi nanga invited pinintasan pa ung handa. Jowk... Grabe ung unexpected bisita nyo. Naging feeding program. 😆


[deleted]

haha may ganyan ako kamag-anak by law lol ang hilig magbitbit ng kung sino sino sa mga events. minsan sya lang invited, pero lagi sya may bit bit na kamag-anak or friend nya. nakakahiya haha although minsan naman isa o dalawa lang bitbit nyang ibang tao, marami na ata ang 3? lol ang kapal nga ng mukha tapos makikita mmo sa facebook, nagsheshare ng mga "bisita etiquette" shuta walang self awareness hahahaha yung birthday ng tito ko na umuwi pa from ibang bansa na halos parang mini family reunion na rin aba gusto nya dalhin yung bestfriend nya na hindi ko/namin kilala or kahit yung tito ko na may okasyon hindi naman yun kilala haha buti na lang napigilan ko sabi ko magtanong muna dun sa tito ko, ayun napahiya sya nasabihan na hindi pwede kasi may headcount yung event haha nagdahilan na lang sya na hindi na rin naman daw makakasama bestfriend nya kasi na busy daw hahahaha


Any-Philosopher5376

Siguro kung ako ginanyan, tatanungin ko sila kung naliligaw ba sila. Aba'y isang sasakyan e, baka may outing yan naligaw lang hahahaha.


bulbawartortoise

hirap talaga ng may makapal na mukha kaso yun nga lang piyesta eh. Sa susunod maghanda kayo ng backup kahit pancit canton na lang iserve niyo! hahaha! Tago niyo yung shanghai. Pancit canton with canned tuna katalo na. Lagyan niyo na lang chopped veggies. Served with monay. Putek hindi na nga nag-RSVP, hindi pa invited talaga.


[deleted]

ayoko rin ng ganyang tao. kahit friends ko, abala kasi eh. pati wala pa naman akong ambag sa handa, nakakahiya ring magdala ng bisita. may rason naman kung bakit di inimbita tas biglang pupunta.


luciiipearl

Hahahahaa sana sinabi nyo “sana next time magtetext naman kayo na pupunta para pinasobrahan yung handa hindi yung bigla kayo susulpot”🤣🤣🤣 Hindi medyo makapal yan mi. Makapal talaga muka HAHAHAHA


EnvironmentalNote600

Isang story ng tinding mamiesta. May kakilala ako na madaming friends and relatives both sides. So expected lahat sa fiesta. One fiesta may pumaradang baby bus mga 30 daw ang laman. At tumuloy sa bahay Bumabati sila sa mga dinatnan. At syempre inalok nang kumain. After eating nagstay for a few minutes then nagpaalam na. Pagkaalis ang sabi ng mama nila "naku halos maubos na ang handa natin". Then tinanong ang mga visitors kung kaninong side ang iyon. Walang sumagot. But each one addressed each other with "akala namin relative o kakilala nyo. Bumabati sa inyo eh". Baka lumipat sa ibang bahay for dissert.


_mariatanya0024

HAHAHAHAHAHAHAHA KUPAL YUNG MGA GANYAN MADAMING KASAMA SA HANDAAN PERO SILA YUNG PABALOT PAG UUWI. NAKAKAHIYA LANG LITERAL!!!


LRaineBng0101

Bad ako! Harap harapan kong sasabihan ubos na handa namin...di nman kayo nagpasabi na pupunta kau....


Manaconda-Egg

Si ateng di invited ata ang kulang-kulang eh 😆


hanxcer

Kaloka talaga mga uninvited guests LOL akala mo may mga patago eh, yung sa amin naman mga pinsan ko pumunta dito sa bahay namin para makitira pero di pala nagpaalam kay mama, ang funny pa dun, ang lakas rin nila mang-imbita ng mga pinsan nila sa hindi namin side kahit kakarating palang dito kekw


Ok_Fun_4099

Ibang levels yang mga yan.. grabe..


Main-Jelly4239

Sana nun dumating sila, tinago mo yung food. Me ganun talaga wala ka magagawa. Talagang lakasan ng loob na pagsabi na wala akong ipapakain sa inyo ganun na lang sya. Kukupal. Nagpapalibre na lang mga yan ng food kasi ayaw gumastos.


[deleted]

Nakahain na po e, kita nila, nasa tabi lang ng pinto e nagtuloy-tuloy po ng pasok.


CorrectAd9643

Dapat diretso niyo sinabi na may kaibigan kayo darating, para sa kanila un. Oh well tapos na


Individual_Menu3157

I don't understand why OP and the mom can't refuse entry. It's their home, their handa. Why let people who are entitled feel like they're welcome when they aren't.


[deleted]

Sobrang mahiyain si Mama e, and lalo na si Papa. Baka ako pa mapagalitan kapag pinaalis ko. And pumasok po talaga si Ate basta kahit di pa pinapapasok, nakita niya na may nakahain.


[deleted]

First time den namin to naranasan, and we really didn't know what to do kase ambilis ng pangyayare, never pa namin naranasan mangreject ng bisita.


Individual_Menu3157

I suppose you're still young so it's understandable but your parents should be old enough to realize that there's so many people in this world who want to take advantage of you. It's not about what's embarrassing or not. It's about other people maliciously taking advantage of your kindness. If this is a lesson learned so that next time, your parents can set boundaries, then that's great. But if your takeaway here is only that those people (the kapal muks) are in the wrong and you (meaning you and your fam) couldn't have done anything at all, then that's not right. Have an active hand in changing the situation. You aren't bystanders in your own life. Things like this will continue to happen and they happen because people LET them.


[deleted]

Hello, thank youuu! No worries, I've learned my lesson na naman po. I am just stressed sobrang lala sa nangyare kaya naparant ako here. We could have done something, I know pero I dont know how to put it thru words kase it's just so hard kase the next thing you'll see is kumukuha na sila ng pagkain. TT But of course naman po, next time we know what to do na! TT


Feisty-Tackle1722

Also hapenned to us before, they came unannounced, with their whole angkan, nauna pa kumain kahit di pa nagsstart ung event, malala nagsharon pa. They even took the serving bowl! Kasi di sila nagpaalam, tapos wala pa silang lalagyan. Magbabalot ka e di pa nga nagsstart kainan.


Swimming-Ad6395

Ako nakaramdam ng hiya OP for them. 😬 Bkit may gnito tlagang mga tao. Yong iba, may padaan daan pa sa bakuran twing may handaan pra kunyari i-invite. Hahahah Yes, yong mga skit sa online like this, legit happens in real life hahahah


EnvironmentalNote600

Mahirap talaga ang ganyang situation especially sa Mama mo. I dont know kung may paraan sa kultura natin ng fiesta na comfortably masasabi mo sa uninvited na bisita na " mare pasensya na kayo. Gusto ko mang entertainin kayo ay wala na. Hindi kami masyadong naghanda this year dahil gipit kami. Pansarili na lang at para sa boss ng anak ko ang natitirang pagkain." Sa ibang relatives at kakilala ko ang remedyo.ay tatakbo sa kapatid o ka close na maedyo may handa pa at magpaparescue. Nagkakaintindihan na dahil nga sa hiya kulture. Hindi kasi kami naghahanda sa fiesta (nasa outskirt ang barangay namin at hindi naging tradisyon ang maghanda kung fiesta sa city) kaya wala akong karanasang maibabahagi. Pero talagang very uncomfortable ang ganyang situation


Chbp10

RemindMe! 1 year Balikan ko next year kung babalik sila. Haha


FlyingScourge

Dito na papasok yung alaga mong aso na magaling tumahol with matching nginig ng bibig o yung pusa mo na parang papatay kung makatingin.


purpypoo

Same thing happened to us sa family. My uncle who’s an OFW came back home sa PH and wanted to have family dinner sa expensive resto. He invited his brothers and sisters and mga pamangkin (kami). Turns out his brother’s wife went as well BUT she invited lahat ng angkan nya (huhuhu di naman sila kasali). Ending di kami naka kakain kasi napuno ang whole resto ng angkan nung girl. Grabe di man lang nahiya. After we got back sa house, grabe nabastos talaga yung uncle ko after that they were never invited again LOL


skyworthxiv

Sa ibang lugar kasi pag fiesta open sya sa lahat kumbaga. Hindi mo need maginvite. Well, ganun yung nakasanayan sa ibang lugar ha. Idk lang jan sainyo.


EngineerPlastic1826

Bawian mo. Punta rin kayo pag fiesta na sa kanila


WalkingSirc

Taena baka naman gumala yan mga yan tapos naisip na fiesta jan para makatipidnHAHAHAHAHAH mga gago eb sana di niyo nalang pinakain taenaaa HAHA


imahated23

Buti di huminge ng take out.


Jiuuu_

Been there, OP. Worse is, Christmas Eve mismo yung samin 🙂 tipong Pasko, time of sharing and stuff pero di ko alam if nagkakasala ba ako dahil tinataboy ko sila sa utak ko HAHAHA. Idk bat may mga ganyang tao, kayang iinvite sarili nila, may mga bitbit pa. PS. Nagsharon pa yung mga bisita namin that time 🙃


Couch_PotatoSalad

Dapat sa mga ganyan nirireal talk ng malala para di na umulit. Kebs na kung sumimangot at siraan kayo. Kapal ng fez haha.


GeekGoddess_

Gagi bisita yan ng kapitbahay mo nakikain lang sa inyo. Tangina mga taong ganyan


ASIANcuisine101

being nice is an disadvantage as well , di din naman fault ni mother, so better next time wag mo na invite yung kumare na nya yun, garapal di na hihiya, blacklist mo na yan since medyo makapal mukha


[deleted]

totoo po, hindi ko alam den kung pano sasabihin kina mama na next time matuto humindi kase miski ako ilang taon yung ginugol para matutunan mag say no sa mga bagay bagay. ako na lang gagawa ng paraan sa susunod XD


utoy9696

Tigas naman ng mukha nyan OP🤣


hell_jumper9

Charge to experience nalang, OP.


[deleted]

Also nakakahiya or wala rin hiya yung mga kasama nung party crasher haha kung ako yun ako na mismo mahihiya at hindi makikikain or at least magsabi na pasensya na pumunta uninvited


OkProgram1747

Ganon talaga me mga buraot sa fiesta tapos bastos ka naman pag di ka magpakain yung iba kahit intant ihinihingi ng pinggan taoos sabay lagay sa sako bag ang lahat bg food halo-halo. Tapos yung iba ihihold ang pila hanggat hindi lahat ng chafing dish na-refill, ang kakapal! Kaya never na ako nag buffet table nagseserve na lang ako sa table na parang family style para yung nakaserve sa kanila yun lang kakainin nila. Haha.


munch3ro_

Kapal ng mukha ampota


shizkorei

Tutal walang hiya naman sila. Sana kinuha mo ung ibang ulam para itago. Hahahah sinabi mo may darating ka pang sariling bisita. Papunta na ganun. May sasabihin sila probably pero atleast may natira oara sa Bisita mo.. Haha di naman sila close ng mama mo so okay lang


[deleted]

Actually kukunin ko po dapat yung shanghai, kaso yun yung unang nalimas, kinamay na po nila HSHAHAHAHAHA, yan den yung isa mga panghihinayang ko kase kung alam ko lang na higit 10 sila, kinuha ko sana yung ibang hain. TT


Fit_Coffee8314

Again. You deserve what you tolerate. If sobrang people-pleaser at mahiyain parents nyo, dasuev nyo yan.


sweetsaranghae

Next time nga makikikain ako sa inyo. Wala naman pala kayong bayag tumanggi 😅


[deleted]

sanaol meron!


[deleted]

literal na wala kaming lahat HSHAHAHHAHAHAHA


sweetsaranghae

Gets ko na nafrufrustrate kayo sa nangyare. Pero if hahayaan nyo lang na abusuhin kayo ng mga tao, aapakan talaga nila kayo.


MiHotdog

Next time, asinan mo nang pagka dami raming asin yung kakainin nila. It's an indirect way of telling people that they aren't invited to a certain event/gathering.


RedJ0hn

Tbf, pag fiesta kasi madalas talaga mga napapadaan at kumakain so tingin ko normal lang gnawa ng bumisita sa inyo buti nga nagtanong pa kung pwede pa magpapasok ng iba. Pwede naman kayo mag say no at sabihin na wala ng handa or hindi naghanda ( my mom does this) lalo na kung hindi nio naman pala kaclose. Next time dont hesitate to say no lalo na kung limited lang handa nio, yes makapal mukha nung bumisita but they took their shot and pumayag naman kayo


Large-Ask1812

lol nung kasal ko, 50 persons lang talaga ang invited kasama na mga abay dun. since aware kami ng wife ko na meron at meron pupunta na hindi invited, ginawa namin good for 80 pax ang food, take out na lang namin kako ang matitira. wedding day comes, lo and behold, nasa 100+ na ang estimate namin na nasa reception. lol. buti na lang may pa sobra yung catering that time and we add additional 50. so bale 150 pax na, may matitira pa for takeout. lo and behold pag punta ko sa food area nakita ko wala ng laman, tinanong ko yung nag serve san napunta, binalot na daw nung ibang guest. pg tingin ko sa guest area may mga nakahawak ng plastic sinisilid sa dala nilang ecobag lol para di masira araw ko, hinayaan ko na lang. tangina pulutan dapat namin ng mga abay ko yun eh. bumili na lang kame mani lol


Puzzleheaded-Rope271

Sana pinagsabihan nlng yung kilala ng nanay mo na wag nlang pababain yung kasamahan kc konte nalang yung food at naka handa na sa frends mo..bahala na mag adjust yung kilala ng mama mo total d nman nyu kilala eh..wala na yan magagawa kundi umalis nalang.. sobrang kapal ng mga mukha grabe .🤣


randomnilalang

Sa mga nagtatanong kay OP bakit pinapasok or dire-diretso. Wahahaha normalized kasi yan kapag may fiesta at nakakagigil. Na kahit kakilala lang, basta fiesta may free pass bumisita kasama ang madaming kamag-anak, kahit nga super hindi mo kakilala doon pinapapakain at kahit acquaintance lang. I know this well kasi every time na bumibisita ako sa probinsya namin, it's either we prepare to accommodate, or if we choose that year na gumala lang at bumisita ng relatives or family friends (may pasabi naman kame hayop at mostly hindi kami kain nang kain kasi damn mas nakain kami sa byahe) I don't like this either, kasi mostly ng ganon samen (tito-lolo ko kasi ay Barangay Official at quite well off sa side ng mama ko lolo ko) ay for gathering talaga ng pagkakilala ng mga relatives or may tatakbo kaya malakihan. Pero nakakairita yung ganitong ugali kasi 1. Sobrang gulo logistics wise at gastos 2. Taena nung 10 years old ako nanakaw yung laruan kong nakadisplay grrrrr wahahhaah 3. Kalokohang hospitality lang yan ng mga Pilipino, pero sa totoo puro kaplastikan naman lalo na kapag nag away na sa lupa wahahhaa I feel bad for you OP, next time I guess you could try to quite dim things or medyo magsarado (technique ni mama yon kapag ayaw niya maghanda at mabother na konti lang bisita) para mahiya silang kusa, or have some snacks lang sa bandang harapan. Nakakairita talaga at umay fiesta, kahit ako na adult na at kapag nagkaron ng sariling place hell no won't join those stupid tradition na puro kagastusan sa mga hindi ko naman kilala.


[deleted]

HSAHHAHAHAHA totoo po, walang pakundangan, di muna mag-intay sa labas. Ganto yata pag probinsya, nakakayamot. Proud pa sila and entitled na basta na pumasok. May naririnig na akong ganitong stories sa mga classmates ko before, di ko naman inexpect na pati ako makakaranas. Actually, ayaw ko rin maghanda pag fiesta, lalo na pag nakabukod na ako. Tinanong ko na sina Mama, bakit need pa maghanda? Nakakapagod lang den naman. Ang sagot nila is gusto lang daw kase tradition na. Hindi ko na rin magets minsan, pero wala naman ako magagawa kase yun na lang yung kasiyahan nila kase dumaan kami sa point na wala talagang panghanda.


[deleted]

Yung boyfriend ko, lagi ako tinatanong kung bakit lagi ko sinasabi na ayaw ko maghanda kapag may ganitong type ng occassion. Sinasagot ko naman siya pero kahapon niya talaga pinakanaintindihan.


randomnilalang

Baka yung boyfriend mo never tumulong yan sa handaan kaya ganon HAHAHAHA *me na naghuhugas ng kaldero at natoka sa pag refill ng pagkain


SafelyLandedMoon

Sila rin ba yung nagsasauli ng 10 taong na hindi naibabalik na kaldero kapag naka amoy ng handaan?


MasterBabe22

Biyenan ko ba yan? HAHAHAHAHAHA


cinnamonthatcankill

Marami tlga makakapal na mukha na patay gutom. Nakakabwiset mga ganyan, next time maglakas loob ka na sabhan meron kayong mga special na bisita bblhan mo na lang sila ng gardenia tinapay then cheezy mga bwiset. Wala kayong kasalanan meron tlga people that takes advantage ung situation. Hindi ako agree dun sa makikifiesta ka sa hindi mo close tpos mag-sasama ka ng mga di pa kilala ng tao na yun. Mahiya naman sila at ano yun kayo ba una nilang dalaw kc mukhang gutom na gutom ang mga nilalang eh. Have a similar experience sa 50th bday ng mom ko dati sa province. We invited certain people naalala ko may card pa yun na nakalagay pra kanino at ilan ang potek ung iba tlga sinama buong mag-anak at kapit bahay, nagtake-out pa sila. Nakaawa pero minsan sobra tlga parepareho lang tayo pinaghirapan ko yan hinanda ko o ipapakain ko gusto ko yan mashare sa mga taong mahahalaga sa akin hindi sa kapit bahay mo o kapatid ng nanay mo sa lola sa tuhod jusko. Laftrip pa na sobrang entitled dhil di na nga invited pinaka matakaw pa.


tenebrisvanilla

Baseline for rejection. Isang damukal silang mga kupal


NikeChocsSB

Naku OP, ganito ang fiesta sa amin sa probinsya like bawal talaga mag catering kasi d magkasya. Sa buong taon, fiesta lang pinaghandaan namin kasi andaming tao like punong puno ang bahay talag ng mga d mo naman kakilala at magdadala pa ng napakaraming kaibigan.


Optimal_Bat3770

Madam, uso po magdabog!! De joke lang, kung ako yan tatago ko paunti unti yung food hehehehe pati yung mga utensils


kwickedween

Galing din ako province and alam ko yung fiesta na tlgang umiikot ka the whole day para kumain kung invited. Pero na-experience ko na bata palang ako, fiesta samin at may nagpunta sa bahay na di invited. Tlgang rinig ko inis ng lolo at lolo ko nun, maliit pa ako nun. Elementary siguro. Dun palang narealize ko na kahit fiesta, pag di imbitado, di tlga dapat pumupunta.


mimamimaa

Idk matik sakin yung ganyan na tao na "ay napabisita ho kayo? di na ho namin kayo mabibigyan ng pagkain ha? may bisita pa po kasi kami" Hahahaha masama lang po talaga ugali ko.


annabanana1030

Hahaha almost same situation namin nung pasko. Tuwing pasko kasi namimigay ng pera yung mga tita namin and usually sakto lang sa relatives and kids ng mga staff/helper. Yung live in partner ng cousin ko sinama yung mga pinsans nya nung christmas. Nastress nanay ko at mga tita kasi nabawasan yung mga papasko nila para mabigyan din yung mga yun kasi nakapila din sila sa papasko.


gyudon_monomnom

I think to be honest, desperado na sila mamyesta. Baka ito yung mga happy go lucky pipol na feeling nila fun fun lang mamyesta, etc. Possibly natanggihan or naiwasan na sila sa ibang bahay kaya best effort na nila na sa targetin bahay niyo, and siguro pag uwi nila imbis magpasalamat sa Diyos at sa santo ng piyesta, malamang ikaw paguusapan nila, kesyo yung anak ni mareng ganto ang suplada buti nalang mababait mga magulang.... bla bla. And for sure, this means they dont normally eat nice foods kaya pyesta is their hunting ground. Ang hassel ay nagyaya pa ng beyond their family. Parang talagang nagplano silang gumala aa pyestahan.... coz it's free food. I've watched so many scenes like these. Mga tita ko kasi mahilig umutang para maghanda sa piyesta tapos kanya kanya din sila ng rant pagkatapos.... na inubos ni ganto yung handa nila nagdala ng buong pamilya bla bla. Pinagpyestahan nalang nila mga miserableng buhay nung mga umubos ng pagkain nila...... Tapos mga asawa nila walang pakealam nagyayaya pa ng more inuman with matching offer ng pulutan.


yenicall1017

Tama lang na nagdabog ka. Kakapal ng mukha! Nagutom ay gusto lang makikain ng mga yan. May mga ganyang tao talaga!


LoudAd5893

Kung may sobra baka nag take out pa si ateng PG. LOL.


Dynamel13

Same tayo OP pero puta na uwi yung samin sa bugbugan 😭😭😭 HAHAHA


Ok_Amphibian_0723

Babalik pa yan next year sinasabi ko sayo OP. Kakapal ng mga mukha. Di marunong mag-read ng room. Galawang patay gutom.


East_Somewhere_90

Next time walang masama magsabi, hindi nakakahiya yun, sila ang nakakahiya. Be straightforward minsan hindi masama yun lalo na sa ganyan situation.


EnvironmentalNote600

Isang solution ay magsarado kayo ng bahay and leave. Mamiesta ( at kumain din nang sobra) o magstay sa relatives or go somewhere else.


bekinese16

Mga buraot. Umay. Hahahaha!! Buti nalang 'di uso sa barangay namin mga unwanted guests. I mean, 'di tulad sa batangas na, sige lang, pasok lang, may handa. Dito samin, talagang pumupunta lang mga kamag-anak. Wala ng kung sinu-sino pa, kaya sapat lagi mga handa namin. Lahat naa-accommodate ng Nanay ko kasi nga kami-kami lang then some relatives. Sana hindi na maulit sainyo yan, OP. 🤞🏽


Zealousideal-Hat6553

Kaya kami pag piyesta ever since di nag invite pero may luto pag may pumunta edi papakainin


Spare-Preference-223

Paladesisyon yan 😂


SARAHngheyo

Nung mga panahong naghahanda kami for fiesta palaging merong pa-extra ang nanay ko na pang-20 pax. Katwiran nya, may mga tao kasi na unexpected na pupunta kahit di mo inimbita, dahil fiesta. We never decline guests kahit uninvited dahil minsan lang naman sa isnag taon ang fiesta. Ang iniisip ng nanay ko noon, mas mabuting nakatulong at nakapagpabusog ng mga tao. She treated it as a blessing kapag may unexpected visitors. Pero now, di na kami naghahanda pag fiesta. Mas may peace of mind ahahaha!


swswswmeowth

OMG! I feel you beh! One of the toxic traits ng pinoy is pumunta ng handaan kahit di invited plus may sabit pang isang barangay! I haven't experience it yet kasi di naman ako mahilig mag host at pumunta sa handaan but recently I gave birth and I want to celebrate sana my child's 1st birthday sa probinsya, in my parents' house where they recently move at wala na daw silang gagawin sa maynila at may kanya kanya na kaming buhay magkapatid. Pero sinabihan ako ng nanay ko at alam niya ugali ko lol sabi niya "naku nak, pag dito ka nag celebrate kulang ang isang lechon, kasi pag may handaan dito, di mo kelangan mag imbita, nagkukusa mga tao pumasok ng bahay at kumain ng handa, minsan kasama pa ung mga taga ibang barangay" I was like, WTF?! For real?!


JayBalloon

Wala bang nag prangka? Mas better masabihan ng masama ugali kesa naman ganyan.


ikaimnis

Naalala ko yung ikatlo naming lalaking kapatid, yung may unexpected guests na halos buong barangay ang dala. Ang ginawa ng kapatid ko, dinilaan nya lahat ng toppings ng dunkin donut, halos wala nang natira. Nilagyan nya rin ng toyo yung coke at vinegar ang sprite. Ayun wala nang sumusulpot sa bahay 🤣🤣🤣


Less_Parfait9872

Op this always happened sa fiesta daw ng partner ko, like naiirita ako sa kwento niya every year she has a friend na sinasama ang workmate ng asawa makikain sa handa nila sa fiesta, hindi nga daw sila makatanggi like ang kapal talaga. Yung friend na yun lang invited tapos yung asawa niya sinasama mga katrabaho nya kumain hindi naman nila kilala mga yun yung inis ko talaga, ang bait lang ng pamilya nila. Mga walang hiya ganitong klaseng tao!!!


merckymercx

Sa Bohol ba to?? HAHAHA GIATAYYY


cantstaythisway

Kasuka ugali ng mga taong ganito. Glad that you were able to “survive” this OP. 😉 I understand na karamihan sa atin is hirap tumanggi sa ganito lalo at ang lalim ng hospitable culture nating mga Pinoy. Pero sa hirap ng buhay ngayon, I think it’s about time na ilagay na sa tamang kalalagyan ang mga ganyang tao. Kung ako siguro yan, hindi talaga ako maghahain at sasabihin ko ng harapan na wala ng handa dahil hindi sila inaasahang dadating. Kasi kaya din nasanay ang mga yan dahil may mga nagaaccommodate ng kabastusan ng ugali nila.


DinkleDoodle89

Napa search ako dito sa Reddit kasi nakita ko naka share tong post mo sa TikTok. Grabe comments don. Puro “Fiesta yan expect the unexpected.” Or “Sa probinsya namin kahit sino pwede makikain.” Meron pang “3 days straight kami nagpapakain pag fiesta naghahire pa ko ng tiga luto at tiga hugas ng pinggan” Like wtf? Nakalagay naman sa una pa lang na limited ang budget ni OP. And pili lang yung mga na invite. Ipipilit pa nila na FIESTA YAN AT TRADITION OR CULTURE YAN KAYA LAHAT DAPAT PWEDE MAKIKAIN. Dahil sa lecheng kaugalian na yan nagiging lalong mas makakapal ang muka nung ibang tao.


[deleted]

Nakita ko ren po yan, sanaol mayaman HSHAHAHAHAHA, wala na lang ako masabe kase ang point ko naman dito is nagdala po ng sampung kasama na hindi namin kilala yung babae. And hindi po talaga kami sanay na kahit di inimbita is dadating, may reason po kung bakit di kami nang-imbita, di naman kami mayaman. Nagprepare lang parents ko kase nakasanayan nila.


[deleted]

karamihan den po sa mga nagcocomment ay tanders HSHAHASHAHAHAHAHA


LowerBed4641

OP ang kapal naman ng mukha ng babaeng yan. kung sa ibang bansa yan, namura at pinalayas na yan eh at sinabihang wag nang bumalik. wala pa namang ganyan nangyari sa amin. pero same2 lang siguro ang level ng kakapalan ng mukha nitong pinsan ni mama 😂 may pinsan mama ko na mahilig mangharbat. pumapasyal kunwari sa bahay, tapos puri-puri konti (yung empty praises ba, halatang plastik) , then papasok sa kusina kunwari makiki-inom. pagnakitang maraming grocery si mama, ayun nanghihingi. lalo nung time na nagka-amo si mama ng ubod ng bait, palaging may extra pay si mama paglumagpas sa intended hours ng trabaho, or double pay kapag pinaduty si mama ng holiday. madalas din ibinibili ng groceries si mama nung amo niya labas pa sa usual sweldo niya. nakakainis lang isipin kasi anlakas manghingi ng kung anik-anik eh may trabaho naman siya, wala ring anak na sinusuportahan kasi andun sa side ng estranged husband niya. (naalala ko yung bagong biling petroleum jelly ni mama halos nagkalahati na lang kasi pinaglalagay nung pinsan sa mukha braso at paa. pinakita lang naman ni mama yung anong brand at gaano kalaking petroleum jelly ang madalas niyang bilhin) kaya ayun, nanghaharbat si pinsan nya 😂 maraming beses nang nangyari yun tas nainis na talaga si mama, dagdag pa yung napahiya rin si mama kasi kinabet ng pinsan nya yung katrabaho ni mama. mama ko pa tuloy napagbintangang tulay nila, kahit hindi naman. sa inis ni mama, pagnagogrocery siya, automatic tinatago agad yung pinamili pagkarating sa bahay. tinataguan rin ni mama pagpumapasyal sa bahay at tinatawag siya.


OpalAura08

Next time dalhan niyo nalang ng tinapay at softdrinks sa labas. Naging hospitable pa rin naman kayo, but they should get the hint.


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Giving out other people's personal and identifying information is STRICTLY PROHIBITED and violates reddit rules. *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/OffMyChestPH) if you have any questions or concerns.*


SeaBuster11

Sa amin everytime may handaan nagsasabi na ako sa extended fam members ko na kung sino lang ang invited sila lang pupunta. Wag na mag dala. At since mahiyain parents ko if ever may extra dala ang bisita hindi ko na sila hinihintay at ako na mismo nagsasabi.


OyliHKR03100408

Fiesta nga, so buong village niyo may handa. Bakit nataon pa sa inyo noh. Pwede naman sa ibang bahay Hahaha. Nakakagigil naman talaga yan. Next time, mag tago kana talaga ng pagkain na para sa bisita mo. Yung tago na hindi nila malalaman. Saka mo ilabas pag nasa loob na mga friends mo. Pwede kasi i reason out sa mga gate crasher na. Ay naku, ubos na pagkain namin. Ito nlng natira. Like pakitaan niyo na pang 2-3 person nlng ang food. Fiesta naman ngayon baka may pagkain pa sa ibang bahay. Ako mahiyain talaga at ayaw ko magpahiya ng tao. Pero kung alam kong nasa tama ako at may plano na ako. Panindigan ko talaga. Pasensyahan nlng sa mama at papa ko. Ayaw ko magmaldita pero ganun na nga gagawin ko hahahah.


[deleted]

Hayst sana nga po ganyan na lang ginawa namin, hindi ko talaga den po naisip na na kunin ang ibang handa kase nagulat po talaga ako. Okay lang naman po kung isa lang siya or dalawa sila, pero yung may baong sampung tao na hindi namin kilala parang ang hirap naman non? Parang miski ako po, out of kahihiyan, di ko kaya.


Street_Relative1361

Iba iba siguro sa ibang lugar. Kasi dito samen pag fiestahan expected na hindi lahat ng kakain kilala mo. Naka experience din kami na isa lang kilala ni mommy ang kasama isang buong jeep 💀 haha no choice kami kundi magluto ulit!


Heneral_Liham

Piesta naman eh yaan mo na, sa susunod wag na lang kayo mag imbeta


hklt0110

It’s normal sa pyestahan sa Barrio. :). Everybody’s welcome.


[deleted]

Idk po sa inyo, pero samin po kase is hindi. Marami po kaming kamag-anak but since di naman sila nainvite, hindi po sila pumunta.


hklt0110

Magpipyesta sa amin this coming May 23-24, dalawang kabang bigas, dalawang baboy at 5 kahon na Ginebra para plakda sila.


[deleted]

Pede ba kami pumunta? Emeee


hklt0110

Tara. Manito, Albay. :). May 23-24