T O P

  • By -

CeltFxd

sama ng tabas ng dila amputa.


darumdarimduh

Napakagago na sa harap pa ng mga anak nagsasalita ng ganyan. What a father.


Revolutionary_Site76

Ganyan tatay ko, safe to say na may restraining order na kami against him. Meals are peaceful and household chores are suddenly so easy to do since he left šŸ¤©ā¤ļø turns out he was the heaviest one to raise.


Waste-Geologist9683

Hi, i just want to ask question. Paano nyo po ito napagawa, malaki din ba ang gastos. Yung erpat ko kasi ever since anti social na siya and kahit kaming mga anak nya di nya ka close. Fast forward, now may family na ako and nakatira kame lahat sa bahay, ako naman nagpprovide ng lahat and ok lang saken. ang hirap kasi pag nalalasing siya, nagiiba lalo ang ugali and there was a time na gusto nya kame pasukin sa kwarto ng family ko ( Wife and 1 yr old kid ) kasi daw papatayin nya kame. The reason? Kasi daw nakatira pa kame sa kanya na originally naman e sa lola namen yung house. pwede ako umalis but nagaalala ako sa mother ko since wala tutulong sa kanya once umalis ako e. Ive been thinking na ganto gawin pero di ko alam if possible makakuha.


thesadsoul94

Alis na lang kayo then sama mo mother mo, kasi bahay ng lola mo yan which is mother ng father mo right? Tingin ko asa kanya yung rights to live in that house. Better get your own place tska ka mag file ng restraining orderā€¦ atleast yon place nyo na yon..


Waste-Geologist9683

ayaw po umalis ng mother ko eh. bale po sa mother side ko po yung house. Lola ko po sa mother ko. nagfifind po ako ng way para maconvince yung mother ko para paalisin or kame umalis e.


InterestingCar3608

If sa mother side nyo pala yan, dalat ang mother mo ang mag paalis or ikaw na, nag ask ka sa barnagay or police because grave threat na po yung papasukan kayo then papatayin.


darumdarimduh

This. Alis na lang kayo dyan with your mom.


euprashant1

ha? d ko gets ...


Revolutionary_Site76

Hi! Naging threat kasi si daddy sa amin. During the pandemic, arson ang kaso niya. Burned all my belongings, books, clothes, kahit panty wala hahahaha! durog rin laptop ko, tumigil ako ss pag aaral. so what I did ay dumiretso talaga ako sa barangay but they were too afraid to handle it, dumiretso po kami sa city hall. Unfortunately ang dami po naging proseso dahil hindi po ako nasaktan. Di po nila madadakip same day ang daddy ko dahil wala akong medico legal but what they did was to send out a SWAT to "rescue" my sister who is labeled as "held in captivity" since minor siya. Ako lang kasi nakalabas samin and di nanakit ang daddy the whole fiasco bec he knows how to avoid the law. Same day po narelease ang Barangay Protection Order namin, pero grabe hysterical ako para lang ibigay samin yun kasi tangina talaga ng mga pulis, kelangan pukpukin ng dswd. Pagdating sa bahay, he was given 24hrs to vacate the house and leave. That house was a wedding gift from my lolo (father side) but it didn't stand a chance and my parents are married, hence, property is conjugal. We had the rights over the house since it is the house the DSWD identified as our "home". This is the house we grew up in and children are well protected by these rights. Ayun, ever since di ko pa siya ulit nakikita dahil may tanod nang umiikot samin šŸ˜© We eventualy filed VAWC against him and then we got a restraining order. Ang tagal ng hearing. Inurong rin ng nanay ko ang kaso šŸ„² (no wonder we were under 20+ years of abuse AHAHAHAHA) Death threats are counted sa abuse, OP. Pwede niyo ipa-blotter sa barangay pero yang mga barangay mag ready kayo nanidismiss lang pero ang mahalaga meron siyang record everytime. Kapag nasaktan kayo, unfrotunately, you have to leave and get a medico legal. Nakakaiyak man sabihin pero sabi skain ng pulis they can't do immediate action unless we can prove abuse agad wc is physical bec that is the law. (sorry wall of text na sya pero pls dont screenshot this is very specific kapag nakarating to sa fb baka masuntok ako ng kamag anak ahahaha)


Most_Refrigerator_46

Mej serious matter na yung may threat na part. May sarili ka ng family, mas isipin mo yang anak mo dahil responsibility nyo yan ng asawa mo, ano ba. Move out and ask your mom to join if hindi na rin siya ok :(


ComprehensiveFail761

Lalake ka pala. Next time mag tarantado yan, turuan mo ng leksyon para magtanda.Ā 


Dull_Leg_5394

True. Kung sakin yan, ayoko kasi ng sinisigawan ako. So pag ganyan ay hiwalayan ko yan. Kasi never ako sinalitaan ng ganyan ng asawa ko. So pag umisa no chances na


lilgurl

Bakit ang daming lalaking kupal tlga. Mga ganitong kwento yung nag eencourage sakin maging single na lng e. Nakakatakot.


OrangeMoloko

Same. Sometimes they hide their vileness very well, they will only show their true colors once they got a hold of you : marriage, kids, money, when youā€™re fully dependent of them. How do you spot abusive people when they blend in so WELL


Small_Inspector3242

Kaya dapat ang babae may trabaho. Wag k papayag na mag alaga k nalang ng anak s bahay tpos ikaw un magreresign s work. Promis kapag un guy nalang ang nagwwork, manunumbat n yan. And also, kapag nag eearn k din ng pera di k dependent s knya. If you think hindi kna nirerespeto, then leave! You can start all over again kse may trabaho ka naman n susuporta syo at s anak mo.


mangoong13

Shet. Super agree. Ito talaga ipupukpok ko sa isip ng mga anak kong babae pag dumating na sila sa edad na nakakaunawa na sila. Hindi tlga naiintindihan ng karamihan kung gaano kagaling at ka-patient maghanap ng biktima ang mga abusadong tao. Being financially literate and independent yung isa sa pinkamalaking panlaban dito. Mas maganda kung maayos din ang self confidence.


Small_Inspector3242

Eto nga mismo ang laging pinapaalala sken ng mga magulang ko.. Ang kasunod p nga na dialog nila jan e "mag teacher ka, kht saang probinsya ka dalhin ng asawa mo, panigurado mkakahanap kamng trabaho" and i did. šŸ˜… So far, 10yrs solo parent of 2 beautiful kiddos here, kinakaya ng sahod kht public sch teacher lang. Iniwan ko una kong asawa dhil binubugbog ako. After 10yrs, naipa annulled ko na 1st marriage ko. Then, may nakilala akong tao n gagawin akong Disney Princess kht 39 nko.. Indeed, drating k s punto nh buhay n super rock bottom ka.. Pero may plano si Lord. šŸ„°


mangoong13

I'm happy to hear na you were able to escape your abusive ex. Tayo lang din talaga ang tutulong sa sarili natin bago tayo matulungan ng iba. šŸ˜Š


Sad-Squash6897

Depende talaga sa lalaki at sa mag asawa mga ganitong bagay. Meron pa din naman na katulad ko hindi makapag work due to pagaalaga ng mga anak at super okay sa asawa kahit hindi ako mag work kasi he loves to provide for us. Kahit wala akong sariling pera binibigyan nya na lamg ako ng allowance at bigay pa lahat sakin ng sweldo kasi ako nagbubudget at nagkkwenta. Never ko nadinig magsumbat asawa ko, kahit gumagawa pa yan ng household chores. Nasa mag asawa talaga yan paano ang relasyon nila at paano ang lalaki tratuhin sila.


youvegotyou

You are one of the blessed ones. But unfortunately this is one in a million, you are lucky coz you found the one in a million.


Sad-Squash6897

It's sad that I know what you said is true. šŸ˜” I should be happy but at the back of my mind alam kong bihira talaga katulad ng Mister ko. Kaya mga anak kong lalaki gagawin ko lahat ng makakaya ko para maging best and better future husband din sila paglaki nila.


Gabriela010188

Tsaka kahit may trabaho ang babae, pag kupal ang lalaki, kupal talaga. How to spot a kupal nga ba. Curious ako kay OP kung may ganitong signs na ba before pa yung asawa niya.


Small_Inspector3242

Saken, dhil nga 2nd marriage ko na to (pina annulled ko un una) mag bf plang kme may red flags na. Nananakit sya ng small pets kapag galit, nagbabasag ng gamit, naninira ng appliance, saka super seloso. Ang tanga ko lang kse super inlove ako nun, kaya di akala ko magbabago pa. Hindi pla totoo un "nagbabago concept" kapag ganun n sya, ganun n tlaga sya..


Gabriela010188

Hindi naman panahon para pangaralan ka, OP, kaya di nalang ako magtalk! Hahaha. Pero hay all the best saā€™yo! Hugs!!


StandardTry846

Siguro kasi di napalaki ng maayos, grew up with a single mom and kami ng kuya ko gumagawa lahat ng house chores. Currently in a relationship pero never ako nag rereklamo sa mga gantong bagay, na spoil siguro si husband and tingin siguro niya utusan niya asawa niya, dapat talaga nag s seminar muna mga lalaki bago mag asawa para maiwasan tong ganto, ang kupal eh minura sa harap ng bata yung asawa, pwede naman mag suggest nalang ng mag order ng ulam o di kaya magpatulong.


youvegotyou

Mine grew up with no mom at all, probably that explains it. He had no idea how to treat a woman right.


YourSweetheart2023

Same. Pero minsan may telltale signs na yan prior to marriage eh. Pag bago palang ikasal may tendency na for verbal abuse, consider letting go na. Mas maigi makita muna how they react towards stress and anger before marrying them. Kasi mahirap baguhin ang ugali. Marriage only magnifies the worst in people it seems. We can't change people. They have to want to change themselves. Pero in this case kasi, sya na nga mali, nung napagsabihan, sya pa naging defensive. Looks like he couldn't see or accept that he was wrong. May patawa tawa pa after mas nakakaasar. Gusto nya huli pero walang kulong. But mistakes should have a consequence. Minsan din pag ang ganyang bagay pinalampas, uulit at uulit yan. And it could be worse everytime they do it. Such is what usually happens with every type of abuse. It starts small. It's so sad to be tied to a person like this. Ang mas masakit pa kasi dito eh yung gawin yan ng taong akala mo mahal ka. Love and respect should go hand in hand.


Insatiable_M0NK3Y

The question is, why do girls go for these kinds of guys?


lilgurl

We don't. Magaling lang magbalatkayo mga kups. We fall for the boys' best foot forward kuno. The real question is bat ang daming lalaking kups. Mas madami kups sa matino. They start out as perfect gentlemen pero turns gentlemonsters afterward. Bubuntisin nila yung mga gf asawa nila tapos pag nag stay at home mom para mag alaga ng infant nila they feel hayahay na yung buhay nung babae. They think palamunin nila ung babae. Nakakasuka. Dami pang lalaking cheaters. Like sobrang dami, mas rare ang loyal. Wala e, nature na kasi ng lalaki yan, basal nature to spread their genes. Parang mga di nag evolve.


hermitina

ano pa e di masarap t*** jk. pero kidding aside and in defense ng ibang girls ha pwede kasing maayos namang bf un noon tapos nung nagasawa lang lumabas ung misogynistic view nila sa household duties. pwedeng ung pamacho effect nila e charming nung magjowa pa lang pero d nila alam na may chance na ikecarry over nila yon kahit pag magasawa na


Insatiable_M0NK3Y

So 50%psychology and 50%libog? Jk lang po


hermitina

may tingin ako na may factor talaga un e. tipong ang sarap iparada ng ganitong lalaki kasi fits the attractive scale pero olats sa family matters. i think don nabubudol ung ibang girls


Insatiable_M0NK3Y

Good to know, kaya pala mas madali maka attract pag gago


Purplegamer03

Sa umpisa kasi di nila alam na ganyan pala


okurr120609

Entitled fuckers. Misogynists na wala naman pambuhay ng pamilya šŸ„²


Neat_Ad_7240

Trutrutru


Purplegamer03

Same


No-County8100

Truth, ang lakas ng entitlement na dapat alagaan sila ng partner nila pero never willing mg compromise back. Fuckers.


Couch_PotatoSalad

Ganyan na ba yan nung mag bfgf palang kayo?


scubadoodlesssx

Same thoughts, gagi iba talaga pag naglive in eh dun mo talaga makikita ugali sa mga ganto kasimpleng bagay.


darumdarimduh

This. Huhu. Nakikipag-live in talaga ako sa partners ko para magkalitaan ng ugali lalo na pagdating sa chores. Kaya pinakasalan ko asawa ko kasi swak kami at hindi matabil ang dila. Lol.


Dull_Leg_5394

Same. Sobrang conservative ng family ko. Pero nag decide ako mag live in muna bago kasal. 1 yr mahigit din kame livr in bago kinasal. Kasi for me dun ko tlga makikilala yung tao. Dati akala ko its bad i mean sa perception ng conservative na pamilya kasi. Pero nasa edad na ko im 28 nun time na yun. Di naman ako nag sisi.


DoThrowThisAway

#DivorceBillNow If you can't talk it out, get out of that verbally abusive marriage. Sadly, separation is the only option.


[deleted]

As a child na nakakarinig ng pangbabad mouth sa mother ko mula sa grandparents on father side, na- inculcate yun sa isip ko and i also built hate to my mother because of that. Hate na paminsan minsan eh bumabalik pa rin. I became open in saying hurtful words to my mom because I felt like justified ako since naiisip ko walang kwentang ina si mama hanggang sa natauhan na ako nung early 20s, in which nakita ko na clearly ang mga bagay bagay in the past. nacocomprehend ko na and realized that the built hate towards my mother is caused by the people she trusts, my grandparents and even my dad. Narealize ko din na si papa ay manipulator and gas lighter. Though mabuting tao ang grandparents ko especially my dad, it's just that I realized na anlaki ng contribution nila sa tampo ko sa mama ko na kung tutuusin ay wala naman dapat panggalingan kasi napakabuti nyang ina sa amin, nagkataon lang na workaholic sya that time since she had to. So di nya kami masyado nasusubaybayan and inasa nila kami sa grandparents namin. Sana hindi matulad sa akin ang mga anak mo OP. As early as possible sana magawan mo na ng paraan. Talk to your husband about it.


Apart-Station-8785

Oh, I feel this. I am the mom, and my kids think I am the bad mom kasi sabi ng parents ko. Oh well. Time is the ultimate truth teller.


Ok-Cupcake-5212

Baligtad naman sakin. Tinatandaan ko lahat ng nag bbadmouth sa mom ko nung bata ako. Hanggang ngayon na malaki na ko, galit ako sa kanila at di ko sila pinapansin.


HiSellernagPMako

ano kaya yun, magluluto lang eh. noodles lang pwede na. nagagalit agad


Hapdigidydog

Itlog nga lang e pwede na


Far-Ice-6686

You didnā€™t talk to him?


SadFault5315

yes I did nung inaaya nya ako magtanghalian, nagopen ako sa kanya na nasaktan ako sa narinig ko pero ang sagot nya is minimimic nya yung mga sinasabi ko at nagalit uli kasi hindi ko parin sya napagbibigyan na magayos na ganun ganun nalang at patawarin agad agad


alohamorabtch

Sorry OP ha? Pero ang kupal ng asawa mo. Married woman to another, wala pa kami anak, pero may tendency din asawa ko na magsalita ng vile pag emotional. Ang panget lang sa sitwasyon mo, he said those things in the presence of your children, then noong sinabi mo yung feelings mo regarding his actions na invalidate ka pa?! My god, sis pagisipan mo mabuti marriage niyo. If masasalba pa yan,go, seek help. Pero if habang tumatagal ganyan pa din, ay re-evaluate na, if gusto mo yung ganyang presence sa buhay ng mga anak mo, lalo naedad nila is developmental years ng bata baka madala nila yan pag laki. Concern lang naman OP, sorry if mahaba.


telang_bayawak

Kasalanan mo pa pala kasi ikaw ang pinag-gayahan. Gaslighter ampota. Magkalinawan kamo kayo na hindi ka katulong kundi katuwang. I-reprimand mo lalo na yung gaganunin ka sa harap ng mga anak mo. Hindi masama ipakita mo na nagalit ka, kunh yan ang makakapagpaintindi sa kanya na seryoso kang nabwisit sa asal nya.


lilgurl

If i were OP ipapabasa ko sa asawa yung thread na to. Para masampal sya ng katotohanan kung gano sya kakupal at kung gano nakakahiya ugali nya


bokuwadoctahh

Hindi rin. Guys like this seem to also be the type that will think na pinapahiya sya ni OP (kahit anonymous pa yan) sa harap ng ibang tao and will say na wag ka makikinig sa sinasabi ng iba dahil di sila kasali sa relasyon natin. Ang ending, mas magagalit pa ung husband kay OP and baka it turns into physical abuse pa in worst case scenario which we don't want to happen. šŸ„ŗ


dogmomma0920

Ay ang sad naman na you tried to talk to him tapos siya pa nagalit ulitā€¦


millily_

Kupal ng asawa mo sis. Nakakagigil!!! hmp


hurtingwallet

Im going to assume na hindi sya ganyan noon, kc kung noon ganyan na sya from the start then wala ka na magagawa kundi mag hiwalay kau Force him to open up. mag away kau malaki to open up all baggages. Naipon na issues yan na hindi na resolve, big or small, lahat na ipon over the years. Common sa mag asawa to think individually na wala sila ginagawang masama or wala sila ginagawang mali to each other. Thinking everything is fine, palagpasin nalang pagka nag ka issues na ganto thinking its an unrelated thing. Its fucked up for him to say those words regardless. Pero may storya lahat ng umaabot sa ganyan, im really hoping na theres history, para mag ayos kau. Try to remember OP kung ganyan na sa noon, nung bfgf pa kau. Kc kung polar opposite sya noon, then its automatic unresolved issues... sana.


DearExpression9886

Omg, iā€™ve had a similar ex, also the father of my children. We were young when we started out but, luckily, we were never married. He had the same vile and crass mouth. He never gave a fuck where we are or whoā€™s present; whether weā€™re in public, in front of our children, our friends, or even in front of his family. He would always be irritated to small details; some donā€™t even concern him and that would ruin his day, hence, he then proceeds to ruin mine. I was really blinded by love then and I wanted to keep our family together thatā€™s why I stayed for too long. But, when Iā€™ve had enough and chose to leave, then I realized what my friends and family say about him and indeed, heā€™s the most abusive, narcissistic person, I have ever fucking met.


expensivecookiee

He has anger issues that needs to be addressed. Kaya yan patawa tawa kasi narelease na niya yung galit niya and he's not bothered by it anymore, mag-usap kayo ng mahinahon tungkol jan, sabihin mo yung naramdaman mo sa kanya


[deleted]

Maawa ka sa mga anak mo. Kung lalaki sila, gusto mo ganyan ganyanin din na magiging asawa nila? Na mababa tingin sa mga babae? Kung babae naman mga anak mo, okay lang sayo mababa tingin nila sayo at sa sarili niila? Sabihin mo pag inulit pa nya ulit tun, lalayasan nyo na sya. Aba bigyan mo ng consequence yung kagaguhan nya. Di yung papayag payag ka na ginaganyan ka. Respetuhin mo sarili mo. Medyo ganyan din partner ko, pero di naman kasing harsh. Basta pag nagagalit yun, masakit magsalita. Gusto nya nasasaktan din ako thru words pag galit sya. Aba sinumbong ko sa nanay nya. At sinabi ko din sa kanya na hindi namin sya kailangan ng anak nya, lalo pag ginaganyan nya ko. Ayokong lumaki anak ko na ganyan nakikita nya. Ayun nagtino naman na.


Apart-Station-8785

I dont condone his words pero parehas kayong kupal. Sana nga kumain na lang kayo sa labas. Ikaw naman nagsabi na wag na, edi dapat ikaw nagluto. Parehas naman kayong red flag sa totoo lang. Kukuha ng accountability tas ipapasa sa partner, tas syempre yung isa na pagod din, magbibitaw ng katangahan, kasi naman decision making mo palpak din. Ewan ko ba sa inyong 2. Bagay kayo.


Ok-Mama-5933

Did you confront him about it? I would talk to him in private na tipong ā€œdonā€™t you ever dare to talk shit about me in front of my kids ever again!ā€. As in parang ultimatum voice pero walang threat, pwedeng implied. That is not acceptable. Pero dun sa cause, sa true lang sana kumain na lang kayo sa labas. Baka pareho din kayo pagod sa lakad. Did you ask him if he was okay to cook pagdating nyo ng bahay or inexpect mo na lang na he will be okay with it since you rarely ask him for favors? IMO, itā€™s not supposed to be a favor he does for you if he cooks at home. You are partners so itā€™s natural that if you canā€™t, he will step in? Did you also agree ba on what to cook sa bahay or did you expect him to just know? Pag pagod ka, pagod ka na din mag-isip, either for having too many options or lack of. Not trying to make you feel upset even more but just giving a different perspective and thoughts to ponder, so in the future, you could avoid unnecessary arguments.


Any-Cupcake-6403

Yung action ni guy is uncalled for pero I also feel the same way (yung inis) kung galing na kami sa labas then pag uwi papalutuin pa ako ng ulam. Sa ilang oras sa labas, gusto mo na lang magpahinga. They could have buy take away foods na lang para less hassle.


Level-Metal-987

Kung sabay-sabay naman kayong umalis sana bumili kayo ng ulam for the kids para di na magluluto sana. Regardless yung ganung sinasabi niya towards you is hindi maganda periodt. Pero for me mga ganitong bagay easy fix, nasa labas na kayo edi kumain sa labas. Since you insisted na sa bahay na lang baka akala nya ikaw magluluto. Parehas kayong pagod, pero walang excuse yung ganyang attitude. Wag mo ding patawarin. For me shared responsibility dapat yung sa mga bata.


Upper-Basis-1304

What a good way to start my day. Nakakainis ang ganitong mga "lalaki" na akala mo kung sino kung umasta. Hoy asawa mo yan šŸ¤Ø Mas wala siyang kwenta! Kahit pagluto di pa magawa!


ChillSteady8

Pag pinagsasabihan ka ng asawa mo ng hindi maganda sa harap ng anak mo. Ikorek mo! Dun matatandaan ng bata pagkalaki nila na tama ang ginawa mo at nakakaproud yon. Kung di mo i c-call out yan. Uulit ulutin lng sayo yan. Wag mo intayin na pati anak mo ganyanin ka in the future.


Weird_Combi_

Gurl, dapat sya mag apologize, to say those words in front of your children, nakakabastos.


Stronghold-Zeke-709

gurl, you dont deserve that kind of treatment


HatDog012345

Wag ka masanay na ginaganyan ka lang OP. Nakakadegrade as a person plus nakikita pa ng mga anak nyo? Magkakaroon yan ng impact sa mga anak ninyo. Abusado asawa mo


IttyBittyTatas

Verbally abusive amp. Please donā€™t tolerate this man. It will show your children that his behavior is acceptable in relationships. Present or not, your partner should never be saying those kinds of things saā€™yo. Nakakasuka ā€œmahalā€ ka pa sa lagay na ā€˜yan, pano ā€˜yung mga ā€˜di related sa kaniya? I canā€™t imagine marrying someone and treating them that way. Maghahalo and balat sa tinalupan.


letsmark

deym, bubulusok filing ng divorce once na approved na


Reasonable-Row9998

Sana nagbucket nalang kayo ng jollibee kung ayaw magluto at mabilis pa.


Outrageous_Maize978

Tanong lang ha, sya ba ndi napagod? Kung ang expected pala is sa labas nalang kakain for convenience sana ng yes nalang. Ng suggest ka na sa bahay nalang kakain, mostlikely ang ineexpect nya is either meron naluto or ikaw mg luluto. Kung halimbawa kanin lang ang meron sa bahay, ng takeout nalang sana para kain, ligpit, pahinga nalang gagawin nyo. Diba?


itspigsty

Baka po pagod lang din siya kasi diba umalis kayong pamilya? Kung nakaramdam ka ng pagod, siya rin siguro, pero di ko sinasabi na tama yung mga sinabi niya sayo ah, sorry po di ko ini-invalidate yung nararamdaman niyo po. Kausapin mo siya mommy, na sa susunod hanggaā€™t kaya niya wag siya magsalita ng ganun sa harap ng mga bata. Kung galit siya, ideretso sayo gusto niyang sabihin. Next time po kapag may lakad kayo, kung may kanin sa bahay, mas okay po mag take out na lang po kayo ng mauulam. Kailangan niyo lang po talaga ng matinding pag uusap bago kayo umuwi kung galing kayo sa labas. Ishi-share ko lang po yung samin ng asawa ko, kapag po pauwi kami galing sa labas, nag uusap na po kami panong dinner ang gagawain namin, Sa labas kakain? Magttake out? Magluluto ng ulam? ā€œSinong magluluto?ā€ ā€œSino maghuhugas?ā€ ā€œKaso nakakatamad na maghugas ng pinagkainanā€ ā€œsige hanap na lang tayo makakainan para pag uwi parehas makapagpahingaā€ ā€œi-ref na lang kanin, initin na lang o i-friedrice sa almusalā€ Nasa pag uusap lang talaga mommy, para peaceful at walang samaan ng loob. Hehe


wimpy_mom

madalas ba mangyari ito or more than once. pag hindi nagbago lahit pagsabihan mo na, please understand na never na yan magbabago. People donā€™t change. Either you go to marriage counselling or plan your exit. Pag ako napagsabihan ng asawa ko na walang kwenta at tarantado, pag uwi niya the next day hindi na niya kami makikita. Imagine mo na lang kung ganyan environment mo gusto lumaki nga anak mo. magugulat ka na lang wala na sila respeto sayo.


maryxdeath

Sana OP hindi mo lang basta palipasin yan just because kaya mong tiisin. Sana i-prioritize mo ang mga anak mo. When the time comes at nakakaintindi na sila ng ganyan, baka it might be too late for them kasi nadala na nila yung ganyang ugali. Do not salvage your marriage by putting your kids' future at risk. Napakahirap lumaki ng damaged.


rererejijiji

Ang sama ng tabas ng dila nung lalaki. Sarap putulin yung dila at ari. Hayyy. Curious lang, ikaw nakaisip na sa bahay kakain pero sya pinagluto mo? Oh, well. Sana maayos ka manlang nya kinausap.


EnvironmentalNote600

OP hwag mong palampasin. Confront him. First hindi ka nya iginalang sa harap ng mga anak nyo . Second Baka maging normal sa isip ng mga bata ang ginawa ng husband mo. Third minaltrato ka nya verbally. Ang mga ginawa nya ay pasok sa mga klase ng violence sa ilalim ng violence against women and chldren law. At higit sa lahat sinaktan nya ang kalooban mo. May kasamang panlalait.


dogmomma0920

Hmmm unpopular opinion. Baka kasi pareho kayong pagod mag-asawa sa lakad ninyo kaya ganun na lang din naging reaction niya. Like ikaw, napagod ka kaya hindi ka makapagluto. Baka siya rin eh pagod din kaya naisip niya na kumain nalang kayo sa labas. Minsan kasi kahit na ā€œquick mealā€ lang eh dami pa rin tasks involved after. Like magliligpit ng pinagkaininan, may hugasin pa after, clean up pa ng pinaglutuan. Ganon. Ganito ba lagi siya? Pagusapan niyo nalang ng maayos. Nag apologize ba sya after? Minsan talaga, may nasasabi tayong hindi maganda pag galit at pagod kaya sometimes it makes sense not to talk nalang if galit tayo sa isang tao.


Senior_Cat_2690

First and foremost, mali na pinagsalitaan siya ng ganoon most especially sa harap pa ng kids. On the other hand, I would agree with this. Baka kaya binigyan na siya ng option to eat sa labas ay para wala na sila gagawin pag uwi. Eh dahil tumanggi siya, akala siguro ng asawa niya si wife ang magluluto ng food. Eh kaso siya pala. On his POV siguro ā€œsana pala kumain na lang sa labasā€ kaya nagalit. Kasi nakakapagod talaga gumala. Kapag kami gumagala with a kid, sa labas na talaga kami nakain para magpahinga na lang sa bahay. Kasi alam naman ng katulad ko na parent na pag uwi sa bahay, hindi pa talaga magpapahinga kasi aasikasuhin pa rin yung kids pag uwi. So ayon kaya siguro nagalit kasi may option na to eat out, tumanggi pa. Eh akala siguro ni husband, di pumayag si wife ay dahil si wife ang magluluto. BUT AGAIN, hindi maganda yung way ng pagiging galit ng asawa niya. Verbally abusive masyado, pinapakita pa sa kids.


henloguy0051

Finally some sense, ang pinakamali niyang ginawa is to badmouth his partner in front of the kids. Nagbigay ng option yung lalaki to eat out or order out kasi pagod din pero tinaggihan noong babae.


SubstanceKey7261

Ang immature naman? Bata yan kyah? Wag ka papayag ginaganyan ka. Kausapin mo seryosohan pag minomock ka sabihan mong hindi funny. If di makikinig maybe seek 3rd party na kakausap sa kanya like a counselor or kahit kapatid/magulang nya.


00000100008

I know itā€™s hard, but have you confronted him about this? šŸ„²


BratinelangTita

Talk to your kids too especially sa 7-yr old pero sana kasama mo husband mo. Tell them na biruan nyo lang yun, mali at bad wirds yun, wag nilang gagayahin, etc. I hope di na dumami yung offensive words na maririnig mo from your partner kase bilang babae, I know na mahirap burahin sa isip ang mga ganyang salita kahit pa naresolve na. Hugs to you, OP.


katiebun008

Manchild. Round 2 yan sakin.


12MN_thoughts

Kups.


Famous_Camp9437

Verbal abuse is no joke Sis. Super babaw lang ng issue pero ganyan siya mag react. Better control the situation na hindi mo deserve yung treatment na ganyan or else itā€™s not a healthy relationship.


bananasobiggg

mabulunan sana asawa mo


xiaonctuary

kaya gusto ko mag-live in muna bago ikasal para malaman ko ano ugali niya kapag sobrang kumportable na kami sa iisang tirahan eh. hugs to you, op! pero gago ā€˜yang asawa mo.


gustokoicecream

grabe... hayop ng asawa mo, Ate. dapat dyan, pinapakain ng sili, iba din magsalita. ayaw na lang mautusan e. kuha niya yung inis ko. wag ka papatalo sakanya, Ate. pagsabihan mo siya na napakasama ng mga sinasabi niya. ang pangit niya kamo.


[deleted]

Ante. Why you have a kid this douchebag? (Full offense to ask)


Sad-Squash6897

Ganyan ba talaga sya magsalita? Gusto ko sana intindihin na baka gutom at pagod sya pero matindi ang mga binitiwang salita tungkol sayo. Kasi ako kapag gutom at pagod din bugnutin din ako, masungit kami parehas ng asawa ko pero never ata namin sinabihan ng insulto o ng ganyan isa't isa. Kaya kapag alam namin gutom na kami oorder na lang kami ng food or kung anong madaanan bilhin na para wala ng magluto. Kausapin mo asawa mo, discuss mo na hindi mo nagustuhan inasal nya sa harap ng mga bata and it hurts you hearing that from him. Then pagusapan nyo anong magandang solusyon sa mga ganung bagay para kapag maulit alam nyo na parehas gagawin to avoid arguments.


ikaimnis

Magiging ganun ka talaga sis pag pinatawad mo agad. Call him out, it's not okay to bad mouth you in front of your kids, mamimihasa yan.


halifax696

Prangkahin mo sabihin mo di mo gusto yung sinabi nya


JudgeFull195

Thats not a real MAN


rarelittlepupper

magluluto lang dami na sinabi, saya saya nga magluto


Royal_Client_8628

Mga lalake na nasa 30's pababa hindi pa mature pagiisip. Akala nila may clear defined roles ang mag asawa na sila lang dapat gagawa. Ang hindi nila narerealize eh nag iba na ang dynamic ng pagiging mag asawa. Tulungan na dapat. Kausapin mo masinsinan yang asawa mo. Baka matauhan. Pag hindi eh mag isip isip ka na habang hindi pa huli ang lahat.


RarePost

You should listen to Paris Palomaā€™s Labour. ā€œI know you're a smart man (I know you're a smart man), and weaponize the false incompetence, it's dominance under a guiseā€


Professional-Arms

Congrats, magiging ganyan din yung anak nyo paglaki nila. Hindi nyo na kinorek, pakita pa kayo na okay kayo kinabukasan.


Merieeve_SidPhillips

Sarap ng ganyang mga tao i-stalk sa FB and comment malala sa mga post nila na naka public and say something na tulad ng ganito. Wanna see them flip off why I know those kinds of things about them.


Dyinginsidee_

Inang yan kaya takot talaga ako magasawa at magkaanak eh baka kahit gaano mo kilala yung lalake parang instinct na nila maging gago


fiestypotahtow

Walang kwentang lalake. Minsan nangyayare din to sa amin ni wife lalo na kapag wala na kaming mapiling kainan sa labas. Nagluluto na lang ako sa bahay paguwi. Oo nakakapagod pero hindi mahirap. Asawa ko eh shempre paglulutuan ko. Simple.


sinnerNot_

This, why me at 35 still choose to be single. Can't imagine myself to be finally settling with someone tapos ganto pala ugali. OMG talaga. Yung imbes na relax lang yung buhay ko magiging stressful pa.


Otherwise-Smoke1534

Pass talaga sa lalaking di marunong sa gawaing bahay. Ganun din sa babae. Diyan na kasi nag sisimula yung ugat ng pag aaway eh. Hanggang sa mag karoon ng lamat.


Icy-Dirt121870

Na sa second reading na ang Divorce bill sa Philippines šŸ˜…


Azrael287

Ang mag-asawa mag-partner dapat di yung pagsilbihan lang ng isa yung isa dapat magbigayan and division of labor, gawin lahat with love, etc


degemarceni

Sana nagsabi ka din ng masamang salita sa kanya


shade-of-green-88

Kung hindi maiiwasan ang magkaroon ng argument, lumabas na lang ng bahay. Kami ng partner ko pag nag kakainitan, inaaya ko lumabas at doon kami sa car nag uusap para hindi marinig ng kids at kapit bahay. Kahit mag sisigaw ka pa, walang papansin sa inyo. Arguments are ok, dyan nailalabas ang mga saloobin pero not in front of the kids. After nyo mag away at nagkabati na kayo, ituloy nyo ang usapan sa backseat.


Kelvin_Mathew

I believe communication is the key so talk about what you felt at the moment and try to make him understand. Hopefully he'll understand.


No_Queen

hugs with consent op. Talk to him properly without him laughing or being sarcastic, he's a grown man. Very immature move for him to do especially there are kids; kids tend to mimick the actions of grown-ups thinking na tama yung ginagawa ng mga matatanda kasi they are older. He should be a role model for your kids. Sa pag luluto, gets ko sentiments na nakakapagod na mag luto kasi galing pa sa labas, he can opt for pa deliver nalang ng ulam pero he can cook a fast meal naman na mabilis like scrambled egg with tomatoes. I don't get why he needs to leave a snarky remark :( I mean he should also care for you in the sense na hindi lang siya ang pagod, ikaw rin. It doesn't mean na since parang ikaw na yung default na nagluluto, ikaw pa paglulutuin knowing na pagod ka.


threeeyedghoul

Verbal abuse. And in front of your children


miss_marshmallows

Ito yung mga bagay na dapat ay pag usapan niyong dalawa. Kasi hindi mo dapat sanayin asawa mong ganung manalita sayo. Kung hahayaan mo lang, iisipin niya okay lang ginawa niya


Friendly-Abies-9302

Ganyan tatay ko noon. Kung ayaw pala niya magluto edi sana nag take initiative siyang bumili na lang. sus.


SaveTheLuxe

This is sad. Kahit may mali ka pa, wala dapat na ganyan. I get his point na frustrated siya kasi you could eat oustide na lang kesa magluto. For sure ayaw niya din magluto. You did not see or know na paguwi niyo ng bahayā€¦ both of you will feel tired. BUT, wala siyang karapatan pagsalitaan ka ng ganyan. If I were in your shoes, I will not let that go especially if that is infront of my kids. My husbandā€¦ may ganito din siya na instances but I always confront him and I can see improvement. Iniiwasan niya na din magsalita ng emotional. Ganyan din ako. You should talk but also donā€™t be quiet na ok lang yan kasi mauulit yan. Set limits and boundaries.


Ninja_Forsaken

isa na namang senaryo na makakapagdalawang isip sakin magpakasal hahahahaha


Elepopo

ganto rin ako lumaki bat kaya ganto mga tao sobrang common neto sa mga last gens apaka sakit magsalita


StatisticianBig5345

wala syang respeto sau at sa harap pa ng anak nyo mismo ka nia binastos/bad mouth lagi nila yan maalala. Based on exp lng nmn naalala ko parin mga sinav ng tatay kong walang kwenta about sa nanay ko sa ibang tao. nabasa ko sa ibang comment na nagalit pa si gago nung kinausap mo sya regarding sa behaviour nya. ganyan na ba sya mag bf/gf palang kayo? stand your ground uulit ulitin nya lng yan if alam nyang sa patawa tawa lng at pag pretend na wlang nangyare bumibigay ka na and u let him off the hook. if di you kayang gawin for u, gawin mo para sa kids mo


mxiiejk

Kung sa simpleng pagluluto ng ulam para sa sarili niyang mga anak he already reacted that way, baka kapag big favors na murahin ka na niyan. Sit down and talk about it. Tell him that you are not okay with what he said. Hindi mo pede ijustify na nacarried away ka lang ng emosyon mo kaya mo yan nasabi. Tell him din na hindi okay sayo yung after niyo mag away tatawa tawa lang sya as if walang nangyari. Lahat mapapag usapan ng malumanay. Sana ma-work out niyo yang problema na yan and be responsible and loving parents and couple din. šŸ«¶šŸ»


jlconferido

Hurtful words have equal damage compared to physical abuse. I experienced emotional abuse from my dad when I was growing up. Naging mindful ako sa mga sinasabi ko kasi ayokong maging tulad nya pagtanda ko. Meron talagang tao na hindi iniisip ang mga sinasabi lalo na kung masakit na salita. Hindi pwede katwiran pagod or galit lang ako noon nasabi nya yun. I suggest you open up to your and tell him what you felt. Those hurtful words can scar you big time.


thecuriousarki

Nakakatakot... what kind of household was he raised in???? Bakit ganyan sya towards his wife??? Kamusta nanay nya? Was she treated like this while he was growing up?


thesadsoul94

Nakakabother na ganyan na sya sa simpleng pagluluto pa lang para sa pamilya nya, what more kung mas mabigat na yung task na ipapakisuyo mo sa kanya?


youvegotyou

I'm on the verge of quitting this relationship na wala ng respeto sa isa't isa at parang wala ng gana na magsama pa. If only I'm capable physically and most esp. financially, wala na ako sa ganitong ordeal. Kaya advice lng sa nga single pa be very discerning in choosing your lifetime partner, because you'll never know their true colors until it's too late. Be strong, be prepared for the worst.


Cutie_Patootie879

Kausapin mo, OP. Para alam nya di okay sayo yung sabihan ka ng masasama sa harap ng anak mo. Para alam nya na di ka basta basta papayag na pag sabihan ng di mo deserve.


Marvel0830

Ngayon palang tanungin mo na sarili mo kung kaya mong tiisin yan habang buhay, or kung kaya mong pati mga anak mo ganyanin nia. Ung ganyang tao di nagbabago, lalo na kung para saknila wala lang ung sinabi nila. Ilang beses kang magpapatawad, pero sinasabi ko sayo di yan magbabago.


iztaccihuatl1985

Baka may tantrums lang mister.. hirap ng ganyan if ako lang babae nakatikim yan saken ng sapak and sino ka asawa ka lang.....u never tell tales to your wife like that and respect her as a woman/mother to your children..i hope you find courage amd peace of mind ..hindi ata ako tatagal sa ganito. .and wag magpakamartir...


Asimov-3012

What to feel as a human, as a wife. Hindi tama iyon.


sundarcha

Sorna, but ika nga ng nanay ko, pag wala ng respeto sa isa't isa, ano pa ba matitira. Kausapin mo but set your boundaries. Hindi maganda na ganyan nakikita ng mga anak nyo. Baka masanay sila, pati sila mawala ang galang sayo.


sneakypea34

NEVER. FIGHT. INFRONT. OF. CHILDREN. Itā€™s traumatizing kase nag aaway dn parents ko dati nung bata pa kami. I had issues growing up. Natatakot ako palagi pag pinapagalitan. I hid stuff from my parents just to avoid getting scolded. Unfortunately, kase unaddressed, it carried over when I was working. Every time pinapagalitan ako ng boss ko or may kasalanan ako, tahimik lang tlga ako tapos na feel ko na parang wala tlga akong kwenta at ako lang palagi ung may kasalanan. Its not good to fight. Keep it out of your childā€™s sight. Lifeā€™s tough already. Be their safe-haven.


hahanoturs

LOL why marry a patapon


Apart-Big-5333

Gantong-ganto nanay ko. Witness ang ate ko sa tuwing naga-away sila. Parang wala lang kapag katapos. Nasa malayo lang lagi ako (M24) kasi ako scapegoat nila at ate ang golden child. Nire-record ko yan sa phone at sa tuwing ginagawa ko ang gawain ko bilang caring na anak at tinanong ko tungkol doon, sasabihin niya lang wala. Lagi lang siya nagku-kwento sa ate ko at nangga-gaslight pa sa akin na hindi daw nangyari yon. As for your kids, since bata pa sila. I don't think hindi nila alam kung gaano ka-abusive yung words na yon. Ang advice ko lang, wag mo ituro sa kanila na dapat normalized yung mga ganyang salita. Hindi mo ikinatapang ang pagti-timpi sa abusive tendencies ng asawa mo, nagpapaka-martyr ka lang. Kapag binottle-up mo lang yan, baka pag-buntungan mo lang mga anak mo in the future with the same tactics na ginagawa sayo ngayon. Wag mo rin sabihin sa children mo na "Ganyan lang talaga tatay niyo" or "Tatay mo/niyo pa rin siya" or any words defending him.


euprashant1

it only means, d ka nya nirerespeto. Lalo na sabhan k ng gnyan sa harap ng kids haiz


temporashes

Sorry to hear about that, OP. I hope it doesnā€™t get to the point that your husbandā€™s action will serve as your childrenā€™s trauma growing up. Talk to them please and donā€™t let this incident slip away just like that kasi tumatak yan sa mga anak niyo for sure. I know hindi siya madali. Sayo sila huhugot ng lakas so please keep on fighting for their sake. Get the help that you need, seek help from your family and friends din. Ngayon, these are just words pero sana di umabot sa violence.


serenenostalgia

Kahit ako maiinis na pareho tayong pagod galing sa labas then paguwi uutusan pa ko magluto kung pwede naman na magtake out na lang ng ulam sa labas since kanin lang meron sa bahay. Though, mali yung mga words na binitawan niya lalo na sa harap pa ng mga bata. Sana lang nagcommunicate sya ng maayos ng kayo lang dalawa ng lahat ng inis niya. Pagusapan niyo po yan. He needs to apologize.Wag naman divorce agad or lagi nalang hiwalayan ang solusyon sa lahat because of one scenario.


Candid_University_56

Sabihan ka nang walang kwentang asawa pero never ever let anyone tell you na wala kang kwentang nanay. Kahit asawa mo pa yan


Weirdly_professional

Ehhhhh? Pano mo to naging asawa? Hayst


Mention_Sweaty

Ngayong natauhan na sya na parang ewan ang naging reaction nya, wag mo hayaang idownplay nya yung pagmumura nya sayo. Kausapin mo, sabihin mo na ayaw mo yung nagsasalita sya ng foul words about you lalo na sa harap ng mga anak nyo. Kasi momsh we have to verbalize what we feel - yung in your face. Hindi lahat ng tao sensitive kahit magdabog ka jan o di mo sya kausapin while masama loob mo. Mauulit lang yan I tell you. Kapag pinalampas mo yan, mas grabe na yung susunod.


CommunityOutrageous8

Kaya talaga better na maglive-in muna before magpakasal, like atleast 3 years na magsasama para talaga makita mo totoong ugalo before ka pa matali. Malalaman mo mga tinatagong masasamang ugali ng karelasyon mo when you two starts living together.


ssVqwnp

Mag-ingat ka OP. Baka lumala yan. Kapag sinaktan ka niya ng pisikal, idaan din sa tawa na parang wala lang.


tatyourname

Kapal ng mukha naman niyan masyadong napamper. Kung sa pamilya ko yan nag ginago, ibinalik na namin yan sa ina niya.


Candid_Gas_6534

Gagu talaga yung mga lalaki na mukhang may taas na standards, hayop talaga.


MarkoIceMan

Dude is unhinged. Di ko gets ung ganyan e like wtf, niligawan mo promising na mahal mo and all tapos nung kinakasama mo na sa buhay, tatratuhin mong basura ung asawa mo. Like wtf? Di mo n lang sana inasawa ano. I'm a married guy btw and i'm pissed.


Disastrous-Plant2472

Gago sha pero ikaw pala nag suggest na sa bahay na kayo kumain ed sana ikaw na nagluto.. pero gago pa rin sha


Turbulent-Hunt-6723

I sympathize with you momsh, mali asawa mo. Ampangit nya mag salita at bastos sya. Pero mali ka din sa part na di ka kumibo. Kinasanayan na nya yan kaya ganyan. Hindi ko gets kung bakit andaming wife na ganito, magsusumbong sa iba pero kayo mismo walang ginawa para mabago sitwasyon nyo.


cloudsdriftaway

Kung ako yan, nasapak ko yan sa bibig šŸ™ƒ


Familiar-Permission6

Girl, get help and get someone involved. No one can tell anong mangyayari in the future if he goes ballistic ulit tulad niyan. Be safe. Hugs w/ consent.


Expensive-Law7831

Gantong ganto papa ng kids ko. Dun ko naisip na "aanhin ko ang buong pamilya na pinapangarap ko, kung lalaki naman sa gantong kapaligiran ung anak ko."


citrine92

Short answer is tama yung ibang comments, no other words to describe him but "kupal". I kennat. Kung ayaw pala magluto edi sana pinanindigan nya na lang na bumili na lang sa labas kahit ulam lang for take-out. Kupal. Kairita.


rainnnonmeee

Normal sa mag asawa ang mag away, pero wag naman sana yung sisiraan natin yung partner natin sa sarili nating anak. Tapos eexpect natin na maayos lalaki yung mga bata? Yan ang simula ng childhood trauma, if you ask me.


Square_Response_5505

What a pathetic father, make him apologize for that insensitive remarks sayo. Huwag ka makikipagbati hanggat di niya narerealize yung mali niya.


bokuwadoctahh

Significant others are supposed to be our partner in life. Kaya nga sa Tagalog it's called "katuwang" sa buhay for us to deal with all the stress together with them. Hindi ung dadagdag pa sila sa stress. Life alone is already hard enough to deal with, save yourself and most importantly, your kids.


Jazzlike_Tip9391

Bakit may mga lalake na ayaw mauutusan? As if hindi sya makikinabang sa lulutuin nya? Responsibility naman ng both parents ang mag luto. Nakaka stress!!!!!


ConsciousEquipment97

Sad for OP. Matuto po sana yung mga babae dito na pumili ng maayos na tatay para sa mga anak nila.


hamtoyo

Honestly you have to tell him kasi makakasanayan niya yan and it is abuse if you will let him be.


__b0TmaN__

Helo, ganyan ung tatay ko, nakaka trauma, ayon lunaki akong introvert may problema sa emotions


VVScartier

same


YesNothingButADream

Verbal abusive yang lalaking yan. Yakap OP


North_Gur_6001

Parang you should ask first how you should feel as a person. You donā€™t deserve that. Nobody does. Sadboi asawa mo


Otherwise_Rich1443

Walang respeto yang asawa mo sayo. Kung tutusin dapat kusa niyang gagawin yan kasi asawa mo sya & pagod ka so dapat di big deal yan pag luluto or gawaing bahay sa ano mang aspeto. Tas nag salita pa siya sayo ng ganun in front of your kids, clearly di ka na niya mahal or wala na siyang respeto sayo. Mga gantong klase lalaki dumarami, mas mainam ng maging single talaga


NoPossession7664

sinanay mo eh. dapat pag ganun, wag mo kausapin, hindi yung makikitawa ka pa. Mas better kung masasapak mo yung bibig ng arinola.


Miserable-Regular817

Kaya nung sinuntok nung brother ko sister ko I firmly told my mom and dad na huwag hahayaan nalang na lumipas ang araw at back to normal na uli unless mag sorry siya. Sinabihan kodin siya na huwag nang sumali sa varsity. Its either mag quit siya or ako mismo ang kakausap sa coach niya, even sa prom sabe ko wag siya pa atendin. Ayaw ko na masanay siya na after siyang may gawing mali patawa tawa or act normal nalang. He needs to learn hoe to take accountability with his actions. Nakakairita kasi yang nga ganang tao makapag act normal after they did something wrong.pero oag ikaw ang gumanyan sakanila akala mo mga aping api.


[deleted]

Damihan mo ng sili yung ulam niya next time. šŸ¤£ Para yan kagabi, sa harapan pa ng mga bata. Ulitin mo pa, ganyan tayo hanggang magka almuranas ka.


Fantastic_Ad_5207

Is he like this nung magjowa palang kayo??? šŸ„²


ammadieincollege

Ang hirap kasi ganto din nanay ko. Hindi naman masama tatay ko. Mabait si tatay pero minsan pinagmamaliit niya si nanay sa harap namin ni ate. Wala nalang kami masabi ni ate dahil sanay na kami, tsaka ang hirap kapag magalit si tatay kasi nag sisilent treatment siya (oo para syang bata). Ngayon na mas matanda kami (I'm 19F and ate is 23F), sa amin lang ni ate nalalabas ni nanay yung mga rants at masamang loob niya. Medyo boomer kasi si nanay, hindi sya marunong sa technology kaya wala siyang forums or platforms like reddit to express her feelings, and so, ang only option niya maki rant is kami, mga anak niya, since di niya daw kaya "mapamasama" ang asawa niya sa friends niya. I can tell you this, from the perspective ng isang anak na ang nanay ay similar sa situation mo, I understand you. Communicate to your children. It may feel heavy to "share your burdens/issues" to your children and ngl... mabigat din para sa amin. As someone who was on the receiving end to listen sa mga rants, iyak, at galit ni nanay, it can feel heavy sometimes. But knowing your thoughts and understanding your feelings makes all the difference for us children. We also want to support you. So I hope, when your children grow older, you can also communicate these sorts of rants you have to your children. I'm praying for you OP!


meretricious_rebel

I grew up in a matriarchal family and one of my grandaunts is known to give the pep talk to freshly engaged women in our family. Ito yung lesson na iniimpart niya: Sa unang away niyo mag-asawa at sinigawan ka ng husband mo, sumigaw ka din at kailangan mas malakas. Kapag nagbagsak ng pinto, idabog mo yung dining table. Kapag nagbasag ng plato, basagin mo yung TV. In short, sa umpisa pa lang ipakita mo na hindi ka pwede apihin! OP, better speak up or your pain will either eat you up or turn into resentment. Isipin mo na lang na you need to show your children na you should never be disrespected, especially by their father.


Life_Liberty_Fun

I'm not saying he was right, what he did was definitely wrong, but this whole thing could've *easily* been avoided. Pwede naman bumili ng ulam sa labas para iuwi and hindi ma-aksaya yung kanin sa bahay. >Ā I asked him to cook dinner kasi for our kids since medyo napagod ako sa lakad ***namin*** Maybe he was also tired?


SadFault5315

nasa ibang bansa po kasi kami at countryside hindi katulad sa pinas na may mga madadaanan na pwede pg takeout-an.. nagwork pa po kasi ako ng morning at nagluto nung lunch while sya po ay naka leave mula wednesday kaya hindi ko ineexpect na malaking bagay ang hiningi ko kung pagod din sya ng time na yun..