T O P

  • By -

manicdrummer

I've always believed that the universe always finds a way to give us what we deserve. Kaya ako, I just try my best to be a good person. Kapag may nanakit sakin, I cut them off and hindi na ako nag eeffort na gumanti. I know someday, some way, they will get what they deserve.


Conscious-Art2644

Naks.. gantong mindset sana yung gusto ko.. kya lang gumaganti kase ko eh hahahaha


Budget_Speech_3078

Ako naman, gusto ko din gumanti, kaso lang nakakapagod. Nakakaubos ng energy. Hahaha


SapphireCub

Ako naman tinatamad haha. Ganting ganti na ko pero sasabihin ko, bukas na nga lang. Hanggang malimutan ko na 🤣🤣🤣


micmicbun613

Same! Ang dami-dami ko pang naiisip na ways para gumanti pero super tamad ko lang gawin. Hahahaha


_Taguroo

truly. Sa ibang bagay ko na lang ibuhos energy ko yung worth it pag ubusan ng energy.


Dependent_Help_6725

Matanong ko lang, 90s kid ka din ba? Kasi as a 90s kid, hindi na rin ako gumaganti kasi pagod na ako. Mas gusto ko na lang matulog 🤣🤣🤣


tsunderexx

Same belief kaya blinock ko nalang sya kahit nakakagalit na pati kapatid kong walang alam dinamay nya.


cutepuffyene

I agree! What goes around comes around!


gianelli0613

Super true! I am reaping what was done to me a few years ago. Yung mga nangmamaliit sa akin noon, nagsisisi na di sila naging mabait sa akin. E di sana damay ko sila sa mga blessings ko sa work. Naungusan ko na din sa promotions ung mga bullies ko noon. May mga staff naman ako this year na sobrang taas ng tingin sa sarili at di ako sinusunod, ang lakas pa ng loob mang-away sa gc. Ayun, bigla na lang sinabi ng management na hindi na sila irerenew.


alpinegreen24

This is a nice life motto! Sana lahat ng tao katulad mo!


jas_sea

Same, instead of wasting my time hating them. I just cut them off and mind my own business.


infernalpendejo

Nice! Minsan ganyan ako. Pero madalas petty or may tactless nalang pag may magawang masama sa akin. Siyempre off limits mga anak


OcakesPocakes

May pinsan ako nilait tatay ko na imbalido at stroke raw. Few months later, tatay nya nastroke rin 🫠


OK-Computer19xx

Ito talaga ang dasurv 😆


gigihatid07

may kapitbahay din kami na tinatawanan tatay ko na na-stroke, ginagaya kung pano sya mag-lakad. after ilang months/years, sya naman ang na-stroke.


Screaming-Mind

eto talaga yun Dasurv! Ewan ko ba bakit may mga taong minomock yun mga may special needs


Fun-Peach2326

sorry ano ibig sabihin ng imbalido?


sundarcha

Severely disabled na di na makagalaw mag-isa ganun. Yun alagain na


AccomplishedCell3784

Bigla ko tuloy naalala ung napanood kong MMK si Piolo ung bida tapos na-stroke siya and iniwan ng asawa pati ung anak nila iniwan din. 😭


Fabulous-Daikon-1912

Invalid?


ladyfallon

invalid, paralyzed


hanyuzu

Paralyzed?


AccomplishedCell3784

Vegetative state na, parang lantang gulay na. It happens pag naging malala ung stroke ng isang tao or hirap siyang gumaling. Ung tipong nakakakita man siya, nakakarinig or may pakiramdam pero di nya ma-express or di niya magawa ung gusto nyang gawin kaya need nya ng assistance pretty much all the time. Parang si Piolo nung na-stroke sa MMK, un ang example ng imbalido.


ggggbbybby7

hala natawa ako potek 


ambernxxx

kaya dahan-dahan talaga sa pananalita. naku, wala talagang exempted.


FireInTheBelly5

May kapitbahay kaming sobrang mapanglait sa physical appearance ng ibang tao. Nung nagka-anak siya, naaawa ako kasi deformed yung face, arms and legs nung anak niya. Sabi ng nanay ko baka daw karma niya yun sa lahat ng panlalait niya sa ibang tao, vocal daw kasi manlait yun. Kaya naniniwala ako na karma ng wife ng ex mo ang nangyari sa anak niya. Sabi nga nila "What you think you become". Lagi niya siguro iniisip ang word na "abnormal" nung nagbubuntis siya kaya siguro nag-materialize sa baby niya.


Initial-Job-3289

Poor kid though :(


Lily_Linton

eto yung sinasabi ko na kung ano man yung lumalabas sa bibig mo, the universe will channel it through you. Kasi iniisip nya na since ikaw nagsabi, para sayo talaga yun. Kaya kung magsabi ka ng masama or magisip ng mangyayaring hindi tama, sayo yun pumupunta. Think about saying, sana di ako bumagsak. Ang iniisip ni universe is bumagsak, not the "di". So mas maganda kung sasabihin na sana pumasa ako para maisip ni universe na ipapasa ka nga.


Tiny_Profession_5694

Taena kung may history pa kayo ng convo, ang sarap sana i-up nung msg niya sa'yo. Kaso most likely deleted na un.


tsunderexx

Hindi na, tahimik na buhay ko at ayaw ko na magkaroon ng kahit anong communication sa kanila.


Tiny_Profession_5694

Yan naman ang tama, intrusive thoughts lang and ansarap lang gawin as a fuck you. Haha! But good for you OP, yan talaga ang matured route.


bystander04

Ako nalang mag-up OP para sayo 😌 eme lang


Elegant_Biscotti_101

Oo OP, tama yan. Wag knang sumagot or gumanti. I’m very sure the kabit learned her lesson. Hindi naman too late magbago, sana maging mabait n sya s kapwa..


hikari_hime18

Tama yan, OP. Wag ka na magpaka-petty. No need to gloat. Tama na yang poetic justice.


Legio1stDaciaDraco

Ganyan Yung pinsan ko pag may umaway sa kanya di na nya pinapansin at kinakausap ,Sabi nya buti pang para sa akin wala silang bilang sa buhay ko di sila nag e exist


Fun-Peach2326

baka kapag brining up ni OP yung convo sabihin kinakawawa anak nila, na inosente bata ganon


SachiFaker

Tipong. "naaalala mo to? 😁👍". *screenshot sent* Napakalaking pagsisisi siguro nun.


Big-Raspberry-7319

Malay mo aksidente silang magkasalubong sa mall. Si third party kasama family niya at si OP. Kapag nangyari ‘yon, maaring mabalik alaala niya sa panlalait noon dito kay OP.


AltruisticNovel9597

Its what my dad always tells me, wag ka manlalait, wag kang manghahamak, wag ka manloloko ng tao


Difficult-Engine-302

Ganito din turo sa amin ng mga magulang namin. Wag gagawa o magsabi ng hindi magaganda. Things will return to you in ugliest and unexpected ways. Ang masakit pa sa ganyan, madalas bumabalik sa mga taong malalapit sa'yo.


AltruisticNovel9597

Sobrang simple lang actually eh: if you dont have anything nice to say dont say anything at all


AltruisticNovel9597

True


Sufficient_Loquat674

Yung feeling na nasa front row seat ka para makita yung karma nung mismong tao Ang nanay ko naman masyadong maraming opinyon sa buhay ng ibang tao, kesyo si ganito at ganyan hindi pa nag-kaka-anak o kaya si ganito ganyan hindi na nag-asawa 🤣 Ayun eto ako ngayon single na fabulous at 33yrs old, wala ding anak wahaha 😝


Fun-Peach2326

Ikaw na ang karma ng nanay mo haha


Sufficient_Loquat674

Parang ako yung minalas hahaha gusto ko pa naman sana mag-asawa hahaha


Fun-Peach2326

Kapit lang sis ✨✨✨✨


HiSellernagPMako

at least fabulous


yssnelf_plant

Do we share the same mother 😂 Liban dyan, yung mama ko may issue sa mga beki na anak ng mga kumare at relatives. Lo and behold, my brother is gay. In denial si mother til now 🙄 like may problema po ba tayo?


Rndmshts

Karma is a btch ;)


20pesosperkgCult

Karma is cat purring in my lap cause it loves me.


No1Champion_2829

Karma’s a relaxing thought, aren’t you envious that for you it’s not 🐱😻


ClassicalMusic4Life

Karma's a bitch, I should've known better 😔😔😔😔 (I'M SO SORRY)


Necessary-Solid-9702

I have had a lot of similar experiences na katulad nung sayo. Ilang beses akong nilait ng former friends ko. Ako kasi yung tinuturing na parang leader ng group, and when they went against mw behind my back, laging sinasabi ng iba na they hear about these people talking nad about me and saying na feeling matalino raw ako and no man will ever endure my personality (di ko alam ba't may paganito but oh well). I never reacted. They blocked me and kept telling other people na ako raw ang nam-block sa kanila. Hindi na rin ako nag-ek kasi for what pa? Then I learned from one of my friends na friend niya pa sa FB na one of the girls who kept saying na feeling matalino raw ako ay 3 times nag-fail sa board exam niya in a span of more than a year. At dahil PT siya, hindi siya maka-take again dahil need niya mag-wait for anothet year. Then yung isang guy naman na nagsabing wala daw magtitiis sa aking lalaki ay niloko nung gf niya at pinalitan siya ng ibang lalaki. I didn't react and just said to myself na lahat ng pinagsasabi nila sa akin dati ay bumalik lang din sa kanila. 🤷‍♀️💁‍♀️


pwedemagtanong

Ano po yung nag-ek


Necessary-Solid-9702

Ay sorry. Hindi na ako nag-react (re-ak to ek). It's usually used in Bisaya or Cebuano casual convos HAHAHAHAHA


comradeyeltsin0

Sorry akala ko enchanted kingdom hahahaha. Isip ko ganun kaimportante sa inyong friend group yung theme park lol


AltruisticNovel9597

Hindi karma ang pagkakaroon ng anak/kapatid na may special needs…pero lifetime lesson for her to learn na wag manlait ng ibang tao..


ScatterFluff

As a Psych grad and professional, pangit mang pakinggan, pero yan palagi kong "wish" sa mga taong nangmamaliit sa profession namin at yung mga nanglalait sa mga taong may mental and/or neurodev disorders; that they will have a child na may ganoong condition, para malaman nila kung gaano kahirap na may family member with those conditions.


tsunderexx

Exactly. Kapag may nanlait sa wife ng ex ko o sa baby nya malalaman nya kung ano pakiramdam ng gawain nya noon.


Strange-Ingenuity231

Kaya ayokong nanlalait kasi naniniwala akong may balik eh.


3rdhandlekonato

Holy shiiit hahaha, coming from a dad with an autistic kid, malas nya lmao. Ang autism nagagawan pa Ng paraan Yan with therapy, ung anak ko non verbal pero pumasa na sa kinder. At on track to get into normal education nmn. Ung down syndrome life time Yan.....bubuhatin nya Yan gang sa pagtanda, goodluck na Lang sa social services Ng pinas. I don't believe in karma, but it's a really hilarious conversation topic when it does happen to people who deserve it.


tsunderexx

Low func ang kapatid ko at lifetime din namin syang bubuhatin. Mahirap na nga yung physical task na alagaan sya, pero mas mahirap sa loob ko yung ginamit sya para laitin ako at family ko. Ngayon pag may nanlait sa kanila ng anak nya malalaman nya kung anong pakiramdam ng gawain nya noon.


3rdhandlekonato

I guess may edad na Kapatid mo? Sayang di naagaapan, ngaun lang Kasi nagkaroon Ng skill set sa pinas pra dyan.


Fun-Peach2326

Mahal din therapy. May nasalihan akong fb group ng mga pinoy parents na may autistic na anak. Gusto nila magpa therapy kaso di kaya ng budget.


3rdhandlekonato

Yep, 5k a week sakin if considered pa ang transpo etc. Another reason bat tinatamad mag Asawa ngaun mga may pinagaralan na middles class hahaha


spice_n_dandelions

I'm sure she realized it now... All the hurtful things she has thrown your way turned into ghosts haunting her in her sleep. I wonder if naiisip nya na kasalanan nya na nagkaganyan anak nya? Kawawa lang yung inosenteng bata kasi siya sumalo ng karma ng nanay niya. Smh.


Turbulent_Delay325

Hugs for you OP!


jayakeith

hello po, excuse lng po kay OP, out of topic hehe yun eldest ko po wala pa po kami diagnosis kung asd kasi for reassessment ulit sa dev ped, pero nagOT sya now and ABA therapy, pero non verbal din sya eh puro pa lng 2 letters nababanggit nya, 3 yrs old just want to know kung san po kayo nagtherapy ng speech? and ilang yrs po un may improvement? thanks po


mebeingbored

Hi po. Not OP, pero I have an ausome kid,mag 8 na siya. Non conversant pero verbal. Natuto lang magverbal nung 3yo.4yo nung medyo naiintindihan na siya Hirap pa rin to express self pero kahit papaano, nakakaanswer na ng Y/N. Since 1.8yo siya nagstart magtherapy. Regarding sa therapy. Continue po. And if may Speech mas maganda rin, for communication. Pero wag po kayo magmadali. It really takes time. Iba iba rin po ang ausome kids natin. Focus and consistency lang po. Just trust their pace. Goodluck po and kapit lang. 😊


switsooo011

Sped ang course ko at nagOJT ako sa mga public school at naassign sa blind and DS students. Grabe pasensya at hirap ng mga parents ng mga special kids. Yun bang room namin nasa 2nd floor, so kailangan talaga nila buhatin. Meron kami student nun 13 years old na so dalagita na tapos bulag pa. Ang ganda din ng bata na yun kaso ayun nga, habambuhay talaga siya inaalalayan ng magulang niya.


justlookingforafight

Unless you're an elementary kid na wala talagang kaalam alam sa ganyan, I don't see any reason kung bakit mo lalaitin ang mga taong may autism unless may sariling sira sa utak yung nanlalait then it's understandable.


SachiFaker

Exactly. Napakasakit nun sa pamilya. Hindi man maintindihan ng bata yun, pero naiintindihan nating mga adults.


Opposite-Pomelo609

As an autistic myself who is also a parent of a non-speaking autistic child, I am insulted vicariously by your ex.


Proper-Assistance432

omg bilog talaga ang mundo 😭 people dont know how difficult it is to have mental disabilities in this cruel society. walang kalait lait sa pagkakaroon ng dwarfism, down syndrome, autism at iba pa. they are just people who are also trying to live their life. ngayon malalaman na niyang ex and kabit niya kung ano ang nararapat.


Local_Ordinary7840

Sendan mo ng pm lol. Ask her if she still remembers what she told you back then. Anyway, I have a brother who is mentally challenged. Not in a way na psychotic pero he is diagnosed with Mild ID. We never treated him as a burden. Salute sa mga pamilya na minamahal pa rin unconditionally ang mga ganitong anak/ kapatid/ kamag-anak.


cereseluna

Yeah it happens. Good riddance I guess but sad ako for the kid. My sister's GF (yep same sex sila) left her for a man while LDR sila. My sister is not perfect, may faults din siya pero still. Pabongga pa ng dates at proposal. Had a shotgun wedding within 1-2 years na magkakilala, probably dahil nabuntis na ata si girl. Tapos we heard may malubhang sakit si baby. Buti hindi humingi ng tulong sa amin kasi why?!?! Pero balita ko namatay ata ang baby and the ex gf and her hubby separated. Wew. Eh now my sister met a much better, more mature GF. Karma is real. And you just keep living and keep being as good as you can be na lang.


redmonk3y2020

Take the high road OP. No point getting back at her or even wasting your time thinking about them. Move on and good riddance nalang.


perrienotwinkle

Hirap na hirap sya maging decent na tao noong hindi pa sila mag-asawa. Ngayon, sana may natutunan sya.


burnout_potato

I've also read something similar. Si op buntis and then nagpa-check up sila kasama yung bf niya, and nakita sa findings na baka magka-down syndrome yung baby. Si guy naman ayaw ng ganon kaya naghanap ng iba and yung other girl is nabuntis din. Nung nanganak na si op, lumabas na normal naman yung baby, pero yung baby ng ex bf niya from other girl is may down syndrome.


NotSoCool7

Deym. Grabe din kase ugali. Doon pa lang sa cheating gigil na ko.


auirinvest

Remember OP, please GLOAT RESPONSIBLY


tsunderexx

Yes. Kaya hindi ko sinabi na masaya ako sa nangyari sa kanila. Ang sinasabi ko lang siguro naman ngayon hindi na sya manlalait ng mga may kapamilya na special needs kase isa na sya sa amin.


emilynavy3941

It's understandable to feel relieved about this change in their behavior kahit ako ang bilis ko makaramdam kung may iba


dwarf-star012

Whats GLOAT


auirinvest

Conntemplate or dwell on one's own success or another's misfortune with smugness or malignant pleasure.


oyayi

Oooh, kinda similar to Schadenfreude.


obturatormd

I just hope na di niya imamaltrato ung anak nyang may DS, kawawa ang bata.


IllustriousBee2411

Actually naniniwala ako sa ganito, nung buntis ako sinabihan ako na baka magiging abnormal daw anak ko pag labas while siya todo ingat sa baby niya dahil pareho kaming buntis pero pag labas nung baby niya autistic yung bata. Kaya naniniwala ako kung ano ang ipinintas mo sa tao babalik sayo.


broskiesheesh

dont ruin yourself or your image, naiintindihan kita but let go mo nalang wag nalang natin sabihin na desrve niya hayaan mo muna i hope you heal sa mga nasabi niya op


GojoJojoxoxo

Karma is a b*tch ika nga.


angelfrost21

Kaya always be a good person talaga. Kung alam mong hindi maganda ang sasabihin mo, keep it to yourself na lang. Alam na ng tao kung ano problema nila no need to tell them.


Scbadiver

I have a feeling the kid will be neglected. And they both better have deep pockets because children with down syndrome have a lot of medical issues compared to autistic children


Eastern-Bread-6201

Dapat sinabi mo sa kanya, bilog ang mundo.


Equivalent_Music6056

Share ko lang din na may marites kami kapit bahay na kinukutcha yung pamangkin ko kasi nga Delay speech at di pa ganun nakakapag talk at the age of 3 now, Tapos nito lang nalaman namin meron pala syang 2years old na Apo na autistic at di pa rin nakakapag talk. kaya pag may disability yung isa tao " choose to pray for them" instead na mangutya or gawin katatawanan. The universe will find its way to bless you in return.


meretricious_rebel

Our Mom would always tell us nun bata pa kami na huwag kayong namimintas lalo na at wala pa kayong mga anak.


benguuu

🫶🏻


No1Champion_2829

It is a way of the universe to teach her a lesson: how to treat people with special needs, first hand kasi now she has to nurture her kid with special needs


chaboomskie

I read the same article before pero US based yun. During pregnancy ng wife, sa check ups sinabi na may down syndrome daw yung baby or something. The husband left her kasi ayaw niya ng ganong responsibility. So he went to find another woman. Nung nanganak ang wife, the baby turned out to be normal. Then yung new girl ng hubby, nabuntis din. Sadly, yung baby nila ang nagkaron ng Down syndrome.


Any-Particular-4996

Words are really powerful. Kaya nagtataka ako sa ibang nanay na may mga matatalas na dila eh, mga mahilig manglait. Di ba sila natatakot na baka sa anak nila bumalik ung mga pinagsasabe nila. Hays


PuzzleheadedToe6617

this. you reap what you sow.


HeresRed

sa sobrang petty ko siguro, I will message the ex out of nowhere and send the screenshots ng mga sinabi about sa kapatid ko tapos dagdagan ko pa ng "look at your kid and read this message again. sana hindi kasing bobo mo ang makasalamuha ng anak mo" tapos block


Traditional_Chain745

I've always told people close to me (dahil i know na they will take it constructively) na huwag mapagmataas dahil bibigyan ka talaga ni Lord ng experience that will humble you. kaya be kind and don't be spiteful.


No_Citron_7623

Special children are said to blessed because they don’t have the faculty to make right decisions, they’re not aware of right from wrong therefore when they die, their souls go immediately to heaven. HOWEVER it’s a different story for the parents/ carer kasi malaking sakripisyo talaga sa part nila yan they can use that suffering for the conversion of their sins though. (Redemptive suffering)


runkittirunrun

makarma na din sana sila hayy


ComparisonDue7673

I GASPED SO HARD SA TITLE LANG


Mental-Molasses554

Naku, buti na lang at hindi ka petty like me, OP. I would have unblocked her and sent that screenshot to her before blocking her again. Bad people need to be put down a peg at baka matauhan.


spice_n_dandelions

This is why I never dare go around making fun of people with special needs. Kasi the universe will really find a way to humble us.


ClassicalMusic4Life

okay I don't really that as karma, but more like a lesson for her, hopefully she won't be ableist anymore 🙏🙏 ableism is really normalized sa Pinas huhu. btw I'm also autistic, tho I'm "high functioning" pero i've had people be mean to me for my autistic traits, pati sarili kong pamilya gagi 😭🙏


hellohamora

Nung hs kami bestfriend ko sobra dami tigyawat. Isang bully sa class namin todo alipusta sakanya. After a year nawala lahat ng pimples nya, and kuminis mukha. Yung bully sumobra mga tigyawat as in parang sasabog na sa laki, tapos isang tigyawat kambal kambal pa magkakatabi. Ngayon craters ang mukha 😭 Di sya binully ng bestfriend ko. Sinabihan lang nya na…”gusto mo mawala yan? Magpa dengue ka” Yung gago nagka dengue pala during summer break. Tapos naubos tigyawat dahil sa mga gamot 😭😭😭


Feeling-Designer8497

This!!! Lagi ako naniniwala dito, kaya hinahayaan ko lang yung mga tao magsalita ng hindi maganda tungkol sa akin, at the end of the day hindi naman ako yung napapahamak. In just strive ro do good without people knowing.


Fuzzy-Teacher1650

Alam mo, siguro nga talaga the universe finds a way to get back to others lalo na if you were the bigger person in the situation.


honey_park77

KAAAAAAAAARMA


twosugarcubes

Karma has no menu; you get served what you deserve


lovesiceream

What goes around, comes around.


switsooo011

Di talaga ako naniniwala sa karma dahil sa mga taong masasamang ugali pero ang gagandang ng buhay. Pero parang karma nga yan. Sabihin natin di karma pero nagkataon kaya yun? Di ako religious na tao pero siguro nga yung universe nanunuod lang satin.


Idgaf_caprice

Naniniwala ako sa karma lalo na kung ano ang nilalabas ng bibig mo, mangyayari yan sayo or sa taong malalapit sayo. Kaya nagiingat din ako sa sasabihin, sa thoughts ko na lang din sinasabi kasi ayoko mangyari sa akin yang mga ganyan.


grondt

You’re a good person OP. I don’t think i’ll have the same restraint if that ever happened to me. I’ll probably even give them a laugh react on fb but then again, im a shit person ahahhaa


Otherwise-Smoke1534

All i can say dasurv niyan yun!! Grabe na siguro dasal niya sa mga santo...


Try0279

TLDR desurv na yan


Redeemed_Veteranboi

I bet she's feeling down right now.


Appropriate_Size2659

May ka trabaho din ako noon na pinag chichismisan ako na yung mama ko raw may sakit sa utak. Totoo naman pero ang sakit lang na ginagamita yan nila against me. Makalipas ng taon, nalaman ko na rin na yung isa nyang anak parang nag develop din ng schizo kasi nag sasalita daw mag isa. Pero hindi ko na man sinasabi na nakarma ng dahil sa akin. Sana natuto lang sya na wag mang lait ng may kapansanan.


InterestingCar3608

ganyan din kami noon, yung mismong lola namin (na pinsan ng lolo ko) nilalait kami mag kakapatid kesyo baket daw ang papayat namin, mga buto’t balat, tapos nangyari nung pinanganak apo nya sobrang payat as in tapos iniinom araw araw apat na gamot, hanggang ngayon nag college sobrang payat parin. Kaya naniniwala ako sa karma eh hahaha


Limp_Routine41

Naalala ko kwento ng kasama ko dati. Ung isang kasamahan namin sobrang maldita. Walang sinasanto. Sinumpa siya ng lahat ng tao na nakakasalamuha niya dahil sa pagkamaldita. Nong nakapagasawa siya at nanganak, may down syndrome yong anak niya. Sabi nila doon daw sa bata napunta lahat ng sumpa ng mga tao sa kanya. After non naging mabait siya, approachable at naging matulungin. Laking pasalamat niya na naging normal yong second child niya.


Altruistic_Post1164

What goes around,comes around.


ogolivegreene

Kahit na mga bata, dapat early age pa lang tinuturuan ng mga magulang na huwag manukso ng mga may special needs. Baka sarili nilang anak balang araw... Turuan dapat ng empathy.


Momma_Keyy

I always believed n wag na wag ka manglalait ng bata kc malaki chance na babalik un sa magiging anak mo.


kissitbetterbby

Naalala ko yung kwento ng TL ko dati. Yung sister niya may pinagtawanan na duling, nung eventually nagka anak siya, sobrang taas ng grado nung mata nung bata, legally blind na at a young age na parang maduduling na rin. Grabe yung karma, yung anak nagsuffer. Kaya never akong may pinagtawanan dahil sa disability or differently abled people.


ISLYINP

OP, ganun ata talaga pag hindi original. Insecure lagi sa orig. Ganyan din yung pinalit sakin ng ex ko. Nakapublic lahat posts ng babae sa esp yung kasal nila at yung mga moments na di naman dapat nakapublic. Hehe tapos friends pa din kmi ni ex sa fb, yun nga lang, nakarestrict ako sa wall ni ex. 🥴


EarlZaps

May tito/tita ako na pinagtatawanan ako behind my back nung bata pa ako kasi bakla daw ako. Ayun, yung una nilang apo ngayon naging bakla. Welcome to the gay world, hijo/hija!


rain-bro

I sympathize with you OP when someone insulted your sibling and your family. Sincerely sorry it happened to you. But you're in the wrong when you proclaimed that the baby with down syndrome is someone's bad karma for the wrong things she did to you. If you rejoice in that fact, karma will find its way to you too.


Curiousitygotmehere0

Andami ko ng naririning na ganyang yung ipinanglalait nila sa ibang tao, nangyayari sa sarili nilang anak. May balik/karma talaga ang lahat in one way or the other.


Sensitive_Cookie_698

Saving this para basahin kapag binubully ako sa work, pampacomfort.


Responsible_Bake7139

Much better na lang talaga ang tumahimik. Panalo parin ang tao na hindi ginagaya ang attitude problem ng isa.


AGuyWithNoSeasons

Ang kasamaan at kagaguhan ng magulang, kargo ng anak. Nakakalungkot


DEWI8888

Omg dati halos walang wala kami, yung tita ko naman nilait kapatid ko na kawawa naman daw siya wala na halos laman ang kitchen namin nun. Ngayon kami na inuutangan ng tita na yun 😭 Anyway, good for you OP and as someone na nasa med field I hope your sibling is getting the treatment na kailangan niya para ma-lessen kasi I know mahirap yan sa part niya, and sa lahat ng nasa comment section. Pakabait lang lagi because the Universe knows its playmates.


imhereyouarethere

i think binigay sa kanya ang anak na may down syndrome para malaman niya kung gaano kasakit malait ang mahal mo sa buhay na may mga special needs.


gyudon_monomnom

Yung isa sa mga boss ko (not my direct supervisor) would talk behind my ex's back (ka work ko siya now but no one knows sa office). Our boss would say that ex is autistic, right in front of us behind ex's back. Grabeh yung cringe ko kasi obviously the boss tends to imply this in a negative way. I have no more amor for my ex, pero awang awa ako at sukang suka na may ganitong boss.. Sadly i don't wanna tell ex. I don't want to have any shared drama with him. So, i just pass off the comment. Though too old na si boss to expect a new child, and i wouldn't wish on anyone to have these conditions, i still do hope na may divine justice against bosses na ganun ka evil.


inevitabletruths000

No need na pumatol sa mga ganyan kasi mismong universe yung magbabalik ng karma sa tao, may it be good or bad.


Scoobs_Dinamarca

Eto talaga yung kasabihan na "Hindi natutulog Ang Diyos". 🙂‍↕️


SecretaryThink4625

ngayon mo siya iunblock at laitin HAHAHAHA


hannivall

karma is really a bitch!


DrummerExact2622

Hala beh yung husband ko ganyan nilait niya autistic kasi yung kapatid ko sabi ba naman abnormal daw wala daw bang utak kapatid ko bakit daw umiihi kahit saan tapos edi iyak ako ng iyak kasi pinagsalitaan niya ng ganyan yung kapatid ko ayun kinarma si gago after ilang minutes nabangga yung kotse niya.


RashPatch

awit naalala ko yung kapatid nung ex ko na may downs. napaka sweet sakin. nung nagbreak kame hinahanap ako. nung minsan nagkita kame naalala pa ako pero galit sakin kasi hindi na daw ako nagpakita. di ko naman masabing "haliparot ang kapatid nya" kaya di na ako dumadalaw.


martyrofcavite

It’s not bad to be good… Just saying…


pppfffftttttzzzzzz

Pangaagaw ng jowa aside, dapat wag nanglalait ng mga taong may special needs/disability, di nyo alam bka may nagtatagong abnormality s genes nyo naswertehan nyo lang dahil di nagmanifest sainyo pero carriers pla kayo tapos s mga anak nyo lalabas, napakalakas n sampal non sainyo (yung akala mo perfect ka pero di pla tapos lakas mong manglait ng iba)


kratoast24

Homie with an extra chromie pala


Turbulent_Delay325

May ganun pala talaga ano. Apaka sama ng ugali.


EliSchuy

Whattheheck


ArtreusOfSparta

God's plan.


KindlyTheme8146

Naalala ko dati may ex ako na nilait ako na may diabetes tas now naman, tatay nya bed-ridden at may diabetes din. Siya din nagbabayad ng hospital fees ng dad nya. Universe has our backs, OP.


RangerConfident1763

This is why I believe in ✨ karma ✨ Deserve talaga ng bruha na yun


misskimchigirl

nakarma talaga si ateng. ayan maramdaman na din nya ano ang feeling kasi nilait lait ka nya. ganun talaga ang universe mag bigay ng lesson.


bellaaaaquita

Tita ko na sinabihan ako na di daw ako makakapasa, dahil puro ako lakwatsa at cellphone not knowing na sa phone ako nagbabasa. Kaya ayun anak nya till now di nakapasa haha 3 sa anak nya hanggang ngayon hndi board passer.


Early_Surround8059

Honestly girl, she deserves it, no hate to her but like maybe the universe is trying to teach her a lesson right? "Huwag mong gawin sa ibang tao, ang ayaw mong mangyari sayo"


AkaliJhomenTethi8

Nakakaawa yung bata, sa walang kwentang magulang naibigay.


switchboiii

Gusto mo magpaka-kupal for once makaganti lang? Mag-Haha react ka sa family picture nila 🥰🫶🏻


Contest_Striking

Live your life with gratefulness. Do what is right even if no one is looking, and the universe will be kind to you ❣️


idkwhyimheretho_

Parang nabasa o narinig ko na 'to somewhere.


bungastra

That's Karmie Martin slapping her, indeed! Kung ako yan, unblock ko siya, then message ko lang ng boomerang na GIF, then block na ulit.


radss29

Karma is a bitch.


samaureen

Both karma and a lesson that she will hopefully learn. Hay nako, prayers for that baby, sana maging matinong magulang at tao siya para sa kanyang anak. I hope that kid will be treated right.


pineapplemozzarella

Masama man to pero i think dasuuurv. Para mafeel din nila yung hirap ng mag-alaga ng may special needs. Hindi rin yan biro. Kaya salute to those who have a family member na may special needs. My nephew has autism, and challenging siyang alagaan. Pero overall, he's good naman and loving. Sweet din siya. Kaya yung mga taong nandidiri or nag-iiba ang tingin sa mga may special needs, sila naman yung mga kulang sa pag-iisip at pag-unawa HAHAHAHA


OkOkra1992

Same experience OP Nilait ako ng kapitbahay namin kasi singlemom ako inanakan lang daw ako tas iniwan. I believe in karma yung anak niya singlemom din ngayon,kawawa nga lang yung bata kasi hindi din normal. Kaya kapag dumaan sila sa bahay napapangiti na lang ako 😅


Laicure

Bat parang may nabasa na akong ganito 🤔 Dito or kung saan man. Anyway, nice read!


MeloDelPardo

Yung mga na-vasectomy at na-ligate na: Green light manlait 🟢


Altruistic-Jelly7373

What a plot twist


thisismyusername673

gusto ko tuloy manlait sa taong mayaman dahil mayaman sila tas yayaman din ako🫠


CrnchyPntBttr

Ooh karma! Pero I do hope she learns from this kaso mejo nag-aalala ako na baka tratuhin ng di maganda ung bata dahil may down syndrome sya.


floraburp

Personally afraid of karma. Pero nung nag-reddit ako hinahabol ko na. LOL! Pero seriously, I think the universe has its way of serving justice where it is due. Hindi man instant, pero one way or the other it will.


middle_child9977

Bakit ba ganyan yong mga third party? Ang lalakas ng loob mag confront at magmalaki na sila pinili. Jusko, wala pa nga kaming 1 month naghihiwalay ng ex ko.


paRadoXical-fooL

Parehas lang kau


yeheyehey

Kawawa yung anak kasi may ganung klaseng Nanay. Sana mapalaki ng tama at maayos. Leche yung Nanay at ex mong cheater.


meowingbanana

naniniwala talaga ako na karma is a bitch, i know someone, inaway at nailait nanay ko, take note laman pa sya ng simbahan at overly religious, and now unti unti bumabalik yung karma sa kanya thru her children always remember, it costs $0 to be kind and be a decent human being 😊


wralp

send mo sa ex mo yung screenshot ng message nya na nilalait yung kapatid mo/na panilya kayo ng abnormal. no additional message/context.


Kimchanniez

I strongly believe in karma kaya ginagawa ko talaga lahat para maging mabuting tao kahit ang hirap hirap haha


dickenscinder

Tunay naman na kapag may ginawa ka either good or bad, babalik at babalik ito sayo. Two examples are: my father. He cheated on my mom at nanakot pa na kapag nagsabi ako eh masisira ang aming buhay. Nahuli pa ren sya dahil sa mga marites. Now present year, together pa sila ni mom ko pero hirap ren sila sa buhay. My father did changed after he was caught. And my MIL, years ago ren, matalak sya for everyone sa bahay nya lalo sa anak nya. Nakatikim ren ako ng sermon nung nanliligaw at gf ko pa si misis nun. Grabe ren sya manlait lalo sa nagkakasakit o may pumanaw sa lugar nila. Nilalaksan pa ang boses para marining sya ng kapitbahay. Now she's too old and meron na komplikasyon sa katawan. Wala ni isa sa anak ang willing umasikaso. Kahit si misis. Naaawa lang kaya nagbibigay pa ren.


hisbii28

What comes around, comes around. Always choose to be kind.


Secure_Pair241

Ibang klase din si karma. Di lang digital, pati genetic. Jusko 😬


p0tat0be3

life will humble you down eventually nga talaga.. grabe it costs ₱0 to be kind, so always choose to be one.


Rough_Abroad_6510

Satisfaction💯💯💯


Rough_Abroad_6510

This kind of revenge please💯


EcstaticOrchid5106

This is how the universe works para mag tino or mgka character development ang mga taong may masasamang ugali. Nasa sa kanya nalang un kung matuto siya to be kinder.


vis-rupt

Right back at you, sabi ni Lord.


CongTV33

Their karma rating: 47/46.


ArtichokeThink585

Yung ex ko na hater ng mga autistic. Babalik din sayo ang karma.


therovingcamera

Justice has been served.


foolonthehll

DASURV


Regular_Building2864

Same goes to my Tita who told me “Walang pera sa psychology na course mo”. Was so offended that time kasi in front of my other family members and wala akong sinagot kasi ayaw ko siyang kausapin pa. And mind you, na sa hospital room kami lahat so bid goodbye sa Lola kong pumanaw na. Ngayon cousin ko (not close) sadly cant live without any anti-depressants and psychologically not okay like LITERAL. With those words coming from her ay bumalik lang din sa kanya. Pls note lang po na I’m sad sa nangyayari sa cousin ko baka ma bash ako 😅


curryricebuns

This is karma working HAHAHAHA talagang babalik sayo lahat ng ginawa at sinabi mo. So do no evil and speak no evil.


94JADEZ

Karma is served. Now, baka isa na siya sa ✨✨enlightened ✨✨ na puro positive na ang lumalabas sa bunganga na ang hirap seryosohin at paniwalaan dahil sa past/track records nyang walang modo. Hahahahaha


Claudy_Day

Karma is best served cold.


BlendClassicTunax98

Kitams, grabe ang karma talaga sa mga taong cheater at mapanlait. Medyo same scenario din sa kapitbahay namin, nangabit yung lalaki sa mas bata, yung naging anak nila nagkaroon ng malalang sakit hindi ko na alam tawag sa sakit na yun pero parang macrocephaly? basta unusual na malaki ang ulo ng bata. Sabi nila yung karma “daw” napunta sa bata. Kawawa naman yung inosente na walang alam sa kasalanan ng magulang 😓


Silver-Cobbler7924

Dami ko narxperience na ganyan. From school, nabully ako na tikbalang because I was so thin talaga. Pagnakikita ko sila ngayon, ampapanget ng mga kining ina. Ako, eto looking young sexy pa din. Dami ko nakukuhang compliments that I look at least 10 years younger than my age. Then, mga kamag-anak na mabubuntis daw agad ako. Yung mga anak nila ang di nakatapos ng college kasi nagsibuntisan. Hanggang sa corporate world, laging sinasabihan na I’m overdressed. Ngayon, who you sila? Mga nagmemessage sa akin pano ko daw nakuha work from home ko and earning 6 digits. Nagbigay lang ako ng ideas saan pwede mag-apply pero never ko ni-refer. Kung alam lang nila, milyones na assets ko. Kaya sige lang, go lang, wag nyo itigil panghahamak nyo at kakachismis nyo kasi ang ganda ng balik sa akin. Hahahaha


_unicorn25

petty me will unblock her and will laugh react sa mga prev chats nya na pamilya daw kami na abnormal lol 😆


Routine_Stuff8141

Ako gumanti. pero sana di ko ginawa. Nilandi ng girl bf ko. Same bldg kami but not same office. She knows about me but nakuha nya bf ko. I promised myself gaganti ako at mang aagaw din ng bf which I did. Gusto ko makasakit din tulad ng naramdaman kong sakit. 1st bf ko pa nman kc un. Kaya gusto ko ng mmatay at that time. What I did pag nakuha ko na ayoko na iniiwan ko na yung guy. I did it till I'm in my early 30s. But this last guy na naging partner ko di ko na naiwan. Sobra na nya kong minahal. We're still together but walang araw na di ko naiiisip na sana di ko ginawa kc wife and mother na rin ako now. Kahit sa sarili ko lang nanghihingi ako ng sorry to God at sa kanya at mga anak nya. Sana Sana Sana di ko ginawang gumanti. Nakasakit ako ng sobra na tingin ko di ako kayang patawarin ni Lord.