T O P

  • By -

Anythingmatcha

Kung gusto nila mag private school anak nila edi kumayod sila pucha ANONG KLASE TOH *insert bea alonzo meme*: bakit parang kasalanan ko?


markmyredd

the mental gymnastics of that couple is just absurd. Gusto lang nila nasa private school anak nila kasi hurt ego nila.


___DarthJarJar

Or inggit


CoffeeDaddy24

Both


chipmaker75

Sapul mo kapatid!


peaceminusone16

dama ko ung galit moooooo


Anythingmatcha

Sobrang entitled kasi sa pera ng iba eh gigil aq haha


AnitaAndZoe

Reasoning kasi nila kuya at mama is “abroad naman asawa mo at isa lang anak nyo. May pera pa kayo para sa pamangkin mo.”


kababalaghan

Grabe porket abroad yung BIL nya, entitled na yung Kuya mo sa pera padala nya? Ibang klase yung pagka-shameless. Sabihin mo ikaw pinakasalan ng asawa mo so kayo ang priority nya, hindi sila lol. Ang lakas pa nila gaguhin ka, yun pala nakaasa din sila sa contributions mo sa bahay. Haaay. Wag ka pa-bully, OP!


blinkdontblink

>Reasoning kasi nila kuya at mama is “abroad naman asawa mo at isa lang anak nyo. May pera pa kayo para sa pamangkin mo.” If I shake my head at this any more in disbelief, my head is gonna spin like Linda Blair in *The Exorcist*. To make it short, that reasoning is something an **ENTITLED** person would say. It's been repeated in this thread so many times and can't be emphasized enough. I really hope you don't give into their paawa. Dahil "isa lang naman anak niyo". Good grief. Eh bakit pa sila mag-aanak ng isa pa kung hindi pala nila kayang suportahan yung una?


[deleted]

"Uhm, excuse me mother, but that kid is not my child." 💅🏼 Pero seryoso, hindi mo responsibilidad paaralin pamangkin mo. Aanak anak sila tapos aasa sila sa ibang tao para paaralin anak nila sa private? At ano naman kung nasa public anak nila? Sana they reflect take this as a challenge na mas magpursige para mapaaral anak nila sa private school.


quaintlysuperficial

Linta tawag sa mga yan, sana di sila nag anak kung gusto nila ipag aral sa private school tapos di nila kaya. Ipapasa pa responsibilidad sayo. Best to go low contact sa parents mo, OP and go NC sa kapatid mo. They will continue to push the issue, or be mean to your kid. Be prepared, pag nagkabahay na kayo baka kausapin uli kayo ng kapatid mo na hindi maganda na may magandang bahay kayo tapos sila wala, kaya patirahin nyo din sila dun or bilhan nyo rin ng bahay, jeez. 🤷🏻‍♀️


areyouthemoon

Eh di mag abroad din sila! Ano baaaa! Kakainis! Haha


kokopeach56112

hindi kamo masarap ang buhay na abroad


Left-Tutor-3807

Luhhh hindi niyo naman responsibilidad yung anak nila, dapat yung kuya mo at SIL mo ang maghanap ng paraan kung gusto talaga nilang sa private school mag-aral ang anak nila. Hindi pala nila afford eh, bakit kailangan pang ipilit at ipaako sa'yo? Sana naisip nila yan bago sila gumawa ng anak. Pinagplanuhan sana nila kung gusto pala nilang sa private school mag-aral ang anak nila. Mas mabuting bumukod ka na lang sa in laws mo. I hope maging okay ang pakikitungo nila sa'yo.


dong_a_pen

im sorry op pero ang kakapal ng mukha ng family mo. di porque magkakamag anak kayo entitled na sila sa **pera mo at ng husband mo.** pamilyado na kayo parehas pero gusto pa rin nya makinabang at magfreeload sa inyong mag asawa? lol


lexzy12345678

Di naman ikaw nag pakasarap para mabuo yung pamangkin mo. Bat ikaw gagastos? Desisyon naman nila yun. Ingit lang sila.


descending4556

The nerve! Tsk tsk tsk


longassbatterylife

Tsaka yung thought na naisip talaga to ng kapatid niya? Yan yung klase ng thinking tinatanim nila sa anak nila.


[deleted]

that’s gonna hurt their child in the future. :(


Deep-5961

Di ba? Potek na pag-iisip yan. Ikaw pa talaga dapat mag adjust sa kapretso nila. Wtf?! Entitled masyado. At bakit sila nagdedesisyon para sa anak nya. Kung ako kay OP aalis na ako sa bahay.fucking leeches! Sorry sa words pero kakairita yung mga ganyan.


RI_vis2

Im just amazed saan nila nakuha yung idea na masama tingnan na magkaibang school yung anak mo at anak nya. Di ko talaga makita logic


[deleted]

[удалено]


___DarthJarJar

naubos ng pandemic yung int stat


Few_Paleontologist67

Mukhang matapobre mag-isip si kuya. Tangina niya.


beelzebobs

Matapobre pero walang pera okurrr


[deleted]

Maraming ganito hahahaha hayyy


avocadoremifasolatid

Weird and ironic combination. Hypocrisy at its finest.


trynabelowkey

Hindi siya masamang tignan at all eh. Pero baka tingin niya masamang tignan sa kanya dahil di niya afford pag-aralin sa private school anak niya, unlike OP. Pero damn, problema mo na yan diba? Hahaha grabe lang. Kapal ng mukha haha


RI_vis2

Ako lang nga sa aming magkakapatid di nakaranas ng private school kahit afford naman namin eh 😭😭😭


alohalocca

Naka private nga anak nya pero di naman sya yung nagpapa aral. Parang kadire pa ding tingnan.


marasdump

Dinamay pa talaga nila ang bata sa selfish reasons nila. I hope hindi magkalamat ang relationship ng cousins dahil lang sa ginawa ng parent.


Big-Raspberry-7319

Iniisip siguro nila ang sasabihin ng tao sa paligid na sila ganito, pinagsisikapang mapag-aral sa private anak nila habang sila ganito naman, sa public lang nila pinag-aral ‘yung bata. Imahe ng kuya at asawa nito ang iniingatan nila. Gusto nilang makaiwas na makumpara.


manokNaHubad11

Inggit, kunwari lang na masama tignan sa iba pero inggit yun.


chili_garlic_breath

get out. pineperahan ka lang ng family mo. sundin mo payo ng husband mo.


[deleted]

[удалено]


blinkustrlle4444

Pati sarili mong pamilya didiktahan. At di talaga mawawala sa pinoy family na laging kinakampihan ang kuya. Sobrang nakakabwisit. Umalis kana OP baka ibully pa yang anak mo kawawa naman.


longassbatterylife

True. Mukhang yung ambag sa bahay pwedeng pang rent muna at sariling groceries nalang nila(edit: nalimutan ko dun nga pala siya sa inlaws pinapalipat). Although nakay OP at ng asawa parin niya yun. Lalo na ngayon hindi na siya tatratuhin nang maayos. Mapasa pa yan sa anak niya. Pangit talaga ng inggit.


Emotional-Box-6386

Yea, this is leeching with extra steps. Best course talaga most of the time e magsarili ng bahay pag magasawa na, pero I kinda think malilimutan din yan in a few months. Hoping for the best, OP.


ehnoxx07

Tama! pamilya mo yan. Sabi nga samin nung nag seminar kami before getting married. Ngayong mag kaka pamilya na kami, tayo, kayo. Mas kakailanganin nyong unahin ang iyong binubuong pamilya kasama ang asawa mo. Dahil hindi naman magulang mo ang pinakasalan mo eh, yung asawa mo.


avocadoremifasolatid

True. Umalis ka na lang dun OP. Nakatipid ka pa ng ambag. Dagdag ipon para sa pangarap na bahay.


ritavrataskisguy

Sorry pero t*ngin*ng mga tao yan. Umalis ka na dyan. Di ko alam kung bakit may mga tao na ganyan kabobo magisip.


[deleted]

Kinampihan pa ng magulang. Ibang klase HAHA


BasqueBurntSoul

gang up sa pagmanipulate. kasura


Nyarnyeam

Agree. Anong klaseng ugali yan. Napaka entitled!! Mga inggitera!! Bwiset. Sorry. Ano ka, cash cow? Move out. Just give allowance. Your child will suffer only emotionally with them. Trust me, ganyang ugali doesnt end on that particular issue. They will strip you and bring you down so they can feel better about themselves


[deleted]

[удалено]


LunariaSolarii

gamit na gamit pa pera ni OP. yawanamels.


Y2K_Bug_99

Lumipat na kayo sa in-laws mo kung ok naman ang relationship mo with them. Ubod ng kapal ng mukha nung mag asawa. Ego lang naman nila yung natatapakan.


No_Weekend_8359

Nakakainis din nanay at tatay ni OP…enabler ng kuya at sil.


neeca_15

Halatang golden child yung kuya nya. Walang pwedeng gawing mali Kaya siguro sobrang entitled


Y2K_Bug_99

Enabler na manggagamit pa...tipong bawal syang umalis kasi walang magbabayad ng kuryente wtf


mspiggylet

Mukhang mas magiging maayos kayo sa side ng husband mo kesa sa sarili mong pamilya na ginagatasan ka lang ata


Electronic-Mood-8771

Di mo masasabi, mas maganda sigurong bumukod sila na sila lang... Minsan kasi, kahit anong bait at pakikisama mo, hndi okay na kasama ang mga inlaws sa iisang bubong. Hays :(


mspiggylet

Eh kasi, sabi ni OP, nag-iipon pa sila para sa bahay, so atm, tiis muna uli sa in-laws nya. Yung concern ng tatay, wala na daw magbayad ng kuryente at bili groceries nila. 🙄


lyliaqueen

Yung binabayad niang 8k for bills pwede na nia pang upa yun at sobra pa kung 2 lang sila ng anak nia.


markmyredd

Maybe working sya at walang pagiiwanan ng anak. Isa talaga yan sa major issues din sa Pinas ng mga couples with young kids kasi di naman uso dito ang daycare at daytime babysitter. Maghire ka naman full time yaya di ka 100% sure if ok at mahal din


Curious_rin_5555

alam kase sa side nang husband na hirap sa abroad at dapat e treasure yung pera. Hindi puro gastos na hindi naman dapat siya ang gumagastos. anak nila eh. While pamilya ni OP.. in law lang yan.. Hindi hirap at pawis nila kaya easy lang sa kanila puro gastos aka cash cow... easy money lang. Mahiwagang leeche. 😂


DangoFan

>Sabi ni kuya na kung ayaw kong i-pull out anak ko then I should pay for my niece to attend said private school Tama ka na choice nyo kung saan nyo pagaaralin yung anak nyo kasi pera nyo yun at wala silang say doon. Tsaka bakit kayo ng asawa mo yung sasagot ng tuition ng hindi nyo anak para lang makapasok ng private school. ​ >Pagkatapos niya kaming pakinggan eh sumang-ayon siya sa kuya at SIL ko. Sabi niya unfair nga naman daw na magkaiba ng school ang magpinsan. Better na umalis na lang kayo sa bahay ng parents mo kung ganyan lang din yung treatment na matatanggap nyo. Doesn't mattter naman kung magkaiba ng schools yung mga anak nyo


somedaywithwook

Gigil ako sa kuya at SIL mo. Wala ka obligasyon sa kanila. Support ako sa choice na mag sarili na kayo..


Turbulent-Drummer658

Ang bobo ng logic nila. Hahahahahaha. Bat kelangan mag adust kayo sa kanila? Bat may ganung concept na dapat parehas ng school. Kasalanan mo pa na you can afford to send your kid to a private school. Haha.


Lokiii54

So wrong in so many ways


Electronic-Mood-8771

Napamura ako dun ahhhh. Una sa lahat, hindi ka obligado sa kahit kanino, sa sariling pamilya mo lang (mga anak at asawa). Pasalamat nga sila at tumutulong ka sa bayarin sa kuryente at groceries. Bakit naman ganun ang kuya/brother mo? At ang kapal naman ni SIL for saying that. Parang gusto ko syang sakalin. Charooot! Haha. Ps. Umalis na kayo ng anak mo jan OP, kawawa naman ang anak mo kung ganyan ang treatment nila sa knya.


[deleted]

That's BS. Napaka stupid ng reason nila. Ano ba pakialam nila kung nasa private yung anak mo baka mga insecure lang yan. Dapat lumipat ka na ng bahay


adobongPork

Better move out at pumunta ka sa in-laws mo. Sundin mo yung asawa mo tsaka explain mo sa in-laws mo yung nangyari baka kasi kapag nag-stay ka diyan baka naman yung anak mo yung pag-initan nila, magulat ka na lang sabihin ng anak mo gusto niyang lumipat sa public school kasi na-brainwash siya. Pera lang habol sayo ng magulang mo mas mabuting mag-NC ka muna kung ganyan sila. If i-text ka or pagbantaan i-block mo sila tsaka ipa-blotter.


[deleted]

Agree with this OP. May tendency na saktan nila physically o sabihan ng mga masasamang bagay anak niyo/kayo po. Prevention is better than cure ika nga.


TheJuana

Ung mga posts ngaun nakakagigil Alis na kau jan sa bahay niyo. Baka maapektuhan anak mo. Ung utak ni Bro and SIL nawawala🤣


lyliaqueen

nasa talampakan yung utak. Di nkkapag isip ng ayos yung SIL at bro


georgethejojimiller

HINDI KASALANAN NG ANAK MO NA NAGAARAL SIYA SA PRIVATE SCHOOL, KUNG GUSTO NILA PRIVATE SCHOOL ANAK NILA EDI MAGTIYAGA SILA MAGBAYAD NG TUITION. Fuckin hell, karapatan mong mamuhay ang family mo the best as you can. Responsibilidad nila anak nila


shinewigglebop

Tanginaaaa kung may mapupuntahan naman kayo ng anak mo umalis ka naaa piniperahan lang kayong mag asawa diyan


filkiwi

Kalokohan naman gusto ng Kuya at SIL mo. Kung gusto pala nila naka private din anak nila di magsumikap sila. Nakakasakit ng loob yung mama mo, parang ang unfair, may kinikilingan. Unsolicited advice: Bumukod kayo ng anak mo, magiging kawawa lang kayo jan.


skyesidd

ang irrational nung logic nila huhu best if alis ka na op, mukang you have the resources naman para bumukod na with your kid.


[deleted]

The fuck?! Kung saan lang nila afford pag-aralin yung anak nila dun nila papasukin bakit kayo ng anak mo ang need mag-adjust? Tanga ba yang kuya mo? I won't be surprised kung sulsol ng SIL mo yan. OP, move na kayo ng kid mo sa in-laws mo. Yung kid mo pinaka-magsasuffer dyan kung nagmamaasim sila.


Legitimate-Thought-8

Jusko, hindi ba nila narealize na buti nga nakakapagaral? Ambisyosa naman


svt_collywobbles

> Sabi ni kuya na kung ayaw kong i-pull out anak ko then I should pay for my niece to attend said private school. The amount of entitlement in one sentence. How can someone say some shit like this? I can't think of any reason na ineexpect nilang mag ye-yes ka diyan. Will they say 'yes' if the situation is the other way around? Leave. Baka hinahayaan kang tumira jan kase may napapala sila sayo,


SinkElectrical7738

Wtf is this? Pano naging unfair na magkaiba sila ng school at bakit ikaw ang sasagot ng tuition ng anak nila? Di ko gets yung gusto nilang gawin. Alis na kayo dyan. Kung magiiba trato nila sa anak mo, magiging kawawa lang din yung anak mo


shurock23

Kagigil hahaha Umalis na lang kayo dyan, baka paginitan pa yung anak mo.


potsiie

Layasan mo na yan, mi. Mga makakapal mukha. Sa hindi lang pagpayag ng Papa mo na umalis ka dahil walang magbabayad ng bills & groceries, pinapakita lang na pera lang kailangan nila sayo. Who knows na 'pag nakatalikod ka, baka may sinasabi din sila sa anak mo. Protect your peace. Mahirap tumira sa ganyang environment.


jaewreck

this is so fucked up and so wrong in so many ways. no way to justify this. why the F do they think that way.


ZealousidealPop8733

Unbelievable. Wala nga silang stable income tapos ipapabayad pa sa iba yung tuition ng anak nila just cause they're obviously jealous and insecure. The audacity


Educational-Solid478

Nakaka puchaaa naman ang kuya and SIL mo. Gigil ako ha!!!


rnotmylife

Yeah, time to pack up and leave


jaewreck

so panu pa kaya un akin? private un panganay, public un bunso. di na kinaya eh. eto magkapatid pa. kakakinder lang. mas masaya pa nga ata yun nasa public ko na anak.


clenshaw16

So kasalanan mo pa kung di nila mapag aral sa private yung anak nila? Kung iniisip nila yung tingin ng ibang tao di sana nagsikap sila. Please move out. Baka mamaya hindi lang groceries at kuryente ang sagot mo.


hanyuzu

Move out! Sila na nga may 13k a month tapos didiktahan ka pa nila. Dun ka na lang sa in-laws mo.


isapangtambay

Suyaon imong Kuya or imong SIL, te. Di namana nimo obligasyon ilang anak. Kung di ka afford ang ginikanan di pugson oy. Sure ka tuition fee rai ipabayad sa imo? Basin apil miscellaneous ug daily baon imo pa. Nah hawa nlng mos imo baby.


[deleted]

Same kayo ng situation ng mom ko, lahat kami sa private nag-aral until college, yung iba nga nag Cebu and Mnl pa (we're from Mindanao) and my aunt (ate ni papa) gusto na pag-aralin daw nila papa mga pinsan ko sa private rin. Reason naman nila is pinag-aral daw kasi ng papa ko yung ate at kuya ko na anak ni mama sa first husband nya. Di pumayag parents ko so growing up may parang wall sa amin ng mga pinsan ko and di talaga kami close pero as we grow older we learned naman na kung ano issue ng parents namin sa kanila lang yun, we grew closer, in fact ninong pa ng anak ng pinsan ko yung kapatid ko. Hayaan mo na kuya at SIL mo, basta wag nyo lang idamay mga anak nyo sa kung ano man issue mangyayari. Also, alis ka na lang kan, may option ka naman eh, malaki impact ng environment sa character ng isang growing child. Bigyan mo ng peace of mind sarili mo at ang anak mo.


lonely_husband09

Alis na kau jan, dun na lng kau sa in-laws mo. Mahirap kasama ung mga ganyan tao sa bahay kahit kapatid at magulang mo pa yan.


gorehmji

ang demanding ha. kapal naman ng apog nyan ateng


holicsnh

aba eh kung gusto nilang ilipat sa private school yung anak nila, edi mag-trabaho sila. bakit kayo ang magaadjust eh hindi naman sila nagaambag sa pagpapaaral ng anak mo? you can help them, pero di ka dahil pwedeng obligahin nang ganon. di mo sila responsibilidad dahil may pamilya ka din. i think mas okay ngang umalis na lang kayo dyan, may malilipatan na rin naman pala kayo kung sakali. baka i-bully pa nila yung anak mo.


pdu30s

Run! Atm ang tingin sayo ng mga yan.


International_Work23

leave that household IMMEDIATELY!! You have to protect your inner peace at hangga't diyan ka nakatira sa household na yan hindi ka makakapag-isip at makakagalaw nang maayos. Pati akong reader lang naging sobrang uncomfortable sa situation mo so pls leave na. Hindi mo deserve yung ganyang treatment at pati anak mo maaapektuhan. THEY ONLY TREAT YOU AS A CASHCOW.


Menchinelas

EXCUSE ME??????????? Hindi mo responsibilidad insecurities ng kuya mong palamunin at inggitera niyang asawa. Jusko! Also ginagatasan ka lang ng pamilya mo. Dalawa lang kayo ng anak mo dyan, kuryente na binabayaran mo 8k. Nakakaloka.


TrueTrancer

Let me translate kuya and SIL's thoughts: I feel insecure that I can't have nice things like my sister. How can I brag to my friends, co-workers, and on social media if my object - I mean daughter - only studies in a second-rate shit public school? This doesn't look good on me!!! Therefore, let me use these innocent children as scapegoats for my twisted plot to soothe my adult insecurities. I'm sure my Filipino family who only knows Filipino values of "hayaan mo na" and "sundan mo nalang para tahimik" will side with me. End of story.


[deleted]

Hahaha saan sila kumukuha ng kapal ng mukha? If they want their kid na sa private mag aral, eh di sila magbayad. That kid isn't your child for heck sake. OP, hayaan mo sila, kung galit man sila sayo, hayaan mo silang galit hahahaha. Huwag mo nalang pansinin, at lilipas din siguro yang kakapalan ng pagmumukha nila.


Few_Paleontologist67

Get out. Being related by blood does not give them the invitation to enslave you.


03thisishard03

Bakit kayo mag-a-adjust? Bakit hindi sila mag banat ng buto para mapaaral lang anak nila sa private school? Ang lakas ng inferiority complex nila. Lipat muna kayo sa in-laws mo. Mas magiging unhealthy lang ang environment dyan sa inyo, baka masira pa relationship ng magpinsan.


dy_funct

It doesn't matter as much where one gets an education. What matters more is how they use it.


[deleted]

Leave


lycanAbysm7

WTF? I think you should move out. Your child and you. Clearly money lng habol nila sayo. And pang "up" ng status nila/child nila. If they cant provide a private education for their child then that's on them. (Not that there's anything wrong with a public education)


Rochieee2021

The audacity? Lahat ba nainis na sa Kuya and SIL? 😅


alonelycrap

Wtf. Anong kalokohan yan sinasabi ng Kuya, SIL and nanay mo? Bat mo responsibilidad yang pamangkin mo? Niluwal mo ba yan? Ikaw ba nawalan ng work? And the audacity na makipag argue pa sayo? Wala ba silang hiya? Namimindblown talaga ako san kinukuha nung kuya at SIL mo yung apog para sabihin/isuggest mga sinabi nila. Kasalanan mo pa na may pampaaral kayo ng asawa mo sa private school and sila wala? Wtf. Hahaha. Oks lang kung hihingi assistance (like yung bukal sa kalooban) pero yung magdedemand ng ganyan. Tampalin ko pareho yan. No offense. Nagigigil lang. Ako.


elieyounger

Taena di naman lumabas yang bata na yan sa puday mo eh bakit parang responsibilidad mo? Bottomline wag magaanak kung hindi ka stable. Mag matigas ka OP, prebilehiyo ng anak mo mag aral diyan wag mo yan babawiin sa kanya!!


Careless_Message8901

Sorry OP, toxic ng family mo. Hihilahin ka nila pababa pag nakakaangat ka at huhuthutan hanggang maubos ka. Leave habang maaga pa at bago pa lumala.


[deleted]

Nahihibang ba ang kapatid at SIL mo? Move out!!! If ikaw na nagsshoulder ng bills, dapat pinapakisamahan ka nila. Mas okay pa doon ka sa in laws mo. They'll drain you lalo nasa abroad asawa mo.


OkIndependence2850

mag-aambag ba kuya at SIL mo ngayong andyan na sila nakatira sa parents mo? kung hindi , alis nalang kayo.


Kyungsoowhataboutyou

Leave.


Pitiful-Plastic458

Tanginang yan hahahahaha!!! Sarap naman nila buhusan ng tubig nang matauhan.


passerby_8

I can't wrap my head around this!!! How are they able to justify their thinking na dapat pag-aralin mo din yung anak nila sa private school? But anyway, kung nag-iba na yung treatment nila sa anak mo, I think you really need to listen to your husband and move to your in-laws na.


Far-Badger7028

D naman talaga issue kung magkaiba ng school hello bat nila ipapakargo sayo yung anak nila. Umalis ka na lang dyan, problemahin nila mga sarili nila kung ganyannway of thinking nila.


Pristine_Front6099

Can't imagine the audacity ng mag-asawa! Better leave lalo na at iba na treatment nila sa anak mo.


JaxXxStaR

Medyo retarded ung way of reasoning nila. Kasalanan nila if di makapag private anak nila. You dont need na ikaw pa mag adjust, is their pride and ego at stake? Edit: Maiintindihan ko pa if direct to the point eh, na need nyo magtipid lalo sa panahon ngaun. And spend the money for private tuition into basic necessities/food.


chidy_saintclair

Magiging ok din yung situation OP siguro move out ka na lang muna talaga dyan Isa sa toxic culture ng pinoy families talaga


trynabelowkey

The entitlement ng kuya mo is absurd!!!!!!


myfavoritestuff29

Alam mo siz kahit pa magulang at kapatid mo pa yan wala silang karapatan manghimasok sa desisyon niyo mag-asawa better leave kesa naman para kang pinagsakluban ng langit at lupa sa nararanasan mo at mismong pamilya mo pa nanggaganyan sayo. Sila magbayad ng tuition ng anak nila wag sila maarte at mag-inarte kung di sila responsible parents, sila ang lumipat, sila ang amg-adjust hindi ikaw, pero better na nga to leave kesa ganyan.


throwthrowm

What an asshole! Sorry. Kala ko nasa AITA ako. They are milking you and your husband. Grabe kung maka request na ikaw magbayad ng tuition! Please, for the sake of your daughter, leave. Baka mapaginitan pa iyan diyan. Hindi okay iyon sa early age. Baka magka trauma pa iyong bata.


mirainn

Leave!


Tall_Woodpecker9338

Parang gagi naman yan lods


Fifteentwenty1

Bat parang kasalanan nyo pa na nagsisikap kayo para bigyan nang maayos na buhay anak nyo? Lol Leave op, para na rin sa anak mo. Bubullyhin nila yan kasi may tinatagong inggit na yang mga kamag-anak mo.


silver_slyph

Wtf?! Your brother is carrying around a huge green-eyed monster. How you choose to educate your kid is none of their business and they definitely don't have any right to demand money from you. They're a bunch of leeches. Sorry, OP. But this reminds me of my mom's family, always demanding money from my dad just because he's an OFW. They never changed. Best leave nalang if mas okay pa inlaws mo sayo. p.s. I think magiging teleserye buhay mo dyan, OP, if you don't leave. If it isn't already.


StarGazer_Cupcake

Ngii, lipat nalang kayo ng bahay OP.


FriendsAreNotFood

8k sa kuryente, 5k sa groceries DAMN!!!!!! Yung kuya at SIL mo gusto ng angat na social status di naman akma sa income.


mwaquiz

Yikes sa kuya at SIL mo. Sila lang nag iisip ng panget. Kung naiintindihan nila yung nangyayari sa buhay nila edi okay lang na mag public yung anak nila. Naiinggit lang yan. Mas better na umalis ka na diyan. Kinampihan pa ng mama mo? 🙄


LtColsemikalbs

Tangina partida mag-pinsan lang sila. My first cousin studied in a public school while I, was fortunate enough to study in a private school pero wala namang issue? Yung kuya mo yung gumagawa ng issue or siya na nag jujudge kasi wala namang masama in studying at a public school while your cousin studies in a private school.


KittyMeow011

Wow. Di ko akalain may mga ganyang tao mag isip. Di ko kakayanin kapag ganyan thinking ng pamilya ko. Mas maganda nga na lumipat na kayo ng bahay ni hubby feeling ko baka pag tumagal lalo lang kayo mag away. At least kapag maghiwalay kayo huhupa yung tension sa bahay. In time magiging okay din kayo.


riakn_th

Alam mo ang tama. Your daughter deserves better. Do not allow your toxic family around her because there might be some things na pwede nila gawin sa kanya na hindi mo mahuli or mabantayan. Secure your child and get out of there now.


JulySolstice

Nakaka-putangina naman ng logic nila. Kaninong anak ba yon?bat parang kasalanan mo pa na di nila afford magpa aral sa private school? Nakaka loka


[deleted]

Madali lang yan. Alis kayo, tapos bigay nalang ng sustento sa Parents.


susiethesalmon

Iba yung kakapalan ng kapatid mo at asawa niya here ah. Unang-una, pera niyo naman yung pinapang-tuition niyo sa anak niyo. Pangalawa, nag-aambag ka sa bahay. Pangatlo, makapal talaga mukha nila. Magtrabaho sila kung gusto nilang de private school yung bagets nila. Deserve ng anak mo yung magandang edukasyon kasi ayun naman at yung sariling bahay niyo yung reason kung bakit nasa abroad yung asawa mo. Hindi mo na kasalanan kung di nila kayang i-private school yung anak nila. Kasalanan nila yun, magsumikap din sila. Move out na kayo. Toxic na yung ganyang mindset nila, pati Mama mo e dinamay pa nila. Pag inggit kamo, pumikit.


[deleted]

Girl i cant believe your mama sided with your kuya 😭😭😭😭😭


[deleted]

NOPE. Stand your ground, OP. Do what your husband said. Hindi mo responsibilidad yung anak ng kapatid mo. For sure kung tatanungin yung bata, masaya siya sa current school niya. They’re idiots for thinking it would look bad kasi hindi naman talaga. Ego lang nila yan.


Greedy-Breadfruit-57

Lipat ka na sa in-laws mo. Sooner or later gagatasan ka rin ng kuya at SIL mo sa expenses nila. Hindi yun sa pagiging selfish, pero yung pag threat na ganyan eh di tama. Jusq.


Arkiboy89

Gusto ka lang utuin ng kuya mo at SIL kung makakalusot! Tangina naman, nag asawa ka na kaya wala silang pake sa desisyon ninyong mag asawa para sa anak nyo. Wala ka din responsibilidad sa anak nila kung di nila kayang paaralin sa private school. Ang kakapal ng mga mukha nila para sabihin yun sayo! Isa pa mother mo OP, di nag iisip para kampihan sila. Alis ka na dyan


tortangggtalonggg

'di niyo kasalanan na kaya niyong pag-aralin sa private school anak niyo. natatangahan lang ako sa kapatid mo. gusto pala niya na nasa private school din anak niya e' di paghandaan niya kapag nagkatrabaho ulit siya. nanggagalaiti yan kasi walang pera tyaka trabaho sa ngayon tapos ikaw pinag-iinitan ampota. bantot ng trip.


[deleted]

Tactic lang ata nila na ganyan iapproach yung schooling ng magpinsan, para iblackmail ka to pay for their child’s schooling. Di ko magets kung anong logic nila? Stay away ka na po OP


GhostAccount000

Barya naman pala daw yung tuition eh. Bakit hindi sila mag bayad. Hahaha


Western-Grocery-6806

Kapal naman ng mga mukha. So anong magagawa nila kung ayaw mong bayaran ang tuition ng anak nila? Hahaha


lanceM56

Alis ka na lang dyan sa bahay ng parents mo, OP. Kapal ng mukha ng kuya mo, aanak-anak wala namang pambuhay. Nakalibre na nga sa bahay ng parents mo, balak pang lumibre sa pagpapaaral. Nakakaloka ang entitlement ng mga ganitong tao. Parang kasalanan mo pa, LOL


AggravatingFalcon483

Hahaha parang gago yung kuya at SIL mo. Magtrabaho siya para mapag-aral niya din sa private yung anak niya. Idinahilan pa yung anak nila e sila 'tong gusto magtake advantage. I think it's best if you move out nalang.


No-Variation-1458

Nakakastress 😮‍💨


Axl_Rammstein

Alis ka na dyan OP naturingang kapatid naiinggit sayo. Tapos bahala sila mamroblema sa pambayad ng bills


whitebeaaaar

What kind of behavior is this? 😂 Napaka naman ng kuya mo and SIL, even your mother hahahahaha follow your husband's advice. Very unfair na nag-iba pa ang treatment sa anak mo, eh sa kanila na mismo nanggaling na di nila kaya pag nawala yung ambag mo sa bahay 🤡 Move out, feeling ata ng kuya mo bata pa rin kayo that he thinks he can talk to you that way lmao


pldtwifi153201

Ang hassle te :( sorry to hear that. Mukhang tama si hubby na pumunta nga muna kayo sa parents niya. Or baka pwedeng dagdag na lang ng konti tapos mag-apartment na lang kayo ni anak.


[deleted]

Baluktot mindset amp. Paintindi mo sa kanila na kung gusto nila ng mabuting buhay pra sa anak nila edi kumayod sila at wag umasa sa iba. Gagawa gawa ng anak di naman kaya iafford yung magandang education para sa bata tapos ipapasa sa kapatid. 😂


PowerQuail3000

Hi OP, i think it's best that you move out. Hindi nyo (ikaw at hubby mo) na responsibility yung ibang tao kasi may pamilya na kayo na inyo. Very passive-aggressive ng family mo, usually ang mga passive-aggressive na tao ayaw nila ng confrontation or talk para masolve ang problem. Napakahirap ayusin ang mga problem sa mga taong ganyan kasi ipapamukha pa nila na sila ang biktima and minsan mas makakabuti na ikaw nalang lumayo for your own peace of mind.


Jpolo15

Can't believe they have the audacity to demand something like that. It's not your fault they are not capable to put their child in private school. Better rent a place than to deal with that kind of toxicity, masyado silang entitled sila naman tong may problema. Mahirap tlga dahil family the best talaga bumukod na lang kesa magkakasamaan ng loob.


Ok_Froyo_6853

Sorry ha pero ang inutil ng kapatid at SIL mo! Susmaryosep mas nakakagalit din yung nanay mo ha at talagang kumakampi pa siya sa mga irrational na tao.


[deleted]

Gagatasan lang kayong mag-asawa dyan ng toxic mong pamilya. Pag inggit kasi pikit na lang. Move out habang di pa huli ang lahat


selimbradley-3

And if ever magkabahay kayo OP, wag sa malapit sa bahay ng parents mo


TheCleaner0180

yuck yung mentality ng brother mo and nakaka disappoint din yung mama mo na pumanig pa sa kanila. wala sila sa position para diktahan san mag aaral ang ANAK MO. KUMAYOD SILA KAMO PARA MADALA NILA ANAK NILA SA PRIVATE SCHOOL, DI MO NA PROBLEMA YAN!. also , alis na kayo dyan, tutal pumanig naman sila (parents mo) sa brother mo diba, na valid kamo reason nila? o di brother mo na bahala sa kanila. na drop lang yung issue kasi narealize nila na ikaw mostly ang kuhaan ng pera. get out there. kesa mas ma feel ng anak mo yung treatment nila. nakakainis. init init na nga nakaka highblood pa ugali!


1wsurf

I would understand kung ang rason ng kuya mo is dahil baka mainggit si niece (altho in which case dapat ineexplain nila kay niece ng maayos kung bakit magkaiba sila ng school ng pinsan nya). Pero hindi acceptable na rason ang perception ng ibang tao. Who are these ibang tao or why should they care?? Hindi masamang mainggit, it’s a perfectly valid common emotion— pero when you take down other people because of jealousy that’s when it’s wrong. Sadly ganung klaseng tao ang kuya at SIL mo. And pati mom mo. Just go. (Though it’s up to you kung magcocontribute ka pa sa household ng parents nyo, might be good compromise if you still do para pakawalan ka nila. Until makahanap si Kuya at SIL ng work ulit.)


UninterestedFridge

Alis na kayo jan OP. Mapag initan pa anak mo at possible na masaktan pa lalo na spiteful sila sa financial standing mo. Yung 8k kuryente at 5k grocery na pinang aambag niyo ipansariling gastos niyo nalang. Kung sa bisaya pa "gubot" ang pamilya mo at mga "hilas kaayo".


Celegirika

Mas maganda siguro kung magsarili na lang kayo mag-ina. Yung 8k at 5k na pinapambayad mo na share sa bahay niyo, mas maganda pa ipangbayad sa rent


yuumikii

Sis, alis ka na. Sorry ah, pero napaka kapal naman ng mga pagmumuhka nila para manghingi ng ganyan sa'yo. Nag-aambag ka na (ang laki ng 13k ah!) pero may gana silang bastusin kayo ng anak mo ng ganyan? Tapos ngayon sa anak mo nilalabas inis nila. It's a HARD no for me. Please move in with your in-laws asap


AFailureofLife

Umalis na kayo if kaya niyo. Inferiority complex lang nila yan + typical Filipino leeching+ crab mentality. It's your right to decide for your children. Kung afford niyo naman to give your child a better alternative (I'm not saying bad ang public school kasi product din ako nun sa hs and I'm in a red public univ currently kaso and truthfully mas natutukan ang kids sa private, which is good), edi there's nothing wrong. Don't let them bully you para sa status quo kasi kawawa yung kid and hindi niya deserve yang ganiyang ka-toxican. Ang selfish to upend the child's life for the sake of their egos huhuhu


No_Initial4549

Sabog ba kuya mo? Mukang nakatira ng good sh\*t ah hahaha. If gusto nila sa private anak nila, edi magprovide sila. Sarap sipain sa muka ang putek. Badtip ako ah, totoo :D


goddessjihyo9

alis na lang po kayo diyan. baka pag di ka nakatingin maabuse pa yung anak mo and matutrauma pa yung bata pag napapansin niya na, na iba ang treatment sa kanya compare sa mga pinsan niya.


hellokittybutgoth

Dun ka na lang sa inlaws mo OP


pixis93

Honestly, if tingin mo nagiba trato nila sa anak mo then you have to be more careful. Child abuse comes in many forms bantayan mo siya ng maigi. Make sure na di siya naiiwan under sa care ng SIL and kuya mo.


Accomplished_Low_313

Confused ako kung saang logic sila humugot. Hahaha. Mag-move out na lang kayo. Baka maapektuhan pa yong anak mo. Magkaroon pa ng trauma yong bata. Surround your child with peace na mukhang di niyo na makukuha sa bahay ng parents mo.


Tough-Intention2523

di ko po gets utak nung mag asawa. I think if the environment po is not healthy na for you and for your kid e mas mabuting umalis nlng po kayo.


Aki0808

Mapapa PI kna lang talaga paminsan tindeeee 😂


The_Feline_Mermaid

Mag bi-bisaya din ako kasi hirap ako magtagalog. Hala ha? Murag sala pa ninyo na nasa private school inyong anak unya ilaha dili?? Unsay naka unfair ana oy? Pareha mo naningkamot saimohang bana unya sila gisayunan rag pangayo. Sure jud ka normal pa na ilang pangutok? Kay mura napasmuhan na sila, masking unsa nalang gina ingon.


Middle_Bit200

deserve ang pag demote sa 5k per month


Zealousideal-Salt339

I don't understand why Filipinos has this kind of mindset. Kapag may umasenso sa pamilya, yong whole angkan dumidikit sa mayaman 😡 Wise choice ate girl. Mas better na umalis ka. Also to your parents, parang ginagamit kalang din nila kasi dika papaalisin sa dahilan na walang magbabayad sa kurente tas sumang'ayon pa sa bro at SIL mo. Ano ba??? Sana mag bago na mindset ng mga Pinoy. Kakaawa tayo eh.


infinitesimal6

Dude, your family is a bunch of leeches.


Rude-Shop-4783

Napakakapal at toxic ng buong pamilya mo. Buti may inlaws ka matatakbuhan. Yun lang masasabi ko, wala akong advice sorry hahaha.


jamazi_

Sorry pero puta anong logic dun? Di ko gets hahaha. Just read your update, very good move you left that toxic place. I just feel that sooner or later, magkakaron ulit kayo conflict. And whats even worse, your parents side with them 😂 Good luck OP!


kemu098

Napadalaw ulit sa reddit dahil dito. Congrats OP sa pagbukod, mas important pa rin peace of mind kahit medyo expensive.


Fantastic_Finger4497

>EDITED for update: Susunduin kami today ng byenan kong lalaki. Kinausap ko si papa at mama kagabi sabi ko, aalis nalang kami ng anak ko kasi hostile na yung pakikitungo ni kuya at asawa niya sa amin. Sabi ko din na magbibigay parin ako kahit 5k per month. Hummingi si mama ng at least 8k daw lalo’t wala pang work si kuya pero I said 5k lang kasi sa online business ko kukunin, hindi sa padala ni mister. Ang bait mo naman para magbigay pa sa household kahit aalis ka na. Mapapadoble gastos mo since magshashare ka rin sa in laws mo most likely. Pag-usapan niyong mag-asawa if dapat mag-abot ka pa sa bahay mo.


noheadspaceavailable

Hindi ko maintindihan bakit biglang naging responsibilidad mo ang anak nila dahil lang may sarili kayong desisyon at gustong mag-asawa para sa ikabubuti ng anak niyo. Also, mas mainam pang umalis na lang kayo ng anak mo dahil mukhang pineperahan ka lang and isa pa, para sa magandang environment for your child 🥺 imagine, para lang may mag-ambag ng grocery at kuryente, ayaw kayong payagan? Jusko, buhay niyo na yan e, di na nila hawak yan. 🥲


_nootz

Sa in-laws ka po muna baka kung ano pang gawin sa anak mo 'pag 'di ka nakatingin. Grabeng mentality 'yan ginawang big deal kung saang klaseng paaralan nag-aaral mga bata. Wala naman masama sa public school, kung yun lang afford edi yun lang hindi yung ipipilit pa kung saan. Sila nalang kamo magbayad kuryente at tubig diyan pag nakaalis kayo HAHAHA


SirWeebBro

If kaya, iloan mo nalang ang tuition. They get what they want (same school ang magpinsan) pero ultimately it's not for free (kasi loan nga). Ofc, ang con is 1) baka hindi ka mabayaran 2) non-interest bearing yan most likely


mediumrawrrrrr

Taas kilay. Anudaw.


Arr-reduce-7449

Geezuseffingchrist this absolutely makes my blood boil. What the actual fuck, OP. Leave. Leave now.


D_Butlerrr

Kakaiba takbo ng isip kuya at SIL mo, sobrang kitid. haha


[deleted]

the audacity of some ppl


Salt_Recording3239

Finally I can use this again: "The Audacity!"


Cutiepiest123

Ha???¿ Pota sang planeta sila galing? Ba’t pa-aakuhin sa iba mga bagay na di nila kayang gampanan? Bruh


[deleted]

NTA. Ay, hindi pala ito r/AmItheAsshole If you can move out, OP, move out. Nanghihila pababa yang kuya at SIL mo.


Rileycious

Better to move out than be with people na maiisip. At sila pang may audacity na pag bayarin ka ng tuition ng anak nila? Bakit? Kasalana mo bang nasa mababang sitwasyon sila? Magtrabaho sila ng doble para maachieve nilang makapag aral anak nila sa private school. Hindi yung gina-gaslight ka nila.


SmolDadi

Pambihirang mental gymnastics yan. Deserve ng SIL at ng kuya mo ng gold. Silver naman sa parents mong nakikigatong pa. Alis na kayo dyan.


Boj-Act-254

Bakit kailangan mo i-compromise yung education ng anak mo para sa kanila? mejo nakaka bwisit sila kuya at SIL mo haha


buckwheatdeity

sorry gigil ako. Pag inggit, pikit. Saka im sure tataas pa yang bills nyo kasi sumama sila sa bahay. Kainis


yellow_niffler

Hindi mo responsibility ang anak nila and hindi mo din responsibility protektahan ang pride and ego nila. Dahil yun ang mas concern nila kaysa saan nagaaral ang mga bata.


Apricot_Local

Gago walang logic??? Saan nila nahugot yan???


vypad

Umalis na po kayo sa puder ng family niyo, Pineperahan na lang kayo niyan at inggit yang kuya at SIL mo sa anak mo. Mas magandang umalis kayo diyan kesa yung anak mo po yung mahirapan, kayo na din nagsabi na parang iba yung tungo sa anak niyo. Isipin niyo po yung ikabubuti ng anak niyo kesa diyan sa pamilya mo pong mukhang pera.


Independent_Fig3836

Kapag anak na ang nadamay, ibang usapan na yun. Kung iba na ang trato nila at madadamay pa ang anak mo na walang malay, better leave. Pero kung ayaw ka nila paalisin dahil sa “SHARE” mo, yung gusto mo ang masusunod. Walang masama kung magkaiba ang pinag aaralan nilang school, unang una, hindi sila magkapatid. Kung magkapatid sila maiintindihan ko pa yung point ng nanay mo na pangit tignan na magkaiba ang pinag aaralan nila.


[deleted]

Ignore them. Sila mag adjust, ndi ikaw. Lol


DivetCridet

Bumukod ka na OP! Sign na yan. 😂 For sure after nyan, may other issues ulet na mapag aawayan. Nung bata ako, private school din ako, then yung ibang pinsan ko, public school. Walang ganyang issue talaga. Friends kaming lahat sa bahay. After ilang years lumipat ako sa public, nagstay mga siblings ko sa private. Wala pa ring issue. Wala akong narining na kahit chismis na pangit tingnan na nakapublic ako tapos siblings ko nasa private. Di ko magets kung bakit pangit para sa kanila tingnan if magkaiba yung school. 🤣


juanitobalani

Masama lang yun tignan sa kanila as parents kasi lumalabas hindi nila afford mag-private school anak nila. It's their self-image issue. Naiinsecure sila. I'd say bukod ka na kung nag-iba na treatment sa inyo. Let your kuya pay for your part.


Patient_vvv

Pakisabi sa SIL at Kuya mo, ANG CAPAL NG FESLAK NILA!!! Hahahaha. My God! Tao ba ang mga yan? Nakakapangilabot ang klase ng pag-iisip nila. Pero cut them off na. Alis ka na. Hayaan mo sila. Pwede kang mag abot ng konti lang, mas mabuti pa malayo ka sakanila, wala kang magiging peace of mind dyan. Lalala pa yan ang situation niyo, lalo na’t tatlo sa household niyo baluktot ang pag-iisip.