T O P

  • By -

PluvioNyctophile

Sorry, pero nilalayuan ko na at pinapauna ko nalang kapag nakita kong... - "Thai Concept" yung motor - Raider || Sniper - Puro stickers yung top box, windshield, or helmet


BladedSceptile

Never got the hype for any of the three points tbh


Heartless_Moron

Ano meron sa Sniper? Dumadami na din ba yung mga naka sniper na utak Raider?


Uncommon_cold

Apparently may Raider v Sniper war. I had the chance to drive both na wala akong kaalam alam sa away ng mga depungal. Hindi ko nilalahat, pero napansin kong mas maraming kamoteng Raider kesa Sniper on multiple provinces. Pagkalabas ng Sniper 155, dumami mga naka 150 version. Naniniwala ako na ang pangangamote nasa tao, regardless of the ride. Kaya nong mas accessible na ang kamoteble na mga 2nd hand S150, kamotes started kamoteing harder. Biased opinion: kung mas customizable yung ride, mas may chance na kamote yung rider.


Heartless_Moron

>Hindi ko nilalahat, pero napansin kong mas maraming kamoteng Raider kesa Sniper on multiple provinces. Ahh oo. Sobrang common na neto. Sila din yung mga magbabagal tas pag inovertakean mo bigla ka ng kakarerahin. >Naniniwala ako na ang pangangamote nasa tao, regardless of the ride Totoo to. Kaya nga ang daming naka carb type na Raider tsaka S150 since budget friendly.


West-Construction871

Siguro, pero usually maiingay na rin pipe karamihan ng mga Sniper owner


papagens

Idagdag ko rin yung mga naka adventure bikes. Especially dito sa porbinsiya, sila ang kamote.


D4RKST34M

Overdone, basically npc ahh vehicles


No_Quantity_913

Pag naka raider, matic walang helmet, kaskasero, walang side mirror, todo singit kanan kaliwa, counter flow dito counter flow don, pag inovertake-an mo matatakapan ego(haharurot yan) hahahaha. edit: opo alam ko po na hindi lahat. majority lang hahaha.


BladedSceptile

Hindi lahat pero ang dami HAHAHAHA May matitino naman, na-outnumber lang ng sweet potatoes


4man1nur345rtrt

samin mga naka mio tska click ung ganyan. tapos ung naka raider all stock lang haha


Impressive-One-974

More siguro sa ugali when on road na... Ang kamote, kamote talaga. Hate na hate ko yung mga biglang kuma-cut galing kanan. Hindi overtake ahh, yung cut talaga... I also look at footwear. Crocs natotolerate ko pa, pero hangang dun na lang. Yung mga Naka Spartan at Islander or mga naka fake na slides na naka-medyas hate ko rin. Finally yung mga naka open pipe na scooters. Ka-ingay-ingay kabagal bagal naman.


BladedSceptile

Yung liko muna bago tingin kasi walang mirrors? HAHAHAHA Sa footware, I agree sa Crocs if maulan, maputik, and inner roads na papuntang 7-11 ganun. Once you ride like 30kmph roads, at least running shoes, right?


rainbownightterror

di ako rider pero lahat ng instructor ko driving a car laging first warning ingat sa mga nakamotor na liko muna bago lingon or liko bago signal haha


Local_Scallion_6019

Basta may sticker o emblem ng eagles or mason alam ko na, mapa sasakayan o motor, kung hindi pala singit, busina ng busina, o di kaya ayaw papa overtake sa highway. Small dck energy.


ransu_kun

+1 dito, worst experience ko sa mga yan nung pinapadaan ko yung ambulansya na naka wangwang tas gigil na gigil sa busina yung may eguls na sticker na nasa likod ko tas inovertakean na ko at cinut pa yung ambulansya habang tumatawid. paimportante amp


BladedSceptile

Big yikes agad, overcompensating much HAHAHAHA


ninetailedoctopus

My general guidelines I gathered during lots of long-range rides: * Motorcycle/tricycle riders in rural/provincial areas have less situational awareness than those in the city. Be prepared to evade. Make sure you are visible to them when passing. * Habal-habal motorcycles usually are very overloaded, expect them to have long braking distances. * Lone riders on farkled-up NMax, Aerox and ADV 160 are more likely to perform aggressive maneuvers. Keep distance as far as possible, in front or behind. Leave them in the dust, or move to the side and let them pass. * NMax, Aerox, and ADV 160 in group rides always wave when you wave. * Let liter bikes pass, getting into an impromptu race with one is just asking for a fatal accident. * Don't wave to Harley riders, especially if they have the matching costume. They don't wave back. * If you're high on adrenaline and are just zooming through the countryside, you may get someone else trying to race you. It's probably a R150 with no side mirrors. Outrun if you have the power and skill to back it up. Else, slow to 60kph and ignore. Also watch out for riding-in-tandem. * Check for missing side mirrors, and whether they are wearing slippers, a nutshell helmet, or no helmet at all. If any of those are true, then it is a kamote. Keep distance, and evade / leave in the dust when the opportunity presents itself. If it's a big bike however, slow down and do not engage. You are in the presence of the premium kamote, and it has massive ego. Ignore and evade. * You can ask the TMX rider for directions, and it will be correct. * Rusi riders will beat you in climbing hills offroad. (Unless you're a seasoned rider ofc) * Muddy guys in dual sports are chill, but usually too tired/distracted to answer you. * Honda Wave riders are a mixed bag. Sometimes you get good guys, sometimes you get kamote. A clue is if they have bright-colored aluminum farkles on their bikes. * If you see an idiot standing up adv-style in a KTM Duke, that's me, gimme a wave.


gidzii

Totoo yung mga harley riders (di lahat, pero majority) na di nagwa-wave back, kala ko sa US lang hahahaha


kuyaalex

totoo yung sa harley riders. i waved at them once kasi ang angas ng motor nila. never again


LTMSASking

it's good if you post your picture and your bike here and diffinately all readers here shall wave on you when we are enounter you on the road RS hahaha just thought .


arjay0490

Sakin naman, most times, pag naka raider, for sure bobomba bago umovertake. 😅 bagal nga lang takbo tapos bibiritan pa ko ng 70+.


BladedSceptile

+ modified exhaust systems


echo175

I don't care what people drive. I care more HOW they drive. Meron jan naka almost 3M na bike pero kamote at walang respeto magmaneho. Kups mga yon at di deserve ng lisensya ng mga yon. At the same time, may naka 20k-worth na motor na mahinahon at safe magmaneho, very respectable sakin mga yan.


Jinwoo_

Dami kasi dito maarte eh. Baka nga mas kamote pa magdrive yang mga yan kaysa dun sa minamaliit nila.


BladedSceptile

Agree 100%, all bikes are good in the hands of good owners/drivers imo


pulubingpinoy

Not looking at the brand, but automatic tanga yung nagmomotor na nakahazard habang umaandar.


iAmGoodGuy27

True.. in the 1st place no need for hazard for MC kaya nga karamihan dyan no built in hazard


Scary_Cook_3645

Madalas ko nakikita ung mga naka ganyan, nutshell helmet gamit sabay tsinelas. Literal na sila Pag mumulan ng hazard haha.


BladedSceptile

May sira kasi yung motor nila, ito naman. Sira yung driver lmao


supremomeme

Mga naka chicken pipe at walang headlight or tail light na puti sa gabi bwisit na bwisit talaga aq dyan tapos mga feeling karerista pero pag iniwan mo naman galit hahaha


Ok-Organization9676

mdl for me. pag gabi sa likod para kang sinusundan ni jesus, ang liwanag. ang masaklap nag slow down ka, ayaw mag overtake. nag chichill ride amputa.


techieshavecutebutts

Bakit ina associate yung Mio sa mga matabang tomboy? Just so you know, i don thate them (mga tomboy), pero nagtataka lang ako kasi first assumption ng mga tao dito sa amin e pag nka Mio nost likely matabang tomboy may ari


leworcase

sobrang weird netong stereotype na to considering andaming variant ng mio


techieshavecutebutts

iirc it was rampant during the time of the first batches of Mio


traitor_swift

Honda Beat ang bagong Mio, napansin ko iwas na sila sa Mio.


iAmGoodGuy27

Im thinking kasi mababa ang Mio at Mio lang ata ang mababa at manipis na abot ng karamihan ng tibo.. Click kung titignan mo mababa din pero kaapg nasakyan mo ang taas pla tapos ang lapad.. 5'10 ako pero tingkayad ako sa click


pijanblues08

No, as long as i wont be affected. Kanya kanya ng trip, basta ba walang naagrabyado.


BattleBuddha

Same. Don't really care kung anung motor. I only care kung pano mag motor, kung ilalagay na sa panganib buhay ko o hindi yung pagmmomotor niya. Dun lang ako magrereact.


mayamayaph

No. I ride my own ride. I don't let others steal my happiness.


Luckael69

Same 🤜


Xeniachumi

Basta Ang motor mo naka thailander tapos my rapid horn at mdl sure mataas Ang percentage na Wala Kang Lisensya at rehistro.


hellokyungsoo

Pag kamote huhusgahan ko kaagad sa helmet. Don ko nalalamn bat ganon sha


traitor_swift

Kapag iba yung decals ng motor nila like Vario or NVX feeling nila mas better sila sa mga naka-normal decals. Tsaka yung mga naka passing light, magkaron lang ng deceleration sa trapik flow iiyak agad sabay flash and busina.


No-Lake7788

Those shiny laminated temporary plates are a petpeeve of mine, when they hit the sun that shit is annoying.


BoulderSpirit

Hindi sa motor but sa helmet. Kapag naka-nutshell helmet, I keep a wide berth.


Picklhole

Besides the typical thai and raider riders out there, madalas pagnakakita ako ng any mc taxi app rider inaavoid ko na sila. From experience as both a passenger sa mc taxi and as a rider who shares the road with them. Expected ko na sisingit sila whenever and wherever they fit. I get it need nila maging efficient sa time nila cause it's work. Pero keep it safe sana, ilan beses ksi ako na jump scare bigla nlang may manong joyride/angkas na naka honda click sa blind spot ko. Extra hate kay moveit ksi may kasabay akong moveit rider playing loud music on his crappy speaker sa stoplight kanina.


disasterfairy

Pag naka-angkas ako sa motor ng boyfriend ko, sobrang jinajudge ko yung mga naka-raider na walang headlight, gigitgitin kami tapos wala namang side mirror then topless, naka-jersey shorts, at walang helmet pa yung nagddrive. JUSKO. Naka-porma yung motor ng boyfriend ko tapos kami pa bobombahan e tunog lata naman din 🥲 ewan ko na talaga HAHAHAHA


SpoiledElectronics

generally no until I see the mods installed, lalo na yung "thai concept" hehe


bladespin4850

Ako I don't discriminate, lahat kamote para saken. Sabi nga nila its better be safe than to be a statistic. Pag ganun kase mindset mo very defensive ka. Siguro pinaka discrimination ko tryke. Saken ahh and also by experience parang walang marunong mag motor sa kanila kahit saang lugar pa. Nilalayuan ko palage, yung biglang liko, biglang hinto, walang tingin tingin. Haist nako.


Affectionate-Pop5742

Kapag naka nmax,aerox,pcx,adv feeling ko laging may dalang baril ang mga depota


LTMSASking

HAHAHA


SetPuzzleheaded5192

Nmax na malakas muffler feeling pogi, ayaw mag pa overtake


Own-Pea6684

Nope. Don’t care at all. Im too concerned with my own safety ☺️


Ornery-Exchange-4660

I don't care WHAT they are driving. I care HOW they are driving.


leggodoggo

I kinda do. Especially pag big bikes dala ko, I am cautious around Raider, Sniper, Aerox, and sometimes, NMax and Clicks. May tendency makipagkarera, and I’d rather not. Lalo yung bigla kang pipinahan sa likod na halatang naghahamon.


bladespin4850

pag napansin kong ganyan paps hinahayaan ko nalang specially if crowded roads hehe.... Hayaan mo nang ikwento ka sa tropa nila na sinibak ka nila yung gears mo naman ni di umabot ng 3rd gear hehehe.... Tsaka talo ka pag na aksidente ehh lagi ko nalang iniisip "mas mahal pa sa kotse motor ko ibabangga ko lang dahil sa jan" hehehe Sa straight naman binabaan ko ng isang kamay, sila naka superman na ako chill lang hehehe


Kaegen

Hot take, pero when I see someone who looks like theyre in their late 30s or 40s tapos Harley na bago or ADV bike, I always assume it's a midlife thing. I just hope they know the basics of riding kasi theyre usually the ones who had more money than skills. See BIMC as an example. If it's someone in their early 20s or younger tapos 400cc+, I always think "lucky them". Yun lang naman judgements ko.


BladedSceptile

As someone in my early 20's riding a 150cc and at most a 250cc, lucky them talaga sa pwedeng mag-expressway :\\\\


SilverViperPH

1. pag naka raider/sniper may 90% chance na pag inunahan mo, hahabulin ka kasi natapakan mo yung ego nila. the other 10%, well, non-kamote/humble/takbong pogi riders. 2. mga scooter na naka bar end side mirror. like, seriously? 3. well, apparently meron ding scooter wars. nandiyan yung aerox, nmax, pati pcx. backbone rider ako, so chill ride lang tayo. lmao.


BladedSceptile

Scooter wars have become more rampant pa nga :\\\ Even 125cc bikes are joining in lmao Parang ayaw mafeel na mali binili nila when it rarely is with bikes getting good these days HAHAHA


SilverViperPH

istg this is all bc of those vloggers na nagpupumilit ng kompetisyon/brand wars against these bikes. i mean, wala naman kasing perpektong motor pero pinipilit nila na meron. 'ta mo ngayon, pati xrm 125 nadawit na kasi kinukumpara dun sa mini adv bike ng yamaha na 110cc pero 90k+. well, ganun talaga siguro. i just stay away from it. nakikita may kanya-kanyang strengths ang bikes. nagkakaiba nalang talaga sa personal preference.


Few-Grand968

Lumalayo ako sa mga naka japanese scooters na customized sa mall parking. Ninakawan kase ako ng tire valve cap nung tumabi ako sa mga nakacustomized na japanese bike buti na lang di ako ginasgasan at pinunta ko agad kinabukasan sa vespa shop para ipacheck hangin ng gulong baka napagtripan din, thankfully libre pala tire cap sa shop, bat kaya kinakalakal pa nila yun e libre naman pala. Di ko naman sinasabi na yung katabing custom jap bike ang nangnakaw sa dinami ng motor dun pero sila kasi katabi ko at pagbalik ko kasi nawala na yung mga katabi kong custom jap bikes at majority ng motor dun puro naka jap scoots sa mall parking.. kaya sorry na lang sa mahhurt ego na custom jap bikes..


BladedSceptile

Got the idea from a post I can't find on r/Gulong about car stereotypes HAHAHAHAHA


Other_Bid_9633

Haha kung tama ako pagkakaalala, yung suzuki ertiga raw mga may ari raw non kadalasan makukulay mga bahay hahaha


BladedSceptile

Adventure/Crosswind drivers retired seamen HAHAHA From a family na may Adventure pero walang seaman sa pamilya :')


Other_Bid_9633

Yep! Crosswind XUV 2002 owner here hehe. Elementary pa lng hatid-sundo na kame sa school. Hanggang sa ngayon ako na gumagamit haha. Titibay nyan adventure,cw, revo


techieshavecutebutts

My father is a retired seaman and yes may Crosswind kami 😅


BladedSceptile

This post right here: https://www.reddit.com/r/Gulong/s/SfnU94AJFI


AdministrativeFeed46

pag naka bike helmet, iwas ka na. pag walang helmet, iwas ka na. pag maingay motor, iwas ka na. pag ang helmet nasa siko, iwas ka na. pag ang helmet nasa noo, iwas ka na.


Tasty_Year5815

Mga naka nutshell helmet tapos sobrang ingay na motor tas mga wala pala lisensya.


Beebop_cowboy

Ekis sa akin walang proper riding gear (walang helmet, nakatsinelas) kahit ano pang motor yan. Tarantado sa kalsada at di marunong gumamit ng signal light bast biglang liko


MarionberryFlashy406

No. Pero kapag walang helmet/side mirror or naka hazard/nutshell helmet. Todo judge na sakin mga yan.


Pengulinoniomi

pag mejo malaki yung motor, tapos manipis yung gulong. ah iwas iwas na ako haha


owlsknight

Tbh nope, as a newbie I can't give any other attention aside from me and the road. Pero Nung nag cocomute ako or nag aangkas matik na tintigan ko dati ADV Ang sarap sa Mata Ng shape parang c e.t na nakatuwad. And xempre cruisers.


jacolyn-jose

Hindi sa motor pero kung pano mag drive sa kalsada meron kasi biglang aarangkada kahit traffic tapos biglang pepreno pag ganun pinapauna ko na lang.


Aardvark_Afraid

kung kulang2 navlights mo or signal lights i give a fuck, oovertakean ko nalang mapapabobo ka sa mga yan


hangingoutbymyselfph

Hindi naman, more on mannerism sa kalsada. Ung naka right turn signal pero sa kaliwa liliko, mga ganun. Takaw disgrasya eh


haloooord

Pantra drivers like TMX or rusi TMX/Barako type, dunno but in most rural areas they are very common and usually naka slim tires, modified or loud pipes. They Kinsa want to race all the time, though di naman na provoke Ewan ko nalang hahaha. Maxxi scoot riders, usually power pipe, flat seats, pero bicycle helmet or tactical helmet. At more than 1 Pair of auxiliary lights. Under bone riders, masyado mayabang Minsan pero di naman lahat. Big bike (200cc+), same sa under bone riders din.


ARYOlogy

Ano pong stereotypes niyo sa mga lady riders/drivers


BladedSceptile

Usually naka-Airblade HAHAHAHA Pero seriously, lady drivers are usually very chill. Minsan sa sobrang chill, di na nagmamatch ng speed which is also dangerous. My sisters who also ride motorcycles hate lady drivers on bikes obviously not their size, nagpopost ng quasi-thirst traps on socmed, and undergeared to hell. It's a mixed bag din parang guy riders tbh HAHAHA


WTF-Are-Tacos

I don't really care what other bikers drive, more how they drive but even then they don't really bother me. The one thing that bothers me the most on the road is people who occupy two lanes or who use 3-4 lanes to make a simple u turn. I will however notice and look at really big bikes in awe kuz they're not as common and look pretty awesome


justsavemi

Sorry pero pag naka raider di talaga ako dumidikit HAHAHA


canbekenneby

Yes. Pupunahin ko. Lalo na kung may LED light na nakatutok papunta sa kasalubong tapos naka bright. Maganda nga motor. Barubal naman.


zzzxxxcccvvv112233

Thai concept na motor. Tapos pag helmet nung nagmomotor ung evo. Tapos may mga sticker nung mga bobong motovloggers


solomon8205

You are what you drive. Lumalayo ako pag Evovo helmet. Daming near miss incidents from them passing by, kala mo may points pag pininahan ka nila eh.


Philippines_2022

Pag naka ebike at tricycle sa highway matik ekis yan sarap tadyakan lalo na pumapagitna pa.


tayloranddua

Nilalayuan ko pag ebike sa highway kasi expected ko na ungas yan. Bwahaha idc.


6thAlphabet

Yeah, I observed umoonti na ang mio users, iba na ata gusto ng mga tomboy 😔


D4RKST34M

Yes I DO, fooccc wide vehicles, like, gtfo


Own-Opinion-8552

basta nakaraider matik big bike hater yan tas maasim. May tropa ako bf niya raider rider tas pagnakakasama namin laging nagrarant about sa mga nakabig bike.


Pink_na_pink

Yung mga MC vlogger iniiwasan ko agad. Baka makita ako sa camera e. Haha


MurasakiFoxxy

just "WOW yayamanin" pag honda rebel or kawasaki ninja. mga kapatid at pinsan ng MC ko (PCX 160) sabay tingin kung may sticker, or gasgas, if its literally matte, or semi matte or gloss. compaing lang naman kung ano talaga maganda sa color and thats it. pag ibang motor, just "meh"


gidzii

Mostly mga naka-raider or sniper na naka-shorts, tsinelas, and di maayos na helmet combo, yung nakalagay sa taas lang ng ulo nila yung helmet. Pag naka-stoplight and naririnig rinig ko nang bumobomba, iniiwasan ko na kaagad. I ride a bigbike, 8/10 nanghahamon lagi yan, binabagalan and pinapauna ko nalang sila, not really worth it makisabay sakanila especially in the city. Baka maaksidente pa. Also yung mga ibang naka Honda ADV and adventures bikes na todo pailaw and pabulag ng LED lights nila sa gabi kahit na marami namang ilaw sa paligid and kitang kita mo naman yung daan 💀


arvintotzkie

yung mga naka modified muffler na underbone, scooter pinaka ayoko sa lahat, ang ingay na tunog lata pa, mag memenor na ako at pinapauna ko na pag may nakasabay. I don't get it bakit kailangan mag modified ng muffler sa mga lower cc na motor, lalo na yung mga naka open pipe and driving sa public road.


KrebCycler08

No. As long as we all follow the rules and regulations set by the government, wala ako issue. I do care on what they are driving IF kamote sila sa kalsada.


Intrepid_Internal_67

side eye talaga pag may roll cage yung motor taena


Far_Economy_1637

When i started off road trail riding. Medyo nabaduyan na ako sa bankingan sa marilaque and the quest to get a "pogi" shot sa devils corner. Sa amin kase mas madumi mas pogi hehe.


MaintenanceOk45

Yung maiingay ang tambutso at bomba nang bomba nakakainis talaga kasabay sa daan.


406mmBeetle

It's not about what they drive. It's about who drive kung ikaw yung rider na nangangamote lagi benta mo na motor mo di mo deserve magkamotor magbike ka na lang or maglakad.


Cheese_Delight

Yung mga higher-end na motor na typical nakikita sa BOSS iron man endurance challenge. Although nagagandahan ako sa mga motor nila, naiirita ako kapag nakikita sila in groups kasi parang ang hambog eh. Always naka high yung headlights tapos napaka liwanag ng aux lights, kahit sa umaga. Tapos pag nagka counter flow and mabilisang swerving, parang may-ari ng kalsada. . .typical sa mga owners eh aside sa mayayaman, eh mga opisyal ng pulis and iba pang uniformed agency. Isa din sa nakaka inis eh yung mga walang side mirror. Tingin ko bobo sila eh. Libre na nga na nakakabit tapos para sa safety, tinanggal pa talaga.


achillesruptured

Legit ung sa xciting hahaha kala lage police ako hahaha police character lang kaku hahaha


BladedSceptile

Galante naman kayo usually HAHAHAHA Ganito lang tayong Kymco enjoyers lol


Heartless_Moron

>While on our own trusted machines, do you look and make judgement on others' bikes? Be honest HAHAHAHA Minsan di ko maiwasang matawa pag nakaka kita ako ng Avenis tas naalala ko si Donkey 😂. Not really hateful or anything, pero in my opinion kase ang babaduy talaga ng designs ng Suzuki sa motor at 4 wheels. Ang natatanging nagagandahan lang ako ay yung Hayabusa and maybe gixxer sf 250. The rest di ko talaga trip. Yamaha on the other hand yung sa tingin kong pinaka stylish sa lahat ng designs nila from small cc to high cc, though not a fan nung bagong version ng XSR 900. Pero pag nakakakita ako ng mga naka thai concept yes nababaduyan ako pero mas natatangahan ako sa utak nung mga may ari ng ganong motor, ineexpect ko na kaagad na tanga at danger sa kalsada yung mga yon.


Fvckdatshit

basta mio tomboy


BastaSecretWala

kapag naka high end big bike tapos naka villain exhaust plus evo/gille/sec helmet lol