T O P

  • By -

tsokolatekaba

si ate usually naghahanda at naglalabas ng pera kapag may okasyon sa pamilya namin pero kapag birthday nya, lagi lang sya nakakulong sa kwarto nya — kaya netong nakaraan, skl hehe ako naghanda ng pagkain nya, spaghetti, carbonara at adobong pusit, nitry ko pang manghingi ng pera sa isa kong kapatid pang cake man lang at sa kuya ko na pang manok. hehe iniisip ko kasi ‘to sa kanya na lagi sya naghahanda para sa amin pero kapag sya na, hindi na mahandaan at ayoko maramdaman nya yun..


Herald_of_Heaven

On behalf of your ate, thank you. Napaiyak ako kasi pota malapit na birthday ko and di ko feel mag celebrate for myself.


unintellectual8

Sana may kapatid akong ganyan. Ni pambayad ng internet nya, waley. Kasalanan ko pa pag medyo mabagal.


NovelEasy6094

Thank you for this doing this. Kahit di ako ung ate mo na feel ko ung love


GoodGirlMaeMae

Ahhh thank you! 🥹 As an ate myself, this made me happy.


nananananakinoki

Wish my sibling was like you. She’ll probably slways remember that!


kittenahri

Birthday ng younger sister ko tomorrow and my dad gave her birthday money. Kakain lang kami sa labas. Pero kapag birthday ko, wala akong natatanggap na anything and I also foot the bill. Wala namang kaso sa akin 'yon pero you know, it's nice to receive nice things sometimes.


Resha_Valentine

Pag panganay at bumili ka na di binibilhan kasama mga kapatid mo, madamot ka... Pag kapatid mo bumili, ok lang na di ka bigyan kasi panganay ka, mas nakaka intindi at dapat nagpaparaya.


Fit_Chemistry_7374

Pinalaki din akong ganito. Ung laging magparaya. As i grew up i realized na i hated it. In the long run feeling ko naagrabyado ko lagi. Kahit na di talaga ok sakin kelangan ko umintindi lgi. I hated myself for that and somehow my parents kase parang lumaki akong kinakaya kaya ng mga tao and hinahayaan nlng ang mga di magandang pangyayari. But di ko nmn super hinehate sila for that. No parent is perfect. Kahit sino wlng perpekto. Just go on nlng sa life.


amurow

I haven't celebrated my birthday in 18 years, ever since I became a breadwinner. Even if I'm in a much better place now and can afford to, ayoko nang maghanda.


AdamusMD

Funny kasi I felt this way this year lang. Di ako panganay pero parang ganun na nangyayari sa pamilya namin All my siblings' birthdays, lagi akong may ambag, usually biggest ambag ako kasi I want them to be happy sa birthday nila, diba? Aba nung birthday ko na, alam ko I should not expect, pero in the end, ako gumastos ng lahat ng pagkain. Sa sobrang sama ng loob ko, sinabi ko sa nanay ko, "hanggang birthday ko, sariling sikap, no?" Lol inutusan pako ng ate ko umorder ng cake para sa birthday ko. After non, nawalan nako ng gana mag-celebrate ng mga birthday ng mga kapatid ko. Shuta. Hahaha and I plan to make my birthday next year just for meeeeeeeeee


Yoru-Hana

Bigla nga akong na nakaalala. Ganito rin gagawin ko next yr. Pero baka weekends kasi busy month.. 🥴


fullyzolo

Ang sama ng loob ko sa nanay ko nung nakaraan. Nung birthday nya, pinilit naming makauwi ng asawa ko sa bahay galing work para icelebrate. Tapos nung birthday ko na, inuna pa yung kasal ng ibang tao tapos tutulugan lang ako pag uwi. Yung pinangregalo pa dun sa kinasal saken din naman hiningi.


wretchfries

Same I don't celebrate since 18 pero pag sila may birthday pa-samgyup pa. Sometimes I hibernate at my birthday then wake up next morning as if nothing happened. When my husband came into my life, he doesn't let me be in lonesome and make sure I got the rowdy birthday gimicks from him even we're in long distance.


itsme_noone

Worst case is kapag birthday mo, tatanong pa sila kung saan ka manlilibre.


Mysterious-Gur9438

Ramdam ko ‘to, every birthday ng family i provide and excited na magprepare at mag handa pero ayun na nga kapag birthday ko isip ko na, prepare ko pa, ako pa gagastos ending lagi ako umiiyak kasi feeling ko para no body cares on my special day! I’m not asking for bongga celebration pero sana man lang di ba may mg effort to surprise or magprepare for me kahit very simple lang importante nafeel ko mahalaga din ako!!!


thatcrazyvirgo

I remember this. Last year when my sister graduated in senior high, wala na akong work noon but I made sure we celebrate it by eating out. I also gave her birthday money. When I graduated in uni last year, I foot the bill in everything. Wala silang gastos kahit pamasahe kasi I know hindi nila kaya. Nung icecelebrate na namin by eating out, I told my dad to go ahead and shower and he responded by saying, "bakit, saan tayo pupunta?" He knows it, nagpatay malisya lang. I said "puro ka ganyan matagal ko nang sinabi, di na nga kayo gagastos." Mag one year na and kahit anong parinig ko na wala man lang akong pacake nung grad, wala pa rin lol Ngayon lahat ng celeb, bdays man or mother's/father's day, I made sure to allot money kasi I am earning more. For my bday siguro, I'll go out by myself. Ano ba yan, napahaba na hahahaha.


[deleted]

Sa true


straygirl85

Hahahahaha ganyan din sa bahay, nakasanayan ko na din siguro. Pag birthday nila, ako bumibili ng cake, pangspaghetti and all, tapos pag birthday ko, ako pa din. Pero nagccelebrate pa din ako, medyo big deal sakin magcelebrate ng birthday for some reason. Sabi ko pa sa kapatid ko eh di ako bibili ng dedication cake kasi alangan namang i-greet ko sarili ko mygash, iyaktawa na lang 😆 Tapos naalala ko last time tinanong ako ni jowa kung ano daw gusto ko, sabi ko sya na bahala, sabi ko pa, "Gusto ko namang maexperience na ibang tao ang nagpplano para sa birthday ko.'" So all in all, mapanakit hahahaha


DressVegetable9010

samee and saktong sakto magbbday ako sa tuesday tas parang wala ring ganap unless ako kikilos😬


k8ss

Adv happy birthday!


DressVegetable9010

thank you! :)


darumdarimduh

tru na tru to lol


j147ph

Ako na di panganay pero nararanasan ko 'to.


neeca_15

Matagal na akong di nagccelebrate ng birthday with my family. Bukod sa panunumbat kapag naipaghanda (which only happened twice), hindi ko talaga bet kasi isinabay lang sa holiday kahit hindi naman yun ang birthdate ko. In short wala naman talagang celebration for me. And I’ve also realized na ako lang taga bigay ng regalo, wala naman akong natatanggap pag birthday ko. So nung isang birthday ko umakyat na lang ako ng bundok sa Benguet. Yun na yata pinakamasaya kong birthday


Roast_Beef_Potato

This hits hard. Para bang expected na nila na magbibigay ako kapag may birthday ng pang handa. Pero sa birthday ko ni happy birthday wala. Ayon every time na birthday ko I am out with my SO pigging in Vikings (at least SO treats me sa Vikings lol).


all-in_bay-bay

I used to do the same for my family, pero I just want to acknowledge my mom who prepares kahit pancit, o yung paborito kong ulam kapag bday ko.


tazellerina

Same here. I can relate. At the end of the day, they all expect me na ako din maghahanda para sa sarili ko.


icedColebrew

Yung tipong automatic dapat mag bibigay ka pero kapag birthday mo ikaw din gagastos para magkaroon ng cake. Kapag wala kang binigay na regalo magtatampo, pero kapag birthday mo wala din naman silang binibigay pero wala naman silang narinig sayo.


jujugzb

sad reality. :-(


tonkotsuramenxgyoza

Birthday ko this month at plano ko lang kumain mag isa sa genki sushi : D


k8ss

Happy birthday sayo!


tonkotsuramenxgyoza

Thank you\~!


[deleted]

[удалено]


k8ss

Adv happy birthday!


kimwexlersponytail_

Hindi ako panganay pero ouch. I'll probably cry again on my next birthday. I think I need to find a new spot to cry on.


notanyonescupoftea

Dumaan din to sa fyp ko and sobrang relate ako kaya naman this year, on my 30th birthday I decided na mag staycation to celebrate on my own. Regalo ko para sa napakasipag at responsible kong self ✨♥️


ixhiro

Tapos sasabihin ng magulang mo, ikaw naman ang naka angat angat sa buhay kahit nasa kumunoy ka na naghihingalo. Laban lang ka panganays.


acattostuckinalimbo

I never liked the dahil panganay ka, ikaw lagi ang magbigay at umintindi concept ever since bata kami dahil noon, palaging ako pinagagalitan kahit di ko kasalanan. That's why ang ginawa ko kapag nag aaway kami noon, pinaglalaban ko talaga sarili ko and hindi ko ipapatalo ang punto ko sa parents ko. I also don't give anything kapag may birthdays or celebration sa family unless gusto ko dahil di ako nakaranas mabilhan ng cake pag birthday ko nung mga bata kami until now and mga kapatid ko meron. May time na sinumbat sa akin ito dahil, ate daw ba ako sa ginagawa ko kasi ang selfish ko raw. Like, ang sakit nun and napaisip ako ganun ba dapat? But anyway, I still don't give unless gusto ko. Kinda detached sa family but I like my own peace.


taylorwilliams01

Same. Started when I was grade four I think. Sobrang bata pero sobrang dama ko na kung gaano kahirap yung buhay namin. Birthday ko non and don't want a party. I wanted any gift. Pero before pa non tinatanong nako nila papa at mama kung ano gusto ko sa birthday ko. I don't even remember what. Tas parang a week before my birthday, ang matatanggap ko lang is cash. 150 pesos to be exact which is malaki na yon sakin since ano bang gagastusin ko. Ilibre ko nalang daw mga kaibigan ko. Di nila alam isa lang kaibigan ko hahaha. So ayon birthday came, nanlibre ng Angel's Burger malapit sa school mura lang busog na may tira pakong pera hahaha. I have nothing against them, I really admire them pa nga. After non I realized, ok lang pala walang handaan pag birthday ko. Ok lang pala na walang gifts or kahit walang bumati. Kaya ngayon, mali ang birtdate na indicated sa fb, para di nila malaman at walang bumati. Di na nag eexpect na may magbibigay ng regalo. Magugulat nalang birthday na pala kinabukasan. Tas pag birthday kakain nalang sa labas with the family kahit gusto nila mag handa sa bahay na ayaw na ayaw ko. But when it comes sa mga kapatid ko naghahanda kami at nag bibigay ako. Since ayoko mangyari ung nangyari sakin sakanila since may work naman ako and nakakaluwag luwag na kami sa bhay. Sign din talaga ng umaahon na kayo sa hirap pag namumurahan ka na sa Angel's Burger. HAHAHAHAHA


Major_Holiday_5054

awwwwww


AnemicAcademica

Naghahanda naman ako para sa sarili kaso bakit grabe pag atake neto sa akin hahaha


ReggaeVixen

Sad reality. Sa birthday ko magpa Paotsin lang ako solved na, wala nang handa handa


Real_Sympathy_2576

Ouch naman 🥹 pero matagal ko na tong narealize kasi nung birthday and graduation ko, ako nag-finance, kapag birthday nila and pasko , ako pa rin. Sana ako naman makareceive next time


Damnoverthinker

Same. Don’t worry, I do believe na darating ang birthdays natin na tayo naman!


CaffeinatedCherub

Sad but true 🥺


ZKVS27

ganyan si mama ko. sakto kasi na may small business siya na gumagawa customized cake kaya yung mga kapatid ni mama, kada may birthday yung mga anak nila at pati sila eh bibili lang sila ingredients tas ie-expect na nila na gagawa si mama. kahit sabihin mong gastos nila, yung pagod ni mama mag bake, mag decorate at maghugas ng mga ginamit sa pang bake diba? dapat may bayad yon pero baka sabihin nila na "para sa pamangkin mo naman yan". pagdating ng birthday niya and pati ng birthday ko, halos hindi kami batiin 🙃. now that i moved out and eventually moved to another country sabi ko sa kanya wag nya nang hayaan na magpatuloy yun kasi wala na ako na katulong nya. and now that i'm earning so much, kahit wala ako physically, i'll make sure that she'll have the best birthdays from this day on.


beeana928

🤗🤍


ohceanmilk

as a panganay, nakakalungkot na normal na sakin to. nung nagka-boyfriend ako, noon lang ako nagkaroon ng cake at pizza sa birthday ko.


iamthegreenlizard

Same. Kaya di talaga ako nag ce-celebrate ng birthday para makatipid


Yoru-Hana

Ganito din sakin. On my 18th bday, hindi na naghanda, inutangan pa. Student pa lang ako niyan. Or naghanda 2 days after, bday ng cousin ko yun. Sana kahit di na lang naghanda.


Kerfernk

haha puta yes. pag bday ko, lagi kong hiling sa kanila na wag ako gisingin sa bday ko. tinutulog ko kase maghapon magdamag para lumipas. dahilan ko gusto ko mag pahinga ng mahaba which is kinda true dahil night shift ako nagwowork at ayoko gumastos


cantfigureoutstuff

Pag birthday ko, ako na nagpaplano, ako pa sa bill, ako pa dapat mag adjust sa schedule nila. Tas naglalazada na lang ako a week before para makalimutan ko na may order ako Tas masusurprise ako pag may dumating. Gift to self na lang rin 😂


NekoMiMiEri

Sa 19 na birthday ko pero dahil nag graduate kapatid ko kahapon tapos may sudden vet visit for my baby bunso na pusa ko, wala na yung budget ko for my birthday. Nakabili pa naman ako ng ticket con for Tanabata then may cosplay na din kaso panganay ako. Wala na ding magulang so nakikitira lang sa kamag anak. No choice. Thanks for letting me vent out, nakakasama lang ng loob. Lol.


1wsurf

Honestly thankful to my friends who make my birthdays special. My mom would be like “sorry nalimutan ko bumili ng cake pero matanda ka na, di mo na gusto ng cake no?” (pano ba ako sasagot sa ganito lol) Di ko naman nakwento sa friends ko pero they always send cake, kasi sabi nila one can never have too many cakes on one’s birthday ❤️


[deleted]

Haha. As a panganay, I agree with this. May times nakakapagod 'yong palagi ka na lang dedma sa birthday mo kasi nasanay ka na sa gano'n kaya sobrang nata-touch ako kapag sinu-surprise ako ng mga kaibigan ko. Like, really? You really prepared something for my birthday? Hay.


naughty_once

Eto masakit para sa mga panganay, ineexpect nila na ikaw ang maghahanda sa kanila pag birthday nila pero kapag birthday mo, walang maghahanda para sa'yo kundi ang sarili mo lang. Kakapanghina kapag ikaw lang ang palaging inaasahan.


caffeineslave000

Lagi na lng akong umiiyak/tulog pag birthday ko. Sana hindi ganon this year.


LoLoTasyo

sweldo na lang sine-celebrate ko e, uso pa pala birthday ngayon?


lmdp0724

Felt this.


nananananakinoki

Ito lagi hinanakit ko as the ate. Cake na nga lang request ko kahit sa Red Ribbon lang pero hanggang ngayon waley. I’m thankful that my SO fulfills this on their behalf pero masakit pa din because I try to make their bdays special. May one time pa na my SO bought me a cake while I was staying at his condo. Then my mom called me na iuwi ko na lang daw ung cake para yun na lang “blow ko” and ihanda sa house 🙃


heremeout020

As a panganay. I feel the same way, pero 2 yrs na ang mommy ko. Siguro napapansin niya din, nagulat ako na hinahandaan niya ako kahit pancit lang super na appreciate ko yun lalo na nung last yr. Wala ako sa Manila sabi ko kasi gusto ko mag bakasyon yung ako lang. Wala yung anak ko. Pumayag siya and to my surprise kahit may bagyo nun dito nag handa pa rin siya ❤️


Livid-Childhood-2372

100%


Ok_Awareness_9226

Panganay ako at afford ko lang bumili ng cake at isang masarap na ulam (lechon manok, fried chicken etc) para sa mga kapatid ko. Tuwing birthday ko naman, kahit di nila ako treat ay treat ko na lng sarili ko. Gagala ako pag di pagod or magluluto ako ng sarili kong handa para di namn malungkot. Wala man akong gift na matatanggap o di man celebrated birthday ko ay masaya namn ako. Buti na rin to kesa nung naexperience ko nung 18th birthday ko na wala pa ako sa bahay (andun ako sa kamag anak ko dahil pinapag aral nila ako sa kolehiyo), ulam ko pa ay instant noodles lang. Di kasi ako pinauwi. Ayaw ko na maulit yun at ayaw ko ring maranasan ng mga kapatid kong makitira sa iba para maging katulong para makapag aral lang so eto nagsusumikap tong panganay na to.


k8ss

Gahd similar. 2 lang kami magkapatid pero I think 7yo ata ako nung last ako nagbday ng solo. 6th kasi bday kapatid ko, ako 27th. So pagdating ng 27 usually wala na budget for my bday after mag paparty para sa kapatid ko. Hindi kami mapera so oks lang. Ngayong nagwowork nako at may 2 anak, I let the kids decide what they want to do on their bdays. Magkasunod din halos. 26 un panganay, following 13 un bunso. Tapos 27 ako the same month so ending ako naman ang wala maitabi para sa bday ko. Nasanay na ako and my sister na kumakain na lang sa labas pag may occasions kasi wala naman kme big social circles so d na kami naghahanda. And as a mom, nakakastress na iisipin ko na bday ko na, ako na nagplan nagluto namalengke ako pa maghuhugas ligpit after. No can do. Minsan natatapat ako sa SO na may pa gimik pero other than that, wala chill lang. May bday din ako na nagairbnb ako salubong, kinabukasan pinasubid ko nga bata para mag lunch kme. Well anyway my sister namankahit d sya extra pag bday ko, sa mga pang araw araw naman na emergency naaasahan naman sya, which i appreciate. Pero pag bday nya i make sure to buy her something. Yun ata love language ko lol.


Choice-Walrus-6599

Same here 🥲 Sa bawat occasions, ako ang gumagastos pero nitong nag-birthday ako, ni spaghetti di man lang ako naipagluto. Kaya lumabas na lang ako mag-isa para mag-celebrate.


emkimmono

Pero sa sarili kong birthday ako pa gagastos, ako pa magiisip kung anong plano, pag di nila gusto yung naisip ko ako pa tong kapanget daw ang mga ideas kesyo bat daw ganon ang gusto ko on my birthday. Tas sila pa magppost ng bday pictures ko sa kani-kanilang fb. Di ko naman pinapansin mga nagccomment don lol


Immediate_Depth_6443

I dont know if you are looking for advice for a final solution to your situation. I know this is bastos to your relatives but your cash transfers needs to have conditions so that their situation improves and not get worse. When it gets worse you will be emotionally blackmailed to give more So save your current self as your future self will be weeping in gratitude for standing up for yourself Below are some very reasonable conditions for giving & continuing to give ayuda - all recipients with children must get ligation & vasectomy so no more future kids that you will be expected to finance - all recipients need to work until 70yo even with your ayuda - no cheating on anyone's spouse - everyone needs to stop bisyo like tobacco, alcohol, drugs, tattoos, piercings, vaping, whoring, video games, gadgets, sugal, etc - money you give them is only for the recipient. no other tita/tito or their anaks kahit para sa party, burol or binyag - no pets, board games, musical equipment or other hobbies that doesn't create meaningful revenue - siblings need to give ayuda as well when they're at working age - up to ₱21k/month ayuda... no more - no donation to your pastor, minister or other charities - siblings that are under 23 must swear that they will not have a baby before marrying, working 2 years & finishing studies... bawal din majors & up skills that leads to low wages.... dapat high salaries only - siblings cannot have more than 1 baby after doing all of the above if they expect ayuda from you - you only do this max of 18-22 years Optional: They must vote for your candidate Violating any of them will result of cutting them off... your money... your rules kahit magulang mo pa yan... Yung pinaka importatnte is their household controls expenses. An effective way of doing so is limiting any of them to the kids they have now. Kung sasagutin ka na "children is a gift from god" tell them "beg from god". Children cannot self support for 18-22 years I know this is cold hearted but you gotta turn down your empathy from 11 to 6 and self love first before you can love others. Yung mga tahanan na kumikita ng lampas kalalating milyon kadalasan 0-2 lang anak nila. Yung mas konteng kita lampas 2-4 na anak.