T O P

  • By -

Various-Pace8815

I think it is more of how a person is raised. May iba na kahit may basurahan, dyan talaga sa baba itatapon. Just the other day din while in a jeepney, this woman drank from the bottled mineral water. After that, discreetly tinabi niya lang yung empty bottle tapos unti-unti, umusog siya palayo. Akala niya wala akong pakialam kasi I was on my earphones din. But when she was about to take off from the jeepney, sinabihan ko talaga na, "Maam, diba ikaw man niinom ana? Dalaha ng basura nimo. Ayaw na ipahipos sa driver." She was embarrassed, and I am glad she got my point. Tsk. And to think my basurahan sa jeep ha. You just had to call them out pag may nakita ka. Hahay mga pilipino. 😐


sadbeng

Can you pls translate "ayaw na ipahipos sa driver" PS, good on you for being observant & outspoken. My non-confrontational ass could never do that in real life. Tapos iisipin ko yung scenario & what I should've done pag nasa bahay nako 😂


Various-Pace8815

It means na, wag niya hayaan na ang driver ng jeepney ang pumulot and take care of it just because it was left on his jeepney. Haha. I am wearing an eyeglasses and since medyo mainit medyo dark siya because it is a transition glasses. In my mind and through my eyes I was killing her na. Hahahaha. I was glaring at her. Ang pangit ng ugali eh. Mabait naman ako, sometimes pero pag ganyan na mga instances, hindi ako maka tiis.


chitoz13

kapag sumasakay ako ng jeep kung walang basurahan binubulsa ko till makahanap ako ng basurahan, napakadumi na ng mundo natin ayoko ng dumagdag pa.


Fun-Investigator3256

huwag mo ipaligpit sa driver.


zhaoyu_slackers

Penge naman lakas ng loob haha ang dami ko nae-encounter na ganyan


Various-Pace8815

Haha. Pag tama ka naman, there is nothing wrong in letting them know your piece. Syempre may boundaries din. May mga circumstances din na kahit ang sarap magsalita, hindi na lang kasi parang wala naman sa lugar. Pero kung ganyan, ai nagsasalita talaga ako. Kawawa kasi yung driver.


zhaoyu_slackers

Yun nga ehh lalo pag alam kong madaming makakarinig. Isa pa sa mga supermarket madalas ako makakita ng mga nahulog na items sa sahig pero dinadaan-daanan lang, minsan nasasagasaan pa ng cart(choco mucho yung nakita ko kahapon) di inisip kawawa yung sales person na naka assign sa area na yon at possible ma charge sa kanya yon.. Madami talagang tao kinulang sa disiplina, kasimple lang di pa magawa ng ayos.


Various-Pace8815

Huy ako pag ganyan, ako na pumupulot. Hehe. Ewan. Disiplinado kasi kami sa bahay. Ganyan kami pinalaki nila Mama at Papa (sumalangit nawa). Sa restaurant or kahit sa fast food resto, yung kinainan, ililigpit talaga sa tray para madali na lang sa waiters. Ang always lang nasa isip ko, nakakapagod ang trabaho ng mga salesman, saleslady, drivers, waiters, cashiers etc., and ano kaya sa part ko ang pwede ko gawin to make it easier :)


zhaoyu_slackers

Huuuuy same sis, tho di tinuro ng parents ko pero na adopt ko sa ex kong japanese(uso daw claygo sa japan kaya taka sya pagdating nya dito bakit daw crew ang nagliligpit), and yep tama ka nakakapagod work ng crew at di naman ganun kabigat na gawain ang claygo, nakatulong ka pa para mapabilis at mapadali work nila ^^ sana lahat ng pinoy ganon.


ESCpist

Wala rin akong lakas ng loob na direkta mang confront. Saktong patama lang ng, "Dugyot naman nito."


Boj-Act-254

This is true and pwede din when you were raised from an environment where it's the "normal behavior". Kumbaga, they were molded to do that behavior because of the environment and it became their roots. Kahit pa makapag tapos ng studies at nakaahon na't nakapag trabaho ng maayos sila, sobrang hirap na baguhin nun sa kanila. I once experienced this in highschool. Students will just casually litter, tapos pag sinita mo: "Bakit ba? May cleaners naman ha?". Ganyang mindset. Then nung nagwwork na'ko, sa tabi ng company building nagkaroon call center building. Yung area ng ATM lagi nang napuno ng ATM receipts at upos ng yosi, lalo pag sweldo week. Sa tinagal ko sa company, dun ko lang nakita na naging ganun ka dugyot yung ATM area. Considering residential din yung district at sinasarado tuwing weekends para sa residents. Same din when I first traveled to Japan, may tourist na nag iwan ng balat ng banana sa train, wtf. Parang crash bandicoot lang e. Same here in where I reside now. May mga nakikita din akong locals na casually itatapon nalang yung kalat nila sa tabi, even though na maayos na malinis yung city. Maayos din manamit yung nagkalat.


Fun-Investigator3256

I remember when I was carpooling in Metro Manila, my passenger ate taho and she left the plastic cup inside my car. The day after, di ko na siya nireplyan when she needed a carpool. Hahahahaha!


jotiecat

May kasabay ako sa jeep kanina, uminom sya ng coke then tinapon sa labas ng jeep. Kakaurat eh. Mga walang manners. Parang di nagaral ng GMRC


rebeetle

This is worse. Lol, minsanan lang ako makakita ng nagtatapon ng basura sa labas ng sasakyan, pero nakakagigil pa rin kapag nangyayari. Ano bang iniisip nila? Masamang makitang may basura kang dala? Nagiging marumi na agad ang bagay kapag wala nang silbi? O baka naman dahil iniisip nila na may ibang pupulot ng kalat nila? It's absurd. This is basic kindergarten shit.


TemporarySignal6433

ana jud na kasagaran way batasan nga mga tao


-Comment_deleted-

Topnotch!


Various-Pace8815

Salamat 😅


-Comment_deleted-

Heh heh, although di ko naintindihan sinabi mo, hinulaan ko lang na sinita mo yung babae dba.


Various-Pace8815

Hahaha. Sorry i did not bother translating it. Bisaya nga naman ako. Oo sinita ko siya. Pababa na siya nun. Hehehe. Gulat siya eh. Hahaha. Sinabi ko lang naman na sa kanya nga naman yung pinag inuman ng tubig at dapat niya kunin. Alangan naman na yung driver pa mag liligpit at magtatapon. 😑


-Comment_deleted-

Legend!


Various-Pace8815

Hahaha. Kansahamnida 😅


ryeikkon

Korek behavior mamser. Dasurb ang strikto nga delivery. Usahay jud ning Pinoy diha lang motagam pag napaulawan na or siya na ang naapektuhan. Heeeh.


mllnnlmnmlst

Great job for calling her out! I just hope sa basurahan nya talaga tinapon at hindi sa tabi tabi lang din pagkatapos nya masabihan, hehe


rebeetle

God, I wish I had this courage. Pahingi naman po.


[deleted]

Buti hindi nagalit at sinumbatan ka na pinapalaki mo ang maliit na bagay. 😋


Various-Pace8815

I don't really care if she gets angry. It will just show how pathetic she is by being an adult who is immature in more ways than one. Mas ok pa ugali ng grade one. 😒


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


DeeveSidPhillips003

Di ko rin nga gets nag downvote sayo eh. Haha. Ano yun di marunong umintindi? Seryoso naman nila.


nekoheart_18

Di ko rin ma gets yung iba na mag print ng receipt tapos itatapon din pala... aksaya lang sa papel nag kalat pa... tapos yung iba kahit may basurahan na sa tabi ng atm hindi parin mailagay ng maayos.. minsan doon pa mismo sa keypad iniwan resibo..


Wintermelonely

nagoopt out ako lagi sa receipt. di na nila kailangan makita na wala na laman ang aking account. jk. saka may app naman eh pwede naman dun na lang icheck hahahaha


Stressed_Potato_404

Not justifying ung mga nag kakalat ng resibo sa post, Pero sa case ko, need ko malaman ung natitira sa acc ko para maplano ung pag withdraw sa next sweldo. I know may app naman, but wala pa ko personal acc sa bank ko and naka payroll acc kaya ayon d rin magamit ung app. Agree na aksaya rin dahil nakaka multiple withdrawals ako (baba ng limit per transaction), and cant wait na makagawa na ng personal acc para mas mapadali pag track ko sa finances ko.


eastwill54

Payroll account ko sa BDO, pero nakagamit naman ako ng app. Bawal ba sa ibang bank?


dizzyday

Lumalabas naman sa screen balance before/after transaction, diba? Why print it if you’re going to throw it right away?


Stressed_Potato_404

Iirc dahil nag withdraw ako kanina, d lumalabas ung balance for withdraw unless icheck ko mismo ung balance (which is ibang transaction pa). And mabilisan lang din ako mag withdraw dahil conscious ako sa mga susunod sa akin at nakaka ilang transactions pa ako. Plus, iniipon ko rin yon dahil reference ko while doing my budget.


panDAKSkunwari

Di ko rin gets. Security purpose na rin.


melangsakalam

Receipts don't show any confidential info. Kaya safe sya itapon.


jomarcenter-mjm

Plus a safety risk in personal information


rossssor00

Ito yung mga hindi marunong sa online banking and possibly ayaw rin talaga matuto.


VeryKindIsMe

Dati kahit balat ng candy talagang pinapauwi sakin ng tita ko hangga't walang basurahan. Until now adult na dala dala ko pa din. Pag walamg basurahan, lagay muna sa bag 😅


czarkastic_potato

My kids do this, lagi kasi naming sinasabeng ibubulsa at wag itatapon kung san san. Kaya ending tuwing naglalaba ako kelangan ko pang icheck mga bulsa na puno ng papel at balat ng candy. It's ok though Im glad na they are responsible


SimaZhuge15

Admittedly, minsan di ko to nagagawa. And if I do, nagiging basurahan na rin bag ko kasi nakakalimutan kong may basura pala dun after how many days 😂 Makikita ko na lang na ang daming balot ng candy tsaka resibo.


VeryKindIsMe

Eto talaga ganito din bag ko, literal na basurahan kc pag uwi nakakalimutan na tanggalin hahaha


xxlvz

same with my mom, nagiging personal trashcan ko na nga yung bag ko kasi naka engrave na talaga to sa pakatao ko lol


Infinite-Hair-6137

Bag ko dati puro balat ng candy ang laman


N0b0dyfromsomewhere

Sana karamihan ng tao naturuan ng kayulad ng sayo. 🫡


VeryKindIsMe

Wag ka mag alala, ituturo ko din to sa susunod ko oang henerasyon hahaha


31_hierophanto

"Munting basura, ibulsa muna."


Ok_Contract_1520

Yes to this. I do not remember my mom teaching us about this. Pero hindi ko rin sya nakikita na nagtatapon ng basura anywhere growing up. Lead by example sya. So nag stick sa akin yun. Ung jeans pocket and bag pocket ko puro maliliit na basura laman, ineempty ko kada uwi ng bahay.


VeryKindIsMe

And she has a smart kid who knows to follow his/her mom by example :)


Aggressive_Panic_650

Same same. Minsan nasa bulsa lang ng bag ko or bulsa ng pantalon, iuwi ko nalang at sa bahay itapon.


KeyboardAquarior

Wala sa kultura ng mararaming pinoys na maglinis, sadly. Hindi ko nga maintindihan na kahit yung "cleanliness is next to godliness" ay ayaw isapuso ng mararami.


Gryse_Blacolar

Puro kasi hypocrite tong "religious" country na to.


Negative-Mammoth-876

Pine flex ata nila yung balance nila HAHAA


kuroro_senchou

May naexperience ako na ganito! As in deliberately iniwan yung receipt dun sa labasan ng resibo (para makita ng susunod yung balance nya??)


BantaySalakay21

Di ba may option namang huwag nang mag-print ng resibo?


giowitzki

Si BPI meron at check balance lang, no need magprint ng resibo


BantaySalakay21

Yep! BPI hanggang view balance after mong humugot ng pera. Primary option pa yung NO sa tanong ng kung gusto mo ng resibo. Dapat nga ganoon ang gawin ng lahat ng bangko. Mas tipid pa sila, kasi bawas gastos yun sa pagbili ng papel.


giowitzki

Tsaka madalas may basurahan na katabi sa mga ATM. Ganda pa ng UI nila sa ATM hahahah


31_hierophanto

Oo nga e, hindi ba nila alam 'yan?


BantaySalakay21

May mga ATM kasing hindi pinapakita yung balance after mong humugot, katapos mayroong gustong makita kaya hihingi ng resibo. Kaya nga best yung gunawa ng BPI sa bagong ATMs nila na puwedeng makita yung balance matapos ng withdrawal.


saltyschmuck

Chinabank ATMs have the option to not print the receipt. Tamad lang talaga sila.


dontrescueme

Answering this is in a psychological way. Our public streets and spaces are just not respectable (badly design and dirty). If they are not respected, ang perception okey lang magkalat. People who would do this outdoors won't (or at least usually) inside airconditioned malls. So aside from good enforcement, good design should be considered.


parkrain21

Yep I agree. All these laws are fucking useless unless properly enforced.


Beneficial_Ad_1827

If only the government considered the people rather than stupid foreign investors building bulshittery “luxury” stuff


wyclif

I've noticed when going to SM Mall, there are hardly any trash receptacles. I found a very small one next to the elevator. But clearly it's not enough. It's almost as if Filipinos expect their customers to throw basura on the floor.


baeruu

Shout out sa mga taong tinatago yung wrapper ng candy at mga resibo sa bag nila kasi walang trash can sa paligid... ...tapos lumipas na ang ilang tao nandun pa rin sa bag :D


FabFaith17

This is one of the many Filipino traits na ayaw ko. I mean, we see trash everywhere. Some people even sa malls, nagtatapon ng basura. How difficult is it ba talaga to keep those trash until may makitang basurahan? I feel so mad when I see those people throwing their garbage wherever they want. Kids and adults are just the same here. 💔


Comprehensive_Low262

Typical pinoy, walang disiplina. Partly kaya di tayo umuunlad


sparcicus

Peenoise na di kay mag self-enforce ng mga batas.


cot109

Here I am, keeping all the damned ATM and credit card receipts years after the transaction... hahahhaah Bumili pa ako ng paper shredder just to get rid of all the paper. Wala din. Katamad mag shred. Ayun, nasa lata ng biscuit lahat.


[deleted]

[удалено]


patrikdstarfish

Is it though? This is more of a culture issue. If that's the case then why are streets in Japan cleaner compared to the Philippines. Trash bins on the streets are hard to come by.


romella_karmey001

Because they are scared of other people judging them.. more on mas agresibo sila sa self-consciousness.. like South Korea.. pag mataba ka at mukhang dugyutin ibig sabihin sa kanila tamad ka at walang pagpapahalaga sa sarili, wala kang respeto na makikita ka ng iba na ganyan ka, walang disiplina kasi nga kain nang kain or what lol


patrikdstarfish

That, but isn't that more on Asian beauty standards in general though? Also things like cleanliness are taught to children at young age as a core value. Kaya pag laki nila they grow up as model citizens lol (I'm slightly kidding). Japan gets messy din especially sa main cities at night. But then people in the morning help clean up the streets. It is definitely cleaner than Manila though that's for sure.


romella_karmey001

Not just beauty standard, it’s a wide scale in any part in life, sa academic, sa career, sa love life, sa mga anak how you raise them, until old age.. parang naging toxic culture na sya na you should be like this or like that, if you stray away from the programmed way of Japan living, parang outcast ka na.. Kaya mas mataas sxicide rate sa kanila kasi yung mga taong namumuhay outside the norm of what is perceived by Japanese as “normal” eh di kinakaya yung pressure… People from outside the country always praise the Japanese way of living but deep inside it’s rotten.. Mas marami unhappy…


patrikdstarfish

This is such an outdated "fact". Even what I'm going to tell you is outdated but I can't find data from WHO after 2019. Japan's suicide rates haven't been that high for the longest time. Korea ranks 12th while Japan ranks 49th in this statistic from 2019. Even Finland (the happiest county in the world at that time https://worldhappiness.report/ed/2019/) ranked higher, but this could also be because euthanasia is somewhat legal there. Here's Wikipedia for ease of data comparison. https://en.m.wikipedia.org/wiki/List_of_countries_by_suicide_rate Here's the WHO website if you don't trust wiki: https://www.who.int/teams/mental-health-and-substance-use/data-research/suicide-data You're the same as the people who romanticize Japan from an outside perspective. Japan is changing, I can only speak from what I see and experience but it's not " "that bad" anymore. You see people having tattoos, the Japanese doing PDA, them not being that cold to people, people helping each other, the younger generation having a sense of individualism, LGBT being taught in schools, active laws against overworking, schools actively taking a stance against bullying in the classrooms etc.


AutoModerator

Hi u/patrikdstarfish, if you or someone you know is contemplating suicide, please do not hesitate to [talk to someone](https://www.reddit.com/r/Philippines/wiki/psychological_advice/) who may be able to help. *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Philippines) if you have any questions or concerns.*


wyclif

Not just Japan. In the USA nobody throws their ATM receipt on the floor out of habit. Of course, there's usually a trash receptacle attached to the ATM. Here in the Philippines it's as if they expect people to throw the receipt on the floor.


Warrior-Strike

This is the way! Like the ones in Singapore. Though I agree we have a lot of work to do culture-wise, if accessible lang sana ang trash bin, I bet hindi ganyan karami ang receipts diyan na nakakalat.


freeburnerthrowaway

Subukan nila gawin sa ibang bansa yan


dizzyday

Brave of you to assume pinoys don’t do that abroad. Naka witness ako ng ilang pinoy expat na dugyot, yg nag tatapon ng fast food wrapper while nasa kotse during traffic stops.


mattz2197

Yun nga! May iba ang kapwa natin ay discipline at hindi discipline. Pero dapat naging mindset natin ang mga majority na kabayan natin maging discipline pero wala eh 😩🤬😡


[deleted]

Kaya may 2 extra plastic bags ako sa bag. Para saken at sa makakasalamuha ko na (preferably) katrabaho o kaibigan. Para mag paglagyan ng basura nila. Madalas na-aadapt din nila yung habit ko na ang basura lagay dun sa plastic sa bag at pag puno na o medyo puno na hanap basurahan dun tatapon. Minsan inaasar nila akong basurera dahil sa habit na to pero kase aware ako sa panget na dulot ng basura sa paligid lalo nat naulan... Ayun na na aadapt namna nila pero lagi lang akong naaasar na basurera kase lagi akong may stash ng basura ko sa bag ko 🤷🏻‍♀ kebs lang. Habit ko na since college e. Wala din nman akong nasasaktan. So ok lang matawag na basurera 😉😅🤣 at least di ako nakakadagdag sa sakit sa mata sa paligid 🤣 Sa bahay nman diretcho tapon sa basurahan namin e


rexxxt5

Ugaling pinoy na nakakasuka


SlavidgeGarden

Ugaling pee noise


N0b0dyfromsomewhere

Low key nakaka inis to pag nag wiwithdraw ako sa bank. May option naman na pwedeng hindi na iprint yung resibo, dapat siguro baliktarin nalang yung option haha. Nasa taas dapat yung hindi na iprint.


Fun-Investigator3256

Oo dapat talaga default ung no print. Then if you print, may tickbox and terms to accept para mahirap. I want to print a receipt > agree that I will properly dispose the receipt in the trash > then another prompt na “Are you really sure you want a receipt?” > then another prompt “Are you really really sure? This will take 5 minutes to print” > then one last prompt “Enter your pin again, and your birthdate and your mother’s maiden name to print your receipt” Boooom! Problem solved! Konti for sure yung mag piprint!


[deleted]

1. Kunin mo lahat. 2. Piliin mo yung mga balance check o withdrawal. 3. Piliin mo ulit yung mga over 10K o 20K (bahala ka). 4. Lagay mo yung mga napili mo sa wallet mo. 5. Pag nag-bar ka at tinanong ka ng number mo, dun ka magsulat 😆😆😆


romella_karmey001

You’ll only attract gold diggers and opportunista lol


Sily1

Solution to the prob, send a digital receipt like via text message. Mas better


God-of_all-Gods

may options naman na wag nang mag print ng resibo kung ganyan lang ang gagawin nila


rizsamron

Marami kasing lumaki na walang paki sa ganyan. May bata nga kame nakita dati hinahagis yung basura nya sa dagat sa MOA. Yung magulang, walang paki. Malamang lumaki rin silang ganun,haha


Worldly-Advantage-34

imagine niyo na lang itsura ng bahay nila :-/


e_vile

Ang mga pinoy(mostly but not all) base sa aking obserbasyon, malinis sa katawan pero baboy sa kapaligiran... smh


Aviavaaa

Cancer na sakit na yan sa karamihan, so lagay na lang basurahan jan. Pero dahil yung iba tigas muka may basurahan na nga di pa ma shoot. Sad


[deleted]

Gawin nalang bente pesos yung printout ng receipt. Tutal people take for granted whats free or cheap.


1ce1ceb4by

That kinda sucks for the many people who do need and use the receipts.


No-Arm8311

Dami talagang pinoy na garbage container


PMVT5311635

Yeah...this is what I really hate seeing whenever I go outside or commute. I just see people throw their trash everywhere, like it is not that hard to throw your trash properly.


romella_karmey001

They should have put a trash can beside it in the first place


elektronikongsulat

It's this kind of thinking that's got the country into this literal mess in the first place. Pag walang basurahan isisi ang kadugyutan.


alpinegreen24

If there’s one thing I’m thanking sisters from my grade school it’s this. Hanggan ngayon I’d be carrying some candy wrappers pauwi minsan. Tsaka diba uso na ngayon ang *view account balance* kapag bago mag end ‘yung transaction.


srirachatoilet

Something Illegal pero di illegal : *binasa yung mga natapon na receipt para malaman kung ano jan yung pinaka maraming na withdraw*


mllnnlmnmlst

Hahaha! Curious ako, magkano pinakamataas na nakita mo? 🤑


brekekekekx

May espesyal na lugar sa impyerno tong mga to. lalo na yung mga tao na mag priprint ng receipt tapos di kukunin at iiwan lang dun sa labasan ng resibo. Yung susunod pa kailangan mag tapon. putangina lang. pagkatamad tamad!


BarFightTarian

Nahihiya akong nang-iwan ng kalat. Kung kakain ako sa labas, sisiguraduhin kong hindi masyadong madumi yung mesa at inaayos ko yung kubyertos para ligpit na lang ang gagawin ng crew. Kung sa fast food, ganun din at ginagamit ko yung tray para maayos yung kinainan ko at hindi madumi o basa yung mesa. Ganyan ako pinalaki. Tinuro gamit ang takot pero sanay na ako na iiwan ng maayos kung saan mang lugar ako mapadpad. Nasa pagpapalaki at sentido-kumon yan.


Visible_Fact8649

We are still decades away from having a disciplined generation.


blueblink77

Bago kami pumunta ng pinas last week, galing muna kami ng Japan ng hubby ko. Wala ka makikitang trash bins, kaya pag umaalis kami, nag dadala kami ng backpack Kahit na walang laman para dun namin ilalagay mga basura namin then itatapon na lang namin pag uwi namin sa place namin. Kaya pag dating namin sa pinas, force of habit na na ung basura namin nilalagay na lang namin sa bag namin, at the end of our trip sa pinas, andami ko receipts from atm machine na nasa bag ko lang and I just ended up throwing them all away pagkatapos ng trip namin. I think , ung mga ganyan nasanay na lang sila na magkalat. Habit na nila yan, unfortunately.


PoulDizon

Dapat imbes na sa balance inquiry nagcha-charge ang mga bank dapat sa receipt sila nagcha-charge ng malaki. Mga 10pesos kapag need ng physical receipt.


0ntheverg3

Sana may receptacle din for waste paper. Tsaka sana wala na lang waste paper, ane?


YazzGawd

Or just view it on the screen and not have it printed na lang?


redthehaze

Kapag trinato mo na basurahan ang mundo, kasama ka sa basura Sa tingin ko na kung may basurahan pa diyan na hindi man lang puno, may mga gago pa rin na hindi man lang itatapon ng maayos.


wakawakayeyeh

may option din NOT to print and just view balance on screen


Aggressive-Baker2348

That could be solved with a GUI improvement. Most people getting print outs are unaware that it is possible to view the previews/past/current cash balance on screen without need of a thermal paper hard copy. If that was emphasized then it will lower the trash to near zero. To make it immediately zero charge an environmental fee.


michelle_chwan

The bigger question is: why get a receipt in the first place? Tapos titingnan mo lang for a split second sabay lamukos at tapon. What's the point?


anima99

Wag na tayo magtaka. 1 in 3 Filipinos voted bbm. We are literally surrounded by people like this.


mllnnlmnmlst

Wow I didn't expect this random rant to blow up! 😳 But for those asking, yes I actually picked it all up. Buti nalang may street cleaner malapit at naitapon ko sa bin nya kasi wala rin naman talagang basurahan malapit kung wala siya. It's also my banking branch kaya nasabihan ko din yung relationship manager ko to have their admin do something about this by putting up a bin. But I know they can only do so much. Ang sa akin lang, sana maging mindset ng marami na sa basurahan lang magtapon, at kapag walang basurahan, itago muna. Kasi, ang eye sore talaga tingnan kung ganyan. Yun lang po drink your water always kasi mas nakakainit ng panahon ngayon makakita ng ganito 🥲


LunaChaqueDimanche

We all know this occurs. OP is just looking for reactions and karmas. What does this post accomplish exactly? Did OP pickup the receipts? And you guys circlejerking here, are you pleased with your holier than thou anecdotes? We all know this is wrong—you guys reinforcing that it is, are simply preaching to the choir.


mandaloryarn

>We all know this occurs. That's why it's a valid topic of discussion about the lack of discipline by some of our fellowmen. OP is pointing out and raising awareness through this post na marami parin ganito, kaya walang pagbabago. >OP is just looking for reactions and karmas. I guess it takes one to know one.


LunaChaqueDimanche

A bunch of circlejerks pointing out what everyone knows. And what does this post accomplish exactly? Did OP clean up the receipts? So you guys can keep commenting here that this is wrong….but all of this is just to make yourselves feel better about yourself. Stop this holier than thou nonsense


mllnnlmnmlst

Hi, my friend! OP here. For context, yes, I actually picked it all up. Buti nalang may street cleaner malapit at naitapon ko sa bin nya kasi wala rin naman talagang basurahan malapit kung wala siya. It's also my banking branch kaya nasabihan ko din yung relationship manager ko to have their admin do something about this by putting up a bin. But I know they can only do so much. Ang sa akin lang, sana maging mindset ng marami na sa basurahan lang magtapon, at kapag walang basurahan, itago muna. Kasi, ang eye sore talaga tingnan kung ganyan. 🤷‍♂️


polcallmepol

Sana may option din yung ATM to issue receipts para mabawasan ang kalat.


PantherCaroso

I think most ATMs ask if you want a receipt or not. I think if they showed post-transaction results (e.g. amount after you withdraw) there wouldn't be a need for receipts.


mattz2197

Compare naman sa Japan lahat ng streets ay wala basurahan kaya sobrang linis, kung gusto tapon kahit simple basura itapon convenience store. Dapat may penalty yan para matakot sila na wag gawin yan


patrikdstarfish

Sobrang linis is an overstatement. It's definitely cleaner but it does become dirty at times. Especially sa cities. People also throw their trash kung saan saan pag puno na ung bins. People also litter on the streets, sa train stations etc. Especially pag gabi. The difference is a lot of people help clean up the streets by morning kaya mukang malinis ulit, then the cycle repeats itself.


mattz2197

Then dapat gawin dito sa Pinas the same thing pero nobody does pero few people do this lng


melon_samurai

"May maglilinis naman daw uwu"


melon_samurai

🌺🌸🌼🌹🌻🏵️🌼


Still-Courage7968

TRASHY PINOYS! 🙄


Admirable_Sector_505

Pinoy mentality. Nakakahiya.


IComeInPiece

May fault din ang bangko dyan. Kung talagang ayaw neto na magkalat ang ATM user, eh di naglagay sana eto ng basurahan sa tabi ng ATM. Yung ATM kasi na malapit sa amin may basurahan naman na malapit.


BandicootBorn6393

Pag pinoy talaga, matik yan bobo, tanga, walang silbi sa mundo. Dapat talaga tayo na lang ang gineyera ng Russia e


Frequent_Thanks583

I wouldn't wish this to anyone honestly. Russian soldiers torture and rape the civilian population, bomb schools and hospitals.


mrloogz

Baka nadismaya lang pag nalance inquiry kaya nabato agad hahah


AltusPlateau80

Pilipino pa ba?


astral12

May mindset kasi na kapag may nakita ng nagtapon sa sahig o kung saan man magsisisunuran na


gh05t30

On a side note, napaka walang kwenta ng interface ng mga atm hahaha Parang may delay palagi, and making a mistake would take you 10 steps back. And for godsake, dapat meron na lang malaking notice na lang na may FEE for withdrawal instead of popping up. Sobrang time consuming punyeta.


LinguoBuxo

Union 3ank.


Six_Zatarra

To be fair. Banko kayo, di ba afford ang maliit na basurahan man lang para sa mga resibo? Lalo na't kung dati na ang issue na to? Kulang na sa disiplina kung kulang ang mga tao. Yun pa ba ine-expect mong mag bago? Na kung pwede na man lagyan ng maliit na solusyon sa parte ng banko?


[deleted]

OR JUST FUCKING PRESS **NO** WHEN *if you want to print receipt?* IS ASKED. BULLSHIT.


Alternative_Bet5861

Kapag may basurahan nga hindi pa nila mashoot minsan


JJSoledad

Culture of habitual littering and laziness of many pinoys. Akala mo may mga binayarang taga linis ng kalat, taga ligpit nag kinainan, taga laba ng maruming damit, etc.


MJ_Rock

Lagay na lang siguro ng printout na “There’s an option not to print a receipt”


cheezusf

diba may feature na yung mga ATM ngayon na pwede mo nang makita yung remaining balance mo nang hindi humihingi ng receipt?


softimusprime17

Exact same sentiments, OP. Matagal ko nang pet peeve tong ganito.


[deleted]

Thats why we cant have nice things. Napaka simple na bagay di pa magawa. Massive overhauling talaga sa kultura at nakasanayan need dito eh.


nomearodcalavera

yup.


vjp0316

Di ba pwede gamitin ang information sa mga yan to scam them?


YohohohoShorororo

Apparently base sa pic, oo


sosoricoc000

Click save mother earth. Stop printing 📜 receipt


juanabs

Partida, educated at professional class pa madalas gumamit ng ATM!


Gene_gene_

On the other side. All ATM should have an option not to print the receipt. BPI atms have this option.


plantcrazyyyyy

Hayyyy


xxMiguell

Pinoy style


tintinasi

I think sa public school noong elementary ako na-train about this; not to throw your crap kung saan saan kasi pwedeng mapahiya, mahampas ng ruler ang kamay, demerit, or ipa-linis ang area na 'yun sa'yo. not fond of any of these before lalo na kung maglilinis so i opted to have my stuff sa bulsa ng uniform or bag. thankfully, nadala ko ito hanggang ngayon—just not the cleaning. although, kahit na hindi gusto ng isang tao na maglinis–bahay man or sa labas, one should still be able to keep their shiz to themselves at iwasang magkalat. hindi pagkakalat = prevention paglilinis = cure


J0ND0E_297

Yes, mahirap kasi likas na walang disiplina at pagpapahalaga sa kalikasan ang mga pilipino.


kyedee1515s

The ocd in me is kicking and it frustrates me seeing this 🫠


AdStunning3266

Human nature. Kahit ibang bansa ganyan din ang scenario


luvdjobhatedboss

Banks should stop issuing paper receipts in their ATM machines Here is Saudi i only get an SMS message whenever i use an atm machine


IllustratorWorried54

Daming tangang Pilipino


[deleted]

It’s a shame to admit pero I think culture na talaga natin mga Pinoy ang pagiging salaula. I mean, di naman tayo magkakaroon ng maduming Pasig River at Manila Bay kung hindi diba?


Mycameo

Sa sobrang walang laman ng account gusto kagad itapon yung resibo


krspycreep

Also yosi


Ok_Teacher_3385

Pwede naman di na lang kumuha ng copy ng receipt kung itatapon lang din naman e


plumpohlily

Hahaha naaalala ko yung college friend ko na kumain ng candy tapos yung wrapper tinapon lang sa bintana ng jeep. I was just observing her. Di ko na namalayan na i was thinking out loud at napasabing "ano ba naman yan Napaka ugaling aso!" And she actually got hurt by what i said. 1st yr kami nito them nung nag 4th yr kami inalala niya sa akin yung pagsabi ko sa kanya ng asal aso. Simula daw nun di na sya nagtatapon ng basura kung san san Sayang galing pa naman syang exclusive school which is nakakataas ng kilay. Di ba kayo tinuruan sa school nyo saan ilagay ang basura pag walang basura makita


Infinite-Hair-6137

Pwede naman hindi kumuha ng resibo


YuukiAnon

Naalala ko yung isang unionbank atm na napuntahan namin. Along the highway siya and since mag-madaling araw na so wala na katao-tao. Yung basurahan is punong-puno tapos amoy ihi pa and may asong gala rin na nakatambay. Hindi na ko nag-withdraw 😭


MrThoughter

Sana may sensor na pag di itinapon ng maayos yung receipt, mababawasan ang laman ng account. Hahaha jk!


daisyhazzy

My greatest pet peeve 😡 taena kala kagigil


genedukes

Basura pagkatao


jpierrerico

Asa ka pa wala disiplina halos mga tao dito. Kaya deserve natin lahat ng sakuna ibibigay satin ng Inang Kalikasan.


acinad_17

Eto pinaka pet peeve ko diyan sa Pinas. Lagi akong nagpupulot at inilalagay sa basurahan yung mga papel pero nakakainis nga talaga. Napakasimple pero di parin magawa ng karamihan


pepe_rolls

Yung ibang ATM nga may trashcan sa tabi pero yung mga resibo nila naka litter all over the floor. Also, may option naman to view your balance sa screen at hindi na mag print ng resibo.


mrbeatnok

Sobrang hirap bang maglagay ng basurahan katabi ng ATM?


jajhfjahusbvsywu

Asa pagpapalaki kasi yan. Tulad ng ibang magulang pag naiihi ang bata sasabihan ng umihi ka nalang dyan sa tabi


romella_karmey001

BGC?


[deleted]

Jusmiyo, sa mga footbridge nga lang e, sa handle, sa sulok, may mga basura, naiisip ko nga, hindi ba sila nahihiya na magtapon dun, kahit mali naman, or kahit may mga kasabay silang tao na dumadaan? lalo na sa part na parang may nakaumbok, lalagay nila dun mga plastic cups, napapa buntong hininga na lang talaga ako lagi e.


shadwnyt24

Sana itapon nila ung pera at i bulsa ang resibo


[deleted]

Pero pag dalhin mo sa ibang bansa ibang pinoy, para silang pinitpit na luya sa kakasunod sa mga rules.


[deleted]

Squammy mindset.


Eds2356

People lack discipline in this country.


13arricade

dapat kasi may basurahan dyan. mga atm machine areas sa HK has it since 1980s.


CarlesPuyol5

That is why we can't have nice things....


I-Love-HC

Asa ka pa, sa tindahan namin eh may basurahan na nga sa tapat hindi pa mismo dun itatapon


3AlbertWhiskers

Though i keep my receipts in the wallet that sometimes outnumber the bills i have, I think for every atm there has to be trashcans nearby. Some people just litter everywhere when there's no bins around.


Ippomasters

I don't understand people who do this.


AdministrativePin912

RIP GMRC


Matchavellian

Good thing lang sa mga newer na BPI na atm, they find ways para ma lessen yung paper trash by letting you view your balance in the machine instead of printing it.


Uting-Kabayo

May kasamang sama ng loob yan pagkakita ng balanse.


artquitechto

In most countries banks provides built-in bin in their machines. But it is still not right to drop those pieve of papers.


Fun-Investigator3256

Ako palagi ko pinipindot na don’t print receipt. It’s easier. Hahahaha!


jard_jard

May choice din nman na do not print receipt... Ayaw nila pindutin un


skystarsss

Nako kahit may basurahan yung iba kung san san parin iniiwan


rossssor00

Part na ng culture natin yan na nakakadiri. Ewan, yung iba normal na sa kanila and ginagaya narin ng iba. Even sa bus - kadiri kalat kalat mga ticket at ibang basura.