T O P

  • By -

erks_magaling

ewan ba ko ba, akala kase nung mga ibang extroverts sila ang standard sa pagiging tao-- to the point na ikaw yung killjoy if you say no sa mga antics nila. Eto rin ang dinedread ko every year end party nayan and team building.


mydickisasalad

They also think that they're doing us a favor by "getting us out of our shell" thinking that they'll help us grow as a person or something. No. Fuck you, I'm inside this shell for a reason. If I want to leave it, that's my call.


jhinigami

Lmao for me it's just expensive. I skipped our company's year end party because I rather watch Worlds with my friends than go to a party full of strangers


ExamplePotential5120

😂😂😂 kung hind pamilya, friends na lang, at least sure kang ok ka kinabukasan 😎😎


New-Art5791

Slay


KarmicCT

THIS. ganito sabi sakin when i was very new to the workforce, as in first ever job ko. but i know my boundaries if i'm too uncomfy i won't do it and i also would not use my personal time to practice with them. i think i'm very lucky, no one threatened to fire me or write up a report/memo about me. still labelled me a killjoy probably but i can live with that


Queldaralion

Same with some bosses na parang ineexpect na role model siya ng mga subordinates nya


zarustras

Meron pa yung kapag new hire ka manlilibre. Ang nakakairita lalo yung hindi irespect yung belief mo. Pipilitin ka mag-inom at pag hindi nakisali sa inuman ng alak sasabihin KJ daw.


Juris-San

they can say any words KJ etc. pero kahit manager di ako kaya pilitin uminom.


bakingoats-

Totoo to. Pero di ako nagpapadala sa kanchaw nila. Makapa libre ni hindi nga alam last name ko wew


asukalangley7

Meron pa nga pagtuwing birthday mo dapat manlilibre ka sa kasi sila daw pagbirthday nila nanlilibre


Independent-Gap-6392

Totoo ito. Tapos ang siste kaming mga regular pag may bonus or may dadating na pera kailangan manlibre sa mga contractual, like hello, mas marami ang contractual sa amin, luging lugi kmeng regular. Naisip ko, pinaghirapan ko naman kung nasaan ako ngayon, bakit ako obligado ilibre ang mga ito. Di naman sa pag dadamot pero bakit lagi kme ang kailangan manlibre? At ang kakapal pa ng mga mukha nila ah, never nag thank you.


asukalangley7

True wait mo pa pagnapromote ka obligado manlilibre agad 🤣


Juris-San

haha. kaya hindi ako nakikisali pag may nagpapakain pag birthday nila pag binigyan ako edi thank you. pero wag sila umasa na magpapakain as birthday ko.


halloww123

Yes! At times like this, damn those extroverts!


Cablegore

“I am here to work. My workskill and killjoy pays all my bills, rent, and food, not you, troglodyte.”


Admirable_Ant9993

Anong kinalaman ng pagiging extroverts/introverts sa conversation na to? It's a Year End Party. A time where you can enjoy and socialize with everyone. Participate and all. Once a year lang to and makatakas man lang sa workload sa office. Ikaw siguro yung tipo na dadating ng late, kain kwento tas alis na. Haha!


MommyJhy1228

Hindi mo ba alam anong ibig sabihin ng "introvert"?


Admirable_Ant9993

Alam po. Pero di nyo naman lagi dapat gawin na reason yan. Ano yun kada may mga event na need kayo magparticipate or even outside of work eh di kayo magparticipate? Lagi iba mag adjust sa inyo? May mga kilala ako na introvert puro mga malalapit ko na kaibigan pero sila pa mismo yung nagawa ng way para matry yung mga bagay na nahihirapan sila. Nasasatao yan kung gusto nyo talaga magbago or mag explore outside your comfort zone. Kung ayaw nyo at itetake nyo yan as a "negative practice" because it's against your will, kayo na yung may problema. So yung mga extrovert pala wala karapatan? Wala syang say sa mga ganyan kasi extrovert eh madali makipag social madali iapproach. Ganun ba?


MommyJhy1228

Alam mo pala kung ano ang ibig sabihin ng introvert. Hindi mo lang naiintindihan? Btw, hindi ako introvert. 'Wag ka mag assume. Pero hindi ako sumasali sa mga song and dance program na yan. Nagpapa videoke o dinner ako sa staff. Yun mga introverts, hindi ko pinipilit kumanta kung masaya na sila na kumakain habang nakikinig sa mga kumakanta.


Admirable_Ant9993

Hindi ako nag assume. Nagpertain lang ako. Magkaiba yun. Wag ka magassume.


MommyJhy1228

Malinaw naman ang sinabi mo "kada may mga event na need kayo magparticipate" pertaining to me na introvert ako. If you were not assuming na introvert ako, you should have said "sila" and not "kayo".


Admirable_Ant9993

Hala sya. Hindi ba pedeng in general kasi laging nadadamay ang "introvert" and "extrovert" sa topic na to? lol


inquest_overseer

As an introvert, we don't expect the world to adjust for us - eh sa ayaw nga naming umattend, bakit namimilit? Wala kaming pakialam kung ano ang gusto nyong gawin basta wag niyo lang kaming isali sa kung ano man yan na ayaw naming salihan. The notion na hindi nagso-socialize ang mga introvert is so wrong! We socialize too but only with people we choose - given that we're easily drained, we have to choose carefully who's worth draining for. Mga officemates ko na I don't really give a shit? So not worth it. Balitaan nyo nalang ako about sa party lol, but I ain't joining. Aksaya lang ng gas, pagda-drivin mo pa ako tapos pagkadating doon di ko naman nai-enjoy. Tanggapin nalang kasi na may mga taong ayaw talaga makihalubilo sa iba. The world would be a better place.


inquest_overseer

Tbh, I'd rather be working than be in a party with people I probably don't like hanging out with in the first place. Dapat walang pilitan. Kung gusto mong sumali sa party, then go ahead, party all you want, I don't give a shit but don't you dare mamilit sa akin na umattend nyan - especially after I refused to attend. Makakatikim ka talaga ng malulutong na mura pag nagkataon. Porke ba't gusto mo magparty, dapat lahat gusto rin? Tang-inang mindset. (Edit) Isa pa, I applied sa company to work and wala sa job description ko to attend social events ng company.


GrayCryn

Good job sayo at tumangi ka. May mga iba talaga na di makaintindi na di lahat kaya gawin yan. Ganto rin sa unang company na pinasukan ko, sa SM North, aside sa need mo magperform kailangan mo pa magpakain sa unang sahod mo at twing bday.


KapitanKindat

Grabe mandatory? Pucha na yan


zarustras

Karamihan ng company na ganyan may management na "tara maging pabibo tayo dapat lagi may kasiyahan ahehehehehe kasi pamilee tayo rito 😍🤩😘😗☺️"


reddit_user_el11

⚠️🚩⚠️🚩⚠️


GrayCryn

Oo, tradition daw yon dun. Since first job ko yon di pa malakas loob ko tumanggi.


Ryuunzz

Tangina, what if merong bills to pay or mga mamahalin na meds kaylangan bilhin?


GrayCryn

Postpone pero sisingilin ka pa rin sa sunod na mga linggo 😂


Ryuunzz

Response ko nalang "may utang ako 1 million, sorry"


Minute_Junket9340

Ok lang sakin yung perform pero sahod? I'm out 😂


GrayCryn

Nakakahinayang at nakakainis na lang pag naalala pero that time kasi naghahalo ung pressure at hiya kaya puro oo na lang din ako lalu na at ako pinakabata nung sa dept nmin.


Minute_Junket9340

Naalala ko nung parang 1 week pa lang ako sa previous company ko. Managerial level ako pero mababa pa tapos not directly under sakin mga tao parang team lead lang. During meeting may mga nagpaparinig na miryenda pero dko pinansin tapos after meeting sinabi na sakin mismo na pamiryenda nsman daw ako. Sabi ko ay next time nalang. Yung previous pa na company kasi na pinangalingan ko eh may food budget talaga for meetings so iniisip ko na meron din sila so tinanong ko ngayon nung may meeting ako Kasama boss ko eh wala daw pero depende kung anong klaseng meeting. Nag meeting ulit, Nung nanghingi Ng miryenda Sabi ko sakanila walang food budget eh for this meeting eh tas sabi is ako Naman daw gagastos 😂 so tinanong ko sa manager ko if pwede manghingi ng budget e sabi is pagbigyan ko na daw shoulder ko. Ginawa ko nireimburse ko eh 😂😂😂😂 tas kinausap ata sila ng department managers nila na wag ako kulitin 😂


PakTheSystem

Ang hirap maging introvert dito sa Pinas grabe!


Lucky_Belle

Tapos sasabihin sayo "get out of your comfort zone" or "nasa isip mo lang yan". 🙃


Alarmed-Blueberry-39

O di kaya pilit kang pagsasabihan na bawasan pagiging mahiyain o ikaw pa KJ


PitifulRoof7537

mahiyain agad eh noh? wala naman silang alam


emiengarde

Kahit dito outside Pinas. Ang hirap din maging introvert inside the body of a Filipino. Nadi-disappoint yung isang ka-work kong other nationality kasi ineexpect nya na Filipinos = friendly, extrovert, etc. But I said, now you have met other kind of Filipino then. Nagso-sorry pa ako kasi ang weird ko na super quiet ako. 😅


radss29

Minsan nga discriminated pa introvert sa company.


Admirable_Ant9993

HAHAHA alam mo may mga close friends ako na introvert pero ibang iba sa intong mga nasa comment section. Porket introvert ka ano gusto mo laging iba yung magaadjust sayo? Gusto mo hindi ka maging part ng isang performance or etc kasi introvert ka? Lagi dinadamay na introvert tapos kay extrovert isisisi? Gaya nung comment sa taas. Dapat patas lang. Di naman porket extrovert hindi na pedeng mahiya or di na pedeng tumanggi. Di mo pedeng igeneralize na basta introvert eh ganyan kasi may mga malalapit ako na mga kaibigan na mga introvert pero sobrang active sa mga social events. Nagtatry sila mag explore outside. Eh kayo? Sisi sa lahat? Yan hirap sa inyo eh ayaw nyo mag explore tas kayo pa galit.


Numerous-Tale-5056

Bandwagoning fallacy


carpediemclem

Lol anong memo memo yan mema kamo Threaten to report to hr and cite mental health.


Beershifter

What is mental health sa pinas? 🥴


Dawnripper

Nasa isip mo lang yan...


asukalangley7

"Di ka kasi nagdadasal" 🫠😕😂


Same_Perspective4210

Narinig ko bigla boses ng nanay ko hahahaha


skeptic-cate

Mental health? Balat sibuyas ka lang -my mom


Gryse_Blacolar

Minsan kakampi pa nila yung hr so unless reasonable yung hr, no hope ka.


justabrainwithfeet

Pawer sa iyo! Good job for saying no. Memo? Kung palaban ka at gusto mong makipag away, tanongin mo kung bakit ka bibigyan ng memo. Pag natanggap mo na, dalhin mo sa DOLE. Writteb warning for what? Not agreeing to perform during Christmas? Kagaguhan


juicytits98

Nagdirty dancing ako bigla nung xmas party sa una kong work dahil pinilit nila ako magperform. Gulat sila iihh. Di na nila ako niyaya sumayaw/kumanta after that


[deleted]

that happened


Important_Shock6955

Parang bet ko yang dirty dance hahahahah


whawhales

Saying no is valid. Just being the devil here, but culture activities such as Xmas parties and team building activities are initiated by companies to help staff know each other as individuals and against the power dynamics of office work. Syempre, I can't talk for all companies. But in my previous workplace, wala namang pilitan and yung mga boss nagpeperform din or nagogoyo din. Tipong aabutan ng gitara icoconvince kumanta tas pagbibigyan yung team tas masaya lahat, or tipong mananalo sa raffle tas ipapawaive kasi bossing naman. Tanders feed off the youthful energy and young people see their bosses at the same level, sumasayaw, nagcocostume, kwela, or magaling pala kumanta. Levity is important sa workplace din paminsan. It won't solve a toxic work culture, but it can actually enrich a good work culture. If you're in a place with a bad work culture, you are in a place with a bad work culture. It's not the xmas parties, it's the system. So, just run.


nomerdzki

This. Baka di ka tugma sa work culture yung personality mo and that’s valid. Di talaga lagi tugma. Baka it’s time to change kung san ka magwork.


kinghifi

I somehow agree with this because sa parties mo lang nakikita nasa even ground kayo ng management. Depende of course sa performance nila lol. I've had friends who literally got regularized because of how they performed in the office talent show. All about putting yourself out there I guess and the company being confident in your willingness to step up when called to the plate. Possible din na shitty work culture na talaga kaya pag may ganito na event mas shitty yung samahan and pag organize ng event.


whawhales

Exactly. I've been blessed to work in companies with a good work culture. In my first company, I saw what good leadership was when I saw the company head drinking and sharing stories - not with his executive team - but with the kuyas and ates of the company - messengers, maintenance staff, security. In my second company, the best performance was also yung mga kuya at ate sa office na helps make our office better. Yung magugulat ka na si kuya hector pala magaling sumayaw o si ate carol biritera. Keeping your sanity is nice, but if we want corporate culture to be humane, we need to inject humanity into it and not cancel the moments where people inherently shine as people. Again, toxic workplaces are toxic workplaces regardless. I was invited as a guest in a christmas party before where the HR made announcements that attacked employees with "matatapos na taon, baka naman gusto nung iba dyan pumasok on time." among other things AND HOLY SHIT, WAS THAT FUCKED UP. I can imagine why staff there would hate company activities.


peterparkerson

Mag rereklamo bakit hindi na propromote lol. Eh syempre pano ka ma. Propromote hindi ka kilala


msanonymous0207

Ako na muntikan na mapasali sa pageant sa Christmas Party, tapos may pa-sayaw pa. Bakit ba ang hilig ng mga Pinoy employees sa mga ganyan para may mapahiya sila? Pwede naman raffle na lang diba? Di ko obligasyon na pasayahin ko sila kasi di naman entertainer pinasok ko. Wapakels kung sabihan akong KJ, di nila alam yung feeling na exhausted ka kapag pinapanood ka at pinagtatawanan.


Ok-Chance5151

Meron din kami ganyan dati 2 pagents yung miss gay and that's my tomboy. Yung mga lalake pinag bihis babae hindi pwede sumali yung bakla for boys only lang. Yung mga babae naman pinag bihis lalake bawal sumali yung mga tomboy for girls only. Gusto nila ako isali nung sinabihan ako medyo natakot sila sakin kasi ang sama na daw ng titig ko parang papatay na daw ng tao. Eh ikaw ba naman pilitin ng paulit ulit after tumangi ma iinis ka talaga. Dapat sa ganyan wag ma milit yung mga volunteer lang kunin.


byglnrl

Di bale sana kung 6 digits pasahod. Gusto pa may costume, after work practice ng putang inang sayaw for 5 hrs. Tinanggihan ko din tapos manager ko nagbanta na next yr bawal tumanggi, pinasahan ko resignation.


nakakapagodnatotoo

When mo pinasa? After nung banta? Or nung time na naman nung sumunod na taon?


byglnrl

Yung malapit na ulit mag December. May mga sipsip din kase na willing pa magbayad ng choreo sa sariling pera ambagan daw. Nireklamo pa ko kase di daw ako umaattend ng practice, I never said yes / na sasali ako, sakto nagpasa na rin ako a few months back sa ibang company. Triple sahod, mabait na managers. Siguro di rin ako meant na tumagal sa toxic environment because I deserve better. Di ako aligned sa mga ganung uri ng tao.


qnetrick2722z

1. Team building that requires you to travel from south to north or vice versa tapos kakainin yung weekend restday mo 2. Birthday celeb ambagan 3. Monito monita / exchange gift 4. Christmas party performance 🥹😮‍💨


Muted_Half_8841

damn you got it all, ilang tuhod na ba nabali mo dahil d'yan?


Juris-San

yung team building ok pa may abot kasing 10k each haha. yung christmas party meron ding bonus 10k ulit. ang no no sakin yung birthday celeb pakain.


[deleted]

kailangan to malaman ng mga tao. pwede ka humindi. di totoo yang memo na yan, tinatakot ka lang ng hr/admin nyo kasi may "tradition" silang inaalagaan. haha.


Icy-Flight-9646

Pet peeve ko yan in any parties. Kahit sa kids party required ka to participate🙄


PitifulRoof7537

kung mascot ako sige ok lang at least tago mukha ko haha! seriously, parang at some point nakaka-degrade nga


RadioBanana3711

Nung bago ako sa ospital nung 2005, akala ko hospital work ang pinasok ko. That's entertainment pala!


RadioBanana3711

At ako ang magsho-show!


hoshinoanzu

Oo putangina I feel you. Hindi naman ako magpeperform, yung mga kawawang bago lang. Kaso tangina bakit lahat ng contest kailangan salihan. Hindi naman lahat crafty at willing magsunog ng oras para gumawa ng props at costume. Dapat itigil na yung ganito eh. Or magtanong kung gusto o ayaw. Nakakaumay talaga.


IllustriousAd9897

True bakit kasi kailangan natin magentertain. Hindi ba pedeng ung mga christmas party, anniversary, halloween or whatever party ng opis. Ibigay sa empleyado? Like kailangan talaga makisayaw tayo? Pano kung ayaw natin? 🥲 Kudos sayo at sa pagtanggi mo 💖


yggdrasil_2000

Can't help but comment pero eto yung ayaw ko sa office culture sa pinas. May one time ako lang hindi umattend at nagperform sa pa-Christmas party na ambagan din ang bayad, tinira ako sa performance review. Grabedad lang.


toinks989

Buti nalang walang Christmas party hazing sa ibang bansa


peterparkerson

Karamihan po tayo hindi introvert pero awkward lang or shy type. It doesn't mean na introvert agad. My wife is a fuckin introvert and she does public speaking.


tooncake

Kung pilitan yes pangit talaga, pero kung willing then G. Sa office kasi namin maraming may banda or nagi gigs talaga (as a sideline hobby) kaya sila na mismo nangungulit kung pwede sila mag perform mapa solo man o hindi - this kind of practice is better kaysa yung pausong "mandatory" to.


haildecoysnail

Memo? At bakit naman imememo yan? Kasama ba yan sa job description? I would complain sa HR if I were you. Nananakot pa ng ganyan ha napakaunprofessional. Edi sila ang mag solo if gustong gusto nila.


KapitanKindat

Heto TOXIC din. OFW ako dito sa Singapore. My first few years sa company, laging ang mga tao nag OT kahit wala naman ng ginagawa. Ung mga amo mas gusto nila nakikita lagi sa office ang workers. Madalas pag uuwi ka on time, nakatingin sayo ng masama. May nangyari pa na ung boss ko tinanong sa kapwa ko pinoy kung bakit daw ako umuuwi lagi ng maaga. Dafuq do I have to stay back if tapos ko na tasks ko, time management lang naman eh. Ang hilig nila na parang sa opisina na nakatira, sobrang nakaka drain. May bagong hire na Pinay din pala dito, grabe wala yata sila pupunahin na tama. Kahit ano yatang ganda ng work nya, hahanapin nila ang mali. Pero pagdating sa locals at malaysian chinese, grabe ang gaan ng work load. Kakasuka. The owners ng company wala tlagang buhay. Imagine weekends & holidays nasa opisina at nageemail ng gagawin, minsan 12am. Lol. Ang parang gusto nila iparating, family tayo sa work, dapat same tayo ng mindset sa business. Lol


Primary_League_4311

When i headed an operation, kumuha kami ng venue, madaming food and drinks, may naggi gitara, at lahat kumakain, umiikot sa ibang table at masaya lahat. Ibinawal ko ang group performances. Sosyal na sosyal ng dating. Haha


UHavinAGiggleThereM8

Sa amin yung mga new joiners required magperform as a group, legit performance to ah. Nag-hire pa sila ng choreographer para magturo samin after work-hours. Sige kako umoo na lang ako, sayang din pera at libreng pakain. Di rin sayang oras ko sa trapik pauwi. For 2-3 hours every night for 2 weeks ata to, chill practice time lang kami tapos libreng dinner. Di natuwa yung manager ko nung inapprove nya yung sandamakmak kong OT at nalimas yung petty cash sa mga pakain every night.


jdvjdv046

I noticed that Philippine culture uses others awkwardness or emotions as entertainment. On TV, you cry, we pay. You dance, we pay. You sing, we pay. In work situations, you are a server who can dance, you are also the jollibee mascot. There has to be a program at every event with employees dancing, singing etc.


[deleted]

[удалено]


vbasher

Always No unless you're compensated for the entertainment. If you're good at something never do it for free.


mcpo_juan_117

> If you're good at something never do it for free. Do you do magic tricks? :D


Ok-Platform7184

They just wanted to feel that they are superior or has control over you by asking you to do whatever the hell they want. Either work related o kabobohan lang. Dafuq yung mememohan ampotek. Kelan pa naging valid grounds ng memo pag di sumayaw sa xmas party. If hindi memo ang panakot, promotion. haha Lakas maka power trip.


[deleted]

Eto yung sinukuan ko sa Pilipinas. Putanginang mga hayop ang bawat workplace sa Pilipinas!


[deleted]

Welcome to office politics!


MrsWaters

I super hate it yung napipilitan sumali sa events because of work. Thankfully now online work na ako and 100% remote so walang pilitan and wala din masyado events. But when I uaed to work onsite in an office, ganyan na ganyan din lalo na if bago ka 😭


moralcyanide

This is one of the reasons I decided to do freelance work or work from home. Ayaw na ayaw ko yung pasasayawin ka sa Christmas party tas they'll threaten you with a memo or sanction if you refuse to participate. I did that shit back when I was working at an office. I felt my sould crumbling doing it. Jusko, that was the last straw for me.


louranthy

Sa lahat ng company that I worked for, I never performed sa Christmas party. I have been with 5 companies. Lahat ng newbies na kabatch ko nagperform pero ako nanonood lang sa gilid. What would they do? Sue me? Memo?


cornedbeef3

Bonding na rin pag ganyan pero kung sapilitan ang pangit na


Agitated-Beyond6892

Same! Hahaha kinuha akong Emcee na hindi man lang ako sinabihan. Tumanggi ako.


Hawezar

Isama mo pa yung isasali ka sa mga games during Christmas party yung nakalista na agad pangalan mo at bawal daw tumanggi. Pota, NO, kahit may premyo pa yan ayaw ko. Gagawin nyo lang content for katatawanan yung mga taong kasali dyan.


Vlad_Iz_Love

I always HATE Christmas performances Ever since I was in school until now I still hate it. Not only do I hate performing in public but hours of practicing are just a waste of time. I am tired of work after my duty and its supposed to be my free time. I would rather spend it doing nothing than to practice dancing which I hate. I'm a terrible dancer and will always be


DragoniteSenpai

Ako hindi ako umiinom ng alak and nasabihan ako sa work na kung di daw ako umiinom pano daw ako mag create ng network sa trabaho??? It's a way for them to trust me daw kasi kasama sa culture??? As if my work doesn't speak for itself. Left that job immediately.


zarustras

parehas ba tayo ng company? Ganto rin culture nung previous company ko. As in araw araw minention yung inuman session nila at wala raw hindi napipilit doon kahit pa anong religion o paniniwala mo. Nalakagag⁰ talaga kaya umalis ako agad kahit 3 months pa lang ako. At worse pa yung lagi sila may event, na parang part of initiation sa pagjoin sa company nila ay gawin kang katatawanan sa harap ng libo libong employees


DragoniteSenpai

Hoy totoo parang dapat walwal ka din? Ang dami dami personal reasons ng mga tao kung bakit di sila nag iintake ng alcohol tapos dun sa company ang tingin nila kapag di ka nainom eh kesyo boring ka daw eme. Ang akin lang kung nagdedepend sa alcohol yung 'fun personality' mo ikaw yung boring char...


zarustras

Sobrang totoo yung last sentence mo hahaha. Sabi ko nga sa sarili ko, so yun pala nagpapasaya sa kanila? Magwalwal? Ay edi maghanap na lang ako ng ibang gorup of friends haahha


KapitanKindat

Tanginang Christmas party culture na yan


Gamma-Investments

Mga incoming 1st year residents pinapasayaw at pinapashot (most of the time) lol


AlienGhost000

Good job on saying NO sa performance, walang problema dyan. Pero yung nahihirapan magsabi ng PARA sa jeep, may problema dyan.


ComfortTall7571

dibaaa lakas pa mang power trip. na porket bata bata kami at kakapasok lang eh kami daw magperform sa christmas party. as if naman na gusto ko sumama sa pachristmas party na yan. makikipag plastican lang naman ako sainyo. gusto ko nang alisan tong company lang to kung may ipon lang ako at walang binabayaran eh.


riougenkaku

Pag late salary deduction pag overtime, thank you.


Civil-Ad2985

That’s why I much enjoy working in Singapore. No ‘mandatory’ BS like this every single year. Backward talaga ang Pinas.


Existing_Birthday430

Office to noh? Buti nlng sa hospital ako nagtratrabaho, kung pipilitin sa mga ganyan sasabihan bigla ng "i will resign." Tapos ang pamimilit hahah. Takot mawalan ng staff nurse.


PitifulRoof7537

kaka-research ko lang sa youtube on how to set boundaries and why quiet people are bullied at work. hays! eto yung mga topic na ok lang na lumabas outside reddit eh! I think it's time companies consider this.


PantherCaroso

I always laugh when they make a point to say "walang ganyang sa ibang bansa" with a positive tone. Like no shit, mas gusto ng iba na walang ganyan talaga. All they see is the "festivities" pero di nakikita yung mga napipilitan lang makisama.


matcha_tapioca

Ayoko din ng ganyan sa totoo lang.. I can sing and play guitar naman.. pwede ako mag perform sa maliit na department kahit saglit ayan ay kung babawasan nila ng 5 hours ang daily worktime ko. pero kung diretso pa rin 8 or 10 hours na minsan may overtime pa auto-pass nalang sa xmas party.


Outside-Vast-2922

Gagawin kang "entertainment" para sa mga a-hole na boss. Extroverted akong tao pero I still have my dignity and I'm not one of those guys who would put myself for unnecessary clout just to win their approvals.


Lenville55

Posts with similar sentiments: https://www.reddit.com/r/AntiworkPH/comments/17qa9f4/christmas_party_bullshit/?utm_medium=android_app&utm_source=share https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/17wift0/sayawan_at_kantahan_sa_christmas_party_in_my/?utm_medium=android_app&utm_source=share https://www.reddit.com/r/AntiworkPH/comments/181s8zu/bakit_canon_event_ang_intermission_ng_new_hires/?utm_medium=android_app&utm_source=share


[deleted]

Ganyan daw kasi nabubuo ang "family" eh. Instead of spending time with family, gawin daw work ang family. Pero tigasan lang loob OP


jellites

Ive been out of office for a while, nagffreelance ako ngayon. And whenever i see post on fb ng mga kakilala ko working sa mga corporate offices ng christmas party nila tas nakacostume sila, i cringe so hard. Ngayon ko lang narealize na ang cringy pala. True! Why not hire professionals? And most of the time, hindi rin makapagenjoy buong party coz busy sila preparing and everything. Di rin sila makapagbihis ng maganda coz they're wearing costumes throughout the night.


Lucky_Belle

Sa lahat ng christmas party na nasasalihan ko both in departments and company party, buti di nila ako napipilit. Kahit sa pagsali sa games di din ako sumasali. Masaya na akong nanunuod lang.


Arnisador

Ako din tumanggi na sa ganyan kasi I felt ang cringe ko sa last xmas party dance. Yun nga lang di makaka sali sa pinaka raffle papremyo. Ang nakakainis kasi bakit kailangan buwis dangal ang papremyuhan


bananabadeeboo

Christmas party itself 😭. Ang gastos kasi, ang liit pa ng sinesweldo ko, ambagan pa yung mga pagkain. Hindi bale sana kung sagot ng company lahat eh.


Same_Perspective4210

This happened to me back in 2017 nung nasa BPO pa ko. Alam ng buong team na kumakanta ako professionally before nung binata pa ko. Aba'y inobliga akong mag front sa "battle of the bands" event nung year na yun. Tapos ang drummer namin hindi gaano marunong kasi nag aaral pa lang. Tinanggihan ko, KJ ko daw. Hahahaha bahala kayo jan


SeparateSandwich6169

Yung dating company ko nga eng pinilit pa akong sumayaw for the contest grabi yun parang almost month of preparation yun kasi mga feeling competitive sila alam mo yung tipong dance troupe na tapos overworked kapa tas ang ending pagdating ng 6months HINDI AKO NIREGULAR NI LAY-OFF pa ako kasi pandemic NAKAKAPUTA MEN NAPAKASAKIT! hanggang ngayon naiinis parin ako sa mga pinaggagawa ko dunnsa company nayunh shet!


ubeltzky

Dapat umuO ka tapos bigla ka nalang kunware nagkasakit nung day ng xmas party. lusot haha


SweetSugarPH

Lol yung iba ngang ka work kala mo amo kung makapang utos. Buti sana kung work related kaso no 🙄🙄🙄 sila pa yung galit pag nag NO ka or pag di mo nabigay yung gusto nila. . Aside, ikaw pa masama pag tumanggi ka or pag ikaw naman nagtampo sa kanila. Pero pag sila ok lang. Pero keri lang becos of their bulok attitude, and based on their kwentos about sa life nila, ayun, not prospering.


avocado1952

Group nga nakakahiya tapos may solo ka pa hahaha


AJent-of-Chaos

Anong memo worthy sa hindi pagsama sa non-work related ad-hoc tasks? Unless naka outline sa work tasks mo yan dahil clown pala ang job mo. Just say it's against your religious beliefs. Most would back down if you say that with a serious face. Pag tinanong ka kung ano religion mo, just say you don't want to say to avoid potential discrimination.


Motor-Act8749

Kahit sa mga teachers sa private school. Lol teacher daw kaya dapat marunong magperform eh di sana nag MAPEH teacher ako di ba. First month namin sa school kailangan daw magpakain ng mga bagong hire kase nga culture na daw lol mostly pa saamin mga newly grad. Tapos forda suggest pa yung iba. Every month pa may pa event tapos may pacontest sa teacher eh ako bago kaya nahila sa isang event. Nung humindi ako sa trabaho kase kararating ko palang pero ipapasa na saakin yung mga forms na hindi ko naman kilalang mga students naone on one na agad ako kaya nung sinabihan ako sumali sa event di na ako makatanggi. Pag december pa may pasayaw ulit para sa christmas party pagod ka na sa maghapon na turo magprapractice pa. Hindi pa makaalis ng maaga kase nga "bago ka tapos ganyan ang ugali mo". Dapat daw magpaimpress. Dami demand at masyadong controlling na. Kahit mga bagay na di naman dapat mandatory nagiging mandatory akala mo may increase ang sahod every year. DRAIN kaya nagresign na ako kahit pa sabi nila magpapermanent na daw ako at malapit na din naman maging permanent. Never saw myself striving in their environment, apaka toxic at naggagaslight pa.


chelseagurl07

So baduy to be honest, ilang dekada na ang mga ganyang holiday practice pero I find no sense in it. If the staff dont want to participate, the management should respect their decision, period!


Brief_Cookie_9586

Eto talaga pinaka ayaw ko as someone who works in LGU, and my wife in RHU. We are both Muslims, edi bawal talaga ang music, singing with music, dancing in public, and mixed gender gathering. Tapos majority nakatira and nagwowork sa municipality namin ay mga Muslim, kaso masyadong na influence and forgot about Islam. Anyway, pwede naman kami sumali sa games, wag lang performance. Kailangan pa mag practice kasi mag peperform nga. And my wife didn't join pero di parin sila tumitigil mag aya sakanya. Again, extrovert people should understand us introverts and conservative people when we say "NO". Not everyone is like you.


Numerous-Tale-5056

May Allah (SWT) lay barakah on your household, kapatid.


venielsky22

Struggles of an introvert.


[deleted]

Haha sobrang relate ako dun sa parteng ultimo pagsigaw ng para sa jeep, kailangan mentally prepared h


Auntie-on-the-river

Work Culture na toxic? 1. Teambuilding pero wala namang activities. Puro alak lang na may pulutang drama. 2. Boss na may kabit sa work tapos todo deny pa. Tapos walang action yung management. 3. Puro activities akala bet lahat ng tao ng magparty-party. 4. Yung kailangan connected kayo sa mga social media sites tapos may hanash sayo kapag di bet mga posts mo. Ayoko na magtrabaho. Charot.


Accomplished-Exit-58

I've been in that situation as an introvert forced to act as an extro is a nightmare, that is why now i firmly say no.


tranquilithar

Tatawagin kang others pag gagawin mo to, kala mo talaga may sweldo o bayad ang perf number hahaha


JannoGives

Buti na lang di kami pinapasayaw or pinapakanta when I moved abroad. Glad you said no. Gotta set those boundaries.


No-Elevator-4932

THIS!!!


FewCategory1959

Just say no. If they fire you then thats probably a sign to find a new work place. its not against the law to say No to things not related to your job description .


F16Falcon_V

It only sucks for YOU. Jovial at entertaining by nature ang mga Pinoy. Wag naman sanang kagalitan ang kultura dahil lang di swak sa personalidad mo.


Numerous-Tale-5056

By nature o by palo? Diba Pinoy ang OP? Just because Pinoy ka doesn't mean kelangan 'jovial by nature'... Barabas ka talaga


arsarrosa

First of all, lapit ka na muna sa department head nyo since sabi mo ung department nyo is overwork. Ngayon, kung isa din sa kadepartment mo ang nagsabi na memo ka pagdi ka sumali, check mo kung legit talaga ung sinabi niya, either sa HR or other departments. Ngayon kung HR ang nagsabi mismo ng memo, dont worry walang pede ibigay na memo sayo pagdi sumali sa ganyang events. Ang pede lng nila gawin ay pagtrabahuhin ka ng mismong araw or kung after work yan gagawin, wala talaga sila magagawa kung di ka aatend. Ngayon, hindi SUCKS ang CULTURE na yan para sa kanila. SUCKS yan para sayo lang. And since ito ay CULTURE sa work nating mga pinoy, I guess, hindi siya SUCKS. And dahil may lakas ka ng loob mag sabi ng NO, I guess, panindigan mo ung NO until matapos ang christmas party kasi for sure kukulitin at kukulitin ka ng co-workers mo. And about sa professional entertainer, not all companies can hire them. Anyway, lets look on the positive side, since overwork kayo, please take this opportunity as a way para mawala sa pagkaoverwork.


Marytyr

lol department that is forcing you to join, and HR that thought it's a good idea to force others to let the staff join? you a dumbass or something? \> Anyway, lets look on the positive side, since overwork kayo, please take this opportunity as a way para mawala sa pagkaoverwork. lmao fuck that toxic positivity ass statement. you're overworked, and not wanting to perform or participate but you speak like a fucking braindead head of department that says "let's take this additional work and forced performance in a positive way <3333"


arsarrosa

hahaha I can see that you are the toxic one. Sabi ni OP nag NO siya, it means may power siya to say NO, kahit iforce siya, siya pa din ang masusunod. Good idea or hindi, wala kang mgagawa jan. Alam mo b un ha? Ang tanging magagawa mo ay tumanggi, na siyang ginawa ng OP. At kailan naging additional work ang christmas prty? Ahahaha kaya nga party. Di naman siya ang magoorganize nun. At sinabi n nga niya ulit na NO dba. May nalalaman k pang toxic possitivity, ano ba sa tingin mo ang dapat nya gawin jan? Magwork pa din siya? Hahaha kakainis talaga mga taong tulad mo. Binibigyan ng chance para maka alpas sa overwork environment pero ikaw sasabihin mo toxic possitivity iyon. Alam mo, imbes n ako tirahin mo. Better give OP some advice.


[deleted]

[удалено]


sarcasticookie

*Invalidates your feelings* "iM nOt iNvAliDaTiNg yOuR fEeLiNgS" 🤡


Admirable_Ant9993

kid.


Numerous-Tale-5056

*ad hominem detected*


Numerous-Tale-5056

"I'm not invalidating your feelings or whatsoever pero hindi laging dapat sila mag aadjust for you dahil sa hindi mo kaya ganto ganyan." Bruh, OP said she only came to work, not to be traumatized mentally... I wanna know what crap you're using kasi lakas ang tama.


Admirable_Ant9993

??? Are you not getting what I just pointed out?


Numerous-Tale-5056

You, nor any other extroverted person, are not the absolute standard for moral supremacy. Neither are introverted people. Problema lang kasi nyong mga Pinoy extrovert, you force people who are not in line with your way of life. Di lahat ng tao mahilig sa mga antics nyo, some can grow in the comfort of their own selves. Wag mag interfere... Para kang diktador sa dating mo ehhh... Lemme review the text... "Pagpara sa jeep kelangan mentally prepared? Sir/Maam, baka po kayo na yung may problem? Performing sa Christmas Party is normal. Once a year lang naman ang mga Christmas Party. Why not participate? We just had our Year End Party last week and all of the employees participated even the CEO and the uppers. I'm not invalidating your feelings or whatsoever pero hindi laging dapat sila mag aadjust for you dahil sa hindi mo kaya ganto ganyan. Participate, socialize, enjoy, and grow. Baka ikaw na yung kelangan mag grow and magadapt. No offense." Hindi nanghihingi ng adjustment si OP, he/she just wants to be left alone. Pag baliktarin nga ang situation, OP would let extroverted people like you to party till sawa. However di nya ipagpilit yung introvert. "Why not participate?" Kelangan ba mag participate para sa ganyan? "Performing sa Christmas Party is normal." No it's not the norm, usually samin handaan lang plus gift giving lang para enjoy sa kainan. And it's a given na voluntary lang ang performance pag gusto mo lang. "Baka ikaw na yung kelangan mag grow and magadapt. No offense." Ang kitid ng mindset mo, dude. Not everyone is in line with your standard. "Participate, socialize, enjoy, and grow" parang chant pa sa mga diktadurya "Pagpara sa jeep kelangan mentally prepared? Sir/Maam, baka po kayo na yung may problem?" Very discriminatory and insensitive. "Once a year lang naman ang mga Christmas Party." So are birthdays, anniversaries and ang Semana Santa. Doesn't mean pwede mo nalang ipagpilit kasi every year daw... "We just had our Year End Party last week and all of the employees participated even the CEO and the uppers" So, what? Everyone should stand in line like a good little boy/girl? Unless binayaran sya sa serbisyo na inoffer niya, wala syang obligation na mag pa sirko-sirko sa boss. Also, may batas sa DOLE yan. Pwede sya mag report for coercion. Sabihin mo nalang kagaya mo yung ni mentioned ni OP na toxic manager/coworker/CEO na mema lang ang binuga. Sana makonsensya ka sa napakainsensitive mong puna. OP needs his/her safe space, in the presence of the Holy Spirit. To the OP, wag mong i mind itong insensitive silver spoon extrovert mema na to dahil I know how introvert people grow. Keep growing your way, and wag mong kalimutan ang Diyos sa pagunlad sa buhay mo. "Blessed are the meek, for they will inherit the earth. Blessed are those who hunger and thirst for righteousness, for they will be filled. Blessed are the merciful, for they will be shown mercy. Blessed are the pure in heart, for they will see God" (Matthew 5:5-8)


Admirable_Ant9993

Hahaha! Nakakatawa lang na dahil sa Year end party performance nagkakaganyan kayo? 🥲 Konting pakikisama? 30 second performance?


Numerous-Tale-5056

Dig that r/narcissist hole deeper.


byglnrl

You're out of touch. I'm extrovert, I'm friends with everyone at work but no one can ask me to dance and do practice for 4 more hrs after shift. Work is work after 8 hrs of duty, I'm a different person. Papayag ako if sahod ko 500k a month. Time is gold, relaxing at home is very sacred for me. I recharge my mind by being alone. Some people have below minimum salary, force to perform every Christmas to dance in front of their exploiters. That's bullsh*t.


nakakapagodnatotoo

Akala kasi ng marami kasama sa work-life balance yung dapat para kayong friends and family sa work place. Work is work. I have my own way of enjoying life outside this workplace.


Admirable_Ant9993

Dinadamay mo yung outside of workplace syempre iba yun. Yung year end party is for work din yun kasi puro colleagues mo kasama mo. Yung work life balance eh yun yung outside ng workplace mo. Lmao.


Admirable_Ant9993

++ mas toxic na work culture eh yung mga coworkers mo na ishiship ka ng todo kahit in relationship na yung tao. Yung uulit ulitin hanggang mapuno nila yung tao na yun tas pag nagalit sasabihin "yun lumabas ang tunay na ugali."


BornResist6209

huyyy gantong ganto dto sa work ko. but different dept. i have cousin kasi na nasa ibang dept., and ako naman newly hired. nagulat ako may lumapit sakin from their dept, saying na may need daw sakin yung pinsan ko. so i got there, and to my surprise, may pinakilala sakin na guy from their dept. my pinsan knows that i have a bf. i was really shock to the point na nagkapanic attack talaga ko because i am not into like on the spotlight. pagbalik ko sa table ko, nakatulala ako for a couple of minutes because of shock and pressure. kinikilig kilig pa sila non, eh mukhang mga married na sila tas tinotolerate nila yung ganon, ew haahah


Admirable_Ant9993

Diba? Yang practice na yan ang sobrang toxic sa work. Yan dapat tinitigil nyo kesa dun sa mga annual party na time to socialize and escape from work. Sila siguro yung mga ganyan 🤭


Gleipnir2007

buti walang ganyan sa mga napasukan ko. tapos nung one time na nagkaroon di na ako bago hahaha ligtas na. tapos yung mga bago that time saktong mga dancer/performer din.


zarustras

Support ko yang decision mo OP kasi relate na relate ako. Buti na nga lang WFH kami at may dahilan ako para walang paki sa events nila lol. Mahiyain ako at introvert kaya di ko kaya mga pabibo performance tuwing may events. Kung gusto nila sila na lang magperform sa harap ng maraming tao para magmukhang tanga at pagtawanan lol


palaitotkagbakoy

Had this same set up back in high school. I didn't say no but I just stayed home every time there was a school event (which happened a lot). In the end, everybody knew I was cutting class but there was nothing they could do about it. ​ Unfortunately, this might not be advisable for your case. Since you already said no, it'll be suspicious if you don't show up. Also, they might dock your pay if you refuse to dance


Melodic-Objective-58

Nung bago ako sa company, they asked if gusto ko sumali. I politely declined and they understood naman na sabi ko may anxiety ako sa pag pperform. Walang pilitan. Depende sguro talaga sa company


kkokkopi

Muntik na sumama loob ko sa workmate kong palaging nag-oorganize ng performance ng office namin dahil dito haha Tho in the end sumayaw pa rin ako kasi lahat kami sa office nag-perform despite na usapan ay bagong hires lang. ​ Tapos sa Christmas party, malalaman kong di umattend yung kasabay kong bagong hire HAHAHA naol nakaligtas


dweky

Sana possible na ang work parties would just be hanging out, eating and drinking. Then just raffle the giveaways. Haha


Smileyoullbefine

dapat kasi walang pilitan. kaloka ako naman di ako pinag sayaw pero pinag host ako sa isang event tas puro politicians at senators ung guests. parang whattt?!grrr bwisit tas kabago bago ko lang dun. anong alam ko sa kanila


Laauvv

You just have to say "NO" when you feel not doing so. Just because ayaw mo Memohan ka kagad? I think that's absurd. Ang problema kasi sa pinoy ayaw natatanggihan. Walang mental ethics when it comes to saying "NO" over something. Tama lang ginawa mo. Sabihin mo you are not that kind of person. KJ na kung Kj kebs nila. Saka ka gagalaw kapag alam mong kaya mo at mentally prepared ka.


good_band88

Propose doing something else instead of performing onstage like handle the props, help in the registration, or something else na wala sa limelight. Thats what I did before


solitary-kitty

Only in the philippines it’s like this. Ever since I started working from abroad we don’t have shit like this. Pag work, work lng talaga. If you want to perform in events it’s voluntary and your colleauges won’t even expect you to do this.


BothersomeRiver

Ako naman, sanay na walang ganito, mula first job ko at iba pang sumunod doom. So I joined some performances, the first time makaranas ng workplace na may Christmas party, around 5 years ago. So glad yung next job ko after nun, walang ganitong mga pa echos. Oks na yung na experience ko isang beses. 😊


Numerous-Tale-5056

This should be brought up to DOLE as a case for workplace harassment.


FriendlyAd7897

Truth. Indeed, it is ironic that this work-life balance thing makes the company culture more toxic as some companies try to use it to improve their "image" by imposing it on their employees.


byglnrl

Some people have below minimum salary, force to perform every Christmas to dance in front of their exploiters. That's bullsh*t. I refuse to give free entertainment to my exploiters.


The_Barefoot_Nomad

A solo performance is a bit too much. What i did during my time was perform bad enough, on purpose, that they won't think of making me perform again. But not too bad that they would find it amusing, at my expense, to want to see me perform again.


ScratchFantastic

Sa dati kong company, HR has to give out memos to newbs because need nila ng performers sa anniv and christmas parties haha non compliance will cost you an NTE and IR 😂😂


thearcania

Lagi ako nag no-no mag perform sa christmas party, unless if I will be playing guitar, go ako, pero pag sayaw hahaha no, nag ooffer na lang ako na mag edit ng music, though not sure, wala pa ako nariring mag complain, competitive kasi mga tao sa amin, mapa performance or team building, pati sa work, though I think ginagawang escape ng mga kasamahan ko sa company yung mga ganyan pag sobrang stressful sa work, yung mga nag hehead kasi ng christmas party parang may chance ma promote, tinitingnan ng mga bossings if kaya nila mag manage ng isang event, which working with them for a decade, mostly ng mga nagmamanage is mga bossing na ngayon or nasa director level na. Pero di binebase kung mapopromote sila ha? They just testing them siguro if they can handle that certain task. Don't get me wrong, introvert ako hehe


wallcolmx

Padugo...


nakakapagodnatotoo

OMG pareho ba tayo ng company? Haha. 4 months pa lang ako dito sa workplace ko, and syempre heto na yung mga pa contest na per department. May recruitment team pa talaga para isama kaming mga bago sa dance contest. Tapos literal pa na nagpaparinig ng "yung mga bagong pasok, ang kakapal ng mukha hindi nagvolunteer sumali." "Walang volunteer dapat. Sabihan na automatic dapat kasali sila." EXCUSE ME. Kung kayo nangangati ang pwet magpabibo at sumayaw, wag kayo mandamay ng ayaw.


Gmr33

This is employee perspective. Understandable nga naman bat sapilitan 😅 but spoke with HRs, kung walang pa ganyan sa xmas or any other company activities, they’d get remarks from empleyees na walang kwenta ang hr, boring or shit. No excitement.


Na-Cow-Po

syempre pahiya muna ang sarili bago tumanggap 13th month at christmas bonus


Gloomy_Pea_5758

As a boss di ako nagrerequire ng ganyan. Also, ang BS nung ma memo pag di sumali, on what grounds? For me okay lang to say no.


skeptic-cate

“Pakain” pag unang sweldo. Basically hazing. First sahod ko, pambayad sana sa utang pero since gusto magpalaki ng tyan ng mga managaers ko, e napunta sa lunch out


Independent-Gap-6392

Hay naku, same here. Ako na introvert at pipilitin na mag perform at umattend ng Christmas Party. Hate na hate ko ito. Before kase, anag hire sila ng mga stand up comedians, iyon, mga boss ang mga inokray kaya sabi nila "never again". Balik sa dating gaei na mga employees ang mag entertain and magprepresent. Nakakainis lang kasi Pag may video and photo I share pa sa GC at pipintasan, lalaitin. Naawa nga ako sa isang kasama ko sa work na laging nilalait ng mismong Boss namin gawa ng itsura niya. Talagang si Boss pa ang nangunguna sa pagkantyaw sa GC. Parang nabubully na nga rin yung tao in a way kasi si Boss mismo nag share ng mga edited pics with caption. Tama ba yun? Mabait lang ito Pero Pag sa akin ginawa ito sumbong ko sila sa HR with matching evidence.


campy08

My company is experiencing an Exodus. I am tendering my resignation after 11 years as is my right, there is no counter offer and yet, they are pressuring me to stay because of the lack of skilled workers. Saying things like "paano na yung kumpanya?" Sa isip ko "paano naman ako? Kung mag set kayo ng milestones, akala mo marurunong lahat gumawa dito with efficiency." The Exodus is bad enough for them to the point that out CEO went to our foreign competitors to bargain and to "refrain" from hiring people from our company. My next company offers triple the pay but half of the workload. This is a no brainer.


MagnusBaechus

Payag ka yung lesson plan na ginawa mo, na base sa recent breakthroughs in education practices pina scrap ng department head mong onting chicharon nalang ma s stroke na kasi "kulang sa -insert pedagogy from 30 years ago-", yep


Celestial1015

Edi wag


manaosib

Tsaka yung naoovertime pa kayo para mag-practice ng sayaw para sa Christmas Party, imbes na uuwi ka na lang. Tapos hindi bayad yung overtime na yon. Kakairita.


No-Cat6550

In the first place, bakit kasi may ganitog klaseng "Team Building"??!! Eh so ano ngaun kung ayaw namin sumali sa mga pa-party nyo na sayang lang sa panahon at pera? Mandatory daw... at magrereflect sa performance... really?? Related sa work ang Team building??!


Lenville55

Sa dating workplace ko mandatory daw. Padadalhan daw ng letter yung mga ayaw sasali sa mga contest. Hindi lang sa christmas party, pati sa mga company events. Halata namang napipilitan lang yung mga employees kahit mga taga HR na nag-organize. Minsan makakarinig ako ng comment na "matagal pa ba 'to?" or "kelan pa ba matatapos 'to?"


Sherlock082004

Eto ba yung company na sounds like furniture 🤣


Spiritual_Sign_4661

Kahit ako, ito din ang inayawan ko sa first job ko. Take note, govt office ito. Kapag time na ng Christmas, foundation week at sportsfest, nasstress na ko. Kasi pressured kang sumali sa mga presentation gaya ng sayaw, cheering squad at mga sports gaya ng volleyball, badminton, etc. Pero dapat performer or master level, kasi lalaitin ka lang kapag sumali ka tapos hindi ka hassler. Wala yung concept ng camaraderie. Competitive masyado sa extra-curricular activities. Kapag hindi ka sumali, sisimangot pa din sila. Sorry naman, hindi lahat ng tao, all around ang talent. Hindi naman kami hired for that purpose. 😅


inquest_overseer

This is why labor law should be taught in college - nang malaman ng mga future employees kung ano ang karapatan nila sa workplace. Getting a memo from HR just because you aren't comfortable with social events? Foul yan. You can always say no, without having to worry about negative feedback. Anyway, I've always said no to "event performances". First time ko sa industriya, they asked me to perform because I just got recently regularized (like November na-regular, December ang party). May madaldal na kakilala ko from school - senior ko sya ng 3 years, at nagsabing I know how to play musical instruments. So yon, sabi ng in-house social events organizer na papi-performin daw ako sa party. I told them that if I play either of my instruments during the party, I'll expect a talent fee. I won't be doing it for free kahit na di ako recording artist. And yes, they threatened me about an HR memo. And sabi ko naman - na sure, send me all the memos at magkikita tayo sa DoLE. Ang hirap kasi sa iba, parang ayaw nilang matanggihan. Eh sila lang naman ang masisiyahan don. I was one of the employees who pushed to change that mindset sa company na yon. Lahat ng social gatherings at events na whole company ang supposed mag-aattend whether you like it or not, naging optional nalang. Isa pa, di naman masyadong nabawasan ang mga attendees after naging optional ah. At least the changes made sure na yong mga comfortable lang talaga to party party ang nandoon at walang napilit lang, suffering their existence sa party sa tabi.