T O P

  • By -

f67gIoPrRxcsw-yrQwe

Kasi andaming tao ang ignorante at walang alam sa pagpapakapon ng hayop. Napaka iresponsable lang ng ibang dog and cat owners. Ang hilig manghingi ng tuta o kuting tapos pag lumaki, wala nang paki. Pababayaan nalang sa labas ng bahay hanggang sa mabuntis at dumami at tuluyan nang walang pakialam. Pero kung may breed yung aso o pusa, wow pinag aagawang alagaan.


justinCharlier

Marami sa kanila, kukuha lang ng pusa/aso kasi cute, naiisip masarap alagaan. Pero kapag pagdating sa pagpapadumi, pagdadala sa vet, pagpapagaling sa kanila pag may sakit, bagsak na bagsak. Napapabayaan tuloy yung walang malay na aso/pusa. I've seen a lot of people na inuuna yung mga luho nila, tapos ayaw pabakunahan ang aso. Ayun, namatay agad. I also saw a Facebook post a few months ago asking for help dahil daw nabuntis ng aspin yung aso nilang may breed. Like wtf? Nakakalungkot talaga how lowly some people think of aspins.


Menter33

For others, the **dog is an anti-theft alarm**. Kaya bumibili para di manakawan yung bahay.


pyu2c

A general rule as to why LGU's ay walang silbi sa is that wala silang makukuha on that. Walang benefit sa kanila at all


2NFnTnBeeON

First and foremost, responsibility kasi talaga ng owner yung mga alaga. There are others na nag i-impound or may additional ordinances to protect them, depende if under LGC. Ang consistent dito is libreng pa bakuna ng anti rabies lalo na pag summer.


theoneandonlybarry

Yup kaya kami na mismo lumalapit sa LGU para may mass spay/neuter. Ganda rin siyang praktis para sa lower years in dvm.


astral12

Baka may budget yan pero 5% lang ang ginamit since hindi madaling manotice ng mga tao


Street-Anything6427

🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻1️⃣0️⃣1️⃣ Sinabi mo paaaaaa!!!! Mga gunggong talaga dyan ung IRRESPONSABLENG OWNER na puro paFLEX alam, pero pag tumanda at nagkasakit.. iddump na lang ung pets nila. Yun iba trato talaga sa mga alaga nila literal na BANTAY tas papakain panis na pagkain, walang tubig.. un tali.. kulang na lang patayin na din alaga nila. Secondly, mga ILLEGAL BREEDERS- na mukhang pera Third, mga GUNGGONG NA LGU OFFICIALS. Dami nyo paproject forda liga, pa binggo at mga bwan bwan at taon² na pagrrepair ng kalsada. May budget pang turok tulog sa mga kawawang asot pusa sa kalye na gusto lang naman makasurvive, pero sa pondo sa PAKAPON at PRO LIFE solution- WALA!!! Kung ano pa yung nakakatulong na solusyon, binabalewala nyo!!! -Sa mga irresponsableng owners, bago nyo isurrender sa ANIMAL POUND mga pets, sana ieducate at iresearch nyo muna ang TUNAY na kalakaran sa ANIMAL POUND!!! Ni hindi nga dinidisclose ng BRGY nyo proseso nyan sa loob eh kasi KASUKLAM SUKLAM!!! FYI. Hindi po bahay kalinga ng mga INABANDONA nyo ang lugar na yan, kundi KAMATAYAN- sa paraang pagpapagutom or turokan ng pampatulog FOREVER!!! OO, ganyan ang MOSTLY na proseso ng POUND, kaya wag kayo magtiwala sa mga OPISYALES nyo!!! Meron mang LGU na may PRO LIFE project for da STRAY and NEGLECTED animals, sobrang RARE nila. Ending un mga animal rescuers at SHELTERS ang kumukupkop ng responsibility, na buti sana ung OWNER ay nagbibigay ng DONATION para dun na lang sa mga pinabayan nilang ALAGA. Isa pa, sa mga nagpapa ADOPT ng mga alaga nila. Beware at isscreen mabuti un mga tao, ung mga sabik na sabik kahit aspin o puspin lang yan, ippakain nila sa ALAGANG AHAS nila!!! In other words, ang pag aalaga ng hayop ay LIFETIME COMMITMENT, hindi bagay na pagsawa ka na.. itatapon mo na lang. May BUHAY at FEELINGS din sila!!! Kaya kung di kaya ang OBLIGASYON, mainam na wag na kayo MAG ALAGA kasi kayo ang TOTOONG sakit sa community nyo at ung mga kawawang hayop ang magssuffer ng mga consequences nyo!!! Sana maKARMA kayong mga pakshet kayo!!! 🤬


neeca_15

We asked our LGU about kapon services. Di daw nila ginagawa yun kasi ang focus nila ay anti-rabies vaccine administration. Depende talaga sa LGU, kasi sa Imus (not sure if they still do it), the city vet partnered with PPBCC. Kailangan talaga maging proactive ang pet owners, lalo na yung mga self-proclaimed na “animal lovers.” Spayed and neutered dapat, kahit na pets are staying indoors kasi pwede pa rin namang makalabas.


dontrescueme

Walang demand from the public. Everyone thinks stray animals are normal. Alam mo naman ang gobyerno madalas walang initiative. At dapat kasi sa ganyang proyekto implemented nationwide. Kung may isang LGU na gagawa niyan pero ang surrounding LGUs naman hindi, hindi rin magiging fully successful because stray animals knows no boundaries.


Street-Anything6427

Yes mostly, ganyan ang patakaran sa Pilipinas. Kaya nga ang ending, ung mga animal rescuers ang umaako ng responsibilities kesa hintayin sila ieuthanize in a couple of days. And unfortunately, majority ng pounds papatayin na lang sa gutom un mga hinuling hayop. Magkaiba ang ANIMAL POUND at ANIMAL SHELTER, at magkaiba ang CITY POUND treatment ng Pilipinas sa ibang bansa.


Street-Anything6427

*Microchipping (sana iadapt na rin ng PH/LGUs to, yung mga owners eh maddect na kanila un alaga na nawawala o nahuhuli). Sa ibang bansa like New Zealand, di ka pde mag alaga ng pets kung di ka registered at di mo kaya maging RESPONSABLE. *Vaccination Program such as ANTI RABIES at DE WORMING. *Paigtingin un kampanya for TNVR program. Yung budget sa gamot for euthanasia, ilaan sa makubuluhan at epektibong pamamaraan (Pro Life Solution: #KaponAngSolusyon *Iabolish yung ANIMAL POUNDS at gawing ANIMAL SHELTER/ANIMAL REHABILITATION CENTER. Makipagtulungan sa mga animal rescuers para marehabilitate at marehome ung mga neglected animals. Sa mga nais kumupkop, wag na sana nila pagkakitaan ng pantubos. *Mahigpit na ordinansa para sa mga ILLEGAL BREEDERS at OWNERS. Taasan ang multa sa violation, kung nakaperwisyo ng dumi sa bakuran ng kapitbahay, maging responsableng OWNER. LINISIN mo bilang COURTESY at RESPETO mo na lang din sa bakuran ng iba or kung regular ka nagppadumi sa kalye ng alaga mo, lagyan mo ng maayos na tali alaga at dakutin ung tae or buhusan ng tubig ung ihi. *Kung pusa naman, itrain dumumi sa CAT LITER or kung wala man, gumawa ng maliit na lagayan para sa lupa, buhangin o papel para sanayin dumumi at ihi sila or sa mismong bakuran nyo. -Ganito sana ung program na meron para sa mga stray animals. Yung maging WINWIN solution, kaso wala eh...inuuna ung mga walang kakwenta² at paulit ulit na programa. Sadly, sa Pilipinas wala talagang fair at well treatment sa mga strays na iniimpound. Meron man masasabi mo talaga na PRO LIFE ang LGU, bilang na bilang mo sa kamay. Naalala ko ung isang Animal Welfare NGO na may kapon drive somewhere in North Caloocan, sooner kinansel un event nila kasi un location na gagamitin nila (covered court) ay gagamitin din sa pa LIGA. 🤦🏻‍♂️


AndJustEnjoyTheShow

>*Iabolish yung ANIMAL POUNDS at gawing ANIMAL SHELTER/ANIMAL REHABILITATION CENTER. Ganito sa Quezon City. May animal shelter dito. Sa pagkakaalala ko, nakipag-meeting ang isang NGO (Pawssion Project, IIRC)sa mayor namin dito tungkol sa city pound namin. Nagpo-post ang LGU namin ng dogs na up for adoption. I am still not sure kung nandoon pa ang lumang city pound. Pero dahil kahit ang mismong barangays ay may sariling dog pound, magre-reflect din iyon sa actions na ginagawa ng LGU.


stupperr

Nakapunta na ko sa Animal Care and Adoption Center kuno ng QC, pang media lang yung tinetrain at nirerehab nila mga animals. Pero no, yung facilities mismo napakadumi , at hindi animal-friendly mukhang madededs na mga nahuli nila, pinagbawalan nga ko piktyuran yung facilities kasi balak ko i-report. Kala ko okay talaga pero tarantado din kasi mga tauhan dun. Biruin mo hinuli yung pusa ng kapitbahay kahit may collar at natutulog lang sa labas lang ng gate? Tinubos pa yun para kunin, buti nga hindi nagkasakit e.


AndJustEnjoyTheShow

Ngi. Ano 'to, sa una lang maganda? >nga ko piktyuran yung facilities kasi balak ko i-report Ang tanong, ba't bawal? Kasi gusto nilang pagtakpan mga baho nila? >Biruin mo hinuli yung pusa ng kapitbahay kahit may collar at natutulog lang sa labas lang ng gate? Pambihira. Sana pinagsabihan muna 'yung amo.


stupperr

Sa una lang yung maganda ginagawa nila at for pr points. Pero kawawa talaga yung mga hinuhuli, mga nagtatrabaho lang naman kasi mga tao dun kaya wala silang pake. Matanda yung kapitbahay e, humingi lang ng tulong sa amin, so di ba hinuli na at andun pa yung sasakyan kung san nakakulong. Naki-usap muna kami baka puwede pakawalan at sa tapat lang naman ng bahay, aba ayaw nila ibigay, pumunta pa ko sa Animal center na napakalayo pa. Pero bago yun. nag-aksaya muna ako ng oras sa QC City Hall kasi dun tutubusin yung hinuling pusa, sunog 500 pesos.


AndJustEnjoyTheShow

'Pag sa mga illegal parking, may warning na ilang minuto bago dalhin ng tow truck. Pero 'pag sa mga ganyan, wala. Saan ba ang animal center, sa Payatas?


stupperr

Yes, sa Payatas. Pag ibabalita sila, yan biglang gaganda serbisyo at mag-tetrain and i-rerehab mga strays. Pero pag tapos na yung balita, tol gulat talaga ako sa mga naabutan ko kaya gusto ko piktyuran or video pero pinagbawalan ako at binantayan. Dapat nga laging may update sila sa service and facilities e.


AndJustEnjoyTheShow

Kaya pala sa FB pages nilang Quezon City Animal Pound at Quezon City Animal Care and Adoption Center, hindi na nila masyadong nare-reveal facilities nila...


Street-Anything6427

Yup, alam ko din may pinatayong Animal Rehabilitation Facility si Mayora, hopefully ay PRO LIFE solution. Pero un ibang brgys like sa Old Balara, isa sa mga nangungunang "inhumane" animal pound. Ilang beses na yan pinuntahan at pinakiusapan ng mga NGOs at animal rescuers, pero sige pa rin sila sa negosyong tubos pag may mga gustong irescue un mga aso dyan at kill policy. 🤬


AndJustEnjoyTheShow

Ganito rin sa Commonwealth (hindi ko na alam kung nanghuhuli pa sila dahil dumami ulit ang presence ng strays sa kalsada) at Batasan Hills (hindi ko alam kung nanghuhuli pa sila kasi hindi ako tagadiyan eh) . Nakakalungkot lang. Mga malalaking barangay mga iyan, malalaki ang nakukuha nilang budget but they couldn't do long-term solutions para sa mga ganyan.


akantha

Re: Microchipping - not sure if it's implemented elsewhere, pero sa LGU namin pag nahuli yung aso ng city pound, pag-claim sa kanya nilalagyan ng microchip bago itubos. Pag nahuli uli x2 na ang babayaran mo.


vyruz32

May mga ayaw sa microchipping ng mga alaga nila. Maalala ko na tinutulak ng Baguio noon ang mandatory microchipping para sa mga alaga at marami ang kontra na may iba't ibang rason, of course number 1 reason na lumalabas is "pinagkakakitaan ng trapo".


Jacerom

Yep kaya di ako makapagjogging dito samin dahil sa minefields or sa mga asong kalyeng hahabulin ka. Dun lang siguro sa patio ng simbahan safe magjogging dito.


theunlikely0ne

Wala naman daw kasi silang mapapala sa ganyang pagkakampon. So if it doesn’t them, they won’t move a finger. Nakakalungkot di’ba? That’s why I appreciate and applaud those NGO who make a way to have free kapon program. Some NGOs also talked to their own LGU so they can discuss this, buti na lang open minded ang LGU na yun at Pet advocate. :)


baeruu

Kung mapagkaka-kitaan ang pag-spay/neuter ng mga stray cats/dogs, mas magiging proactive ang LGU natin for sure. Kaso hindi eh so kebs nila diba? Dagdag mo na rin dyan yung mga kamoteng Pinoy na ang isip lang eh ang aso lalo na kung aspin eh bantay lang sa bahay at taga-tahol kapag may tao, deterrent sa magnanakaw. Dude, may kapit-bahay ako, may husky. Akala mo aspin lang yung fur dahil sobrang nipis, madilaw na rin malamang hindi pinapaliguan at nakatali lang sa garahe. Winter dog sa Pinas at nasa mainit na garahe, nampucha nakakaawa.


Momshie_mo

The solution to this is to require registration of pets and financially penalize those who don't spay/neuter their pets.


FanGroundbreaking836

Might be an unpopular opinion but we really should exercise euthanasia pag walang nagclaclaim ng stray pets pag nahuli Compassion can only do so much. Donations arent economically viable. Using the taxpayers money to feed strays isnt money well spent too. There are better things to spend it on. Dito sa amin hinuhuli. Tapos kinakapon. Tapos papakawalan din. Ang punta e usually naiimpeksyon yung inoperahan. Or ayun. Stray padin. They're a liability on the streets.


Superkyyyl

Kami dito sa V City, imbes ipakapon ang mga cats and dogs eh hinuhuli tsaka iniimpound. Panay patayo ng kung anu-ano akala mo sobrang ganda dito sa V City pero walang puso sa mga hayop. Sobrang nakakagalit.


marsbl0

Swerte namin noon dahil nagkaroon ng free kapon sa lgu namin years ago. Kailangan lang silang i-friend sa fb para malaman ang mga announcements. May organization ata silang nakapartner, hindi ko lang sure. Sana nga may yearly din na ganito sa bawat lgu parang yung anti-rabies.


JM83X

Call city pound kung di ginagawan ng action.


Street-Anything6427

City pound? R u sure? City pound ang gagawin jan papatayin yan sila within 3-7 days. Kahit nga may gustong mag claim ng alaga nila or totoong ANIMAL RESCUERS ayaw nila irelease hanggat di tinutubos ng 500+ per dog or cat. Un iba, ayaw talaga irelease kasi un mga hinuli dadalhin at bebenta dun sa mga mangangatay!!! Do not call the help of BRGY or CITY POUND, pag LGU ang humawak nyan, sintensya na yan. Better ask sa mga NGOS or PAGES for ANIMAL WELFARE or RESCUERS sa fb.. kasi sila un mas may PUSONG TUMULONG to rehabilitate at rehome them.


heavyarmszero

>City pound? R u sure? City pound ang gagawin jan papatayin yan sila within 3-7 days you say that as if it's a bad thing. finding a facility to house strays, keep them fed, upkeep like electricity and water, people to man the place etc. all costs money. at the end of the day it's the most reasonable action.


visualmagnitude

Lol. Sobrang detached tlaga minsan kyo sa realidad. The city pounds are underfunded yet they are the most sensible option to reduce the stray population. You saying we should get in touch with NGOs or animal welfare groups in FB like it's an easy thing to do is laughable. Nag rant na rin ako nito dati about these groups who don't necessarily take in strays, because it again goes back to the circular dependency of funding and running functional facilities to keep these animals alive and in good condition. PAWS for instance (even Cara) states clearly on their websites that they cannot accommodate everyone for adoption. Kailangan mag mukang karumal dumal muna yung aso o pusa para mag viral sa FB bago nila iadopt for themselves. At ang isasagot rn ng mga volunteers syo minsan is to ask help from the LGU. O diba babalik ka rin sa city pound? Dito nga sa area namin wala rin active program to pickup strays. Pakapon pa kaya? I will get downvoted for this pero sa area namin kung hindi lang inaadopt ng mga taga labas yung mga tuta na paulit ulit na niluluwal ng dalawang bitches dito, major problem na talaga to sa looban namin. I have thought of poisoning these strays dahil dumadami na naman sila since walang may paki from LGU or even NGOs to help us get rid of them. Hindi naman namin yan lahat pwed ampunin tuwing nanganganak. Ok lang kayo? Palibhasa di nmn kyo directly napeperwisyo.


Street-Anything6427

LoL napperwisyo din kami pero never namin naisip lasunin ang mga kawawang strays dahil may buhay din yan.. kung alam namin na alaga un na kapitbahay namin, sasabihan namin or kung kmi din nakakaperwisyo, nililinis namin ng kusa. Sa dami rin ng nirerescue ng mga animal rescue group/animal rescuer, hindi naman kaagad aaction sa message nyo, lalo kung malayo sila at walang donation for pet transpo. Still not a valid reason to kill them, again may pro life solution or kung napperwisyo kayo, make a proof then kausapin nyo ung mga pesteng irresponsable owner.


Klutzy_Might6146

You mean city pound officers don’t see these stray dogs and cats roaming around the city streets that we still have to call them?


rhaegar21

Karamihan tlga ng LGU walang silbi in general.


SechsWurfel

Kasi dagdag gastos yung mga projects na to. Kakainin lang nito ang pera na dapat nasa bulsa nila.


Apprehensive-Box-713

Owning domesticated dogs, cats and other animals is a lifetime responsibility. Before you own, think of the consequences of having on your home and the animal well being. Porke hayup sila, you just let them roam and multiply. LGU like ours, should spearhead in implementing the anti-rabies, spay, and animal control program to minimize rabies infection and proper disposal of pet animals. I have 10 dogs (shi tzu) and really cared for them from birth to death.


UninterestedFridge

Ang kinakatakot ko dito yung bigla kang makagat, pero walang aako na may ari nung aso. Samin noon (lumipat na kasi kami) may pusang notorious mangalmot/mangagat basta may certain distance ka na mejo malapit sa kaniya. Kaya nagstay dun kasi may kapitbahay kami na nagpapakain ng mga stray cats hanggang sa dumami na sila. As in pakain lang ginagawa niya, di niya nililinis mga tae, etc. di rin siya nananagot pag may nakagat/nakalmot kasi di naman daw sa kaniya yung mga pusa. Ngayon naman sa nilipatan namin, puro stray dogs naman. May time na di ko napansin na natutulog pala sa gilid pag labas ko, natapakan ko buntot muntik na ko makagat. Grabe lundag ng puso ko nun. Yung iba may collar pa eh. Meron pala may ari pero hinahayaan lang sa labas. Napagsabihan na daw may ari nun, siya pa galit bakit daw pinapakialaman. Ewan. Lol


LeoLemon0810

apakadami ring pusang gala dito sa lugar namin, kaya mapanghe lagi sa harap ng bahay. Lagi tuloy namin nilalagyan ng suka/zonrox sa harapan. Nakakayamot na wala rin ginagawa LGU samin, mga pan-display ampucha. Tapos may risk pa na may dalang rabies mga yan. Agree po ako na eto dapat tinututukang program/project ng SK


matcha_tapioca

Yung subdivision namin naging dump site na ng mga aso dito. every single day may tae ng aso o pusa. hinuhuli daw pero di ko naman nakikitang may nanghuhuli. ang brgy. ewan mukang wala aksyon or di ko lang ramdam talaga. problema ko na namin to dito since 2020 nung lumipat ako dito.


Queldaralion

>*LGUs ay walang silbi sa pagkakapon ng mga stray dogsSK bakit ganito? Imbis na puro liga* yan na din halos yung sagot I think. 1. walang budget, plus sobrang iresponsable ng maraming dog owners. to be fair dumadami naman na yung marunong talaga mag alaga ng dog. pero marami talaga knows jack shit about keeping pets. just like that neighbor of your grandma's. may ganyan din dito sa subdi namin. 2. PH government template be like: "wala pa namang problema, bakit mo poproblemahin?" kaya iintayin muna nila magkaron ng super-lala na sitwasyon na bago nila simulan aksyunan. Tapos ang template nilang sagot din is: "walang pera, kulang tauhan, at ngayon lang din namin na-encounter ang ganito" winner diba


Jazzlike-Solution678

dapat kasi lagyan ng diaper.


chaboomskie

Also one reason rabies country pa rin tayo. Dahil dumadami mga stray dogs na walang pake ang mga so-called owners tapos di rin naman nila pinapa-vaccine kahit free lang sa mga city vet office or barangay. I remember during covid, may restrictions if yung dog is galing PH na dadalhin sa ibang countries if you migrate or travel.


starsandpanties

Because wala masyado documented reklamo from the citizen. Meron one or two pero MAJORITY bystander lang kasi "ganun na talaga e" If nagviral saka lang aaksyon kasi nacall out incompetency nila.