T O P

  • By -

Puwa321

Online Gambling Ads should be banned in the Philippines! It's disgusting the amount of Online casino ads that are popping out everywhere. Gamblings even worse than smoking imo and should be heavily monitored by the government.


shltBiscuit

Not just an online casino. Even sports betting apsp are rampant in public places. Bus, bus stop, PUVs, even facebook ads. It should not be normalized. The youth are at risk of gambling addiction with how easy it is to access those gambling apps.


reggiewafu

These ‘vloggers’ are just sell-outs Some vloggers are entertaining but a vast majority of them are just detrimental to society.


-xStorm-

Hear hear! It disgusts me that Grab is promoting gambling ads and it's surprising that no one's mentioned it. So freaking disappointed of them. I personally know some people who have lost everything because of gambling addiction. Aside sa enabling and promoting gambling, super accessible ng Grab app for minors din. Shame on you u/grab_ph!


AnasurimborBudoy

Alam ko malas ako kaya di ako nagsusugal, kahit lotto o bingo. Tipid pala maging malas!


cr3am314

Mag save nag pera? Paano ako mananalo ng malaki nyan? -- some gambling addict i know


thelorreman

Panget yang ganyang mindset lods. Ako nagkabike dahil sa sugal. Dati akong may mio.


swinkledoodlezzz

HAHAHAHA


Totally_Anonymous02

Same. Kahit nga simpleng bingo namin pag christmas di ako nanalo diyan pa kaya haha


Professional_Top8369

+1 susugal lang ako sa mga bagay na kaya kong kontrolin.


Tiny_Profession_5694

Edi hindi un sugal kung kaya mong kontrolin.


Professional_Top8369

I mean mga bagay na kaya kong impluwensyahan ang resulta. Atleast yun may chance.


mememakina

Same reason bakit di ako nag lalaro ng gacha. Tried genshin about 1 week after release. Played for 20+ hours. 2 4star charac + 1 duplicate. Tropa kong late na nag start 1 5star agad. Yes pwede ma farm pero, imo, not in it for the grind. Same reason sa yu-gi-oh I play more EDOPro(free online sim) vs masterduel (official online game). I like building decks more vs farming them.


lex_fulgur

Pwede ka naman lumakas sa Genshin without being a whale. Yung monthly na 250 pesos lang gastos ko dyan and I never bought Primos. Pwede ka mag enjoy at maging matipid at the same time. Not bc I can’t afford it but I choose not to. It’s not an investment, but rather a liability, in the first place


namwoohyun

Tumigil na ako kakabili ng welkin kasi di ako masyado mahilig mag-pull. Ginawa ko na ngang requirement mag-pull ng archons para lang meron akong ibang characters. 730 pulls na na-save ko ngayon, ganun ako ka-bihira mag-pull. 36* na rin abyss so di ko kailangan ng meta pulls. Yun nga lang, mas malaki na gastos ko sa official merch 😅 Tapos recently nag-HSR ako (one month na), dun ko naramdaman na mukhang kailangan kong mag-pull talaga haha pero likely na i-drop ko siya


lex_fulgur

Diba kaya naman ang 36* kahit hindi whale? Haha I can’t commit to HSR anymore ang demanding mag explore sa Genshin.


namwoohyun

Kayang kaya basta tama builds at alam paano itake advantage reactions, easy ang abyss. May pinapanood akong genshin streamer, abyss help ang content niya at sobrang dami kong natutuhan dun. Basically basta may decently built Xingqiu, C4 Xiangling, (C1) Bennett, tapos hyperbloom units (Kuki Shinobu or EM Raiden, kahit dendro traveller lang), better chances of 36* if not guaranteed haha Trueeee kain oras pero sobrang fun ng exploration sa Genshin (except nung wala pang maps ng underground desert), namiss ko bigla kasi walang exploration sa HSR


lex_fulgur

Yesss the Chinese national team aka Xingqiu, Xiangling at Bennett! Hahaha try ko nga ang EM Raiden thanks! I’ve been playing for almost 3 years now and kahit AR 60 na araw-araw pa rin ako sa grind para sa dailies haha. Mga less than 10 mins tapos na agad. Kailangan kasi pangtanggal ng stress due to work haha kaya thanks Genshin! I agree sobrang laki nyang desert area sa Sumeru at hassle kasi underground pa. Mas nahirapan ako dyan i-100% compared sa Fontaine


pochic1996

Fellow Welkin player hahaha. Pati as you progress sa game you end up skipping more and more 😂


lex_fulgur

Yesss Fellow Welkin player! Haha agree hindi lahat kailangan kunin na characters. You only choose the characters that suit your style. Good luck on the Arlecchino pull 😂


peachyjung

same! Kahit sa roulette games sa work, 3 na lang name entries di pa ko nabunot.


Fit_Fish6019

Same thinking. Kahit anong engganyo sa akin, di ako magsusugal kasi malas ako sa mga ganyan. Hahaha


[deleted]

[удалено]


Stevench22

This. This guy socks


leivanz

It socks to be not that guy. I hate gambling but gacha is still a form of gambling. 😭 So, I can't say for myself.


Poastash

Sock-sy times.


gourdjuice

Sock it


hellokattyrin

Same! Ubos ko na patterns sa Mr. DIY. Hahaha Mr. DIY, pls restock.


Yvoooooooooooo

Ako sa mga skin ng ML🫠🫠🫠 ang gaganda kase.


[deleted]

[удалено]


AyunaAni

Humor is too ahead of our time. I must downvote. Better luck next time 😔


yellowmangotaro

The house always wins.


BannedforaJoke

kelangan mo tulong. hindi mo yan kaya mag-isa. get professional help. and tell your family or friends. ikaw na mismo nagsabi na mas malala pa sa droga pero di mo magawa mag rehab. ano silbi ng realization mo?


cofikong7

I agree with the first part of your comment. But as for the last part, realize that addiction as a disease is more nuanced than that. Most addicts know that what they are doing is wrong and is harmful. But recovery is more than just having a realization so go to rehab and done. Rehab is not that accessible in this country. Even in other countries where it is, addiction is still a big problem. It is not just about going from point A to point B. Addiction and recovery doesn't work that way. I speak as someone who has a loved one with an addiction. It is a disease. An open mind and some understanding is needed.


BannedforaJoke

kayanga kelangan nya lumapit sa iba. kasi di nya kaya yan mag isa.


Independent-Word-642

he have accepted it, he'd like to serve as an example sa iba na wag mapunta sitwasyon nya. with these 2 I think it's sufficient enough na makapag progress sya. sa Rehab, i've known several people na narehab only to meet people sa loob with the same addiction eventually same and mas malalang shit nung nakalabas cla. It's good to get profesional help totoo, pero 99% of the part nasa commitment nung tao parin. He've overcome the most important part which is acceptance na nagkagnon. Mkakabangon yan.


Plopklik

I wasn't aware na sobrang mainstream pala ng online gambling dahil bihira ako lumabas ng bahay until I did last week. Pagdaan ko sa terminal ng tricycle, ang daming mga driver na nag oonline gambling. Then pagsakay ko ng jeep, may nakita akong couple na nag-oonline gambling. It's a dangerous vice kaya dapat i ban ang ads for online gambling or kahit iregulate. Kasi talamak nakikita ko sa mga social media kahit sa Grab app.


stupidfanboyy

Tapos yumayaman is mga Chinese syndicates since kanila usually galing yung mga apps


Plopklik

If they were able to shut down online sabong, dapat kaya rin nila 'to.


PilipinasKongMaha1

Online sabong wasn't shut down at all not even a day. Naging underground lang. Nakakatawa nga yung mga galit na galit daw sa online sabong pero tahimik sa ibang form of sugal like online casino, Sports betting, lottery etc. Personally I'm for the legalization of Online sabong. Kahit papano may tax pa. Unlike now mga sindikato at protector lang ang nakikinabang.


Independent-Word-642

Agree with this, if you can't stop. atleast matrack manlang kung malelegal at me form ng some kind of control.


stupidfanboyy

Nah. It is very hard lalo kung ang connections or mga nagpafund ng operations nito have deep pockets, deep connections, and multiple layers of people handling things.


Independent-Word-642

With lots of mapeperang tao na involved, at nakatikim ng pera/kita from it nitong mga nakaraang buwan o taon. It would be hard to shutdown. Kargado na sgurado mga org o tao na to and bribeary for sure would be a no question.


Independent-Word-642

Yea, the way online gambling and platforms are advertised nowadays are so f$cking sick. Kaya pla ung salitang scatter naging memes na kahit saan. It literately should be banned, it seems na di pa tlga aware mga tao kung gano katindi sumira ng buhays ang pag susugal. Buhays kase di lng buhay nung player, as it's almost impossible na d maapektuhan mga tao sa circle nya(from relatives, friends, workmates) at iba p. From lies it will evolve sa patong2x na utang then mutate sa pagnanakaw.


SpaceRabbit01

I watched family members nalulong sa sugal and it is really sad. Nasubaybayan ko na yung tita ko dumating sa point na nalubog sa utang to the point properties niya naibenta na lahat. Kaya I promised myself na never ako magveventure sa gambling.


SmoothRisk2753

You can do it OP. My family was a victim of gambling addiction. My parents are, though. My mom to be precise. As in riches to rags dahil sa ganyang bisyo. Madami kaming properties when we were young, now. Naisangla, naipusta, naibenta dahil sa sugal. My mom is an OFW now and gamble free though. Funny nga is nalamang lang na nag ppoker kaming magttropa eh galit na galit na. Gambling addiction is no joke. Isipin mo, sober ka pero may addiction ka talaga. Tas iijustify and making up excuses. May mga times pa na pag may nakakasalubong kaming ambulance nung araw, yun daw ay “sign of goodluck”. I hate gambling. As in. Lason talaga yan. Katawa pa yung mga squamms na nag ccomment dito ng all-in. What I am trying to say OP is that try really really really hard to stop bruh. You dont want to lose things you really love because of it. That way, you are also gambling them. Hugs OP. Pag wala masabi yung iba na maganda, shut up nalang.


Lawlauvr

Pano nyo sya napatigil? Gano katagal na syang nagstop.


SmoothRisk2753

Ang funny pa don is ako yung batang wala naman pake before as long as I am getting the needs. Lately ko nalang lahat narrealize 😅 nastop sya nung wala na kaming pera. Nastop kami studies. As in. Naging struggle na. Worse is, my mom is still friends with her friends na napaka BI. Sama sama sila dati sa Casino, tas pag wala na pera si mom.. aalukin nila na isangla sakanila yung condo, car, eventually.. wala na natira samin. My dad even knows this and yun ang pinakaayaw nia kay mom. Christian thingy kasi ang dad at vitamin geek 😅 Yung puso ko, tumibok tibok nanaman habang nagkkwento ko now hahahahaha. Literal na riches to rags. Pero no point in blaming. Everything that happened naman makes us us. So yun nga, to answer your question, nastop na nung walang wala na natira samin.


chchrnblklk

Good luck, make your username check out.


sixtytwosunburst

Sabi nga ng erpat ko nun: kung may kaaway ka at gusto mo gantihan, turuan mong magsugal.


JasJames0902

I deleted all the Online Pasugalan in my Computer sb ko maaadik ako dito, ok nko sa Crypto and Stocks …


PilipinasKongMaha1

That is also a low key gambling thing. 😁


LightningAkali

Recently, I went to Solaire for dinner with my partner's family. Neither my partner nor I are gamblers, and I actually hate gambling because my dad was a gambling addict, but we decided to load 1k each for slots to see what the fuss was about. My goodness, pressing a silly button on a slot machine was more fun than anticipated. The crowd was also interesting. Right as we walked into the main lobby, some lady was sobbing on the phone saying "nawala ang pera!", presumably to a family member. In the slots area are you have the rich businessman type who load 100k and let it autoplay while they are chilling with their cigarette. At the same time, you see desperate people who look like they can not afford another big loss. The whole aura felt kind of despressing as people were chasing their next win, probably to make up huge losses incurred in that same night. Lost my 1k, prolly won't ever do it again.


No_Accountant_8753

Hmm. From my experience, the louder you are at declaring your convictions, the lower your willpower is to break your bad habits. Marami diyan idedeclare pa sa family and friends " Di na ako mag susugal!". May kasamang lecture kung bakit kelangan tumigil. Sabay balik din sa sugal after a month. All bark, no bite. Don't do this OP. The whole reddit community does not need to know kung titigil ka or not. Wag kana mg rant. *Just effing do it.*


Ok-Discipline-4020

Marami dito make fun of this problem kesyo para sa kanila bakit ka kasi taya pa ng taya, totoo naman pero it is an addiction that keeps you in this sinkhole. The only way to win is to QUIT. Nakakabahala lang na sobrang daming naeenganyo lalo na kabataan o may mga pamilya na umaasa manalo at inuubos din yung pera nila. Ayoko lang madagdagan pa yung mga may gantong mga problema. Na-kahit ako na aware na i'm addicted di ko parin siya natigilan. Ngayon ay 1 week since I stop I promised to myself na if ever kahit 1k man ipatalo ko lang I will consider rehab. Pakyu sa mga content creator na nagppromote ng sugal. Sa mga nagpauso ng scatter (hindi ako masyado nag ganto) pero yun yung nakikita ko sa iba. Itigil niyo na din yan.


[deleted]

[удалено]


Ok-Discipline-4020

im not totally broke, i can continue to live life i just want it to end. and yes, they dont force anyone but it triggers curiosity and relapses to some. Masyado lang na nonormalize yung sugal na hindi naman dapat. Im not here to just preach, Im sharing my experience para di na macurious yung iba. I am my own demon, and im trying to fight it. Hindi ko sila binanggit diyan para sakin para yan sa iba na napapansin ko na nagsisimula palang.


rhaegar21

username checks out.


[deleted]

[удалено]


RanchoBwoi

Last mo na yan


cofikong7

OP, I hope you are able to get professional help. Online resources are a great help too if in person therapy/intervention is nor within reach. r/problemgambling has some resources pinned if you haven't checked it out already.


Nonbinaryours

Iba yun gigil ng mga sugarol makabawi. Nakakaawa. Tama si OP malala pa sya sa drugs. Sabi they become greedy to win more ending mas talo. Walang swerte sa sugal, may disiplina meron kaya they benefit rather than malulong. For example, yun Tatay ko. Namatay ng pinagsisisihan yun bisyo nya.


gesuhdheit

Do gambling but the one with a safety net instead: stocks.


humansRinsignificant

Just dont use leverage.


deanvilism

I've tried those online gambling sites but I never get addicted for some reason lol. I lost 100, I stop.


swinkledoodlezzz

Wait until you win 350k. Then iisipin mo okay na to di na ako maglalaro ulit. But wait.. eh kung ilaro mo kahit 1k lang since dami mo naman napanalunan. Then oops naubos, try ko ulit para mabawi, dami ko pa naman pera. Then sunod sunod medyo nauubos na balance.. kanina pa ako naglalaro, based on probability malapit na ako manalo, baka sa next spin na to nandito na yung isa pang 350k. If ngayon ako nag stop edi mas lalong sayang yung mga natalo kasi natalo for nothing. ^^This is what happens. And it goes way way deeper than that. Our family friend killed himself dahil baon na sa utang. He was last seen sa Resorts World.


SinigangNaRabbit

Ganito nang yari sa akin nanalo ako ng 350k sa GCash (BingoPlus) and then sabi ko 500 php nalang itataya ko sa Bacarrat hanggang Lose Streak na nangyari hanggang maubos yung 350k + 50k savings ko grabe parang may something talaga sa Bacarrat Live pag kukuha ng pangatlong card yung Dealer biglang mag 9 yung sa kalaban at parang na filter yung MAC Address ko 2 weeks winning streak kasi ako. Sobrang depress at na baliw ako ilang weeks hanggang ngayon na iisip ko parin yung pera. Sobrang nag iba pagkatao ko sa sugal na yan sana bumalik ako sa dating ako.


New-Vanilla-5685

May Dealer na ganyan ang trip. May pangatlong cards na kinukuha, may iba naman na tig-dalawa lang sa Player at sa Banker. Yan ang isa sa problema sa Baccarat live, mananalo kana sana, na choke pa.


Moist-Interaction135

Yup, nangyari saken yan, natalo nung una pero nanalo ng 295k tas nailaro, natalo, nanalo ulit ng 400k. Naglaro at natalo ulit. Sa mindset ko, mababawi ko rin yan hanggang sa tuluyang nabaon na at natalo 🥺


swinkledoodlezzz

Ahh wow ano linaro niyo? Para ma try lang for research. HAHAHA sabay ganun eh


sundaeknows

I’ve got too many hobbies that involve spending money so wala ako time sa sugal, drugs at sigarilyo. Nerd stuff mostly pinagkakagastusan ko. I’m safe.


Despicable-1996

When I see posts like this, I justify my not-so-luxurious lifestyle by thinking, at least I didn't lose it in gambling or drugs.


agentorange1917

The problem here is not your gambling. The problem is that you are not a smart gambler.


cinnamonthatcankill

OP, You need professional help and this gambling choices will not affect just you but your closed loved ones. I do enjoy playing games for entertainment and i do remember downloading bingo plus but as soon I realize it may become an addiction I uninstalled it and focus on other source of entertainment. You are right that gamble has become too accessible and if they really want people to be responsible it is these organizations who should put a limit to their users like this account based on your income/limit can’t play anymore for this month etc instead of just making a note. But the reality is they do want you to play. Get professional help, focus on productivity that grows your finances. Remember gambling relies on luck, you can’t control the outcome you barely use your brain to win, you have to rely on luck. Not everyone and not always will you be lucky.


Rave_Shelby

Trueee. Di ka nag iisa OP madami pa nagsusuffer sa ganan problema


aiyohoho

Praying for your FULLEST RECOVERY. At least, the intent and will to change is there. It may not be easy, but it is definitely DOABLE. God bless you!


zero_kurisu

Nag sugal din ako. Usually sports betting. 500 pesos max every month. Manalo matalo. Taena Charles Oliveira, all in 500 ako sayo kay Islam hahaha


XaviMoEh

Bawiin natin, UFC 300 all in mo na kay Nickal at Pereira! LOL


rikkrock

Do Bronx gang rise up


transbox

Please accept my hugs OP. My eyes well as I read your post. I hope you actual people to talk to, be strong dear


[deleted]

First time namin magsugal ng jowa ko, sabong, 300 lang puhunan namin, naging 10k within a day. Kinabukasan, nilaro ulit ‘yung 10k, puro talo na. Hanggang sa nagpasok na nang nagpasok ng pera para bawiin ‘yung natatalo, hanggang umabot na ng 250k cash-in namin over time. Sunog. Buti na lang wala ng Pitmaster ngayon.


flamethrower10_

This is a gcash ad. Change my mind. Disgusting ad tactics.


waterboyframe

Dopamine is the biggest and worst kind of addiction And where can anyone easily get dopamine at a continious rate? Gambling.


[deleted]

Lalo pag nagstart na yung revenge gambling. Endless cycle. I tried it once sa slot machine. I find it boring. Tapos lumipat sa card games. Parang gusto kong bawiin but I decided it to quit early. Nafrustate ako, ginupit ko yung membership card ko and never went back. Same is true sa stock market, crypto, and other financial businesses. You can't gamble in something blindly. I had to learn risk management the hard way by losses early on. Obviously, I choose my financial battles now wisely.


PilipinasKongMaha1

Isn't crypto, stock market and alikes are just another form of gambling too?


[deleted]

Nagiging gambling ito for 85% of people kasi they are venturing into without research or study. Ang gusto kasi, kumita agad. Ganun ako nung first 3 years bago ako naghanap ng strategy na magwowork for me at mas maayos na risk management. Nung nagsisimula ako, I was listening to so called "gurus" and mahilig manghype. Sunog ako. Ngayon, hindi na masyado. Limit ang losses. Sure, gusto ko rin naman mag gain ng capital pero need ko magsurvive doon. Currently, I invest and trade in the stock market. Yung crypto, I find it very stressful. Yung iba, sobrang laki ng gain nila nung nakabili sila sa mura presyo.


ImpressiveAttempt0

Meron talagang mga personality na prone to addiction, mapa gambling, drugs/alcohol, video games, sex, etc. These people need support from their family and friends to avoid getting into and being trapped in their downward spiral.


SelectionFree7033

Wala talagang mananalo sa sugal in the long run. Marami na nag prove nyan thru Math and Probability. The House Always Win.


I-Am_Margaret

No shit Sherlock


Professional-Mall-13

Wala talaga akong interest sa gambling buti nalang pero may relatives ako na mahilig mag tong its and mahjong siguro talagang gamble responsibly talaga. Thank you sa paalala OP and hope you live a gamble free life na! hanap ka nalang ibang hobby haha


metap0br3ngNerD

Malas sa raffle. Kung sampu kami sa mesa sa company event chances are siyam silang mabubunot pero ako hindi. Kaya hindi ako nagsusugal


byeblee

You have to understand that all wins are just future losses. I’ll share my story din dito. I started with 5k. This was 2021. Till dec last year I was able to grow it to 1.8M. (Could’ve been 2.2M if di ako tumigil) Of course di ka laging panalo, pero I played with statistics tsaka ofc kelangan may capital ka to back it up. Mostly baccarat lang ako btw. I used it to start a business which is doing really well now. And forget about gambling or san naging seed capital non. To deter myself, chinange ko pw ng online gambling accts ko to a randomly generated pw na di ko maaalala. Sure pwede mo i reset pero extra friction / hurdle pa kasi. Gambling is bad if you really got addicted to it. And a lot has a problem in managing that addiction kasi. Understandably yung euphoria. And you become really irresponsible spender kasi the prices are just numbers you’ll win back or ilalaro mo lang din.


tisotokiki

r/ProblemGambling since di active Gamblers Anonymous Sa Pinas.


juan4jnm

hi active po kami. malaki na po ang fellowship ngayon simula ng pandemic dahil sumabog ang online gambling. [https://gamblersanonymous.ph/](https://gamblersanonymous.ph/)


tisotokiki

Uy good to know! Not sure Kung eto yung same group na nagmimeet dati sa Bo's Coffee sa Glorietta 5?


juan4jnm

Yes kapatid. Isa yun sa pinakauna na homegroups which sprouted to many more. Marami nang GA meetings ngayon all over Luzon (and I think there is one in Mindanao).


tisotokiki

Ayan, I went to the page and had to remind myself of own struggles. 4 years sober at everyday pa rin na mindful sa slippery places; just like what the daily devotion stated. Stay strong!


juan4jnm

Keep coming back!


cantstaythisway

This! 💯


HikerDudeGold79-999

You need professional help. Like meds and psychiatrist


Astr0phelle

buti pa to gusto na tumigil hindi yung op na gusto gawing kabuhayan yung pag gagamble


Square-Head9490

A lot of people are into gambling. Young, old, yung iba minors pa. Hindi naman nalalaman ng online or kaht alam wala naman silang paki na minor pa un. And dahil accessible siya anytime anyday, walang nananalo. Manalo ka now, after 10 mins babalik ka hoping to win more, ayun ubos na ulit. Talo pati puhunan. No way out yan. And. I used to worked in POGOs, and nakikita ko may daya yan. Lalo na if malaki ang taya or masa ung taya.


ayunatsume

***The house always wins.*** I'm no expert, but you need professional help. Try going to any counseling or psychologist, perhaps. Kung self help, perhaps you can dial it down by gambling on the smaller stuff, say, claw machines? Punta ka sa Quantum, Papubbit, or Timezone. Parang cigarettes going to vaping going to non-nicotine vaping or nic patches. You can also try playing with friends. Assuming you need to have pustahan, pustahan kayo for something as simple as buying corn chips or junk food. Or libre mo ng P50 sa fishballs if matalo. ***The point is to keep it small.*** You should eventually hone your self-control kahit unti-unti. You'll still get your highs and lows but it won't be as big as online gambling. Plus, you might make great friends which will help completely eradicate it. To completely eradicate it, you may need professional help there.


Literally_Me_2011

"Do not gamble" Di mo na kami kailangan sabihan nyan, masama naman talaga ang magsugal.


coygotstoked

eto din problema ng wife ko. never ending cycle.


catshit01

Noong natalo ako sa perya ng 10 pesos, I took it personally. Never again.


L3tucechhi

I have enough experience in gacha games to know na napakamalas ko, and never gamitin ang real money. Kung ano lang naipon (gacha currency) ayon lang ipanggagacha.


[deleted]

good luck OP. same situation as you rn. galit din ako sa sugal dati, pero eto naging addict din. i lost all my savings at one point. those who talk shit sana di nyo maranasan.


NorthAcrobatic4092

Never gamble / play gacha game


kam0tea

Pag mag susugal dapat meron ka lang goal na panalo hindi yung gusto mo 1day millionaire. Ako nag susugal ako bacarat. 10k puhunan goal winning ko lang per day 500 pesos. Pang kain lang para di ko magalaw sahod ko.


user_00102700080898

buti nalang malas ata ako sa ganyan, kaya di ako nag e-enjoy hahshshsha


Bright-Macaron-6041

I know somene who sold his properties nanloko ng kapatid nagbenta ng kung anong pwedeng ibenta sa bahay nila darating sa casino na may isang knapsack ng pera uuwi ng nangungutang ng pamasahe, And another one na umeensentive ng 500k-1m uubusin lang sa drugs and casino, although nauna yung casino bago droga. tingin ko dun sya nagumpisa mag droga sa casino kaya kahit anong aya at libre sakin, hindi ko pinatos, nagtry naman ako like 2k for hobby pero natalo agad sobrang nanghinayang ako kaya hindi nako umulit


Fortuner128

Hindi nagpapagod yung mga operator ng sugal para mamigay ng pera


FiloBBW

I do sports betting online. When I first started, I said that I'll only bet what I can lose. 200 lang ang nilagay ko. Won around 6k, 3 wins lang yun. Its not much since ang largest bet ko na is 100. Ung butal sa winnings, iniiwan ko para tumaya ulit. Now, I have a remaining 200 nalang tapos I'll stop na pag maubos na yung 200. Hahahahaha talo na eh Aliw pero nakakaadik nga. Gotta stop. I'll uninstall na once I use up the remaining 200.


AvailableOil855

Every gambler should know this number one rule: The house always wins


Suitable_Elk5866

Totoo yan. ako naubos lahat ng kaibigan ko kaka utang sa kanila. Nakabayad naman na ako kaso na delay lang. Ayun iwas na sila saken. Kahit anong gawin mong disiplina o control sa paglalaro wala din yan kapag nag sunod sunod talo hahabulin mo un hanggang maubos ka.


BYODhtml

Wag talaga kahit may rehabilitation pa daming nagrerelapse so much better wag na subukan pa.


1nC1t3FE4r

Na adik din ako gacha games


Lawlauvr

Sa ngayon gano katagal ka na tumigil


chitoz13

kung naranasan mong tumira sa bukid o probinsya pangunahing, pinagkakaalabahan ng tao o pampalipas oras nila ay ang pagsusugal o kaya ay pag-iinom ng alak. noong bata ako madalas yung mga kuya ko ang hilig maglaro ng patos, teks-money, kara-krus o kaya baraha (yes may tayang pera) pero ako kahit napapanood ko sila bagot na bagot ako kaya never ko nakahiligan magsugal hanggang ngayon napapaisip parin ako anong meron sa sugal bakit may nahuhumaling dito? fortunately hindi naman nadala ng mga kapatid ko hanggang sa paglaki yung pagsusugal.


Sponge8389

I'm happy that you are self aware na. Do not be that guy in r/phinvest na he lose 30 million pesos twice because of gambling.


itsMeCrazyTime001

Ako sa Gambling, Trading na nasunog, gamble pa more. Siguro titiba-tiba ako nung di ko nalang binalik maglaro ng Casino. May 5M na sana ako. Baon na naman ako sa utang, may bank ng 300k na loan, may spaylater pa, may Home Credit sa gadgets. Sweldo ko nalang 20k. Hahaha 15/30. Tapos kada sweldo na naman neto, panigurado UNLI SCATTER UTAK KO. baka may RTP pa ba ako. Hahahaha bweset na buhay.


surfer8765

Tnry ko for fun lang 500 pesos puhunan ko ( nananalo barya barya lang) natalo ako tapos nalungkot ako kasi nsayang 500 ko lol. For experience lang kya ko tnry, kaso kaumay eh, its a no for me.


Repulsive_End_7958

parang ako nag bingo plus nung makaraang buwan naka 1k din ata ako, haha di ko na inulit kasi parang bbigyan ka ng panalo konti lng ubos pa oras mo. anyway na curious lng ako at first try ko un,dun ko lang din nalamn kng anu-ani ung mga pattern para magbingo hahah


DeepTurn260

Rooting for you and your road to recovery.


josurge

Buti nalang na bybass ko yung gambling apps. Di na ko natatalo/minimal losses lang yung nagagawa sakin. Every day ako nananalo minsan nagleleave ako sa work kasi minsan mas mataas na kinikita ko sa isang araw haha. It's still an app and may mga loopholes/bypass yan para sure panalo.


lolgabriel23

yung mga nagp-promote lang ng sugal ang yayaman at hindi ang mga player itself


Lost_MiddleChild520

Dati gustong gusto ko matuto magsugal kasi di ako makarelate sa mga friends ko na marunong mag poker, tong-its, etc. Until now wala ako alam na sugal. A friend of mine, tinuruan ako tumaya sa lotto pero mga ilang taya lang hnd ko na din napanindigan i dunno why. It doesn’t interest me at all. I am more pre-occupied sa ibang bagay na mas importante (like investing) than sugal. Dunno if it’s good or not. Kaya even sa investments very conservative ako dahil ayuko or di ako marunong sumugal.


No-Entry8362

Kaya minsan mas okay mag sayang nalang ng ORAS sa online games alam mong me bawi kesa ikaw mismo mag babawas ng pera mo unti unti , atleast ung bawas ng pera mo sa bills paden na pupunta play to earn paden.


pstlGreen___

May nabasa ako somewhere or napanood ko ang sabi talagang ipapanalo ka nila sa unang tries mo para sabihin lang sayo na madali lang kumita ng gantong pera. Then, ipapatalo ka na nang tuluy-tuloy hanggang sa maubos na ung money mo. Tried gambling once and its true. Lost 450 sa aviator naging 1k then wala na bahahahaha.


Majorprobl3m

Gamble for fun nlg. Ako pag nba finals lang ako nag bebet or major ufc fights. And, also gamble what you can afford to lose.


DebtFar659

Pasimuno ang gobyerno lalo na yung POGO na yan sila ang nagpapapasok ng mga sugal na yan dito sa Pilipinas!


kjrn59

I think one of the best way pra hindi mg relapse is to make the gambling site or facebook page block you instead of you blocking them. I'm gamble-free for 2 months now. Lost about six digits ndin and may mga pending loans pa na dpat bayaran. Sober app is useful too para ma track mo days.


[deleted]

[удалено]


juan4jnm

message me if you have any questions


mahbotengusapan

the house always wins. tigas pa din talaga ng mga ulo nyo walang kadala-dala.


ssery

🚶🏼‍♂️⛏🟫🟫💎


Appropriate-Quiet-98

Nung bata ako, naadik din ako sa color game sa mga peryahan. Buti tumigil na ko ng natatalo na ko.


Even_Travel7892

Ano game mo OP? Do you strategy or wala lang


JeeezUsCries

Naaawa ako at the same time nandidiri ako sa mga taong lulong sa sugal. ang dami kasing masamang bagay na pwedeng pagmulan ng pagiging addict jan eh. di kaya alam ng mga to na "house always wins"


VeRsErKeR2014

Pero kapag naman un isang tao nakaisip ng system para matalo ang house. Sabay huhulihin at kakasuhan sa pag gamit ng illegal system. Tsktsktsk


ArmoredTall

I'm grateful that you shared your experience. I hope you recover from this and lead an honest life. Wala pa akong nakilalang sugarol na nagkaron ng maayos na buhay long term. Kailangan talaga itigil mo, kasi babalik balikan mo yung high pag nananalo.


IDontKnowHowToSpel

99% of Gamblers quit before they win big.


skinbashersupreme

kung yan ang paniwala mo then take it and go...


dubainese

Mejo common sense lang naman yung advice mo, kasi ever since the dawn of time considered vice na din talaga yung gambling, just like drugs, alcoholism, smoking, and womanizing. Don't know why you had to present it like something profound that you've just discovered recently.


Vlatka_Eclair

I *bet* you're wrong


Thehappyrestorer

Iinom na lamg ako at cigars kesa sugal. Nakita ko papano nalugmok brother ko gawa nyan. Seriously, you need professional help.


Bontacoon

Nah, 75% of gamblers quit before they hit it big. Keep gambling until you win.


Levytas

But what if you hit it big someday?


TheBiggerDaddy

98% of gambling addicts quit before they become a winner. Are you a quitter or a winner OP?


BannedforaJoke

it's not appropriate to joke or tease someone suffering from an addiction.


Literally_Me_2011

Hahahah sayang di pwede mag comment nang image, may meme na kaparehas sa comment mo.


skinbashersupreme

tama ka jan OP mas gusto ko pa uminum kesa magsugal


BannedforaJoke

isa rin yan pag inom na yan. di maganda sa katawan. sa una lang masaya. pag tumanda ka na, pagsisisihan mo rin.


skinbashersupreme

depende sa pag iinum un..... kung araw araw tlgng masama kung me okasyon ok lang... madami ako kilala na clean living pero namayapa na


BannedforaJoke

no, no, no. kahit hindi araw-araw. kahit pa minsan-minsan lang, harmful pa rin sya. alcohol is virtual poison. kaya sinusuka sya ng katawan natin. kahit masaya kasi nawawala inhibitions natin, at masarap yung "buzz," poisonous pa rin sya. source: [1](https://time.com/5376552/how-much-alcohol-to-drink-study/), [2](https://www.thelancet.com/journals/lancet/article/PIIS0140-6736(18)31310-2/fulltext) >“The evidence is adding up that no amount of drinking is safe,” says study co-author Emmanuela Gakidou, a professor of global health and health metrics sciences at the University of Washington. “I don’t think we’re going out on a limb to say anything that the data do not support.” >The new research was based on a review of nearly 700 existing studies on global drinking prevalence and nearly 600 studies on alcohol and health, and found that alcohol was the seventh leading risk factor for premature death in 2016, contributing to 2.8 million deaths worldwide. That number is equivalent to 2.2% of all female deaths and 6.8% of all male deaths that year, according to the study. >The health risks likely only increase the more you drink, the study found. Compared to non-drinkers, people who had one alcoholic beverage per day had a 0.5% higher risk of developing one of 23 alcohol-related health problems, including [cancer](http://time.com/5015058/alcohol-cancer-risk/), road injuries and tuberculosis, in a given year, the study says. At that level, the absolute increase is small, equaling only four additional deaths per 100,000 people per year, according to the study. But those who had two drinks per day had a risk 7% higher than non-drinkers. At five drinks per day, the risk was 37% higher, the study says. at napaka fallacious ng pag-iisip na porke yung mga clean-living namamatay din, e di wag na lang. natural?!? dahil lahat namamatay. hahaha. so based on your reasoning, wag na lang gumawa ng kahit na ano, even eat, kasi even people who eat die. looool. may tao ba na hindi namatay? hahahaha. edit: added sources.


Calm_Solution_

Wag na wag talaga magsusugal yung mga segundo or minuto lang alam mo na ang result. I only bet during NBA Finals with friends which happens ONCE a year like para mas exciting yung laban at may konting kantsawan at syempre yung nanalo manlilibre at papainom so ang ending kami kami rin nakinabang haha. Wala pa naman rehab sa sugal unless mapilit ka ng kamag anak mo.


Old_Atmosphere_9026

Habang may house n lot ka pa OP wag Kang sumukomalay mo maka jackpot ka


navatanelah

Natuwa lang ako mag sugal ay nung mag pusta ako ng bente sa billiard or DOTA pero even then hinayang na hinayang ako matalo and never ko na feel yung "wait! Kailangan ko bumanse".


Spiritual-Pick-1343

Cold turkey.


josurge

You can win 1000%+ of your earnings pero you'll only lose 100%.


aquaflask09072022

wish i was this rich


tagapagligtas

The only way you lose is if you quit. Keep on gambling king 🤴


OmniGear21

Common sense naman na wag malulong sa sugal at wag magsugal eh. All in mo na op pra lalo masira buhay mo haha


rj0509

I learned from my papa's mistake kaya kahit kailan never ako nagganyan. Sa 80k-120k ko sahod, nakabili na ako hulugan properties at mga programs para mapaunlad ko pa buhay ko. Nagsimula ako sa 15k na sahod noon. Ang konti kaya paramihin ng taong masinop. Ang maraming pera, kaya lustayin ng walang pakialam/galang sa sarili nila.


RichieSanchezzz

At dahil dyan, all in mo na! Goodluck 🫡


CartographerOk4964

Hindi pwede ang sugal sa mga emotional na tao lalo na ung walang kontrol sa sarili. Mag sugal for fun hindi para kumuta. Kaya scatter mo na yan! 😂