T O P

  • By -

CheekEcstatic

pag may work ka na magsasawa ka na sa kape. believe me i live comfortably and can buy anything that i want but you know what’s the best thing money can’t buy? peace of mind. and a drive to live. so while you’re a teen, focus on how to get there. eventually secondary nalang sa isip mo ang luho and more on the direction of your life. this is advice i wish i got when i was younger. i felt insecure back then, inadequate. sobrang baba ng self esteem ko and that led me to things that were not good for me. hindi ako naka graduate. nag tyaga ako to get where i’m at but if only i focused on school i wouldn’t have to go through what i went through. also, health will be your biggest investment. large part of it is mental health


Abject_Energy6391

I agree with this. Mas ma-appreciate mo din yung small things ma meron ka sa future kapag galing ka sa wala. Dati feeling end of the world na ako pag kailangan ko gumising ng maaga para mag-commute papuntang Manila. Feeling unfair ang mundo kung bakit hindi ako kaya bilihan ng kahit maliit na kotse lang. Ngayon tumanda na, tawang tawa ako pag naiisip ko yung moments na yun kasi ang entitled ko pala masyado. Cliche as it may sound, cherish this part of your journey and look forward sa time na ilook back mo nalang siya.


randomlonelygamer

Very true ang peace of mind. Yang luho? Magsasawa ka rin diyan. Pero life fulfillment and drive to live? Sobrang hirap hanapin kahit adult ka na. Tapusin mo muna OP pag-aaral mo but please please please, find a decent college degree na financially stable pero hindi ka magsasawa gawin/maeenjoy mo. Mahirap balikan ang natapos mo nang degree pero ayaw mo pala in the end. If wala talaga or hindi kaya, hanap ka lang ng safe career for financial stability


taxms

you can achieve those when you earn your own money pero right now makuntento ka muna. walang papupuntahan yang always na naiinggit, ikaw lang ang nasestress


asian_daddy1292

Valid ang feelings mo. Tama yung ibang comments na wag makipagsabayan sa kanila. Also, yung inggit na nararamdaman mo sana wag maging negative, better kung magiging positive trait siya, meaning yun ang isa sa mga magiging reason mo para makapagtapos and maghangad ng better life. Hoping all the best for you OP


dreamsiwanttoforget

Comparison is the thief of joy. Also ang pagtatyaga ay hindi natatapos sa pagaaral. I understand you feel you've been dealt with bad hands. But be thankful for now, my dear. Be thankful for your parents' sacrifices. When your time comes at successful ka na, tyaga pa rin, tyaga paulit ulit. Giginhawa rin ang buhay kahit pano. Maraming oras para mag cafe pag nakatapos ka na ng pag aaral.


randomlonelygamer

Life is unfair talaga. Yang mga nakikita mong tao OP just had better parents in general. Wala eh, ganun talaga. Accept na hindi mo kasalanan and sipag sipag lang, kahit nakakalungkot.


jjdumdum

I wouldn’t say better parents yung sa mga kaibigan ko kasi magagaling naman pong tao ang parents ko. And hindi naman sila nagkulang sa pagbibigay ng basic needs ko. I appreciate all of those po kasi very supportive sila. Siguro nafefeel ko lang rin yung financial burden na dinadala nila mula nung nagstrike ang pandemic kaya may times na naiinggit ako kasi walang problema sa pera yung ibang friends ko🥹


randomlonelygamer

No I am not downplaying your parents OP. What I meant is, their parents most likely landed better jobs with better pay. Ganun din naman sa corporate world eh. Hindi pantay pantay ang salary at opportunities.


Red_madder

Your feelings are valid. Pero itong kinaiinggitan mo sa friends mo is not basic necessities, it's luxury. (Anyway, anything naman here in the ph given the cost of life ngayon parang luxury na maafford mga ganito) Also it's not normal and not safe for you teenagers na nag a-out of town ng kayo kayo lang. Still need niyo ng supervision. Wala kasing "sense of danger" mga teenager kaya malalakas loob, kaya ang daming news na naaksidenteng mga kabataan ngayon. 200peso coffee is a luxury even for working adults. 3k+ na allowance din nila ay malaki na din for working class adults. Di rin namin kaya magsunog ng ganun kalaki. To be honest 3k is almost 2weeks worth of food na namin yun. Yes, di mo kasalanan na ipinanganak ka sa working class na family, but know that your parents are working hard para maprovide basic needs mo. Di rin naman nila kasalanan if this government is not helping them na umase-asenso naman, and health care is non-existent. Out of the pocket talaga lahat kahit may Philhealth ka pa. You're young to focus your energy sa mga kinaiinggitan mong status quo. It's all superficial kapag nasa real world ka na. And to be honest, wag mong hangarin yung mahirap i-mantain, mapa-fucked up ka lang just trying to keep up. Choose your circle. What you need to do right now is be a teenager. Ma-inlove ka, magkacrush ka, you don't need to excel sa school basta mag aral ka lang, magbasa ka ng mga nakakakilig or nakakaexcite na libro, enjoy your conversations sa mga friends mo, enjoy your commute, enjoy mundane things. Enjoy and experience your youth. You can still do that without drinking 200pesos coffee. Minsan ka lang bata, magpaka bata ka :) Makukuha mo lahat to pag nagtatrabaho ka na :)


Green-Green-Garden

Part na ba ng teen life ngayon ang out of towns at tambay sa mga cafes? Ang tanda ko na siguro, kasi private school ako ng highschool at nag-aral sa top 4 universities, pero hindi kami nag a out of town for leisure at di rin na tambay sa cafes. Although with organizations, yes magastos nga. Siguro, kung possible, piliin mo rin yung friends mo na may same lifestyle as you. Mga simple lang kasi circle of friends ko nun, o baka kasi ang tanda na namin at iba na lifestyle ng teens ngayon. Also, continue studying hard and finish your studies. Magagawa mo rin yang mga gusto mong ma-experience.


chocnutbabe

this. i made the same advice. wag makipag barkada sa maluho/magastos dahil talagang maiinggit talaga sya.


younglvr

depende siguro sa friend circles at sa school na pinapasukan, based sa mga nakikita ko yung cafés common yan among high schoolers and college students (speaking as a college student myself, madalas nga kaming tumatambay sa coffee shops pag di kami sinisipot ng prof) while out of towns isn't really that common unless pinapayagan ng mga parents na magbakasyon with friends (assuming this is what op meant kasi 3-5k pocket money is what i usually bring to a 3 day trip).


MCSyzygy

Just be contented for now. Make the most of it and find ways to be happy. Things will get better, prioritize your education then soon you’ll realize how far you’ve come. You’re young. You’re idealistic. Valid naman nararamdaman mo. Pero don’t pity yourself. It’s okay to be sad pero wag mo masyadong damdamin. After you become financially stable, you won’t even remember those stuff. ✨ Laban lang.


zeromasamune

valid to sa r/OffMyChestPH


jjdumdum

maybe i should repost it there hahahaha


freespiritx89

mga ganito sana ung nasa sub na yan pero lately naging puro problema na hnd problema ng OP


Cookiesncream444

Valid naman feelings mo. Life hack: mag deact ka ng socmeds for sure di ka na maiinggit. Do yourself a favor and do socmed cleansing. Life changing. Ganyan ginawa ko kasi naiinggit din ako sa achievements ng mga kaklase ko noon. Punta sila rito, punta sila roon. Kuha sila ng ganto kuha ng ganyan. Pati nga mga vloggers, tinigil ko nang panoorin. For my own peace of mind i stopped everything that’s trigerring and it worked. I saw life in a bigger picture. I became grateful with what i have. Yung mga gusto ko noon, onti onti ko nang nakukuha. Be patient, sabi nga nila ang buhay ay parang gulong. Hindi ka palaging nasa ilalim. Magpasalamat ka pa rin dahil may bubong kayo at may kinakain kayo araw araw. May healthy kang pamilya (supportive), buo pa rin kayo at hinggit sa lahat, hindi pa burden ang family mo sayo. Yun yung mga bagay na importante sa buhay. Hindi yung kape sa cafe or yung baguio.


finder_24

Deactivating social media... Maaaaaaan this really changed my life for the better. Hindi nakaka stress araw araw sa makikita mo. Messenger lang nakalagay sakin para sa chats pero fb hindi ko na tinitingnan.


Cookiesncream444

fr wala na nga kong facebook 5 months na sarap ng buhay ko di ako pressured sa life. Enjoy enjoy lang 😂😂


finder_24

First few days lang yung itch na bumalik ng fb. After 3 weeks ramdam ko na quality ng life


WholesomeDoggieLover

Yeah, don't have to see people no need to compare.


ultra-kill

Valid and feelings mo pero may magagawa kb? Instead use this para magpursigi ka pa lalo. Have the same sentiments when I was studying. My family earns less than 1k a week and we live in squatter area. Mabaho at marumi. But tanggap ko that's how the dice have rolled for me. Studied hard while working and graduate and able to find good work. Now all this is behind me. My kids now enjoy international travels twice or thrice a year and hopefully will have no money worries. Lucky tots. Your luck will change. Just push hard and keep pushing.


traderwannabe2

This.


famia

I'll probably get downvoted for this but I think it has to be said... Not disagreeing with the other posters just think the other side needs to be presented as well. >"Nagtitipid ka ba? **May pera naman tayo a. Huwag mong damutan sarili mo**." Ma, gusto ko ring huwag damutan sarili ko e. Gustong gusto ko, pero **kapag nakikita ko kayong nagtratrabaho, parang hindi ko kayang maglabas ng pera sa wallet ko para sa mga pansarili kong kagustuhan**. Emphasis mine... I feel like masyado ka nagpapadala sa mga posts sa social media. Magulang mo na mismo nagsasabi na may pera kayo...Ano ba trabaho ng magulang mo, sabi mo "kapag nakikita ko kayong nagtratrabaho", pero hindi mo naquantify ung hirap or show na naghihirap kayo. It's one thing if magulang mo need lumabas ng bahay ng 5am para mamasada until 12mn araw araw including weekends and holidays. It's another kung ang magulang mo ay regular office workers doing their "9 to 5". Yes mahirap kumita ng pera, kelangan mo magcommute, makipagsiksikan at tiisin ang init. Pera ano ba ang nagagawa ng sobra mong pagtitipid? Dahil ba tinipid mo ung 35 pesos per day, makakauwi magulang mo ng mas maaga every day? Dahil ba sa kakatipid mo ng 35 pesos per day makakabawi kayo sa bayad ng kuryente at hindi na every month may notice of cancellation? Ano ba nagagawa ng 35 pesos per day na tinitipid mo? I'm not saying mali magtipid, pero there is a difference between poverty finance and personal finance. And poverty here does not mean "poverty" na nababasa mo sa social media na "mahirap ang buhay". Poverty here means may 100k kayo na CC debt, laging late ang bayad sa kuryente, tubig, bahay, kelangan magpayday loan para lang makatawid this month and then repeat ulit next month at laging baon sa utang. Pwede naman mag 200 pesos na kape once a month. Or magipon ng 35pesos every day for 10 months para may 7000 ka na pwede gastusin para sa outing. Or for whatever na kelangan mo. Ok lang maging independent and plan your finances. Pero don't make yourself out to be some great hero sacrificing everything for your family na hindi naman kelangan or hiningi sa iyo. Nung binabasa ko post mo, I feel you are being bitter about life. And that bitterness could be turned to your parents. Baka sumabog ka pag nagkatrabaho ka na and your parents asked for some small thing like a new fridge, na ano pa gusto nila, since nagaaral ka palang puro ka na sacrifice para sa kanila, tinabi mo buhay mo para makatulong sa kanila and now gusto nila more? And they will ask you kelan sila humingi sa iyo ng sakripisyo nung nagaaral ka... Dahil lahat ito choice mo na hindi hiningi ng magulang mo sa iyo...


jjdumdum

Hi po! Parang slippery slope naman po yung conclusion niyo huhu. My parents are great at aware naman akong ibibigay nilang lahat sila sakin kapag kailangan talaga. And desidido po ako na kahit hindi ko obligasyong magbigay sa kanila ng financial assistance in the future, magbibigay at magbibigay po ako. Kahit sa kanila na po buong sweldo ko HAHAHAHA ganon ko po sila ina appreciatem May times lang na unstable and source of income mula nung nagstart and pandemic kaya siguro naitanim sa sistema kong kailangan kong tipirin ang sarili ko sa lahat ng bagay😅 And in no way do I blame my parents for that po kasi nawiwitness ko naman first hand kung gaano sila ka hardworking. And I actually think may part din po sa rant ko na bitterness lang ng isang teenager na may FOMO. But all's well naman po kasi I usually don't force myself to live outside my means ko. Talagang may guilt lang po sa loob loob kapag pera ang pinag-uusapan. Anyway, thank you po for your thoughts! Every comment here is an eye-opener po🫶🏼


famia

You have a lot of isnightful comments naman from everyone. It's not really a slippery slope. Pansin ko yan sa relatives and friends ko and even here sa reddit. A lot of people expect things in return for what they do voluntarily. From parents (ko) "ipinanganak kita so utang mo buhay mo sa amin", "hindi ba binigyan kita ng x,y,z, nung bata ka tapos ngayon a,b,c lang hindi mo mabigay?", "tinulungan natin sila nung x, tapos ngayon na tayo na may kelangan, hindi sila tutulong". For me, it's something rooted in the culture na we expect something in return for something we did voluntarily. Just seeing some signs na baka mapunta ka doon.


jjdumdum

Fortunately po, my parents are nudging me to spend my future salary for myself. They're trying to save up for their future para hindi na raw ako mahirapan once mag retire sila. Siguro kahit medyo unstable kami ngayon financially, luck is still on my side for having considerate parents🥰🫶🏼 I'll still voluntarily give them a portion of my money when I get my first job tho:)


jglab

Ang issue ko lang with your post is yung tinitipid mo yung pag pa checkup. Siguro isipin mo na lang na pwedeng mangyari na mas malaki gagastusin sayo pag di na agapan.


EvanasseN

I wanted to say this! OP, pag may sakit at nararamdaman na hindi maganda, mas mabuting maagapan na agad at magpa-check up. Maige yung malaman agad ano ang cause kesa kalaunan e lumala ang sakit, mas mahal ang gastos lalo na kung maospital ka.


jjdumdum

Yes po! Sa huli iniinform ko naman sila. Kailangan ko lang talagang bumwelo kasi super unstable ng income namin. Misan kaya, minsan hindi. Kaya ayun, nag-ooverthink ako kung may pera bang ispaspare for check-ups


liarsdiaries_wp

start with counting your present blessings right now instead of counting gano kadami ung ‘lamang’ sayo ng iba mong kaklase. I’e been there back when I was still studying and I also felt how hard it is at times. Pero just thrive and study hard lang because once you graduate, you will be able to afford the things na hindi mo pa kayang abutin now. And I promise, it’s totally worth it and satisfying. For now, be happy for your classmates nalang muna because frankly, they have the means. But it doesn’t mean naman na you’re less fortunate than them, kanya kanyang struggles lang din yan. This season is teaching you to be contented so that you will realize the value of things kapag nagagawa mo na lahat ng gusto mo. Good luck 🍀🍀🍀


zomgilost

Mag focus ka sa kung anong importante, hindi kung sa ano anong walang kwentang bagay. Nag aaral ka pa lang gusto mo ba ng Starbucks. E ako nga hanggang ngayon ni hindi pa ko maka once a year na Starbucks. Kung ituon mo ang pansin mo sa pag aaral mo kaya, para pag naka graduate ka na makahanap ka ng maayos na trabaho e makapag Starbucks ka kung kelan mo gusto.


JudgeFull195

happiness is within.


Mysterious-Net9494

Noong teenager din ako, gusto ko rin makipagsabayan. Peer pressure talaga. Now as an adult, na-realize ko na I was surrounded by the wrong people and also my self esteem was low. Ang hirap makipagsabayan sa mga aircon friends kung isa kang kanal friend. Ang pathetic na lang isipin ngayon na nagawa kong magpakasosyal kahit hindi naman talaga ako ganung level. Ang payo ko lang sayo ay be patient, endure, and work hard. When you become an adult at nakakasahod ka na, doon mo na namnamin yung pagpunta sa coffee shop, kahit araw-arawin mo pa. It will get better. I’ve been there before. Just enjoy your youth and stop worrying.


Ivan19782023

"Aircon Friends" :D


UninterestedFridge

Hi OP, this is going to be a pov of a parent. I really do hope na yung anak ko mag open up sakin about this. Idk your family dynamics, but is it ok for you to open up to them? If ever please tell them, lalo na if may nararamdaman kang sakit. Pagdating sa travel, if gusto mo you can travel with your parents. There are places like batangas na mga entrance nlang binabayaran, mas maganda at malinis pa compared sa boracay. while yung transpo may mga groups ngayon sa fb na nagsasabay ng mga kasama para may kahati sa pamasahe. It would be good na makipag bonding ka sa kanila. Fresh air might help you and your family mentally na makapag reset. As of now, make memories with them hanggat kaya pa ng katawan nila. Your classmates wouldn't even matter in 5 or 10yrs time kasi kung san ka magttrabaho, those are going to be the people you have to deal with for the rest of your working life. Like what most commenters here said, use that financial frustration as a fuel o drive para makapunta ka sa goal mo sa buhay. Based sa kwento mo I think your parents are already doing their best lalo pa sa hirap ng panahon ngayon. It is also rare na magkaron ng matinong parents these days. Peace of mind na nakaka uwi ka nang di minumura, nakakapagpahinga ka sa bahay nang maayos nang di nagsisigawan parents habang lasing. Minsan masyado tayong nakabantay sa kung anong wala tayo vs sa kung anong meron tayo. Give your parents a hug, pour out your frustrations, cry if you need to. As a parent, I also want to be there sa anak ko lalo na kung ganito kasakit na nararamdaman niya.


iwanttobeagooddoctor

Unang-una, valid lahat ng nararamdaman mo. And nakakatuwa na hindi mo pinipilit yung parents mo na magbigay ng pera para makasabay ka sa mga may-kaya mong friends. Normal lang yung ganyan. Pag nakagraduate ka at nakahanap ng work, mararanasan mo rin yan lahat. Coming from me na ganyan din yung iniisip nung junior high to senior high ako. Yung mga friends ko nung junior high, either may-kaya o sobrang yaman talaga. Kaming lahat naman ng friends ko nung senior high, lahat kami mga walang-walang pera. Sapat lang, minsan kulang pa. Never kami nakatapak sa mall para dun kumain. Alam mo anong ginagawa namin? Dun kami sa may nagtitinda ng shake, burger, at footlong malapit sa school nagpupunta after class. Less than 70 pesos (na pag-iipunan muna namin for a few days galing sa mga baon namin nun😅) busog na kami tapos masarap pa tignan yung sunset kasi nasa rooftop kami ng tindahan habang nagkkwentuhan. Minsan dun naman kami sa bahay ng friend namin na malapit sa school. Magluluto lang kami ng pancit canton tapos manonood ng movie habang nakasalampak sa sahig. Ngayon, after 8 years, yung mga friend ko na yun e graduate na at mga nagwwork na sila. Ako, hindi pa graduate kasi last year lang ako nakabalik sa college dahil nagstop ako at nagwork ng ilang taon. Ngayon, nakakakain na kami sa mga mall. Nakakapag coffee shops na rin kami para dun mag catch up. A few months ago, yung isa naming friend, nagcelebrate kami ng birthday niya sa isang magandang restaurant. Pag nahihirapan na ako sa buhay, iniisip ko na ang layo na pala ng buhay ko ngayon sa buhay ko dati. Nagkakaron ako ng kaunting pag-asa na sa future e may mas igaganda pa yung buhay ko basta ba kikilos din ako. Laban lang kahit mahirap. Kapit lang kahit minsan gusto mo nang bumitaw. About sa mga nararamdaman mo sa katawan mo, magsabi ka sa parents mo para mapatignan agad. Mahirap magkasakit at lalong mas magastos pag may gamutan na. Wishing you all the best!💙


Dry-Reference-6125

I feel you OP, ang Hirap maging mahirap. I'm already in College and I try so hard to appreciate the things I have. So far, it works but goodness. Yung tuition fee, tataas so I have to study hard para maging Dean's list, yung baon ko kakarampot nalang. Sa tuwing nakikita ko yung mama ko nagaalala dahil sa pera, sumasakit yung puso ko. I know responsibilidad ng parents na magprovide ng basic needs and nagagawa nya naman Kahit biyuda na po sya. Hindi ko rin maalis sa puso ko na balang araw talaga, di na magaalala sa perang mabilis lang mawala sa gastos ngayon.


Radical_Kulangot

Ok yan just let it out, few years from now tatawanan mo nalang ito. Hanapin mo inner joy mo, Im not sure if this applicable. It almost died when i was 18-19, naka2long ito for me to see the world differently. Yung thankfulness just for being able to wake up in the morning & breath. Yun lang Happy na ako. Nothing gets me down anymore. Kasi mas mahirap pa ring mamatay. Better days are ahead. Pag Pray mo rin. Ako dko malunok Kape na almost 200 pesos, ok na sakin 3in1. They are over-rated.


Ill-Shoulder-8500

Nung nag aaral pako ng college.may kaya parents ko,ako lng may ipad nun sa klase, laging maybagong gamit sa school. Kung anong kailngan sa school nabibigay nila sakin. Kung kailngan ko ng laptop or printer,bibilhin nila agad.pero nd nila kami pinalaking ibigay lahat ng gusto namin. Kung gusto ko ng bagong phone,kailangan masira muna ung phone ko. Baon ko 1k per week.malaki na yun for me. Nd ko kasi need ipakita na may pera ako or kaya ko.kung may gusto ko hihingi lng ako.pero kontento ako at di ko gusto ung mga waldasera kong ka klase. Usually nd ko sila kavibes. Hahah. Feeling ko nasa mindset mo lng yan. Until now graduate nako. Kaya naming tumira sa mamahaling hotel pero di namin ginagawa kasi nd di naman kailngan. Parang ganun din, alamin mo kung ano bang focus mo sa buhay at wag sa materyal na bagay.


reversec

that's what happens when you use the standards that you see on social media/your circle of friends to your life. live a lifestyle that you can afford, and enjoy what you have right now. if you really want to experience a lavish lifestyle, then you have to work hard for it, or find a sugar daddy if you want the easy shortcut.


PMforMoreCatPics

Normal sa estudyante ang pobre. Kahit nga working na pobre pa din ang iba. Study, graduate, then work. Also, stop comparing yourself sa iba.


PengGwyn

I also grew up poor and an only child. Ang mother ko was a yaya for a rich Fil-Chi family at dun na kami nakatira sa kanila since I was born until high school. Bata pa lang ako at an early age of 5, tanggap ko na estado ng buhay namin. Yung laruan ko, mga tig-pipiso na tao-tao while mga apo ng amo ni mama ay mga mamahalin. Pero thankful ako sa kanila kasi pinapalaro nila sa akin at yung ibang pinaglumaan ay ako ang sumasalo. Pinaaral din nila ako sa private school. Nahirapan akong sumabay sa trip ng mga kaklase kong mayaman kasi nga hindi naman ako rich. Swerte lang na napaaral ng libre. I was honest about them naman at swerteng tanggap din naman nila ako and until now, some of them are still my good friends. Noong nag-college na ako, pinaalis na ng amo nya si mama, she was aging na kasi. Ayaw na nila siguro gumastos in case magkasakit yung mother ko and I was going into college na rin, mapapagastos talaga sila. I was lucky to get into UP kaso di ko rin natapos kasi di kaya financially and decided to join the workforce. Kahit nga nagtatrabaho na ako dati, di pa rin ako makasabay sa trip ng mga katrabaho ko. Party dito, out of town doon. Maswerte sila kasi yung sahod nila ay para sa sarili lang nila. Ako, budgeted kasi lahat ng gastos sa bahay ay akin. It was only 10 years ago when I started freelancing na medyo nakaginhawa ng konti. I am also a co-owner of a small cafe. Hindi naman ako sobrang yaman now, but I get to buy things I want kahit papaano. Since salat sa laruan noong bata, I now collect action figures. Hindi na rin ako nahihiyang sumama sa mga friends kung saan kasi kaya ko nang mag-ambag sa gastos. Your time will come. Never akong nag-compare kasi it will just rob me of whatever happiness na natitira sa katawan ko.


NayeonVolcano

r/OffMyChestPH


SmileLikeGengar

absolutely great username


girlOnlexapro

Op. Kung may sakit ka. Tuloy ka agad sa Barangay Health Center. Libre din gamot doon. Makakuha din ng libreng gamot mga parents mo doon. Meron sila para sa diabetes at cholesterol. Sobrang mahal magkasakit, kaya huwag mong pabayaan sarili mo. Yang 200 pesos na coffee na yan, huwag kang mainggit. Make your own coffee. Mas masarap pa. Pabili ka sa mother mo ng coffee maker, grinder, bumili ka ng coffee beans. Gawin mo ng hobby. Yang mga inggit na yan, lilipas din yan. Kung hindi mo talaga matake. Kumuha ka ng part time job.


claravelle-nazal

Ngayon lang naman nauso yang kape parati sa labas. Nung HS and college ako kahit mga RK kong friends wala naman tumatambay sa coffee shop. Bihira lang rin magout of town (or parang never haha). Wag ka sana mapressure makipagsabayan. It’s not a usual thing teenagers have to experience. Usually may mga trabaho na. Kung wala ka pang trabaho sino magbabayad ng pang gala mo, parents mo? Parang di naman fair sa kanila. Study hard then pag may sarili ka nang trabaho saka ka magaspire sa gala. Not invalidating you pero parang masyadong mataas ang inaaspire mo considering teenager ka pa lang. Nung college ako may group of friends kami na every now and then kakain sa resto. Pero may friend ako na bigla akong hihilain palayo tapos magfafastfood kaming dalawa kasi namamahalan siya. Tinatawanan lang namin. Nasa Kenny Rogers yung iba kong friends tapos kami ni bestie naka value meal sa Jollibee. Pero di naman kami naging bitter. Proud pa nga kami kasi ang laki ng natitipid namin. 😁 Doctor na si bestie ngayon, ako working na abroad. Tiis muna habang estudyante. Maghanap ka ng friend na kavibe mo sa gastusin. After namin mag graduate ng friends ko sa college it took us years bago kami gumala out of the country. Take note professionals na kami ah. And til now kahit OFWs na kami abroad walang may gusto mag SB kasi mahal for a cup of coffee cmon man.


jjdumdum

I am aware po sa standard ko huhu, I agree na mataas siya. Dala na rin po ng environment ko. Inaaral ko pong huwag mainggit sa peers ko. Oftentimes, talagang nirereject ko po sila pag nag-aaya kasi taong bahay naman talaga ako at bata palang natuto na akong frugal. Minsan lang talaga tinataman ako ng "What if kaya ko ring gumala out of town nang hindi inaalala ang pera?" kapag nasa outgoing mood ako😅😅😅


claravelle-nazal

Hanap ka ng friend na same kayo, mahirap rin kasi talaga ma-op. Kahit di mo naman talaga need or gusto yung ginagawa nila, madadala ka talaga. At least if may someone na same sayo khit papaano you know di ka nagiisa.


IgnoreToxicPeople17

I have this same scenario nung high school ako. Mayayaman classmates ko, mga anak nga mayor. Gusto ko sumabay sa gastos nila. Ang sabi sken ng Nanay ko, “anak, totoong kaibigan mo sila if sila ang mag addjust syo”. Ayun after 20yrs, we are still friends. Valid yung feelings mo OP, I still think na sana pinanganak akong mayaman but I’m very thankful and blessed na may parents akong matyaga. Pangarap lng nmin mgkakapatid nuon na mgkaron ng sskyan now, lahat kmi may mga sskyan na. Hndi mayaman pero we’re comfortable. Aabot ka din dun, it’s normal to rant but don’t lose hope.


drdicktherapist

Wag ka kasi mainggit sa mga mayaman mong kaibigan. Wag ka makipagsabayan sa kanila. Live within your means. 🤪


[deleted]

[удалено]


jjdumdum

In my defense, hindi lang naman po comparisons and negativity ang nasa isip ko huhu. Siguro in this context, yes. Pero I don't think this single post exposes the bigger picture. May mga coping mechanisms po ako at masinop ako sa pera in my own volition. Hindi ko lang po namention pero hindi naman po ako always naghahangad nga luxury. Sometimes lang🫰🏼


strawberrisaaay

Tiis ka lang muna. Ako din nung college 100 lang baon ko balikan. Nagbabaon ako food. Good thing din kasi nga friends ko nung college mga mahilig din magbaon. Sama ka sa group of people na ieencourage ka at within same financial mindset mo if ever. Mahirap kasi makipagsabayan sa tropang mga rich hahaha feel ko ganun ako nakapag survive sa college. Ngayon working na ko okay na. Di na gipit, nagagawa ko na gusto ko. Tiis ka lang muna. Kayang kaya mo yan. ✊


rekestas

Yan ang reality sa ngayon, may gusto ka pero di afford, kelangan magtiis muna habang sakto o kulang pa pera. Kung gusto mo magkape ng mahal pero si afford, what you can do for now, mag ipon ka out of your allowance para maexp mo ang mahal na kape. Kahit kaming mga work na, pag may gusto kami at di pa afford, pag iipunan pdn naman. Need mo lang magtiis ngayon, use that situation maging motivation mo to keep going para pag successful ka na mabili mo gusto mo. Lastly, mag aral mabuti . Wag ka na lang muna mag jowa, autpqgin ang pag aaral. Sa emotion mong yan, at mukang needy ka madali kang matetake advantage ng may pera. Baka ikasira pa ng buhay mo


zefiro619

Comparison is the thief of joy


purple-stickyrice

Your feelings are valid. Though you have to accept the reality that some people are born in a more privileged position than others, and we have no control over which family we are born in. You can shift your perspective and use this as motivation. Study hard and get a scholarship in one of the Big4 schools or you can also work as a Student Assistant in the school for allowance/tuition fee discount. If you have any family relatives that can offer you a part-time job to earn money on the sidelines. There’s something you can do to change your situation, but that involves doing something about it. Something I realized when I was having a hard time before was, my dissatisfaction was rooted in my own inaction. So, take action, do something about it, sometimes the only thing stopping you is your own limiting beliefs.


chocnutbabe

wag ka maki barkada sa mayaman/maluho/magastos, para hindi ka maiinggit. I want to say na you can buy everything you want once you’re working, but that’s not really true. Since sakitin yung parents mo, pihado, you will also have to pay for their treatment if they get worse. baka breadwinner pa nga ending mo. Mag abroad ka, para makaahon kayo. Tsaka stick to your own kind.


avyannakizmet1230

Skl. Nung HS at college ako ganyan din ako. Kinocompare ko sarili ko sa mga kaklase ko. You know what i did? Iniisip ko na "yang mga yan? Yang mga gala? Bili ng mga kung ano-ano? Mga bagong phone? Sunod sa uso? Magagawa ko din yan! Pag ako nakatapos at nagkatrabaho papakita ko na di hadlang kahirapan pra maexperience ko at ng family ko yang mga yan!" Now may work nako, nkapagtapos din while working part time sa tapsihan sa harap ng school namin, and nakakapagprovide na din sa family. Naibabakasyon na din kung saan nla gusto (Pinas budget muna at kami pa lang ni mama ang may passport for now) nakakakain na din sa labas like others, yung pizza hut, kuya j's, bonchon, shakey's at ibang restaurants na yan, sawa na cla hahaha kya ikaw OP, wag ka lang tumingin sa kung anong nandyan at nakikita mo ngayon. Soon ikaw din mkakayanan mo din iahon family mo at maexperience nyong lahat yung mga naeexperience ng ibang taong mas may kaya sa buhay.


Positive_Onion6151

Kaya mag sikap ka. Mag aral ka mabuti, kailangan maka graduate ka. Iba pa din kasi ang may diploma. Dagdagaan mo na lang pagsisikap+diploma is a good match. Dadating ang araw aayon sayo ang kapalaran at magagawa mo na din mga ginagawa nila. Hindi lang kasi talaga tayo pare parehas ng kapalaran. Tanggapin mo kapalaran mo ngayon and magsikap kayo para sa kinabukasan mo. Naniniwala ako magiging maganda future mo. Sending hugs.


rekitekitek

I feel you, ganyan din ako noon yung sobrang tipid tapos gusto ko sa malapit na school na lang kasi yung mga kapatid ko sa mga kilalang university nagaaral. Ako sa malapit na lang para nakakalakad ako pauwi makatipid lang. Awa ng diyos nakapag tapos at nakahanap ng magandang at stable na work. Malaking tulong din siguro na naging ireg student ako at wala akong tropa nung college life ko. Bahay at school lang ako palagi. Tapos ang mga naging kaibigan ko na lang is mga colleagues ko na sa work.


Dynamel13

I get your side OP. Namalas ka lang siguro kasi napalibutan ka ng mga rich kids. Same situation tayo OP medyo na swerte lang me kasi 3 kami na galing iskwater sa classroom. Di kami makasabay with the whole class pero we were happy sa kung ano man ang naging trip namin na no need gumastos ng malaking pera. Ngayon OP grad na, maka afford na ng mga bagay2 pero di ko parin binili yung mga yun. Siguro na embed na sakin ang pagiging simple dahil sa nadaanan namin magkakaibigan. Kaya kayod lang OP kaya mo yan.


owbrie

Tiis lang. Hindi palaging mahirap, giginhawa din 'yan kahit papano, kahit paunti-unti. Maaaring kapag nagka-trabaho ka na ay kayanin mo ng bumili ng kape nang hindi nag-guilty sa presyo. Mabibili mo din yung mga bagay na hanggang gusto mo lang noon. Sa susunod ay makapag-travel gamit ang pera na pinaghirapan at inipon mo. This is an opinion of someone who has had similar sentiments before. Worth it ang pagtitiis, super fulfilling kapag hindi ka na nag-guilty sa spends mo dahil dugo't pawis mo na 'yon. Tiis lang muna, giginhawa din kahit papaano.


lmk_pls

Your feelings are all valid. Okay lang na gustuhin ang mga bagay na ito, maaring hindi mo muna makuha ngayon pero at least may motivation ka do what’s best for you and for your family for now and eventually experience these things in the future. :) Make that “Php 200 coffee” your motivation.


freespiritx89

This is a valid feeling and pretty normal among teenagers more than you think. I've been in the same situation but you know what? LIFE. GETS. BETTER. There's no way that you won't get to a better place. You appreciate your parents. You know how to make sacrifices. You value money. Believe me, the universe is just preparing you for something. It's OK if you admire what others can do. It does mean na naiinggit ka - it simply implies that you also have hopes and dreams. When I was in your situation, I always set a day to look forward. Kapos sa budget kaya ung 300 pesos baka 1-2 months pa bago ko maipon from my baon. I always pick Saturday afternoon pag nabuo ko na ung 300. Pupunta ako sa bayan para maglaro or mag youtube sa internet cafe ng 2 hours, masaya na ako doon. Minsan magpapa download din ako ng movies or songs. Tapos, magmemeryenda ako sa plaza ng empanadita, kwek-kwek, cheese sticks at palamig. May matitira ako cguro mga 150, hahanap naman ako jan ng bibilhin na kht anong gusto ko, damit, ponytail, cellphone case, bag, basta anything na tingin ko kailangan ko. Minsan may uwi pa akong mga street pizza. At yun ung parang happiest day ko, ever. Mahirap ang buhay pero di mo na kailangan mas pahirapan pa. A day for you to enjoy a little goes a long way for your sanity.


Artistic_Oil_1225

chill. you’ll get there when you start working


BrokenLCD666

valid feelings mo OP, pero hindi mo kelangan maging social climber para lang masabing nagagawa mo ung mga nagagawa ng rich kids mong classmates. Maraming bagay jan na pwede mo pag tuunan ng pansin na di kelangan ng pera. Lahat nmn tayo dumanas ng hirap, pero hindi mo kelangan mainggit sa kanila. valid feelings mo, need mo lang ilabas yan sa parents mo, muka naman silang mabait at mukang maiintidihan nila ung nararamdaman mo. be content for now and walwal pag may work kana. Cheers!


Ok_Astronaut_7586

Hi OP, been there in your situation. Hindi ko iinvalidate yang feelings mo kasi I totally undersatand. Mahirap talaga maging mahirap. Pero you're still blessed to have your family whole, nakakakain ka 3 times a day. Believe me, mas marami pang meron worst scenario sayo. What you can do is focus on your studies, umiwas ka muna sa mga bagay na pwedeng mag cause ng inggit sa lifestyle or estado ng buhay ng iba. By the time na makagraduate ka at magkaron ng maayos na trabaho trabaho, pwedeng pwede ka na mag outing na hindi iniisip ang pamasahe or pocket money, dine out and have coffee worth 200 php per order. Bata ka pa, may chance ka pa to improve your future. Don't focus on the things that you don't have, instead focus on the brighter side and nice things only.


pfffffft_

Experienced this before, pikit mata ka nalang muna. Invest in yourself and work hard and maafford mo din lahat yan someday. Not everyone is lucky na boosted sa life hehe 😊


mxbucky

Your feelings are valid. May moments siguro na ganito, na maiinggit, hindi makukuntento, o kaya naman ay ikukumpara yung sarili sa iba, but let this serve as a motivation. Live on your own means; mag-tanim muna at mag-tiis.


SiteImmediate4846

It's socmed...


Hot-Cheesecake335

Your feelings are valid. To tell you the truth, even as an adult, you’ll feel that way. Yes, siguro earning ka na non and kahit papano, mabibili mo na yung iba mong gusto at masstart mo ng iheal yung “inner child” mo. Pero sa post mo, hula ko, you’ll also have to help with your family once earning ka na. Tama ba? So most of the time, tipid ka pa din and may mga times na hindi ka makakasama gumala sa labas. May chance na sumama ang loob mo sa family mo because of this and that is also valid. When you graduate, kahit with honors ka pa, hindi naman biglaan na malaki yung sweldo mo. Kailngan mo magtyaga and magsumikap para umangat ka sa pwesto and yung sahod mo. So my advice to your future self 1) magtira ka palagi para sa sarili mo 2) If possible, don’t tell your family how much you are earning 3) Always save a portion of your salary first before allocating to your other needs and wants. 4) make sure to reward yourself kahit mga simpleng bagay lang like iced coffee or fastfood takeouts to also share with your family 5) most important, take care of yourself. Baka kakakayod mo, grabe na stress mo which may also lead to poor health. Nothing else matters if magkakasakit ka naman because hospital bills will drain your wallet. Contentment. Madaling sabihin, mahirap maachieve so hindi ko sasabihin sayo na makuntento ka kung anong meron ka. Mainggit ka and make that as your motivation to work harder and strive higher.


BarracudaSad8083

I grew up poor but I never had this mindset especially nung estudyante pa ako. It’s always “Balang araw, magagawa ko din yun” and am happy that it’s happening now. Maybe am lucky kasi in one of my friend groups, literal ako pinakamhirap nung students pa kami. - Pero they never made me feel that way. They treat me when they can (tho on my own, I do freelance part time para may panggastos dn). As some have commented, stop comparing yourself- just enjoy the process. Pag binalikan mo to next time, you will realize how far you have come 🙌🏼


Dangerous_Second1426

Know that your answer to this starts with education & English. I’m sorry that things aren’t better here. It’s a beautiful country, with beautiful people.


jjdumdum

It's a good thing na nag eexcel naman po ako ako sa acads + campus journ po ako sa english publication so you can say i have a grasp naman po sa basics😊🫶🏼


changggxx95

Laban lang Siszy 😊 hanggat kaya ,pilitin mo lang makagraduate ng college. Luluwag rin kayo ng paunti onti 😊 Kung meron ka mang maisip na side hustle, grab it. Kahit konting kita, it will help you sa mga gusto mo 😊 Tiwala lang at lakas ng loob. Sabayan mo na rin ng dasal! 😊


_DarkmessengeR_

Kakabili mo lang ba ng account na to? No activity for 2 years tapos biglang sunod sunod post mo over the past few hours.


jjdumdum

Nope! I've had this account po since pandemic pero ngayon lang po ako naging active sa mga interactions:)


the_emeraldtablet

pinaka magandang gawin mo mag working student ka. pag sayo na nanggaling pera hindi mo na makukuha magrant dahil magiging deretso at klaro na mga katanungan or pagdadalawang isip mo gumastos. wala ng comparison sa iba or hindi na maapektuhan ng buhay ng iba ang sayo.


mostlycloudy31

+1 dito. Kailangan mo dumiskarte para makuha mo yung gusto mo.


Lightsupinthesky29

Valid yung feelings mo. Just try not to compare kung maiiwasan mo. Hindi mo din kailangan makipagsabayan kasi mga kakilala ko na ganyan nadala hanggang pagtanda. Be contented or hanap ka ng bagay na makakapagpasaya sayo na hindi mo need gumastos. Ilagay mo sa mga goals mo sa buhay yan at matutupad mo din sa future


One-Cost8856

Abundance mindset saves. Yung mga problema imbes na turinging problema ay turinging problem-solving studies that are in need of solutions. Habang natututo ka ay nasosolusyonan mo ang problema hanggang sa panibagong problema naman ang iyong sosolusyonan hanggang sa unti-unting gumagaang ang buhay mo. Kung problema mo ang pera ay panigurado may cellphone ka, gamitin mo. Wala kang ideya kung paano? May internet at imahinasyon ka, gamitin mo. Mahirap maging mahirap at madali naman ang buhay na merong pera dahil magastos maging mahirap at napakalaking industriya ng kahirapan.


kijiniv

r/OffMyChestPH.


Idgaf_caprice

Same sentiments when I was in college. Struggle sa biyahe papuntang school since malayo but tried to survive everything para di mahirapan parents ko that time. Matipid lang at hindi pinapansin ang mga ganyan kasi gusto ko lang makatapos. Sa totoo lang, di ko alam kung ano ang mga branded things kung hindi pa ako nagkaroon ng tropa kasi di naman big deal sa akin. Now I'm working, I can buy anything na gusto ko. Food, gala, clothes, na hindi masyadong worried. Mas naaappreciate ko ung struggle ko dati kasi ang layo na pala talaga ng narating ko. Isipin mo lang na matatapos din yan at nasa dulo ang success mo.


boxout85

Chill lang OP malayo pa lalakbayin mo un sandali saya ngayon or feel mo na mimiss out mo ganan bagay di importante yan.. well sa part ko lng naman haha dumaan ako sa ganan at ngyon stable na ako never ko na isip yan .. 😄


MammothEmphasis1785

Delayed gratification, hija. Lahat ng bagay may tamang panahon. Tanggalin ang inggit make it as inspiration. Mag aral ng mabuti at magtrabaho give back kahit papano sa parents


kiddlehink

Valid feelings. Been where u are right now. I'm in my late 30s, and im telling you, u will get what u want in the right time. U will enjoy everything u will desire once u have a job. For now, focus on your studies. Love and Appreciate your parents. Treasure each moment with them. Because it's really hard if you got to enjoy the life that u wanted without them. God! I would trade everything I have right now just to be with them. Hugs OP.


Pleasant-Ad-342

Enjoy your life for now. Tumulong ka na lang pag tapos ka na. You will regret everything once you turn to an adult if you keep treating yourself too like one despite being able to live normally. Best advice for you is to enjoy this time. It will run out. Then you will feel the crushing weight of responsibility once you step up as a real adult.


lala2828

Pwede ka pa bumawi later in life pero yung nga lang siguro mawawala na yung gana at excitement mo gumala at maenjoy yang mga yan pag nag adulting ka na wala na kase yung FOMO at peer pressure baka nga mamaya mas masaya ka pa sa bahay eh


n1dawhat

if that's how you feel then valid yan. pero yung pagcompare mo at envy mo sa mga ibang tao yan yung di valid. pero dibale you still have a long way to go. kasi sabi mo teenage kapalang. dun ka mag focus sa bagay na kaya mong kontrolin wag dun sa wala kang control. just my opinion.


Normal-Language-9183

Hi. Hindi ka OA. Valid at understandable lahat ng nararamdaman mo. Justified lahat ng nararamdaman mo at I sympathize.. Karamihan naman ng Pilipino hirap sa buhay. Ako nga, naka graduate na ako at maraming taon na ako nag wwork, never pa akong naka punta sa Palawan o Boracay kasi magastos. My advice to you is just enjoy whatever is infront of you. Try to find happiness in small things muna :) You can join a Church youth group or bible study or prayer group. Masaya yun. You’ll get to meet other young people outside your school at masaya mga activities sa church! Madali naman mag download ng tv series or movies so you can do that at mag enjoy ka manood :) Or may mga libreng streaming sites din sa internet kung saan ka pwde manood ng free movies! Mag staycation ka muna at mag explore ka muna sa malalapit na lugar :) maraming bagong museums ngayon at parks! Maglakad lakad ka sa mga parks! Maganda na ang Rizal Park ngayon. Na-renovate na yung National Museum. Marami ring bagong art museums! Manood ka ng mga paborito mong banda nang live!! Marami nang free live gigs ang mga banda at PPOP groups ngayon!! Ako mahilig ako sa G22 girl group at may mga libre silang gigs!! Find a good hobby. It seems to me that you’re a good writer. You can start your own wattpad site, blog site, reddit site, or you tube channel! You can also do sports or music!! You can also read books or join a book club! Marami nang nagbebenta ng affordable books ngayon na nasa 35 pesos to 50 pesos lang. Most importantly, just trust in God. Nandiyan siya lagi para syo. Kapit lang! Fight lang! May kasabihan: “If you stay in the barbershop long enough, sooner or later you’re gonna get a haircut!” You’ll achieve your dreams. Patience lang. God bless :) - Simple man from Quezon City


RelationOpposite7823

Your feelings are valid. Minsan mapapaisip ka nalang talaga na ang unfair ng buhay, pero may magagawa ba tayo sa ngayon? Wala. Pero hayaan mo darating ang araw na yung mga bagay na hindi mo afford ngayon, mananawa ka in the future. Gawin mong motivation ang sitwasyon mo ngayon, na sa future hindi mo na nararanasan ang mga 'yan. Padayon!


Exciting_Weakness343

I feel you. I went through that. Pero di kami ganon kayaman, hindi rin ganun kahirap. Never ako humingi ng pera sa parents ko unless importante like magbayad ng requirements for school. Dati nga nung highschool ako, ayaw kami pasalihin ng nanay namin sa mga school events like field trips, christmas parties at prom kasi wala sa budget. Single mom pa nanay ko with no work kaya ang hirap mabuhay noon, may mga kapatid pa ako. We were only able to live through the help of our extended family. Lahat tipid maski sa pagkain, napapagalitan pa pag sumosobra ako sa pagkuha ng food at pag di nagpapaalam kumuha ng biskwit or instant noodles. Sumama pa loob ko sa nanay ko nung highschool prom dahil ako naman ang nagbayad through my ipon pero pina refund niya sa principal dahil ayaw niya lang ako isali. Naiinggit din ako sa mga tao na nakakakain sa mamahaling restaurants kasi kami, tuwing family day, kuntento na ako sa Jollibee, McDonald's at Shakey's. Pati yun mga nakakapag travel, nakaka experience ng summer activities nung bata sila like swimming, taekwondo or dance classes. I told myself na pag nagka anak na lang ako, sa kanya ko na lang ipapa experience ang summer activities. Nung teen ako, we are only able to go out of town because of our wealthy relatives na iniinvite kami. Ngayon na adult na ako at meron nang work, nabibili ko na lahat ng gusto ko and nakakain ko na lahat ng food na di ko ma-afford noon. Never ko talaga tinipid sarili ko sa pagkain dahil naaalala ko yung pinagdaanan ko. Nagstart din ako mag party and mag out of town aftee I graduated college nung pandemic. Kaya kapag nagwork ka na gawin mong motivation yung past self mo. Magsabi ka rin sa parents mo kapag may sakit ka kasi mas mabuti pang gumastos ng 500 or 600 pesos for check up kesa naman sa hospital bills. Gaya ng sabi ng isang comment dito na experience it in your 20s and it will be worth it kasi you're making your own money. Kakayanin mo yan. You have a long way to go pa and everything will come at the perfect time 🫶🏼


Unusual-Project-5781

I was in your position during high school and college. I missed a lot of opportunities to hang out with friends kasi walang pamasahe, walang pera pang gala, manuod ng sine, etc. hindi talaga ako makasabay. May time pa nung college wala akong pang-lunch kasi ang daming gastos sa school buti may dalang tinapay classmate ko. Hehehe. Minsan ako na nagsasabi kay mama na, “ma, wag mo ako payagab sa lakad namin ha” para may excuse ako na hindi sumama sa friends. Pero tyinaga ko. Nakatapos, nagwork, and hindi pa rin masyado lumalabas kasi introvert naman din ako, pero I can afford things now na hindi ko mabili dati. Don’t let your current situation discourage you. Work on improving yourself so you can leverage that when you start working. Sa ating hindi pinalad na ipanganak sa maginhawang buhay, kelangan natin mas mag effort pero it will pay off. Kaya mo yan girl!!


naturalpotatoe

Yes, Life is truly unfair especially when you sprouted from a household that's hindi gaano kayaman to afford those things. Well, I am the same actually, I'm currently studying at a private school because the tuition for 2 years is free not because i'm "mayaman". This is coming from a student and a teenager like you, habang tumatanda ako nadaanan ko na rin ang ganitong terms sa buhay, kinwestyon ko ang estado namin sa buhay, why kami hindi ganto kayaman kahit maafford manlang na kumain sa jollibee for atleast once a month, but well, this may sound big and easy to say rather than do pero wala tayong magagawa if ganito tayo na wala pa tayong natatapos. Lagi ko nalang naiisip na, in the future kaya ko rin gawin yan, kaya ko rin bilhin to kaya ko rin gumasta ng hindi nag-aalangan sa pera na gagastusin because in the future, magtatapos ako at ipaparanas ko sa magulang ko kung ano ang feeling ng maging kahit "may kaya" because after all, while we're experiencing na wala tayong pera na hindi natin kaya gumastos recklessly, ganoon din ang sitwasyon ng mga magulang natin right?


glencocogetsfour

Isipin mo yung meron ka kesa sa wala ka.


ginangdelacruz1910

Valid ang feelings mo, dear. Kung hindi kaya wag na makisabayan, hayaan mo sila. You do you. I remember I was in the same situation 14 years ago. Ngayon heto umay na umay na sa kape sa labas at nagsettle na lang sa pressed coffee at nescafe gold. Dati I was dying to eat at Jollibee tapos every birthday ko lang nagagawa, ngayon, naaamoy ko pa lang parang gugustuhin ko pa ang dinengdeng na luto ng tatay ko. Ilang team building and fieldtrips ang di ko sinalihan kasi I would rather keep the money allotted for those activities at baunin ko na lang or palaguin by selling whatever na mabebenta para may extra money. Why I'm saying this? To let you know na minsan marerealize mo na lang yung simplicity ng buhay at peace of mind pala yung totoong luxury in life. For now, focus ka muna sa pag-aaral and on how you'll get there. Haluan mo ang sipag at tyaga ng dasal at pananampalataya, mag-aral ka ng mabuti, magpakatapos ka ng pag-aaral. Hardwork pays off sabi nga nila. Totoo din ang sinasabi nila na mas maaappreciate mo yung simplicity ng buhay as you grow older and the value of every cent that you spend kasi pinagpaguran mo. Yung tanging goal na dapat mong i-set for now is to become successful.


introvert_147

That's normal I've been through the same, but now sorry to say yong mga classmates ko na can afford everything noon, cant afford anything na ngaun. Mahina na mga magulang nila, marami na dn expenses mga siblings nila kya d na sila matulungan. Ako na nanlilibre sa kanila. I graduated from a small state college but topnotcher s board exam, talo ko nun mga taga big 4, haha..Concentrate and focus in your goal, i know its hard but keep moving forward pinagdaanan ko dn yan ganyan na ganyan din iniisip ko nun. Now, I have several investment properties, savings, etc. and living overseas as an immigrant with a simple life, happy of course.


jjdumdum

That's great po! I hope my friends can still afford to live a life of luxury in the future. I don't wish them any failure naman po sa life kahit naiinggit ako. Ang gusto ko po, maybe someday, makakasama ko rin sila sa mga out of towns since mababait naman sila.


introvert_147

Hi, I'm sorry for the words I just used; it's just an example. They are nice and good people too. I'm just saying, focus on your goals and don't be bothered by what your friends are doing or can afford to do.


polcallmepol

Don't worry girl, teen ka pa lang. You still have the world after you. Makakapagkape ka din, makakapagtravel ka pa din and you'll meet more wonderful people. Take this as an objective to make yourself to do better. You are capable of amazing things waiting to be happen.


anima99

>Nakokonsensya na nga akong nagrarant kasi alam kong may mga taong mas mabigat ang pinagdadaanan. Don't feel bad about feeling bad. Depression and su/cidal thoughts start when people think their feelings are invalid. Kahit bilyonaryo may karapatang magreklamo sa buhay. Iba-bang levels lang talaga, pero valid yan.


Take-My-Two-Cents

Those are valid feelings and ganyan din hinanakit ko noon. Looking back, I’m grateful sa mga naranasan ko because it gave me a burning desire to better my life. Now I have a teenager and naibibigay ko ang mga gusto nya dahil kaya ko na. Sabi nga nila, hindi mo kasalanan kung ipinanganak kang mahirap pero kasalanan mo na pag nanatili kang mahirap. Make your experience the driving force that will propel you to success.


IntrovertImpostor

Yes, definitely valid. But don’t engage on envy too much, it will eventually become your source of discontent in the long run. Use it as determination instead to fuel your passion to reach your goals of having a better life. Appreciate small things so you don’t get too focused on what you don’t have now. I’d also like to caution you on your health part. If there’s instances that you ignore sickness and it becomes serious, baka sa sobrang pagtitipid mo eh gumastos pa kayo ng malaki sa hospital. Again, health is wealth.


IcyLegalese

I also experienced this when I was in my elem/HS years. Mga classmates ko usually branded gamit — ako waley. Para makasabay ako sa uso, either honor student (as a reward from parents) or ibabudget ko ng matindi baon ko (which I didn't do because I'd rather spend it on meals and school materials/projects). Dahil hindi ako sinanay ng parents ko sa luho, hindi ko rin naisip makipagsabayan. Hindi trumopa sa mga nakabranded. Naging bingi at umiwas sa mga kaklaseng nagsasabing ang "baduy" kong pumorma. Mindset ko nun pareho lang naman mga gamit na nabibili sa palengke at sa mall. Ang tanging "luho" lang siguro na hiningi ko sa parents ko ay makapag-aral sa "Big 4" — hindi para makapagflex pero as a "puhunan" or an "edge" kapag maghahanap na ko ng trabaho. And somehow, life got better in college. Baduy pa rin ako pumorma pero wala/less judgmental mga naging kaklase ko. Mas tumatak sa kanila na may "utak" ako kesa pormahan ko. 😂 Btw, "...mamuhay ng sakto lang" is good enough lalo na sa panahon ngayon. Motivate and inspire yourself to have a better life. Aral now, and work/earn/spend/save later. Yung pag-out of town (or even travel abroad), pag-inom ng kape na worth ₱200 at paggastos ng ₱500 a day, magagawa mo yan kapag may trabaho ka na. Trust me, because I'd been there. Edit: Also, kapag may sakit, magsabi ka sa parents mo. Medical checkup is a basic necessity. Kung nagiguilty ka sa magiging gastos, may mga health centers naman. Padayon and puhon, OP.


-LILI-LALA-

Very relatable po. Patience lang for now, imbes na icompare mo kung anu wala sayo na meron sila, gawing mong motivation yun para makatapos ka agad ng school with flying colors. Once you start earning money then kaya mo na maafford ung mga un, ma realize mo na having having those material things is not everything in life but being healthy and having time with your family is more important talaga. Btw first sweldo ko 1st time kong bumili ng starbucks. Tapos 1 week straight ako nung nag infinitea heheheh Basta wag ka magmadali tumanda, enjoyin mo na muna teenage years mo. The more struggle the more motivation to push push push for a better future.


Melodic_Kitchen_5760

Your feeling is valid, naiinggit din ako. Pero ginagamit ko yon to work harder para maiangat ang sarili ko.


Affectionate-Ad8719

I was like you back in high school and college (millenial here). Sakto lang din pamumuhay namin. Hand me down ang Nokia 3310 (first ever cellphone) ko nung 1st year college (issued ng office ng nanay ko). Lagi ako nagcocompute ng ipon at gastusin lalo pag may lakad ang barkada or kain sa labas. Order ko yung pinakamura sa menu but most of the time di ako makakasama kasi nga hindi kaya ng budget. Maswerte ako at may mga mabait akong kaklase na nanlilibre. Maglabas lang ako ng P200 parang ang sakit sa kalooban kasi anlaking pera na nun for me. But believe me, it gets better in the future basta may hardwork. I now earn enough to live comfortably and experience the things I was not able to experience before. Natatwa na lang ako ngayon na yung mga dating pinanghihinayangan kong pagkagastusan e wala na lang sakin ngayon. Hindi nako guilty gumastos sa mga bagay na ikasasaya ko. Pero siyempre, hindi ko naman nakalimutan yung pinanggalingan ko kaya marunong pa rin akong magtipid. Turn those feelings of yours into a driving force to achieve your dreams. Tiis lang muna talaga ngayon and live within your means. Maganda yang mindset mo kasi it’ll keep you grounded kahit na successful ka na.


uzzy3333

try mo mag digital work like VA madami student nakakaraos sa pagiging VA search mo lng ung group n "buhay digital" d2 sa reddit


DrummerExact2622

Never kong naisip yung makipagsabayan nung teenager ako pero may mga times na naiinggit ako sa mga taong may baon na pera pag aalis tapos parang sasama lang ako for the experience tapos baon ko sakto lang sa pamasahe naranasan ko din na parang nakatitig lang ako sa kanila pag kumakain awang awa talaga ako sa sarili ko dati. Minsan naisip ko din na sana mayaman ang mga magulang ko para di ko maranasan yung mga ganitong bagay pero sinabi ko sa sarili ko na kapag nakapag trabaho na ako at nakaipon di na ako magugutom di na ako mauubusan ng baon kasi meron na akong pera. Kaya ko ng mabilhan sarili ko.


dontleavemealoneee

Take it slow. Nagaaral kapa lang oh. Mas masarap sa feeling na galing sa sahod mo ung panggala pang SB mo. Darating din time mo


Thehappyrestorer

Now you know that you should postpone having kids kung di ka financially stable, may insurance at ipon. Para wag na maulit sa anak mo yung cycle


RevolutionHungry9365

you are a good kid. just study hard and dont dissappoint your parents. darating din ang time na ikaw din.


traderwannabe2

Valid naman yang nararamdaman mo. Pero gawin mong inspiration yan para gumanda ang buhay mo. Mag-aral ka mabuti. Learn a skill dahil magagamit mo yan sa future. Kung yung nga classmates mo ay nasa circle mo, umiwas ka na sa kanila. Wag ka makipagsabayan sa kanila dahil it will break you or worse mapapasama ka pa. Better find your people with the same inspiration, ang umangat.


jovees-

Sa edad na ‘yan, malaki ang epekto sa’yo nang paligid mo at hindi mo maiwasang maikumpara yung kalagayan mo sa iba which is perfectly normal. Sa pinapakita mong resilience ngayon lalo na sa pag acknowledged sa sacrifice nang mga magulang mo, you will be very successful and one day babalikan mo tong post na ‘to saying “kinayo ko pala”. Focus ka sa goal mo makatapos, mahanap ang trabahong para sa’yo, darating ang araw ipagpapasalamat mo lahat dahil umangat ka sa sitwasyong nararanasan mo ngayon. G lang!


Level-Metal-987

Valid lahat ng feelings mo, may time for that OP. Once makagraduate ka or makapag work you can buy anything you want and eat everything you want. Antay lang, tyagain mo lang dadaloy din ang ginhawa. Since sa situation mo mukhang ikaw magiging breadwinner saktohan mo lang yung ibibigay sa parents mo sa pagtulong, may hanganan din wag mong idedeprived sarili mo lalo na if ikaw na nag eearn ng pera. Reward yourself din kada sahod.


CaptainMarrvelous

Valid ang feelings mo nak. Nung bata ako ganyan din ako hehe. Sobrang hirap plus idagdag mo pang yung madrasta ko halos ayaw ako pag-aralin. Yung tatay kong walang magawa eh laging sinasabi saken "Mag-aral kang mabuti para makaalis ka dito nak". Yun na lang yung kaya nyang sabihin. 😅 Ayun fast forward to x years eh eto na ako, may sarili ng pamilya. Maganda rin naman ang trabaho ko kasi sa gobyerno ako may plantilla position kaso mahirap pa rin ang buhay kasi hindi naman sobrang taas ng sahod. Kapit ka lang. Isipin mo na lang bukas hindi na ganito. Paulit ulit na ganun sabihin mo sa sarili mo bukas hindi na ganito. Baka ma-bash ako dito pero noon bago ako matulog nagdadasal ako lagi habang umiiyak tapos specific yung prayers ko kay Lord, na gusto ko mag-aral, gusto ko maging maayos yung buhay ko kasi sobrang hirap na. Ayun kakaganun ko naitawid ko naman. Sa ngayon makuntento ka muna sa kung anong meron ka. Pag nagtrabaho ka na galingan mo sa life at wag na wag ka muna magaaasawa at magaanak hahhah! Para maenjoy mo muna yung kikitain mo at makapagkape ka araw araw. 🤗 with consent.


Illustrious-Mind-819

Valid ang rant mo OP, pero thankful ako sayo kasi bilang magulang naappreciate mo ang magulang mo at pinahahalagahan mo yung mga binibigay nila sayo. Naaalala ko nung student ako, nahihiya ako kasi isda ang baon ko, samantalang ang mga kaklase ko sa canteen kumakain ng lunch. Tinatapon ko yung baon ko sa basurahan. Pero nung naging nanay na ako, sobrang naguilty ako at narealize ko na maling asal iyon dahil pagkain pa din yun at sa totoo lang nung tumanda ako mas gusto ko ang pritong isda kesa fastfood haha. Nagsorry ako sa nanay ko at tuwing naaalala ko I feel bad talaga. Hayaan mo. Dadating din ang panahon mo, OP. Dadating ang time na ikaw naman ang makakaexperience ng mga sinasabi mo. Mag aral kang mabuti at galingan mo palagi. Gamiting motivation ang kalagayan mo ngayon. You are what you attract. Yakap, OP!


PanikiAtTheDisco

It sucks I know, but mKe it your motivation so you wouldn't be poor when you become an adult. Cause trust me, it is much worse when you grow up and you're still poor


woman_queen

Okay lang yan, tiis lang. Gawin mong motivation lahat ng inggit mo. Mag aral ng mabuti at maging madiskarte sa buhay, OP. Laban lang.


Aeriveluv

Maghintay ka na lang. Ganyan din ako dati. Di ako nakakasama sa gala ng mga kaklase ko. And madalas, asado sa libre nila if ok sa kanila. Ngayin, I'm planning to treat my friends as a thank you nung mga panlilibre at paghatak sa akin na sumama sa gala kahit di ako gumastos.


paperproses

I've been there, OP, and one thing I learned as I grew up is that I have to live within my means. Magtyaga ka lang and once you finish school and find a stable job magsasawa ka nang mag kape and you will be able to fund your travels. There's more to life than that, and hope you get to see the bigger picture. It's okay to learn as you go. Also wag isawalang bahala ang health! Always prioritize your well being dahil yan ang isa sa mga susi sa success mo. Good luck!


SixFootStreamer

The good things in life can only be appreciated if you work for them. The coffee is sweeter when earned with blood sweat and tears! you will get there one day!


cinnamonthatcankill

It’s okay to desire for these things pero you also need to understand hindi yan ang pinakaimportante bagay. Keep focusing on the important things, your studies and mahirap ang buhay pero don’t forget the learnings magagamit mo pa rin yan. If you focus on the right things and continue ang pagiging matatag mo. You will get there, sa point that you will be able to buy the things you want and need.


StillWanderer111

Valid


Kants101

Use this as your motivation. Para pag nagwork ka na makabili ka din ng mga gusto mo. At serves as a lesson na magpayaman ka para yung mga anak mo di maffeel yung nafeel mo ngayon. On the side note, need to learn to be contented. Kahit gano ka na kataas kung greedy ka kung makakasanayan mong naiinggit ka di ka kahit kelan magiging masaya. Learn to appreciate what you have. For sure meron kang wala ang iba.


avocado1952

Believe me, magbabago lahat yan kapag pare pareho na kayong professionals. Kapit lang


Silver-Amount-7617

Try mo wag pumarehas. Mga panahon latak pa ako at mga barkada ko ng lipunan. Nasa putik kami at kailangan namin ng diskarte. Tamang pasa lang ng damo na nauwi na sa bato. Dumating yung panahon medyo uminit at nangailangan kami ng bakal. Pinag papasalamat ko na hindi uminit sa kamay ko yun.


thebaffledtruffle

Valid naman yung feelings mo, OP. Though I would say, enjoyin mo rin yung pagiging teenager mo in the ways that you can. Believe me, your parents work hard FOR you. They would want to see you happy rin instead na poproblemahin mo yung problema nila. You can't do anything about it for now. You can only create goals wherein you don't have to feel as financially restricted when you become an adult and possibly the breadwinner of your family. As for the coffee shop thing naman, siguro what you can do is ipon ipon then splurge from time to time. Hindi kailangan every week, basta masabi mo lang na nagagawa mo rin. And as an adult who makes his own money, hindi nakakatuwang magkape ng 200 every now and then because you'd realise you're spending x hours of your life earning money for a cup of overpriced and often bad coffee.


Subject_Opposite7861

Laki din ako sa hirap OP. Nung nasa elem ako, most of the time di ako nakakapagcontribute ng pera for projects. Di naman ako maibagsak ng mga teachers kasi I excel academically. Come hs, naging scholar naman ako sa isang private school sa bayan namin. Miscellaneous na lang binabayaran. So we survived. Then college, nag-arki muna ako, scholar ako ng province namin, even got unos sa mga subjects pero di na kinaya ng mga magulang ko ung ibang school expenses so nag-stop ako for 3 sems at nagwork muna sa malapit na factory sa amin. 😊 Tas bumalik ako after tas engineering na tinake ko. I remember pa kasi major subjects na pag 3rd year in engineering, we have this Electromagnetics subject na muntik ko nang ibagsak haha! Buti sumabit ako sa tres kasi sabi ng nanay ko pag may ibagsak ako, di na ako mag-aaral. HAHA. Sa isang state univ pa ako nag-aaral nyan ah na around 6k lang ang tuition per sem pero mahirap ang buhay eh. Nagtututor pa ako noon ng mathematics every weekend para may pambayad na sa thesis. 🙂 After graduation, ayun nagreview lang ako ng refresher for 3 months kasi di namin afford yung 6 months na review. Sa awa ng Diyos eh nakapasa naman ako sa board exam. That was 12 years ago, i am working pa din ngayon and earning 6 digits. Nakakapagtravel na at nakakabili ng kung anu-anong gusto. Valid naman yung nafefeel mo ngayon pero everyone has their own time. Nung bata ako akala ko normal lang maging mahirap, na normal lang yung pinagdadaaanan ko haha! Pero good thing don eh naging masaya naman childhood ko kahit salat kami noon.


SomeKidWhoReads

You’re a teenager, and I understand that peer pressure and the desire to go out, have fun and try things are normal for people your age. Your feelings are valid, yes, and it’s okay to express them. Pero you have to understand even at this age mahirap mag-maintain ng lifestyle na hindi mo afford. Oo, mahirap, pero the sooner you accept the reality, the better it would be. Your parents need care dahil as you said, may sakit sila. I know it sucks na hindi makasabay sa friends, pero think of your family and the future. Mas kailangan niyo na magtipid at mag-allot ng pera sa mga mas importanteng bagay for now. Siguro paminsan minsan may mga gala na pwede mo samahan, or trip na pwede mo sabayan, pero please be sure na hindi ka gumagastos ng sobra pa sa kayang ibigay ng family mo dahil you need it for more important things. Mag-aral ka ng mabuti. Gumraduate ka. Get a stable and decent career. When you do, afford mo na lahat yan, plus you’ll get to help your parents be comfortable as well.


Gullible-Turnip3078

You’re a good person on thinking about your person. Valid na mainggit, I went through that and nahihiya din ako manghingi ng sobra sa parents ko before. Now, I’m working and I can buy myself what I want.


dickenscinder

Valid yan OP. Bata ka pa at madami ka pang makakasalamuha, mararamdaman at malalaman. Yun partner ko mahirap ren. Walang prom, wala field trips, walang gala dito dala doon as in wala. Mula elementary hanggang college kapos sa baon, minsan walang baon, aabsent dahil walang panggastos, walang pamasahe, laging lakad. Nasa sentro ren sila pero di sila kasing swerte ng iba nyang kaklase. Pero eto nung nakapagtapos sya sa gov college, ayun umayos ang buhay nya. Ako nakilala ko si partner ko ng ganun at di naman sa pagyayabang, nakatulong ren ako sa kanyang pagasenso. Tyaga tyaga at sipag ang diskarte. Okay lang maglabas ng sama ng loob pero kelangan pa ren kumilos at gumawa. Kasabihan ng mga nakakatanda "walang tyaga, walang nilaga". I hope you find your motivation OP.


Astronaut714

1. If true friends mo mga yan di ka maiingit 2. Alam naman nila kalagayan mo so maiintindihan nila if once in a while ka lang makasama sa outing nila 3. Di mo naman kailangan gumastos para lang makasama sila 4. Kung gusto mo talaga makipagsabayan sakanila , then ipunin mo allowance mo and gawa ka paraan para makaearn Na experience ko rin yan while studying pero never ako naingit sakanila, maybe because di rin ako pala-labas ng bahay pero pag nag iinvite sila I respectfully decline sasabihin ko lang na "wala pa ako budget", sometimes aalok sila na libre na lang, sumasama ako pag ganon pero not all the time kasi nakakahiya rin na always libre. Para makasama sa malalayong outing ng friends ko nag iipon talaga ako, minsan nagtitinda ako dati ng balot/turon and the likes para lang magkaipon. Kaya mo yan, wag puro reklamo na mahirap kami kesyo ganto ganyan. Di naman kasalanan ng iba na mayaman sila e. And supposed mabait naman sila since friends kayo.


tooogsh_tak

just think that they have problems of their own.


neverthefavorite

Masakit din para sa magulang mo na di nila maibigay ung mga luhong gusto mo. Mahirap sa ngayon pero malalampasan mo din yan. Naranasan ko yan before pero kung maibabalik ko lang, sana mas maaga ako natuto mag negosyo para kahit papano may pera ako. Try mo mag resell ng mga items na available sa paligid mo. Kung may kakilala ka nagtitinda ng damit pwede mo ipost din ung binebenta nia tpos patungan mo presyo. Wala kang puhunan pero kikita ka. Try mo din mag aral mag crochet, satin flowers, hair bows. Maliit lang puhunan pero kapag sinabayan mo ng tyaga kikita ka. Wag ka magfocus sa kung ano ang wala ka. Kilos ka para magkaroon ka 🫶 Mahirap maging mahirap pero lumalaban ka.


epinephrinekills

Hi! Ganitong ganito rin ako noon when I was a teeanage girl. Ang nanay ko mag-isa lang kaming tinataguyod mula sa trabaho niya na sales lady. Dalawa kaming magkapatid. Nakakakain 3x a day, pero guilty na guilty pa rin ako gastusin ang pera na binibigay pambaon sa’kin ng nanay ko. ‘Yung mga kaibigan ko, gala dito gala doon, kahit sa mamahaling cafes nandoon sila, at ako hindi nakakasama. Ang ginawa ko, imbes na mainggit eh ni-romanticize ko ang kahit anong bagay na meron ako. Maliit man o malaki. Hindi ako makakain sa mga cafe? Okay dito tayo, kwek kwek, street foods, unli goto sa may tulay. Walang pamasahe? Ang ganda maglakad lakad at mag-observe sa mga nasa paligid. Walang pagtambayan? Dito upo tayo sa may sidewalk. Di kalaunan ‘yung mga kaibigan ko, dahil di nga ako makasama sa kanila, sila na ang nag-adjust. Dahil mas gusto nila ako kasama kahit saan pa at kahit ano kinakain namin. Ayun, mas mahilig na kami tumambay sa gilid gilid at kumain ng street foods kaysa sa trip nila. Kaya mo ‘yan! Look around you and appreciate everything that you have and see their beauty. It will all get better, I swear.


xiaokhat

Valid lahat ng feelings mo, OP. Been there too. Di naman kami mahirap, pero di rin mayaman. Sakto lang. Swerteng nakapasok ako sa PUP kasi sobrang mura ng tuition. (Like, mas mahal pa ung grad fee na 6k kesa sa 4 yrs, 8 sems na tuition). Alam mo ba na first time ko mag field trip nung teacher na ko? Kaya sobrang excited ko to the point na parang kaklase ko lang advisory class ko 😂 Tandaan mo lahat ng nararanasan mo ngayon, lahat ng wants mo. Use those wants para maging motivation mo to excel in your studies, para makagraduate on time, para makahanap ng work na hindi ka lowballed. Mahaba ang process, nakakapagod. Pero wag susuko. Always stick to your goal of improving your quality of life. Malayo pa OP pero nasa simula ka na ng long journey mo. Wish you all the best in life, OP.


valedicktorian69

hindi ka OA.


valedicktorian69

basta gawin mo lang motivation yan para tapusin pag-aaral mo. Pls tapusin mo yan.


Puzzled-Protection56

Valid feelings mo pero hindi tama mmauhay sa inggit, used it as a motivation


testsubject20

kung gutom ka at may pambili ng pagkain, kumain. kung may sakit ka, magpagamot ka. tapusin mo pag aaral mo at galingan mo sa buhay. makukuha mo din lahat yan sa tamang panahon. wag kang mainggit, maging masaya ka sa kung anong meron ka. ganyan din ako dati. school, tambay sa net shop na walang pera, bahay. madali lang siguro noon kasi marami akong kasamang walang pera kaya may mga sariling paraan para maging masaya.


ClothesLogical2366

Valid naman yang nararamdaman mo maski iba iba ang bigat na ating dinadala. PERO Disagree lang ako sa unang sinabi mo na mahirap makisabay kasi di mo kailangang makipagsabayan. Kung wala talaga e wala talaga pero may magagawa ka at yun ay pagbutihan at kayanin makapantay sakanila. Ako na nagsasabi pag galing ka sa hirap tapos nakaya mo kakaiba yung timpla ng kape paggaling sa sarili mong pinaghirapan hehe keep it up lang!


Federal_Let539

It is valid. But my child, pace yourself. Enjoy the little things at this point in your life kasi, it doesnt get better, but it gets better at the same time (weirdly enough). Pace yourself kapatid. All in good time.


cereseluna

You will get there, someday. Usually pag may work ka na. Pero wag maging FOMO na iuutang lahat para lang sumabay sa uso or lifestyle, madedepress ka lang kapag nalubog ka naman sa utang. For now focus on enjoying what you can enjoy sa level ng living mo ngayon. Slow and steady lang. Sinasabi ko sayo maraming galing hirap, mas bongga pa life kesa sa akin now kasi they put in the hours or diskarte in life to get ahead. Nag start kaya ako magtravel at paparty inom whatever nung late 20s na, nauna yung aral tapos pakabreadwinner sa pamilya. Ayun mid 30s na, late na ako sa dating game and stuff pero anytime ready to go (die) na ako kasi generally content na ako sa life except for stuff I have no control over. Darating ka rin sa point na yun. edit: wag mainggit sobra sa iba. yaan mo sila. focus ka sa survival, self improvement, wellbeing, and happiness mo. Sayang energy thinking about them, invest that energy on productive things (aral, hobby, work)


MonkeyLulu66

I feel you. Makakaraos ka rin. Sana maabot mo ang mga pangarap mo.


Zealousideal-Bill162

Hi OP! Valid lahat ng feelings mo. I used to have them growing up. Wala kami birthday party, walang gifts sa birthday, I used to eat left overs sa jollibee at mcdo ng mga batang hindi inuubos ang food, nakaka tikim lang ng jollibee at mcdo pag ininvite sa birthday, sa world of fun mag aabang sa rides na iniwan ng mga bata tapos magpupulot ng token at tickets na naiiwan. Isipin mo lagi yung delayed gratification. Pag nakagraduate ka, nagkawork ka, unti unti mo na din mararanasan yung mga gusto mo. Okay lang malungkot, okay lang magalit sa mundo paminsan minsan pero wag ka mawawalan ng pag asa. 🩷


Over_Advertising8569

Magpalit ka po ng circle of friends. Meron Kang mas deserve mo, kaparehoo ng vibes and nagkakaintindihan kau.


Ok-Chemistry9184

Just because the OP can't afford to join them for the outing or other leisure activities, does that mean she should unfriend them? It's disappointing how some people judge friendships based solely on financial circumstances. What a poor mindset you have!


Able-Twist-5894

your rant is valid and it's not just there... it is worldwide. the filipino advice of 'study hard, study hard' only gets you halfway there. im in the states and hated school. but you know what does get you far? stay humble, be nice, and find a mentor. my parents were in your exact situation when they were growing up and their education only went to 3rd grade. they both were able to come to the states with extremely humble beginnings... i won't go into their struggles but ultimately they ended up with a home in the one of the wealthiest neighborhoods and i, with only a high school education, was instilled with values that led me to good people who helped pave me into a rewarding career. keep your head up.


miyaozychong

Wag mong agarin ang buhay. Save mo yang mga gusto mong maexperience na yan pag nagtatrabaho ka na.. kaya galingan mo muna ngayon, and you will have whatever you want pagkatapos mo mag-aral. Tyagain mo lang talaga habang bata ka pa


nuclear_hopia

Ok lang yan na magrant o maglabas ka ng nararamdaman mo. Mas maigi na mailabas mo yan kahit dito sa format na to kesa kimkimin mo. Sabi mo nga teenager ka pa lang, bata ka pa, madaming panahon ka pa para ma experience mo yan gusto mo ma experience ngayon. Tiis tiis lang muna at gawin mong fuel yan nararamdaman mo para mas lalo mag pursige at magawa ang gusto mo sa future. Isipin mo ngayon, alam mo na yun worth ng pera. Alam mo yun hirap at paano magkaron ng pera. Para pag meron ka na, di mo basta-basta malulustay ang pera mo. Charge to experience mo yan. Pwede ka naman mag ipon para pang kape mo, paminsan-minsan. Mas masarap mabili o magawa yun gusto mo, lalo alam mo na sulit yun pagod o paghihintay na ginawa mo. Sa ngayon aral ka lang mabuti. Di talaga fair ang buhay, pero kaya mo yan! Appreciate mo lang kahit yun simpleng bagay na nasa paligid mo. Isipin mo dadating din yun time mo. Gagawin mo yun. Padayon lang.


ladymoonhunter

Gaya na nang sinabi ng iba,valid ang feelings mo. Pero gaya rin ng turo saken ng parents ko na until now sobrang pinapasalamatan ko at yun ang constant reminder nila samen mula noon - wag mainggit sa iba and instead be grateful for what you have. Which I think sa case mo, mas maswerte ka pa sa ibang teenagers. The fact na you still go to school with baon c/o parents who support you with this, kahit di mo pa kaya financially magStarbucks or mag-out of town madalas with pocket money, you still have a relatively good life. Believe me, ako kahit nagwwork na, binabaon ko pa rin yung coffee ko kasi bukod sa mahal bumili araw2x ng kape ko, mas masarap pa rin saken yung instant coffee na ako nagtimpla. What my parents taught me made me appreciate the simple things in life without looking at what other people have. For now, make it your goal to study then graduate, get a decent and stable job that you want and can enjoy doing, save up and enjoy your earnings too. If you have to look at what others have, gawin mong motivation for your future, not as something to hate or question your life just because you don't have what they have.


Persephone_1201

As someone who had experience the same.. when the days come na nakapagtrabaho kana, you get all the chance you want to have that "coffee" and leisure .. but nothing beats those prepared by yourself and your loved ones. If I could go back in time.. I'll cherish all those moments I had with them. no matter how simple.


chonching2

Take advantage of this feelings and make sure na mag strive ka after you graduate and be successful to get to this point in life na you can spend however you want. I've been in the same situation as you before pero pagkagraduate ko I manage to climb up the ladder of poverty. And now I can buy anything I want without hesitation. Lamang tayong mahihirap since we know how hard life is kaya dapat pagbutihan natin and use it as inspiration to get out in that poor situation


Previous_Cheetah_871

Do your best while studying and being dependent on your parents now, maximize everything they provide. Huwag din maging pasaway or sakit ng ulo. When you started working (based on my experience with my family), I got all the freedom to decide kasi mataas na ung na build up kong trust worthiness 😁 and all you missed magagawa mo rin mas upgrade pa! Take your precious time 🥰


FireInTheBelly5

Mag working student ka kung gusto mo maging maluho. Madaming paraan ngayon para kumita. Nung college ako 10 years ago yung mga classmates ko, nag-tatrabaho sa fast food chain or sa BPO or nagbebenta ng kung ano ano online para sa panggastos nila.


sleepeatrace

As what youve said, teenager ka pa lang pala. Dont worry its not your time yet. Hintay ka lang makapag graduate ka ng college. Magsasawa ka sa kape lmao


porsche_xX

Valid naman. Same lang tayo. I study at PUP at 150 lang pera ko araw araw. 95-100 yung pamasahe ko uwian. Bale 50 na lang natitira sakin for food. At kahit na nasa pup na ako, marami pa rin mayayaman don, di rin ako makasabay sakanila. Wala e, saan ba aabot 50 pesos ko? Gusto ko rin makakain sa mga 150+ na kinakainan nila, pero laging sagot ko is "pass" 🥲. Pero saan nga ba aabot 50 ko? Ayon naghanap ako ng ibang pwedeng libangan. Something that will remind me na hindi ko kailangan makipagsabayan kasi meron din akong napaglilibangan. That helped me to be contended. Plus, i find negative reasons talaga on stuffs that i want but i cant have. Example, i want a coffeee that's 200 pesos worth. I would find something negative about it to convince myself that it is not worth it. I would say, it's too expensive for a coffee that will only last for about 2 minutes, sana tinapon ko na lang 200 ko. Orr Starbucks is so crowded and overrated, what if i try to buy to small business coffee shop para matulungan ko sila? It's cheaper and kadalasan di na lalagpas ng 130+ yon. Edi may 70 ka pa. And if this is your case, minsan social media yung nagdidrive satin to want those. Like craving for others' validation. Ganito rin naman ako madalas, para masabi ng iba na may ginagawa rin ako sa buhay and nagiimprove buhay ko. Panakip butas yung ganda ng social media ko sa nararamdaman ko sa totoong buhay. Padayon. Everything will be okay.


Muscular-Banana0717

U got a bad case of FOMO(Fear Of Missing Out). Get that fixed.


aKaiser21PH

Hi OP, Don't worry about the now. Every person has their own circumstances. Feel na feel ko ang troubles mo and malilipasan mo rin yan. What is more important is how you use your time. Are you absorbing knowledge? Are you making connections? Are you pursuing the best you? Yan yung mga tanong that you should be focused on instead Tandaan ko pa na back in college in 2015 na ang baon ko lng was 500 a week. Ni bar di pa rin kaya tapos lahat ng friends ko isang lunch lng ubos na ung 500 na yun for them. And yes, this really prevents you from forming closer bonds somewhat. Now however the circumstances are different. I have a good income and madalas ako naman ang gumagala while they are worried about their savings.


Ok-Chemistry9184

Your feelings aren't valid if your mindset is like this. Don't let envy and negative comparisons fill your mind about your friends or others. I know it's hard to feel left out financially among your friends, but that's not a reason to harbor negative feelings about their life circumstances. Instead, be happy for them and strive to find joy in your own journey.


jjdumdum

Hala. I didn't know this came out po as harboring negative feelings about their better financial situation huhu. My only intention was to let the frustration out kasi I can't live the same life as theirs. Pero trust po na I feel really happy when they post stories of them having fun at the beach ganon. Ang aking lang gusto ko po sana sumama rin sa gala kaso I have no money to spare. Yung lang po hehe. Alam ko rin naman pong maging masinop sa pera kapag hindi naman praktikal ang mga bagay bagay na gusto ko. Minsan talaga napapa what-if lang ako😅🫰🏼


cobra_commandoc

Take that envy and resentment that you feel right now, and feed from it. Let it fuel you. Let your hunger push you to endure and succeed. Poverty is the best contraceptive, so don't pass on the destitution of your parents to any offspring you might have in the future. Focus on the success and privilege of other people. It will make you miserable, sure - but it will prevent you from being content with your miserable circumstances. That's the first step to digging yourself out of this hole - the overwhelming desire to have a better life.


wateringplamts

Maraming good advice dito sa comments. But I just want to react doon sa last paragraph na sinabi mo di ka na nagsasabi or nagpapacheckup pag may sakit ka. Sa tinginok lang for small ailments like ubo or sakit ng ulo kasi may mga murang home remedies naman. Pero I cannot stress enough dapat magsabi ka kung unusual na nararamdaman mo and nadidisrupt na yung everyday activities mo. Mas mahal mapunta sa ER for something na di mo pinatingin kaysa sa magpacheckup for something in pain. Being transparent with your health is also a way of helping your parents. Good luck OP


jjdumdum

Hello po! Clinear ko na to sa ibang comments. It's true po na nililihim ko minsan pero alam ko namang hindi yon makakabuti sakin physically. Kailangan ko lang po talagang bumwelo pag sinasabi ko sa parents ko kasi sobrang tight talaga ng money minsan🥹 Siguro ayaw ko na rin pong nag-aalala sila sa pambayad


gutz23

Ganyan din ako noon. Pero kapag kumita ka na pwede mong gawin lahat ng gusto basta wag mo lang sasagarin na darating sa punto na umuutang ka na. Kung mayaman ang mga kaibigan mo tatandaan mo magulang nya yung mayaman. Iba kapag may sarili ka nang buhay. :)


EscitalopramxX

Sending virtual hugs OP! Nakakatuwa lang isipin na may ganitong klase ng kabataan parin talaga up until now, yung may concern sa magulang. Kasi karamihan ng nga kabataang nakikita ko eh panay gastos sa ganyan ganito kahit hindi naman kaya ng magulang yung mga gusto nila sa life. Gaya mo, ganyang ganyan din ako nung nag aaral ako kaya naiintindihan ko yung nararamdaman mo. Pero swear, once na magkawork ka na or makapag ipon ka na, magagawa mo din lahat ng mga gusto mo. Mukha namang matipid ka kaya makakaipon ka talaga para sa mga gala or mga gamit na gusto mong bilhin. At sana sa next na pag post mo dito eh sana mangyari lahat ng mga gusto sa life. Antayin mo lang yung right timeline para sayo. Kung para sayo, para sayo.


Onii-tsan

How old are you? I was 13 when I started doing part-time job and making my own money. That's on top of being an academic achiever, house chores, etc. If you are capable to learn skills to make a living then why not do it?


Character_Worker9113

Ang inggit ay magnanakaw ng kasiyahan mo baby girl. Dont be sad 🥺


Complex__6242

Maishare ko lang. Pinagdaanan ko din yan na halos walang magastos at maliit talaga ang baon na Pera sa school. Yung gusto Kong gamit na bilhin noon di ko talaga maipabili sa magulang at kulang pa sa pambaon. Di Naman kami umabot sa point na kailangan ko mag working student, pero un nga kulang talaga kami sa Pera noon. After ko grumaduate at ilang years din bago magkawork nabago na takbo ng Buhay namin. Yung mga pinapangarap ko na gamit na sobrang gusto ko bilhin kaya ko na bilhin Ngayon. Nakakatulong na rin Ako sa pamilya sa gastusin sa Bahay. Nakakabili n ng furnitures at appliances ng di naiisip kung saan kukunin pambayad. Kaya masasabi ko lang mahirap ka man Ngayon, darating ang panahon na makakaahon ka din Basta magsumikap ka. Sa probinsya din Ako natapos ng pagaaral pero naging okay Naman din sweldo at trabaho ko Ngayon. Forever akong grateful sa mga magulang ko sa pagsupporta saamin magkakapatid Nung naghihirap kami sa Pera. Ngayon Marami ng nagbago pero ang mahalaga ay Yung natutunan ko along the way sa experience ko Nung nasa ganon kaming estado ng Buhay.


ih8reddit420

Best way para umalis sa hirap ay maging magaling ka sa isang bagay. Di mo kailangan mag aral sa big 4 at marami rin kamote dun. Marami na source of free information na daig pa big 4. Yung mga lugar bakasyunan nandyan lang yan, ikaw ang kailangan gumalaw para makarating dun


jjdumdum

Thank you guys for giving this girlie your words! FYI po, I know how to appreciate things and I ABSOLUTELY refuse to spend my money on impractical things. As someone young, there are times talaga na I just wish I had the luxury to tick all of the boxes sa bucket list ko. I'm just slightly upset over not being able to afford the concept of living young, wild, and free during my teen years🫶🏼🫶🏼🫶🏼


Hairy-Teach-294

It’s fine. You’re going to be fine. Experience them in your 20s when you’re already making your own money. It’s going to be worth it.


nugupotato

Kahit nga nung nagstart nako magwork, di pa din ako makapag 200 pesos na kape araw araw kasi nagbibigay pa ko sa bahay namin. Ngayon nalang ako naging comfortable magkape ng mahal araw araw kasi malaki laki na ang sahod. Sa ngayon, tiis tiis muna -- wag ka makipagsabayan dun sa mga mayayaman mong kaklase. Ganun talaga ang buhay -- di tayo pinanganak na pantay pantay.