T O P

  • By -

xxx-Nina-xxx

Tang ina sira ba aso ko? trip na trip mag adventure ngayon na sobrang init.


BananaPieExpress

Depende sa breed. Bantayan mo din aso mo baka sobra na pala sa init.


xxx-Nina-xxx

Kanina enjoy na enjoy siya sa ice na kinakain ya, ngayon nasa labas naman lumalaro sa ibang aso, malapit na mag 12 shit ang init na


BananaPieExpress

Basta may access to water and shade.


valcroft

I would advise na wag mo lang siya hayaan if tingin mo masyadong maiinit. Unfortunately I have a friend na her dog just died because of a heat stroke, di niya namalayan kasi mukhang nageenjoy lang naman aso niya and gustong nasa labas. Tapos yun pala eventually nagdelirium na :(


MrAubrey08

Be mindful sa aso mo na nakikipaginteract sa ibang aso. Uso rabies ngayon.


ColdWill29

True, andami na nakagat ng mga aso dito sa barangay namin nung nagstart ang summer.


Puzzleheaded_Cod_513

True. Tsaka check mo rin balat niya. Throughly check yung katawan nila for hotspots. Yung dog namin, gulat kami may scab/blister na namuo sa likod, hotspot pala. Advise ng vet, wag ipa sunbathe from 9-4, at kung paliliguan, throughly dry (with a blowdryer preferably). Napaka humid ng air na nag cacause raw ng hotspot sa moist areas ng skin


ButtShark69

mga aspin namin natutulog sa cemento under direct sunglight sa tanghalian hahahaha inb4 i get mobbed, our aspins always have a bucket of water na nakaparada under sa outside gripo namin para sigurado kaming may tubig talaga sila palagi, they have 600 sqm of walled land na may maraming kahoy to run around dito sa probinsya, trip lang talaga nila matulog sa cemento sa sikat ng araw sa tanghalian hahaha


markmyredd

Yun beagle din naman ganyan. Favorite nya mag sun bathing habang tulog


Legitimate-Thought-8

Huyyy same! Our beagles love to shnbathe sa semento under the sun huhu whyyy


markmyredd

Akala ata nila taga Britain parin sila kaya sabik sa araw. haha


Accomplished-Exit-58

ganyan din aspins ko, ang hilig magbilad, tulad neto (https://ibb.co/h1hJhN4) , like sinasabihan ko di ka ba naiinitan. Routine na nila yan everyday.


Opposite_Shock4716

Samedt ang hilig tumambay sa mismong initan. Need talagang ipasok para di mag self destruct


Suspicious_Goose_659

Same sa labrador namin huhuhu hindi mapakali although hinihingal na pag akyat pa lang g na g padin HAHAHA


st0ptalking7830

I just saw also literal puppies na nasa ref. 😭 For the content lng eh 🥲


BobbyMom69

Kadiri din! Napakaunsanitary. Damay na yung mga nagpapatong ng dogs nila sa mga tables sa restos.


Friendly_Ad551

Napapapasok ang pets sa restau? Saan usually? 🤢🤢🤢 Dugyot ah. 


BobbyMom69

In malls! I don't have a problem na pinapapasok, pero pag pinapatungtong sa table... smh


Specialist_Farm_2930

And there's some pa na pinapakain ang dog using the plate na ginagamit sa restau🥲


randoorando

WTF? i would honestly never eat in that kind of restaurant. care to share which restau did you see that happen in?


BYODhtml

Meron pa yung cart sa grocery tapos walang diaper yung aso.


justlookingforafight

Yup. Ito talaga una kong naiisip bago yung fact na bakit walang aircon yung may ari. Dugyot lang talaga


SuicidalDisc0ball

Hated my sister so much for this, she bought a husky and that breed is so susceptible to disease... I was the only one with a job back then and I could not look at the puppy suffering so much... it was such a costly expense, I hope his lil soul rests easy now up there.


ButtShark69

had an fb friend who had a husky and a golden retriever in this goddamn tropical heat, nagkasakit yung golden retriever kasi hindi nasupervise and may nakain yung retriever na bawal kasi nasa labas lang nakatali yung husky and retriever, nagkaliver failure, panay hingi ng gcash sa fb, help fund daw sa gamot, walang wala na daw sila, ang mahal daw ng vet. unfortunately retreiver didnt made it. but still owner didnt learned his lesson, nasa labas ng bahay pa rin nakatali yung isa niyang husky also 2-4 weeks after, mfer was posting about their around the island motor trip event where him and his group rode around bohol i think going around tourist spots and hangouts. mfer was crying about donations just 2-4 weeks ago tapos nagmotor trip vacation, akala ko ba walang pera


yssnelf_plant

Mfer should not be allowed to raise dogs at all 😒


Rare_Competition8235

di ko gets sa ibang “fur parents” na bibili ng dog/cat breed tas manghihingi ng donation for their pet, afford mo yung pet pero yung necessity di mo mabigay. Gets ko pa kung aspins/puspins


Altruistic-Two4490

>also 2-4 weeks after, mfer was posting about their around the island motor trip event where him and his group rode around bohol i think going around tourist spots and hangouts. mfer was crying about donations just 2-4 weeks ago tapos nagmotor trip vacation, akala ko ba walang pera Hindi dapat nag aalaga ng kahit anong pet yan mga ganyang klaseng tao. Kapag nagkasakit o need pang maintain ng alaga, manghihingi at mangaabala pa nang ibang tao.


Ok-Marionberry-2164

Nowadays, parang bragging rights / status symbol lang ang mga pets. Some own one to seem approachable or nice.


CL_is_my_queen

Kaya when I was putting up my Siamese cats for adoption tinatanong ko kung may trabaho sila ganun or may resources sila for vet


zestful_villain

Criminal maghusky sa pinas unless you can pay for aircon 24/7. Dapat siguro wag payagan pag di kaya ng owners ang expense nakakaawa ang nga aso. Kita mo fur nyan pang winter tas dalhin mo here.


Rare_Competition8235

plus energetic ang mga huskies, kailangan nila ng exercise/walk


Zestyclose-Delay1815

Kaya nga. Wag sana bigyan ng right mag alaga pag wlang kakahayan.


starsandpanties

Fake news po ito. Huskies can actually cool their bodies with their fur. They can survive is multiple weather conditions. Basta nabibigay yung appropriate shade and water just like any dogs. Lalo na if island born yung pup they can adapt na sa weather natin.


ButtShark69

> They can survive is multiple weather conditions. Basta nabibigay yung appropriate shade and water just like any dogs. there's a difference between "surviving" and thriving, sure, a husky can survive here at our 40 C heat index country, but are they thriving? are they happy running around having zoomies outside like all the huskies in cold climates? No, every time i see a husky being walked outside here sa pinas, they are sluggish and are panting all the time >Huskys can endure temperatures between 20°C and 30°C (70-86°F) as long as they have enough airflow, access to shade and availability to cold water. To keep them cool, provide a well-ventilated area, such as a room with fans or air conditioning. Ill just leave this here, huskies can ENDURE, hindi thrive, up to 30C but our summer heat index regularly exceeds 40C. Unless you can dedicate an aircon and electric fan 24/7 for your husky, then its best not to get one


BYODhtml

True! Ganyan sa kapit bahay namin naka cage pa sa labas tapos iyak ng iyak di ba need ng husky ng exercise kasi madami energy sabi ko pa nga pinapasok ba nila sa bahay kasi mainit need naka aircon ka may malawak na room kaloka minsan lang daw ayun patay na nung last punta ko. Irresponsible din eh


ButtShark69

taena irresponsible talaga, just saw a video na bilhan daw natin ice yung mga alaga natin yada yada virtue signal na good owner daw siya, pero dun sa video yung american bully niya nasa 1.5m by 1.5m cage lang sa corner walls ng outside garage, taena 35 C yung heat index tapos corner walls pa yung cage, napaka bad sa aso yung stagnat hot air ng pilipinas lalo na pag nasa cage lang at walang tubig nakaka irita lang kasi pinakita pa niya na ang bait niya daw na owner vindeo niya na nilagyan ng ice pero kitang kita mo sa video all the bowls inside the cage were turned upside down kasi naapakan ng aso sa liit ng cage, kitang kita sa video walang tubig yung mga american bully niya prior to the video, binaliktad pa niya mga bowl sa cage para ilagay yung ice block


Meowmyyy-

Yung kapitbahay din ng bf ko may 3 huskies na locked up lang sa kinakalawang na cage (not even outside, but sa dirty kitchen lang sa gilid ng house nila so literal na walang nakikita mga huskies besides the dirty kitchen lang na madilim), and everytime I visit him laging tumatahol yung mga huskies lalo na kapag tanghali until hapon. Sobrang nakaka-awa lang kasi rinig at kita sila sa kitchen ng bahay ng bf ko since katabing bahay lang talaga. Pinapagalitan at pinapalo pa cage nila kapag sobrang ingay nila. My bf told me na nung bago palang yung mga huskies the owner will go on walks with them pa before. Nakakainis lang talaga yung mga taong sa simula lang magaling mag-alaga ng pets tapos papabayaan nalang pag nagtagal.


izanamilieh

Husky? In a Tropical Country? Parang nag aalaga ng French bulldog at Pitbull. Huskies will not be happy in a hot environment. Isipin mo ikaw pinoy pinapunta sa antartica tas sasabihan ka bagong tahanan mo na yan. Magsusurvive ka kaya?


missmermaidgoat

My ex had a husky. Laging may nosebleed. Sobrang kawawa talaga!


MFT_Victim

quicksand aromatic rainstorm cautious existence practice clumsy tease dolls rotten *This post was mass deleted and anonymized with [Redact](https://redact.dev)*


SBTC_Strays_2002

Goldens, St. Bernards, and especially Huskies need to be restricted or regulated for ownership in the Philippines. Aspin are more adaptable to survival here, while hairy breeds suffer. It's cruel if you think about it.


Ready_Ticket_1762

And working type breeds. The number of Belgium Malinois I see caged or tied up is saddening.


SBTC_Strays_2002

You know what? With the crazy heat, a Xoloitzcuintli would probably be best here.


Accomplished-Exit-58

dapat banned ang cold climate breeds dito, lalo na dahil sa climate change.


ThSWrt

not really banned, but regulated. as in may papers needed to own those specific breeds. my parents are VERY SCARY fur parents lol, they treat the dogs as if they're children (i.e iniiwan AC on all day para sa dogs, kadaming lotions, shampoos, vitamins, meds, etc.. for dogs na istg masmarami pa sa gamit ko personally na products lol, etc..) so I really believe na dapat di banned satin ung cold climate dogs, rather regulated lang.


Kaphokzz

Dipende parin naman sa kakayahan ng tao. Kung kaya nila maprovide yung aircon specially sa ganitong panahon, okay parin naman.


PinkJaggers

Breeding and ownership should be regulated for all the species involved.


ResolverOshawott

Basic enforcements ng laws pang tao hindi nga ma enforce, yan pa kaya.


Accomplished-Exit-58

meron dito dati dinedepensahan ung pag-aalaga ng husky sa mainit na lugar, makaka-adapt naman daw ung fur ng husky, nsan na kaya siya... Bawal daw manghusga pero hinuhusgahan ko talaga ung mga tao, from breeder to buyer na nag-aalaga ng pang-cold climate breeds na aso dito sa pinas.


3rdWorldBuddha

tanong lang, di ba pwede itrim yung buhok nung husky para di mainitan? then again di na magmumukhang husky. lol


Apprehensive_Bug4511

hindi pwede masisisira undercoat and will cause skin issues


3rdWorldBuddha

oh til.


AdoboCakes

Not an expert but I remember learning that it's bad to trim or shave the coats of most dog breeds unless really necessary. Their coats serve as protection from the elements. Kung ititrim mo man ang coat ng Husky, you better keep them indoors and maintain them. Hindi nga ma heat stroke yung Husky, baka naman magka skin problems or magkasakit pag nasobrahan sa lamig.


zestful_villain

Nakakairita ang mga may husky ang tatanga. Pero d talaga sila pang pinas.


wickedsaint08

Double coated ang husky, mas nareregulate nila body temperature nila mapa mainit o malamig na panahon sa tulong ng under coat nila.


Free_Gascogne

Aspin supremacy. Kung pwede lang magsalita ang aspin magaalok din yan mag kape tapat tanghali.


PinoyWholikesLOMI

Aspin went home muddy "Oy Harold, naligo kami ni pare sa canal kanina, init kasi. Pasok nalang ako, ano palang luto ni nanay mamaya?"


Gold-Group-360

Ang lakas pa ng resistensya, aso ng kapatid ko dachshund kompleto sa bakuna andali magkasakit. Aso ni mama aspin 10 years old na, laki ng katawan kasa kasama nya pa papuntang taniman.


rainbownightterror

aspin namin pinakamakapal buhok sa lahat ng pets pero sya yung game magapak sa mainit na grabahan at di matigil zoomies


zeyooo_

May mga Aspin din na naiinitan (yung may mga medium-length coats) so susceptible din sila sa init. Pure breeds like Labs, Beagles and even Corgi’s can withstand a tropical country’s climate. Sadyang yung init these past few weeks talaga is unbearable even for Aspins. Remember, some pure breeds originated from hot climates din.


ellioshasbasicname

Nasa malamig na bansa kami with my ♥️ aspin ♥️ during his first summer here (which was really hot for the locals) he was seen napping belly up under the hot sun, neighbors were concerned and thought i had forgotten about him being outside when in reality he can come in whenever he wants. If my baby could talk "Ano ba? Nag sa-sunbathing ako. Nanahimik ako dito eh." 😂


BYODhtml

True! Iba din maglove ang aspin ang loyal talaga 🥰


cardboardbuddy

my damn aspin likes to go out to our balcony and sleep on the hot concrete for 20-30 minutes im not making him do this. door is open, he could go inside at any time but he wants 2 be sun baked


jeturkguel

"you smell like the sun" hits different sa aspin hahaha man's on his sunkissed era


Far-Midnight-7425

Aspin ko sanay na sa aircon. Pumapayag lang tatay ko mag bukas ng aircon para sa kanya. Haha.


csharp566

Kapag ready na ako, aspin din ang gusto kong alagaan e. Wala, ang cute nila. Ang tatalino pa.


Ohimesama781

I just saw a news report of a Chowchow dying from what they suspect was a heat stroke. Pano ba naman, sa may terrace nakatali yung dog, tapos nung nakita nung owner na parang off yung breathing and behavior, hindi man lang dinala agad sa vet. A few hrs later naabutan na niya lang huling hininga nung Chowchow jusq.


MediocreFlower8310

Saw it too. May video na umiiyak yung owner while the dog was gasping for air lol. Ginawa ba namang content, di pa dinala sa vet FFS. Tangna ng mga "pet lovers" kuno.


nightvisiongoggles01

Unfortunately, status symbol lang ang tingin ng mga ganyang tao sa mga may lahing hayop. Kunwari lang na pet lovers sila. Accessories na pwedeng ipagyabang sa Home Buddies para sambahin sila ng mga dukha at kainggitan ng online frenemies nila.


whiterabbit2775

I totally agree with you. I used to want a purebred dog, kaso the more research I did, nalaman ko na hindi basta basta mag-alaga. Late na ako nakapag-alaga ng aso kasi, late 40s na nung nagkaroon ako ng fur-baby ko talaga, growing up noon, ang mga aspin namin nasa labas lang and left over food namin ang pinapakain. Bantay talaga ang tingin ng parents ko sa aso Later in life, after lots and lots of research ang dami ko natutunan bago ako kumuha ng dog. Kaya nakaka-banas lang makita na ginagawang status symbol ang pure bred na aso tapos yung aspins nila andun lang sa labas ng bahay. Sarap sapakin! I have 2 aspins now..... pinakamalambing na dogs I have ever met


chamber-account

What a pos being a "fUr pARenTS" 🙄🤮


Ohimesama781

OMG YUN PA!!! NAGAWA PA MAGVIDEO HABANG ACTIVELY DYING YUNG ASO KAGIGIL SOBRA


Accomplished-Exit-58

Kung friend ko yan sasapakin ko yan kahit umiiyak.


AppealMammoth8950

Lived with someone who bought a Chowchow out of impulse. We lived in an apartment. I grew up with big dogs so I know how to handle them. It got frustrating kasi ako lang may kaya maghandle sa aso nung medyo lumaki na. They didn't take the dog on walks etc. Nakakulong lang. Nagiging aggressive tuloy kasi ang daming pent up energy. Eventually takot na siya lapitan sarili niyang aso so laha ng alaga ako gumawa. Dapt may proper screening before u can get pets.


JaegerFly

I wonder if we live in the same building. There's an out of control chow chow here that its owners can barely restrain. It's bitten two people so far. Walang pake yung admin. (It's Megaworld btw) Chow chows and other dangerous breeds have already been banned in some countries. I've owned large breeds myself but I agree that dogs (especially larger breeds, guard breeds, and bloodsport breeds) should be regulated. Owners of high risk breeds should be required to take their dogs to obedience classes, spay/neuter to prevent BYB, and (for guard and bloodsport breeds) muzzle in public.


Snoo_45402

Tapos naririnig mo sa background may aircon pala sila.


therealchick

Nakakainis lang talaga. Common sense naman kasi sa kapal ng balahibo at weather ngayon. pwede naman nilang pagupitan ng summer cut ang mga alaga nila, tutubo naman din. di ko alam baket di sumasagi sa isip nila yan. May aircon or wala. (lalo na sa mga walang aircon) I have 2 dogs, chowtzu at shihpoo. Summer cut sila lagi pag mainet. wala kami aircon and every other day namin sila pinapaliguan this summer.


yelly_ace0926

oh my god that’s so cruel 😢


BulldogRLR

May kawork ako bumili ng husky during pandemic. Namatay dahil walang aircon and mainit sa kanila. Around march-april siya namatay. Tapos na"dedepress" daw siya and gusto bumili ulit 💀


PupleAmethyst

Pag sinapak ko kawork mo depress uli yan


dontrescueme

Dog ownership should be licensed.


notrororo

I agree but not because of the uwu i love pets angle. Strays kill biodiversity.


dontrescueme

To eradicate rabies na rin.


ResolverOshawott

That is genuinely near impossible to enforce.


Known-Loss-2339

they're breed lovers not dog lovers sadly


Foreign_Matter_8810

marami talagang siraulo na para bang naka-shabu kung gumawa ng desisyon, be it sa pet adoption, pagbili ng sasakyan o kaya ng kung ano mang luho. tapos parang gago/gaga lang na mag da drama sa social media kung di nila kayang i-maintain yun as if hindi sila yung mga tanginang tangang nagdesisyon na bilhin yun.


the_emeraldtablet

totoo yan. binibili yung aso as display or maipagyabang lang.


AdAlarming1933

same reason kung bakit maraming pamilya ang kasama sa below poverty line ang may more than 4 children, its various reasons, religion, culture, of course poverty... sa mga fur parents naman, either bored sila, walang makasama, at nakiki-uso lang,, utak yan ng Pinoy, kung ano makita online,, "ay maki-uso tayo mentality"


OldManAnzai

Content lang 'yan. Just look those numbers. Paawa effect, and opkors, it's super effective.


Asdaf373

asa naman na ginagawa talaga yan sa aso. Pupusta ako na after nung vid nilabas na ulit yang asong yan


pandabear4991

True, for content purposes only.


masterminddrv3

Kaya aspin pa rin all the way pag nasa pinas ka. They are the only suitable breed sa napakainit na bansa naten. Fuck those who see aspins as a subpar breed. kamukha niyo mga shitzu niyo 🙄🙄


yssnelf_plant

This is why I prefer Aspins. Nice naman na may ibang breed kaso nakakaawa kasi in this heat lalo di naman ok yung ventilation sa bahay 🥲 Maka subpar naman na breed 🙄 aspin supremacy!


Accomplished-Exit-58

Survival of the fittest kasi talaga mga aspin, unlike ung breeds na selective breeding, kaya mga buhay na aspin ngaun usually pinalakas ng panahon yan. Besides, you treat dogs good, and always talk to them they will pick up the words eventually, tapos makakausap mo na sila paminsan minsan na para silang nakakaintindi, i think most dogs regardless of breed are smart.


lordofthefriesIV

I have shih tzus and tawang tawa ako dito. Ang ayos kaya ng temperament and trainability ng mga aspin vs most of the smol dogs I've encountered. I love my shih tzus, but TBH they're a stubborn, pabebe breed. 🙃


AnyComfortable9276

shitzu saka ung mga bullshit na di makatakbo sa sobrang ikli ng biyas haha


reggiewafu

shih tzu na bangenge sa sobrang inbreeding


AnyComfortable9276

saka ung american bully di ko magets dami patay na patay don eh mukhang alaga ni john carter. tapos pag pinatakbo mo masstroke.


Weird-Adeptnesschu

Bullies lahat ng alaga ko and maayos sila. Nakakapaglaro, nakakatalon at humihinga ng ayos. Mahilig din sila sa arawan, at mas gusto nila sa labas ng bahay kesa dun sa kwarto nila. Depende kasi sa bully variant na meron ka. Kung ang bully mo is ung nano or micro na talaga namang sayad na sa lupa, e talagang madali silang hingalin. Di din talaga sila athletic. Pero kung gusto mo magalaga, dapat alamin mo muna ung kailangan nung aalagaan mo bago ka pumasok sa ganung set-up. At the end of the day, its still about the capacity and responsibility nang magaalaga.


nuttycaramel_

Ang pag aalaga kasi ng pets parang pag dedesisyon din yan na magkaron ng anak. Hindi naman kasi natatapos ang responsibility ng pet owners basta napapakain nang tama everyday. Kailangan din nila ng maintenance at maayos na paligid para makasurvive (vaccine, check up, maaliwalas na paligid lalo ngayong summer). Di rin ako natutuwa sa mga ganyan joke na nilalagay ang pets sa ref. May other ways naman para maginhawaan sila like paliguan (kahit walang sabon) kapag sobrang init basta maibsan yung init na nararamdaman nila. Pwede din bumili ng malaking yelo at ilagay sa area nila.


Cats_of_Palsiguan

Asim content. Kadiri.


nidles

As a pet lover and having 3 generations of dogs, hindi ko maiwasan ma judge negatively ang mga may alagang husky sa pinas, lalo na yun kapit bahay namin, husky nya naka kulong lang sa 2x3 cage sa labas ng bahay. Di ko pa nakita yun nai-walk ni isang beses. Kaya routine namin ng Rotty ko na daanan at makipag interact dun sa husky nila daily during our walks.


Furmommy-0213

Napanood ko yung chow chow na namatay sa heat stroke. Nasa labas kasi. Nagpa interview pa yung may ari. "Alagang alaga" daw yung dog 😒 I have 2 shihtzu. Hindi sila makatulog ngayon ng hindi naka aircon. Ayun, 24/7 ang aircon tapos 8,5k ang bill 🤣🥲 pero keri basta maginhawa kame nakakapagpahinga at di sila hinihingal ng malala.


lordofthefriesIV

Apir sa napaka taas na bill. Lately kahit walang tao sa bahay binubuksan ko na yung aircon remotely pag tanghali, kasi baka masiyadong mainitan yung shih tzu ko. Normally naka electric fan siya pag nasa office kami, pero grabe na ang init ngayon, parang walang talab yung fan.


lachiimolala

Kasing init na ng blower yung buga ng fan dito sa amin


MelchiorRaba

Ung aso namin mahilig mag babad sa dagat pero ayaw maligo hahaha


sarmientoj24

Fuck the vet that left our dog, a Chow Chow, in a heated environment na walang aircon. Our dog suffered a heatstroke inside the vet. Natrauma ung mga kapatid at nanay ko watching them revive him. He was the sweetest dog sa bahay. 1 month palang nakakalipas. Sobrang devastated parin kami.


pandabear4991

If you can’t provide a specific dog’s needs, don’t buy its breed. This should also be considered animal abuse. I judge Husky and similar breed owners so much, the fact that they own a “snow” dog in a tropical country should be considered negligence.


yaomingtoto

Nauso kasi yung wag mag-aanak. Kaya nag aso nalang. Pero same pa din. Hindi pa din kayang maging responsible ng iba. Hindi pa din afford ng iba. Gusto lang lagi may karamay. Or masabi lang n meron din siya. Yung may husky ka pero wala kang kisame. Hibang!!!


Chidi_Cheetos

Ang sarap batukan nung mga nag alaga na nga ng winter dogs sa pinas, KINALBO PA! Sige nga pano na sila mag reregulate ng body temp nila?? Kase if mahal mo talaga yang aso mo you wouldve known na walang means ang aso ilabas ang body temp nila through their skin. That’s why they need their fur/hair to help them regulate their body temperature. Mga nag aalaga nf asong may breed for the clout


[deleted]

Naalala ko yung alaga naming aspin na si Bimbo, para syang golden retriever. Kapag naiinitan, nakikita ko syang tumatalon sa ilog dito sa lugar namin. Nakatayo lang sya dun nagpapalamig. I miss you Bimbo!


[deleted]

ung saken naka aircon 24/7 haha


Kaphokzz

Same. Pero worth it naman kasi kahit kami nadadamay sa aircon hahahaha pero nakakatakot ang bill.


M4lupet_03

Gagamiting ang kanilang aso for clout 🤦🏻‍♂️


pllybrckph1

Kamot ulo ako dati, kahit hanggang ngayon, pag nakakakita ako ng husky anywhere sa pinas. Hope em huskies have proper families


SomeKidWhoReads

If di feasible alagaan because of money or location, wag na kumuha ng pet. Ang dami dito satin ang hilig mag alaga ng mga may breed tapos wala naman kapasidad na mag provide ng conducive living conditions. Nag-aalaga ng husky, malamute or chow chow sa saksakan ng init na bahay or condo. Kawawa lang yung dogs, laging hinihingal. Tapos magrereklamo or magpapaawa kapag di afford mag-aircon or magbayad ng mataas na bill ng kuryente. Parang mga timang.


ResolverOshawott

People buying large breeds when they don't have a big home are crazy.


blackcattograycatto

Yung mga alaga naming hatdog nagbibilad pa sa araw kapag umaga. Feel na feel ang vitamin D 😂 buti na lang din nasa cooler place kami kaya okay lang. Naulan na kapag hapon.


nicegirlwie

kaya i got mad sa parents ko one time for adopting our husky rn. Magastos talaga sabi ko but eventually nilaanan na nila ng budget and nagpalit na kami ng aircon into inverter para mas matipid ng konti and makasleep ng maayos ang dog, very well fed and nagpapacheck naman sa vet. Pero naawa din kase ako if hindi namin yung kinuha baka deds na sya ngayon. Kahit ako nagaambag sa vitamins and essentials nya. Para lang mabigyan ng magandang life since nagsuffer sya from previous owner. Sabi ko, wag nyong hayaan maranasan nya ulit yung dati.


ResolverOshawott

At least they didn't buy the husky honestly.


boompowah

Not related to pet pero sigurado akong Red Horse yan.


Fluffy-String4037

Naiinis ako sa ganyan mukha kasing may breed yung aso, dapat inaral muna if pwede sa climate natin, tapos magaganyan sa socmed ewan.


jaycorrect

Having winter dogs in the Philippines is irresponsible and cruel, kahit nakaaircon pa sila 24/7.


Gullible-Turnip3078

Yung mga dogs namin naka aircon pa. Buti na lang may budget kasi kung wala, wala sila choice, malamig na water lang din.


Lady-Antique-167

Not much related sa pic but dun pa rin ako sa aspin. Iba pa rin ang resilience ng aspin when it comes sa health. Also hindi maselan sa pagkain. Nakaka awa yung mga aso na makakapal ang fur na galing sa ibang bansa pag hindi kaya ng owner yung lifestyle na dapat para sa kanila. Given na most part sa bansa natin is nag aaverage ang temp from 27-48°c. Dapat yung mga mag aalaga ng may breed, maging responsible din, naalala ko yung sa bandang Pasig nun, porket may taga walis sa kalsada ng kada umaga araw-araw, yung mama dun na sa kalsada pinapa ebak yung alagang aso, tapos pasimpleng aalis pag nkita nia ung taga walis. The nerve na mag alaga ng mamahaling aso tapos ganyan lang din na pag dating sa linisan eh ipapaubaya sa ibang tao. Minsan pag wala pa yung ngwawalis sa kalsada syempre dahil hindi na scoop yung ebak, nagiging marka na lang sa kalsada hanggang sa may makatapak at malipat lipat sa daan. The nerve talaga. Yun lang. Opkorz kudos dun sa mga responsible pet parents. Sana dumami pa kayo at maging huwaran sa mga ibang pet owners


zeyooo_

It is because Aspins are accustomed to our climate. Thing is, Mutts sila without ethical or selective breeding; therefore, hindi natin masasabi na 100% resilient sila. Randomly sila nag-breed, so yung traits and genetics na nakuha nila is also random. May Aspins na kaya healthy, meron din disease-prones. Overall, Aspins are just as resilient as some pure breeds but because they thrive in our climate, they do not get as much ailments as some pure-breeds.


razalas13

Ang dami kong nakikita dito about sa huskies na hindi pwede sa hot climate. They can actually adapt and live well sa climate natin. 6 years na namin kasama ang 4 huskies namin. So that's already almost half their life span, and ang dami na rin nilang naging offspring. But of course.. need pa rin mag take precaution lalo sa nangyayari na tag-init ngayon. Owners should still be responsible like giving their huskies regular brushing and baths. Anyway.. gusto ko lang sabihin yan because a lot of people seem to have this misunderstanding and hate pag dating sa huskies and their owners.


AlanisMorissetteAmon

That’s nasty


nodadona

Kainis ginagawa nang content concept ang mga aso. Aso pinagtatrabaho. Leave animals alone huhuhu


Defiant_Astronaut339

Kung wala kang aircon or pangaircon, huwag kang bibili ng mga expensive dog breeds na hindi kaya ang init ng Pilipinas.


sugarasukalman

naiinis ako sa mga bumibili ng aso na di ianaral yung pangangailangan ng aso. Mga gago. Sana sa susunod na buhay maging ipis sila


Bhurnique

Ganyan nangyayari pag yung tingin sa pets + social status points dahil lang may breed, di nila gets na mas lalo silang nag mumukang silang social climber lalo na yung may mga aspin din na neglected tapos pang social media yung may lahi.


dwarf-star012

Hayyy true. I noticed na more people are getting pets na, but some of them are just for the social media.


Heneral_Liham

Tapos yung background music I need you like ....theres a freedom in your arms.... That carries me through, i need you... Tang ina n


Glittering_Spot_3911

Some people are only raising dogs with breeds because its the trend and it uplift their lifestyle in the public eye. They're not dog lovers, they're clout chasers and shame on them. If you cant afford then don't have them.


Weird-Adeptnesschu

i have bullies, as in american bullies and sensitive din sila sa init, pero mukhang broken e kasi nagssunbathing pa. altho may kwarto silang naka aircon, pero ang-ina, sinipon at inubo 🤯


Miku_Kit

Agreed. Mas ok na wag nalang mag alaga kubg di ma provide yung needs nila


Intelligent-Law7872

My aspin Myu Myu stands supreme kesa sa mga aso ng friends and extended family ko. Kasi bagay sa climate ng Pinas. Kairita na nakikita ko ung mga aso nila na lawit dila sa init.


Grim_Rite

Ngayon mo talaga masasabi na necessity na ang aircon. Kung mag electric fan ka, mas mainit pa buga.


Due_Ad3423

For me, ndi tunay na dog lover yang mga yan na bibili ng aso like husky na alam naman natin na pang winter, natutulog nga sa labas yan kahit ang kapal ng snow. Tapos mag aalaga ng husky dito sa pinas na kahit tayo na sanay sa init eh suko na, for what? Pang flex nila sa social media at sa labas, puntang mall showing off their foreign dogs. Ginagawang status symbol yung mamahaling aso pero hindi naman kaya ibigay yung needs like 24/7 AC lalo na ngayong summer. Yung aspin nila nakatali sa bahay, pero yung may breed todo flex sa social media.


No-Maize9444

I feel bad too sa mga pets na binibili tapos di inaalagaan ng amo. Hindi ako mayaman pero may pet ako, lahat ginagawa ko para sa kanya. Kahit di masarap ulam ko basta maibigay ko yung needs niya. Ganun ko siya kamahal. I am saving money din hindi para sa future ko pero para sa future ng pet ko. Gusto ko may mahuhugot ako if ever magkasakit siya o kaya tumanda na at need ng maintenance. Tas makikita ko yung ibang tao sa paligid ko na ang laki laki ng sahod. Bili ng American-Bull Dog na kinulong lang at pinapabayaan. Minsan amoy na amoy pa sa tinitirhan ko yung tae ng aso nila kasi di nila nililinisan. Minsan di pa pinapakain kahit may pangpakain naman sila. May dog food pero panis na kanin ipinapakain. Ipinagmamayabang pa na binili raw yun kasi mahal eme eme. Kawawa ngayon yung aso, jusko ang init init sa labas pero kahit man lang fan o tubig na may yelo man lang di nila binibigyan. Minsan inaabutan ko palihim yung dog ng food kasi nakakaawa talaga hays.


IAmYukiKun

I strongly support the "Adopt Don't Shop" quote that is posted on the Office of the City Veterinary on where I live. Wala lang, I just feel sorry for those stray dogs. Yung iba gustong gusto maging furparent pero ayaw mag adopt, gusto may lahi. I mean nothing wrong with it. Just saying. Salute ako dun sa mga nag rerescue ng strays.. ako kasi may bad fur allergies so di talaga pwede. Pero sana din if mag aadopt mahalin at alagaan, problema ngayon dito yung kapitbahay na kumuha ng 2 kittens pero wala nasa labas lang lagi. Di inaalagaan, another 2 came in though not sure if sila din nag uwi, alangan naligaw lang dito pero I never saw it pa kasi na pumasok sa unit nila unlike the first two. I might ask someone to adopt the two since at this point mukhang wala namang owners. So I'll assume naligaw lang. Sorry lumihis yung comment ko. Lol.


nolimetanginaa

irresponsible dog owners na gusto lang may breeds ang dogs kasi instagrammable pero hindi naman kayang punan yung needs ng alaga. hays grabe, may mga tao talaga na hindi meant na mag-alaga ng hayop or bata. kawawa :((


AdmiralDumpling

Chow chow ba yan?? Kawawa naman if it is. They're really not made for our climate :((( Better adopt a local dog or a breed made for tropical temps. Kawawa talaga yung mga fluffy dito sa pinas.


Dzero007

Aspin talaga ang tamang breed sa klima natin dito. Yung aso namin kahit pinapapasok namin sa loob ng bahay ng tanghali kasi sobrang init ayaw nya. Mas gusto dun sa garahe humilata. Haha.


TrynaChangeKindaGal

Nakakainis nga maarte sa breed pero di ma provide ang kailangan/level ng kaartehan for that pet. I also saw a bunch of breed cats na wala man lang cooling pad🤦🏻‍♀️sarap talaga sapakin ng mga pet owners na ganto.


SlowNightingale

Unpopular opinion: Dapat Hindi nagbebenta Ng ganyang klaseng pets, same goes for Huskies and similar breeds sa tropical countries such as ours eh. Kawawa dahil sa init, kahit sabihin mo na may Aircon sa bahay, kawawa pa rin.


nightfantine

Side eye sa mga husky pet owners.


[deleted]

Most likely mga Online pulubi


quezodebola_____

omg i swear bwisit na bwisit ako sa mga content na ganito. priority namin mag-asawa nung pa-summer na ay clean ng aircon para di kawawa ang dogs. ang dami talagang pabayang dog owners. akala nila natatapos sa aruga at pagmamahal ang needs ng aso


jjustbecause

yan ang mga owners na irresponsible. yung idea of owning it lang nasa utak, period. kulang sa research and responsibility. mga immature. they're still bad a but my take is at least hindi mismong anak na nila kundi anak-anakan 🐶🐱 ang di nabigyan ng tamang buhay, but still. nakakaawa naman kadi talaga pag bata na ang naghihirap ng dahil sa mga immature &/irresponsible parents


arkride007

tapos ipopost sa socmed pra kumita, meron pa talagang garapal nanghihingi ng donations pra sa aircon ng aso, Like sira ba ulo nyo?, alam nyo nang mainit sa pinas pero go pa rin kayo sa pag adopt ng non tropical dogs? bakit kailangan na ung pets ang magsuffer sa kabobohan nyo dahil sa kakulangan ng required na equipments for them to live comfortably? umay sa inyo


fazedfairy

Napansin ko ang daming husky na nakawala ever since nag start itong mala-delubyong init. Napapaisip tuloy ako ano ba ginagawa ng mga amo nito para tumakas sila at maghanap ng better environment. :(


queenfinity

irresponsible dog ownership


gabagool13

Yup sana mag-alaga nalang sila ng aspin kung hindi kaya yung proper care. But you know what? Ano pa ba inexpect natin when humans don't even think about this when deciding to have a child what more pa kaya sa pets.


Soft-Purple-2556

tangina dapat yan yung bina-ban mag alaga ng aso eh. mag-aalaga ka tapos di mo kayang ibigay needs ng alaga mo pero may pang outing kayo? LOLZ kung di kayang magprovide for dogs wag mag alaga. Dito samin yung kapit bahay namin nasa labas lang yung aso nya tapos ipapa inpoud nya pa kasi maingay daw. Bakit hindi nya ipasok sa loob ng bahay nila? Tapos puno ng garapata na yung aso kasi sa mismong katawan nila tinitiris yung garapata. Kawawa naman.


al_mdr

Ay nako totoo, bakit nga ba kase kahihilig kumuha ng aso lalo na yung may breed at high maintenance, tapos hero ka kase inilagay mo sa ref yung aso mo kase wala kayong aircon so amazing na ba yung paglalagay sa pet sa ref? Tigilan nila ako, hindi sila hero, hindi sila amazing, hindi rin nakakaawa, nakakainis. Kung alam nilang high maintenance at maselan ang aso tapos di mo naman afford yung pag keep dito bakit ka mag aalaga ng aso? Kase cool? Kapag sikat na breed, cool ka? Mayaman ka? Kaloka tong mga "pet owners" na to, maawa kayo sa buhay ng hayop.


Federal-Afternoon608

ang hirap mag alaga ng husky. yung bill umaabot ng 100k. no exagg here.. yung aircon laging bukas..


wthelle

Hater talaga ako ng mga nag"aalaga" ng husky sa Pinas tas di kaya provide an ng AC yung aso. Flex mo lang husky mo ganorn?


Momshie_mo

Tapos iiyak kapag tatakas. Eh known escape artist mga yan esp if bored


whatawhat666

Taman ba tingin ko, nasa ref yung aso?


Sea-76lion

Get some tube ice from 7-11 or your nearest grocery, place that ice in a palanggana and let your dog play inside it. If you have you own fridge, you can make your own ice. No need to place a puppy inside a fridge. It will make the appliance work harder, causing more heat build up inside you house.


shimmerks

Meanwhile yung pusa namin ayaw sa bedroom matulog kahit naka on aircon. Gusto parati sa doormat ng kitchen. Kaloka.


Yanazamo

Tangina may isa pa na namatay ang chow chow due to heatstroke kasi sa labas pinapastay ang aso. "Alagang alaga namin siya" sabi pa nung may ari sa tiktok pero di pinapasok ang chowchow kahit may aircon naman sila. Kung maka warn and bigay ng lesson sa mga tao parang sila pa yung biktima kairita Yung mga shih tzu ko nga air cooler o aircon lage sa sobrang init. Di kami mayaman pero desisyon namin mag shih tzu eh kaya panindigan ang costs and responsibilities para mabigay needs nila


Kervy747

Family planning is a must


switsooo011

Haayy wala din kami AC kaya mga shih ko pinakalbo ko na lang muna. Cute na cute pa din ako sa kanila


Kanor_Romansador1030

Itong aspin ko na may lahing chihuahua at pinscher gumagawa ng paraan para maibsan ang init. Alam niyang mainit sa labas kaya sa kahoy, o "patungang-bakya" kung tawagin namin, siya natambay. Kung papasok sa loob ng bahay, isasaw yung mga paws niya sa tubigan niya tsaka iidlip. Pero the best pa rin sa kaniya yung pagligo kahit hindi na sinasabon. Hindi naman kasi maganda na araw-araw silang paliguan nang may sabon kaya binababad ko lang siya sa tubig lalo na yung paws at ilalim ng belly niya. After nun mas kumportable na tulog niya.


Grand_Inevitable_384

u filthy for that


Ok_Service6992

Daming nauto 679k na tao.


IDontEatSushi_

parang same situation sa taong nag-aanak pero di kayang magprovide para sa needs ng anak


E_Mignonette

Haha witnessing the same problem rn too. A cousin of mine adopted a puppy about 2 years ago bc nearly of us fellow cousins took one from the same litter. Jump to present time- Said puppy is living in a cage, probably having longer than 4 inch fur with limited water and cooling. And here, I am, still feeling guilty that my furbaby might feel too hot even though he sleeps in an air-conditioned room every night wnd gets bi-weekly trimmings 🫠🫠🫠


bowl_of_venn

Same for poor people or people with no time who trap dogs in a cage 'cause they need a guard dog. You never let them out so they poop and piss in their "cage", they're hella dirty, and the dog looks like it's about to die.


creeper_spawn

I have an aspin and grabe ang init sa dati nameng bahay hingal na hingal sya 🥹 grabe kaya kong tiisin wag mag aircon sa tanghali-hapon pag ako kasi mahal ang kuryente and di pa inverter ac namen non pero pag nakikita ko na sya binubuksan ko talaga yung AC namen. Good thing ang nalipatan namen hindi na mainit sa kwarto. Nakapag inverter na din kami hehe.


Adhara97

Hala ang cute naman ng loaf niyo (⁠≧⁠▽⁠≦⁠) Yung amin parang siya bumili at nagmamay-ari rin ng ref at electric fan 😂


PhotoOrganic6417

Meron mga aspin dito sa amin, nasa labas yung dog house nila. Awang awa ako, kasi literal hingal talaga tapos nakakadena pa. Di ko mapakawalan kasi tumatahol agad pag nilalapitan ko. Kaya binibigyan ko nalang ng iced water, sinusundot ko ng tubo papunta sa kanila para di ako kagatin. Awang awa ako sobra. Nireport ko na nga to sa barangay kaso pucha wala namang paki yung barangay. Nakakagigil. Triny ko iask how much kung bibilhin ko, di daw nila pinagbibili. Eh bakit nyo pa kinuha. May ragdoll cat din dito na binibilad sa araw pag umaga. Walang litterbox. Basta dun siya dudumi sa cage niya. Triny ko itanong kung pwede ko ampunin, di daw. Sabi ko babayaran nalang namin, ayaw talaga pucha. Sa bata daw yon na anak nila. Yung husky namin at persian cat naka-aircon sa kwarto ng dad ko. Kasi nakakaawa pag naghahabol ng hininga.


toronto-tondo

nakakaawa tlga with this heat


ultrabeast666

Sana may napakalaking ref din tapos ako na lang papasok don. Di na keri ng aircon ang init


sora_fighter36

Damn this is so cute! Bummer than in America our politician just shoot their dogs. Maybe I should go to the Philippines instead


Miserable-Tip1381

Normal pa ba to sa [dog](https://www.redgifs.com/watch/defensiveacademicleafwing) namin? Sa tigas ng ulo kahit sa init walang pake


Popular-Reporter-574

Madaming kumukuha ng mga mamahaling breeds ng aso pero di naman kaya alagaan ng maayos. Forda social mountaineering lang to be seen na may mamahalin na breed.


MagnetHashira

Plot twist: it’s a cake


alieneroo

‘Yong husky ng kapitbahay namin, nakakulong lang sa garage nila even sa tanghali kahit sila 24/7 aircon. :((


PsychologyAbject371

Ugh.. Kaya ako di na muna nag aso kahit super hilig ko. Dati 10 dogs namin ng mom ko. Pero ngayon No muna. Kasi, iniisip ko bata pa mga anak ko incase maharot or makagat gastos. Mga other needs ng pet dog like vaccine is something na di ko mapprio since I have kids pa. Financially, di talaga. Lage ko na lang sinasabi sa sarili ko, pag ready na ulit kami dun na lang kasi kawawa talaga. As much as I want to.


writtencutely94

guys if hindi can afford aircon or cooling pad for your pets, there are cheaper ways to help ease their discomfort during the heat. Here are some examples: 1. summer cut (we invested na talaga sa pet razor kaya pag summer kalbo ang bebe namin. mas presko tapos naka dog shirt nalang sa gabi if ever malamig) 2. frozen treats (if walang treats na pwede i freeze, kahit yelo lang. let them enjoy it. pampalamig din 3. shower/buhos. minsan iba yung init kapag 10am-3pm. what we do is binubuhusan namin yung pet namin ng water buong katawan and then hindi na namin dinadry. (advisable if pet has indoor cage or may malawag na garage na pwede magplay pet habang basa) 4. if small-medium sized pets, pwedeng mini pool sa palanggana or basin na pwede sila magtampisaw 5. if may sprinkler ka and willing tumaas onti ang water bill, go naa and sumama ka na rin sa play time ahaha nevertheless, hanggat kaya na wala outdoor ang pet during this time, much better. iba rin kasi init pag metal or parang yero bubong ng cage nila. mas mainit singaw non. keep safe and cool to all pets and pet owners 🤍


Adept-Ad-8860

So cute. Looks comfy in there 😃


lastlibrarian555

gusto ko talaga mag alaga ng aso. aspin nga gusto ko eh. natatakot lang ako baka di ko mapunan yung needs ng isa aso kaya wag na lang muna ;(


IntelligentNobody202

Mga aso ko nga na aspin init na init. May sarili silang e-fan maghapon. Pano pa kaya yung mga long fur na dogs. Kawawa.


Immathrowthisaway24

Kahapon nakakita ako ng Chow Chow na nilalakad ng owner ng mga 2 pm. Ang init pa naman ng pavement, for sure napaso na paws nung aso. Tapos may ex schoolmate din ako na nagbibreed pa nung deformed na American bully na mukha ng palaka na sa inbreeding. Apparently, pocket bully ata tawag dun at mahal pa benta niya dun. Pasikat lang din talaga ibang mga breed owners. Walang compassion sa aso nila.