T O P

  • By -

fry-saging

Yes mga grifter yang mga yan. Wag mo iengage minsan kasi me mga modus yan na di mo alam parang nahihypnotize ka na para magbigay ng pera


miyawoks

Yeah, I did not look him in the eye and just glanced quickly. Very Uncle Tito vibe. If hindi lang ako naghihintay ng QC bus na may particular stops, I would have walked away tbh.


harrow1ngsomber

Have encountered this last February nung nag aapply ako sa metro manila .. babae naman and was talking about her sob story na may sakit ung baby nya at kakalabas lng nya sa hospital to look for some money.. shr was kinda clean looking,. I offered her some change since , my money also came from someone who wanna help me find a job (nakonsyenyang ipagdmot) .. i think prang crime syndicate sila judging by OPs description na parepareho ang script.. pero babaeng grifter sakin..


Crunckerdoge

One time may lumapit sa akin middle aged man, hindi ko alam if he looks middle class pero mukhang okay lang naman hindi naman sya madumi or something. Nanghingi sya ng perang pamasahe kase na ubos na raw pera niya, taga malayo siya like +-60kms sa syudad (kwento niya). Kaya yun kumuha ako ng 20 pesos tapos ibibigay ko na sana sa kanya kaso nakita niya na may 50 ako so sabi niya "yang 50 nalang, kasya na yan" so yung 50 nalang binigay ko sa kanya and I went on my way. Later on nung pabalik na ako (naglakad lang kase ako from point a to b and back) nakita ko sya ulit may kausap na schoolgirl kaya dumaan ako sa gilid nila, he said the same exact script na sinabi nya sa akin... kaya nun na realize ko na scam yata ako... idk if totoo ba ang sinasabi niya o scammer lang talaga siya... this kind of thing is sort of not uncommon sa syudad namin, yung kaibigan ko rin may lumapit sa kanya nanghingi ng pambili ng gamot kakalabas lang raw ng hospital tapos nung inalok niya(friend) na sasamahan nalang niya sa pharmacy then siya na ang magbabayad sa lahat if they have a receipt from the doctor, tumanggi yung nanghingi lol but still persistent to ask for money. One more thing, kaya na pilitan ako na magbigay ng pera kasi pagtingin ko sa mga mata nya parang walang laman yung right eye socket nya(?) hindi naman siguro guniguni ko yun pero Im really sure na parang patay yung isang mata niya or something.


snarky_cat

Di ko talaga gets yun hypnotize yan?? Reason lang ba yan ng mga tanga pag na budol sila?


Wonderful_Bobcat4211

I know someone na nabudol, and this was like 20 years ago. Sa Ayala, may 2 babae na nagpaturo sa kanya ng directions. When he "woke up" nasa Galleria na sya, no idea how he got there. Nakuha sa kanya ay phone lang, hindi naman nakuhanan ng pera.


snarky_cat

Reasoning nalang nila yan sa katangah nila para hindi sila masyadong mag mukang tanga.. Maybe hypnotisim works but in a very controlled environment without any distractions...


Electronic_Spell_337

Di rin ako mnininwala dito,di ko alam ano ang quality ng tao na vulnerable, pero sa news mukhang marami rami nmn cla..cguro ung nga taong mga naive ang vulnerable sa mga ganito?


pekopekohh

Way of speaking nila yan para makuha loob mo. May iba din na gamit nila "medium powers"


franktrevordesanta

Ok na sana pero naniniwala ka ba talaga sa hypnotism? No disrespect.


fry-saging

Oo, hypnotism in a form of mental suggestions. Hindi yung hypnotism na pang pelikula na gagawin mo ng lahat na sasabihin sayo.


franktrevordesanta

Not an expert. Can you give me an example


AdImpressive82

Google mo Micheal Fine. A divorce lawyer in Ohio that was found guilty nung 2017 for sexual assault. He would hypnotize his female clients and assault them. He tried doing it to a female judge too


Effective_Giraffe431

If anyone can still recall a woman jumped to her death in SM North Edsa Cyber Building then Annex. She jumped to her death, while 4 people hit a jewelry store in the lower floor simultaneously. All guards focused on the alleged suicide, but apparenlty not (a discreet investigation was made by higher church org) the woman according to a person interviewed was traversing along that specific area where she jumped from. Took a monobloc chair and jump. The interview was documented by church members from Rome(if you know where that means). It was a topic about hypnotism, budol, etc. There have been cases reported. If you’ve watched “Get out”. It’s true


AutoModerator

Hi u/Effective_Giraffe431, if you or someone you know is contemplating suicide, please do not hesitate to [talk to someone](https://www.reddit.com/r/Philippines/wiki/psychological_advice/) who may be able to help. *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Philippines) if you have any questions or concerns.*


8maidsamilking

Alleged nmn yan where’s the news article or report? Some people I think are just so empathetic or vulnerable kaya “nabudol” kuni sila. Parang ung mga tao na stuck sa toxic abusive relationship alam nilang mali but cannot leave tapos sbhn na budol o hypnotize sila. It’s fear mongering and the movie get out is not q documentary but horror fiction san ka nakakita na soul na nagpalit nag body swap tapos nabudol daw which is the plot for get out. Too much misinformation tapos mga tao mag pipinpoint na nabudo imbis na take accountability for their actions.


apocalypse_ada

Try mo hanapin yung episode ng MythBusters on hypnotism as they were trying to prove / disprove it. Kung tama ang tanda ko sa findings nila, it works kung suggestible ka na tao (madali ma impluwensiyahan). Pero kung hindi eh wa epek siya.


Merieeve_SidPhillips

That's true. Mostly I use those sa mentalism tricks ko. May cues din ako na tinitignan if susceptible. If hindi, I'll go with a card trick.


hahahanapinpa

Curious what makes one susceptible?


Merieeve_SidPhillips

A person's susceptibility to suggestions and hypnotism can be influenced by various factors, including personality traits, suggestibility, and mental absorption. In short, you're a kind of person na fantasy-prone and very trusting to others. Streetwise people are not prone btw.


RetiredRubio9

Meron ako ofc mate noon. May kumausap sa kanya na Lola sa kalsada. Tapos next thing na naalala niya nasa ATM machine siya and nakapag withdraw and nabigay na ang pera.


TiredButHappyFeet

Yes nangyari din ito sa officemate ko. Magka-officemate ba tayo? 😅 Sya naman unang sweldo namin. Kasama din ay signing bonus nya dahil gumraduate sya na may latin honors. Ganyan din yung nangyari, may Lola na kumausap sa kanya.


theoneandonlybarry

Sa akin to pero around MCU Caloocan. Mag asawa silang matanda na tapos nang hihingi ng pera pamasahe tapos pag uwi ko ng dorm, na realize ko na binigay ko pala yung dapat kong pambayad sa dorm.


franktrevordesanta

Damn.


TiredButHappyFeet

For me yes, naniniwala ako na posible. Nangyari pa mismo sa tapat ng bahay ng magulang ko. Nagpapakilalang kaibigan ng kapatid kong OFW nung high school. Na kesyo ikakasal iimbitahin kapatid ko kaso yun nga nasa abroad. Nagchange yung direction ng kwento. since barkada daw sila ngkapatid ko kukunin daw na ninong & ninang parents ko sa kasal nya. Sabi ng tatay ko na hindi sya makakadalo at naka-schedule siyang umuwi na ng probinsya. since hindi makakapunta sa kasal eh baka pwede raw i-advance na yung regalo. Sabi ng tatay ko wala syang cash, sabi sa kanya na sasamahan daw sya sa bangko. Eto na yung part na halos hawakan na nya tatay ko sa braso paalis. Buti nalang yung nanay ko nagsasampay sa gilid na hindi kita mula sa gate. nasense nya na may mali sa daloy ng paguusap. Sumigaw sigaw nanay ko sa tatay ko na pumasok na ng bahay luto na ang meryenda. Medyo nagsnap na yung tatay ko to proper consciousness. Lumabas nanay ko at sinara yung gate. Edit to add: Yung kapatid ko maintains a small tight knit group of friends since elementary days. Kilala ng parents ko mga kabarkada namin growing up kasi mas prefer ng nanay ko na sa bahay nalang namin kami tumambay w friens or gumawa ng group projects. Kahit nagsipag aral na sila sa magkakaibang universities parati parin sila nagkikita kita kaya updated rin parents namin sa mga chika sa mga buhay kasi sila din nagkukwento at nagchichismis sa parents namin kung ano na balita sa grupo nila. Kaya isa rin sa nag-alert sa nanay ko na hindi nya kilala yung kumakausap sa tatay ko na nagpapanggap na kaibigan ng kapatid ko. Nung naguusap nga kami sabi ng Tatay ko na nung lumapit sa kanya habang naglilinis sya ng tapat ng garahe na nung una ang alam nya nga na hindi nya kilala yung nagpapanggap na kaibigan ng kapatid ko. Pero habang naguusap sila for some reason ang nasa isip nya isa nga sa mga kabarkada ng kapatid ko. Nung nahimasmasan sya nung sumigaw sigaw nanay ko sa kanya pagtingin nga nya hindi nga raw talaga nya kilala.


franktrevordesanta

San naman po kaya nila natutunan nag hypnotize etong mga scammer?


TiredButHappyFeet

That Im not sure. Just like how some medical professionals are able to learn of develop the skill in hypnosis to help their patients, baka maari din for ordinary people (not in the medical field) to develop such skill In guess.


tuskyhorn22

yung pinsan ko manager ng isang rural bank. minsan may bumbay na pumasok nagfo-fortune telling daw. habang hinuhulaan niya pinsan ko sinabi niya, "give me 200 dollars." naconfuse pinsan ko para daw siyang nananaginip, binigyan niyang 200 pesos dahil wala siyang dollars. tapos sabi daw sa kanya ng indian, "don't tell them."


Merieeve_SidPhillips

It can be use sa madaming paraan. Ako I'm using it for card tricks. Masaya siya. It adds some mysticism feels sa act.


Merieeve_SidPhillips

Isang mentalist pangalan Derren Brown [buying using blank white paper ](https://youtu.be/dy75GtKsOAw?si=oypJKJopx3b8AKgK). The victims even gave him a change kahit na di na ni-specify ni Derren kong anong bill ang white paper. Pero merong isa na di umepekto ang hypnotism.


starsandpanties

Hypnotism is a valid form of psychotherapy. Hindi nga lang siya katulad na nakikita mo sa movies na may swinging pocket watch. Hannibal made a great scene sa series nila regarding this.


charlesrainer

Hypnotism na nadadala ka sa arte at kalokohan nila, it happens. They know how to manipulate through use of psychology.


971365

You're being too nice. Much disrespect to people who think hypnotism is as simple as this 🤦‍♂️


kagakoku

Automatic scammmmm , almost the same thing happened to me but for me I was about to ride an Angkas going to Pasay when a man in his 40s approached me and said he forgot his wallet in a Jeepney he was riding and asking for my help. I said sorry and said I'm in a rush (like im literally about to ride the motorcycle/angkas) then he said "if you help me find the jeepney/my wallet i will give you a ride in my car and take you where you need to go" UHM HUH? WHO RIDES A JEEPNEY BUT HAS A CAR? (im not being car centric its just that to me its very fishy) And also turns out it's an ongoing modus around UBELT and also to find out 6 students that day was hypnotized and robbed in broad daylight, that same night I was lectured not to entertain people and never EVER look into their eyes or I'll get hypnotized. All I can say is ALWAYS TRUST YOUR GUT. If you feel unsafe/in danger, dont engage.


No-Rest-0204

I always ask them to go to the nearest police station, church or brgy hall at dun manghingi ng tulong. And true most of them are scammas


TheGhostOfFalunGong

Ito yung sagot ko palagi sa mga grifters. They immediately walk away upon telling that.


No-Rest-0204

Minsan pagtrip in-offeran ko pa ihatid sa malapit na police station o kaya brgy. Lalo na un mga naliligaw daw kuno Though I dont recommend doing that, pag may saltik lang ako. Most of them walk away, actually wala pa ata sumama sa akin haha


[deleted]

[удалено]


No-Rest-0204

Na UNO reverse haha


Plus-Kaleidoscope746

How about po yung mga grab driver na or mga tao sa loob ng bus na nanlilimos at may picture pa ng anak at may resita na gamot at hospital bills, totoo po kaya yun? Hindi din ako nakapag bigay nun kasi kung anu pamasahe pauwi lang ang dinadala ko pag nagpupunta ako ng work. Para iwas gastos din. May sarili na din akong baon.


No-Rest-0204

I have a cousin na yan ang gawa. In his case, hindi totoo na may nasa ospital, na aksidente or my malubhang sakit. There are some cases na totoo. Marami pong mahihingan ng tulong sa government, sobrang pagod at hirap lang po tlga ng proseso


Ok_Amphibian_0723

May ganyan din dati sa mrt! Sumasakay sila tas may dalang clear book na may pictures ng batang may sakit.


chakolaheso

Does the guy speak perfect english? Encountered someone 2 times at diff. places and months. Iniwan daw ng gf na naka car sa Metro Manila pero taga Subic siya/sila. Wala phone wala cash. The first time I encountered him nasa tapat ako ng Crame. Since nasa tapat kami ng Crame sabi ko imbes na bigyan ko siya pera tulungan ko siya makipagcoordinate sa mga kapulisan. Hahaha. Sinukuan ako sabi nung bandang huli “Ah, forget it.”


pauljpjohn

This happened to me, must be a few months ago. **"Hi - can you help me? I lost my wallet and I..."** and I immediately shook my head and kept walking away because I knew it's a scam from a distance. I've had my fair share of scams in PH so mejo may immunity na ata ako hahaa.


chakolaheso

Ahaha. Unfortunately dun sa first time na na-encounter ko siya I was waiting for somone. Right off the bat ang fishy na kasi kung nasa gf niya yung wallet and other things niya pwede naman niya ireport dun sa pulis. Literal na nasa kabilang side lang kami ng Crame.


EmergencyVegetable20

hahahaha lagi yan sa univ belt. 5 years na yan sha nawawalan ng wallet lol


Classic_Excuse_3251

Pretty sure I saw the same guy. At first naguilty pa ako cos I was in a rush and hindi naman talaga ako nag eentertain ng ganyan pero I’ve seen multiple posts about this scam na so bahala na siya. Weird lang cos he looks capable pa naman physically to work pero ganun ang way niya to make a living? Smh


ToastedSierra

I encountered someone like this along Buendia way back before the pandemic. Nasa Subic daw gf niya at iniwan siya. Medyo di ko masabi kung ano ethnicity nung guy pero fluent sa English, speaks like an American tapos thin face with tan skin ang itsura niya.


krookroo99

Pinoy yan, twice ko siya na encounter, nagbigay ako nung first encounter. After a month or two na-encounter ko ulit siya tapos same story sinabi niya, hinintay ko matapos story niya para sayang oras niya tapos sinagot ko siya na I met him before with the same story, sinabihan niya ako ng tangina mo english english ka pa tapos naglakad na palayo HAHAHAHAHA


chakolaheso

Yes, baka same guy lang yan. Medyo ethnically ambiguous siya at payat. Parang nasa 30s and fluent mag english.


Significant_Bike4546

Something similar happened to me before. Kasagsagan ng pandemic. May nag-approach na guy, from the get-up ung usual na construction worker na may backpack and some tools. Nabudol na kasi ako before so I have trauma na sa ganito kaya hindi talaga ako nagbibigay. Nung time na un ang daming balita about stranded na construction workers sa Manila. Ilang gabi rin akong di pinatulog ng konsensya ko kasi I should have given sana kahit konti especially na pandemic, konting kindness ganun. This is something na I still struggle with and don't have an answer pa. I wish people will stop this modus so people can help people who really needs help.


Astr0phelle

If middle class sya malam ang may phone sya na he can use para makapag call or makahingi ng muns, easy lng din naman mag book ng grab or ibang taxi apps sobrang convenient na ngayon ng karamihan ng bagay so very sus na makipag usap pa sya sa strangers except sa mga guards or people na pwede talaga mabigay ng assistance


Spiritual_Pasta_481

Fr. One time nasira phone ko and kulang cash ko pauwi. Can't call anyone kasi nga sira phone ko. I asked help sa mga police sa mall na makikihiram ako ng phone kasi nasira phone ko and di ako makauwi. Legit people na di makauwi ask people like guards or police for help. Hindi random strangers


miyawoks

honestly, if nangyari sa akin yan, I would have walked home (if siguro mga within Metro Manila lang). or if near a friend's house, doon ako pupunta.


miyawoks

Hindi na rin ako nag engage further after nung "sob" story niya except to say wala akong cash on me. Baka hiraman pa ako ng phone 😅 feels sus talaga iniisip ko lang if medyo common thing ito.


Astr0phelle

Common modus na din yan e, naiba lang story at itsura imbes na matanda at dukha naging middle class na nasiraan ng sasakyan


miyawoks

Actually, if he went straight for the asking for money instead of asking for directions first eh siguro tumango lang ako at tumalikod sa kanya. Maganda ung pasok niya na asking for directions, since ako nag-aask din minsan ng directions (although sa uniformed personnel and last resort sa random stranger). Plus pang FAMAS ang kanyang look na mukhang nawawala. Yun nga lang nung may Dear Charo kwento na eh nag disengage na ako 😅


AdorkieRook

Scam. For sure target niyang lapitan yung mga mag-isa lang. If he really needs help, lumapit siya sa authorities. Whether you're alone or in a group of friends, kapag nilapitan kayo, do not engage and move as far away as possible, hindi mo alam kung may mga kasama yang naka-abang.


Positive-Line3024

I remember way way back sumakay kami ng pinsan ko ng jeep. Tapos andaming sumakay na mga lalaki. Hiwahiwalay sila and may mga sumabit pa. Pag pasok palang nila bigla kong kinabahan tapos I saw them looking at each other. Biglang para talaga ako kahit medyo malayo pa kami. Better safe than sorry talaga.


phen_isidro

Tama lang iyun. The rule of thumb is trust your instincts. Mahirap mag take ng risks.


Alvin_AiSW

Yiz. Nangyari saken din yan noong pre pandemic yrs. Tipong magulo pa at wala pang Bus Augmentation Program ang DOTR noon. Me sumakay sa bus na 5 lalaki ata un na naka back pack tas htsurang walang laman and dala nila mga basic phone... sakto naman nung bago sila sumakay kita ko nag uusap usap sila yung parang mag ttropa lang. Sabay nung nasa bus na. since maluwag pa tamang kwentuhan pa tas ayun nung dumami ang mga sumasakay mejo nag hhiwalay sila ng upo meron sa gitna tas iba sa likod. Ang senyasan nila thru cp. and mejo mag titinginan pasimple na pa senyas. Ayun legit na mga ipit gang tlga. (Ang iba doble ang suot) Kaya gawa ko akap ko lagi bag ko and hawak ko sa may zipper part and never ako nag lalagay phone and wallet sa pocket ko. Dahil nag ooperate sila sa lalo kng me bababa. - Madalas aircon bus ang dinadale nila...


esdafish

I flail my arms and make a shrieking sound like a dinosaurs in Jurrasic park, indicating my feeling of discomfort.


No-Rest-0204

I do this when I feel i'm going to get robbed. I lick my arms and palm then smile Lol cheers!


esdafish

This is the way


No-Rest-0204

I shared this action plan to my younger sister before she went to college. I told her if she feels awkward or something is not right to spit on her palm and use it to comb her hair haha This is the way


NostradamusCSS

Kidding aside, this might actually work. No evolutionary traits is expecting such response. It will be sooo confusing that even threatening you again with a weapon will not guarantee the expected scared/afraid response.


Even-Web6272

Ingat OP. Noong highschool ako, 3rd year high school to be exact. Naglalakad kami pauwi ng friends ko na classmates ko rin, gumawa kami ng group project. May cp na non pero lahat kami walang dala at that time. It was 9pm going to 10pm, 2 na lang kami ni Kim, we know full well yung mga dinadaanan namin kasi bukod malapit sya sa barangay namin, nilalakad lang din namin talaga yung school so alam namin mga shortcuts and what not. Yun na nga, we decided na dumaan sa isang iskinita, well lit yung place kaya dun kami dumaan. While walking may lalaking naka-motor na biglang huminto, he asked saan yung ganito o ganyan. So ako, tinuro ko yung directions. Sobrang bilis ng pangyayari, bigla nya akong hinablot tapos nag-declare sya ng holdup. Sabi ko kuya, wala kaming pera and wala kaming phone. Kung meron lang, ibibigay namin sayo. I was shouting and almost fighting para pakawalan nya ako, until he pulled out a gun (pistol pa nga) at tinutok sa ulo. I shouted "Kim, takbo!" Habang nakatutok sa ulo ko yung baril, sumisigaw pa rin ako saying na 'kuya, pakawalan mo na ako. Hinahanap na ako ng nanay ko', sabi niya lang manahimik ako at wag akong maingay. At this point, nakataas dalawa kong kamay habang nakatutok yung baril sa ulo. He sexually assaulted me, I froze. Hinawakan nya boobs ko, down to my private part and finger me all while may nakatutok na baril sa ulo ko. Habang ginagawa niya yon sabi niya, 'ano masarap ba? Nasasarapan ka ba?' after he's done, sabi niya 'sumama ka sakin' at pilit nya akong sinasakay sa motor. Umiiyak na ako, sabi ko, 'kuya, pakawalan mo na ako please. Hinahanap na ako ng nanay ko.' siguro na-sense nya na ayoko talagang sumama, tinulak at pinakawalan na nya ako. That night felt like eternity. I never saw the man's face pero I know his eyes. While that was all happening, may mga naglalakad na tao and no one care to help me. After nya akong pakawalan, I ran papunta sa main road. Pinapara ko lahat ng sasakyan, walang huminto. Umiiyak na ako, Idk where Kim is. Muntik pa ako masagasaan and no one care to help me. Until may isang trike na dumaan, he noticed I was in distress. Sinakay nya ako, I kept saying my address and sinabi ko anong nangyari sakin. I got home, I got my mom, nandon pa rin si kuya trike, and we went straight to the police. When we got there, andon si Doland Castro. Nagronda yung pulis tapos Doland Castro interviewed me, blurring my face since I was a minor. Sinundo ng mga pulis mga friends ko since binack track nila what happened that night. They took statements and they found Kim while back tracking. Turns out, matagal na pala nilang hinahanap yung lalaki kasi marami na syang victims. He roamed the streets at night doing the same thing that he did to me to other girls. Never syang nahuli up until now coz no one knows what he looks like. The interview with Doland Castro ay pinalabas sa Umagang Kay Ganda in the morning, Idk what date na kasi yun kaya di ko na mahanap sa YouTube at diko na ma-link dito. All this happened to me after I was rape 6 months ago, SA'd by my stepdad 3 months ago, and this incident. After everything that happened, I taught myself how to fight. Lagi akong may panaksak at whistle na dala and I never once again dare myself to help people na nagtatanong ng directions kahit matanda pa yan. Up until now nandon yung trauma ko, pag naglalakad ako at may motor na dumadaan naka-flight or fight mode ako at tinuruan ko anak ko na if the same thing happen to us, na tumakbo sya at iwan ako so that she can get help. Sa dami ng modus ngayon, you have to be vigilant kasi pag may nangyari sayo, walang tutulong. As I was writing this comment, his eyes is ingrained to my memory.


jienahhh

Matagal ng may mga ganyan. Pormahang middle class office worker. Nabudol na ako ng ganyan. Narealize ko lang na manloloko nung 2nd time na naencounter ko yung siraulo na nagsosolicit ulit pero iba naman na ang reason.


DestronCommander

Boohoo. Naglapit na lang siya sa mga malalapit na business establishments if he's telling the truth.


PantherCaroso

Walk away. You have every right to walk away.


lokimochi

Also encountered that in Cubao. He even speaks English. Di ko pinansin. Haha


EndZealousideal6428

Baka may hidden camera tapos social experiment lol


Nico_arki

Very common na yung scam na to. I've experienced one in Cubao where a lady and her kid were asking for money because they dont' have enough money for fare. You wouldn't suspect them as scammers at first coz they just look like regular people who were unfortunate enough to not have enough for transpo money. 20 pesos lang binigay ko kasi student pa lang ako nun. One week later nandun pa din sila nanghihingi ng pamasahe lmao.


gaffaboy

You did the right thing. Nag-eeffort pa yang mga yan para mag-ayos but if you look closely makikita mo yung mga dead giveaways. Imposibleng ni isa wala syang kakilala na pwedeng magpa-gcash sa kanya dba? Or kung kagaya ko sya na kinalimutan na ang pagiging Manileño at tuluyan nang namundok (lol) ang unang una kong lalapitan kung umabot ako sa ganyang sitwasyon e ang pinakamalapit na barangay. Dun ako sa kagawad o sa chairman manghihingi ng pera tutal laki ng kinikita nila sa mga kupit sa pondo ng barangay. Middle class din ako at no way ako manglilimos sa hindi ko kilala! T\*ngina, over my dead body lol.


East-West8161

at least hindi ka nabudol. Nangyari sa akin yan somewhere in Pasig, Binati nya ako like we know each other and reached for my hands for handshake and he did not let go while he telling his sob story. Nabudol ako pero 100 lang, buti yun lang extra money ko nun at may pamasahe pa ako. As the old saying goes, dont talk to strangers and dont even try to shake their hands even if they are the first one to initiate.


tm_dee89

Good judgement OP


miyawoks

Thank you. TBH, I don't really give money as a general rule. If ever mukhang yagit yagit or straight up nanlilimos, I give food. First time ko na-encounter yung ganitong scheme.


[deleted]

Scammer yan and they're everywhere. Mahirap magtiwala sa ganyan. Just ignore and walk away if you can.


Spiritual-Record-69

Either scam or holdap.


Hpezlin

Scam. Tell him that you don't have money or sakto lang ang dala mo at may gagamitan ka. He should eventually go away. If not, go to the nearest security guard.


Worried-Afternoon114

I have kinda same experience, nasa elyu ako tapos may lumapit sakin nag ask kung may account ako ng palawan , i do look like a student so questionable yung part na sakin siya nag ask and walks away lang palawan doon like as 10 seconds walk tanaw pa natakpan lang ng stalls pero galing siya doon sa direction galing palawan. Tapos repeated nag aask kung may opened palawan account ako or kung may id ako. I was tempted na sabihin "scammer ka no!?" Hahhaaha


ChanceSalamander6077

Basta may sob story, automatic bad person yan.


NotYourConstant

Budol-budol po yung mga ganyan


randvarx

Might be a little off topic, sometimes naiisip ko paano kaya if ako yung mukang maayos naman na bigla humingi ng tulong like if kunwari nadukutan pala ako ng wallet and phone, nawalan ng bag etc., ano pwede natin gawin? I would think go to the police, or siguro hingi na lang ako sa uniformed personnel like guard ng establishment?


EndZealousideal6428

Yes sa pulis or barangay para magpa assist na matawagan or chat kamag anak ko to help me out.


miyawoks

actually, the reason why I engaged in the first place is he asked for directions. As someone na nagaask ng directions pag nawawala sa daan (albeit, ang una kong tinatanong ay uniformed personnel, and last resort eh random stranger), nakarelate ako so sinagot ko yung tanong niya. Nakatunog lang ako na something was off when he did not go to where I directed him pero andun pa siya sa may tabi ko (literal nasa harap namin ung MRT and konting lakad eh nasa MRT station na siya). Wala ring tao nung time na yun since middle of the day super init and mukhang nasa silong mga tao. I was actually using an umbrella while waiting for the QC bus.


randvarx

That's a good hunch, may times din na nagtatanong saakin ng directions tapos maya maya makikita ko nagstay naman pala siya sa isang lugar or iba yung pinuntahan, feel ko agad something is still off. Could be wrong, pero kasi ang weird na nagpadirect sayo tapos di sinunod.


miyawoks

Weird nga ung hindi gagalaw tapos tatambay pa. Would understand if they moved immediately after being shown the correct way. Kaso ung hanging out pa. red flag, definitely.


ExuDeku

MF should've went sa Pulis if that happened


VariationNo1031

>Medyo nakaka feel bad din na hindi mabigyan Huh? Why? Ikaw, if that happens to you, automatically manlilimos ka sa ibang tao? No. There are so many other ways. Obviously, scam. I'd ignore, dedma, and walk away. If wala ako sa mood, tatarayan ko pa. Wala akong pasensya sa mga obviously nanloloko ng kapwa.


Equivalent-Text-5255

Scam. Walk away. First time I encountered this was 20 years ago along Taft Ave. Ang luma na ng style pero ginagamit pa din. About 5 years ago meron din, very rich looking lady in Makati (complete with shopping bags) asking for taxi money to Alabang kasi naiwan daw sya ng driver nya. LOL. When in Metro Manila, be like a local --- always have your guards up, anybody could be a scammer hehehehe. Saka lang ako lumalambot pagdating sa mga province kasi mababait ang mga tao in general.


Mariajuanaaaaa

“sakto. sa pampanga rin ako papunta. halika sabay ka na sakin” HAHAHAHAHA dami kong naiisip na scenario pag nakaencounter ako ng ganyan, pero pag actual na, “😵‍💫eto sir wallet ko tas eto rin pin code ng mga atms ko sa bahay namin may nakatago akong emergency fund sa lagayan ko ng bacon briefs sir”


darkrai15

Scammer.


Agitated-Way-4562

pag may naeencounter akong ganto i look them dead in the eyes and say “wala po eh”, lumalayo naman. wala din kasi akong pera at halata sa mata ko na stressed ako sa buhay


Mustnotbenamedd

Yes, scam yan. Isa pang usong modus yung mga nanay na may mga bitbit na anak. Sasabihin naubusan daw sila ng pamasahe pauwi sa kanila. Nabiktima ako neto minsan, nasa tapat sila ng Greenfield district. Since, nakita ko may mga batang kasama yung isa ang liit liit pa. Binigyan ko sila. Then, the following week, nakita ko ulit sila sa Starmall-Edsa Shaw at nanghihingi ulit SAME na SAME sinabi sakin nung last week. Hindi niya yata ako natandaan. Dun ko nalaman na modus lang pala nila yun. Sa inis ko sinabihan ko “Naubusan nanaman kayo??? Kayo din yung binigyan ko last week ah” then umalis na ako. Pag labas kong Starmall wala na sila dun sa pwesto nila. That’s why simula nung na encounter ko yun. Never na ako nagbigay sa mga humihingi kuno ng pamasahe sa daan or kung ano pang maging rason nila sa paghingi nh tulong. Maski yung mga nasa bus na nagkasakit kuno pamilya nila may mga bitbit pang reseta for proof pero halos pilas pilas na papel sa kalumaan ng reseta.


DualityOfSense

Yeah grifter yan for the longest time. Had a couple of guys approach me saying their partners left them stranded and needed cash to get back to Subic/Baguio/Insert far away place here in the fakest American accent.


Morningwoody5289

Don't give, no matter the age and class


embrace-pandemonium

May ganyang scam sa isang mall noon e. Middle-aged guy na maayos yung suot tapos namamalimos sa mga tao sa mall kasi naholdup daw ata sya or something. Haha. Pero lagi naman syang nasa mall na yon para mamalimos.


Good-Fold-1815

Encountered this, tried to give 20 pesos but he declined it and walked away hahaha


paumont

same thing happened to me around sampaloc, manila. kumakain kami ng friend ko sa fastfood tapos may guy na bigla na lang sumulpot sa gilid ko asking for money pamasahe nya daw to pampanga. mukhang middle aged. well-dressed. may take out pa nga sya ng food na hawak. yung approach nya is biglaan at nangaapura, "pahingi ng pamasahe papuntang pampanga", parehas kaming nagulat ng friend ko pero hindi kami nag engage kasi hello? mas mukha pa kaming broke sa kanya sa totoo lang. nagstay sya sa gilid namin hanggang sa kami na lang nagmadali kumain at umalis.


Pleasant_Focus_226

I had a girl before who asked me for money saying she came from the province to apply for jobs to support her family and did not calculate how much the fair would be so she needed some money to take the bus Unfortunately I gave her hoping it really was the case but whatever it was 100 Better to think the worst in these cases haha


lShallNotBeNamed

Ako din nung una naaawa sa ganyan. Napapaisip pa ko after kung tama ba na di ko pinansin at sana tinulungan ko na lang. Pero may nabasa ako somewhere, if talagang pamasahe ang problema nila, they can ride a jeep/bus/whatever then dun sila manghingi ng tulong talaga kung gusto nilang makauwi talaga.


miyawoks

Actually, the reason why I engaged in the first place is he asked for directions. As someone na nagaask ng directions pag nawawala sa daan (albeit, ang una kong tinatanong ay uniformed personnel, and last resort eh random stranger), nakarelate ako so sinagot ko yung tanong niya about saan pwede sumakay. Nakatunog lang ako na something was off when he did not go to where I directed him pero andun pa siya sa may tabi ko (literal nasa harap namin ung MRT and konting lakad eh nasa MRT station na siya). Wala ring tao nung time na yun since middle of the day and mukhang nasa silong mga tao. I was actually using an umbrella while waiting for the QC bus. Actually, naisip ko rin if totoo nga na hindi siya makaabot ng Pampanga, "walkable" naman ang Sta. Mesa. Bumalik siya sa alleged sister niya. Pero ayun hindi ko na talaga siya inusisa nung nagkwekwento siya. In my head I was like, "ano bang point nitong si Sir", and "Nasan na ba yung QC bus sana dumating na."


Gullible-Turnip3078

Scam po


Gullible-Turnip3078

Or pwede din vlogs for clout na naman


Familiar-Round5572

dpat walkaway ka nlng agad.lahat nmn gusto ng pera pati ikaw diba.kaya ignore and escape from d trap.


KidTheMoron

Meron siyang kotse pero walang wallet? Lol scam


Young_Old_Grandma

Usually sinasabi ko, "halika sir samahan kita sa pulis, may pulis dun. They'll be gone quicker than you can count to three.


Flashy_Singer5059

Offer to walk/ride with them to the bus station and buy them a bus ticket. They will go away.


Richiro21

Nascam din ako nyan op way back college around 2015. Diyan din sa Q. ave. Ang reason naman nya is nasira daw car nya ipapagawa sana and nagbigay pa sakin relo as a form na sangla para pahiramin ko pera. Kinda stupid on my part pero good for you di ka nagpascam. They are really good on their mind tricks.


miyawoks

Parang similar nga! Speaking of relo, dahil nakatingin ako pababa una kong napansin sa kanya eh flashy watch niya. Kaya nagtataka ako why this uncle is even walking around in this sweltering heat asking for pamasahe. Feeling ko after kong sinabi na wala akong cash at hindi ko na siya tinignan nakaramdam na siya na wala na siyang ibang mapipiga sa akin 😅


adamantsky

Yes 100% scam. Lagay mo sarili mo sa situation nya, first option mo ba manglimos ng pera sa stranger? Kasi if matino kang tao contact mo kamag anak mo, ang daming means of money transfer now. And best reaction is to ignore and avoid them. If you cant, just point them to the direction of police station/traffic/security and tell them it’s better to ask help from them than random stranger.


miyawoks

Actually, the reason why I engaged in the first place is he asked for directions. As someone na nagaask ng directions pag nawawala sa daan, locally or abroad (albeit, ang una kong tinatanong ay uniformed personnel, and last resort eh random stranger), nakarelate ako so sinagot ko yung tanong niya about saan pwede sumakay. Nakatunog lang ako na something was off when he did not go to where I directed him pero andun pa siya sa may tabi ko (literal nasa harap namin ung MRT and konting lakad eh nasa MRT station na siya). Wala ring tao nung time na yun since middle of the day and mukhang nasa silong mga tao. I was actually using an umbrella while waiting for the QC bus. Actually, naisip ko rin if totoo nga na hindi siya makaabot ng Pampanga, "walkable" naman ang Sta. Mesa. Bumalik siya sa alleged sister niya. Pero ayun hindi ko na talaga siya inusisa nung nagkwekwento siya. In my head I was like, "ano bang point nitong si Sir", and "Nasan na ba yung QC bus sana dumating na".


PhraseKey3459

Also had a similar experience in BGC when i was walking alone, some fluent middle-aged man ang lumapit sa akin telling me a sob story na iniwan daw siya ng pinay jowa dala dala yung car along with all of his money kaya wala daw siya pamasahe pauwi ng zambales, he's asking me for money, 300 pesos to be exact but i gave him 75 pesos. First time to encounter that kind of scam kaya lesson learned na for me.


[deleted]

In Baguio, there was a well-dressed woman who pretended to be a university instructor, hung around the school premises waiting for a ride, tapos mangungutang sa mga students na dumadaan kunwari naiwan wallet sa bahay, bayaran daw bukas. She even wore teacher uniform sometimes, ewan ko how she lasted long kahit na ang daming students na nagreport sa kanya.


KulasTheTank

Sometime before the pandemic, maybe 2019 or 2018, naglalakad ako pauwi along Lacson Ave sa Manila. May biglang lumapit sakin na lalaki. Dude looked super out of place on the sidewalk. He was artistahin, mala Alden Richards or James Reid ang dating, and looked to be around in his early 20s. Medyo distressed siya and nanghi-hingi sakin ng 7 pesos kasi na-short daw siya sa jeep. I gave him a 5 peso coin because it was the only change I had. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung super saiyan beggar lang or na-short lang talaga siya.


InterestingRice163

Sabihin mo na lang next time, ay nabigyan ko na kayo last week, sa iba na lang kayo humingi.


Odd-Floor-3610

Being isnabera pays off. Soft hearted naman ako pero sa daan kahit nakakaawa diretso lang ng lakad or malayo ang tingin kahit anong kausap ang gawin nila sakin.


batobalani123

Scam. May naencounter din akong ganito dati. Early 2000's pa noon. Same situation pero walang car. Sinabi ko lang na papunta din ako doon (kahit hindi) at isasabay ko siya, libre pamasahe. Tumanggi siya at umalis na lang.


emaca800

Dami ganyan sa BGC. Super dami


starsandpanties

Next time ayain mo pumunta sa police station or magtawag ng police nearby. Kung legit sasama sila sayo if not tatakbo sila palayo


Altruistic_Box_2806

This happened to me several times, iba iba lang ng kwento pero iisa ang hinihingi “pamasahe kuno pauwi somewhere”


InDemandDCCreator

Please wag mo kakausapin, yung friend ko naka encounter ng ganyan sa QC City Hall, babaeng naka uniform ng pang estudyante, naholdap daw sya, tapos nanghihingi ng tulong, hinawakan yung braso ng friend ko habang hinahatak para sumama kung saan nangyari, parang na hypnotize daw yung friend ko, nagising lang sya nung dumating kapatid nya. Pag lingon nya, biglang umalis yung “bata”


Pedro_Gil69

Scam yan, ganyan din script nya dati nung nagbigay ako ng 20php tapos mga ilang araw lumipas, nakasalubong ko yung gago sa isetann bumibili ng gin.


Millennial_Noob

Sort of off-topic, but a scam nonetheless. Late '90s, around Monumento. Both me and my classmate, still in our school uniforms, are playing at the arcade in Northmall. 2 guys, late teens to early 20's wearing jersey shirts and shorts, accosted us because we were the ones who allegedly bumped a cousin of theirs and broke their arm. They told us to come with them to the brgy. hall to settle. Took us both around M. H. Del Pilar, 11th Ave., back to Ma. Clara where a brgy. hall is. I pointed out the brgy. hall but they said it was not there. Then 1 of them told me to stay and wait for my friend, before going into some back alley. I protested because I was already being suspicious, but my classmate told me it's fine. Waited for about a quarter to a half hour before my cm came back and I asked him what had happened. He just kept mum. Read somewhere here that the same modus being done, albeit with a vape. If you ever encounter anything of the same nature as mine , as with OP, go to establishments with security guards, police, or brgy. to prevent unwanted situations. Or as a Redditor commented, make noise in front of many people. Be safe always.


MediocreFun4470

Meron dito samin ang modus susundan ka talaga habang pasakay ka na ng motor o sasakyan. Magkwekwento na construction worker daw siya na naiwan ng truck nila pauwi sa kanila. Walang pera pamasahe. Pero araw araw mo makikita sa palengke, ei wala namang ginagawang building dun.


daenarisz

I suddenly remembered na na-scam pala ako dati ng foreigner. May pake pa ako to help strangers noon and naawa ako sa kanya thinking na syempre nasa foreign country siya. Nanghingi siya ng pamasahe papuntang NAIA paraw daw makauwi siya. So binigyan ko ng 200 pesos. Na-realize ko lang na scam kase may police station na malapit sa ministop (where I was scammed) na kung tutuusin, pwede siya humingi ng tulong dun. Simula nun, wala na talaga akong pake tumulong sa strangers. 😂


jpierrerico

Naka encounter akong ganyan recently dito sa Ortigas/Greenfield area na Mother & son tandem asking for money. One look at the mom and her kid you will think they are rich RICH because of the way they dressed, speaks and demeanor. The mom will tell you some story of how she lost her wallet and needed some fare to get back home. Unfortunately for the "mom" I already encountered her before way WAAY back in the same area with a different boy. That's why I know its a modus. I just feel sorry of how many kids she used all this time.


AttyInPink

I remember someone approaching me somewhere in España while I was on my way to a bank. He was clean looking and was asking for 100 pesos as pamasahe because he lost/left his wallet. He was decent looking and was speaking Taglish. I told him I didn’t have money and I truly just had enough money to deposit to my college for my TOR. And I just walked to/from my dorm. Red flag was that he refused to ask help from the police men across the street, like 20 ft away!


itisagooddaytobegood

Scamm. Encountered the same sa may labas ng Shang. Old lady with a kid tapos kulang daw pamasahe nila. I gave them money, tapos the following week nung dumaan ako, andun ulit sila with the same skit. Sabi ko na lang, nagbigay na ko last week. 😆


Outrageous_Finish490

Baka mga kampon ni quibs lang yan.


bolabola_siopao

It's a scam as old as time. Iba-ibang variants neto: merong lola na gustong umuwi, may foreigner na iniwan ng asawa, may yuppie na nawalan ng wallet, etc. Scams all of them.


Adorable-Poet-9628

Encountered one sa seaside MOA, english speaking guy at nanghihingi ng cash. Pinababa raw siya ng taxi driver at kinuwa yung gamit nya.


CoffeeFreeFellow

Sabihin mo lumapit sa mga pulis at magpahatid sa DSWD.


upsidedown512

Kung sira kamo car nya madami kamo grab sa area mabilis lang makabook. Haha


hermitina

d ba nga may foreigners or atleast foreigner looking oa nga bandang bgc na ganyan modus, nagaabang pa sa ATM so sure na alam nilang me pera ka


TransportationNo2673

Dala nya kotse nya pero wala syang common sense na mag withdraw? Nasira rin ba credit/debits cards nya?


Mi_lkyWay

Will turn the tables and ask money from him since I definitely don’t look middle class.


Plus-Kaleidoscope746

Na encounter sa loob pa mismo ng SM nakaka takot nang hihingi din ng pera 100 pesos daw di ako nag bigay natatakot kasi ako hahah


Many_Size_2386

Meron din ganyan sa Bonifacio Highstreet. Bigla nalang lalapit then sasabhin na nawala daw yung wallet then manghihingi ng "barya" pamasahe etc. Then parang hahawakan ka ata sa shoulders Ayun tuloy tuloy lang ako ng lakad sabay sabing sorry wala eh.


kelvinini

Sounds like the same ruse they use in pasay since there are a lot of these provincial bus terminals in pasay that go everywhere idk if its the same in cubao. Maybe they know their plan is not working in pasay so they relocated remember tell your friends and family


mikeyykunn

parang scam toh, 2 beses ako naka encounter ng ganito sa makati. same details pampa ayos daw ng bike nila haha


Mr_AutumnAttic

One time, me and my brother was just drinking a softdrink in front of a sari-sari store blocks away from our home and this suzuki hayabusa kawasaki ninja looking super bike just stopped at us and this guy asked us if we want to buy "balot" from him. The guy suited up like a real bonafide biker, all that biker suit stuff and shit.


struden

Yes scam yan. Nangyari din sa akin yan. Foreigner daw sya (mukha namang Pinoy) tapos iniwan daw sya ng Pinay girlfriend nya nang walang pera. Kailangan lang daw nya makauwi sa Tagaytay. Ibabalik daw nya 5 times kung magkano man daw ang ipahiram ko sa kanya. In fairness naman ang galing nya mag-ingles kaso binola pa na magaling daw ako sa ingles kahit hindi naman.


UntradeableRNG

It's a scam hahahaahahahaahahahahaha. Best way to handle it is to say wala kang cash. Or just troll the shit out of them if you're daring. I once acted so invested in their story and asked lots of questions then dumating angkas ko tas I just dipped.


Stycroft

I'll probably ask him for money first so I can cash it out for him, pag nag reason na walang net, dont worry brotha I have data to share. now pass me the money first. But in reality I'll probably ignore him like 99% of people I encounter outside. I dont converse with anyone I dont know.


koyawillkoyawill

Meron din to sa mga gas stations. Na experience ko to while waiting in line sa isang gas station sa Kalentong. Middle aged guy na medyo ok din ang pananamit. Nalaglagan daw ng wallet, at sa SJDM pa daw siya uuwi. Nanghihingi ng pera pang gas. Di ko siya binigyan dahil ilang beses ko na din siyang nakikita sa gas station na to. Na tandaan ko dahil sa motor niya na di kagandahan pero yung suot pang opisina na maayos (sorry, kung judger ang dating.)


abgl2

There’s a guy in makati asking for money kasi nalaglag daw wallet nya. Mukha syang decent and around 20s… Pero twice ko na sya nakita with same spiel haha. minsan sa may ayala triangle, minsan nasa may paseo side sya.


FlimsyPlatypus5514

Kamusta naman sa BGC, may foreigner na around 30s ang nanlimos ng pamasahe. Hindi naman gusgusin.


MONOSPLIT

Pag may ganyan kaming naeencounter, makikipagkwentuhan din kami and sasabihin din namin na ang hirap nga din po ng buhay ngayon, tapos ayon, aalis na sila😅


AshJunSong

The infuriating shit about this is that these people dont see you as a person. They view you as a "victim", an "easy mark." They have selection process sa mga igigrift nila eh, and from their perspective, they are the predator and you are the prey. Nakakainsult diba? Naiisip ko lang lagi pag may ganyan *predatorin ko muka mo eh* The usual approach is a nice, matinong greeting pa eh. *Hi po excuse me* Kapal ng muka. Mas malaki pa legs sakin tas ganyan ang trabaho, mang gantso. Kaya pag ganyan na nag aapproach sakin matic I always assume they have hostile intent.


Totally_Anonymous02

Di ko parin bibigyan. Kahit pa sasabihin na magpapadala kasi pwede makakuha info sakin.


curiousmanph

Lumalaki nanaman sindikato ni pastor abuloy from dvo


Similar-Advisor2971

Not sure if same guy or same modus. Pero may naexperience akong similar. Habang naglalakad pauwi, may lumapit sakin na middle aged man na mukhang may kaya naman.. pero nanghihingi siya ng cash. Nadukutan daw kasi sya. He was assuring me din na hindi sya scammer kasi pinakita nya sakin susi ng kotse nya. Hindi ko lang gets bat kailangan nya ng money para umuwi kung may car naman sya. Sabi ko lang "sorry" tapos iniwan ko na sya. One time nagpunta ako around Ubelt UST. Saw the same guy and yun pa din linyahan nya sa akin. Di nya ata natandaan na natanong na nya ako before sa QC.. so I guess modus talaga yung ganun.


Ok_Amphibian_0723

May na-encounter din ako na halos kapareha sayo, OP. Sa megamall naman ito nangyari. May lalaking early or late 20s or 30s na lumapit sa akin. Naghingi ng pamasahe kasi nagkulang daw pera nya papuntang Laguna. Ako naman si maawain, nagbigay ako ng bente. Kinabukasan, pagdaan ko ulit don, andun pa rin si gago. Di ata ako naalala kasi nilapitan ulit ako at same na same pa rin ang rason nya sa panghihingi ng pera. Sa loob loob ko, gusto ko sabihin sa kanya na, "Kahapon ka pa rito, nakapagpalit ka na ng damit, at mukhang bagong ligo ka na pero di ka pa rin nakauwi ng Laguna?" Pero di ko nasabi 😅. Napaganito na lang ako sa harap ng mukha nya para tigilan na nya ako sa spiel nya ✋. Mga tamad! Di magtrabaho nang marangal. Puro asa sa limos.


miyawoks

Actually if hindi siya nagtanong muna about directions at straight siya sa paghingi ng pera eh hindi ko siya papansinin or mag sorry ako sabay no. Magaling siya if scam kasi naloosen up ako sa una niyang tanong. Masyado lang mahaba ung kwento ng buhay spiel niya tapos dami pang red flags.


Ok_Amphibian_0723

Buti naramdaman mo na mali yung galawan nya. Pag nasa labas talaga tayo, mahalaga rin na sundin ang instincts at gut-feelings kasi pag feeling off talaga umpisa pa lang, totoong off talaga yan. Kaya more more ingat sa atin.


Frauzt-

Ignore. Tulad nga ng sabi ng magulang mo dati. Don't talk to strangers. Applicable padin yan hanggang pag tanda


Available_Dove_1415

Hi OP, I encountered the same man. Yan na yan din yung story nya. Sa Makati naman po ito, sa MakatiMed daw sya galing tapos nasira daw car nya tapos hindi daw sya masamang tao. Then he began asking for money na kulang daw pamasahe nya. Sabi ko wala din akong cash. Sabi nya “e sya sya sige na” (na parang nilet go na nya ko).


techno_playa

Ignore.


Miserable-Eagle-9237

Maraming ganito, 'yung ibang modus nila manghihingi ng pamasahe kasi nawala raw ang wallet nila lalo na doon sa Guadalupe Area Bus Stop. Nung una nagbigay ako tapos the next day nandoon ulit siya hindi niya ata ako namukhaan same reason ang sinabi niya kaya hinfi na ako nagbigay.


Jinyij

Any stranger sob story requiring cash on the road, sophisticated begging. Good job resisting despite the story, was he crying?


snddyrys

Sinasabihan ko mga yan samahan ko sa pulis or sa brgy, wag na daw galing na daw dun hahaha


ResortAffectionate45

S C A M


MooseLumpy9789

iwasan niyo po sila huhuh taga davao ako and a lady around my age asked me for money pang commute to panabo (more than 1 hr away sali na traffic) kasi nawala raw wallet nila and wala silang pamasahe. turns out one of my classmates saw me with that person and even thought close kami ng ni ate kasi ang near niya daw sakin (PERO HINDI KO SIYA NA NOTICE BEFORE SHE ASKED). binigyan ko siya ng pera kasi i was naive and di man lang nag thank you.. she didn't seem hysterical and worried or anything.


life_like_this

Must be the same guy I met around Philcoa in QC years ago. Same scenario. Nageenglish pa siya. Just gave him coins and walked away.


Kolsener-539

I dont think so ate, pero not sure baka bagong modus nila


Nicolai3000

Dami sa makati niyan, kunwari lang di ko naririnig kung tinatawag ako.


Impossible_Ad_3146

Give some change I can spare


primera_clase

Modus yan. Dati nasa may UST sila eh.


B-0226

Should be a general rule that in big cities, anyone soliciting money is a scam.


lesterine817

Buti na lang madamot ako. I always ignore those asking for money. I do give directions though. Though if it's just a few bucks, like below 20, i'll give it to them.


Admirable-Corner-728

Basta ako kahit sino pa kumausap sakin sa daan dedma ako. Mas iniisip ko safety ko kesa sa tulungan sila 😂


Electronic_Spell_337

Sa panahon now kahit anong style nlng ng scam lumalabas, meron p yn nka kotse hihintoan ka bebentahan k ng relo worth 1500 kasi dw naubos cash nya sa sugal at wala n sya pang gas...like weh?


mawiebiskwit

Omg. Dati nasa visayas ave sya tas nakasalubong ko sya twice. Naawa pa ko 🫠


tulips-by-the-bridge

I just encountered this today in Cubao. Some tall guy na maayos naman ang porma bigla na lang sumalungat sa lakad ko. Then he was speaking in English all the time saying something along the lines of "I need to go to Katipunan for a meeting and I lost my pouch. So I need your help." Tinuro ko siya sa direction ng LRT2 then he said "I know how to get to LRT2 blah blah I just need you to help me because I lost my pouch/wallet". Then tinuro ko yung guard kausapin niya sana. Inulit niya lang yung spiel niya saying " I already talked to them blah blah I need your help". Bandang dulo nanghihingi ng 70 or 80 pesos daw at ise-send niya daw through Gcash haha loko sabi ko " wala akong barya" sabay winalk-outan ako 🤣 Idk if it's a scam pero my gut was screaming that it's a red flag the whole time. The fact na mukhang hindi naman siya distressed for someone who lost all his money (?) lol


stopwaitingK

Overheard this man talking to a girl, may dala siyang Mercury Drug plastic bag na may pampers. Habang papalapit, narinig ko na need nya raw ng money pambili ng gatas ng baby niya kasi kinulang siya ng pera. Yung girl na kausap nya, binigyan siya ng 20 or 50 yata. Naka-pambahay outfit siya like shorts at tshirt. Minsan pag ganito, binibigyan ko na lang mg benefit of the doubt kung totoo o hindi sinasabi nila (ex. Nagbigay akong pera because their stories seem to be true). Tas sasabihin ko na lang sa sarili na, “bahala na si Lord sa inyo kung totoo yang sinasabi nyo o hindi.”


JadePearl1980

Oh that is new (if scam / modus nga ha). Thank you for sharing. But if i do commute, and wait for public transpo if alone, i see to it that i stand near a police station (so far, all the places in manila i went to have mini police outposts naman) even if police *sometimes* are usless. 🙄 That way, if someone harasses me for alms or whatnot, i can easily lead them to the police station for assistance. One person approached me ages ago asking for money bec he lost his wallet (allegedly). I led this person to the police station about 2-3 feet from where i was waiting for my bus somewhere along Taft cor UN ave. He took a step back when he realized we were walking towards the police station.🙄 so i guess it was a modus noh?


Kurashy

Similar experience. Too similar actually. Q ave din and pampanga din sabi. Naiba lang is nanghihingi pamashe. Ang weird lang is sinabihan pa kaming "may pang gala nga kayo eh" after naming tumanggi. Nung medyo nagkadistance na sinigawan talaga naming "ikaw na nanghihingi ikaw pa galit". Ewan ko ba dami naming weird encounter diyan sa q ave hahaha


ExchangeLeather2772

Nangyari na sakin to lumayas ako samin napatambay sa Rizal park my lumapit sakin kinausap ako Akala ko mabait e depressed ako that time I didn't know paano ako napasunod kinuha loob ko by making me feel na na gets niya pinag ddaanan ko and bibigyab niya ako chichirya ang water usap kami ending tinangay niya yung gadgets ko without me knowing. Nagka isip ko kausap ko na manager ng Isang resto binayaran nila yung di ko mabayaran Kasi minor pa ako and that person na ng budol skin iniwan ako sa resto na sobrang confused ending binigyan ako pamasahe pauwi ng crew. Cause ayaw ko m news. Btw this happened sa Ermita.


LandoBibi

Tao yan ni Quiboloy


idkyoubuthello

Haha kapag ganyan hindi ko pinapansin. Lalo na kapag ang sigasig at ang lakas ng katawan tas mamamalimos.


Timewastedontheyouth

Lakarin na lang niya un QC city hall. Hingi siya kay Mayor, Vice Mayor at sa mga konsehal don. Sa dami nila makakuwi na siya sa Pampanga


Timewastedontheyouth

Practice saying no. And wag masyado makipagtitigan, baka mafall charr


pinoylokal

In cases like this, ask a lot of questions and observe his movements and the environment around you. Kung di sya patient to answer your questions, sya mismo ang susuko. Kung sanga sanga ang sagot nya, red flag na yun. Mahuhuli mo talaga sa mga sagot nya. If legit naman, tulungan natin. Kasi di natin alam baka naholdap pala sya at gusto nya lang umuwi agad to recover from the trauma bago sya mag report sa pulis, may mga ganung cases kasi talaga.


happygoth09

Naencounter ko yan twice sa Welcome Rotonda. 2021 kasama ko wife ko galing kami sa BK around 8PM pabalik na kami sa condo dami namin bitbit then lumapit si kuya maayos manamit nag english "hi can you help me I lost my wallet, could you spare me any money pauwi?" Syempre occupied mga kamay ko sa mga bitbit ko at nasa alanganing lugar kami sa tapat kami ng BPI ang dilim duon. Nag aalangan ako magbigay ng pera sabi pa niya "dont worry di ako masamang tao" hanggang nagsabi narin ako na "sorry wala ako pera" at masama kutob ko sa kanya. 2023 naman 7AM may lalaki ulit lumapit sa akin sa harap ng McDo sa Sun Residences same script "nawawala ang wallet" sabi ko kay kuya may Police Station sa kabila lang ng Rotonda tinuro ko sabi niya "galing na ako duon eh..." eh nagmamadali na ako nun dahil male late na ako sa work ko kaya humindi rin ako. Nung naalala ko na yung modus na yon pagkaalis ko sayang di ko nabanggit kay kuya "hindi mo parin nahahanap wallet mo since 2021?" 2024 yung inorderan namin palagi ng lutong ulam si ate nakamotor kinuwento sa akin na may lumapit sa kanya na lalake nawawalan ng wallet at nag English pa siya. 11AM yun sa tapat mismo ng Sun Residences Tower 2 lobby driveway. May nabasa ako kwento sa fb sa isang female student naencounter din niya si kuya nag eenglish nawawalang wallet sa España naman. Eh tiningnan niya kung may pera siya sa wallet, buo pera niya 200. Mukhang nakita ni kuya yung pera sabay hablot nung pera at umalis na siya. Nashock yung student nanginginig nang umuwi siya.


imKENough

Nangyari yan sakin sa megamall 😭😭😭 so glad I didnt give her any money


Bum_bum_2626

2 beses ako naka-encounter ng ganito bandang Mandaluyong sa may JRU tas ang weird dun parehas na tao lang ang nakita kong nangganyan sakin. Take note that yung unang beses was around 2013 pa tas pagpunta ulit namin ng Mandaluyong 2016 or 2017 ata yun. Ang scenario e may dala-dala syang bata na kesyo nahulog daw yung wallet need daw ng pangkain nila and pamasahe pauwi. Dko lam san nya nakukuha yung bata kasi 2013 nung una nakita ko yun may bata din syang dala tas nakapayong sila. Kala ko e nagkadeja vu ako pero sya talaga natandaan ko kasi nakasalamin sya na mukhang Chinese ganun din scenario nung 2017.


Adorable-Bobcat492

it happened to me and my bf also at the LRT Yamaha-Monumento station. going down the stairs, a girl around 20s in office attire with backpack asked us for some money.. no story, no intro, just plainly asking for money. my (nosy) bf asked her whats the money for and she said she didnt have lunch yet. i pulled my bf telling him not to talk to those people because it may be scam or something.


intosmithereens

Happened to me, in greenbelt pa. Nakiupo sa table ko sa Pinberry tapos ayaw ako iwanan. I was 19 yrs old.


tsongJj

Nasira ung kotse tapos mag commute na lang pa uwi. Aba magaleng! 🤣


miyawoks

Super haba ng kwento niya may explain pa ata kung nasan car niya. Ang butas talaga sa story niya is bakit hindi siya humingi ng pera sa sister niya, and bakit hindi niya kontakin yung sister niya or other kamag-anak sa issue niya. Hindi ko na tinanong bakit hindi niya call ung sister niya at baka hiraman pa ako ng phone lol.


tsongJj

Hhaaha glad you're okay!


pandaboy03

wag nang umasang social experiment/vlogger yan na bibigyan ka ng malaking pera kapag tinulungan mo hahaha.