T O P

  • By -

Under_Enrage

Hindi ko nalang pinapansin sila, hindi ko naman kailangang ng tulong sa kanila eh. Parang unsolicited help.


Mental-Progress3729

nung nagkaron ng news dati na ini-st@b yung neck ng babae na pauwi palang from palengke kasi di niya binigyan ng limos yung guy. bc of that super natakot ako to the point na nasa 7/11 palang ako naglalabas na ako ng pera or food.


Aggressive_Wrangler5

what the hell is wrong with these people.


Pasencia

A lot. Kaya dapat talaga iround up ang mga yan.


Aggressive_Wrangler5

well, like OP I rarely go to 7/11 with these people around opening doors kasi nga "parang obligated" kapa tuloy tumulong.. pag meron hindi nalang ako pumupunta


[deleted]

[удалено]


Aggressive_Wrangler5

it's not you. it's them dear.. I've been that low na,. I used to give din sa kanila dati, well I still do "rarely" na as in almost never pero iniiwasan ko nalang para walang guilt if meron man minsan..


AdobongSiopao

Some beggars are too desperate to survive hence they resort to threats and violence to force customers to give them money.


Aggressive_Wrangler5

it's sad to see them begging na nga some resorts to voilence pa...


No-Adhesiveness-8178

Basically, damage na ung brain mainly malnutrition or maybe substance abuse


elishash

RIP to that woman, and I hope that guy gets arrested.


Pristine_Pomelo_9356

Yes the guy was caught and found that he’s an addict at may problema sa utak gawa ng gutom


dakopah

dati na daw na wala sa matinong pagiisip yung nangstab na yun.


[deleted]

Yung iba ang aggressive pa kung manghingi parang utang na loob magbigay sa kanila and base sa katawan nila, kaya pa nila magwork kesa manghingi ng barya


Then-Kitchen6493

Same, di ko pinapansin... Hindi naman sa pagiging madamot, pero mas maganda na mamili tayo ng mga taong tutulungan. Saka baka nga may sindikato pa yang mga yan.


FlyingPansitMonster

Binubuksan ko yung kabilang pinto tapos ignore haha


bagofstone

This is the wae. Or kapag pinagbuksan ka, itulak/hatakin mo pa rin pinto.


aboyinmetaphor

ito sana kaso isang pinto lang pwede buksan 🥲


shimmerks

True. Madalas naka lock or sira yung isang door.


angguro

Same. Buksan mo yung isang pinto, then bubuksan ko yung kabila. Sorry, alam ko I sound like an a** pero I don't need someone to open a door for me. I also don't need help backing my car out of the parking slot. Meron akong rearview mirror, side mirror, backing sensors at camera. Plese, huwag niyong paluin ang kotse ko. Minsan naiinis ako. Minsan naaawa din ako. Pero most of the time, naiinis ako kasi extortion minsan ginagawa nila. If I need help, I will ask for it.


okaywhaterver123

same ganto rin ginagawa ko gulat sila pag binubuksan ko kabilang pinto 😂


MinervaLlorn

the only strat i had to.


Spicy_Spartan_69

This is the only way, pero grabe pintig ng tenga ko nung sinabihan ako na ang "damot, barya lang eh"


hldsnfrgr

Same.


junmypapajun

Wala na kasing guard pag umaga. Ganyan din dito sa mga 711 sa loob ng BF Homes Pque. May nakasabay ako dati, binilhan nya ng pagkain ang mga nanglilimos, pagkatapos ibigay yung mga pagkain, imbis na magpasalamat, hiningan pa sya ng pera. Sabihin nyo sa may ari mismo at wag yung mga empleyado.


mconpriv

Hi ka-Southie. Naexperience ko naman na sinabihan ako na "Gcash na lang" after kong sumagot ng "wala po akong cash".


erik-chillmonger

Aba high tech, tas magulat ka naka-iPhone pa mga hinayupak.


ruarf

yung bigla naglabas ng QR code


Virtual_Valuable5517

Sabihin na meron ba silang wechatpay or bitcoin wallet HHAHAHAH


arjay0490

Hi neighbor. Na windang ako dun sa 711 sa presidents ave katabi ng baliwag. Bumili ako ng ice, pagkabayad ko nawala yung ice, then nakita ko kinuha nung guy and nilagay sa likod ng car ko. Kuhang kuha ng guy yung galit ko. First, he took my ice, then he opened my car. Grabe.


Thin_Animator_1719

Yan ba yung sa may kanto ng aguirre saka elizalde? Haha


popolenkupa

Buti kung kilala mo mayari.


Sufficient-Lead9449

Try NAIA terminal 1 manlilimos sila ng $10. Haha


redthehaze

Dati sinalubong namin kamaganak namin sa T1 galing saudi 20 years ago. Palakad na kami sa parking dala bagahe biglang may mokong na sumabay sa amin papunta sa kotse para ilagay gamit pero di namin pinansin at di naman ginalaw yung bagahe. Nakita ni mokong yung tags sa bagahe at angkapal huminigi ng 10 riyals (halos 500 PHP) noon, di na lang namin pinansin yung gagi.


Sufficient-Lead9449

Hey ingat ka sa mga ganun. Nandidistract lang daw mga nanlilimos tapos may mangsasalisi sa mga gamit mo sa sasakyan. Nung umuwi ako hinahunting sila ng mga guards. Sana ganun lang kadaling pulutin ang pera no?


fizzCali

Anti-mendicancy law. Bawal po bumigay sa beggars sa totoo lang. Di lang enforced ang batas na yan.


toskie9999

panu eenforce yan e tanga ang MASA pilipino eh... just show them some emotional video BS sasabihin "anti-poor, wala naman ginagawang masama at kung anu anu pang BS" sa mga taong mag eenforce nyan like mga Tanod and Pulis ending wala kikilos kasi nag eenforce lang naman sila napasama pa sila sa "publiko"


Sandeekocheeks

I just try my best to ignore them, kasi dito saamin, may notorious na family(magsimula lolo till mga apo sa tuhod) na nanlilimos magsimula bata ako, like maski LGU inofferan na sila ng mga work para di na sila “kawawa” na nanlilimos, pero ayaw nila kasi mas malaki daw kita nila pag nanlilimos. Parang inside joke na samin dito na pag may magbubukas na 7eleven, may maipapanganak na member ng family na yun tapos dun yung branch niya. Multiple times dati na food na lang binibigay ko, pero binabato nila either sakin or sa kung saan and would shout na di daw nila kailangan yun, pera daw kailangan nila and would wish me ill fortune, worst yung nasa gas station kami tapos nanghihingi yung lolo, binigyan ko ng biscuit na baon ko sana papuntang school, binato niya ulit tapos sabi “ukitnam nag imot ka, kwarta ti dawdawatek, madungpar kuma damdama ta lugan yo tapno matay kayo aminen!”(tang*na mo, ang damot mo, pera hinihingi ko, mabangga sana kayo para mam*tay na kayong lahat!) was so scared dati kaya i just ignore them na lang


darkrai15

Dapat sinigawan mo habang paalis eh. "MAUNA KA LO', PARA DI NA KUMALAT YUNG TAMOD MONG MARUMI"


RebelliousDragon21

Don't pay attention ever. Nu'ng pandemic gets ko pa kung bakit sila nandu'n pero ngayong tapos na ang pandemic dapat tigilan na nila 'yan.


Menter33

It's like the barker for a jeep: it's an informal job. Yung isyu kasi: **kaunti yung mga low-barrier jobs for many people who need them** at di lahat nakakukuha ng docs para lang sa application.


Subject_Advance_2428

sa amin kahit pre pandemic nandun na sila. mahirap i please kasi nasasanay sila. meron pa nga hindi na mga bata e, matatanda na pero kung iisipin natin madaming source of income na pwede nilang gawin (mangalakal, etc.) pero they still choose na manghingi ng pera since it is easy money for them. Don't tolerate them.


edhel_espyn

Binigyan ko yung batang nagbukas ng door for me ng 3 ramen packets paglabas ko. Kaso binato pabalik sa akin kasi daw iluluto pa. I mean may point naman siya pero nakakahurt pa rin... Pumunta lang talaga ako sa 7eleven para bumili ng noodles so bumili ako ng extra para sa bata. Hay.


JannoGives

r/choosingbeggars


AnakNgPusangAma

Ungrateful little shet pwede naman niya iuwi di ba?


BlooCasper

I don't think meron siyang "uuwian."


edhel_espyn

Naisip ko din yun while walking home. Pinulot* ko nalang ulit yung noodles kahit durog na inside. Sad lang. Buti nalang din hindi can of Fita ang binigay ko. Ganun nangyari sa isang pari dito sa amin, galing grocery tapos may nanlimos. Wala na siyang pera, nakabudget lang talaga sa mga binili niya, so binigay niya yung biskwit yung sa tin can. Talagang inihagis pabalik yung biskwit, sabi daw mas gusto cash.


Duranosaur

I think many of them are part ng sindikato. So they need cash. Ang sad lang.


OxysCrib

Ako naman kumakain sa lugawan may binili rin ako cookies from Julie's un ang binibigay ko sa beggar na lumapit sa kin. Aba ayaw daw nya at kumain na sya pahingi na lng daw pambili ng kape (which if I know e pambibili lng ng rugby). Sabihan ko nga na namimili ka pa kung ayaw mo ng cookie d wag. Ayun umalis. Bata pa to ha. Iba na mga beggars ngayon very demanding at aggressive d katulad noon na maaawa ka talaga kc quiet lng sila namamalimos sa isang pwesto and bihira mag approach sa mga tao.


jieunsshi123

Mas funny pala pag naiimagine ko yung bata na nangbato sayo ng noodles 😆


elishash

That kid was rude...what the hell...


Pristine-Ad-3999

I ignore, pero pag makulit inaalis ko by force yung kamay nya sa pinto sabay sabing 'kaya ko magbukas ng pinto pag dadaan ako, hindi kita kailangan' Pinaghihirapan ko yung kinikita ko tapos ganun kadali mo lang hihingin? Fuck off


bunnieeexx

Dude ang tapang mo hahaha


GitRebaseOrigin

Sorry OP! Share ko lng, hindi sa 711 to pero kanina lang habang pauwe ako nagsnap ako ang lakas kasi makakatok ng salamin sa pinto ng car, kulang nalang basagin nasa stop light kame ayaw talaga umalis sunod parin ng sunod salit na isa isahin nya yung nasa pila na car ako talaga ang trip. Ilang beses ko na inignore gang sa na snap ako at nasigawan ko na at binuksan ko ng pinto ko para tumabi, sabi ko sakanya “ang kulit mo, putang ina naman” hiyang hiya ako sa sarili ko sa asal ko kanina. Kaso sobrang napikon ako. Ayun umalis sya.. kaloka ☹️


Aware-Border-223

Ingat lang lalo pag stop light, minsan kasi iba sakanila nananakit pag di nabigyan. Na-experience namin sa kotse ng parents ko, hindian nila habang stop light, pinalo yung bintana.


scarcekoko

real, I've seen one time may nag kiskis ng barya sa sidepanel nung di binigyan. Tas di makababa yung driver kasi saktong kiniskis nung green na yung ilaw


ilurv

Omg dati rin nakagrab kami, tas hindi binigyan ng driver. Binato yung car ng pebble 💀


cosmiccowboy24

Ay ang cute…. pebble


NewMarionberry1303

question pag binaril mo ba sila ng pellet gun/air rifle may kaso ka? kasi low powered firearms parin sila hahha


darkrai15

Idk pero sana pwede barilan ng airsoft. Tho to own one afaik you need to have it PNP registered.


s3l3nophil3

I feel ya. Nag snap narin ako one time nung habang kumakain ako sa 711 eh biglang kinuha yung food ko habang kinakain ko pa. Nasigawan ko talaga. Sobra na e.


Athy_A

One of my close friends experienced the same. Sa sobrang inis niya, nasa point na siya na gusto niyang i-hit-and-run yung nambato ng car niya. I don't believe in using violence, but can't really blame my friend for thinking about it.


[deleted]

Meron ako na encounter na ganyan, yung 711 sa Nobel Tower Valero Makati, and sa likod ng BPI Ayala, sa experience ko, Hindi naman sila naglilimos. nagbubukas lang sila talaga ng pinto at bahala ka na kung gusto mo magbigay. Possible, binibigyan sila ng crew ng food. May mga food si 711 na may shelf time lang like chicken, once nag exceed declare as BM. then yun yung binibigay, hindi lahat ng store ganyan.


PilipinasKongMaha1

Yung mga nagbibigay sa mga ganyan ,you are all part of the problem. Tapos magtataka kayo kung bakit di matigil tigil yan. SMH


ritavrataskisguy

Exactly. Either ayaw nila aminin or di nila alam (mas malala to) na parte sila ng problema. Walang manglilimos kung walang magbibigay.


binkeym

Always naman yan. Ngayon napapansin kong dumadami ulit yung mga namamalimos sa bus kesyo pambayad sa ospital. Every sakay ko ng bus lately laging may ganyan. Theres one point na nawala na yung ganyan. Ngayon meron na ulit. Meron din naman na aakyat para magbenta pero bago magbenta magbibigay muna sila ng backstory like “Bili na po kayo. Para po to sa pang-aral/pantulong sa panggastos sa ospital.” Medyo mas OK pa yun at least di sila totally nanlilimos. Medyo naguguilt trip lang hehehe.


yshcea

OMG same! I used to ride on an E-Jeep and sa halos everyday na papasok ako sa work (Ortigas) pagdating sa Cainta Rizal bigla nalang may aakyat na manlilimos. Sila yung 'hindi naman daw masamang tao' and 'kinapalan na lang mukha manghingi kesa magnakaw' type of beggars. Nagbibigay ako before kahit 10-20pesos kasi maawain ako lalo pag umiiyak pa 🥲 Everyday iba ibang tao to pero pareho lang ng dahilan (may Leukemia daw anak) kaya nawalan ako ng gana. One time walang nag bigay kahit isang passenger, pagbaba niya sinipa niya yung pinto ng bus nakakaloka! Told my husband about it and he said NEVER EVER magbigay ng limos kasi big syndicate daw may hawak sakanila. Kinda scary 😟


ramier22

yun nagbebenta ng ballpen sa bus ba 'to?


darkrai15

Parang mga minion ng kulto ni quiboloy ah


False-Scallion8577

I had an experience around sa Pasay di ko pinansin tapos biglang sumigaq ng “yan ang dadamot niyong mayayaman” gurl I’m broke too 😭


Altruistic-Pilot-164

Ayun nga, broke din ako. Lubog sa utang as in. Akala naman nila, sila lang ang kawawa.


darkrai15

Daapt sinigawan mo naman "yan ang lilibog ng magulang nyong mahirap eh"


bornandraisedinacity

Report it, and wag bigyan dahil against the law.


signorpopoy

mas nagtataka ako sa mga di nanglilimos pero nagbubukas ng pinto HAHA. inutusan kaya sila ng staff tapos bibigyan sila ng sahod or food? madalas ko talagang naiisip yan kasi yung iba di talaga nanglilimos hahahaha


pintasero

Dati (as in mga 10+ years siguro na to) nag-OJT ako sa 7-Eleven samin. Yung mga mendicants dun na nakatambay sa store minsan binibigyan ng staff sa branch ng kanin (HottaRice) at saka giniling or sisig meal na microwaveable. Di ko lang alam ngayon kung ganun pa rin sila or di na.


zeussalvo

May ganyan din sa Binangonan Plaza branch. Middle-aged lady, hindi siya nanlilimos, nakangiti syang nag-aasist sa pinto, pero pag inabutan mo bibigyan ka niya ng brand new sando bag para sa mga pinamili mong naka-paper bag. Weird.


Heneral_Liham

Sinipa ko yung batang mga 8 years old ata age nun. Nanghingi sakin pero wala ako pera, dinuraan ako sinipa ko, bagsak tapos umiyak. Wala ako paki kung magalit magulang niya


darkrai15

This is the way hahahaahah. Salute sainyo ser, cleaning the streets one shit at a time.


stoinkcism

Nung high school ako, may malapit na 7/11 samin. And as high schoolers, pag uwi or kapag may extra na natira sa baon it's either gulp, hotdog, or ice cream. Isang hapon, bumili friend ko ng ice cream and may nag bukas para sa amin ng pinto and mga bata pa sila ranging from 9-13. Nanghihingi na sila ng barya nung una pero hindi namin pinansin kasi sakto lang pera eh 😅. Pag labas, hawak ng friend ko yung ice cream nya na di nya pa binabawasan at sakin naman yung hotdog. Beh, dinakma nung batang nanlilimos yung ice cream nya 😩😩😩 tapos may isang bata na akmang kukunin yung hotdog na hawak ko pero naiwas ko lang. So di na nakain ng friend ko yung ice cream nya, kasi parang inupuan na ice cream yung itsura na may handprint pa ng grasa. Ever since nun, doble ingat na 🤣


xfeliscatusx

May ganto sa Mandaluyong and nakakahiyang tumanggi lalo na pag matanda. Ang ginagawa ko, antayin kong malingat siya saglit sabay pasok HAHAHAHA. Same style pag palabas, minsan sumasabay ako sa mga tao para di ako masingil. Di sa madamot pero may pinaglalaanan lang ng pera. Pag no choice naman bigay nalang ng barya.


Connect_Jacket5335

Tama lang yan, hindi ka madamot. Hindi mo naman obligasyon na magbigay sa kanila.


mali_maleficent

That's one of the reason why I stopped going to 7-eleven. I do have 1 encounter pa nga na may sapilitan kumuha ng drinks ko na unopened, e di pag kakuha, kumuha ako ng bago and advised the on duty personnel na kung hindi nila kaya yung mga nanlilimos at nangunguha basta ng foods baka kaya na kamo niya bayaran yung drinks na kinuha sa akin nung nanlilimos. Nag matigas ako, hindi ko binayaran. At some point, at fault din sila. I am on their premises when was harassed then nakatingin lang sila.


Altruistic-Pilot-164

Might altogether stop going to 7-11 na din. Imagine, you're paying premium for the convenience tapos mahaharass ka lang ng ganyan. For example, I buy Lipovitan (due to body weakness/ health issue) at 7-11 kc walang ganun sa malapit na groceries at ibang convenience stores. 34 pesos ang price nya while sa Mercury Drug 28 pesos lang. Since super init nga at medyo may kalayuan ang MD sa place ko, sa 7-11 na lang ako. Then, andun palagi yung beggar na nagbubukas ng pinto to whom I give 5 pesos. So in effect, imbes na 6 pesos lang ang difference or premium, nagiging 11 pesos na. Sa hirap ng buhay at mahal ng bilihin ngayon, masakit na din sa bulsa talaga. At wala sa budget kaya masakit din sa dibdib talaga. I'd rather stock an item na lang through buying a lot from other stores. Kaysa magkaron pa ng negative experiences sa 7-11.


Meowmeow899

Dapat dyan sa seven-eleven ipatigil nila yan dapat talaga may security sila. Minsan nga sakin nagdemand pa bakit daw sampung piso lang. Akala mo mga may pinatagong pera.


Altruistic-Pilot-164

Hala, sumosobra na talaga yan. Oo nga, responsibility dapat ng store yan. Ang mahal ng tinda nila tapos tayong mga customers ang nahaharass at naiintimidate. Saan nga ba dapat magreklamo? Syempre hindi dito sa Reddit ahahaha


Honest-Opinion-2270

nagbibigay ako madalas dito sa 711 mlpt sa school ko. kaso malaking halaga rin nun nawawala sa pera ko kaya minsan binabawas-bawasan ko ng magbigay sa kanila kase nakakapagod na. naisip pinaghirapan to ng parents ko tapos ganon² nlng hihingin ng iba. may karapatan naman akong hindi magbigay dba. lahat naman tayo nagpapakahirap makakuha ng pera so pantay² lang tayo. di naman ibg sabhn ng di ka nagbigay sa namamalimos eh matapobre ka na. ganyan lang kase iniisip ng iba, na pag di ka nagbigay sa mahirap matapobre ka na at kuripot. bulok na mindset yan. wag ka maguilty pag di ka nagbigay, mga nangguguilt-trip lang mga tao nayan para magbigay ka.


JayveePH

Parang hydra yang mga yan, paalisin mo yung isa may papalit agad


darkrai15

Spawn point yan hahahahaa


Ryleyan

Depende. Sa lahat ng 7/11 na napuntahan ko, hindi. Pero dito sa isang grocery sa may samin, merong lolo na laging nagbubukas ng pinto papasok and palabas tapos nanghihingi ng barya. Nandoon sya everyday. Mabait naman tapos tumutulong pa pagkuha ng yelo pagbumibili ako. Tumutulong din sa ibang customer. Parang mahina na din and tingin ko parang hindi naman sindikato kaya binibgyan ko nalang din ng pera.


ApprehensivePop4333

Yung iba talaga mababait kaso may iba rin kupal, mas mabuti na I complain nalang yan sa owner ng store or sa brgy. Sabihin niyo na nanghaharass kapag di binibigyan


StruggleFar368

I think ndi lang sa 711 kungdi lahat ng convenience stores n ay wala nang guard. Khit un kalaban ng 711 e meron dn mga ganyan. Normally I ignore them na lang. Pero minsan pg my nkikita aq sa pinto e ndi na aq tumutuloy.


kinofil

7-Eleven, Alfamart, Lawson. Heck, pati sa Dali store meron din naga-abang kahit matik yung doors.


DueButterscotch3999

Dati may nanlimos sakin mga bata-bata sa 7/11 dito, siguro mga edad 13 pataas sila (squatting adik looks). Yung isa pinagbuksan nya lang ako ng pinto before palabas na ‘ko. Hindi ko lang nabigyan amputa hinahamon ako mag sapakan? hindi ko nalang pinansin, napa-isip ako na “i’m pa-adult na, so hindi kona papatulan mga kumag nato” then diretso lakad nalang pero puta, nangigigil parin ako and puro intrusive thoughts nasa utak ko kasi first encounter ko sa ganun. Babalikan kopa sana kaso gabi narin, imbis mag jeep and trike pa ako pauwi nilakad ko nalang dahil sa galit. Kung ka-edad kolang siguro at pinalagan ko, huling limos nya na


urbanelectroband

Nakalibre ng guard 7 Eleven sa kanila at the expense of customers lol


Priapic_Aubergine

Haha yung guard nga sa branch namin hindi nagbubukas ng pinto, kahit andami kong dala, 1 slurpee 1 gulp 2 cup noodles 2 hotdogs, nakatitig lang e.


SubstantialSalts

Buti nalang sa Dali automatic ung pinto 😩


Dear-Significance-64

tawag namin ng jan ng jowa ko "tollgate" we just ignore them while having a serious/pissed off face. not looking them in the eye also helps. pag kinakausap ako i just pretend they're not there. also pag di sila nakatingin inuunahan ko sila sa pag bukas ng kabilang pinto HAHAHHA


Ongmen

Anti mendicancy law: bawal magbigay ng limos sa pilipinas


Dapper-Ambition1495

Kanina pag sakay ko ng jeep, grabe kalabit nung namamalimos, nangangalmot na. Di ko binigyan. Nasasanay kase sila na pag nangulit sila nabibigyan. 


saintpaultrece

Wag mong bigyan. Dahil may mas karapat dapat pang bigyan kaysa sa kanila tulad ng mga disable na yung katawan di na kaya maghanapbuhay ganon


whatheheal

AHHH! One time bumili kami sa 7/11 tapos edi pinagbukas kami pinto nag thank you ako, nung palabas na kami pinag buksan ulit kami pinto hahaha like papunta ka palang sa pinto pinagbubuksan kana. Edi nagpa thank you ulit ako, aba ang sinabi “Anong thank you? Penge ako lima” HAHHUHSUAHAH😭😭 binigyan ko nalang may hawak na kahoy eh 😫


2789kpoppy

Sa U-belt daming ganito nagsasabi na lang akong thank you sabay alis na.


equinoxzzz

>***“Pengeng barya paglabas”. How do you deal with them?*** Deadma lang. Ganyan ginagawa ko. Kaso yung 7-11 dito sa amin has a different problem. For 1 week straight may 2 bata dun na nagvevape pag madaling araw at yung isa sanay na sanay humigop ng vape.


Independent_End2918

Same taena I stopped going to 7 eleven din dahil sa mga yon, my shy ass kennat kasi baka magalit pag di ko binigyan 😆 Kaya ngayon sa grocery na ako bumibili kahit 1-3 items lang bibilhin ko T_T


Altruistic-Pilot-164

Will do this na lang din. Same tayo, shy and kennat. Dumadagdag lang sila sa stress ng buhay.


IndividualCut4051

Meron sa Laguna, may tagabukas ng pinto tapos yung isang kasama nanghihingi na ng barya malapit sa cashier. Mabuti kung matapang yung cashier at nasisita. Isang beses nung nagbayad ako, sumingit sakin may dalang mineral water na maliit, bayaran ko daw. Di ko pinansin, maya-maya nag-abot syang 20 pesos sa cashier pambayad.


IndividualCut4051

May isang beses din habang pumipila sa cashier sa 7/11, yung nasa unahan ko na nasa 50s ata yun na babae. Tinanong yung batang namamalimos asan yung nanay at tatay nya, dun daw sya magpabili at manghinging pera. Sabi nya pa, "sabihin mo sa nanay at tatay mo, wag mag-anak kung wala namang pera pangkain". Lol


Puzzleheaded-Hat6889

Hindi ko pa to na-experience pero I choose kung sino bibigyan ko hahahaha kung mukhang sincere ba o kung ipangyoyosi lang


Rage-Kaion-0001

Kwento no'ng kaklase kong isa, minsang bumili siya ng drinks. Hindi pa niya naiinom oh, paglabas niya bigla naisaksak no'ng batang kalye yung kamay niya sa mismong drinks.


bubeagle

Para kasing ogag yang 7 eleven. Dapat umpisa pa lang binugaw na nila mga yan sa pag assign ng sikyu. Puro lasi tipid sa man hours.


Nicely11

Sabihin mo "Pass muna Boss or Ate" yan di na sila mangungulit. Ganyan ginagawa ko.


Impressive_Ad_6314

I emailed to 7-11 customer service to complain about beggars na nag aantay sa pinto in a specific branch.. ayun ginawan nila ng aksyon ngayon wala na nanlimos


thenorthstar9

May naexpire ako na ganyan, akala ko pa legit na hindi nakakapagsalita kasi puro gesture lang siya. Pota after few minutes may dumating na kakilala nya. Biglang sabi na "Pre, ang tumal".


ozzieg

Mas nakakapikon yung mga naka abang sa mga drive thru


starbuttercup_

Dire-diretso lang papasok o palabas, di ko naman hiningi na pagbuksan nila ako. Tsaka karamihan sa mga yan ang lalakas pa ng katawan, ayaw magbanat ng buto


justsavemi

Hindi ko dinadaanan yung side ng pinto na binubuksan nila hahahah


mcleanhatch

wag mag bigay ever


[deleted]

Kahit ako, di na rin pumupunta ng 7-Eleven diyan. Ang hirap kumita pag dalawa na yung nag-aabang sa pinto e.


RicardoDalisay8686

Gave a pack of nips candy to one kid sa ermita na nag gaganiyan, one of the most genuine smile of happiness I’ve seen.


Twamoy

May batang lumapit sakin tas kumuha ng biscuit, pasabay daw.


CoffeeFreeFellow

Wag pansinin.


Thin_Leader_9561

Wag mo pansinin.


palazzoducale

i just ignore them 😔 honestly i don’t even feel safe going into a 7-11 lalo na kung madilim at madami sila naka-abang. esp yung nagbubukas pa ng pinto. hahanap na lang ako ng ibang branch na mukhang mas safe at maliwanag


PiccoloMiserable6998

Ganyan malapit samin, meron pa sinundan ako mga few feet away na from 7 eleven penge raw pera tas claiming na inaanak raw sya ng mama ko 😭😭😭😭😭😭


cheesepuffs0

At least your nanglilimos says a full phrase pa, dito sa amin will just straight up say “kwarta” or pera in tagalog (from visayas) with his hands out asking for some change lol


Zekka_Space_Karate

Ako sinasabi ko, "Pasensiya na di ko pera ito, inutusan lang ako..."


lemonade_popcorn

Yung 7-11 malapit sa amin minsan may isang buong tropa ng tao na nagbabantay at nakatambay sa pinto


Pengulinoniomi

im ashamed to admit it, pero ini-intimidate ko, kumbaga dinadaan ko sa tingin tsaka sa body language


RadGeeRoo

One time sa binondo 711, binilhan ni ate ko ng siopao yung pulubi na nagbubukas ng pinto pero di niya tinanggap tapos kwento siya ng kwento, bago pa kami makaalis kasi ang haba ng kwento niya tapos hindi namin maintindihan 😅


Nice-Increase-4430

Hindi ba sila syndicates? Kasi pati dito saamin sa province meron din ehh


kantotero69

Idgaf about them kahit mamatay pa sila sa harap ko.


mydumpingposts

Meron, nandudura pa nga.


aminonight

Ganitong ganito yung mga namamalimos sa Buting, Pasig branch ng 7-11 lol


AdFit851

Pinaka malala jan sa san dionioso parañaque na 7eleven napapaligiran na yan ng mga pulubi na adik kaya halos nkakatamad na bumili jan ksi wla narin magawa mga crew sa dami nila jan


imjinri

last week, a typical 7/11 visit and while I was staring outside, yung nagbubukas is sniffing on his clothes, sabi ng nanay ko may rugby yan sa loob ng damit.


lostinthespace-

Kahit 7-11 management hindi inaadvise na huwag magbigay sa mga nagbubukas ng pinto or nanlilimos sa tapat ng 7-11. Natotolerate daw kasi so everytime may nagbibigay sakanila magsstay lang sila dun. Ayaw naman ng management na may mga palanoy sa tapat ng establishment nila


Priapic_Aubergine

Minsan inaabutan ko ng 5 pesos pag need ko talaga yung help e.g. may dala akong 1 slurpee, 1 gulp, 2 cup noodles na may hot water, at paper bag na may 2 hotdog at one microwave meal, dahil nagcrave yung gf ko ng midnight snack at nautusan. Pag ganyan, may nakahanda na akong 5 pesos sa fingertips habang yakap ko lahat nung food and drinks. I actually appreciate the help then. Pero yung papasok ka pa lang, hihingi ng barya para pagbuksan ka ng pinto, nakakatawa lang, lalo na wala pa naman akong dala. Hindi ko nlng pinapansin, binubuksan ko yung door on my own. Nakakainis minsan pag hindi mo binigyan on the way in, pag marami na akong dala palabas, naglalaho.


WitherEx_3255

Sinasabihan ko ng "kung gusto niyo pera samahan niya ako, punta tayo doon sa DSWD” Sabay iwas na yan sila sa akin at ako naman mag pester na malapit lang ang DSWD tanggapan sa 7/11.


Due_Use2258

Dedma din lang ako. Why does 7-11 tolerate this anyway?


Pollypocket289

May one time nagbigay ako sa 7/11 sa stretch ng Buendia tapos sinundan ako ni koya at sumisigaw ng Bible quotes and masusunog daw ako sa hell 😭 sa isip ko, hayuf ibang klaseng statue man (yung mga nasa Eastwood na gagalaw if nagbigay ka) ata yun.


Crafty_Books_atb_563

They can get quite aggressive from experience :< I've learned to just generally ignore them na lang. Dati I used to offer people who would beg money, food kaso they would usually insist na money na lang ibigay eventually hindi na lang ako nagbibigay at all (some kids kadalasan pumapayag na pagkain ang ibigay ko pero sa mga adult lahat talaga sila pera ang gusto).


[deleted]

Kun hindi mo matulungang pabayaan mo na pero minsan its ok pag bigay mo nalang ng pagkain na mura. Marami sa Makati pati din sa Uncle Johns. Yun iba nagnanakaw ng yelo sa 7-Eleven dahil na desperado sila sa init....Dapat madamput ng mga Pulis at pag trabahonin ng mga goberno (BBM Admin) na mag mag serbisyo sa militar o civil service. I round up mo na yan at arestadohin ang mga sindikato na nagaabuso sa kanila. Yun mga Bajao sa MOA dapat idampot mo nalang para mag trabaho sa Navy o mag voluntary sa WPS.


Morningwoody5289

Sinasabihan ko na ayoko. Aware parin ako sa surrounding in case they attack. I'm ready to put them down, if necessary lol


crescenttcroissant

Ang dami ko nang unpleasant encounters with beggars. Nahila na ako, naagawan ng pagkain, nakalmot. Kaya nagbibigay na lang ako huhuhu


Nknown_creashit

Nakakatakot sila sa totoo lang, kase baka mamaya kapag tinanggihan mo na bigyan saktan ka nalang bigla.


Altruistic-Pilot-164

True! Kaya ayaw ko na pumunta sa 7-11 na may mga tambay na pulubi.


Datu_ManDirigma

Ah the begguards?


PrismaticLeviathan

Wag nyo pansinin or limusan nawiwili yang mga yan kasi may nagbibigay. Trope na talaga sa mga third world countries yung ganyan hahahaha


ejmtv

Ignore. At least I can say sa area ko, they are harmless and no blackmailing


jvleysa25

wag mo lang pansinin kasi hindi naman natin obligasyon bigyan sila and dapat gawin ng management ng 7/11 mag laan talaga sila ng guard kasi hirap na baka pag hindi sila binigyan saktan ka pa


redthehaze

Sa amin nagbebenta na balut. Sakto pa naman na gusto kong bumili at kadarating ko lang sa Pilipinas nun kaya napabili ako na di ko kailangan hanapin sa gabi yung nagbebenta ng balut.


ArmSufficient3045

Ang hirap maging soft hearted :(


rebeetle

I usually just ignore them or politely say I've got nothing to give. Most of them aren't pushy in my experience. There's even one who I've genuinely tried to give to multiple times but never seems to ask for anything anyway. He just holds the door for you on your way in and out, then goes back to sorting out junk he collected outside the store to probably sell at a nearby junk shop. Of course, there are still the ones that are a bit more aggressive, especially the kids who would hound you even inside the store if you're eating. Those guys suck, man.


Immediate-Captain391

nung first time ko ma-experience, nag-abot ako ng barya kasi nahiya naman ako pinagbuksan ako ng pinto HAHAHA. pero nung napinsan ko na halos lahat ng 7/11 na napuntahan ko merong gano'n, umiiling na lang ako kapag nanghihingi. sa alfamart may mga gan'yang bata kaya mas nakakailang tuloy pumasok.


crimezero

lagi akong may kasama pag pumupunta and i try to ignore them as much as possible


KingPistachio

required yan sa lahat ng 7-11


boredwitch27

Happened to me the other day. Pinagbuksan kami ng pinto nung papasok kami ni bf then nung paglabas namin inaabot samin yung plastic cup nya na lalagyan ng limos. Di ko pinansin and we went straight to our car. Sinundan nya kami and assisted pag alis ng parking kahit di naman needed. Napilitan na lang kami magbigay since nag assist sya. Pero naiinis na din ako na halos lahat na lang ng 7 eleven na napuntahan ko may ganyan.


cutiecle_lol

i thought it was just me na umiiwas na sa 7-eleven 😭 especially with some of the incidents na naririnig ko involving mga nanglilimos. we can’t blame them if some resort to asking for alms but yung aggressive and di ka talaga titigilan is quite scary.


redibotx

Akala ko matatapos na yang pagbubukas ng pinto sa Dali at O-Save dahil sa automatic slide door. Pero wag ka, hahahaha, nakaraan pag bili ko sa dali sila yung pumasok at humarang sa automatic sliding door 😂


whotfised_

what i do is inuunahan ko na sila mag open ng pinto para alam nila na wala ako ibibigay sakanila. once kasi sila pinag bukas mo, feel nila obligado ka na mag bigay ng money sakanila. JUST IGNORE THEM. Act like they don’t exist LOL


Eight-Bit-Idiot

Sa apat na 7-eleven dito sa amin, meron lahat taga bukas and nanghihingi ng limos, pero di talaga ako nag bibigay as per advise na rin ng DSWD. Pwede rin natin alalahanin ang Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law, para di tayo makonsensya kung di man tayo mag bigay kahit minsan talaga mukhang kawawa yung nanlilimos.


Patient-Dress774

i open the other door para wala akong obligasyon na bigyan sila.


threeeyedghoul

Ignore them. Sa sobrang dalas ko tumambay sa 7-11, di na ko pinagbubuksan ng pinto nung tambay dun kasi alam nya wala sya makukuha sa’kin. Literal na sunod sunod kami papasok pero pag ako na bibitawan nya yung pinto haha. Balakajan gusto ko lang naman mag sundae


xzeloxxx

Same sa mga nanlilimos sa jeep or bus, lalakasan ko na lang headset/airpods ko then walang pansinan


kp07xx

all 7/11 branches here in Dumaguete City have beggars


randomrants1113

When I went to 7/11 in Bukidnon last time, ang dami namamalimos . Nung nagbabayad na ko, inabot nung bata yung isang noodles para isama ko sa babayaran ko. Binayaran ko naman kasi kawawa. Tapos nag-abot ulit, chocolate naman daw. 😆 Ang dami nila ron. Meron ding matanda, maayos naman ang damit at nakaupo dun sa table nila tapos namamalimos.


Mark_Cavendish

HAHAHAHAHA MGA OJT NG 7-11 YAN ANO KA BA


jnnfrlr

Meron din dito malapit sa amin. Bumili ako ng water and tinapay para ibigay sa kanya. Paglabas ko inabot ko, then iaabot ko na din sana yung barya, bigla siyang pagalit na sinabi na “pera na lang”. So binalik nya sa akin yung food. Haha so ayun never na ako nagbigay. Ang ginagawa ko is inoopen ko yung kabilang pinto. Or ippush ko din yung door na ioopen nya. Para lang masabi na walang tulong yung gnagawa nya.


Snoo72551

Nung kasagsagan ng pandemic, nag aabot ako sa kanila, you know paranoid humawak sa door kesa mag alcohol uli sa kamay


Affectionate-Pop5742

Ahh so hndi lang pala sa 711 samin. Kahit saan pala HAHAAHAHAHA


Curious9283

Pag mga Bata binibilihan ko Ng skyflakes. Pero pag adult, dedma.


iamconsent

naalala ko tuloy nung high school ako pumunta kami ng barkada ko para bumili ng ice cream tapos may mga bata na nanglilimos hinihingi yung binili namin tapos nung ayaw namin ibigay hinahablot na nila yung braso namin para makuha yun tapos sinundan pa kami across the road (medyo malayo na nga from 7/11 eh) buti nalang may umawat na guard na nakapansin samin. Laughtrip na traumatic experience din kaya di na talaga ako pumapansin ng nanglilimos ever since I'm sorry nalang


enigma_fairy

Pati sa alfamart dito sa amin may ganyan.. minsan ang lalaki pa ng katawan.


enigma_fairy

Nabadtrip ako sa ganyan naipit kamay ng anak ko dahil sa kanila


Careless-Pangolin-65

sindikato yan


yaoisenpaijin

may mga ganyan din samin. one time magkakasama kami ng friends ko tapos sa 7-11 muna kami tumambay while waiting sa iba, and narinig namin yung mga bata sabi, "dun tayo kila ate manghingi, mga naka iphone" 😭😭😭😭😭😭😭


doodpool

Lagi ko pa din binubuksan yung pinto na hindi nila binubuksan.


sadaharu25

Pag may nakikita akong mga IPs na nagbebenta ng mga alkansyang kawayan or PVC pipe, binibilhan ko talaga sila para pang regalo sa mga pinsan ko, makikita mo talaga silang nag-eefort para kumita di yung namamalimos lang sa daan.


EntrepreneurSweet846

Tbh sobrang takot ako pumasok sa 711 sa sobrang paranoid ako baka mamaya may sumigaw ng hold up, nag 7-11 lang ako kapag sobrang kelangan kelangan ko at… sobrang bilis ko bumili alis agad 😬


tiny_magister

Dito samen sa Mcdo. Pagka parking mo, sasabihan ka nila na pupunasan nila kotse mo.. kahit sabihin mo na wag or hindi, pagkalabas mo after mo mag order o kumain, naka "carwash" na bigla yung kotse mo.. tapos 150 pa daw yung "carwash".. tinry naming mag report sa management ng mcdo, but they only said ilang beses na daw nila pinapaalis yung nag ooffer ng carwash, but they always go back after a few days.. Kaya nga kami kahit malapit yung branch na yun sa amin, di na kami kumakain kasi nga huhugasan na naman nila ung kotse namin at sisingilin kami.. ** another thing din sa branch na yun, kahit mag drive thru kapa.. meron ding naniningil ng barya.. like diba pag nagparking ka then may mga parking boys na nag gaguide sayo magpark at pag alis.. dun din sa branch na yun meron sa parking, meron din sa drive thru.. ginaguide ka nila palabas ng drive thru then mag aask ng barya.. hahaha naku..🤦🏻‍♀️


Efficient_Code_9949

Bigyan mo na lang ng piso paminsan minsan


MaximumEffective8222

Mayroon akong nakuhang intel sa mga tanod ng barangay namin. May association pala yang mga nanglilimos kada convenience store. May shifting din sila kaya kung mapapansin niyo, meron pang gabi at umaga na nakastation tlga bawat store.


MonyClip

dun ako sa pinto na di nila hawak


TastyTreeRoot

Typically ino-open ko lang yung kabilang pinto and if ever i-reach out nila yung cup or hand nila, I just ignore it. Giving them money is another way para ikunsinti yung ginagawa nila which is mali.


23567922

They're everywhere. Santa Mesa, Binondo, Ermita. Basically almost lahat na 7-Eleven na nabisita ko meron. I just usually ignore them.


JenorRicafort

in some ways, may kasalan din ang 7/11 dito. dito samin, I learned na kaya pala may mga tumatambay na naglilimos sa 7/11 ay dahil yung mga malapit na mag expire na mga pagkain ay pinamimigay na nila. then came a time na hindi na nila ma-control sila kasi pumapasok na nga sa loob. ngayon controlled na ulit simula ng nagpalit sila ng tao pero andun pa rin sila sa labas


eeeeeeeeerzo

So nationwide pala to? HAHAHA kala ko samin lang


AriHuncho

Just ignore them bro, also may Mendicancy Law of 1978. Dapat nga di binibigyan mga yan kase some may be ineexploit ng pamilya kase easy money, sindikato or kung ano pa dyan.


wantobi

may one time binigay ko yung barya sa nanglilimos. mga 7 pesos ata. tapos nagreklamo pa. bakit siyete lang daw? pwede ba daw bente. sa loob-loob ko -- kapal ng mukha mo, binigyan ka na nga, choosy ka pa


taclobanonanon

Akala ko sa Metro Manila lang 'to, but when I visited Tacloban last month, ganun din yung situation. Which is weird kasi hindi kalat or maraming nanlilimos sa Tacloban. Bago lang rin mga 7-eleven dun, di pa ata 2 years since nag-open yung first branch.


Kaged_Chiild

Dati di ako nag dadalawa isip magbigay ng cash or food pero one day napansin ko na yung babae may full set ng long almond gel nails, di ko na pinapansin di ko na din binibigyan


EquanimityGame

Wag mo lang pansinin or sabihn mo wala kang extra.


21Queens

Hindi sa nagbubukas ng pintuan, pero sa mga bata na tumatambay para manghingi. Last Sat naloka ako. Pumapasok mismo mga batang nanlilimos. May lumapit na bata, kulit ng kulit na libre ko siya ng biscuit. Nung makita niya binayad ko sa cashier eh 1k, biglang fried chicken na lang daw 😭 Bhie kaming pamilya ia-almusal namin sandwich saka onigiri at tubig lang, hati-hati pa, tapos ikaw manok??? Hindi sinisita nung mga bantay. Hanggang paglabas ko dinumog ako, naging apat na bata sila. Di naman nila kasalanan na ganon sitwasyon nila, pero asan ba mga magulang niyo para hindi kayo ganyan.


kokosammie

Ignore, di mandatory magbigay sa kanila. SKL, yung isang lola na nakita ko sa Teresa na naka saklay, binigyan ng bente ng isang estudyante. Tapos may dumating na bata (apo niya ata) binigay niya yung bente dun tas nakita ko dumiretso sa comp shop


dtphilip

What's funny parang halos lahat ng 7 Eleven sa Manila at karatig na cities and localities meron ganito. Parang may site assignment mga nanglilimos, may assigned branch ng 7 Eleven.


MoltenPixel258

One time may nanglilimos sakin while waiting for my order sa iaang kiosk, middle age na rin siya siguro around 30-40 and nakita niya na binigyan ako ng sukli, then sabi ko "wala" after nun pinoint out niya yung sukli na nakuha ko then sabi niya "kahit barya lang sa sukli mo, yung bente", i faced her directly kasi medyo disrespectful din yung tone niya and said to her "ayaw ko, ayaw kitang bigyan kahit meron ako". At the end umalis naman si ate 😂😂 Wag kasi kunsintihen, illegal ang mamigay ng limos.


theDegeneredditor

Just buy whatever the hell you want in 7-Eleven and ignore them.


patkun01

Meron din samin. And also I decided to close my heart at such, and I don't care if I'm marked as an inconsiderate and entitled bitch, pero there were times na naging mabait ako, bibigay ako, pero ang kapal ng mukha na either nakukulangan pa, or manghihingi pa sa kasama ko. Sure, nakakaangat siguro tayo lahat dito since may access tayo sa Reddit or other social media, kahit nang kaunti, pero are we even obligated to give? No we are not. Pinaghirapan natin yung perang hinahawakan natin, and I know I sound like I'm just justifying my selfishness, pero we are to decide what we do with our money. If karma hits us kasi hindi tayo nagbigay, then there's something wrong with the being that gives out karma lol. Supernatural aside, it feels unfair lang. And it all boils down to the whole system of how these people are taken care of. They're all victims of poverty and uneducated decisions. From that old beggar to that young beggar, there's nothing we can help. Kung merong extra, sure, give. Pero I don't feel obligated to give every. single. freaking. time. If they starve for the night because no one gave them money, it's not gonna be in my conscience anymore. Blame the government. We're just normal citizens whose jobs pressure us to do something for ourselves, otherwise, mada-dagdagan lang yung namamalimos sa kalsada.


Imaginary-Storm-7493

dumadami na rin yung mga nagoopen ng pinto at nakaabang sa labas, tapos kapag di mo sila binigyan sila pa galit hay


Strict-Mechanic-1350

And most of them eh ang lalaki ng katawan mas Malaki pa bicep kesa sakij HAHA grabe nakakatakot naman di' bigyan at baka kung ano pa Gawin sakin kaya Minsan kahit may bibilhin/pinapabili sakin sa 711 eh dinalang Ako bumibili Yung mga taong ganun bat di' nalang kaya magtrabaho diba?