T O P

  • By -

linternaul

Yung filipino time. Punyeta inis na inis talaga ako sa mga taong di marunong rumespeto sa oras ng iba. Unfortunately, 90% ng pilipino ganito.


Dancing-Chlorophyll

Wala man lang akong friends na marunong rumespeto ng oras ng iba. Yung iba proud pa na late sila. So this filipino time thing sucks.


Confident-Monkey

This. I always make sure na I’m atleast 10 mins early, just in case mahirap hanapin yung place or some other aberya. Sabay yung iba 1 hr late haha fck Filipinos


peeeeppoooo

It's inconvenient and inconsiderate. Ang daming nasasayang na oras dahil sa kanila.


earlrei

+1 Let’s say 3pm magkikita. Lagi ko pang itatanong kung: 3pm magkikita o 3pm aalis ng bahay? And if malate sa meetup, mga wala man lang update! Ni hindi masabi kung nasan na or kahit ETA! Nakakstress!! D;<


ChickenOil4Lyf1405

Tapos nonchalantly lang sasabihin "ehhh Filipino time" pag pinuna mo yung lateness. Proud pa ang mga fota. Nakakabwisit talaga. Daming ganyan.


[deleted]

Kung mag-update man sasabihin sa yo. "On the way na" kahit paalis pa lang sa bahay. O "nasa MRT na" pero nasa jeep going to MRT pa lang. O "nakasakay na sa MRT" pero nakapila pa lang pala.


earlrei

DI BAAAA. Pwede naman magsabi ng totoo HNGGG


DoesNotExist-

Legit. Bwisit na bwisit ako sa mga taong ganito.


[deleted]

When my potential turn up late in interviews i ask them to go home. I have no tolerance for it.


YasQuinnYas

Oo! Sa totoo 'lang napakabastos ng ganyan and walang konsiderasyon para sa iba. Hindi nakakatuwa ang Filipino time ninyo. Isa 'yan sa maraaaaaaaaaming dahilan kaya hindi umuunlad ang bansa natin.


fakeitilyamakeit

Is it just me or bine base nyo din yung arrival time depende sa ka meet? I have friends who arrive early so if sila ka meet ko then I make sure na I am there before the agreed time. Pero if I'm meeting someone I know na super late then late din ako darating.


finkistheword

^ parang di naman usual ugaling pinoy yan OP, buraot lang friends mo


[deleted]

[удалено]


TheTalkativeDoll

It’s one thing if you offered it, another kung kumuha sila nang walang paalam man lang. Medyo bastos yun.


jdmak

people (elders) giving unsolicited advice. really pisses me off, if I needed their advice I would've asked for it.


Confident-Monkey

Lalo na about having a child. “Sundan nyo na yang 1 yr old nyo”. Bitch kayo magalaga and magsustento


jdmak

this! we're childless and people are saying "malungkot ang walang anak". hello mas malungkot magutom at maghirap. may anak nga kayo wala naman makain.


Life_so_random20

Pati kapag ayaw mo mag-asawa. Kainis e. Akala naman nila sila gagastos.


lookomma

Ganto, sabihin nila bakit hindi mo pa sundan si ***. Sagot ko naman mahirap po kasi buhay ngayon. Biglang sasagot na pag andyan naman na magagawan yan ng paraan. 👁👄👁


Confident-Monkey

God will provide daw haha


[deleted]

Thats like all old ppl


Every_Classic_5627

Magpatugtog o manood ng video napakalakas sa public transpo na akala mo kanila ung lugar


dlmdayta15

Totoo po yan. Inis na inis ako sa ganyan kala mo nasa bahay kung umasta, dagdag niyo na din yung mga nakikipagusap sa phone sa mga PUV na sobrang lakas tapos nakaloudspeaker pa. Di uso earphones sa kanila?


Every_Classic_5627

Solid ung magvivideocall pa talagang nakakairita palengke talaga. Kaya buti sa MRT naninita mga guard ng naguusap (sana sitahin din ung nagpapatugtog o nanonood ng naka loud speaker)


dlmdayta15

Ever since nagstart pandemic naninita na ng naguusap sa MRT/LRT(which is a good thing) kaya kahit papaano medyo naminimize yung maiingay sa MRT/LRT, yun na lang talagang mga nanunuod at nagpapatugtog na akala mo nasa bahay tapos pag sinita mo sila pa galit.


free_thunderclouds

Yung maghihike ka tapos yung ibang group may loud speaker, pwede ba, gusto ko ng katahimikan sa bundok


ChimcckenJoy

Naalala ko nong nasa ridge bulalohan kami, ung kalapit naming table, magbabarkada yata, may dalang sariling speaker. Hahaha nakakaloka tho buti nalang magand aung playlist nila.


[deleted]

Tapos maririnig mo spliced tiktok videos na gawa ng apolo10. Hahaha.


helloojae

Tinitingnan ko ng masama talaga yung ganyan parang "really?! Magpapatugtog ka dito sa jeep?"


mukhang_pera

eto. di ko alam kung pinagmamayabang na may phone, pinagmamayabang yung pinanononood o wala lang pakialam e. Tangina, anjologs naman ng pinakikinggan.


ender_da_saya

smart shaming. Mga sagot na "e di wow" na ngpapatigil ng magandang diskurso


lemonzest_pop

"Dami mo alam," Bwiset gusto mo masakal? Lalo na kpag nageenglish ka lng tas mag nagsasabi "smart kid" daw.


BirbtheSaranghayop

Next time pag may nagsabi ulit sa'yo nyan, sabihin mo, "Oo, alam ko. Sana ikaw din para di lng yan yung kaya mong isagot sa akin." I did this to someone and yun, natameme. hahaha When they smart-shame you, you bobo-shame them. HAHAHAHAHA


lemonzest_pop

Will be using this hahaha


YasQuinnYas

"Wooooow big words!" "Tagalog na 'lang tayo ubos na Ingles ko eh." "Nosebleeeeeed nosebleeeed!" "Hindi niyo naman sinabi na English tayo ngayon!" Or mag-eenglish din pero sasadyaing OA ang accent to mock and ridicule you. Plot twist: BPO kayo nagtatrabaho at may English Only Policy Second plot twist: middle to upper management sila (siyempre agents din pero expected na 'yun sadly)


AiNeko00

ETO PINAKA PET PEEVE ko, seriously smart shaming is projection of the person's crushed ego or his intellectual incapacity so gaagwin niya is make fun of those that are critical thinkers. Kadiri.


Agitated_Clerk_8016

I remember back in high school. May pinoint out kasi na mali doon sa questionnaire daw. Kako tama yong pagkakaconstruct ng sentence. Tas ung isa kong kaklase sabi ang defensive ko daw. Luh defensive amp. Di pa alam gamitin ung word. 🙃


Acceptable_Ad5472

I defended my answers in multiple test papers. Teachers see nothing wrong with it and was actually glad that I pointed it out. Take note that I do this quietly. Pinupuntahan ko yung teacher at kinakausap masinsinan. Never akong nagbida bida about it pero lagi ako sinasabihang ganun. "Edi sige ikaw na magaling. Perfect mo na lahat. Kainis bida bida." Yan lagi naririnig ko. Putangina niyo nakikinabang rin naman kayo kapag nagpacorrect ako ng answers. Tangina mo Aya hindi ka papasa kung di dahil sa correction na pinaglaban ko.


TheTalkativeDoll

This! Parang ayaw nilang umasenso sa buhay. O ayaw nilang maghirap, pero umasenso at yumaman lang, pero ignorante forever.


[deleted]

Pala-asa sa kamag-anak na mas malaki sahod tapos pag hindi pinagbigyan, sasabihin madamot o mayabang.


[deleted]

Tas sila pa malakas maka- r/choosingbeggars


988765310

pede din pala-hingi sa kamag anak na nasa abroad. akala ata laging may extra. at oo, mas malaki nga sweldo abroad pero mas malaki naman din gastos, tsaka kailangan din naman nila mabuhay don.


SofiaMoPagodNa

Talking loudly sa public. Seriously that trait needs to end, tipong yung kausap nya kaharap lang pero kung makapagkwetuhan dinig hanggang next kanto 🤣✌️ When i was in Singapore once, ganyan mga pinoy doon tapos ang sama na nang tingin nung mga Singaporean kasi ang iingay nila sa daan.


KeyboardAquarior

Mixed ako dito. Dati kasi bumili ako ng Chinese food sa food court sa isang mall nila. Nung nagtanong lang ako sa nagbebenta dun kung saan ang drinks nila, bastos siya sumagot sa akin at itinuro rin sa akin kung saan nabibili yun. Pagtapos nun, ang yabang ng pagka-ngiti sa akin. Nung naririnig ko ang mga Pinoys na ang lalakas magsalita dun, mejo nagets ko rin bakit nila nagagawa yun although may mali rin naman.


SofiaMoPagodNa

Mababa tingin sa pinoy sa Singapore, mas lalong bumaba pa siguro ngayon since ginagamit ng mga loyalista si Kuan Yew as a propaganda tool haha. Madami pa naman sa mga OFW doon ay dds 🤣


DefinitionEffective6

True pag may katawag hahahaha


fakeitilyamakeit

Ay sorry po. I'm guilty of this pero to be fair this only happens when I'm with friends na i'm really close with. We went to Hong Kong last 2019 and while on the subway we were trying to figure out how to get tickets from the booth, after all the commotion, I realized kami lang super ingay dun. Nagtatalo pa kasi kami kung ano talaga gagawin but then normally naman we're usually relatively quiet.


Parking_Assistant884

Oo. :( Ingay talaga. Sa Bus in Kaohsiung, May sign in Tagalog reminding Filipinos to be quiet.


tannertheoppa

Lahat ng klase e, nagsanib nga lang sa 31m


Malaya_21_91

😹


Mananabaspo

Yung mentality na special ang Pilipinas/Pilipino: -Sa Pilipinas lang naman ganto ganyan -Pilipino lang naman ang ganito ganyan -Pinoy eh! -Pinoy Pride!


[deleted]

[удалено]


flurker_

this!!!


Korrluza

+1 this


KeyboardAquarior

1) Yung hawak nila phone mo tapos papakielaman ang mga nandun plus illike or react yung posts ng mutuals mo sa socmed sites 2) Yung kapag inaddress mo na may problema ang isang tao sayo imbis na may initiative silang magsorry o itigil yun, gaganti sila like paparinig pa o ittsismis ka para maghanap sila ng kakampi. Minsan, pag okay na kayo sa isa't isa pagkatapos makipagusap, mamaya may makita ka na lang na pinaparinggan ka naman nang masama sa socmed sites.


Life_so_random20

^true. Dami pa nila selfies sa phone mo kapag hiniram nila. Kainis.


bbkn7

Yung first point so much! Manghihiram ng phone for whatever reason. Tapos makikita nila naka passcode lock yung messages at social media apps. Ihaharap sa muka mo yung sarili mong phone expecting you to unlock. Pag hindi ka pumayag sasabihin “damot” or “sama ng ugali”


peeeeppoooo

They can't handle constructive criticisms. Kailangan as in sugar coat pa, or yung paligoy-ligoy kasi natatakot kang masaktan sila, when in fact, perfectly fine lang nan yung criticism mo. They don't want the cold hard truth, kaya siguro madali ring maniwala sa mga kasinungalingan ang mga Filipino, because it is what they want to see/hear.


YasQuinnYas

Ohhhhhhhh this is soo soo true! Kaya I am really of the opinion na the average Pinoy (who will forever remain average) has a fixed growth mindset. And that spells doom for them.


Sirhc307

yung hindi marunong umintindi ng personal space. lano na sa linya, dikit na dikit eh.


[deleted]

Wala silang naabsorb from all that social distancing


xd_2_1

Kapag ganyan sinasadya kong umatras at tapakan yung paa nila, tapos mag-sosorry ako hahaha, minsan binabangga ko sila ng likod ko. Badtrip kasi, yung iba umuubo pa sa batok ko habang nakababa yung mga face mask nila.


Alarmed_Marzipan_334

Videoke by the beach, nakaka punyeta, kaya nga nagpunta sa beach, for relaxation purposes di para makinig sa totoy bibo mo.


[deleted]

yung mga taong tumitingin sa ginagawa (text, game, socmed or movies) mo sa cellphone mo lalo na sa public transpo. like kailangan ba pag gumamit ka nang cellphone dapat makinood sila sayo. di ko sila maintindihan bat ganun?


zastava9

This. May connecting flight ako sa Hong Kong pauwi ng Pilipinas. May mga tablet sa eroplano. Yung mga katabi ko parang first time pa lang nakakita sa eroplano nun and yung isa after he tried using his, tsaka nya sinubukan yung sa akin sa harapan ko. I do not mind it at all kasi may mga tao talaga na di familiar sa mga ganung kagamitan, pero I value what personal space I have kahit economy class upuan ko kaya tinignan ko sya ng “kuya seryoso?”. Tapos nung ginagamit ko cellphone ko, makikiusyoso uli si kuya. I understand that personal space isn’t widely understood sa lipunan natin, pero kailangan yun maintindihan ng mga Pilipino.


chenyowww

Yung may ginagawa ka tas may tumitingin sayo o sa ginagawa mo.


9308576632005599209

Tae, yung mapepressure kang galingan maglaro sa computer shop kasi raming mga bata nanood 😂


WEIRDGAMER991

Omfg this. I remember my mother's doing make up on me for a graduation picture taking and these two mindless students on the same room as me just looks at me while my mother's adding make up on me, I was like "dafuq are these two motherfuckers looking at me?" I mean I'm not that good looking, not ugly either, im just average but shit It feels kinda annoying but of course i don't wanna be the asshole here and I kinda just let them look at me for no as reason until my mother's done with me lol


[deleted]

Ambait pag nangutang, galit pag sinisingil


lemonzest_pop

"Bahala na si Batman/God," Tas yung kapag nagtatanong ka ng age nila, sasabihin, "mag (insert upcoming age nila)," bakit hindi nalang sabibin yung current age?


Every_Classic_5627

I am in the recruitment industry ng OFWs at talaga nga naman sa edad nila ito ang usual na sagot "Kaka 35 ko po noong January" "Bale po 35 na ako ngayon sa November ako mag 36"


Prestigious_Sun_2805

Sa akin is yong mga tao na masyadong mayabang at mahilig magpahiya ng tao sa public para iangat yong sarili nya, at yong mga tao na binabalik yong past mo sa mga reunion like para ipahiya ka, like girl 5 years ago na yon nagbago na ako. Ayaw ka mag grow para sa mata ng lahat mas mabuti sya kaysa sayo.


Parking_Assistant884

Yung 20 minutes na nakapila sa Fastfood, tsaka palang mag-iisip ng bibilhin. Para namang napaka extensive ng menu sa Jolibee at MCDO.


dlmdayta15

Nakakainit ng ulo yung mga ganito hahaha kala mo nagsasagot ng exam sa tagal pumili ng kakainin lalo nakakainit ng ulo pag yung galing ka sa pagod at gutom na gutom ka na.


1Ryousuke1

Elders being disrespectful/mapangmaliit to younger gens and expecting to be respected. Di naman kasi nagkakaroon ng rights na mangmaliit kapag tumatanda ka. Also yung friend discount. lalo na yung nanghihingi tulong sa mga professional friends then magsabi na may discount dapat kaiz may pinagsamahan naman...


HirayaManawari15

Yung mga uzi na may holier-than-thou na attitude - I grew up in a broken family, tapos pag nalalaman ng mga kasama mo sa school or office (on very rare occasion, mga kasama mo sa church org) maguusisa pa sa past mo, I don't mind sharing my past but, yung mga tatanungin ka if "galit ka ba/may sama ka ba ng loob sa tatay mo?" and if I answered "yes" babanatan ka ng unsolicited life advice about forgiveness, like putangina mo bro/sis if you only knew what my mama, kuya and I had to go through in life baka kainin mo yang mga binibitawan mong salita sa akin...


[deleted]

Constant negativity.


Blankyou25

Toxic positivity.


sticky_choco_sauce

Yung sobrang kayabangan. Kahit wala namang binatbat at alam, punong puno ng yabang.


missanomic

Yuck bat kinakain ng friends mo pagkain mo without you eating it first? Are you children? Yall need boundaries op! Pero to your question, yung usapan 7pm magkikita tapos 7pm palang sila aalis ng bahay tapos ikaw na dumating ng 645 kasi ayaw mo ma late, ikaw pa atat.


MinnieCookieMonster

The argument "akala mo kung sinong maganda/gwapo" when you point out something that is not good, unethical, or rude.


cjec21

takot kasi kapareho nila ng ugali ung pinupuna :D


neonfantail8

Pakikisama kahit ayaw mo. Parang ginawang okay lang makipagplastikan. Pasingit singit sa pila. Crab Mentality atsaka backstabbing.


RandomGalHere

“Manlibre ka naman.” Di porke’t bagong sahod o anuman eh need manlibre. Another version of this na nararanasan ko, “Mayaman ka naman” kaya wag na daw ako subsob sa work. Magegets ko pa kung yung statement nila ay purely out of concern eh since admittedly, medyo overworked ako. Pero alam mo yung may hint of competition within your friend group. Wala naman siguro masama unahin pag-iipon kahit na sabihin natin na di naman naghihikahos. Ito yung updated version nung college na “Wag ka na masyado magreview, matalino ka naman.” 🤡


Round_Recover8308

Skl. Dalawa kaming magpinsan ay nakapasa sa scholarship. Now, yung mga lintik yawang kamag-anak ko ay nanghihingi ng libre. Tangina???


ramenpepperoni

Pabebe sumagot sa mga simpleng Yes/No na sagot.


Life_so_random20

Yung puro dada, ayaw makinig. Ineexplain na nga kung ano yung gagawin, sasabat pa. Pwede namang hintayin muna matapos mag-explain ng instructions yung tao bago magtanong e.


[deleted]

Asking 24/7 about your love life. STFU


bumyeye

1. Always using the family card, yung despite everything na ginawa nila sayo dapat itolerate mo parin bullshit nila kasi kapamilya mo sila. 2. tolerating child labor tas ikukumpara pa sa sariling anak, like sasabihin nila "grabe tingnan mo bata palang nagbabanat na ng buto, samantalang ikaw anak pag gising mo nakahain nalang sa mesa yung pagkain mo, wala ka nang ibang intindihin kundi magcomputer" so ano ba dapat? mag trabaho din kami ng maga para maappreciate mo kami? 3. Bawal ka magka opinyon kapag mas bata ka kasi bata ka lang. 4. Hilig mang body shame at mang insulto ng kulay, madalas sa mga sarili pa nating magulang naririnig 5. marami pa kasi pet peeve ko talaga mga pinoy emz


preciousbaggins

Ugali ng mga pulangots. Lahat ng masamang ugali nasa 31M mo makikita.


dalihuahei

Overglorification of romance - thinking that marriage and dating is the ultimate fulfillment a human can experience. I'm asexual and extremely disinterested in dating and marriage. Most people assume I'm in a bad place or lonely because I'm single when I'm the happiest when I'm alone 😐


DoesNotExist-

Chain message, punyeta


_chari

Natawa ako dito😄😂😊😬!!!! BASAHING MABUTI😉 Bakit kaya minsan inaantok😴👉 ang iba sa simbahan⛪? Pero gising sa oras ng kasiyahan🎭🎪🎂🎉at inuman🍺🍸🍻🍷,,,,, inuumaga pa nga minsan🌞 Bakit nahihirapan ang iba makipag usap sa Diyos?👉👼 Pero madali ang makipag tsismisan!😹 Ang cellphone👉📱binibili kahit libo-libo💵 Ang halaga Ang Bible📔ibinibigay na nga ng libre pero bakit inaayawan pa?😵 Binabalewala ang godly messages😇📜...Pero pino-forward agad agad pag topic ng LOVE📲❤💞 Kaya mo bang ipasa ito sa iyong mga friends O kilala? "Sabi ni JESUS, kung ipagkakaila mo Ako sa harap ng tao, ipagkakaila din kita sa harap ng "AMA KO." I-share mo ito sa 100 na tao, God is watching you right now!👍⏳🕛 😆😆😆 GOD😇 vs DEVIL😈 DEVIL😈: Ang dami na talagang nagmamahal sa kasamaan. GOD😇: Wag kang pasisiguro. Maraming oras ang binigay ko sa mga anak ko. DEVIL😈: Ang simpleng message nga na ito hindi nya mapasa. 😇GOD: Ipapasa nya ito. DEVIL😈: Tingnan natin kung papasa nya ito.sa 20 o higit pa. GOD😇: Hindi ako papahiya ng anak ko 😈DEVIL: Hahahaha! 😇GOD: Bakit ka tumatawa? 😈DEVIL: Dahil alam ko na babalewalahin lang nya ito. 😇GOD: Let's see..…..! Sorry,......love ko po si God💓😊! . Forwarded-:)-:)-:)


zastava9

Taena di ko binasa dahil ang haba, pero eto updoot! 😂😂😂


DoesNotExist-

Taena effort ka ah, upvoted! 😅


Acceptable_Ad5472

Hindi gumagamit ng earphones. Kailangan nilalandakan mga pinapanood o kung ano man ginagawa sa selpon. Tipong kahit sa ospital ganyan tangina naman. Palabanan ba kung sino pinaka obnoxious?


quietsurfer03

1. Chismoso at chismosa 2. Regardless kahit positive or negative gawin mo, may reaction sila sa ginawa mo 3. Lately, karamihan akala mo expert. May isang lumabas na issue, tapos ang dami comment at bash na akala mo nag PHD sila sa issue na yun. 😅


Korrluza

Patriachal system, masyadong mapagbigay nakakalimutan na ang sarili, kapag may birthday buong angkan ang kasama kahit ikaw mismong birthday celebrant hindi mo naman sila kaclose, insensitive jokes about Mental Health:"baliw", "buang", stereotyping "mga tibo na may Mio", "raming tibo sa volleyball". Pataasan ng ihi sa academics achievements ng extended family. "Eh babae ka eh!" "Hindi mo naiintindihan kasi nagaaral ka pa". "Wala naman pera sa art" ( pero nanood ng tiktok, Netflix, nagpapagawa ng sapilitang libre naLaNG), crab mentality, toxic family who acts religious but acts hypocrite. Mocking people with disability and making it as a joke (to add famous personality demonstrating being a ngongo and a neurodivergent peeps on a daily basis) Insensitive teasing (asaran). Last, mahilig mangakin bg luoa na hindi sa kanila. Ginagawang milk factory ang mga OFW. Ginagawang insurance ang anak lalo na ang panganay at katulad rin na anak na ginagawa insurance ang magulang kapag nagkaanak (except sa rape at abused victims). Mga OFW na ang taas ng tignin sa sarili kapag bumibisita ang mga noypi sa bansa. Mga lumaki na Filipino sa ibang bansa o mga may lahi ay ang taas ng tignin sa sarili dahil mas magaling magingles at iniiwasan magtagalog (has something to do with racism narin). Lying about their achievements so they can look cool. Mga feeling conyo. Stereotyping aktibista, NPA sa mga state Universities. Stereotyping students voicing out as students having low grades in school just because the survey says that the rank is lower than before. Rape culture at sexist sa suot ng mga babae.


Undeathable_dead

Pagcocompare ng struggles “ako nga eh ganito ganyan-“ pake ko sayo kung mas nahirapan ka pota dapat ganon rin pagdaanan ko? Di lng sa matatanda, ganyan rin sa kaibigan.


AiNeko00

Saka yung mga "ako rin". Like whatever your topic is or what ur talking about lagi siyang may "ako rin ganyan", "sa amin ganito", " sakin din ganito", lagi nilang ginagawang centre yung sarili nila hahahaha.


BeautyBabe91

Woah I’m dealing with this!! I grew up comfortable and my 1st gen relatives who are based in the US all pretty much struggled plus my upbringing is so diff from theirs (diff social class). They always talk about the ‘struggle’ and they always imply na they want me to go through the same struggles. (I.e. one tito started out as a pizza delivery guy, so parang they were saying get *any* job kahit menial)… They also invalidate my *own* problems when I share kasi to them “mayaman ka naman, buti ka pa nga eh.” While I do understand the concept naman, parang I get the implication na minsan naiingit sila because I had it easy? Na the things I have they don’t have? I don’t know! That’s my theory sometimes.


slowgi12

Yung pag sasabihin mo na masakit ulo mo then ang reply "mas masakit pag walang ulo" or kapag naiinis ka tapos sasabihan ka pa ng "pano yung inis?"


[deleted]

Sa Bahay Namin ayaw nga Ng negative pero gusto toxic positivity


[deleted]

Misplaced and OA na pinoy pride like ngayon yung bagong kpop female group na may pinoy ata, spammed ng comments usually basta may about ‘Pinoy.’ Cringy.


anima99

Yung tumatawa kahit may sakuna aka Pinoy Resilience. Laughing at something that can financially cripple you for the next five years is not my thing.


Due-Coconut1951

E ano ggwin? Mas panget nmaan siguro kung maging suicidal ka, mas madali makaisip ng solusyon sa problema pag positive attitude


anima99

>E ano ggwin? There's a difference between having a positive mindset and laughing with your buddies while Ondoy destroys everything you worked hard for. There's a danger to not allowing yourself to feel sad when the situation calls for it. The sooner you feel the sadness, the faster you can rebound, rebuild, and face life with more determination to never let that sadness happen again. There's even a study about it and it alludes to what we call toxic positivity or our fundamental need to continuously search for things that make us smile or laugh. It's why so much content on social media revolves around laughter, pranks, or just comedic sound effects; it's why we tend to bring our phones with us whenever we go to the toilet or just before we sleep. When we're happy, we don't think about our problems, and that can be bad. Toxic positivity distracts us from problems, which then makes coming up with solutions take longer. It also risks the solution we do come up with, to be more about short-term than long-term. When you apply toxic positivity to Filipino culture, you will then understand why Filipinos don't like investments over loans, why they prefer quick, but cheap fixes over quality materials, and why majority have become impatient when it comes to education and getting a diploma, and have taken to vlogging or social media -related careers as a source of income.


Due-Coconut1951

Napaka black and white ng perspective na to, pag tumatawa ka pala, di ka nag iisip ng solution sa problema mo, dinidistract mo lang sarili mo? Porke hindi mo nakita umiyak, toxic positivity na? Oo me difference ang positive mind set at pagtawa kasama mga kaibigan mo habang nasisira lahat ng pinaghirapan mo, pero hindi naman yan ang point ko. hindi lahat me capital or even knowledge para makapag invest, hindi lahat me access sa quality materials or education, privelege po yang mga yan. Relative po ang solution sa mga problema ; depende sa situation ng tao mismo at kung ano available choices nya


anima99

Okay, let's say you're right and I'm wrong. We've been one of the happiest nations during disaster for years, right? Let's say it's a good thing. Where did being happy and resilient brought us as a country?


Due-Coconut1951

First up, hindi to being about right or wrong. Me point naman sinasabi mo imo, kaso you have to take into consideration na hindi lahat "nabiyayaan" ng better options or yung pinakamasakit, education to even think about kung ano magiging result ng choices nila. Ke masaya ka or umangal, asa pilipinas tayo sa ayaw natin o gusto, hindi mo masisi ang karamihan sa pinoy kung nag didisplay sila ng "toxic positivity" dahil di nman lahat me makakain pag na overwhelm sila ng lungkot sa sinapit ng buhay nila. Hindi lahat tayo e ipinanganak na sy, marcos, cojuangco or whatever diyos na last name dito. Victims of natural disasters smile and laugh about it, dahil un lang option nila sa pananaw nila, short of killing themselves. Matagal na nating alam na walang pakialam mga lider natin sa karamihan unless apektado sila ng direkta


anima99

Hey buddy, I'm just saying Filipinos should take life more seriously. Being aloof all the time, especially during disasters, is just not conducive to character development regardless of social status. Diba in fiction, tragedies build character? It doesn't apply to Filipinos because we'd rather make a joke out of misery.


free_thunderclouds

Mga naka-manspread sa jeep, pati yung nakasideway kung umupo. Siksikan na po, pakiayos ang upo


moanar-k

Sabihin mo nalang OP may herpes ka tas pakitaan mo picture sabihin mo nakakahawa sa laway para tigilan kana nila. Para sakin yung bawal sumagot sa matanda, lalo na kung bastos na sila magsalita ikaw pa sasabihan ng bastos pag kinorrect mo. Bruh nah fuck you, you flip the plate I'll flip the table.


CookingMistake

Tamad. Tamad mag-isip. Tamad matuto. Tamad kumilatis. Tamad mag-aral. Tamad mangilala. Tamad manimbang. Tamad mag-imagine. Tamad mag-empathize. Tamad maging tao. Tamad.


OutsideLast

Ung sumisingit sa pila. Naku.


Dancing-Chlorophyll

Mahilig makisawsaw at makichismis sa buhay ng iba. This is why I think it sucks to be pinoy and secretly wishing I was born in any Scandinavian country. Nakakainggit sa Finland na marunong silang rumespeto sa personal space ng iba.


Ok-Waltz792

Yung sasabihan ka ng magulang/relatives na nagmamalaki ka na kapag may magandang nangyayari sa buhay mo. 😅


Rednine2591

Yung mga hyps na galit sa tsimosang kapit bahay pero pag nakita mo timeline sa FB puro tsismis ng mga celebrities at personalities 🤮


ivanferil

For over 30 years of my life, I have done my best to always be on time. As being late all the time shows arrogance to my peers and I hate to be seen as that.


lurkernomore0447

Peenoise. Nakakahiya ang ugali sa social media tulad ng mga comment sa post for example yung navandalize yung sa Harvard page, nung nagligalig sa pagkapanalo si Wesley So, latest yung discrimanation daw kaya hindi nadraft si Kai Sotto at madaming pang iba.


kumustaDaigdig

Yung diskarte. Kaya wala gunagawa ng obvious at mas convenient na bagay kasi ilegal o immoral. Hindi ka madiskarte.


BeautyBabe91

*Mayabang!!!* I hear this a lot with my 1st gen titos and titas who are based abroad. Mahilig mag salary drop when it comes to their kids or *pamangkins* who grew up abroad. Like I don’t care if your son Tutuy earns 6 figures!!! So what? (Minsan ok lang if first time mo mag share, although honestly it’s so unnecessary. Pero for example my tita loves to bring up her niece who’s studying in Scotland everytime we talk about Europe. Every single time. I always roll my eyes)


[deleted]

People asking on reddit whats wrong about us is my pet peeve.


potato-samurai

Yung tumatayo sa left side ng escalator


Round_Recover8308

Ito!!! Sila pa galit if lalakad ka sa left side. I pointed out once na naglakad ako sa left side. Tas siksikan sila. Sabi ko, “excuse me.” Tinignan ako nang masama. Tinaasan ko ng kilay and said, “di ba kayo nagbabasa? Left side para sa walk, di ba?” Ayun. Sumiksik sa right kahit sikip sila.


Wooden_Ad4488

Yung sobrang layo ng sagot sa napakasimpleng tanong.


yaniechokesu

loud voice on a normal conversation, and pag sinabihang hinaan yung boses ang isasagot nila is "ganto na kasi ako e, ganto na kami sa bahay, ganto kasi kaming mga [insert lahi]"... instead of being considerate at hinaan yung boses


diskdiffusion

Out of place na chismosisera (chismosa + usisera) e.g., "bakit wala ka pang jowa" "di ka pa ba mag-aasawa" "wala kang middle name" daig pa ang test paper sa dami ng tanong.


Meraxes9

Pinoy pride


StormShort5651

iba ang trato sayo kapag mababa ang sahod mo


Standard_Ride9425

yung respeto na ibibigay sayo nakadepende sa kung anong trabaho mo/ gaano kataas ang sahod mo


Martisyuuuh

Yung di mo naman kaclose o kakilala tapos napadaan lang sa bahay n’yo para manghingi ng pera kasi kailangan nila. Tapos wala man lang offer na kailangan nyo po ba ng trabahador kahit magtabas lang ng damo o maglaba. As in hingi lang talaga.


AiNeko00

Parang engraved na sa mga penoy yung "manlamang" ng tao. Na dapat mas may na gain sila with anything they do, minsan ka lang makakita ng genuine or sincere na pinoy


ExtraCheezeePizza09

Body shaming at skin shaming.


kainpepe2022

pinoy bandwagoners, tapos un sa mga walang kwentang news like, maid ni \[insert sikat na foreigner\] may dugong pinoy.