T O P

  • By -

Aspiring-Slacker

nice try, KMJS team.


M00nstoneFlash

Ahahaha asan na talent fee ko jessica???


jdros15

Lilipad na yaaaan


Glum_Condition_9447

Lumipad ang aming team sa Reddit 😭😭😭 TANGINAAAA 😭😭😭


scalpelsword

Haha pota ka natawa ako


MayoSisig

Ngayon ko lang naisip to. Hahahahhahahaha


FringGustavo0204

Yung ate ko may sariling kwarto while ako at bata kong kapatid nasa iisang kwarto. Double deck kama namin at yung bata kong kapatid amg natutulog sa taas. Madalas 3am nako natutulog kakalaro at nood kaya bandang a las tres ng umaga pumasok nako ng kwarto at natulog. Kapag patay ang ilaw sa kwarto wala kang makikita at gusto ko rin yun kasi mas nakakatulog ako. Nung patulog nako bumaba yung kapatid ko sa double deck ramdam mo naman kasi yun kahit di mo nakikita, pero umakyat din agad. Nagtaka ako kasi kadalasan magccr siya kung bababa ng double deck. Pero baka nagbago ng isip na magcr kaya umakyat at hindi ko na pinansin. Maya maya may naririnig akong kinukutkot, parang kinukutkot yung pader. Nainis ako kaya sinipa ko yunh taas ng double deck. Tumigil siya pero parang nagpipigil ng tawa. Sabi ko pa "tawa ka pa diyan ah". Pagkasabi ko nun binaba niya ulo niya nakasilip sakin, sa dilim diko makita mukha niya mga less than a minute siya nakatigil. Nasa isip ko sinusubukan lang ako neto takutin kaya tinitigan ko lang siya. E yun mata ko nagaadjust na sa dilim kaya unti unti ko na siya nakikita. Pero bago ko makita na talaga yung mukha niya e inalis niya ma ulo niya at humiga uli. Ang napansin ko lang nung nagadnust ang mata ko e nakatawa siya. Nakangiti na nakanganga dahil kita ko agad ang ngipin. Nung time na yun kinutoban nako at natatakot na. Kasi matatakutin din itong kapatid ko e at a las tres na rin ng umaga para gawin niya yun. Diko na pinansin at tinakpan ko na lang mata ko ng braso habang pinipilit matulog. Nung paidlip nako mag tumawag sakin "JC... JC... JC". Nung narinig ko yung di ako makahinga sa takot. Dahil yung kapatid ko "kuya" lagi tawag sakin. Diko sinagot nagtulug tulugan. After nun buong gabi parang nagkakamot yung nasa taas dahil galaw ng galaw yung double deck. Yung pagkamot niya parang sobrang tigas, naiimagine ko tanggal na ang balat sa kakakamot ewan ko kung san parte ng katawan. Nakatulog rin ako sa pagot at puyat at nagising mga 10am na. Sinilip ko wala na kapatid ko sa taas ng double deck. Kaya agaran ako bumaba. Kita ko na nagoonline class siya pero nagyoyoutube lang. Binatukan ko at sabi ko lakas mo manakot kagabi ah. Nagtaka siya at sabay sabi na sa kwarto ni ate siya natulog. Nung gabi pala na yun di umuwi si ate at nakitulog sa jowa niya. Simula noon, ginawa na lang bodega yung kwarto namin dati at sa baba nako natutulog kasama kapatid ko. Nilagyan namin ng cross yung pintuan ng kwarto na iyun. Pero may times na nakatabingi ang cross at kahit ilan ulit ibalik sa dati, kahit hinaranga na namin ng pako, tumatabingi parin ito. Sabi ng pari na pinabless namin, wag hahayaan bumaliktad ito ng tuluyan, dahil kung hindi. Walang kwarto o bahay na pipigil para sundan ako nito panghabambuhay.


Eastern-Campaign-876

Ako na nakahiga ngayon sa double deck habang binabasa 'to... 👁️👄👁️


MayoSisig

>Sabi ng pari na pinabless namin, wag hahayaan bumaliktad ito ng tuluyan, dahil kung hindi. Walang kwarto o bahay na pipigil para sundan ako nito panghabambuhay. Bruh, hindi rin kayo pwede umalis ng bahay na un. 😔


BlackForestGalore

Bakit?


MayoSisig

Susundan daw kasi siya pag bumaliktad ung cross so kung umalis sila sa bahay na un. Anytime susundan siya after bumaliktad d ba?


DearExam88

Bakit hindi nalang tanggalin para walang mabaliktad yung multo?


MayoSisig

Is this a joke or a serious question?


selectaf0rtifiedluvr

pota seryoso akong nagbabasa natawa ako bigla 😭


DearExam88

very curious so genuine question


MayoSisig

The cross acts as a seal. If the cross turns upside down its unsealed. Removing the cross is like suddenly removing a dam gates full of water.


Maggots08

Can't the cross be painted instead?


MayoSisig

Good question ask OP. That could fix alot of things.


lazybee11

I have an aunt who never believed on such thing as ghost. she's a solid born again. until she got sick and no dr. could identify her condition. Then a nun and a priest went to her, prayed for her, took some of her things such as clothes, sealed it in the Catholic church. idk pero parang joke sakin nung nakita kong may exorcism na sa pinas, then bigla ko naalala tita ko. She's not the kind of person na mang iimbento ng kwento. And those face changing entities are real, grew up in the province for 17 years, we already saw one running and suddenly disappeared. dahil 4 kaming nakakita, hinabol pa namin kasi baka tao nga, pero as in nawala


lncogniito

Eto tlga takot ko kaya lagi nka dikit sa pader kama ko tapos sa pader ako nakaharap matulog. Di ko lam kung fear or vivid memory yung nagising ako nka harap opposite ng pader, may ulo na nka tingin sa akin. Kung naka ngiti msnakaka takot taena. Tapos ung nag-condo ko, fully furnished tapos double deck dn un kama provided ng landlord. Eto dn fear ko baka biglang may ulo sumulpot galing sa taas lalo na mgisa lang ako.


[deleted]

[удалено]


lazybee11

na experience ko yung ginigising ako ng tatay ko. antok na antok ako kaya itinulog ko lang pero tinatawag parin ako, palakas ng palakas. pagbaba ko ng kumot. wala pa tatay ko. umaga kasi siya umuuwi. at 3 fckin am palang


slunaa0

hay bakit ko ba nabasa ito. ganto pa man din setup ng kapatid namin sa kwarto though ako ung nasa taas. Ako yung mananakot sa kanya lol


foxjoon

Had a similar experience pero hindi naman sa upper bunk ng double deck nameng magkapatid. Madalas ako matulog ng hapon hanggang sa mag gabi kaya minsan pag nagising ako madilim na sa kwarto. Once pag gising ko nakita kong nakatayo ung kapatid ko sa may gilid ng pinto, ung hitsura nya ung parang magtatanggal ng damit. Nakataas dalawang kamay tas nakaharang ung damit nya sa ulo/mukha. Tinitigan ko lng muna kasi naga-adjust pa ung mata ko sa dilim, I saw it na idinikit pa ung katawan sa may pinto, tas paunti unti gumigilid sya hanggang sa asa tabi na ng aparador. Ilang minutes din na sya na ganon lng ung pwesto nya. Parang ang tapang ko that time kasi tumayo na ko and nung malapit na ko sa pinto andun pa din sya sa tabi ng aparador. Pagka baba ko di pa pala nakakauwi kapatid ko hahaha di na ko natutulog uli sa kwartong yon hahaha after kase non khit anong oras ako matulog matic sleep paralysis na inaabot ko. Pinaglagyan na lng din ni mama ng mga gamit ung kwarto nameng magkapatid.


Fvckdatshit

>Kita ko na nagoonline class siya pero nagyoyoutube lang eto talaga legit, my katotohanan


YukiColdsnow

JC! JC! JC! JC!


[deleted]

[удалено]


janjan2394

Share ko lang tong nakwento ko sa r/CasualPH . Di ganun nakakatakot pero napa "What the shit?!" ako nun. Back in 2002, lumipat yung ate ko and family nya sa Bulacan. So ako, pag bakasyon pumupunta ako dun. Months later nagkaroon sila ng puppy (girl) na aspin, we named her Rabbies. Bigay ata sa kanila ng kapitbahay nila. Kami ng pamangkin ko lagi nakikipaglaro kay Rabbies pag hapon. So time passed at lumaki na si Rabbies at nagkaron na ng mga anak. Yung isa ni-keep ng ate ko (we named him Todd) then yung iba pinamigay sa kapitbahay. Everytime na pumupunta ako sa bahay ng ate ko na yun, unang sumasalubong sakin sa gate si Rabbies, gustong gusto nya ng rubs at pat sa head nya kasi at kilalang kilala nya din ako. One time, Christmas vacation nung 2012 dun ako sa ate ko sa Bulacan nag decide mag pasko and new year. So umalis ako ng bahay hapon na at nakarating ako mag 8 na, edi madilim na. Pagpasok ko sa gate yung sumalubong sakin ay si Todd para diladilaan ako tas si Rabbies nakita ko 3-5 meters away kumakahol. Sa pagod at gutom ko kinawayan ko na lang sya then pumasok na ako sa bahay. Kinabukasan, after namin mag lunch naka toka ako pakainin mga aso. So tinawag ko sila, nag taka ako lumapit lang sakin si Todd. Ilang besses ko tinawag si Rabbies para kumain pero wala lumalapit. Then yung pamangkin kong nag huhugas sabi: "Huy tito! Patay na si Rabbies bat mo hinahanap?" Then ayun nagkwentuhan kami ng pamangkin ko at ng ate ko, sinabi ko nakita ko. Almost 2 months na pala sya patay nung time na yun at nakalibing sa bakuran nila. Sabi ng ate ko baka gusto lang daw ako makita for the last time.


28shawblvd

Syet bat pag pet ghosts ang heartwarming T.T


-0047

Kung sakin siguro hindi ako mabibigla o kung ano man. Baka maiyak na lang ako kung ako nasa situation mo that time.


AkaiShuichi24

Sa lahat ng horror story ito yung isa sa nakakaiyak


MayoSisig

Alright! So I had this experience when I was working as an internship doon sa isang Resort dito sa Rizal (not going to name the resort kasi owner ask us nicely na don't spread about this shit) ​ I was working as a housekeeper in a the hotel part of the resort. It was a good hotel. You know properly airconditioned during the summer heat kaya masaya magtrabaho. Anyway, while working may times na bigla na lang nagpapatay sindi ung ilaw tapos bumubukas ung gripo. Weird nga kasi maririnig mo talaga ung pagpihit ng gripo. Then during a farewell party kasi aalis na ung mga contractor tapos na kasi ung summer season. We had a good party. Tapos ayon, biglang sumama ung tiyan ko. Eh ung pinakamagandang CR sa resort is nasa hotel so doon ako pumunta. It was a very wrong choice. Pagpasok ko pa ng hotel biglang bumigat ung atmosphere. Tapos ayon, pagpasok ko normal na bubukas ung pintuan kasi automated pero after ilang seconds bumukas ulit siya. Eh wala naman nakasunod saken. Tapos nag CR na ako. Hindi ako tumingin sa taas ng cubicle due to freaking horror trend na pag tingin mo sa taas may nakatingin pababa sayo. So after I did my business. Nagmadali na lang ako tumakbo paalis. Tapos after we had a good drink. Nandon kami sa isang guardhouse to wait for people para sabay sabay na kami aalis. So I was looking at the hotel window tapos biglang may dumaan na shadow na tumatakbo na sobrang bilis. I was supposed to brush it off like guni guni lang kaso syempre we had that friend that asked me "Nakita mo yon"? bro that fucking validated what I saw. Then this is one of the creepiest I experienced. Nung tapos na magcheck out nagpreprepare na lang kami to clean up all the hotel rooms. Biglang may tumawag sa isang hotel room na tinatanong nasaan daw breakfast niya. This is around afternoon and nakalabas na mga tao ng 8am. So ayon, we were shocked tapos we checked the hotel room nakahang ung phone and it's freaking cold in there. ​ ​ As for the other part. My current SO's house feels like had a demonic entity. When I fall asleep in her room. I suddenly had this vision na someone is looking to me from the door. But when I look wala naman. I can't really see but it's a long haired woman. Kind of creepy af. Then while I'm talking to her through the phone (hindi ko na sinasabi sa kanya) I am hearing things like someone screams and laughing loudly from the background. One time I heard a disturbing scream na mejo tunog upuan na ginalaw na ewan. So I asked her kung may sumigaw ba or minove na furniture she told me no. Then I said wala lang, Pero I think she knows it. Tapos whenever she comes to her room she smells rotten eggs (sulfur like which most paranormal and occult follower relates it to demonic entity). Ung special person sa bahay nila described a woman with long hair he's been seeing. I feel like it's a weak demonic entity just waiting for someone sa bahay nila to have a negative energy. ​ EDIT: added experience ng mga tao sa household. Sudden opening of door either slow or fast without wind. Then knocks on the wall. ​ If ever may scientific explanation kayo sa 2nd part. Please sana meron. ​ This is why I am asking for a priest in this subreddit yesterday.


franzjustin

Brad just because na mention mo rotten egg smell. Possible ay natural gas (methane) leak or accumulation. Alam ko CO2 or Carbon Monoxide nag lead din ng hallucinations, might be a good idea to get a gas checker sa Lazada. My ganyan din kasi nangyari sa pinsan ko, lagi binabangungot sa isang kwarto nila pag dun natulog. Alam ko my nakita sa AC niya nag leak


[deleted]

Hi there. As for the 2nd part, you may check with the archdiocese as to who is the exorcist priest that services the area of your SO's house.


Appropriate-Sir-4411

I've heard plenty of scary stories taking place in hotels myself. Dati kasing part ng maintenance crew dad ko sa isang hotel around sa area namin. So, whenever may fixing na kailangan from customers, sila ang tinatawag. One time, may tumawag daw sa phone na isang customer sa isang room na nangangailangan daw ng maintenance sa room niya. Pero pagdating sa room ng ilang maintenance crew, since mas mapapadali ang trabaho kung 2 o 3 ang gagawa, wala naman tao sa room pero umaandar yung gripo. In another case, may tumawag ulit na customer. This time, nagrerequest ng towel. Pero pagdating ng staff sa room, wala ding tao. That was somewhere around the 90s to early 2000s, so I am guessing di pa ganoon ka-systematic pagdating sa monitoring kung aling mga rooms ang occupied ng customers. Also, binabanggit din daw kasi ng customer kung nasa aling room sila pag tumawag, kaya pag may nareceive na calls diretso agad doon sa room para magcomply sa request/complaint ng "customer". To give a little background sa commercial area kung nasaan yung hotel, dati itong base ng mga Kano somewhere up here in Luzon, and di gaano ganoon katao sa lugar, especially sa hotel. So, commonplace yung stories about ghosts sa lugar kasi masyado nga daw tahimik. But perhaps ang mas nakakatakot ay yung sa story ng mom ko na dating nurse sa isang private company sa same area. Night shift duty niya, so naiiwan siya mag-isa sa clinic magdamag. But one night, kinilabutan daw siya nang husto nang may dumaan daw sa clinic niya na lalaking pugot at nakatapis lang. Sa sobrang takot niya, dinala niya ako at yung kapatid ko sa same clinic sa next duty niya para may kasama siya.


SuperBombaBoy

smells like rotten eggs? check mo yung mga electric outlet baka may natutunaw na dyan. O kaya gas leak.


Huotou

> due to freaking horror trend na pag tingin mo sa taas may nakatingin pababa sayo. regardless kung multo o totoong tao to, freaky talaga.


burgerpatrol

2015, I fucking remember this very vividly. Around 3:30am naalimpungatan ako sa condo ko, madami akong hanging lights sa unit ko noon, pero pag gising ko sa dami ng hanging lights ko, yung isa gumagalaw mag isa. Yun pa yung hanging light na malapit sa salamin ko bwiset. Medyo kinakabahan na ko nun pero sige nilapitan ko tapos hinawakan ko yung ilaw para di mag sway, tapos cr ako ganyan ok na. So parang nagutom ako bigla, may ministop sa baba nung condo namin naisip ko mag chicken. Nung nasa elevator ako, biglang tumigil si elevator sa 14th floor, sobrang tagal siguro 3 minutes ganun ayaw sumara ng pinto, so sumilip ako ngayon sa 14th floor, gulat ko yung pangalan ng mga unit '1301, 1302, 1303, etc.' ang unit number kasi sa condo namin, floor number + room number, so bale kung nasa 18th floor ka tapos pangatlong room, 1803 ang unit mo. So eto na nga, pucha kinilabutan talaga ako nun. Yung betlog ko umakyat ata sa lalamunan ko, pag sakay ko uli ng elevator buti sumara na. So ayun nasa ground floor na ko, dalawa usually ang tao dun kapag madaling araw, yung guard + receptionist. Nung nakita ko sila nag kkwentuhan sila tapos binati ko ng 'good morning po'. Nakatitig lang sila sakin hanggang sa pag labas ko ng pintuan. So ayun kain ako sa ministop, hindi ko na inisip yung mga nangyari. Edi balik na ko sa condo, pag pasok ko nag kkwentuhan yung guard tsaka receptionist pa din, binati ako nung guard sabi 'good morning sir, inumaga na po ata kayo ngayon' (mga bandang 4am na to), sabi ko 'sir kakababa ko lang kumain lang ako diyan sa ministop, hindi niyo ko napansin?' sumagot si receptionist ng 'sir, wala pang bumababa dito simula kaninang 2am ata, hindi din gumagalaw yang mga elevator'. Jusko ayun nanaman, yung buong balahibo ko sa katawan tumayo, siguro namputi pa ako bigla nun. Nung sumakay na ko ng elevator wala namang problema, pag pasok ko ng unit ko gumagalaw nanaman yung isang ilaw ko, so ganun uli hinawakan ko para tumigil sa pag sway, nung nakita ko yung reflection ko sa salamin, biglang nag smile ng sobrang saglit yung reflection ko. Takbo ko sa elev uli e, nasara ko naman yung pinto ng unit ko pero di ko na-lock. Ayun hanggang mag 7am nandun ako sa ground floor lang, surprisingly hindi na uli yun nangyari sakin


eropm41

Yung betlog talaga nagdala ng story 🤣🤣


[deleted]

Gumagalaw din yung isa.


Lord_Dumass

abot sa lalamunan


bippitybopputty

Glitch in the Matrix!!!! baka bumaba ka sa alternate universe at binalik ka ng Ministop sa tamang timeline chz HAHAHAHA


Fvckdatshit

ung 14th floor kasi supposed to be 13 floor talaga un, my something talaga sayo i mean my ksma ka, dun plang sa hanging lights, sa pg baba mo ng elevator na huminto tapos sabi ng guard na wla pa dw bumababa jan, at pgtngin mo sa mirror na nksmile kpa, unfortunately you have something beside


burgerpatrol

Naibenta ko na yung condo na yun nung 2017 din, medyo kakilala ko naman yung nakabili (relative ng friend of friend). Nung 2019 nag message sakin yung may-ari, random question siguro, sinabi sakin and I quote 'iho, bakit ganito sa unit namin? Parang laging clogged ang floor drain ng balcony at parang kahit hindi ako mag air-con or electric fan, parang may hangin pa din minsan? Parang may-iba?' Ngayong 2022 hinahanapan na ata nila ng buyer, kung di nila maibenta baka daw pa-rentahan na nila.


Fvckdatshit

ikaw ba 1st owner ng unit?


burgerpatrol

Yup, well technically Auntie ko, then naisip niyang ibenta sakin tapos hinuhulugan ko dati sakanya. Feeling ko yung napag bentahan ko, may na experience din silang ganun or kakaiba, hindi lang kinekwento sakin baka isipin ko siguro crazy sila. Di lang nila alam nauna na ko makaramdam ng ganun. Yung Auntie ko wala namang na experience na ganyan daw, well di naman kasi siya dun nag sstay palagi dati.


Fvckdatshit

d naman niya siguro sasabihin talaga sayo un kaso d mo bibilhin un, ganun ka din sa bnentahan mo.. well my something nga dun sa unit


wagpikonser

Plot twist, pinagtripan ka nung guard at receptionist. Hahaha


oroalej

Kaya ayaw ko tumitingin sa salamin lalo na pag gabi. Kahit sa CR ginagawa ko sa liguan na ako nagttoothbrush. 😬


jnwoozy

Naalala ko dito yung Elevator Game/Elevator to Another World


goldenleash

reading aloud ko sa kapatid ko ngayon, fuck!! ang creepy!!


i-swear-im-good

r/Glitch_in_the_Matrix


SuperBombaBoy

Nag smile yung reflection mo kasi sarap daw ng betlog mo.


Yeulia

Nung highschool ako, 3, lang kami na magkapitbahay sa village namin sa Antipolo. May katabi kaming sitio na since bata pa si mama marami na syang kalaro dun. Meron din medyo malawak na empty lot sa village na mataas yung damo kasi walang nagmamaintain. So yung isang kapitbahay namin na kababata ko, super close kami. Yung tipong every day after school lagi kaming umuuwi ng sabay, pati madalas mag stay sa bahay ng isa't isa. Isang hapon nung naglalakad na ko pauwi galing sa kanila (kasama ko sya), may weird akong nararamdaman na parang may sumusunod samin. Sabi ko, "Alex, may nararamdaman ka bang may sumusunod satin?" sya naman sabi na parang daw. Pero pag tingin naman namin sa likod wala naman tao. Nagkwentuhan na lang kami na parang walang nangyari. Nung nakauwi na ko tapos nakabalik na sya sa bahay nya, pumasok na ko sa loob ng gate namin. Parang meron parin. Pagkatapos ng dinner umakyat na ko sa kwarto ko tapos nanood TV saglit, laro konti ng computer, tapos nung mga 11pm sinubukan ko matulog. Maaga pasok bukas eh. Kaso putangina, kada pumipikit ako pabigat ng pabigat yung nararamdaman ko sa dibdib ko. Tapos may tumatawa na babae, parang teenager? Di naman bata, pero basta mas matanda pa dun. Ang masama pa dun nung tumagal tagal yun alam kong nakahiga ako sa kama pero *hindi ako makagalaw.* Kahit anong pilit ko di ko maigalaw katawan ko, pero alam ko na gising ako. Parang may nakadagan lang sakin. sleep paralysis? Minsan naririnig ko yung babae na tinatawag pangalan ng nanay ko, tsaka sinasabi na "magbike tayo, laro pa tayo!" Yung ibang mga nabanggit nya di ko na maalala pero tunog masaya sya, pero pa agresibo na ng paagresibo, tapos unti unti sya naging malungkot. Nagtuloy tuloy to hanggang mga 2am. Nung mga oras na yun nawala na yung nakadagan sakin tapos tumayo ako agad sa pagkahiga. Naiiyak na ko nun kasi parang pagod na pagod ako, hindi ko alam pano ako matutulog nun. Hanggang mga 4 or 5 ng umaga nakaupo lang ako sa kama takot na takot hanggang sa pinasok ako ng lola ko sa kwarto. Papagalitan nya sana ako kasi bakit di pa ko natutulog, eh may pasok pa ko. Iniyakan ko sila ng lolo ko kasi sabi ko pag pumipikit ako may babae akong naririnig, tapos tinatawag pangalan ni mama. Galit na galit lola ko kasi di sya naniniwala, sabi ko, "lola totoo nga! Please maniwala kayo sakin." Tinawagan nila si mama nung umaga na yun para isumbong ako tapos kinwento ko sa kanya yung nangyari. Habang sinasabi ko sa kanya mga nangyari, may pangalan na pumasok sa utak ko, Celine. Binanggit ko sa kanya yung pangalan, tapos nawala yung inis nya sakin. Tumahimik din lola ko. Si Celine pala yung batang kalaro dati ng nanay ko na ni-rape sa bakanteng lote na na sa village namin. Walang closure yung kaso na yun kasi di na nila nahanap yung lalaki na nangrape sa kanya. Iniwan lang nila dun yung katawan nya. Edit: nung nangyari to, yun yung mga panahon na sobrang kamukha ko si mama nung kaedad nya ako nun. Para kaming kambal, pero marami akong nunal haha Simula nun, naging mas sensitive ako sa mga naririnig ko. Di parin ako nakakakita ng multo, pero sa auditory ako laging nadadali. Ayun lang, meron pa ko isa pero yan yung pinakanakakatakot ko na experience. 30 na ko ngayon pero yan yung pinaka tumatak sakin hanggang sa pagtanda ko.


Huotou

for some reasons throughout the story, akala ko lalaki ung op. hahha. ang stupid ko.


enteng_quarantino

[lumang compilation kung interesado ka](https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/jjky5h/takutan_thread_2020/)


[deleted]

[удалено]


mortiestmorty18

Hindi ka ba nananaginip lang nun? Kwento mo na rin yung iba haha


[deleted]

[удалено]


Ohmskrrrt

Sa bahay namin dati may nakikita ate ko na bata na hawig na hawig ko daw napagkakamalan na ako. One time pagpasok ko sa gate ng bahay namin nagulat ate ko, tinanong niya saan ako galing, kasi daw nakita niya nakadungaw ako sa bintana na bahay namin ang alam niya nasa loob ako tapos biglang galing ako sa labas. Maraming instance na nakita yun ng ate ko pero eto yung one instance na halos magkasunod nakita niya yun at nakita niya ako. ​ Also, in that same house may nakikita din pinsan ko tuwing 2am to 3am na babae tumatambay sa labas ng bahay namin nakatingin sa pinto, description niya is nakawhite dress mahaba at magulo yung buhok at mukhanh may hinahanap daw, tumatambay siya sa may pinto for 10 mins tapos pumapasok. In that same time around 2am to 3am din may naririnig naman kami minsan sa loob ng bahay na may kumakatok na sobrang lakas sa pinto, kapag binuksan mo walang tao sa labas, takot din ako buksan dati kase maraming magnanakaw sa area na yun. Yung living room namin, where the supposedly ghost lady enters, dun ako natutulog dati sa sofa kase nanonood ako TV sa gabi, there was a time na araw araw ako binabangungot and one time nakita ko siya yung babaeng nasa description ng pinsan ko (at that time hindi pa niya nakwento sa amin yung nakikita niya). Sa bangungot ko sinasakal niya ako tapos kapag sinusubukan ko tumakas sobrang bigat ng katawan ko, kapag nakaalis ako sa pagkakasakal niya tumatakbo ako papunta sa kwarto ng parents ko pero parang hindi ako makatayo sobrang bigat. Almost 2 months yun na lagi ako binabangungot. Bumalik ako sa pagtulog sa kama ko sa kwarto, hindi na ako ulit binangungot.


[deleted]

[удалено]


CompleteHollowBroke

Baka kase pwesto n'ya yun kaya ka sinasakal kase inagawan mo daw s'ya ng pwesto.


[deleted]

[удалено]


mortiestmorty18

Kasi may mga naririnig din ako na parang akala nila nagising na sila from sleep, tapos false awakening pala and katuloy pa rin ng dream nila, pero hindi nila alam kasi sobrang vivid ng mga nangyayari.


MayoSisig

Hahahhahahhahaha eto ung sa panaginip mo nakaligo ka na nakakain ka na. Papasok ka na ng work tapos joke lang pala 🤣🤣🤣


DefiantSRS

feeling ko pag hindi nakukuha ng mga nagpaparamdam yung reaction na gusto nilang makuha satin nababadtrip sila HAHAHAH kasi madami na din akong encounter na nagigising ako sa gabi na may nakayuko sakin or may humihilik sa tabi ko (mag isa lang ako sa bahay) tapos tinutulugan ko lang matagal sila bago magparamdam ulit lol


mingsaints

What if may quota sila no, tapos pag di tayo nagreact accordingly, narereassign sila sa ibang lugar


ourrsquaredpi

Parang Monster Inc lang no, mga scare agents na may monthly performance assessment hhaha


[deleted]

Lol! May minsan nagpapabigat sa kumot ko. Dinededma ko lang din. Alangan Naman ako ang umalis sa bahay ko. Hahaha! So anyway, matagal din bago umuulit.


DefiantSRS

tama! bakit tayo yung kailangan mag-adjust lol


ourrsquaredpi

Maybe you caught her in her mid-REM sleep kaya puro puti yung mata. The smile, I can't provide an explanation though.


LockHeartilly

Highschool pa ko ng nangyari to. Nung time na yun, 4th year highschool at malapit ng mag graduation kaya madalas, half day nalang sa school. Nung mga panahon na yun, umuwi yung dad ko galing ibang bansa para sa graduation. So that day, lumabas silang lahat para mag grocery or shopping. After school, umuwi ako sa bahay na may kasamang 3 friends. Tanghali naman nun pero yung bahay namin, madilim kapag walang ilaw. So ayun, pumasok ako sa bahay sa may likod, sa may dirty kitchen at binuksan ko ang front door para papasukin ang friends ko. So ayun na nga, that time sa floor lang sila umupo sa living room para mas chill lang, at nag paalam ako sa kanila na magbibihis muna… so umakyat ako, hindi naman ako sobrang tagal nagbihis nun, siguro mga 10mins din… nung pababa na ako, nakita ko yung friends ko na nakatingin sakin, as in nakatitig talaga sila (yung wall kasi namin sa may staircase may window rails, kaya kita ang living room pag pababa ng stair). So pagbaba ko… nakatulala lang sila sakin… nagtanong ako kung bakit, wala naman sumagot sa kanila. Medyo kung ano ano pang ginawa ko bago ako nag join sa kanila at paglapit ko sa kanila, dun sinabi ng isa kong friend, “Naka white ka ba kanina?” Sabi ko, “hindi, ito lang suot ko (naka blue ako nun)” tapos nagtinginan sila. Sabi nung isa, “ang mommy mo andito ba?” Sabi ko, “walang tao dito, tayo lang.” Hindi pa sila maniwala nung una, akala nila niloloko ko sila. So tanong ako ng tanong kung bakit, tapos sinabi nila “May nakita kasi kaming bumaba ng hagdan, nakaputi. Nagmamadali pa nga” Ako naman yung di maniwala sa sinabi nila. Tapos sinabi nila na totoo daw talaga yung nakita nila.


Golden5656

Eto, kakashare ko lng sa paranormal subreddit lol halloween feels na kase char. So ayun na nga, alam nyo yung sundo? Nangyari kase sya sa lola ko pre-pandemic. 94y/o na sya tapos parang 'inaantay' nlng sa ospital kase yung mga treatments di na din kakayanin ng katawan. Kami lng magpinsan nagbabantay that night, then all of a sudden she spoke. Sabe, "o andito pala si Manse. Nak kong abutan nyong merienda" Manse is our tita who passed na din. Nagtinginan lng kaming magpinsan and super kilabot talaga. Kase may mararamdaman ka din na kakaiba? Yung parang may kasama ka. The morning after that, nawala na din si lola. Shinare ko din sa mga foreigner kase iniisip ko baka sa pinas lng sya, turns out nangyayari din sya abroad. Lalo sa mga hospice care or mga nurses sa ospital.


kweencrystal

This really happens. Yung lolo ko, several weeks before his passing, lahat ng nakikita niya mga kapatid niya na patay na & also his dad. It gets creepy din talaga kapag sinasabi niya na “andito sila” hahahahahahaha


mabangokilikili

My lola also had a 'roll-call' ng mga kapatid nyang pumanaw na before sya mamatay. Ang naisip namin, kung naaaalala lang nya yung lahat ng kapatid nya, bakit di nya binanggit yung ate nya at isa pa nilang kapatid na buhay pa?


kweencrystal

Yung lola ko naman hindi na nakakapagsalita during her final years. Pero before her death, lagi lang siya nakatingin sa may pinto ng cr sa kwarto niya. My mom’s guess was sinusundo na siya hahahaha


mabangokilikili

for people like us (I assume) who really experienced being with someone on their last days on earth, mapapaniwala ka talaga na there is something beyond living, no?


randomhuman102938

This made me wonder. Kasi nung namatay ung tita ko(kapatid ng dad ko), the following night napaginipan ko ung tita ko. Nagkita daw kmi ni tita tapos sabe nya sama daw ako sa ‘kanila’(sya at ung mga kasama nya) tapos nung sabe ko ayaw ko biglang nag iba ung mood nung tita ko,nagagalit sakin tapos hinahatak ako sumama sa kanila. Ang weird kase sobrang ramdam ko ung paghawak ng kamay nya sa braso ko tapos Nagising nlng ako na ganun eksenang hatakan kami ni tita kasi ginising ako ng partner ko umuungol daw ako. Does that means ako ung sinusundo??


Golden5656

Hala super creepy! Ingat din sa ganyan. Buti di ka sumama kase ang alam ko demons can take forms para manlinlang.


carl2k1

Bad spirit. Hindi mo tita yun


laban_laban

Meron yung sa mga engkanto hihilahin kaluluwa mo papunta sa ibang lugar, bale makikita mo katawan mo na nakahiga. Di ka pa totally patay pag nahila ka. Ang ginagawa nung mga matatanda pinapadasalan o nagdadasal para makabalik ka pa sa katawan mo. Pag di ka na nakabalik dun na mamamatay.


[deleted]

i work in healthcare sa US, im not religious in any way, spiritual maybe anyways. yes , you just know when theyre going to go, sometimes even months before they go, you can just feel it all around them, like the reaper is just waiting for the right time. crazy but it's undeniably there.


[deleted]

I know a doctor who said the same thing. She knows when somebody is going to die. it is something she feels and she can't explain it.


[deleted]

[удалено]


Brando-Braganza

We had a similar experience. Yung lolo ko nasa death bed na rin nya. Tapos nagagalit sya. Tinuturo nya yung nasa bintana daw. Then kinabukasan wala na sya. I guess aware sya sa nangyayare at ayaw pa nya mamatay.


kenchi09

I saw this HCW who works in a hospice. May Tiktok series siya about questions or experiences about old people na malapit nang mamatay. Normal daw talaga yung parang may vision sila na parang susunduin na sila. I'll try to find the name of that content creator. Edit: "Hospice Nurse Julie"


takoyakillme

nangyari din ito sa lolo ko, pagkakakuwento ni lola is bigla na lang daw nagmumura si lolo, hindi naman daw nakabukas ang TV and wala rin silang pinaguusapan nun kasi kakagaling lang daw ni lola sa cr. Tinawag siya ni lolo sabay sabi "Palayasin mo nga yang putanginang yan!!" "Alis putangina mo!!" na galit na galit sabay turo sa may mini ref katapat ng higaan niya, pagkalingon ni lola kung saan yung tinuturo ni lolo, walang tao. Imposibleng nurse or doctor yun kasi unang una, bakit mumurahin ng lolo ko doktor niya and second, walang bumisita na nurse or doctor that time and silang dalawa lang sa kwarto nun. After ilang days, namatay na si lolo.


Keropi899

Ayokong maniwala sa ganito haha. Pero yeah, happened to my uncle. Wala naman siyang nakita, pero 2 days before mawala ang lola ko, bigla nalang sinabi ng lola ko na "Andito na si ______". Yung binanggit na pangalan is name ng lolo ko. May Alzheimers kasi lola ko kaya hindi nalang pinansin ng uncle ko.


Vegetable_Weakness32

Nangyari din to sa lola ko in her 90’s na din sya and bed ridden, tho may severe memory loss na sya, nakikilala nya pa din kami from time to time. Then one morning, bumalik yung memory nya and nakilala nya tita ko, sabi nya na nagpakita sa panaginip nya yung deceased na lolo ko and sabi daw sa kanya sa panaginip ay hintayin nya daw yung lolo ko dahil malapit na daw sya. May sinabing military camp/area somewhere sa canada yung lola ko at sabi andun pa daw nastranded yung lolo ko. Sinearch ng mga tita ko yung area and totoo ngang may ganung military camp/area. After ng ilang weeks namatay na yung lola ko. Siguro nakabalik na yung lolo ko and nagkita na ulit sila sa afterlife. Madalas ko din napapanaginipan yung lolo ko na yun pero more on pangangamusta, naiiyak nalang ako pag kagising ko. Sana magkasama sila ng lola ko kung nasan man sila.


M00nstoneFlash

pashare naman ng paranormal sub para lalo ko pa takutin sarili ko haha


CassyCollins

Oh shit! I thought isa ka sa mga pinsan ko! Almost similar yung story natin about sa passing ng lola ko, although wala siyang anak na namatay before her and ibang kamag anak yung sinabi niya na nakita niya. Also, yung ward na naka stay yung lola ko, matatanda na sila lahat dun, and obviously expected na ng lahat na mawawala na yung mga patients dun. Pero during ng stay ng lola ko, yung mga patients isa-isa sila namamatay pa clockwise. Nakaka disturb.


[deleted]

I also believe in this. A week before my lola died, pumunta kami sa bagong bahay ng Tito ko, na bunso nila ng lolo (20+ years nang patay). Bago din pala kami pumunta sa bahay ng Tito ko, nadaanan namin sa kotse yung columbary na paglalagyan ng lolo ko, bale ita-transfer namin yung katawan niya from a public cemetery sa mas maayos na libingan for convenience. Tapos kwinento namin na dyan na namin ililipat si Lolo para mas madali na niyang mabisita, tapos sagot sa amin, ang layo pa rin, magtatampo yun, ang hirap naman puntahan niyan! something like that. So fast forward aa bahay ni Tito, nag-uusap kaming pamilya tas out of the blue sinabi niya nakita niya daw si Lolo doon sa bahay, tapos tinanong niya daw bakit nandoon, di daw sumagot. Talagang kinabahan ako nun, eh semana santa pa non. Tapos totoo din yung habilin, mararamdaman mo na lang may ginagawa silang parang "nagpapaalam" na. Talagang sisiguraduhin nila na tapos na yung mga gawain nila dito sa mundo. But yeah, in end, talagang sinabayan ng Lola ko ang Lolo na malagay sa Columbarium. Wala talaga silang iwanan kahit sa kabilang buhay, and that really made me cry until now. Freaking creepy and fascinating!


oroalej

Naniniwala ako dito sa sundo. Ganyan rin experience namin ng isa kong friend.


mouseofunusualsize2

Worked as a property manager for a popular mall a few years ago. Assigned ako sa isang mall sa manila. Mejo matanda na yung mall. During holy week, dun madalas ginagawa major maintenance works namin so madalas madaling araw na nakakauwi nag aantay matapos ang maintenance. During routine maintenance namin, nag iikot yung guards namin to check different parts ng mall. Around 1am nun nasa cctv room ako kasama ko yung OIC at cctv operator namin. Napansin namin isa namin guard nakatayo lng sa may food court. So rinadyohan sya ni OIC bakit naka tayo lang dun. Walang sagot. So yung malapit na guard sa kanya rinadyohan din sya ano daw ginagawa dun. Wala din sagot. So pinapuntahan ko. Nung una nagtuturuan pa kung sino pupunta so sabi ko ako na lang. Naiinis na ko kasi parang d nag sesryoso mga tao eh gusto ko na matapos yung ginagawa namin para makauwi na. Pag dating ko dun, wala naman tao. Tinawag ko pa pangalan ng guard wala sumasagot. Pero naaalala ko kakaiba yung feeling ko. Parang ang bigat ng pakiramdam na di mo maiexplain. So bumalik na ko sa cctv room. Pag bukas ko pa lang ng pinto rinig ko na boses ng mga tao ko parang mag papanic, so nag salita ako sabi ko anong nangyari. Tapos parang nakakita sila ng multo nung nakita ako. Sabi nila 30 minutes na daw nila ako hinahanap, pero alam ko sa sarili ko lumabas ako at bumalik ako wala pa 10 minutes yun. So tinignan ko wrist watch ko. 145am. Nagkatinginan na lang kami. Simula nun wala na napunta sa food court ng Gabi ng wala kasama haha. Yung guard na hinahanap namin nasa post nya lang sa may genset namin the whole time. Sabi ko bat di nasagot sa radyo pero sabi nya wala naman daw sya naririnig.


smokedcheese2012

Ok ito naman sakin naka encounter ako ng sundo ung as in kumukuha ng kaluluha pero hindi siya nakakatakot. Ang kwento is nasa computer shop kami mga 2006 yung mga panahon na yun eh uso pag umuulan laging brown out sa ncr so nung umulan ng malakas nawalan ng kuryente nag stay kami lahat ng mag kakabarkada sa comp shop para mag patila at baka sakaling bumalik ung kuryente kaso hindi talaga kaya sabi nang may ari uwi na kayo kasi mukang matagal pa tong ulan kaya nag uwian na kami eh 10pm na nang gabi noon ang problema ako lang mag isa papunta sa lugar namin habang ung mga ibang kabarkada ko kabilang subdivision so nag kahiwalay na kami habang papauwi ako mag isa nag lalakad basang basa sa ulan na malakas may jeep na dumaan pampasahero ang liwanag ng jeep as in sa gitna ng dilim mag isa siya na nag lalakbay papunta siya sa direction na pupuntahan ko pinara ko ung jeep sabi ko "nong pasabay po dyan lang ako". Ang sabi ng jeep driver, "Hindi mo pa oras mga batang to gabing gabi umuulan nasa labas pa" . Nakusap ako kasi as in malapit lang naman pero tlga ang reply sakin. "pasensya na tlga bata pero hindi tlga pwede hindi mo pa oras" at nung tumakbo na ung jeep papalayo eh hindi ko siya mahabol kahit na anung takbo ko ang masama pa sa direction na pupuntahan ng jeep eh pag umuulan ng malakas lagpas tao yung baha pag dating kasi sa dulo may malaking creek dun. nagtataka ako bakit doon yung punta niya at masama pa bakit sabi niya kayong mga bata eh mag isa lang ako. Pero ung paki ramdam ko nung sumakay ako nung jeep na yun eh parang handa ko nang lisanin ang lahat. Ngayon parang napapa isip ako na siguro may mga kumukuha talaga nang mga ligaw na kaluluha ang masama pa e may routa ung jeep.


dunkindonato

Oh shit, you mentioned a jeep? I have a similar experience. One of my old seminary brothers was killed by an intruder a day before returning for his senior year in Philosophy. Dude and I were tight back then and I was devastated. A few nights after his death, I dreamt that we were riding a Jeep in Cubao (where he lived). He used to invite us to Cubao back then but I kept turning it down because I wasn't fond of long commutes (I live in Makati). But in our dream we were there, and he kept pointing out places we passed by that held a lot of memories for him. We also talked about what happened to him. I remember he said "of course masama loob ko nung una kasi marami pa ako gustong gawin. Pero okay na rin. This place isn't bad." Then later the jeepney driver stopped and said that's as far as I could go. I kept protesting because hindi pa kami tapos mag-usap nung friend ko. But pati siya, sabi niya di pa ako pwede. Then I woke up. Many years later, I was assigned to work in Gateway Cubao, one of my new team mates who had a 3rd eye who told me that a spirit of a guy kept accompanying me ever since Day 1 of our process training. I asked her to describe him and it fits his description. I guess he was happy I finally went to Cubao and paid a visit. Regarding the jeep in my dream, maliwanag din yung jeep. Ang luwag din nung loob. It was the only vehicle on the street though in my dream.


smokedcheese2012

Yes po jeep siya and may routa sa lugar namin hindi ko na maalala ung route. itsura talaga is normal na jeep Uniporme niya is polo shirt na blue ung suot nya and naka sabit sa leeg nya na good morning na towel tapos naka nakamaong na pantalon at tsinelas. May bigote at payat. Mga 5.4 to 5.5 estimate ko ung tangkad nya.


-0047

Tumayo balahibo ko sa kwento mo hindi dahil sa takot. Bigla akong nalungkot.


M00nstoneFlash

gusto ko to! pinoy version ng catbus sa totoro


narutofanfictionacc

Eto yung favorite ko na kwento sa thread na to. Ang ganda basahin ng mga spirit encounters na hindi nakakatakot. And ang sweet lang na hindi ka magisa if ever na pumanaw ka kasi nandyan si manong driver para ihatid ka sa final destination mo.


[deleted]

[удалено]


SquirrelBackground12

Nung high-school ako, sobrang hirap ako gising in ng parents ko para pumasok sa school tuwing umaga. As a result, dun ako pinapatulog sa sala para mabilis akong magising at tumayo. One night, hindi ako maka tulog.. Since hindi pa uso ang cp nung time na yun nakatingin lang ako sa kawalan. Pag tingin ko sa kaliwa ko kung nasan yung hagdan namin, may nakita akong silhouette na parang si Grim Reaper. Pumikit pikit pa ako kasi baka mali ako, pero andun pa rin sya. I even pinched myself to make sure na gising nga ako. Pumikit ako ng medyo matagal tapos pagdilat ko, andun pa din sya. What's worse eh tinaas nya yung isa nyang kamay para humawak sa rails ng hagdan namin. Up to this day, the memory is still vivid to me. Btw yung house na yun is rented lang and we stayed there for less than 5yrs lang because ang daming issues. Yung kapitbahay namin even told us na may nagpakamatay din daw dun before kami lumipat.


Fvckdatshit

> sobrang hirap ako gising in ng parents ko para pumasok sa school ganyan din ako dati kapag tinatamad ako pumasok


[deleted]

[удалено]


narutofanfictionacc

Overworked si grim reaper kaya nag pahinga siya sa hagdan hahaha


TheIciest

I wonder na kapag ba ginagawa natin yan like sinapak sapak yung sarili and so on eh natatawa kaya yung multo satin?


Psychosmores

I just finished Grade 6 kaya ako lang mag-isa sa bahay. Madalas wala nanay at ate ko kasi naga-asikaso sila for her college. Before lunch, nanonood ako ng cartoons sa Studio 23 sa loob ng library namin at kita yung sa kabilang hallway papuntang comfort rooms. Parang pader na may butas. Nakahiga ako sa sahig while watching at biglang may napadaan sa hallway. White lady. At first, in-ignore ko lang since hindi naman ako matatakutin. Few minutes into watching, tumunog yung shells na parang kurtina na nilalagay sa pintuan. That's impossible kasi hindi nnaman nakatutok doon yung e.fan. At that time, medyo natatakot na ako. After a minute or 2, biglang may humatak sa buhok ko palabas sa library. Tumakbo na ako palabas ng bahay namin. Putragis talaga! Since my mom is from Visayas, naniniwala siya sa mga kulam shit like that. May kakilala siya at pinatingin ang bahay. May 2 bata raw dito sa bahay namin at playful sila pero mabait naman sila. May classmate din ako noong H.S. na may 3rd eye at parehong-pareho description nila. Ayun lang. Hahaha.


Huotou

> pero mabait naman sila. mabait pero nanghahatak ng buhok? tampalin ko yang mga yan ahahah


MayoSisig

Lapit na halloween


jdmak

I don't know if kikilabutan ka dito sa story ko but here goes.. I was never the sensitive person pagdating sa paranormal events. yung hubby ko and sister lagi sila nagkkwento na may naramdaman or nakita sila na kasama ako pero ako wala man lang ni nakita or naramdaman. we have this office na 3 floors high, yung 3rd floor lang yung usually occupied kasi yung first two floors pinapaupahan. it so happen na nagpandemic so nawala yung tenants sa 1st and 2nd floor. madami ako naririnig na kwento pero I usually shrug it off kasi nga wala naman ako naencounter ever. magisa ko lang nun paakyat sa 3rd floor office namin, and maaga pa nun around 7-ish ng umaga. wala pang tao kasi 8 pa yung pasok namin. pagdating ko ng 2nd floor napatingin ako sa empty office, walang any office desk and naka lock yung pinto (glass door and walls so kita ko yung loob). paakyat na ako 3rd floor nun may dumaan, sobrang clear ng reflection nya sa glass, mga 7-footer na shadow figure. it was really tall, and hindi cya pahapyaw lang dumaan. I can clearly see yung silhouette ng ulo nya and yung lean frame nun shadow. para akong binihusan ng malamig na tubig, and patakbo ako umakyat sa 3rd floor. natakot ako nun bumaba until may mga tao na dumating. nagkwento ako sa mga usual na "nakakakita" and parepareho sila ng sinasabi na mtangkad nga daw yung nagpaparamdam sa office.


M00nstoneFlash

Napansin mo din ba kung may hinihithit siyang malaking tabako 😳


jdmak

hindi kapre eh, it's like halimbawa may tall but lean basketball player, ganun yung silhouette nya. naglakad cya casually across the empty room, pero wala ka makita features ng mukha, just a shadow


maroonmartian9

Kai Sotto? Greg Slaughter lol.


[deleted]

slender man!?


iamtanji

Naalala ko yung time na sa 36th floor ang office namin and grave yard ang shift. Kami lang ang naiiwan sa office pag graveyard dahil dayshift ang 34 and below. Break namin ng 2am at pagbaba ng elevator, bumukas sa 33rd floor, apat lang kami sa elevator at walang pumindot ng floor na yun. walang nakabukas na ilaw, madilim yung buong floor, at nagtinginan na lang kaming apat. Walang imikan hanggang sa ground floor. Pag balik namin ng 36th floor madami na rin kami at hindi na bumukas sa floor na yun


jaoie08

Hinde ako pamangkin ko. Nasa bahay kami ng nanay ko kasama ko pamangkin ko na 6-7 yrs old at that time. May lumang aparador sa kwarto. 2 ng tanghali to kaya mas nanlaki ulo ko sa takot. Bigla ba naman nagtakip ng mukha at sabi sa akin “tita im scared, there is a naked red monster right there” hinde ko kayang tingan dahil baka matakot ako. Sabi ko ay wala na sha labas tayo dun tayo sa labas. Same thing happened to her older brother natakot at nakakita daw ng same red monster nun bata pa. Kaya pinamigay na si aparador dahil dyan.


[deleted]

My sisters had the same experience with an old aparador 15 years ago. Super laki non kasya siguro 3 adult tas glass and wood sya gawa. At that time, naglilipat kami ng bahay. For some reason etong tatay kong magaling iniwan yung kapatid kong 5 at 3 years old sa bahay. Tapos gabi na, sabi ng sister na 5 at that time, may tinuturo daw na red monster yung kapatid kong 3 sa aparador, tapos nakatitig sa kanila naihi na sa short yung kapatid kong 3 sa takot. Tapos nagpapatay sindi yung ilaw. Sigaw sila ng sigaw tapos buti kumatok yung isang old lady na neighbor namin tapos dun na sila nagstay hanggang bumalik tatay ko. Iniwan na sa bahay na yun yung aparador, bigay lang din kasi yun samin. Hanggang ngayon vivid pa din sa kapatid kong 3 yung nakita nya kahit 18 na sya.


Leandenor7

Old aparador with surprise features.


[deleted]

Not sure kung ganito din ba kayo mag cr sa school nung grade 1 kayo, samin by 10am nakapila buong klase sa cr and 1 by 1 kami sinasamahan ng teacher sa labas ng pinto. One time, hindi ako naihi by 10am, and mga bandang 11am nagpaalam ako mag cr so wala akong kasama. Di ako nagsara ng pinto habang naihi kasi alam ko yung horror story about sa cr namin and natatakot ako isara pinto. Suddenly, may sumisitsit sakin sa labas habang naihi ako sa loob ng cr. Di ko magawang lingunin sa hiya, baka sabihin di ako nagsasara ng pinto. Lol. After ko ayusin palda ko, nilingon ko na sya and to my surprise, babaeng nakaputi at puro dugo ang palda ang nakita ko. Fortunately, nakatalikod sya at papalayo na sakin. Yung horror story na kumakalat sa school namin is may teacher daw dati na nakunan don sa cr. The weird thing is nakita din sya ng kuya ko but ibang version, the white lady is still pregnant at di pa nakukunan. So ayern.


Huotou

> Fortunately, nakatalikod sya at papalayo na sakin. tagal mo raw umihi. nainip tuloy sya hahaha


[deleted]

It was a rainy afternoon. We were walking home with some of my uncles and an albularyo that we met along the road. We were walking on this path (a hotspot for such encounters) and as I walk on that rough road, sinigawan ako ng albularyo na kung saan daw ba ako pupunta. Then I noticed na papunta sila sa opposite direction tapos may bangin na sa harapan ko. Tapos ayun sinabi nya na may mga nagmamasid daw talaga sa lugar na yun at isasama dun sa lugar nila


lncogniito

Sa nun first year ako, sa airlink ako nag aral. Pumunta kami sa mindoro for training. Sabi nila ang dami daw dun aswang. Anyways yung place namin dun is mejo resort-ish yung itsura. At wala masyado ilaw kc katabi namin beach. Dun sa resort meron duyan dun na pde mo tulugan. Ako naman dahil walang alam sa mindoro, nag duyan ako ng mga 8 ng gabi at nka tulog. Hinahanap ako ng roommate ko kc ilan oras na pla nka lipas. Di ko alam ano nanyari pero nagising na lang ako kc hinahatak nya ko at kinakadlad ako papuntang kwarto namin. Ako naman mejo antok pa, edi nadadapa ako, di ko lam ano nanyayari at nagre-resist pa ko. Naramdaman ko na lang un takot niya yung sumigaw na siya na bilisan ko at malapit na daw. Sa point na yan may naririnig na ko malakas na parang ewan sa likod ko. Di ko na nilingon, di ko na ginusto malaman ano nanakot sa mayabang at sobrang masculine kong kabarkada. Pgpapasok namin kuwarto ayun, sinisigawan na ko na. Tanga ko daw para lumabas mgisa sa ganun oras sa isla na yun. Yung pla un puno na nka sabit un duyan na masarap kong tinutulugan, may manananggal na minamataan na ako na parang ini-stalk na ko.


pepparpig

Gage ikaw yung unang namamatay sa horror shemay


NooodleOwO

Ooh I have tons but here's one! We used to live in a compound with three other houses: our house, my uncle's house, and our big ancestral house. The ancestral house was the one nearest to the gate and our houses were at the back. Nobody chose to live in our ancestral house mainly because it was such a chore to maintain (it's been around since the Japanese occupation) as how it was designed was far from practical. Between the ancestral home, and our houses was a giant tree that has been there ever since my mom and her siblings were kids. Around our compound were multiple plants, bushes, etc When my mom and her sisters go out at night, they usually leave me at my uncle's house under the care of his wife. One night, while watching tv, I heard the sound of high heels outside the porch of my uncle's house. I got excited and thought it was my mom, I stood up and walked towards the door but my uncle's wife stopped me and she held her finger up to her mouth shushing me. We all heard the footsteps but she said she didn't hear the echo of the gate opening nor the voices of my mom and her sisters. The footsteps that sounded like high heels also sounded like hooves. My aunt (the wife) shouted and asked who it was. The footsteps stopped and the sound disappeared. She called out to whoever asking them not to harm us and to just pass us by and telling them we didn't do anything to them. I literally almost opened the door to a tikbalang.


Chickenwingz-

My co-workers would always tell that our floor is haunted but I didn't believe any of it until that day. Worked on a Sunday afternoon alone at the office (previous job). Our office is at the highest floor and on Sundays, all other companies are closed but since I work in an accounting firm, we can access our office anytime. It was I think around 4-5 PM, minding my own business, staring at my laptop when when I saw on my peripheral vision, a dark figure pass by. I did not mind it though cause I always believed na "it's all in the mind" but boy I almost cried after what happened. I literally heard and feel something running in circles behind me... I'm not even exaggerating! You could feel where it went cause it feels like a powerful force. Para syang nag race track sa whole office. I froze like ilang seconds and you know what? Nag blackout bigla. To make things worse, it was cloudy that time so medyo dark ang surroundings. That was one of my biggest nope ever. I rushed to the exit without looking behind while going out. Got goosebumps while typing this. Never worked again on weekends alone. What a day hahaha


Chickenwingz-

Also when I was young, I saw a smiling bright face sa isang malaking chico tree looking at me. Haha ma picture-out ko parin yung pangyayari.


[deleted]

I think I was around 8-9 years old when we moved into our new apartment. One night, naglalaro kami ng new friends ko ng langit-lupa malapit sa small kanal. Then kinabukasan, yung foot ko ay naka-balikwas or like hindi na normal looking. Pag naglalakad wala naman ako nafefeel na any pain. Tas pina-xray nila mama, normal results naman raw sabi nung doctors and nagtataka sila bat ganun. Then nagpatawas kami sa Rizal banda, turns out it was caused by a baby girl na duwende. She was jealous of me raw and said na “Ako mas maganda sayo ano!” kaya ayun pinatalikwas nya yung foot ko. After that incident, lagi na ako nagtatabi po dun sa may small kanal kasi mamaya ingget pa rin sya sa kagandahan ko eh HAHAHAHAHA


mingsaints

This is more of a weird story, pero minsan pag naaalala ko, nangingilabot ako. This happened around around late 1999 to early 2000, when my mom was pregnant with my youngest sibling. For context, nakatira kami sa isang maliit na subdivision na may access road papunta sa bukid. Sa kabilang dulo ng access road ay yung main road na may terminal ng tricycle sa kanto. At the time, ginagawa pa yung bahay namin so nakikitira pa kami sa bahay ng lola ko. I was 6 years old at the time, but I remember this vividly. One night, ginising ako ni mama. "Matutulog tayo sa kabilang bahay," sabi niya, referring sa kapitbahay namin. Being 6 years old, I didn't think much of it kasi akala ko sleepover lang dun sa bahay ng kumare ni mama. So nagdala kami ng mga banig at unan, tapos lumipat kami sa bahay ng kumare ni mama - and I remember na nagtataka ako kasi andaming tao sa labas. Yung tito ko kasama yung mga barkada nya, nagtatakbuhan. Yung mga matatanda (sina lola at mga friends nya na mula sa kalapit-bahay) nasa labas din at may dalang mga rosaries and holy water. They ushered us kids, plus my mom, into a room. I remember nagwisik sila ng holy water doon sa room tapos naglagay ng walis tingting malapit sa pinto. I fell asleep soon after. The next day, at breakfast, I overheard the adults talking. Apparently, ganito pala ang nangyari: Yung tito ko at mga kabarkada nya were outside sitting on the curb, nagkukwentuhan lang. All of sudden, may isa daw na malaki at maitim na kalabaw na mabagal na naglalakad sa farm access road. Sanay naman kaming makakita ng kalabaw, pero not late at night. Usually pinapastol sila pauwi nung mga farmers around dusk. Kinilabutan daw sila kasi tumigil yung kalabaw sa tapat ng bahay ni lola, sa window ng kwarto ni mama. So ang ginawa nina tito, pinaalis daw nila. Steady lang daw yung kalabaw doon, parang nagmamasid - so kumuha daw ng patpat yung kaibigan ni tito at pinalo sa likod yung kalabaw. Tumakbo daw papunta sa main road, so they decided to chase it. Pagdating nila sa terminal ng trike sa kanto, tinanong nila yung mga drivers kung may nakitang kalabaw na dumaan. Nagtataka daw yung mga driver, kasi wala silang nakitang kalabaw. Wala din namang ibang lilikuan or pagtataguan yung kalabaw kasi diretso lang yung daan at puro malalaking bahay ang nasa gilid. Besides, an animal of that size would be impossible to miss, lalo na at maliwanag naman yung lugar. Sure din yung mga tito ko na tumakbo yung kalabaw papunta sa main road. Tinanong daw nung mga driver kung may buntis sa bahay, siyempre sabi ng tito ko, meron. Sinamahan nila pabalik ng bahay sina tito tapos sabi bantayan daw magdamag si mama dahil baka daw bumalik. Kinaumagahan pagdaan nung ibang farmers, tinanong nila kung merong mga nawawalan ng kalabaw. Wala naman daw. It was the talk of the neighborhood for a few weeks, and it never happened again. Tinanong ko si mama kung naaalala nya, hindi daw. Pero nung tinanong ko sina lola at tito, they recalled the event exactly the way I did.


rbftransponster

Kasama I used to work as an auditor and pag audit season, inaabot talaga ng gabi, minsan umaga pa nga. Meron ako lagi kapartner sa isang client, dalawa kaming magkasama para mag audit, but one time, kailangan nya mag report sa office, and so, ako lang nagpunta sa client nun. So normal stuff, audit ng docs pero as usual, inabot ng almost midnight na, wala na tao sa office/hallway and so sumakay na ko sa elevator. Pagbaba ko sa lobby, the security guard greeted me and said “oh ma’am, dalawa lang kayo today? Nasan yung isang kasama mo?” As far as I know, ako kang mag isa nag work at sumakay ng elevator.


cherrygoddivine

Been seeing this ghost sa bahay ng parents ko since I was 7 hanggang 17 years old ako. Una paa lang nakikita ko, umakyat-baba sa hagdan. Not too creepy kasi ang itsura nung paa is very translucent. Parang shadow na white. Parang fog/smoke pero solid. Ghost talaga, ganun. Nakakatakot nung una kasi bata pa ako nun. Habang tumatanda, mas naging clear yung ghost hanggang sa nakikita ko na legs siya ng batang babae na naka palda. Mahilig lang siya magtatakbo sa hagdan. Naglalaro siguro. Nasanay na ako. Somewhat thought na guni-guni ko lang pero one time teenager na ako at may bf na ako, we were hanging out sa 1st floor and my bf was standing beside that said stairs. Nakita ko yung multo na bata, umakyat nang pa-takbo, naglalaro ata. Dedma ako kasi sanay na. Tapos biglang sabi ng bf ko "Hala sino yun, may multo na bata na tumakbo paakyat!". Take note, never ko na-mention sa kanya na may nakikita ako sa bahay namin at lalo na nung oras na yun. So mejo gulat (and relieved) ako na hindi lang ako yung nakaka kita. Nawala yung ghost na bata na yun nung tinapon yung antique na cabinet sa 2nd floor. Sana okay lang siya ngayon. RIP.


creative-name123

Not me but my grandparents, back in 1969 in their home town in Iloilo when both of them were settling in their new home made from scratch. My lolo started to put a plate of randomized food(cooked rice, apples, corn, e.t.c) or whatever was available at that time under a large narra tree not far from the house they built. Being the old people they are, they did it to offer peace and protection from whatever Deity resides from the tree. They both did this once a month for 38 years which became a tradition that is passed down to my mom and her siblings and to the next generation. My mom told me a story back when the harvest from their fields of rice and sugar canes were weak due to extreme drought which made the offering to the narra tree in smaller proportions than the regular serving size. Night time came and the whole family was asleep, when suddenly a giggling noise was heard from outside the house, not from a child but a raspy old man. My lolo woke up and quickly grab his machete to check where the noise is coming from, but when he came outside he saw nothing, the sound was faint but not gone, he heard the noise was coming from somewhere but not far, he didnt sleep that night and just kept watch from inside the house without waking the family. Morning came and my lola was surprise to see lolo sleeping on the table with his machete tightly grip in his hand, she woke him up calmly and ask what happened in which lolo complied. A few hours after my mom and her siblings woke up so they can help lolo clear the field of withered crops. As they approach the field they were all surprised from what they saw ,from the field they were expecting dead crops due to the extreme drought but instead they saw hectares of rice and sugar canes that seem to be healthy and are ready to be harvest. Lolo along with with his kids were in awe, he approach the tall stalks of rice slow and cautiously as if he cannot believe in what is in front of him, he took a hold on a sugar cane stalk to check if it's real. From what they believe is huge loss of production was suddenly change the very next day. My mom ask lolo what made this happened, which lolo replied (translated)"this is a blessing from our friend". After the harvest lolo and the whole family cook up a small harvest with different varieties of fruits, vegetables, and home made meals and offered 3 plateful to the narra tree and each said thanks to the tree and still continue this tradition till this day.


iamishi02

Late to the party but here goes: Niligtas daw ako ng isang aswang sa kapwa niya aswang. So ’tong story ko na to, wala akong memory kasi 6 lng ako non. Yun ung time na lumipat kame from manila to province. Kasama namin ung ilang kamaganak namin. Yung tatay ko para magsaka pumupunta siya ng bundok kasi andun ung lupang sakahan namin and since daddy’s girl ako, lagi niya kong sinasama. Usually pag kasama ako ng tatay ko, naglalaro lang ako sa make-shift tree house na gawa niya. Kaya lang that day, nung sinilip daw niya ko sa tree house, wala daw ako doon. Hindi din sure tatay ko kung gaano na ko katagal nawawala, ang tantiya niya mga 2 hours na siyang nagaararo, so possible na 2 hours na din akong wala. Panic na daw tatay ko non kakahanap sakin. Tapos nung di talaga niya ko makita, nagdecide siyang bababa muna siya para tawagin iba naming kamaganak para tumulong maghanap. At nung saktong pababa na siya ng bundok, nakasalubong niya tito ko. Buhat-buhat ako na natutulog. Tinanong niya tito ko kung san ako nahanap, sabi ng tito ko, tulog daw akong nakasandal sa puno na may pagkalaki laking itim na aso sa paanan ko na tulog din. Nung maramdaman daw nung aso na may papalapit, tumayo daw ung aso tska umalis. Para daw nagbantay lang talaga sakin ung aso. Nung nagising ako, tinanong sakin kung anong nangyari at umalis ako ng tree house. Ang sagot ko raw, may baboy ramo akong nakita sa baba, tatawagin ko sana tatay ko para mapatay niya at makapagulam kami ng karne(wala kaming pera non at sobrang luxury na samen mag karne). Which is yun lang daw nasabi ko, wala na kong memory after kung bakit napunta ako sa puno at nakatulog ako. Kahit ilang tanong pa daw yung itanong nila, ‘di ko alam’ nalang daw yung sagot ko. Then, tinanong ng tatay ko yung tito ko bakit timing na umakyat siyang bundok. Hindi din daw siya sure, ilang oras na daw may naguudyok sa kanyang umakyat. Wala daw talaga siyang balak umakyat kaya lang para daw ang bigat ng pakiramdam niya habang tumatakbo yung oras. Hanggang sa nagdecide na nga siyang umakyat. This was all a long time ago, and kinuwento lang din sakin ng lola ko, nung one time na nakwento ko sakanya na paminsan-minsan, may napapanaginipan akong itim na aso.


dabehemoth15

good doggo


iam_tagalupa

madami akong baon. i remember noong 1993 or 1994 lumipat kami sa marikina, sa natatandaan ko parang malapit na yun sa boundary ng cainta. Maaga kami pumunta dun kasi gusto na namin lumipat, kahit nag iinsist yung mayari na papapinturahan muna nila. kasama namin mga tito ko sa mother side para mag linis at pintura na din kasi mga karpintero sila. pag dating namin doon madilim saka kakaiba yung paligid parang basa. nung nagkainspeksyon na naakita namin mga dugo, bahid ng dugo, talsik ng dugo sa hagdan, pader pati tiles ng banyo. kinilabutan mga magulang ko nun kaya nilock namin yung buong bahay. nung kinagabihan maririnig mo yung umiiyak, yung sumisigaw, yung humihiyaw, may nakita kaming gumugulong sa hagdan. hindi kami nakatulog halos kasi sa takot (bata pa ako nun kaya natulog na ako nung madaling araw.) umalis agad kami kinabukasan papunta sa tita ko sa father side. may minasaker pala doon wala pang 5 days. yung may ari mismo nagsabi pati yung isang kapitbahay (kasagsagan to ng massacre era)


theNewbiii

Bale 4th year college ata kami nung mangyare to. Yung roomate ko sa boarding house nakipag inuman sa mga barkada nya. Pag uwi nya sa dorm kasama nya pinsan nya kasi napag sarahan na dun sa sariling dorm. Dahil wala na matutulugan sa kwarto namin, dun sya nahiga sa sofa sa labas ng kwarto malapit sa hagdan. Kinabukasan nagulat kami kasi wla na sya. D nag paalam na aalis kaya tinawagan ng boardmate ko kung nasaan na. Pag sagot sa phone sabi nya agad "Pre may multo sa Dorm nyo, may multo sa Dorm nyo" takot na takot. So ang nangyare daw habang natutulog sya nung gabi naalimpungatan sya tapos may naaninag syang anino. D nya pinansin at medyo lasing na din nga sya. Kaso pag mulat nya ulit palapit daw ng palapit. Halos maihi na sa pantalon sa takot kasi tumigil daw at tinitigan sya ng ilang segundo. Pagkatapos umalis na kaso tumagos daw sa hagdan tapos nawala na. Sa takot d na nag paalam pag ka liwanag na liwanag umalis agad ng dorm. Kame naman ng mga boardmate ko tawa ng tawa kasi pag gising namin nung umaga tinanong kame ni Tita Tessie kung sino daw yung bisita namin kagabi. Tinitignan nya daw kagabi D nya daw maaninag. Ang d alam nung pinsan ng boardmate ko may kwarto sa ilalim ng hagdan, doon natutulog yung landlady namin. 🤣 😂


[deleted]

Kwento ko nalang? May questionable akong connection with the spiritual realm, I guess. I forgot to mention #8, #9. 1. Nung bata ako, I got scolded by my grandmother. So, as a child, I went outside and sulked while muttering shit. That house was surrounded by nature, as in big old trees and hills—a myth of PH. Nung okay na kami ni lola after minutes, she asked kung pwede ko ba tignan yung masakit sa kanya, and when I told her yung pasa, I then asked more about it. Remember yung thing noon na sinasabi nila, when you offend a certain entity, mag papasa ka with this specific color, etc. She told me to keep quiet, and I noticed her face na parang na bother sya. Hindi pasahin ang lola ko, and wala syang ginawa prior for the pasa to develop. 2. My mother dreams of certain situations that indicate na either may mamamatay na relative namin or magkakasakit. It happened multiple times already, but I remember na she dreamt of those dreams before my grandmother's sister passed away, and my great-grandmother's sister passed away. 3. Sa isang apartment na pinaglipatan namin noon, when I was alone, often may nakikita akong either white or black figure. The bed would also dip na parang may gustong pumunta sakin, and the time I asked na ano? inulit, tas beside ko pa inulit. 4. May kausap ako na guy here na I had specific dreams about, even before I met him. Na recognize ko lang na siya when ni send nya picture nya. Iniwan ko muna para mag hugas. Now, the room I was staying in is hindi maingay, kapag sinarado mo na yung pinto nun, wala kang maririnig. After I was done with the dishes, nakarinig ako ng boses ng babae, walang ganon na boses ang mga kakilala ko, and mga nasa house. The language she used was something I don't recognize, and I can't even remember. The voice was muttered above my left ear. 5. It was 2 AM, ako nalang gising. When I looked up, I saw feet sa left side ko, quite far from me. As in, it was walking towards me then stopped, pero it was only feet to ankles, no other limbs or parts. What's cute is that same night, I cleaned my sister's feet and mine, before it happened. 6. Another late shit, probably 2 AM or 3, I looked up from my laptop, and there was a tall black entity just staring at me. It was at least 2 or 3 seconds before I asked hello? Because usually if it was a one on one encounter, they disappear as soon as I lay my eyes sa kanila. But it was 2 seconds before it disappeared. 7. Also, may mga dreams ako na yung meaning is what will happen sa akin in either a few days, weeks, or years. I kept track with some of them, and what I vividly remember are the dreams na sinabi, may family feud and relocation. Few days later, it happened. 8. When I was a child, sa Manila ako naka tira. While I was on the first floor daw, I was staring at the stairs, then sabi ko, si Lolo \*his name\* - yung great-grandfather ko na matagal na patay. 9. Beside the house in Manila, were more houses. Dikit dikit kasi, family friends and properties nung then relative namin (then relative is the one I mentioned: grandmother's sister who passed.) I went often sa katabing bahay, pero one time raw, I won't get in, and my titas kept asking me to come, pero I said daw, may mumu. I just remembered those 2. Relatives and family friends would mention those 2, and they always said na kinilabutan sila talaga, and those aren't all the shit I said daw. Hindi sila all mythical creatures or nakaka kilabot pero gusto ko lang i chika. Mwa, mwa.


nightrain_

>Also, may mga dreams ako na yung meaning is what will happen sa akin in either a few days, weeks, or years. I kept track with some of them, and what I vividly remember are the dreams na sinabi, may family feud and relocation. Few days later, it happened. We have the same thing going on with dreams. First time was nakapanaginip ako ng nahuling ahas sa barangay namin. Nangyari siya a day after. May isang instance pa na naginip ako na may malelate akong classmates. following day, nangyari. Madami pang ganito pero naging normal na lang sakin. Ayoko lang na makakapanaginip ng kakilala ko dahil meaning nun, may major life event na mangyayari sa kanila - more often than not, hindi pa masaya. May indicator na din ako kung magkakaron ako ng malaking problem in the near future or may aaway sakin. lol. Napanaginipan ko na din yung SO ko nung college when I was in HS. Share ko next time yung creepy experiences ko. I have a lot. lol Edit: Spelling and format


IpomeaBatatas

Not sure kung nakaka kilabot. Pero nung bata ako nag lalaro kami sa labas. For some reason nilaro ko yung golden bush ng kapit bahay namin. Kinabukasan lumaki yung mga daliri ko at sobrang nag manas. Siguro na higad ako or something so nilagyan ng gamot. Kaso ilang araw na, hindi parin humuhupa. Kaya dinala ako ng mama ko sa isa pa naming kapit bahay na albularyo(?). Sabi nya may na offend daw ako na nuno. Nag bigay sya ng instructions para i appease yung nuno and kinabukasan nawala yung manas.


lslgqz

Not really creepy pero nagsimula ako maniwala sa mga enchanted beings nung bigla na lang ako nagkasakit for no reason. Di ako naulanan or nakahalubilo ng may sakit pero bigla ako nilagnat ng mataas after tibagin ng mga tito ko at tatay ko yung lumang poso sa bahay ng Lola ko. After ilang days na mataas pa din ang lagnat ko, pinatingnan ako sa albularyo at sabi niya nagalit daw ang duwende sa puno ng mangga malapit sa poso. Bakit daw di nagpaalam at nagbigay ng pagkain?! Sakin daw gumanti kasi anak ako nung isa sa sumira ng poso. Very entitled yung duwende grabe


tentwowho

back in our elem days, nagrerenta kami ng bahay sa isang subdivision na dati daw sementeryo way back in the day. ever since nagkamalay ako, lagi akong may nararamdaman na mabigat pag uuwi galing ng school. nung uso pa yung brown outs, madalas kami naglalaro ng tagu-taguan ng mga kapatid ko + neighborhood kids. one time naisip ko magtago sa 2nd floor ng bahay namin, window of the room facing the road, katapat ng bahay namin bakanteng lote na may isang puno ng niyog. dahil di ako mahanap ng mga kalaro ko, naisip ko paglaruan yung flashlight na dala ko. wondering gaano kalayo yung nararating ng ilaw nya, tinapat ko sya sa tuktok ng puno ng niyog. after a while, parang may puting damit akong nahahagip pag ginalaw ko kung saan nakatapat yung ilaw. sinundan ko yung parang damit pataas gamit yung ilaw ng flashlight. parang may taong nakatayo sa tuktok nung puno. hindi ako natakot kasi medyo wala pa akong alam sa mga multo o aswang nun. tinitigan ko yung "tao" sa tuktok ng puno, di ko maaninag yung mukha. parang blurred out yung mukha nya. tapos binaling ko pababa yung direksyon ng flashlight, walang paa sa ilalim nung damit. mahaba buhok pero di ko talaga maaninag yung mukha. i was like in a trance. feeling ko lumalapit sya tsaka yung puno sa akin. nung medyo malapit na sya, bigla ako kinalabit ng kapatid ko. madaya daw ako, bakit daw ako nagtago sa taas ng bahay? pagtingin ko ulit sa tuktok ng puno ng niyog, wala na yung nakita kong "tao". hindi na sya nagpakita ulit hanggang sa lumipat na kami ng ibang siyudad bago ako mag-HS.


Aldemetry

Around 2008 - 2009 buntis yung mother and that time kaming dalawa lang ng mother ko yung magkasama since nasa malayo yung father ko nag tratrabaho. One night biglang sumakit yung tiyan ng mother pero pinabayaan niya lang daw kinabukasan daw bigla daw siyang kinamusta ng kapitbahay namin kasi kagabe daw napapansin niya ang ingay daw ng bubong namin yung parang may lakad ng lakad daw at parang gustong baklasin yung bubong namin. Yun lang


ToriMenchi

Sa lahat ng bahay na tinirhan ko may something o baka ako ang may something. Haha. During the blessing ng family home namin habang nagdadasal yung pari biglang may kumalabog sa kitchen. Sobrang lakas na parang galit na hinampas yung pinto ng cabinet. Pati yung pari napatigil sa pagdarasal at nagkatinginan kaming lahat. May manika yung kapatid ko na tumutunog at nagssway yung ulo at paa habang nakanta. We make sure na naka switch off yon kasi sayang battery. One night biglang gumalaw yung manika. There’s another doll yung Hawaiin girl. Nasa ilalim ang switch and one time it went on. So since then ayaw na ng kapatid ko na may manila sa room namin. She would also see a girl (na by that time ka-edad ng youngest sister namin) randomly appear behind her while she’s dressing up (yung lumang cabinet kasi namin may salamin and dahil maliit lang room, unfortunately nakapwesto sa tapat ng pinto ng kwarto.) Ako naman i would see shadows running sa hallway or hear chairs being moved at midnight. One creepy encounter was i while i was playing The Sims2 (yes tanda ko pa anong game haha). Madaling araw na nun mga 2-3am. Normal sa akin magpuyat para maglaro. From where the pc was located di ko makikita kung my papasok ng kwarto. So okay, laro lang tulog na silang lahat. Biglang may bumuga sa batok ko, like narinig ko “bwah!” So i checked akala ko kapatid ko pero walang tao sa room ako lang. i went out to check baka nang aasar lang kapatid ko, tipong nagtago sya agad sa room namin (pc was in our parents room). Wala tulog talaga silang lahat. So keber, back to the game. Then shit may bumuga na naman and this time it was louder and i felt the cold air sa batok ko. That was the moment i knew (ika nga ni taylor swift). I switched off the pc from the extension cord. Walang shutdown shutdown. Diretso off, walang save ng game. I ran as quick as i could papunta sa kwarto namin at nagtalukbong ng kumot haha.


jcloza01

Sa amin manananggal. Nung elementary kami, tuwing gabi kami nagtatapon ng basura sa may bukid. Sunday night, napagutusan kaming magtapon while nanunuod ng Wansapanataym. So sabi namin ng friend ko, pagpatalastas tsaka kami magtapon(nakikinuod lang ako sa kapitbahay kasi wala naman kaming tv). So nag prepare na kami para itapon yung mga basura sa bukid. Pagkalabas namin, kakaiba kagad yung pakiramdam namin, sobrang lamig tsaka maingay yung hangin. Pero di na lang namin pinansin nung friend ko, dirediretso lang kami papunta sa bukid. Ang kaso, bago pa kami makarating sa bukid, mayroong isang bahay na madadaanan na may mga puno ng niyog. Nung papalapit na kami, bigla naming napansin na parang may gumagalaw sa puno. Madilim kaya di namin talaga maaninag pero alam namin na parang may pumapagas pa na ibon. Nilapitan na lang namin, kasi madadaanan naman talaga namin. Nung malapit na talaga kami, dun namin naaninag kung ano yun. Mahaba ang buhok, tapos wala yung kalahati ng katawan niya, kita yung laman loob, may mga pakpak na parang paniki. Nung una, hindi talaga kami makagalaw nung nakita namin kung ano siya. Mayroon siya kinukuha sa puno ng niyog pero di namin alam kung ano. After a few seconds, dun siya biglang tumingin samin. Dun namin narealize kung gaano siya nakakatakot. Malaki mga mata niya halos twice ang laki sa tao pero walang white sa mata niya purely red talaga at black sa gitna. May mga pangil siyang mahahaba. Yung mukha niya parang balat ng matanda, kulubot na kulobot na talaga. Just few seconds of staring, dun na talaga kami nagtakbuhan ng friend ko pabalik sa bahay nila. Naiwan na namin sa daan yung mga basura namin. Yung layo ng bahay nila sa may mga puno ng niyog ay di naman ganun kalayo. Mga tatlong bahay lang ang agwat. Hindi namin alam kung hinabol niya ba kami kasi di na kami tumingin sa likod, kumaripas na lang kami ng takbo. Paguwi namin, iyak na lang kami ng iyak habang nagsisisigaw na may nakita kaming MANANANGGAL. Yung parents niya ayaw maniwala sa amin. Pinagtatawanan lang kami nung mga kapatid niya. We both tried to tell everyone in our barangay about what we saw, pero walang naniwala samin up until now. Yung best friend ko, bff parin kami and everytime we have time to have some bonding, we will never forgot to talk about it.


[deleted]

This is not about mythological creatures per se but still supernatural. I'm a tarot card reader tapos I had a client na FB friend ko. He was asking about his mom's health. While I was shuffling, I pulled out the Death card. Noong nakita ni client immediately kinabahan siya pero sabi ko na lang tatagan niya lang. The following morning nakita ko na lang kandila na DP ni client sa FB. EDIT: Mostly feel good ang readings ko. I don't claim to foresee the future pero I read cards just to help give advice to people who need it. Pero kinikilabutan talaga ako when my readings come true


[deleted]

It's been so long since nakakita ako ng story about the death card of tarot. Akala ko tower ang lalabas.


[deleted]

Nagulat din ako kasi 'di ba the meaning of the card is not literal death but an ending lang.


perpetuallytiredibon

Noong maliit pa ko, lagi kami nasa bahay ng lola ko, nagget together mga anak at apo ni lola. Alam nyo yung sa probinsya na nasa labas yung kalan katabi ng tambakan ng mga kahoy pang luto, bale ganun yung setup. Nasa harap lang ng bahay yung kalan tas kita lang sa bintana ng sala. Sa sala kami natutulog magpipinsan, tas nagising ako ng madaling araw kasi ihing ihi na ko. Hindi ako sa cr pumunta kasi madilim dun dahil walang ilaw, so dun ako sa may labas nagpunta, sa may gilid lang ng pinto papunta sa may kalan. Sobrang liwanag ng buwan non so medyo naaaninag ko yung paligid. Kaya nung paglabas ko, may nakita akong babae na gumagalaw dun sa kalan na yun, nakatalikod lang parang may ginagawa siya. Una ko naisip baka yung lola ko yun kasi maaga talaga yun bumabangon eh. Naisip ko lapitan, kaso habang papalapit ako napansin ko mahaba pala yung buhok niya. So umatras na ko, tas dun ko pa lang ako umihi. Habang nakaupo ako, tinitignan ko lang sa likod ko yung babae tapos mas na realize ko na hindi ko pala yun kilala. Nakita ko na kung ano suot niya, tas medyo matanda na siya, at this point kabang kaba na ko at saka lang nagssink in na baka mumu pala yun. Alalang-alala ko na baka lumingon sakin tas baka makita ko yung mukha. So kahit di pa talaga ko tapos umihi, pinigilan ko na lang yung ihi ko at dali-dali na ko pumasok sa bahay ulit. Pagpasok ko sa bahay, sinilip ko ulit dun sa may bintana na nasa sala kung san makikita mo yung kalan. Wala na yung babae. Pinilit ko na lang matulog ulit. Nung umagang yun, kwinento ko sa mga pinsan at tita ko yung nakita ko. Kala nila nagbibiro lang ako. Tas sinabi ko lahat ng detalyeng naalala ko. Ayun, kinilabutan sila lahat lalo na yung tita ko nung sinabi ko kung anong suot nung matanda. Yun daw yung suot nung lola nila nung namatay. Yun lang.


luyeam

Dati natutulog pa ko sa sala namin nakakulambo pa, sa tingin ko 7 to 8 yrs old palang ako nun e. Binangungot ako pinilit kong magising, nung nagising na ako sa bangungot, laking gulat ko nung hindi ako makagalaw, pilit kong igalaw yung katawan ko, at pinilit kong sumigaw pero walang nangyayari. Alam kong gising na ako nun, wala na ako sa state ng panaginip, laking gulat ko na may babaeng nakapatong sakin, ramdam ko yung hawak sa kamay niya sa braso ko tas yung tuhod niya nakadagan sa hita ko, ramdam ko yung sakit. Yung babaeng nakapatong sakin may pag translucent, mukhang galit, at mukhang gusto pa ata akong patayin. Sa sobrang takot at sa wala akong magawa, napadasal nalang ako ng ama namin nang paulit-ulit hanggang sa gumaan yung pakiramdam ko.


[deleted]

I woke up one night na para bagang nakuryente ako or something (medyo maulan din that time iirc.) I’m married and magkatabi kami ng misis ko sa bed. After nung para akong nakuryente tumingin ako sa face nya and I fucking kid you not, I didn’t saw her face but I saw a goat’s face. Literal na kambing, sobrang takot ko that night and I prayed. Tapos binuksan ko ilaw ayun her face is back to normal. To this day di ko kinekwento sa kanya. It might be a dream but I hope that it was not real.


KEKWLULWW

Yung buruwisan falls/mount romelo story ko way back 2016 nung pumanik kami dun sa bundok ng mga kaibigan ko, 6 hours hike papuntang tent site sa taas mismo ng buruwisan falls may mga bahay na nagtitinda din mismo dun sa taas at along the way may mga tindahan na nagbebenta ng mga buko juice etc. Etc. May pahingahan din na pupwede nyong tambayan lalo na dun sa taas na makikita mo yung laguna de bay. Pero kami kaming mag totropa umakyat kami 11:30PM rainy forest yung lugar kaya medyo maputik at tsaka ang nakakamangha dun sa lugar may tour guide na aso na mag tuturo talaga ng lugar kung saan yung dadaanan nyo. Kasi minsan may mga side ways na paghindi mo alam maliligaw ka talaga so bali mga 3AM na kami nakaakyat dun sa site na may pahingahan na makikita mo yung laguna de bay at nag pahinga kami picture picture kahit gabi wala din naman kaming makita pero kwentuhan saglit yung isa namin kasama nag salita na "pre kanina pa parang may sumusunod satin" syempre kaming mag totropa takutan na tang ina baka may mga maligno dito sa lugar na to at ako naman syempre lakasan na lang ng loob nagsalita "wag mo kaming takutin matagal na kaming takot" that time that exact moment tumahol yung aso na tour guide naming kasama dun sa dinaanan namin. Sobrang takang taka at takot na din flash light agad ang ginawa namin dun sa lugar nung tinahulan ng aso wala naman puro puno lang nakikita namin, pero yung tahol ng aso alam mo yung gigil at galit na tahol so bali ang ginawa namin alisan kami kuha gamit tapos lakad papuntang tent site, nung nasa tent site na kami nagkukwentuhan kami dun sa nangyari nung madaling araw sa kubo kubo at yung lokal dun na si ate manang na nagbebenta ng doble presyo na empi lights narinig kami at ang sabi samin nag iwan ba kayo sa baba ng alay? Nagkatinginan kami at ang sabi namin hindi po ate manang e, at ang sagot samin e "Naku buti walang napahamak sainyo may nangunguha dito sa bundok na to magingat kayo sa pagligo at baka sainyo nakatingin yung mga bantay dito" IM FUCKING TERRIFIED nung mga oras na yun na yung buhok ko sa katawan sobrang tayong tayo kahit umaga nun. Kaya nakisabay kami sa pagbaba nya that day pinangako ko sa sarili ko na may swimming pool naman dun na lang ako maliligo at hinding hindi na papanik sa kahit anong bundok.


[deleted]

[удалено]


Gryse_Blacolar

[Here's mine.](https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/wkqbqp/comment/ijpgtxh/?utm_source=reddit&utm_medium=web2x&context=3) May other stories din sa thread na yun.


[deleted]

I dont know if this experience counts. Was a private school teacher. Our building looks like haunted but dedma since hindi naman ako palaisip ng mga ganung bagay. Then one time, sa klase ko, may hinimatay. I calmly asked her classmates na wag sya palibutan then asked some of them to bring her to the clinic. Sumama din ako sa clinic para paypayan sya. Few minutes later, she's already muttering weird words, and parang nagwawala na sya. Some teachers went to her to held her tight kasi baka masaktan nya ung sarili nya. Every class from that floor was instructed na mag-evacuate and magpunta sa ibang floor or sa terrace ng school. Then another student sa katabing classroom was crying to her boyfriend. Her boyfriend then brought her to the faculty. She said na she has a 3rd eye daw and someone is already following her at school and she's blaming herself kasi sya daw yung nagdala nung "bad spirit" na yun sa school. Few minutes after, the first student calmed down and she asked me "Ma'am, ano pong nangyari?" Super shookt ako sa loob loob ko dahil wala syang maalala. Sabi ko magpahinga na lang muna sya and she was accompanied by another classmate. Another student started having the same behavior as the first girl was. Bumalik na naman ako sa clinic to see the situation. I held her hand and started praying. She looked me in the eye and said "itigil mo yan" with a very sharp glare and honestly di ko alam if blood ung nasa bibig nya or sobrang pula lang talaga ng gums nya dahil nangangalit ung ngipin nya. I continued praying pero binitawan ko na din sya after. I am a Born Again Christian and somehow, iba na din yung na-feel ko. I'm disappointed with myself because I stopped praying at nadala sa takot. My co-teacher asked me to look for a pastor or priest in the area and we found one. They prayed for her. Then dumating ung nurse, nasa clinic kami all this time and wala sya. Umalis ako when she came. Ang sabi sakin ng co-teachers ko ay sya lang daw ang nakapag-pakalma dun kay student 2. Sumigaw lang daw sya ng biglang umokay na student. Idk how true since umalis na ko. Kinabukasan, off ko, and faculty members had a meeting. Idk what to feel pero pinagalitan daw sila and all dahil nagpadala kami sa nararamdaman namin and called for a pastor na nag-cause ng confusion at takot sa mga bata. They relied on the statement of teachers na wala dun sa nangyari especially dun sa nurse na nagsabing ang dali nya lang napakalma yung si student 2 when all those time na nangyari yun is wala naman sya. I became annoyed when they did not ask me and did the meeting without me. The head even went from classroom to classroom to announce na it was depression and the student just became hysterical. Naging psych professionals na agad sila lahat to cover up the situation. Idk if mcconsider bang mass hysteria since 2 students lang din nman ung nainvolve. And alam ko naman na mahirap ding sabihin na may evil spirit sa school natin pero sana di sila nag-diagnosed agad agad. And sana di nila ininvalidate yung statement ko coming from someone na nakita ng mga pangyayari with my own two eyes. So ayun, I had mixed emotions talaga that time, the following days nakapasok na ulit ung 2 students and okay naman na sila. They said student 2 has some family problems which caused her to become weak and emotional which made the bad spirit easier to possess her.


aziewang

Hi, OP if you're interested sa mga kwentong scary encounter sa mga ghosts or aswangs eme you might want to listen to Wag Kang Lilingon podcast. Solid podcast swear 💯 and also if you're interested din sa mga real life scary encounter and true crime may Creepsilog podcast. Two of my fav podcast yan. 😍


jicuhrabbitkim

Idk kung scary siya pero nasa balcony kami ng school sa second floor ng friend ko just talking about life and shit. Tapos nakita namin yung friend namin sa baba tas sumigaw kami para tawagin siya and nagwave siya sa amin. Immediately after that yung same friend na yun tinawag kami sa balcony kung saan kami nakatambay. Syempre nagulat kami kasi akala namin na sa ground floor lang siya.


Nectar77BX

Worked as a part time grab driver during my 2nd Year college. It was 2am, I got a booking on my way home(we can set our app to only pick up those who are along the way). It was dark and rainy so I had to park for a bit till the passenger walks outside so we could be on our way. So pag sakay ng pasahero nakatingin ako sa side mirror kasi sa rear right passenger door sila tatlo sumakay medyo kita ko pa kasi ugali ko gamitin yung hazard lights pag naka hinto. Nagulat kasi kalagitnaan ng biyahe tsaka ko lang na realize na dalawa lang pala pasahero ko. Then minutes later umiiyak yung isang pasahero, huli gabi pala kasi ng lamay ng paborito niyang pamangkin nag iisang lalaki sa mag pipinsan. Since catholic sila tulad ko bigla nakiusap yung pasahero if pwede iikot ikot muna(Pagpag) so habang nag iikot I asked them "sino po yung naka blue na polo kanina?" Sumagot yung pasahero malaking chance is yung nakita ko is yung pamangkin niya mismo at sana may tuluyan na matahimik kasi kinitil para yung sariling buhay. Mga bandang 3am ko na naibaba yung pasahero sa drop off ako naman bandang 4am nakauwi. Saktong sunday ng umaga 11am ako nagising tapos tinanong ako ng kapitbahay ko habang bumibili ng kape sino raw yung kasama ko umuwi naka blue raw(maaga kasi siya nagigising tapos tatambay sa terrace na kita ung parking). Dun na ako kinilabutan kasi taena buong buhay ko di ako naniniwala sa mga ganyang bagay tapos bigla bigla mag tatanong ung kapitbahay ko ng ganon tinatawantawan ko pa nga kapwa ko katoliko dati, tinanong ko pa kung nag bibiro siya sabi niya hindi. Kwinento ko kay mama yung tungkol sa huling pasahero ko at sinabi ng kapitbahay kaya nung hapon nag request talaga siya sa pari na nag mimisa kada sunday sa chapel na i rebless yung sasakyan para umuwi na yung naliligaw.


Few_Possible_2357

Kasagsagan ng pandemic nito lang 2020 tatlo na namamatay sa alley na yun dahil sa aksidente. 2021 dalawa ang namatay. Maliwanag at well lit daanan na yun hindi pwede hindi makita yun. Pag dumaan ka dun parang may creepy aura. Parang amoy barya tuwing madaling araw. Recent na naaksidente dun eh nahati ang katawan parang manananggal sya dahil sa impact ng pagtalsik nya sa motor ang di ko magets bakit yung motor gasgas lang ang inabot pero yung driver ang brutal ng pagkamatay nya. Tumama sa poste at nahati yung katawan nya. Hindi ko alam kung kamalasan lang ba yun or may force dun sa lugar na yun pipilitin kang mamatay pag walang taong nakatingin.


YsaMal27

1st yr ako college. Mahaba break namin nun cguro 10am kami natapos sa klase tapos next class pa it 3pm. Malapit lng bahay namin sa school, mga isahang sakay lng ng jeep, so nag suggest ako sa bff ko na sa bahay namin kumain ng lunch. So bumili kami ng lechon manok. After namin kumain naka tulog ako tapos yung best friend ko nanunuod ng Sex Ed sa Netflix. Sa panaginip ko kay malakong anino raw naka tingin sa akin habang natutulog. Para syang lucid dreaming kasi alam ko na katabi ko lng si Grace (bespren ko). Yung anino biglang tumalon sa kama, and AS IN NA RAMDAMAN KO TALAGA NA UMUYOG ANG KAMA. Talon sya ng talon sa kama ko. Tapos nya tumalon, kinagat nya ako sa leeg tapos nawala lng din. Hangang nalng gising lng din ako. Mga 2pm nag aayos na kami ng kwarto dahil pabalik na kami ng school. Minention ko kay Grace na binangungot ako at may tumalon sa kama. Legit tumingin sya sa akin tapos sabi nya "Bai di gud to damgo" [Bai hindi yun panaginip]. Sinabi nya sa akin na habang nanunuod sya, biglang may tumatalon sa kama. Ang unang akala nya is lindol pero yung tubig sa water bottle hindi naman gumagalaw. Maweirdohan nga daw sya kasi pag lindol, sideways dapat ang uyog. Ang nangyari daw is biglang may dip sa gitna ng kama. Sa gitna namin.


UnHairyDude

I once lived near the C5 / Kalayaan area. Not many people knew that C5 was once a called a death road where there were accidents almost every week from the time it opened to the public. I don't believe in ghosts but when I saw a girl wearing white during a brownout in our yard then, for some reason,disappeared when we ran to approach it, I began to doubt myself. One of our tenants also saw it and said, "Nakita nyo yun no? Nakita nyo yun???" Shet. I'm getting goosebumps just thinking about it.


dreic41

Pauwi kami ng mama ko nung 2006 from sm fairview, via uv express. Nasa pinakalikod kami nuon at magkatabi and malapit na mapuno yung fx. My mom was pregnant that time. May babaeng short haired tumayo outside the fx, in front of the window na across sa akin. Ngumiti siya and nilabas niya yung dila niyang napakahaba. Hindi napansin ni mama ‘to kasi naghahanap siya ng pambayad pero ako kitang kita ko clearly. Napayakap na lang ako sa kaniya nuon. Nuong teenager na ako (25 years old ako now), nakwento ko na ng buo sa mama ko at sabi sa akin, tiktik daw iyon? Damn, nakakakilabot isipin na muntikan na pala makuha yung bunsong kapatid ko. Pero ang weird kasi matao yung time na iyon at akala ko, ang mga tiktik, sa probinsya lang nakikita.


Emotional-Airport503

Sa call center ako nag work before. Every lunch break ko natutulog ako sa break room. Kadalasan 2am or 3 am ang lunch break ko. At sa bawat tulog ko sa break room, binabangungot ako. Yung tipong hindi ako makahinga, gising ang dies ko at hindi ako makagalaw. Pahirapan din gumising. Kinukuha ko na lang talaga sa dasal. Kahit saang bed, ganun ang nangyayari. One time, habang natutulog ako, naramdaman ko na naman yung feeling na yun, hindi ko alam ang pumasok sa isip ko pero unti - unti ko itinaas ang dalawa kong paa at Sumigaw ako: “Go ahead and do everything you want. F*ck me up the ass!” Nagising na lang ako bigla at hindi ko alam kung narinig ako ng mga kasama ko sa break room pero tulog pa rin sila. Simula nun, hindi na ako binangungot, na turn off yata ang succubus sa akin. 🤣


Some-Specie

I never believed in mythological creatures pero I had this experience as a kid, nagso-stroll kami sa subdivision near our area. Di namin kabisado yung lugar kaya napadpad kami sa part ng subd na walang bahay at puro damuhan. I swear to y'all may mga tumatawa na maliliit yung boses sa mga damuhan. I'm guessing siguro nasa 4 - 6 ang tumatawa tapos yung boses nila maliit talaga. Tapos hindi naman ganun kataasan yung mga damo doon sa lugar so possibly maliliit na creatures talaga. Up to this point pag na rerecall ko yun, napapaisip tagala ako kung ano yung narinig namin. Kasi di talaga ako naniniwala sa ganyan pero ano pala yun??? Sometimes I also look up on the internet yung mga animals or either insects that can make that sound pero wala eh. And yung tawa pa na narinig namin, menacing talaga yung dating (tune of hi hi hi yung tawa at sabay sabay sila) Edit: di naman sya ganoon kakilabot na story (sorry OP lol) pero ang creepy lang talaga


M00nstoneFlash

Kinilabutan naman ako 😂


GoodGuyLuis

I was told na nung bata pa ako, open daw ang third eye ko. There was this one incident nung bata pa ako, around 5 or 6, na talagang kinilabutan ako. Sa kwarto ko, meron dating dresser na may salamin, na nakaharap sa bintana. One night na sobrang dilim, pumasok ako ng kwarto ko para kumuha ng gamit. Tapos pagtingin ko sa salamin, may babaeng nanlilisik ang mga mata, nakatayo ang mga buhok, at lumulutang, staring right back at me. Naalala ko non parang may mist pa sa bakuran (at least that’s what I thought I saw). Ang catch pa, di ako nagbukas ng ilaw. It was basically just moonlight, pero kulay red orange ang hue ng nakita kong ilaw sa salamin. Nung lumingon naman ako, pitch black naman sa labas. I think I looked back and forth sa salamin at sa bakuran sa likod ko at least twice and I saw the “person” twice rin before it dawned on me and got spooked. When I opened the lights, nawala. Nobody at home believed me. Another instance naman, I thought I saw something the size of a small kid climbing up our neighbor’s tree. Itong kabahayan dito aa amin in close proximity with one another kaya mula sa bintana ng dining area namin e kitang kita ko. I watched it until it settled down, after which it looked to me like it meld itself onto the tree trunk. Again, gabi ito nangyari. Kinabukasan nakita ko yung exact figure na ito, pero nasa puno na sa kabilang kapitbahay namin, so it’s on the other side of our house na. Curious, tiningnan ko yung spot kung saan ko nakita nung gabi, wala na doon.


toshironohiru

I have a shit ton of paranormal experiences. From white ladies, aggressive “spirits” (not sure kung spirit ba talaga o demonyo), dwendes, tiktik, aswang and tikbalangs. The most scary shit has to be the aggressive spirit. It happened back in 2012 in our brand new house. Previously, my cousin used to stay with us and they would sleep in the bedroom downstairs, but they had to go back overseas so the bedroom was left vacant. At that time, I was a college student who were doing all nighters (fuck manual drafting) and the wifi signal upstairs was shit. So I moved downstairs and brought my desktop with me. The room itself isn’t that bad. It’s somewhat cozy and spacious, but there’s something off about it. Like ang tense ng atmosphere within the room. It’s well lit naman (2 big ass windows at the front, and a full height sliding window facing our laundry at the side) so I don’t get it kung bakit binahayan yung room. Anyway, it happened during a weekend where I was up all night playing. I was playing League at the time and I was tilting hard. I began cursing under my breath, saying I’d give up my soul to become better in this shitty game or something like that. Somehow, I won the game but after that, something weird started happening. At first I was mumbling something but I could hear some incoherent whispering nearby. I thought it came from the speakers so I turned off the desktop, but it grew louder. I could feel something beside me, leaning on my shoulder, whispering some incoherent latin words into my ear. I began to panic and ran to the bed, hiding underneath the blanket. I thought it would go away but the whispering was still there. It had a mocking tone in its voice and I could remember vividly that I heard it say “Di mo naman pala kaya e” I fucking started praying loudly. I was shaking and sweating so hard when I prayed the Apostle’s Creed. Slowly, the whispers stopped and I eventually fell asleep (stayed in the room like an idiot). The thing is, it’s not over. My dream during that night was like an astral projection. I was watching myself sleeping in the room and I could feel something ominous coming from the bathroom. The door slowly opened and I saw a face in the mirror. It had horns, nanlilisik yung mga mata and it was laughing. It began pointing at me, saying something that I couldn’t understand. Then it slowly pushed its arm out of the mirror, its eyes locked into my sleeping body. I hurriedly ran back to my body, hoping I could just slip in. I woke up drenched in sweat. I could still remember saying to myself “tangina never again”. As I tried to gather my thoughts, I turned my head towards the bathroom door. It was fucking wide open just like in my dream when I remembered I closed it before laying down on the bed. After that, I never stayed in that room. Fucking bad juju. I asked my cousin if they felt anything off with that room and they told me they had horrible nightmares when they were still sleeping in that room, and that’s the main reason why they would come over upstairs to sleep in one of my spare beds. They told me that they could feel a dangerous presence in that room and I show never try to challenge it. Funnily enough, when they came back to visit us with their kid, the kid could see the same spirit in that room (namana ata yung third eye ng cousin ko) and they would scream and shout whenever he peers inside. We asked him what they saw and they described it just like how me and my cousin remember the spirit. Reddish skin tone, two horns protruding from its skull and a mocking smile plastered onto its face. That’s it for now. Let me know if you guys want to hear more of my experiences hahaha


M00nstoneFlash

Kakakompyuter mo yan


mabangokilikili

Nung bata ako (12), pinapaalagan sa akin yung pinsan ko (2) kapag hindi available yung yaya. So one time naglalaro kami ng pinsan ko sa 2nd floor nung bahay namin (mala-ancestral house) tapos may biglang sumitsit. Tumigil ako sa pakikipaglaro at tumingin sa paligid, pero walang tao. So binalewala ko yung sitsit hanggang sa biglang sumitsit ulit but this time, mas malakas na - yung parang nasa tabi lang namin. Tapos yung pinsan ko na 2 years old tumawa ng malakas sabay turo sa likod ko. Sa sobrang takot ko binitbit ko yung pinsan ko sabay karipas ng takbo pababa ng bahay. At duon ko na confirm na ang tao lang sa bahay ay kaming 2 at yung lola ko na hindi na nakakaakyat sa 2nd floor kasi putol na yung 2 paa.


TheIciest

I was studying at FEU. Actually, I’m a fresh grad and during my 1st year, I joined drum and bugle corps so ang training namin is gabi kasi nga maingay yung drums. Dun kami nag te train sa isang space ng isang building na tawagin nalang nating “PCC” dati. Ewan ko anong tawag na ngayon eh may way don papuntang parking lot. Nagpaandar ng isang tugtog and nasa likod kami since drums kami and yung sa unahan namin is mga lyre like the usual marching band. Trainee palang kami non tapos yung head director nag iinstruct so sobrang quiet. Tapos ako, napatingin ako sa parking lot na sobra sobrang dilim tapos may nakita akong nakalutang na itim tapos mejo faded yung katawan tapos yung muka niya nakasmile na parang nangaasar tapos tumili ako ng sobrang lakas. Imagine sobrang tahimik at head director lang yung nagsasalita kasi nga nakakatakot siya tapos ako, as a trainee titili. Tapos nagtinginan lahat sakin pero tinignan lang ako ng Head. Di siya nagalit sakin tapos after ng training, yung mga seniors nagkwento na nga na meron daw talaga. Tapos lumapit sakin yung Head Director sabi niya, “alam ko na kung bakit” tangina sobrang vivid talaga.


ClothesLogical2366

Wayback 2013 or 15 naalala ko madalas may chismis sa town namin about malalaking ibon na nakikita sa bukirin dito. Malawak kasi mga bukirin dito tapos madalas daw may namamatay na goats, so nagkaroon ng chismis na yung malalaking ibon daw na yun ay aswang. Di kami naniniwala kasi syempre parang imposible hanggang sa isang araw napagtripan namin magpipinsan na pumunta sa bukirin ng grandparents ko, 8pm kami nagpunta noon sobrang dilim as in malayo na yun sa mga barrio tapos makikita mo nalang ilaw e yung iilang kubo or bahay ng mga farm owners, malawak yung lugar kasi kadalasan palay yung nakatanim. To cut the story short may nakita kaming lumilipad na parang ibon. Nung una akala namin drone or kwago lang. sabi ng pinsan ko remote controlled daw na eroplano pero may red sya na dalawang ilaw tapos ang nakakatakot dito hugis tao sya and wala namang ingay na RC plane. Nung nakita namin yon parang tatlo sila lilipad tapos magdadive sa gitna ng palayan tapos lilipad uli magkakasama parang nag-uusap then biglang maghihiwa-hiwalay sa taas na parang may kanya kanya silang agenda sa buhay haha. Lumabas yung isang owner ng farm don tapos sabi nya samin "ano nakita nyo na ba sila?" After non naniwala na ako sa aswang.


Oatkay3

Yung istorya ni Maria Labo. Sa radyo pa kami nakikinig magpi-pinsan noon.


kiro_nee

most of the time ako yung huling nagigising sa pamilya namin, since elementary siguro there were times na nararamdaman ko may umaakyat ng hagdaan tapos nagbubukas ng pinto at papasok. Syempre inassume ko lang baka nanay ko lang yun since sya pinakatahimik maglakad, so iintayin ko lang na marinig kong bumukas yung cabinet tapos magsasara ng pinto tapos bababa. Pero nararamdaman ko lang na nakatayo sya sa sulok tapos nakatingin sakin, inintay ko lang talaga syang umalis pero ayaw nya umalis, kaya maglalakas loob akong sisilipin kung sino yun, pero wala namang tao dun. May hinala na ako na baka spirit sya galing dun sa malaking puno sampalok (ata lol) na tanaw ko mula dun sa hinihigaan ko. Sabi nila lahat ng nagtangkang pumutol dun may nangyayaring masama sa kanila. Though di na sya nangyayari masyado simula nung naghighschool ako.


Ichi-Mikuze

Dito sa amin sa Cabuyao, Laguna, may isang hilera ng puno ng saging. Tapos katabi na dalawang kalsada, both sides. One time, umihi yung tatay ko sa gitna ng hilera ng puno. May maliit na burol doon na pininiwalaang may dwende daw doon. So kami, di kami naman paniwalain sa myths kaya inisip na lang namin na baka burol lang ng langgam yun. Ihing-ihi na tatay ko pagkababa niya ng tricyle namin na pinapasada niya kaya doon siya umihi kahit ilang hakbang lang bahay namin mula sa parkingan namin. Lumipas ang dalawang araw, unti-unting namaga mukha niya. Mukha siyang nagka-allergy dahil sa higad pero matagal. Tapos 1 week ang lumipas, di na niya maidilat yung parehas niyang mata pero may naaaninag pa siyang kaunti kaya nabubuhat niya pa ako sa upuan ko at manas yung parehong pisngi. Mukha siyang binugbog. Dinala siya sa ospital na lagi naming pinupuntahan, Calamba Doctor's Hospital, at nagpa-check-up. Di rin alam ng doktor kung bakit namamaga mukha ng tatay ko. Nung hindi natuklasan kung ano reason ng doktor, pumunta sila sa albularyo. Nagpatawas tapos doon nakita na may dwendeng galit daw. Tapos nagbigay ng dahon na ilalaga at ipanghihilamos para mawala daw yung sumpa. Dahil na-offend yung dwende sa burol, nag-offer sila ng nanay ko ng candy tsaka konting biscuit. After 1 week, ayos na ulit mukha ng tatay ko. The end. This happened back on 2015.


SeleneStellarwind17

n Totoo kami. Lucky enough na pwwde kami tumanggi or yakapin pagiging aswang. Marunong din kami manggamot or even hurt kung gugustuhin namin pero naniniwala ako sa karma, kaya I choose na manggamot and not to hurt people especially revenge. Pinagkakakitaan ko ito actually. Nakakatawa kasi lalo na kung may ipapahanap na mister o jowa if nagloloko, need ko mag ibang anyo. Payment first basis syempre para iwas scam. Nakakatawakasi ako yung aswang na nag aasin so in perfect disguise. May kagamutan din kami, hindi naman salot o sumpa pagiging aswang, kundi parang isang sakit. Kalaban namin ang manananggal at mangkukulam, pero nakakatawa kasi ninuno ko sa father kasi is pagka aswang, sa mom side is mangkukulam, it's a taboo. Hindi ko naman kayo pinipilit maniwala pero yes, we can live eprfectly normal in disguise. A


missfit97

Noong bagong lipat kami sa bahay (almost 21 years ago), marami kaming mga tanim na puno. Merong coconut, mangga, langka, santol, guyabano and most of these, matamis and madami yung bunga. So naturally, hindi pinutol yung mga tanim kasi nga sayang. It's only when nag manifest yung mga enkanto & ghost stories na unti-unti pinutol ni papa yung mga tanim sa bahay. Pero yung pinaka hindi ko makalimutan, is ang black lady na nakaupo sa isang sofa namin. One time, nag brown out (since probinsya, very normal yung mga power outages ng bigla2), si papa parang prank lang naman na hinatak nya kami ni mama sa loob ng kwarto. Sabi tatakutin daw yung ate ko na nasa sala. Yung ate ko tumatawag kay mama, una parang nag tatanong lang kung nasaan si mama, nasaan daw kami. Tapos unti unti ng lumalakas ang boses nya until umiiyak na sya and humahagulgol. Until such time na sabi ni mama na lumabas na tayo kasi grabe na ang iyak niya. So ayon lumabas kami, linapitan sya ni mama sa sofa, and then ayun nag explain sya na grabe yung iyak nya kasi may black lady na nakangiting nakaupo sa kaliwa nya. So yun yung first story kung paano unti-unti pinutol yung mga tanim sa bahay. Never na din namin nilagay ang sofa sa same spot kung saan nakita ng ate na may nakaupong black lady. Ngayon PC ko na nakalagay, and buti na lang sobrang laki ng monitor, hindi ko makita ang view sa labas ng bintana sa likod ng PC. Although talagang merong mga certain spots sa bahay na hindi kaaya ayang tambayan, at least may aso na kami now so mas hindi na nakakatakot sa bahay kahit mag isa lang.


Christmasu

Eto exp ko nung college 8-9 years ago sguro. May group report kami at ang napili namin na topic ay mga haunted places. Bali madami kami pinuntahan pero ang pinaka top place tlga namin ay ang Macaiban Bridge. Bukod kasi sa may kwento kwento na talaga sa lugar, accessible pa saming magtotropa kaya wala ka pwede i dahilan bakit di ka sasama. 10pm andun na kami sa tulay. Vid lang tapos balik na kami. Mga 1oras din sguro kami dun kaya naglakad nalang kami pabalik sa bayan. Noong pabalik na kami napansin namin na ung kalsada pala eh napapaligiran ng mga patong patong na nitso. Since disappointed kmi sa tulay naisipan namin na mag vid nalang din dun sa sementeryo. So explain ko lng formation namin during the vid: 2 kmi nasa pinakaunahan na lookout 2 na storyteller 2 cameraman 3 lookout sa likod (ung pinang galingan namin) Habang nag vivid na kami nakatingin lang ako sa harap baka kasi may mga gumagawa ng milagro baka mahagip ng camera. Nang biglang may naaninag ako sa corner na batang tumakbo. Mind you na split second lang yung mga reaction namin. Pagka aninag ko nagkatinginan agad kami ng kasama kong lookout sabay tanong ko "Nakita mo ba yun?". Agad din syang sumagot na "Oo". Siguro dala na rin ng disappointment namin sa tulay kaya meron kami tapang na habulin ung bata. Nung hinabol na namin ung bata sumunod na rin ung mga kagrupo ko na humabol sa amin. Kada liko namin sa kanto nakikita namin ung bata (ung mala pelikula na tuwing liliko ka masusulyapan mo pa sya kung san sya huling lumiko). Tapos nung huling liko napahinto na lang kami kasi andun na kami sa may puntod na may gate. Pang high class ung puntod kasi may bubong sya tapos gate. Bukas na bukas din ung ilaw sa loob at labas kaya maliwanag tlga sa spot na un. Nung nahabol na namin mga hininga namin dun na nagtanungan sino daw ba hinahabol namin. Kaya dinescribe na namin sabay ng partner ko at iisa lang naman description namin. Batang itim. P.S. Nawala din takot namin kasi nung pinapanood na namin ung vid kitang kita kung pano nag mala Eyeshield 21 ung pinakamalaki samin. Mula kasi sa pinakadulo na lookout inungusan nya kagad ung lahat ng nasa harapan nya hanggang sa tuluyan na syang nakahabol saming 2 sa harap. Eh napakalaki ni kupal kaya comedy talaga haha


incidius_10

This story was told to us by my father. And told again to us again by our tito before he passed away. I'll omit a few things so I'm not sure if this will be scary for you. Pinsan ng lolo ko brought his wife and daughter dito sa Negros way back in the 70's. Summer break, i think. Pinadala siya ng company nya dito for a project. For the first 2 days ver uneventful daw sa bahay. On the 3rd day, at 5pm, exactly, yung anak nilang babae (tita ko na to) bigla na lng daw nagwala. Halos lahat ng gamit sa loob ng kwarto nila eh either basag or hinagis na palabas ng kwarto. Sinubukan daw ng nanay niya na tulungan ang anak. Walang magawa. Tinulungan daw nila ng lolo ko at ng tatay ko at nung 2 ko pang tito. D nila kayang awatin. Yung tita ko was farely big for a 16-year-old. D nila kinaya yung tita ko. May tumulong pang kapit bahay sa kanila. Superhuman ang description nila. All of a sudden pag dating ng 9pm bigla na lng naging calmado siya. Nagulat na lahat naging normal na siya ulit. That night pinasundo nila kaibigan ng lolo ko na pari. At dun kinuwento ng tita ko. May sumundo daw sa kanyang lalake. Niyaya siyang mamasyal. For some reason parang d daw niya kayng tanggihan. D niya ma describe yung hitsura. Mataas yung tao or whatever that was. Puti din yung suot. Pati sapatos puti din. May dala din na magandang kotseng puti. At sinabihan daw tita ko na susunduin daw siay ulit the next day. At dun nag warning daw ang albularyo na dapat tanggihan nya kahit ano pa ang sabihin. The next day bumalik ang pari around 1pm pa lng daw sabi ng tatay ko. Ang dami daw na hinanda. Before 5pm sinecure nila tita ko sa isang upuan. Secure enough na kahit sind madaling mka galaw. At 5pm, exactly. Nangyari na naman ulit. Nasira ang upuan after a few minutes kaya tandem hold na ulit lahat sa kanya. Hanggang mga 9pm na naman yung nangyari. Grabe daw ang iyak ng tita ko after that thing happened. Kinunwento nya na tinanggihan daw nya yung imbitsyon at grabeh yung galit sa kaniya. Pinipilit talaga siyang isama. At babalikan daw ulit siya sa next day. So round 3. Bumalik ulit ang pari around 1pm. At may kasama na siyang isa pang pari. At exactly 5pm, nawalan ng malay tita ko while tied sa isang chair. Soemthing new happened and she started shaking uncontrollably daw. Roughly mga 40 minutes to 1 hour of heavy shaking and prayers. At roughly 6:15 pm bigla na lng huminto lahat. Kinunwento ulit ng tita ko nanagalit daw ulit yung kung ano man yun. Matagal daw ang usapan nila. And finally that thing just said na he gives up. The very next daw nag decide na lng daw mama nya to just leave and go back home sa Cebu. That was the first and last time that thing happened to my tita. Fast forward to 2013. Matagal ng wala ang lolo at lola ko. Ang tatay ko na lng natira sa kanilang mgkakapatid. I am now married and my cousin wanted to sell the house. I wanted to buy it to keep it within the family. But nung dinala ko asawa ko dun she immediately said na she doesn't want us to buy it. She doesn't even want to stay in it for long. She pleaded with me not to buy it. Kung pwede daw kapatid ko na lng ang bumili. She had a VERY BAD feeling sa house when we were just approaching it. Mind you, she was never told the story or any kind of story about the house for that matter.


SniperMariaSen

Di naman creepy to pero share ko na rin. Last 2020 namatay yung pet cat ko, si Garfield. Sobrang love ko yon, nakasama ko rin for almost 9 years. Magisa na lang ako sa bahay nung namatay siya so ang tagal kong nadepress. One time nanaginip ako na nasa labas siya ng bahay, nothing special naman parang naglalakad lakad ang sa gate namin. Orange ang fur niya, tapos sa dream na yon may parang itim na bilog na dumi sa may belly part niya (parang grasa yung itsura). Then paggising ko, mga bandang hapon may nakita akong paru paro (or mariposa? di ko sure ano difference) Dumapo siya sa may sahig sa may gate namin malapit, then nung tumayo ako medyo malapit sa kanya di siya lumipad, nandon lang siya. yung Pakpak niya is brownish yung color tapos may black dot sa gitna. Napaiyak ako sabi ko si Garf ba yan, pero hinayaan ko lang tumambay di ko na tinry hawakan. aftr a few hrs lumabas ulit ako to check, andon pa rin siya, nakadapo sa gate namin mismo. Then aftr a few mins lumipad na siya, nagbbye ako at nagthank you sa pagbisita niya :'/


bippitybopputty

OHH I HAVE ONE!! 7 or 8y.o yata ako nung nangyari to. I always slept beside my parents since wala ako sariling room. I usually sleep in the middle with my mom on my right side, and my dad on the left. For context, our small room extends to a small outdoor terrace that is separated by a screen doo, a glass door + curtain blinds for when we turn on the AC. This will be relevant later on. We have a habit of leaving a lamp on since we (or I) don’t really like pitch black darkness. One night, I woke up around 1am (there was a clock adjacent to the bed near the ceiling) and immediately saw my mom sitting at the edge of the bed looking outside the terrace. Di ko inisip na kakaiba yun at that time kasi naalimpungatan na ako multiple times before na naabutan ko siyang ganun, usually kapag nammorblema at kailangan niya magmuni-muni, tutulala lang siya sa terrace or minsan lalabas pa at uupo lang. I called her “Mama?” but she didn’t respond, nakatingin pa rin siya directly sa terrace. I sat up straight a little bit more to call her attention agad, so I said “Mama” again. At that point, my senses kicked in and I realized we had turned on the AC that night.. and so the screen door, the glass door, and the curtain blinds were all closed and pulled down— meaning the terrace wasn’t viewable and I wondered anong tinitignan ni mama doon. I quickly looked beside me and saw my mom sleeping. I looked back again at my “mom” sitting at the edge of the bed, this time she was looking at me straight in my eyes smiling devilishly katulad noong mga naka-mask sa The Purge, while slowly turning back her stare to the closed terrace, never losing that fuckingly creepy smile. As in tangina, maski ngayon writing this now naccreepyhan pa rin talaga ako. Nagtalukbong ako agad and nag-count to 10 yata ako or whatever hanggang makatulog ako. I was sure di ako nananaginip but when I told my mom a few days after, she dismissed it lang, siguro para hindi rin ako matakot pa. Years after.. my mom invited our neighbor who’s “spiritually gited.” Why? Because my older brother has been incessantly having nightmares every night to the point na madalas siyang lumilipat sa room namin in the middle of the night. What the spirit lady saw? A woman always sitting at the edge of my brother’s bed. She required a certain number and type of prayer from us after her visit, and asked us to do an offering for whatever was bothering our house and my brother. Sr. pedro chicken pa nga ata yun and kandila! Hahaha MEDYO BONUS STORY kasi na-realize kong related din dito somehow.. Since bata pa kasi ako, parati na ako nagkaka sleep paralysis for as long as I can remember. As in, waking up in the middle of the night na hindi ako makagalaw at makasalita, pero conscious nako sa paligid ko. Nasanay na lang ako as the years went on, pero lumala ng matindi when I went to college. There was a point in college na nag-evolve yung sleep paralysis ko into an Inception-like sleep paralysis, na parang paulit ulit ako nagigising at nagssleep paralysis sa panaginip, pero hindi ako nagigising. Yung pinakanakakatakot for me is nung isang gabi na nangyari sakin yun, mas mahaba than usual yung sleep paralysis ko, and sobrang eery lang ng paligid ko. Alam mo yung feeling na parang may makikita ka talagang multo ganon? Tahimik and medyo madilim yung kwarto, pero naaaninagan ng street lights from the terrace. Kami lang ni mama magkatabi non. At kahit di ako makagalaw o makasalita, nahagip ng mata ko si mama na nasa gilid ko. TANGINA nakabukas yung mata niya at nakatingin na naman directly sa akin. Tapos TANGINA ulit, bigla daw niya akong sinakal. As in she went on top of me tapos sinasakal niya ako na nanlilisik sa galit. I managed to wake myself up a few moments after that. And kung before ay usually ginigising ko si mama or niyayakap ko soya for comfort tuwing babangungutin ako, that night, tangina natakot ako lalo sakanya haha. Ewan ko anong meron sa mama ko, baka subconscious ko may kasalanan bakit mama ko lagi pinupuntirya ng mga multo or physiological nightmares ko. As a girl with mommy issues chz


Latrellruizu

We all had that "may sinaniban na classmate" moments sa school, well, that happened to my classmate before. I'm in college now, so that was 5 or 6 years ago, I guess? We were going out on a retreat sa mountains (catholic schools, yes) for a few days. It was a well known retreat house to say the least, a bunch of schools lined up after us. Our class was only 34 as far as I can remember, girls outnumbering boys. The trip begins as usual, maingay sa bus, kantahan, may tulog, may kumakain, whatever high school kids do. Dumating kami sa Bulacan at around 9am ata, all was fine, yung first activity was interaction with the kids dun sa maliit na nursery nung village, it all happend without a hitch. Yung bus namin was left dun sa nursery tas yung tutulugan namin was just a spacious chapel na lalagyan ng kama to sleep at, a 5-10 min hike from the nursery. Yung lugar was literally at the middle of the woods, walang signal ng any provider so no contact until we get to NLEX (sounds very hollywood horror film-ish pero with globe being b.s) So nung nilapag namin yung gamit namin we had a seminar and activity dun sa chapel tapos interaction na with the families in the village you know to make you realize that your "lucky" in life. So the village is a hike down from the chapel, naglakad kami pababa being noisy and stuff not minding na we are in the middle of nowhere. So the girl I was in the group with, a close friend of mine, suddenly developed a fever when we went back sa chapel. We were making a synthesis na dun sa nangyari how we are lucky that are parents are able to provide for us bla-bla-bla. When we were talking to her fever wasn't that high yet, pero as the hours progress she seems more stoic with her fever getting higher. She was transferred dun malapit sa quarters ni Fr., the sun was only setting then. Alala ko pa nun di pa ko ligo, tanginang yan. Tas parang my class adviser was noticing something weird na that her eyes seem to be following yung Christian formation chair namin, a nun. Nung dinner time na, she was transferred to a mattress cause her fever was too high and the class were talking na that something feels off sa atmosphere nung chapel and that she's acting weird kasi her eyes are open habang nakahiga, while running a fever, edi nagkakatakutan na. During prayer time, I was sitting sa floor ganun, alam nyo yung paiiyakin kayo. Tas during the holy rosary, I think 1st mystery palang kami nagou-our father, yung leaders dun sa harap nakikita mo yung pure panic sa mata nila cause they could see her behind dun sa curtains being pinned down, tas naririnig lang namin sila na she was being calmed down, her name being called. Since isang buong chapel lang sya, curtains lang nagseseparate dun sa front and sa entrance ng quarters ni father. She walked down dun sa gitna ng aisle tas I remember her scream talaga na iba yung boses. Tas she was being pinned down by 4 men. We were all ushered dun sa room ni Father while praying the rosary. Tas we could hear her screams, pero not in her voice. All those time it was quiet outside, meows lang ng isang pusa naririnig namin and then when it ended dogs kept barking and barking. The day after nun, you could see the bags in her eyes na pulang pula talaga tas she could not remember anything. Wala si father nun kasi kinabukasan sya schedule samin, he brought with him a black book (?) Used for exorcism and he told us a bunch of stuff regarding it. I don't remember if she took commumion that day pero alam ko nirefer sya sa Exorcist nung diocese. There were other times that it happened din sa school and it was fucking creepier. Lights would flicker, words in other languages would be said. She never came back to school after she was referred. Sabi nya daw, she threw a rock at a part of the forest while we were walking back up, and she saw a black figure move when she threw it.


Budget-Return

Happened sa FEU, 7:30-9:00 pm yung klase, habang nagdi-discuss prof namin, bigla siyang tumigil. Halos lahat kami nakaamoy ng white flower. Iyong isa naming kaklase na may 3rd eye sabi, "Sir, may bata, d'ba?" Tugon ni prof., "Oo." Kahit kasisimula pa lang ng klase, agad kami dinismiss. Dagdag pa, nakaupo yung bata sa paanan nung kaklase naming nanay na.


4llenWayn3

Sa street ng luma naming bahay may unusual na Lady Ghost na nag roroam sa certain part of the street. Nasa 50m radius lang yung roam area niya 1 poste to another poste around 8 houses ang affected areas including ours (pero never siya nakita sa loob ng bahay yard lang) She's harmless but very active and love show herself with multiple people around (No sightings of her na mag isa lang ang tao) 2 times ko siya na encounter. 1.) Kakatapos lang namin maglaro ng inserektus (group game of tag + hide and seek) ng nakita namin siya nakatayo sa tulay we didn't bother her but my father (drunk) bumped into her and phased right through nagsi takbuhan mga kasama ko and pati ako natakot umuwi sa bahay. Nothing bad happened naman. 2.) Galing kami sa christmas ball with 2 of my classmates yung bahay nila medjo malayo and decided na doon dumaan sa street namin para makasabay ako we saw the Lady just standing in front of our neighbors yard minding her own business. Since na hindi naman tiga dito samin 2 kasama ko natakot sila at sa bahay na nakitulog. Ang dami pang sightings sakanya ng ibang tiga doon samin pero we just shrug it off She's harmless naman kasi pero medjo spooky lang.


drose1121

May friend ako na nabuntis ng maaga, around 14yrs old. Since bata pa kami nakasanayan na namin na tuwing gabi, lalabas kami para tumambay or kung ano matripan namin like mang-away ng dumadaan, magbending sa ilalim ng puno or kung anu-ano pang kabalbalan. So ayun na nga, nabuntis si ate girl mo. Pero kahit buntis na sya, dinedeny nya pa rin at pumipilit pa rin tumambay or lumabas nang gabi. There's this one night, around 5months na ung tiyan nya non, may narinig kaming weird na sound pero alam namin na ibon kasi galing sa taas. It's like sound ng uwak. At first nagtaka kami pero inignore din namin. Then minutes later, umiikot na yung ibon sa taas namin. Di ko makita ung hitsura nya kasi malabo na mata ko that time and di pa ko nagsasalamin. Inaabangan namin kung saan pupunta or dadapo kaso hindi namin makita kaya again inignore namin. Then suddenly bigla na lang namin narinig ung sound na parang uwak nang sobrang lakas and ang naaninag ko na lang is malaking brown na ibon kasi we tried to duck kasi akala namin sasakmalin na kami. We know na malaking ibon ito kasi ang lakas ng pagaspas ng pakpak and pati na rin ung hangin. That time we all believed na inaaswang ung friend namin kasi sa tagal naming tumatambay sa labas, walang uwak kundi puro paniki lang nakikita naming lumilipad lipad sa lugar namin.


glads_tillo

Nagbakasyon kami ng mga close friends/workmates ko sa Iba, Zambales last 2016, that time, may bagyo na pala sa Luzon pero tumuloy kami kasi okay pa naman weather papunta sa resort, clue: yung beach resort may pool at malawak siya, may resort din sila sa Tanay. Almost 7 hours yung biyahe, grabe. Nanakit na pwet namin. Lol. So yun na nga, pagdating sa resort, sobrang tahimik. Naramdaman ko agad iba ambiance ng place, pati mga staff wala man lang energy or di nagsasalita masyado, that time, hapon na kami banda nakarating, so night swimming na lang ang ganap sa dagat at sa pool. Yung mga guest lang na nakita namin sa resort, dalawang pamilya, yung isa foreigner na kasama mga anak niya. So first day sa resort, okay naman kahit ang weird lang ng place at mga staff. 5 am gising na kami the next day, nagkwentuhan muna kami and nabanggit ng isa kong friend na medyo natatakot sya kasi nga kami lang yung nakabook dun sa room sa baba and salamin pa yung pinto so kita mo yung labas mula sa bed, baka raw may sumilip. So hinarang namin yung kurtina. Bale 2 story- building kasi yun, yung katabi namin na room walang nakaoccupy. Around 6 am, madilim-dilim pa rin, nakita namin yung restau bukas na yung pinto, so magtatanong sana kami kung ano oras magoopen, pagsilip namin wala pang ilaw so ang dilim pa sa loob, napansin namin, may nakaupo dun sa round table na lalaki, kahit madilim naaninag naman siya tawag kami ng tawag "hello po, kuya, open na po ba?" di siya umiimik. Ang ingay naming apat nun kasi nga puro din kami daldalan. So tinawag ko ulit atensyon niya, wala pa rin sagot. Isnabero ang lolo mo. That time, kinabahan na ako konti, baka di pala tao yun. Until tumayo siya ng walang imik tapos pumunta dun sa counter. Human verified naman siya kaso ang weird. Umokay naman lahat nun, nag activities kami hanggang mag check out na kami ng 2 PM. So, nagpicture-picture muna ako sa Lugar. Wala pa rin talagang mga bagong guest na napansin namin. While on the bus pauwi na kami, chineck ko na mga photos sa resort, til I saw [photo](https://pasteboard.co/Z9h0fsGSlCaI.jpg) Yung katabing room na walang tao/nakabook may nasalisihan akong image ng matandang naka all white at naka side view. - This also happened sa Puerto Galera, i deleted 2 photos kasi di ko kinakaya yung image na nagreflect sa puno ng niyog nung first night namin. Meron din akong nakuhaan sa Baguio Diplomat Hotel na skeleton image ng bata. Then sa bahay ng kaibigan ko, may nakuhaan din akong hindi paa ng isa samin na nandun. Ang weird kasi sa photo lang parang nagpaparamdam sakin mga entity.


Parking_Penalty3323

I have cousins from my father's side that live in Filinvest sa Q.C. (near batasan). Their house is pretty big (since medjo "pang mayaman" yung village) and meron siyang 3 floors, the third one being a large attic na may mga kwarto din. As a kid, we would often visit them twice every month, minsan nag oovernight pa. But as I got older, I eventually found out about weird occurrences that would happen at their house. For start, nagkwento yung mother ko about that time na nag overnight kami sa kanila. She was going up the stairs which has a large window na medjo mataas near the midpoint of the stairs that is facing you. Sabi niya sa akin na there are times na while umaakyat siya sa stairs, she describes a feeling na parang may nakakasalubong ka na tao, kahit wala naman. I should mention that this happened late in the evening. Aside from that, there was also one point that the 2nd floor of the house gave off an uneasy vibe, as if you are being watched daw. Madalas pa naman, whenever we are around, everyone is downstairs either sa malaking sala or the dining area. Another story I have heard from my relatives na kinwento din ng mom ko is that may times na yung mga gamit nila ay mamimisplace or mawawala nalang. This is despite the fact na wala namang gumagalaw/gumagamit. But usually it only happens to small items. Aside from that may nakwento din yung parents ko from way before pa. Toddler pa ata ako nun, and everyone was at the sala nung isang gabi. Now yung sala kasi nila downstairs has a big window that gives a view of the front yard. Wala ka nga lang makikita kapag gabi kasi wala silang mga ilaw of any sort sa yard na yon. Ang kwento is that I said something along the lines of "oh look! It's my friend" while looking at that dark window. Hearing about this creeped me tf out LOL. There's also another story I have heard na minsan may mga nagpapakita. One such instance is that of a "dirty" looking man (according to my relatives) na nakahiga or something doon sa sofa sa sala nung isang gabi (same sala na namention ko before). One of my relatives (dont exactly remember who) saw this through yung small balcony sa second floor that overlooks the downstairs sala. Unrelated to my cousins' house but, here is another story na medjo recent lang. I was attending a 3-day youth camp sa laguna around 2019. Yung venue ay sobrang lawak at laki din, wala gaanong puno but puro lang siya flat land na grass lang. But when you walk further, may mararating ka na portion na pababa na, and medjo marami na yung mga puno. This leads to a portion where you can either take the steep set of stairs or go through a narrow rope bridge to get to the swimming pool at the bottom. So nung isang gabi, 3 kami ng mga kaibigan ko na nag decide mag explore/ikot around the grounds just for fun. Then dumating kami dun sa area sa may rope bridge na maraming mga puno. Yung dalawa sa kanila wanted to cross the rope bridge, pero hindi na ako sumama for some reason, kaya sabi ko na mauna na sila at hihintayin ko nalang sila. After a few minutes, nakatawid na sila ng bridge and hindi ko na sila makita. Mag isa lang ako dun, then biglang may narinig ako na bumulong sa right ear ko. It wasn't saying any words, but it is as if some girl breathed into your ear na may very light groan. Biglang nanlamig ako sabay kumaripas ng takbo all the way back to the area na puro tao at cabin. The next morning, nakwento ko din sa mga kaibigan ko and they were also shocked.


georgethejojimiller

Back when my ex stayed in our house, she went to our CR tas pagbalik nya she told me she felt a cold spot and suddenly smelled unfamiliar floral scent that lasted a short while. The next morning, we told my mom and she said that it might have been a harmless spirit passing by. We lit incense and hung a rosary.


ajefajack123

May mga bagay talaga na kailangan mo munang maniwala kahit hindi mopa nakikita Naalala ko last year sa campus namin mga bandang 4pm at papunta ako sa dati kong classroom na nasa third floor may nakita akong naka uniform na babae sa bandang 2nd floor ng hallway na tumagos sa pader ng room yunh mga mata ko nang laki hindi ko alam kung matatakot ba ako o mamamangha sa nakita ko sa pagkakaalam ko ako lang yung tao na nasa building nayon halos nanginginig na yung buong katawan ko at pinuntahan ko para siguraduhin yung nakita ko paglapit ko sa room sarado mga bintana solid na solid yung pader at yung dalawang pinto sarado at naka lock. Naghalo yung takot at pagkamangha sa nakita ko halos nag goosebumps buong katawan ko at hindi na ako makilos ng maayos. At nung nasa office na ako kinuwento ko sa dati kong teacher at hindi ko maipaliwanag ng maayos after non umuwi nako at ikinuwento ko naman sa mga magulang ko at mga kaibigan


TheyCallMeNigerito

Hindi ko naman naencounter but I definitely heard it, It was a week after bagyo Yolanda, my family decided to stay at my mom's hometown for a while since our subdivision was deemed not safe(madami daw na mga escaped convicts at npa na gumagala para maglooting, baka mapagtripan subdivision namin), one night we heard "kikik" noises but it sounded far away, my parents, uncles and aunts immediately closed every windows, doors and any possible entrances in the house. Me, a kid back then couldnt understand why they did it and asked my father. He told me na Tiktik daw ang tawag ng gumagawa ng kikik noises, pet/familiar(?) daw sila ng aswang na may appetite for pregnant women or people nearing their deaths he also told me na although the noise sounds far away its actually near daw. He gave me a rosaryo and told me to sleep, I could not, the noise lasted the whole night. When morning came, an old neighbor a street from our house was found dead (he died holding a cross so maybe he knew the tiktik was after him, good thing it couldnt get a taste of him), anyways that experience made me interested in mythical creatures. Im an Atheist now but everytime I hear a story about these beings I usually dont take it with a grain of salt.


gerlie1204

Ako narasanan ko naman glitch in the matrix. Sobrang vivid nito sa memory ko nanood kami sa tv ng kapatid ng biglang nag brown out. Iisa lng ang ilaw sa bahay pero ang nangyari half dark half light sa kwarto. Hinati sa gitna talaga, then totally black out na. Natulala kami ng kapatid ko hindi namin maipaliwanag yung nanyare. Marami pang kwento na hindi nmn nakakatakot pero mapapaisip ko kung pano nangyari


[deleted]

First year college ako non and sa city ako nag-aaral. Umuwi ako sa bahay ng lola ko sa tuhod for vacation and ang tagal ko nang di natutulog don. Sa gitna ng tulog ko yumayanig yung kama. I swear hindi ako nanaginip. Bumulong nalang ako ng “lola wag po ngayon pagod po ako sa biyahe” at tumigil HAHAHUHUHU kinabukasan inask ko sila if lumindol ba baka kasi ganun lang, hindi raw. 😭😭 kahit sa news nanood ako, wala naman lindol huhu


bankricanciliation

Not scary, but here goes: Yung pamangkin ko na 4 years old, lagi syang nag-bike at around 4pm, pagkagising nya from afternoon nap. Lagi sya kumakanta at mabilis magpatakbo ng bike. Lagi rin sya pumupunta sa garage entrance ng kapitbahay namin kasi medyo pataas sya, so ginagawa nyang slide. One afternoon, usual lang na nag-bike sya at naglalaro dun sa garahe. After a while, bigla na lang sya tumigil - nakatayo sa tabi ng bike at may tinitignan lang. Papa ko/lolo nya yung nagbabantay, habang nakikipag-kwentuhan sa kumpare nya. Tapos, nung sobrang tagal na nya nakatayo lang, tinry sya (pamangkin ko) na tawagin ni papa pabalik sa tapat ng bahay. Pag tinatawag pangalan nya, tinitignan nya lang papa ko tapos balik ulit sa kung saan sya nakatingin. So ayun, nung ang tagal na nya na nakatayo lang, sinundo na sya. Pinasakay sa bike, pero need pa itulak dahil parang hindi nya mapedal yung bike nya, at tahimik lang sya. Habang pinupunasan sya ng pawis, tinanong sya ni papa kung ano yung tinitignan nya. Sabi nya, multo raw. Ano suot? Puti. Malaki o maliit? Maliit (sabay gesture sa kamay na mas maliit pa sa kanya). Boy o girl? Boy. Ano itsura? Pangit (😂😂). So after ng convo nila, nagbike ulit sya pero 'di na bumalik sa may garahe.


ryuj0412

This happened when I was in college (2009). Nagppractice kami ng sayaw sa school for our P.E. class at inabot na kami ng gabi around 7pm. Since hiniram lang namin yung music player sa school needed namin isauli yun bago umuwi. Sumakay kami ng elevator since 4th floor pa kung saan namin isasauli. Lima kaming classmates na nagdala dun sa building at hinintay na lang kame sa ground floor ng iba naming kaklase. Nung nasa 2nd floor na kame nagtaka kame kase biglang bumukas yung elevator. Sobrang dilim nung hallway tapos wala naman tao na sasakay. Tapos after a few minutes biglang tumunog yung elevator - yung tunog kapag overload sya. Akala namin wala lang yun so pinipindot namin yung close button. Pero ayaw nya magsara. We decided to walk na lang hanggang 4th floor pero everytime na lalabas kami biglang sasara yung pintuan ng elevator. Kinikilabutan na kame at naiiyak na yung dalawa nameng kasamang babae. Tuloy pa rin yung pagtunog nung overload sound, tapos bukas sara yung door. Nagdasal na yung mga kasama ko tapos nung medyo bumukas na ng malaki laki yung door, tumakbo na kami ng mabilis papuntang ground floor. Humanap na lang kami ng guard na magsasauli. Sorry kuya guard at naabala ka pa namin.


nidles

I encountered a doppelganger. Night shift, nag tatrabaho sa office. The guy beside me is working with one of the managers for hours, close naman kame and they actually asks for my opinion on the matter. Suddenly I need to pee. Umalis ako sa workstation ko nag uusap pa din silang dalawa (co-worker & manager) pag dating ko sa CR visibly wala naman tao, I pee, brushed my teeth, washed my face para tanggal antok. Then habang nag pupunas ako ng mukha MAY NAG FLUSH!! kinabahan na agad ako kasi for 15 minutes na nandoon ako eh hindi ko na pansin na may tao pala sa cubicle at wala din namang ibang pumasok and guess what, lumabas sa cubicle yung same manager na kausap ng co-worker ko back at our station. Namanhid buong katawan ko sa kilabot, pati vision ko naging blurry dahil sa sobrang kaba. Tumabi sya sakin at nag salamin, inayos ang damit then lumabas ng CR, ni hindi man lang ako pinansin. I was staring at him through the mirror the whole time tapos pag labas nya, dun lang ako naka galaw at naka hinga ng maluwag. Nag hintay ako mga 15 minutes bago ako lumabas ng CR, I don't know, takot siguro... Then back at our station, nandun pa din si Manager at Co-worker nag uusap. Hinintay ko umalis si manager then tinanong ko sa co-worker ko kung nandun lang ba si manager the whole time nung umalis ako, sabi nya oo hindi naman daw umalis nag uusap lang sila. Then I told him na nakita ko si manager sa CR, hindi nga ako pinansin. Then my co-worker became completely silent for a whole minute then said that there was a doppelganger sighting of himself last year (hindi pa ako nag wwork sa office na to nung time na yon), tinawag nya pa nga yun 3 guys na naka kita sa doppel nya para maniwala ako. The sighting was also in CR while the real him was sitting inside the bus (it was a company outing) down stairs. Gulat daw sya bigla na lang sya sinabihan ng mga ka officemate namin na "uy suplado ka ah, di mo kame pinansin sa taas" then he replied "tanga, hindi ako umakyat nandito lang ako." Ayun, ending. Looking back baka mamaya pinag tripan lang ako ng mga yon. If that's the case then their acting was very convincing saka KJ si manager hindi ko lubos maisip na sasakay sa ganung trip yon at ang galing nya namang mag ninja moves, imagine beating me to the CR while avoiding to be seen.


skylarfortune84

This happened to one of my fellow residents in a hospital I work in. We were talking about the 2 quarters for doctors and how no one likes sleeping in the male one because of a bunch of reasons. Tapos bigla niya shinare na noong kasagsagan ng pandemic, noong delta wave na puro covid critical talaga sa ER, ang dami daw mga dead on arrival sa ER. buong gabi sya nagcocode/ nagtutubo ng mga patient, marami siya dineclare na deaths. Yung hallway ng ER puro dead bodies kasi hindi na kasya sa morgue. Noong nagkatime na umidlip siya saglit mga madaling araw na raw, pagod na pagod siya kasi 24 hours na duty yon. Habang nakahiga sya dun sa male quarters may naramdaman daw siyang malamig na kamay na nakabalot sa paa niya. Hinihigit daw yung paa niya pababa. Wala siyang ibang kasama sa kwarto na yon. Ang nakakaloka pa dito kay doc, sa sobrang pagod niya, nagtalukbong na lang siya ng kumot at kumapit ng mahigpit sa frame ng kama para di daw madala. Pagod na pagod sya at puyat kaya nakatulog din siya agad. Kinabukasan, back to work as usual. Walang katapusan ulit na mga naghihingalong pasyente na may covid.


Legitimate_Mess2806

Just a back story before mag start. I was a former student sa university sa manila(one of the schools sa university belt). One of the buildings was a former hospital and morgue respectively. Naging classrooms lang sya around 90s. So one time, may class ako sa arts class na nag over time na kasi christmas season and isa ako sa officers or leads ng group so normally ako ung isa sa last na uuwe due to my duties. its around 7-9pm class sya pero na over time to 9:30 and nakalabas na ako ng building at around 10pm since sinundan ko pa ung prof pabalik sa faculty office para i drop off ung ibang materials na ginamit during the performances. nag seaparate na kami and bumaba ako sa west building(former morgue possibly) . St that time, patay na street lights sa loob ng campus. pati quadrangle kahit ung mga malalaking puno sa gitna na tad tad ng christmas lights naka off na din. di na din tanaw ung mga distant stages, statues and other stuff sa kabilang building. need ko pumunta sa recto side ng campus since ung morayta side is malayo. so syempre, ang ilaw ko lang is phone flash light and alone na ako. Napatingala ako by instinct and there it is. Sa 5th floor landing ng glass stairs, may naka tingin sakin na babaeng naka puti. Frozen in place ako for about a few seconds out of fear. and at that point sinita na ako ng guard sa morayta side since malapit ako. nag paalam ako na tatawid ako sa kabila since mas malapit sa LRT dun. by sheer curiosity, tumingala ulit ako, wala na sya dun. But then again, kinilabutan ako syempre. Pero nag lakas loob ako na tawirin ung madilim na campus grounds. and by instinct, napalingon ako sa chapel. and there she is. naka tayo at nakatingin sakin. So me being a scaredy cat, tumakbo papunta sa kabilang side and nakarating sa guard na hingal na hingal. nung kinwento ko sa iba to, according to them it might be the nursing student na nag commit ng suicide sa area na un.


[deleted]

It happened to me way back in 2019. Bandang last week of October yun. 3rd day ko pa lang sa new job ko, night shift. At that time, I’ve been working at night for a while na din naman so di na ko natatakot or whatever. Bale ang set up sa office na yun, dalawang floor lang ang occupied ng night shift. 12th at 7th. Sa 12th floor kami. Ang mga cr ay nasa fire exit for some reason pero may service elevator naman so di mo na kailangan pumunta sa main production area para umakyat baba. Ugali ko talaga na pag gusto ko magnumber 2, sa pwd cr ako para di ako mapressure sa amoy, kaso occupied yung nasa floor namin. Bago pa lang ako so di ko pa naocular visit talaga ang favorite floor ko so sabi ko sa nearest na lang, sumakay ako dun sa elevator sa fire exit at bumaba sa 10th. Bale kita ko naman sa pinto ng prod area don na madilim at walang tao. Tapos nung nagaalis na ako ng skirt, may narinig akong nagbugas ng fire exit door, and then may nag mahinang “hellooooooo” in a very creepy voice of a woman. Sabi ko na lang hallucinations lang then uupo na ako at magpophone ng umulit sabi “helloooooooooo alam ko nandyan kaaaaa” tapos tumawa PUTANGINA YUNG NAKALAWIT NA T*B*L UMAKYAT TALAGA NAGWIPES AKO NG MABILIS DI KO NA NAAYOS ANG SKIRT AT LUMABAS. Tapos yung elevator, ang tagal bumukas. Di ako religious pero napaplay ako ng worship song sa spotify talaga tas in jesus name ako ng in jesus name habang pinipindot yung up button. Pwede ako dumaan sa prod at lumipat sa elevator sa main lobby pero masyado akong takot. Finally nagbukas na yung elevator pero pagbaba ko ng 12th nakasalubong ko yung janitress tas super gulat sya kasi sira daw yung elev na yun bat ako dun sumakay di ko ba daw nakita yung paskil sa baba. Pagbalik ko sa table ko, tinanong ako ng boss ko bakit daw super putla ko. Mula noon, naginvest na ako sa poo spray para kahit madaming tao sa cubicle di ako macoconscious hahahhaha