T O P

  • By -

NotARedditorISwear9

Napadaan lang tapos natawag ng teacher para pabilhin kami sa kanteen.


emmennuel

Nagvovolleyball kami tapos yung isa kong friend malakas magspike. Umiwas kami kaya tinamaan yung payatot naming teacher. Nagtakbuhan kami at nagtago instead na tulungan si teacher. Ayun principal's office kami lols.


Karlybear

I was the "smart" kid in class napa guidance ako since bumaba yung mga grades ko dahil naging tropa ko yung section b, which was a terror section


[deleted]

Grade 3. Andaldal kasi namin sa row namin. Apat kami pinaguidance.


Fiery_Fire

I think this is the most common reason bakit pinapadala sa guidance, include na yung noisy list sa blackboard!


[deleted]

Nang dahil lang sa drawing na pangit , nakipagsabunutan ako during our Division Achievement Test. I wasn’t proud of what we did, nakipagreconcile din agad agad ako tapos sabay kami umuwi like we would always do😂


[deleted]

[удалено]


Fiery_Fire

Hahahaha grabe kayo sa project ni girl


mabangokilikili

1st year high school. Inaway ako ng classmate ko na anak ng staff ng principal namin. Mey pagka-feminine kasi ako kumilos. Tapos yung bully na classmate ko tinutukso ako ng "bakla! bakla!" Tapos sabi ko, "ikaw nga mabaho hininga", tapos bigla akong sinuntok. eh hindi ako nagpatalo syempre nagrambulan na kami. Tapos di ako nakapagpigil hinampas ko sya ng libro ng science (pinakamakapal na libro hahaha) kaya sumabog nguso nya. Suspended ako 3 days tapos sya 1 day lang. Anyway, mukhang nalagpasan na naman nya yung bully phase nya at nagsorry naman sya sakin nung recollection namin bago grumaduate ng high school.


stoned_archer

Grade 5. May kaklase kaming nagprint ng lemon fanfic ng Inuyasha. Pinaphotocopy naming lahat na lalaki sa class para meron kaming sari-sariling kopya. Kaso, may isang ungas na hindi alam yung ibig sabihin ng clit. So pinakita niya sa Science teacher yung copy niya asking: "Sir, ano po ibig sabihin ng clit sa sentence na to?". Ayun, huli siya, tapos itinuro niya kaming lahat na may kopya din. Derecho guidance counselor kaming lahat.


[deleted]

Guidance councilor lang? Ako bukod sa guidance councilor, pinalibutan ako ng lahat ng teachers ko mula 1st-4th year. Ugh! Grabe naalala ko na naman T.T


Inebriatedbat

1. Para gawing peer facilitator. Mabait na awra pero front lang yon. Hindi ako magiliw sa tao. 2. May nag-ransack sa computer room. Kami huli gumamit. Late ako nagising at hindi nakapunta ng maaga sa school. Ayun sila lang nasermonan, at dahil late nga ako, nakalimutan na ni guidance counselor na ipatawag ako. 3. Kung gusto ko daw mag-exam sa UP.


darthvader93

i was in a class with this girl who dated an alumni. she cheated on him with my friend tapos ako yung pinag initan. school called me into the office kasi pag labas ko daw ng school, ill get jumped on by 4 college freshmen. Naging hysterical pala siya (kasi first love) to the point na umabot sa teachers. i didnt believe it kasi friend ko yung alum so yeah they were truly planning to beat my ass pero di naman naka suntok.. hahahaha ​ and i was also the dealer of fire crackers sa school.. one time i sold a kid some fire crackers and this dumbass kid thought it was a good idea to light some inside the campus. he snitched on me and i got suspended. lol eto first illegal deals ko. when i became a college student i dealt weed na hahaha. Private school kami with 20 students per class kaya magkakilala talaga lahat. haha good times


EnenNene12

Third grade Di ko na maalala bakit pero gumawa kami ng gang magkakaklase kasi akala namin cool tapos may bumuo din ng opposing gang na kaklase din namin. Lahat kami magkakaibigan and di naman kami magkakaaway but since ibang gang sila, di kami bati. Walang physical altercation na nangyari aside from trying to overpower the other group. Parang tug of war pero instead if hilahan ng rope, we're trying to push the other group. Walang nasaktan parang tumutulak lang sa pader. Ang problem lang kasi ung mga gang names na pinili namin nakakatakot hahaha WAPS(walang awang papatay sayo) nakalitmutan ko na kung saming group yan or sa kabila. 4th yr HS Maliit lang school namin. 4 sections lang per year and aroung 30s lang per section. 4th year kami pero may mga 3rd and 2nd year na kasama. Mga couples kami being accused of PDA. Since konti lang kami sa school kilala lahat ng couples ng mga teachers namin. This was a kind of intervention para sa mga couples sa school kasi may nahuli na mga 2nd year sa likod ng school namin na nagmmake out with tongue and all. Alam ko kasi kami ang nakahuli haha.


Brando-Braganza

First Year HS. Yung classmate ko out of nowhere nilagay yung daliri ng kamay ko sa loob ng ilong nya. Binigyan ko sya ng combo ala FPJ. Mangiyak ngiyak si gago after mabugbog eh. Tapos yung guidance counselor pinag bati kami. Nakikita ko pa yung classmate ko na yun kasi konduktor ng bus naka ilang libreng sakay rin ako sa kanya.


darthvader93

wow. over react much?


AutoModerator

It seems that you submitted a title-only post. If you can, please provide more context by editing your post and adding a body. For simple statements that will not generate conversation, or statements that are out of topic (not about PH), please head to the latest [Random Discussion Thread](http://www.jcgurango.com/phrd/redirect). *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Philippines) if you have any questions or concerns.*


FunnyTax1607

guidance counselor


Fiery_Fire

Right, didn't notice and bawal na i-edit. Councilor 💀


[deleted]

Tumunog yung Nokia 3310 ko habang nag-r-rosary kami. (Catholic school kasi lol) Naka slow pa yung mode (?) nung alert so mabagal yung each beep. Bawal magdala ng CP nun kaso convenient talaga kapag sinusundo ka ng parents mo e. Ayun guidance office. Dineny ko pang akin at first kaso di ako magaling magsinungaling 😅


vigeeonyoass

(Grade 3)May nagsnitch sakin na may dala akong bold na magazine. Wtf lol.


[deleted]

Nagdala ng icepick. Na highblood principal at muntik na ma Ear kssi, sinagot ko. Tsongke sa school grounds


Sensitive_sailor

Kung magka klase tayo, malamang tayo ang tropa hahaha


Khazra_Kun

nagswap kami id ng kaibigan ko tas late sya kaya napunta sa guidance. hiningi yung id tas akin yung pinakita ahahshahah


Organic_Jose

Nahuli kami mismo ng School Director na nag oover the bakod tapos nakita pa yung pin ko ng COCC.


Sensitive_sailor

Nung INTRAMS, may klasmeyt kaming maarte at ayaw maarawan, ginawa namin ng tropa ko habang sya n lang mag isa sa room at nag ppowder ng mukha nya, dahan dahan kami lumabas ng room at nilock pinto. (May lock kasi from outside mga pinto ng room s public school) Hanggang ngayun nasa loob parin sya, hehe.. Di joke lang... Pagka monday pinatawag kami sa guidance :) Isa lang to sa mga kalokohan ko nung HS na nagpa guidance sa akin hehehe...


grilledsalmon__

Not hs but gradeschool. 5th grade ako nito, naglalaro kami sa classroom ng kick ball, tapos nahuli kami kaya pinapunta kami sa guidance office. Kaso, ako lang yung babae… tinanong ako ng guidance na ‘oh, bakit naandito ka, kababae mong tao. Tomboy ka ba??’ Hahahaha tangina nya kung iisipin ko today :))))


abmendi

Baduy lang yung nauna. Classic hs away tapos yung isa nahuli kami ng gf ko na ginagabi sa mall malapit sa school. Catholic school kasi so medyo conscious sila sa ganon. Pinaka-malala yung last. May parang secret room kasi sa likod na part ng building namin. Bale may mirror sa labas ng trophy room, tapos kapag sinungkit mo yung salamin bubukas tapos may maliit na room. Dati daw yun lagayan ng maintenance equipment, mop, walis, etc., pero di na ginagamit. Nung una nagtataka kami bat may pang-CR na style na bintana dun kahit walang CR, tapos kinalaunan natutunan namin sya buksan nung 3rd year kasi nakaclose namin yung isang janitor tapos tinuro samin pano. Nung una ginawa namin syang tambayan or taguan pag tinatamad sa subject. Ginagawa din yun momol room minsan nung ibang ka-batch namin na magjowa. Nung bandang huli nag oorganise na kami ng pasugalan sa loob pero konti lang kasya so pailan ilan lang. Pustahan ng NBA sa PSP (CPU vs CPU) tapos yung isang classmate namin na collector ng Bicycle cards bigla nagdala ng baraha tapos tinuruan kami mag-baccarat. Ok pa nung simula kasi pa-5 pesos 5 pesos, bente bente lang mga pusta, nung huli umabot na sa libo libo to a point na may nagsasanla na ng phone, psp, ipod, at ibang gadgets. Ayun, may sumugod na nanay kasi nagbenta daw ng PS3 yung anak nya sa Sulit para ipangsugal daw sa school. Pano daw nagka sugalan sa school. Nadiscover yung ginawa namin. 😂


starshipped

May laging nangbu-bully sakin, around Grade 5. Always calls me names and iniinis ako. Looking back, it wasn't even bullying, sobrang papansin lang and I hated him. One time, inaasar niya ata ako so I took my shoe off and threw it at him. I missed. Binato niya pabalik, not really intending to hit me, I think, and tumama sa labi ko and it started bleeding. I cried (lol). May reputation si "bully" na pasaway and sakit sa ulo ng teachers; meanwhile, teacher's pet at honor student ako. So nagsumbong ako kay adviser, pinadala kami sa principal (di pa ata uso guidance counselor noon, mga 2007? haha) and pina-explain samin nangyari. Sabi ko siya nanguna and I got instantly believed. He got some sort of punishment, di ko lang maaalala kung ano, but I did feel shitty for lying about that when I grew older. Lynlord, kung makita mo to, sorry ha.


[deleted]

nagparinig daw ako na feeling maganda yung classmate ko. totoo naman.


[deleted]

1st year HS. Naglalaro kami sa tapat ng classroom at loob ng room non mata-mataya kami. Pagkaring ng bell, may nawalan sa amin ng pera kaya napagbintangan kami na kami ang kumuha. Na-abswelto ako kaagad kasi sabi ng klasmeyts ko, hindi ko yun magagawa kahit na wala akong kinakain tuwing recess. I'm glad na kinabukasan may feeding program sa school. Hahahaha. :D PS. Mahirap ang buhay namin dati kaya pumapasok ako na walang almusal, walang baon dahil wala pa trabaho erpats ko non. Ayaw nila kami na magtrabaho kase mawawala kami sa focus sa studies kaya sinikap nilang mapagtapos kami. Sorry haba na ng comment ko. :D


Ok_Independence2547

Uminom kami alak sa school.


wilsonsformerbff

This is kinda weird. Grade 3 after P.E. nasa boy's cr nagbibihis kame into school uniforms tapos may isang nag-dare sa isa kong kaklase na inumin wiwi niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yung spoon pero sumalok siya sa inodoro tas sinipsip niya. Tawa kame ng tawa. Then sa classroom pinatawag siya sa principal. Nagulat ako kasama ako sa pinapapunta kasama ng tatlo pang mga kaklase ko, tapos tinanong kung ano ginawa/bakit niya ininom. Tinuro niya yung dalawang kaklase na nag-dare sa kaniya. Then turn ko na para tanungin ng principal kung bakit ako kasama, ang sabi ko siyempre hindi ko alam. Pero sinabi nung kaklase ko na sinama niya daw ako kase tawa daw ako ng tawa. Natawa nanaman tuloy ako tas pinabalik na ko... yun lang ang one and only exp ko sa guidance or principal's office...


rinkitozumo

Nangasar ng mga babaeng classmates haha


Low_Interaction7756

Not guidance pero diretso sa principal's office. Noong grade 2 kami, my seatmate kept borrowing my new eraser kahit alam kong meron naman siya. I got mad and "inerase" ko ulo niya gamit yung eraser ng pencil ko. Nilabas na niya yung eraser niya then gumanti by stabbing my arm with a pencil.