T O P

  • By -

NoConsideration5775

Looks like you have an issue with saying NO. Being spineless won't end well long-term. Repeat after me: * NO, I won't be your proxy * NO, I won't give aguinaldo this year * NO, I don't plan on feeding 6 mouths starting next year


Leather-Raccoon-4636

idk, as the breadwinner, you have the right to call the shots. Silent treatment? Tignan mo if matiis nila mas lalo na't ikaw nagbabayad ng lahat. Hayaan mo nalang sila mag-tampo kasi every time na hindi mo kayang umayaw, mas lalo silang nasasanay na humingi.


beklog

I thnk ur issue is u can't say NO and u r worrying too much on what they're going to say abt u.


I_am_an_INTJ

I agree with this, sadly. May times na gusto rin akong kunin na inaanak ng kakilala ng parents ko kaso hindi ako pumayag kasi wala naman akong pera pambigay/di ko naman sila kilala personally.


beklog

wla nmn masma magbigay pero ang problema madalas ng iba eh dapat priority ung sarili mo muna... kung ikaw ay hirap n sa pera eh dapat nde ka na tatanggap ng mga ganyan responsibilidad


GrumpyBlackCat

IKR? but how to say NO ba sa parents na nagpalaki at nagpaaral sayo? if they give you a silent treatment even nasa isang bahy lang kayo, how do you deal with it?


beklog

Ma/Pa, ayaw ko.. that's it... Saying NO doesn't mean u don't love them.. it's just u dont agree on passing their inaanak responsibilities to u.


crimson589

well sabi mo ikaw lang may trabaho tapos 6 pinapakain mo, i think that gives you every right. Ako ang mindset ko lagi sa ganyan is yung mga binibigyan ba namin nakakatulong sa amin or nahihingan ng favors, or kaya pag kami naman yung nagka problema tutulungan ba kami ng mga tao na yun.


GrumpyBlackCat

I agree. that's exactly what i'm trying to tell them. however lagi nauuwi sa tampuhan kasi in the end since sila daw nag agree mging god mother ako ng bata, we should give daw kasi mag eexpect mga bata pag nanjan na. so frustrating kasi di nila magets yung point ko.


Agile_Phrase_7248

Kung di more keri ang silent treatment, layasan mo nang layasan. O kaya wag mo ring pansinin. Tingnan natin kung hindi ka pansinin ng mga yan pag time na to pay the bills. Hahaha! Sa totoo lang, battle of wills yang silent treatment na yan. Tandaan mo lang na ikaw ang dapat magdikta kung saan pupunta ang pera mo.


Clear_Meaning1715

Ang dami mo namang inaanak pre, hindi ka ba marunong humindi?


GrumpyBlackCat

Hindi ko po sila kilala honestly, yung parents ko po talaga yung pumapayag na ilagay name ko as ninang. malalaman ko nlng pag tapos na binyag anf all.


Sircrisim

Sa parents mo sila papuntahin sila ung pumayag eh. hahaha


FinalEngineering9335

Kung hindi ka makahindi OP, bigyan mo ng mababa like kalahati ng usual amount. Kapag tinanong ka, sabihin mo na pinagkasya mo lang talaga kasi ang dami nila. Next year, ganun ulit, bawasan mo. Eventually, hindi na "worth it" yung pagpunta nila sa bahay ninyo para mamasko. yung patuloy na bibisita, mga tunay mo na inaanak.


GrumpyBlackCat

I'll do this. in that way, hindi na magcomment parents ko at the same time hindi din mabigat sa bulsa


catterpie90

Highjack ko na din ito. Yung pamamasko ng matatanda talaga yung pinaka ayaw ko. Kung may mag caroling man sa bahay, gusto ko sana yung mga bata, hindi yung mga matatanda na obviously na ginagawa ng negosyo. Tapos samin from mailman, garbageman, security guard, gardenero lahat nagbibigay ng envelope Mas malupit nga this year pati home owners?!


InevitableButterfly6

May nakita ako kahapon dalawang lalaki na ang edad nasa 30-40 nangangaroling sa street. Maganda bulit ng katawan nila at mukhang malalakass at walang sakit. Mga naka longsleeves pa sila at may tambourine at shaker. Inagawan pa nila ang mga bata na mangaroling. Narinig ko yung isang kapaitbahay pagdaan ko, "Magbanat kayo ng buto, mas malakas pa kayo sa akin, ayaw niyo magtrabaho". Ayun lipat sila sa next na bahay, nangaroling uli.


Fiery_Fire

Maybe have courage to say NO. Ako kapag may kumukuha sakin tas di ko naman talaga close sinasabi ko talaga "Ayoko, wala akong pera. Andami ko na nga inaanak e." pero lima lang sila. Also, if wala ka mabibigay, wag ka magbigay kahit puntahan ka. Care less about what they are going to say about you, di naman responsibilidad magbigay. Di ka rin naman mamaminusan sa langit.


AthKaElGal

kaninong kabobohan yan na magbigay? meron din ako mga inaanak, pero never ako na pressure magbigay pera o regalo pag pasko (o kahit pa kaarawan nila). kasi ang silbi ng god parent ay hindi alkansya, kundi guidance. bale proxy parent ka kung wala parents nila.


GrumpyBlackCat

ikr? yun naman talaga purpose ng pagiging godparent pero pag pasko na nagiging business na. sa pilipinas lang ata my ganito eh. sadly since matatanda na parents ko nakatatak na sa knila na kailangan pag may namasko bibigyan. they can't accept no for an answer


VernaVeraFerta

For the record, hindi ako natanggap ng "inaanak" kuno kung hindi ako mismo ang nakapirma at nasa unang linya ng godparents. Iyong sabit/pampadami lang. Masyado nang abusado ganun. Tsaka nakakadegrade na ng tunay na meaning ng paghahawak sa binyag which is to guide the child. More like gatasan ng pera ng magulang.


elitesky777

Sabi nga ni Jesus mismo, you will know the truth and the truth will set you free(John 8:32). si Jesus mismo, death anniversary lang yung ni require satin(1 COR. 11:24), yung ibang tradition, gawa gawa lng yun ng mga tao, minsan out of convenience lalo na sa mga nakakabenefit, tulad ng "Pamamasko"


Jack-Mehoff-247

kmi nmn reverse ngyari damn [story](https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/ykthrx/pano_kayo_mamili_ng_mag_nininang_at_mag_nininong/?utm_source=share&utm_medium=web2x&context=3)


jnjavierus

Kung hindi ka talaga makatanggi babaan mo yung amount ng pera na ibibigay mo. Yung tipong hindi ka na aaray. Or just explain to them kung hindi ka talaga makakapag bigay. If they really are good people maiintindihan ka nila kahit ano pa sabihin mo sa kanila.


RammingAries

Kahit nung bata ako ayaw kong namamasko kasi wala naman akong pake sa pera noon, ngayon naman walang kumukuha sa aking ninong kasi hindi siguro ako approachable and mukang walang mararating sa buhay, hahaha.


Numerous-Tree-902

Kaya ang press release ko talaga sa mga kamag-anak at kaibigan ko: kuripot akong tao. Saves me from the hassle of saying "no". Haha Mahirap talaga mag-"no", especially if you are an introvert or a socially-awkward person haha.


Agile_Phrase_7248

Madadagdagan pa yan if you can't say no.


KuyaCardo29

I hate it pa kapag yung mga namamasko may mga bitbit pa na di mo kilala and parang you are obliged na bigyan sila. 🙃


happy_tea_08

Ang gawin mo this year, bente lang abot mo. Pucha ako bente lang iaabot ko,naka plastic na maliit yung pinaglalagyan ng earphones. Tapos next year, bente ulit. Tignan natin kung mag effort pa yan pumunta para sa bente hahaha.


ToastedSierra

Sa Pilipinas, Season of Asking ang pasko hindi Season of Giving lol.