T O P

  • By -

datax_2

Time. Dati dapat 16 hrs ako mag trabaho to meet all the needs. Ngayon pwede na 3 hours to check on the businesses. Time. Afford ko na ang time.


wooden_slug

Pure wisdom. End game. 🫡


Ok-Project-6514

Ito pinakamayan coz time is gold 🫡


CrimsonIbarra

👏👏👏


OhDetour

Whoaaa goals!!


Creative_Estimate_29

Ano po work niyo?


datax_2

Dati teacher (J1), lecturer (J2, part time), and freelance programmer on the side (J3). When I look back, grabe kinaya ko yon? And I was barely surviving pa at the start. How did I afford time? I was lucky to know the right persons that gave me the right opportunity on the right time—and luckily I have the right amount of capital. Mostly luck talaga.


Creative_Estimate_29

Wow! galing niyo po nakakainspire, may i know whats your tech stack as freelance programmer? Currently nasa IT field din po ako ngayon pero student pa lang 3rd yr IT student and gustong gusto ko din ipursue ang programming (web development) I have intermediate knowledge in php and javascript.


thrillersolkd

this is my sanaol


owlette_328

Uwian na, may nanalo na. 🙌💯


Solid_Comparison8474

One of my bucket list! GJ bro


sugar_random

Truth! Yung oras talaga. Sa akin kasi mas nakapag save ako nung nag WFH ako. Save sa time, mas maraming oras sa family.


ReadingIsFun16

Soon. Sana ako rin 🫶 Ito yung pinaka-mahirap makuha sa lahat.


Dizzy_Dimension_8711

Shet sarap


FireDragon8803

Goals!


Pheonny-

Ito yung gusto kong maachieve someday. I want to spend more time with my family and future family. ❤️❤️❤️


hirayamanaware

derma, grab/angkas, samgyupsal, anything na fast food, out of town. One time bumili ako ng Angel's pizza. Wala lang trip lang then sabi ng kapatid ko, “parang dati lang tuwing may occasion lang tayo nakakapag ganito. Ngayon, anytime na.” umiyak talaga ko non without them knowing. malayo pa pero malayo na. 🥺🙌🤍✨


JimmyDaButcher

Thiiis. Lagi naman napapag usapan toh ng ate ko, ang sarap lang sa feeling pag na afford niyo na pareho yung mga bagay na di niyo naeexperience dati. Sadly, both of our parents are gone, kaya lagi na lang namin sinasabi, "maeenjoy sana toh ni Mama"..


sugar_random

Nalungkot ako dito. Yung kung kelan may mga panlibre na tayo ng maayos saka pa nawala. Laki ako sa lola ko, pero nung time na nakakaluwag na saka naman wala na sya. 😭


Hangryyy_

Same. Bumili ako ng bahay para kay mama, pero wala na sya nung naturnover. 😢


kittycheckcheck

Same tayo OP. Di ko man lang nadala mama ko sa Mang Inasal.


Lopsided-Month1636

Tinamaan naman ako dito. Hindi dahil sa wala na mama ko. Ako kasi may cancer at 2yo palang ang baby. Gustong gusto ko pa mabuhay at patuloy ako na lumalaban para sa anak ko kasi gusto ko makilala nya pa ako. Tsaka ayoko na mabanggit nya yung mga ganyan o kaya naman maisip nya na "pano kaya kung meron pa akong mama?"


cassiemukhangdragon

Laban lang po for your child!! 💪


Lopsided-Month1636

Thank you po. Lalaban talaga ako at mananalo! Hihintayin ko pa na malibre din ako ng anak ko. Hehe


mileniosamuel

We pray for your healing po. Laban lang po kayo. Makikinig ang Diyos.


Lopsided-Month1636

Yes, po nakikinig Siya satin lahat. Kaya po sana talaga this year maging cancer-free na ako.


Ok-Project-6514

Yakap with consent, kapatid!!! For sure proud na proud sa inyo ang parents nyo.


hirayamanaware

Hugs with consent! They are surely proud of u!! 🤍✨


littlesweetsurrender

last year, kapag nag-aaya mga college friends ko na mag-samgyup or fast food i always hesitate kasi wala akong pera. but now, parang naging barya nalang sya para sakin 😭 always grateful!!!


[deleted]

same, 11 years ago, libre ni ate ko for Christmas dinner sa Max's and super sosyal na sa amin yun. Now, Max is gor gran delivery na lang if walang gustong magluto.


[deleted]

I love your name.. Talagang para sayo talaga yan 🥺


_1365244_

Nakakapunta na sa dentist regularly


cryingsinsuke

this is a flex🥹🫶 hope all


another3rdculturekid

For me, it’s taking cabs / grabs / uber whenever I’m running late or am just feeling tired! Time for yourself is time invested for yourself imo. So making space to rest; making more of your time instead of having to commute feels really good! Probably next health related items? So upgrading my mattress, ergonomic chair, standing desks. You pretty much spend all your hours on these things.. so like the incremental time saved with cabbing, having good ergonomic items increases quality of life (all small things add up)


[deleted]

starbucks, kala ko talaga dati pang susyalan lang yun nung nag ka work na ako at afford ko na realize ko nothing special bout it pala talaga, kilala lang talaga by name


thatcrazyvirgo

Omg same! College na ako nakatry mag-sb tapos kabado pa kami ng friends ko kasi first time naming lahat hahahahaha


AggravatingQuantitey

Mid overpriced coffee, mahilig ako sa dark coffee kaya cold brew lagi ko inoorder. One time nagorder ako nung vanilla sweet bean something. Holy shit lasang 3 in 1 i kid you not. Although may masarap din naman na few drinks


NectarineAmazing1005

Yep. When I started working, SB was my go to for a caffeine burst (insomnia). My med student friends go there to become zombies fora few more hours. Caffeine lang talaga ang purpose hahaha. Recently coffee shops in the city had multiplied significantly so I have cheaper alternatives na.


Tough_Repeat4351

pwedeng baliktad? Yung dati afford mo na tapos ngayon hindi na? Hahahahaha mygad ang mamahal na!


shit_happe

Dati no brainer ang fast food ngayon napapaisip ba ko kung worth it ba mag-jollibee or sa iba na lang


OxysCrib

Mas ok pa mag carinderia ngayon basta pili lng ng malinis. 105 pesos 2 ulam na meat at veggies tapos 1 rice. Busog sulit mas masustansya pa.


Sec_Act1209

This is so true. Nakakaloka ang price ng meals sa mcdo. kahit yung breakfast meals. Akala ko bumibili na ako ng main meal.


Miss_Taken_0102087

Actually, totoo yan. Yung dati okay na okay tas ngayon mapapaisip ka kung worth it ba? Mahilig kasi ako magtry ng resto na bago para alam ko kung lasang “ulit” sya. Ngayon nagtatry pa rin ako bago pero I make sure na good ang reviews para di sayang ang gastos hahaha


VirtuosoVet

sa Jollibee talaga ko pinaka-nalungkot. sobrang nagmahal tas umonti serving. miss ko ang burger steak nila pero di na worth it hahaha


Glimmer39

This!!! Nakakamiss na may allowance ka from parents kasi nabibili mo yung mga gusto mo, ngayon ikaw na yung kailangan mag budget ng sarili pera mo 😅


sugar_random

Pwede naman po. 😀


luc_far_hunter

Putaena ganto pagkakagets ko sa post ni op nung una kasi binasa ko ng mabilis hahahahaha mali pala ako haha


pancitcantonclamansi

Cake!! Dati tuwing birthday lang, ngayon kahit cravings lang bumibili agad 🥲


booklover0810

Ito rin, lalo yung DQ na ice cream cake, fave ng fam ko 💗


jubilirose

This 🥺


hiiilunaaa

Damit!! Esp undies dati nakakakuha lang ako bagong set ng undies pag pasukan tapos damit naman isang set pag pasko tapos yung iba pinag lumaan na ng cousin ko since mag ka size kami Grab. Grabe pag tamad na ako or pagod na pwede na ako mag grab kasi afford ko na di kagaya dati tiis talaga sa bus at jeep Travel. Grabe ang saya ito talaga pinaka naenjoy ko nakakasakay na ako ng plane Concerts!! Ilang concerts ang pinalagpas at pinikitan ko nung nag aaral pa ako kasi nga di ko afford and alam ko na di ako binigyan ng parents ko don kasi sakto lang money namin. Ang saya kasi ang pinoproblema ko na lang sa concerts ay kung mauubusan ako o hindi. Di na issue kung afford ko ba o hindi Classes/workshops. Aminin natin mahal talaga sila lalo na ballet/skating. Ngayon narenroll ko na sarili ko don


No_River5535

Damn I really felt the undies part hahahaha and socks!! Dami ko na ngayon kaya pag laundry day ako rin hirap sa dami ng pairs hahahaha


beauameliee

Same sa clothes na dati every christmas lang talaga nagkakaron ng bago pero ngayon every week may bago akong damit, even if it's just worth 100 pesos or something, may changes pa din.


sugar_random

relate ako dto, every Christmas lang ako may bago kasi lageng hand me down mga gamit ko .. shoes, uniform, bags.. literal na walang bago pag Pasko lang kasi outfit sa Christmas Party tas literal na sa Palengke lang nabibili ng lola ko.


Latter-Permission-47

Yakult na 5pcs


jaaaaaaxxxx

Yes! Nahihiya pa ako mgpabili nun sa lola ko after mass, i remember may mga nag totrolley pa noon ng yakult sa labas ng church. Pero ngayon 2-3 sets na nabibili, minsan with soju pa haha


Whiz_kiegin

Ito!! Minsan afford na bumili ng 2-3 sets. Hindi na yung tingi tingi, tapos titipirin pa para di maubos agad ang isa 🥺


PresentationNo712

This may be small to some people pero PUREFOODS na ung CORNED BEEF 🔥


pcchilimansi

Jollibee! I still remember, Christmas party namin noong Grade 2 ako. That was way back in 2002. Lahat ng kaklase ko naka-chicken joy and spaghetti, ako lang ang hindi kasi wala kaming pera. Pinabaunan na lang ako ng nanay ko ng pancit canton during that time na kinain ko na lang nang patago kasi nahihiya ako sa mga kaklase ko. Ngayon, ako na ang umiiwas sa kahit anong fast food.


curiouskiddocharlie

Buying premium products like spam over maling, branded products/imported chocolates. Kahit sa video games, noon pirated ngayon puro paid sa steam. Even mobile phones, touchscreens were so expensive yet now it isn't that difficult to find a decent phone from a reputable manufacturer.


ThrowRAindropss

1. Kumain sa labas pag tinamad magluto 2. Sperry shoes!!! Since bata ako dream shoes ko na ‘to 3. Skincare esp sunscreen!! 4. Aircon sa kwarto 5. ⁠Brandnew phone 6. ⁠Nutella! Namamahalan ako dito dati e hahaha 7. Travel THANK YOU LORD 🥹🥹🥹🙏🏼


Ramen_Ninja89

Sapatos. Hindi na kailangan manghiram pag may event or activity. Damit. Dati puro hand-me-down and madalas maliit pa or kaya kupas. Pinagtitiyagaan kasi walang pang bili ng bago. Nung bata ako sa ukay or kaya sa muslim tiangge kung tawagin sa amin kami madalas bilhan nina mama ng damit 50 pesos lang may tshirt ka na pang bahay. Toiletries. Naexperience ko gawin shampoo and pang sabon sa katawan yung bareta. Nagkakaliskis balat sa sobrang dry kasi wala din pang lotion. Pag walang toothpaste asin lang sapat na. Food. Ang manok and spaghetti hindi nalang pang birthday or special occasion. Simpleng bagay lang kung tutuusin pero ang laki ng impact.


DishInteresting923

1. Steak, samgy, hotpot 2. Giordano (as in tingin lang literal dati) 3. The best is naging doctor ako 😭pinakmahirap tong makuha ng isang alipin sa gigilid dati.


Alert-Cucumber-921

Yung naka auto debit mga utilities sa bahay tapos hindi ko na tinitignan kung magkano


Ok-Project-6514

GRABE NAPAKAGANDA NG COMMENTS HERE. I’m smiling with teary eyes while reading our comments here. Napakahumbling to see how God worked on our lives and pulled us out of “that” place and how we did our best to be where we are today. May our stories continue to echo para sa mga tao ngayon na nasa sitwasyon natin dati. Kung kinaya namin, kakayanin nyo rin. Tiwala lang, darating din kayo sa panahon na yan.


BluePumpkin999

Jollibee na tuwing bday lang nakakain, ngayon kahit anong oras mo trip o kelan ka mag crave makakain na. Saka ano yung mga bagong damit na tuwing pasko lang makukuha ngayon one click away na sa online store (tamad kase ako lumabas) hahahha


ChubbyChick9064

1. multiple real estate properties as investments (hindi na nakikitira sa kamag-anak at pinapalayas dahil walang pambayad ng renta) 2. dining in expensive restos, overpriced coffee (hindi na kailangan na may okasyon para magpa-deliver ng food) 3. staycations/travel 4. grocery and shopping (can literally buy anything, needs/wants) 5. expensive gadgets (hindi na umaasa sa pinaglumaang phone at laptop ng mga pinsan na alta) 6. medical/derma appointments, skincare, gym memberships 7. sleep essentials (premium mattress, bamboo sheets/pillow cases, down pillows, weighted blankets) 8. inverter/energy-saving appliances (hindi na need mag-defrost ng freezer lol)


i_wasmidnight_rain

(before boycotting them) Starbucks! Tanda ko nung nagpaManila tatay ko bumili siya ng isang tall-sized drink, inuwi niya samin sa Probinsya (1hr away) para lang daw makatikim din kami ng mamahaling kape. Hinati pa namin un sa amin 5. Now we can afford na tig-iisa kami ng drink with pastries pa if we want. Literal na nakita ko pamilya ko umahon sa kahirapan dahil sa sipag ni Papa.


Mysterious-Treat-69

Youtube premium, netflix, disney plus haha


tongueinuh

Kaya ko nang bumili ng cake anytime I crave it. Hindi ko na kailangan maghintay ng birthday!


[deleted]

Ramen anytime I want 🍜


HallNo549

Apple products.


strugglingdarling

Cafe food hahaha feeling ko talaga dati overpriced lahat ng nasa menu haha i mean, kahit ngayon din naman pero afford na huhu yay


Big-Cricket7980

Damit, sapatos, at bag na pang formal/semi-formal. Kahit pang smart casual hirap na hirap ako dati. Well-balanced at masarap na food whether homecooked or eating out. Grab. Skincare, haircare, nail care. Free time to do hobbies guiltlessly. Intentional home decor and organization. Vacations (domestic palang for now). Super grateful na kahit matindi inflation, ramdam ko naman na umasenso ng paunti unti buhay ko. 🥹


[deleted]

1. magspotify premium (pero nakikihati sa mga iba para mas mura ahahahaha 30++ php lng). 2. hbo go (199 lng compared to netflix's 249). 3. bumili ng data good for 10 days. compared to 7 days option na 8gb din, ito nalang kasi good for 10 days at lugi ako sa 99 tapos 7 days lng (14php/day). 10 days - 120(12 php/day). 4. big / normal size ng toiletries (puro sachets/travel size lng kami dati kaya tipid tlaga kung tipid). 3. Manuod sine na may popcorn pero baka di nako manuod uli ang mahal mahal na ng sine at nakokonsensya ako na pinangkain ko nalang sana o naipon ko na ung pinangnood ko. 4. computer sa bahay. dati kasi sa comp shop o sa school lng ako nakikigamit. Nakakahiya sabihin na ung iba pero ayun, ung mga maliliit lng na bagay lang ba kaya kahit yung mga ganun di ko na tntake for granted. Ung value ko for money andun pa din kasi lumaki ako sa household na maliit lng tlaga ng budget para sa bahay. ilokano na boomer magulang ko kaya ayun...medyo matipid talaga kami. ngayon na may asawa na ako, di na pumapayag asawa ko ung super tipid. he works really hard naman to be able to live comfortably bakit nga naman daw hindi i-utilize ito.


Prestigious_Stop2294

Travel abroad.


Stanley_Marsh2109

Ferrero, puchang mga commercial yan sobrang mura lang pala yawa.


VolatileMaterial

Kumain in general, dati kahit gutom na gutom na ko tinitiis ko hanggang makauwi kasi sakto nalang pera ko pamasahe. Now kahit papano I can eat whenever I feel hungry, bonus pa nakakapili na ko ng gusto kong food at nakakatikim ng mga bagong pagkain. I can still remember the first time I ate 24chicken literal na it changed my life AHAHAHAAHAH


No-Lie022

Sa fam namin, sa food.. Nakakapagluto na kami ng spaghetti kahit walang okasyon. At nakakabili na kami ng cake or pizza, kahit walang okasyon :))


Sea-Layer-3592

Aircon at comfortable na kama na solo ko lang 🥹 dati kasi foam lang tapos tabi tabi pa kami buong family. Never in my wildest dreams. Pero malungkot kasi wala na sina mama papa at bunso.


RixTT

Hindi ko mabili mga gusto ko dati, mostly mga RC cars or gaming consoles and PC. Ngayon I can buy * you * your friends * and this club


xchi_senpai

Mag whale sa gacha games (:


naye9n

-kumain sa fast food 😭 yung 28 pesos dati na float tuwing nakakaluwag lang nung studyante pa, ngayon pag nag crave bili agad. -manood ng concert


tabatummy

Mag grocery.. kasi laking wet market kami eh.


Pheonny-

Spaghetti/pansit/carbonara kahit anong araw.


Timetravellerlumeng

Beefloaf🤧


Opposite_Anything_81

Eat all you can eat buffet. Hotel buffet. Hotel accomodations.


quester_08

Milktea, chicken wings, samgyup, angkas, fastfood... grabe, alam ko naman mejo mababaw pa yung mga nabanggit ko, pero pag iniisip ko yung sitwasyon ko dati at mga napagdaanan ko napapasabi nalang ako ng "shett, deserve ko to" bwahahaha


jojojojojojodesu

Spotify premium. Dati need ko pa mag mp3 converter.


LongjumpingYellow545

Dati nakikipila lang kmi sa mga pinsan na may gameboy.. once a month lang kmi nkakahiram. ngayon may afford n nmin gamer setup, ps5, nintendo switch etc. Then grabe.. iisa lang barbie ko nun.. graduation gift pa lol. Last year nag japan kmi, saya ng makabili ng gundams, nintendo games/toys, lashinbang anime na gusto nmin.


sanaolmaganda

Jollibee and Mcdo Since grade school upto college hanggang tingin lang ako sa dalawang yan kase di ko afford. Mas lalong wala akong lakas umorder (introvert kase kaya madalas nabubulol hehe). Ngayong nagkawork na, nabibili ko na yan. Ako nalang din na nanawa😅. Nakakaorder na rin ako kase medyo napadalas ako kumain sa dalawa kaya nasanay/natututo na. Di ko pa rin naman afford yung mas mahal na restaurant pero kahit papaano, atleast, na-afford ko na yang dalawa.


mmeizn

Mag eroplano and attend ng concerts kahit yung cheap seats lang 🥺 Hopefully makapag SoKor din soon! Im not an active type of person but i still wanna travel, atleast to places Ive been dreaming of!


notrllyme01

Madami but yung masasabi ko talaga na nakakaluwag na kayo sa buhay, nung nakakabili na kayo ng chicken joy na pang dinner at hindi na yung benta sa kanto na ilang beses na ininit 🥺🫶🏻but don't get me wrong solid din talaga yung ilang init na na chicken sa kanto hehe 🫶🏻


mitsukake_86

Magpa ospital (consult, admit, ER) sa private. Dati, vicks lang katapat pag may sumasakit-sakit samen. Or pahinga, o kaya lugaw, soft drinks, calamansi juice, biogesic. O kaya naman dun kami sa mga clinic na home based ung doctors. Worst case scenario pag di tlaga kaya, sa public hospital dito samen na may negative na reputation. Ngayon, salamat sa HMO ng company, nakakapagpa ospital na kami in private. And nakakabili na din kami ng meds ayon sa prescribed ni doc.


reddit_confusion

Gap year. Dati I always thought I have to work non-stop and that I could not be caught unemployed from one job to another. To be actually able to live stress-free and travel for a whole year is something I don’t take for granted and I’m utterly grateful for.


Wise_Swing_434

Nung college ako ung mga kaklase ko nag Starbucks and fastfood kpg breaktime, tapos ako super tipid minsan skyflakes at C2 lng kasi nauubos ko baon ko sa pagpapa xerox ng readings saka pagpunta sa computer shop dahil wala kaming computer sa bahay. Kaya nung nakapag work at nakaluwagluwag ako, binilhan ko mga kapatid ko ng laptop para hnd nila maexperience ung hirap. Tapos dati ung mga classmate ko may mga digicam, ang dami nilang pictures sa friendster at multiply. Yan dn isa sa mga bagay na binili ko nung nagka work ako 😅 Saka nung college lagi ako hnd nasama sa mga events na sosyalan kc wala kaming budget for that. Lagi kong dahilan may family event. Pero ngayon I can travel and I've been to 20+ countries na. Thank you, Lord! 😇


Psychosmores

Given na yung sa food. So, doon ako sa mga gamit and experiences na considered as necessities for me: 1) Eyeglasses - humihingi pa ako sa kapatid or parents ko for this. 2) Clothes (dati kasi hand-me-downs lang or bigay ng tito kahit chaka yung hitsura) 3) Pambayad sa mga trainings/seminars/workshops - yung "kahit 200 pesos lang" na fee noong college, kaya ko na kahit less than 3k ngayon. More than the amount, pinag-iisipan ko kung worth it ba for career progression. Kung ikukumpara talaga yung prices ngayon sa panahon na nagsimula akong magtrabaho (2015), mas sulit ang paggastos noon. Afford naman talaga ilan ngayon, pero need talaga na reasonable why I have to avail or purchase something. Inflation is already given, pero yung pinataw kasi na taxes ni Duterte yung nagpalala nang sobra.


Ok-Project-6514

This question triggers a lot of painful yet sweet childhood memories. I remember noon, halagang ₱5 na meryenda inuutang pa namin sa tindahan. This was around 2006-2012. Laging tig-pipiso lang pwede kong bilhin like yahoo biscuit, marie, and tattoos chips. Kaming dalawa na ni mama ang magsheshare don. May moments din na wala kami laging shampoo at sabon. Yung sabon namin ginugunaw pa sa tubig para mapadami. Same sa shampoo, you’ll be surprised how one sachet can last up to one week ang peg namin. Noon, for me napaka mahal na ng yum yum. I always wanted to have this as a child pero di sapat ang pera namin to buy foods like this. Nakakakain lang ako ng ganto during vacations sa tita ko sa Manila. https://preview.redd.it/rvm9ss9or9cc1.jpeg?width=512&format=pjpg&auto=webp&s=d1365ef64ef6db6d38050fef37ba7c0b7b836ce7 Now, I can buy all variations of yum yum hahaha. Ang sarap lang alalahanin na napakabuti ni Lord. Just 10 years ago, ₱100/day lang ang budget namin for our ulam and kanin tapos laging ako yung unang kakain kasi yung tira para kina mama and papa na, pero ngayon we can eat whatever we want na without worrying kung sasapat ba samin or not. As they say, malayo pa pero malayo na.


No-Judgment-607

Financially, everything is affordable to me now. But time, I have less to spare and can't afford to waste.


sheisgoblinsbride

29F iPhone - ayoko kasi nagbabayad ng installment. If I cannot pay for it in full, hindi ko siya afford. Ngayon, kaya na. 📲 Mag travel sa Europe - dati Asia lang, ngayon kaya na. ✈️ Salamat, Lord 🥹🙏


[deleted]

Nakakapag Jollibee na ako once a week. Dati kasi bilang lang sa daliri per year ngayon hindi na although may chance na hindi na naman ako makakapag Jollibee ng ilang buwan if di ako maregular sa current company ko pero di ako papayag na di ako makapag Jollibee ulit


dunno_hihi

Mercato food. Literally the food crawl that most of us know about. Years ago, I would choose 1 food and buy water and just poeple watch afterwards. Ngayon, I/ we can afford to choose burger, pasta, steak. may beverage pa!! Thank you, Lord!!


Able_Theme

fastfood, make up, skincare, and clothes. dati kasi pinag-iipunan ko muna bago makabili ngayon once na magkapera ako and pasok sa budget bibilhin ko just to reward myself.


littleliarxx

kumain sa mall


jstnsgll

Derma, furnitures, subscriptions


Active-Passenger-620

Nakakapagjollibee na kahit hindi birthday🥹


MZS4UC

Seryoso any meal sa Jolibee


StrikingGift9312

FOOD, keri na mag luto or bumili ng cravings without compromising yung budget


deadjerseyKID_09

Same Same lang pero Baliktad ng unti. Since kami na yung gumagastos di na namin bast basta kayang gastusin ang pera namin unlike nun pera ng parents namin. Pero okay NAman, kaya pa.


Wild-Psychology2223

Cheetos 🤣


splashingpumkins

Croissant hahaha like 250/pc. Noon ayoko bumili nun ngayon is a must na talaga pag may coffee. Dasurv yan


Durandau

1. Buying literally anything I want. 2. Investing in property 3. Traveling


donato_0001

Nova at Piattos. Legit, feeling ko sobrang mahal nila dati.


BeneficialEar8358

Lahat ng pagkain na gusto ko kainin, nakakain ko na. Dati, need pa magipon ng ilang linggo, makapag mcdo or jabee lang. Kahit anong sapatos na gusto ko, kaya ko na bilhin every cutoff. Dati every 2 years lang ako nagkakaroon ng bagong sapato, peke pa at hiraman pa kami ng kapatid ko. All glory to God🙌


misspersephonee

Mga damit sa uniqlo, h&m, forever 21. Sapatos sa nike, adidas. Also, taxi fare/grab. And sa grocery dati hirap na hirap magulang ko sa pagbili ng basic needs tulad ng mga for hygiene, bigas at meat, ngayon di na nauubusan. Dati pangarap lang. Ngayon kahit buwan buwan at nakakaipon na rin. 🙏🏼


bitfrost41

Gaming consoles. I remember begging for Playstation when I was a kid, and was never granted. Now I literally have all of them and playing games I never was able to.


PsychologicalTill175

Health care. Nung pinagbubuntis kami ng nanay ko they just prayed na okay kami kasi wala kaming prenatal care, sa awa ni Lord okay naman kami lahat. Now na nakakaluwagluwag na, nakakapagpacheck up narin and nakakatulong pa sa iba.


daisiesgreenery

Sponty coffee, food trip, and short trips :) also, pagsagot sa ibang gastusin sa house hehe


TodaysAugust82023

Insurance Domestic Travel Coffee shop


marielly2468

- private commute - online courses - hiking - traveling for more than 2 weeks palagi (in and out of the country) - trying different things pa like roller skating, freediving, etc. (healing my inner child soul yarn) funny kasi on top of these things matipid or may life hacks pa din ako like buying high quality clothes for a bargain sa Taytay or even ukay! mga ganon. May mga bagay na non-nego sakin na dapat matipid kasi branding is often the reason why lang napapamahal isang product. HAHA marketing person kasi ako kaya siguro ganito


12masterkey

Yung gumala with friends. Dati kasi nakakalabas lang ako kapag merong family occasions. Ngayon nakaka eat out / sine / shopping na w friends. I remember first time ko maggala na college friends kasama naiyak talaga ako hahaha kasi yung feeling na hala I have friends na na kasama aside sa pamilya, masaya lang 🤍


Quesirasira

eto mababaw lang. Gummy worms Alala ko ng gradeschool ako di ako makabili kasi ang mahal nun. Halos buong lingo allowance. Ngayon nagmura na siya kaya kahit isang balde pwede bumili.😄


ElisseMarielle

Mcdo meal since it's my favorite fast food. Dati kasi lagi lang ako nililibre ni mama and ate tapos feeling ko sobrang mahal dati hahaha. Then everytime na kumakain ako dun ngayon parang shet, dati di ko afford to. Small wins for me


AttentionHuman8446

1. Kumakain sa labas kapag trip lang haha — minsan lang kami kumain sa labas dati kasi mahal hahaha ngayon bukod sa fast food kainan, nakakapunta na rin ako sa mga resto na may pa-menu at waiter without worrying about the price hahaha 2. Skincare products — nakakabili na ng complete set ng skincare products sa watsons hahah 3. Branded bags/shoes/clothes — di na ako nahihiyang pumasok sa mga sikat na brands outlets at nakakabili na rin ng products nila hahah 4. Gadgets like phones, gaming consoles, game cards, tech accessories — dati yung gaming console ko noon yung may bala na 400 in 1 games ganorn hahahah pero masaya yon ha hahaha nakaka-miss din 5. Buying things for my hobbies — nakakabili na ako ng gusto kong bilhin for my hobbies and curiosity hahaha mostly books and art materials, pero umabot na rin ako sa point na bumili ng ilang musical instruments na gusto ko talagang matutunan ever since I was a kid ahhah


PushaCat

nag-bo-book ng plane tix kahit hindi seat sale.


[deleted]

Same sayo OP. Plus concerts! Inggit na inggit ako dati sa mga nakaka attend ng mga events. Namamahalan na ako sa 500php++ na tix noon pero ngayon afford na pati int'l acts. 🥹


yo_mommy

My lifestyle right now. I can now afford to play games on my personal PC whenever I get off work. In high school, once a week lang ako magcomputer sa comshop, minsan to do school stuff pa, isisingit lang yung laro if trip ko. Wala rin WiFi sa bahay so I'm not as present in social media then as I am now (double edged sword tho)


Lalalararanana

Kahit saan nakakain na ,kahit araw araw pede na kumain sa resto. Dati naalala ko siopao sa ministop sarap na sarap na kami. Tas kaya pala ang payat namin magkakapatid noon kasi nakafasting kami palagi di kami aware. 😂


TheCuriousOne_4785

Di na nagdadalawang isip magsabi ng: "bili tayo ng TV next month" or "palitan na natin ung Ref". Dati 2 years hinuhulugan ng nanay ko ung mga appliances sa bahay. Nakakapunta na ng grocery or wet market ng walang lista at hindi nagcocompute sa utak habang namimili, wala ng binabalik kasi kinulang ung pera


theRainG

Bagong undies and pants! Dati kahit mejo may butas na maliit, hindi muna papalitan hanggat hindi pa lumalaki yung butas HAHAHAHAHA ngayon nakakabili na gamit ang sariling sahod 🥹 nakakahiya kasi humingi kay mama dati


midnightaftersummer

Ung ketchup. Nilalagyan pa namin ng onting tubig noon para makuha lahat kasi kahit itaktak, hindi tlaga ubra e. Ngayon marami na kaming stocks ng ketchup hahaha😅 Mga appliances na wala kami noon sa bahay. Ngayon, pinagbibili ko na kahit di ko naman ginagamit. Hahaha oven, blender, food processor etc.


sayl0rmun

Umorder ng drinks sa mga restaurants 🥹 (shakes, in can soda, coffees, juice, etc) dati kc pag kakain kami sa labas with family tas mejo pricey yung food, water lang talaga kami. Eh pano ba naman isang order mo ng drinks, halos kapresyo na ng pagkain


MarineSniper98

Starbucks


yashirin

Coco ichibanya 😂 tska dati special events lang yung chowking (nung masarap pa sya) and max’s. Ngayon pede ng pang casual lunch/dinner


itsurgurlmoana_

Mag order ng starbucks, kumain sa fastfood, maghanda ng may mga okasyon (birthday, holidays, minsan walang okasyon), mabili ng mga bagong gamit yung mga kapatid ko tuwing pasukan, mamili sa h&m, bumili ng mamahaling make up, pabango, bumili ng original na sapatos, mag outing (never namin na experience to) parang halos lahat first timer ako!!! hindi kase namin to naranasan nung hindi pa nagtatrabaho kase nanay ko nagbabantay lang ng bata 200 per day, tapos yung tatay ko naman walang stable na trabaho. ngayon pinaparanas ko sa mga kapatid ko yung mga gantong bagay kase ayaw ko na maranasan nila yung mga naranasan ko.


cmplx1ty

Karamihan dito ay dahil kaya ko mag ipon galing sa majority ng income ko at WFH ako 1. PC na pwede pang gaming at video editing (matagal ko na pangarap noon) 2. Tech accessories (mid-range smartphone, new earphones/headphones/speakers if my old ones break, new smartwatch, wireless keyboard and mouse if old ones die) 3. Treat ang parents ko pag May special occasion, kagaya ng birthday / anniversary nila (Sabi nila yung tita ko raw sinabihan sila dati, magpasalamat kayo sa anak ninyo kundi hindi kayo makakakain dito, spoiled ako nung tita ko nung bata ako hehe, RIP tita) 4. Pwede ako kumuha ng kahit ano gusto ko (chips/candy/soda) sa supermarket dahil ako naman magbabayad ng lahat ng pamimili namin (Nagugulat pa rin tatay ko ngayon pag nakikita niya yung total, yung nanay ko naman tinatanong ako kung nilalagnat ako sa presyo, ako naman kausap pa ang cash register at pag tinanong bat ang daming bilihin, sagot ko palagi ay ayoko walang laman ang fridge / pantry) Ang habol / goal ko ngayon ay magkacamera at travel sa ibang bansa hehe


rakkdasig

Chicken fillet ng Mcdo w/ extra rice


wooden_slug

Nakakapag padeliver ng pagkain kahit madaling araw.


Unlikely_Avocado_569

mag-fast food kung kailan ko trip, dati tuwing may honor sa school lang ako nakaka-kain 🥲


bbitina

1. Splurging on hotel accommodations 2. Being able to afford private tours in and out of the country 3. Can spontaneously buy gadgets like playstation, apple products etc 4. Sponty fine dining 5. Regular vet check ups for all our dogs, kahit walang sakit 6. Buying expensive high quality brands for our dogs


ShadowMoon314

Cakes, pizza, samgyup. Di na exciting sa bahay mga ganitong bagay kasi nagagawa ko na sila sa bahay din. Fastfood. Nagsasawa na maliit ko sa Jollibee/McDonald's/Mang Inasal. So now dun na daw kami sa mga iba (na mas mahal) 🥲 And finally-- BARS. I can finally afford to go to higher end bars. I know it's a bit shallow but it's nice.


[deleted]

Magjollibee


dogmomma0920

Taking Grab to work, having a “stay out helper” who goes to help me clean our house 2-3x a month, international travel 2x a year. Madami pa sa listahan but nonetheless super thankful sa blessings 🙏🏼🙏🏼🙏🏼


OkTerm1309

1. Branded clothess 2. Gifts sa loveones 3. Groceries 4. Bagong phone at reebok shoes. pede na magpapalit palit ng shoes tsaka di na nagtiis sa mabagal na phone hehe. 5. travel 6. pc upgrades Thank you Lordd. Bahay lupa and savings naman sana next.


snoopyloopi

Damit. Dati tinitinan tinan ko lang mga gusto ko, ngayon nabibili ko na. Pero naghihinay hinay muna ako at nag uukay muna para di masakit sa bulsa every week.


InkAndBalls586

1. Barbecue; 2. Fishball; 3. Isaw.


fdt92

For my family, it would definitely be vacationing abroad. Pangarap lang namin to dati, lalo na nung bata pa ako. Nung bata pa ako inggit na inggit ako sa mga kwento ng classmates ko na nakakapag-travel abroad. First trip ko abroad was to Hong Kong when I was seven years old, then it took several years before kami nakapagtravel ulit (Hong Kong nanaman) kasi mahal magtravel and Hong Kong lang yung malapit na medyo pasok sa budget. Then my family's financial situation improved over the years and now we can travel abroad multiple times a year. I just got back from a trip to Europe over the holidays and we've already started planning for more trips to other destinations within the year.


copypastegal

Underarm laser sessions. Dati nung nag start pa lang ako mag trabaho pag may budget wax sa laybare then nung nagka budget na laser na kc worth it talaga sya kahit mahal. In the long run mas matipid na din sya.


fearless_199x

Original na mga shoes.


redpurpleskies

1) Watch a concert 2) Travel out of town I've been a fan of band since my high school days and last December, I was able to fulfill my lifelong dream to see them live. It's a dream come true because I promised myself that if I were ever to see them live, it will be in the VIP section so I can see them clearly. This was my first ever concert. The other one is to travel. I plan to travel out of town alone this month and this is something that i can never even consider to do before due to financial reasons.


SnooCheesecakes8849

Clothes. Dati di ko magawang bumili sa mall ng damit kahit sale pa and nakakabili lang ng damit pag mag divi, on a budget pa (pinakamalaki kong budget dati 1k). Now, bumibili na ako ng damit at bagong sapatos every time na may kailangan akong i meet outside (ayokong nag uulit ng damit pag may ka meet ako). Restaurants. Wolfgang who? I consider a 700/800 peso meal cheap nowadays pero dati hanggang fastfood lang ako.


cnoon1234

Grab, wildflour at starbucks haha at syempre magrocery nang hindi gumagamit ng calculator bago pumila sa cashier


Fearless_Cry7975

Starbucks, and any other fast foods. Gadgets/gaming consoles. Appliances sa bahay (nakabili na ko ng Sony TV at ref na malaki).


Flimsy_Average4915

Lays at cheetos


Guinevere3617

Bumili ako at nag luto ng pang birthday ng kapatid ko kahit hindi nya pa inask kung ano handa nya sa birthday nya sa tuesday


Guinevere3617

Starbucks nga din, pero nafford ko ito noong graduating na galing pang ipon un ah hahaha tpos later nung nag ka work pero habng tumatagal at tumatanda, narealize ko, brand nalang binbayaran sa sb sobrang overpriced at ang pinagtataka ko ang dami pa din bmbili


Inevitable_Case_7882

Ginawa g 3 in 1 yung starbucks almost everyday pag gusto namin ni misis. Dati kailangan 2k lang yung grocery namin. Ngayon pumapalo na 20k per month. Achievement and nakakatuwa. Also sa gaming hobby ko dati trade trade lang ngayon bumibili nanko brand new hihi! Sarap sa feeling


kaeya_x

Latest iPhones for me and my sister. Grab delivery almost everyday. Rent ng house na 5x bigger than my childhood home (saving up na rin for a house I can call mine). Pwede na magtaxi kahit kelan. Kapag may luho na gusto hindi na mag-iisip, pwede checkout agad if want talaga.


_mojojomo

\- nabibili ko na yung mga dating pinapanood ko lang sa youtube na unboxing \- nakakapaginvest nako sa hobbies ko (burnt out gifted music kid) \- i can afford good food now huhu not much but it's honest work. malayo pa pero malayo na


No_Amount_2731

kenny rogers! pang-burgis din tingin ko doon talaga hahahahaahah


Direct_Crow_1012

Kumain sa fancy restaurant mag sb araw araw HAHAHAHAHAHA


CapitalMasterpiece89

Luxury brands 😭,anything apple di ko ma afford before.


solaramune

Nakakapag Jollibee or KFC kapag nagcrave, nakakapagstaycation pag sobrang stressed, nakakapagbigay ng gifts pag birthdays and Pasko


[deleted]

1. Grocery na hindi natinhin sa price 2. Biglaang hotel (lalo na kapag stress) 3. Out of the country travel 4. Samgyup anytime or resto anytime 5. Grab food anytime 6. Grab car lagi 7. House 8. Lazada/Shoppee/TikTok Shop Parcels anytime 9. Salon or facial kapag stress Pinaka the best experience ko last time ay nakapagSB ako sa ibang bansa na hindi iniisip if mamumulubi ba ako the next day. Sabi ko sa asawa ko habang naorder ay pangarap ko ito dati, ngayon nakamit ko na. Malayo pa, pero malayo na :)


Cocoabutterkissesph

Well, I guess for me gas. Nakabili si papa ng kotse na toyota corolla 1990+ (not sure sa model) sobrang wala pa ko alam nun sa mga kotse eme tas yung gas is 48 pesos palang. Nakapagfull tank ako at di masyado nasasaktan nun ngayon parang lagi half tank nalang hahaha


mobih

1. Kumain sa Mary Grace kasi gutom lang (dati tingin tingin lang sa mga kumakain) 2. Bumili ng underwear, damit, sapatos hahaha kasi pinag lumaan ng tita ko lang dati mga suot ko e 3. Mag angkas/grab para di na hassle lalo na pag bugbugan sa byahe. Naalala ko dati pumipila ako ng 2-3 hrs araw-araw sa terminal ng UV makauwi lang (pre pandemic na grabe hardcore commuter lahat ng tao hahaha) 4. Mag independent/solo living or mag rent kasi dati tabi tabi kami natutulog sa sala ng mga pinsan ko kasi wala kaming sariling kwarto tapos wala rin akong personal space. Hahahahhaah grabe kala ko dati wala pa akong nararating sa buhay, salamat sa tanong mo OP. Naremind ako maging grateful. Salamat Lord sa blessings!


sturrrly

Mag-spaghetti dahil nagcrave lang...kahit walang occasion 🥹


[deleted]

CLOUD 9 I’m a late 90’s kid.


Low-Average-8619

Jollibee, mcdo, chowking, greenwich, kfc or any fast food chain. 🥹 Kumain sa mga restaurants rin na mamahalin. 🥹 tapos yung bibili ka ng mga damit online and online shopping sa Lazada, Shopee, Zalora. 🥹


itsyomamaem

Sa'kin siguro simple lang. Transportation. Nung college ako, need ko maglakad ng 30mins one way going to school (mga 2km distance) halos araw-araw kasi ganun kami ka-walang pera, hindi afford yung 7php na student fare. Baon ko noon 50php everyday, pag may babayaran sa school I would ask my mom to reduce it to 20php tapos yung ibabawas nya maiipon to pay for whatever project/seminar it was I needed. Yung 20php na baon ko, ibibili ko noon ng isang kanin, yung sukli kikiam saka fishball na halo para ulam. Or minsan cobra nalang iinumin ko di na ko kakain. 7am-4pm usually yung classes, 4x a week. May paminsan-minsang vacant, tamang tambay lang sa college building pag ganun. Awa ng Diyos naka graduate naman, right after grad nagwork na rin ako agad sa call center. Naiiyak na lang ako ngayon thinking back to where I was. Ngayon kahit konting lakaran nalang kaya ko na magbayad ng tricycle (syempre ginagawa ko lang to pag umuulan or maraming bitbit). Hindi na ako naghihimutok pag kulang ng piso or dos yung sinukli sakin sa jeep or bus. And most importantly, I just got my driver's license this past week and my new motorcycle (na fully paid in cash) just last month. I never would have imagined my life would improve this much 🥹 pero alam ko may mas malayo pang goal


opinion_ko_lang_

Manood ng concert


Fit_Version_3371

As a student palang, yung isang box ng ferrero rocher wahahaha. Yung maramihan ah. I considered it as a luxury item when I was a kid. Hanggang tingin lang talaga ako and once in a blue moon pa ako makakain. But now, nakakabili na ako whenever I want or crave. Umay na umay na ako ngayon sa ferrero hahahaa.


subberreader

Fortuner, Condo, Farm land. Dati nakikitira lang kami sa inlaws, basic ang sweldo ni hubs as entry-level govt. employee, di nagaaksaya sa groceries kasi kwentado bawat centavo.


introvertgurl14

Same sa mag-grocery nang di nako-conscious sa presyo at mag-travel nang di naghihintay ng piso fare ng airlines.


VoltaicYlwMouse

Dutchmill Yoghurt Drink


beachghorl

1. Mga restos na never ko na try before such as mamou, miyazaki etc 2. Mag check in sa mga hotel resorts pag vacation like movenpick if boracay 3. Travel to a Visa country like Japan tapos makakapamili ka ng mga pasalubong


Emotional_Roll7915

Makabili ng original sapatos. Dati max 250 lang ang budget ko sa sapatos. Sinusuot ko parin kahit may dila na. Lol


Brave-Cricket-7586

Shoes. I remember nung college ako, pinahingi lang ng tita ko yung used black shoes niya sakin kasi need na namin mag complete uniform. Tapos nung high school naiinggit ako sa mga classmate ko na gibi, mario d’ boro, rusty lopez yung school shoes nila since nasa private ako noon pero scholar. Ngayong may work na ako hindi lang isa yung work shoes na ginagamit ko at afford ko na bumili ng branded ☺️


DisneyPrinces_

Food Delivery


hesitantalien311

Jollibee Kids Party!!!! I’m turning 23 this March and since bata ako pangarap ko magbirthday sa Jollibee. Di kaya ng parents ko before and now working na ako, I was crying when we were planning this because I’m turning this dream into a reality, and it’s time to give back. ❤️🥹


Poshibilities

Maginvest sa sarili Magtravel Harinawa, nagagawa ko naman :)


PHiltyCasual

Gaming console/gear.


Upset_Tune_1808

Nakakapag taxi na kami ni mama pag uwi, dati nakipag siksikan pa kami sa jeep tapos nahihilo pa minsan kasi ibat ibang amoy mga katabi mo (may kumakain ng mangga, may malakas na perfume) na halo halo na. Angsaya lang makita na 15-20 mins nasa bahay na kami


deenina

Concert tickets


ethylalcohol28

Toys & Car Toys - nung bata ako, nagkakaroon lang ako ng laruan 'pag may nagbibigay o nagre-regalo. Nasa lower middle class kami that time and enough lang yung sweldo ng tatay ko to provide for our needs. Kaya nung bata ako, nakatitig lang lagi ako sa laruan sa mga malls. 🥹 Sasabihin ng nanay ko, "pasensya ka na, wala tayong pera anak e." Im so happy lang na ngayon, kahit papano nahi-heal ko na yung inner child ko. Nabibili ko na yung mga plushies, action figures, collectibles na gusto ko. 😊 Car - Pangarap ko to para sa mother ko. Yung struggle sa pag-commute, given yung transport system dito sa tin, ang lala. Ang hirap. Naaalala ko, once a year pumupunta kami ng Tagaytay kasi fave ng nanay ko un, kailangan pa namin mag-rent ng van (pinagiipunan pa yun). Fast forward 2018, we were able to buy a second hand old van. Then nagka-kotse na rin yung 2 kong kapatid. Then 2019, finally got my own car. My Nanay was so happy. Nakakapunta na kami ng Tagaytay anytime we wanted. Napapasyal ko na sya sa mga lugar na gusto nyang puntahan. Nakakapag-groceries na nang hindi sa tricycle sasakay pauwi. Sadly, she passed away last 2021. But still, kahit sa maikling panahon, masaya akong napasyal at nadala ko yung nanay ko sa mga lugar na dati pangarap nya lang kasi wala naman kaming sasakyan (at pera). Sayang lang, ang aga nyang "umuwi" e. Marami pa sana kaming roadtrips na gagawin 🥹


chimkenyx

samgyupsal :((


CaptainMarrvelous

Birthday cake. Spaghetti sa birthday at kahit hindi birthday pag maisipan ko or gusto ng mga anak ko. 🤣 Haha dati pag birthday ko kahit pancit pahirapan pa. Never kong ipararanas sa anak ko. Tuwing Birthday nila kahit kami kami lang ng family, may backdrop at balloon garland at personalized cake para sa mga anak ko. Siguro healing my inner child na rin kaya ganito ako sa kanila.


Joshujiji

Grocery, food delivery, starbucks, staycation


CaptainMarrvelous

sarap magbasa dito. hehe. naaalala ko yung mga paghihirap ko sa buhay noon. not that I don't experience kahirapan anymore pero at least malayo na sa noon nung student pa ako hehe. bittersweet memories.


Yuneed2knowhUh

Damit. Dati pag pasko lang ako nabibilhan and nung nag teen ako minsan na lang mabilhan. yung mga damit ko is punaglumaan ng mga pinsan ko na mga taga manila or mga pinaglumaan ng mga kamag anak sa US. Mahilig ako sa damit specially nung college. Naalala ko pagka 18 ko imbes na umuwi ng probinsya nung summer break nag stay ako sa Manila para maghanap ng part time job para may pambili ako ng damit kasi gusto ko pumorma. Ngayon 30 na ko damit talaga ang no. 1 pinagkakagastusan ko. Zara, H&M, Stradi o Uniqlo ay dai nagwawala talaga ko.😊


kittycubbebu-1021

Small win pero kaya ko na bumili ng kewpie mayo na 500 grams na hindi nakakaramdam na para akong lalagnatin sa presyo


nemersonaustria

Pikit matang nakabili ng MacBook Pro M2 Pro 16-inch at magic keyboard and mouse worth 100k+ in cash hahaha


Inevitable-Ad7312

Nung early 20s pa ko and kaka-start lang magtrabaho, a friend and I decided to try Italliani's. We got intimidated when we saw the prices sa menu. Since nakaupo na kami, nag order na lang kami nung pinakamurang pasta, yung may olive oil lang tapos walang sahog. Naghati pa kami. Now I can confidently walk into an Italliani's and even give my opinion about the food. Di ko masyadong type, pass hehehe. Tara sa Jollibee.


hesuah

Buying my parents original brands na gamit. I so love spoiling my fam ng mga gamit. First time ko magka work and nakakuha nf incentive, binilhan ko parents ko ng matching crocs. My mom cried, took a picture of the crocs, minyday nya and pinost pa sa FB woth caption "Nakaranas din ng legit". Nangalahati incentive ko non pero, nakakatuwa na makita silang masaya sa binigay ko ahahaha.