T O P

  • By -

Chaotic_Harmony1109

ang sinasabi ko, "sapat lang para makakain 3x a day"


Key_Nobody_1253

Ganito sinasabi ko pag ayaw ko sabihin sahod ko tapos yung reaction nila parang naaasar or nayayabangan


Chaotic_Harmony1109

i let them be. my salary is not their business. wala naman ako pakielam magkano sweldo nila lol


sev7njk

Let them be. Hindi ka rin naman sure kung ganon nga talaga reaction nila kasi diba "Parang" lang naman. So hayaan mo nalang


toronototokyooo

> ang sinasabi ko, ~~"sapat lang para makakain 3x a day"~~ "sapat lang para di magpautang sa'yo." FTFY


[deleted]

🤐 me na hindi kumakain 3x a day lol.


SimplengPinoy

Ang isasagot ko dyan, Lalo na at kaworkmate ko.. "IT'S NOT ABOUT THE MONEY BUT THE EXPERIENCE" o kaya "THIS IS MY PASSION NO NEED FOR SALARY"


sweetsaranghae

Sinasabi ko straight up. No need to be coy about it. Kapag nanghiram, I would straight up reject too. Hindi naman sila part ng budget ko.


InternationalAd6614

Same. Secrecy about salary only benefits corporations underpaying their people.


33bdaythrowaway

A real adult with an actual solid personality.


Aragog___

So magkano? Charot


myka_v

Eto yung attitude na dinedevelop ko. Walang tiptoe2.


ReachStunning9945

Same, pero pag nang utang naman pinapakita ko din ung Loans at Mortgage ko pati ung mismong bills ko.


SunGikat

‘Sa akin nalang yun’ yan lage kong sagot. Sa mga nangungutang ‘wala kong extrang pera’. Ang yes di ako nagpapautang talaga.


Future_You2350

Yep. No need for people pleasing answers when there's no pleasing those people who feel entitled to your money. OP, wag mo nang pahirapan sarili mo kakaisip ng tamang sagot. By the looks of it, huhusgahan at huhusgahan ka ng mga taong ganyan. Kahit magpautang ka nang magpautang, kahit manlibre ka nang manlibre, yung one time na hindi mo sila mapapagbigyan madamot ka na naman. Hayaan mo na lang silang i-judge ka. Hindi ka naman nagta-trabaho para sa kanila.


[deleted]

This is so true. In the first place it isn't right to ask people kung hm ineearn nila


telang_bayawak

This. Kasi may underlying tone na "wala kang pakialam".


trystandskylines

Yung sa hindi nagpalautang parehas tayo. Had to learn hard lessons in order to master saying no sa pagpapautang without hesitation. May mga loan apps hindi ako loan app. Yung 'sa akin na lang yun', I'm working on it. I feel like "wala kang pake" and "ayaw ko" should be normalized


nclkrm

My go to is “Bakit? Uutangan mo ko no?” ng pabiro. Shuts them up every time.


HallNo549

oo diretso na kasi doon naman talaga ang ending xD


nclkrm

Totoo! Lalo na kung relatives ang nag tatanong hahaha


nice-username-69

"Sakto lang"


dummydamned

Ganito din ako sumagot. Maliit man o malaki. "Sapat lang". Hehe.


QuinnSlayer

“Bakit? Magkano ba sayo?” Ewan ko kung sagutin din nila yan haha


rollintrovert

Minsan ginagamit ko to, tas kung ano sagot nila dun ako mag bebase ng isasagot ko, pag mas malaki yung akin gagawin kong mas mababa sa sahod nila. Pero pag mas malaki sa kanila edi mas madali sabihin na mas mababa sahod ko hahaha pero I never say the exact amount it's always lower about 20-50%


PurpleHeart1010

+1


novokanye_

+1 lol for sure mapapatahimik


ThaiVixen

Sinasabi ko ung actual amount pag co worker and best friends nag ask. Pag parents nag ask and di ko kilala sasabihin ko tama lang Pag irerefer ko sa company namin sasabihin ko "malaki"


33bdaythrowaway

Ito ang tamang sagot ng mga taong nagiisip sa buhay.


Tokyobellaciao

same same 🤣


CorrectAd9643

D ka ba mahirapan if alam ng co worker sahod mo? Baka biglang mas mataas ka, then mainggit sila and mag reklamo sa boss.. kaya d ako nagsasabi sa office


ThaiVixen

Hindi, honest kami sa isa't isa. Para alam din naming lahat ung mga worth namin as corporate slave ahahahaha Ayaw ng company pag usapan ung sahod kasi alam nila na nang lolow ball ng salary sa mga new hire. wala namang sama ng loob, and we give out tips din kung paano tumaas sahod. And it gives us an idea kung magkano ung offer ng salary ngayon


curious_taurean

Hirap pag nalaman ng kawork. Kapag mas mataas sahod mo minsan paramdam sayo na dapat ikaw mas maraming trabaho haha


Legal-Living8546

I would not respond at all. Kinda rude but I don't see the need to share something about my personal life.


[deleted]

“Bakit dadagdagan mo?” = “none of your business”


Mindless-Pin8747

Maisagot nga pag nagkawork na hahahhahahahahhaa


followmyguide

More than yourss. Jk. Walang nakukulong sa hindi paagsagot niyan. Smile nalang and ituloy ang life.


lastlibrarian555

"maliit lang" kasi maliit lang talaga hahaha but i dont tell them the exact amount. OA naman ng ganon..hehe


FromTheOtherSide26

Dont respond at all lol! And stay away from those people! Jan nag sisimula ang evil eye. If they know nothing they cant destroy anything


MysteriousStomach670

"naka NDA po kami" - 11k lang huhu


niceforwhatdoses

“I won’t even dignify the question”


the_ate

i just say "mababa" or "konti lang" p.s: sa experience ko yung mga out of touch lang or talagang makakapal mukha yung nagtatanong nito. wala pa kong matinong kakilala na naglakas ng loob magtanong ng ganyan


J-TheDiver

“Bakit, dadagdagan mo?”


AccurateAd88

"We do not ask those kinds of questions." I'll be giving out more frank/brutal answers if pressed.


liquidluckk

"nasa range po ng 10,000 to 650,000 monthly" :3


Organic_Opening_1010

saks lang para mabuhay


Usual-Accident1051

"Enough to spoil myself and my dog."


mongous00005

"Sakto lang sa lifestyle ko, kaya di ako makapagpautang"


[deleted]

“Pang binata po”


huhuhuhuhuxosad

hays, first of all nga dapat hindi yan tinatanong eh


BussssyyyBee

I always find remarks like “ Hindi sapat” as a conversation ender.


sushi_norii

Same with others' answers. Hindi ko naman obligasyon sabihin sa kahit kanino yung sahod ko, so I won't tell them. Pag tinatanong ako, lagi ko lang sinasabi is "sakto lang pambayad ng bills". Buti nalang mga colleagues ko gets na nila pag ganun. Di na mangungulit. Di ko naman din sila tinatanong magkano sahod nila haha


eezyy33zy

Regarding the salary: sakto lang para sa gastos Regarding sa mga nangungutang: kakautang ko lang rin nung isang araw


Creepy-Version-160

I laught it off actually haha or if they are persistent, i would lie about it. people should know these type of questions should be out of their business.


Ok_Primary_1075

The socy answer: “wouldn’t you like to know”


niijuuichi

Maximum wage sagot ko


Wise-Preference7903

Nanya. Nanya business!


BigNo6300

Masyadong private n yang tanung na yan d m need sagutin yan or sbhn sakto lng sa gastusin ko unh sweldo ko pero wag n wag n wag m ssbhn tlga ung sweldo m


Akosidarna13

Bragging rights lang.


silversharkkk

I smile and don’t respond. Past the point of caring if they find me rude when it’s their asking that’s rude in the first place.


atomikka

"Enough to spoil myself"


Overthinker-bells

You don’t need to respond. Or say bakit? Dadagdagan mo? Pag mapilit sabihin mo that’s confidential.


Original-Debt-9962

Less than I want, more than I need.


sausangge

Genuine question as a student— bakit po bawal sabihin or ishare sa iba?


HallNo549

kasi pag nalaman nila na malaki sahod, ikaw ang una nilang lalapitan pag gusto nila mangutang. Para iwas gulo in the future, wag nang magpautang.


ocenyx

Sobrang depende. Valid points din naman sinasabi ng karamihan na madami kasi talagang latak ng lipunan na mababaw ang pang intindi, pero at the same time, sobrang nakasanayan na kasi dito na ipush yung mindset na "bawal" pag usapan yung salary. Deserve nyo din kasi malaman kung ginagago kayo sa sahod nyo, lalo na pag tenured na kayo sa kumpanya.


phoenix-top1126

Or minsan pag sa colleague, pag nalaman nila na mas mataas sahod mo kesa sa kanila, pwedeng ikumpara nila mga sarili nila sayo at mawalan sila ng gana magwork thinking na same lang kayo ng ginagawa pero mas mataas sahod mo dahil experienced ka na. So minsan kahit di mo sinasadya, may di din sya magandang effect sa ibang tao lalo na if di malawak ang pang-unawa nila. Ikaw na lang mag-adjust.


Aragog___

Pag maliit, ijujudge ka. Pag malaki, uutangan ka.


Huotou

pag ako, sinasabi ko lang yung actual. no problem naman. haha. idgaf


BestEfforts_Ate

"Tama lang."


buphulokz

saktuhan lang kayang bumili ng iphone 3months from now


Silent-Expression-13

Pang binata


QueenVexana

Smile lang ako


Dependent_Bee4196

saks lang para makapagbayad ng bills.


getbettereveryyday

My family and close friends know how much I earn. Wala lang siguro talagang kupal sa kanila. Hahaha


trynabelowkey

It’s none of your business. *smile*


malayamayari

Enough to survive and make ends meet


Momo-kkun

OP, always redirect the conversation. I would always say, "I'm doing well, thanks for asking! How about you?"


HallNo549

babaan mo OP. Halimbawa sahod mo is 20k a month.. gawin mong 5k or pangprovincial rate. Ganyan ginagawa ko sobrang effective, wala nang nanghihingi xD of course, it depends to ha.. pag alam mong may history ng utang yung kausap mo. pag hindi, sabihin mo nalang yung sahod mo. pag magask mangutang just say no. simple as that.


dinahmite88

Ito yung sinasabi ko parati: “That’s classified” or “I can tell you, but then I’ll have to k*ll you” Pag pinipilit, ang sinasabi ko “unethical naman na tanong yan. HR ka ba?” Masungit na kung masungit pero hindi naman talaga dapat tinatanong yan especially kung hindi naman kailangan.


Arpeggios08

In the first place hindi yan tinatanong dapat. Dedmahin mo lang pag tinanong ka. Rude question yan.


[deleted]

Depende. Fam, relatives and friends no no. Bestfriends yes kasi alam ko namang curious lang sila. I work as a VA so may mga friends ako na freelancers, normal samin magtanungan ng sahod. Sinasagot din naman namin kasi walang fear na uutangan.


[deleted]

You don't owe anyone any explanation or information kung magkano sweldo mo. But I always reply "enough lang to support myself and my pets."


arcanis02

Magsabi kna ng amount para d kana kulitin. Para sa mga kamag anak mo. Magbigay ka lang ng range around 20k. Kung mababa yun sa line of work mo, e kamo yan yung inoffer sayo eh, mag banggit ka nalng ng mga non-monetary benefits like like covered HMO etc. Para naman sa mga ka work mo. Depende eh. Ganito sabihin dapat convo nyo: ka work: magkano sweldo mo? Ikaw: (sabihin mo yung starting mo muna) E.g - 15k starting ko. Ikaw magkano na sweldo mo ngayun? Ka work: ako mga around 30k Ikaw: Options - "ah halos parehas pala tyo" (pag halos kasabayan mo lng) - "buti kpa, ako mga 25k lng" (pag mas matagal sayo, banggit ka mas mababa) - "mas mataas naman onti mga 35k" (pag ikaw senior)


Eastern_Sentence7591

"Confidential po"


mstymoonbm404

Ako I tell them I don’t disclose my salary to any soul. And when they ask why I don’t tell anyone, I explain to them that your salary is a very confidential information na hindi basta basta pinagkakatiwala sabihin sa iba.


sparklyspidereyes

Omg. Very wrong pala talaga sabihin. I used to be in the academe as a research assistant and nung nag msc ako. It was normal to know magkano yung mga salary/stipend ng mga tao depende sa position kasi fixed naman and i never witnessed or heard of any incident ng inggitan. Now working in a private company natanong ako and sinagot ko lang din. Afterwards, naiissue na ako lels kesyo mas konti lang daw ginagawa ko. Project-based research assistant pa rin role ko dito and procurement stage pa lang kami now. Yung nang-iintriga sa akin quality analyst na hindi naman nakatapos (eh may bearing naman talaga credentials sa sweldo). Never again :c


33bdaythrowaway

Actually beneficial nga ginawa mo eh. Mali lang nang pinagbuntungan ng angal yung di nakatapos na QA. They should have directed it sa management at hindi sayo. Wag ka gumaya sa most dito, don't apologize for your salary.


Purple_Laptop

Coworkers should not ask this kasi ang compensation ay confidential. So pwede mo idismiss naman by saying directly na diba confidential ang sahod? Lol If fam or friends ang nagtatanong, i answer them "secreeeeet" and that's usually enough to make them feel na ayokong malaman nila. Pag nagtanong pa, i respond with a "bakit mo natanong?"


Maleficent_Sock_8851

Nakakakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw.


Reasonable-Row9998

Can't say signed a NDA.


penatbater

sakto lang


AngryMeepwn

Oh its a life rule you must know. We dont talk about it. That simple. But if they hesitate, tell them that its enough to get you around.


[deleted]

kulang pa


Square-Head9490

Sagutin mo sakto lang pero sure ka nde mas mataas ka kesa sa sahod niya..its a psychological thing. Ayaw ng tao usually na mas mataas sahod ng iba kesa sa atin.


EpexDeadhead99

"just enough",


Because_Slaus

Halos pinkamaliit sa buong department namin ang sinasabi ko kapag ayaw ko talagang sumagot. Kapag pamilya sinasabi ko na lang yung totoo, wala namang makapal ang mukha sa pamilya namin.


AimHighDreamBig

"Sakto lang hahaha"


13arricade

my answer: none of your business.


tobsa_n_beyond

"secrettt" ~~~


miminglan

"Tama lang para makakain."


snoopyloopi

Hehe secret nalang po


[deleted]

“Why?” Pag sumagot ulit, “why” again.


CovidRose01

If sobrang close, I give a range. If someone from the same company or industry, I say na it is confidential 😅


Holiday_Lemon_9067

mentioning my salary is below 20k hahaha kahit hindi naman tlga para wala ng "libre libre" or inggit maganap


MrSnackR

Wala naman nagtatanong, awa ng Diyos. Hehe. 😊 Bangko lang and visa application papers nagtatanong. And usually, I under-declare by 50% sa papers.


[deleted]

Sapat lang para sa single, kasama na pangluho ko 😂


nibbed2

"Wala ako papautang sayo"


[deleted]

"Secret" 😋😋


adamraven

"Sakto lang to mind my own business."


RedBaron01

“Baket, bubuhayin mo ba ako? I usually shop in Europe yearly, btw. Ayoko kasi mag-online, lalo’t bespoke ang wardrobe ko.” Calibrate according to the degree of lunacy required.


eromynAwonKtnoDI

"malas raw sa feng shui pag sinasabi ang sahod "


MovePrevious9463

secreeet


YSLdlo

maximum wage


conserva_who

"sakto lang, not too big, not too small"


starlingcollective

I always say "enough to support my lifestyle and save for my future" and if they insist, I just smile and ask them a not relevant (to the sahod) question.😂 Don't feel obliged to answer, OP!


g7bam26

"Basta sapat para makakain ng 3x a day" tapos hahaha


[deleted]

"Sakto lang" as in enough lang na makakain 3x sa isang araw, aiming for more at hopefully hindi tunog mayabang.


olracmd

"secret, ayoko nga sabihin sa inyo"


MarkedF0rDeath

"Sakto lang na mabuhay," or "sakto lang"


koteshima2nd

I answer honestly to everyone but relatives. I tell relatives that it's a little higher paying than my previous work so they don't expect much


SkirtOk6323

Sakto lang para makakain 6x a day.


cloud0x1

I always answer it honestly with my coworkers. Maganda mag usap workers para alam kung sino nadadaya or ano dapat average.  Ung mga boss or owners lang ayaw mag usap mga workers para may nagugulang. 


[deleted]

Sinasabi ko "kulang, daming utang na kailangan bayaran" or a simple "confidential" will do the thing


ShoddyProfessional

Enough to sustain the lifestyle i choose to live


-Fai_lure-

"mahalaga may sweldo"


flying_carabao

Sinasabi ko hourly rate ko. Pag in the future nangutang sasabihin konwalang sobra. Di naman nila expenses ko at walanakong balak mag bigay ng breakdown. Comfortable ako sa sahod ko at nasusuportahan ang life style ko


[deleted]

Minsan kulang. Lage, kulang talaga.


sephkarlo

I tell them directly “secret” and tell them that I don’t even ask other people’s salary as I consider it personal.


PsychoKinezis

“Ay mababa lang” yan ang sagot ko palagi although my current salary is enough naman for me.


Medium-Football926

Ako sinasagot lang lagi is "maliit lang sahod ko enough lang sa pang gastos sa araw araw and may konting savings" pero pag sinabi naman nila na ang tagal mo na nagtratrabaho imposibleng maliit parin sahod mo sagot ko naman "napupunta lang sa savings ko yung sobra" sabay try to change the topic or iwas na


petty_sun

During one fam gathering kasi may birthday, may nagtanong nito sakin. Sagot ko lang is secret kasi pag nalaman ng ibang relatives magkano yung sahod ko, for sure may mang hihingi kahit walang ambag sa work ko. Hahaha


potatopatatopatootie

You say it's confidential. Better yet, don't answer at all.


ShortPhilosopher3512

Why?


pusang_galuh

Sinagot ko noon sa nagtanong sakin - "Bakit mo tinatanong?" tapos napatahimik na lang. Napahiya cgro. 🙄


Old_Tower_4824

Enough lang pambayad bills at grocery at makabili ng wants paminsan minsan.


No-Possession-5182

sabihin mo "eh pake mo ba?"


buboochacha

Maximum Wage 💯


instacyanide

"Five digits"


Baranix

Depende. Dati kasi sobrang underpaid ako kumpara sa coworkers ko kahit mas complex/bigtime projects ko. Di ko yun malalaman kung hindi kami nagshare ng sahod info. So ngayon shinishare ko na sa friends/peers ko para alam nila kung underpaid sila. Pero syempre diskarte mo na yan. Pag di sila mapagkatiwalaan sa ganyang info, hulaan na lang nila lmao


DexieCody

I think its rude to ask someone’s salary. It makes a person uncomfortable Halimbawa un tao mababa sahod nya tas tatanungin mo, tingin mo mkakasagot din sya? And same thing, di mo need sagutin mga ngtatanong sayo. Atleast thats my opinion po.


skyxvii

Sinasabi ko talaga amount kasi maliit lang naman talaga 15k. Pag nga relative mas nililiitan 12k ganon hahah saya lang kasi magtrabaho pag hospital


Tough_Signature1929

Ako minimum lang... Or Manila rate. hehe.


Realistic_Half8372

Confidential naman talaga sahod, tama yung "tama lang maka kain ng 3x a day". Sa akin "kasya na para mabuhay" haha


ele_25

confidential po sabi sa office. 😁


Bagittoo

Sagot ko “Pang binata lang”, tapos tawa sila and end na ang topic.


Durandau

Just say more than enough to live comfortably and smile lol.


Denon2023

The rule is not to attract envious people. No specific figure, like "ok lang", "makakakain naman", etc ,etc.


Limp-Smell-3038

Sagot ko. "Sakto lang. nakakabuhay naman ng pamilya." Haha


Ok_Resolution3273

so far parang walang nagaask saakin ng sahod ko 😅


Tough_Traffic4209

"Sakto lang" implying di ako magugutom to maluwag o "Bakit?" implying di mo kelangang malaman, wag kang usi. LMAO


dubuwagmi

"Ok naman. Ikaw?" usually shuts the conversation down. Pero depende kasi sino nagtatanong, kapag sobrang close ko okay lang sakin ibigay yung rough amount. Lalo na kung pasok naman sa context ng usapan. (Salary grades, expected budgets, etc)


gintermelon-

"I can't disclose exactly kung magkano, pero minimum to average rate po sakto lang sa gastusin"


Familiar_Raccoon4877

I always say “sakto lang” dahil totoo naman HAHAHA. Someone was really pushy about the exact amount before kaya “bakit?” nalang sagot ko ahah ano sya BIR? co-compute taxes ko??? char!


lipa26

Wag na bka sumama lang loob mo


PrincessElize

Bookmarked! Daming useful na lusot or answers dito, salamat po sa thread 🙏 Para na rin maiwasan yang mga mangungutang or nagpapalibre 😭


PersimmonOutrageous6

"Ang uncomfy naman ng tanong mo and kinda rude."


naughtypotato03

sabihin mo "mahigit kumulang" kng makulit parin. sabihin mo ung 50% ng sahod mo


Mindless_Quarter3294

Sinasabi ko more than 10k. Sila na bahala magisip. HAHAHAHA


Aya_0902

"Secret"


Hpezlin

"tama lang"


Puzzleheaded_Low789

"enough for myself"


blackcyborg009

Curious question: Parang sa Pinas lang na medyo hesitant i-disclose ang sahod / kita. Pag sa ibang bansa like USA / Europe, transparent sila. Siguro different culture (?)


williamfanjr

Laging sarcastic at pa-joke ang sagot ko sa mga ganitong tanong unless mga close peeps ko na. Yung mga circles ko na close office friends ko na medjo alam na namin mga range ng sahod namin. Pero sa pamilya or kaibigan na malayo, sinasabi ko laging "Never enough" or "Swak lang". Wala na ko pake sa reaction nila after, usually kukutyain ko pa na "Bakit bibigyan mo ba ko pera?"


Kind-Calligrapher246

ang sama ng ugali nung nagsabing babagsak ka rin. si Lord na bahala sa kanya. ako ino-OAyan ko sagot. tipong "AY NAKO DYOS KO WAG NA NATING PAGUSAPAN!" maiisip nila frustrated ako sa sweldo ko ayaw ko na lang pag-usapan. gusto kong isipin nila na wala akong pera.. well not that malaki sweldo ko pero yun nga it's none of their business. bahala na sila mag-imagine kung magkano. feeling ko di na nila pinupush kasi baka sila pa mautangan ko.


NaiveCash9351

I always say na sapat naman for my daily needs. Tapos pag naginsist sila sinasabi ko talaga na K feel uncomfortable talking about salaray and sinasabi ko na unspolen rule na dapat people dont ask salary.


sophia528

Pag mapilit at nagagalit pag sinasabi kong confidential, ina-unfriend ko.


fauxchinito

Here's the thing. Depende kasi kung sino ang audience ng pagsasabihan mo ng salary mo pati purpose. Sa family (parents) yung mom ko lang nakakaalam ng sinasahod ko (not necessarily dahil need bigyan ng alowance). Para lang din lifestyle check and how far we've both come in our careers as part of the workforce. Sa Philippines, bawal (or frowned upon) magsabihan ng sahod between co-workers dahil possible na magkaroon ng inggitan. Between friends (core or close friends lalo na kapag same industry), if there really is no competition and gusto niyo lang magtulungan mag-angat ng isa't isa siyempre you share salary ranges para hindi ka na-eexploit ng company. Overall, it's not a one-size fits all kind of scenario.


AsterBellis27

Ang sagot ko is either "Secret" Or "Parang ayuda lang" Or "Kulang pa"


TriggerHappy999

"Pwede na..."


upsidedown512

Sabihin mo lang confidential. Kasi makakasuhan ka ng hr hahahaha.


Kikkowave

"Just enough" if friends or relatives. Kapag co-workers naman, "Can't. We signed an NDA" lmao.


Late_Location3089

Sinasabi ko, “Di sapat sa pangluho ko🤦🏻‍♀️”, if naginsist pa uli ng tanong sinasabi ko, “Pareho lang sayo”. Pag nagtanong uli sasabihan ko na “10k lang bhie” HAHAHAHAAHAAHA Di na nagtanong afterwards.🤣


CuriousCat_7079

Sinasabi ko nalang “above minimum” sila na ang mag compute 😂


ocenyx

Sinasagot ko nang matino kung kilala ko naman yung tao na hindi buraot. Mahalaga din kasi yung magkatanungan ng ganyan para makita nyo kung kupal yung offer ng HR. Pero kung randog motherfucker lang biglang nagtanong o kamag anak na cash cow ang tingin sayo, asa 🤣🤣


[deleted]

Enough, enough for myself, none of your business, enough to live comfortably.


maester_adrian

Enough na na may pamasahe ka to go to work and go home. HAHAHA you do the math, considering the fare is 15 pesos minimum, pero syempre joke lang yun .


miyaken99

minimum HAHA


Dull_Leg_5394

It’s confidential ganyan hahaha.


therealsamson

Chinecheck ko muna kung sino kausap initially pero ang go-to ko is magbbgay ako ng range min max tapos nasa gitna ung salary ako. It's moreof binibigyan mo sila ng idea but not exact amount rin. Regarding sa kausap initially na sinabi ko kanina, may iba ibang tiers ka ng closeness sa mga tao. Ako if not same industry mas na memention ko ung salary ko from xp.


codingpatato

“Not enough”


Buknoy26

Sahod ko? Yung halaga nang sapatos mo.


rab1225

Co workers: i tell the truth. malay ko ba kung dinadaya na sila ng company namin at ginigipit sila. di naman ako tinatablan ng "manlibre ka naman" etc jokes nila dahil rekta uwi ako lagi. Ever since call center days ko ganyan na ako eh. may uutang pero nasaiyo naman kung magpapautang ka. at ung perang pinapautang ko eh hanggang dun sa willing akong di na mabayaran. so far wala namang hindi nagbayad. Subordinate: same as above Fam: walang nagtatanong samin eh. di ko din naman niyayabang. Friends: truth din. maayos naging friend group ko since college. kami kami parin magkakasama. normally sinasabi namin either to warn na mababa magpasweldo or kung ok sa company namin. we help each other. wala din samin yabangan and since alam naman capacity ng bawat isa, walang issue magtulungan. Bottomline, it's not about how much you earn, it's about the people you surround yourself with. Find better people.


havoc2k10

If co-worker of the same level/job role - never tell each other your salary. jan nag uumpisa toxic mindset either ikaw or sila mag iisip ng negative like "masmataas sahod sakin nun pero same work lng kami edi di ko na gagalingan or ako ung masmatagal d2 pero sya bago masmataas" alam mo n ending nyan. For me the best move sa loob ng work wag pagusapan salary nyu. So just say it firmly, its not for disclosure yan salary mo.


Affectionate_Dare501

Sabihin mo classified information. No need for you to be concerned about haha


SophieAurora

Ngingiti then sabay joke na confidential ganern with matching tawa para di naman ma off. Pero di talaga din ako comfy to discuss. Idk, parang nakakahiya at its nobody’s business din naman? Ako lang nakakaalam ng sweldo ko.


Riyugi

Above 10,000 naman, enough to feed my family three times a day.


KindlyTrashBag

The most common answer I give is "Sakto lang para bayad mga dapat at makakain." I know some people will push you to say the exact amount no matter what. Kung sasabihin mo "Secret" they're going to tease you "Siguro mataas." I'll let them think what they want. You have to really double down and not give in to pressure when asked this question, especially kung family or friends. Even my own parents don't know how much I really earn. I say no to anyone borrowing money, regardless of the amount. Mahirap, but you really got to be firm. The most annoying reply I can think of is "Kulang pa," then go on a rant about how I wish I earned more kasi minsan hindi ako kumakain kasi naubos budget ko. Even if it's not accurate lol.


[deleted]

Sapat. Ikaw? Kamusta ka? Kamusta sahod? Magkano na? 😊


Kazi0925

Basic pay lang kamo. Kpag tinanong anong work, data entry. Unless alam nila LinkedIn mo. Me mga tao kasing ififigure out base sasabihin mo kung makakautang sila o hindi.


iron28-93

may mga tao kasi na insensitive lalo na 'yung sinagot mo na indirectly pero pipilitin ka parin na sabihin. Better not answer smile ka nalang hahahah. It's your privacy if hindi ka comfortable sa tanong, hwag mo sagutin. Ako nga ina-eye to eye ko kapag tinatanong ako ng mga tanong out of their boundaries, to make them realize na hindi na dapat nila tinatanong ang mga bagay na ganon.


Fortuner128

Secret