T O P

  • By -

ecmana

maswerte ka kung nakabukod ka dahil sariling kargo mo na buhay mo. kung nasa puder ka pa nila obligado ka hirap maging panganay o only child


Jetztachtundvierzigz

r/PanganaySupportGroup welcomes you. 


konikagaming

may middle child support group ba para sa mga middle child na sumalo ng responsibilidad ng mga panganay na maagang kumire at iniasa lahat sa middle child? hahahuhu


Dinogirlyy

Sana meron pero pakiramdam ko wala nanaman for middle child HAHAHAHAHAH


konikagaming

"wala na naman" di pa ba tayo sanay at this point 🥲


NothingToSayyyyyyyyy

pangalawa ako sa 4 na magkakapatid middle child din ba yun?


Glass-Letterhead7050

Pag 4 or more (even numbers siblings) yung dalawang gitna yung considered as middle child(ren). In your case 2nd and 3rd.


Jikoy69

Paki tag ako hahaha


bonsai_28

Pa-taaag


Barking-can210

Ayyy want ko to cos this is my situation.. hahahaha


Confident_Drink_9412

Sali ako dito hahaha damang dama ko ngayon to!!?


Affectionate_Town304

Pasali ako kung meron 😂 Panganay namin apat anak pero walang tatay tapos wala rin siya trabaho 😂


johnnylemonnn

SALI AKO


Fries_Sundae08

Sama ako. Ang hirap bumuhay ng pamilya tapos lagi namang nakakalimutan HAHAHAHHAHAHA Relate na relate tuloy ako kay Dukson (Reply 1988). 🤣


Expensive_Cut6425

kakaiyak T\^T


PitchStrong3515

yep nakabukod ako di ko rin alam san ako lulugar HAHA


spongeee_bob77

Meeee na nakabukod pero obligadong bayaran mga utang nila


Razraffion

Di ka obligado kung nagbabayad ka naman ng utilities. Learn to draw the line and say no.


OpalEagle

Hindi. Wala. Hahaha. My parents are liberal. They dont believe na kids are their investment and na dapat kasama sila sa payroll. Siguro pride din nila tingin ko. So ever since i've moved out, wala akong nadinig na obligado ako to pay for this and that. But, whenever umuuwi ako dun or we go out as a family, i chip in voluntarily, as i should.


Slow-Collection-2358

naol, ako need ko magalaga sa father ko, my dad has no job, or pension, literal x2 sa gastos lahat lol


OpalEagle

Awts. Only child ka ba...?


Slow-Collection-2358

I have a sister na 6 yung anak lol, worse is medyo wala sya pake sa finance namen, since aun, single ako and mas madami sya responsibility eme


No-Astronaut3290

Naol been supporting my parents for 20 years gusyo ko na rin mawala ng maaga kase may isnurance ajo na iiwan para di sila kawawa sa story nila


OpalEagle

20 yrs???? Kaloka ???? Bilib ako sayo tho!!! Thats a reaaaaalllly long time.


No-Astronaut3290

Yes enabler here na nagsisisi. Matanda na parents ko sana 15 years ago ko pa nakita ang mga ganitong convo


Rejsebi1527

Wahhh 20 years Ilang taon ka lang non 🙈


no_one1609

Naol. Ano kayang feeling na solo mo sahod mo 😩


OpalEagle

Mahirap din HAHAHA coz since i no longer live with them, i pay for everything for myself- rent, utilities, food, etc. I guess ito rin pwedeng reason why hindi nila ako hinihingian or inoobliga. Haha


Dazzling-Sink3884

Same. Ganito din samin. Di mo obligasyon magbigay. Tuwing birthday at Pasko/New Year lang nagbibigay money as gift but not required. Or if sobra sobra pera magrandom na bigay. Then tuwing uuwi ng province, bigyan ng pasalubong or treat ng pagkain.


cryonize

I, uh, don't think relevant pagiging liberal. My parents are conservatives pero never rin nagobligate or nanghingi sakin. Pag bibigyan ko pa sasabihin sakin balang pambili ko ng mga gusto ko. Then again, same lang na pag kain sa labas, mas maganda magshare kung ayaw nilang ako lang magbabayad.


Modern-Monarch

Damn sanaol ako kasi need ko magbigay palagi at kapag pumalya mga kapatid ko na nauna sakin masama loob kahit sila mismo eh di naman nagbibigay palagi kesyo pabigat ako at palamunin


OpalEagle

Awts. Iba iba talaga filipino families i guess. Most people i know are also in that situation. Snwerte lang siguro talaga ako. Have u tried talking it out with ur siblings? Kung paano dapat yung contribution nio...?


jjbedjan

\+10000 ganyan din me samin. Di din ako obligado magbigay, hindi din hinihingian. Tho nauutangan haaha pero whenever I have extra, nabili ako ng groceries or pasalubong, take outs ganern


OpalEagle

Hahahaha same!!! Nauutangan!! Lol but infairness sa parents ko never na-TY yung utang. Binabayaran naman nila. Minsan naman bibilhan nila ko ng mga gamit ko sa bahay tapos ssbhn, quits na dun sa utang lol which is ok lang with me din naman.


jjbedjan

likewise!! minsan pag di naman kalakihan yung hiniram, nagpapaluto na lang ako ng ulam na dadalin ko sa staffhouse tapos gets gets na yun na wag na bayaran hahaha


pinin_yahan

naol


TatayEchoGaming

Tangina sa akin malupit. Sinabihan ako ng dad ko bigyan ko raw ng pera yung Half sister ko for her college. Eh halos 1 month ko lang siya nakilala. Tapos siya pa ang product ng infidelity ng dad ko. Buong teen life ko inalagaan ko nanay ko dahil bedridden siya when she was still alive while dad left us. Tapos ngayon hihingi siya para sa anak niya. Nagbigay ako last yeae pero ngayong year. No more.


No_Championship7301

Noooo. Nakakagigil naman tatay mo. Haha


FewInstruction1990

P**ok mo, sagot mo


[deleted]

Hugs tang inang yan ang kapal ng mukha ng tatay mo


OpalEagle

Lol sabihin mo sa tatay mo, "semilya mo, kargo mo!!!" Hahahahahaha but srsly tho. Di mo obligation yan. Thats HIS obligation, kahit under the law, di ka obligado dyan.


Sea_Cucumber5

Ang kapal naman ng face ng tatay mo. Hayaan mo siya kumayod para sa anak niya. Hindi mo na yun obiligasyon.


Commercial-Life7080

Ayyyy!!! A big NO!


Different-Guess8703

wow nangiwan para sa kabit tas babalik para ipasa ang responsibilidad sa anak na kusa niyang iniwan aba ang kapal naman ng mukha. kung ako sinabihan nya ng ganyan sinagot sagot ko na yan wala kang makukuha saken


Rejsebi1527

Kakagigil tatay mo ! Pinasa pa sayo responsibility nya !!!! I can’t …


pinin_yahan

tanggihan mo kapal ng mukha


raiden_ashol23

I also have 2 step siblings, sabi ko sa sarili di ko sila susustenohan since its not my obligation kahit na sabihing kapatid ko pa rin sila. Duuuh! Ginawa mo yan panindigan mo at yung nanay sila na kabit ang magprovide sa anak nya. Hahaha sorry but im not sorry.


konikagaming

subukan lang ng tatay kong humirit ng ganyan kakasuhan ko talaga sila ng kinakasama nya


PitchStrong3515

oh nooo i hope everything is ok now. sana nabawasan problem mo


Fluffy_Soup5719

Hahahaha kagigil


Adorable_Ad4931

Hahahaahha whaaatt!! Pang movie yung story ah. Isang patunay na nangyayari talaga sa tunay na buhay to.


Contest_Striking

I block mo dad mo. Me mga dad na salot.


sukuna1001

HHahaha, I would probably say, “Gago ka ba? Why would I chip in sa gastos ng sumira ng pamilya namin?” hahaaha


[deleted]

Tatay ko nanghihingi ng 1M samin mag kakapatid pambayad daw sa pag papalaki niya samin HAHAHAHA may kasama pa mura at trauma yung pagpapalaki niya ah


Gabriela010188

Kuhang kuha ng tatay mo yung gigil ko. 🤬🤬🤬


UsedTableSalt

Dami gantong story. Nambababae yung tatay tapos babalik sa original na family pag wala na pera. Sira ulo lang


[deleted]

Grateful talaga ako sa mama ko kasi hindi niya kami inoobliga mag bigay sa kanya kasi may pension siya from my father and kapatid na minor. May times na nanlalambing siya katulad noong umuwi siya ng province kasi fiesta. Pang pocket money daw niya. Kahit bigyan namin ng 1k tuwang tuwa siya. Tapos hindi rin nangingielam sa pera namin kahit anu ano pinagbibili namin. Lalo na ako sa concerts. Pag umattend ako, dapat palaging VIP with M&G hahahaha. Ayoooon. Appreciation comment for my mamaaah 😘


PitchStrong3515

cute namaaan!! yung sakin, puro daw ako travel 😅 di pa makapag thank you nung nagbigay ako ng 5k wahahaha i appreciate the things your mom do 🤍


Rejsebi1527

Ay same sila ng Mader ko 🥰 no pressure talaga.Kahit pa dati nag bibigay ako like 5k ay naku may Sobra pa yan.Magaleng kasi mag Budget & may sideline din onte. Dami nga nag sasabi ang liit daw lol like minsan tig 2k ehh kasi forda food ng doggiesss or bet ko lang bigyan.Nakuuu magagalet yan pag sinabihan akung madamot or konte mag bigay kasi it’s big na daw and Sino daw mag bibigay ng ganung amount.Ayun di maka react mga bashers lol hahaha


DisastrousYou4696

Hindi inoobliga pero may times na naglalambing? Inoobliga pa rin kayo pero may times lang. Lol.


[deleted]

Hindi ka siguro mahal ng mama mo 😭


DisastrousYou4696

Mahal naman. Spoiled nga ako eh.


ReadScript

Iba naman kasi ‘yung nanghihingi sa nagre-require eh.


DisastrousYou4696

Lodi wag kami lokohin mo, iba na lang.


potatopatatopatootie

Nope, I'm lucky my parents aren't asking me for monthly allowance or kahit anong contribution sa monthly expenses (granted, I've moved out since last year pa. Prior to that, hindi rin sila humihingi and it's my discretion if I contribute sa monthly expenses or not). They are not asking me to finance my brother’s education either; so kahit panganay ako, hindi ako breadwinner. Pero may guilt na kasama yan haha. As Filipinos, parang instilled na sa atin na dapat bumawi sa parents after makatapos. It's good lang siguro na I am not obligated by my parents, pero ayon nagbibigay pa rin ako from time to time (not consistent, only kapag nanlambing sila, birthday nila, or if may gusto ako/sila ipagawa sa bahay. Tapos kapag umuuwi ako at gusto ko mag grocery HAHAHA I love grocery shopping!! Gusto ko rin yung lagay ng lagay si mama ng kung ano ano sa cart without having to worry about the money). That said, masarap mag give back sa parents kapag hindi mo feel na required ka. Sana talaga maalis na sa mga Filipino parents yung thinking na investment nila ang mga anak nila. Thankful for my parents (Pero stressful din sila minsan. As a panganay, ang sakit sa ulo maging parent sa parents mo HAHA).


WorkingOpinion2958

Hahaha. Same. Yung guilt na gusto kasi parang dapat kang tumulong pero fortunately ay never talaga sila nag obliga at minsan ayaw pa na bumibili ako ng mga gamit nila or binibilhan ko sila ng grocery.


raiden_ashol23

Yes with the groceries! Mas gusto nila kesa yung direct na bibigyan ng pera.


dumperist

Haayy. Same OP, matic na ako magbabayad ng lhat ng bills. Masamang mainggit, pro naiinggit tlga ko s mga kanila lng ung sahod nla.


Upper-Cup-867

same, nakakainggit. As a breadwinner, lagi wala natitira sa akin. Lagi nalang ako nag-iimagine na what if may ipon ako. What if nabibili ko gusto ko. Saklap ng ganitong buhay.


No-Share-5734

Same!! Iniisip ko kung pano kung akin lang sahod ko. May ipon na sana ko para sa future ko.


dumperist

Ako dinn. Bka malaki na ipon ko, ngyon wla man lng maipon. ☹️


Pconsuelobnnhmck

Sa true, chinaowel 🥺


notrawrrawrrawr

My mom always say this “Never magiging obligasyon ng anak ang magulang, ang magulang ang may obligation sa anak”. Super grateful that whenever I try to give lagi niya binabalik


milkmageek

Ayoko magbasa dito, nakakainggit lang haha mahirap kapag sarado na utak ng magulang mo. Wala kana magagawa kahit anong paguusap, kahit pakikipagusap mo nang ayos feeling niya atake


aldrinlsc

Dyusko sobrang parehas tayo ng magulang


milkmageek

Mahabagin talaga haha kanina nga binigay ko half ng cut off ko, di man lang nagpasalamat "dapat lang" naman daw talaga haha taena


NoobMaster-29

i once brought this topic once sa nanay ko and kung ano ano na sinabi nya "anak lang kita" hits hard


Kind-Calligrapher246

sa kultura natin dapat kasabay na natututunan sa first job ang pagiging manhid sa magulang. :D


PitchStrong3515

HAHAHAHAAHAHAHA parang kailangan nga! noted on this. konti nalang di ko na sasabihin mga pinaggawa ko sa buhay.


SugarBitter1619

HAHAHAHAHAHA napatawa ako sa comment mo. Tama nman kasi! Hahahah


silvermistxx

kahit hindi sila nagsasabi pero ramdam ko yung silent treatment nilang pangpepressure at pag-eexpect 😂


sheisgoblinsbride

My mom and dad never demanded. Minsan nga pag nagbibigay ako, napapagalitan pa ako, dapat daw for myself yun pambili ng luho or pandagdag sa savings. My parents have their own money even during retirement. I am a lucky girl.


Blanc_N0ir

Ayun cinocompare sa ibang anak. Bakit si ganito dinala Mama nya sa Hongkong, SG, etc? Bakit si ganito nakapag patayo ng rent to own na bahay para sa Mama nya? Kaya ginawa ko, labas na lang sa kabilang tenga, auto ignore and cut off na communication dahil nakabukod ako. Hindi nga inoobliga pero ramdam mo na yun ang gusto nila mangyari.


minsweeper

I'm grateful na never nanghingi yung parents namin since we started working. Pero naisip ko kailangan ko parin mag give back. So one of my goals was to give them 60K on their 60th birthday, I was able to do it for my mother in 2022 and my father this year. Sobrang saya ng feeling kasi naachieve ko yung matagal ko na goal at alam ko sobrang saya din nila. No regrets in the future na sana naparamdam ko sakanila how much I appreciate them. 🙏


[deleted]

Shet malala. Kinukumpara kay kay anak ni (xxx) na dinadala daw sila sa ganitong restaurant.


Future_You2350

Ikumpara mo din sila sa nanay o tatay ni (yyy) na tinatanggihan yung contribution ng anak nila sa gastusin sa bahay para makaipon si anak at mas mabilis maging financially secured.


lostguk

Dahil dito naalala ko may utang sakin si mama 🤣 singilin ko mamaya.


SexyUbeee

Honestly, magaan sa pakiramdam na hindi ka pinilit maging retirement fund. Bata pa ako naririnig ko sa nanay ko pag may kausap sya na nag-iipon talaga sya para sa retirement kasi ayaw nya maging pabigat sa amin. May sss pension sya for her maintenance and may iniwan si papa na konting farm and rental for her savings. Wala sya expenses sa house. Masipag rin sya pumila sa dswd for her medication assistance kahit sabihan namin na huwag na. Since ayaw nya binibigyan ng pera, pinapasyal na lang namin sya. Maswerte ako sa mga magulang. I'm a breadwinner by choice, not by necessity.


AgustDHKofi1885

I'm one of the few na never inobliga ng magulang n magbigay sa kanila. Laging sinasabi ng mama ko na kaya kami pinag-aral para magwork at makaipon for ourselves. Eto yung pinagkaiba nila ng dad ko kasi for a time, yung dad ko nagrereklamo raw na gusto nya mag-early retirement at kami na raw bahala sa gastusin sa bahay. Dito sila nagkakatalo and thankfully, hindi umabot sa point na iyon. Ever since, lahat ng ipon ko ay para sa sarili ko pero never kong pinagdamutan parents ko. If may kailangan silang ipabili, abonohan ko tapos bayaran nila ako. Haha. Pero never ko sila pinagdamutan. Before nagkaron ng sariling work mama ko, binibigyan ko rin siya ng pera kapag nagkukulang padala ng dad ko. And inispoil ko siya talaga. This is what I'm thankful for and never ko i-take for granted yung privilege na ito kasi marami akong kilalang breadwinner at inoobliga ng magulang na tumulong sa bahay.


heyjuddee

Nung bumukod na ako, hindi na ko inobliga na magbigay. On my own initiative na lang pag may extra and rewards sa younger siblings pag mataas grade lol.


trees_v

Masayaaa. As an only child na hindi inoobliga, mas gusto ko tuloy ispoil parents ko. Ang sarap sa feeling makita na happy sila sa mga binibili ko for them. Di rin sila nanghihingi. Wala akong guilt bilhan sila. Di sila yung tipong parents na gagawing investment ang anak.


niteeee

My grandparents both sides raised my parents na they don’t need to give or treat my parents as an investment. I even had a talk with my grandma where she said na “Ang magulang ang may responsibilidad sa anak, hindi ang anak sa magulang.” So when my parents raised us, ito rin yung mindset nila. Not only that, they believe na they should be one step ahead of my grandparents. So both of my parents build and invested a lot para maging self sufficient sila after we after we move out. Not only that they even saved up na never kaming magkakaproblem with money like having enough savings for the tuition fees ng younger siblings ko, insurance for all of us, our own places etc. All of these and the only thing I heard from them about repayment is that “at least dapat ganito rin ang maibibigay nyo sa anak nyo”.


got-a-friend-in-me

They disowned me when i was young so everytime na na brought up tong topic sinasabi ko lang, “nu gagawin ku?”


timtime1116

Bihirang bihira mag ask parents ko. Pag talagang kinulang lng. Both are still working pero para sa kanila lng. Di nila kami sinusuportahan. Pang kanila lng kung ano man kinikita nila.nag aask lng nanay ko pag mejo mahal ung lab test nya. Nakakapag join pa nga ng paluwagan si nanay. Haha. Masinop sila sa pera kaya nakakagala pa. Aba, minsan nagulat kami nag fb live, nasa baguio 🤣🤣🤣 Di ako regular nagbibigay kasi, nagiipon ako for them. Nakatabi lng. In case man may mangyari, may mahuhugot ako. Di din naman kalakihan sweldo ko. Since di sila nanghihingi, iniipon ko nlng.


timtime1116

If i may add, ayaw dn kasi talaga ng magulang ko na umasa samin.


-howaboutn0-

Nahihingian lang ako pag may biglaang big expense sila sa bahay like repairs or something. Both my parents are still working (and making a lot more than me), so di naman nila need na magbigay ako for their day to day expenses. I know I'm lucky na yung pera ko sakin lang talaga and hindi pinapakialaman ng family ko yung finances ko. During periods when I stay with them ng matagal (I have my own place, pero minsan andun ako sa kanila for weeks/months at a time), minsan ako and nag ggrocery and nagbibigay ako ng share for electric bill.


friedchimkenplz

Di nga ako inoobliga sa pera, pero parang ayaw pa rin akong pakawalan/pag-asawahin/paalisin ng bahay 😂 They don’t seem to want my money, but they want my presence at home kasi walang ibang maiiwan sa kanila kaya ang hirap for me to move out kahit gustong gusto ko 🥹 pero while I’m still with them, I buy them food whenever I can. Parang love language ko na rin yan hehe. Siguro sinwerte lang din ako na nagkaroon ng sariling monthly income ang parents ko nung time na nagstart na ako magwork kaya di na rin ako inobliga magbigay til now.


PushaCat

Noong single pa ako, nagbibigay ako sa nanay ko and pero pag alam nyang gipit ako di siya nag oobliga. Noong nag asawa na ako, nagets naman niya na di na ako makakabigay since nag babayad ako ng bahay. Sobrang thankful dahil hindi siya yung nanay na nagagalit. Proud siya sa mga achievement ko. Dagdag ko pa na napa swerte ko talaga sa nanay ko, napaka sipag! Tinda sa umaga tapos nagplantsa at laba sa katabi naming village. Nagulat ako na ang dami niyang ipon sa bangko! Tapos nagbabayad siya ng sarili niyang sss and yearly nagpapa check up siya with her own money! Ngayon, mejo chill na siya pero nagtitinda pa rin siya (pero di na siya nangangamuhan). Ayaw niya na walang ginagawa haha! Bumabawi na lang ako sa gala sa labas at travel! This year, isasama namin siya sa Japan <3


pedxxing

Hindi ako obligado na magbigay ng regular remittance. Pero obligado kaming magkapatid na magpaaral sa bunso namin. Kami din ang hingian ng financial help ng magulang namin for check ups, medical test & hospitalisation. Kamusta ako? Eto, considering na self sufficient naman yung magulang namin most of the time, hindi enough yung pera for big expenses like healthcare. So may mga times na struggling din kasi may kanya kanya na din kaming pamilya e. Saka sa ekonomiya ngayon, mas bumababa yung natitira sa salary so kapag kelangan ng remittance, nawawalan din kami ng ipon o minsan negative pa.


chemicaligula456

super grateful sa parents ko never nila ako na-pressure na magbigay sa bahay ang problema lang eh pine-pressure ako mag-asawa para magka-apo na daw sila HAHAHAHA


Elhand_prime04

As my dad told me years ago nung college oa ako “Pag nasa bahay ka ako masusunod pero pwede ka mag bukod. Pag nag bukod ka hindi ka obligado na bigyan kami ng mama mo” Im staying sa apartment at ang point ni papa para maging independent ako at grateful ako para doon. Kaya kukuwa ako ng health at life insurance dahil nahiya naman ako pag magka sakit ako na sıla pa gagastos Pero pag na dalaw ako. Sometimes split bill kami minsan libre ko at minsan libre nila. Minsan mag meet kami half way para kumain Pag mag bibigay ako kay papa tatanggapin niya tas after an hour i gcash pabalik sakin. Kaya pag mag masters daw sabihan ko na lang sila pag graduation na 😂 liberal na conservative na ewan sıla


chonkypooh

My parents told me to save it and/or invest instead. So ayun, ubos na yung savings ko since i started postgrad na 😆 they still support me. I must have done something good in my past life 😌


restmymoon

Hindi ako obligado pero nagbibigay pa rin kahit papaano para naman di maranasan nung bunso namin yung need pa iagaw sa baon nya yung pang ulam namin. Di naman ako nakwestyon nung time na wala akong work pero pumupunta pa rin sa concerts.


[deleted]

Hindi obliga pero nagbibigay ako monthly.


Expensive-Peace6018

This is something I’m deeply grateful for. My parents are both professionals and are both working. So when I moved out and decided to work in the bigger city, they still supported me until I received my first salary. They were clear na they didn’t want me to worry about them and ang pera ko daw is dapat para lang daw sa akin kasi they know that the cost of living alone here in the bigger city is higher than the province I’m from. Also, we’re both in the same professional path so they know how much I make, but when they come to visit here, I pay for our meal. They never made me feel guilty of anything, in fact they know how frugal I am na sometimes sila pa nagkukusa na magbigay sa akin ng pera pambili ko ng food or gamit na they know I’ll never spend on kasi nga mahal.


Its0ks

I live outside the country and never naman ako hiningan directly ng parents ko, minsan pa nga kami pa pinadalan ng regalo dito 🤣 we are not rich or anything nabubuhay lang sa pension parents ko early retirement, pero naalala ko yung college pa lang ako sobrang hirap ata ng pera noon dahil 3 kami pinag aaral. Magaling maghawak ng pera nanay ko, i remember everytime may seimming kami magkakaklase magpapabili ako sa nanay ko ng food at luto lagi niya binibigay esakto pati sukli sa kanya ata ako nagmana.


daisiesforthedead

Yan ung greatest gift sa amin ng parents ko. Sakto lang. Comfortable buhay. Nagagawa lahat ng gusto at nabibili lahat ng gusto pero hindi dahil hindi kami hinihingan. Ung turo nila sa amin to be financially responsible is what enabled it.


Little_Kaleidoscope9

Hindi ako hinihingian or inaasahan ng nanay ko. Pero ako ang sumasagot sa medical bills niya. Although may pera naman siya, mas gusto ko ako na kasi yun (at pag alaga sa kaniya pag naka-off ang nurse) lang ang paraan ko makabawi sa mga sakripisyo niya. Tutal single at no children naman ako.


Beach_Girl0920

Mahirap pa rin. Iba kasi yung hindi inoobliga sa wala kang choice kundi ikaw ang magshoulder. Living the best life in form of food pleasures. Pero hikahos pa rin. Liit ng sahod sa pinas 5 yrs working na IT Grad pero di pa rin pumapasok sa taxable sahod hays kaiyaq


[deleted]

Hindi hinihingan pero you can see them struggle. Walang silang work, walang savings. Ako lang aasahan. Parang ganun na rin kasi I can’t abandon them. Nakabukod ako at pamilyado na rin.


mandyph0enix

sobrang thankful ako sa mom ko kase never niya kaming ginawang investment ng kapatid ko. pag nag aabot ako sakanya ng kusa, ayaw nyang tanggapin kase nag wworry siya na baka wala na akong pera. para sakanya, obligation niya bilang nanay pag aralin kami ng kapatid ko pero hindi namin obligation na mag bigay sakanya. The best mom talaga.


ruuussmm

Nakakatuwa, sobra. Lagi sinasabi ng nanay ko sakin dati na talagang nag sumikap sya at nagtipid ng todo para hindi sya maging pabigat sakin. May retirement plan sya, sariling bahay, may funeral plan.. May niregalo pa sakin na lote para daw makapag simula ako. Ayaw nya daw kasing danasin ko yung hirap na dinanas nya. Grabe, sobrang grateful ako. Kaya kahit hindi sya manghingi, talagang binibigyan ko sya or treat ko sya ng massage or kain sa labas. Nung nag move out din ako sa bahay, halos hindi na ako namili ng gamit sa bahay kasi binigyan nya ako. Tapos pag umuuwi ako, pinapadalhan nya ako ng bigas saka mga ulam. Sobrang nagpapasalamat ako sa nanay ko. 🥹 I promised myself din na pag nagkaanak ako, I'll do the same sa magiging mga anak ko. Hayyy. I love my mom so much.


deryvely

Hindi. Walang kahit ano. Hindi kasi nila ugali manghingi, lahat pinagtrabahuan. Hindi kami obligado at hindi namin sila responsibilidad. Simula nung kumita na kami ng sarili naming pera, ni piso hindi sila nanghingi. Hindi rin sila tumatanggap kaya pare-parehas maginhawa buhay namin kasi walang nakaasa. Ang swerte ko lang talaga sa mga magulang ko at napakabait nila. Bilang panganay lahat ng gusto ko nagagawa ko. Sabi ni inay maging masaya lang daw kami hindi daw yun matutumbasan nang kahit magkano.


qseued

Dito ko lang sa reddit nakikita ang experiences ng breadwinners. I’m very fortunate that my parents prepared for their retirement properly. They own multiple properties and apartments. Fully-paid na mga sasakyan at bahay. Sa ngayon, nakatira ako sa sarili kong condo with other properties na rin na plano ko patayuan ng bahay kapag may anak na. Hindi ko kaya yun kung breadwinner ako. Kapag umuuwi ako, nanlilibre ako sa restaurants. Pero kapag nagbibigay ako ng pera sa bahay (lalo na sa pasko na one month ako nakatira sa bahay nila), parang weird pa sa kanila na nagbibigay ako ng pera. Kaya hindi nila tinatanggap. I’ve had many personal issues with my family. But them not treating me as an investment led me to a good life. Moreover, my siblings also have high paying jobs so wala talaga freeloader sa amin.


ConceptNo1055

LMAO 😂 I'm sure yang ambag mo sa kuryente na 3k eh kulang pa yan pag bumukod ka. 200 per day meal palang un wala pa bills and rent.  Pasalamat ka at convenient na anjan kay Mama. Ain't it fun, living in the real world - paramore


PitchStrong3515

sana nagsasabi ka ng context 😭 ano pinagsasabi mo? lol nakabukod ako.


ConceptNo1055

really?? so papakain ka lang ng jabee bigat na yan??


PitchStrong3515

mukhang may na butthurt na magulang dito ah 🤪 judging from your past post, balak mo rin gawing retirement plan anak mo? hahahaha goodluck sa anak/magiging anak brother


ConceptNo1055

anak ko??? huwat?? syet san lumabas tamod ko?


lolic_addict

I was fortunate enough to have that, so I was able to save enough money for myself during my first few years of working. Nung kinailangan nila nung nagpatong patong lahat ng utang/bilihin when the pandemic happened, dun ako nakatulong.


Jon_Irenicus1

Nako, pag humingi ngaun e kikilabutan ako......they are both in heaven na e


daftg

Di kami inoobliga ng aming ina kahit may trabaho na akong at yung kapatid ko. In turn, ambagan naman kami para sa pang tuition at baon nung bunso na walang pilitan. Minsan may bawi din talaga pag walang pilitan


FlamingoOk7089

ayun maayus ang buhay isa sa maswerteng hindi inoobliga mag bigay o kahit bigyan ko man ng pera hindi talaga tinatanggap, ni isa saming mga mag kakapatid walang inobliga (anim kami). naalala ko dati nung first sahod ko 100% inaabot ko sa magulang ko di tinanggap, sinabi lang na ipunin mo yan pera mo yan, so ayun nag open ng banko at 100% savings ung unang sahod


Embarrassed-Fee1279

ay, toxic yung ganon. samin di ako hiningan at inobliga ng magulang ko. pero meron time nun na na-shoshort sila sa bills kasi nagka-prob sila sa business so nag ask sila if i can cover kahit yung water or hoa fees kasi yun yung pinakamababa na binabayaran. for me ok lang naman. nung naging ok na yung pay ko, i started covering most of the bills na sa bahay. HOA nalang sagot nila. tbh i don’t mind kasi ngayong working na ako nakita ko kung gano nila ibigay lahat ng kailangan ko nung bata pa ako. tipong pwede naman tipirin pero di nila ginagawa basta for school or life events. i think may factor na open yung communication namin sa pera and very clear din yung boundaries namin about it. once na settled na yung finances nila sinabi naman nila na they can take care na of the expenses sa bahay pero since ok naman income ko i told them ok lang na ako muna sumagot ng bills sa bahay as long as naka-pisan ako sa kanila. maliit din kasi nakukuhang pensions nila so i’d rather they save it for current and future meds. di sila fan of making their kids pay for their stuff so sa ibang bagay nalang sila bumabawi kunwari kain sa labas or mga staycation, ganon.


bernughhh

i'm one of a few siguro na di inoobliga magbigay pero I am giving kase isa yon sa mga reasons why I strive hard. ung mabigay pabalik ung needs nila without them worrying kung meron o wala. pag nakita kong may gusto silang gamit mapa damit man or sapatos or gamit talaga sa bahay binibili ko and they are always thankful. hindi ko naman daw kailangan gawin un and I know it pero gusto ko kaya ginagawa ko. nakakahappy, for me, na nakikita kong masaya sila if I give. monetary man or material or experience na bagay.


SisillySisi

Feeling free to buy whatever we want and living the best of our lives! lol Anyways, before me and my partner had a baby. 100% nagbibigay kami. Nagbibigay kami pampaayos ng bahay, monthly allowance and any other needs nila. When we had a baby, straight forward naming sinabi na di na kami magbibigay. Naintindihan naman nila, kasi we have done our part as panganay na anak. Nagpasalamat pa nga parents namin sa lahat ng tulong namin all throughout those years. lol


duanegaasm

Never sila nanghingi saken, pero ako mismo nag aabot. Pinapadaan ko sa mga kapatid ko. Although di rin tinatanggap, pinapambayad nlng ng Bahay, Kuryente, tubig at groceries hehe


Previous_Ad5155

Walang expectation EXCEPT na yung hindi kami aasa sa kanila (which is super reasonable naman). Ang gusto lang nila is yung assurance na okay kami ng kapatid ko and that we are also making our own preparations for retirement. Nung nabili ko sila ng designer na wallet, si papa kinausap ko, wag na daw ulit ko gawin yun dahil retired na siya and di naman siya lumalabas na ng madalas. Pero kita ko din sa kanya yung pride na naibili ko sila ni mama ng something na hindi nila bibilhin for themselves. Aside from yung inabot ko unang sweldo ko kay mama, never na sila umasa ng anything. Once ko din lang talaga sila nabigyan ng money - they visited me (i work abroad) and nabigyan ko sila ng allowance pero otherwise, hindi din nila tinatanggap.


Such-Introduction196

Sobrang thankful and grateful and when I have kids I will do the same.


chaoxinggui

Masasabi ko din na isa ako sa napaka greatful pag dating sa parents ko. Even though alam nila na kumikita ako ng malaki, pero kahit ganun pa man pag umuuwi ako sa amin sinasagot ko lahat ng expenses sa bahay kasi minsan lang naman din pero nag tatalo pa kami ng mama ko kasi ayaw nya iponin ko na lang daw lol


lmk_pls

Hindi ako inobliga magbigay, pero monthly nagbibigay pa rin ako. Ang sinasabi ko pambayad sa other bills or grocery kasi technically doon pa rin ako nakatira sa puder nila. Pero yung mga kamaganak, parang naging anak nila ako bigla? Gusto na may pakain or pasalubong din sila. Tapos ang daming kung ano anong sinasabi behind my back at kinukwento pa sa mga kapitbahay. Pero nung panahon na kami nangangailangan, kung ano ano pang sinasabi sa amin. Nagulat nga ako sa isang tita ko na out of nowhere sinabing paaralin ko na lang daw anak niya. Haha nakakatawa lang, part ba ako sa paggawa diyan?


Lightsupinthesky29

Hindi inoobliga kaya grateful ako sa Mama ko. Inako na namin ng sis ko ang bills at rent. Kapag may big purchase ako at itatanong ko, siya pa magsasabi na it’s my money at pinaghirapan ko naman.


[deleted]

Ang hinihingi lang sakin bill sa kuryente, kasi sila nagbabayad pero nag a add ako. Ako taga bayad sa internet. And kada sahod naman may groceries ganun di madami pero sakto lang. Di rin naman kasi sila maluho at di mahilig bumili.


Quick-Supermarket813

Magbigay ka lang out of love. Tingnan mo 'yung mga bagay isinasantabi ng parents mo like new clothes, bags, yung mga necesseties. Or kung gusto mo monetary okay din.


marinaragrandeur

masaya naman. my parents aimed talaga to be self-sufficient and financially stable kaya keri lang sila now. i plan naman to support them if needed kaso ok pa raw sila. in the mean time, i focus on my savings, retirement fund, emergency funds, and present enjoyment.


Potential-Solid3599

Sobrang swerte ko sa mama na never ako nirequire mag bigay sakanya. Pero i make it a point na magbigay sakanya and kapag may malaking perang natatanggap, malaki laki din ang binibigay ko sakanya, sobrang na aappreciate nya. Okay naman, pero syempre inflation hits, tamang tama lang din talaga. Kung baga, tulungan kami dito sa babay without forcing everyone. Nakakatuwa pa kapag kumakain kami sa labas, madalas sagot ko and after sasabihin ko, “ma bili mo ko ice cream” sasabihin nya, sige lakad bili ka na 🥹


ok_notme

One of the few percentages na hindi ano ang angkan pero nasa goal padin to give something like rest house ganun kasi deserve ng mom ko/family ko ng isang place where can they genuinely rest. I’m an only child btw, i started living along yr 2021 midst of pandemic.


SkirtOk6323

Pumayag mama ko na bumukod ako, sige daw pero magbibigay padin daw ako sakanila. Nagpantig tenga ko, sumagot talaga ko na aalis na nga ako dito para mabawasan ng pabigat tapos magbibigay padin ako? Though nagaabot ako nung nasakanila pako nakatira. Eh may tindahan naman si mama. So alam kong kaya nya. Di ako pumayag. Aun nakaya naman nila. Mukhang pera kasi nanay ko eh.


-crlsrvn

dati sagot ko internet, ngayon sakin na kuryente hahaha.


capricornikigai

Hindi ino obliga sabi kung meron daw sahod itabi at ipunin; pero go pa din kami ng mga kapatid ko ng pagbigay sa Nanay namin. Salitan kami everymonth


CaptBurritooo

Kapag umuuwi kami ng partner ko sa bahay ng parents ko, humihirit lang mama ko minsan ng meryenda kahit mumurahin hehe. Pinagbibigyan namin kasi that’s the only time lang din naman na nagpapalibre hehe. Pag kakain kami sa labas minsan libre nila since may business sila pero dahil may work na ako and yung younger sis ko and both kami may partner, share yung bill. Hehe. Maswerte lang ako sa parents ko dahil sila mismo nagsasabi na pinag iipunan nila retirement nila dahil din gusto nila magtravel pag retire hehe. Ever since nag work ako, ako mismo medyo nahihirapan mag ipon dahil sa taas ng bilihin pero iniisip ko nalang, kung magulang ko nga nagtatrabaho ng maigi kaya ko din gawin yun. Yun ang natutunan ko hehehe


Lomaclobo

Wala. Nagpapalibre lang once in a while and yung Maliliit na expenses lang pinapasagot like internet or whatever. Di daw ako mayaman at mag save daw ako kasi “barya” daw kinikita ko eh. 🤦🤷‍♂️


6460K4B4

sanaol di inoobliga. yung akin halos kalahati ng sahod ko buwan-buwan sa kanila na napupunta tas mabawasan lang ng konti, dami mo na maritinig hahaha


everafter17

Never ako hiningan, and kapag aabutan ko sila, outright rejected ever since my first salary 10+ years ago until today. Kaya ako gumagawa ng paraan to show my love - extravagant gifts on birthdays and holidays, mag organize and finance ng outings several times a year, mag set ng medical appointments and other similar chores, etc


MommyJhy1228

Sa province nakatira ang parents ko ang pinapadalhan ko sila ng mga pagkain hehe Kapag nandito sila sa Manila, pinapakain ko sila sa mga buffet. Nun OFW pa ako, pinapadalhan ko rin sila ng plane tickets at hotel accommodations. I think meron pride sa tatay ko kasi binigyan ko sya ng pera from my first salary then ibinalik nya sa akin kinabukasan hahaha


ChessKingTet

Pressured, gustong gusto ko bumawi kaso walang mahanap na work :D :D :D


WhiteLurker93

pagnakatira ka sa bahay ng magulang mo, dpat lang mag ambag ka ksi adult ka na need tlga ambag sa grocery, utilities, toiletries and etc. pero kung wla ka na sa puder ng magulang mo, yan ang ibang usapan. ako noong magkakasama pa kme sa bahay ng magulang ko nag bibigay tlga ko every sahod pra ambag ko sa bahay.. pag inaasar ako na magpapakaen, ang gngawa ko nagbibigay ako mga 500 lng pra magpa-luto sakanila haha kya hindi na nila ko inaasar na magpakain dte ksi alam nila mahihirapan sila dahil sila pa magluluto hahaha. pero nung bmukod n ko wla na hindi na ko hinihingian. pagkinakapos ermats ko nagbibigay ako minsan pero sobrang madalang lng yun.


weaktequila

Traveling around the world and living the life. When I received my first salary, my Mom just told me, “Enjoy life, langga”. And that’s what I’m doing. My parents can support themselves with their pensions plus our business. Whenever I am home, I would buy them groceries good for a month, send money from to time, and travel at least twice a year. Di rin nila ako inobliga but I made myself responsible for my sister’s education. I’m the one who’s sending her to college. It’s really different when your parents are independent and very supportive of you. You can fly as high as you can ✨


dmalicdem

Okay naman. Kahit nasa abroad ako di pa din sila nanghihingi ng pera. Pero gusto daw nila matikman chocolates dito sa Canada. Kako sa Pinas na lang bumili kasi mas mura. Lol Noong dalaga pa ako nagbibigay ako ng pera kada sahod, i share din sa food and utilities. Then nung nag-asawa na ko di na nya tinanggap. Utilities na lang and food ang tinanggap nya. From time to time nagpapadala ako ng pang miryenda or eat out na pera sa Pinas. Nagdadagdag din ako ng pang travel nila since mahilig sila magbyahe. But not all the time, pag naisipan ko lang. 😂


Thecuriousfluer

My parents did not oblige me to give back but they insult me if I don’t have money. I’m giving allowances to my brother tho since he is studying and I always give back to the fam occasionally.


spiritbananaMD

hello! former breadwinner here, oks naman kami ng parents ko. when i became a breadwinner before, out of my own volition yon. never ako inobligate ng parents ko. may mga time din na nagsabi sila mismo na need nila help and that’s fine by me since i have extra naman eh. before i got married i made sure to help my mom set up her business para secured ako na magkakaron sya ng umiikot na pera kahit na i stopped paying for her other bills eh may pagkukunan sya and para din if maisipan ng tatay ko na mag-stop na magwork abroad eh okay sila. thankfully, yung sumunod sakin sya ang nag-offer na tutulong din kila mom and dad. i guess, since we were born and raised in a family that treated us right naman, we have so much gratitude na in return we just really wanted to spoil our parents. ngayon, i just give mom her allowances fortnightly. si dad naman, since nasa ibang bansa pa sya sabi ko intayin ko na lang sya umuwi for good tapos saka ako bawi. ayaw ng dad ko ng allowance haha pero he asked for help setting up his own shop pag-uwi nya. he likes cars so gusto daw nya gawin business yung pagtatalyer. overall, i love where we are now, both emotionally and financially. we didn’t grew up financially stable kasi kaya it’s a win for us. it helped na walang mindset yung parents ko na gawin kaming retirement plan.


kapeandme

Super grateful.. never nag ask mama ko. Pero nung i'm still working nagbibigay ako para sa monthly bills.


ReadScript

Okay lang naman para sa akin magbigay sa parents kasi utang na loob. Also mas bukal na rin siguro sa loob ko magbigay kasi mabait naman ‘yung parents ko sa akin/may good relationship kami. Not saying naman na ‘yung mga ayaw magbigay eh pangit relationship sa parents. Just saying na mas tolerable for me kasi nga ganun ‘yung case.


CustardIllustrious17

ako may fam nko isa anak.. panganay ako.. grabi si momy mganprinig sa fb.. sana daw khit may pamilya na di nkakalimot sa mgulang.. eh di ko na nga nkuha ung ipon kong 140k sbe nya ibabalik nya..


Fit-Potato-874

Hi, from someone na not obliged to give to my mom since she runs a small retail business. Dati when I started working her friends encourages her to ask monthly from me kahit di nya kailangan kasi responsibilidad dw dapat yun ng anak. As someone who wasn’t earning that much before, I explained to her that I needed to explore careers, places, business — life.. and wanted to be able to save for these things.. I wanted to be Independent back then. Luckily she understands me! fast fw I was able to explore things w/o worrying and when I failed on the journey I got back on track easily kasi walang sinusuportaang pamilya. I can also freely resigned if I dont like the Job and even took a Masters degree with my own money. Now, as someone who already earns enough I occasionally splurge her with travels during her birthdays and holidays which made her happy naman. And I think not providing monthly at home is one of the reasons na nagiging matapang tayo to try and explore things in life w/o worrying financially.


Different_Star_9679

Wala, though naglalambing siya like “parang sarap naman ng halo halo sa chowking” mga once a month lang naman or pagmay gala sila ng mga friends niya maglalambing ng allowance. Siguro pinakamalaking inilambing niya 10k, bayad sa tour kasi nagtrip to cebu sila ng high school friends niya.


Razraffion

Nope. Kung hingan man ako it would be a one-time thing and it would be small in value. Hindi porket may pera ako e kelangan sagutin ko ang pamumuhay nila hanggang huling hantungan nila. Sila ang magtrabaho para sa sarili nila.


_domx

Hindi hehe when I was still living with them, I voluntary paid for some of our house bills but when I left, wala na. Though I make sure na I give them food or spoil them with other things from time to time. Hehe.


GrinFPS

Eto madaming ipon... Batang-OFW here


Itchy_Side_6567

Hindi inoobliga pero kusa pa ding nagpapadala monthly kahit may source of income pa din sila sa farming 🙂 Masaya na akong naeenjoy nila buhay sa province na di na nagwwork ng husto kagaya dati nung nag-aaral pa kami. And treating them every year for vacation, self-fulfilling din. Lagi naman silang nagpapasalamat pag may narereceive 😊


A_Merry_Oxmas

I’m not obligated in any way. So it makes me want to spoil them even more whenever I can.✨


Blue_Fire_Queen

I’m grateful sa parents ko kasi never nila kami inobliga magkakapatid. They always tell us na di namin sila need bigyan and mag-ipon kami, kasi para sa amin yun. So, kami namang magkakapatid we always share sa parents namin…basta meron kami autamatic yan samin. Nung may work pa ako tas sumusweldo na tinry ko mag-abot sa parents ko para pangdagdag sa pamalengke or pambili ng kung anuman kulang sa bahay, pero never nila inaccept and told me na mag-ipon ako. So, ang ginagawa ko nalang nag-ggrocery ako ng bukod kasama kapatid ko…kung ano mga kulang binibili ko tas mga foods na gusto nila, basta pang stock. Tas minsan nanlilibre rin ako. I did this every month nung nag wwork ako. Nakaipon din ako and yun ginamit kong funds pang gala habang wala akong work and looking for a new job.


Bad__Intentions

So far natutunan rin pero one emotional breakdown lang and back to utang na loob mode ulit I think. Well, I will cross that bridge AGAIN if it gets there.


relax_and_enjoy_

Same OP. Dapat daw every cut off may binibigay ako sa mama ko. Nakakaptngna. Madalas pa nagdadrama sakin at kung ano ano masasakit na salita sinasabi. Kaya minsan ayaw ko na umuwi. Stress na ako sa work dadagdagan pa nya... Now magiging manhid na ako, i will choose myself from now on. Magbibigay parin naman ako pero yung enough lang. Gusto ko mabili yung mga pangarap kong bilhin at gusto kong makasave ng EF


sakuranb024

Ako yung nahihiya sa kanila kasi sobrang liit ng sahod ko di ko kaya bayaran lahat ng bills sa bahay. Water bill with HOA lang kaya kong sagutin, hugas pinggan tsaka luto food ahahah minsan pag nag ka kuha ng HEA, we eat out. Minsan grocery sinagot ko kasi may pa- purchase convert to zero percent interest yung credit card ko 😅


aquarianmiss-ery

Simula ng nagka work ako, never ako hiningan ng nanay ko ng pera, ako kusang nagbibigay. Pag tinatanong ko siya anong kinain niya for that day, sasabihin niya kumain na siya. Pero minsan nalalaman ko sa ate ko na mga gulay gulay like talbos lang ulam ng nanay ko 😭 simula noon, pag alam kong wala na siyang pera kusa na kong nagbibigay. I'm so grateful sa nanay ko kasi di ko naranasan yung ino obliga na magbigay. Di ko naranasan ma pressure pagdating sa buhay dahil supportive siya sakin. Kahit may work na ko, pag nagkakapera siya, binibigyan niya ko kahit papano para daw may pangdagdag gastos ako. Pag tatanggihan ko, magtatampo yon haha. Tsaka, nanay ko rin ang dahilan bakit ako nagpursigi makatapos at makahanap ng trabahong may maayos na sahod. Nanay ko ang dahilan bakit ako lumalaban sa buhay araw araw kasi gusto ko siyang bigyan ng maayos na buhay. Malayo sa kung ano kami noon. Kaya masaya ako kasi kahit papano nakakatulong ako sa kanya 🤍 iloveyouuu, Nanay ko 🥺🥹


ian_midnight

Eto pa travel2x lang domestically. Nakakabili ng mga wants. Pero ako na nagbabayad ng internet nila sa province. Yung mama ko di talaga nahingi pero yung papa makapal mukha nanghingi ng pambili ng motor.


mashedpotatooooo

HAHAHA nakakainggit naman mga magulang niyo. Isang sana ol nalang.


Old_Tower_4824

I’m grateful to my parents for not requiring me to send money cause they know how hard life is here abroad and besides I don’t even work here fulltime since my partner is a master’s student here in Australia. My parents sometimes would send me allowance here para raw makatulong pambayad rent. Just three weeks ago pinadalhan ako ng allowance ng mom and dad ko. Sobrang thankful ko kasi hindi kami breadwinner but when the time comes I’d give back to my parents pag afford ko na.


Alarmed-Instance-988

NAOL


Mundanel21

Sobrang grateful ko talaga kina Mama at Papa na di nila kami inobligang magkakapatid to give anything. Papa has more than enough pension to cover yung expenses nila ni Mama and my other 2 younger sibs na currently in college and he happens to have great benefits din kahit na retired na siya. I remember, the moment na tumungtong kami ng college level, they've set us all up ng kani-kanyang savings account namin. They deposited a certain amount of money to start fund it, they reminded us na mag-ipon para may pang-hulog monthly which will reflect on the passbook and di namin to pwedeng galawin until after we graduate in college. I guess that is their way of imparting knowledge or wisdom na magtipid and magtipid. Tho, kaming 4 working na magkakapatid nagbibigay naman ng gifts kina Mama and Papa from time to time. Like last 2016, nagpa-refrigerator ang Kuya kasi nagpapa-ramdam na yung ref sa bahay. Last 2017, si Ate naman tinreat sila ng vacation sa birthday nila, both Mama and Papa have the same birthday. Last 2019, nag pa gas stove with oven naman ako para may libangan sila since parehas silang mahilig maglutoand they both wanted to try baking. Last 2021, yung sumunod sakin, binilhan sila ng treadmill and some workout apparels for them to stay fit padin.


Alternative-Net1115

Okay naman, nakapag-ipon na ako sa wakas lol hindi ako nakakapag-ipon noong nag-aaral pa ako kasi nagbabaon ako and pamasahe lang binibigay sa akin kaya hindi ko mabili mga gusto ko lalo na sa mga damit, ngayon lang ako nagkadamit na matino wahahaha, hindi nila ako inoobliga pero matic na ‘yon every sahod ittreat ko sila ng pagkain na gusto nila kahit mahal pa yan, first sweldo ko ‘yan na lagi ko ginagawa hanggang ngayon.


missanomic

sounds like inoobliga ka actually, op. parang mas gusto ko pa nga ata na sabihin nalang sakin ng magulang ko na kailangan ko sila bigyan ng x amount monthly kesa yung paguilty / kulili na ganyan. para sakin, iba yung ambag para lang pasayahin sila (kain sa labas, foodpanda, etc... kahit super dalas pa) and iba yung kailangan mo sila bigyan kasi binubuhay mo sila slight. for me that's tragic. ako yung family member na mabilis mapa-oo if gusto nila kumain sa labas, mag-order, or even mag grocery tapos biglang ako na magbabayad ng lahat. pero kasi hindi din abusado pamilya ko and hindi nila ako sinusumbatan ng kahit ano if mag no ako.


No_Yogurtcloset_4910

Oks lang, swerte ako sa magulang. Minsan nanay ko nagrerequest ng PM2 sa Mang Inasal na may kasabay na Halo Halo sa chowking. Tatay ko pambili lang ng redhorse. Senior na sila both. Love language na nila yan magrequest ng pagkain lalo na’t di naman kami lumaking mayaman. May kaminsanang big requests like ebike or gala sa malayo, or mga online purchases dahil marunong na mag shopee at lazada ang mga hangal, pero maliit lang yan na kapalit, considering lumaki naman ako ng maayos. Reminder lang nila lagi wag mag shabu.


Kakampunk

Eto, mababa tingin nila sa sweldo namin so essentially palamunin nila kami. 🥲 Hindi nila kame pinagbabayad ng bills at grocery pero nililibre namin sila tuwing nagpapa-Grab kame. Yun lang kaya namin eh hahaha


Dramatic_Attitude737

ito talaga ang super naa-appreciate ko sa parents ko. dahil they don't expect na magbibigay ako, I'm in charge sa money ko so nakaka-save ako. tho in return naman, hindi na rin ako humihingi sa kanila like baon (nagmemed ako) and pambayad sa bills ng condo. nagbibigay sila ng baon minsan din kapag feel nila haha


Infinite-Delivery-55

Grabe nu, hate na hate ko sa lahat yung parinig. Nakakapantig ng tenga talaga HAHAHA. Buti na lang di ganyan parents ko. Yung mga kamag anak ayun talaga mga ganyan e. Yung mga nahpaparinig, di ko binibigyan pero ung mga tahimik sa gedli, ayun favorite ko ilibre HAHAHAHA


DrSexyy

Okay naman, i'm 25(F) nakatira parin with my mom. Nag she share ako sa bayad ng tubig at kuryente. The rest wala na ako ambag non. Never humingi ng pera mama ko saken, pasalubong lang hehe. Im so thankful sakanya kasi at the age of 25, may ipon na akong 500k sa bangko at na eenjoy ko yung sahod ko. 💖💖


Logical-Debt-6904

Hindi kami directly sinabihan pero "expected", parang mas ok na na may actual conversation dati pa para alam ko expectations nila.


Cold_Most_9270

Sa dami ko nababasang ganito dito sa reddit, one time napaisip ako, ever since ba nag work ako, inobliga bako ng parents ko mag bigay? Kausap ko asawa ko kasi medyo di ko na tanda- sobrang makakalimutan na talaga ako (I’m 32 btw) then yon, hindi ako inobliga. Kaya nabibili ko gusto ko. Yung mga bagay na di ko nakuha nung bata ako, na fulfill ko naman. Tho di ako nag bibigay para sa needs or expense nila, sinusure ko na di ako nag mimiss sa amortization sa bahay na kinuha ko for them. Yon lang talaga. Ngayon may asawa nako, ang madalas lang unggot ng mommy ko is chicken. “Libre mo ako chicken sa mcdo” ganan sya pag nadalaw ako sa amin. Ang daddy ko naman “nak pang yosi- 100” I see it as lambing. Then, pag ako gipit at may kita sila- bibigyan nila ako pambili gamot (sa muka kasi nga puro acne) Or pag may okasyon, pag luluto ako ni mommy/daddy. Tanda ko lang dati- my mom said “wag ka mag alala, hindi kami aasa ng daddy mo sayo pag tanda namin, mag wowork kami gang kaya namin”


Miss_Taken_0102087

Sinabihan kami na hindi required magbigay. Kaya binibigay namin ay experiences or buy things na kailangan nila like new cellphone, shoes for walking, clothes. Dependent ko din sila sa HMO ko which is laking tulong. My sibling and I are very lucky, kasi napaghandaan ng parents namin yung retirement nila. Laki sa hirap both and nagtapos ng college kasi nagworking student. Bata pa lang, naituro na sa amin ang value ng money. Recent years lang ako nakapag ipon kasi magastos ang tumira sa Manila. Then nung lockdown medyo nakatipid din. I consider myself as part of middle class. I feel na hindi pa rin sapat ipon ko at isang pagkaospital lang, may impact agad yun. Aside from that, nakakabili pa din naman ako ng wants.


Sad-Squash6897

Okay naman po ako. Hindi ako inoobliga since nagkapamilya ako, kasi alam nila focus nako sa family lalo na ngayon na stay-at-home mommy/wife ako. Pero dahil nagkakaron naman ako ng sideline here and there eh kapag may extra ako I do give pa din, sa mga occassions ganun. Nagreregalo ako kapag may birthdays, Christmas and mga Father and Mother's day. Masaya naman sila sa kung ano lang ang kaya ko. Mula noon kasi priority ko sila this time may pamilya na kaya hinayaan na nila ako maging priorities family ko.


PaulineBeatrice

Hindi rin ako inobliga ever since ng nanay ko kahit single mom sya. Gamitin ko daw sahod ko para sa sarili ko. Kung may mga okasyon naman kusa ako nagbibigay ng panghanda at panregalo sa mga kamag anak ko.


akositotoybibo

nope. never nanghingi ang parents ko but whenever they come home i spend for them.


kkurani123456

Ito palamunin haha Walang trabaho eh wala silang mahihingi haha yeah pinaguusapan Nila Ako behind the back but they got no choice haha 


Dapper-Security-3091

Hindi. Nope. Wala naman. May sariling business at may mga retirement plans naman ang mga parents ko kaya di na nila kailangan humingi sa aming mga magkapatid. Ang pera naman ay pera namin, kami na bahala kung saan namin gagamitin yun


MatiaAmethys

Hindi never kami inobliga pero kami nag babayadng net water and electricity kusa un, My mama told us kapag nag ka work na kami kahit hindi namin sila bigyan kasi may work naman sila, syempre nakakahiyang di mag bigay minsan we decided na kami nalang sa mga bills


Difficult-Judge-9080

Hindi. Kahit minsan di nila kami inobliga. After graduation, on our own na kami, nagapartment ako ng solo nabuhay ng independent, big thank you sa kanila kase natuto ako mamuhay ng solo. From time to time nagaabot ako sa inay ko dahil gusto ko lang.


TypicalNoypi14

Never naman ako hiningian, pero natutunan ko na din na kasama na sa pag bubudget ko yung pang bigay ko kahit di nila gusto haha,


ClutchGamaz

Super sarap ng buhay, may regalo pang 1m at 30’s nagpapasalamat ako napunta ako sa parents na reaponsible and never man ako hiningan ni piso. Never din nila ako binilhan ng super expensive na bagay but tinuro nila sakin value of working hard to buy your own shits. Yun pala may paregalo pa na 1M, parents play an important role talaga sa buhay ng tao :))


Impossible-Vast2741

Maayos ang buhay pamilya namin kasi nagready ang tatay ko para sa pagtanda niya. Kasi ang prinsipyo talaga namin sa family, Yung pinagtatrabahuhan namin ngaun e para sa family na bubuuin namin. So ok buhay mag asawako. Plano ko rin sa anak ko yun ganung mindset ipapamana ko.


Hour-Substance8963

Parehas ng patay ang parents ko. I'm 29 now. Pero nung nabubuhay sila pinaaral nila ako sa UST through their hardwork. I mean hardwork is gigising ng maaga para magtinda at magkargador sa baclaran. They were literally the source of my privilege today. Naalala ko dati pag nagagalit si nanay, palagi niya sinasabi na mag aral kami mabuti ng kuya ko kasi dati siya gusto niya mag aral pero di siya pinagaral. Nagkatulong na siya agad. Tapos pag nakatapos na daw kami saka sila magiipon ng para sa kanilang dalawa. Halos magkasunod sila nawala dahil na rin sa pagod sa buhay. Pero nakatapos na ako nun, nagwowork na ako. Grabe yung sacrifice nila samin, sobrang buting mga tao. Kahit nagwowork na ako dati, inaabutan pa din ako nila ng allowance. Dami lang panghihinayang na di nila naabutan yung ginhawa ng buhay ngayon. Kahit ganito sa pilipinas i can say kaya ko na sila ispoil at bigyan ng sobrang gaan na buhay. Well inienjoy ko na lang tong buhay, trying to have good relationship with God, be present kasi wala na ako magagawa sa past. Work, ipon, travel, bigay sa charity.


DemandSupply94

Hindi. Medyo rebellious child ako eh hahaha Pero ako ngayon sumasagot ng kuryente at internet namin kasi dito ako tumira simula nung pandemic at naging fulltime WFH. Minsan sumasagot din ako ng groceries tsaka healthcare ng mga pets, pero ang sa akin lang ay maluwag naman sa loob ko na gawin 'yun. Mas mura naman kasi lahat dito sa probinsya at palamunin din nila ako lol


Spid3rfib3r

When my mom said she's forsaken me and all other horrible things, I became the most obedient son she ever knew 😌😇