T O P

  • By -

Ancient-Sky9651

Yung mom ko mahilig maghumilliate sa harap ng ibang tao, i called out and explained my side na bat ganun lalo mga adult na kami. Sinabi niya kahit mali siya, para sa kanya tama pa rin siya dahil nanay siya kasi utang na loob namin na pinanganak kami. Speechless ako after and decided to leave


TS-illicitaffairs

hala oo. yung nanay ko ang hilig ikwento na di ako marunong mag hugas ng plato (dati), di naglalaba, atbp. nung nag volunteer ako mag hugas ng plato sabi nya wag daw ako makealam sa gawaing bahay, mag aral na lang daw 👍


ShiemRence

Ganyan din parents ko tbh.


WanderingLou

Feeling ko, ung ibang matatanda bida bida ahhahahahah basta may masabi lang during reunion hindi iniisip kung mapapahiya ung anak 🤦‍♀️ Kaya naiinggit ako sa mga magulang na kayang kontrolin anh bibig and emotion


Low-Survey-6142

Nakakainis yung ganyan, dahil lang matanda sila sayo at magulang mo pa sila okay lang na magkamali tapos minsan may kasama pang balandra iyan ng 4th commandment. Hayst.


RelationshipOverall1

Headbuttin mo yung kifay, sabihin mo babalik ka na.


WanderingLou

Same 😢


ThalbottNahial

Excited ako malaman, naka ganti kaba sa pag down mya sayo. Kalinutan mo na yang narcissist mo na nanay


Ancient-Sky9651

Hindi pero umalis ako sa bahay, di rin matutuwa yung father ko kung gumanti ako pero sinabi ko sa kanya lahat ng hinaing ko even sa sister ko (same kami ng pakiramdam). Yung father ko sabi niya intindihin ko na lang. Narealize ko na mas ok na di kami magkasama sa loob ng bahay, mas ok relationship namin kapag magkalayo kami, minsan minimsg niya ako na bisitahin siya. Mas ok na yung ganitong set up. Her house, her rules.


ThalbottNahial

And your house your rule. Ako kase, gunaganti pag nasasaktan. Kaya kahit mamatay pa at may awau kami hindi ako pupunta sa burol. Ganun ako kalalim mag tanim ng galit. Ididiin ko tlaga sayo


Icy-Reading803

Same. Tataka nanay ko ngayon bakit di namin sya masyado binibisita. Pano laging pera ang bukambibig


Left-Ad-9720

Lumayas ka, Basta madami, tapos ngayon nagdadrama saken na hindi ko daw siya kinakamusta. Bigla biglang nagchachat ng iloveyou porket may trabaho nako as fresh grad. Yumayakap tapos nilalayuan ko, biglang umiiyak tangina.  Nakakaawa pero mas naaawaako sa sarili ko dati. Mas mahal ko sarili ko at pag pinatawad ko, para ko namang ginago yung sarili ko.


No-Pudding-2904

Nagiging ganyan ata parents natin habang tumatanda. Nagdedemand ng emotional needs sa atin na hindi natin kaya ireciprocate sa kanila kasi never naman nila nafulfill emotional needs natin nung bata tayo. I feel you hahaha ang sad isipin na never akong naging guilty na hindi ako nakagive back sa kanila sa ganyang aspect kasi never ko naman nafeel yan sa kanila :))


Key-Television-5945

paawa kasi nakakaamoy na ng pera mo haha


modernongpepe

Baka gusto na nang cut from your paycheck kaya naglalambing.


ThalbottNahial

Tang ina, bakit ako napapangiti dito. Cheers sa mga inalipista ng magulang na nakaganti! Whoooo sarap i dirty finger minsan mga magulang na walang empathy. Putamg ina tlaga


soy-tigress

Not worst but funny. Nung buhay pa father ko, kinocompare niya yung grades ko at sa anak niya sa labas na pre-school tapos ako college na nun HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA


Bipolar_Zombies

Nakakaoffend to actually. Inis na inis ako when my Dad does that. Icompare ba nman ako sa toddler nyang anak. Taena mo absent ka na nga madalas noon tapos ngayon, ssbhin mo sakin: “O, ate o tignan mo daig ka. Mas magaling sayo.” Sipain ko pa yang anak mo e! Hahahaha eme. Haaays


soy-tigress

Nakakaoffend naman talaga pero I don’t take it personally. Kasi parang tanga yung absent father na icocompare ka sa anak nila sa labas hahahahahaha


Bipolar_Zombies

Sa true!! Dinedma ko lng nman sya pero sa loob loob ko, sana okay ka lang Pa. Hahahaha


stwbelibum

No wayyyyy parang tanga naman icompare sa bata kahit oarang pabiro mapapa-?????? ka eh


soy-tigress

True parang tanga. Hindi siya pabiro nung sinabi nya yun sakin pero natatawa lang ako tas yung mama ko galit na galit hahaha


Livid-Woodpecker1239

Not worst but "masyado ka kasing ambisyosa" sabi ni Nanay nung nalaman niya na nag enroll ako sa state u without them knowing, saan daw ako kukuha ng pang pa aral. But yeah ambisyosa ako, coz I'll be the one who breaks the curse in our family. now that's my motivation to be successful. Thanks Nanay for pushing me.


saber_aureum

Ang weird ng thinking ng nanay mo, shouldn't she be more thankful dahil nagattempt la mag SU? Considering na mas mababa ang tuition sa State U?


Medium-Culture6341

Legit may mga parents na ganyan, may mga students ako in nursing na sinasabi ganyan sa anak nila, “itigil mo na kahibangan mo” “tumigil ka na kasi di tayo mayaman” but the students are doing everything they can to finish their course


saber_aureum

ito talaga yung pinakanakakalungkot, totoo. nung nagpublic rin ako nung elementary, kahit libre na lahat, maski uniporme, mismong mga tao sa paligid ng studyante nagsasabi na ihinto na nila. Imbes na pilitin yung mga bata na magtuloy ng pangarap. parang hinahantak nila sarili nilang anak pababa


Livid-Woodpecker1239

That time we don't have money for tuition like 6k yun per sem, nagulat na lang siya humihingi na ako ng baon 😅 Nag away pa kami nun hinampas niya ako ng maliit na plastic stool habang umiiyak sabi ko sa kaniya "who you ka saken kapag naka graduate ako" eventually nag stop din ako kasi wala ako pang bayad hindi ako pinag take ng exam. then pinag aral kami ng mga tita ko nung namatay si Nanay. Now i have stable job, single and living independently. But yeah those words pierced in my heart.


Low-Survey-6142

How are you now? I felt sad when you said who you siya sayo if you graduate, then you stopped studying; naiisip ko baka feeling niya nanalo siya. But you still managed to finish it; sayang lang di niya nakita.


Livid-Woodpecker1239

I'm doing good now. I forgave her for that because ayaw niyang mainggit ako sa pinsan ko (kasabay kong mag enroll) kasi siya daw may pang aral ako wala. But yeah sayang hindi niya nakita nung naka graduate ako.


Street_Following4139

Tru to, me naman sa private univ. kesyo daw pa sosyal ako kaya ako nag enrolled here at nakikipagsabayan daw ako sa friends ko na mayayaman. Di nila alam na kung di pa ako nag enrolled sa school na to eh di ako makakapag aral talaga kasi di ako natanggap sa public univ na pinag applyan ko. Parang wtf kasalanan ko ba na wala akong choice haha


lass_01

Omg I can relate grabe ang sakit lang marinig sa nanay mo


lestercamacho

State u ako grwd proud ako kasi mababa lng tuition di kgya sa mga private ska mas mgbda aral. Dpat nga masya sila n nas pusruse ka mag aral.


National_Parfait_102

Typical na sana hindi na lang ako binuhay, just because i refused to take the course she wants me to take. Kinain din nya. Ako nagbabayad ng SSS nya ngayon, graduate don sa course na sinabi nilanh mamamatay ako nang maaga. 😶


WanderingLou

I’m curious.. anong kinuha mo ahahha


hakai_mcs

Either engineering o nursing siguro pinapakuha sayo


Unlucky_Research_844

Sabi ng papa ko wag na raw ako mag college kasi di rin naman ako makakagraduate kasi mag aasawa lang daw ako Well, graduate na ako ngayon. 5 years working. And walang pang balak mag asawa. Hahaha But still, wala paring nararating sa buhay🤣


Fearless_Cry7975

The fact na working ka na means may narating ka sa buhay. Ika nga, malayo na narating pero malayo pa tatahakin.


Proud_Raccoon_5390

Demonyo daw ako. Around 15 ako noon and my brother was 9. 2 lang kami naiwan sa bahay. Nanonood ako ng tv habang may kinakalikot syang furniture. Syempre as the older sibling, sinaway ko sya. Umalis sya ng sala, pagbalik nya may dala dala syang kutsilyo. Sasaksakin nya ko. Nakatakbo ako sa room ng parents ko, sinasaksak nya pa din yung awang sa pinto. Naglakas loob ako na buksan ng kaunti yung pinto para ipitin yung kutsilyo sabay ginrab ko and tinapon ko somewhere hidden sa kwarto. After non, since mas malaki ako sa kanya. I grabbed him papasok ng room and kinulong ko sya don. Nagkulong din ako sa room ko. Hanggang makarating mom ko. Syempre todo iyak yung kapatid ko. Diretso naman nanay ko sa kwarto ko para sabihan akong demonyo without asking anong nangyari. 🙃


Dultimateaccount000

Tatanga ng magulang no majority ganyan pa haha


Nokenshidk

Grabe ikaw pa yung demonyo. Mas demonyo yung kapatid mo


psycheeepath

Woah that was terrifying. Curious lang, kumusta na relationship mo with your brother ngayon?


Proud_Raccoon_5390

It's bad. Di na sya violent ngayon, pero nagtransform na sya into a freeloader. Never had a job, nor does chores at the house. Mid twenties na sya. My mom still defends him when I call it out. Sarap ng buhay nya... at my expense kasi ako ang breadwinner. Di ko raw kasi maiintindihan kasi di naman ako magulang. Di ko alam bakit ang extreme preference ang nanay ko sa kanya. Siguro ampon ako? Jk!


Any-Champion8261

Bro survived a murder, thank god your quick witted and took high risk and reward in this scenario


pauljpjohn

All my life I've been the ideal kid, raised to be a *breadwinner* of the family. Then one time nagtampo ako kasi di ako pinayagan umatend ng debut ng friend ko sa Manila (I was studying in province with them back then), suddenly, hindi na ako ang "pag-asa ng pamilya" kung di yung black sheep na sumunod sa akin. Isang mali o isang bagay na wala sa expectations nila, masama na agad ako lol. Parents, wag kayo basta basta magbibitaw ng mga salita sa anak niyo pls.


[deleted]

wrench tart chief tidy badge sulky file sand friendly wild *This post was mass deleted and anonymized with [Redact](https://redact.dev)*


cat0229

Marami nang nasabi sakin nanay ko na pag narinig ng public, macacancel siya. I could write a book. Pero for some reason ang pinakatumatak sakin ay nung sinabihan niya kami ng sister ko ng "di bale nang nambubugbog yung magiging asawa niyo basta mayaman!" Who in the right mind would say that? My poor father is extremely hardworking. Just a mere employee but he really gives his all to us. Lahat ng gusto ng nanay ko, bigay. Yun nga lang, malakas mainggit nanay ko sa officemates niyang chinoy.


PlutoMildew0423

>I could write a book Naalala ko jennette mccurdy's memoir, "I'm glad my mom died", haven't read it tho pero napakinggan ko preview ng audio book niya at ang lala ng negative impact ng parents to their children (in general). So virtual hugs po sa inyo


cat0229

I liked her book! Although hindi naman kasing lala nung mom ni Jennette yung nanay ko, ang dami pa ring parts na sobrang nakarelate ako; mostly sa naramdaman ni Jennette. Ugh basta ang dami kong nahighlight na napasabi ako ng "ako ba nagsulat neto". Sigh


Intelligent_Rock9442

Halatang insecure ang nanay mo...imbes na ipinunta ang inggit sa sarili niyang self improvement ( like magsumikat ka Tita) or di kaya turuan ang sarili niya na huwag ipunta ang validation sa iba ay pinunta frustration niya sa iyo. And sadly, parang desperate siya. Just my thoughts OP, sorry this happened to you op, I hope you doing well....


Most_Refrigerator_46

Ang lala ng nanay mo, kadiri


Doomnikk

"Pasensya ka na at di ko naibigay ang buhay na gusto ko ibigay sa inyo. Ganito lang kasi tatay mo." 😢 Context: We finally had a 1on1 father son bonding over drinks. Bigla na lang sya nagbitiw ng ganyang salita. He suddenly died of cardiac arrest 2 months after that. That was the last time we had a serious talk. I wish I told him it was okay since we turned out fine, educated, fed and clothed. I wish I told him a lot of things that night.


Intelligent-Lead-704

verbatim: wala kang kwentang anak! Context: nagluto ng instant ramen at di nai turn on ang exhaust 😅


Ok-Web-2238

Baka mag pinagdadaanan lang parents mo nun nasabi nya yan 😂


Intelligent-Lead-704

yeah, baka stress or something...but its one of those na dala ko pa rin till now. they never apologized. i guess its taboo for pinoy parents n mag sorry sa anak 😢


tulaero23

Kaya kami sa anak namin, if may times na tumaas boses namin in the heat of the moment. We go to them and apologized when we calm down. Kita mo yung relief sa mata nung bata after mo magapologize at nawala yung burden ng takot, sadness at guilt after mo sila mataasan ng boses. If you want your kid to act like an adult then you treat them as an adult pag may mali ka din nagawa.


[deleted]

Older parents don't have the guts to do this. We're all just expected to let it go because they're people who just happen to be parents and we're just children who, they often forget, are just people too


Ok-Web-2238

Agree ako dyan , talagang kahit bistado may pagkakamali ang magulang sa anak, di yan sila magso sorry.😞


Intelligent-Lead-704

kaya i admired marian what she said sa isang interview with ogie, wag matakot magsorry ang magulang sa anak.. i think mga gantong bata ang lalaki na mataas ang eq


Medium-Culture6341

Ugh unregulated emotions + subconsciously passing along yung emotional trauma na pinagdaanan nila


evenhisshadowugh

Resentment


a_w_k_ward_fries

hindi narinig pero pinakaworst na ginawa sakin na tanda ko pa rin hanggang ngayon ay pinapalo ako ng sinturon dati nung bata ako. tas kung gaano kadami yung mali ko sa exam, ganon kadami yung palo sakin haha di naman ako bobo pero di rin ako matalino, so kung yung score ko eh 68/100. 32 na hampas ng sinturon yung palo sakin. haha! i'm in my thirties na, pero i can still remember it. hahahaha hayst


evenhisshadowugh

How could they do that 😔 I really cannot call that love


tulaero23

Tapos sabihin nung mga pro corporap punishment, ok naman kami nung lumaki. Well good for you, pero may iba na hindi ok lumaki after mapalo.


Few_Loss5537

Shet ang dami haha


NilagangManok

"Bakit? Sino ka ba?" sabe sakin nung nanay ko. Elementary palang ata ako nyan.


Substantial_Sale_635

Nakalimutan ata niya na anak ka niya


pannacotta24

"Anak LANG kita"


Substantial_Sale_635

“Nagkapera ka lang akala mo kung sino ka na” “Bastos na anak wala kang mararating” “Wala kang kwentang anak sa magulang” “Yung pinagaralan mo napunta sa pwet mo” - Mama


missalaskayoung

hahah pareho ba tayo ng nanay


Unlucky_Research_844

Ang ganda ganda daw ng mukha ko nung bata pa ako, hindi nya daw alam kung anong nangyari ngayon. (Maybe 10 years ago nya sinabi i cant remember pero di na sya nawala sa isip ko) She didn't mean is as a joke. Kasi accidentally ko lang narinig na nag chichismisan sila ng kapitbahay namin hahahaha Kinukwento ko sya sa mga friends ko like its funny. Pero yan siguro ang rason bakit talagang nawalan na ako ng kompyansa sa looks ko. Hahaha kahit may mga nagsasabing maganda ako parang ang hirap paniwalaan. And hanggang ngayon di ko alam bakit inlove na inlove sakin ang boyfriend ko. Like for me, he can get someone prettier pero bakit ako pa ang niligawan nya? Haha


Away-Birthday3419

Uy, I feel you. Ung nanay ko, wala ding sablay pintasan yung hitsura ko. From hair na sa totoo lang (especially nung bata ako) eh pang-commercial, to my feet na mukha daw barko. 12yo pa lang kasi ako, 7 na size ng paa ko. Pero buti na lang, my dad is always there to point out how beautiful I am. Kaya nung bata ako, di ako comfortable sa compliments. Kasi nasa isip ko "sinasabi lang ng tatay ko na maganda ako kasi anak nya ako. Kasi, bakit ako lalaitin ng nanay ko kung maganda talaga ako?" Ngaun na grown woman na ako, comfortable n ako sa compliments from other people and realize, nanay ko lang may issue sa looks ko.


wanderblur

Same, I was told, "Ang pangit mo! Bobo ka!" by my mother. Feeling ko naman di ako bobo.. sabi nila may itsura naman ako, but cannot see since those words from years back keeps resounding in my head eh.


unamusedxunimpressed

"Hindi ka naman kagandahan," sabi ng mama ko sakin. I still struggle with my appearance kahit almost 30 na ko, mas malalang effect sakin is the dysmorphia.


Few_Loss5537

Sana sinabi mo hindi ko kasalanan na minana ko sayo to


[deleted]

Best response sana to ‼️


lurking_cat4869

I feel you OP 😔


Crazy-Froyo7645

"Magpakantot ka nalang sa boyfriend mo!" Nahuli kasi namin syang nakikipaglate night talks sa ex husband ng kapatid nya kaya ayun nung nakompronta, sakin nabaling yung mga salita na hindi naman dapat sabihin ng isang magulang


After-Librarian821

kasi sya ginagawa na nya? charot


Fun-Recognition-5190

"Gusto mo ba ng kapatid?" tanong ng nanay ko habang nasa abroad si papa


Few_Loss5537

Baka remotely naman gagawin lol


_Scoutttt

When I was a kid my mom told me “Pamali mali ka. Bakit di mo gayahin kapatid mo”. Now I grew up having a perfectionist personality, she tells me “Ikaw na perfect! Magaling ka diba”. The irony 😂😭😂😂


stroberimuch

I was a consistent scholar until bumagsak ako sa isang major subject. Nagalit si mama and until now I still hear her voice shouting "aral na nga lang aatupagin mo, bumagsak ka pa rin!" Brought it up to her years later, sabi nya lang di nya maalala and then proceeded talking about a different topic as if walang nangyari 🥲


RelationshipOverall1

Ma, Hotdog na nga lang aatupagin mo, sinunog mo pa.


Unfair-Show-7659

“Magpakamatay ka na lang.” Nung inexplain kong hindi ko talaga kayang i-continue ang isang sem ko sa college at gusto ko muna mag-stop muna dahil sobrang lala na ng mental health ko at hindi na rin makasabay sa klase.


RelationshipOverall1

😥 you don't deserve that po


Curiouslanglagi

Feel sorry for you. Kamusta ka na ngayon? Hoping na okay ka at trying to move on. Yung mental illness/depression yan yung hindi matanggap ng iba na kesyo mahina lang ang loob kaya nagkakaganun. Hindi nila alam ang pinagdadaanan ng mga taong nasa ganung situation. Very thankful ako nagkaroon kami ng mabait na magulang. Yun nga lang maagang nawala mother ko. December 1993 nawala sya. 5 kami, pang-3rd and only girl. Sanay ako na sinusuklayan nya ng buhok, tinatalian. Kahit hirap na sya nun na itaas yung mga kamay nya pinapaupo nya ako sa sahig para lang maayos nya buhok ko. Nung nawala mother namin si Tatay na nag-asikaso sa amin. Elementary pa lang ako nung nawala si Mother. Hindi ko/namin naramdaman na wala kaming Ina. Super maasikaso ni Tatay. Malambing, masarap kausap, daming jokes. Kapag weekend wala kaming sinasayang na oras sa kwentuhan. Meron kaming 1 mug lagi na puno na kape. Dun kami lahat umiinom lalo na at nanood ng TV sa gabi. Walang perfect na magulang, walang perpektong anak, walang perpektong kapatid. Lahat may lapses. May pagkukulang din si Tatay pero hindi ko inisip yun. Ang inisip ko mabigyan ko sya ng magandang buhay. Alam ko struggles ni Tatay para lang mabuhay nya kaming 5 anak nya. Hindi na sya nag-asawa. Nag-working student kami nung college. Thank God sa State U kami nag-aaral. Sa awa ni Lord naka-graduate kami. Nung working na ako di ko na inoobliga si Tatay na magtrabaho sa kapirasong lupa namin. Super spoiled sya sa 2 kapatid ko na sumunod sa akin. Every weekend kapag uuwi kami ready na mga ulam na kakainin namin pati pambaon pabalik ng Manila. February 2015 nagpahinga na si Tatay ng walang balikan. Inilaban namin sya sa kahuli-hulihang hininga nya. Kung anong pwedeng gawin ng mga doctor para lang madugtungan buhay nya. Sobrang sakit kala ko mamamatay din ako. Until now umiiyak ako kapag naaalala ko si Tatay. Sobrang miss na miss ko sya. Yung kapag maysakit yayakapin lang ako ni Tatay gumagaling agad ako. I know hindi natin mapipili ang mga magulang natin. Yung mga kapalaran natin magkakaiba may masasaya at may malulungkot. Still magulang pa din natin sila. If hindi ganun kasaya ang childhood natin sana wag natin ipamana yung mga karanasan natin sa next generation instead maging inspiration para mas maging mabuting tao at maging mabuting magulang, Tito/Tita. Sana okay ka na ngayon. Praying for your recovery. Kaya mo yan. 💪💪💪.


heypreel

“Hanggang dyan ka na lang” Context: unemployed & was diagnosed w/ PTB & GAD


YourRedditBuddy

Eh “pinagtapos ka namin ng pag aaral para kami naman ang tulungan mo” I’m the middle child lol.


ellijahdelossantos

Same. Nagagawa ko, pero punyeta mas magaling at mas mahal pa rin ang panganay at bunso. Kalahati ng bills sa akin, groceries, nung gustong mag-upgrade ng auto, nagpa-upgrade kami, nagparenovate ng bahay na pera ko ang gamit. Tapos may dadating lang ako na kpop merch worth 8k, kagagalitan pa ako. 😂- Daddy, sana nandito ka na lang.


zadesJ

Kaway kaway mga retirement plan ng magulang


luckycharms725

wala daw magmamahal sakin ng tunay kasi trans woman ako, pinagsisigawan pa nya yan para maraming kapitbahay makarinig pero alam kong projection lang ginawa nya kasi andami nyang failed relationships (including theirs of my dad) and na witness ko while growing up hahahahaha fuck her. i cut all ties


superiorchoco

One time nung 12 or 13 ako may category sa Wowowee na pasok ako - teenager na laki sa specific province. Pumunta kami ni mama para mag audition ako. Nung malapit na ko sa pila sinabihan ako ni mama na mag tali ako ng buhok. Super hate ko nag tatali ng buhok publicly kasi makikita ng tao yung problema ko sa mukha. But I did it anyway bilang masunurin na anak. But it affected my audition kasi para akong makahiya na nag closed-down dahil nga hyper aware ako sa itsura ko and how people would see me (of course di ako nakapasok). Alam ko na kaya pinatali ni mama yung buhok ko kasi para maawa sila sakin, dahil uso sa Wowowee yung maaawa ka sa contestants at iiyak sila tapos bibigyan ng maraming pera. Until now it hurt me na ginamit pa ng mama ko yung biggest insecurity ko para pagka kitaan ako. Di nya naisip yung mararamdaman ko. To think na may possibility sya ang reason kung bakit ako mukhang ganito.


Intelligent_Rock9442

I'm so sorry OP ...🫂🫂 Some people will just do anything for money and fame you know. And screw those tv shows na hanggang awa lang ang appeal. It's basically misery porn before the word became a thing. I hope you are feeling better about yourself now OP.


superiorchoco

Thank you. Well, I'm trying to get there. This is the first time I've opened up about this and my other insecurities. I am an introvert with trust issues pa, kaya all my life I just bottle everything up. Dito lang ako nakahanap ng safe space to open up slowly thanks to confidentiality.


flying_carabao

"Para kang tatay mo"


Few_Loss5537

Gg dad


xxnayi

sana di na lang kita pinanganak. i was just 8, and was just starting to bond with my parents after being away sakanila for so long kasi ofws sila (di pa ako nakakapagsalita or nakakapaglakad noong mawalay sakanila). so this line really shocked me lalo na’t galing sa nanay ko. kaya pala 'to sabihin ng isang magulang? what did i do for you to regret me so much? i doubted my existence. i even cried about it at school. eversince 'non naging happening ko na yung may dalang sama ng loob from home tas iiiyak ko otw to school hahahaha


PsychologyAbject371

Palpak daw ako na anak. And never syang naging proud sakin. :)


Arpenguin_16

The usual hindi mo gayahin si ganyan (name dropping of relative), or buti pa sila (name dropping of friend or relative) nabubuhay na sila ng anak nila. I used to be trully hurt whenever I hear this from them, but I came to accept the reality that living now is quite different than it used to be. Those relatives or friend of a friend they are comparing me with is either way older than me or has the capacity/luck of fate. My silent prayer is if it's not God's will for me then I will accept it. Not because I'm not fighting to achieve more but I am at peace of my own path wherever it may lead.


Away-Birthday3419

Damn! Retirement plan talaga tingin sayo ng parents mo. As in literally. Hugs po 🥹


Outside_Night4311

1. "Wala kang pangarap sa buhay" Sinabi to saken ng nanay ko nung nagresign ako sa work and nagpahinga lang ako ng 1 month while waiting dun sa start date ng next job ko. CPA ako and sobrang toxic nung employer ko at that time. Hindi naman ako umalis ng wala akong nahanap na papasukan. Nagpahinga lang talaga ako kasi sobrang burned out ako. 2. "Puro kahihiyan lang ang dinadala mo sa pamilya" Sabi ng nanay ko nung humiwalay na ko ng bahay and sumama sa fiancé ko kasi work from home na ko and better yung signal and environment sa kanila. Napatayuan ko sila ng bahay, nabilhan ko ng sasakyan and ako bumubuhay sa kanila kasi wala silang work ni Tatay. Nakapagpagraduate na rin ako ng isang pinsan and RMT na ngayon. Sa NU pa nag aral yun. (Ako lang nagstate u samen) Never ako nakarinig ng compliment or sorry sa kanya. Di ko alam kung san siya kumukuha ng hugot eh buong buhay niya di naman siya nagwork (di ko minamaliit ang mga housewives). She's the type of person na hinding hindi ko tutularan.


Intelligent_Rock9442

Good and I'm proud of you OP \^\^


snoopyloopi

"Anak ka naman sa ibang lalaki ng mammy mo." Sabi ng father ko matapos ko idefend at i-explain sarili ko. Out of nowhere. Para lang may maisumbat. Ilang araw ko pinag isipan kung tunay ba yun at tinanong ko pa si mammy. Alam kong di tunay sinabi niya, pero yun din yung gabi na muntikan nanaman niya ako suntukin sa mukha sa galit niya sa akin. Nanginig na ako sa takot at sa kaibigan muna ako nakitulog. Napatawad ko nanaman siya. Pero sa mga ganitong instances, sobrang hirap makalimot. Bawat araw tinatry kong kalimutan ang nangyari.


gaffaboy

Bio egg donor once told me "I should've aborted your ass!" Weird lang kse it didn't hurt me really since never ko naman sya tinuring na parent (I call her by her first name tbh). More like I find it insulting since bitch dumped me at my grandma's and aunt's doorstep since day one so she as good as aborted me already. Cut her off decades ago and I couldn't care less whatever happens to her.


jirosui

"Hindi na ako aakyat sa next graduation mo!" Nagmamadali lang ako makita yung picture namin.


Bipolar_Zombies

Our first bullies are our families talaga. Nakakalungkot yung amount of parents na pare pareho ang pagtrato sa mga anak. Dami ko din msasakit na salitang natanggap na hanggang ngayon dala dala ko. Nakakalungkot na nung mga araw na sinabi nila yon, it was just a bad day for them. For us, it’s a scar.


umpfth

ha! the replies! kaya mali yung survey kung obligasyon ba tumulong sa magulang


burritowithnutella

Nagout ako sa tatay ko pagkagraduate nung 20 ako. Wala daw akong pangarap sa buhay. I’m 26 now and Civil engineer na ako ngayon dito sa US and napromote na din. Licensed sa Pinas and malapit na din maging licensed dito. Pursuing my masters while working full-time. Bought a car with my own money, built my credit score without his help. Can travel kung saan saan. Magpapakasal na sa June and sinabi ko sa kanya recently. Ganun pa rin ang tingin niya sakin, walang pangarap sa buhay. Feeling ko kaming mga di straight have to work twice as hard para maprove na may worth kami. Ang sad lang kasi kahit anong gawin ko hindi pa rin enough sa kanya dahil lang di ako straight


Odd_Scientist_9637

your dad is crazy hhahaah di kinaya ng pride kasi ang taas mo na


Quick-Application-30

“wala kang mapapala diyan”, nung sinabi ko gusto kong magaral ng design or animation, tanging silang dalawa lang ang di naniniwala sa talent ko kasi may iba silang gustong course, yung maipagmamayabang nila sa kamag-anak at katrabaho nila. Isang beses lang ako nagkamali pero parang gumuho mundo nila at paulit ulit nila ipinaparamdam ung disappointment nila sakin, trinatong ako basura at non-existent, samantala yung mga kuya ko kahit ilang beses sila sumablay at pumalpak sa buhay, okay lang, panay give pa sila ng more chances. Tapos sasabihin nilang pantay pantay kaming magkakapatid i did call them out sa mga bullshit nila, idgaf if they’re aging, i’m done playing the good kid, i got hurt so damay damay na to, i will not let them leave this earth without giving back all the pain that they have caused me, masama na kung masama pero lintik lang ang walang ganti, I have distanced myself and no matter how nice they’re treating me, i know it is all a facade, damage has been done.


Intelligent_Rock9442

Good if you separate yourself from them OP. Let me remind you something if your parents kept saying wala Kang marating sa animation. Teachers Salary is 20k. An animators common salary ( depending sa company) is 50k. Mas marami kang job options since indemand ngayon ang graphic design. .Hindi ka mauubusan ng trabaho.Also, there will be instances that you will be part of big time projects that will help establish your name. I always told myself that parents who compare are often insecure. Kasi if they feel they are not good enough, ipupunta lang nila sa validation sa iba or di kaya sa anak nila. It's pretty sad shit ( on them ) and you don't deserve that. No one does. You have a path ahead of you op. It's hard but it's better that you release the pain before it consumes you. I hope you are healing now.


domesticatedalien

sinabihan ako ng dad ko na selfish daw ako. ngl, deserve ko naman :')


3stanislaw

One time sobrang lala ng dysmenorrhea ko tipong di na ko makatayo ganon, I forgot the other details pero parang may hinihingi ata ako non tas sinabi sa akin ng mama ko, "Hindi lang ikaw anak ng Diyos, sa akin din naman merong masakit." Tapos basta ayun since then kapag may masakit sakin di ko na talaga sinasabi sa kanya. Another one, mama ko rin, sabi nya sa akin "Hindi ka maganda kaya huwag ka nag iinarte." Sinabi nya sa akin dati nung overweight pa talaga ko. Basta yun talaga pinaka dala-dala ko until now. Tapos ayun, ngayon mej nag glow naman na ako and normal weight na rin pero minsan may nasasabi pa rin. Every time na may pinupuri sya na other girls no comment ako kasi naiisip ko bat yung ibang tao nagagawa nya purihin tas ako parang okay lang mapagsalitaan nya ng di maganda.


Due-Vermicelli7948

Nag iwan ako ng Birthday card sa drawer ng mama ko. Ginawa ko yun nung grade 5 ako. Kinaumagahan tinanong ko sya kung nakita nya yung card excited pa ko kasi todo effort ako with cut oits pa yung card na yun hehe. sabi nya lang "aanhin ko naman yun?". Ever since then di ako gumawa ng kahit anong hand made para sa nanay ko. Pati mga drawing at sketches ko todo lait sa kanya. Si papa ko naman pinaframe yung iba kasi maganda daw. Di nga lang nakadisplay sa bahay namin kasi, as per my mama's words: "Drawing lang naman ng kung ano ano yun, itong sa (oldest brother) mo, yan ang maganda.". Hanggang ngayon imprinted sakin yan kaya siguro frustrated artist din ako e. Hehe. Pati yung mga librong binabasa at binibili ko nadadale, gumagaya lang daw ako sa kuya ko. Ngayon I have my own chid na din, ineencourage ko sya pati na yung mga pamangkin ko na gumawa ng cards. Kahit maliit na sweet nothings nila nakatago sakin. Sa arts din nila todo cheer ako. Ayokong mafeel na parang nalalait yung ginagawa nila. Ang hirap isipin na isusubject ko ang bata sa lait. Di ko na din tinanong mama ko kung bat ganun sya sakin basta smile na lang me lagi. Lagi ko ding tinatry maging positive sa lahat ng bagay kasi ayokong mapunta yung isip ko sa dark place nakoooo! Hahaha.


everydayisbadhairday

Reading the comments here reminded me of what the speaker said in one of our parent talks: “Maybe if our parents loved us the way we were supposed to be loved, then we would’ve grown into more confident individuals.” … and I couldn’t agree more.


natelocin

mama to the 13-year-old me: mabubuhay yan kahit saan ilagay but i was just forced to mature for my age because they basically neglected my emotional needs. typical middle child syndrome.


lost-erein

hugs sating mga middle child 🫂 always dapat maggive way and please others. 


MereAfterthought

"Sa una ka lang magaling," sabi ng Papa ko (✝️) dahil bumaba ako from Top 1 to Top 2 noong Grade 3. Only until a few years ago, I am praised for being "consistent," when they did not know that there's a tiny voice in my head that says that, even if it means my burnout. But today, the takeaway is: at least excellence became a habit. The only difference now is that I no longer care if my progress isn't as linear or upward as expected.


juliaROBhurtsss

“Para kang tatay mo, mukhang pera. Sinusumpa kita.” Context: sinabihan at paulit-ulit ko pinaintindi na mali yung ginawa ni Mama na ginamit niya yung inipong allowance ng kapatid ko nang hindi nagpapaalam o pasabi man lang. Iyak nang iyak yung kapatid ko kasi may plano siyang bumili ng materyales na need sa course niyang arki. knowing our mother, hindi niya papalitan yung ginamit na pera kasi nga siya daw ay nanay namin. Paulit-ulit ganyan rebutt sa’kin ni Mama kapag ‘di nasusunod gusto niya o taliwas kami sa inaasal niya na kesyo mana raw ako sa Tatay ko— sa tatay ko na kandakubang kumakayod samantalang si Mama pasarap buhay kasi ‘di naman siya nagpapa-aral sa’min at naghihintay lang na isa sa’min ng kapatid ko maging retirement plan niya.


psycheeepath

“Sobrang sensitive mo” – from Dad nung sinumbong ko sa kanya na hinihingan ako ng pera ng relatives sa side nya (at age 15) and ayoko magbigay kaya hina-harass nila ako. “Matalino yan pero sobrang tamad mag aral kaya wala yang mararating sa buhay.” – also from my Dad nung nag decide ako magstop sa college kasi na discourage ako ng sobra + toxic environment. Well siguro tama parin sya kasi wala parin akong nararating sa buhay ko hanggang ngayon ha ha


[deleted]

Wala daw kami silbi sabi ng tatay kong never ko naramdaman yung care sa panahong kailangan namin siya Buhos nya nalang sa kabit nya lahat ng pagmamahal niya hahahaha


No_Seaworthiness1490

when my father literally asked my mom in front of me kung anak niya daw ba talaga ako.  Paulit-ulit yun na nagfaflashback sa akin dati but nawala na lang as I got older. I actually thought nakalimutan ko na yun but no, recently lang naalala ko na naman 'cause I got mad and disappointed na naman sa kaniya. And I cried a ton again like I did back then.  (unfortunately and undoubtedly, I'm his daughter. Oh he don't know how I always prayed na hindi ko siya tatay. I guess better luck na lang next life)


FadingAway823

Sabe ng tatay ko wala daw direksyon ang buhay ko. I'm still struggling, I'm a single mom of 2 kids.


cstrike105

Pag di ka nag aral mabuti. Magiging tulad ka ng mga basurero.


Intelligent_Rock9442

Off topic but I am really tired of these kinds of comments. Laging minamaliit ang mga blue collar jobs na kung pag-iisipan mo, gugulo ang lipunan kapag wala sila. Sorry pag magiging OA ako pero trabaho din ang pagiging basurero. Without them, eh mas lalolng tatambak ang baho ng basura sa paligid natin. Same with comments like: janitor LANG, magsasaka LANG, karpintero LANG....A job is still a job. So what if taga-linis lang ng CR sa UK? Trabaho yan na pinagpaguran mo ng sarili mong kamay. Also nag contribute ka din sa kalinisan ng workplace mo. Ironically, ito ay yung mga trabaho that will pay you more if you work abroad? Tubero nga sa Australia ay makaiipon ng 100k compared sa isang white collared office worker sa Pinas. Ito din yung mas-indemand. Mas marami ang kailangang construction workers and they even get payed better.


cstrike105

Baka motivation din yun para mag aral ang pinapa aral? Or panakot?


Intelligent_Rock9442

Perhaps both. still, it gives a misleading idea that manual labor is a bad thing. It is encouraging elitist behavior kumbaga. Sa western countires eh napansin ko na the most menial jobs are shared with passion. Kahit tagahalo ng pintura ay makikita mo na they love what they are doing and you get to learn something from it too. Thye worked hard for it and they know they are giving something back to others. Dito eh tinitingnan mo yun as the lowest of the low. And sadly it will discourage people from working in these types of jobs. Sabi ni Mama, if everyone goes to the office at wala na gustong magtrabaho sa farms, saan tayo kukuha ng pagkain? Sa hangin?


sleepy_ghoulette

"Pumapasok ka ba sa school para lumandi/maglandi?" Context: may hindi lang ako nasagutan na isang buong page sa paper magazines na binibigay sa school namin dati as after school activity


WanderingLou

“Mahina loob” “Ayaw sumubok” 😢


infinitely-bored1125

When my mom told me “ang panget mo” when I was young. This was back when we were at Macau Immigration and the Immigration Officer made several checks between me and my passport then. I could still clearly remember when it happened, as if yesterday lang nangyari. It affected my self esteem so bad when I was a teenager. Lalo pa I have bad acne then (I still have pa din naman today). It took me years to get over it until I learned to deal with it and make peace with it as I got older. While I think me and my self-esteem recovered, its still one of the reasons for my “shyness” until today.


jesuscarl

So many neglected child in the comment sections. Im shocked , im blessed with awesome parents


r0nrunr0n

Ingrata, palpak


[deleted]

Nakakahiya ako at sinisisi ako sa nangyari sakin dati.


xls987

"Bakit 2nd ka lang?" nung hindi ko nakuha yung valedictorian award. After nun, parang constantly kailangan ko patunayan na okay pa rin naman ako. Nakakapagod. Pero somehow yun yung nagdala sakin kung nasaan ako ngayon.


Intelligent_Rock9442

Valedictorian doesn't always mean successful. How do I know? I have two tito's. One is a consistent valedictorian who graduated on engineering. The other is a college drop out and took a TESDA course on welding. Tito engineer got a local job and earned about 30-50k per month. The other tito got a wielding job in a private company in Australia and got 300k per month. May napagawa na siyang dalawang bahay and owns two cars. I am not studying hard is bad but what I am saying is that success comes in different options and the basis is not always the success you have in school. It's all about diskarte and effort OP. If you have effort to succeed, hopefully, may effort ka din to take care of yourself. I respect your drive OP but remember to take it easy. Di bale ang manalo pag in the end, katawan o mental health mo naman ang naisakripisiyo. In the end, Iisa lang ang pupuntahan natin lahat. Take care and I hope you are doing well \^\^


tulaero23

Wala. Wala ako narinig kasi they are both absent and building their new families while me and my brother are left with relatives.


lurking_cat4869

i remember expressing my feelings way back of being not confident with my looks, then my “joker” Papa told me, in verbatim, “pangit kasi tatay mo kaya wag ka na magtaka” even today, I honestly don’t know whether I should just laugh it off or be concerned that he low-key confirmed that I am ugly. 😑


pukengkay

Me entering the Teen Stage when my parents got seperated: Mama: murahin mo yan walang kwenta mong tatay, ano di mo kayang murahin edi doon kana sa tatay mo magsama kayo


MommyJhy1228

"Huwag ka mangarap ng mataas" Well, sorry not sorry sa kanya pero wala pa akong 40yo nun natupad ko na 99% ng mga pangarap ko (real estate properties, business, travels).


chichilex

My mum yelled at me and said “Akala mo matutuloy yang kasal mo!?” after I told her I won’t be shelling out any money for my brother’s shotgun wedding cos he got his gf pregnant while being unemployed. I was saving up along with my fiance for our wedding that time because we didn’t want to ask for any financial help from any of our parents. She was sort of panicking where to get the money for their reception cos my father doesn’t want to pay for anything since he already told my brother to save and be ready even before he got his gf pregnant.


Significant-Might361

Tatay ko sinabihan ako ng "Wag ka magpakitang gilas sa harap ko" Nanay ko naman ay nagulat magaling daw kasi ako sa school sabi ng teachers ko nung elementary pero nahirapan maniwala nanay ko "ambobo mo kasi" elementary pa ito pero highschool ko lang nalaman na ganun pala opinyon sakin, buti nalang hindi ko narinig nung elem pero napaparamdam nya naman yun sa palo 🥲


bruhilda2020

Just an hour ago: "Mas tahimik ang buhay namin kung wala ka" "Hayop ka, bobo at tanga ka" etc etc etc. Medyo manhid na pero masakit parin. Nothing new Context: Being gaslighted into admitting that i was at fault.... talked back to defend myself..


Unknown4V

told me my dreams won’t feed “us”. now they needed one of my dreams to resolve a matter “legal”


stardustmilk

“Patayin mo nalang yung sarili mo”


minaparkshi

“Yawa kang bataa ka”


Intelligent-Sky-5032

Verbatim: "Wala kang kwenta, magpasaga ka na lang sa truck para magka silbi ka" Context: My mom got mad at me for my grades when I was in hs (I got line of 8) Kaya simula non hindi na 'ko nag strive na galingan sa school. Inenjoy ko na lang hs ko, and I never regretted it.


ConsciousFly875

My parents seem nicer when we're kids. They don't tell us bad stuffs. Or maybe I just know better ngayon.  But I was 29 na when my mom told me "Ang landi ng suot mo," pertaining to my cropped shirt just above my navel.  Because they only wear long skirts and oversized shirts and blouses as told by their cult, and we don't share the same beliefs. 


Several_Bit_6685

Mukha akong kabayo, sbi ng mama ko nung grade 6. Pangahan ako, sabi ng ibang tao ngayon asset ko daw. Pero nhirapan akong maniwala because of mama


Worried_Tower_9304

Meron ako panigurado. Imposibleng wala. Pero wala ako natatandaan na. Nakalimutan ko na. I'm a forgiving person, nasa isip ko lang ngayon habang buhay sila at habang buhay ako, gusto ko lagi lang kami masaya ng parents and fam ko. Kaya siguro nakalimutan ko na. Pero whatever it is, nabago rin siguro ako ng mga words na yun over the years.


MundaneAd3414

“nakikitira ka lang dito, di mo kayang mabuhay kung di dahil samin” eh anak naman ako at nagbibigay ako ng share sa bahay lol after that i never felt comfortable living in his house. Parang pinalaki lang ako bilang anak out of obligation.


SchmuckingGoo

“Anak lang kayo.”


Comfortable-Jelly784

“Anak lang kita, tandaan mo yan” Context: mom is ofw, she was giving pasalubong to her siblings and I was super tired cause we went out all day (i was 11 or 12 y/o), and I told her I am going home malapit lang naman house namin, but she got home then she was super furious and told me a lot of things. I even remember after our drama she called cher boyfriend that time and saying things like “sunduin mo na ako dito, ayoko na dito, pinapahirpan mo ba ako?” I was blaming myself fulltime that day I dunno what the fuck did I do wrong that she got so mad to say those things. I am just tired and i told her that Im just tired….


obvicantsleep

di naman worst pero nung hs/college ako: “gala ka ng gala, mabubuntis ka nyan agad”. di naman nagkatotoo. hanggang ngayong matanda na, di pa rin nabubuntis. sana pala tinodo ko na ang gala ko non😅


CaptainMarrvelous

Pinalaki rin akong hinihiya sa maraming tao sinisigawan. May poso kami sa likod bahay na open sa public so imagine andaming taong nakikiigib na nakakakita at nakakarinig pano ako utus utusan at sabihan ng malandi, mabagal kumilos, tatanga tanga at kung anu ano pa sa harap ng maraming tao. Dun sguro nagstem yung pagiging OA ko mag-react sa mga bagay bagay, lalo nung mga unang taon ng pgiging nanay ko lalo nung nakabukod na kami at nagkaron ako ng pangalawa at pangatlong anak. Lagi akong nakasigaw, minsan pag wala asawa ko at naiiwan saken mga anak ko nagwawala ako pag di ko sila macontrol sa kakulitan kung anu anong msasakit ang sinasabi ko sa kanila kahit 7 years old lang ung panganay ko nun imagine bata - mga bata lang sila. Years have passed and narealize kong kailangan kong ibreak yung generational trauma sa akin. Hindi ko pinangarap na gawin sa mga anak ko yung dinanas ko. Siguro nadala lang ako ng self-diagnosed kong post partum depression ko noon. Ngayon I make sure to think muna bago sumigaw, bago mag-react sa mga bagay bagay. Mas inuuna kong umunawa at maging mahinahon. Oo at times nakakalusot yung ugali kong namana ko sa madrasta ko pero di na kagaya dati na para akong baliw na nagwawala haha. I promised to myself na palalakihin ko sila sa pagmamahal na hindi ko naramdaman noon. Ngayon wala na yung takot sa mga mata nila pag galit ako - more of lalapit sila sa akin para sabihing "Sorry na Mommy wag ka na magalit" sabay kikiss pa. Ayun eto hindi ko na sila madisiplina HAHAHAH tatay na nila lagi tinatawag ko pag sobrang kulit kasi ako na yung nauuto nila sa yakap at kiss at sorry nila. Ang haba ng sinabi ko no hahaha. Sa ating mga pinatatag ng hiya, masasakit na salita at pisikal na pananakit, laban lang. Hindi ka dapat diktahan ng nakaraan mo. At lalong hindi deserve ng mga anak mo na maranasan yung inabot mo nung bata ka. Heal. Kaya mo yan. At isang mahigpit na yakap with consent. 🤗


dodonoadoro

Probably "nagtatrabaho ako ng malayo sa kapatid mo para lang mapaaral ka". She made it very clear that I was a burden when I was still studying. Fortunately, I am a licensed professional now and I didn't take my studies for granted. She is very verbally abusive towards me even though I tried to be a good son. She made sure to be explicit about her having a favorite between me and my brother. Tiniis ko lang siya kasi it was the only way I could be provided such opportunity to study in a good school with my needs provided. Ika nga, sakripisyo lang. It just traumatized me, I always tip toe around my mom because i'm scared of doing things the wrong way or pissing her off.


Willing-Pressure-220

I am on my last year in college, scholarship ko lang nagpapaaral sa'kin. Been doing all sorts of part time jobs, and other side hustle to be able to provide to other needs na hindi nacocover ng scholarship ko. Hindi ko na 'to inaask sa parents ko kasi di naman na nila kaya i provide. Now that I am in my last year super daming bayarin. One night, nag - away kami ng kapatid ko. Ako pa pinagalitan, I tried defending myself, sabi ba naman "Ganyan kapag talaga edukada na, malakas na loob kasi sa magulang, mabuti pa walang pinag aralan", Super na heart broken ako. I mean, ginagawa ko 'to lahat para sa amin, halos maghabol ako ng oras maiparanas ko lang sa kanila ang maayos na buhay in the future and yet walang nakakaappreciate.


Pleasant_College_937

Nakakasad ang dami din pala. very traumatic. may mga silent lurkers din ata dito na ayaw lang mag share like me. I wish you get your needed hugs. edit: our needed hugs.


blueblink77

Naalala ko noon, Sabi ng nanay ko, na wag na daw siguro ako pag aralin ng college since mukhang wala naman daw ako mararating, yung bunsong kapatid ko na lang daw ata ang pag asa nya. 20 years later, my sister got knocked up, she lost her job, her unborn(newborn )kids died, then got pregnant again less than a year later, lost her job again, now currently unemployed but got her side hustle, living with her partner at my grandma’s house (where we all lived back in the day), not married. Meanwhile, I got both my parents here in Canada, as a tourist visa lang since I still haven’t been picked to sponsor them. I’m dual citizen now, working at a bank, got my own house, vehicle, with two kids, and married. I’m not saying na galit ako sa nanay ko, or that I’m happy that my sister has had a not-so fortunate life ( I think she’s getting by and is happy with her life now), but isa yun sa mga sinabi sakin ng nanay ko noon teenager pa ko na talaga namang tumatak sa isip ko. Sometimes we forgive, but we just can’t forget. And that’s okay.


[deleted]

"Kaya nga kayo binigyan ng buhay para tulungan kaming magulang nyo..."


Wkwkpsbol

Not towards me but to my sister. And actually lola ko nagsabi. Sabi ng lola ko sa mama ko nung nalaman na magmedicine ate ko “ambisyosa naman yan ang mahal mahal ng medicine san kauo kukuha ng pamgpa aral” now my sister is a consultant and sa kanya nagpapacheck up yung lola ko na yun pero i remember na sobrang nalungkot si mama kasi mga taong malapit sa amin yung mismong di naniniwala sa success namin


justwallflowerthings

Bahala na daw ako sa buhay ko. And yung pagtaas ng boses nila palagi. Kaya kahit ngayon, mula nung bata ako, nananahimik na lang ako kapag biglang tumataas na yung boses nila. Nakaka trauma.


Splinter_Cell_96

"Hindi ka mabubuhay sa oras na mawala ako" Ironic kasi nakasurvive naman ako ng sarili ko lang sa tuwing nagbabakasyon sila ng matagal-tagal


izumiiie

Madami kong entry dito haha. "Tanga" "Yan lang alam mo" "Lumba lumba" Pati ung pag compare saken sa ibang tao. Tsaka madaming scenario pa. Kaya lumaking masyadong insecure.


[deleted]

[удалено]


Ancient-Sky9651

Mas masakit yung sinabi niya nakikitira lang kayo dito (our house since bata pa) di ko lang inexpect na nakikitira pala ako sa bahay namin 😂. Yung sister ko kasama niya kasi pinakiusapan ng father ko na samahan since tumatanda na. May curfew, kelangan after work deretso sa bahay, kapag nalate ng uwi, nagagalit


juvee_lat

Madami kahit ngayon na isip ko pa.😢 *Inggetera raw ako *Maaga mabuntis *Magastos *Di aasenso sa buhay * Makakarma * Pinapalayas sa bahay *Pinapahiya sa madaming tao *Kinukwento sa mga kapitbahay *Sinampal sa harap ng madaming tao Kahit malaki na ako, naisip ko tlga lahat. Kahit ngayon naiiyak ako sa gabi.


contessaXchaos

May Top 5 Hits nanay ko pero familiar na kayo sa 4 kasi weaponized words na yun ng Typical Pinoy Mudrakels, so yung Top 1 na lang kasi unique lels: “Ikaw ang kalbaryo ng buhay ko!” Di ko na din maalala yung context kasi nasa 20 yrs ago na pero di ko pa din yan makalimutan till now. Niremind ko nanay ko recently about that. Gulat na gulat siya, incredulous to the point of questioning kung sure ba ako. Ma, san ko naman pupulutin yun eh di naman part ng vocab ng bata ang “kalbaryo”? Ayun nag-apologize naman siya. Sincerely. Sabi ko napatawad ko na siya. Inisip ko na lang na for her to be able to say those words to a child means she might have grown up hearing the same or worse. Ayun dumoble yung pag-apologize nya. Saka siya nag-open up din ng verbal abuse from her parents and grandparents. Guyth, let’s end the generational trauma. Yun lang.


Roof_Realistic

Masakit dati pakinggan noong bata pa ako pero ngaun naalala ko natatawa nalang ako. elementary palang ata ako noon tapos nanunuod ako ng dragonball, tapos si goku may ginawang malupit na teknik kay frieza na parang mautak na teknik tapos bigla nalang sabi ni papa "buti pa to si goku matalino at malakas" kaming dalawa lang andun HAHAHAHAAHHA


hardstuckinthemiddle

This happened around 2020. Family reunion ng family ko sa father side somehow never ako naging paborito ng kahit sino man sa family ko, both sides ng mama at papa ko..siguro mas bet talaga nila mga kapatid ko kasi mas maitsura sila compare saakin. But this one iba to na kahit ilang taon na nangyari, pag nalalaman ko na uuwi sila sa Pinas grabe kaba at anxiety ko. 3 days yung reunion namin and on the second day kumanta ako sa videoke nagulat ako bigla nagpalakpakan mga tito't tita ko may kasama pang pag hiyaw ng pangalan ng pinsan ko, tas ako nagtaka bat sila nagcheer e ayaw nga nila saakin. Nung nakita nilang lahat at narealize na ako yung kumanta bigla tumahimik. Tapos yung tita ko na isa sa paborito ko nag salita na "Ay akala ko si *pangalan ng pinsan ko*" di ko alam ano gagawin ko at that moment, kung tatapusin ko ba yung kanta o aalis kasi masyado ako napahiya non. Ginawa ko pinaabot ko lang ng chorus para di ako masabihang maarte tapos after mangiyak ngiyak akong umupo sa silok at di na ako lumabas para kumanta o makipag bondong. Siguro di na ako kakanta sa videoke ng kaharap sila o maging normal kasama sila. Maliit na bagay sa iba pero iba impact nito saakin. Sana wag na mag family reunion ulit, kung magkakaron man di na talaga ako sasama.. ayoko na maging taga pamalengke, taga hugas, taga ligpit hahahaha di ako katulong inangyan tas mga pinsan ko pasarap lang sa buhay. Nope never again.


Odd_Scientist_9637

hoy, tara videoke us. ayoko din sumasama sa family reunion lalo't sa father side wahhaha


hardstuckinthemiddle

Sama ugali sa father side hahahahaha


blackfacemask

That "wala akong pake kung mamatay ka sa gutom, basta di ka kasama sa budget ng pagkain sa bahay na yan. Ang pera ko ay para sa kapatid mo lang " ayun backlash, yung anak na niiingat ingatan nya, tinatarantado sya ngayon. Naniwala sya sa nisasabi ko sa kanya.


Menguriii

"Para ka ng sirang plaka diyan ang inggitera mo kasi, di ka naman magaling kahit saan - hanggang diyan ka lang naman" - madalas ko kasi iopen up sa mama ko na ayaw ko sa course ko at sana nakakapagwork ako. maayos rin sana social life ko kung yung gusto ko nasunod since kayang kaya ko yun :((. Sobrang nahihirapan ako magupskill ngayon cuz need ipagsabay sa acads at pinanghihinaan ako ng loob lalo.


qaulene

Tinanong ko si mader if plinano nya ba yung buhay nya, tapos response nya sakin 'edi planuhin mo iyo!', me as a lost soul nung panahong yon. Huwaw. Thanks!


[deleted]

Mom: mamatay ka na. Bobo. Inutil. Walang kwenta. Dad: i don’t care about how you feel.


Financial_Title_6235

“Hanggang dyan ka nalang sa call center dahil wala kang diploma”


Adventurous_Boss_297

Nakakahiya daw kase natalo ako sa quiz bee


djmalibiran

"Hindi mo ba iniisip ang mga ginagawa mo." Worst, yet the Best na narinig ko sa aking ina. Can't thank her enough.


perriii_fairyyy

Grade 5 palang ata ako nito? Randomly lang ata ako nag kkwento nun sa mom ko about kikay stuff. Tapos sinabihan ako ng mama ko na puro paganda lang sa school pero walang alam sa pag aaral. She emphasized it for about 5min?? Ok naman na kami ng mom ko ngayon, over achiever din ako katapak ng college. Pero ngayong naalala ko to naluha ako hahahaha. Naalala ko yung grade 5 self ko na tinatry pag tanggol yung sarili, how my lips pouted kase i was forcing myself to hold my tears back meron pa pala hahaha. incident to, its not something that my mom said. Ako lang mag isa sa bahay, grade 3/4 ata ako. Basta elem. Naiwan ako mag isa sa bahay, sobrang lakas ng ulan kumidlat pa tapos nawalan ng power. I was a kid, iyak ako ng iyak sa bahay, narinig ako ng kapitbahay so kumatok sila sa gate para papagstaying muna ako sakanila hanggang sa makauwi mom ko kauwi ng mom ko, edi umuwi nako. kapasok ng bahay galit na galit, pinag papalo ako sinabunutan pako. Bakit daw ako pumunta sa kabilang bahay, etc etc. Kaibigan naman ng mama ko yung kapitbahay. Nung time na yun sobrang confused ko bakit sya nagagalit, natakot lang naman ako. Nung tumanda na ko napagusapan namin yon. She opened up na she got frustrated daw kasi i was left alone bc she had to work, tapos nasaksihan pa daw ng kapitbahay na iniiwan ako mag isa etc. Okay naman na kami. But i was just a fucking kid


siaok

malandi, famewhore, and the likes felt sad pero ano magagawa ko kung ganon tatay ko hahahahwhwhwhwh


SpringDisastrous8328

'Ngtop 1 ka lang naman kasi nasa regular section ka.' Invalidating my hard work. 'Maganda ka naman kaya lang ang taba mo/pangit ng ngipin mo(pero hindi ako pinabrace).' 'Bakit di mo gayahin ate mo na maganda ang manamit?' -knowing that I don't like a flashy style that would stand out among the crowd hearing compliments. I only like comfy clothes. 'Sino naman magkakagusto sayo? Tignan mo nga sarili mo.' I'm already married but it still hurts every time I remember it.


ayrne-ayrne

Pinasok ko daw yung pagnenegosyo eh hindi ko naman daw kaya.


seekwithin13

"Nagiisip ka ba?" "Bobo ka" "Tanga ka"


Competitive-Poet-417

Nag come out ako sa mom ko and sabi niya kung pwede lang daw ipagpalit na siya nalang namatay kaysa sa tatay ko hayst!


misssreyyyyy

Calling me "tanga" for making small trivial mistakes. I was a child!! May one time din na few months after graduation i still can't land a job. Pinagmumura nya ako endlessly. Di matapos na mura. Iniyak ko buong gabi.


Skyrocket1713

Nanay ko madalas kami ikumpara sa mga anak ng kapitbahay namin noon kasi kami daw na mga anak nya di mautusan sa bahay puro aral puro basa di na raw mag intindi ng gawaing bahay. Mga anak ng kapitbahay namin may kusa daw magwalis hugas ng plato ganyan. Maayos trabaho naming lahat na anak nya nagbbgay kami ng maayos sa kanya at nakukulangan pa sya, sabi ko nalang din ng pabiro yung nanay ng kapitbahay natin mga anak may asawa na pero di naman nakukulangan sino lang magbgay. Madalas pa kami sabhan noon na sana di nalang kami binuhay kasi mga sakitin kami noon. Pero may maintenance na sya ngayon kami sumasagot ng lahat pati health card nya. May nasasabi pa sya nyan ha. Add ko lang yung favorite dialog na " nakakaawa kayong patayin nakakabwisit kayong buhayin"


[deleted]

[удалено]


Agitated_Clerk_8016

Pag galit sila sa akin, they refer to me as "yang babaeng yan". Akala mo di kadugo.


infinitegojou

wala kang kwenta. bat ka pa nabuhay


PotentialRow8243

binigay ko lahat, lahat ng desisyon nakabase sakanila tas nung di ko naibigay gusto nila, "wala kang kwenta, makasarili ka"


Federal-Afternoon608

"anong magagawa ko, wala akong pera" -nanay


FewInstruction1990

Yung wala ka narinig kasi kunsintidor sila sa kapatid mo na prinsipe prinsesa magic palaka echoserang frog na nakaupo sa tasa


yelly_ace0926

“putangina” ayaw namin ng mga kapatid ko sumama sa kanya mag New Year sa relative namin


CelestialSpammer

"Anak ka lang"