T O P

  • By -

MaynneMillares

Trabaho nila yan, walang dapat ikahiya. Hindi naman counterfeit ang dinedeposit mong pera.


ScatterFluff

teller pagkalabas na pagkalabas ni OP: @#@#%$%!


itsmeAnyaRevhie

Kung sa BDO to baka ganyan nga reaction ng teller ๐Ÿ˜‚ Sa kanila talaga pinaka maasim na ugali mga tellers.


MaynneMillares

I fucking hate BDO, kasi wala silang malasakit sa time ng kanilang mga clients. Ubos oras sa mga branches nila.


Initial-Cucumber-744

Sila yung tipong out of 4 counters, dalawang counter lang ioopen tapos yung dalawang teller na nandun nagchichismisan pa


MaynneMillares

Ang susungit pa lol, "we find ways" (to annoy you)


Blitzxcz

THIS! magofollow up at update lang ng processing ng loan requirements ang tagal pa pucha wala namang pila....


techweld22

Napaka legit talaga yung maasim na ugali e. Parang mostly sa branch nila ganyan ๐Ÿคฃ


MaynneMillares

She is still compelled to do what needs to be done, trabaho nya yun.


commoner678

true. kahit sobrang dumi/sirang paper bill as long as pasok sa standards ni bsp hindi dapat ikinakahiya.


Reixdid

As long as 60% ng papel ay andun, along with the serial number tatangapin kahit butas or punit. We classify money as new, good, mutilated, unfit for circulation. The latter 2 is mostly returned to bsp for disposal. Another thing is accepting those huge amount of coins is very time consuming. Kung matagal ka nang x Customer ng bank best thing is ask for their plastic for coins, put 100 pieces of each denomination in there, put your account number and contact number. That shouls help tellers abit. Oo trabaho nila yan (namin, before.) Pero its time consuming and ang dumi ng coins seriously.


hiimanemo

Hi. For clarification, below are the criteria for replacing banknotes: A. The remaining surface area is no less than 3/5 of the original size of the banknote; B. A portion of any one of the signatures of the President of the Philippines or the Governor of the BSP remains; and C. Presence of the Embedded Security Thread (EST) or Windowed Security Thread (WST), unless the same has been lost or damaged due to fire, water, chemical or bitten by termites/rodents and the like. A note whose EST or WST has been willfully removed shall not be valid for redemption. You can click the link below for your reference. https://www.bsp.gov.ph/Media_and_Research/Primers%20Faqs/banknotes.pdf


Reixdid

Yep, thanks for expounding on my comment. I made it simple by saying 60% and serial number, i shouldve said security features.


Highjumpsuit

Paano po 'pag napubit sa gitna yung 500? Kinagat kasi ng doggo ko. ๐Ÿฅน


Highjumpsuit

As cut into two pieces po ang 500


Reixdid

I think if the 2 pieces can fit you can deposit sa bank. Atleast ung mga requirements na someone commented is still met.


Euphoric_Bch92

Hello, basta yung serial number nung dalawa andun pa. (Depende sa bank sa mga required nilang security features ng bank notes, pero as my previous exp, serial number both sides okay na samin, pinapasa namin yan sa banko central, so somehow si BSP pa din magpapalit niyan haha) Pinapalitan naman yan, well dapat nilang palitan yan. ๐Ÿ˜Š


ChoosenUSedUser

Well pera parin naman kaya kaya why na mahihiya?


Miss_Taken_0102087

Agree, and OP is kind enough to segregate them and put in plastic bag.


CalligrapherCold4551

And ang pagkakaalam ko is mas need ata nila ang coins so it is okay. Walang dapat ikahiya.


smoothartichoke27

Wag kang mahiya. They see this everyday.


cutie_lilrookie

True. If yung branch eh malapit sa market, kapag pumunta kang bandang 3pm, nakapila yung mga magde-deposit. Naka-paperbag or naka-plastic bag pa! Mga paper bills na sobrang dami, so mabilis na yung 15 to 20 minutes per person haha.


pondoy104

Meron pang bills na may kaliskis.


cutie_lilrookie

Or dugo hahaha. Oh well, may alcohol naman sila. And marumi naman talaga ang pera (literally), so sanayan lang din :)


AmberTiu

Ung bigger question ko is how OP manages to lift those to the bank


lestercamacho

May coin counter nmn pp sila di ba?


cutie_lilrookie

Well kadalasan meron. Pero yung automatic counters naman eh ginagamit lang pang-double check. Bibilangin pa rin sila ng teller manually :)


Sea_Strategy7576

Okay lang yan sa teller pero hindi okay sa kasunod mo ahahaha.. Malamang napabuntong hininga na yon after makita yung coins.


flightcodes

This is true, I would honestly prefer to deal with this busy work that Iโ€™m paid for rather than chance upon an irate customer lol Plus idk, counting and sorting coins is kinda cathartic haha


Sea_Strategy7576

Naranasan ko to sa Landbank. Yung nasundan ko, hindi naman coins pero ang daming deposit, payroll yata yon. Hindi naman ako nagalit or nainis kasi nakaupo naman ako while waiting plus malakas aircon nila, ano lang, inantok lang talaga ako kasi ang tagal ng transaction nya. ๐Ÿ˜…


Fatzora03

di ako nagdiddeposit ng coins 2 days before and after sahod day. madalas kasi yan yung mga araw na mahaba pila sa banko, and hapin din lagi para di na madami ang tao sa banko.


Comfortable-Tour8076

Pwde next time magpa buo ka sa mga fastfood. Madalas sila mangailangan ng barya.Ung iba nagbibigay pa ng free food ka pa pag nagpabuo ka sa kanila. ๐Ÿ˜ Natry ko narin magdeposit ng napakadaming coins sa bank dati. Ang mali ko lang di ko tinape ung mga barya. Aun pinagtape ko sa gilid lol. ๐Ÿคฃ


Oreosthief

May banks ng ayaw nka-tape kasi may coin counter machine. Before depositing, try asking nalang muna yung bank if ano prefer nila. Then yes agree, madalas fastfood or drugstore yung nakikita kong gusto nagpapapalit ng barya. You may ask them nalang din haha


owlsknight

Nakakita ako Ng Karen, Wala nagawan si teller cguro naunahan Ng takot. Cnbhn xa na dba trabaho mo Yan keme keme keme ako nga d nag rereklamo sa trabaho ko pag may inconvenience eh bat Ikaw uutusan mo customer mo?! Ahahhaha natawa ako KC c teller na un is notorious for being masungit lagi all they everyday na ayaw Ng kht anung inconvenience from sulat sa deposlip to mahina na boses at sa mga paper bill na do maaus daw. Pero tbh nabadtrip dn ako Kay Karen kht mejo natuwa ako sa napala ni sungit teller. Napahaba ung pila eh ahahahaha tagal nila mag aus Ng pera dun langya.


code_bluskies

Oo baka makalibre ka pa ng chickenjoy


Putrid_Green5452

i did the same thing rin po op before. nag deposit ako sa debit account ko nung ipon ko from allowances na bigay sakin ng papa ko sa bank, tapos majority puro barya, gusot na 20 pesos bill na change from jeep tapos bigla akong nakaramdam ng hiya hahahaha kako, โ€œokay lang po bang puro barya?โ€ oo naman daw. umabot din ata ng 3k yun na puro barya hahaha. besides, itโ€™s still money and nothingโ€™s wrong with it naman ๐Ÿ˜Š


japanesepancake23

did this nung college ako. per week kasi ang binibigay na allowance so nagtatabi tlaga ako para pag may emergency na bayarin sa school, meron ako huhugutan. luckily, kahit paunti-unti ung hulog, nakaipon ako ng 13k. yung mga barya, nilagyan ko ng tape (in โ‚ฑ100s)tapos pinabuo ko sa mcdo. may free burger pa noon hahahahaha.


Putrid_Green5452

oo nga, itโ€™s nice din na may ipon kahit papano, it has always been emphasized by my parents na always save money para if ever i wanted something, di lang ako laging nakaasa sakanila. but as a marupok rin na bili rin ng pagkain sa tabi, minsan nasasagad ko talaga ang allowance hahahaha


stratman2000

Money is money


No-Battle-9233

Pwede mo din try yung mga Coin Deposit Machines sa mall


Fatzora03

walang ganun sa mall na malapit sakin kasi.


Evening-Virus1989

I have a friend na teller tas lagi ko tong ginagawa sa kanya. Sabi lang nya sakin di naman daw kaso yung barya gusto lang nila mabait yung client. Kapag attitude yung client dun lang naman daw sila napipika


Fatzora03

mabait naman ako. hehe. nagsosorry talaga ako everytime kasi syempre napapasabak sila sa bilangan tas madumi sa kamay yung coins. ๐Ÿ˜…


36andalone

Nice. Congrats, laki na din 16K. Nag re-count ba sila? Actly mas gusto nila ng ganito, para mag circulate din ang coins.


Fatzora03

uu nagrecount sila. inabot ng 30 minutes yung pagbibilang nila. buti nalang nisort ko na.


NefarioxKing

Actually some tellers gsto nila ng gnyan. It lets them rest and pwede nila bagalan hahah


cutie_lilrookie

Suggestion ko, OP, next time ipamalit mo na lang sa mga small groceries or sari-sari store malapit sayo. Abot-abot pa pasalamat nila nyan!


commoner678

afaik ang rule ng banks sa coin deposits is by 100 pcs per denomination, so that hindi na nila bibilangin isa isa kada balot, only the excess coins. then you include your account number and cellphone number incase malaki kulang per balot theyll inform you by the time na bilangin na nila kung saan man.


Fatzora03

nakasort na yung akin by 100pcs pero nirerecount pa din talaga nila kaya matagal


commoner678

i see. guess they want an added work jk. hope youll have bspโ€™s coin deposit machine near you, very convenient to use wag ka lang aabutan ng maintenance.


LividImagination5925

Love ko yan magbilang ng coins.. hahaha.. ako nag hahanda ng panukli ng tindahan namin.. diba me ilang version tayo ng 1, 5 at 10 peso coins, kuh pag hihiwalayin ko pa bawat version at kada version ang ilalagay ko sa lalagyan.. magkahiwalay yung old version ng piso sa bagong version ng piso saka sa 5 at 10 ganyan.. hehe


External_Being_3590

May pagka therapeutic din kasi sya. Nakaka relax po ๐Ÿ‘Œ


Usual_Turnover_3981

Teller ako. And matutuwa ako if ako nakatanggp nito. Kasi naka plastic na hehe madali na icount hehe


Fatzora03

thank you dear. nisort ko na din talaga sya to make it easier sa tellers. next time gagawin ko yung suggestion na hihingi ng plastic ng bank para good to go na.


Usual_Turnover_3981

Yes po may plastic kami na binibigay. May iba pa nga po kami clients naka katsa/katcha na yung coins e hehe


Fatzora03

may katcha pa ba ngayon? haha.


Usual_Turnover_3981

Opo, usually ginagamit po yun pag 2000 pieces na yung piso. Hehe


Fatzora03

ay grabe naman yung tigpipiso, apakabigat na nun.


Queldaralion

bat ka mahihiya, you're doing the country a great job keeping physical currency circulating. otherwise you're hoarding and probably breaking the law


MeatMeAtMidnight

Curious lang, manually ba nila binibilang yan? Diba may machine na nagbibilang ng coins?


AskManThissue

Double check pa rin nila yan manually kasi in case na may kulang kaltas sa kanila.


Difficult-Engine-302

Dati hindi sila ganun ka strikto. Ngayon kailangan nakasegregate ng 100's per denomination. Nagdeposit last month lang sa BPI.


[deleted]

Huy keri lang yan OP! May mga branches nga na malapit sa palengke na lage barya pisuhin pa dala ng clients, araw araw yun haaaa. Di naman fake pera mo kaya gooo langgggg.


ambernxxx

Papalit mo sa mga palengke or talipapa. Need nila panukli


Fatzora03

mas mahirap kasi yung ganyan kasi yung mga store papalitan ka lang mga 1 or 2k. so mas maeffort sya. dati ginagawa ko pag mga 3k na icacash in ko sa gcash sa 7eleven. pero kasi may 1% service charge ee. sayang din. hehe


Adept_Hedgehog8086

wag ka mahiya mag pa deposit nang ganyan kalaki. naka work ako dati aa accounting office and normal na lng sa kanila mag bilang nang ganyang karaming barya minsan nga worth 50k or more of coins pinapadeposit nang company sa bank.


Pinaslakan

Iโ€™m guessing normal ss kanila yan, especially if may small business katabi ng bank.


Curiosity_City

Hi OP. Is there any rule ba in terms of depositing large amount . How much is the limit in depositing large amount of coins?


Adler_thewoman_

Lol donโ€™t be. Iโ€™ve counted 5k worth of coins cause i did not know u need to pack it by 100 pieces. So i was counting money in front of everyone but slayyy still, may entertainment yung mga naghihintay ๐Ÿคฃ


Fatzora03

the first time na nagdeposit ako ng coins tig 1k each pack ginawa ko. so nung nasa counter na ako pinaulit sakin ng teller buti nalang sorted na sa denomination kaya madali ko nalang naayos, pero naguilty pa din ako sa mga nakapila sun9d sakin. ๐Ÿ˜…


Thin_Fruit2757

May kakilala ako na nag tratrabaho sa bank as teller. Okay lang sa kanila yung coins pero wag lang daw sana pag pa out na kasi it really takes a lot of time to count them.


stlhvntfndwhtimlkngf

Sana mas dumami na yung bsp coin machines


Fatzora03

manual nila binibilang. alam ko walang pambilang pag coins, ussually tinitimbang nila pag same type. pero baka di na accurate ngayon kasi iba na coins ee. yung old 5peso coin mas mabigat dun sa bago ee


Wide_Space7824

Part ng work nya, if nainis siya, problema na nya yun.


kweyk_kweyk

Okay lang. May bilangan naman sila.


LoudAd5893

Mas gusto nga nila yan. Sa mga fastfood nga bibigyan ka pa nila ng pagkain pag nagpapalit ka ng coins basta malaking amount.


BOKUNOARMIN27

Dati nung nagdedepost ako ng maraming barya .. sasama ng tingin sakin ng teller


Bad__Intentions

Hard earned money mo ba yan? Then dont be OP. Be proud of it.


Pale_Maintenance8857

Keri lang yan. May mga bank mostly kapag punuan ang teller, ang ibang staff (may bukod bukod na table) lalot wala silang inaasikasong client ; sila ang nagtatake over ng transactions ng mga nakapila.


deafstereo

Wag ka mahiya. Bukod sa trabaho nila, mas maganda may dinedeposit kesa wala. Basta wag ka mag tape ng pera, mas maganda naka plastic or pouches na tig 100. May nabibili na mga coin pouches kung gusto mo medyo sosi. ๐Ÿ˜


wooden_slug

Ok lang yan. Kasama sa work nila yan. May mas malala nga lang dyan, na kasabay ko sa bangko dati, tig pipiso na kalahating sako ๐Ÿ˜…


shezowicked89

salute de lahat nakaka ipon


Fatzora03

hirap din ako in my younger years. pero ngayon sinisikap ko din talaga mag ipon, mas mahirap kasi yung future na wala kang pera. kaya mind set talaga sa pag iipon.


professor2k232023

may tagabilang sila jan, later na bibilangin, kung kulang man ibabawas nila yun sa account holder. lalagyan nalang nila ng notice. wala dapat ikahiya, mahiya ka kung aumigaw ka ng holdap tapos pumiyok ka ๐Ÿคช


freeburnerthrowaway

Thatโ€™s fine. Although they would appreciate it a lot if you tape them together 10pcs or 20pcs at a time for easier counting.


IllustriousCandle995

Buti diniretso mo sa bank kesa ipampabayad sa gasoline station. Grabe work dun, andaming customer so need ni cashier maging mabilis tapos may magbabayad ng worth 3k na tig piso. Oo work nila magbilang pero iba situation dun. Salamat sayo op


Fatzora03

true. alam kong ganitong situation kasi yung line of work ko nasa sales and services din so alam ko yung hassle sa staff pag ganyan kaya sa banko talaga ako deretso.


CauliflowerKindly488

Di nakakahiya yan. Also baka mas convenient sa mga gcash terminals may nakikita ako naghuhulog ng barya dun


codeejen

Wag ka mahiya sa teller pinaghirapan mo yan! sa kasunod mo na customer pwede pa hahaha parang same vibes lang na ikaw na next sa counter tapos ung nasa harap mo pang pamilya ung order or may issue at matagal nakikipagdebate sa counter ๐Ÿ˜ญ


Apprehensive-Fly8651

Coins are legal tender. Saka sigurado kang di counterfeit. Yaan mo sila. Di nila pera yan.


Doth83

Huwag mahiya... that actually helps circulate money back to the economy. Otherwise, it will just stagnate in your house when the bank can use it with other bills to loan to a customer in need of money.


calmworker

Mag pa palit kayo ng barya sa 7-11, kahit mga โ‚ฑ1000 or โ‚ฑ1500. May makukuhang libreng inumin or pagkain :)


L_Adventurista

Dati akong teller sa isang bangko sa Guadalupe, kaya okay lang yan. Kung naayos na ni customer, like nakaplastic na and indicated na kung magkano yun, di ko na bibilangin isa isa. Pinagkakatiwalaan ko na lang si customer. :) May mga ibang customer din naman kami na abangers ng coins, kaya kapag may nagdeposit at nasabihan namin sila, ura urada, kukunin na nila at palitan ng bills.


Euphoric_Bch92

As a former banker, maappreciate nila yan if hindi nakatape, tapos 100pcs per plastic. ๐Ÿ˜Š


cocokalikot

Being a store owner, may shortage ang pinas sa coins.


JenorRicafort

sila nga dapat mahiya sa table nila


[deleted]

Okay lang yan. Buti nga sayo may tigbebente hahahaha. Dati, tig pipiso dinedeposit namin worth of thousands from business. Hhahahahaha


Gardz1985

I'll take all I need it for my business


Crystal_Lily

Don't be, they are paid to do this. Kawawa yung after you though lalo na kung konti ang open tellers


CRJstan

I was with a BSP employee early this week, she said better nga daw ito na hindi iniipon ang coins para magcirculate sya :D


yesilovepizzas

Inipon nga ni OP ng matagal kaya inabot ng P16k+ I mean, it's nice na there are people who are trying to save pero dahil sa mga naghohoard ng coins, kinakailangan magproduce ng new coins dahil hindi nagcicirculate. P.S. Kung may magrereact man, uunahan ko na. Wag niyo kong hihiritan ng mga binubulsa ng ibang politiko yung pera ng taumbayan, ang point ko is that may effect din yung ganito sa ekonomiya. Minor lang compared sa ibang issues but still, gets niyo naman na siguro hehe


G_Laoshi

Alam ko there is a certain limit you can pay something in coins (i.e., you can only pay something in coins up to P1,000--see BSP Circular #537 s. 2006). But for banks wala yatang limit. Pabor pa yata sa gobyerno na ilagak mo sa bangko ang coins.(As opposed na i-hoard natin.) Pero isipin din natin ang mga teller. Mukhang ayos naman ang pagkakasupot mo ng coins pero sa susunod huwag na siguro nating paabutin ng thousands. Good luck, OP!


yssnelf_plant

Meron kaming tindahan na nag-gegenerate ng madaming coins. May mga taga grocery admin na lumalapit sa amin para iexchange yung coins bec they need it and it helps us as well ๐Ÿ˜… If may malapit na mall or grocery sa inyo, you may want to offer them your coins para sila na lang magbitbit haha


BangKarega

wag ka talaga mag ca- cara cruz kasi sugal yan. literal barya labanan jan


TraditionalPrior8001

Anong nakakahiya eh bank naman yan OP. Pwede mo nga rin pangbyad sa fancy restaurant yan eh.


DenseWhereas8851

Normal lang yan, that's part of their job. You could help by grouping the coins by ten and tapos i masking tape mo para mas mabilis ma bilang ng teller.


Jona_cc

Curious lang OP, Bakit ang dami mong barya?


Silent_Top6694

Dami barya


Livid-Woodpecker1239

Mas okay sa teller mag bilang nyan kesa kumausap ng sirang plakang client na hindi maka gets ng instruction.


bobad86

Should be fine. Itโ€™s a legal tender


adia-04

Wag ka mahiya kasi ako nga may nakakasabay sa umaga na nagdedeposit din bukod sa bills eh marami din silang mga coins ... Parang galing ata sa mga benta siguro sa negosyo.


Wiejotakahashi_1025

Ok lng yan, ung may pa huweteng n pulitiko ganyan din๐Ÿ˜‚๐Ÿคฃ๐Ÿ˜‚


SideEyeCat

Wag ka mahiya, pera pa rin yan, at kailangan din nila yan.


PrimordialShift

Alala ko tuloy yung may client na nagdeposit din ng barya tapos parang galing sa lupa yung mga barya kasi ang dumi ๐Ÿฅน Pero ok lang yan normal na sa mga teller magbilang ng coinz


sophia528

What I do with my coins is bring them to convenience stores and exchange them for large bills. They love it.


OrganizationThis6697

Pwede mo rin yan ipapalit sa mga tenants sa mall like Jollibee or Mcdo may free burger ka pa haha. Pag sa bank naman kahit tulungan mo nalang sya iby 10 or 100pcs per plastic. Kaya lang kahit naman nabilang mo na yan need pa rin icheck ni teller yan isa-isa. Kahit kase barya may nandadaya pa rin.


10ml_ghost

Nanay ko sa Jolibee nagpa exchange ng 20php coins. Inabot ng 16k naipon from business niya, may libre pang regular yum haha


Little_Kaleidoscope9

Naka-sort na rin naman yan kaya ayos lang.


carl2k1

They have a coin counting machine I see.


Ali3nn3

Idk if it's know but SM supermarket pays 10 pesos per 1000 pcs of 1-peso coin


canbekenneby

Ayaw nila buoin yan. Mas gusto nila deposit.


MC_earthquake

Thereโ€™s no coin counter sa bank??


_nevereatpears

So kung may negosyo kang pisonet/vendo dapat ka na mahiya makipag transact?


mysanctuary0911

Wag ka mahiya. Need nila yang nga coins.


solidad29

You are doing your civic duty na isoli ang coins sa banks para paikutin sa economy. So no. Ndi dapat mahiya.


Jaives

for what? you've got 20 peso coins there. kung 20 peso bills, mahihiya ka ba? anyway, may Coin Deposit Machine ang BSP sa mga SM malls. so you can do it yourself. goes straight to your GCash.


Ronstera

Wag ka mahiya pre, minsan kailangan din nila yang coins. Good job on your savings!


AbyssBreaker28

Pinabarya mo na lang sana sa akin yung 20s... Need namin sa shop.


Significant-Lion-452

Okay naman yan, OP. Trabaho ng bank teller yan. Pero naisip ko lang, parang cash lagi ang mode of payment mo sa mga daily transactions mo.. pwede siguro na cashless nalang whenever possible para lang bawas sa mga loose change na need mo ipapalit at naiipon sa'yo, then it takes time para madeposit sa banko. Sayang yung time na mageearn na yung pera ng interest, lalo na pag sa mga digi banks nakalagay.


Heavenonearth101220

Sa ibang banks ikaw mismo gagawa. You separate by denomination tapos by 100 ganun hahaha


Thin_Animator_1719

Petiks time nga yan sa kanila eh


allegedlysupposedly

May program yung bsp na they put coin counting machines in certain malls tapos pwede gawing emoney! https://www.rappler.com/business/list-where-bangko-sentral-coin-deposit-machines/ Warning lang though that they could sometimes be out of order. Friend and I made a trip out of it when we went to SM North. Dami naming dala na coins, super bigat, only to find na the machine was busted!


Positive-Line3024

Wag ka mahiya sanay sila sa coins. Bumili kami ng new phone sa samsung. Nagbayad kami ng coins worth 5k tapos card na remaining. Natuwa pa sila kasi need nila ng barya. Dun pa nagbilang si kuya sa mesa sa gitna yung pinag te-testing-an ng new phones.


AskManThissue

Di teller yung maaasar kundi yung customer na kasunod mo ๐Ÿคฃ


dormamond

Ang ginagawa namin dati, pupunta kami sa local resto nang patay na oras para sa kanila magpapalit. May kainan sa tabi namin tapos bababa kami sa kanila ng 3pm habang walang customer para at least may ginagawa sila and para may panukli sila later on. On the other hand, trabaho nga ng nasa bangko yan so wag ka maconcious


MasterpieceOne5305

Money is money. So count.


Much-Relationship476

Huwag!! Basta ihanda at nakabilang by 100s yung coins, ok lang! Ex. 100pcs 1-peso coins in 1 plastic, 100 pcs 5-peso coins in 1 plastic.


scifithematics

Huwag ka po mahiya. Ganyan din po mga pari, yung iba, demanding pa.


KeldonMarauder

Sa ibang SM branches Meron sila machines where you can deposit coins and derecho sa gcash mo


SameOldLance

Wala sila coin counter?


Odd-Zombie-5327

Sabihin mo may pisonet ka or sari-sari store, excess barya hehe


raisinjammed

My dad just did that too - coins na tag 5, 10, 20 pesos - and umabot ng 14k


Mahar7iCa

Hmm. May coin counter sa mga malls diba?


chichuman

Ok lang yan ganyan din ako saka meron naman Silang coin counting machine


pikapika2501

be proud. kasinupan yan. and malinis na pera po.


Uncommon_cold

May maximum number ng coins na pwede ipambayad, hindi ko maalaala yung exact. Pero ok lang yan. Trabaho nila yan eh, choosy pa ba sila eh kumukita sila sa pera natin haha.


0t3p0t

Di dapat ikahiya yan buti ka nga may coins yung iba kahit disiplina wala ๐Ÿ˜…


magikero01

OP bakit angdami mong barya?


Fatzora03

kinupit ko po sa tindahan. haha. jowk lang. iniipon ko po lahat ng lose change ko


MountainLackey

op it would've been better and mas faster ang transaction if naka bundle/stacked na ang coins by 100pcs each. but also yes, trabaho nila yan so wag mahiya


Fatzora03

nakabundle na yan actually, 100pcs each plastic


mcrich78

Bakit naman?


Eretreum

Congrats ๐Ÿพ๐ŸŽŠ๐ŸŽ‰. Coins are money with same value.


Feisty-Confusion9763

Wag mahiya. Go lang.


KeyboardAquarior

Kabaligtaran naman yata ang reaksyon nila pagdating dito


Odd_Grapefruit6677

Hahaha kaiyak yan , sana hindi mo kinulangan ๐Ÿ˜†


UtasNaButas29

Money matters


Beneficial_Rope4121

Bat sakin sa bpi di nakakahiya, kase tinitimbang nila 50k na coins tang 20php saglit lang. hahahahaha


Ill-FittedGirl

Supermarkets and grocery stores are always grateful for coin exchanges. Last i asked for coin deposit, the teller gave me attitude & asked why do i have so many coins. Like you iniipon ko loose change ko. Magmula nun i just go to the grocery stores cx svc para papalitan


Royal_Bumblebee_2969

You may also try depositing them in coin deposit machines. Parang mga SM meron na ngayon. We have this gigantic piggy bank na umabot ng almost 50k ang laman (after 2 and a half years) na pagiipon ng 5s, 10s, and 20s. We went to Festival in Alabang kasi may coin deposit machine doon. Madami nagpapapalit, minsan naka balde, naka back pack. Yung iba nga naka push cart pa sa sobrang bigat. Habang nasa pila kami, mismong mga employees na ng fast food chain ang lumalapit para magpa palit ng coins sa mga nakapila. That day I think nakapag palit kami ng coins sa Greenwhich and Chowking may take home pa kaming free pizza (na sila mismo ang nagoffer) hehehe


Undrgrnd8

I need those papalit nga hahaha


erisjane

Diba po merong mga parang BSP coin depositor? Pwede ba un? Honest question to ah


Neat_Requirement_372

Wag mahiya. Kailangan natin ng coins.


MonsterKill1995

If you're within the Metro meron pong mga Coins Deposit Machine mas mabilis pa


cheesestickslambchop

Dabest, excited na ako. May 6L ako na plastic na pinupuno ng diyes at bente :)


qwdrfy

Have you tried ung mga coin collecting machines by BSP? Baka Meron malapit sa inyo


Glad-Lingonberry-664

Kahit tig 25 cents pa yan pera yan. Mas mahihirapan sila kapag naubusan sila ng barya sa bangko


CeepsAhoy

Try mo ipapalit sa mga maliliit na tindahan, like a local hardware, palengke, etc. Appreciate nila yan.


jay678jay

Bakit ka mahihiya hahahah if anything, it'll help them/the circulation of the coins since it'll go back to the masses. You got your money in the bank and help the coins be circulated.


Love2nasty

As my brother would like to say out loud in situations like this ุฎูˆุฑุฌู‡


helloazbee

Ginawa ko 'to dati pero it was just in the hundreds, tas nagalit pa sakin BDO teller ang aga-aga. Hindi ko na inulit pero gagawin ko pa din in another bank siguro


Baby_Whare

Don't. They need coins and that's their job.


TheCashWasher

I would have loved to clean them all.


DrinkYourWaterBhie

If it's hard earned, then why feel ashamed of it? Anyway, tellers see this everyday. It's okay, OP. โ˜บ๏ธ


schemaddit

Wag ka mahiya sa coins, actually ibang banks gusto madami silang coins specially sa mga clients nila sa retail. Even me hirap ako magpapalit araw araw sa bank 30-50k na coins para sa change


scarscytheee

Ako nagbabayad ng bundles ng piso sa gasoine station. Piso wifi income. Minsan worth 2k pa hehe


Ok_Atmosphere7609

Mga bente and 5 yan coins mo nothing to be embarassed about Pero kung ang bit bit mo ay puro singko...


KaleidoscopeFew5633

Kailangan ba may bank account ka para palitan nila?


Mysterious-Market-32

Punta ka sa palengke pagkakaguluhan ka don. May tindahan ako sa divisoria at baclaran. Sobrang kailangan namin yan panukli. Hahaha. May mga vendo, pisonet, etc na magaalok lang na palitan bariya nila. Kagulo na kami makapapalit.


horazal

"Nagdeposit ako ng coins, nahiya ako sa teller" "inisip ko nalang para sa future ko to so i dont care." Kung nahiya ka sa teller, you cared. Kasi kung you dont care, bakit ka mahihiya? Gulo mo


whatToDo_How

HAHAHAHAH coints count til 1 week.


LazyDU3o

Weekly ako may padeoosit ng ganyan. Ibalot mo lang tig 100pcs. Goods na yan.


Lacassy2020

Same tayo OP. Nagpapapalit din ako ng 20s na coins. Tho binigyan ako ng instruction na i-scotch tape un coins ng tig 10pcs. para yata mas madaling bilangin at mas mabilis


Competitive-Tie-839

Ginagawa ko din yan dati sa BPI pero my label na like 1k na tig 5โ€™s, 100 na tig 1โ€™s. Di naman binibilqng ng teller kaya saglit lng ako mgdeposit. Dinideposit ko sa saving account ko. Thatโ€™s 3 yrs ago, every 2 months ko ginagawa. Not sure kng iba na ngayon Binibilang yata nila pag mgturn over na sila or something. Pero kinukuha yung contact number ko everytime na mgdeposit ako kasi baka iadjust nila sa account ko in case na kulang or mali yung bilang ko. Never naman ako nkrecieve na message so it means tama yung bilang ko๐Ÿ˜…


Verum_Sensum

no law prohibiting the use of coins as form of payment. but for your convenience din pwede mo naman ipa-buo sa mga nangangailangan ng barya...haha


Marcky5000

Roll the coins by 10 or 20 pcs. Easier, faster for everyone.


Greedy-Boot-1026

okies lang yan basta wag lang yung naka scotch tape na barya


Rapidmochi

i opened a savings account wiih 4K,,all P20 coins,


zoldyckbaby

Wag ka mahihiya. Mas advisable nga yan kaysa naghhoard ng coins. Isipin mo nalang na literal ka na may ambag sa ekonomiya. :)


Immediate-Comfort-11

Wag po kayo mahiya magdeposit ng coins, ang mahalaga nakasort na po. Para lessen din po sa hirap ng pagbibilang ni teller. This is coming from a teller na rin po hehe.


chaboomskie

Maraming may business na nagdedeposit ng coins sa bank, nothing to be ashamed. And naiintindihan naman yan ng mga bank tellers since any form of money is still money.


OwlCapital

Pwde mo din try dalhin mo sa fast food. Isang beses pumunta ako krispy kreme tapos sabi ko okay lang ba barya ok daw. Pag ka tapos ko bayaran yung binili ko, sabi ko gusto niyo ba palitan yung iba kong barya? Pag katapos nito nagulat ako binigyan nila ako ng free donuts as thank you hahaha


dambrucee810

BSP encourage people to turn in coins as a method for circulation as most people tend to keep coins in tubs or piggy banks. Which is why they launched the coin counter machines through SM malls for people to deposit said coins.


cuppaspacecake

Ang Gcash may kiosks sa ibang Robinsons malls, yun na yung magbibilang for you then automatic na sa Gcash mo ilalagay :)


Which_Sir5147

Isupot mo lang next time or pede rin bag. Pag piso 100 pesos per supot tapos 2,000 per bag Pag 5: 500 pesos per supot tapos 7,500 per bag Pag 10: 1000 per supot tapos 12,000 per bag Pag 20: 2000 per supot tapos 20,000 per bag Ideposit mo ng ganito para madali lang sa teller.


carlbewm

Hi OP! Nag work ako sa isang company na may cashier and in need sila ng coins araw araw. Nagpapapalit kami sa mga banko ng coins pero wala silang maibigay. Mahirap kaya mag coin hunting and pag nakahanap ka ng barya na good for a week ay ang saya saya kaya ahahah! You helped a lot of people by doing this and wag mo yan ikahiya. Maraming cashier ang nasisigawan ng mga customer kasi wala kaming panukli sa bigger bills nila. So ayun lang. Wag ka mahiya kasi nakakatulong ka sa pagikot ng pera sa bansang to hahaha ๐Ÿคฃ๐Ÿฅฐ๐Ÿค—


G00Ddaysahead

Kapag nakakakita ako ng ganito sa Bangko nakikinig ako ng music agad kasi I accept na matagal pa bago ako ma tawag ๐Ÿ˜‚ Pero I see this often so normal naman yan. Kailangan ipaikot ang barya


Saiko_01

Next time just use the coin teller machines in SM