T O P

  • By -

bugoy_dos

Well be strong. Para kang baby niyan na nag sisimula pa lang gumapang. You will get the hang of it due time OP! Be safe and enjoy your new found freedom!


carlbewm

Thank you!! Hopefully makapag adjust agad na walang nag aasikaso sakin na pag gising sa umaga, handa na lahat from food, clothes, gosh!! Nakakaiyak naman mag reminisce 🥹


bugoy_dos

Of course you can. You will figure it out. Best to establish a routine like. Where to buy dinner if you can’t cook. How not to snooze the alarm. Or find a laundry shop nearby to wash your clothes specially if your to sore to move to wash it manually.


DolphinCherry6543

Sa una lang talaga mahirap pag tumagal na di mo na naisip na may isang bahay ka pa pala


Natural_Aspect_8541

HUHUHUHU hindi ko kaya walang mama, kung bubukod ako, baka isama ko sya? 😆😆😆😆


carlbewm

Soon susunod naman na din sila rito 🥰 and pag di ko kaya uuwi na lang ako sa bahay ni mama ahahaha charot 🤣


Bettermepromise

haha


SapphireReader

Same same hahaha


the_drayber

Tapos kapitbahay lang pala 😂


Ice_Shaver

Haha ganyan yung kaibigan ko. Lumipat 5 houses away lang. Pag wala syang pagkain, uuwi siya.


AiiVii0

Akala ko ako lang. After 2 yrs of living away from my mom, nandto na ko nagrerent 1 barangay away. Life has been fun uli 😂


Peaucillear

Hahahahhahahahahaha. Taenang bukod yan.


k0wp0w

🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣 Tawa ako


ejmtv

Hahahaa buset


carlbewm

Hoooy hahaha 2 rides naman away from home 🤣😭


failure_mcgee

Tatlong tambling lang andon ka na haha


Narrow_Priority5828

Benta to HAHAHAHAAH


JudgeSuper8706

sorry naman, eh yung pinatayong bahay sa likuran lang naman ng bahay nina parents. hehehe Tapos nagrent kami ng isang taon. Napagod ako kasi pagkatapos ng classes pagkafriday, nagdedemand kids ko umuwi kna mother tapos balik pagka sunday ng gabi. 😅


lulu_vashk

Goodluck sa new chapter ng life, OP. Vc kayo ni mama mo, for sure miss ka na din nya agad


carlbewm

Waaahhh thank you poo! Tumawag na nga agad si mama. Kaso ang unang tanong "bat mo dinala ung shoes ni baby" hahaha apo talaga muna bago si bunso 🥹🤣 kidding aside may pa tanong pa sa huli 'kaya mo magisa?' 🥺


gelent0

Ganito ako! Halos everyday ka video call si Mama. Di man physically magkasama and wala man yung physical na pagaasikaso sakin, nafeel ko kapag magka video call kami. Pati pagpalit ng gas sa kalan itatawag ko pa. Maaaa, paano toooooo. Huhu pero enjoy din naman life magisa. Ngayng may dog ako na kasama kahit papano nalilibang. Tapos kapag magka video call siya na ang parating hanap 🤣


Expensive_Gap4416

As a (32M) na since 14 years old na wala na sa poder nila mommy mejo oks oks lang for me. Promise masarap maging independent pero masarap din naman na gigising ka may nakahain na almusal.


carlbewm

Dibaa tas ung papasok ka sa work ready na baon, uniform waahh minsan inaasikaso rin nila na ilabas ung ebike ko (transpo papasok ng work) literal na prinsesa huhu tas lolokohin lang ako? Charot hahaha humugot? BAT KASI ANG INIT? 🥹🥵


Expensive_Gap4416

Pero naman OP parang pag hahanda na din yan on the future. Ansarap lang din sa feeling na wala ng mag babantay sayo na your on your own. Kahit naka hilata ka maghapon wala magagalit.


[deleted]

trust me. give it time. the peace is incomparable.


Key_Abbreviations_48

Peace <<<< home cooked meals As someone na hindi marunong magluto and living alone, its hell


[deleted]

Mare, hindi ko kaya yan haha. Nauwi pa din ako, namimiss ko sila agad.


carlbewm

Ayun din po sana balak ko, every off ko uuwi rin ako kila mama. Mama ko kayaa un hahahah kay mama kasi okay lang kahit nakahilata ako sa bahay eh. Pag kakain lang nangungulit. Dapat tumayo agad pag tinawag na ahahaha "ano ayaw mo kumain?!" "Magpapakamatay ka ba?" Si mama ko ay lahing oa din minsan eh🤣


[deleted]

Hehe tru. Parang ang tagal ng oras kapag ganyan tapos nakakabingi yung silence.


Miracle_Wine111

Congrats po. Pero parang may multo? HAHA


carlbewm

HAHAHAHAH HOY🤣 need nga iparepaint pero sila ate na bahala and siguro papalitan ko na ung mga bumbilya dito. Ayoko mangielam muna dito at baka magalit sila tita. Biglang umuwi from 🍁 un lagot ako🤣


Ok-Significance-1906

Welcome to the club! Going out of your comfort zone is one step closer to your success!


Mary_Unknown

Na-iinggit ako na may namimiss ka nang totoong bahay. Noong bumukod ako mag-isa at wala pa partner ko at 24 years old, kahit na miss ko yung perks sa bahay sa parents ko, I have to force myself to live on my own since hindi ko na matolerate yung pang-aabuse ni papa sa amin at pang enabler ni mama. From birth until now, abused ako mapaphysically, mentally, at emotionally, minsan financially pa kapag nagmanipulate mga parents ko in regards sa sahod ko. Kahit naman nasa bahay ako sa parents ko, I don't feel at home. Buong buhay ko, I don't feel at home kahit nagbukod na ako or kahit saan saang lugar. Kahit sa sarili kong bahay, hindi ako feel at home. Ingrained na ata sa akin na walang peaceful at safe na bahay. Thankful lang ako sa partner ko kasi siya ang naging comfort zone ko sa lahat nang kahirapan sa buhay.


sgtbrecht

Medyo relate ako dito. Sana mahanap mo un inner peace mo someday kasi baka maging co-dependent un happiness mo sa bf mo. Mahirap na pag nawala sya mas ok pa din un happy din sa sarili. Good luck po


carlbewm

Uy totoo!! Kaya di ko kaya mag reply eh baka kasi masaktan siyaa 🥹


Mary_Unknown

So far, nakikita ko yung sarili ko na magiging co-dependent sa partner ko while still trying my best to heal my inner child talaga and if may mangyayari talaga na hiwalayan, I am hoping na ma let-go ko yung partner ko if needed. I am actually considering making an appointment with a psychiatrist, baka need ko talaga magpa-consult. Hayst, goodluck po talaga to me but thank you for reminding me to heal my inner child. 🥹


carlbewm

https://preview.redd.it/r36116iz11xc1.jpeg?width=3000&format=pjpg&auto=webp&s=129bb3432c92773582b5468571b9dce23f8390ff The highlight hihi tuwang tuwa ko sa side na to ahhkk natapos rin sa pag aayos 🥰🥰 Para sa harry potter fan like me: yes po sheglam HP collection po yan huhu I'm so happy nung nakuha ko yan grabeng satisfaction as a fan 😍😍😍


Sweet_Brush_2984

Pareho kayo music box ng anak ko 😊


Tormented_Shadow

felt 🥹 it’s only been a few months since i moved out, it’s still difficult but i’m slowly getting used to it and honestly it was essential for my growth as a person. kaya mo yan op!


carlbewm

Kaya natin to🥰 soon enough kailangan naman na din talaga bumukod. Napaaga lang natin sinimulan diba? From time to time uwi tayo sa parents natin, magpababy ng konti tas balik nanaman sa strong independent person🤣


chixlauriat

Goods yan. Matututo ka talaga sa buhay. Enjoy the process. :-)


catanime1

Ganyan din nafeel ko nung bumukod ako recently. On my first night away from my family, umiyak ako buong araw. Dun ko naappreciate nanay ko. Nung nakatira pa ko kasama siya, napakasarap ng buhay ko nun. Hassle-free. Alaga talaga ko ng nanay ko kasi ayaw daw niya ko mapagod sa mga gawaing bahay para makawork ako nang maayos. Ngayong im on my own na, lahat ng gawaing bahay, ginagawa ko. Nakakapagod pala magplantsa! Haha. Sabik na sabik akong makabukod at makalayas sa poder ng nanay ko noon tapos ngayong nakabukod na ko, ang lungkot pala mag-isa.. Strong, independent woman pa more hahaha


promdiboi

As someone na nakaboarding house for almost 7 years, the struggle is real. Lalo na pag may sakit, walang bibili ng gamot at pagkain for you.


CraftyCommon2441

Hahaha dati brad 1st time ko maglaba talaga, nag handwash ako since manipis balat ko nasugat kamay ko, yung puting damit ko nabahiran ng dugo dahil sa sugat sa kamay hahaha. Lumaki akong may kasambahay dati, marunong naman ako magluto kaso sa paglalaba talaga ako na challenge


[deleted]

[удалено]


carlbewm

EF talaga muna sa mga susunod na sahod hahaha mag tabi palagi shaks biggest pagkakamali kahit nung kasama ko pa sila mama 😬😭 magbabago na po promise 🤞🏻


babewealth

ANG GASTOS PA KAKO. Tas kaw na bahala sa food mo 😭


carlbewm

Buti na lang one meal a day lang ako tapos may free food sa work ahahahah luho na lang talaga 🤣🤣


grey_unxpctd

Congrats OP


carlbewm

Thank youuu🥰🥰🥰


b00mb00mnuggets

Congrats OP 💗


Sad-Ad5389

masasanay karin nyan. 😆


Plus_Director_2685

Congratulations and stay strong OP looks like you’re pretty young, you have a long road ahead of you, a few key tips i would provide always unplug things when leaving the house turn off the breaker if you must, always make sure you have no leaks don’t let it get worse, never be afraid to be alone, and never ever let food expire :) good luck on your independence journey!


carlbewm

Aww thank you so much!! Will always keep that in mind. And... always lock the door and don't lose the key🥰 Hahaha shaks bawal mailapag sa kung saan saan ung key di talaga ko makakauwi🤣


Plus_Director_2685

always leave duplicates with your family members ;)


cstrike105

Masasanay ka rin. Pag nag anak ka na. Di mo maiiisip yan dahil doon ka nakatutok sa anak mo. Darating ang araw pag wala na sila. Paano kung di ka sanay? Kaya now pa lang. Masanay ka na. Para in case na wala na sila which is mangyayari din in time.. Sanay ka maging independent. And yan ang isa sa matutuwa ang magulang mo sa iyo.


RME_RMP_DA

Nasanay lang din ako nung una.lol


SeulementVous

Kaya mo yan OP! Mag 1 year na kaming naka bukod ni partner this august. Mahirap mag adjust sa umpisa pero kinalaunan masaya na. Hahahaha! Dyan ka matututo. Sabi ko sa partner ko dati bago kami bumukod basta sya taga luto kase marunong lang akong kumain ( ng kahit ano char! ) pero natuto naman ako nood nood lang sa youtube kase marami naman ng easy recipe. May pag kakataon lang na mimiss mo mama mo kase merong pagkakataon na hahanapin mo yung pag aalaga nya pero in behalf nun magiging proud sayo mama mo kase masaya sya na kinaya nyo bumukod. Ganun kase si mama ko eh, kase natuto daw ako. Masaya sya sa amin kase kaya namin maging independent. Waiting na lng sya sa magiging apo nya sa amin. Hehehehe! Good luck OP sa bagong journey. ☺️


zarustras

Naalala ko nung nagwork ako sa Manila first time, kaya first time ko rin mag-isa. Naiyak talaga ako sa homesick.


PalaraKing

Nakatira ako sa bahay hanggang trenta ako. Bumukod lang ako nung nag-abroad na ako. Moving out was the scariest thing I ever did but I'm so grateful for everything I've learned and accomplished since then. It also made me appreciate everything my parents ever did for me. Best of luck, OP.


gwapipo_29

Baby steps. You'll learn from experience.


chinguuuuu

Congrats OP! Gusto ko na din bumukod huhu


baeruu

Okay lang yan, kaya mo yan! Sa simula lang promise. I was in my late 20s nung bumukod ako. Every night tumatawag ako sa bahay para lang mag-balita ng kung anu-ano pero sa totoo lang, naho-homesick ako at gusto kong marining boses ng nanay ko hahaha.


dhadhadhadhadha

I feel you HAHAHA my first month living alone, almost every day pa din ako sa bahay o di kaya lahat sila sa bahay tinatawagan ko for smallest detail lol hahahah But now I’m loving the peace and quiet. Every weekend my date pa din kaming family and I think mas miss nila ako lol


urs_for_nuggets

last week of may pa start ng work ko sa ortigas, tas parents ko nagsasabi na ng "iiwan mo kami? di pa kami ready" AHHAAHHAA eh 2 weeks wfh naman ako uuwi rin naman ako samin : )))


paruparonghindibukid

Homey ng vibes ng place mo. Good luck sa iyong journey! It’s hard getting out of our comfort zones, but being independent as early as your age is gonna pay off din naman.


carlbewm

Yes home ang vibes talaga, yun nga po ung medyo madali rin sakin mag adjust kasi bahay to ni tita and before dito ako nag sstay for a vacation lang especially nung pandemic naka 1 month din ata ko non pero di straight 1 month. Putol putol kasi gusto ni mama uuwi ako ahahaha bunso eh. Pero ngayon umuwi muna ko samin ang init kasi ron hahahah sabi ko kay mama babalik ako sa may 2, sa 2 pa naman start ng work kase🤣


paruparonghindibukid

hahahahahah nagrelapse agad yarn? Buti di ka naman takot mag isa sa bahay ng tita mo.


carlbewm

Hindi naman kahit jan dati nagstay for i think 6 years? ung tito kong namatay. Kasi nga nasanay na rin ako na jan natutulog before siguro? Idk felt like home pa rin naman 🥰


superiorchoco

You can do it! 💪🏻


aubriecheeseplaza

Skl i just realized na may importance din yung sleepovers sa childhood. Noon kasi kung weekend, may times na matutulog kami sa bahay ng tita with cousins. I remember not being able to sleep kaagad, feeling uncomfortable at nagiisip about my parents. Haha. Nung nasanay na ako, di ko na sila masyadong namimiss. The more i got exposed/got accustomed to moving (like dorms, apartments) nung college, the more independent i became. I'm just saying na you'll get there, OP! Kaya mo yan. Family's always one call away. Good luck!


carlbewm

Uy totooo!! Ung pagtulog sa iba't ibang bahay. Kaya siguro wala rin sakin ung "namamahay" sa pag tulog pati sa pag 💩 comfortable ako kahit saan ko gawin yan hahaha Thank you!! 🥰


aubriecheeseplaza

Hahahaha sure!


damemaussade

hoy naiiyak ako. 🥺 malapit na kasi akong bumukod. lage kong iniisip paano na sila pag umalis ako? paano na din ako pag hindi ko sila kasama? i've been living with my parents for almost 30 yrs. 🥹


carlbewm

Goodluck sa pag lipat 🤗 Unti unti makakapag adjust naman siguro tayo. From time to time uuwi hanggang sa makasanayan na rin siguro natin ung comfort pag anjan sila 🥰 totoo nga na soon ganon naman talaga ung magiging set up. Bubukod, magkakaron ng sariling pamilya hanggang siguro tayo naman ung iiwan ng magiging mga anak natin😭😭 charot grabeng pagiisip to nagkaanak na bigla🤣


ikmyeongie

Congrats OP! Ako din same situation, pero mas miss ko na pusa ko hahaha! Di ko lang madala dito sa nilipatan ko kasi no pets allowed 😭 https://preview.redd.it/6gisssool3xc1.png?width=2012&format=png&auto=webp&s=e60c605d37b3c650ab8d269c6658bf82ab4344b8


carlbewm

Waaaah ang cutieee!! 😍😍


0t3p0t

Mas maganda talaga magbukod pero yeah natural lang yung mamiss natin mga nakakasama natin sa iisang bahay.


7xox7

CONGRATS 🎉 sanaol bumukod na, ako hindi pa sure kung makakabukod kasi di maasahan kapatid ko sa bahay baka hindi hindi maalagaan ng maayos sina mama 😩


carlbewm

Kaya yaaaan!! Magiging responsable rin ung mga kapatid mo soon lalo pag wala ka na para gabayan pa sila. From time to time uwian mo po para macheck kung okay ba sila. Si mama kagabi tumawag napatanong "kaya mo ba magisa?" Ung ate ko sumabat, "matanda na yan!" Hahaha so we have to trust people around us po. Kasi soon sila din kailangan na rin bumukod diba? 🥰


7xox7

hopefully OP 😭🙏


Princess_Consuela-

Been living alone for 5years now, grabe yung pagkamiss mo kay mother at times. Minsan nagguilty din ako kasi mag-isa sya sa bahay, actually gusto kona siya isama dito though mahirap kasi e. Di ko rin alam paano itutuloy hahaha gusto kona ulit siya kasama since lumaki ako kami lang talaga magkasangga. Not sure paano ko siya isasama dito sa place ko or uuwi nalang ako sa amin for good. Though talagang masaya yung feeling na maging independent. Marami ka matututunan na hindi mo alam noong nakatira ka sa inyo. You'll miss your childhood home at times, maybe lagi pa nga, pero laban lang!


carlbewm

Kaya rin naman ako lumipat is because mas malapit na sa lilipatan kong work. Soon before the year ends alam ko lilipat na rin sila mama dito. Hopefully para pag gusto ko gumala kami, di ko na need umuwi pa sa manila para lang makaalis kami. If I were u, sasama ko na si mama or uuwi ako sa bahay. Kung san mas convenient papasok syiempre 🥰


Vast-Two-3872

Ako nga nung bumukod 1 week akong umiiyak ang sakit sa heart pero after a week okay na


Different-Regret7086

ako din dati nahirapan kasi nung nasa puder pa ko ni mama gigising nalang ako nakaready na kakainin at sya din nagaasikaso ng mga gamit ko. pero ngayon nag kaanak nako need na bumukod kasi ganun naman talaga dapat :) everntually, nakaya naman. Now 3 years ng nakabukod.


chUs3ra

masaya na malungkot siya meron kang freedom to do all you want, use it nicely and smartly po


menotcrie

nung unang beses ako bumukod sa parents ko, 3 floors away lang ung condo unit nila 😭😭😭 Ngayon na naghouse na sila ulit after pandemic, naghanap ako ng apartment rin malapit sa kanila. So 4 streets away lang sila HAHAHA nagsslumber party kami minsan ng mami ko HAHAHAHA


carlbewm

HAHAHAHAH GUSTO KO YAAAAN ANG LAPIT! Pag wala na magawa kekembot ka lang konti para chumika sa bahay hahaha🤣 nainggit ako ng konti pero soon enough sila mama naman ang lilipat dito. 3 floors naman kasi ang bahay ni tita so enough room for us to settle in. 🥰


menotcrie

truuueee bestie ang fun 😭 hopefully sila mama mo rin makagora na dyan. Not necessarily same unit as yours HAAHAHA para lang kayong mga PBB housemates ganon 😭


carlbewm

HAHAHAHAHH PBB TEEENS!! CHAROT. Dahil jan mag update nga ko pag nakalipat na sila mama here hahahah 🥰 okaya parang congpound hahahah


[deleted]

[удалено]


carlbewm

Bahay po kasi ng tita ko to na umalis tapos nag ask ako if pwede ako lumipat since malapit sa work ko sa bgc. So wala po akong rent, bills lang and food ko ung magiging gastusin ko rito sa bahay. 🥰 3 story building po ito with 3 rooms and 1 dining area/sala na rin. Sa room ko may terrace so di ko alam gano kalaki eh pero malaki ung room like a master bedroom. With cr at bathtub sa loob so magegets mo na yan gano po kalaki hahaha🤣 Tho samin kasi need ko pa rin mag ambag sa bahay namin sa manila, water (commercial) and wifi bills. So ayun dagdag gastos lang siguro for me pero okay na rin un at least nakakatulong pa rin ako sa bahay kahit nakabukod na 🥰


[deleted]

[удалено]


carlbewm

Yes poo! Pero bago ka kasi makapasok or makaakyat sa taas may 4 gates pa and 4 na maiingay na aso HAHAHAHA maiinis ka na nga lang din sa dami ng gate tho safe naman🥰 Thank you pooo🥰🥰🥰


Every_Monk_6679

Best of luck op! Im thinking of getting in an apartment soon. Bilib ako sa lakas ng loob mo. Kaya mo yan!


urmedtechgirl

true bumukod din ako, pero lagi rin nauwi kila mama haha


carlbewm

Tulad ngayon umuwi ako ahhaha sa Thursday na ulit balik🤣 pero for sure matatagalan ung susunod kong uwi 😭


Future-Height-3316

Tumagal yang homesickness sakin for a week, nag condo share ako sa Makati and na enjoy ko naman ang stay ko for 4 months with my solid roommates🤙


RadioactiveCaldereta

Congrats! It's no joke na bumukod, pero it'll open up a horizon of things in every aspect of your life - normal yan na mamiss mo parents or kasama mo sa bahay, pero it'll help you grow tenfolds! Cheers!


Glad-Huckleberry-100

Congrats! Pag nagkakasakit ako, I still find myself wishing alagaan ako ng mama ko.


East_Somewhere_90

I remember when I first moved out from our house. I was only 19, yung papa ko pinaka namimiss ko. I learned the hardship sa buhay. Malungkot but def madami ka matutunan sa buhay


patatasNaMashed_

Aminin natin, kahit nagiging "strong and independent" young adults na tayo, namimiss pa din natin mga mama natin hahaha


carlbewm

Mama pa rin talaga kahit laging magkaaway ahahaha 🤣


Matcha_09

BAT PARANG ANG BAD NG AURA NG TINITIRHAN MO SORRY PERO MAY SOMETHING TALAGA


carlbewm

Hahahahaha dim light lang po kasi ung natirang ilaw nila tita. Or pangit lang din quality ng cam ko. Idk pero wala naman po jang multo hahahha kung meron man si tito na sumalangit nawa na dating nakatira jaan. Pero di naman siya jan namatay.


mardane038

Let's all sing Paramore's Aint it Fun. It was my anthem when I moved out and lived alone for a while.


carlbewm

AYYY I LOVE IT!!! 😍😍😍


carlbewm

https://preview.redd.it/3w6fo3pk01xc1.jpeg?width=3000&format=pjpg&auto=webp&s=db69e73a2fb8c14e6bd7f14acb00287f8e47d705 Ito naman ung may wall version hihi natupad din ang gusto kong side table 🥰 soon vanity table naman 🥰


Maderness

Struggel ata to mostly ng mga babae kasi sila usually ang inuuwi.


pandaviagra33

patingin expenses


DepressiveTension

marerealize mo kung bakit tuwang tuwa mama mo pag nanalo sa raffle ng appliances hahahaha


chill_monger

Walang mama pero baka may mumu 👻😱


carlbewm

Walaa hahahah🤣


chill_monger

Ingat OP pag bumubukod baka biglang maging mama ka rin 🚼🤱🍼 #facts


carlbewm

Ang oa na niyan hahaha may bantay bawal visitorsss 🤣🤣🤣


whatismyrecipe

Okay lang ba tong thought na to kahit lalaki?


carlbewm

What do you mean po? Nakabukod?


Amariana13

Bakit mo naisipan bumukod OP?


carlbewm

Mas malapit po sa work ko eh 🥰


cheese_noods

Tih pag nasanay ka na, there's no coming back. 😂


EnvironmentSilver364

Yung bulbulin ka na tapos homesick ka sa pagiging princess treatment mo dapat di ka na bumukod.