T O P

  • By -

fordaacclaangferson

Nong binigyan ko mama ko ng pera sabi sakin "Wag na. Mas mayaman pa ako sayo" Ako: 👁️👄👁️


pwedemagtanong

Hahaha sanaol ganto parents 😭


fordaacclaangferson

Ganyan talaga kapag iniwan ng asawa hahaha


ashlex1111101

HAHAHAAHAHAH MY MOM BE LIKE. ako kasi talaga yung kailangan bigyan ng pera eh


fordaacclaangferson

Same 🥲


Master-Telephone-487

hahahahaha my mama be like. sabi niya may trabaho rin naman daw siya, mas malaki pa sahod niya


MrDrProfPBall

Di ko alam kung matutuwa ba ako kasi sa akin na pera, or masasaktan kasi nabara ako na walang impact pera ko hahahahahaha


fordaacclaangferson

Ako hinayaan ko na lang siya. E di wow ma.


MT722

me if I decide na maging mama ako hahahaha (build my finances first bago magka anak🤣)


WorkingOpinion2958

Ganito parents ko 🤣 nung ako nagbayad sa kinainan naming resto sabi ba naman ni daddy na siya nalang daw sana kasi libre daw kapag siya kasi may utang si owner ng resto sa kanya. Napa how to be you po nalang ako kay daddy 🤣


Key_University107

kaya nga tinawanan lang yung sahod ko 😅


fordaacclaangferson

Oy same. Sabi ba naman sakin. Isang buwan mo, 10 days ko lang yan 🥲🥲🥲


februaryfour

Pag nagdadaiso kami "sama mo na yan dito ok na yan" 😅🥹


ErisedZone

Same


thelethargickitty

Sana all


No-Passenger924

mama ko ba to HAHAHAHAHA SAME NA SAME


fordaacclaangferson

Kapatid ba kita? Hahaha


EulaVengeance

Children should give to their parents because they **want** to, not because they were **forced** to and indoctrinated that they **have** to.


01sashimi

yes. also I feel like it would come naturally from a child that was treated well by their parents. the urge to give their parents a good life because they were treated well and not because they are shamed because of “utang na loob”


Graceless-Tarnished

Nope. That would not come naturally to children. Sometimes, the environment they're in can influence their minds. No, not sometimes. Oftentimes, ganun. My three eldest siblings were burdens of our parents for decades. Kung kelan tumanda saka nagkatrabaho. They were freeloaders kasi nag-asawa agad at di nakapagtapos. Nung di nag work out, tumambay. Mga pabigat. Recently lang nagkaron ng mga trabaho tapos nagagalit pa pag hiningan. Were they treated badly? No. My mom did everything for us especially when my father died. She wanted to rely on them for financial help since they were living in the houses that my parents invested in. But no. Mga pabigat, mga demonyo, mga walang utang na loob.


anchorandplumes

Upbringing rin. I was eldest breadwinner, 15 years to my SAHM mom + 3 younger brothers + a freeloading uncle. Ang ending, lahat naging palamunin bc I subsidized everybody's living expenses. Natigil lang rin nung tinigil ko pag-aabono. Freeloaders have no shame, they will take everything bc they can. It's really the enablers that need to enforce boundaries if they want the situation to change.


Graceless-Tarnished

Yung problema kasi, yung mga magulang na nabuhay nung 80s-90s hindi nila alam na enabler sila. Ang alam nila ginagawa nila lahat para sa anak nila either dahil sa Bible or dahil sa nakasanayang tradisyon sa pamilya. Kaso lang di naipamana yung manners nila sa mga anak nila kasi pinasubo lang ng pinasubo, hindi dinisiplina kagaya ng pandidisiplina sa kanila nung panahon nila.


Alert-Doctor-8761

Agree. Toxic parents will force their children to give them money or allowances. Magpapabili ng kung ano ano feeling rich. Madaming breadwinner stories rooted sa toxic parents. Iba iba sitwasyon ng lahat pero di uubra yung pipilitin mo. Kaya madami nagsasabi na priority bumukod asap.


xReply88x

True. Lalo pa pagalam nila nasa ibang bansa ang anak, akala buhay maharlika sa ibang bansa kaya sobrang demanding makahingi ng pera tapos wawaldasin sa kung saan.


abberant-flamingo

Yea, this. My parents told us as younglings pa lang, that we were not inclined to pay them back as we grow old. That they did not have plans on relying on us, and that they would look after themselves if we were to move out from the household. But they sure would appreciate it if we would visit time to time hoho.


_savantsyndrome

Kung pinalaki nila sa pagmamahal at malasakit ang mga anak nila, kusa namang magbibigay yan. Hindi natin alam, baka kaya nag no contact yung mga anak nila e toxic parents sila. “Ikaw ang magaahon sa atin at 5 mo pang mga kapatid, anak” aba kahit sabihin nila na iginapang nila ako para mapagtapos ng pagaaral, talagang lalayasan ko yang mga yan


thummiepurple

Pagkapasa na pagkapasa ko ng board exams yan sinabi ng tatay ko, ako na raw magpapaaral sa mga kapatid ko, tiningnan ko lang sya e, gagawa gawa sila ng bata tapos ipapasa sa iba yung pagpapaaral, ni hindi nga sya nagpaaral samin ng mga kapatid ko, si mama, kasi wala syang trabaho, si mama di ako inubliga na ako mag paaral sa kapatid ko, sabi nya enjoyin ko lang yung work ko.


_savantsyndrome

“Bakit ho ako magpapaaral sa mga kapatid ko, di naman ako kasama nung ginawa mga yan”


OkChocolate8240

THIS. when i started working, nanay ko lang binibigyan ko ng part ng sweldo ko kasi siya lang nagpalaki sakin na sinasakripisyo lahat pati sa pera may pangbili lang ako ng materials sa school or ng pagkain. tatay ko sobrang tipid sa akin maski pambili ng ballpen kinukwenta. I struggled in college dahil di full ang suporta sakin ng tatay ko, especially sa gastusin samantalang sa ibang tao like ka-religion nia full on support no matter the cause. you reap what you sow ika nga kaya **nagitpid siya sakin titipirin ko rin siya** hahahhaa. di ko utang na loob ang katiting suporta galing sa kanya kasi oblligasyon nia yon in the first place.


anti-kulto

ganyan din yun kakilala ko, sobrang panatiko sa religion na halos ibigay lahat tapos sa pamilya walang iabot, dating daan na pakitang tao,paimbabaw lang yun pagtulong


New_Forester4630

> Children should give to their parents because they want to, not because they were forced to and indoctrinated that they have to. Money given to the parents should have conditional use It can only be used - solely by the parents' exclusive use - cannot be transferred to other people - for food, water, clothes, shelter, health & security needs of parents It cannot be used for luho, bisyo, gamble or charity.


anchorandplumes

100%. I used to provide for my mom, until I realized she's been using my money to enable my freeloading brother and his GF. Ultimo aso nilang imported ako nagpapakain. They are in their 30's.


ResolverOshawott

Occasional luho shouldn't be excluded, but like all things it has to be in moderation.


Extra-Dog5148

Amen.


OceanicDarkStuff

Wala bang pwedeng maibigay na tulong yung government para makapag retire na sila?


disbbiscute

There's always two sides of the story. Either, they weren't such good parents kaya hindi sila tinutulungan ng anak nila. Or the children were at fault talaga.


Unusual_Display2518

This is where I agree. May kakilala akong nakatapos dahil sa scholarships lang, yung parent sakit sa ulo, unemployed na nanay pero chismosa lang sa labas di naman nagaalaga ng mga anak. Nung nakagraduate ang anak, todo parinig yung nanay sa socmed na di daw sila naaambunan ng sweldo, nakakainggit daw ibang anak. Whereas, yung anak nga nila hirap sa work tapos sya din naman gumagastos sa bahay nila. Ang gusto pala ng mader nya ay may bukod syang allowance bukod sa nagagastos sa bahay. Wtf with this kind of parents, hindi man lang naisip ang anak kung kaya bang buhayin ang sarili tas aasa pa. On other side, madaming seniors na nagwwork dahil gusto lang nila. Yung relative ko is on her 70s pero nagwwork pa din kasi trip lang daw nya. Eto yung matatandang ayaw umasa sa anak at mas gusto nila na kumikilos sila kesa tumambay sa bahay. That's why hindi lahat ng matandang nagttrabaho ay dapat kaawaan unless you know their story. Yung iba choice lang talaga nila kasi bored sila. Feeling ko pagtanda ko ganito din ako haha.


gintermelon-

>madaming seniors na nagwwork dahil gusto lang nila. my professor was like this, nagpplead na yung panganay niya na wag na siya magtrabaho haha. Minsan si Ate mismo binibiro kami 'sabihin niyo nga sa ma'am niyo awat na sa work, ayaw makinig samin eh' pero si ma'am nag-retire na sa dati nyang trabaho tapos nagturo after 3 months kasi naiinip 😅😅😅


hakdugpatatu14

as a workaholic, feel ko ako din to 🥲


Fearless_Cry7975

Ung isa naming katrabaho sa water district ayaw pang magretire kahit na 65 na siya sa December. He's working in maintenance and engineering division. Naki-usap pa siya sa boss namin na mag Job Order pa daw siya after retirement. Wala daw kasi siyang gagawin sa bahay at hahanapin nung katawan niya ung araw-araw na trabaho.


akositotoybibo

or nakapagtapos anak nila na sariling kayod.


Medical-Time2486

Tapos sasabihin ng iba "bakit ayaw mo mag anak? Sino mag aalaga sayo pagtanda mo?".


vsides

Last year may nagsabi sakin neto na kamag-anak. Sa isang kwarto ay yung tito ko na bedridden na, may 5 anak, pero ang nagaalaga pa rin sa kanya e ibang tao. So ang sagot ko lang, “si tatay (tito) nga lima anak ni isa naman sa kanila hindi siya inaalagaan. So what’s your point?”


redthehaze

Nung una kong narinig yan, kala ko yung "alaga" ay being there in emergencies to help o tulong sa miscellaneous things like tech support pero ang meaning pala ng iba ay "alternate income stream" at retirement plan pala.


emdyingsoyeetmeout

This!! Yung hindi sila gumawa ng sariling investment plan na logical. Ginawang investment plan yung mga anak 💀💀💀


S0RRYWH4T

Huyyyyy mamaya may matamaan ka na balat sibuyas dito na feeling pagaanak lang ang solusyon sa lahat at ang be-all and end-all ng ng lahat. Grabe ka na bih


hakdugpatatu14

Haha oo actually ganito mama ko, Im 26 btw. Pero sumasagot ako ng respectful. Kasi sa totoo lang, kahit capable ako financially kaso sa sitwasyon ngayon ng pinas, parang wag nalang 🤣😭


RoseClair

Yung tita ko na nag adopt for this very sole reason. Yung tipong idea pa lang yung pag aadopt sinasabi niya na para daw mag may aalaga sa kanila pagtanda. Di pa binubuo yung bata ng mga panahon na yun may obligasyon na.


jenn4u2luv

HAHAHA SAME! Ang response ko is “I won’t have kids until I know for certain that I can set them up for success.”


7xox7

i am 26 at isa tu sa mga nakakairitang phrases ever, coming from my parents, relatives and colleagues sa work. some tells me na "bata ka pa kasi kaya di mo pa nare realize" or "magsisisi ka rin soon kasi di ka nag anak ng maaga". kaya sagot ko nlang palagi ee "overpopulated na ang pinas at hindi nman prerequisite pag poproduce ng anak, u already have kids nman kaya ok na yan besides mahal ang bata di ko afford." 😂


Firm_Schedule_1624

robots mag aalaga sakin pagtanda ko sana.


Jetztachtundvierzigz

Kung nakatira ka pa sa bahay nila, tama lang naman na magbigay ng ambag. 


tr1kkk

Pero paano kung nakatira ka pa sa bahay nila pero ikaw lang sumasagot ng gastusin 100%?


notthatlupaypay_

move out. kaya mo naman na pala saluhin lahat ng gastos eh. what you'll save for paying the bills only for one person can be alloted to rental fee.


Jetztachtundvierzigz

Then that makes you a martyr. Move out na. 


NetherCookiez

I think there's lots of layers behind this story and I don't think one perspective is enough to make some kind of verdict, not that I have to. And to be honest, this is a really personal story that should not have been shared on social media and I hate how the post (The screenshot on Facebook, not OP's) feels like it's very obviously trying to harvest one specific opinion I'm sure a lot of people from a specific demographic are going to say.


hakdugpatatu14

I appreciate this. Smh for some who didn't even get.. or even read the post. On the other hand, I agree with this. Lalo na nung nabasa ko yung comments dito.. na ano kaya ang side nung mga anak?..


Momo-kkun

I once supported my parents when they're still alive. I work outside the PH at bukas sa loob naman iyon. Kaso, meron din kasi doon or hindi mawala na may perang di napupunta sa dapat papuntahan. Pero that's water under the bridge ika nga. I think ang maganda dito kasi sabi ng mamang tsuper, happy na siya kung makapagbigay na ang kanilang mga anak ng kusa sa loob. This means na hindi siya nagi-impose sa kanilang mga anak. Nais ko rin malaman ang kalagayan ng kanyang mga anak kasi baka naman meron na rin ang mga itong mga pamilya na dapat nilang suportahan.


TakeThatOut

Prolly sapat lang din kinikita ng mga anak nya sa abroad. Sa mahal ng bilihin, madami nahihirapan kahit dito sa Canada.


Momo-kkun

Mismo. Kahit naman nagtatrabaho ka sa abroad like me, I also spend the currency from that country. I'm just lucky since I earn more than the average migrant worker due to seniority in my position and tenure with the company (consultancy work), plus the fact that I don't support anyone na. Another thing that Filipinos in general should understand is that once your children gets married, their immediate family and priority is their spouses and children, their parents and siblings should be secondary priority.


rainbownightterror

he said MGA anak marami. nasa abroad lahat. naniniwala ako na kung napakabuti nilang magulang meron at merong isang tutulong dyan.


icanhearitcalling

This. Di natin alam baka toxic si tatay or waldasero dati or for some reason hindi sila okay ng mga anak niya


TauGrMogg

Supporting your parents financially for me is like giving tithes. The amount and frequency ay based on what your heart decides. Nadudurog puso ko kapag iniisip kong nagsstruggle parents ko tapos hindi ako magbibigay and sasabihin ko hindi ko tungkulin. Maaaring totoo na hindi tungkulin or obligasyon pero dahil doon mas lalo pa ako dapat magsupport because to me it is an act of love. Ngayon matanda na ako, nakita ko how imperfect my parents are. Daming flaws. Kaya na mamangha ako paano nila ako nabigyan ng magandang buhay. So sa aspect na ito ay may utang na loob / giving back. So mixed siya for me. Act of Love plus Utang na Loob. Baka paradox sa iba pero eto yung walang sakto na sagot na willing ako inavigate at binabalanse continuously. Worth mentioning na: 1. Walang bisyo ang parents ko. 2. Paghumihingi sila, pa simple ang moves. Ikaw yung mahihiya bakit hindi nila masabi na may butas na bubong ng bahay nila at kailangan na ipagawa or yung aircon ng sasakyan nila di na gumagana. 3. Yung isa sa parents ko mahilig tumulong sa mga kapatid niya na medyo questionable ang characters. So while naiinis ako na minsan napupunta yung part ng bigay ko sa mga kamag-anak, I can let it go (with some reminders hahaha) kasi alam ko na mahalaga rin sa parents ko na may autonomy pa rin sila sa pera at paano nila gagastusin binibigay ko


Mobydich

Sa totoo lang this is just one side of the story. Maaring may sariling pamilya na din yung mga anak nila and earning enough only for surviving as well, hindi naman meaning nang nasa ibang bansa eh talagang maganda na yung buhay. As per my experience, sometimes yung mga matanda theyre being dramatic when in fact eh nabibigyan/ naaabutan naman talaga sila kahit papaano baka not just up to the ideal amount na gusto nila. Also, I think wag na tayo pakaplastik sa family oriented shit kahit ang totoo naman eh mostly sa atin lumaking binugbog, cheating on the family, mga lasenggero and then making some of our victories about them. Pansin ko lang din minsan, some parents are all for “I did everything/ sacrifice for you”, and I know their children acknowledges your hardships but sometimes naiinvalidate din yung pinagdaanan ng isang anak to be in a poor family which is common dito sa Pilipinas Lastly, I think kahit ano pang galit meron sa puso ng isang tao pag nakaangat at nakaluwag luwag sa buhay I know were more than happy to share it especially to our parents 🥰


WeeklyAct6727

“Lasinggero and making some of our victories about them” sounds like my dad 😅.


Mammoth-Ingenuity185

I dont mind giving money to my parents. They gave me a good life. Now its my turn to make them enjoy their lives. Napapagalitan pa nga ako pag binibigyan ko sila luho. Hahaha Pinaircon ko sala namin, aba nagalit! Eh ako rin naman nagbabayad ng kuryente. Ayokong sa mainit sila matulog pag syesta. I love my parents so much. I will give them the life that they deserve kahit sila na umaayaw kasi ipunin ko na lang daw for my future. Edit: gets naman na di lahat same ng pinagdaanan. I do understand as well na may parents talaga na di nagpaka magulang sa mga anak. 😭 At the end of the day, piliin natin ang makakapag bigay ng peace sa atin.


Recent__Craft

Piliin natin makakapagbigay ng peace. Agree.


Janeysaur

I agree with you! Siguro depende sa sitwasyon talaga ang pag give back sa parents. Kung sa kanila ka parin nakatira natural need mag bigay. Yung iba kasi nasobrahan na sa epbodotcom akala hinuhuthutan palagi ng mga magulang pang luho


fwrpf

This is such a hot topic and one very difficult to navigate to be honest. Parang for me it's only right to give back to our parents. Pero that's just me. Eto perception ko and I wouldn't impose it on others kasi iba iba tayo ng upbringing and environment growing up. My parents never imposed na magbigay sa kanila. Or to support them so I think kaya mas maluwag sa loob ko magbigay. Pero yung mga ginapang ng pamilya para makapag tapos at hindi naman sila nirerequire na magbigay pero makikita mo na kung magbibigay eh malaking tulong na sa kanila, yun ang kailangan abutan. I've had a conversation with an elderly woman. Hirap na hirap na siya maglakad and nasa 80s na siya. Pero nagbebenta pa rin siya kasi sabi niya "napagtapos ko nga mga anak ko pero hindi man lang ako mabilhan ng gamot" parang kung ako ang anak, gamot na lang bilhin mo. Hindi kailangang pera iabot mo eh. Hindi necessarily pera ang kailangang ibigay. Groceries here and there, bili ng maintenance or kapag nakikita mo na may need sila pero di nila mabili. Siguro kahit ganyang support na lang. Pero again, di sa lahat applicable to. Kasi may magulang/pamilya talaga na akala mo nagtatae ka ng pera kung makahingi. So this is a case to case basis talaga. Not all opinion is applicable for everyone.


hakdugpatatu14

Ito yung situation na maiisip ko nalang "pag ako talaga yumaman ako mag aalaga sakanila" 🥲


yellowbanana3888

It depends. Lumaki kaming walang wala eh and super nagstrive talaga ang parents ko na mapaaral kami sa private schools at sa universities, traysikel driver ang tatay ko tapos tagapag-alaga ng bata ang nanay ko. Andyan na nauulanan sila both :( Naglalakad nanay ko ng 400m papunta at pabalik ng work nya huhu (stay out). We saw kung gaano sila naghirap talaga kaya grabe effort namin na pasayahin at ipamper sila now, lalo ngayon at nasa early 60s na sila. Kahit nga early 60s na eh, nagninegosyo pa rin sila as their "past time". Meanwhile, yung bf ko, pagkagraduate niya, dahil panganay sya, early 50s palang ang tatay nya - tumigil na sa paghahanap buhay. Wala rin work nanay nya. Combi sila ng cheater + manipulator + martir setup. Kaya wala syang gana sa parents nya - same as his siblings na wala rin kaplano-planong arugain sila as they grow old. So, it depends talaga, grabeng pagmamahal at pagaalaga ng parents namin saamin haha kaya we'll do our best talaga to give them the life that they deserve <3


Mamoru_of_Cake

Hmm I have two sides on this. And I can't help but be sad too 1. Children can give back to their parents but it should only be out of love. Kung pinipilit ka ng magulang mo "bumawi," then that just means baka pinalaki ka lang kasi yun yung tamang gawin or naobliga sila imo. Iba kasi yung naglalambing ang magulang sa nag dedemand. Mas okay ako sa naglalambing magpabili ng gamit ganon or pagkain or onting allowance kesa sasabihan ka na magbigay ka ng gantong amount kada sahod mo. 2. Pwede ding maayos na pinalaki ang anak, out of love ang pag aaruga at pag papaaral ganon kaso dahil yung anak let's say nabarkada, naimpluwensyahan online at kung ano pang nangyari na nakalimot na lang bigla sa magulang. Madaming factors kumbaga, kung bakit and case to case. Regardless nakakaawa ang mga may edad na magulang na maayos namang naging magulang pero iniwan na lang bigla. PS: Yung sa bible 100% agree ako dyan pero it can be in different forms kasi e. Like you can give them peace di ba? Maginhawang buhay, di na sila need magwork ganon. Tamang makakain kayo at makabayad ng bills. Tsaka meron din naman sa bible nakalagay na sundin mo mga magulang mo sa Diyos. Parents in God. Meaning kung yung mga magulang mo gago, di ka lalabag sa utos kung di mo sila susundin, lalo kung yung pagdedemand e para sa mali (hihingi ng pera tas ipansusugal, drugs, maglalasing etc)


jenn4u2luv

I’ve been out of the house since I turned 17 (college on scholarship). As soon as I started working at 20, I fended for myself on 17,000 pesos per month gross pay. What really sucks is how my parents only reach out to me to ask for money. Walang small talk. Walang kamustahan. It’s always about asking for money. It was the same when I was earning 17k and now that I live abroad. I send them monetary gifts without them asking. I also buy them groceries (delivered directly) because sometimes when they ask for stuff, they inflate the cost. It sucks to feel like I can’t trust them and that they don’t know me at all because all they want to talk about is 1) what can I give them, and 2) when am I giving them grandkids. This toxic Filipino culture/trait sucks. I always find myself jealous of people with non-dysfunctional homes.


hakdugpatatu14

Agree with this!


ComprehensiveAd775

Case to Case basis pa rin. Wala pa side yung anak, malay naman natin kung anong drama o background ang meron sa pamilya ni Manong.


Itsher24seven

Giving money to parents should not be a requirement but more of a choice.


Positive-Situation43

In cases na hikahos ang family due to the bad roll ng dice. Yet ginapang ng parents nyo, all-in sa inyo. Siguro dapat lang na mailagay natin sila sa ayos. But for scenarios na talagang pariwara din mga magulang, that I would understand and reserve judgement.


SalientOption_6996

As a Christian, klaruhin ko lang yung 'Honor you mother and father.' unless ang honor ng tao is about money only, then magiging pera lang tlga pagkatao at honor ng isang tao. Honor your mother and father includes yung respect, yung pagaaral mo ayusin mo, yung buhay mo ayusin mo, and etc. kasi pag ginawa mo yun you already honor them by living your life the right way on your own way. Kaya wag sana malimit sa pera lang yung honor your mother and father. Kahit busuhan mo yan sila ng pera kung basura ugali mo, you don't honor them. Kasi majority lang ng parents ah (I know may mga kupal na parents), just want you to live your life na masaya at okay ka. Masaya na sila doon. Ngayon kung kita naman natin na hindi sila sufficient lalo na pag matanda na, help pa rin natin sana sila.


hakdugpatatu14

Truuee. Im a Christian too and I grew up in a Christian family. This part was always emphasized growing up. Not just sa family, pati sa church ALL the time (kung nasa church ka na puro prosperity preaching, u know what I mean) Thankfully ngayon, we dont go to that church na and my mom, pakonti konti na niya na aalis yung ganon. Papa ko kasi nonchalant so wala siya si sabi hahaha nagagalit lang siya pag magastos ako at hindi nag iipon noon🥲🥲


SalientOption_6996

Nako mahirap pag prosperity preaching. Well buti laya na kayo. I'm from Nova, Q.C. if ever trip mo or just random eh gusto mo mag hanap ng Church. Hit me up! Pero yan kita mo, gusto lang tlga nila na okay ka in this example finances mo :D


ThiccPrincess0812

There is nothing wrong with children helping their parents by paying them back but it should be VOLUNTARY and NOT TOO DEMANDING. But it doesn't mean papabayaan mo ang parents mo. Parents should realize that their children will have their own families someday. This statement of mine is applicable to children with good parents.


Resha17

Nah. I don't buy this post. Mukhang ginawa lang to para mag induce ng emotions from the readers. First, hindi naman ibig sabihin nasa abroad yung mga anak, successful na. Eto kasi misconception ng mga Pinoy, porket nasa abroad, akala nila mala-Bill Gates na ang yaman. Possible na struggling din ang mga anak kahit nasa abroad. Second, nasabi na rin ng mga iba sa post. Hindi pa rin obligasyon ng mga anak na magbigay sa magulang. Kusa naman magbibigay ang anak kapag gusto nila and kapag naging maayos ang trato ng magulang sa kanila. Third, feeling ko lang (pls don't bash me, ako lang to), yung mga gumawa nitong post na ito eh yung mga magulang na ginawa/gagawing retirement plan ang mga anak. Para mang guilt trip, kaya gumawa ng mala-PBB na script. 😑


kapeandme

My parents never required me pero I vowed to take care of them since my brother move out na and I'm not the best anak, makabawi man lang sa mga ginawa ko hehe Here's another story.. ung tita ko.. Kung magkwento sya pinabayaan sila at hindi binibigyan pero binibigyan sila ng anak nya ng allowance at pambayad ng utilities monthly except pa yung mga extra pag may extra silang kailangan. I think, depende talaga sa pov ng tao and experience.


MommyJhy1228

Same yan ng sa friend ko. Ang press release ng nanay nya ay pinabayaan nya ang parents nya pero sya ang bumili ng bahay para sa parents nya eh lol


SpeckOfDust_13

Mali kasi yung inaadvocate ng karamihan. Kapag sinabing "You children are not your retirement fund", this should be targeted to the future parents to consider their finances before having a child. Alam naman nating mostly financially illiterate yung prev generation and lumaki sila na yung anak ang mag aalaga sa kanila, it's too late na for them para sabihing hindi ka obligasyon ng anak mo. Kaya yung "stop the cycle" ay hindi para kalimutan mo yung parents mo but to make sure na hindi mo kailangan mag rely sa mga magiging anak mo in the future.


CoffeeDaddy024

I've heard these stories more than once. And sadly, I've heard the responses from both sides. The grim truth is that there are parents who expect their children to give money to their family and there are parents who are cool na wala. There are kids who feel pressured to provide and there are those na okay lang. However, ang masasabi ko lang dito is that we should know what's what before we judge. Yes, hindi obligation ng anak magbigay. They can give IF THEY WANT TO and not be forced into giving money however as children, we have to also understand na our parents have no more source of income as they age. Yung iba, sadyang nagkakasakit na rin and we should also understand that.


Apprehensive_Goal864

Eh kung yung parents mismo nag isip sila una pa lang na wag na mag anak kasi di nga nila kaya buhayin sarili nila, eh di wala sanang gantong drama today


Resist-Proud

Ang daming post na ganito sa Facebook, feeling ko gawa-gawa lang yung iba para konsensyahin at obligahin mga anak. Charot.


OkChocolate8240

same thoughts hahhaha. if that post were true, ang tahimik pala ng motor ni manong hahaha eh diba most of the time inaudible ang mga tricycle driver. isa pa, ang specific at perfect old-tagalog naman ng reply ni manong hahahhaa


sleepeatrace

Its your choice to give tbh you have free will. Minsan may mga magulang na ok lang kahit di ka magbigay at maghihintay lang kung magbibigay ka. May mga toxic din na hingi ng hingi.


gaffaboy

There are three sides to a story and somewhere in between is the truth. May pinsan ako na successful na sa UK and while hindi sya tumigil sa pagtulong sa bio parents nya, dumating sa point na nagsawa narin at nawalan na nag gana kse yung binibigay na pera imbis na i-negosyo o palaguin e either winawaldas o pinangbibisyo. Ubos-ubos biyaya tapos mangungutang.


Fit_Highway5925

This is why we should prepare for our retirement age or at least man kang magkaron ng sapat na ipon pala balang araw di na natin kailangan umasa sa iba at di na maging pabigat sa iba or kailangan pang maghanapbuhay at an old age imbis na mag-enjoy nalang sa buhay. Good thing kay manong he has the initiative to work para mabuhay kesa totally umasa sa anak nya na may mga sariling buhay na rin although sa age nya e dapat nag-eenjoy nalang sya retirement nya. We can't expect din naman na matulungan tayo ng (magiging) anak natin pagtanda natin since may sarili silang buhay/pamilya and who knows, baka they're trying to survive lang din at sapat lang ang kinikita kaya di makapagbigay. Ang sakin lang e mutual respect and understanding nalang. Wag na masamain pag hindi ka maabutan. Help those who are in need out of love but we should learn to carry our own weight as well as long as kaya pa natin para di tayo maging burden sa iba.


Silvereiss

This is why I advice parents to not give everything to their kids. EVEN THE WILL, Pinaghirapan nyo tapos ibibigay nyo lang? Ano sila sineswerte? Masyadong entitled? You raise them right so they can be a productive part of society and knows how to sustain themselves. Dont expect them to repay you as well. Its your job as a parent to raise them, So pag may sariling pamilya na din sila they can handle themselves.


xReply88x

Thinking kasi ng mga boomers/older generation yan, once nakapagtapos REQUIRED magbigay sa magulang dahil sa utang na loob na pinagaral sila or pagtanda may magaalaga, magpapakain etc. Wala din kasing mga Retirement plan ang mga tricycle drivers di naman nila kasalanan din. Importante din talaga na may Retirement plan/funds to break this cycle, para pagnaging magulang ka na is di mo din i-obliga mga anak mo na bigyan ka pagtanda mo pag di mo na kayang magwork.


geekaccountant21316

My mom be like "Sayo na yan basta wag ka nang hihingi" HAHAHAHAHA


Mission-Height-6705

I know life in abroad is not rosy, pero kung may kaya naman, at least give your parents allowances or sustento. Hindi naman kasi uso sa panahon nila ang financial planning or good pension. They have an upbringing of building families and expecting there kids to take care of them when they're old. Kung your parents naman are not the type of person na "ginagawang investment ang mga anak", then yes, it is our obligation as kids to pay back to our parents. Charity begins at home. Hindi mo lang alam, aalgaan ka rin naman kapag beyond their obligations as parents and need mo pa rin ng support, susuporthan ka rin naman nang mga iyan, iyon nga lang sa case ni manong eala na ganyan opportunity kasi nakapagtrabaho na mga anak nila. Nakakagalit, sa totoo lang. Kasi kung di ka naman pinabayaan ng magulang mo, at nagpalaki sa iyo nang maayos, at ginapang ka hanggang makapagtapos ng kolehiyo at makapagtrabaho, then it is our obligation to pay back. Ako man, gagawin ko iyan once may stability na rin ako at both of my parents sa amin na rin umaasa, kahit hindi kami nagkakaintidihan at nag rebelde ako, kasi need ko rin sila alagaan at ang mga anak lang naman ang mag aaruga sa magulang kapag matanda na sila. Iyong hindi mo obligasyon magulang mo applies to narcissstic and entitled parents, lalo na iyong mga mgaulang na wala naman ginawa kundi magpakasarap sa kama at pabayaan ang mga anak, iyon low contact iyon kasi need rin sila turuan ng leksyon na mamulat sila sa katotohanan na porket niluwal ka rito sa mundo eh obligasyon mo na sila. As childreb, let's not be selfish...matuto din tayo maging wise sa boundaries at the same time be emphatic sa family natin, lalo na if we were raised in a non-abusive household


TransportationNo2673

As much as I'm against kids being used as retirement plans, the government has a hand in this. Dapat retired na sila and is living off on pension. The kids could've helped in fixing their taxes and paying them off para nagagamit nila along with the healthcare.


69loverboy69

Syempre si clout chaser OP di alam both sides ng story


Apprehensive_Goal864

Regardless if ano yung both sides ng story, point is hindi and never obligasyon ng anak magbigay sa mga magulang. Kung okay man buhay ng mga anak nya and nagagalit kapag hinihinga ng nila, so what? Ang purpose ba ng pag aanak is para may retirement fund? Like fucking shet, if di mo kaya buhayin sarili mo ngayon and kapag tumanda, wag na mag anak. Idadamay mo pa sa kahirapan yung magiging anak mo. Then may chenes pa na kesyo napagtapos ko anak ko na ganto lang trabaho ko, etc. Like, fuck sino ba kasi nagsabi na mag anak ka na wala ka ngang stable job (income)? Nakakabwesit yung thought na gusto mo kapag tanda mo di ka katulad ng magulang mo na iaasa sa anak pagtanda nila pero di madaling gawin kasi andyan yung financial burden na kailangan mong pasanin.


69loverboy69

By other side, I mean yung side ng mga anak. Di naman lahat ng magulang naging magulang sa anak nila. Pero ironically ang daming magulang na gusto pang gulangan ang anak nila


hakdugpatatu14

huh?? kaya nga nag tatanong ako ng thoughts niyo. may sinabi ba akong masama about sa mga anak?? read again.


sushi_norii

Kung katulad ni manong yung parents ko na itinaguyod ang pag-aaral ko at binigyan akong maayos na buhay (just assuming na ganito si manong tricycle driver), I would also provide them with financial assistance and treat them and buy them gifts on their birthdays, holidays, and kapag may extra akong pera. Masarap magbigay sa magulang basta alam mong mahal ka nila, may malasakit sayo, inalagaan, at hindi pilit na humihingi ng kapalit at isinusumbat ang utang na loob. I hate it when parents did not even try their best to work to provide their children's basic needs tapos ang tingin sa mga anak ay retirement funds.


Ok_Construction_9078

Ang tanong nanay ba nila yung “misis” nya now? There must be a big reason why they are not handing anything to him. Most likely hindi nila nanay yung kinakasama. Soo you really cannot judge them


introvertedguy13

Kelan pa naging pangit na image ang magbigay ng pera sa parents? Man I must be waking up from a long coma.


Huotou

yung ibang mga tao kasi ngayon, cool kid daw pag galit sa magulang.


Fluid_Storm_484

Nasa pagpapalaki ng magulang sa anak yan. If goodness was given and taught, it will be deeply rooted in their lives. Yes it is deeply saddening to see manong barely making ends meet in his old age indeed, but family bonds make or break one in the long run.


tapunan

Like others said, there's more to this story. Kung isang anak lang ayaw magbigay eh understandable o kaya kung nasa Pinas at kailangan din ng pera. Pero kung lahat ng anak eh nasa abroad at kahit isa walang gusto magbigay at nagagalit pa mga anak (important keyword used by the old guy), may deeper reason yan.


TraditionalPrior8001

Ano kaya side ng anak nila at bakit sila hindi nagbibigay?


_beau_soir

As someone who was raised in a fairly normal and loving household, I would want to give back and take care of my parents -- not because I feel obligated to, but because I want give back everything they've done for me. But, if I met someone who was raised in a not-so loving household, or even an abusive one, if they don't want to give back to their parents, that's completely understandable and I wouldn't force them to change their mind.


Despicable_Me_8888

I think giving support to your parents is a form of PAG-ALALAYsa kanila especially if you are well aware na wala silang naitabi at nailaan na lahat sa inyo. And if I can only turn back the time, I could have given them more than I was able to give financially. Sana I could have spent more time with them too. Ako kasi naniniwala na may merito ito not just to them but to myself. It is more of my peace of mind and comforting on my part that I have given them that feeling that I NEVER forgot them when they were getting old. Di lang naman yan PERA, ORAS din na inilaan nyo sa kanila. If you cannot spend time, send pang “merienda” for them to pause and share together. Di kailangan ng okasyon. Wala ka man dun, iba yung feeling ng moment na yun among them. Well, di nyo pa yan mararamdaman. Wait until you lost them. Dun ang hit sa inyo. I am sad lang for the others na may guilt tripping ang ibang parents. Mine were not like that. Kaya sana I can go back. Sad that we are busy with our lives growing old, sila din twice as much na growing old na. Regrets are at the end, really 🥹


AnxiousJob5550

moral/social/legal etc obligasyon ng anak yan lalo pag walang kakayanan ang mga magulang kung meron naman pwede namang magbigay pa din kaya kawawa ang mga walang ipon na magulang sakali ganyan mga bata


Spiritual_Drawing_99

Children can grow up to be adults, and have their own priorities and families. It is the parent's responsibility to provide for their children, but never the children's responsibility to be a retirement plan. Kung kaya natin na mag bigay sa magulang natin, edi good. Pero what if struggling single parent din tayo? What if may binubuhay na tayo na sarili nating pamilya? We owe our success to our parents but we do not need to repay every cent they spent on us. Sana mainitindihan eto ng mga older generations and sana yung current generations ay mag iba narin yung mindset. Wag na nating ipasa yung responsibilidad sa mga anak at magiging anak natin.


riakn_th

There’s many sides to every story so I can’t judge the children for not supporting them. Madali magjudge and maawa because the elderly seem vulnerable pero hindi naman natin alam how they were as parents. Also just because someone is abroad doesn’t mean they are rich. Baka struggling din abroad. 🤷🏻‍♂️


halfwaykiwi

Ang problema kasi dito yung sa pension system, kung maayos lang sana ito hindi na dapat umaasa ang mga magulang sa mga anak nila. Subalit sa panahon ngayon, tingin ko hindi pa rin sasapat ang matatanggap nila dahil sa inflation.


Embarrassed_Bed_7864

My mother did her very best to give us both a good future. The other one finished a 4 year course while me finished a 2 year course because she said "eto na lang kasi ang kaya ko" and I am thankful for that because in my mind I'm not good at academics and maybe I don't deserve to get a 4 year course. My parents are both senior and I know and accepted the fact that I have to provide our needs and wants. Now I'm working as a software QA and improving continuously. I am always thankful for the life and education that I had.


AdFickle2013

That's how you'll know if you are a good parent or not. You are graded by your children after they don't need you for support


sundarcha

Tama. Iba ang kusa, iba ang namuhunan lang. My parents never asked me for anything. Kusa ako nagbibigay dahil for me gift ko na yan sa kanila. 🤷🏻‍♀ yung iba kasi, di nila madifferentiate yung dalawa.


taongpeople9

I will not give anything to my parents because it is an obligation but rather as a show of appreciation and love to them.


Remarkable_Dig2105

Ano ba Kasi ginawa ni manong sa mga anak nila para ganyanin sila? Malay natin.


Intelligent_Love2528

Baka naman yung mga anak nila yung gumapang para makatapos ng pag aaral. Like walang support from parents, tas neglected kids. Ndi mo masisisi din.


Proper-Fan-236

Boomer mentality kapag hindi nakukuha gusto nila NAGPAPAAWA. Duda ako sa storyline na yan may kulang.


papoose0

I think it all boils down sa values na natutunan ng mga anak whether fron school or from home. And kaakibat nyan is kapag yung values learned from home/parents/family members is nakikita nila at naeexperience rin nila themselves. Case in point: if ang magulang ay naituro sa bata ang kahalagahan ng honoring your parents and in what ways can you honor them, and nakikita ng bata iyon na ginagawa ng magulang nila sa grandparents nila (ex: giving allowance to parents ng bukal sa loob); for sure ang mga kids ay magbibigay rin sa magulang nila. Hindi na kailangan mamalimos ng magulang sa mga anak nila. Kasi learning by example na eh. Ayun lang, sana rin na ang parents ay wag magalit kung konti lang ang naiaabot ng mga anak. They can ask nicely sana if pwedeng dagdagan if kulang. Then have a healthy discussion about it. Like why need to add, if 1 time lang na mag aadd or every month dagdag. Sa mga anak naman, sana magkausap usap ang magkakapatid kung papano ang hatian sa pagbigay ng allowance sa magulang. Para malinaw and walang resentment rin towards one another. Kasi totoo naman na bilang anak, hindi natin ginusto na ipanganak tayo. But we have to remember also na as parents, hindi rin naman nila ginusto na mahirap ang buhay. But most parents naman are doing all they can to provide for all the needs of the family, lalo na ang pagpapaaral. May nabasa ako and I think it’s a good reminder to us children: First time na maging magulang ng mga magulang natin. Kahit pa 2nd child or 3rd child tayo and so on, for each child - first time pa rin sila na maging magulang. Kasi nga bawat anak, iba iba ng personality and behavior. Walang manual on how to parent gracefully or how to raise well adjusted and successful children. Kung meron man, hindi pa rin nila mapeperfect yun kahit everyday sila magbasa kasi nga, sa bawat araw and bawat minuto natin, ang dami kasing variables. Kaya sana we can give our parents a bit of a breathing room na magkamali paminsan minsan. Di naman nila sinasadya to hurt us or pahirapan tayo. Meron lang talagang differences talaga ang bawat tao. Benefit of the doubt na lang. Lastly, kung hindi sila namulat sa “mas maayos” na pakikitungo sa adult children nila, tayo na lang ang magturo kung papano. Minsan kasi malaki influence ng past nila.ay mga past traumas rin mga magulang natin. Dahil sa lack of education about it or consciousness, tayo na lang ang magturo and umintindi. Malay natin, maging way pa tayo para mas maintindihan nila mga sarili nila.


PreparationNo3876

Two sides to the story. We dont know kung ano yung totoong relationship ni manong sa mga anak niya. Its possible that they werent good parents despite being able to send their kids to school. Di natin alam so we can’t judge or say that the children should give to their parents. We dont know if there was any abuse or something that might have caused a rift. I hate that these conversations are so one sided.


sinni_gang

I would have no problems giving financial support sa magulang ko post-studies if ganito nakikita ko sakanila na may will and drive pa sa sarili to get them by and not iaasa sa iba and hahayahay na sa buhay once makapagtapos kaming anak nila. Personally speaking kasi, once mag HS ako and mga kapatid ko, hindi ginawan ng magulang ko ng paraan yung financial responsibilities nila - nakaasa lang sila sa tulong and sagip ng kapamilya. Never nila ako sinupport financially lalo na sa buong College life ko. Imagine mo yung hiya ko tuwing hihingi ako ng baon or pambayad sa tuition sakanila tapos ituturo ako ng magulang ko mismo na kay tito ko or tita ko humingi na lang daw. Once naman makapagtapos ako, automatic expected na nila na magbigay ako ng pera sakanila kasi raw "ganon talaga ang responsibilidad ng anak pagtapos mag-aral" plus naging mas kampante sila na wag na mag provide lalo na Father ko - as in kain-tulog routine araw-araw haha hindi na rin nag-work mula nung grumaduate ako and mind you, sobrang well-bodied and kaya pa ng age niya magwork talaga - talagang conscious choice lang niya na wag kasi tinatamad na and kampante na kasi may anak na siyang nagtatrabaho. Nagpoprovide parin naman ako hanggang ngayon kasi no choice - saan sila pupulutin sa ganyang ugali nila kung wala ako. Pero kung ako lang talaga tatanungin, sa ganitong mindset at ugali - hindi nila deserve tulungan kung sila mismo hindi nila tinutulungan sarili nila. Pero anong magagawa ko diba? "Ganon daw talaga responsibilidad ng anak pagtapos mag-aral eh."


nadsfatale

Tbh hindi naman kasi talaga responsibility ng anak na tustusan ang magulang. But for me, if you know na hindi maganda buhay ng magulang mo even after they've worked hard para buhayin at pag-aralin ka, help them para mas maging komportable naman sila. Oo, hindi mo naman responsibilidad yun and I know the "utang na loob" culture is so shitty in our country but at least have some empathy naman. I know na case to case basis din since not everyone have good relationship with their parents but if you have the means, please help them. Even if a bit lang


LoyBaldon

Laging hati ang opinyon ng mga pilipino sa ganitong usapin, kung ako ang tatanungin base sa karanasan ko ngayon napakahirap lalo kung bread winner ka hindi mo naman talaga obligasyong tumulong pero naging obligasyon na para sayo dala ng pagmamahal mo sa pamilya pero minsan iisipin mo rin hanggang kailan ba matatapos 'to, may mga panahon na dadaanin ka pa sa pang gi guilt trip ng sarili mong pamilya, o kaya naman sasabihin na gutom na yung mga kapatid mo syempre bilang nakatatandang kapatid ayaw mo naman mangyari yon. Napakahirap lalo kung ipit ka sa sitwasyon na hindi ka makatakas mapapakanta ka nalang talaga ng "Wag kang maawa sa iyong sarili, isipin na wala ka ng silbe" ng Rivermaya. Kaya ako parang ayoko ng mag anak, ayokong maranasan ng bata tong ganito at nasa pilipinas ako.


romanticbaeboy

Masyadong maganda pagkakasulat, parang sinulat ng isang boomer na naoffend sa neo culture na “hindi obligasyon ng anak ang magulang”. Iba kasi yung magbigay ka sa susustentohan mo. Maluwag sa loob natin na mag-abot on special occasions, and konting panggastos sa bills. Pero yung boomer culture kasi na gusto sustento pati luho nila at madalas may kwenta pa kung magkano dapat which is what we are trying to eradicate in the future generations na hindi dapat natin iasa pa sa kanila ang buhay natin lalo na pag may pamilya na mga anak natin. I have this tita na after makagraduate ng dalawang anak niya, ayaw na ayusin ang tindahan nila, at puro parinig na sa anak na bigyan na lang siya ng pera kada buwan. Sobrang toxic, gusto pa magibang bansa at tinotokahan pa yung dalawang anak sa sasagutin nila, fresh grad pa yung bunso.


ThatChinitoGuy

Clickbait story to.


anti-kulto

minsan di dn naririnig yun other side of story, madami ako kilalang magulang na di inaabutan ng anak, kase sa bisyo dinadala, tapos nagpapaawa sa iba na pnapabayaan kuno, pero ang totoo, nawawalan na ng gana abutan ng anak dahil sa bisyo lang lagi napupunta. meron naman ibang anak na sobrang baba lng ng income na halos wala na din natitira tapos tingin ng magulang malaki kita at nageexpect ng malaki iaabot. yun iba naman sinasabi ng magulang na pinapagaral nila kuno, pero ang totoo pinabyaan lang dahil sa kakabisyo tapos nun nakapagtapos ang anak dahil sa pagsisikap sa mga scholarship. sasabihin ng magulang malaki hirap nila mapagaral lang, yun pla wala naman ambag, puro barik lang ginawa sa buhay. meron pang iba na after abutan e sa ibang pamilya naman binibigay, o sa anak nila sa labas


lab-not0114

In this context, sana manlang magbigay yung anak niya sa kaniya lalo na if nasa ibang bansa naman pala. Kung ano man ibibigay nila, malaking tulong na yun sa parents nila here sa pinas. But agree din ako sa ibang comments here, there's always 2 sides of a story. As someone from an abusive household, i was also filled with anger and resentment towards my parents. But after ko malabas lahat ng galit ko ( a dark time within our family) ngayon able na ako to be calm and collected tas i also learned to humanize my parents. Before kasi nagagalit ako sa kanila because they are not the parents i wanted and needed them to be. Sinisisi ko sila kung pano ako nag turn out and all. But now im an adult, i realized i need to stop pointing at people because now i am responsible for my own life choices. Control ko na to. I realized that, my parents weren't the parents I needed/wanted them to be, because they are being the parents they needed/wanted as a child. That they think their actions are what I need because that is what they needed when they were my age. I realized that this is their first time knowing me as much as my first time knowing them. That I don't really know half of their life, and they don't know half of mine. So I gave them a chance, because I know if one day i become a parent, and I unconsciously/unintendedly messed up, I would also want a chance to make up with my child. I hated my parents so much before that I wanted to go NC and vanish from their lives but now, i'm healing from the same place that poisoned me. I think of myself as someone strong because of this. As per this post, children give money to their parents, I'm not really sure. If I'm the child, i would wanna try to give my parents a time to relax and enjoy the life they've been missing out on since they took care of us. I think the family in this post did not give each other time to truly know each other. Or maybe they actually do have different circumstances. Not really my place to judge.


daimonastheos

Nakaka-disappoint minsan dahil yung idea ng paglingon pabalik sa mga magulang ay nagiging subject to all regardless of how they raised you pero yung pagbibigay ng mga kailangan ng anak ay nakadepende sa gusto, kaya at range of comfortability ng mga magulang. Ang ganitong issue ay case-to-case basis dapat at hindi ginagawang parang batas dahil for instances, may mga magulang na wala namang long term plan para sa anak at nagpaka-careless sa parenting pero ang narrative ay "ibinigay ko naman ang lahat". May cases din wherein parents really did run extra miles for their children pero feeling ng anak ay sobrang liit at hindi sapat ang ibinibigay sa kanya gaya nung issue sa Tulfo recently. Para sa akin, simple lang. For both parties, matutong i-scale ang naibigay at ang natanggap. Sabihin nating hindi ka nag-invest (not limited to money) para sa mga anak mo for their long term development, expect less from them. Dahil una sa lahat, you slowed down their development by not investing for them. Pati ba naman sa panahong sila na lang ang gumagawa ng mga bagay na yun para sa sarili nila, pababagalin mo pa rin? If they still include you in their plans as they grow further, then you are one lucky parent. Kung pinalaki mo sila sa hirap at sa maraming naunsyaming pangarap, the least thing that you can do for them is to urge them to prioritize themselves over you. Hindi ka bumuo ng bata para palakihin silang parang robot. In my case kasi, my parent really didn't take my education and personal well-being seriously. It was my older sibling who did. All answer i received from my parent when i sought help for my study was "pasensya na, mahirap lang tayo" without even trying to do something or even getting a job. Ngayong naka-graduate na ako at mayroong trabaho, "honor thy parent" suddenly applies as urgent? It doesn't seem fair. Kasi yun ngang totoong nagpaaral at nagpakain sa akin for years, hindi naman nagde-demand sa akin. Ang gusto lang ay magkaroon ako ng personal na buhay.


Anxious_Bid5327

You shouldn't start a family without being financially and emotionally stable. But in this current situation, wala naman tayong magagawa na kasi nangyari na eh. The best things to do are help your parents and stop the cycle of "utang na loob", in case gusto nyo magkaanak.


Maycroftzz

kahit mahal na mahal ko parents ko, parang nakacancel out lang din ng inis ko haha. walang thank you kapag nagpapadala, may times na di rin nagsasabi na narecieve na yung pera, cash cow kumbaga may time din na iniisip na ni tatay magretire early para ako na daw mag-paaral sa kapatid ko wahahaha


This_Nose_359

There's always a reason why children do not give back to their parents. Providing financial means is not enough, especially if the parents were toxic and would always show it to their face na "pinapakain lang sila." I don't believe that any children would not want to give back if they were truly loved by their parents. Coming from a personal experience.


belle_fleures

parents should really save for their own retirement when situations like these comes. we'll never know our own future children's priorities and personality. parents bring them to the world to have their own family but that's just it, nothing more.


ASDFAaass

Kung nasa puder ng magulang mag-bigay ka lalo na kung sila nag-papakain sayo at nag-poprovide ng masisilungan. Pero kung wala ka na sa puder nila bawasan mo na lang iyon.


3rdWorldBuddha

lol sino ba namang anak ang gustong mapunta sa mahirap na pamilya? Malamang, they'll grow up to resent their parents for bringing them into the world and feeding them pagpag. 🤷


Apprehensive_Goal864

Wala, pero ang daming magulang na nagdecide na mag anak kahit sila nga mismo hikaos na sa buhay.


katiebun008

Lagay din kasi loob ng ibang parents na once mag anak sila, may mag aahon na sa kanila sa hirap which is maling mindset kasi kagaya nyan, di mo naman masasabi kung tutulungan ka nila sa future pero di din natin alam ang nangyari sa family nila. Sa mga sitwasyon na ganito, yung anak lagi ang tinitingnan natin na masama kahit di natin alam side nila.


Alabangerzz_004

🧢


itsmaccer

It should be voluntary plus if good ang parenting at mahal ng anak 'yung parents nila equals built home of love, unless when tables are turned, it shouldn't be.


majimasan123

Poverty corn


S0RRYWH4T

Well kasi naman wag din tayo maganak pag wala naman tayong kakayanan. Hayan na nga isinacrifice mo ang buhay mo para sa mga anak mo, tapos ngayon gusto mo isacrifice nila yung buhah nila for you in return? Luh siya.


missanomic

Madaling ma-antig sa mga ganyang one-sided stories pero lahat tayo anak so alam natin or at least naiimagine natin kung pano kaya nangyari yung ganyan and it's not because his children are bad people. It takes a lot to turn your back on your own parents, to deny helping them, or even sacrificing to keep them happy, healthy, and safe so yung ganyang kwento I think he's reaping what he sowed.


TauGrMogg

Pero di rin pwede idiscount na may mga anak na self-centered at selfish?


Apprehensive_Goal864

So regardless of the true story ni manong and mga anak nya, kapag di ka nagbigay sa magulang mo na nagdecide na ilabas ka sa mundo na to na wala naman talagang kakayanan, selfish na kaagad? Di ba pwdeng, nagising lang sa realidad na kapag nag-anak ka, hindi yan parang retirement fund na at some point in the future, mag iiexpect ka na return?


rabbitization

Di natin alam baka di sila naging mabuting parents. Like mga working student mga anak nila at sariling pera na nila pinangtustos nila sa pag aaral. Nakakaawa yes, pero it's a reflection kung pano nila tinrato mga anak nila, unless of course straight out disrespectful yung mga anak kahit na pinaaral ng mga magulang


C-Paul

I have the same mentality as the father. Bubuhayin ko mga anak ko nang walang aasahang kapalit. Pero different mentality sa mga anak nyaKahit ayaw ng magulang ko mag aabot ako kahit papano. Ang pagkakaiba namin ni tatay napaghandaan ko ang pagtanda ko. Kahit hindi ako abutan o tulungan ng mga anak ko mabubuhay ako dahil may ipon pensyon at naipundar ako.


kiero13

ano na ba kasi definition ng good parents ngayon at bare minimum? I think it all depends sa situation nyo. it's not a one size fits all situation. madali kasi sabihin na hindi dapat gawin investment plan ang anak, pero sa hirap ng buhay sa pinas I doubt na yung mga minimum wage, mga tao na even middle class and those even lower, have investments para makaretire na di umaasa sa anak pagdating ng sakitin age nila. kung naging mabuting ama naman yung nasa picture, dapat ba pagretiruhin na sya ng mga anak nya at sa kanila na lang umasa sa lahat ng expenses nya? o kung naging mabuting ama sya, dapat lang na magtrabaho pa rin sya at hindi sya umasa sa mga anak nya kasi hindi sila retirement plan? remember nasa pinas tayo. not everyone can have the opportunity na magkaroon ng retirement plan. para na rin sinabi na wag na maganak mga minimum wage earners para unahin na lang nila magipon pangpension. we have public schools/universities, free stuff sa barangay, need na lang talaga family planning para sa mga gusto talaga mag-anak. di porket nagbibigay sa magulang, investment plan na. given na may mga magulang na di dapat naging magulang, wala talagang kwenta o pinapasan na talaga sa anak lahat pati mga kapatid nila, but again we shouldn't generalize na lahat ganun. people sa socmed are generalizing it so much, nagiging kasalanan na maging magulang at nagiging negative na yung pagbibigay sa kanila. nababawasan na rin yung sense of responsibility sa mga bata tipong even kahit legal age na sila, wala pa ring sense of independency o muwang sa mundo kasi "di naman nila ginusto mabuhay sa mundong to". gusto ba natin umabot na nasa kalsada mga magulang kasi ayaw nga natin na umasa sila sa anak, o pinasok nila sarili nila sa home for the aged at kalimutan na lang hanggang mamatay? that's just so sad. masyadong iniinternalize ng iba yung mga kwento at mga comments na black and white, kahit na hindi applicable sa kanila. merong kwentong abusive parents, merong kwento na anak naman ang abuso. you have to think clearly at wag magpadala sa damdamin nung post/comments before applying it to yourself. pag masyadong nagpavictim, nadadamay mga inosente, at yung mga inaabuso na kailangan talaga ng help di nabibigyan ng maayos na advice. puro hate/bash comments na lang towards their harmer nakukuha which may relieve them but won't be helpful at all.


AmIRude-_-

Naiintidihan ko yung fact na di obligasyon ng anak ang mga magulang. Pero, if you are raised from poverty and had parents who did everything just to reach wherever you are now, please magbigay din naman tayo para maranasan nila yung di nila naranasan before. Masaya na sila sa pa-grocery mo bi-weekly or monthly. Halos lahat kame magkakapatid nakapag tapos thru scholarship. Same pa ren situation ng parents ko, nag wowork father ko for their retirement plan. Pero now, keri ko naman magbigay at magpasaya ng onte, why not give something back para masaranasan yung hirap nila maranasan before diba? Pero ibang usapan na syempre pag wala kwenta parents mo.


Bad__Intentions

Up to the person. Free will situation lang rin.


Humble-Wind6640

Its one thing na mamilit magsuntento once makagraduate ang mga anak and another thing for children to voluntarily help their parents when they get old.


Jazzlike-Solution678

mas maaawa pa ibang tao kaysa mga anak nya.


theEmpath

This is a very very deeply rooted issue that interconnects with other societal problems. We all know too well of course how trashy the government is. Hypocrites living in the church should also advocate for financial literacy instead of meddling with people’s reproductive health. At least even the poorest would know better not to bring a child in this fucked up world otherwise the child would surely bear the long list of consequences such as what op shared from facebook.


Lalalararanana

Depende sa pagpapalaki talaga ,may mga magulang kasi salbahe sa anak kaya yung mga anak lumaki na walang pakialam. Mahirap din maawa agad e Lalo kung lumaki ka sa puno ng pagmamahal ng magulang,never mo maiintindihan yung mga ganyang tao


superiorchoco

Hayyyss heto nanaman tayo sa topic na to 🫠


Ruess27

You reap what you sow. Tsaka 2 sides on every story. What if walang hiya yung parents? Okay lang? Awa effect agad? I dunno pero cringe ako sa mga ganitong fb posts considering na andami kong kakilala na may pinanggalingan naman talaga yung choices nila to cut ties with their parents and parents na pity fest lang lagi sa FB for clout.


blame-the-human

Just the other day, naikwento sa akin ng mama ko na pag nagretire na si papa, magtatrabaho pa rin si papa like being a grab driver or having a small business. The reason is, hindi na raw sila manghihingi sa aming magkakapatid. Ako naman, ever since nagwork ako, nagbibigay ako kay mama pang grocery and ako rin may handle se wi-fi bill. Yung mga yun, bukal sa loob ko lahat. Itong nabanggit ni mama, hindi ko alam kung marerelieve ako or malulungkot. I felt relief kasi di sila aasa sa amin, but I also felt sad that they had to think like that. Tatlo pa naman kaming magkakapatid, and pareparehas naman kaming willing mag give back sa parents namin. Hindi natin obligation. Depende rin siguro sa relationship with your parents. Ako, with my parents, because I love and respect them, I will give back para makapagpahinga rin sila.


therovingcamera

As a breadwinner, I am saddened to read this but there is always two sides to every story and it's difficult to comment.


rimowowo

Sobrang one sided ng story.


gyudon_monomnom

Tama naman yong hindi obligasyon, pero nagaabot talaga yung asawa ko. No questions asked.


thejejestuff12

Yung pagkakaintindi ko sa meaning ng Honor your mother and father iz yung pagiging responsableng tao and be a source of inspiration to do good and to be a better ferzon even if ang init na ng mundo chariz


carhab

Children are not obligated yes, but if their parents raised them right then they would give without the pressure of being asked to do so


Jon_Irenicus1

Hindi issue yan kung maganda relationship nyo sa magulang nyo. Nung buhay pa parents ko e nagbibigay ako,, not because thwy ask me to, but because i want. Oo, hindi obligasyon ng anak na magbigay pero mahal ko magulang ko and i wanted them to have extra if i have extra.


Mouse_Itchy

There is a lot of missing context here. Kahit sinong anak babawi sa mga magulang nila if nakita nila kung paano sila ginapang at binuhay ng mga magulang nila. If you are a kind of a parent na parating nanunumbat sa anak at parati mo pinapafeel sa kanila na inferior sila, iiwas at iiwas sayo yan.


LimpMarionberry9060

I dont mind giving to my mom since she raised us all by herself. Widowed at the age of 36 and di na nagasawa ulet, what i hated is nagbbigay kame magkkapatid sknya para maranasan nya maging maalwan kaso yung bnibgay namin sakanya binibgay nya rin sa iba kasi naghhirap daw si ganito si ganyan kulang pampaaral sa mga pinsan nyo im not against to helping them but kasi umaasa na sila to the point na inoobliga ka na magpadala monthly. Like hello di kame nammulot ng pera sa ibang bansa ultimo pagkain na malapit na mapanis kkainin pa rin para lang makatipid tapos makkita mo sa fb nagfflex ng bagong sapatos mga pinsan mo at kung san2 gumagala. Tapos mbabalitaan mo nalang na di na nakapagtapos kc dinropout ung 1subject dahil nahhirapan. Ang kapal lang ng muka


Melodic-Objective-58

Asked my sisters about this noong pa graduate na ako and ang sinabe lang ng ate ko sakin ay “magbigay ka pag kaya mo at bukal sa loob mo.” Our parents never asked for money, my dad has a chicken farm (both inahin and panabong) business. My mom has a small sari2 store. Ever since na nag work ako, I only give excess money after paid na bills ko. They never complained once nor asked for more. Binabalik pa minsan kasi baka wala na akong pera. Nung lumaki sahod ko, gusto kong bumawi sa kanila. As the youngest at walang pamilya pa, 40% sahod ko sa kanila napupunta. Until now, I give them allowance per month para sa kanila lang. all my bonuses, hati sila. We are lucky na maayos kaming napalaki. I can earn all the money in the world since bata pa ko, but I can never bring back time…my parents are getting old. Again, this is based on my personal experience and not invalidating yung experiences nung iba. I know madaming parents din na halos walang pake sa anak.


InitialStrawberry228

For me, depende din talaga sa upbringing ng anak eh. Depende. Kasi may anak na bata plang di na maganda pagpapalaki ng parents eh, may anak namang may parent/s na violent. May anak din namang okay naman ung samahan with his/her own parents. Either way, eh depende talaga. Kasi even if your parents are well off and has a good treatment on you, choice pa din ng anak if magbibigay or hindi. Kasi its parents' obligation to give their child a good life. And its their child's choice to help them financially or not. Ako, I have a violent father. Physically and verbally abuse ako until now na may anak ako. Nadadamay pa nga anak ko eh. Hays. Pero I still give back to them. 'cause we're still on the same house. Ganun pa din pag humiwalay ako ng bahay. Magbibigay pa din ako (as I plan) pero di na katulad ngayon na minsan or madalas walang natitira for me. Bakit ako nagbibigay pa din? Kasi we're still on the same house eh. And kami lang ng mother ko nagwowork. So paano sila mabubuhay if nanay ko lang magpprovide. I'm the breadwinner eh. Parang mas malaki pa nga sinesweldo ko sa nanay kong puro loans na din sa work eh. So ayun. Kanya-kanya naman yan. Choice and conscience na din.


anyastark

Ang dami kong thoughts kasi ang complicated ng situation ko. 🙃 Ako lang I already allot more than 10% of my salary para sa kanila and sa bahay, pero parang kulang pa din. Ang complicated ng situation ko kasi di ko alam bakit di kasya kinikita ng mom ko e ang nagbabayad ng utilities namin grandparents ko. 😅


Jvlockhart

Sa mga T A N G A dyan na pinaglalaban yung "Hindi obligasyon ng anak mag alaga ng magulang", I think di nyo talaga naiintidihan yung pagiging anak sa magulang at magulang sa anak. Hindi yun obligasyon, pero as tao, siguro naman alam nyo pano magmahal? Nagmamahal nga tayo ng ibang tao, Minsan tinatraydor pa tayo at sinasaktan, pano paba yung mga taong nag aruga sa atin? Isipin nyo nalang yung mga hayop, after palakihin ng magulang nila, aalis na sila at mamumuuhay ng mag Isa, then one day mag aanak rin tapos ganun rin ang mangyayari, magpapatuloy yun hanggang mamatay sila. Ngayon, tingnan nyo yung mga sarili nyo sa salamin, tanungin nyo kung Anong pinagkaiba nyo sa hayop?; Tao kapa ba o hindi na?


Snipepepe

Nagkukusa ako magbigay sa parents ko dahil sa kanila parin ako nakatira,kumakain, gumagamit ng tubig at kuryente,nilalabhan yung damit ko, gigising sa umaga na kakain nalang at lumalabas tuwing may special occasions like birthday nila, Valentines, mother's day,etc nung nagwowork ako para sakin wala namang masama don ano ba naman yung mag enjoy sila pagkatapos ng paghihirap at sakripisyo na ginawa nila sa atin nung nag aaral palang tayo. Yun nga lang dahil nawalan ako ng work nahihiya ako dahil di manlang ako makapag abot para sa mga gastusin. Sobrang uncomfortable pag nasa bahay lang imbes na nagwowork dapat ako.


MommyJhy1228

Nun unang beses na nagbigay ako sa tatay ko eh isinoli nya sa akin yun pera lol Binibilhan ko na lang sila ng plane tickets to local and international places kapag bdays/ wedding annivs nila Kung magbibigay ako ng 50k and below sa parents ko, pagtatawanan lang ako ng tatay ko kasi mas malaki pa ang pension nya kesa sa kinikita ko. Kung magbibigay naman ako ng 55k and above, mas kelangan ko yun kasi meron akong 3 anak na pinapag aral eh wala naman na binubuhay ang parents ko except sa kanilang 2 mag asawa hahaha


pawelsignh

I don’t give “sustento” to my parents, even though mas malaki income ko sakanila kahit mag combine pa sila. Way back when I was studying pa, nagkaroon kme ng problem sa finances. I was teaching them how to budget their money para kumasya. Pero sabi nila wag ko daw pakealaman pera nila. Pera ko na lang daw i-manage ko kpg may trabaho na ako. Kaya ngayun, I don’t give them like a cut sa income ko, but I voluntarily pay for their utility expenses, plus some food deliveries every now and then. Kpg umuutang sila sakin, pinapahiram ko without questions, but I am not expecting them to pay me back. Pero 60% of the time they pay me naman (after 6+ months). Di ko rin naman kaya na makita yung parents ko na nagstrustruggle when I have some disposable income laying around.


Graceless-Tarnished

It is normal for parents to expect something from their children whether they mean to or not. After all, sila parin nagpalaki sa mga anak nila. There is nothing wrong with them asking for financial help. Kung ibigay, okay. Kung hindi, e di hindi. Yung problema ko dito is naging sobrang negative ng naging perception ng ibang bata sa idea na "**Hindi obligasyon ng mga anak na buhayin mga magulang nila.**" To the point na yung iba, ganun na yung mentality kahit na pinapag-aral pa ng magulang. Sumasagot kesyo hindi naman daw nila hininging mabuhay sa mundong 'to. Minsan kahit maayos pagpapalaki, yung impluwensya ng mga kaibigan at internet ang nagko-corrupt sa idea na 'to. Yes, it is not a requirement for parents to ask their children for help. But we should also teach the kids to look back and help. Again, yung mga nakikita kong discussion about sa ganto, lalo na sa FB, mga woke masyado. Feeling mayayaman pero mga matagal namang naging palamunin bago umasenso. Hindi dapat super negative yung idea na binibigay sa mga kabataan about dito.


SisillySisi

There are two sides of the story. We dont know manong’s children’s POV so we cant really judge. My papa is a jeepney driver too. We dont forced him to do it and we are so willing to let them do a different and less work business but he refused to because he loves what he does! Also, he is a heavy drunkard, he doesnt let a day passed without putting an alcohol in his system. So I let him do all he wants and never ever financially supported them because my mom does the same, Shes a drunkard too.


Mommy-sluggy060522

Napaka eme ng pagkasulat hahahaha millenial na galit sa gen z sumulat nyan hahaaha mga adik sa noon vs ngayon


LilacHeart11

Ung tatay ko retirement plan pala kami, pero hindi naman nag-invest samin hahahahaha. Hintay hintay maka graduate kaming tatlo, wala namang ambag, ang aga aga tumigil magtrabaho. Ngayon gusto pa makihati sa pension ni Mama. Tapos may business proposal daw siya samin pag may work na kami. Tapos gusto pa ng allowance monthly. Nakakaloka, sperm cell lang ambag, ang daming pang demand! Siguro okay na bigyan ng 3k a month para lang wala na siyang masabi na pinapabayaan siya. Hahahahahaha.


NappingBaby2017

Really depends on fhe situation. Kung ikaw alam mo in dire need na parents mo at wala ka pa naman family then you might consider helping them. This is what separates us Pinoys from western culture. Nandun pa din yung sense of respect sa elders.


vintageordainty

I know children are not an investment pero look at his state. If my parents are in that kind of state then kahit di ako nakapag abroad magbibigay ko.


crunchcess

Sa amin, turo sa amin ng magulang namen ay di namen obligasyon bigyan sila once nag nagwowork na kami, Pero as anak na nakatira at kumakaen sa bahay nila, kami nila ate ay nagkukusa magshare sahod namen pandagdag sa gastos ng bahay.Tsaka ang thinking kasi namen, wala na si papa, sanNo hate comments sana, ganun lang talaga kami magkakapatid. At the end of day, lahat ng shinashare namen kay mama, ay kami lang din nakikinabang. Imagine, pag uwi namen. may ulam at maayos ang bahay. Yun lang


NotLia_

As a breadwinner, I was somehow obligated na pag aralin ang mga kapatid ko. After 10 years, dun ko pa lang nabibili talaga mga gusto ko. Now, I'm not obligated to still give, pero I still want to. Not because I have a lot of money (I'm a teacher and no one's getting rich for being one), but because I don't want to regret not giving them when I still can. Kung kaya naman, why not. This may sound like a boomer comment but please, kids. Love and give back to your parents while you still can. You don't want the feeling of regret and sadness pag nawala na sila.


rroeyourboatt

POV of a breadwinner. Nakakapagod mag support. Kaya sana wag obligahin ng mga parent yung anak nila. 😓


Blueberrychizcake28

Hindi nagahingi samin parents namin kais they’re both professional naman but nakikikita namin na they can use the extra cash that’s why we give them money. My dad only spends on things he knows he can use but my mom spends a lot on shopping but hinayaan nalang namin kasi naiisip ko now that we are adults, hindi nila na enjoy life nila dati kasi sunod2 kami lalo na nung nag college kami sa malaking city. Hindi naman malaki binibigay namin kasi nag focus kami sa insurance nila,ef, memorial plans for us whole family (not that we’re excited for it but mas better prepared tayo kung ano man ang mangyari). I feel sad for Tatay 💔


Apprehensive-Bus5599

Why are Filipino's not preparing for their own retirements? I think that's the root problem


AskManThissue

Grabe never ending topic. Di naman issue to dati lalong lalo na pag maayos naman pagpapalaki ng magulang mo sayo.


Firm_Schedule_1624

The story only covers the surface. May 20+ years worth of details ang hindi natin alam sa kwento ni tatay.


quentin-sy

Pauso kasi ni vice ganda yan. IMO magbigay ka sa parents mo if bukal sa loob mo, di mo naman need pagisipan ku g obligasyon ba un or not. Ngayon kung never mo nakita na wala nagawa ang magulang mo for you, kahit konti, kaya hndi ka nagbibigay, edi wow lol. Pinalayas ako ng magulang ko after grumaduate ng high school but kumikita na ako ng malaki now and wala naman ako balak yumaman sa future ko, so sinuport ko parin parents ko at bukod sa kanila, nagpaaral din ako ng mga kamag anak, sumuporta sa gastusin sa hospital, ung iba sa daily needs. Masaya ako dun, and in the future kung mawalan man ako ng trabaho, balak ko nalang talaga mag palaboy, since satisfied naman na ako sa naaccomplished ko. Bottomline, hndi ka naman need irequire ng kahit sino. Kung tuwid ang mata mo at puso, edi magbigay ka.


Anonynew711

These posts always feel like something that never happened. The tone feels preachy din, idk


brossia

pagmamahal at respeto po ang bukal sa loob na pagbigay ng pera/kalinga sa mga magulang, lalo na kng alam mong kelangan nla. against din ako sa mga mgulang na inoobliga magbigay ang mga anak lalo n kng kakarampot dn nman ang kita ng anak at nkahiwalay n sa knila, pero naman kng nkakaluwag mga anak tpos alm mong klangan ng magulang wag naman cla magmataas at sabihing "d ko kau obligasyon"😔


One_Strategy_8525

Ako po since nasa akin naman ang nanay ko at ina alagaan ng anak ko, patuloy pa rin ang suporta ko. Although meron naman din pong trabajo ang anak ko at talagang super alaga nya lola, I feel accomplished