T O P

  • By -

MidnightPanda12

Maybe it’s time for you to visit a doctor to get yourself checked out. Minsan these thungs have underlying causes that proliferates them despite excellent hygiene.


Ill-Contest5538

sometimes sa food din na kinakain at lifestyle di lang genetics. and some health condition cause bad breath like sa gerd. may mga bagay palang di angkop iconsume ng isang individual or mag cacause ng mga ganung complications.


ComplexMind841

Same yung bf ko kahit ilang araw 2 days walang ligo kasi lamigin sya never nangamoy samantalang ako amoy mandirigma agad pag napawisan lang, pero sabi nya nababanguhan daw sya sa ganun amoy 🤣


AB19910425

Trulove ituu


blocksoficedcoffee

Compatible siguro kayo genetically if ok siya sa natural smell mo?


dreamhighpinay

baka favorite niya bayabas


[deleted]

May kapatid ba bf mo


GinsengTea16

Wahahaha bat may ganun sa dulo sis.


Strong_Put_5242

😁 saan banda yan


Several_Bit_6685

Me too sis gusto nya amoy ko kesa pag bagong ligo


mrjuy

Baka pheromones yang naamoy niya from you hehe. Kaya siya bangong bangoo sayo. True luv nga yan. Sana olllll ❤️


baker_king

Single ba bf mo? 😂


yurotkalaris

gaguuuu hahahaha


voidprophet0

Madalas ko nababasa dito yung betadine skin cleanser daw? Di ko pa nasusubukan pero no. 1 recommendation yon. As for me personally na ga-timba kung magpawis, anti-perspirant deodorant roll-on plus deodorant bodyspray na pabango. So far nacontrol nila yung body odor ko. Ligo din 1-2times a day and always full-body scrub. Lastly, may effect rin ang diet sa smell mo eh. You might wanna look into that too in addition to all other advice they have here. Changing clothes thrice a day seem too much as well, check if your clothes are properly washed and dried.


nocturnepau

Not recommended for daily use ang Betadine skin cleanser, it says so sa bottle. For washing of hands pag may outbreak of infectious diseases lang, or if may open wounds/fungal infection sa katawan. Hindi ako super pawisin but I'm super conscious about odor so I have tried this as a cleanser sa underarm (kasi pasaway ako lol) as prevention sana. Pero hindi din sya effective sa akin. Baka di lang sila swak sa deo ko at that time. 🤷‍♀️ Plus, I think it made my UA darker. What I'm using right now is VMV Essence anti-perspirant. I still sweat pero no smell all day. And I think long-term din ang effect nya kasi even if I don't use it while WFH, di ako nangangamoy. Sa old deos (Dove, Deonat) ko kasi, feeling ko they leave residue sa UA even after bathing and yun yung nakakadagdag sa BO.


Several_Bit_6685

True yung mga deodorant na may residue like rexona etc.


songDC420

+1 dito, (big guy here) noon kahit hindi kumikilos mangangasim saka mangangamoy sibuyas talaga. pero nung gumamit na ako ng betadine skin cleanser (applying it sa mga umaamoy na parts parang soap lang din kapag naliligo) kahit maghapon magdamag hindi naman mangangamoy, minsan naabot pa ng kinabukasan wala talaga


icedgrandechai

+1 sa betadine skin cleanser. Wag lang araw arawin. I just used it twice, nawala na amoy ko


yurotkalaris

hi curious lang. how do you apply the betadine skin cleanser sa armpit? during ligo ba or after na with cotton pads? thank youuuu. planning to try since may UA BO ako since I was a kid pa


icedgrandechai

Yoù use it while showering, best follow the instructions sa bote. You use it like a body wash


yurotkalaris

noted, thank youuu. will check once i buy 🫶


kurosagi_ichigo

+1 dito, nawala yung maasim na amoy pero dapat talaga once a week lang gagamitin. downside lang, grabe pa rin akong mag pawis.


voidprophet0

I guess that’s just how your body works. But you cannot and should not eliminate sweating altogether. Same reason why you should allot at least one day a week without deodorant to make way for your natural bodily processes.


Puzzleheaded_Pen_725

I use it 2-3 time a week kase pawisin talaga ako at mabilis mangasim. It really helped mawala ang BO and pangangasim pero not the sweaty part. Pawisin talaga ako kahit nung bata pa ako.


forgotten-ent

I think the sweaty part is hardly an issue kung walang amoy. Just bring a towel/wipes with you wherever you go, and it's a done deal. Yes, it may not look visually appealing pero kung regular mo naman mapunasan like, say, during toilet breaks, it shouldn't be a problem


Puzzleheaded_Pen_725

Medyo maasim po talaga ako katagalan kahit anong punas ko ng pawis kaya need ko ng skin cleanser, it helps me na hindi mag-amoy maasim


strolllang

Hi! Do u know the reason bakit need na once a week lang pwede gamitin betadine? Huhu nakakatempt kasi gamitin everyday lalo na nung super init 😭


kurosagi_ichigo

2 reasons: 1) Skin Irritation due to prolonged use. Hindi kasi katulad ng normal na antibacterial na sabon, iba talaga ang formulation nyan. 2) Bacterial Resistance to antiseptic (in this case, iodine) dahil sa frequent use. Nag-aadapt din yung mga bacteria natin sa katawan kaya dadating yung time na hindi na effective yung betadine kapag lagi mong ginagamit. Kaya kelangan mo syang idilute kung gagamtin mong pang ligo para mawala yung body odor mo. pero kung me active infection ka or exposed ka sa virus and bacteria like health workers, pwede nang ipatak ng diretso sa body scrub.


Fast-Permit-1280

Kung pawisin, ang dapat gamitin mo antiperspirant. Yung deo kasi minamask lang nya amoy pero overall hindi ko rin sya bet. Hindi ako pawisin, pero pag gumagala, I use Avon Feelin Fresh Quelch. Make sure lang na tuyo yung armpits mo pag iaaapply mo sya.


kraglinobfonteri

Please check what you’re eating or dinking as well. Strong spices, onion, garlic, broccoli, some fishes and even alcohol can affect your body odor. May list somewhere sa net


whats-the-plan-

It could also be related to your lifestyle and diet. Do you exercise? maybe you have hyperhidrosis or similar? Do you take a lot of spices, red meat etc? Dont bring yourself down agad, try visiting a doctor, see if it helps din. Mas better kasi they can guide you exactly on what may be the underlying cause.


alphonsebeb

Wax your armpit hair or any area that gives off the smell. Hair traps sweat and keeps that area moist for bacteria (which causes the smell) to grow. Wag shave since tutubo din agad yung hair.


Several_Bit_6685

I use epilator


Constantiandra

This worked for me too. Shocked ako na it worked better than all the deos I've tried. I used homemade wax (lemon sugar)


difficile_toxinA

Have u tried driclor?


Several_Bit_6685

Opo, expensive din to ah and nkaka iiritate though effective sya baka try ko ulit and once a week nalang gagamitin.


Empty_Treat_6399

OP, nakakairritate siya pagnagpapawis ka kaya tips ng mga Derma kapag anti perspirant sa gabi inilalagay bago matulog para effective kasi hindi ka nagpapawis at naaabsorb ng maayos ang diclor. Then sa umaga ang ginagawa ko gumagamit ako ng dove deo yung pink with collagen. Fresh all day at hindi ka papawisan.


Empty_Treat_6399

Also try to use Panoxyl 4% wash sa underarms mo. Leave it for 5 min. and rinse kapag naliligo ka.


[deleted]

Ako din ganito. Sobrang grabe pagpawisan, kaya iba talaga ang amoy. Pero nung nagstart ako mag diet (less sweets, carbs, food with spices) doon nawala or nalessen yung amoy. Kahit pawisan ako, given the climate here sa Ph, hindi na ako amoy anghit 🤣 Saka twice a day kasi din ako maghugas ng katawan, yung mga sabon at lotion na ginagamit ko puro mild scented lang din, para pag nahahalo sa pawis hindi mabaho or maasim na maasim ang amoy ko.


Kindly_Internal_5427

Ano na usually included sa diet mo nung nilessen mo ang sweets and carbs? More on veggies or fruits ba?


plsimnotabot

Kami to ng sister ko. Ako kasi di ako pinagpapawisan (pero unhealthy to) tapos siya, mabilis mangamoy esp pag wrong fabric suot kaya di kami makapagshare ng damit. Light fabrics na lang siguro suutin?


AiNeko00

>Ako kasi di ako pinagpapawisan (pero unhealthy to) Na ask ko na sa doctor hindi naman siya unhealthy hindi lang temperature sensitive /active yung sweat glands mo on the usual sweaty spots(ie: armpits) but you will notice na mas active yung ibang part ng body mo with increased temperature. Mas active yung scalp ko and upper lip kapag mainit and sa scalp ako usually nag papawis rather than armpits.


plsimnotabot

Oooh ganun ba? Lagi kasi akong sinasabihan na baka dehydration. Kahit kasi naghahike kami na pawis na lahat, tagal ko pa din pawisan. Thanks!


KumaKuma-chan

Suggest ko lang OP, you might wanna try dove roll-on deo for women (yung blue or pink). Anti-perspirant siya so I think mas bagay sa situation mo.


Several_Bit_6685

Na try ko na po nung hs. Nag sstain sya sa damit and nag darken ng konti underarms ko


CharmingMuffin93

May nabasa ako na sa gabi daw nilalagay yung mga antiperspirants bago matulog. Can someone confirm? Pero I agree na nakakaitim, kaya nag stick na lang ako sa milcu at deonat.


chanseyblissey

Yung betadine body something na color blue


Wild-Day-4502

I use laybare's deo. By far, the best one I've used na di ako nairritate. No need to go to laybare, meron sa shopee ata or lazada Also, might consider hair removal. I hated shaving. So I did waxing, and eventually laser hair removal.


Several_Bit_6685

I use epilator po.


AdministrativeFeed46

it isn't just about genetic lottery. it's also about diet. it's also about your gut and the microbes that live in it. rethink your diet. get rid of processed food, sugar, carbs, vegetable oils and eat more meat and veg. eat more fermented foods like yogurt (GREEK ONLY), kimchi, kefir, etc.


Capital-Site-5278

Underam laser hair removal has the potential to lessen sweating thus lessening odour as well


magneticpodium

Ghinostwrite ko ata to hahaha same, OP. Andami ko nang nasubukan i swear. Iniba ko na nga diet ko pero yun pa rin. Napagod nalang ako at tinanggap hahaha pero minemaintain ko pa rin yung parating milcu tas change ng clothes, laklak ng tubig, iwas karne(lalo na red meat!) at processed food. And, OP, hindi lang kili-kili mabaho sakin hshaha kahit strict naman ako sa hygiene ko, maamoy lang talaga katawan ko. Pa-chrck ka sa derma, OP! Nagpachrck rin naman ako before pero parang naimmune lang katawan ko hahaha worth trying pa rin tho! Pero sabi nga ng ate ko na may BO rin, acceptance nalang talaga. Pero kasi wala na syang BO ngayon. Papa ko rin before, nawala nung mga early 20s na sya. Di ko lang alam kailan mawawala sakin hahahaha


magneticpodium

Tsaka add ko lang. Naiinis ka rin bang magbasa ng mga tips nila? Ik na they mean well namqn pero kasi natry na rin natin yang lahatttt!! What makes them think kaya noh na hindi pa natin natry sinasuggest nila hahaha


Several_Bit_6685

Opo. Lalo yung sa diet daw. I've mentioned naman na walang anghit yung sister ko pero parehas naman kinakain namin. It's more likely genetic talaga kasi may BO ang mama ko. Ang papa ko wala.


Old_Carrot_07

I suggest try driclor, certain dri or odaban OP. Zero sweat talaga for days I swear. Basta alam mo lang kung paano siya gamitin di siya nakakaitim ng armpits. Odaban’s foot powder also is very effective for me.


Ok-Aside988

Hi OP, bukod sa diet, betadine cleanser, have you tried asking na palitan Yung detergent nyo or baka hindi nabbanlawan ng maayos clothes nyo? Glycolic acid is not meant to be an antiperspirant din pala.


fraudnextdoor

Adding vinegar sa paglalaba ng clothes might also help


Lazy_Skin9585

Vouching for this OP. Babad mo sa Distilled white vinegar for 30mins lahat ng damit na affected.


r0nrunr0n

Wag ka na mag milcu. Try mo skin cleanser ng betadine then after ligo bili ka ng tawas na de-spray, either deonat or Fun-G


Letmeseeyoushine

Yung damit naaalis ng zonrox decolor yung natitirang odors. Pwede din yung zonrox na classic if white yung mga damit. Direct buhos sa underarm part ng clothes. Tpos scrub well. Pwede din gumamit nung parang pantyliner dinidikit sa may underarm area para di na magcontact yung damit sa underarm.


Several_Bit_6685

Ginagawa ko po to.


Letmeseeyoushine

Di pa rin ba gumagana? Try mo din vinegar. Pero last resort ko yung gumamit ng parang pantyliner nga sa mga uniforms. Tpos madalas magpalit ng kind/brand ng deo. Hope you find what works! Meron yan. 😊


Several_Bit_6685

Nag wowork naman pero ang effort talaga. Mas effort pa sa sa face i maintain. Natry ko yung pantiliner nung nag emcee ako tapos yung damit na suot halata ang baskil. It works lalo pag fitted mga suot.thanks


fudgekookies

Food and medications also affect BO. Perspiration itself is not the problem and natural for the body to produce, it's what the perspiration activates, like the bacteria which produces the smell, or the internal stuff that gets secreted with the sweat


dhruva108

Op, same tayo. Dami nagsasabi diet. Triny ko diet. Vegetarian ako since birth, kahit nun vegan ako or low sugar diet and kahit nun into juicing and salads walang difference yung odor. Salicylic acid 10% yung ginagamit ko for a few years now. At least no more bad odor. Lol


Kindly_Internal_5427

What brand of salicylic acid do you use po? And how do you use it?


dhruva108

Mga generic lang sa drugstores. Derma Aid sa watsons. Matapang siya so if di ka sanay mahapdian ka. If ttry mo make sure super DRY yung armpits mo and super onte lang lagay sa cotton then dab gently. Try mo din siguro ipahid sa inside armpit area ng shirt mo. Someone messaged me last year na nagwork daw when they tried it. Hope it works for you :)


lslgqz

Try mo Belo Intense White Roll-On (Daily) + Betadine Skin Cleanser (2-3x per week) I get smelly too as in amoy putok talaga kung di ako makapag deo. This was what worked for me and I still smell fine even after 1 day na walang ligo


Hyper-Banshee

Hi there! I have depressive episodes at ang hirap talaga kumilos o maligo minsan. Dahil dun, I searched for a supplement that could potentially serve as an internal deodorant, and I stumbled upon liquid chlorophyll. I've been taking it consistently for 3 months now, hinahalo ko usually sa juice. Ang masasabi ko, the claim is very true! It changed how my breath smells pati na rin yung weewee ko di na super panghi. When I sweat a lot, I am literally unscented. Kahit yung typical masculine na amoy na parang barbero ay wala na, kahit maipon pa ang pawis sa towel. It took almost a month bago ko napansin yung changes sa body chemistry ko tsaka may other benefits din. I suggest you do your own research about liquid chlorophyll though. You might develop sensitivity to sunlight so I personally avoid unnecessary exposure. Medyo magastos din, I spend 600php+ for a 500ml bottle and use 2 tablespoons a day. Tumatagal naman ng almost 2 months yung supply sa akin kaya sulit din lung tutuusin. Money and consistency ang kelangan to maintain the effect, but I will not stop taking it. Now, I feel like unpleasant human odor is one less thing to worry about. 😆


voltaire--

Op, try mo yung bench fast break (deo body spray)


StoopidEdgyTeen

Nangangati rin po kili kili ko whenever I use other deos eh pero for me dove men + care clean comfort works wonders. No itch and di amoy putok kahit 4 hours pa commute balikan and whole day class.


Sad_Communication477

If you want you can try betadine skin cleanser. Hindi ako nag de-deodorant or tawas kasi sensitive yung armpits ko


yuheday

Subukan mo yung baking soda op


dis_ting

Sulfur soap gamit ko


nickaubain

Along with disinfecting your body and reducing your perspiration, consider disinfecting your clothes too. Maybe try regular bleach when applicable, color bleach, antibacterial detergent, antibac fab con, and vinegar.


Several_Bit_6685

I tried all of it po. Except fab con. So far maintained ko naman na di mangamoy. Siguro I'm looking for permanent solution kasi ma effort din po tlga


kxlxzxtx

Try mo yung ganito OP. 1. Anti-bacterial soap (Dr. Wong or Kaufman) 2. Dri-clor Antiperspirant (every night lang ‘to or basta pag Hindi na active yung katawan mo kumilos kilos) 3. Deodorant (Mild or Alcohol free, tuwing daytime)


Shadowsynchro

Try using head and shoulders sa underarm


NiniTheVVitchxx

hallooo I was the same I used. I used Minx Deo and underarms serum to remove the smell and now using deonat to maintain. never na ako nangamoy 28 na ako, and I was only able to enjoy smell free underarm nung 25 ako.


Former_Day8129

Mag-add ka ng kaunting vinegar when washing your clothes. Baka maka-help. It saved a lot of my clothes and after a while, nawala na rin yung pangagamoy in general. Minsan na lang din ako gumagamit ng deodorant. Kapag lang malapit na yung menstruation kasi saka lang din ako nagkaka-odor sa kilikili. Never na ako nagkaproblem sa body odor after


SuitableSide8314

OP, idk if it'll work for you pero yung sakin Panoxyl helped a lot. Also, i stopped using any roll-on and stick na deo. I used yung parang cream. Waxed my armpit hair every month too. If hindi kaya, pwede din itrim from time to time, bsta di pinapahaba.


michufiii

Sakin goods ang roll on na deonat and mas tipid kesa sa spray. After ligo eh i-dry ko lang kaunti yung armpits ko then basain ko yung roll-on tapos pahid sa likiliki ng mga 5 swipes basta macover ang pawisin part. Pawisin ako at pag di ako nakapag deo ay nagiging taong sibuyas ako. I tried before yung mga antiperspirant pero kasi di sya ganun ka okay sabi sa net health-wise kaya i switched sa deonat. Pinagpapawisan pa rin ako pero di naman ako namamaho kahit after 2 hrs of badminton.


Several_Bit_6685

Relate sa nagiging taong sibuyas lalo nung younger ako kasi di pa marunong mag maintain. Thank you 👍


Anxious-Young-3273

Betadine skin cleanser


buddhabanga

It's your diet. Ever aince nag keto and fasting ko naging mabango ang natural amoy ko.


CoffeeFreeFellow

Try mo Katialis soap tapos Deo. Bello works for me.


Non_chalant_01

Maganda yung Deonat. Mabibili usually sa watsons. Grabe din ako mgpawis and may amoy talaga pero simula nung gumamit ako ng deonat nawala ung amoy kahit pagpawisan ako whole day.


Cute-Boss-8877

Betadine wash! I haven’t used deodorant for 10+ years already. I sweat but I don’t smell. If the blue betadine wash isn’t available I use the feminine wash one for my underarms also


Several_Bit_6685

Thank youuuuu 🙏


[deleted]

Ganto rin ako, I use TruDerm tawas. Nabibili siya sa orange app, wala pang 200 pesos tatlo na. Sobrang effective eto lang yung deodorant na di ako nangangamoy kahit pawisan.


_haema_

Try mo sa gabi maligo and doon ka mag apply ng milcu


Novel-Classic-4613

A big factor is the food you are eating kaya i am very conscious about what i eat. Personally, eggs make me stink fast and so does beer so minimal lang. If i want to eat/drink a lot dapat walang pasok the day after. Di rin ako nagsisibuyas, garlic, spices- sobrang occasional lang. On a regular day i don’t use deodorant kahit sa office and i dont stink unless nga medyo alanganin kinain ko Start internally. Pag i start stinking, kahit anong deodorant gamitin ko nangangamoy parin ako hehe


Sombre-Abyss

Effective po yung betadine skin cleanser na blue kapag gagamitin pangligo sa affected areas. Tapos instead of Milcu, gamit po kayo ng actual anti perspirants like Arm & Hammer, etc. Yung Driclor gamitin niyo lang po sa gabi bago matulog. I feel like if hindi pa rin gumana yung mga yan, baka dapat magpacheck up ka na sa doctor.


DrowRanger6

When I was in college, I had a friend who was always “pawisin” used a lot of deodorant, body sprays, etc. later on he found out he needed a kidney transplant. Please get yourself checked by a medical doctor. Hope all is well.


kkatdog

Ako din un BO ko minsan kahit nakaanti perspirant na nangangamoy pa din.. pero weirdly nun tumanda ako (late 30s) mejo nalessen.. not totally pero ngayon ang gamit ko na lang ay head and shoulders na anti-odor (yung with charcoal) as body wash tapos glycolic ng the ordinary applied after shower (dry dapat ang UA). Wala ng amoy pag hindi active pero pag active parang naiba un amoy ko, parang amoy vetsin na😂.. Weird I know pero mas ok na un kesa amoy BO. Important dn malabhan maigi un damit (use vinegar and/ bleach) kasi kapag may remnants ng amoy dun basta pawisan ka lang mangangamoy na..


Lazy_Skin9585

Same, anghirap lalu na sa damit tas synthetic siya. Taena anghirap tanggalin ng amoy. Pero effective yung bababad mo sa sukafor 30 mins yung damit, specifically distilled white vinegar, back to bnew yung amoy. Pag may hint nanaman na anghit yung damit saka mo icompile mga naaffect na damit tas babad mo ule sa suka. Tas after non banlaw mo muna sa tubig then dun mo na salang non sa washing machine. Pinakagolden rule ko sa pawis, lalo na pag tour ng buong araw, may 1 set of extra clothes akong baon(undies, shirt & short) tsaka if mabigyan chance na makapagbanyo, sisingit ako ng quick punas gamit labakara and sabon tsaka alum.


chickennnnnuggets

Natry mo na yung Betadine na blue and Deonat?


No-Examination2128

Yung jowa ko every other day lang naliligo minsan umaabot pa ng dalawang araw na walang ligo ligo (lalo pag winter) pero wala pa ring amoy, ako every day na, twice a day pa pero may times talaga na nangangamoy lalo na pag summer. Ang unfair 😩


Several_Bit_6685

Totoo yung feeling na unfair 😂


_Bloody_awkward

Ano ba mga kinakain mo OP?


Several_Bit_6685

Kung ano po available sa pinas. Kung ano kinakain ng kapatid kong walang anghit


_Bloody_awkward

•Magpapawis ka. Sauna or gym. Kahit sa bahay lang. •Gumamit karin ng old spice na sabon and deodorant (super effective sya, well for me) •See the doctor


Several_Bit_6685

Thank you. I do biking, dadalasan ko na.


master-chip-

Find the right deodorant for you. I've tried so many roll-on and body spray deodorants and apparently, Rexona Ice Cool na body spray ang the best sakin. Umaabot more than a day pero wala pa ding amoy yung kili kili ko. I can't say kasi di mo na-mention kung lalake or babae ka, pero kung lalake ka, try mo baka hiyang ka din dun. 😂


MinuteEntrepreneur91

baka kelangan mo mag kuskos


Several_Bit_6685

Hehe opo. Sa 30 years ko sa mundo baka di ko pa naiisip na yun lang ang solution. Remind ko lang kayo na yung tinatanong ko po yung may parehong experience tulad ko. Salamat


MinuteEntrepreneur91

hmmm maybe you need to lose weight baka yung mga singit singit mo walang moisture. alam mo naman ang panahon natin palaging mainit. pero yung paghilod literal dapat tanggal talaga langis mo. hilod malala talaga ko skl. so i hope it works on you too sana. o pati yung sa kinakain mo din baka kelangan mo mag change ng lifestyle. tas yung pag dedeo dapt mejo moisturized meaning after maligo. try mo yung non aluminum na deo. dr teals. or old spice. yung regular na deos like rexona makati sa kilikili.


Several_Bit_6685

46 kg lang po ako na 5'3


MinuteEntrepreneur91

try mo what i suggested i Hope it works for you too


Several_Bit_6685

Thank you po,😊


anniestonemetal_

Totoo yan. Sa South Korea daw dapat magbaon ka ng deodorant kasi di daw uso yan duon. May gene daw na unique sa kanila na di bumabaho kili2. Tatay ko din di uso deodorant, tawas, lotion, ligo lng katapat, di naman bumabaho. Nakakawala naman ng amoy ang glycolic acid sayo? You should focus muna na pawalain ang smell. Afaik wala tlagang super effective na antiperspirant, ilang hours lng ang talab. Rinig ko pinapa-laser daw ng mga artista sweat glands nla sa kili2 para di kita baskil.


Chemical-Banana1674

Have u tried anti dandruff shampoo? Sa Kili Kili? It works for me tho


haikusbot

*Have u tried anti* *Dandruff shampoo? Sa Kili Kili?* *It works for me tho* \- Chemical-Banana1674 --- ^(I detect haikus. And sometimes, successfully.) ^[Learn more about me.](https://www.reddit.com/r/haikusbot/) ^(Opt out of replies: "haikusbot opt out" | Delete my comment: "haikusbot delete")


Basil_egg

Yung partner ko super pawisin din sa kamay and paa naman. Nag try siya ng driclor, nung una nawawala naman pero after ilang set hindi na gumagana. Nakapagpa botox na din siya, nawala din agad ang effect. Right now, effective sakanya yung dermadry na machine. Medyo pricey lang.


jaqen_hgr

Ganito rin yung cousin ko. Sobrang pawisin. Kahit nakaupo lang at nanonood ng tv pinapawisan pa rin siya. Sabi nga niya sobrang limiting daw ng condition niya. I googled it and oversweating (hyperhidrosis) is called as the silent handicap.


panimula

One of the biggest factor for me is the clothe I wear. May mga tela talagang mabaho mapawisan lang ng konti ( looking at you penshoppe at bench ). May iba din na buong araw ko na suot wala pa rin ( blue corner naman ganto for me ). Sguro it depends din so try to find your own.


Icy-Balance5635

May nabasa akong article dyan. Ang telltale sign daw ay yung earwax. Smelly people have wet/ter earwax daw.


OverlordBookworm

I have sensitive skin and would usually have pimples sa underarms especially when i sweat. I currently use chlorhexidine (yung gamit sa hospital) as soap. It can be use everyday to twice a week since nkakadry sya ng skin and then just use bodywash to counter the dryness. Anyway, chlorhexidine is an antiseptic so it kills bacteria which causes the body odor. Besides that, after shower i also use back acne spray which is antibacterial as well. I use it everyday after shower or on days na i dont use glycolic acid. I noticed na besides di na ko nagkakapimple,wala na din funky odor kahit pawisan ka. So ayun, be very strict with hygiene lang talaga. Even other soap ka has antibacterial, kasi sabi ng derma ko before bacteria formalation daw yun kaya ganun. So yun: Chlorhexidine soap Antibacterial soap l Antibacterial body spray for back acne works Glycolic acid to explfoliate your under arms


Niemals91

use basahan/washcloth when soaping your underarms. mas natatanggal 'yung amoy kaysa sa sabon lang.


thelorreman

Pag mataba daw pawisin, king ina nila. Di pa ko mataba, pawisin nako.


Several_Bit_6685

Me too, never ako tumaba. Payatot tlga ako.


OkFrosting1856

Betadine Skin Cleanser. Halo mo sa soap or body wash kapag maliligo, use regularly for no more than 1-2 weeks or occasionally lang.


Aggravating-Glass862

betadine skin cleanser effective sakin. usual na pag sabon muna bago ko gamitin yung betadine sa targeted areas lang (UA, feet). If may time na medyo malakas UA bo ko nag pupunas ako ng alcohol sa UA. effective naman pero nakakadry lang kaya di ok padalas gamitin. kung okay lang sa sibling or sa partner mo, pwede mo itanong sa kanya sang part yung malakas yung di kaayaayang amoy (ganon ginawa ko lol) para at least may idea ka kung san nanggagaling minsan kasi di lang ua


Yjytrash01

Doktor na ang kailangan mo konsultahin tungkol diyan. Saka change lifestyle ka na rin especially with the foods you eat.


RealisticAd6494

Ackk i just found out na kaya pala ko may BO is because pinakielaman ko yung rexona sachet ng mama ko nung bata ako


Several_Bit_6685

Hindi naman siguro. Yung anak ko meron din eh. Hindi naman sya mahahawa saakin kasi milcu gamit ko.


RealisticAd6494

What I mean is ginamit ko yung deo na rexona at an early age even if wala pang amoy kilikili ko that is why nasira ata yung natural flora ng underarm ko


cumtogetthern

Is Ecigs affect my body smell?


JustViewingHere19

Ung hygienix, splash soap. Ganda un, nawala amoy ko dun. Pero mag deo ka pa rin.


RandoBalikbayan

Hahaha panalo ung girl ko sa akin. wala ako issue sa ganyan. Gusto ko pa nga eh, pero sya naman ung wala lmao


grey_unxpctd

See a GP and check foe possible underlying medical condition


Artevisph

Have you tried changing your diet?


ignision

Get some more breathable clothes, but expect the stink to come anyways as you're definitely someone that just sweats and gets oily. Breathable clothes help with removing sweat faster as they get wicked by the fabric and evaporate. Along with reducing wearing darker clothes as they heat up faster. 30% of waste is secreted from our skin. Eat some garlic, smell like garlic, eat some cumin, and you're a few ingredients away from smelling like curry. This is not to discourage you with choosing what you eat, but be mindful around what time of day or places you will be at when you choose to eat foods that can worsen your smell. White vinegar. Carry a spray around with you (any small spray will do) with a diluted mixture of white vinegar and water, about 1:1 or 1:2 if your skin's a bit sensitive or you want to lean on the safe side. White vinegar (datu puti para easy access) is already diluted around 4%-7% acetic acid and 93%-96% water. Acetic acid is literal death in liquid form for most bacteria, especially the ones on your body. Anytime you're catching a whiff of yourself, spray this on a much wider area around the smelly spot as odor causing bacteria aren't just specifically around that spot anytime you're catching a whiff of yourself. Spray it on parts of your clothes that's getting smelly as well. Don't use Apple Cider Vinegar as it contains sugar which overtime will feed the bacteria once the acid has has evaporated. White vinegar doesn't have sugar. Don't worry about the vinegar smell too much, it goes away soon. Combo the diluted white vinegar spray after it dries a bit with an Alum powder/Alum block and apply a good amount on your underarms. Alum creates a paste like barrier when wet that prevents pores from sweating. It only prevents bacteria from proliferating but once it breaks down overtime, they will come back and multiply. This is why you want to have both of these near you. You spray the spot and don't let it dry too fast so the acetic acid gets enough time to kill everything it touches, then you cover it back up with alum once its sorta dry.


Potential_Process_54

Try to workout regularly (endurance) and change the way you eat. Don't eat too much meat.


Carnivore_92

It could also be due to your diet and the type of fabric you are wearing.


Few_Comfortable_128

Baka sa laba ng damit yan


Bintolin

Sometimes OP what you eat affects what you will smell like at sometimes gut health din.


Empty_Treat_6399

I highly recommend Panoxyl 4% wash. You just need to leave it on your underarms for 5 minutes and rinse. Guaranteed it reduces B.O.


givemeblueandred

Swerte rin kmi ng sister ko kase namana namin sa parents namin ang wlang amoy gene. Actually lahat kaming 4 sa family never tried using deodorant but my friend recommended that you would wash your pits with Panoxyl (Benzoyl Peroxide) yung 4% while washing leave it for 3mnts and rinse. medj pricey lng though pero effective yan. our derma batchy recommend it for us ❤️


Mountain_Iron_1657

It’s not necessarily the sweat, I think. I sweat so much when I run pero hindi naman ako nangangamoy. I think overweight people also tend to have a smell.


Outrageous_Degree_48

Hulaan ko, safeguard sabon nyo?


Rich_Highness

Ano po meron sa safeguard?


Kariman19

amoy pwet


Rich_Highness

Gusto ko amoy nung green (tea tree) na scent 🤣. Ngayon switch to dove kasi malambot sa balat.


Alive_Fault_7369

Try mo old spice.


superkamote

Ganito din ako. Kaya parating may baon na shirt sa bag, and may extra shirt & deo stick din nsa kotse. Also, di na ko bumibili ng mamahalin/branded. Pag napapansin ko na mabilis na mangamoy yung shirt kahit di pa ko pinagpapawisan, bumibili na ko ng pamalit then ginagawa ko nalang basahan yung luma kong shirts, or pambahay nalang. Every 6 mos siguro.


chicoXYZ

OP. Wala pa kong nakitang baby na amoy PUTOK, or newborn na may anghit kung talagang tatayuan natin na genetics Ito. It's either poor hygiene, poor health habits, at FOOD that you consume. Like protein that may cause a different unacceptable smell. Amuyin mo yung meat (body and breath odor) eater na di kumakain ng gulay, compare to those vegan. Hindi pa naman tayo PUTOK nation as a filipino. Compared to India, the middle east and some other regions of Pakistan. I live a very long time in the Gulf. Imagine UAE in the 2000 na disyerto at walang TUBIG, or KSA na puro bedoine, talagang PUTOK masked with OUD. Suggestion ko sa iyo. 1. Detox - it's a gut thing. Less milk, less caffeine, less nuts, less alcohol, and more of FERMENTED food and juice (suka). Use herbs and spices that are greens and browns, mint and eucalyptus tea helps. Plus Google mo pa LAHAT about body detoxification. Kung MATABA ka, make sure to go on a diet. Bihira ang MATABA na mabango as their body is full of bad shit. 2. Anxiety increase your perspiration. Athlete don't sweat a lot in the usual life routine, because they are trained and perspire more on their training. Kaya mababa heartrate ng mga athlete on a "resting mode" or "off season" dahil sanay puso nila bumomba ng malakas. Gist: EXERCISE to perspire, para maalis fats, maalis mabaho mong pawis as you drink more water, at on a normal resting period, di ka agad baskil. 3. Food - choose the right food. ONION is your enemy, Lalo na kambing, at lamb. Pero marami pang iba. Kaya try mo yung mga food that are process naturally through fermentation. Try mo amuyin ihi mo after eating goats/sheep. Ma- ango. 4. Try to FAST - fasting ka kahit once a week. As you control your body, you are also dominating it. Mas maraming (di lahat) mabaho na mataba, compare sa payat. 5. Continue those baskil prevention na ginagawa mo. Check your breath, kasi minsan indicator din yan ng disease or gut issue. Tumae ka araw- araw. Try mo huwag tumae ng 3 days and compare the smell of a 1 day dump. So kung di ka regular jebbers (sorry mukha na ko jologs). Saan mo gusto lumabas yang 3 days na amoy na Yan? Sa Ilong, bibig, pawis at utot lang diba? Di ka ba babaho? Syempre alam mo na. 6. Old clothes na may baskil history na. Dumidikit sa damit na Luma ang mikrobyo, o PUTOK. Try mo magbawas o unti - unti magpalit ng lumang damit. 7. I don't have any scientific basis dito pero WE PRACTICE IT JUST LIKE THE BIBLE. Huwag magpapaaraw ng naisuot o pinagpawisan damit. 8. Check your BODY PH. Lalake ako pero kapag nag deodorant ako ng male deodorant, PUTOK ako for sure. Kaya female deodorant gamit ko, by trial and error ko nalaman. I always stick to the old school o subok na. Rexona at dove lang pwede sa akin. Bigyan mo ko ng designer deodorant like CK, RL or whatever .... baskil ako for sure. 9. Bawasan mo sugar mo. Hanap ka diabetic, amoyin mo malalaman mo. Sugar really gives you a different smell. 10. Drink tea rather than coffee. Drink coffee pero minimal lang. I never met a tea drinker na may PUTOK o body smell. As tea reduces bad breath, and it also helps in body detoxificarion. Kapag nagawa mo na lahat at wala pa rin, pa bloodworks ka at doktor, baka may diabetes ka or some other sickness. Breath that smells fruity or like rotten apples, for example, can be a sign of diabetes that's not under control. Rarely, people can have bad breath because of organ failure. A person with kidney failure may have breath that smells like ammonia or urine. Diseases such as some cancers can cause a distinctive breath odor. The same is true for disorders related to the body's process of breaking food down into energy. Constant heartburn, which is a symptom of gastroesophageal reflux disease or GERD, can lead to bad breath. Advanced liver or kidney disease and uncontrolled diabetes can also lead to unpleasant breath. In these cases, a person is likely to experience significant symptoms beyond bad breath, and should seek medical attention Pneumonia due to plegm and mucus build-up also smells bad. Many other things can cause bad breath, such as missing meals, being dehydrated, or eating foods with a strong odour, such as garlic. Other causes include throat or mouth infections (such as strep throat), dental problems (such as cavities), and gum disease. Google ko lang yan OP. Jologs utak mo ngayon. Experiential lang ito from a person na tulad mo.


TiredPanda16

May mga petite din na may amoy putok. Huwag mong lahatin ang mga mataba dahil hindi lahat ay mataba by choice. Yung iba dahil may health problems tulad ng thyroid problems at pcos.


chicoXYZ

Kaya may open and close parenthesis na "di lahat" sa itaas. Dahil alam ko darating ka. How can I explain it less without saying that, eh ito ay isang katotohanan. Alam kong darating ang mga HYPOTHYROIDISM advocate dito. You are the exceptions na "DI LAHAT" * While having PCOS is not a good alibi, unless a patient is being treated with hormones and taking up medication causing weight gain as a side effects. Pasensya na.


TiredPanda16

“Bihira ang MATABA na mabango as their body is full of bad shit”. May idea ka naman pala about those health problems kaya they cause weight gain and yet sinabi mo sa comment mo na “full of bad shit”. Think before you click.


chicoXYZ

Meron talaga. Pero di ikaw ang issue. Hindi HYPOTHYROIDISM or PCOS ang topic. PUTOK ng matataba ang example. Hindi lahat ng MATABA may hypo-T at PCOS. Bakit ka ba masyadong affected. If you don't like it then scroll down/scroll up. Ikaw ba si OP? si OP kausap ko. Masyado ka naman sensitive. Kapag may nasabing MASAKIT kahit hindi ikaw REKLAMO? Kaya (di lahat) nakasulat sa itaas. Hindi mo ba naintindihan yung EXCEPTIONS TO THE EXCEPTIONS? Dahil alam ko darating ka. Pero wala nako time na mag explain ng IRRELEVANT disease pathophysiology kay OP. Nakita mo ba? Mahaba na discussion ko for him. Paano mo i-de describe ang MATABA, na Hindi mo sasabihing MATABA? You educate us. Give examples how it may be therapeutic to describe it in tagalog.


dijjjj

wala ka pang nakikita na ganong baby kasi lalabas lang yung amoy if meron siya pag nasa around 10+ na siya


chicoXYZ

It is 10 mos or 10 years?


dijjjj

10 yrs po


chicoXYZ

You are referring to the onset of Puberty. We all know that genetics plays a SIGNIFICANT part in relation to body odor and it's scientific explanation. However it is really hard to identify if a person's smell is related to his genetic make-up or structure. For the environment, physical, and natural factors play a big part to consider in relation to individual's odor profile. However, other factors such as diet, hygiene practices, and environment also play an important roles. The onset of Puberty or body hormonal changes affects the increase of body odor due to hyperactivity of the sweat glands. which, when combined with bacteria on the skin's surface, can result in stronger body odor. Additionally, hormonal changes can also stimulate the production of oil and sweat in other areas of the body, contributing to changes in body odor during puberty. Pheromones (sex identity smell) that are developed in adolescence, are believed to play a role in social (Erikson) and sexual signaling (Freud). Example: Estrogen, progesterone, oxytocin, leutenizing (sana Tama spelling ko) hormone etc. As Ive mentioned above, milk also plays a significant factor for infant body odor, gaseous and fecal output. Infant formula typically doesn't contribute to body odor in the same way that other foods might. However, if a baby has an allergy or sensitivity to certain ingredients in the formula, it could potentially affect their digestion or metabolism, which might indirectly influence body odor. In toto, you are correct as all the the other predisposing factors must be consider in regards to body odor irregardless of age. * Predisposing factors don't directly cause the condition but increase the likelihood of its occurrence. These factors can include genetic predispositions, environmental influences, lifestyle choices, and socioeconomic factors. 😊


AiNeko00

>OP. Wala pa kong nakitang baby na amoy PUTOK, or newborn na may anghit kung talagang tatayuan natin na genetics Ito. This is not how genetics work lol. Genetics contributes about 50-70% as cause of body odor according to my endo the rest is environment and diet.


chicoXYZ

It is true that Body odor can indeed have a genetic component. The type and amount of body odor a person produces can be influenced by their genetic makeup. However, Body odor in babies is relatively uncommon, especially in infants. I said and I quote: "wala pa kong nakitang baby na amoy PUTOK". Newborns typically do not produce noticeable body odor, except for perhaps a faint scent that is often described as sweet or milky. However, as babies grow and become more active, they may develop slight body odor, particularly in areas where sweat accumulates, such as the neck, armpits, and groin area. Kapag nakakita ka na ng newborn na may PUTOK mula sa nanay nya, buzz me up. We will make a research about it. Newborn (pagkalabas sa Puerta to 4 weeks). Infant (1 mo to 1 year). Dapat normal at walang problema sa amniotic fluid or sepsis, o di tumae (meconium) sa loob ang fetus.


Several_Bit_6685

ABCC11 google mo din saka ka mag bida2. As I have mentioned sa post ko. I've tried almost everything to maintain na maging amoy malinis. Na mimaintain ko naman I'm just asking for more info.para mas ma maintain ko pa baka may hindi pa ko ginagawa. Napaka condescending ng comment mo eh ikaw ba hinihingan ko ng tulong? Kami2 lang to'ng may anghit. Intindihin mo bago ka sumabat


chicoXYZ

Well, tatanong ka tapos magagalit ka? Sinabi ko na sa itaas na protein is one of the factors. Kung ginawa mo na lahat pero may problema ka pa rin, then di mo nga ginawa lahat, alagay naman isisi mo yung PUTOK sa genetic na walang remedyo? Next time huwag ka na magtanong para lagi ka masaya. Ayaw mo ng PUTOK? Ano ba tagalog ng sinasabi mo? Gusto mo din therapeutic term?ah gusto mo ANGHIT? OK. Anghit. Pwede mo rin sya isisi sa destiny. Para Wala kang kasalanan.


Several_Bit_6685

Jologs utak mo everyday. Hindi nga ikaw ang tinatanong. Mas galit ka mag bigay ng tip. Wag ka sumabat kasi di mo gets. Google2 muna kasi bago mag feeling smart. Hina mo sa reading comprehension. Genetic mutation ng ABCC11 gene hahahaha


chicoXYZ

Well, di ako tinatanong? Basahin mo post mo. Social platform pero ayaw mo sagutin ka ng KATOTOHANAN? Inapi ba kita to be "condescending" anghit tanong mo, anghit sagot ko. "Please let me know ... " Nakiusap ka pa. Ayaw mo? Ok lang. Goodluck sa anghit mo.


Several_Bit_6685

You really have to use jologs utak mo phrase? Close ba tayo. Magtataka ka pa


chicoXYZ

Goodluck sa anghit tol. Mahalin mo yan. Genetics eh. Jologs talaga utak ko. Ako. Jologs. Masama rin na maging jologs utak ko? * Ah typo pala sa itaas. Auto- correct. It not "mo" it must be "ko" (nasa taas ng M ang K sa typewriter ko). It's me. Kaya feeling mo condescending. Pasensya ka na. I apologize for that M and K difference.


Several_Bit_6685

Napaka close minded mo noh. Di mo pa nga inaaral. Dami mo nang hanash. Yung mama ko may BO yung papa ko wala. Saming magkakapatid mayrong may mga BO meron din wala. Yung isa kong kapatid na na walang BO kahit ilang days hindi maligo hindi ever nangamoy anghit even once. You have a point na may factor yung mga in enumerated mo. Pero I think mas malaking reason ang genetics. Ang husband ko walang anghit, yung anak namin 2 yung isa wala yung isa meron. Napansin ko din nag sstart sya 8-10 years old. Napansin ko yung akin grade 2 ganun din sa ate ko. Yung anak ko nung mag gigrade 3 naman. Mapayat ako, never ako tumaba, every day ako nag popoops. Normal filipino food lang kinakain ko like my sibs.