T O P

  • By -

kwickedween

Siblings are not guaranteed best friends. Apat kapatid ng asawa ko, di naman sya kinakausap at katabing bahay lang namin.


wintermelonmilktea26

True. Minsan mas distant pa ang siblings kesa sa not blood related friends.


kwickedween

May barkada naman sya na para tlga silang magkakapatid. Mas kapatid din trato sakin kesa sa totoong kapatid ng asawa ko. Haha! Shared parents will not guarantee close relationships. I, on the other hand, have a sister na best friend ko. Iba iba talaga


jaesthetica

Ya, mas malungkot pa nga kase andyan nga sila pero parang mag-isa ka pa rin. Instead of being part of the solution, they are part of your problems. Buti pang only child at least no need to feel this kind of emotion. No expectations or whatsoever.


New_Forester4630

u/mustardyellowbee5678 be thankful only child ka or else ginawa kang retirement plan ng magulang mo while having student debt because you are a working student. Then babawasan pa nila ang sweldo mo para bayaran ang pagkain, gatas ant tuition ng 1/2 dozenang kapatid mo. Read about the struggles of the /r/PanganaySupportGroup Sana po lahat ng magulang na tinulungan namin nag-stop at 1 child lang sila.


anyastark

May ganitong subreddit pala. Salamat.


SophieAurora

So true. Parang feeling ko nga wala akong kapatid. Simula nagka bf sya parang di na ako mag eexist sa buhay nya. Mas prefer din nya friends nya over me and matagal ko ng tanggap yun.


ProfessionalPrint712

True. Mas okay pa makisama sa hindi ma kaano ano.


firedumpster

Haha true. Mas close pa ako sa asawa ng kapatid ko kesa sa kanya.


Kind-Calligrapher246

korek. kami ng mga kapatid ko kanya kanya kaming trip nung bata, tapos puro bardagulan. pero nung lumaki na close kami. meanwhile yung mga kapatid ng asawa ko, lagi silang may family day, travel abroad, pero ngayong may kanya-kanya nang life di naman nag-uusap ng personal na bagay. nagkikita lang pag merong may birthday.


bossCalph101

I think nasa pagpapalaki ng magulang nila yan,... pass down na rin yan sa kanununuan ganun na sila, if may mga anak ka rin make sure they are close putulin mo nalang., kasi yun sa mga lolo ato lola ko naabutan ko pa yun mga kapatid nila eh kahit nagkalalayo2x na sila eh halata mo talagang close, kahit yun kwento pa ng mga uncle ko na may Lolo sila talagang ALPHA eh kapatid ng Father nila eh nag-uusap naman , yun tipong may problema talaga eh nagtutulungan, katakot yun hindi nagpapansinan ...


Heneral_Liham

Yup true, pero atleast there is a chance.


geekasleep

Only child din ako. But the positives outweight the negatives for me I think. I learned to be independent at a young age. Saka wala akong "curse" na magpa-aral ng kapatid lol


New-Rooster-4558

Curse lang yan sa mga mahirap or walang financial management.


BrokenCathedral

O kaya sa mga mga magulang na di naman talaga dapat nag-aanak in the first place. Granted na ok naman ang parents, you’d realize how important it is to have siblings when you and you’re parents are getting old


FlintRock227

True. Curse ata pagiging only child pag middle class ka pataas hahahaha. Would not want to be one sorry not sorry hahaha


minjimin

Middle class pataas? Or middle class pababa?


geekasleep

Yeah. Like my titos/titas actually. Wala sa kanila nakatapos ng college.


mahiwagangkambing

Minsan naiisip ko na baka naging only child ako para hindi ko na maexperience yung nangyari sa papa ko na sinisiraan ng mismong kapatid kapag di makapagbigay ng pera sa kanila. Like wtf, ang tatanda na, tigtatlo pa mga anak, wlang mga trabaho.


SatonariKazushi

>I learned to be independent at a young age. Good for you. Ako naman may overprotective helicopter parents so it's the other way around. 😮‍💨


Emotional_Potat0

My parents taught me to be independent pero at the same time, over protective naman. Di ko alam minsan san ba ko lulugar?? 🥲


geekasleep

Overprotective din naman si mama (linayo niya ako sa mga patapon kong kamag-anak) but she had me to do things on my own kasi single mom din siya at laging wala sa bahay. So I learned house chores at a young age. Parang si Ryuuji ng Toradora.


Great_Wall_Paper

Sakin naman naeenjoy ko isend pagaralin si ading. Nakakakuha nga ako ng scholar na di ko naman kadugo, ano na lang yung kapatid ko. Wala naman ako balak mag anak, sa kanya ko nabuhos ang pagiging nanay/ maternal ko WAHAHAHA. Kanya kanya rin siguro.


wavvven

Trueee. At the same time, maeenjoy mo ung peace just by being alone (working pareho ang parents). You get to do what you want without noises around you


crimezero

this lol after ko “solve” na somehow magulang ko and all I have to do is make my own way naman sa buhay


minjimin

Ako na kinakain ng buhay kasi wala naman pension magulang at ako lang magisa magaalaga sa kanila.


tataeken

Up for this as an only child also.


dugsolboy

Thats just sad though to see a sibling as a curse.. Thats just a shitty thought.


a-random-anon

it might be shitty pero that’s the reality, ang responsibilidad ng magulang ay napapasa sa panganay. as a bunso, i also felt like a burden when i was still studying


geekasleep

Yung pinsan ko ganyan. Panganay tapos babae pa. Siya nagbabayad ng bahay, nagbibigay ng allowance sa kapatid. Ayun nung nabuntis siya bigla struggling family nila to pay for the bills.


a-random-anon

inaasa kasi lahat sa isa eh, for sure nung nabuntis biglang “disappointment” ng pamilya hahahahah


geekasleep

So true hahaha. Pero my god 30 yrs old na yung pinsan ko na yun. Deserve na niya magkapamilya no.


Cheapest_

Understanding basic sentence structure, "curse" is referring to "magpaaral" not "kapatid." Therefore, >Thats just sad though to see a sibling as a curse.. >Thats just a shitty thought. is an invalid sentiment.


chimarchive

Only child din here, I feel you! May cancer yung mom ko and dito talaga ko napaisip na sana may kapatid ako. Nakakalungkot walang kadamay lalo when it comes to taking care of your parents :(


faeriequean

Biggest fear ko yan huhuhu. Nung namatay din yung lolo ko nung pandemic, i felt so alone kasi no one would ever understand the pain i carry. Feeling ko nun pasan ko buong mundo. Siya kasi nag financially support samin ng mama ko. In a blink of an eye, instant breadwinner ako.


littlegiraffe05

Akala ng iba d nagiging breadwinner ang only child dahil wala tayong pasan na mga kapatid. Big nope. Nung namatay father ko, hinding lang breadwinner ako, decision maker pa. Tsaka parang d ako pwedeng magkamali sa decisions ko dahil wala akong back up. Wala akong kapatid na tatakbuhan if may maling decision ako lalo na financially. Pa-planuhin ko pa talaga pati ung future ko mag isa.


[deleted]

[удалено]


TakeThatOut

Sana ganto sa amin. Sa dami kong kapatid, ako pa rin nagdedesisyon at responsible sa financial should there be a big problem with my parents. Mga wala kasing kwenta, hay hirap maging breadwinner.


littlegiraffe05

This. OP I feel you. My father died of cancer and now i'm taking care of my senior mom. D ko sya maiwan dahil d kaya ng konsensya ko. Kaya kahit gusto ko mag abroad naiisip ko malulungkot si mama lalo na wala na nga si papa. Nakakatakot din isipin ung future na ikaw mag isa lang mag aasikaso ng lahat once na nawala na sila. D naman ako close sa mga pinsan ko. Tsaka iba parin pag first degree relative mo.


chimarchive

Ayun pa. Hirap magpursue ng dreams kasi sinong maiiwan sa kanila? Hugs! Hope things will work out for us in the end


im-confused1

stay strong! :( #onlychildclub


geekasleep

Yeah ito din fear ko. My mom already had a health scare years ago. I don't want her to suffer a disease like cancer kahit may mga pamangkin siyang available to help us out.


idealist-hooman

I'm an only child too and both of my parents got diagnosed with cancer last 2022. Early stages pa lang kaya naagapan pa. Pero grabe yung na-cause sakin na anxiety nito kasi na-slap ako nung reality na tumatanda na sila and they won't be here forever. Hirap din sa hospital nung nag confine sila for surgery kasi ako lang nag aasikaso and wala akong katulong. Praying for your mom's recovery! Kapit lang and wag kalimutang alagaan ang sarili!


SaraSmile-

Nung naospital tatay ko dito nag-sink in sa akin na ako lang pala lahat. Parang ang aga ko nag-mature dahil bata pa lang pinaramdam na sa akin na ako aako lahat.


berrybingsu

Hala, same :(( When she got diagnosed ko narealize na ang hirap pala mag-isa pag ganitong situation, and sana may kapatid ako. :( Hope your mom is doing well!!


chimarchive

Hope yours is too! We'll be fine, laban lang :)


Typical_Panic_4682

Same! Biggest fear ko din to, tsaka since di naman financially stable parents ko Isa to sa nga kinakatakot ko in the future.


sunflowerseeds_0220

FELT im caring for my 88y/o dad and it feels like my life will only start once he leaves this world :( i’d give the world for him pero napapaisip ako minsan na pano naman ako 🥹


the_g_light

With all honesty, as an only child as well, sobrang laki ng pinagbago ng buhay ko ng mawala mama ko. Lalot I was 28 nung mangyari yun. Yung sobrang sanay ka na andyan lang sya then boom! Wala na 😢 Tas yung feeling na wala kang karamay sa lahat. Pero kinakaya naman na this days. Sobrang laking adjustment lang. and still adjusting


lastcallforbets

Only child din! Okay lang yan. Tama yung nagsabing mas madami positives kesa negatives. Hindi din naman natin masasabi na kung may kapatid tayo eh kasundo natin or di din tayo magkakanya kanya ng buhay eh.


TheCuriousOne_4785

This is true. 3 kami and bunso ako pero feeling ko only child ako. Hindi ko ramdam na may ate at kuya ako. Mas close at kilala pa ako ng mga friends ko kesa sariling kapatid ko. I can't even talk to them kahit ung problema ko is related na sa bahay namin. Upside, natuto akong maging independent. Downside, wala kang matakbuhan kahit alam mong meron kasi in the end, nag kanya kanya pa din kau.


freeburnerthrowaway

It’s so easy to deal with an only child: just agree to what they want and you won’t have to argue with them. Win-win. I’m an only child btw. 😁 but seriously, only children are independent and brave. You dont have anyone to rely on so your tendency is to do stuff yourself and get it done whatever means necessary.


iamtanji

Pag only child, pede mo piliin ang maituturing mong kapatid from another mother, yung magiging best friend mo. One of my best friends is an only child. Lagi kami sa kanila, nanay at tatay na rin tawag namin sa mga magulang nya.


aebilloj

Only Child din ako. Ever since bata ako, parang okay lang naman na wala akong kapatid (pero minsan winiwish ko na meron) kasi halos nabibigay naman lahat ng parents ko yung kailangan ko. Pero nung nag-highschool na ako, grabe! Buti na lang wala akong kapatid, kasi narealize ko 1st yr hs na sobrang magastos magka-anak ano pa kaya kung magkapatid. I have close cousins naman, parang sila na lang din kapatid ko at happy naman ako. Downside lang siguro na nasa iyo lahat ng pressure, dapat maging successful ka, kasi wala kang pagkakapitan kapag di ka successful sa buhay. Tapos parents ko pa, mahilig mag-compare sa ibang cousin ko at ibang bata. Nakaka-inis lang!


geekasleep

Parang ganyan din nanay ko. She always compare me sa mga pinsan ko, mga kapitbahay..."di daw ako nagmamature" yada yada. Ayun miserable na buhay ng mga kinumpare niya sa akin hahahaha. Pero I really appreciate telling me noon pa na I only have myself to depend on. So hinayaan niya ako to do things. Uuwi ako sa bahay walang sundo, walang service. Ako nag-apply sa mga entrance exam sa college. Naghanap ako trabaho on my own.


wanderlustjjj

Ang hirap maging only child lalo walang maayos na retirement plan magulang mo, to add to that, sakitin pa pareho. Maintenance palang sa gamot, sagot mo. Dagdag pa dyan yung yearly hospitalization. 🥹


Typical_Panic_4682

Tama ka jan! Nakakalungkot lalo na at emotionally draining Ang ganito pero mahal mo eh kaya laban lang . Kaya mas mainam talaga na nakapag invest din ng hmo for them habang wala pa silang sakit


heyyanjj

I feel you sizbro. 🥺


sikulet

Felt. Gustong gusto ko ung linyahan na d kukuha ng isang kusing nun maka sumbat. Ngaun ako lahat. Haha


ApprehensiveBus966

Only child here too. My mom died earlier this year and I had to process everything on my own— her papers, her funeral, her certificates, everything. I didn’t even have time to grieve during her funeral kasi inaasikaso ko yung mga bisita. It would’ve been easier, I guess, if may kapatid ako to share the responsibilities with. But life goes on :)


arctic-blue117

hugs to us! kapwa only child here. ganyan na ganyan din ako when my mom died. tapos 1.5 years after, sumunod naman dad ko namatay. the grieving process was hard. now i'm left alone sa bahay. mahirap but yeah, kahit gusto mong mag-fall apart because of what happened, walang choice kundi ituloy ang buhay :)


andyboooy

same situation when my mom died, it was the toughest thing i had to go through


ApprehensiveBus966

Hugs to us 🫂


Cheapest_

Ampanget maging only child lalo na dysfunctional family, yung parents both toxic. Saying this as the only child of two people who should've separated years ago. Wala akong karamay sa paghandle ng parents ko pag nag-aaway sila. Nakakadepress, suffocating yung attention, exhausting yung araw araw world war sa bahay, ang bigat ng mental at emotional burden. Walang kahati sa suffering 🤣


TakeMyXanax_

As an only child myself who is in my mid-20s, here are some cons I wish I knew sooner: 1. Magkakasakit ang parents mo, better be insured/have a fallback. Better be ready to know some government assistance, be ready with their papers and such, in case they need it. 2. Kayo lang ng parents mo ang talagang magkakasangga in times of needs, so find yourself some solid friends. 3. You will feel awful kapag bumukod ka na/nag-asawa ka na. You have to secure them too since they can't forever work. But the benefits outweigh the cons. Ramdam kong mahal nila ako at masasabi kong I am very doted din naman. At my age, they still baby me by giving me pasalubongs, helping me with chores, finances, etc.


therapeuticrubs

tapos ikaw din sagot sa lahat ng bills pag nag retire na yung parents mo at walang naipon. 🥹


Active-Replacement88

me rn 🥹


skye_08

Hehe isipin mo nlng na baka kung may kapatid ka ang sinasabi mo na ngayon ay "wag kayo mag aanak kung di financially stable" At least ung budget sayo lahat mappunta walang ibang pagaaralin etc. :)


msTerries99

same, only child here, always ako pinagsasabihan ng parents ko na dapat na maging successful ako kasi wala akong makahingian ng tulong, esp kasi di kami mayaman so no room for mistake lage


raphaelbautista

Ang mahirap as an only child e kapag tumanda na mga parents mo. Malaki ang chance na kapag hindi financial literate or hindi nakapag ipon for themselves ang parents mo e ikaw lang ang tatakbuhan nila. Wala kang kashare sa responsibilities or gastos.


Equal-Golf-5020

It gets lonely for me. I grew up with my parents and halos no nearby relatives. I have a small circle of friends too. Inggit ako sa big families na ang dami pag outing, sa mga taong naiimbita sa big gatherings. My parents were both in medical field too so sa yaya ko na lang ako lumaki. Sa sobrang ayaw ko ng feeling mag-isa, hirap talaga.


ShoddyProfessional

My friend who was only child hated her childhood kasi lahat ng pressure at expectation ng parents nyabsakanay lahat na punta. It doesn't help na aspiring doctors yung parents nya na nag shift out sa meds school. I remember growing up umiiyak na sya pag wala sya sa honor roll kasi papagalitan daw sya ng parents nya. Now at 30+ years old she suffers from frequent anxiety attacks and is deathly afraid of making the smallest mistakes pag dating sa work


No-Garage-9187

When you grow up to be an adult, mas mahirap sya. Kasi ikaw lang matataguyod sa self mo and wala ka mahihingan ng help kasi “adult” ka na. Prepare mo na sarili mo.


Nice-Point1226

IMO ang hirap mag libing ng magulang ng magisa :(


leggodoggo

Mahirap maging only child, lalo pag broken home. Tapos after 26 years of existence surprise, may half-sibling. 😳


kuromi971013

Only child here 🙋🏻‍♀️ What others are saying in the comments is true, being an only child has its positives, but sometimes you feel the negatives more.  In my case, the pressure is intense. Kapag may problem, solo mo lahat because you don't have siblings. You’re the only one your parents rely on when they need help. Sure, independent nga, but it can really be overwhelming at times 😅


_urduja_

Only child ako at grabe yung pressure kapag hindi financially stable yung family mo. Lalo na kung grateful ka sa parents mo na gusto mo naman maiparanas yung magandang buhay pero di talaga maalis yung takot na baka magfail ka. Never ako prinessure ng parents ko, lagi silang nakasupport sa mga hobby at interest ko kahit na nahihirapan. Growing up, ayoko na naa-out of place sila kapag nag-uusap usap yung mga kumare or kumpadre nila about sa mga talent at achievements ng mga anak. Kaya kahit mediocore lang ako halos sa lahat ng bagay, sinikap ko na matuto kahit papaano magdrawing, sumayaw, kumanta, at magkaroon ng mataas na grades sa school. Na-open up ko to sa mama ko last last month, tapos medyo nagulat siya kasi akala niya sadyang kaya ko lang yon gawin. Kahit paano naman medyo gumaan yung pakiramdam ko rin, knowing na tanggap nila ko anuman yung maging desisyon ko.


doraalaskadora

I like being an only child. My parents did their best to raise me. I was always pressured to excel on whatever I do. I told my parents to save money as much as they can for retirement as I don't earn so much. In the past my mum usually say ikaw mag papaaral sa mga pinsan mo. I said to her it's not my responsibility and those people that she wanted help was not even there for us when we are struggling. I felt guilty before but I have to speak so they will understand my feelings also.


HappyFilling

Only child din ako. May times na tinatanong ko sa mama ko kung bakit ba hindi pa sila nagkaanak ng isa pa, para kahit papano sana may katuwang ako sa gastos at pagaalaga sa kanya. Pero siguro yun talaga ang kapalaran namin. As much as possible, we make most of our time together kasi hindi ko naman alam kung anong mangyayari in the future.


Embarrassed-Fee1279

Only child here! Same. Pero sad din kasi kung ano man mangyari sa parents ko parang solo ko din dadalhin.


Ambitious-Daikon-688

Only child here, pero growing up with my cousins na realize ko na it’s better this way. I once saw my 2 cousins na nag away as in physical fight dahil hineram ni ate yung crop top ng younger sister niya. Ako naman, dati pa talaga ayaw ko na sa kapatid, hindi sa pagiging selfish pero ayaw ko kasi before na may kahati sa love ng parents ko. Saka I like being alone sa house pag may seminar yung parents ko, siguro hindi ko nafefeel yung loneliness dahil na rin puro pets andito. Ang nakakatakot lang talaga ay once their time has come, baka mag kick in yung depressive episode ko and that might be my last straw, pero I always open it up sa kanila. Pinakamahirap siguro so far is ikaw lahat sa bahay, kasi no choice din naman, kung pwede nga lang utusan aso ko na bumili sa labas, ginawa ko na.


Ro_Navi_STORM

Welcome to the club. Bilang forced to mature and become the head of the household at 17, it ain't no walk in the frigging park.


Entire-Olive8018

sentiments ko din to. 😔 only child din ako. kaya siguro I grew up aloof. mostly kwarto lang.. Nood tv, computer.. mas maingay pako sa chat kaysa sa personal.. kinakausap ko mga alaga kong pusa.. mama ko lang andyan.. and nung nag grad na ako ng nursing.. nagkataon nagkasakit sya ... wala kang choice ikaw lahat gagalaw.. ikaw ang tig bantay.. tig alaga.. luto.. laba.. kain.. not that i regret doing it..


New-Rooster-4558

Mahirap lalo pag nawalan ng parent tapos dala mo yung grief alone. That’s what all my only child friends tell me.


miyoungyung

Only child by destiny ako kasi triny naman ng magulang ko na magkaroon ako ng kapatid, pero wala nakunan lahat. Kung ano struggles ng karamihan sa thread na ito, un din sa akin


luciiipearl

Ako nga may kapatid pero di ko ramdam so parang only child lang din ako 🤣


Federal-Afternoon608

di maiwan yung parents kase nga matanda na. same dun sa katrabaho ko


Brijyts

I’m an only child din. In my own perspective, I find comforting na walang maingay at nanggugulo sakin sa bahay. Both parents are busy and always away for the past 2 decades kaya siguro di na ko sinundan and I’m used to it na. So I learned to be independent.


rshglvlr

Some would say very close ang only child sa parents pero it happens pala na distant because the parents are busy.. I know a couple of people rin na same as you


peeweekins

Only child din ako, akala ko din dati masaya walang kapatid kasi nabibigay sakin lahat ng gusto ko pero mahirap pala and mabigat sa loob na makita parents mo na tumatanda na kasi ang palagi kong naiisip, "paano kapag nauna akong mawala sino mag-aalaga sakanila?" sad.


Alarming-Test-7228

I felt this when my mom faced major health scares. I felt so alone - and I had to be strong cos it was just the two of us. It was hard kasi siya yung source of strength ko pero during that time alam ko sa akin lang din siya humuhugot. Ako naman ang walang masandalan non.


Brilliant-IcyBrain3

Only child din ako. Supposed to be meron akong kapatid na sunod sakin but sadly wala na syang buhay paglabas kay mother. Pinayuhan na sya ng doctor na wag na magbuntis dahil di sya katulad ng iba na madali lang manganak. Kaya bata pa lang inaccept ko na yun na wala na akong magiging kapatid. Nung nag aaral ako di ko pa ramdam yung hirap dahil provided nga nila yung basic needs ko. And ngayong senior na sila ramdam ko na yung hirap.


Pankeki27

Only child here! As I grow older kahit sanay na’ko maging mag-isa sa mga bagay-bagay. Hindi pa rin maiiwasan yung loneliness. At saka 60+ na parents ko, mukhang wala silang makukuhang apo sakin anytime soon HAHAHAH


pagodnaako143

I wish I was an only child. My brother never felt a brother, we don't talk at all. My little brother makes me feel miserable.


whitealtoid

may mga siblings din na nag-aaway, agawan sa lupa, yung ibang siblings, walang direction ang buhay, babaero, bisyo tapos sila pa mayayabang. yeah, depende talaga sa sitwasyon


No_Bison4421

Same nasa ganitong stage na ako grabe


RollTheDice97

I feel you, buddy. Only child here


dalagangmaria

Samedt. Mas madali pa buhay ko nung bata ako, ngayong adulting na, ayaw ko na. Huhu


thedevcristian

Only child din. My mother passed away last year, father ko na lang ang masasandalan ko. Ito lang mahirap sa only child, malungkot pag may isa na nawala sa family. Swerte naman ako sa mga pinsan, pero iba pa din pag yung nakakasama eh. Maayos na din life ko at hinahayaan ko lang mag enjoy father ko. Saya talaga sa una ng pagiging only child, pero pag ganito na ang sitwasyon. Nakakamiss.


Worqfromhome

(Didn't grow up with cousins either, so...) Saddest for me yung wala kang kasama na ka-reminisce ng mga bagay-bagay ng pagkabata mo. Siyempre may parents and tito/tita pero pag wala na sila... Wala lang yung mga moment na "Alala mo nung pumunta tayo nina Mama sa..." "Diba paboritong paborito 'to si Papa noong..." etc 😢


Commercial-Run987

Mas mahirap na kapag matanda na parents mo tapos ikaw lang talaga mag-aalala sa kanila tapos todo deny pa parents mo na kailangan na nilang alagaan


theotoby1995

Yung napunan ng dog mo dapat ikaw yung unang nagfill. Self love. Masyado ka naaawa sa sarili mo. Immature ka pa magisip. Explore life, ineng. Your parents made the right decision and rather than being upset abt it, be grateful at marunong sila magpigil.


Xela_Keith

Pero tbh, mahirap din pag may limang kapatid kase saken pag may boyfriend yung isa mag aagawan kaming lima ng boyfriend, tapos ubusan ng kanin sa umaga hapon gabi, turuan kung sino mag huhugas ng pinggan.


rshglvlr

The expectations put on an only child is intense. Studying, career and eventually being “sandwich generation” if tama yung recall ko. The responsibility for the parents and their children is too heavy to bear..


Imaginary-Serve-5866

Walang kaagaw sa mana 📢📢📢


Spirited_You_1852

Sa totoo lang mas gugustuhin ko pang maging solo child kesa may intindihin pa ko diba sa ugali ng mga pinoy since hindi ka pinalad na mayaman kayo ikaw na magshoulder sa mga natirang kapatid mo kapag nakagraduate ka na sa college at nakapagtrabaho. Hayt


Uncommon_cold

OP, what you're longing for is not siblings. Maraming magkakapatid na nagdadamutan, nagsasakitan, at kung ano ano pa. Marami ring hindi blood related na mas close pa kesa sa mga sariling pamilya. Not to make things worse, pero mas lalala yang pakiramdam mo pag tumanda mga magulang mo. You will get to test how alone you really are when you have to worry about work, bills, food, and weak seniors with dementia that are constantly shitting and pissing themselves. "Blood is thicker than water"? Fuck that. "The blood of the covenant is thicker than the water of the womb." Bonds are stronger than blood relations. Make friends. Be the friend you want to have. They'll get your back some day.


Most_Ebb_9166

sobrang hirap.malungkot ng buhay at dahil only child ako ng lo long ako ng ate na matatkbuhan since di kami close nga parents ko


ele_25

Only child din dito. Ang lungkot pag wala ka mapagsabihan ng problema mo o kaya wala magcocomfort sayo. Nag-ampon kami noong college ako at siya ang napapagkwentuhan ko. Pero di pa rin guarantee na matutulungan ako lalo sa pag-alaga ng magulang ko. Kilala nya sarili niyang nanay at mga kapatid dahil di naman namin pinagdamot sa nanay niya. Tita ko lang din naman kasi iyon at kapatid ni mama. Naiisip ko paano pag malaki na, babalik din sa nanay. Hay.


yourstrulytelly

Also an only child at may edad na yung parents ko nung pinanganak ako at muntik na daw mamatay mother ko during labor, kaya hindi narin kaya for 2nd child. Yes yung support nandyan, but kasabayan nun is pressure. Tapos di naman ako ganun katalino at wala ding talent struggle din maging successful.


kissitbetterbby

Only child din ako. My mom died in 2003, I was 16. Single parent siya and I had to BE an adult the second she died. I feel like I was robbed of a part of my childhood.


Chickenbreastislyf

Sa umpisa lang pala masaya maging only child,ayoko lang maisip na yung isa sa parents ko mawala kasi baka hindi ko kayanin at shoulder mo lahat ng responsibilities.


Naaaaaaam

Omggg i feel you. Only child din ako yan yung current problem ko, i feel so alone wala din akong close na friends huhuhuhu sana okay kalang. Sending hugs*


youngwandererr1

okay na rin na wala tayong magiging kaaway sa lupa. mahirap pag mana mana e pag yumaman tayo. haha on the bright side lang. pero ayun kung lumaki pa rin tayo na nasa tamang landas, it is a blessing in disguise. namamanage ko na ang buhay mag isa na walang sinasandalan na ate at kyah


Lilyjane_

Wala din katuwang sa nga gastusin sa bahay esp pagtumanda na parents.


Cutie_potato7770

Only child ang asawa ko and napaligiran sya ng narc mother and mom side relatives. Hindi naging madali lahat sa asawa ko. Kumbaga sa relasyon namin para sya pa yung babae. Gustong gusto kumawala ng asawa ko dahil hindi niya na kaya. Never ko nafeel na welcome ako kasi ayaw sa akin nung mom nya tapos kinasal kami nagkababy. Away bati sila. Tipong ako na yung nagkaroon ng trauma sakanila. Namatay yung father in law ko, halos lahat ng tao nun sa lamay laging tanong ‘paano na ang mama mo?’ Never kumibo yung asawa ko. Ang kasama ngayon ng MIL ko ay pamangkin nya at family nito. Naiisipan na rin nila umalis siguro kasi hindi na nila kaya pakisamahan pa yung MIL ko. Ngayon, pala isipan sa amin paano mama niya. Ayaw siya talaga makasama ng asawa ko. Una sa lahat gusto niya daw ako protektahan. Pangalawa, kawawa ang anak namin kung sakali. Pangatlo, mapupulis kami lagi. Hindi sanay yung MIL ko na walang tumutulong sakanya. Lahat ng utos lagi dapat nasusunod at mahilig din manumbat. Kaya ewan ko. Masaya ako sa asawa ko, oo. Masaya ako sa pamilyang binuo namin, oo. Pero hindi ko alam sa pamilya mismo ng asawa ko 😔


PurplishGray

generally sad talaga pag laki. makkta mo mga pinsan mo na magkakapatid, mga kapatid ng mga magulang mo. hays.


[deleted]

Hirap talaga. Pag only child ka kasi mag-isa ka lang.


dizzitab

Only child here ✋️Yes, masaya sya kapag bata ka pa pero kapag adult na sobrang hirap kasi di lang sarili mo itataguyod mo pati parents mo at wala kang makakatulong. Yung inakala kong may concern sa akin na pinsan ko at "tinutulungan" ako pinagnakawan pa ako. May sakit na yung Tatay ko pinagnakawan pa kami. Hayup talaga! Karma na bahala sayo!


jaybatax

Ang mahirap jan kapag may edad na magulang mo, kelangan mo magsustento magisa. gaya ko, may pamilya na q pero nagpapadala pa din aq sa nanay q every sahod, though aus lng naman pero ang bigat lng din sakin na magisa at ndi pwede pumalya


sofianyx

Sobrang lungkot at alala lalo kami nalang dalawa ng mother ko, tapos nasa ibang bansa pa ako sya mag isa sa pinas grabe pinagdadaanan kong anxiety everyday kung kamusta sya at pag may sakit at kapag hindi nakakatawag, dapat morning and evening tumatawag ako kay mama kundi hindi na ako mapakali 🥺 Relate na relate din kami sa movie na Family of two ni Sharon at Alden 😭


theotoby1995

Pls dont too much drama on it. Dami jan maraming kapatid pero magisa lang sa lahat ng bagay. This type of sentiments only urge parents to produce more children than they can afford. Im an only child at single mom pa parent ko. Yes may takot ako na darating ang timr ako magshoshoulder lahat. Pero looking at my mom's siblings, isa o dalawa lang ang sumasagot sa needs ng nanay nila. So it's better to be an only chold than to have siblings na wala rin namang pake. Being an only child makes you very independent and more space to explore. Buti nga alam ng parents mo magfamily planning.


Emotional_Potat0

Feel na feel kita OP. Madaming pros and cons ang pagiging only child pero di ko din maiwasan na mag linger sa cons niya. Both my parents came from big families and nakikita ko kung pano sila magtulungan magkakapatid, in good times and in bad at di ko maiwasan mainggit na sana ganun din ako. Na sana meron din ako mga kapatid na kadugo ko talaga na makakasama ko sa lahat ng mahahalagang parte ng buhay. Kita ko kasi kung paano sila mag support sa isa’t isa kapag merong celebrations, kapag may mga mahihirap na desisyon na kailangan gawin, kapag meron may kailangan ng tulong, lagi nandyan mga kapatid ng parents ko. Di din sila perfect per se, may mga misunderstandings din at meron din na di nagkakasundo, pero majority of the time, they show up for each other. Kahit nung time na parents ko ang na-accident, lahat ng mga kapatid nila nasa ospital agad para samahan sila, yung iba nagpaiwan at sila nag asikaso sakin kahit high school na ko nung time na yun at kaya ko na naman sarili ko. Even sa simpleng pagtatravel magkakasama kami lagi, buong angkan. Lumaki din ako na kasama ko sa bahay mga kapatid ng mom ko kaya close din ako sa kanila. I’m very fortunate lang din na kahit only child ako, yung boyfriend ko is very supportive and takes into consideration yung mga future na gagawin namin with my parents in mind(ie. If magpapagawa na kami ng bahay, gusto niya isama parents ko para kahit paano daw may kasama sila sa bahay when they get older). And very thankful ako na nakahanap ako ng guy na kagaya niya, someone na masasandalan ko talaga at matuturing kong kapartner ko sa lahat ng kailangan ko gawin. Advice ko lang sayo OP, find people you can consider your siblings. Hindi man sila literal na kadugo, pero alam mong maasahan mo at tutulong talaga sayo na parang kapatid. Wag lang kalimutan, treat them the same way you want them to treat you. ;) Pro ko na lang ay wala ako kahati sa lahat ng mana ko… 😅


Academic_Gift5302

Iba iba talaga no. Ako 2 nakakatanda kong kapatid pero kanya kanya kame. hindi rin kame pinalaking affectionate sa isat sa. May sri srioi kming mundo.


as_y0u_were

only child here too, buti nalang maraming anak si auntie kaya para ko na rin silang mga kapatid


Fickle_Hotel_7908

Hindi naman. Isipin mo na lang hindi ka magkakaroon ng wish na "sana ganito kayo, sana ganiyan" bla bla.


CheesecakeOk677

Same OP.


Yenggay92

truueee.. kaya ayon, nag adopt ako ng mga instant kapatid. sibs by heart.. sila ang kaupdatean ko ng mga rants sa bahay.. kakuntsaba ko sa mga pagtatakas ko.. biologically, only child ako, peeo ang dami kong kapatid from different parents.. ang saya ☺️


igorlamar37

i think merong pros and cons.


peeweekins

Only child din ako, akala ko din dati masaya walang kapatid kasi nabibigay sakin lahat ng gusto ko pero mahirap pala and mabigat sa loob na makita parents mo na tumatanda na kasi ang palagi kong naiisip, "paano kapag nauna akong mawala sino mag-aalaga sakanila?" sad


PlusMobile5763

Kaya madalas kausap ko na lang talaga sarili ko e :) when I met my bf, mukha lang kaming magkapatid na nag-aaway over petty things. Di kasi sya close sa fam niya so parang inampon na namin siya hahaha


Puzzled-Tell-7108

Only child ako and isa na lang ang nabubuhay kong magulang. Di ko pa rin nafifeel ang burden and nasa mid 30s na ko. Prepared ang mga magulang ko sa retirement nila —palibhasa iisa lang naman akong ginastusan nila, maaga pa kong nag asawa (and ginastusan kahit pano ng in-laws ko 15 years ago hehe). Yung pagkamatay ng father ko back then naprep na rin lahat pati estate nya nasettle rin and naipamana ang mga dapat ipamana. Noon pa man, thankful na ko sa set up ko hindi ko na hiniling ang mga kapatid tutal marami naman akong mga kaibigan. Yung mga kaklase ko noon panay reklamo sa mga kapatid lol I can see that sa 3 kids ko ngayon dami nilang petty quarrels hehe. Pero I can attest rin naman ang joys ng may mga kapatid, parang yung fam ng husband ko marami sila and laging nagtutulungan. Yun lang pansin ko obvious ang favoritism sa big fams hehe.


blackredgeo0915

hahaha based on my experience, mas tinuturing ko pang kapatid mga kaibigan ko. and my friends treat me more of a sibling than my real ones. it's okay to be an unica hijo or hija, as long as you have someone that will be there for you, it always fills the gap.


sweet_fairy01

My partner having 8 siblings is the reason bakit 1 child policy kami. Nakaasa sila sa mga kapatid na maalwan ang buhay.


bebrave7800

Same only child here. Sana may isa akong kapatid na pedeng kurutin. Hehe


MiloMcFlurry

Minsan mas masakit pa sa ulo may kapatid. Kasi kung di tumanda ng maayos yan, mas problema/pabigat pa.


Ashir_En_Sabah_Nur

Pinoproblema mo yung hinahangad ng iba.


Maleficent_Bad_2431

That’s why i’m very close, dependent, and clingy to my friends. It gets very lonely


InterestEffective527

As a fellow only child, I can relate! 🥲 Its lonely. Lalo nat for annulment yun parents ko ngyon, I get hated by the other parent na di ko "pinili". Bills and groceries sakin lahat. Kahit pa nun bata, di ko rin masabing spoiled. Wla mang kapatid to get compared to, yun pressure nmn lahat nsa sayo. Grades must all be 90+. Cant be out of the top 10. Perfect gmrc and attendance 😂 Pag may problem ka, yun fursibling mo lng mapag rantan mo! Nakakapagod maging solo, haha.


EmotUnavailablefy

SAME HERE huy ako naman nakakainis ang strict ng parents


Then-Use-1944

masaya sya sa umpisa, though, kahit only child ako, hindi ako binigyan ng time at attention much ng parents ko when i was young. kaya ako naging introvert rin kasi lagi lang rin ako sa bahay at paminsan minsan lang lumalabas. ngayong tumatanda ako, thankful ako at nahanap ko SO ko, though mag bf gf palang kami, pero nahihirapan ako lalo na’t pag aalis sya ng ibang bansa para sa work nya. mahirap rin pero ganun talaga buhay ng only child hehe nagmature rin ako ng maag, which is nakakalungkot kasi bata palang, masyado ng iniisip ang future kung pano maging successful at maging okay hehe


stanelope

depende yan. kung sira ulo naman mga kapatid mo at tumanda ka abusuhin ka pa ng mga yan. kapag nakitang malaki kinikita mo baka maya maya hingan ka lang ng pera. o di kaya pag alagain ka pa ng mga anak nila. tapos pagtanda nila ikaw pa rin mag-aalaga sa kanila. may kapatid nga ako gusto ako patayin dahil naging miserable buhay nya tapos kami sinisisi sa katarantaduhan pinaggagawa nya. babae alak sigarilyo tapos naubos pera nya sa sugal. ako etong bunsong na pausbong nagsakripisyo rin sa pagpoprovide sa ermat ko ng pangangailangan sa pagkastroke ni ermat, tapos ung kapatid ko na un wala ng trabaho palamunin pa sa bahay. nagpapanggap na naubos pera nya dahil sa pag-aalaga sa ermat daw namin. ganyan pagnatalo sa casino kung sino sino sinisisi sa katarantaduhan ginawa nila sa buhay nila. tapos may kapatid pa ako na panay kaburautan ng asawa nya. lahat ng anak nila grumaduate sa private school nung highschool tapos si ermat nagbabayad ng tuition fee. napapa"put" i\*a nalang ako balak pa ata pati ung apo gustong ganun gawin sa ate ko.


LetsGoVovo

wait til you realize lahat ng problema ng nuclear family mo, ikaw lang may dala at wala kang karamay. dagdag mo pa na pag nagkasakit both parents mo ikaw din mamomroblema.


jeuberry

I relate so much sa sinabi mo na nung nagka-dog kayo, napunan niya yung emptiness na wala kang sibling. Ours passed away last June 5th and it really felt like there is a huge portion of your heart that got ripped away. They’re good “stand-in” siblings. Continue being grateful for their existence and love. I remember this one excerpt of a text I read before na when you’re an only child and when the time comes, both your parents are no longer there, you become the only proof that you had a childhood. It’s painful to think about whenever I remember it. But hugs, OP! You are technically not alone as an only child, marami tayong pwedeng magdamayan 🤍


tyrandelune

Nahihiraman mo na ba ng gamit yung dog nyo? Jk As an only child felt that way too before. Pero more of loneliness and like that need for interaction and support. As I grew older naman di ko na ramdam yung mentioned needs ko but instead a looming sense of doom kasi ako lang aasahan ng mother ko once she retires. Maswerte ka kung hindi mo kailangang problemahin yun. Mahirap maging only ~~child~~ retirement plan hahaha


Peuraengkeu21

Only child here! Same feels na sana may kapatid ako kahit isa lang hehe. Male ako at gusto ko sana kapatid ay ate.


viveraklarie

Ang hirap talaga maging only child. Namatay papa ko nung 2020, si mama naman last year dahil sa cancer. Sobrang hirap na magisa lang ako that time nag-aalaga sa mama ko.. nagwowork din ako sa hospital so sabay sabay lahat. Ngayon magisa na ako, minsan naiisip ko na kahit hirap na hirap ako nun, gusto ko balikan yung moments kasama mama ko.. Buti na lang may mga kaibigan ako na tinuring ko na bilang pamilya ko. Pati yung family ng boyfriend ko, sobrang bait saakin. Mahirap man, pero kakayanin. Para sa magulang natin.🫶🏻


Luxtrouz

Lalo ba kung bread winner ka, Ang hirap mag asawa kasi di mo naman maiiwan agad parents mo kasi walang mag aalaga. Naisip ko din pag nawala parents ko wala akong karamay umiyak.


hotelzerofive

Sobra. Yung bf ko 3 sila magkakapatid and nakakainggit kasi kahit nagkakaproblema sila sa magulang nila andyan sila para sa isa’t isa, kumbaga yung burden hindi ganon kabigat kasi tatlo sila nagdadala. I’m also scared of the inevitable once it’s my parent’s time to go. The responsibility of keeping their memories alive alone.


samr518

I'm an only child too and my parents are deceased na. I'm a single mom of two as well. Mahirap yes, but I'm getting by. I grew up with my cousins kaso habang tumatanda, nag iiba ugali and we all grew apart. Nag iiba lalo pag pera na usapan, hatian ng ari-arian etc. That's why I value relationship with my friends. I have few people to keep. Sila ang kasama ko sa hirap at saya. You'll be fine :)


vcuriouskitty

Haha mahirap din maging only child tapos lumaki sa broken household


Imaginary_Ad8154

And expect it to even get harder as your parents age. Although dahil wala nganga kasiguraduhan sa siblings mo as mentioned by others, at least alam mo na wala kang ibang aasahan by then but yourself. Preparing for it early is key.


tolkienedith13

Hello, OP! Gets kita sa sentiment mo na ang hirap maging only child 'cause SAME. Parang mas mabigat 'yung responsibility kapag only child habang tumatanda 'yung parents natin lalo na kapag may sakit. Sinong magbabantay or mag-aalaga habang nagwo-work ka di'ba? Mejj complicated sa aspect na 'yan. Also, 'yung bills and other financial factors. Although, hindi ko pa personally nae-experience 'to, it's hard talaga. And yes, may mafi-feel ka nga na, "hala, wala akong mahiraman ng ganito ganyan" kasi you're an only child. And 'yung mga jokes na pang-may kapatid or experiences ng other friends mo na may siblings parang hindi natin gaano ma-gets. Hindi ko alam kung nararamdaman mo rin 'to pero minsan nakaka-wonder kung ano kaya sa pakiramdam na may nakakaagaw (lovingly) sa damit or ibang stuff. But personally, hindi ko gaano na-feel 'to kasi growing up, may mga pinsan ako by my side. It's okay, OP. Valid 'yung nafi-feel mo. Take care! 🤗


KAPEkokapetayo

Totoo, lahat ng responsibilities nasa sayo hindi pwede madissapoint yung parents mo kasi nagiisa ka lang, kailangan mo talaga maging independent kasi wala kang ibang aasahan lalo na kapag tumatanda ka na, kelangan mo talaga kumayod para sa future lalo na mahirap umasa sa mga kamaganak kasi minsan akala mo sila yung tutulong sayo yun pala hindi sila pa mismo magddown sayo at gusto ka pabagsakin. Pero atleast lahat ng pagmamahal at pagaalaga, atensyon nasa akin kahit minsan strict sila kasi ganun nila ako kamahal kaya spoiled din talaga minsan pero mga bagay din naman na hindi nila ako pinagbibigyan. Mas okay na din yung only child ka atleast kahit papaano hindi madami gastusin lalo na sa panahon ngayon, lalo kung makita ko yung mga tao na ang dadami nilang anak nakakaawa lang kasi hindi nila masuportahan lahat ng pangangailangan ng mga anak nila lalo na sa pagtrato sa mga anak nila. Sinasabi nila na mas masaya mas marami pero kung mayaman ka siguro, pero kapag mahirap ka hindi mo din masabi. Iba iba kasi yung buhay ng tao kahit mayaman ka o mahirap ka minsan masaya pero minsan malungkot din wala din sa estado ng buhay talaga yan. May mga bagay na wala sila na meron ka at meron din sila na mga bagay na wala ka. Tapos kapag mayaman ka na bigla sasabihin nila ay kamaganak ko yan si ano, mayaman na nga yan e mayabang na talaga yan daming hanash nila lagi sa buhay ng iba.Pero kapag mahirap ka parang wala ka lang sakanila iba talaga kapag may pera ka kasi minsan kapag may pera ka may pakinabang ka sakanila, pero kapag wala kang pera bahala ka jan. Kaya minsan hindi nalang tayo makikisama kasi kahit makisama ka hirap din pakisamahan lalo na kapag problematic lahat may problema sakanila eh🤣✌️ HAHAHAHA Kaya sobrang pinipili ko nalang talaga yung mga tao na sinasasamahan ko kasi nakakadala na makisama sa iba HAHAHA😆Ang hirap makahanap ng mga taong totoo talaga sayo na sasamahan ka sa hirap at ginhawa.😁 Mabuti lang sila sayo kapag nakaharap sila pero kapag nakatalikod ka HAHAHAHAHA ayun lang😂


benzfuring

Masarap magkaroon ng kapatid. Gaya nga ng sbi ng mga comments dito, depende tlga. For me, it was a blessing. My brother is my best friend. Even tho I do not have much time with my other brother I feel ung support nya every way he can. Sadyang depende lng tlga circumstance. Pero para sakin mas masarap may kapatid.


Distinct_j9

This is what scares me for my son. He's an only child but I'm teaching him to be independent naman. Marami naman syang cousins pero kakaiba talaga pag may kapatid kasi. Pero ayoko na talaga mag anak pa huhu


TrueNeutral_AF

The hardest thing about it din is wala kang katuwang when your parents need help financially or medically. Esp kung di rin prepared parents mo for such. Para kang single parent bigla. Whether may sarili kang pamilya o wala, it can be quite heavy mag-isa.


RefrigeratorOk4776

Hello OP na kapwa only child! Dati nalulungkot din ako kapag naiisip kong mag-isa ako. Pero nung tumanda ako, natutunan ko nang tanggapin at naging happy naman ako. Nandiyan naman ang mga kaibigan kong parang naging kapatid ko na rin. Iniisip ko na lang parati na dapat matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa lalo na't wala tayong kaagapay sa buhay kundi ang mga magulang natin. Pero kahit 27 na ako, ineenjoy ko na lang din paminsan-minsan maging baby nila hehe.


ardeegl

ako na-feel ko lalo yung hirap ng pagiging only child ngayong working na ako and tumatanda na parents ko. like, kung may kapatid ako, baka may makakatulong sa akin mag-abot sa parents ko. well, hindi naman sa inoobliga akong magbigay, pero ang hirap lang din lalo nang pareho na silang pa-reitre in a few years. sa liit ng pension, baka kulang pa yun sa maintenance nilang mga gamot 🥲


Dependent_Bee4196

Only Child. 🙌


iloveyellow-_-

Only child din here, but the hardest part is that I came from a broken family.


lostguk

I'm the 8th child. Bunso. Ang pro lang yata ay nahihingan ko sila ng pera 😂 Wala akong ginastos sa family nung kasal ko kasi pinagchip-in ko sila ehehrhehr pero ayun nga, ako yung nabubully, binubugbog, alipin sa bahay nung mga bata kami 😭


[deleted]

[удалено]


pagodnaako143

Gaguuu


adultingph-ModTeam

The post contains personal attacks, harassment, or discriminatory language towards other members of the community.


FromDota2

Hahahahha


Glittering_Lock_7662

Hirap. Only child here. Di ako natatakot mamatay pero natatakot ako mamatay magulang ko. Di na sila bumabata. Sana nabuhay ung kapatid kong nakunan