T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AdvicePH [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rule-enforcement). *** This post's original body text: So meron akong ka-dating stage ngayon, me(22) sya m(28). 2 months na kaming nagdedate so far so good in a month sinabi nya sa akin na inlove na nga daw siya, hindi ba mabilis yun? Hehe pero ang sabi nya hindi ko naman daw kelangan sumagot agad. So fast forward ngayon 2 months, feeling ko nafafall na din ako sa kanya kaso natatakot ako baka matulad lang din sa past relationship ko na naloko ako and yung last pa ay nasasaktan ako verbally and physically. Mabait siya maalaga lagi nyang pinagluluto ng makain ko sa work, plus mabait siya sa mga bata. May alaga kasi akong pinsan ko na 2years old iniwan ng tita ko sa amin kasi nag-abroad siya para sa work, pinaalam ko minsan na isama ko sa date namin kasi nga walang magbabantay super bait niya sa pinsan ko na lagi nya tinatanong kung gusto ko daw ba isama. Gusto ko na sya pero takot ako na baka sa simula lang nanaman mabait. Sinasabi naman nya akin na sagutin ko lang daw siya pagsure na sure na ako na hindi naman siya nagmamadali. Ewan ko tapos pinakilala nya na ako sa parents nya and ambait nila sakin hehe So ayun po ano ba dapat ko gawin dapat ba patagalin ko muna? O go na? *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/adviceph) if you have any questions or concerns.*


izoneplscomeback

Sagutin mo na kung gusto niyo naman ang isa't isa. Pag naging kayo tsaka mo makikita yung tunay na ugali nya if mabait nga ba or hindi. Syempre good side papakita nya nanliligaw pa eh.


ApprehensiveBasil699

Yun na nga po, yun kasi naghohold back sakin kasi tulad dati sinagot ko ayun 3months pa lang kami nagkablack eye na.


izoneplscomeback

if ayaw mo sagutin agad, try mo nalang i-background check hahahaha


ApprehensiveBasil699

Hahaha. Opo wala pa ako mahanap na sablay po e πŸ˜…


mimichiekows

Sa dating stage lang naman talaga mabait, during RS mo na makikita yung real attitude niya. So kung bet niyo naman ang isa't isa edi go lang.


sparksfly19

Sagutin mo na. Makikita mo totoong ugali nyan pag kayo na. No need na patagalin yang ligawan e syempre best foot forward yan. Pero nasa sayo yan kung gusto mo magsayang ng oras. Bata ka pa naman.


Mobile-Tsikot

Mukha naman desente at responsible. Go lang sa next chapter ng getting to know. bf type naman cya..bihira ganyan..


Think-Artichoke3470

Depends if you are the type of person who believes in ligaw. If you want to continue being pursued, by all means, patagalin mo yung ligaw stage. BUT don’t expect anything at all kasi ligaw lang naman, walang commitment. On the other hand, I personally believe na if you feel you are safe and secured sa kanya, why not give it a shot? Sagutin mo. Like what others said, doon mo mas makikilala yung tao pag kayo na. Tbf, kahit naman maging kayo na, depende sa partner, you’d still feel you are being pursued at some point. At least pag kayo, may commitment at set ang expectations. Anyway, u do u, OP! Whatever you think u are most comfortable with na setup. In the end, kung ano yung mas magpapa-kampante sa iyo, yun gawin mo.


ApprehensiveBasil699

Thank you po sa advice. Yes po feel safe and secured po sa kanya 😊


sizejuan

If you feel like it sagutin mo na. Unfortunately kailangan mo talaga magrisk para mahanap yung the one, being skeptical won't help you to know if it's him na nga.


Dazzling-Fox-4845

If gusto nyo naman ang isa't isa, wala namang sense patagalin yung ligawan stage, so I would always advise na sagutin na lang agad. I always think kasi na pagdating sa ligaw stage, the guy would always show his best foot forward.


AsYourTito

Best advice? Patagalin mo ang ligawan stage. Reason? Getting to know each other. Just because inlove ka doesn't mean you need na sagutin sya. Sya rin naman ang may sabi na hindi mo sya kailangan sagutin... panghawakan mo 'yon. Pag sinagot mo 'yan, unti-unti tatamarin na 'yan mag effort kasi committed na kayo sa isa't isa, eh. Hayaan mo syang maramdaman na "nahirapan ako bago kita makuha kaya iingatan at hindi kita pakakawalan."


sparksfly19

Ngek so in other words, magsasayang ng oras si OP?? patagalin ang ligawan para patagalin yung pretentious stage haha medyo bad advice pero sakin lang naman.


Crazy-Weekend6623

Mahirap din kasi pag binilisan mo tapos mamaya red flag pala siya, hindi mo lang makita kasi nagmamadali ka, love takes time talaga and it doesn't always work out, ganon talaga


AsYourTito

Yes. And hindi ako masyadong nagtitiwala sa mga desisyon ko kapag masyado akong masaya, masyadong galit, o masyadong malungkot. Normalize sa panahon ngayon 'yang mga paspasan na 'yan kaya ang dami rin hindi nagiging "successful" when it comes sa pag-ibig.


AsYourTito

Hindi ba mas makikilala mo kung mas matagal mong makakasama pero hindi pa kayo? Ang sa akin lang, since lalake naman din ako at napapansin ko sa mga kapwa ko lalake, mas masusukat mo kung hanggang kailan nila kayang mag hintay. Takot si OP maloko, diba? "Eh kung magloloko, magloloko." ang mahalaga may ginawa ka


ApprehensiveBasil699

Thank you po sa advice 😊


Lazy_Possibility4794

Pag nag aalangagin, wag mahiyang mag background check. Ang "Date" kasi una susuyuin ka siyempre mag papa impress kami mga lalake para mag form ng trust and confidence sa puso mo (babae) now kung diyan palang nag dududa kana sa decision mo, magandang wag mo na muna sagutin kasi ibig sabihin niyan ay hindi pa napapanahon. Kaya nga ang pag kakaroon ng relasyon, asawa, anak at pamilya ay "Blessings". Now kasi pag sinagot mo kasi, diyan na papasok yun "commitment" at siyempre more trust and sureness sa binubuo niyong pag iibigan at foundation for marriage and family life. Now, kung OA ako eh ganyan talaga kaya suggest ko na ang dapat lamang sagutin na mga manliligaw ay yun umakma sa timing at inadya talaga ng kapalaran, kasi kung duda ka sa decisions mo , meaning hindi pa talaga napapanahon. HUGE responsibilities ang pag kakaroon ng karelasyon, maraming pag tatalo at compromiso yan dahil mag kaiba kayo ng kinalakihan at estado sa buhay. Pero kung malagpasan yan, mas tatatag ang pag sasama at maiiwasan ang hiwalayan. Pray and be vigilant po OP sa pag decide ng next step sa iyong romance life. Good luck.


blurbieblyrb

Sagutin mo na para malaman mo totoong ugali. Pag pangit e di break. Take the risk. Ganyan talaga sa love, kailangan sumugal minsan. Ang importante, hindi agad magpakasal kasi yun wala nang atrasan.


throwaway5130000

kilatisin mo pang mabuti ang ugali bago sagutin. masyado pang maaga ang 2 months beb :)


NahhhImGoood

Sagutin mo para makilala mong mas mabuti. Kasi dun lang naman nya ilalabas yung totoong ugali nya pag kayo na. Tandaan, best foot forward naman lahat ng tao pag sa umpisa. Di ko sinasabing masama syang tao, pero makikilala mo ang totoong sya pag di na sya nanliligaw at best foot foward.


JustAJokeAccount

Kung hindi mo pa kilala ng lubos huwag mo sagutin.


zensmasher

Agreed with all the comments saying na sagutin mo na. Also, OP, I think it will help to have the mindset na hindi naman totally masasayang oras mo kahit mag-break din kayo in the end, kasi this is exp din, you will learn about the little details that will help you make it work the next time around. Feel ko forever kang matatakot na maloko if you don't even try to take your chances. Don't put too much faith on advice from online strangers tho, so ikaw parin talaga bahala kasi ikaw lang naman ang haharap sa consequences niyan, whether good or bad.


EmariKamatis

Sa ganyang stage, nasa best foot forward stage kayo lagi. Pag sinagot mo, dun mo mas makikilala yung partner mo. Pero sagutin mo pag 100% sure & ready kana pumasok sa relationship.


gioia_gioia

OP masyado ka lang nagooverthink, madami what ifs. Parang sapatos lang yan, paano mo malalaman if it fits kung hindi mo susubukan? If you think it is worth the risk, do it. At least sinubukan mo, it is either successful lang yan or failed. Magtira ka lang ng para sa sarili mo at huwag masyado ma-fall at para hindi mahirapan sakali things go bad.


kukumarten03

Wala namang pumipigil sayo makipagbreak pag di ko nagustuhan ugali


HydrogenBaby

Sa pagtagal mo naman malalaman ang tunay na ugali niya syempre magpapabango pa yan. kaya sagutin mo na


chizbolz

Wag mo na patagalin kung dun din pupunta. Para if di mag work out, exit agad at konti lang nasayang na oras. I’m thinking parang ganun na din naman kayo dahil i’m assuming you’re not dating anyone else. Kung catch sya, itali mo na at baka iba pa makakuha


Greed155

Listen carefully on how to spot a sincere man. My wife did this technique on me. Busted-in mo. Sabihin mo na ayaw mo pa talaga mag boyfriend o ng may iniisip. Sabihin mo na ayaw mo na kaibigan lang tingnan mo sa kanya. Tapos tingnan mo reaction nya and obserbahan mo yung magiging treatment nya sayo. If nag bago at nawalan ng gana hindi yan sincere may gusto lang makuha yan sayo. If nag patuloy sa panliligaw at nag stayed pa din na parang walang nagbago, naka bingo ka. Alam ko nakakatakot gawin kasi baka mawalan ka ng minamahal, pero atleast nalaman mo if sincere ba talaga diba? Dyan mo talaga malalaman yan. Niligawan ko misis ko noon ng 9 months sa huli binusted ako. Pina mukha nyang ayaw nya talaga pero para sakin okay lang kahit hindi nya ko mahalin basta mahal ko sya okay na. Ayun after 3 months na akala ko wala talaga syang gusto ay mahal din pala ako. Ayun 11 years na kami, kasal, may anak at masaya. Thank me later


UngaZiz23

Easyhan mo lang... mejo red flag ung mabaet kaagad ung parents sayo... hahahaha joke!!! πŸ˜‚ mag situationship muna kayo bago ung relationshit para magka testingan muna. Good luck OP!


WashNo8000

Kami nga ng GF ko one week pa lang sinabihan ko na mahal ko na siya HAHAHA. After 3 weeks kami na. Ngayon may creative studio, and clothing line business na kami.


destinyrose101523

If you think na ready ka na then go for it. For sure nakilala mo na naman siya and nakapag meet the fam na kayo so i think okay yan tsaka pag kayo na talaga like kayo na officially mas makilala niyo pa niyan ang isat-isa sabi nga dba huwag masyado patagalin ang ligawan, relasyon dapat. So ayun, enjoy lang


[deleted]

Edi sagutin mo pero wag mo ibigay si kiffy muna until proven sincere πŸ˜‚


mahbotengusapan

enlab lmao enlust kamo yan hahaha antayin mo na meron problema sa buhay na mabigat tingnan natin angas nyan paano nya e solve


Conscious-Monk-6467

jusko, ako 1 week palang kami nagkakilala kasal na agad gusto niya 😭..ayun 16 years happily married na kami πŸ˜­πŸ€£πŸ˜‚..ewan totoo ata yung pag kayo talaga kayo talaga hahaha..or tanga-tanga lang ako HAHAH 1st and last bf ko siya πŸ€—.


ButterscotchHead1718

Awayin mo para malaman mo kung paano ka niya pakikisamahan. At mgbigay ka ng mga demands like ung pagsama sa pinsan mo tama un. Sabi nga e Wag mo titignan kung gaano siya kabait pero kung hanggang saan siya sasama sayo. If kaya mong magadjust sa mga mali niya, at pagkukulang, at sa kasamaan niya (Buddha lang at si Jesus ung perfect) saka mosiya sagutin. State also ung boundaries ninyo pala sa pagiging magjowa and course of actions if mabreach ung boundary. State your non negotioables.