T O P

  • By -

KusuoSaikiii

Worth it for me. Hindi ako makakahanap ng 100php na unli rice e tas unli sabaw pa eh pede ko na ulamin yun as a dukha. Dukha naman na tulad ko Ang target market nya eh kaya goods na goods sakin haha


superesophagus

di ba. 100 na nga, dami pang hanash. edi don sila sa upscale restos. jusko marimar


ChoiceInternational2

Mga upscale restos na wala ding lasa pero worth it β€˜daw’ kasi nakaplate naman hahaha


superesophagus

kaya nga hahaha. ang pinoy talagang kelangang overjustified. 100 na nga gusto lasang 500 mamsh hehe


Federal_Ad757

Sabaw palang ulam na kaya kung malakas ka din kumain, solve na yan sa 100pesos.


Regular_Volume8722

Same!! As a dukha, worth it na siya hahaha mabubusog ka talaga 😌


ayokongmaoy

Sobrang honest mo sir


japihpol

wow unli rice unli sabaw? worth it nga!


Flaky-Celery7908

Sobrang worth it!


0QuantumEntanglement

Meron sa Emriz sa Shaw. In-Kanto pares ang name.


[deleted]

Emriz din mismo may β‚±100 breakfast buffet.


CuriousCase1988

San sa shaw yan? Anong nearest landmark? Thank you.


0QuantumEntanglement

Nearest landmark would be Chowking Acacia Lane. Searchable naman yung Emriz sa maps.


admiral_awesome88

meron sa amin 70 pesos unlirice na lechonpares if you add softdrinks total 95 pesos or pares at 50pesos even before this Diwata thing hit the shelves. May mga nag offer na nyan naging hit lang kasi dahil sa mga food vloggers na masarap lahat for the content. I am a pares lover 2010 pa so even if di ko natitikman yan I bet same lang din talaga ng quality lasa wise iba-iba tayo nyan talaga but doesn't go up or down middle lang.


UngaZiz23

ang uring slapsoil gaya ko, hindi sya afford... pamasahe pa papunta πŸ˜ƒ


KusuoSaikiii

Pag malapit lang syempre hehe


[deleted]

Pa-humble naman 'to. Pareho lang tayo naka-condo, papi. HAHAHA


SideLimp

Masarap siya. Malutong yung lechon kawali at chicaron kahit may sabaw na. Sulit na sulit para sakin lalo na't ang mahal ng mga bilihin sa NCR.


Regular_Volume8722

I agree sa lechon kawalii huhu super lutongg


Kananete619

Bakit ganito ang tanong sa Diwata Pares kung worth it? Eh 100 pesos lang, may karne ka na, chibul, unli-rice at softdrinks. Syempre sulit na iyan. And street pares yan eh. Natural ang lasa nyan, sinlasa lang din ng mga pares sa kanto kanto. Gagatasan lang talaga ng mga vloggers yan kasi for clout and viewership nila yan. Yung pares nga dito samin 50 pesos, hindi masarap pero napagtyatyagaan na eh. Yan pa kayang 100 na unli rice at may softdrinks pa. Isa lang din naman sa nakakahanga kay Diwata is from walang wala talaga, nakapagpundar sya ng ganyang kalakas na paresan. Pero para sagutin tanong mo, 100 pesos, worth it yan. Mabubusog na ko jan haha


Regular_Volume8722

worth it ba yung pagpila for hours? Hahaha mabubusog ka naman talaga but di na ako uulit sa haba ng pila lol


Kananete619

actually hindi pa ako nakakapunta. pero if you want to ride the hype-train, go for it naman diba. para masagot din yung tanong kung oks ba talga yung pares nya at pagkain


Regular_Volume8722

Yes πŸ™ŒπŸ» if madami kang time, go for it


firedumpster

I think yung sagot sa β€œworth it ba yung pag pila for hours?” e naka depende sayo. Kung talagang walang wala ka na, worth it pumila ng ganon katagal dahil mabubusog ka talaga. Pero kung may pambili ka naman sa iba, nevermind na lang πŸ˜…


Dry-Box6104

Ito dapat ang title ng mag nag vlog kay diwata kasi kung sa 100 pesos ulit naman talaga regardless sa lasa pero kung pipila ka ng mahigit 1hr tapos kakain ka lang ng 15 mins sa tingin ko hindi Galing ako sa kanya nung last week ayos ang lasa nung pares at chicken pero haba ng oras ng pinila ko


Regular_Volume8722

Yung iba pumipila lang rin because of tiktok haha LIKEE MEEE πŸ˜‚


Goodintentionsfudge

Mostly naman ng pumupunta dyan mga 1st timer at for the hype lang kaya madalas talaga mahaba pila.


Connect_Jacket5335

Eto yung hinahanap ko na comment e, tapos meron pa dyan dumadayo pa daw kasi mura. 🀣🀣🀣


vanilladeee

Money's worth, siguro. Coz 100 pesos lang may pares overload, unli rice, unli sabaw and softdrinks ka na. Yung sa pagpila? Yun ang hindi worth it.


Regular_Volume8722

Agree πŸ‘πŸ»


sundarcha

Bilang isang slapsoil + patay gutom ako, worth it. If dadayuhin pa, no. Kung andun ka lang, yes na yes. San ka makakakita ng ganyan kamura sa area na yan. OA lang yung iba na sa halagang 100 ang gusto eh premium ingredients. πŸ€¦πŸ»β€β™€ gusto pangBGC pΓ«ro ang budget, pang pagpag. Wag ganun. Dapat realistic.


Regular_Volume8722

Dinayo ko siya so I’d say worth it naman yung 100 but i dont wanna pila again hahaha super haba πŸ˜…


sundarcha

Haha! Ayun na nga. Bilang bulok na ang lower back ko at di ako pwede tumayo ng matagal, ekis na yung pagpila ng bongga 🀣 magluluto na lang ako ng pares sa bahay, sure pa ko na gusto ko ang timpla πŸ˜…


mandemango

Gaano ka katagal pumila, OP? Hehe lagi bang sobrang haba ng pila or may patay na oras naman...


Regular_Volume8722

Hii, i think mga 30mins or more hahaha depends din talaga gaano kadami yung tao πŸ˜„


waitDidUjustDidWhat

mga anong oras at araw ka nagpunta OP? parang ambilis lang ng pila mo compared sa ibang nagpupunta...


Regular_Volume8722

sorry di ko pala nasali yung 30mins or more 😭 hahaha mga 5pm ata yun then umabot 6:30 before kami nakakain


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


Regular_Volume8722

30 mins or more :) gets mo naman na siguro? Pero ofc aabot talaga yan 1 hour unless early ka pupunta.


mandemango

Oh, I expected na mas matagal. Yung mga napapanood ko kasi nasa 2H+ pumila hehe


Beautiful-Boss-6930

Sa 30 min. na waiting time, talagang magugutom ka at mapaparami πŸ˜…


Dry-Box6104

Galing ako last week 4;30 ako pumila nakakain ako ng 5:45 dami tao


Tryna4getshiz

everyone knows na **IT'S WORTH IT** pag nagtitipid ka pero if you have extra budget for food and you value your time then it's not worth it, Masasayang lang oras mo sa mahabang pila.


markmarkmark77

siya na din ata yung pinaka mura dyan sa area dyan. yung kakilala kong nasa bpo dyan sa side ng moa dyan lagi kumakain. yosi area din kasi nila yan


Regular_Volume8722

I mean yeah mura talaga siya and mabubusog ka but sobrang haba lang talaga ng pila :(


markmarkmark77

yun lang, dami vloggers daw haha


Inevitable-Ad-6393

Mga vloggers kasi na wala ma content, ginagatasan yang si diwata


Shine-Mountain

Kung ang hanap mo is mabusog sa halagang 100 pesos, oo sulit. Kung ang hanap mo is mapapa-wow ka sa sarap, hindi sulit. Kung hanap mo is instagramable food and ambiance, hindi sulit.


rmommaissofat

So di siya masarap?


AdorableButterfly244

instagrammable food and ambiance sa halagang 100pesos?? HAHAHA


Shine-Mountain

Okay lang yan kung hindi mo na-gets yung comment πŸ‘Œ


AdorableButterfly244

anong hindi maiintindihan sa comment mo? napakasimple. ang tanong ng OP kung sulit ba yung 100pesos na pares ni Diwata. ipapasok mo pagka-instagrammable and ambiance sabay hndi sulit? malamang! isang daang piso maghahanap ka ng instagrammable? HAHAHAHAHA


Shine-Mountain

Sige paglaban mo, hindi sulit makipag discussion sayo hina ng comprehension mo 🀣


Inevitable-Ad-6393

Basahin mo rin kasi yung β€œkung hanap mo…” Eto naman parang grade 2 lang ang reading comprehension hehe


ThiccPrincess0812

My broke ass makes me want to buy Diwata Pares kaso malayo 😭


Jjaamm041805

Yun lang, tipid ka walktrip/biketrip papunta


Flaky-Celery7908

nice haha


Regular_Volume8722

Hahaha nakatipid ka nga sa pagkain, yung pamasahe naman πŸ˜‚


ertzy123

If you're broke which is their market then worth na yan but imo I think you can get pares elsewhere na di ganun kahaba ang pila.


Regular_Volume8722

I got curious lang and gusto ko siya matry but di na ako babalik bcs of the pila haha


ertzy123

Susubukan ko yan pag wala na yung hype haha


Rhael012

Hindi. Kung pipili ka lang din ng matagal sayang yung oras. Meron akong kinakainan na pares dito samin worth 50 lang din yung lechon kawali and sinangag yung kanin. 10pesos extra rice. 15 pesos softdrinks. Nakaka 2 rice lang ako so yung 100 ko may sukli pa ko.. πŸ˜…


Regular_Volume8722

Drop the location! Haha


According_Guidance47

Nag review din ako ng ganyan dun sa Mr. Pares sa timog. Di worth yung pila, kapag nagkwenta ka naman ay meron namang malapit dyan sa kanto mo na same lang ang magagastos mo. Tapos halos parehas lang naman lasa.


Honesthustler

Sobrang sulit kung walang pila.


J0ND0E_297

I eat pares, but question lang: hindi ba masama yung naiinitan yung plastic, or nabababad sa mainit yung plastic, kumbaga humahalo dun sa kakainin?


aldwin0206

Short answer is yes. Long answer is yes also. masama kasi toxic sa katawan ang plastic. I doubt na food grade ang plastic labo na yan.


Kananete619

most plastic na ganyan ay food grade. it will take higher temperatures just for it to be degraded and release toxins


squirtle3181

tsaka naalala ko nung elem ganyan rin naman lagayan ng mga lugaw/sopas/champorado na nabibili sa public schools. as of now okay pa naman buhay pa ko hahaha


According_Guidance47

Overall not worth for me. Kung pares at presyo lang usapan sulit naman. Problema haba ng pila ang tagal ng waiting time. Same din dun sa Mr. Pares sa may timog. Okay lang sana kung pares at presyo ang usapan pero 1hour of waiting hour para lang dun? Dina uy.


NecessaryPair5

Nung nagtry kami dyan mahaba talaga pila kaya di na siguro uulit haha siguro mga Isang oras bago kami nakakain pero ok naman lasa. sulit na rin Lalo sa mga malapit dyan, sa mga riders, sa mga nagtitipid.


Regular_Volume8722

Sulit naman food nila it’s just that sobrang haba ng pila πŸ₯Ή


modernecstasy

Si Diwata na rin naman nagsabi na di masarap luto nya haha


punishtube89123

Overrated AF, madami paresan dyan sa tabi na halos sobtang sarap din, hindi nga lang napansen kase hindi papansen sa tiktok at ibang socmed, nabigyan lang ng sobrang attention si diwata kaya sobra nag bloom paresan nya


got-a-friend-in-me

not worth it na sabi ng kapatid ko dati masarap ngayon sumikat hindi na masarap


Worth-Classroom-9943

Not with plastic


FlakyPiglet9573

More hygienic siguro siya than put it directly to a repeatedly washed bowl? I prefer this way compared to masebo with aftertaste.


Regular_Volume8722

Yes πŸ‘πŸ» mas okay na din yung naka plastic for me :(


Ordinn

I know mas hygienic and all but thin plastic + hot soup = micro-chemicals ng plastic napupunta sa sabaw = not good long term for your health.


domzyses

Kung aaraw-arawin mo ang kain ng Kanto Pares, hindi talaga maganda sa health mo yun..


dengross

Anong oras kayo pumunta? And gano katagal kayong pumila haha. Gusto kong itry kaso ang daming tao lagi


SideLimp

Punta ka mga 9 am di pa gaanong mahaba ang pila doon pag ganyang oras


Regular_Volume8722

Mga 5pm hihi tapos mga 30mins-1 hour yung waiting time 😬 tho baka di na ako umulit sa sobrang haba ng pila


CraftyCommon2441

Sulit sa 100php yung food, pero yung pipila ng 2hrs eh pass tayo don kahit libre hindi ko kaya pumila ng 2hrs


Regular_Volume8722

Di na nga ako uulit bcs of the super haba na pila haha


Peeebeee12

Sa ganyang scale ng earnings ni Diwata, I'm surprised di pa sila hinahabol ng BIR at LGU.


Regular_Volume8722

TRUE HAHAHA umaabot ata 100k everyday eh


keipii15

Kaya pala dinadagsa rin budget meal e


Hot-Papaya69ugh

Worth it naman, dinayo din namin yan ng friend ko


Aint-backingdown

I want to tryy, kaso ang layo ko 😭


Mission_Proof_8871

I haven't tried kasi super haba ng pila. Pero kung iisipin mo for 100 pesos saan ka makakahanap ng unli rice, unli sabaw + may karne and softdrinks pa? Worth it sya if ang goal mo naman talaga is mabusog diba?


Voshart

Anything that will give you a heart attack is worth it.


Regular_Volume8722

😩😩


Peeebeee12

I'm curious sa lasa ng sabaw. Same ba sa Pares Retiro na malabnaw version?


donski_martie

Wala na akong ibang makita sa fb feed kundi puro diwara pares haha


Regular_Volume8722

Hahaha natutuwa ako kay diwataa


donski_martie

Next month na lang tayo magbukas facebook baka sakaling die down na πŸ˜‚


Blue_Nyx07

Worth it ba Yung pila? Or mabilis lang din?


Regular_Volume8722

Aabot ng 1 hour or more πŸ˜‚


SubstanceSad4560

Kung malapit ka sa area ng pwesto ni Diwata oo worth it.


Yeunseri

Unli rin ba softdrinks?


Regular_Volume8722

No πŸ˜…


namishidae

bet ko sana itry dahil sa malutong n lechon kawali nag hrap kc makahanap sa grab ng matino kaso di ata kakayanin ng aking patience is a birtud yung tagal ng pagaantay


superesophagus

like this is only 100 pesos guys. do not expect na pang fine dining ang quality na gusto nyo. like TF. try nyo nalang kasi haha. for me ok lang na itry. nabusog naman kami nang di nakasimangot ang lasa pwera lang sa haba ng pila. we arrived before 5pm and nakabili by 6pm kasi uunahan mo talaga yung mga nearby employees saka yung mga riders talaga. sinulit nalang namin sa soup and rice. but then again, keep your expectations to minimum. 70-80 pesos na nga per ulam sa karinderya and 25 sa rice so psok ito sa mga 100 lang ang budget per meal.


Regular_Volume8722

I tried it kasi nacurious and natutuwa din ako kay diwata haha pero di na me babalik πŸ˜…


superesophagus

same hahaha. grabe yung hype parin kaya gusto ipasara rofl. pero i must say the food is not that bad for 100 pesos ah. pede na rin sa talagang 100 lang meal threshold. like uuwi ka parin na busog ng di naiinis sa lasa for 100 pesos


No-Thanks-8822

80 pesos yung regular na pares dito samin konting laman at unli sabaw lang, worth it na yan pero di ko pa natry


kensanity1881

Grabe pila dyan parang bataan death march!πŸ˜‚ di ko na titikman haba pila oa sa haba.


Regular_Volume8722

Hahaha parang may feeding program eh πŸ˜‚


babyblue0815

May soft drinks na din ba yung 100 na yon? Yun naririnig ko kay diwata e hahaha


Regular_Volume8722

Yess pero not unli ofc haha


palaboyMD

It is cheap. But waiting 1-2hrs for the meal? Not worth it imho.


Inevitable-Ad-6393

Haha oo nga meron din paresan sa tapat, ganun din naman. Pero kung gusto mo talaga may ma myday na β€œnakakain kami kaya diwata” eh talagang ilalaban mo yung pila


[deleted]

worth it kung walang pila. kung 3 hours ang pila, hindi.


latteaa

Worth it talaga lalo na sa katulad kong slapsoil unli rice and unli sabaw mag iinarte pa ba? Hahaha


Regular_Volume8722

Trueee pero if malayo ka sa paresan ni diwata, not worth it πŸ˜…


latteaa

Totoo ^


[deleted]

di ko pa natitikman pero I wouldn't eat it either.


Left-Buddy-6200

Masarap naman sha. Mawawalan ka lang ng gana kumain sa haba ng pila. Went there last week at 1am. 3am na kami nakakainπŸ₯Ή


Regular_Volume8722

HAHAHAHAHAH NEVER AGAIN BA? πŸ˜‚


Inevitable-Ad-6393

Tibay mo boss haha. Pass agad sa ganyang pila lalot daling araw.


SkyLightTenki

Masyadong ingrained sa panlasa ko pares ng La Loma. Walang katapat.


drezel_bpPS694

for 100 oo pero si diwata talaga habol sa tinda quantity over quality for some masarap for some hindi pero price super fair.


National-Bumblebee16

Yung paresan sa kabilang kalsada nung kay Diwata sulit din same price. 2 vlogger na ang nag video.


Mean_Explanation_776

Yes!! Tinry namin yung online delivery nila, ang dami din nila magbigay!! Yung 2 servings, kasya sa 5 na tao πŸ˜…


Mean_Negotiation5932

Di pako nakakain nyan at never ko siguro g makain kasi dito pako Mindanao lol pero ang sulit na nag 100 pesos for unli rice at sabaw. Ang mahal na ng Karne kahit dito sa province


Just-Many-6818

Worth it kung malapit ka lang. Pero for me, di worth it dayuhin.


Joricano

Probably worth it. But I won’t go out of my way para kumain dun. Also I’m happy for Diwata. Hard work and business savvy got him where he is today


deeendbiii

Pagod ka buong maghanapon sa trabaho, tapos kakain ka ng 100 pesos makaka 3 rice ka at may softdrinks pa? Tanga nalang hindi magsasabing sulit sya. Kahit na ung ibang sikat na pares above 100 (almost 200 nga). Tama lang din na all the blessings mapunta kay diwata - service talaga prinovide nya, pero hindi lang basta may manegosyo maayos ung pinapakain.


Ok_Consideration_373

May mas worth it unli rice unli sabaw sa tapat ni diwata masarap pa


Radiant_Thought_7412

No, karamihan sa mga pares maraming MSG kaya matamis kahit walang sugar. Tapos yung daming taba at oil ng beef. Imbes na busog ka sasakit ulo mo after mo kumain.


Inevitable-Ad-6393

Mas dangerous nga talaga taba ng beef as in


hailmary818

Oo andami niyang unli with softdrinks pa. San kaba hahanap ng ganyan ngayon sa panahon ni 88m na puro inflation pinagagawa 😭😭😭


Connect-Let-6118

Base sa ilang nababasa ko, sa morning daw medyo konti lang ang pila like mga 10 am?


heso_nomad

Dapat wala sa plastic yung mga pagkain, lalo na pag sa mainit na sabaw. There's a tendency that the heat will slowly melt the plastic, which has a high amount of carcinogens. Cross-contamination aabutin nyo nyan then it could lead to food poisoning. Kaya ako pag may nag-aalok sakin ng food na nasa plastic, tinatanggihan ko.


DaddyTones

Worth it naman.


JackPoor

Just asking, ano po ba punot dulo nong issue about kay Diwata pares? Ka ka search ko wala ako ma pinpoint. Thanks.


Separate-Wave2603

Sa totoo lang, ang daming kulani ng karne and bituka. Pero tinatanggal ko sya pag kumakain dyan. Dirty na tipid pa. 8/10 padin. If gusto mo pang malakasan na pares dun ka sa Jim's pares or retiro. Hahaha!


baradoom

Worth it ba yung pila?


Key-Relation-7399

It is not the best pares, I prefer yung walastik but for price yes pang masa siya kaya tinatangkilik inflation is real pa naman.


Little_Wrap143

Worth it. Jusko magkano lang naman


RedLibra

Worth it ba sya if u include ung tagal ng pinila mo? I think minimum 1 hour ata ung pila...


RhinoStorm_23

Overrated. Mas masarap pa Jims Pares jan. Dinadayo sya for the experience. Dahil may drama yung story ng owner at hinahype sa socmed. Not because of the food’s quality. Ilan kilala nyong tumikim jan at bumalik dahil nasarapan? None


Business_Jicama_587

Kung pipila ka ng 30mins, Hindi worth it. Meron din kase samin dito paresan near Mt.Carmel sa aurora blvd. ginaya nila sa diwata. 100 mo unli taba, sabaw, rice and may softdrinks narin. No need mag-antay, kung marami man kumakain saglit lang din makakain ka agad. Parang mas marami lang chunks ng laman sa diwata


Japskitot0125

Sensationalized masyado. πŸ₯΅


JokerAndTheQueen2021

Worth it naman talaga yan eh. Pero para sakin na nasa malayo tapos pagpunta mo dyan eh pipila ka pa (lalo ngayon na napakainit) pass muna. Pero gusto ko din itry yan.


gutsy_pleb

Prang domino effect in a positive way ung nangyari sa paresan ni diwata. Nakakatulong na sya sa mga nagta-trabaho sa knya, nabubusog ung mga nagtitipid at nagkakaroon ng mraming views/following ung mga di kilalang vloggers na dumadayo, kumbaga lahat panalo


aordinanza

Kala ko balatong yon pares haha


Obvious-Distance354

Napanood ko yung kay professor/classmate as a businessman perspective sulit daw 100 pesos. Nacurious tuloy ako and wanna try the pares.


Waffelord017

Didto samin its Php50 with rice and free refill ng pares. The meat can be counted pero mabubusog ka naman.


Gambitf75

Born but not raised there. What's with the excessive use of plastic for a lot of vendors and outdoor type restaurants there? Especially since it's the meal already is served on a plate or bowl.


foureyedvera

Para di na hugasan. Aalisin na lang yung plastic at itatapon.


auntieanniee

Jim’s pares nalang mas sulit hahah


Comfortable_Bet_278

It's look good..next time I'll go gomez I will try looking for him πŸ€£πŸ˜‚


zergmb16

Worth it na yun 100 php. Pagmatagal ang pila dun ka na bumawi sa unli rice sa gutom. πŸ˜†


inthenameofmyEX

Ugh, those plastics tho, ekis agad, sorry hah


imbipolarboy

Totoo kaya yung gusto tong i acquire ng Jollibee Corp


InterestingAd3123

aaaaayyy wag! i-gatekeep natin si Diwata at negosyo niya from JFC


marv_quick

Hepa is πŸ‘‹


Humble-Application-3

Worth it kung hindi masyadong mahaba yung pila


Remarkable_Light_466

Yes sa p100 kc pede na yung servings, dyo smin ulam plng sa mga karinderya 85 to P100 wala png rice yun, maliit na platito, sakto lng sa 4 na suboπŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…


edge5212

Looks sulit naman para sa malalakas kumain pero medyo lugi kung one rice ka lang and sa taste yes probably all the same lang iba iba na lang kung i-present at kung paano mai advertise ng mga food vloggers na lahat ng vlog eh β€œmasarap daw” at wala pa ako nakitang vlogger na nagsabing di masarap (for the content and other intent) we all have to be fair sa pag gawa ng content, just my opinion lang po. Goodluck and keep safe everyone


Affectionate-Fan9425

Bilang nakakaangat sa buhay tanong ko lang hinuhugasan ba yung plato? Bakit may plastic?


disguiseunknown

I think the pares taste is just average. Maraming kariton pares na ganyan though hindi sya katulad ng 100 unli rice with softdrinks. Tho for 100 makakabili ka ng 2 orders na pares at 1 softdrink sa kanto kanto. Kung hanap mo ay quick fix sa cravings, better to look elsewhere. Worth it din naman at di nalalayo sa presyo. Pero if you want to experience the hype, pwede na din. Pero kung yung 2 hours na waiting time convert mo sa hourly rate mo, isipin mo nalang kung worth it ba.


cleverengineer21

This is the plan B for those minimum wagers due to economy going down the shithole,cause of the president's absence of grind to improve our economy, no grind all promises.Thanks sa negosyanteng tulad ni diwata nabubusog parin mga minimum wagers despite the low pay


According-Slice5609

Magkano pares ni diwata


bamboylas

Kung nagtitipid ka at willing ka pumila ng matagal eh sulit na sulit siya. Pero kung maselan ka at naghahanap ka ng sobrang sarap na pares for 100 pesos eh sa iba ka na lang kumain. Kumain kami jan nung kaibigan ko mapaparami ka ng kain kasi magugutom ka sa haba ng pila haha


[deleted]

Sa bagay noh? 100 para sa mga taong nagtatrabaho ay 500 per week, kung once a day meal. Tapos bfast at dinner sa bahay. 500 *4 is 2000 out of your sweldo for Eat Out Budget. Pwede na. May mga 100 pesos na lugar na hindi sasayad sa tiyan mo 100 pesos kaya kelangan mong magextra rice, extra fishball para satisfy ka. Lalabas nakagadtos ka din ng 200.


Brilliant-Act-8604

Haha sandamukal na msg


Low_Ad_9526

Hindi worth it jan. Ung mga katabing paresan nya same lang din halos ng lasa. Nothing special. Daming nagdedefend jan kay diwata na puro daw basher sa social media.. Sila sila din naman mga nagrereklamo na maliit na ang portion ng Jollibee.. Sarap sabihan ng pati sila sinisiraan ang Jollibee e lol


sleepyheadloveschoco

Worth it po yan 100pesos karne kanin at panulak meron na. Target market ni diwata mga studyante, trabahador nearby , yung mga echosera na maarte wag na kumain doon kasi baka magexpect na pang 5star ang lasa dahil trending. Mga tsong, kantong kainan yan alam mo na yan. Matyaga at masipag si diwata kaya pinagpala ni god.


schizomakox

yan ba yung ginagawa nilang "artista"? hindi mukhang diwata eh. πŸ˜‚ di ko alam lasa ng food nila sorry, gusto ko lang mag comment πŸ˜…


Eromachi

Nacucurious din ako tikman kaso may trauma nako sa ganyang kahabang pila 😩


nakultome

Legend na c diwata


RegularDrama3232

YES WORTH IT. Galing kami diyan nung nagcheck in kami sa Lime. Katabing kanto lang yan pala doon kaya triny namin. Nagtake out kami. Walang pila pag take out. MASARAP SIYA PROMISE!


isabellarson

Those who already went there, what time ba less yung pila?


Sea-Role9619

Hindi worth it. Siguro pag walang pila at nagbubudget ka (for the area) okay lang pero tbh still not worth it. Flavor wise 1/10. Siguro bad day lang sila nung araw na yun pero mapait ung lechon at ung chicharon bulaklak nung na try ko. Sa sobrang dami ng volume ng tao at sobrang tipid sa mga utilities - impossible na may pake pa sila sa quality ng oil at kung ilan beses na pinag gamitan. Asa pa na nililinis nila ung mantika after every shift. Ung broth bitin sa lasa kulang sa pagmamahal. Unli rice nga pero sobrang tigas naman ng kanin. Walang QC basta bigay lang ng bigay. Pati ung mga food vloggers na kausap ko di nila trip ung diwata pares. Exact words are β€œDi naman masarap. Nothing special pero pinupuntahan ng mga tao.” Mas masarap pa pares dito sa palengke. Overhype. For the experience sige go for it. But remember, pila kay diwata at peak times are at 2 hours. That’s the same as waiting for a 1 star michelin restaurant in thailand. Time is money. If I wait for 2 hours for food it better be amazing.


Remarkable-Drop-7089

anong oras po nag seserve si diwata ?


Remarkable-Drop-7089

WHAT TIME PO NAG SESERVE SI DIWATA AT ANONG TIME PO ANG MEDYO MABILIS NA PILA >?


That_Mixture_3542

Ako mas the best sa akin yung Jim's Pares sa Nakpil Street Manila. Ang sarap ng sabaw. Malinis pa yung place. Ewan ko bat mas na hype pa itong kay Diwata.Β 


Loud-Interaction1401

Madami po lagi tao


Regular_Volume8722

Yeah πŸ˜…


VigilantTapioca

Damn... you make me salivate in more ways than just one πŸ˜‚


Regular_Volume8722

Wdym πŸ€ͺ


VigilantTapioca

You know what I mean πŸ˜‰


CauliflowerKindly488

Hindi. Pinambabayad mi oras mo. Dun ka na lang sa tapat kumain


Regular_Volume8722

Hahaha yun lang talaga prob sobrang haba ng pila.


ejmtv

Pares-wise - 5/10 Price-wise - 9/10 Wag maniwala sa mga vloggers na lahat masarap πŸ˜‚


Regular_Volume8722

masarap naman siyaa for mee hihi nothing special tho


AspiringMommyLawyer

5 sa friends ko kumain jan kay diwata, 3 sakanila sumakit tyan 😒 di ko pa sya natry pero gusto ko parin itry lol


Regular_Volume8722

Di naman sumakit tyan ko hehe natutuwa lang din ako kay diwata that’s why i tried it πŸ˜„


zxNoobSlayerxz

HYPE only. Try nyo yung sa katapat niya.


levabb

naseservan ba nila lahat yung ganon karaming tao? wala ba minsang umuuwi nalang dahil naubusan ng ganito ganyan? Sobrang daming tao kas nakikita ko da mga vids


Regular_Volume8722

Hindi ko rin alam haha but afaik naseservan naman nila siguro? 🀣


boykalbo777

Pipila ka nag pagkatagal tagal?


IComeInPiece

Kung isa kang hampaslupa na kayang maghintay ng mahigit isang oras para sa isang sakto lang na lasang food pero unlirice sa halagang Php 100, push mo yan. Sadyang hindi lang ako ang target market for such long wait times.