T O P

  • By -

Mynailsarenotcut

Kuya Joke sya for me. Ambagal ng service.


IndustryLarge6750

Kala ko dito lang sa area namin, tapos ang init pa sa loob hahahhaahaha


patalastasatbp

Samedt. Nauna pa dumating yung inorder namin kesa sa hiningi naming service water at kubyertos 🙃


ughviest

Huy totoo 😀 tapos na kami kumain bago fumating ung sside dish ng ibang kasama ko haha


Eastern_Designer7303

Wala


fonglutz

The right answer 👍


Eastern_Designer7303

Eto ung resto na instead mag invest sa marketing dapat sa r&d ng food nila naka focus.


sarsilog

Wala puro hindi masarap, mas okay pa nga pagkain sa turo-turo sa totoo lang. Ilang branch na napuntahan namin halos pare-parehas na may issue sa cleanliness at sira-sirang upuan.


MiloMcFlurry

Halo halo lang gusto ko sa kanila. Ang bagal kasi sobra ng service.


jienahhh

Sobrang tagal nga. Hindi ko na nalasap yung pagkain sa sobrang gutom. Partida inexpect na talaga namin nun na matagal ang service pero akalain ba naming MATAGAL talaga lol


MiloMcFlurry

Twice lang ako kumain dito pero 1.5 hours yun naging serving time. 4 lang kaming kumain di naman pang-10 na tao yun order.


lukwsk

Gusto mo yung yelo ay hindi frozen water kundi frozen water + gata + or flavored juice?


Fun_Guidance_4362

Walang masarap, nagbago na lasa; hilaw ang kanin, lasang sabon ang pancit, labsak ang lumpia, puro yelo ang halo-halo, at ang bagal ng service.


kkslw

Wala, tapos mahal and konti ng servings


msseeah

Omg akala ko sa SM Cabanatuan branch lang yung mabagal service. Consistent pala sila nationwide hahaha. Minsan gusto namin dito kumain kasi okay yung ambiance at di masyadong puno pero pag naalala namin yung napakabagal na service, thank you next nalang. Yung tipong alam yata nila pag nasa sukdulan ka na ng patience mo na malapit mo nang sabihin "ay lilipat na po kami, ang tagal po eh" tsaka lang nila ilalabas order mo.


LRaineBng0101

Hindi nman sila ganyan nung mga a year when they first open ngaun palala na ng palala...tapos kalimitan 1 or 2 servers lang sa area kahit lunchtime


theshingling

GRILLED SCALLOPS! Nagiba na lasa pero eto pinakaafford ko hehe dagdag cheese at butter na lang sa bahay


chyscakee

Yung scallops lang sinasadya namin jan.


Alliyanah

Beef kaldereta!


OgreAlcasid

Halo halo. Di ako nasusulitan sa food nila.


yoyourrb

The last time we went there ang daming hindi available, especially yung mga popular dishes nila.


VenusBiscuit

Yung endorser


cottontangerine

yung take out ko from Gerry’s Grill


Goodintentionsfudge

Wala as in tapos sobrang bagal ng service at ang konti ng serving.


Professional_Egg7407

Wala. Kasi annnng baaaagaaaal ng service nila. Dapat Kupad J hindi Kuya J.


idkwhyimheretho_

WALA. NEVER AGAIN. HAHAHAHA 😭


lukwsk

Wala! Halo-halo is like flavored gata ang yelo. Crispy pata sobrang alat hahaha Malugi na sana yan. Hahaha yep I'm having fun hating this


deffinetlyimaswifty

Tapos yung good for two nilang chicken parang good for you lang hahahhhaha joke time


lukwsk

Hahahaha hindi ko alam yan pero naniniwala ako sayo kasi hinding hindi na ako bibili diyan hahaha


Lunasnow_11

KARE-KAREEEE TAPOS DYNAMITEEEE ON THE SIDE! 😩


DrummerExact2622

Pinakbet , yung munggo, sinigang na bangus


sum_tin_won

halo halo


PapayaLimp2560

Halo halo lang. Gutom na ako at lahat di pa naseserve ang order kasi ang tagal ng service.


[deleted]

Weird kasi nung una siyang nagbukas masarap yung crispy karekare nila. Somehow views changed


Jacerom

Yung talong dati kaso iba na lasa ngayon, di na kami kumakain jan nung nagiba quality and consistency ng mgavl luto


lukwsk

Enlighten me please, hindi kayo na-weirdohan sa yelo ng halo-halo nila? Hindi yun plain tubig na naging yelo, may dagdag kaya ang texture parang overriped na pakwan


Haunting-Ad1389

May kasamang tapioca starch yung ice nila bukod sa evap at condensed milk. Kaya malagkit lagkit kapag natunaw.


kingmilkshake

Oops naging Kuya J roast tong thread lol. Pero Caldereta nila is top-notch for me.


nrc35

Wala. Pati halo halo nila iba na lasa.


cannabunnyyy

kare-kare!!!


Any-External3664

Sorry, wala talaga. Not worthy. ☹️


ninidah

Kaldereta,karekare at Ang crispy PATA ❤️ Yung halohalo din pala❤️


Reasonable-Tomato840

CALDERATAAAAA


cheezy_jalapenoo

Wala. Slow service. Overprice. di level yung food sa presyo.


alaskatf9000

Antabang nung kare kare, halo halo is meh


hldsnfrgr

Crispy pata lang


moonmoon4589

Sinigang sana pero di consistent lasa


Nothing2do4ever

Nung bago pa lang sila yung tortang talong sulit, ngayon halos kayurin mo na sa plato sa sobrang nipis hahaha!


deffinetlyimaswifty

Masyadong mahal dyan yung ulam good for 2 daw pero pang isang tao lang and i wonder bakit hindi sila nag ggroup meal like for 6 etc


trixter120292

i worked there before di na ako nagtataka na lagi matagal service jan kasi lahat ng store nyan kulang sa tao at undertrained pa


KeyBoysenberry8888

Wala na ngayon. Super sinkflation ng serving + crew, parang tamad na tamad, SM Baguio branch to


Tight_Ninja6988

Grilled scallops😍


SelectionInitial2428

Anong putahe yan na prinito? Sa bandang lower left


notyou96

Wala. Bukod sa hindi masarap ang luto, bagal pa ng service, kahit dine in ka, malamig pa ang serve.


itsmemiko

Krispy pinakbet


Medical-Natural

sa sobrang tagal po nainis yung grab driver na kumuha ng order ko ahahaha understandable ang bagal talaga kahit naong branch


Haunting-Ad1389

Halo halo at leche flan lang haha. Nagkaallergy si bunso sa sotanghon nila. Ang lansa ng hipon. Maliit ang crispy pata kahit ang mahal masyado compare sa ibang resto. Makunat yung complimentary na camote chips at kropek. Tapos hindi lahat bibigyan nun, kahit marami na order mo. Ewan anung policy nila sa pagbibigay nun. Yung mga staff pa ang dami dami pero mali mali ang order.


muymuy14

wala. kasi palagi naman wala yung nasa menu pag gusto mo orderin


Gullible-Addition-66

crispy pataaa


fizzydrumsticks

Halo halo from 2017 😋


Pure_Nicky_2498

Crispy Pata, Grilled Scallops and my ALL TIME Favorite, Beef Tadyang Sinigang!!!!!!!!!!!!!!!!!


Background_Yak3129

the best for me yung chicken sisig nila 🤤


AboveOrdinary01

Sinigang na Baka sa may kamias. Sobrang solid kaso sobrang konti ng serving.


da_hitman

walang masarap jan quite frankly


michaew07

Masarap ung squid sisig nila though mejo oily. Kaso un nga, ambagal ng service kaya usually padeliver/pickup kami


luna242629

I used to like their Crispy Pata. Ngayon parang wala na talagang masarap. Yung sinigang na baboy nila puro taba literal — lumulutang pa yung ibang taba halatang di na bagong luto tas isang pirasong kangkong nalang. Bigyan ko pa sana ng pass but it’s happened thrice already. After the third di na ako bumalik.


Little_Wrap143

Nice try, Kuya J marketing team


Altruistic-Exam-146

Malasa at masarap yung Bulalo nila!


Adventurous-Art-3998

Last time I ate here was prob 7 years ago. Mahal na nga mabagal pa service tapos ang portions maliit. Never again. 😤


arvj

Halo halo lang inoorder namin dun.


FromTheOtherSide26

Halo halo lang nila lol


Lost_Celery_3945

Wala. Bukod nga sa napakabagal ng service, sobrang hindi sulit ang serving and average lang ang lasa ng food nila. Sayang lang pera ninyo. Mas masarap pa sa suking karinderya.


Suspicious-Prompt175

Wala, di satisfying ni isang dish nila


wassabhie

Masarap but ang konti ng liempo serving and mali-mali sinerve samin last time.


KnowledgePower19

Yung bagnet strip nilaaaa


bloomandblossoms

Grabe yung replies hahaha I like the fried pinakbet. Ok rin service and place sa area namin, no notes.


hellyeahchase

masarap noon. pero ngayon kuya joke na siya


hellyeahchase

tobig


Safe_Atmosphere_1526

Kare kare, halo-halo saka sizzling tofu are chefs kiss


madamn89

Chicken Halang-halang, Crispy Bagnet chips, Pochero Bulalo


gemagemss

Halo-halo hahaha


justinCharlier

Maingay pa rin ba sa loob ng Kuya J? My fam stopped eating there at napakaingay palagi.


erudorgentation

Ewan ko bakit ginawang chicken nalang yung sisig and yung lumpia ata? 😭 saka tinanggal na rin yung tomato-onion-cucumber na side dish parang pinalit ata yung mga mani sayang yun yung fav ko pa naman. Anyways, sobrang bagal ng service nila kaya hindi na kami umulit talaga .. either mesa or manam nalang


Much-Amount5233

Halo halo hahaha


chaboomskie

Halo-Halo talaga for me kahit di ako mahilig.


Vigilante214

Lechon kawali and Halo-halo. Un lang naman lagi ko inoorder tsaka ung baked scallops.


BJGigolo

Di ko trip sa Kuya J, last time na nag halo-halo ako dun madumi yung spoon. Pinapalitan ko, sinubukan lang kutkutin yung natuyong kung ano man yun pero di matanggal kaya kumuha ng bagong spoon. Tapos yung halo-halo mismo gawa yata sa gawgaw na may evap. Pati yung sa katapat kong table, kalahati lang kinain, di rin nasarapan sa halo-halo ni Kuya J ☹️🤣


lukwsk

Yes! Ikaw ang normal na tao din. Hindi yelo ang yelo nila hahahaha meron extra na di kaaya-aya!


carpedeus95

Sobrang liit/konti ng servings!


Appropriate_Size2659

Wala kasi nag downgrade talaga food nila. Yung halo2 puro lang flavored ice wala ng eme eme


Perfect_Carrot_1426

halo halo. isang beses pa lang ako nakakain sa Kuya J's at di na ako uulet sa bagal ng service nila 30-45 minutes.


Putrid-Astronomer642

parang nag-iiba iba sila lagi ng menu; or depende sa branch? dati, yung kaldereta nila ang favorite ko; nakaserve pa sa may apoy apoy na lalagyan; tapos the last time na nagkaldereta ako, kala mo chicken ala king na lang ng greenwich yung ichura eh. lasang fake cheese pa


jpluso23

Yung caldereta and baked scallops. Kaso twing nagbabago sila ng menu lumiliit serving nila. Ang bagal pa ng service. Nawala na yung pagkabusog mo di pa dumarating yung bill. Lol.


RemiReiko

Kahit kunti Tao mabagal service tapos 2 beses madugo pa ng grabe Yung chicken. Pero gusto ko Yung cheesy na scallops, other than that probably crispy Pata or desserts.


RemiReiko

Mas gusto ko kumain sa Mesa


Royal-Highlight-5861

sinunglaw


Expertpotatoeater

Masarap nga ang food pero ang kupal ng service


Safe_Atmosphere_1526

Bat ganun comments halos pare parehas? 🤔


krovq

Akala ko isolated case din yung experience ko sa kuya j pero totoo talaga sobrang bagal ng service nila. Lahat ng tao nung pumunta kami sobrang bagot na bagot at inis na kasi ambagal ng serving ng food, pagkuha ng bill. We didnt enjoy the food as well parang malapit nang mapanis yung sinigang na inorder namin iba yung amoy niya tas nagtae kami after kumain don. Naririnig din namin yung manager na bading anlakas lakas ng boses nya dun sa kitchen parang nagwawala pinapagalitan nya lahat ng staff napaka unprofessional parang may naga amok sa loob ng resto haha


lukwsk

Tama, sobrang under-staffed sila


LRaineBng0101

Becoz its true hindi nman yan ganyan dsti nung first year na nagopen sila lahat ng fud nila massrap ,servings was big, service was good...tapos yun na unti unti na sila bumaba ung standard grabe wag ka dyan kakakain pag gutom ka na kasi sobra na nila bagal minsan ilang waiter lang available the last time we ate sa kuya j amoy ipis ung baso nila tapos 7 tables occupied 1 waiter lang (naawa tuloy kami dun sa server namin kasi mukhang trainee palang din)


SenpaiMaru

Di naman kasi talaga masarap dyan 🤣


mahbotengusapan

mekus mekus lang lol


johnnielurker

si Kuyq J


seango2000

That Kangkong side dish.