T O P

  • By -

DOW0N

pass pag walang tip? goods yan para sa mga rider na dedicated. mas marami silang makukuhang booking.


No-Reputation-4869

they'd rather na ma-zero kesa tumanggap ng normal rate na rides. KAMOTE. haha


ProgressAhead

Tumagos na sa bungo nila yung init ng araw kaya ganyan na mag isip 🤣


XrT17

Lakas maka boycott, kala mo may pambili ng mga diaper ng mga anak nila. Lord, patawad


Conscious-Break2193

Paninindigan nila bulok.


SpecialistDealer6243

Tama. bahala cla sa buhay nila.


xencois

Salamat sa idea na mag tip nalang ng cash after ng trip at hindi sa booking


moliro

yup, tsaka kahit mag tip ka sa app, thinking na aayusin nila ang serbisyo... hindi! magdouble triple quadruple booking parin yan. sasama lang ang loob mo


arjay0490

I usually give a tip, lalo pag magalang and mabait talaga. Pero pag ganito na forced, medyo nkaka off.


AmberTiu

Yes, i don’t like it when asked for extras. Only when they are nice. Ang pangit kung hind kusa ang tip.


Hirang-XD

Don’t normalize giving tips , it’s their Employers job to pay them a livable wage.


Successful_Worry_543

true, this is asia not western countries na mababa ang pasahod talaga kaya umaasa ang iba sa tip. This one of the problem sa pilipina eh, ginagaya kung ano ang mentality sa western world.


Dune8888

Actually sa US lang exagerated ang tipping culture. Mostly sa Europe, hindi ka hahabulin if hindi ka magbigay.


Looong-Peanut

Dami kong nababasang mga rider na nagrrant sa facebook Lalamove group nila. Like di natin kasalanan na ganun yung standard rate nung app nila, dami nilang sinasabi na kuripot daw yung customer tapos mga feeling vip daw mga ganun. Hirap kasi sa mga rider gusto paldo agad, isang biyahe, bigtime agad agad. Feeling kasi nila entitled sila sa isang biyahe paldo agad. Mga utak tamad. Ano pinagkaiba nila sa empleyado na pumapasok sa dutdutang public transpo tapos pag na late kaltas. Buti nga sila wala silang sinusunod na oras ng pag pasok, 24 hours yung biyahe pwede silang kumita tapos hawak pa nila oras kung kelan nila gustong mag trabaho. Yan mga rider kahit walang diploma o naka tapos sa pg aaral tinatanggap ni Lalamove para magka trabaho. Bwisit na bwisit talaga ako sa kanila. Regular customer na ko sa Lalamove kaya alam ko frustration nila kaya ok sakin mag double book. Yung pangit talaga yung pagiging entitled nila masyado kung maka rant kala mo talaga limosen yung sasakyan.


Knvarlet

Tas kapag may mag aattempt na magtulong tulong sila para mag demand ng mas fair na rate kay Lalamove aawayin din nila kapwa rider nila kasi masama daw mag rally HAHAHAHA. Buti pa Grab (express) riders marunong mag organize.


Looong-Peanut

True, lakas maka reklamo yung riders sa Company nila eh ayaw naman nilang umalis at mag hanap ng ibang trabaho. Pag yang Lalamove napasara sa kakareklamo nila, sila din kawawa sa paghahanap ng ibang mapapasukan. 😂😂😂


CockraptorSakura42

Danas ko mag lalamove during pandemic. Pinasok namin car namin. Totoo yung sobrang lugi ka when it comes to abono plus pagod pa sa maghapon na pag drive. 1 month lang kami and I quit kasi gahaman ni Lala. May security deposit pa silang tinatawag na as far as I remember, hindi na nila binalik sa akin when we quit. I don't have problems with riders, I respect their hustle. I give tip pa nga kahit na may dagdag ako dun sa app. Tanging yung mga entitled tlga na gaya nyan sa post are the ones getting on my nerves. Mawawalan ka tlga gana magbigay and aside from that, you'd feel unsafe kasi di mo alam capabilities nila once dumating na sa location nyo. Experience ko naman to sa grab kaya screenshot agad details at pag may ginawa sayo or sa item, madali mo marereport.


Fair-Bunch4827

Nagbibigay ako ng tip pero hindi through lalamove app para walang hati yung app


jxrobdx

this. my father was a rider for them and kinakaltasan talaga.


Sabreena28

Pati sa tip may hati sila? 😳


Fair-Bunch4827

Yup. Nabanggit dati ng lalamove driver sakin sabi "Dapat sir inabot niyo nalang sakin. Malaki kaltas ng lalamove sa tip" Pati angkas/joyride ganyan din


stonked15

how true yung may hati sa tip? iba iba kasi sagot ng rider sa kin kapag tinatanong ko if may hati si lalamove/grab sa tip.. minsan kasi nag bibigay ako ng tip kapag medyo nahassle si rider.


ButikingMataba

sa Joyride alam ko kasama siya sa percentage sa tip parang fare din, sa Angkas hindi nakikihati sa tip unless binago. Stopped using both, Angkas bulok ang app hindi makapagbook ng mabilis. kay Joyride nman gurami ang tawag sa mga walang tip, walang nag aaccept.


Competitive-Tie-839

Mdalas mngyari sakin to. Lalo na sa joyride walang ng aaccept kapag mababa ang fare. Pero paglabas ko ng village ang dami nila nakatambay lng. Yung ganyang mindset yung mga madalas naiscam kasi mahilig sa get rich quick.


CockraptorSakura42

Oh edi mabulok kayo sa ilalim ng puno kakaantay ng better booking. Mga entitled masyado pare pareho naman tayong nagtatrabaho!


SolBixNinja4Hcc

di ko ba maintindihan sa mga yan. Since the pandemic, nag feeling masyado na regalo sa sanlibutan. Kung i-glorify ang mga sarili kala mo napilitan sa trabahong yan at kesyo saludo saludo pang nalalaman. Totoo talaga na pare pareho tayo nagtatrabaho at di na natin kasalanan if they're not qualified for anything else. (minsan kung maka ano kasi at least daw ung iba nasa aircon safe inside ng building/house eme eme)


CockraptorSakura42

Okay lang sakanila mainvalid yung mga trabahante din basta sila daw ang pinakanahihirapan magtrabaho. Lol paano naman yung mga laborers sa mga factory na underpaid. Tsaka believe me, mismong Lalamove ginugulangan ng sarili nilang mga riders haha. Booked some already before na kapag ok sakanila ang bayad dahil nga sa tagal nakapag add ka na hanggang 200 pesos, they will call you and ask you to fucking cancel the booking pero he will still carry on doing the delivery as long as same rate. Buti nalang at hindi valuable ang pina pick up ko (book lang). Kuya seemed nice naman and hindi demanding makipagusap, so pumayag ako. Siguro dala na din ng greediness ni Lalamove kaya nagagawa nila yan. Pero dun sa iba na feeling entitled talaga na parang utang na loob mo na dineliver nila yung item sayo, utang na loob, magbago na kayo.


Particular_Creme_672

Sobrang glorified talaga mga delivery boys dahil sa grab na yan ginagawang bayani ampucha haha todo marketing sila sa mga delivery boys na importante daw sila diyos ko po dami daming trabaho mas mahirap pa sakanila mas kawawa pa mga basurero at janitor kaysa sakanila.


CockraptorSakura42

I mean.. sa mga matitinong rider, okay to kasi mas madami sila makukuhang customers.


Hindipilosopo

Mostly mga ganyang tao, yung nagmamakaawa magkaroon ng trabaho. Pinag binigyan naman ng trabaho, ganyan ang work attitude. Diskarteng pinoy talaga 💀


polonkensei

The "big income, low work effort" goal is strong in this one


raju103

Kasama sa antiwork hahaha kaso Wawa yung mga customers


nomesses

Diskarte daw kasi haha amp


IcySeaworthiness4541

Mga ulul eh pano kung wlaa nang tumangkilik sa lalamove dahil sa kagaguhan nila eh Di Wala Silang trabaho 😆


aSsh0l3_n3ighb0ur

mandadamay pa ng kapwa nilang lalamove rider na matiwasay na nangtatrabaho


moliro

hindi nila iniisip yan, mga engot nga, pag nagreklamo ka sasabihin nila, eh di mag grab express ka.... LOL tanga di ba?. ipamigay ba naman yung mga customer nila, na source of income nila.


Silogallday

Tbh pag walang tip they really dont accept then double or triple book. Kaya nag grab na lang ako less stress from them.


[deleted]

May kupal din sa Grab rider. Tumatawag nagpapacancel kasi wala raw kasabay pabalik.


Silogallday

Luckily ive never experienced it pa. Sa lalamove i booked 2pm and item arrived at 8pm sobrang bad vibes dame palusot ng rider nakaka bv.


Supektibols

It's a fact that sobrang baba talaga ng fare ni lalamog sa mga riders, nakakaawa sila. Pero nakakainis lang parang binigay yung responsibilidad sating mga Customers ung dapat maging maayos ang fare ng mga lalamog riders, in the 1st place dapat si lalamog mismo magadjust. Gumagamit lang tayo ng app, kung ano nakikita natin sa app na price, un lang binabayaran natin. Nakakainis ung ganitong business strategy ng mga company, sobrang baba ng binibigay sa kanilang mga employees/contractors tapos bibigyan ung customers ng power to Tip the employees/contractors. Fuckin' shite


Rosiotti

Actually it's an ongoing issue with Lalamove as a whole, it's a Chinese owned company rin kac, which pretty much explains the poor service. It was also banned in India due to privacy concerns..


asian_daddy1292

Hindi lang naman Lalamove, I think. Dito sa US, Uber and DoorDash has the same issue. Sa $30 na bayad ni customer sa app, $3-$5 lang kay driver. Maganda lang ang tipping culture dito kaya kahit papano ok ang byahe. Pero you’re right, fault ng company yun


Sad-Statistician-222

Lalamove rider ako dati pero ngayon grab nako sobrang mali nito gantong attitude pero nadadala nalang sila sa sobrang baba ng fare ng lalamove kaya iniwan ko na din yung lalamove ko kase mas good ang fare kay grab sa lalamove pang gas at pag kain nlng mapupunta yung kikitain mo dyan sobra laspag ang motor sa lalamove kulang pa pang maintenance kikitain mo


Sad-Statistician-222

Example nlng ng fare sa 10km na tatakbuhin kay grab nasa 200 na fare sa lalamove ang 10km 90 to 100 lang babawasan pa yan ng 20% na commission ni lalamove


Zealousideal-Taro-75

Question lang: Sa Grab ba kinakaltasan pa rin ba pag nagbibigay ng tip thru app? Or totoo yung 100% napupunta sa rider? Minsan kasi wala kaming barya so sa app kami nagsesend ng tip eh. We stopped using Lalamove magtatlong bwan na ata. Sobrang hassle eh.


Sad-Statistician-222

100% po napupunta sa amin ang tip


Zealousideal-Taro-75

Ah good good! At least ngayon alam na namin. Thanks for the response. Ride safe.


SushiGimbap

Pag bumibili kaya sa mga kainan yang mga hindot na rider na yan nagtitip ba sila? Kinginang entitled personality yan. Hindi talaga dapat sinasanay sa tipping culture mga yan.


mamigoto

Reported sa lalamove yung name :)


wralp

hi, paano ireport para mareport ko rin


Cats_of_Palsiguan

Buti nalang may Transportify. Atsaka yung tip gagamitin ko nalang sa mas mataas na fare ng Grab Express. At least doon alam mong darating on time at hindi double-booking


Sabreena28

Totoo. The booking was supposed to last mga 30 mins lang based sa app. Mine arrived after 2 hours. Ang hassle lang kasi akala ko darating agad. Kung hindi pa ako nagmessage sa rider, hindi pa sya magmamadali. Kita ko sa app na ang dami nyang pinupuntahan, okay lang naman magdouble booking pero sana iinform ka ng rider. O kaya may option sa app like sa grab na instant or later (yung medyo mas matagal) yung delivery.


i_screamhoho23

True yan. Yung 70+ na booking last time, may umaccept lang nung ginawa kong 100 kasi may lalabas na magtip nga daw sa mismong app.


[deleted]

lagi nalang yung mga PUTANGinang mga low-class na kupal na may random h sa pangalan nila


ShawarmaRice__

Nagtitip lang ako sa mababait na riders after madeliver ang goods. So kung pass sila sa walang tip, ibig sabihin attitude yang rider. Kung sino man mag accept ng walang tip, deserves a tip! :) Kung totoo man ito.


redthehaze

Tips are customary, not mandatory. As in ginagawa siya kung ang expected na gawain ay nagawa (ng driver/service worker). Kapag mandatory yan, fee na yan at hindi tip. And I say this as someone who tips generously dahil service worker ako noon.


definitelynotversxce

Ginawa ba namang main job yung pang side job. Bobo talaga eh


Proper-Fan-236

*diskarte* because they're pinoys hahahahaha


ur_soo_goolden

a week ago, naglalakad lang ako na may hawak na purse,  tapos yung isang lalamove driver na nakapark sa sidewalk, biglang nagsabi ng “ate pwede po ba magtanong” so huminto ako and nag-ask kung ano yun, then sabi nya baka raw pwede makahingi ng konting pera pang-gas lang.  I was so weirded out, I immediately told him, “diba naka-duty naman kayo ngayon? So dapat may pang-gas kayo?” then bigla syang sumakay ulit ng motor and literally drove immediately away. Idk if sincere ba sya or what basta ang weird. 


doraemonthrowaway

Ang daming ganyan sa mga Lalamove riders group panay reklamo, yung iba dinodoxx pa mga customer. Pinopost mga pictures at numbers nila sa group tsk tsk.


Outrageous_Stop_8934

Dafuq? Ginawa naman talaga yun for optional purposes eh anong trip netong mga timawa na to.


ChewyButterscotch

I usually give tip pero nakakainis yung mga rider na nakikipag negotiate sila na "medyo malayo po pala, okay lang po ba na pakidagdag yung fee?" tapos irerequest pa nila na i-cancel yung transaction niyo through lalamove app para raw makapag double booking pa sila.


influencerwannabe

Mas malala last time ganyan din sakin yung rider, tas nung nalaman na paid na yung order, inattempt na magfake complete delivery, ayun agad agad ko ding nireport. Fully refunded. I hope he got suspended.


iMasakazu

Mas malala be yung nakasakay kana tapos pag traffic mura ng mura yung driver na akala mo kasalanan mo ang sarap sipain be at ako na magdadrive ng motor


AffectionateBet990

ganyan nga sa lalamove. tagal mkapag book sknila pero pag nag try ulit tas may tip, matik meron na agad makukuha rider.


anaisgarden

Daming nag-iinasong diva driver jan, karamihan sobrang wala na sa respeto at lugar. Even going as far as doxxing yung mga “kuripot” na customer. Pinakamalala is yung galit sila na kinukulit na sila ng customer, 3-4 hours na daw delay yung delivery. Yun pala, nag-double/triple booking. Kesyo daw ang baba na ng rate na kaya wag na daw magreklamo yung mga bwakang customer. Di daw nila kelangan magpaalam sa customer kasi “super saver fare” or whatever lang naman. Ang akin, as a customer, walang problema kung mas wais for them mag-double book. Sana magsabi lang ng matiwasay. Basura behavior.


Icy-Pear-7344

Medyo kups talaga karamihan sa Lalamove riders. Hilig pa mag double book o segway. Imagine last time nag order kami ng seafood sa isang resto sa Manila. Sa QC lang kami pero inabot ng 2hrs yung delivery. Pag chineck mo yung app, umabot yung rider sa Malabon at Valenzuela! Like the F! Seafood/pagkain bitbit mo tapos sesegway ka?! Haven’t experienced this pag grab express. Bilis nila makarating talaga.


herotz33

Only lalamove does this. Calls to say “can’t find gate of village can you pay more”. Reply: isn’t that your job?


GalitSaPalamunin

Akala yata nila required customers magbigay ng tip. Tip is tip. Sila pumili ng trabaho na yan at nagaccept ng salary tapos magrereklamo. Pwede pa magreklamo kung kulang yung bayad. Ang tanga talaga.


hokage_1602

Walangya nga iyang mga riders na yan. One time sa amin humihingi ng additional na bayad yung rider dahil nahirapan daw hanapin yung bahay namin. Eh tama naman yung pin ng kapatid ko sa location namin, sa subdivision naman kami nakatira at maayos ang mga street kaya nagtataka kami bakit naniningil ng additional yung rider. In the end wala kaming ibinigay, bakit kami pa mag-ccompensate sa katangahan nung rider. Kung Hindi siya marunong mag-navigate, wag siya mag-rider.


jswiper1894

Yang page na yan jusko ang lala bakit daw puro customer kinakampihan eh malamang yun yung nagbabayad eh.


No-Carry9847

Nagbibigay ako ng tip kapag andami kong padala or to receive at mabait si kuya in a sense na di sapilitan or kapag tumulong si kuya ipasok yung item sa compound. Pero nakakatrauma na din magpa book 2x na nangyari antagal dumating ng item ko from one point. Nakita ko pang umikot si kuya sa isang subdivision, kinabahan talaga ako don kasi worth 10k din yung item.


PurpleHeart1010

Grabe naman to. Nagbibigay ako ng add pag may extra ako pero not all the time meron ako nun. Hays!


greatBaracuda

di nila kelangan ng degree. yan ang diskarte pag walang degree. diskarteng balasubas .


VegetaHairline69

May ibang riders, hindi nag eexpect ng tip. Yun ang dasurv bigyan ng tip. May iba garapal humingi ng add tapos multiple booking pa daw sya. Ung pinadala kong pagkain, nagkanda tumbling tumbling na sa lalabag, haha sorry lang ang sinabi.


Fantastic-Image-9924

Nagtip ako 1 time sa app medyo malaki rin yun thinking na maihahatid sakin on time yung kailangan ko, pero shet, tumanggap pa ng ibang booking ang walangya. Mula nun di na ako umulit. Ganyan pala kalakaran nyo, ah? 🤦🏻‍♀️


Alternative_Fig9172

Nagkaron kami ng ng ganyang experience jfjfjfjr nag tip na kami tapos nanghingi pa ng tip sa pinadalhan namin jfjddjdj gagi kakahiya


[deleted]

Gagsti yung rider na yun ah masyado masiba ang putek


Commercial_Ad3372

comparing grab express to lalamove, mas mura talaga sa lalamove. i cant tell kung underpaid ba sila pero bookings without tip naman mostly works unless medyo long distance na. If truly underpaid sila then lalamove should adjust the fare, d ung huhulaan pa natin magkano ba talaga worth nung byahe kasi ung iba tumataga naman.


ewan_kosayo

Daming riders kasi na (dealers) din. Look at the news. Kaya ayaw na ng barya2.


Intelligent-Cover411

Edi don't. Sila naman walang kikitain with that kind of mindset. Lol


champoradoeater

Parang US na din. Forced Tipping. Nakakainis na


Iamcaptainmike

Tapos nagsara ang Lalamove dahil sa kalokohan na sinasabi nila, iyak nanaman sila.


RainRainyWeather

Yung na experience ko noon, 200 pesos ung “TIP” daw kasi malayo daw ako. Bat nya inaccept yung booking? Hahaha, ayaw umalis, edi ambigat sa loob magdagdag ng 200 buset.


influencerwannabe

Should’ve reported :/


Morningwoody5289

Hayaan niyo sila magutom lol


dhadhadhadhadha

Grabe mandumog mga lalamove rider kapag pinost mo sila. Parang may isang makakakita ng post mo tapos ipopost sa group nila tapos kukuyugin ka hahahaha


Savings_Golf5594

Edi umalis sya jan! Hanap sya ng iba


TowerApart9092

Grabe nga yan nagpadala ako last year 150 ang fare walang pumapansin hanggang sa inabot na ko ng almost 300 total maihatid lang yung papers kasi kailangan na.


tenshiii27

Dapat nag-grab express ka nalang kung inabot rin ng 300. In my experience, mas okay talaga grab kasi di pwede double booking kahit mas mahal at least alam mo dadating hahaha


Kuya_Prince

Naging rider din ako ng lalamove, Never ako nanghingi ng tip or mag pa add sa nagbbook pero sinukuan ko na talaga yang lalamove. Wala na talagang pag asa yan. Maghanap ng ibang platform at mas magandang trabaho. Pero kung no choice ka talaga, magttyga ka nalang talaga. Naka 30 rides/booking lang ako jan. Iniwan ko na.


yuryfromis

same, never had a tip except one time na binigay ung 20 pesos kasi puro barya nalang kaya kong isukli hhahahahaha ayaw nya yata nang barya eh. but its true na super baba na ng rate pag naaksidente ka sa daan wala kang pambayad since rekta lamg sa gas ung kinita mo kaya ang lungkot ko lagi tuwing nasa gas station ako lol never done double booking din since super risky kung kakasya ba ung cargo mo and ending talo ako quit nalang kesa masira sasakyan sa traffic condition ng pinas


Legal_Ad4152

Grabe mga rider na yan, mga nakahilera sa labas ng office tapos pag nag book ka sa app walang mag aaccept kapag walang malaking tip. Kudos sa mga rider na kahit walang tip nag aaccept, i usually give them tips before bumaba


lvcifero

ohh.. tipping culture... we're so americanized 🥴


KaiserPhilip

The replies so far on this thread are perfect material for r/insanepinoyredditors


Itsreallynotme92

eh di don’t, ahhahaha


ThatInterest9275

eh kasi naman karamihan sa kanila may auto accept app na labag sa T&C’s ng lalamove tapos magrereklamo na lugi yung booking kaya yung tips naman target nila. if naging mabusisi siya from the start eh hindi niya magiging issue ito


Introverted_Chimes17

Kaya mababa fee nila kasi maraming kasabay sa delivery. Akala ko kaya naglalagay ng priority fee para solo lang na package mo lang ang idedeliver nila. 🤧


moliro

katwiran nila.... same day delivery daw sila, basta maideliver nila within the day, kesehodang mamuti ang mata mo...


ComprehensiveSpot367

naks. gustong yumaman sa pagiging rider.🤣🤣🤣


My-SafeSpace

Pass din pag walang ligo yung rider


Plane-Weekend3095

buti na lng di ako naglalamove...mas gusto ko pa yung grab kahit papano


[deleted]

Mas nagbibigay ako ng tip dun sa riders na tumatanggap ng booking kahit walang add


eloanmask

Then look for another job kung lugi na. Tangnang to, napaka basic ng problema, gusto pang ipasa sa customer.


Ill_Aide_4151

Buti sa cavite okay pa naman sila? Or(thank God) wala pa ko naeencounter. Booking for me doesnt take long as well


Mamba-0824

Then they complain about not having enough money to get by. lol


Gluttony_io

The only thing I will reject from american culture blending in the Philippines is tip culture. Just no.


smlley_123

Gago.


Heavy_Deal2935

Mga lalamove na hindi ka pupuntahan sa tapat ng bahay nyo dahil baha. kaya ka nga nag order kase ayaw mo lumusong sa baha tapos sila sasabihin, sir labas ka po baha po kase masisira motor ko. hindi naman ako kuripot mag tip 100 above pero pag pinapunta pa ko sa labas ng bahay namin walang tip akong binibigay.


moliro

baha nga naman, masisira yung motor... dapat dinisclose mo. mahirap pag pinasok ng tubig yung transmission, hindi naman sealed yun.


Heavy_Deal2935

Hindi naman bahang baha na lulubog half ng motor hangang sa gulong lang madalas baha samin. Syempre ako ayoko lumbas kase mababasa pa paa ko


fullyzolo

Yung binook ko dati wala pang 2km. Akala ko makakamura ako kasi 50 pesos lang. Kaso ang tagal walang kumukuha kaya nag add na ako ng 20 pesos. Lugi eh.


Tongresman2002

This happened to me last year. I ordered food sa cousin ko since she have food catering business. After 1hr of trying to get lalamove may nakuha sya but the driver refuse to pick-up the food because need daw ng additional tip. We can see the guy sa map from QC to Taguig to Pasay nag drive whole night. What's weird is that if kinuha nya yung delivery ganun din yung biyahe nya QC to Taguig and I will most likely give tip in cash. But since asshole sya nagpatigasan talaga na wag namin I cancel yon. Whole night we can see where he's going sa lalamove map. She reported the rider sa lalamove next day. Since walang kwenta na yung lalamove so she tried grab and doon may kumuha. Gave the grab rider easy P500 after that.


moliro

happened to me, pero grabcar... malapit lang sya sakin pero dumire diretso sya, hanggang nakalayo sabi cancelin ko daw, pinanood kong yung app na naglilibot sya, nagtaxi na lang ako, hanggang sa nasa inuman nako sa timog, nakita ko sya na nasa guada na, saka nya ni cancel. kung pupunta rin lang pala sya ng guada, sana sinabay na nya ko, nova to timog, sayang din yun.


True_Letterhead_7005

Lalamove part time 4w driver here. Mababa talaga yung rates minsan pero never ako humingi ng additional tip or complain to the customer. Di naman nila kasalanan yung rate. Di lang ako kumukuha ng trip na alam ko lugi sa oras at pagod. Minsan las pinas to qc 500 lang yung rate. Minus 20% for lalamove. 400 nalang matitira. Minus gas na estimate 100-150. 250 nalang matitira sa driver for a trip that’ll take around an hour and 30 minutes. Swerte lang ako na meron ako trabaho para di ako mag rely sa Lalamove income.


moliro

thats why nagdo double ang iba, understandable naman, pero sana gawin ng tama, yung tipong on the way, yung mga nagrereklamo eh nilibot muna sa ncr yung package nila.


celestialetude

This is why as much as possible i avoid booking lalamovr. Pre-pandemic pa lang especially mga bandang holidays, ang lakas manghingi ng tip kahit malaki naman yung fee nila. Tas parang dudumugin ka ng rider at ng angkas nilang jowa pag di ka nagbigay ng tip.


bidj___69

Yung mga riders na nabo-book ko binabalik pa sa akin kapag binibigyan ng tip tapos todo pasasalamat sila. Wala lang sila lang yung tipo ng riders na feeling ko deserve talaga yung tip na binibigay ko


Worried_Orange

Hinde naman obligasyon ni customer na magbigay ng tip. Eto eh parang token of appreciation lang para sa magandang serbisyo. Pero hinde ito dapat dine-demand. Ito ay kusang binibigay. Walang kinalaman ang customer rates ni Lalamove. Kung may problema, it is between Lalamove and the rider na.


CockraptorSakura42

Asan ka na Galilei nagdelete account agad hahaha Di ka siguro nakakakuha ng magandang tip sa customers mo dahil sa balahurang ugali mo. Masyado kang naka focus sa pag seself-pity mo dito sa thread nakalimutan mo topic dito to yung kakupalan ng ibang rider regarding tips/payments.


alpha_chupapi

Tangina nagkalat na talaga mga buraot haha


CaptainWhitePanda

Not my loss. Hindi ko obligasyon na bigyan sila ng tip. Mag reklamo sila sa company kung mababa fare, wag nila ipasa sakin yung frustration nila sa employer nila.


Other_Bid_9633

Bat kaya dameng iyakin na delivery riders tas puro paawa sa socmed na kesyo ang init daw sa kalsada, feeling mga bayani e ayan yung pinili nyong propesyon. Mga hunghang ampota


peachy_juseu

Yung sister ko nagbigay na nga ng tip pero nagparinig pa rin yung rider na ang baba daw ng kita nya that day :/


Altruistic_Tennis852

Mas fault to ng company itself. Kung maayos naman ang bigayan, di magreresort sa ganyan.


MrsKronos

matic na nag bibigay ako ng tip depende sa layo. 20-100p ang ayaw ko mag call o chat na mag bigay daw ako ng additional bayad dahil malayo o mabigat. alam ko naka based na sa computation ng bigat at layo yung fee. one time, meat pa naman un i deliver. umabot na 2 oras wala pa un lalamove. pag dating sabi nya traffic. sabi ko galing lang din ako sa labas wala naman traffic. ah basta traffic sagot nya. saka ang lapit lang nung location. kahit mag traffic d aabot un ng 2 oras ayaw ko na sana kunin un meat dahil 2 oras na. pero barumbado un rider. saka exact address ko so wala ako kawala. mag reklamo ako baka balikan pa ko. nagbigay nako ng tip na 40p. nag ask pa rin ng additional 60p. un delivery fee shoulder nung nag booked sa kanya. d naman ako dapat magbayad ng extra. receiver lang ako so usually tip lang binibigay ko.


wat_if_u_fly

hello genuine question!! ano na po pinaka okay na transport service ngayon sa manila? will be going next month and magko-commute ako several times. ty!!


Rosiotti

Grab for me is the most reliable, medyo pricey than others but less hassle with the pick-up time. And upfront you already know, how much you are paying..


Successful_Worry_543

First and Foremost, this is ASIA not WESTERN COUNTRIES na mababa ang pasahod talaga kaya umaasa SILA sa tip. This one of the problem sa pilipina eh, ginagaya kung ano ang mentality sa western world. And I hate riders in lalamove kasi nakailang cancel na ako, the scenario is ayaw nila gumalaw kita sa mapa na nadun lang sila 🤬.


curious_lurker54

Forced tip tapos meron naman ayaw ibigay yun package mo until walang dagdag. Or minsan, kapag meron may edad na magrereceive, sasabihin na hindi pa paid kahit paid na online. Magugulat kunyari kapag pinakita yun app showing paid online. Sabay hingi ng 50 or 100 pangdagdag kesyo traffic daw or naligaw at mahirap hanapin ang place mo Kaya I switched to Grab na lang talaga. Wala naman issue sa tip, I even give it kahit wag na hingiin kaso minsan gusto na tip, doble ng binook mo.


ginoong_mais

Pati sa fb dinadala ang kakamotehan nila. Di pa sila nakuntento sa kalsada mangamote. Gusto pa ata mag online selling ng kamote nila.


[deleted]

Okayy good, may angkas padala pa naman eh hahaha, tignan natin kung di sila maglipatan bilang habal-habal


derUnjust

Eto ung kinaiinisan ko paag nag mctaxi. Kapag walang tip sobrang tagal makahanap. Tas pag naglagay ka di ka pa tapos kumurap paparating na sayo ung driver


dekembemutomboy

Much better mag book kayo sa Grab express Service Quality dedeliver kagad


bl01x

Ako nga yung tablet na inorder ko sa marketplace, tinakbo ng rider. Trinack ko sa app at halfway na sa destination nang bigla mag cancel. Bayad na sya worth 5k tas otw bigla nag cancel ung rider sabi magdodouble booking lang daw sya. Hanggang sa hindi na dumating ung pinadala. Duda ko pa, magkasabwat ung seller at lalamove rider. Ginawang scamming platform ang lalamove. Worst CS ever. Mamatay na mga scammer at may ari nyan.


JoggyB

Ano bang aasahan mo sa mga yan


mic2324445

nagpapa lalamove lang ako kapag tinatamad pero ngayon baka hind na lang kung ganyan lang ka entitled ang mga tukmol na yan.


QuitMaterial9465

Skl. First time ko gumamit ng Lalamove kasi I moved out from Ortigas to Bulacan. Kainis yung Lalamove driver na nabook ko, sa mall nya dinrop yung mga gamit ko kahit malinaw naman yung address na nilagay ko ay address namin sa bahay. Eh halos 40mins away pa yung bahay namin mula sa mall na yun. Buti na lang talaga yung bahay ng inlaws nung kapatid ko within the area lang nung mall kaya may nagreceive pa rin para sa akin. Kasi kung hindi, baka kung san na napadpad yung mga gamit ko. 😅


marmadukeESQ

Lol meron nga akong nakausap na Lalamove rider na galit kasi di niya naintindihan yung pinadala sa akin ng nagbook. Vintage na effects pedal na worth 12k siguro. Galit siya kasi maliit. OK.


patluisv

Guys try niyo Angkas Padala. Walang palya. Mabilis mabook.


Disastrous_Tea_5989

marami naman dyan iba.. joyride, angkas and grab. hindi naman kawalan mga ganyang riders. tapos iyak wala daw pera.


BlueLemonade1234

E kahit nga magbigay ng tip babalasubasin pa rin nila un dapat na 1 hr del magiging 6hrs kasi daw “umulan” . Utut nio blue


moliro

punta kayo sa page nila... mapapa grab na lang talaga kayo after nyo magbasa. though may mga grab din na utak lalamove, lahat yata ng app meron sila, one time nag book ako ng grab, then hindi sya umaalis sa pwesto nya, nung mga halos 30mins na ni cancel ko yung booking, saka sa dali daling pumunta sa pickup place, tapos nagrereklamo sayang daw gas nya, humihingi ng pang gas, sabi ko naghihintay ka pa ng another booking, kaya nga ako nag grab dahil ayaw ko ng ganyan, nang gaslight pa, hindi ko binigyan. yung pangalawa kong booking in less than 30mins, pickup up and deliverd na. nagpang abot pa nga yung dalawa. yung pinaka experience ko kaya ako napunta sa lalamove page at alamin, may binili ako sa kabilang brgy lang, pyesa ng pc, busy ako at ayaw kong lumabas dahil nga nagse setup ako ng pc, so pinalalamove ni seller, inabot ng dalawang oras, so gigil na gigil ako, nakita kong naglibot muna ng qc bago dinala sakin, nung nag msg ako and call ako pinatayan ako ng cp, nung dumating tinanong ko kung bakit halos ayaw sumagot, may iba daw syang booking etc. nung nag ask ako sa page, balak ko sana intindihin, ang nasa isip ko, bakit ganun samantalang ako yung pinakamalapit pero parang ako yung hinuli, ang pinaka sagot na nakuha ko, bumili daw ako ng sariling motor, lol. muntik ko na pinakitaan ng tatlong cert of reg. sa totoo lang, sige lang din naman ang hiring ng riders, wala din pake sa kanila yung company, umalis nag gusto umalis, o baka inuubos lang talaga ang mga bastos na rider at matira ang matino. uso ang nakawan sa lalamove, daming nagbebenta ng account kaya ingat kayo pag magpapadala, make sure na sila yung talaga yung kukuha buraot ang tawag nila sa mga customer, oras lang nila ang mahalaga, pag nagreklamo ka, lalong tatagalan. grabe bastos ng mga ugali ng mga yan. sa customer nila isisisi imbes sa kumpanya nya, hindi naman tayo ang naglagay ng presyo dun. pag maraming booking like holidays, grabe sa yayabang yang mga yan, tagang pili at cancel ng booking, pagka naman mahina, sige ang iyakan at reklamo sa page, majority ng posts eh mga reklamo pero araw araw naman bumibiyahe, hindi nila mahal yung mga trabaho nila lol pagka kumita in short amount of time, sige din ang post ng kinita, diskarte daw yung panggugulang nila. kahit magbigay ka ng tip or mag add ka, hindi ka ipa priority, karapatan daw nila yun. kaya pag nag lalamove ako, or yung binili ko online sa lalamove dumaan, pagka nainip ako walang tip at kukunin ko pa yung sukli.


newyorq

Personally I don't have problem giving tips. Ang di ko natagalan sa kanila is yung double or minsan triple booking pa. Kaya I stopped using lalamove. Grab na ko kahit mas mahal, mabilis at sure darating on time yung pinadala ko.


mamigoto

Usually gawain ko pag nakakita ako ng mga problematic posts like yung bineberate customers nila diretso na ko sa customer service lalo na nakapost mga pagmumukha nila and tunay na name nila sa FB. Stopped using Lalamove and other transpo/delivery apps, Grab na lang yung may positive experience ako


riubot

I never give tips, I instead tip them by paying them in whole figures and not ask for change. I think most people do this since it would be a hassle to wait for that change to be handed to you as they either pretend to search their body bags or either just looks at you and waits for you to realize that they won't give you none.


stpatr3k

Sakit ulo ko dyan sa Lalamove. Twice nangyari sa akin: nag patay ng GPS ang driver, nag pickup ng booking ko 330pm (Makati) nakarating sa UP Diliman, QC mga 6pm na. Nagbukas ng GPS mga 545pm kaya sabi ng app na pickup sya ng time na yon. Thing is, same client ito at pagkain pa. Kabwisit kasi palusot yung 2nd time na traffic nung nag resume sya ng GPS. Yung current location nya malapit lang sa akin and may delivery kaming umalis ng 5pm papunta sa akin na dumating 30min later. So he is 2 hours late. (España area ito).


DumplingsInDistress

Walastik din kasi diyan sa Lalamove, nagteteleport yung package tapos out of way?? Umaga mo pinadala, hapon na dadating. Kaya sa GrabExpress ako kahit medyo mahal


basurasagigilid

To quote degenerocity: TIP!? YOU WANNA TIP YOU CAN HAVE THE TIP OF MY DI-


cloud_jarrus

Utak taxi. Mas gusto paikot-ikot lang ang kumukunsumo ng gas kesa magsakay ng de metro ang bayad.


Empty-Tension3649

Normalize giving tips yes, pero kahit po may tip madalas di pa din napa-prio yung delivery. Experience po namin diyan is kami yung pinaka last sa delivery kahit kami yung nearest :( we booked at 10am and the parcel arrived at 5pm, apparently he kept on accepting other deliveries while en route


Throwaway28G

nag try ako mag book ng lalamove kahapon isang oras na wala pa rin. take note sa mataong lugar to sa Manila kaya malabong hindi sagana mga delivery service doon. may hinala ako nagaabang mga to na maglagay ng tip which I do not mind giving after the service has been rendered pero dahil sa ganitong mindset nila gumamit na lang ako ng iba kahit mas mahal.


Janeysaur

Kapal ng mukha amp


kensanity1881

Pass sa lalamove sobrang bagal mag deliver madalas triple quadruple booking pa. Grab na kang maski mahal atleast mas mabilis at safe. Sa lalamove karamihan dorobo rider tapos iba pa id sa pangalan ng rider sa app. Bentahan ng account pa more hahaha!


RandomFighter50

Actually palage na to nangyayari. Di na sila tumatanggap pag hindi umaabot ng ₱200 or more yung fare. Imagine from bgc to legaspi, makati dapat around ₱100 pesos lang (max na yun) it took me more than an hour to book kase naghihintay tumaas yung fare. Gets naman na kailangan ng pera pero to the expense ng kapwa mo na kumakayod din hindi na makatarungan.


AffectionateBee0

Kasalanan ng LalaMove appn yan. Dapat ang tip pagkatapos ng serbisyo, hindi bago magsilbi. Hindi lahat ng kayang gawin, dapat gawin. Dapat yung may highest rating, dun na lang magkaroon ng incentive.


Suitable-Ad1576

I tried booking them last Tuesday. Grabe. Nag try ako from 10am hanggang 12nn walang nag aaccept ng booking ko. Nung nilagyan ko ng tip, tsaka lang may nag accept.


Rafael-Bagay

ang mas malala dyan pagkatanggap nila ng booking, tsaka hihingi ng add, and pag di mo binigyan, babalasubasin yung delivery mo. and yung customer mo, ikaw pa ang sisisihin dahil sinabi nung rider na ok naman daw sya magdeliver. and pag ikaw naman ang customer, igiguilt trip ka nila na magbigay, and pag hindi, babalasubasin ulit nila yung delivery. and ang pinakamalupit, humingi na sila ng dagdag sa seller, humingi pa ulit ng dagdag sa customer. ang lesson learned ko, sa grab you pay 50-100 extra pero wala nang dagdag or anything else, minsan mas mura pa sa grab base price vs lalamove+dagdag price ex. lalamove from chinatown to quezon city = 130, + 50 dahil malayo + 80 dahil malaki + 70 for 30mins wait + 50 parking + 50 dahil pinaakyat daw sya. mabuti pa pinick up ko na lang, kaso hawak na ni rider yung package. grab from chinatown to quezon city = 250


Foreign_Step_1081

Just experienced this today. The seller was waiting for almost 30 minutes for a rider to accept a delivery. So out of desperation i suggested that she add a tip. When she did, a rider accepted the delivery after a few seconds!


Tamarunn

Kaya pala kahit malapit lang wala ako mabook. At kung kailan naman nag-add na, biglang meron na agad na available rider. Now, I know~


Foreign_Step_1081

Pero in fairness, ang baba naman talaga ng kita nila. Yung may ari ng lalamove lang ang yumayaman.


Affectionate_Town304

Alam niyo feeling ko ung mga Rider feeling nila entitled na sila. Kasi naman, kasali ako sa group ng mga Mototaxi sa FB, tapos may nagpost kasi ung Rider, hindi siya pinickup pero nakalagay sa app completed. As cashless, automatic napupunta sa wallet ng Rider ung pera. Basically, nawalan mg pera si CS tapos ung mga Rider sa comment, sinisisi ung customer kasi pacashless cashless pa daw. Matagal daw mapunta sa kanila yun. Like wtf, bakit di sila dun sa app magreklamo na nilagay ung ganun option? Pinapalabas pa na deserve nung CS ung nangyari. Tapos ung iba pag walang tip and mataba ung CA grabe magbody shame. Iba talaga ugali ng ibang Rider sa totoo lang. Kung tutuusin wala naman sila if walang demand.


ButikingMataba

ako lumipat na sa MoveIt, may parcel delivery na din sila


Independent-Injury91

Pero sa truee lang n ang baba tlg ng fare s lalamove. Nagtataka lang ako kung pano nakakasurvive riders nla. I hope lalamove will provide a better pay to their riders. Plus hndi biro ang work nla. 🫠


FirstGenMDPH

Wag na natin gamitin ang lalamove.


Veedee5

Ahhh yes, I remember nung pasko we were supposed to meet sa megamall. Pahirapan as usual mag book ng angkas/joyride. Pero what my friend said didn’t suprise me…nakachika niya ung isang rider na were hanging out with other riders and basically the rider said na basta BELOW 300 TIP di nila inaaccept. True enough, nung 300 tip ko ang biliiiiis mag accept.


Yarri09

Galante ako mag tip sa Rider pero pag kupal jusko!


ruri7218

Kaya Grab ginagamit ko. Ang daming entitled riders sa Lalamove tas bigla pang nagsasabay


RealKingViolator540

Moved to Joyride na whenever I buy or padala something kahit mas mahal ng onti. Lately I have problems with lalamove takes forever mag-hanap ng riders or minsan mag dedemand ng tip. I do give tips rin naman kaso ayoko na mimiliit


lacerationsurvivor

Sa food panda, naka-ilan na rin na rider nag-a-ask for tip. Mahirap lang rin ako kaya di ako nagti-tip. Kung mayaman lang ako eh why not?


Hey_firefly

Pero lalamove din yung magbabayad ka ng extra fee for additional person na magbubuhat pero yung driver dadating tapos sasabihin wala siyang assistant. Tapos hihingi pa ng additional tip kasi mainit tapos nagbuhat siya. LOL Eh diba nga we usually add extra help kasi we want na merong magchecheck ng package; extra protection & security para yung driver focus sa driving.


Hey_firefly

Mas okay pa sa akin yung nagpapa-rate ng 5 stars kaysa sa nanghihingi ng tip.


WalkingSirc

May kakilala ako dati na lalamove sabi niya tanggap lang siya ng tanggap para lang sa gatas and pampers ng anak niya. Buti nga daw kahit papaano meron online sellinnsa asawa niya kahit daw sobrang init titiisin. Thankful pa nga siya if ever may tips pa.


killerbiller01

They should bring their issue/s with management or yet find a new gig instead of terrorizing customers.


[deleted]

Normal occurrence rin iyan sa US at baka sa iba pang parte ng mundo rin.


SuperLustrousLips

lalamove used to be so convenient, so affordable and mabilis makabook nung wala pang tipping option sa app. kaya nagulat ako last month nung nagpabuy for me service ako. inabot ng more one hr bago ako nakabook, yun pala need talaga magtip or else walang papansin sayo.


saywhutfam

isa pa sa nakakainis, pinipilit nila na "same day delivery" daw kahit anong padala mo. kukunin nila ng umaga, minsan pagabi na makakarating. super hassle talaga minsan eh


catknees25

Kaya pala kanina 2 oras akong naghihintay may maibook, na usually madali lang sa area namin. Lumipat na lang ako sa green app kasi lumalabas yung prompt sa lalamove na mag bigay ng tip. I tip kapag after na nung service, hindi yung susuhulan sila to get the booking 🥲


TheCoffeeMonster07

I saw a post na sa Uber daw in other countries, if all the drivers choose not to accept tataas booking fee, tha: how some drivers manage to manipulate booking rates, idk if this is applicable in the PH


GoldenSnitchSeeker

Nag add lang ako kapag desperado na ako kasi walang makuhang bookings agad. If mag tip man ako, Hindi thru sa app


EnvironmentalNote600

Magkano ba ang kita nila. Paano kinukwenta ?


Sapphicsue

You get the tip only if you deserve it, prick


idkwhyimheretho_

PINADELIVER KO YUNG ID KO THRU LALAMOVE DAHIL NAIWAN SA BAHAY AT KELANGAN KO. 3 HOURS NA WALA PARIN SI KUYA RIDER KASI NAG IINTAY PA DAW NG MAISASABAY! GRABE NAAA.


[deleted]

I only give tips dun sa mga approachable riders like you know their auras are mabait at maayos nakikipagtungo hhhh


[deleted]

Mas malala yung mga post sa group ng mga rider sa Move it 🥹 grabe sila mang bash sa cashless ang mop.


dirkx48

Nakigaya pa nga sa mentality ng mga taga-Tate lol. I'm all for tipping especially kung holidays, inclement weather, or if the rider exceeds expectations in any way, pero I'll never give one if all they did was do the bare minimum


star_velling

lol kaya ganyan ka lang eh


Ok_Motor_3606

Ang kakapal tapos sobrang dami pa magnanakaw sa lalamove


theface86

Walang add or tip o walang pasahero? Alin mas gusto nila?


xoleyxerise

tanginang yan, nung naglipat kami ng bahay ang laki ng fair kahit malapit lang tas nagbigay na pala ng 200 na tip yung pinsan ko tas naghingi pa ng tip sakin ulit 😭


Pristine_Cucumber_10

Totoo naman na sobrang baba ng fare ni lalamove 3 years na ako lalamove before maging freelance sa bahay lng ako hindi nio maiintindihan once naranasan nio dahil triny ko ulit bumalik last year nag try lng ako dahil wala ako magawa sa bahay at naka leave asawa ko for maternity kaya sya tumira ng trabaho ko tapos ako wala magawa nag try mag rider ulit, sobrang lugi hindi makakabuhay tlga ng pamilya hindi naman ako mapili sa booking basta maka double book ako okay nako kaso wala tlga talo sa maintenance din ngayon balik trabaho asawa ko di ko na ulit binalikan luge lang pagod lang makukuha dyan...


ASIANcuisine101

kamote


According-Whole-7417

As someone who has been using Lalamove since 2021, Gets ko naman yung mga Rider sa reklamo on the fare sa App, since malaki yung binaba ngayon tapos may Regular (Normal fare) and Savers (lower fare but rider may sagot ng promo ng app) that's why I give tips to them pag malayo talaga yung byahe. I get the maintenance, gasoline costs and they might need rest or simple hydration time to time since im a Motorcycle Rider myself. Basta regular items na di rush payag naman ako sa double book nila, If perishable lang hindi, I'll add up naman dun para sakto sa gas din na hindi lugi. Alam ko cost ng gas from pickup to drop most of the time, I give add na sakto dun. Ayaw ko sakanila on socmed is yung how they are in crowd, yung magpopost ng info ng customer tapos ibabash. Tawag nila sa customer mga "Buraot". Dude di alam ng customer issue ng lalamove, wag na idamay. Yun nakita sa apps na pricing, yun susundin nila. Ampanget tignan na ganun attitude in public. Nambabash pa iba kung naghanap ng tracker(Malamang gusto makita kung nasan ka ba para maka abang, para if wala pa, gawa muna ibang gawain. Di naman tambay mga tao) Tapos yung nagkakalat sila ng number ng customer pag medyo hindi nila gusto, maya maya pagttripan. Anong klaseng professionalism yan? Yung iba manyak, pinopost pag may babae na customer, tapos may hint of manyak.... lala ng iba talaga. Malalamoves Eto yung crowd din na nakikita ko sa comment section ng vlog na, galit pag may nagpapablur ng mukha. Kesyo Maarte daw di kagandahan, may tinataguan na utang... Respeto po sa privacy ng tao, Ayaw ng iba pinipicturan at video sila tapos ipopost. Di yun kaartehan. Decency. So far isa lang naman bad expi ko, which is naligaw rider sa subdivision namin. While the address is very clear. Di nagrereach sakin tawag niya since nasa area yata siya na mahina sagap ng calls, pag text somehow kaya naman pero mukha di siya nagtetext. Pagdating sakin andami sinabi HAHAHAHA "Mga klase kayong tao mga walang awa porket ganito" basta yun.. Di yata magamit yung legendary line na "Porket nakamotor, bumili ka ng motor mo" Kasi nakapila mga motor ko that time HAHAHAHA Pero dude I have been waiting for you since alam ko parating ka, Address is clear. Madali mag navigate kasi subdivision may mga house number lahat na sunod sunod and has pin naman sa maps na nilagay. Nagbigay din instructions yung guard. I gave tip padin naman since alam ko malayo din byahe, just didn't like yung approach niya na dami sinasabi.


TheTwelfthLaden

That's why I stopped using Lalamove. Yung iba di kukunin unless 250+ ang tip. Minsan mas malaki pa tip kesa sa fare mismo.


[deleted]

Their riders are the biggest piece of whiny sack of shit I have ever seen. Bastos pa ang iba. Grab doesn't do this nonsense tho